$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Torchwood Files (Part 20)

By: Torchwood Agent No. 474 Note: Sorry, friends. Tinamad ako this past few weeks. Hahahahahaha. Ui sorry nga po pala sa long delay ng updat...

By: Torchwood Agent No. 474

Note: Sorry, friends. Tinamad ako this past few weeks. Hahahahahaha. Ui sorry nga po pala sa long delay ng update. Di napo-post ni admin ang kwento ko. Nakakalimutan niya ata. Salamat po sa pagpapasensya at sa patuloy na pagtangkilik sa TF story ko. MARAMING SALAMAT PO!
NARRATOR’S POV:
     “Kuya? Anong lugar ‘to?” Bakas ang panginginig sa boses ni Samuel, para bagang may kaharap siyang isang halimaw na papatay sa kanya. “Kuya!? Ano ‘to!?!” Ulit niyang pagtanong.
          Hindi magawang lingunin ni Master si Samuel. Hindi niya aakalaing masusubsob sila sa ganito kalaking problema. Maraming mga tanong sa kanyang isip na nagmamadaling magkaroon ng mga kasagutan sa mga oras na ‘yon. Napakagat na lang siya ng labi.
          Nilingon ni Master ang paligid. Kakaibang-kakaiba siya sa lugar na pinaggalingan nila.
     “Kuya! Sagutin mo ‘ko. Asan po tayo?” Nagsisimula nang tumulo ang mga luha ni Samuel.
     “Hindi ko alam, Samuel!” Nag-aalala ang tono ni Master nang sinagot niya ito.
     “Nako! Paano na ngayon ‘yan, kuya? Anong gagawin natin?” Mas dumarami ata ang mga tulo ng luha sa mga mata ni Samuel. Napahawak siya sa braso ng kanyang kuya.
     “Kumalma ka lang! Gagawa ako ng paraan.” Tanging sagot ni Master sa kanyang kapatid.
     “Paano po!?!”
     “Ewan! Di ko pa alam! Basta gagawa ako ng paraan. Makakaalis tayo rito. Basta!” Wala nang ibang masabi si Master, pinipigilan na rin niyang umiyak dahil sa takot.
          Ayaw sanang bigyan ni Master ng false hope ang kanilang mga sarili ngunit alam niyang pag-asa lang ang makapagbibigay sa kanila ng lakas ng loob. This is a one big jump into the unknown. Pati siya ay hindi rin alam ang gagawin.
          ‘KIDOI!’ Biglang sabi ng kanyang isipan sa kanya. Agad niyang kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa habang dumidistansya siya kay Samuel.
     “’Wag kang aalis dito. Titingnan ko kung may signal. Subukan kong makatawag sa mga kasama natin.”

     “Hala! Paano po ‘yan, kuya? Basa cellphone mo. Diba galing tayo sa ilog kanina?”
     “Gagawa ako ng paraan! Basta tumahimik ka muna!”
          Mabilis pa sa alas kwatro ang kanyang galaw; agad naglakad ng mabilis si Master. Sa sobrang bilis ng kanyang lakad ay hindi niya napansin na madulas pala ang lupang naapakan niya! Na-slide si Master kaya aksidenteng natapon niya ang kanyang cellphone sa malayong lugar, sa lugar na hindi na n’ya ata mahahanap!
BLLLAAAGHAHHH!
          Isang masakit na pagbagsak sa lupa ang natamo ni Master. Agad na tumulong si Samuel para makatayo ito.
     “Kuya! Ayos ka lang po ba?”
     “Oo ––– Teka... ANG CELLPHONE KO!?!”
     “Kuya, nakita ko po aksidenteng natapon mo sa malayong lugar. Ewan ko na po kung asan siya. Nakalimutan ko asan bumagsak ‘yun eh...”
     “PUTANG INA! SIGURADO KA!?!”
     “Opo...”
     “PUTANG INA! ‘Yun lang ang taning paraan para makaalis tayo rito! Kung wala ‘yun pwede tayong mamatay dito! Dapat mahanap natin ‘yun!”
          Habang nagaalburoto si Master ay hindi niya napansin na tuluyan na palang bumigay si Samuel at napaiyak na ng husto. It took him a while to realize Samuel’s reaction, kaya natagalan siya ng bahagya bago nanahimik. Nagkatitigan sila ng mga mata, at agad namang natauhan si Master sa mga pinagsasasabi niya. Kahit masakit pati sa kanyang kalooban ay dapat pa rin silang kumapit sa pag-asa para mabuhay, kahit tila wala ng pag-asa.
     “ ––– Hindi.... Hindi! Hindi tayo magpapatalo sa problemang ‘to. Makakaalis tayo rito! Makakaalis tayo rito!” Mahigpit ang pagyakap ni Master sa kanyang bunso. Pinapalakas niya ang kalooban nilang dalawa, kahit mahirap, kahit alam niyang konting-konti na lang ang chansang malampasan pa nila ang problemang ito. “Kaya natin ‘to! Kaya natin ‘to!” Maging si Master ay napapaiyak na rin dahil sa sitwasyon nila. Hindi siya maaaring bumigay ng husto dahil babagsak din si Samuel. Pareho silang kawawa kapag nagkataon.
          Patuloy lang sa pag-iyak si Samuel, tila bingi siya sa pinagsasasabi ng kanyang kuya. He crumbled when his kuya told him that they’re hopeless. Seeing him cry, mistulang kinukurot ang puso ni Master. Nakunsensya siya for snapping earlier when he lost his phone. Siya dapat ang mas nakakatanda, pero siya pa ‘tong unang bumigay, where in fact na siya dapat ang tumayong leader sa kanilang dalawa, lalo na sa kapatid niyang si Samuel.
          May iilang luha nang tumutulo sa mga mata ni Master dahil sa sakit na nararamdaman niya, but he stuggled to gain some courage inside him and huminga ng malalim. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Samuel at tinutukan ito sa mga mata habang kinakausap ito.
     “Sorry, Samuel! Sorry, bunso!” Umiiyak na niyakap niya si Samuel. Malaking kunsensya ang nararamdaman niya sa kanyang kalooban. “Tandaan mo ‘to, hindi tayo magpapatalo sa problemang ‘to! Malalagpasan natin ‘to! Pangako ‘yan!” Mas humigpit pa ang yakap niya. Tinitigan niya ulit ang kapatid niya sa mata. “’WAG KANG IIYAK! ‘WAG KANG IIYAK! WALANG IIYAK SA ATIN DITO! KAYA NATIN ‘TO, OKAY!?!” Pinipigilan ulit ni Master ang sarili niyang umiyak, para tumatag si Samuel at tumigil na rin sa pag-iyak.
          Humihina na ang mga luha ni Samuel.
     “LISTEN TO ME! KAYA NATIN ‘TO! WALANG IIYAK! MAGPAPAKATATAG TAYO, SAMUEL! OKAY!?!?!” Pilit na nagpapakatatag si Master para sa kanilang dalawa. Niyakap niya ulit si Samuel para magkaroon ito ng lakas ng loob.
          Unti-unting humina ang tunog ng pagluha ni Samuel, habang pahigpit naman ng pahigpit ang kanyang yakap sa kanyang kuya Master. Ganoon din si Master. Unti-unting nawala ang kanyang pag-iyak habang hinihigpitan niya ang kanyang pagyakap kay Samuel. Tila nagpapasahan sila ng natitirang lakas ng loob sa kanila at nagbibigayan ng balikat na kanilang maiiyakan.
          Kahit na may iilan pang luha sa mga ni Master, hinalikan niya ang noo ni Samuel at tinitigan ang kanyang mga mata.
     “Pangako ni kuya sa ‘yo, makakalabas tayo rito, makakakita tayo ng tulong, at hindi kita pababayaan...”
SAMUEL’S POV:
          Kahit na may tira-tira pang mga luha sa mga mata ko, alam kong magiging okay din ang lahat. Para sa akin kasi, kapag si kuya Master ang nagsalita, tutuparin niya. May tiwala ako kay kuya Master, kahit mukhang imposible ang kinakaharap namin. Sa school, halos lahat ng imposible ay nagagawa ni kuya. Napakapogi at napaka-talented nito, at matalino pa! Ito ang dahilan kung bakit marami ang mga nagkakagusto at humahanga sa kanya, isa na ako doon. I will forever be his number one little brother-fan.
     “May tiwala ako sa ‘yo, kuya Master. Makakaya natin ‘to.” Kahit umiiyak pa akong konti, nakangiti akong umaasa. Nararamdaman kong matutupad ang gusto namin, basta’t di lang kami bibitiw.
     “That’s the spirit!” Nakangisi na rin si kuya. “ALRIGHT!” He postured himself like a leader and he wiped the tears in his eyes. “Ang una nating gagawin ay gagawa tayo ng matitirhan at humanap ng pagkain.” He told me.
     “Kasangga mo ako sa mga gagawin natin, kuya!” Sagot ko habang naka-thumbs-up.
          Nagsimula na kaming maglakad nang may mapansin ako.
     “Kuya...” I called him.
     “O?” He answered.
     “Wala akong suot sa paa, at naka-sando at boxers lang ako, habang basa naman ang mga damit mo...” I was dumbfounded.
     “Nako! Pwede tayong magkasakit nito ah! Lalo ka na, Samuel. Ang nipis ng mga damit mo.” Nagulat bigla ng bahagya si kuya Master.
     “Same lang tayo, kuya. Basa ang damit mo oh! Baka ano pa kahantungan mo. Baka magkasakit tayo.” I explained to him
     “Dapat makahanap na tayo ng masisilungan, at makagawa ng apoy para mainitan tayo!” He told me with determination and anxiety. “Nga pala, mag-ingat ka sa inaapakan mo, bunso. Wala kang tsinelas, kaya kapag nasugatan ka baka magkaimpeksyon ka pa’t ano pa ang pwedeng mangyari sa ‘yo.” Dagdag paalala sa akin ni kuya Master.
     “Opo, kuya. Mag-iingat po ako.” I told him obediently.
          Agad kaming lumakad papalayo para maghanap ng masisilungan, nang napatigil ulit si kuya.
     “Nga pala, saan banda natapon ko ‘yung cellphone ko?” He asked me, at tinuro ko naman sa kanya ang direksyon. “Subukan kaya nating hanapin at baka makita pa natin ‘yun...?” He suggested.
     “Kuya, baka walang signal dito, tsaka basa po ‘yun kaya baka sira na! Paano kayo makakatawag ng tulong?” I asked innocently.
     “Trust me, when we find it, napakalaking tulong nito.” He told me.
          Nagsimula na kaming maghanap sa nawawalang cellphone. Habang naglalakad kami papunta sa direksyon kung asan banda ang cellphone na ‘yun, which is pataas ang terrain niya, patingin-tingin kami sa lupa at hinawi-hawi ang mga malalaki at malalagong mga damo at halaman, hoping to find the lost phone.
          We were so busy finding the phone that hindi namin namalayan na isang malalim na bangin na pala ang kahahantungan namin! It was too late when we found out. Nakapunta na sa edge si kuya Master bago namin na-realize na bangin na pala siya!
     “SAMUEEEEEELLLLLL!” He cried out unto me habang bina-balance niya ang kanyang sarili para hindi siya mahulog!
          I quickly reached out my hand to hold his! May puno akong nakapitan kaya may support ako, pero hindi na tuluyang naka-balance si kuya Master at nahulog na ito! Buti na lang at may mga baging sa bangin na nakapitan ni kuya Master!
     “KUUUUUYYYYYYAAAAAAAA!!!!!!!!”
     “SAMUEEEEELLLLLLL!!! TULONG!!!!!!!!!!!!”
          Nagsimula na namang kaming umiyak dahil sa takot, ngunit this time, napatigil ako sandali. Habang naghihirap si kuya Master ay nakita ko ang view na nasa harapan namin: isang malawak na luntiang gubat na sa dulo ay ang asul na karagatan. Ang mga sun rays ng araw ay naka-focus sa gubat at dagat. Namangha ako sa nakita kong ganda! Napangiti ako ng bahagya at ako naman ang nagpigil ng luha. This time, I’ll be the leader. I quickly wiped the tears in my eyes.
     “KUYA!!!!! KAYA NATIN ‘TO! ‘WAG KANG BIBITIW! ‘WAG KANG UMIYAK DAHIL KAYA NATIN ‘TO!” Pilit kong tinigasan ang aking sarili.
     “SAMUEEEEELLLL TULOOOOONGGGG!!!!” Tila hindi ako naririnig ni kuya! Umiiyak lang ito.
     “KUYA MAGPAKATATAG KA! HINDI KITA PABABAYAAN! ‘WAG KANG UMIYAK!!!!!!!” Sigaw ko sa kanya, at huminga ako ng malalim.
          Hinanap ko ang baging na kinakapitan ni kuya Master at buong lakas ko itong hinila! Lahat ng focus ko nakatuon na sa baging. Habang ginagawa ko ‘yun ay inaalala ko ang mga sinabi ni kuya Master kanina lang. Sa pamamagitan ng paghila ko sa baging, mistulang binabalik ko lang kay kuya Master ang mga pangaral at lakas ng loob na binibigay niya sa akin.
          Tila wala atang kapagurang lumalabas sa aking katawan. Walang lakas na nasasayang sa akin dahil kasingtibay ata ito ng tatag ng loob ko’t ng determinasyong maligtas ko ang aking kuya. Todo hila ako sa baging, habang hinihila naman ni kuya Master ang kanyang katawan para makabalik sa akin.
          Before we knew it, naligtas ko na si kuya! Umiiyak siyang yumakap sa akin.
     “Salamat, bunso! Salamat!” Umiiyak at nanginginig pa rin siya dahil sa takot, but tinitigan ko lang siya sa mga mata at tinuro ang view na nakita ko kanina lang.
     “Kita mo ‘yan, kuya!? Maganda diba? ‘Yan ang nagbigay sa akin ng pag-asa.” Seryoso kong sabi. “Dapat sa kalagitnaan ng gulo ay may ganda pa rin tayong nakikita, dahil ang gandang ‘yun ay ang magsisilbi nating pag-asa.”
          Umiiyak pa rin si kuya Master habang tinititigan ang magandang tanawin.
     “Kuya! Diba sabi ko po ‘wag kang iiyak!? Ligtas ka na po, kaya ‘wag kang umiyak!” I reprimanded kuya Master. “Look at the view, kuya!” I commanded him.
          Sandaling natagalan si kuya sa pag-absorb sa mga nakikita niya.
     “Nako... ang ganda nga...” Bahagya siyang ngumiti habang nakalingon sa akin. Kakatuyo lang ng kanyang mga luha.
     “Sabi ko nga po kanina, dapat sa gitna ng kaguluhan eh may makita pa rin tayong ganda. Ang gandang ‘yun ang magsisilbing pag-asa natin.” Nakangiti na rin akong bahagya na nakatingin sa kanya. “Kaya kuya, dapat po ‘wag na tayong umiyak.”
     “Teka lang... mukhang binalik mo ata sa akin ang mga sinabi ko kanina ah!” Natatawang sabi ng kuya ko.
     “Binalik ko nga po!” Sabi ko kay kuya eccentrically.
          Napatawa na lang kami at inakbayan ako ni kuya. Naghalikan kami sa labi ng bahagya bago maglakad para maghanap ng masisilungan.
          Hindi pa kami nakakalayo ng may marinig kaming sumigaw!
AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!
          Nagulat kaming dalawa at bumalik sa bangin para tingnan kung ano ‘yun, ngunit pagtingin namin sa baba, walang tao o ano mang nilalang ang nakikita namin! Kinilabutan kami pareho at nagmadaling lumayo sa lugar na ‘yon.
FLASHBACK, KIDOI’S POV:
          Palakad-lakad ako sa opisina ko, walang patutunguhan. Nag-iisip ako kung ano ang aking gagawin despite na magulong-magulo na ito. Ang mukha ko hindi na ata pwedeng mapinta dahil sa nerbyos. Hindi ko alam kung asan sina kuya Master at Samuel. Tina-try kong mag-contact sa kanila pero walang sumasagot, at hindi ako maka-teleport sa kinaroroonan ng cellphone dahil hindi na na-record ng systems ng Torchwood namin ang exact coordinates ng kinaroroonan noon. Pawis na pawis na ako. I have a feeling na nahigop nga sila ng TSR!
     “Asan na ba kasi sila!?!” Tanong ko sa sarili ko. “Bakit pa ba kasi sila nahigop ng TSR!?! Ito kasing si Samuel ang tigas ng ulo eh! Tingnan mo tuloy nagka-leche leche na ang sitwasyon ngayon!” Nansisi pa ako sa iba, eh wala namang kasalanan si Samuel, at malay ba niya kung ano ang isang TSR?
          Walang may gusto sa nangyari. Iniisip kong aksidente lang ang lahat, isang mapanganib na aksidente, isang magulong aksidente, isang aksidenteng hindi malulutas kung hindi ako hihingi ng tulong. Nga pala, saan ako hihingi ng tulong?
          Daig ko pa ang isang paranoid sa pag-iisip nang may bumbilyang umilaw sa aking ulo! Naalala ko si kuya Bryan!    
     “Tama! Hihingi ako ng tulong sa kanya!” Dali-dali ko siyang tinawagan gamit ang EPCD ko, ngunit bago pa man ‘yun matuloy eh nagbago na isip ko. “Teka nga... subukan ko kaya munang lutasin ‘to mag-isa?!”
          Nasira na naman ang mukha ko at napakamot sa aking ulo. Dalawang face palm ang sinalo ng mukha ko dahil sa pagkalito. Naunahan na ako ng takot.
     “Baka magwala ‘yun kung nagsabi ako! Involved dito si Samuel, ang pinsan niya! Baka papatayin ako noon!” Nag-aalala kong sinabi. Napaupo ako sa upuan ko.
          Napa-face palm na lang ulit ako ako. Hindi ko na alam ang gagawin.
     “Di bale... ako na lang muna ang maghahanap. Ako na lang ang lulutas ng problemang ito. Malaking gulo kung may iba pang makaalam!” Nakatayo akong sinasabi ‘yun sa sarili ko, nang matigilan ulit ako dahil sa takot. “AY EWAN! BAHALA NA! LEAP OF FAITH!!!”
          Huminga ako ng malalim at tiningnan ko ulit ang Torchwood systems namin para malaman ang pinakahuling records ng location ng cellphone ni kuya Master bago ito ‘nawala’ o hindi na-record. Type dito, type doon, my eyes were very keen to the slightest detail of information that I cound find maligtas lang ang kuya ko at ang kapatid ko.
          After a few moments of clicks and ticks, VOILA! Lumabas din ang pinakahuling data na na-record ng system namin! Agad kong in-encode sa aking Spatio-Temporal Teleporter (STT) ang last recorded location ng cellphone ni kuya Master bago ito naawala. Bago mag-teleport ay in-erase ko muna lahat ng video recordings na nakuha sa CCTV systems ng Torchwood 45 na may kinalaman simula sa pagtawag ko kanina kay kuya Master hanggang sa pagpo-problema ko tungkol kina kuya Master at Samuel bago-bago lang. Mahirap mabuko.
SA ISANG IGLAP LANG...
          Agad na nawala ang asul na liwanag na nag-teleport sa akin, at panibagong takot ang bumulaga sa harapan ko! Wala akong inaapakan! Nahuhulog ako sa isang mataas na bangin! Sinubukan kong abutin ang mga baging na nasa gilid ng bangin ngunit hindi ko sila maabot! Patuloy ang aking pagbagsak at ang tindi ng malamig na hangin na nararamdaman ko sa buong katawan ko! Sinubukan kong ikumpay ang aking mga paa at kamay, hoping na may mahawakan ako, ngunit wala! KAMATAYAN KO NA ATA!
     “Kaya pala hindi ko ma-record! Nawasak siguro ang cellphone kaya hindi na nakapag-send ng data! AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!”
          Patuloy ang aking pagbagsak sa lupa, sa aking kamatayan! Napapikit na lang ako at napaiyak.
          Bigla kong naalala ang STT ko! Binukas ko ang aking mga mata, at kahit nakakamanhid ang nakikita ko ang aking sarili na babagsak na’t mamamatay, mabilis akong nag-ipon ng lakas ng loob para ma-encode ko agad ang coordinates ng Torchwood 45!
          The moment na naramdaman kong nahahawakan na ng isang paa ko ang lupa, saka ako naka-teleport ulit sa base, ngunit hindi pa pala natapos ang kalbaryo ko.
          The moment na naka-teleport na ako sa Torchwood Hub namin sa Albay, lahat ng bigat ng katawan ko ay bumagsak at napunta lahat sa bandang dulo ng kanang paa ko. Saktong hindi ko pa masyadong naayos ang paa ko kaya’t natapilok ako! Isang tapilok na narinig ko talaga ang mga buto ko sa sobrang sakit! Napasigaw ako ng napakalakas, at kapag minamalas ka nga naman, isang matinding tama pa sa ulo ang natamo ko nung tumama na ako sa lupa kaya nagdilim ang lahat!
AFTER A WEEK...
          Gumising ako sa isang hospital bed na may benda sa ulo. Alam ko ang higaang ‘yun. ‘Yun ang hospital bed ni kuya Matt, ang 14 year old in-house biologist at doctor ng Torchwood 45. May mga nakakabit na mga equipment sa katawan ko. Sinubukan kong gumalaw ngunit isang masakit na pakiramdam ang naranasan ko sa aking kanang paa at sa aking ulo, kaya hindi ako masyadong nakagalaw.
     “O, Alexis, gising ka na pala. Mabuti naman.” Lumalapit siya with a sigh of relief.
     “Kuya!?! Anyare!?! Ba’t ako nandito? Anyare sa akin?” Gulat na gulat ako at di alam ano ang gagawin.
     “Ano nangyari sa ‘yo!? Di ‘yan ang tanong kundi ‘Anong ginagawa mo kaya nadisgrasya ka!?!’” He corrected me.
     “Ano nga ba ang nangyari!?” Bumalik ang matinding kaba sa dibdib ko.
     “Well, natapilok ka ng matindi kaya matinding pag-aayos din ang ginawa ko sa kanang paa mo, then nabagok siguro ang ulo mo sa sahig nung bumagsak ka kaya ka nawalan ng malay.” Matt answered as-a-matter-of-factly.
     “Nawalan ng malay!?! Ilang oras na akong tulog!?!” Aligaga akong gustong malaman ang mga nangyayari.
     “Hindi oras, kundi araw! One week na p’re!” He proclaimed sa harapan ko.
     “PUTANG INA!” Napasigaw lang ako dahil sa gulat at matinding pag-aalala.
          Isang linggo na palang nawawala sina kuya Master at Samuel! Wala man lang akong nagawa para matulungan sila! Hindi ko na alam kung ano na ang kinahantungan nila. Baka patay na silang dalawa sa isang lugar na kailan man ay di na namin mahahanap! Napaiyak na lang ako sa aking kinaroroonan.
AT THAT SAME MOMENT, WRITER’S POV...
     “Lumaban ka, Samuel! Kaya natin ‘to! Pangako! Malapit na!”
          Bakas na ang hirap ng pananalita ni Master habang pinapalakas ang loob ni Samuel. Pareho silang hinang-hina na dahil sa taas ng kanilang lagnat. Pareho na silang maputla at nanginginig, at higit sa lahat, ang laki ng pinayat nila! Dagdagan pa ng matinding gutom at uhaw, di na ata sila magtatagal sa mga oras na ‘yun. Kahit hinang-hina na ay pinipilit pa rin ni Master na alalayan ang kanyang kapatid. Si Samuel naman, on the other hand, hindi na gaanong nakakalakad dahil sa malaking sugat sa kanyang paa. Bawat hakbang ay parang impyerno para sa kanya. Umiiyak itong inaalalayan ng kanyang kuya. Halos di na niya makarga ang sarili.
     “Malapit na tayo sa kanila... malapit na sila... konting tiis na lang!”
     “Kuya, di ko kaya.... Hihang-hina na ako, kuya...”
     “Kaya natin ‘to! Do not give up!”
          Ilang sandali lang ay napakapit si Samuel ng mahigpit sa kanyang kuya bago ito bumitaw. Bigla atang mas bumigat si Samuel. Nang tingnan ito ni Master, wala na itong malay. Kasabay noon ay nakarating din pala sila sa lugar na paroroonan nila, ngunit laking pagkadismaya ni Master dahil wala na ang mga taong mapaghihingan nila ng tulong.
          Hindi na kaya ni Master ang lahat. Hapong-hapo na siya. Pagkatapos ng pitong araw na paghihirap at pagod ay gumuho na rin siya, physical, emotionally, and morally. Habang bumabagsak siya sa lupa ay unti-unti na ring bumabagsak ang kanyang mga luha at ang kanyang mga mata.
BLAG!
          Pareho nang nakaratay sa lupa sina Master at Samuel na walang malay, at posibleng ‘yun na rin ang huling hantungan nila.
          Ito na ata marahil ang katapusan nilang dalawa...

ITUTULOY...

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Torchwood Files (Part 20)
Torchwood Files (Part 20)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjtFdL7Yntqcaey02UZ2Ir5ltzDHJ7xovUT4G81VH3yjvNfzoh9h2f70EXWJvS5PwPkp7_M5gfkv-IvUHbZTIhhICEXvx3rAnl-8xr834lRjJdbIeZcQ_6C4dBAxV5pa93RlUs4X1_XYJeo/s1600/gui1256.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjtFdL7Yntqcaey02UZ2Ir5ltzDHJ7xovUT4G81VH3yjvNfzoh9h2f70EXWJvS5PwPkp7_M5gfkv-IvUHbZTIhhICEXvx3rAnl-8xr834lRjJdbIeZcQ_6C4dBAxV5pa93RlUs4X1_XYJeo/s72-c/gui1256.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2015/12/torchwood-files-part-20.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2015/12/torchwood-files-part-20.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content