$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Rye on Bread (Part 4)

By: Yosef Guzman Biyernes. Nauna akong nagising kay Rye. Alas-singko y medya pa lang ay mulat na ako. Hindi na ako inantok ulit. Nakamasid l...

By: Yosef Guzman

Biyernes. Nauna akong nagising kay Rye. Alas-singko y medya pa lang ay mulat na ako. Hindi na ako inantok ulit. Nakamasid lamang ako kay Rye. Nakaharap sya sakin.  Nakatitig lamang ako sa kanya hanggang sumilip na ang araw at hanggang sya na rin ay magising.

"[Humihikab habang nag-uunat] Kanina ka pa gising, Sef?" Ang sarap nyang tanawin.

"Hindi naman masyado, insan," pagsisinungaling ko.

Bumangon sya at naupo sa kama tsaka luminga-linga nang bahagya. Yun bang 'loading' moment pagkagising. Hindi ako nagbago ng pwesto at nakamasid pa rin sa kanya.

Hinampas nya ako bigla nang medyo may kalakasan sa hita kaya napa-'Aray' ako nang mejo may kalakasan ang boses.

"Siraulo ka kagabi, minolestya mo ang kamay ko", nakatangin sya sakin nang winika yun.

Hindi ako nakapagsalita at napatitig lang sa kanya.

Nag-iwasan din kami ng tingin... yung tipong ayaw nyo nang pag-usapan pa ang nangyari. Pumaimbulog ang panandaliang katahimikan.

"Ligo na tayo, Sef", hindi na sya lumingon pa sakin para magtama ang aming mga mata at dali-daling bumaba mula sa kama at nagsimula nang ihanda ang mga gamit sa pagligo.

"Mauna ka na...", malamya ang pagkakasabi ko. Hindi pa rin ako kumikilos kaya nakatalikod ako sa kanya.

Hindi na siya kumibo pero narinig ko syang humikab pa ng malakas saka binuksan ang pinto at naglakad papalayo upang tunguin ang banyo.

Napako lamang ang tingin ko sa dingding. Alam kong wala na sya sa aking likuran. Sa totoo lang, nawiwindang na ako. Alam nya ang nangyari kagabi. Paano ko pa siya papakisamahan? Nag-aalangan ako. Baka may magbago... at ayaw kong mangyari yun.


Naabutan ko sina Rye at Manang Maryang nagkukulitan sa kitchen. Saka lamang kasi ako naligo nang matapos nang magbihis si Rye. Naroon na rin pala si Kuya Randy na pagkaminsa'y nakikitawa sa dalawa. Kararating lamang pala nya kaninang madaling araw.

"Oh, masarap daw yung tulog mo kagabi ah?", nakakaasar ang ngiting suot ni Aling Marya.

Napatingin ako kay Rye at nakita kong bumubungisngis sya habang nakatingin sakin. Uminit ang dugo ko. Sa totoo lang napikon talaga ako sa bungad nila sakin.

Tumuloy ako sa loob, isang mapait na ngiti lang ang naiganti ko kay Aling Marya. Sumaglit ako sa kinaroroonan ng mga kutsilyo (na gusto kong isaksak sa kanilang dalawa nung mga oras na yun dahil napakagaling nilang manira ng araw) tsaka nagsimula nang maghiwa ng mga nakahaing gulay sa lamesa

"Ay... bad mood!", humagikhik ulit sa Aling Marya. Nakita ko ring tumawa ang aking pinsan at may pang-aasar ang pagtitig nya sakin.

"May regla yata si Sef, te", si Rye.

Saglit ko siyang tiningnan at nagpatuloy sa paggayat ng patatas. Galit na ako nun kaya makakapal ang pagbalat ko sa patatas --- with feelings.

"Naku Rye, trabaho na. Baka mapikon pa yang isa. Hindi yata maganda ang gising", seryoso na ang tono ni Aling Marya. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko natatanaw ang reaksyon nya.

Hindi na rin kumibo si Rye. Si kuya Randy naman ay lumabas saglit habang hinihintay na umalsa ang pandesal na ginagawa nya na pinag-utos daw ng aming amo dahil gusto nitong subukang magbenta nito sa pwesto. Nasagap ko lamang habang naghuhuntahan sina Aling Marya at Kuya Randy habang tahimik kaming nagbabalat ng mga sahog ni Rye.

Natapos kami sa trabaho ng aking pinsan na hindi nagkikibuan. Si Aling Marya naman ay alam kong instinctive na nag-oobserba sa amin (o sa akin lamang siguro).

Walang paalam akong lumabas matapos gayatin ang lahat ng kakailanganin sa pagluluto. Lumabas ako ng compound at tumambay sa may malapit na tindahan upang manigarilyo.

***************************************

Bandang hapon na nang matapos kami ni Rye sa mga iniutos saming gawin. Naglinis kami sa kusina, tinulungan si titong mag-imbentaryo, nagbuhat ng mga lumang silya mula sa Pizzeria at itinambak sa storage dahil papalitan ng mga bagong bili.

Nagawa namin lahat ng yun nang hindi nagkikibuan. Inis pa rin kasi ako dahil sa nangyari kaninang umaga. Mas naiinis pa ako dahil ni hindi man lang siya nag-effort mag-'sorry'. Halatang guilty sya sa pinagsasabi nya kay Aling Marya. Hindi ko tuloy alam kung bakla na ba ang tingin nila sa akin. Kaya nung magyaya si Ikay sa pizzeria kanina ng inuman kasama daw ang tropa niya sa labasan mamayang gabi, agad akong um-oo. Hindi nya niyaya si Rye dahil alam nyang di naman ito umiinom at hindi pa rin kasi nila siya masyadong ka-close.

***************************************

Pagkatapos kong maghapunan kina tito ay  nagpaalam akong pupunta muna sa labasan. Gaya ng dati, pinaalalahanan lamang ako ni tito na wag magpakalasing (alam niya kasing araw-araw namang may inuman sa labasan). Dinaanan ko lang si Rye at hindi ko pa rin pinansin.

Labasan ang tawag namin sa maliit na squatters area sa tabi ng compound. Pader lamang ang pagitan namin sa kanila. Pag-aari din ng aming among dayuhan ang lupaing kinatitirikan ng mga may trentang bahay doon. Halos lahat ng mga tagarito ay namamasukan din sa iba't ibang negosyo ng aming amo. Sa kwento sakin ni tito, mga biktima daw ng sunog ang mga naunang tumira dun dati, naawa ang matanda naming amo kaya inalok ng pansamantalang mapagtatayuan ng bahay ang mga humingi sa kanya ng tulong. Hanggang sa unti-unti na lamang silang dumami at mukhang wala nang nagawa ang dayuhang matanda kundi sapilitang i-'donate' na lamang ito sa mga tagaroon kahit wala naman talagang pormal na kasulatan.

Agad akong sinalubong ni Ikay at nang iba pa niyang barkada na nakilala ko na rin dati sa mga beer session. May ilang mga bagong mukha na kasing-edaran din lamang namin. May nagwawala na sa videoke. Medyo amoy alak na rin ang mga hininga ng mga kumag.

Pinakilala ako ni Ikay sa mga hindi ko pa nakilala. Pansamantala kong nakalimutan ang inis ko mula pa kaninang umaga. Ang sarap ng tawanan. Yung galawang iskwater. Maiingay na mga garapal magsalita at magbiruan pero mababait. Dito nga nagbago ang pananaw ko sa mga taong nakatira sa iskwater areas. Hindi naman komo iskwater ay mga manggagancho at snatcher na agad.

Iisang basong umiikot ang kalakaran dito at ang laging bidang alak ay Empoy (wala pang Lights version dati) na pagka minsan ay tubig lang ang kasabay. Buti na lamang at ngayon may malamig na iced tea na kasama. Marami ding chichiriang pulutan at may nagluto pa ng sisig. Mga pang-anim na ikot yata nung nagsimula akong mahilo. Bukod sa alak, medyo nalasing din yata ako sa  amoy laway nang basong ginagamit sa tagay.

Nagsimula na ring naging mapusok ang mga usapan. Napunta na sa sex. Naparami na din ako ng yosi na nakadagag sa pagkahilo ko nang biglang magsalita ang isa sa mga tropa naming lalaki na mukhang sabog at sa totoo lang mapagkakamalan mong snatcher.

"Sef, kiss mo nga si Ikay! Dali na walang malisya!", nagsimulang magtilian at magkantiyawan ang iba pang kasalo namin.

Napailing lang ako saka nilagok ang inihain saking shot glass na may karga ng alak. Narinig ko pang tumatawang nagpoprotesta si Ikay sa paligid.

"Mga baliw, wag na uy!", nakatawa kong sabi.

Sumabay na naman ang ingay ng mga nangangantiyaw at nang-aasar pero nanahimik lamang ako at ngumiti. Nakita kong nakangiti ring tumitig sakin si Ikay na medyo namumungay na ang mga mata na tinanguan ko lang. Namatay din ang panunukso samin ni Ikay at iba naman ngayon ang pinunterya ng mga kumag. Meron pang kumagat sa dare na torrid kissing kaya nagtawanan ang lahat. Sa totoo lang sumakit din ang tiyan ko sa kakatawa.

Bandang alas-diyes na ng magpaalam ako sa tropa. Marami na din kasing tumakas at nasa anim na lamang kaming natitira dun kasama pa rin si Ikay. Pinigilan pa nila ako dahil magwa washing pa daw kami ng beer pero tumanggi na ako at naglakad papasok ng gate ng compound kahit na naririnig ko pa rin ang ilan na nang-aasar na mahina raw ako sa alak at wala raw akong pakisama na hindi ko na lang pinansin.

Natuwa talaga ako sa inuman at kahit paano'y gumaan ang pakiramdam ko.

***************************************

Pinagbuksan ako ni Rye ng pinto dahil naka-lock na yun nung dumating ako. Diretso akong pumasok nang hindi ko siya tinitingnan at padapa akong humiga sa aking kama para matulog.

May limang minuto na rin akong nakahiga at pilit na kinukuha ang aking tulog nang magsalita si Rye mula sa itaas ng kama.

"Sef, lasing ka?" Malumanay ang kanyang tinig.

Hindi ako kumibo. Hilong-hilo ako.

"Sef, sorry na kanina..."

"Tang-ina mo, gago ka!" Agad ko na siyang pinutol. Naalala ko na naman ang pangaasar nila sakin kaninang umaga.

Katahimikan.

"Tangna, ilalaglag mo pa ako sa ibang tao tangna ka!" Pinilit kong tumayo para harapin sana si Rye dahil nanggigil na naman ako pero hinang-hina na ako nun.

"Hindi naman yun gaya ng iniisip mo, Sef." Malumanay pa rin sya.

"Eh ano pala? Gago ka!" Malakas ang loob kong magmura nang mga panahong yun dahil sa tama ng alak. "Magpinsan tayo tapos gaganunin mo ako?"

Hindi siya ulit umimik.

May parte rin sa utak ko na nag-iisip pa rin ng matino. Sa totoo lamang naman kasi ako ang may sala. Ginamit kong pangjakol ang kamay niya kagabi pero kung sinabi niya talaga yung nangyari kay Aling Marya, nakakabwiset naman talaga. Para kasing nilalaglag niya ako sa ibang tao.

"Hindi naman kita nilaglag!" Medyo tumaas ang tono nya. Mukhang naimbyerna na saking kalasingan si pinsan.

Naramdaman kong tumalon siya mula sa itaas ng kama saka hinila ang monobloc sa may kung saang parte ng bahay at naupo. Dahil nakadapa pa rin ako at nakapaling ang ulo ko sa pader, hindi ko siya nakikita at tanging 'gago' lang ang nasabi ko sa kanyang tinuran.

"Sef..." Alam kong nakaupo sya sa aking bandang likuran. "Sorry na, insan."

Ipinaling ko ang aking ulo sa kanyang direksyon. Nakita ko nga syang nakaupo sa monobloc at nakatingin sakin. Nagtama ang aming paningin at hindi ko yun binitiwan.

"So ano pala ang tinatawanan nyo kanina?" Alam kong galit ang titig ko sa kanya.

"Hindi naman yun tulad ng iniisip mo. Hindi kita nilaglag. Tsaka hindi ko naman sasabihin mga sikreto natin. Poprotektahan kita kasi pinsan kita kahit anong mangyari!"

Hindi rin siya bumitiw sa pagtitig sakin. Mas lalo akong nanghina. Ang sarap kagatin ng mga labi nya kesehodang magkagalit kami. At dahil hindi ako umimik, nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Ang sinabi ko lang naman kay Aling Marya malakas yung ungol mo kagabi habang natutulog. Hindi ko naman sinabing magkatabi tayo o kaya pinangjakol mo kamay ko. Syempre... MAHAL KITA!"

Mahal Kita. Tang ina. Tama ba yung narinig ko?

Napalunok ako. Nakatitig pa rin sya sakin. Sa mga narinig ko, gusto kong malusaw. Naging paranoid lang pala ako masyado. Ako pala yung gago. Tang ina. Mahal pa nga daw nya ako eh.

"Oh ayan na ha, peace na tayo. Papatayin ko na ilaw tulog na tayo." Tumayo na nga siya't pinatay ang ilaw saka umakyat siya sa kanyang kama.

Wala pa rin ako sa katinuan. Mahal ako ng pinsan ko. Gusto kong sumigaw. Ang sarap sa pakiramdam. Nawala na lahat ng inis ko sa kanya. Bad trip, gusto ko siyang gapangin at siilin ng halik pero hilong-hilo ako. Basta, mahal nya ako. Dalawang salita lang pala ang pamasahe patungong alapaap. Feeling ko ako si Darna. Tangnang puso to ayaw paawat sa paglundag.

MAHAL KITA...

Ano nga kayang ibig sabihin ni Rye? Mahal niya ako... pero sa anong konteksto?

Kadiliman.

ITUTULOY...

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Rye on Bread (Part 4)
Rye on Bread (Part 4)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjXoaTq0mTAGzkmXEstgLT5RdbPgBeRoTnEZq9d-byEh42Sh-fg6Xzkh_iSlU8uqvi6q97xtLkuCaazBWdUST-6YVqSH5CpWbgWFAdrSWei03TutFlD9fUMaZIQwVHBNgeUYvn0MeoxWJty/s400/11821316_419656194901210_1116670824_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjXoaTq0mTAGzkmXEstgLT5RdbPgBeRoTnEZq9d-byEh42Sh-fg6Xzkh_iSlU8uqvi6q97xtLkuCaazBWdUST-6YVqSH5CpWbgWFAdrSWei03TutFlD9fUMaZIQwVHBNgeUYvn0MeoxWJty/s72-c/11821316_419656194901210_1116670824_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/12/rye-on-bread-part-4.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/12/rye-on-bread-part-4.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content