$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Chasing Sunsets

By: Kier Andrei Author's Note: Happy New Year to everyone! This is kind of embarrassing but I’m about to take back what I said that Indi...

By: Kier Andrei

Author's Note: Happy New Year to everyone! This is kind of embarrassing but I’m about to take back what I said that Indigo Chapters would be the last one I’d write for this site. I got bored last Christmas vacation and checked the comments for the last story I submitted at nanaba ang puso ko sa mga komento, so I decided that if I get some free time, I’d write some stories for this site again. And since work doesn’t start for a few more days, here’s one.

This is my thank you for all the good and bad things na pinag-aksayahan niyong ilagay sa comment section.

Nais ko ring pasalamatan ang kaibigan kong si Kevin (his real name, and he’s grinning from ear to ear behind me as I’m writing this) sa walang habas niyang pagdi-detalye ng kanyang sex-life para lamang malagyan ko man lang daw ng konting libog ang mga kwentong ito. Sa kanya din po galing ang linyang, “Bakla lang ako, hindi pokpok!” na kasama sa kwento. Please don’t hesitate to comment, makabasag pagkatao man iyan o nakakataba ng puso.

********************

“Bakit ba kasi taeng-tae kang magka-boyfriend? Neil, naman! Kung titi lang ang habol mo,” Kinuha ni Tristan ang kamay ko at ipinatong sa harapan niya.

“Ayan, magpakasasa ka!”

Iniangat ko ang tingin ko mula sa librong aking binabasa at saka tinignan ang kamay kong nakapatong sa bukol niya bago umakyat ang aking mga mata sa mukha niya.

Halatang-halata ang iritasyon sa mukha ni Tristan. Salubong na ang may kakapalan niyang kilay at gaguhit na lang ang singkit niyang mga mata. Namumula na din ang pisngi at ilong niya sa inis. Maging ang mapupula niyang labi ay isang manipis na linya na lang.

Binalingan ko si Chelsea na nakaupo sa sofa na nasa likuran ni Tristan. Pigil na pigil ang tawa nitong nakatingin sa eksena sa kanyang harapan.
There we were in front of her, my hand on her boyfriend’s crotch, and she was just sitting there, trying so hard not to burst out laughing.

Ibinalik ko ang tingin ko sa mukha ni Tristan bago ako nagsalita.

“You’re offering your body, to me, in front of your girlfriend, while you have my hand on your crotch.” Monotone kong sabi. Hindi ko kasi alam kung paano ba ako magre-react lalo pa nga at nararamdaman kong unti-unting lumalaki ang nasa loob ng pantalon niya.

Tinaasan ko siya nang kilay nang maramdaman kong pumintig iyon. Saka pa lamang niya binitawan ang kamay ko. Patay-malisya ko iyong binawi at saka ipinatong sa librong akong binabasa habang pinaglalabanan ang pag-iinit ng aking mukha.

“Okay lang ‘yan, kapatid. Share-share! Saka nag-e-enjoy ako sa live show. Ituloy niyo lang.” Bulalas ni Chelsea at saka niya tuluyang pinakawalan ang kanina pa kinikimkim na tawa.

“Kaloka! Nagwala ang matres ko sa eksena! Gora na, kapatid! Pretend I’m not here.” Dagdag pa niya. Ngani-ngani ko nang inihampas sa kanilang dalawa ang hawak kong libro.

Best friend ko si Tristan simula pa high school. Pareho kasi kaming nakapasok sa Philippine Science High School Main Campus sa Diliman.

Taga-Pampanga talaga ang pamilya nila samantalang ako naman ay ipinanganak at nagka-isip na sa Maynila. Imbes na magdormitoryo katulad ng iba naming kaklase, sa bahay namin sa North Fairview siya tumira. College friends kasi ang mama ko at si Nanay Nita, ang mama ni Tristan. At dahil pareho naman kami ng paaralang papasukan, minabuti na nilang sa amin na lang siya tumira.

Nag-iisang anak ni Nanay Nita si Tristan sa una niyang asawa. Namatay kasi sa isang aksidente ang papa ni Tristan noong pitong taon pa lamang kami. Nagkataon pa na hindi niya kasundo ang bagong asawa ni Nanay Nita kaya nang sabihin ni Tristan na gusto niyang sa Maynila mag-aral ng high school ay pumayag na lang si Nanay Nita. Nagkataon naman na pareho kaming pumasa sa Pisay kaya ganoon nga ang naging arrangement namin.

As for me, second family kami ng papa kong isang Puerto Rican na piloto. Nagkakilala lang sila ni mama na isang flight stewardess sa Japan nang parehong maglanding doon ang mga eroplanong pinagtratrababuhan nila. At dahil hindi naman hiwalay si papa sa una niyang asawa na nasa California, kami lang ni mama at ang mga katulong ang nakatira sa bahay. Madalas pang ako lang mag-isa dahil nga sa trabaho niya.

Kung tutuusin, hindi ko din gets kung paano kaming naging mag-best friend ni Tristan samantalang magkaibang-magkaiba kami ng ugali. Kung siya ay palakaibigan at mahilig sa galaan, ako naman ay may pagka-snob at mas gustong mapag-isa. Ang tanging pagkakapareho lamang namin ay ang kahiligan naming magbasa at maging doon ay magkaiba kami ng gusto.

Mahilig si Tristan sa mga Sci-Fi novels katulad ng mga sinusulat ni Tom Clancy. Ako naman, mas gusto ko iyong mga madidilim o gory ang topic katulad ng mga gawa ni V.C. Andrews at Stephen King. Tanging ang mga libro lamang ni John Grisham ang napagkakasunduan namin.

Pero dahil na din sa madalas na kaming dalawa lang sa bahay, nagkalapit kami. Pareho kaming sabik sa kapatid kaya nga kahit na may sarili naman siyang kwarto sa bahay, sa kwarto ko siya nakikitulog. Wala namang problema sa akin iyon dahil maluwang naman talaga iyong kama ko. Nasa loob din kasi ng kwarto ko ang mini-library at dahil madalas din lang naman siya doon dahil sa mga libro, nagkasundo kaming doon na lang din siya matulog. Ganoon din naman kasi ang nangyayari.

Grade Six pa lang ay aminado na ako sa preferences ko. Naamin ko na din iyon kay mama na ilang gabi din yatang umiyak. hindi daw dahil sa ikinahihiya niya ako kundi dahil sa alam niyang hindi magiging madali ang buhay ko kapag nagkataon. Pero dahil may pagkakunsintedera talaga siya, sinuportahan na lang niya ako. Desisyon naming pareho na huwag na lamang sabihin iyon kay papa.

Nang sabihin sa akin ni mama na sa bahay na namin titira si Tristan, ako mismo ang nagsabi na sabihin sa kanila ni Nanay Nita ang totoo. Eh mukhang mas maluwag ang turnilyo ni Nanay Nita kesa kay mama dahil imbes na mag-alangan na gapangin ko ang anak niya, lalo pa niyang ipinilit na sa amin tumira ang anak niya para daw may tagapagtanggol ako kung sakali.

Wala din namang kaso iyon kay Tristan basta huwag ko daw siyang hahalayin.

“Bawal gapang ng hindi nagpapaalam!” Sabi pa niya sa harap nina mama at Nanay Nita na ikinatawa ng dalawa. Tinignan ko lang siya noon mula ulo hanggang paa.

“Asa!” Sabi ko na lang na lalong ikinatawa nang mga nanay namin.

Hindi naman maipagkakamaling may ipagmamalaki talaga si Tristan noon pa at  may karapatang magsalita ng ganoon. Normal yata talaga sa mga Kapampangan ang biyayaan ng pisikal na anyo dahil kahit purong Pilipino, masasabi talagang gwapo si Tristan.

Malaki ang pagkakahawig niya sa Koreanong aktor na si Kim Bum na hindi pa kilala sa Pilipinas ng mga panahong iyon dahil F4 pa lamang ang uso. At kahit totoy pa lamang kami pareho noon kung tutuusin, magaling na siyang pumorma.

Ako naman ay parang mas batang version ni Papa. Nakuha ko pati ang light grey niyang mga mata na biniyayaan ng mahahaba at malalantik na pilikmata. Nakuha ko din ang lalaking-lalaki niyang panga at pagkabalbon. Pati na rin ang matangos niyang ilong at may kanipisang mga labi. Ang tanging nakuha ko nga kay mama ay ang morena niyang kutis na sabi nang iba ay lalong nagpapalutang sa kulay ng mga mata ko.

Sa madaling sabi, hindi din naman ako magpapahuli kay Tristan. Kumbaga ay depende na lang talaga sa panlasa ng tao kung sino sa aming dalawa ang gusto nila. Kaya nga kami nabansagang Yin and Yang sa eskwelahan dahil kahit pa nga magkaibang-magkaiba ang mga interes namin, lagi pa rin kaming magkasama.

Ako daw ang Prince of Darkness at si Tristan naman ang Prince of Light. At dahil hindi naman alam ng mga kaklase namin ang preferences ko, pareho kaming kahit papaano ay pinagkakaguluhan ng mga babae at bading sa eskwelahan.

Nagtataka din ako sa sarili ko kung bakit hindi ako nagkagusto kay Tristan buong high school. Kahit pa noong umabot na kami ng third year at nagsimula nang magkahulma ang katawan niya ay wala pa rin akong naramdaman na kahit na ano para sa kanya, tipong kahit katiting na pagnanasa. Nagtatabi pa kaming matulog noon na naka-brief of boxers lang pero wala pa rin. Ang hilig-hilig pa man din niyang mangyakap at mangdantay kapag natutulog pero wala talagang spark. Oo at nagigising ako na matigas ang alaga ko at alaga niya pero normal lang naman iyon.

Malaking factor siguro na may iba akong gusto noon sa eskwelahan; si Kuya Joey. Mas matanda siya sa amin ng isang taon pero kahit hindi ko siya madalas makita ay talagang patay na patay ako sa kanya. Second year pa lang kasi siya noon at first year naman kami pero binatang-binata na ang dating niya. Idagdag pang magaling siyang mag-basketball at walang kakiyeme-kiyeme kung maghubad ng t-shirt para ibalandra ang abs niya kapag naglalaro. Ako naman si pasimpleng malandi, pasimpleng tumitingin.

Moreno at tulad kong balbunin si Kuya Joey pero kahit pawis ay hindi siya mukhang mabaho. Para nga sa akin ay lalong nakadagdag iyon sa sex appeal niya.

Para lamang mapalapit kay Kuya Joey, nahilig din ako sa basketball. Ganoon din naman si Tristan pero siya, dahil talagang gusto niya. Iyon yata ang dahilan kung bakit tuluyang nahubog ang katawan naming dalawa ni Tristan.

Third year na kami at fourth year naman na si Kuya Joey nang may mangyari. May bulungbulungan na noon sa campus na bisexual si Kuya Joey kaya lalo akong naging interesado. Iyon nga lang at wala akong planong i-broadcast sa buong mundo ang preferences ko ng mga panahong iyon kaya patingin-tingin lang ako. Sa akin kasi, anak na nga ako ng kabit, maghahanap pa ba ako ng isa na namang ibabato nila sa akin? Kaya nga kahit kating-kati na akong makatikim man lang ng first kiss, wala akong ginawa.

Araw ng prom noon at simula pa lamang ay may plano na ang barkada namin nina Tristan na ituloy ang kasiyahan sa bahay. At dahil kunsintidor si mama, pumayag siyang mag-inuman kami basta siguraduhin daw namin na kung sino man ang pupunta sa bahay, kinabukasan na uuwi. Talagang nagpaluto pa siya sa mga katulong ng kakainin namin.

Hindi ko inaasahang inaya pala ni Tristan sina Kuya Joey at ang iba pa naming kasamang nagba-basketball. Nalaman ko na lamang iyon nang mapagbuksan ko ng pinto si Kuya Joey at ang isa pa niyang ka-batch, si Kuya Billson. Katulad ni Kuya Joey, may itsura din naman si Kuya Billson, katipo ni Tristan. Iyon nga lang at may kaliitan. Nasa five-six lang kasi ang tangkad niya na masasabi mong maliit dahil kami nina Kuya Joey at Tristan ay halos umabot na ng anim na talampakan.

“Ang laki pala ng bahay niyo, bunso.” Bungad ni Kuya Joey sa akin sabay sipol. Kinilig ako ng wala sa oras. Bunso kasi  ang pet name niya sa akin at sa buong team, ako lang ang binigyan niya ng pet name sa pagkakaalam ko.

Niyakap pa niya ako at hindi nakaligtas sa akin ang pasimple niyang pagpisil sa pang-upo ko bago niya ako pinakawalan. Siyempre, gumanti din ako ng pisil sa puwet niya na ikinatawa naming dalawa.

“Mga makasalanan! Diyan pa talaga kayo naglalandian!” Sabi ni Tristan na nasa likuran na pala namin. Kumalas sa pagkakayakap sa akin si Kuya Joey at siya naman ang niyakap at saka literal na binuhat na ang hawak ay sa mismong puwitan. Kung hindi pa nag-inarte si Tristan na kakasuhan niya ng rape si Kuya Joey ay hindi pa siya ibababa.

Aaminin kong nakaramdam ako ng konting selos noon. Kaya nga siguro tuloy-tuloy ang naging pag-inom ko samantalang hindi naman ako mahilig. Wala pang alas-dose ay bangenge na ako sa upuan.

Ni hindi ko alam kung paano akong nakarating sa kwarto. Nagising na lang ako ng madaling araw dahil sa pakiramdam na naiihi ako. Laking gulat ko na lang nang makita ko si Kuya Joey na nakasubsub sa pagitan ng hita ko, subo-subo ang tayung-tayo ko nang alaga. Mas lalo kong ikinagulat nang makita ko si Kuya Billson sa tabi niya na subo-subo naman ang alaga ni Tristan.

Nabaling ang tingin ko kay Tristan nang marinig ko siyang humalinghing ng malakas. Noon ko lang napansin na pareho na pala kaming hubot-hubad at maliban sa ginagawang pagsuso sa kanya ni Kuya Billson ay nilalapirot din nito ang kanang utong niya. Kagat-labi at paliyad-liyad pang humahalinghing si Tristan.

Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya bumaling siya sa akin. Wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi libog. Pulang-pula na din ang labi niya dahil sa kakakagat. Ewan ko kung anong kademonyohan ang pumasok sa isip ko at bigla ko na lang siyang kinabig at hinalikan. Nagitla siya sandali pero maya-maya pa ay lumalaban na din siya ng halikan.

Napahalinghing ako sa loob ng bibig ni Tristan nang maramdaman kong isubo ni Kuya Joey ang bayag ko at paglaruan iyon sa bunganga niya. Pinutol pa ni Tristan ang paghahalikan namin para lamang tignan kung ano ang nangyayari at napahalinghing ako ng ganoon.

“Ang libog mo!” Bulong pa niya sa akin bago ako uli hinalikan. Maya-maya pa ay siya naman ang umungol. Hindi ko na pinag-aksayahang tignan kung ano ang nangyayari lalo pa nga at naramdaman kong umaakyat ang dila ni Kuya Joey sa puson ko, paakyat ng paakyat hanggang sa marating niya ang utong ko.

Kung hindi pa siguro ako hinahalikan ni Tristan ay napasigaw na ako sa sakit at sarap nang kagatin ni Kuya Joey ang utong ko. Pinagpalit-palit niyang sinisipsip at kinakagat-kagat ang dalawa kong utong habang patuloy niyang pinaglalaruan ang alaga ko gamit ang kanyang kamay. Maya-maya pa ay muli na namang umakyat ang mga labi at dila ni Kuya Joey hanggang sa tatlo na kaming naghahalikan.

Si Tristan ang humiwalay kapagdaka at hinayaan akong makipaglaplapan kay Kuya Joey. Na-disappoint pa ako ng kaunti dahil kung gaano siya kagaling sumuso, ganoon naman siya kabanong manghalik. Pakiramdam ko ay malulunod ako sa ginagawa niya, hindi katulad kay Tristan na malumanay.

Napamulagat ako nang maramdaman kong gumagapang pababa sa leeg ko papunta sa dibdib ang mga labi ni Tristan. Pasimple akong humiwalay sa paghalik sa akin ni Kuya Joey para tignan iyon. Hawak-hawak pala ni Kuya Joey ang ulo niya at iginigiya pababa sa utong ko. Tumingin pa sa akin si Tristan bago niya tuluyang isinubo iyon at saka marang sinipsip. Napapikit na naman ako sa sarap. Muling bumaba ang mga labi ni Kuya Joey sa utong ko at sabay sila ni Tristan na nagpasasa doon. Halos mabaliw na ako sa sarap nang biglang isubo ni Kuya Billson ang alaga ko, sagad na sagad. Napahalinghing pa ako lalo nang maramdaman ko ang mga daliri niyang naglalaro sa labas ng aking puwet.

Muling umakyat ang mga labi ni Tristan hanggang sa naghahalikan na naman kami. Ni Hindi iyon naputol nang igiya siya ni Kuya Joey na tumihaya saka ako itinulak na pumatong sa kanya. Itinigil na din ni Kuya Billson ang pagsuso sa akin at si Kuya Joey naman ang kanyang isinunod, habang si Kuya Joey naman ay kinuha ang mga kamay namin ni Tristan at iginiya iyon sa mga alaga namin.

Sa loob ng magtatatlong taon na magkasama kami ni Tristan sa bahay at natutulog sa isang kwarto, noon ko lamang nahawakan ang alaga niya at ganoon din siya sa akin. Pakiramdam ko ay may mali sa sitwasyong iyon pero naunahan na ako ng libog. Umungol si Tristan sa loob ng bunganga ko nang simulan kong laruin ang alaga niya. Lalo ko pa tuloy pinag-igihan ang pagtataas-baba doon.

“Sumandal ka sa may headboard,” Narinig kong sabi ni Kuya Joey kay Tristan. Itinungkod ko lang ang  tuhod at kamay sa magkabilang gilid ng katawan ni Tristan para makagalaw siya. Agad namang sumunod ang gago. Saktong nakaayos siya ay naramdaman ko ang pagsibasib ni Kuya Billson sa butas ko. Nangatog ang braso ko ng wala sa oras at napasubsob sa tiyan ni Tristan. Lalo pa akong nangatog nang maramdaman ko ang pagpasok ng dila niya sa loob noon.

Ang tarantadong si Kuya Joey, iginiya ang ulo ko sa pagitan ng mga hita ni Tristan at saktong napanganga ako sa paghalinghing, itinulak niya ang ulo ko para maisubo ang alaga ni Tristan. Ang hayop namang si Tristan, imbes na pigilan si Kuya Joey ay napahawak pa siya sa ulo ko para lalong ipasok ang alaga niya. Unang pagkakataon ko iyong sumubo kaya halos masuka ako nang pinipilit ipasok ni Tristan ang alaganiya sa lalamunan ko. Kung hindi ko pa hinampas ang tiyan niya ay hindi pa siya titigil.

“Papatayin mo ba akong hayop ka!” Inis kong sabi sa kanya. Ngumiti lang ang loko at saka ako kinabig para halikan bago ako itinulak pabalik sa alaga niya.

Muntik ko nang makagat ang alaga ni Tristan nang ipasok ni Kuya Billson ang daliri dalawang daliri niya sa butas ko. Gusto kong kumawala dahil sa sakit pero kahit sumigaw ay hindi ko magawa dahil hawak-hawak ni Kuya Joey ang ulo ko at nakasubo pa rin sa akin ang alaga ni Tristan. Hindi naman naglaon ay nawala din at hapdi at napalitan ng kakaibang sarap lalo pa nga at may dinudunggol, dunggol si Kuya Billson sa loob ng butas ko na lalong nagpatigas sa aking alaga.

Tuluyan na akong nawalan ng control nang pumailalim sa akin si Kuya Joey at isinubo niya ang alaga ko. Ilang kadyot pa ay pumutok na ako sa bunganga niya na walang arte niyang nilunok. Sakto namang nilabasan na din si Tristan sa bunganga ko. Nandoon na din lang, nilunok ko na ang katas ni Tristan pero may mga tumagas pa din sa sobrang dami. Manamis-namis iyon na medyo maalat.

Naramdaman ko ang pagtanggal ni Kuya Billson ng mga daliri niya sa butas ko kaya lalo akong napahalinghing. Buong akala ko, tapos na ang lahat pero hindi pa pala.

Iniayos ako ni Kuya Joey sa kama para magtabi kaming naka-upo ni Tristan sa may headboard. Siya pa mismo ang naglagay ng mga kamay ko sa balikat ni Tristan at saka kami itinulak ara maghalikan. Kahit medyo nanghihina ay nakipaglaban ulit ako ng halikan. Maya-maya pa ay narinig ko na naman ang pamilyar na pag-ungol ni Tristan sa loon ng aking bunganga. Hindi nga ako nagkamali ng hinala, subo-subo na naman ni Kuya Billson ang alaga ni Tristan na tigas na tigas na naman habang si Kuya Joey naman ay nakapwesto sa likod ng nakatuwad na si Kuya Billson, sinisibasib ang butas ng huli. Kumindat pa sa akin si Kuya Joey sabay nguso kay Tristan na kagat-labi na naman sa sarap.

Hindi na ako nagulat nang makita kong iumang ni Kuya Joey ang alaga niya sa butas ni Kuya Billson at unti-unting ipasok iyon. Napaangat ng mukha si Kuya Billson para linunin si Kuya Joey.

“Putcha, dahandahanin mo naman!” Reklamo ni Kuya Billson pero hindi naman siya gumawa ng paraan para maalis ang pagkakapasok ng alaga ni Kuya Joey sa butas niya. Bagkus, nagsimula siyang humalinghing nang maglabas-masok na si Kuya Joey sa butas niya. Kung tutuusin, hindi naman ganoon kalaki iyong alaga ni Kuya Joey.

“Neil…” Napalingon ako kay Tristan nang marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Bago pa man ako makapagtanong ay sinibasib na niya ako uli ng halik. Maya-maya pa ay naramdaman kong iginigiya niya ang bewang kong kumalong sa kanya. Alam ko na kung ano ang gusto niyang mangyari pero kahit takot ay nagpaubaya na lang ako.

Mukhang inaasahan na ni Kuya Billson iyon dahil siya pa mismo ang naggiya ng alaga ni Tristan sa butas ko. Sinabayan niya iyon ng pagdila at pagsubo sa bayag ko para siguro iwaglit ang isip ko sa mangyayari. Ang kaso, malaki talaga ang alaga ni Tristan at kahit na gaano pa kagaling si Kuya Billson sa pagsuso ay hindi niyon mababawasan ang sakit na naramdaman ko ng tuluyang makapasok ang buong alaga ni Tristan sa aking butas. Halos dumugo ang labi ko sa pagkaka-kagat samantalang ang lakas naman ng singhap ni Tristan.

Napasandal ako sa dibdib ni Tristan sa panghihina. Ang tarantado, leeg at balikat ko naman ang pinagtripang sipsipin at kagat-kagatin habang nilalapirot ng magkabilang kamay niya ang mga utong ko. Sa awa ng Diyos, hindi naman siya agad gumalaw at hinintay akong makapag-adjust.

“Neil… Pwede na ba?” Tanong sa akin ni Tristan kapagdaka. Imbes na sumagot ay ako na mismo ang nagsimulang magtaas baba sa kanya. Isang mahabang ungol lang ulit ang isinagot niya. Muli kong naramdaman ang bunganga ni Kuya Billson sa alaga ko. Patuloy pa rin sa pagbayo sa kanya si Kuya Joey.

Hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko lang, paggising ko, mag-isa na ako sa kama at masakit ang buong katawan ko. Gusto kong matuwa dahil sino ba namang mag-aakala na ang first time ko ay magiging ganoon katindi pero naunahan ako ng pag-aalala dahil na din sa isang tao: Si Tristan.

Hanggang sa umabot ng summer vacation ay hindi ko pinapansin si Tristan. Ilang beses din niya akong nilapitan pero literal na umiiwas ako. Lahat na yata ng dahilan ay nagamit ko na para lamang hindi kami magsabay na pumasok o umuwi. Nang pauwi na siya ng Pampanga para magbakasyon, halatang-halata na ang katamlayan niya.

Pilit kong iwinaksi ang lahat. Hindi ko din alam kung bakit pero pakiramdam ko, may mali. Kaya nga kahit wala naman akong kabalak-balak na magbakasyon sa California kung nasaan ang pamilya ni papa, pumayag na din ako. Alam na rin naman pala ng pamilya ni papa ang tungkol sa amin ni mama at kasalukuyan na silang nagproproseso ng divorce. Katulad ng inaasahan, galit sa akin at kay papa ang mga kapatid ko kaya ni hindi man lang nila ako binisita sa buong isang buwan na nandoon ako.

Pagbalik ko ng Pilipinas, si Kuya Joey ang bumungad sa akin sa bahay at niyaya akong lumabas. Tinanong pa niya kung nakabalik na daw ba si Tristan. Sabi ko na lang na sa pasukan pa siya babalik. Dahil wala din lang naman akong gagawin, sumama na lang ako sa kanya. Wala din naman si mama at may flight siya ng araw na iyon.

Inaasahan ko nang sa inuman hahantong iyon pero ang hindi ko inaasahan ay ang gustong mangyari ni Kuya Joey. Talagang kinilabutan ako sa takot nang sabihin niya sa akin kung ano ang plano niya ng gabing iyon at sa mismong bahay pa nila.

Maliban kasi kay Kuya Billson ay may lima pa kaming kasamang lalaki na college students na sa UP Diliman. May itsura naman ang mga ito kung tutuusin pero halatang hindi gagawa ng maganda at tama nga ako ng hinala. Ang gusto pala nilang mangyari ay pagpapasapasahan nila kaming tatlo nina Kuya Joey at Kuya Billson. Pagkatapos noon ay pwede kaming mamili ng isa sa kanila na titirahin. Miintindihan ko sana ang trip nila kung nakainom sila o naka-drugs kaso hindi eh. Ang mas malala pa ay nang malaman kong hindi iyon ang unang pagkakataon na gagawin iyon nina Kuya Joey at Kuya Billson.

Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig dahil doon. Walang paapaalam na tumayo ako at nagmamadaling lumabas ng bahay. Nakasunod naman sa akin agad si Kuya Joey.

“Ang arte mo naman!” Inis na sabi niya sa akin na nagpapantig sa aking tenga. Hinawakan pa niya ang braso ko para hindi ako makalayo.

“Ikaw na nga ang niyaya sa trippings, ikaw pa ang maarte!” Dagdag pa niya na lalo kong ikinagalit.

“Kuya! Bakla lang ako, hindi pokpok.” Sabi ko sa kanya sabay piksi sa pagkakahawak niya sa akin. Hindi ko pa rin talaga matanggap ang gusto niyang angyari. “Kung gusto mong babuyin ang sarili mo, huwag mo akong idamay. Mabuti na lang pala at si Tristan at hindi ikaw ang nakagalaw sa akin dahil ang dumi-dumi mo!”

“Sino bang nagsabi sa iyong hindi kita nagalaw?” Maangas pa niyang sabi.

Ngumiti ako sa kanya. “Sa tingin mo papayag si Tristan na galawin mo ako? Hahayaan noon na paghahalikan mo ako at isubo pero hinding-hindi iyon papayag na pasukin mo ako gaya ng ginawa mo kay Kuya Billson.”

Sa totoo lang, nagtatapangtapangan lang ako ng mga oras na iyon dahil hindi ko naman talaga alam kung ano na ang nangyari pagkatapos akong pasukin ni Tristan. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makita kong magdilim ang mukha ni Kuya Joey.

“Eh di magsama kayong dalawa! Mga letche!” Sabi niya sabay balik sa bahay nila.

Para akong ewan na nanghihinang napaupo sa gitna ng kalsada pagkaalis niya. Lahat kasi nang respeto at paghanga ko kay Kuya Joey ay nawalang parang bula. Ang taas-taas pa man din ng tingin ko sa kanya tapos ganoon pala siyang umasta. Ang tagal ko din naman kasing hinangaan si Kuya Joey. Tatlong taon din iyon. Kaya siguro ganoon na lang ang sakit nang makita ko kung anong uri ng tao talaga siya.

Lugong-lugo akong bumalik ng bahay. Nagtaka pa ako ng makita ko si Nanay Nita sa sala. Kitang-kita ang lungkot sa buong mukha niya habang nakaupo lamang siya doon na para bang may hinihintay. Pagkakita niya sa akin ay agad siyang lumapit at niyakap ako.

“Nag-away ba kayo ni Tristan, anak?” Tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot.

“Kasi ang sabi niya, lilipat na lang daw siya sa high school sa Pampanga. Ayaw naman niyang sabihin sa akin kung bakit. May pinag-awayan ba kayo? Iyon lang kasi ang nakikita kong dahilan anak para bigla siyang magdesisyon ng ganyan.”

Nablanko ang utak ko sa aking narinig. Bigla kasing bumalik sa isip ko lahat ng mga pagkakataong nilapitan ako ni Tristan pero hindi ko siya pinansin. Lalong-lalo na iyong itsura niya bago siya umalis papuntang Pampanga.

Ni hindi na ako sumagot at agad kong tinakbo ang kwarto ni Tristan. Nadatnan ko siyang nag-e-empake ng mga damit. Tuluyan nang tumulo ang luha ko nang makita kong umiiyak ang kumag. Ni hindi pa niya napansin na nandoon ako.

Walang sabi-sabing tinakbo ko iyong natitirang distansiya sa aming dalawa at saka ko siya niyakap ng mahigpit mula sa likod. Halatang nagulat pa siya sa nangyari pero hindi naman niya tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.

“Hindi ka makakalabas dito ng buhay!” Sabi ko sa kanya. Ang tarantado, lalong humagulgol.

“Galit ka sa akin eh! Iniiwasan mo ako. Ni hindi mo ako kinakausap.” Sabi pa niya sa pagitan ng mga hikbi. “Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Kapag nilalapitan kita, daig ko pa ang may sakit. Kahit lingunin man lang ako, hindi mo ginagawa. Kahit magkasama tayo sa iisang lugar, ni hindi mo man lang ako nakikita. Ang bigat-bigat dalhin noon, Neil. Ang sakit-sakit. Kasi, ikaw na nga lang ang meron ako, mawawala ka pa.”

Napahagulgol ako ng malakas sa aking narinig. Lalo tuloy humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya.

“Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari eh di hinayaan ko na lang sana sina Kuya Joey. Kaso natakot ako na baka kung ano ang gawin sayo ng mga pokpok na ‘yun. Alam ko namang mali pero kasi, sa isip ko, kung sila din lang naman, eh di ako na lang.”

Walang sabi-sabing itinulak ko siya sa kama at saka binatukan. Muntik pa siyang sumubsob sa kama. Agad din naman siyang humarap sa akin.

“Hayop na ‘to! Kung makapagsalita ka naman, akala mo napilitan. Eh kung ayaw mong may mangyari sa amin, eh di sana pinigilan mo hindi iyong sumali ka pa.” Kunwari ay inis kong sabi sa kanya.

“Alam ko naman kasing gusto mo din iyong mangyari eh.” Sabi niya. “Hindi ko naman iimbitahin si Kuya Joey kung hindi ko alam na may gusto ko sa kanya. Malay ko ba namang magdadala siya ng kasabwat.”

“Ah ganun? So sa lagay na iyon, inililigtas mo pa pala ang puri ko? Ayos ka din eh! Alam mo ba kung gaano kasakit ang tumbong ko kinabukasan ng dahil sayo?” Ipinagpatuloy ko ang pagkukunwaring galit pero muntik ko nang putulin iyon ng ura-urada nang makita ko ang guilt sa mukha ni Tristan.

Nag-iwas ng tingin si Tristan bago siya nagsalita. “Kesa naman silang dalawa, eh di ako na lang. Sigurado ka pang mahal kita.”

Napanganga ako ng wala sa oras. Alam kong nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig dahil pakiramdam ko ay puputok na sila papalabas.

“M-mahal mo ako?” Nauutal kong tanong sa kanya.

“Malamang! Kapatid kita! Ikaw na nga lang ang meron ako, hindi pa ba kita mamahalin!” Diretsa niyang sagot. Aaminin ko, medyo disappointed ako sa sagot niyang iyon. Siyempre, high school pa lang ako noon at kahit papaano eh umaasa ako ng madramang aminan. Iyon bang tagos sa buto? Eh kaso, hindi eh. Pero inaasahan ko na din.

He loves me but he is not in love with me. Makes sense. Ganoon din naman kasi ang nararamdaman ko sa kanya. Sigurado din ako na kung hindi lang dahil sa sitwasyon, walang ganoong mangyayari sa aming dalawa.

“Ah, ganun? So nakikipagtalik ka sa kapatid mo?” Pambabara ko kay Tristan, nagpipigil ng ngiti. Hindi kasi mawala sa isip ko na kanina lang, heavy drama kami pero bigla-bigla, comedy na.

“Alam mong hindi iyon ang ibig kong sabihin.” Sagot lang niya sa akin. “Ang akin lang naman, magkakagusto ka na din lang, sa katulad pa ni Kuya Joey na Silver Swan.”

“Silver Swan?” Tanong ko.

Bumuntong-hininga pa si Tristan bago niya ako sinagot. “Silver Swan. Sawsawan ng bayan. Eh kahit poste ng Meralco basta kabitan mo ng tite eh tutuwaran ng pokpok na ‘yun eh.”

Napahagalpak ako ng wala sa oras pero mukhang ako lang ang natawa sa banat niyang iyon. Tumingin pa siya sa akin bago siya nagpatuloy. Doon ko nakitang seryoso siya sa sinasabi niya

“Ayaw kong maging ganoon ka, Neil. Ayaw kong tumulad ka sa kanya na kung kani-kanino pumapatol dahil lang sa takot siyang mapag-isa. Gusto ko na hintayin mo iyong taong aalagaan ka ng higit pa sa pag-aalaga ko sayo. You deserve the best because you’re a great person kahit pa nga may kasamaan iyang ugali mo kung minsan. At kung kailangan kong isanggalang ang sarili ko hanggang sa mahanapan mo ang taong iyon, gagawin ko.”

Damang-dama ko ang sinseridad sa bawat salitang binibitawan niya. Nangilid na naman tuloy ang luha ko. Ang lakas lang niyang makapagpa-roller coaster ng emosyon.

Muli kong itinulak si Tristan sa kama hanggang sa mapahiga na siya ng tuluyan. Walang sabi-sabing sinakyak ko siya at saka hinalikan bago ko siya niyakap ng mahigpit.

“Para saan naman ‘yun?” Tanong niya sa akin na nakayakap na din.

“For being the best friend that anyone would kill for.” Sabi ko sa kaya saka ko lalong hinigpitan ang pagkakayakap ko. Ganoon din ang ang ginawa niya.

“Thank you for being my first.” Sabi ko uli. Siya naman ang humalik sa akin. Marahan at matagal pero hanggang doon lang.

“I’m honored to be your first.” Sabi niya sabay pitik sa ilong ko.

“Teka lang!” Sabi ko sa kanya saka ako kumawala sa pagkakayakap niya. Kunot ang noong tumitig siya sa akin.

“Eh paano kapag wala akong nahanapan, aber?”

Mukhang nag-isip pa si Tristan bago siya ngumiti at bumuyangyang sa harapan ko. “Eh di iyong-iyo na ang katawang lupa ko!”

Tumatawang binatukan ko lang ang hayop bago ako sumagot.

“Ayaw! Masyadong malaki! Masakit!” Sabi ko na ikinabulanghit namin ng tawa.

Paglabas namin ng kwarto, balik na kami sa dati na parang walang dalawang buwan na hindi kami nagpansinan. Naghaharutan at nagkukulitan pa kaming naglalakad. Nakangiting nadatnan namin sa kusina si Nanay Nita. Nakapaghanda na sila ng meryenda.

“So, kayo na ba ulit?” Maluwang ang pagkakangiting tanong ni Nanay Nita. Nagkatinginan pa kami ni Tristan bago kami sabay na sumagot.

“Ewww! Incest! Kadiri!” Sabi namin ng sabay saka namin sinundan iyon ng malulutong na tawa. Ngiting-ngiti na nilapitan kami ni Nanay Nita at saka kami niyakap ng mahigpit.

“Kayong dalawa talaga!” Sabi pa niya saka kami pinaggigilan pareho. Tawa lang kami ng tawa ni Tristan. Pagdating ni mama kinagabihan, si Nanay Nita na mismo ang nagkwento sa dramang nangyari. Sa awa naman ng Diyos, wala naman siyang nabanggit na magbibigay ng indikasyon na alam niya ang nangyaring usapan sa kwarto.

Sinermunan pa kami ni mama na hindi daw dapat kami nag-aaway na dalawa. Tumango na lang kami pareho at hindi na nagpaliwanag para lang matapos na ang sermon. Sigurado kasing hahaba pa iyon kapag nagkataon.

Hindi ko din alam kung paano namin nalampasan iyon ni Tristan. Kung sa ibang tao siguro nangyari iyon, malamang, habangbuhay na silang hindi man lamang mag-uusap. Kung hindi man umabot sa ganoon ay siguradong may ilangang magaganap. Pero sa amin ni Tristan, pagkatapos nang pag-uusap namin sa kwarto, balik na agad sa dati.

Ang mas malaking misteryo ay kung paanong nagagawa pa rin naming matulog sa iisang kama mula noon na walang nangyayari. Nagigising pa din ako na nakayakap siya sa akin pero maliban sa ilang biruang dakmaan ay walang nangyayari. Minsan nga ay sabay pa kaming naliligo sa banyo lalo na kapag tinanghali kami ng gising pero wala talaga. Siguro, nga mga panahong iyon, kuntento na din lang talaga ako sa kaalamang mahal niya ako at mahal ko siya, wala nga lang pagnanasa.

Pareho kaming sa UP Diliman pumasok ng kolehiyo pero magkaibang kurso. Computer Engineering ang kinuha ko samantalang siya naman ay BS Marine Biology. Bagay naman sa kanya iyon dahil mahilig siyang maggala at madalas silang nasa field.

At doon na nagsimulang magbago ang lahat para sa akin. Dahil hindi ko na siya madalas makasama sa campus at halos wala na din naman kaming oras na mag-usap sa bahay katulad ng dati, biglang parang lagi ko siyang hinahanap. May mga klase din siyang panggabi kaya madalas, pagdating niya tulog na ako. Paggising naman niya ng umaga, nauna na akong pumasok.

Nang lumaon, ako na mismo ang nagsabi sa kanya na huwag na kaming magtabi matulog. Ang sabi ko, maliban sa hindi na kami mga bata, naiistorbo na namin ang pagtlog ng isa’t isa dahil nga sa hindi naman magkasalubong ang mga schedules namin. Ayaw pa niya noong una pero nagpumilit ako. Sa huli, pumayag na din siya. Iyon nga lang at may mga pagkakataon pa rin na nagigising na lang ako sa gabi na nasa tabi ko na siya at nakayakap sa akin. Hinahayaan ko na lang at saka lang ako nagsasalita kapag napapansin kong inaaraw-araw na naman niya ang pagtulog sa tabi ko.

Kahit na harapharapan siyang nagtatampo kapag sinasabihan ko siya ay pinanindigan ko ang desisyon ko. Hindi ko na kasi gusto ang itinatakbo ng nararamdaman ko para sa kanya. Habang tumatagal kasi, nag-iiba ang pagtingin ko kay Tristan. Lalo pa nga at pagkatapos noong nangyari sa amin nina Kuya Joey ay lalo siyang naging mas maalaga at malambing sa akin. Inaasar na nga kami nina mama at Nanay Nita na mag-aminan na lang daw kami pero tawa lang lagi ang isinasagot naming dalawa. Kung bakit naman kasi kami nagkaroon nang mga nanay na parehong maluwag ang turnilyo.

Siguro nga ay normal na lang talaga na mahulog ng tuluyan ang loob ko kay Tristan. Ano pa ba naman ang hahanapin ko sa kanya, di ba? Bukod sa gwapo at matalino, idagdag pang gifted sa ibat ibang aspeto, napakabait niya sa akin. Daig ko pa ang babae kung tratuhin niya ako kung minsan. Ako daw kasi ang legal husband niya kaya dapat lang. At habang wala pa daw siyang legal wife, ako na lang daw muna ang aalagaan niya.

Iyon ang habang tumatagal ay parang lalong sumasakit pakinggan. Para kasing hindi tanggap ng dibdib ko na darating ang panahon na hindi na ako ang aalagaan niya. Ayaw ko namang hayaan ang sarili ko na mag-isip ng iba dahil simula nang mag-fourth year high school kami, naka-ilang girlfriend na din naman si Tristan. Kaya nga pilit kong pinaglalabanan. Ang kaso, may pagkatanga yata talaga ang puso ng tao dahil sa dulo, hindi ko din lang napigilan ang sarili kong mahulog sa kanya.

Lalo pang lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya kapag inaaway ako ng mga nagiging girlfriend niya ng dahil sa selos. Siguro, nasa tatlong beses ding sa harap ko pa talaga mismo pinapili si Tristan ng mga naging girlfriend niya kung sino sa amin noong babae ang pipiliin niya.

Sa lahat ng pagkakataong iyon, ni hindi siya nagdalawang isip na piliin ako kahit pa nga ako na ang nagbubuyo sa kanya na iyong girlfriend niya ang piliin niya. Ang akala nga nila sa buong campus ay kami na kahit ilang beses naming itinatanggi.

“Parte si Neil ng buhay ko. At kung hindi kayang tanggain iyon ng magiging girlfriend ko, ibig sabihin, hindi niya ako tanggap ng buong-buo.” Iyon ang laging sinasabi ni Tristan sa tuwing tinatanong siya tungkol sa amin. Kapag naririnig ko iyon mula sa kanya, nagtatalo ang lungkot at tuwa sa dibdib ko.

Tuwa dahil sinasabi niyang parte na ako ng buhay niya at lungkot dahil na din sa ideya na kapag dumating ang babaeng kayang tanggapin iyon, hindi na lang ako ang may malaking parte sa mundong iyon.

Hindi din naman ako naging santo para sabihing wala akong nakarelasyon. Iyon nga lang at inilihim ko ang karamihan noon kay Tristan. Kapag kasi nalalaman niyang may boyfriend ako, daig pa niya ang immigration kung makapag-imbestiga. Kulang na lang ay hanapan niya ng kung anu-anong clearances ang mga ito. At ang pinakamalupet sa lahat, hindi ko pwedeng iuwi sa bahay.

“Ang pwede mo lang iuwi dito ay iyong makakasama mo na habangbuhay!” Sabi niya sa akin na sinang-ayunan naman ni mama. Pagdating talaga sa mga bagay na ganoon, magkakampi sila. Ayaw din naman akong kampihan ni Nanay Nita minsang dumayo pa ako sa Pampanga para magsumbong dahil may punto daw naman si Tristan.

“Malay mo naman anak, kayo pala talaga ang itinadhana.” Sabi pa ni Nanay Nita sabay kindat sa akin. Muntik-muntikan ko na siyang barahin at sabihang hindi siya nakakatulong sa nararamdaman ko.

Sa inis ko minsan, iniuwi ko sa bahay ang isang nagpaparamdam sa akin na kaklase ko sa isang subject. Sinabihan ko na siya na siguradong gigisahin siya nina mama at Tristan kaya nang mangyari iyon, handa na siya. Akala ko pa naman nakaisa na ako pero noong tulugan na, literal na pumagitna sa amin si Tristan. Ang masakit pa, ang tarantadong hitad na pinatuloy ko sa bahay ko, hindi man lang nahiyang pagtangkaang gapangin si Tristan. Kung hindi ko pa siguro napigilan ay baka napatay na ni Tristan ang hayop.

“Iyan! Iyan na nga ang sinasabi ko sayo eh!” Paninisi pa niya sa akin kinabukasan.

“Kung boyfriend lang pala ang hanap mo,” Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, “Oh ayan, meron na!”

“Holding hands?” Sabi ko sabay tingin ng masama sa kamay naming magkadaop. “Ano tayo? Kinder? Tapos, ano? Magtatakbuhan tayo sa labas habang magkahawak kamay saka magpapagulong-gulong sa grass tapos bahay-bahayan pagkatapos. Ikaw nanay ako ang tatay? No thank you.”

“Eh anong gusto mo? May halikan? May sex? Kung iyan ang magpapatahimik sa kakakalembang ng itlog mo, eh di sige! Iyong-iyo na ang katawang lupa ko!” Pambabara pa niya sa akin.

“Ay, excuse me lang ha. Parang nandito yata ako. Baka gusto niyong isa-alang-alang na may NANAY na nakakarinig sa usapan niyo.” Singit naman ni mama.

Si mama naman ang tinignan ko ng masama. “Baka gusto niyo muna akong kampihan bago niyo ako i-claim na anak niyo. Diyan na nga kayo.”

Pagkatapos ng usapang iyon, muling bumalik sa pagtulog sa kwarto ko si Tristan. At kapag pinapalayaw ko siya, sinasagot lang niya ako na may karapatan daw siyang matulog sa kama ko dahil siya daw ang boyfriend ko.

“Boyfriend! Hindi asawa! Tigil-tigilan mo ang ako, Tristan.” Inis kong sabi sa kanya. Kaso ang hayop, ayaw talagang magpapigil. Sumunod na gabi, humiga na naman siya sa tabi ko. Nang paalisin ko na siya, bigla niyang kinuha ang kamay ko at sinuutan ng singsing bago niya ibinigay sa akin ang kapares para isuot sa kanya. Nang hindi ko siya sinunod, siya na mismo ang naggiya sa kamay kong maisuot iyong singsing sa daliri niya.

“I know pronounce us, husband and husband.” Sabi niya sabay halik sa akin ng mabilisan. “Oh ano, wala ka nang lusot. Gusto mo nang honeymoon?”

Hinampas ko na lang siya ng unan at saka ko siya tinalikuran. Ang tarantado, yumakap pa rin sa akin. Buong magdamag ko yatang pinagmasdan ang mga singsing na suot naming dalawa.

Hindi naman ako ilusyunado para mag-isip na may ibang dahilan iyon. Mararamdaman mo naman kasi kung talagang in-love sa iyo ang isang tao. Oo at mahal ako ni Tristan. Pero katulad ng dati, hindi pa rin siya in love sa akin. Kaso, hindi iyon maintindihan ng puso ko. Ayun, tatanga-tangang nahulog ng todo.

Akala ko, okay na ako sa ganoon. Hindi pala. At saka ko lang naamin sa sarili ko iyon ng dumating sa buhay namin si Chelsea.

Naging kaklase ko si Chelsea sa isang minor subject at agad kong naging ka-close. Lukaret naman kasi talaga si Chelsea at walang halong kaplastikan kaya mabilis na gumaan ang loob ko sa kanya. Nataon namang nasa Palawan noon si Tristan dahil OJT niya kaya hindi sila nagkakilala agad.

Madalas sa bahay si Chelsea at dahil kilala din naman siya ni mama, ilang beses na din siyang nag-o-overnight doon. At sa tuwing doon siya natutulog, isang tao lang ang lagi naming topic: si Tristan. Nakita na daw niya sa campus si Tristan pero hindi pa daw niya nakakausap.

“Sure kang wala kang pagnanasa sa kanya, kapatid? Sa sarap niyang ‘yun?” Tanong ni Chelsea sa akin minsan nag-overnight siya sa bahay. Nakahiga na kami sa kama noon at matutulog na. Naka-unan pa siya sa braso ko at nakayakap sa akin.

“Hindi porke’t masarap, kailangang pagnasaan! Saka para na din kaming magkapatid ng kumag na ‘yun. Sa tagal ba naman naming magkasama sa iisang bubong. Mauumay at mauumay ka din.” Sagot ko na lang.

Kahit naman kasi malapit na kami sa isa’t isa ni Chelsea ay wala pa rin akong balak aminin sa kanya ang nararamdaman ko kay Tristan. Pakiramdam ko kasi, kapag inamin ko sa kahit na sino, totoo na iyon, wala nang bawian, at iyon ang ikinakatakot ko, na hindi ko nang pwedeng bawiin, na hindi ko na pwedeng takbuhan.

“Ay, ate! Kung ako ang nasa kalagayan mo, hinding-hindi ako mauumay. Diyos ko, neng! Itatali ko siya sa kama at hindi na palalabasin forever ang ever!” Sabi pa ng hitad na ikinatawa ko lang.

Inamin na din naman sa akin ni Chelsea na crush niya si Tristan. Ang hitad, tumalak pang kaya lang daw niya ako nilapitan ay para mapalapit kay Tristan. Hindi ko lang alam kung biro nga lang ba talaga iyon o totoo at wala na din akong pakialam. Ang akin kasi, totoong magkaibigan kami ni Chelsea at kung anuman ang naging dahilan niya noong una niya akong lapitan, hindi na mahalaga iyon.

Mahaba-habang kwentuhan pa ang nangyari nang gabing iyon bago kami nakatulog ni Chelsea. Nagising na nga lang ako ng madaling araw nang maramdaman kong may sumisingit sa pagitan namin. Ang hitad, hindi man lang nagising.

Kunot ang noong binuksan ko ang lampshade malapit sa kama at saka tinignan kung sino iyon. Ang mukha ni Tristan na nakangiti ang bumungad sa akin.

“Akala mo nakaisa ka na, ha. Porke’t wala ako, nag-uwi ka na naman ng lalaki!” Sabi pa niya sa akin bago ako niyakap. Pumatong pa siya sa akin saka niya isiniksik ang ulo niya sa may leeg ko na ikinakilabot ko ng sobra. Hindi ako agad nakapag-isip ng gagawin o sasabihin ng mga oras na iyon.

“Gago! Mamaya magising iyong tao at makita kang nakapatong sa akin, baka ano pa ang isipin!” Saway ko sa kanya ng makabawi ako ng konti. Lalo namang isiniksik ng hayop ang mukha niya sa leeg ko.

“Pake ko!” Sagot lang niya.

Pilit ko iniangat ang mukha niya mula sa leeg ko at saka ibinaling sa natutulog na si Chelsea. Napanganga ng wala sa oras si Tristan.

“Tomboy ka na?” Malakas niyang bulalas na hindi ko alam kung ikakatawa ko o ikakainis.

Noon lang naalimpungatan ang hitad na si Chelsea at napatingin sa amin. Nakapatong pa din sa akin si Tristan at tulad ng nakasanayan niya, boxer shorts lang ang suot niya. Ako man ay ganoon din lang ang suot. Wala din naman kasing kiyeme si Chelsea kaya nga kahit maghubad pa daw akong matulog sa tabi niya, wala siyang pakialam. Siya nga mismo ay t-shirt na maluwang at panty lang ang suot na natutulog sa tabi ko.

Napanganga ng wala sa oras si Chelsea, naglilipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Tristan.

“Oh my God!” Bulalas ni Chelsea. “Diyos ko Lord! Kung nananaginip ako, please lang huwag niyo akong gigisingin! Kung naririnig mo ako Neil, papatayin talaga kita kapag ginising mo ako!”

Binatukan ko ang hitad. “Pinagsasabi mo?”

Imbes na umaray ay lalong namilog ang mga mata ni Chelsea. “Oh my God! It’s for real! Thank you! Thank you! Thank you! Ang aga namang pamasko nito!”

Binatukan ko ulit si Chelsea. Sa pagkakataong iyon, nagreklamo na siya.

“Pinagsasabi mong, lukaret ka?” Tanong ko uli sa kanya.

Tinignan niya muna kaming dalawa ni Tristan bago siya sumagot. “Ay bakit? Hindi tayo magti-threesome? How disappointing!”

Babatukan ko pa sana ulit si Chelsea pero tumitili na siyang lumayo sa amin saka niya binuntunan iyon ng tawa. Naiiling na umalis sa ibabaw ko si Tristan at tumihaya sa tabi ko. Pareho kaming nakatingin lang kay Chelsea, hindi makapaniwala.

OA na nagpaypay ng sarili si Chelsea gamit ang mga kamay niya at saka kami tinignan pareho.

“Ay! Huwag kayong tumitingin sa akin ng ganyan! Don’t seduce me because I’m seduce-able! Marupok ako!” Sabi ba ng hitad na ikinatawa na namin ng tuluyan ni Tristan.

“I like her!” Sabi sa akin ni Tristan na naging dahilan nang muli na namang ikinatili ni Chelsea.

“Kapatid! He likes me! It’s for real! He likes me! Narinig mo iyon di ba? HE LIKES ME!” Tili niya. “Kumakalembang ang fallopian tubes ko neng, mas malakas pa sa Carillion Tower!”

Binato ko na lang ng unan ang lukaret. Wala na tuloy nakatulog sa amin pagkatapos noon.

Siguro nga ay nakinikinita ko na din ang mga sumunod na nangyari. Inasahan ko na, ganun. Para akong nasali sa isang romantic comedy movie kung saan sina Tristan at Chelsea ang bida at kung saan ako ang punch line, hindi nga lang nila alam. Ang saklap lang.

Mabuti na nga lamang at nang maka-graduate na si Tristan at makahanap ng trabaho, lumipat na din siya ng tirahan. Pinigilan siya ni mama noon pero siya ang nagpilit. Naiintindihan ko naman kung bakit kaya sinuportahan ko ang desisyon niya. Gusto niyang mapatunayan sa sarili niya na kaya niyang mabuhay mag-isa.

Saka, ako pa ba ang pipiil sa kanya gayong iyon na ang pagkakataon ko para malayo sa halos araw-araw nilang ka-sweet-tan ni Chelsea? Ilang love team na ang nabuwag pero silang dalawa, going strong pa din. Ayoko namang magpaka-Jolina Magdangal buong buhay ko na inuulit-ulit na lang ang linyang, “And I made the biggest mistake of my life of falling in love with my best friend.” Baka kasi kapag tumagal pa iyon, saniban ako ni Maricel Soriano at bigla kong tanungin si Chelsea ng, “Are you fucking my husband?” At bago pa siya makasagot ng “Minsan”ay masaksak ko na niya ng paulit-ulit katulad ng ginawa ni Maricel kay Zsa-Zsa.

Ang mahirap pa kasi, hindi ko magawang magalit sa kahit na sino sa kanilang dalawa. Una, wala akong karapatan. Pangalawa, masyado ko silang mahal para maging madamot. Pangatlo at pinaka-importante sa lahat, kaya kong sabihin na masaya ako para sa kanilang dalawa kahit ang sakit-sakit na ng hindi labas sa ilong. Alam ko din kasi na kapag nalaman nila ang nararamdaman ko, malaki ang magbabago. Hindi lang sa pakikitungo nila sa akin kundi maging sa pakikitungo nila sa isa’t isa at iyon ang hindi kakayanin ng kunsensiya ko.

At katulad ng ibang baklang umibig at nasaktan, isa lang ang naging solusyon ko, ang magpakaputa. Dinaig ko pa si Ann Curtis sa linya niyang, “I maybe a a slut but I’m the best slut in town”, dahil ako, tinotoo ko yun. Nilamon ko ang binitiwan kong salita kay Kuya Joey noon. Hindi man ako umabot sa puntong lima-lima sila, pero mas madalas pa akong magtanggal ng condom, magdura ng tamod, at lumuhod sa kung sinu-sinong poncio pilato kesa lumuhod sa simbahan.

Ni hindi naman iyon malalaman nina Tristan at Chelsea kung hindi lamang nagkataon na isa sa mga naka-sex ko ay ka-opisina ni Tristan. Malay ko ba naman kasing matagal na pala akong ino-obserbahan ng kumag.

Kaya ayun, super intervention ang dalawa. Nagulat pa ako ng bigla na lang silang sumugod sa bahay at nasa gate pa lang ay pinagmumura na ako ni Tristan. Ang lukaret naman si Chelsea, hindi man lang ako tinulungan. Ginatungan pa niya ng ginatungan si Tristan. Ngani-ngani ko na talaga silang pag-umpugin.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Tristan bago siya tumingin sa akin na punong-puno ng disappointment.

Ang sakit. Sana tinadyakan na lang niya ako o binugbog kesa iyong tinitignan niya ako ng ganoon. Nanunuot eh. Tipo bang sugat na nga, binuhusan pa ng suka.

Nanghihinang umupo siya sa tabi ni Chelsea. Nakaramdam din yata ang bruha na seryosong usapan na dahil biglang nanahimik. Muli akong tinignan ni Tristan. Gusto nang mangilid ng luha ko pero pinigilan ko.

“Kung kailan naman tayo tumanda, saka ka nagkakaganyan.” Sabi niya sa akin. Daig ko pa ang sinampal.

Nagsimula na ding kumulo ang dugo ko.

Gusto ko nang bumulyaw na matagal na akong ganoon pero hindi lang nila nakikita dahil wala naman silang nakikita kundi ang isa’t isa. Gusto kong sabihin na wala siyang karapatang pagsalitaan ako ng ganun dahil siya naman ang puno’t dulo ng lahat. Gusto kong sabihin na wala silang pakialam dahil buhay ko iyon at gagawin ko ang sa tingin ko ay magpapagaan ng loob ko. Pero nanahimik lang ako. Dahil kahit na ang bigat-bigat na sa loob, alam kong hindi fair iyon sa kanila. Mahigit limang taon ko nang tinitiis ang lahat, noon pa ba naman ako bibigay.

“This is the only lifestyle that is available for the likes of me, Tristan. You both know that. And I’m sorry pero hindi ko patatakbuhin ang buhay ko ayon sa kagustuhan niyo. We all have our own lives to live. You two knows that better than anyone.” Malamig kong sabi.

Ganyan nga, Neil. Cold ang collected! Moral support pa ng isang parte ng utak ko.

Ang kaso, pagtingin ko sa kanila, kitang-kita ko ang sakit na rumehistro sa kanilang mukha. Ngani-ngani ko nang bawiin ang mga sinabi ko. Kating-kati na din akong sabihin na, “Joke lang!” pero alam kong kailangan ko iyong panindigan kung gusto kong matapos na ang lahat.

Nanginginig pa ang boses ni Chelsea nang magsalita. “Huwag mo naman kaming itulak palayo, Neil…”

Maling-mali ka ng linyang binitawan, ate. Sabi ko kay Chelsea sa isip ko.

 “Mas mahirap naman yata kung hintayin ko pa na kayo ang magtulak sa akin palayo. Hindi ba mas magandang ako na lang iyong magtutulak kasi at least, dalawa kayo. Kasi kung iyong kabaliktaran, baka hindi ko na kayanin. Kung hindi pa obvious, mag-isa lang ako.”

“Ano ka ba naman, Neil?! Hindi mangyaya--“

‘Let’s not be hypocrites.” Putol ko sa kung ano mang sasabihin ni Tristan. “Ang panget naman yatang tignan kung habangbuhay akong thirdwheel sa inyong dalawa.”

Tinitigan ko ng mariin si Tristan bago nagpatuloy. “I’m your friend. Not your mistress. At hindi ko gusto ang pakiramdam na para akong kabit sa relasyon ninyo.”

At dahil nag-moment na din lang naman ako, sinulit-sulit ko na. Tinaggal ko ang singsing na ibinigay sa akin noon ni Tristan at inilagay iyon sa lamesa sa harapan namin.

“Sawang-sawa na akong maging punch line sa ROMCOM movie na ginagawa ninyo.”

Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko bago pa tuluyang tumulo ang luha ko. Dumiretso ako agad sa kwarto at nagkulong doon.

Hanggang sa dulo, pinigilan ko ang sarili kong umiyak. Nang may luhang tumulo, pinahid ko yon agad at saka pilit na kinalma ang sarili ko. Iyon man lang ang maibigay ko sa sarili ko, ang hindi iyakan ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi na ako lumabas pagkatapos noon. Hindi na ako nananghalian o naghapunan. Itinulog ko na lang ang lahat. Kahit nga noong katukin ako ni mama para sabihing dumating na siya ay nagpanggap akong tulog.

Kinabukasan, nagulat ako sa pagkalabog ng kung anuman sa dating kwarto ni Tristan. Dala ng kuryosidad, bumangon ako at sumilip doon. Napanganga na lang ako ng makita ko sina Chelsea at Tristan na naglalagay ng mga damit ni Tristan sa closet. Si Chelsea ang unang nakapansin sa akin. Pagkakita niya sa akin, lumapit lang siya at niyakap ako ng mahigpit bago siya nagpaalam na mauuna na.

Ni hindi ako nakapagsalita.

“Wala man lang ba akong, welcome home, Neil?” Tanong sa akin ni Tristan kapagdaka. Saka pa lamang ako natauhan.

“What are you doing?” Tanong ko sa kanya. Iyong mga pinaglabanan kong mga luha noong nakaraang gabi eh hindi na nagpapigil.

“I’m coming home.” Sabi lang niya na nakangiti.

Walang sabi-sabing kinuha ko sa kanya ang bag at saka basta na lamang isiniksik doon ang mga damit na nailagay na nila sa closet. Nang hindi na iyon magkasya dahil sa gulo ay basta ko na lang iniitsa iyong bag sa kama at saka ipinatong doon ang iba pa niyang damit.

“Neil! Ano ba?” Pigil sa akin ni Tristan pero hindi ako tumigil hanggang sa hindi ko nailabas lahatng damit niya at naipatong sa bag.

Nagulat pa ako ng bigla na lang niya akong niyakap mula sa likod. Katulad nang pagyakap ko sa kanya noong nagbabanta siyang umalis at tumira na lamang sa Pampanga.

“Hindi mo ako mapapaalis dito ng buhay.” Sabi niya na ikinahagulgol ko na ng tuluyan. Punyetang throwback line ‘yan. Sa dinami-dami ng mga cliché lines sa mundo, iyon pa ang napili niyang ulitin.

“Please Tan, don’t make this anymore harder than it should.” Halos pabulong kong sabi. Kaso, imbes na pakawalan ako, lalo lang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

“Ayokong maging unfair sa iyo, ayokong maging unfair kay Chelsea, ayokong maging unfair sa sarili ko. I”ve been working so hard just to forget just how much I love you. If you stay here, for once I’d ask you to choose, to pick me, to love me instead of Chelsea. So please, huwag mo naman akong hayaang maging kontrabida sa love story ninyo.”

Ako na mismo ang kumawala sa pagkakayakap sa akin ni Tristan saka ako nagmamadaling lumabas ng kwarto. Nadaanan ko pa si Chelsea na nakasandal sa dingding sa tabi ng pinto.

“I’m sorry.” Sabi ko lang kay Chelsea bago ako tuluyang bumalik sa sarili kong kwarto at nagkulong doon.

Hapon na ng katukin ako ni Mama para sabihin sa akin na umalis na iyong dalawa. Ni hindi ako nagpaliwanag sa kanya. Yumakap lang ako at umiyak ng umiyak. Sa loob ng dalawampu’t apat na taon, noon ko lang ginawa iyon.

“Sa dinami-dami naman ng mamanahin mo sa akin anak, iyon pa talagang magmahal ng taong  pag-aari na ng iba?” Umiiyak din sabi ni mama. Ewan pero bigla akong natawa sa linya niyang iyon.

‘Excuse me lang ha, pero una siyang naging akin.” Sagot ko naman na ikinatawa na din niya. Maya-maya, humahagulgol na naman ako. Putek na buhay ‘to!

Para makalimot, nag-resign ako sa software company na pinagtratrabahuhan ko sa Makati at tinanggap ang alok ng kalabang kumpanya. Nang tanungin ako doon kung saan ko gusting madestino, kung sa Makati ba o sa Sta. Ana, Cagayan kung nasaan ang programming site nila, pinili ko ang Sta. Ana. Nagtaka pa sila noong una dahil karamihan, ang gusto ay sa Makati magtrabaho.

“I’m not like everyone else,” Sabi ko na lang.

Mabilis namang na-proseso ang pagpunta ko ng Sta. Ana. Kumpleto naman na kasi ako ng requirements. As for the accommodation, titira muna ako sa isang resort na malapit sa site hanggat hindi pa ako nakakahanap ng ibang malilipatan.

Bago ako umalis, binilinan ko ang lahat sa bahay na huwag sasabihin kahit kanino kung saang kumpanya ako nagtratrabaho at kung nasaan ako. Matagal na kumbinsihan ang nangyari pagdating kay mama pero pumayag din siya sa huli. Nagpalit din ako ng numero ng telepono na kay mama ko lang ibinigay.

Bagong environment, bagong buhay, at sangkaterbang magagandang beach na pwedeng pagpiliian. Sta. Ana was exactly what I needed. Ni hindi ko kinailangan ng lalaki para i-distract ang sarili ko. Oo at mahirap noong mga unang buwan pero unti-unti akong nakabangon. No more getting under someone else to get over Tristan. Mahal ko pa rin siya. Hindi naman na siguro mawawala iyon, pero hindi na katulad noong simula na sa tuwing naiisip ko siya ay gusto kong tumakbo sa dagat at magpakalunod.

Mag-iisang taon na ako sa Sta. Ana noon nang maisipan kong tawagan si Chelsea. Para sa akin kasi, sapat naman na siguro iyon paramakapag-move on ako. Kung si Popoy nga eh tatlong buwan lang ang hinihingi kay Basya, ako pa ba naman ang mag-iinarte ng matagal? Saka isa pa, namimiss ko na din silang dalawa.

Malaking tulong din ang pagbisita sa akin doon ni papa. Ang hitad kong ina, sinabi pala kay papa ang buong pangyayari.

“You really are my son,” Natatawang sabi niya sa akin nang magkita kami. Ipinaliwanag niyang maging ang panganay daw niya sa unang asawa niya ay lalaki din ang hanap.

Madami pa kaming napagkwentuhan at napag-usapan sa pagbisita niyang iyon. Na-extend pa nga siya dahil biglang dumating si mama at sa unang pagkakataon, nagbakasyon kami na isang pamilya.

Sa huling gabi nila sa Sta. Ana, muli nila akong kinausap.

“Why didn’t you ask mom to marry you after the divorce?” Tanong ko kay papa na buntong-hininga lang ang isinagot niya sabay tingin kay mama.

“Don’t ask me, son. I tried. I’ve been trying for seven years.”

“And I’m still going to give you the same reason: I can’t take that away from Margarette.” Nakangiting sabi ni mama. “Besides, I don’t need a marriage certificate to know that you love me. I already have Neil for that and it’s enough.”

Ako man ay naguluhan sa logic ni mama. Mukha namang nabasa niya ang nasa isip ko dahil ako naman ang hinarap niya.

“Anak, ayokong burahin niya ang una niyang pamilya para sa akin at iyon ang mangyayari kapag pumayag akong magpakasal sa kanya, kahit pa nnga sabihing sa papel lang naman iyon. Sabihin na nating nagpapaka-sentimental ako o ano pero parte sila ng minahal ko sa papa mo. At hanggat kaya ko, gusto ko siyang mahalin ng buong-buo.”

Hindi ko pa rin masyadong naintindihan ang ibig niyang sabihin pero tumango na lang ako. Eh sakung iyon ang gusto niya eh.

Bago sila umalis, iniwan sa akin ni mama ang number nina Tristan at Chelsea. Wala siyang sinabi na kahit na ano, basta iniabot lang niya sa akin ang papel at saka ako hinalikan sa pisngi. Ilang araw din akong nag-isip bago ko napagdesisyunang tawagan si Chelsea.

Pagabi na noon at katulad ng nakasanayan, nasa may tabing dagat ako at pinapanood ang paglubog ng araw.

“Luka-luka! Kamusta?” Bungad ko sa kanya pagkasagot na pagkasagot niya ng telepono. Panandalian pa siyang natahimik bago siya biglang nagtititili ng pagkalakas-lakas.

“Hayop kang herodes ka! Paano mo nagawa sa akin ito? Makikipag-break ka na nga lang sa asawa ko na asawa mo din, idinamay mo pa ako! Hindi kami buy one take one! Nasaan kang malanding bakla ka?! Nasaan ka at nang masugod kita para tadtarin at ipakain sa mga pating?! Hayop ka!” Dirediretso niyang sabi. Sasagot na sana ako ng marinig ko ang paghagulgol niya sa kabilang linya.

“Ang daya-daya mo, Neil! Ang daya-daya mo. Bigla ka na lang nawala. Nagmukha na akong tanga na nagmamakaawa sa mama mo na sabihin sa akin kung nasaan ka pero wala siyang sinabi dahil iyon daw ang bilin mo. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit iyon?” Sabi pa niya sa pagitan ng paghagulgol.

“I miss you… I miss both of you…” Iyon lang ang nasabi ko kay Chelsea. Napahagulgol na din ako ng wala sa oras. Sa sobrang paghagulgol, hindi ko na namalayan na may lumapit sa akin. Nagulat na lang ako nang maramdaman kong may tumabi sa akin at saka inabutan ako ng panyo.

Inabot ko lang iyon saka ipinagpatuloy ang pakikipag-usap kay Chelsea. Imbes na umalis ay naupo lang siya sa tabi ko at hinintay akong matapos makipag-usap. Nailang pa ako ng konti kasi siyempre, napakapersonal iyong pinag-uusapan namin ni Chelsea pero nahiya din naman akong palayasin siya. Nang matapos naming mag-usap ni Chelsea na punong-puno ng pagbabanta mula sa kanya, saka ko pa lamang nilingon ang katabi ko.

In-expect ko na lahat, mga tipong dirty old man na gusto lang maka-iskor hanggang sa matandang dalaga na gusto lang ng makakausap pero hindi ko in-expect ang mukhang bumungad sa akin.

Bilugan ang mga mata na biniyayaan ng malalantik na pilikmata, matangos na ilong, makapal na kilay, napaka-sensuwal na labi, at sakto lang na panga na may paunang tubo na ng balbas. Muntik na akong mapamura nang makita kong malaki ang pagkakahawig nila noong gumaganap na Derek sa Teen Wolf TV series na kinahihiligan ko nitong huli.

Kapag ito, spokening dollar, siya na talaga! Sabi ko pa sa sarili ko.

“Okay ka na?” Tanong niya sa akin ng nakangiti. Ni hindi ko nagawang ma-disappoint na namatay agad ang ilusyon kong iyong mismong Hollywood actor ang katabi ko sa ganda ng pagkakangiti niya. Ngiti din lang ang isinagot ko saka ako tumango. Lalong lumuwang ang pagkakangiti niya sa akin.

“Ngayon lang kita nakitang ngumiti.” Sabi niya sa akin.

“Ako literal, ngayon lang kita nakita.” Sagot ko naman na sinundan ko pa ng tawa. “Sure ka bang hindi kita guni-guni lang? Ang laki kasi ng hawig ninyo ni Derek sa Teen Wolf eh. Baka nanaginip lang ako, ganoon, tapos biniyayaan ako ng Tagalized version.”

Bigla niya akong kinurot sa pisngi.

“Aray! Huwag kang nanakit!” Sabi ko sa kanya sabay tampal sa kamay niya. Tumawa lang siya.

“Ayan, alam mo nang hindi ka nanaginip.” Sabi niya sa akin sabay kindat. Sasagot pa sana ako pero hinawakan na niya ang baba ko para iharap sa dalampasigan.

“I love sunsets.” Sabi niya. “It tells you that everything in this world ends. Pain, happiness, they all end at some point.”

“Parang ang lungkot naman.” Komento ko na agad niyang sinagot ng iling.

“It ask you to remember that it’s been a beautiful day and that you should be thankful.” Sabi niya.

“Hindi din!” Kontra ko naman. “Paano kung puro sama ng loob ang naranasan mo buong araw? Ano namang iginanda noon?

“That’s the thing. Just because it has been painful doesn’t mean it’s not beautiful.” Sabi niya. Hindi na lang ako umimik.  Takot ko lang na kapag nagkumento pa ako, lalo pang lumalim ang banat niya at malunod pa ako.

Walang umimik sa aming dalawa hanggang sa tuluyang lumaganap ang dilim. Nakaupo lang kaming dalawa doon, nagpapakiramdaman.

Maya-maya pa ay bigla siyang tumayo at nagsimulang maghubad ng damit. Para akong natuklaw ng ahas na natulala. Hindi lang kasi mukha ang kuhang-kuha niya kay Derek sa Teen Wold kundi pati ang eight pack abs nito at ang makasalanang treasure trail. Hinintay ko pa talagang tumalikod siya ara tignan ang likod niya kung nandoon din ang tattoo na katulad noong kay Derek pero wala naman.

Muli siyang humarap sa akin nang tanging bikini brief na lang ang suot niya. Napalunok ako ng wala sa oras. Ang bastos lang kasi talaga ng tadhana. Pagkatapos kong tigangin ang sarili ko ng isang taon, prime meat agad ang ibinalandra sa pagmumukha ako. Feeling ko tuloy, anytime ay maglalaway na ako.

“Maghuhubad ka ba o huhubaran kita?” Natatawa niyang tanong sa akin. Para akong tangang napahawak sa dibdib ko na lalo niyang ikinatawa.

“I’m asking you to join me for a swim, silly!” Sabi niya. Iningusan ko lang siya.

“Come on!” Sabi paniya sa akin sabay hila ng kamay ko para itayo.

Dahil sa pagkabigla, nawalan ako ng balanse at sumubsob sa dibdib niya at sakto pa talagang sa may bandang utong naglanding ang bibig ko. Eh nakanganga ako sa gulat, kaya ayun, three points! Saktong-sakto pang napahigop ako ng hinga dahil sa pagkabigla, ayun, instant breast feeding lang ang naganap.

Umakyat yata lahat ng dugo ko sa mukha ko lalo na ng marinig ko siyang umungol. Sa pagkabigla, naitulak ko siya ng malakas. Sumadsad tuloy siya sa beach ng nakabukaka. Lalong nag-init ang mukha ko sa itsura niya.

“That,” Aniya na nagpipigil ng tawa, “was totally unexpected.”

Hindi ako nakapagsalita. Nag-iwas lang ako ng tingin.

‘At dahil diyan…” Sabi niya. Bako pa man ako maka-react ay nakatayo na siya at nahubad na niya ang suot kong t-shirt.

“Wow!” Sabi pa niya kasabay ng pagpasada ng mata niya sa katawan ko.

Isa kasi ang pagdi-gym sa napagdiskitahan ko simula nang dumating ako sa Sta. Ana kaya hindi ko man mapantayan ang letcheng eight pack abs niya, hindi naman ako masyadong magpapahuli.  Kahit papaano naman ay may cuts na din sa tiyan ko at maganda na din ang hubog ng dibdib at braso ko. Hindi man masasabing ulam ay pwede na din namang panghimagas.

‘I was right.” Sabi niya ng nakangiti. “Everything about you is as beautiful as your eyes.”

Natulala na naman ako. Kung hindi pa siya pumitik-pitik sa harapan ko ay hindi pa ako babalik sa katinuan.

“Tara nang maligo bago ano pa ang magawa ko sayo!” Sabi niya sa akin at nauna na siyang tumakbo papunta sa tubig. Nailing na nagtanggal na din lang akong pantaloon at sapatos saka sumunod sa kanya.

Matagal-tagal din kaming lumangoy at nagharutan doon. Nandiyang bigla siyang sisisid at biglang hihilain ang suot kong boxers pababa at saka lalangoy papalayo. Gusto ko sanang gumanti pero sa liit ba naman ng bikini brief na suot niya, baka iba pa ang mahawakan ko, kaya hindi na lang. Baka sabihin pa niyang minamanyak ko siya.

Nang mapagod, nagyaya na akong umuwi. Umoo naman siya agad. Hindi na kami nagpatuyo ng underwear at basta na lamang isinuot ang mga damit namin.  Inilabas ko na lang ang cellphone at iataka ko para hindi iyon mabasa. Ganoon din naman ang ginawa niya.

Nag-usap kami ng tungkol sa anu-ano lang habang naglalakad hanggang sa makarating na kami sa apartment compound kung saan ako nakatira. Malayo iyon sa site ng kumpanya kung tutuusin pero iyon ang pinili ko dahil malapit sa beach at malayong mas mura kesa sa resort kung saan ako nakatira noong una.

Nagulat na naman ako ng makita kong binubuksan niya ang kabilang unit, iyon pang mismong katabi ng unit na nirerentahan ko.

“Magkapitbahay tayo?” Gulat na gulat kong tanong.

“Now he notices!” Tumatawa niyang sabi. “Magdadalawang buwan na tayong magkapitbahay, ngayon mo lang napansin.”

“Talaga?” Tanong ko ulit at pilit inaalala kung nakita ko na siya kahit minsan. Wala talaga akong maalala. Ang natatandaan ko lang ay iyong sintunadong kumakanta na nakakasabay kong mag-shower sa umaga.

“Ikaw iyong sintunadong ang kapal ng mukhang mag-concert tuwing umaga?” Nanlalaki na ang mata ko sa mga nangyayari.

“Masakit kang magsalita.” Aniya na lumabi pa. “Kapag ako, nagka-album, who you ka sa akin! Siguro, ikaw ang nagreklamo sa landlord tungkol sa pagkanta ko ano?”

Napalunok ako ng wala sa oras. Bulls eye kasi eh. Nairita kasi akong isang umaga lalo at sobrang sintunado ng pagkanta niya ng I’ll Be, eh paborito kong kanta iyon. Sakto namang paglabas ko ng compound, nasalubong ko ang landlord at nagsumbong.

“Ikaw nga ang salarin!” Sabi niya sa akin sabay pitik sa ilong ko.

Natulala na naman ako. Bigla ko kasing naalala na isa iyon sa mga hilig gawin sa akin ni Tristan dati. Biglang nabalot ng pag-aalala ang mukha niya.

“Okay ka lang?” Tanong niya sa akin.

“May naalala lang ako,” Sabi ko sabay ngiti. Agad namang lumiwanag ang mukha niya. Kinapa ko ang dibdib ko kung meron pang sakit. Lalong lumuwang ang ngiti ko ng wala akong makapa kahit kaunti.

Take that, bitterness! Sabi ng isang parte ng utak ko.

“You really are beautiful…” Sabi niya sa akin.

“Teka nga lang,” Apela ko. “Kanina mo pa ako binobola at inuuto eh ni hindi ko alam ang pangalan mo.”

Bigla siyang humagalpak ng tawa. Kahit hindi ko alam ang tinatawanan niya ay napasama na din ako.

“Anong tinatawanan natin?” Tanong ko sa kanya ng makabawi.

“My name IS Derek.” Sabi niyang tumatawa pa rin. “Hindi nga lang Hale ang apelyido ko. Derek Damian Stevens at your service.”

“Weh? Stir!”

‘Seriously!” Sabi niya. “And you are?”

Ako naman ang napangiti. “Neil DAMIAN Atienza.”

“Weh? Stir!” Panggagaya pa niya sa akin.

‘Seriously!” Panggagaya ko din sa kanya na sabay naming ikinatawa.

Nang mga sumunod na araw ay lagi kaming magkasama ni Derek. Noon ko lang nalaman na nandoon pala siya para magbakasyon. Ang nakakatawa pa, pareho pala kaming taga North Fairview Subdivision pero ni minsan ay hindi man lang nag-krus ang aming landas.

Mas matanda sa akin ng dalawang taon si Derek pero kaga-graduate lang daw niya ng Veterenary Medicine. Ilang taon din daw kasi iyang nagloko sa pag-aaral kaya ganoon. May binigyan niya kasi ng priority ang pagmomodelo kesa pag-aaral.

Hindi pa ako naniwala noong una dahil wala naman akong nakitang kahit na ano mang Billboard niya sa EDSA. Napahiya na lang ako ng ipakita niya sa akin ang ilan niyang print ads. Talaga nga naman palang hindi ko makikita sa EDSA ang print ads niya dahil bigating clothing lines at apparels naman pala ang iminomodelo niya.

“Ikaw lang eh! Wala kang bilib sa akin!” Kantiyaw pa niya.

“Eh sorry na!” Sabi ko naman. “Oh eh bakit umalis ka sa pagmomodelo?”

Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan niya bago siya sumagot. “Because money and fame isn’t everything.”

“Ang lalim ‘nun ah…” Komento ko. Ngumiti lang siya sa akin.

“We all get broken by that thing or person we want and need.” Sabi lang niya. Kung sino man ang hampaslupang nagmamagaling na nagsabing lahat ng modelo ay bobo, ihahampas ko sa kanila si Derek.

Tumatak sa akin ang sinabi niyang iyon. Naalala ko kasi kung gaano ako katagal na nasasaktan ng dahil lang sa pagmamahal ko kay Tristan. Tama siya. We all get broken but the thing or person we thought we want and need. I wanted and needed Tristan because I love him. I wanted and needed him to love me back the way I loved him kahit na alam kong imposible. That’s why I got broken.

“How do we fix ourselves after that?” Tanong ko kay Derek. Ngumiti lang siya ulit.

‘Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko niyan dahil ikaw na ang nakagawa?” Sabi niya. Ako naman ang ngiti lang ang isinagot.

Three weeks na yata kaming laging magkasama noon ni Derek nang sabihin niya sa akin na babalik na siya ng Maynila para asikasuhin ang pagpapatayo ng clinic niya. Hindi ko siya pinigilan dahil unang-una, wala akong karapatan dahil magkaibigan lang kami, at pangalawa, pangarap niya iyon. Alam ko namang may panahon sa buhay ko na nagpakahayop ako ppero ibang uri ng hayop ang gusto niyang alagaan at gamutin.

“Grabe ka! Ni hindi mo man lang ba ako pipigilan? Hindi mo ba ako mami-miss?” Buska pa niya sa akin ng ihatid ko siiya sa Cauyan, Isabela kung nasaan ang domestic airport.

“Ulol!” Sabi ko sa kanyang tumatawa. “Hindi mo ako asawa para pigilan ka at kahit asawa mo ako, hindi pa rin kita pipigilan. Pangarap mo ‘yan, di ba? Isa pa, magkapitbahay lang tayo sa North Fairview remember? Huwag kang mag-alala at kapag bumisita ako, magpapa-schedule ako ng meeting sa subdivision para lang makita mo ako.”

Imbes na sumagot ay niyakap lang ako ni Derek ng sobrang higpit. Hindi na ako nagulat ng dampian niya ako ng halik sa labi. Mabilisan lang naman iyon. Kung French lang kami, ni hindi pa iyon makukunsiderang maayos na pagpapaalam.

Eh hindi naman kayo French? Side comment ng isang parte ng utak ko pero agad ko ding pinigilan. Wala akong planong ma-friend zone ulit.

“Bumalik ka na at may meeting ka pa.” Sabi niya sa akin. Napatango na lang ako. Muli niya akong niyakap ng mahigpit at saka binulungan.


“I’ll come back for you.” Sabi niya sa akin. Wala pa rin akong mahanap na isasagot kaya hinigpitan ko na lang ang pagkakayakap ko sa kanya.

Pagbalik ko ng Sta. Ana, ni hindi na ako naka-attend ng meeting. Dumiretso na lang ako sa apartment at nagkulong doon. Pakiramdam ko kasi, mag-isa na naman ako. Kinabukasan, humingi ako ng one week leave sa opisina na agad naman nilang pinayagan. Sinabihan a akong magpa-check up dahil ang tamlay-tamlay daw ng itsura ko.

Ang balak ko sana ay umuwi muna ng Maynila pero laging sumisiksik sa utak ko na nandoon si Derek. Nandoon din si Tristan. Sigurado ako sa sarili ko na hindi kakayanin ng utak ko ang pagsabayin silang harapin.

I wasn’t in love with Tristan anymore pero madaming bagay ang kailangan naming pag-usapan. Ganoon din kay Chelsea. Tapos idagdag pang hindi ako tinitigilan ng “I’ll come back for you” na linya ni Derek. Kaya iyon, imbes na lumuwas ay nagkulong lang ako ng nagkulong sa apartment. Saka lamang ako lumalabas ng bahay kapag pagabi na para pumunta sa may dalampasigan kung saan ako unang nilapitan ni Derek.

Dalawang araw bago matapos ang leave ko, nagising ako sa malakas na pagkatok sa aking pintuan. Tehchnically, may apat na araw pa ako dahil kasama ang weekend bago ako bumalik ng trabaho. At sa apat na araw na iyon, balak kong magkulong lang.

Dumiretso sa digital alarm clock na nakapatong sa side table ang aking mga mata. Alas-nueve pa lamang ng umaga. Nairita ako ng wala sa oras. Kung iyong landlord iyon, siguradong masisigawan ko talaga siya. Sinabihan ko na siyang kung may kailangan siya sa akin, hapon na siya kumatok unless nasusunog ang buong compound.

Muli kong narinig ang pagkatok kaya napilitan na akong bumangon. Pupungas-pungas at nakasimangot pa talaga ako nang buksan ko ang pintuan. Ni hindi ko nakilala kung sino ang nasa pinto dahil pagbukas ko, bigla na lamang akong sinugod ng yakap. Muntik pa akong matumba.

“Don’t you ever do that to me again! Do you hear me? Never!” Sabi nang taong nakayakap sa akin. Dahil lutang pa ang utak ko, medyo natagalan akong i-process kung sino iyon. Saka ko lang na-realize na si Tristan iyon ng maramdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya at marinig ang mahinang mga hikbi niya.

“Akala ko hindi na kita makikita ulit…” Sabi pa niya na nagpakirot sa dibdib ko. ‘I thought I’ve lost you for good. Miss na miss kitang hayop ka!”

Pagkalas niya ng pagkakayakap niya sa akin, mukha ko naman ang hinawakan niya. Naluha na ako ng makita ko ang pulang-pulang mga mata niya na patuloy pa ring umiiyak.

“Mangako ka sa aking hindi ka na uli mawawala ng ganun-ganun na lang! Please, Neil. Promise me that you will never disappear from me like that again.”

Tumango na lang ako bago ko siya hinila para yakapin ulit. Para akong batang umatungal sa balikat niya. Ang hayop, imbes na aluin ako, nakipagsabayan ng pag-atungal sa akin.

Kung hindi pa namin narinig ang pagtikhim mula sa pinto ay hindi pa kami maghihiwalay. Ang umiiyak na si Chelsea ang bumungad sa akin. Ako na mismo ang sumugod sa kanya at saka ko siya niyakap ng mahigpit.

“Ulupong kang hayop kang bakla ka!” Sabi niya sa akin sa pagitan ng hagulgol. “Ang unfair-unfair mo! Habang nahuhulas ang kagandahan ko sa Maynila sa kaiisip kung nasaang lupalop ka na ba ng mundo o kung buhay ka pa, ikaw naman, nandito lang pala at nagsa-sunbathing!”

“Ang hot-hot ko na, di ba?” Sagot ko kay Chelsea na sinabayan ko ng tawa. Mukha tuloy akong tanga na tumatawang umiiyak. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagyakap sa amin ni Tristan. Lalo tuloy kaming napahagulgol ni Chelsea.

Ilang minuto rin siguro kaming nasa ganoong posisyon bago kami kumalas sa pagkakayakap.

“Tama na ang ganitong eksena at iba na ang itinatakbo ng isip ko. Tigas na nipples ko oh!” Banat ni Chelsea.

“Luka-luka!” Saway ko sa kanya sabay batok. “Isang taon na akong nawala, imburnal na imburnal pa rin yang bunganga mo!”

“Eh ganun talaga. Sa ganda kong ito, kailangan may imperfection.” Niyakap ko na lang ulit si Chelsea nang mahigpit. Isinubsob ko pa ang mukha niya sa dibdib ko na may kasamang panggigigil. Hinampas-hampas tuloy niya ang braso ko hanggang sa mapilitan akong bitawan siya.

‘Hayop na ‘to! Eh kung ikaw kaya ang isubsub ko sa dibdib ko, gusto mo?!”

Tinignan ko pa ang dibdib niya bago ko siya sinagot. “Ewww. Tomboyan. I’ll pass!” Hampas lang uli sa braso ang isinagot niya.

“Neil…” Narinig kong banggit ni Tristan sa pangalan ko. Ang luka-lukang si Chelsea, mukhang naka-recharge dahil inunahan na naman ako sa pagsasalita.

“Tristan! Nice seeing you.” Nagpanggap pa ang lukaret na ibineso si Tristan. “Nandiyan ka pala! Hindi ka man lang nagsasalita.”

Sabay na lang kaming napabuntong hininga ni Tristan bago namin siya tinignan.

“Sabi ko nga, kailangan niyo ng moment alone. Sige, sa labas muna ako at hahanapin ko si pogi. Mukhang pasan niya nag mundo eh. Baka he needs a dibdib to cry on.” Litanya ni Chelsea. Napakunot tuloy ang noo ko ng wala sa oras.

“Pogi?” Tanong ko kay Chelsea.

“More like laglag panty, palakpak fallopian tubes, gahasain mo ako hotness. May kamukha nga siyang Hollywood actor eh, hindi ko lang maalala kung sino.”

“Derek from Teen Wolf,” Sabi ko kasabay ng mabilis na pagkabog ng dibdib.

“Ay pak, kapatid! Siya nga! Sige, hanapin ko muna. Bet kong i-reenact iyong may I make dila your abs scene niya sa palabas na iyon.”

Hinawakan ko ang balikat ni Chelsea at saka ko siya iniharap kay Tristan.

“Iyan na lang ang dilaan mo. May abs din yan as far as I know.” Sabi ko bago ako nagmamadaling lumabas.

Narinig ko pa ang pagtawag nilang dalawa sa pangalan ko pero hindi ko na iyon pinansin. Dirediretso lang ako sa pagtakbo papunta sa kung saan pinakaposibleng pumunta si Derek. At hindi nga ako nagkamali.

Nakaharap siya sa dalampasigan kaya hindi niya ako nakita. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya at saka biglang sumalampak sa tabi niya. Sa gulat, napalingon siya sa akin. Hindi na niya tuloy naitago ang pamumula ng mata niya. Nang makita kong may tumulong luha, kamay ko na ang ginamit kong pampunas doon.

“Pasensiya, hindi kasi ako katulad ng iba diyan na may factory yata ng panyo.” Sabi ko sa kanya. Nanginginig pa ang boses niya nang magsalita.

“What are you doing here?”

“Tumutulong sa naliligaw. May tarantado kasing nagsabi sa akin na babalikan niya ako tapos sa ibang lugar naman nagpunta. Eh di sinundan ko. Baka makahanap pa ng iba eh.” Nakangiti kong sabi.

“You mean---“ Hindi ko na siya pinatapos na magsalita at basta ko na lamang siya kinabig at hinalikan ng madiin.

Mahabang paliwanagan ang nangyari pagbalik namin ni Derek sa apartment. Literal pang sinabunutan ako ni Chelsea at tinawag akong sumpa dahil wala na daw akong ginawa kundi akitin lahat ng mga lalaking pwede niyang pagnasaan.

“Punyeta! Sa lahat ng bakla, ikaw na! Ikaw na ang ubod ng ganda!”

Natatawang tumingin sa akin si Derek.

“I like her!” Sabay-sabay pa kami nina Tristan at Chelsea na nanlaki ng mata pagkarinig noon.

Wala sabi-sabing hinila ko si Tristan at saka itinulak kay Chelsea.

“Iuwi mo na sa Maynila ang babaeng ‘yan bago pa ako makapatay ng kaibigan.” Sabi kong tumatawa. “Magkakamatayan muna tayo bago ako pumayag na magkaroon ng rerun ang lahat!”

Sabay pang humagalpak sa katatawa sina Tristan at Chelsea. Kulang na lang ay gumulong silang dalawa sa sahig.

“I don’t get it.” Sabi sa akin ni Derek na mukhang nawiwirduhan na sa aming tatlo.

“Akin ka lang!” Sagot ko sa kanya. “Hindi ka pwedeng i-share!”

Ang luwang-luwang ng pagkakangiti sa akin ni Derek pagkasabi ko noon. Ni hindi siya nahiyang halikan ako sa harapan ng dalawa.

“I still don’t get it but who cares!” Sabi pa niya saka ako hinalikan ulit.

Dahil hindi naman kami kasya sa apartment ko, napagdesisyunan naming apat na lilipat na lamang muna ako sa apartment ni Derek at sina Tristan na lang muna ang titira sa unit ko habang nandoon sila.

Ako na ang nagdesisyon na magpahinga muna silang tatlo bago kami lumabas pero pinanlakihan lang ako ng mata ni Chelsea.

“Etchusera ka!” Sabi pa niya sa akin. “Ang sabihin mo, gusto mo lang siyang pagurin lalo!”

“So? Inggit ka?” Patol ko naman sa kanya.

“Medyo. Hindi pwedeng join? Kung gusto, change partners muna tayo.” Biro pa ng luka-luka. “Kaso, pagkatapos noon, no return, no exchange na.”

“Asa!” Sabi ko sabay hila kay Derek papalabas ng apartment. Hagikgik lang ang isinunod sa amin nina Chelsea at Tristan.

Hindi naging awkward ang pagsasama naming apat ng dahil na din kay Chelsea. Dapat talaga ay siya ang ipinapapunta ng militarsa Mindanao dahil siguradong kapag siya ang nasa gitna, walang giyerang magaganap.

Kami naman ni Derek, sumasabay lang sa agos. Kung ano ang trip noong dalawa, pinagbibigyan lang namin. Nagmukha tuloy kaming tourist guide ng wala sa oras. Halos buong Sta. Ana ay nalibot namin. Pero ni minsan, hindi namin sila dinala sa beach kung saan ako unang nilapitan ni Derek. Kahit walang usapang naganap tungkol doon, pareho kami ni Derek ng iniisip. That was our special place at sa amin lang dapat iyon.

Huling gabi nina Tristan sa Sta. Ana na nang magkausap kami ng sarilinan. As usual, si Chelsea ang may pakana. Bigla na lang niyang hinila papalayo si Derek.

“Was it really did hard?” Tanong niya sa akin. Napangiti na lang ako. Gusto ko sana siyang barahin na hindi na namin kailangang pag-usapan iyon pero alam ko ding pareho naming kailangan iyon.

“Hindi naman sa lahat ng pagkakataon.” Sabi ko dahil iyon naman ang totoo. “Minsan, masaya ako dahil sa wakas, nakita na kitang talagang masaya. Minsan, masakit kasi alam kong hindi ako ang dahilan noon. Ang mahirap lang kasi, hindi ko man lang magawang magalit sa kahit na sino sa inyo dahil pareho ko kayong mahal. Wala akong pwedeng sisihin kundi ang sarili ko. Part of me wanted to see you together while another part of me wants you to break up. I was in love with you, you were in love with each other. Kahit saang anggulo mo tignan, ako iyong mali sa equation.”

“I do love you, Neil…” Mahina niyang sabi.

‘But you’re not in love with me.” Sabi ko. Gusto kong pumalakpak ng wala sa oras dahil wala na iyong bitterness. May konting kurot pa rin pero kagat na lang ng langgam.

“Eh siya ba? Is he in love with you?” Ni hindi ko kailangang tanungin kung sino ang tinutukoy niya.

“I think so.” Sabi ko. “I hope so.”

“Kung papipiliin ka niya sa aming dalawa, sino ang pipiliin mo?” Medyo nagulat ako sa tanong na iyon ni Tristan kaya napaisip ako ng malalim. Bigla ay naalala ko ang sinabi ni mama. Noon ko lang naintindihan ang punto niya.

“Wala dahil hindi iyon mangyayari. Kapag pinapili niya ako, isa lang ang ibig sabihin noon, hindi niya ako mahal. Kasi Tan, parte ka na ng buhay ko. Hindi kita pwedeng burahin, hindi pwedeng ibaon sa limot. You are part of who I am. And if he really loves me, he’d understand that taking you out of the picture is like taking out a part of who I am. Kung hindi niya ako kayang mahalin ng buong-buo, hindi siya karapat-dapat para sa akin.” Mahaba kong paliwanag.

Matagal-tagal din kaming natahimik pagkatapos noon.

“Do you love him?” Tanong niya ulit.

“He’s my sunset.” Sagot ko. “That one thing that would remind me that every single day is beautiful, even if it will always end.”

As if on cue, biglang lumitaw mula sa kung saan sina Chelsea at Derek.

“Ay! Ano ba ‘yan! Walang taksilang nagaganap! Nakapag-prepare pa man din ako ng speech eh!” Banat agad ni Chelsea.

“Disappointed ka pa talaga?” Nandidilat kong sabi kay Chelsea.

“Konti lang.” Sabi niya saka binuntunan iyon ng tawa. Lumapit sa kanya si Tristan at hinalikan siya sa labi.

“I think I understand what you mean.” Sabi sa akin ni Tristan.

Si Derek naman ang lumapit sa akin at saka ako niyakap.

“You’re my sunset, too.” Bulong niya sa akin. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka ko hinawakan ang mukha niya at iniharap sa akin.

“You were listening.” Hindi iyon tanong.

“Gustong malaman ni Chelsea kung nagiging kontrabida na siya sa love story mo.” Sagot lang niya.

“At ikaw, anong rason mo?” Tanong ko sa kanya kasabay ng pandidilat ko kat Chelsea na agad nagtago sa likod ni Tristan. Naiiling na nakatingin lang sa amin si Tristan.

“Gusto kong marinig na aminin mo sa ibang tao that you are in love with me.” Sagot niyang nakangiti.

“Galing mo ding lumusot ha,” Sabi ko na lang. “At bakit parang siguradong-sigurado ka na iyon ang magiging sagot ko, aber?”

“I wasn’t.” Seryosong sabi niya. “But I was ready to fight for you if you have said otherwise, every single day if I must, until you choose me.”

“Isa ka pang etchusero eh!” Sabi ko na lang, pero in the words of Chelsea, pumalakpak ang maginary fallopian tubes ko, kasama na itlog. Sabi nga ni Chelsea, sa lahat ng mga bakla, ako na, ako na talaga ang ubod ng ganda.

Life after that was still a roller coaster.

Nagpa-reassign ako sa Maynila para lang magkasama kami ni Derek. Nakilala ko na din ang mama at papa niya. Tawa sila ng tawa dahil kung saan-saan pa daw kami naghanap samantalang dalawang kanto lang ang pagitan ng mga bahay namin.

Nang magdesisyon sina mama at papa na magsama na sa US, nagsama na din kami ni Derek sa bahay. Bukas pa rin naman ang pintuan ng bahay namin para kina Chelsea at Tristan, pati iyong pintuan ng dating kwarto ni Tristan. Iyon nga lang at iyong pintuan ng kwarto ko, sa amin na lamang ni Derek.

Araw-araw, may mga nadidiskubre akong bago sa kanya. Minsan maganda, minsan hindi. Alam ko din namang ganoon siya sa akin.

It was after a year of living together bago namin napagdesisyunang bumili ng property sa Sta. Ana. It was our special place kaya hindi namin mabitawan. Nagkataon pang for sale na iyong parte ng dalampasigan kung saan niya ako unang nilapitan.

Will we last? Will we really grow old together? Hindi ko din alam. Isa lang naman kasi ang sigurado ko eh.

Derek IS my sunset. And he will always be that one thing that would remind me that whatever happens to us would always be beautiful, even if it ends.



COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Chasing Sunsets
Chasing Sunsets
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhznlfZQqHGePGzImitWBADvdje2FpRgKdAiV8dtRT8gfpxFcsHoH4ROB0p1L3usrZ58-Rar1pXKm2BfXPXYXRyh7L_jhx63I-j8sVw4O0VEmRVQpxeZGEeFFJa8Gb5iRL34BO_uaOmv8zK/s400/12568945_932788500108730_144174947_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhznlfZQqHGePGzImitWBADvdje2FpRgKdAiV8dtRT8gfpxFcsHoH4ROB0p1L3usrZ58-Rar1pXKm2BfXPXYXRyh7L_jhx63I-j8sVw4O0VEmRVQpxeZGEeFFJa8Gb5iRL34BO_uaOmv8zK/s72-c/12568945_932788500108730_144174947_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/01/chasing-sunsets.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/01/chasing-sunsets.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content