By: Eric Kinkabahan, natatakot at ninenerbyos. Yan ang pikiramdam ko sa first day ko ng college. Orientation Day kasi namin at wala akong ka...
By: Eric
Kinkabahan, natatakot at ninenerbyos. Yan ang pikiramdam ko sa first day ko ng college. Orientation Day kasi namin at wala akong kakilala. Panibagong lugar nanaman ang ginagalawan ko. Mga bagong mukha lang din ang nakikita ko. Kulang na lang sumigaw ako para lang mawala takot ko. “All Freshman, please proceed to the auditorium. The Orientation will now commence.”. Kahit natatakot at kinakabahan, sumunod na lang ako sa mga ibang studyante na papuntang auditorium.
Ako nga pala si Eric. 5’7” ang height medium built dahil na rin sa hilig ko mag swimming, maglaro ng tennis at table tennis. Isa akong IT student sa isang university at isa lang akong typical na estudyante na makikita mo sa isang school. Nakasuot ng jeans, polo shirt, ruuber shoes at naka salamin dahil inborn sa aming pamilya ang malabong mata. Yan ang typical kong get up pag umaalis at pumapasok sa school lalo na itong school na papasukan ko is walang uniform na required.
Pagpasok ko sa auditorium lalo lang akong ninerbyos kasi wala nga akong kasama at magisa lang ako. Ang nasa utak ko lang isa gusto ko ng umuwi. May pagka introvert kasi ako kaya hindi ako madalas pumupunta sa mga lugar na maraming tao. Naglalakad lakad ako at naghahanap ng upuan sa bandang likod. Sa paglalakad ko ay may nakita akong upuan pero may katabi. Ayaw ko sanang umupo doon pero sa dami ng estudyanteng Freshman ay sa tingin ko sakto lang lahat ng upuan na nasa auditorium that time so wala akong choice. Tinanong ko yung lalaking nakaupo sa tabi. “Excuse me, may nakaupo na po ba dito?” pero hindi sumagot yung lalaki. Nakaheadset pala siya at hindi ako pinanasin. Hindi siya sumagot kaya umupo na lang ako pero nasa utak ko na anytime na paalisin niya ako, aalis na lang ako. Ayaw kong mag cause ng problema sa first day pa ng school.
“Welcome to your new home.” ang patapos na pagsasalita ng aming school director. Pagkatapos ng orientation, hindi ko alam pero parang gusto kong kausapin yung katabi kong lalaki para naman magkaroon na ako ng kausap. Sa sobrang desperado na ako, tinry ko ulit siyang kausapin. “Hi, anong name mo.” Hindi siya sumagot ulit at pakiramdam ko napapahiya ko lang ang sarili ko, pero this time tumingin siya sakin. Wala siyang imik.
Lalo lang akong kinabahan at ramdam ko ang pawis na tumutulo sa likod ko. Yung kaba ko bigla na lang napalitan ng inis kasi tumayo lang siya at hindi ako pinansin. “Snob? Ikaw na cool guy!” nasabi ko na lang sa inis ko sa kanya. Tinignan ko siya, wala naman siyang reaksyon at dire-diretcho lang siyang lumabas ng auditorium. “SHIT! 9:30 na. late na ako sa first class ko!” dali dali akong tumakbo at lumabas ng auditorium para hanapin yung classroom kung saan gagawin yung first class naming.
Sa sobrang mahiyain ko, pinilit kong hanapin yung classroom magisa. Nakarating ako sa classroom ng 10:00. Kumatok ako sa pinto at nilapitan ako ng professor. “Excuse me sir, dito po ba yung English 101 section FS na class?” “Yes this class is English 101 and section FS.” At last nahanap ko na yung classroom! “AND WHY ARE YOU LATE!. NO ONE IS ALLOWED TO BE LATE ON MY CLASS. AND I DON’T ALLOW STUDENTS WHO ARE USING OTHER DIALECTS RATHER THAN ENLISH IN MY CLASS!” sa sobrang gulat ko sa pagkakasigaw ng professor muntik na akong maiihi sa pantalon ko. Sa sobrang takot ko ang nasabi ko na lang sa professor ko ay SORRY. “Next time I will not allow you to enter my class when you are late”. Haaaaaaayyyy. Napahiya na sa isang estudyante, nasigawan pa ako ng prof ko sa first day! Badtrip naman! Lumakad na lang ako papunta sa likod ng classroom. Hindi ako makatingin sa mga mata ng classmate ko kasi hiyang hiya ako sa nangyari sakin. Natapos na ang klase namin at pumunta na ako sa next class ko.
Nag ring na yung bell indicating na Lunch Break na. Eto pa ang isa sa pinaka mahirap na part ng pagiging loner ko. Ang maghanap ng makakainan. Paglabas ko ng classroom naupo muna ako bench malapit sa field para ayusin ang gamit ko at para isipin kung saan ako kakain. Kung sa canteen ako kakain, I’m sure maraming tao dun lalo na mga freshman kasi yun ang unang takbuhan kasi nageexplore lahat sa campus. Kung sa labas naman ako kakain, baka hindi kaya ng budget ko kasi ang allowance ko lang is 100 pesos. Scholar kasi ako sa school na yun kaya lang naman ako nakapasok. Dalawa kaming magkapatid. Yung kapatid ko is grade 4 palang. Ang nanay ko ay nagtitinda ng gulay sa palengke at ang tatay ko naman ay isang elem. school teacher. Hindi naman ganoon kalaki ang sahod ng tatay ko para tustusan ang pagaaral sa kolehiyo kaya pinilit kong magtake ng scholarship exam sa school na to para kahit papano ay makatapos ako ng pagaaral at matulungunan ko magulang ko. Sa sobrang pagiisip ko, nagdecide na lang ako maglakad lakad sa labas at maghanap ng carinderia na mura lang ang pagkain. Gutom na kasi talaga ako at ang huling kain ko ay kaninang umaga pa. sa paglalakad ko, may nakita akong isang carinderia na konti lang ang kumakain. Sakto! Hindi ganon karami ang taong kumakin. Lumapit ako at tinignan kung anong mga ulam meron. May sinigang, adobo, pakbet at ginataang langka. “Magkano po sa gulay?” “15 pesos lang sa gulay. sa karne naman 25 pesos” ang sabi nung bantay. Saktong sakto! Pasok sa allowance ko ang mga pagkaen dito. Kung titignan mo yung carinderia, bahay talaga siya na yung harapan ay nilagyan lang ng upuan para may makainan. Pagkakuha ko ng order ko naghanap agad ako ng mauupuan. Sa labas ay may isang bilog na mesa na may 4 na upuan ang nakalagay. Sa gilid naman ay may mataas na mesa at may mga mataas din na upuan. Dito ako kumaen. Habang kumakain ako ay napansin ko may tumabi saking lalake na kakain din. Hindi ko siya pinanasin kasi nga gutom na ako. Biglang nalaglag yung bag ko na nakasabit lang sa balikat ko. Pagkapulot ko ay bigla na lang napalingon sa lalaking kumakain sa tabi. Nagulat din ako ng biglang niya akong tinignan. Hindi ko na napansin na ang tagal ko ng nakatingin sa mukha niya. Siya pala yung lalaking nakatabi ko loob ng auditorium. Maputi pala siya, bilugan ang mata, matangos ang ilong at mapula ang labi. Ang buhok niya is yung typical na buhok ng isang Cool Guy na matuturing sa school. Ngayon ko lang narealize na gwapo pala siya kasi hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya sa auditorium kasi dim lights doon. Ang sama ng tingin niya sakin. Umalis ako ng tingin at nag sorry lang ako sakanya. Ramdam na ramdam kong pulang pula ang muka ko nun kaya binilisan ko na lang ang pagkain at nagbayad sabay umalis. Naglalakad ako ng mabilis ng bigla akong matapilok pero hindi naman ako natumba. Huminto ako at lumingon kung nakita ba niya akong natapilok pero may nakaharang palang sasakyan at dali dali ay bumalik na ako sa school. Nakakahiya talaga.
Natapos na ang klase namin. Naglalakad na ako palabas ng campus. Habang naglalakad ako iniisip ko na “Nakakainis naman! Napaka EPIC ng first day ko! Napahiya ako ng dalawang beses sa iisang estudyante lang. sure ako natatandaan na ako nun! Nakakahiya talaga! Tapos Late ako sa first class ko at nasigawan pa ako ng prof ko!. HAAYYY!! Nakakasar naman!” habang palalim na palalim ako sa pagiisip, biglang may lumapit sakin sa isang lalaki. “Excuse me?” sabi niya. Takot akong lumingon baka siya nanaman ang makita ko at bigla na lang akong sapakin. “Excuse me?” sabi niya ulit. Pinilit ko na lang sarili kong lumingon para matapos na. Paglingon ko ay nakahinga ako ng maluwag. Ibang tao pala yun. “Ano po yun?” sabi ko. “Wag mo naman ako i-po baka magkaedad lang naman tayo. Hahaha” “sige. Hahaha. May kailangan ka ba?” “wala naman, diba classmate kita sa English kaninang umaga?”. Badtrip naman! Kala ko pauwe na ako wala ng epic na mangyayari sakin. “Oo, bakit?” natatakot kong tanong sa kanya. “Kasi napansin ko lang yung 3 kong subject din kanina kaklase din pala kita”. “ahh! Pasensya na, hindi kasi kita matandaan” habang namumula ako sa hiya na sabihin sa kanya na di ko siya kilala. “HAHAHA! Pano mo ba naman ako mapapansin kanina, ehh kung hindi ka nakatingin sa prof, sa notebook mo o sa whiteboard ka lang nakatingin. HAHAHA!”. Loko to ahh! Pinagtawanan pagiging studious ko! “ahh ganun ba? May kailangan ka ba?” “pasesnya ka na kung napagtawanan kita. Gusto ko lang sanang hiramin yung schedule mo kung anong klase pa tayo magiging magkaklase.” Wala na akong nagawa kung hindi ibigay sakanya yung schedule ko. Habang tinitignan nya, inaassess ko din siya. Siya ay medyo maliit, chubby at Moreno. Maranunong pumorma at amoy na amoy ko ang pabango niya sa katawan. Habang tinitignan ko din siya ay naiisip ko na may konting inggit ako sakanya kasi may self confidence siya. Hindi siya nahihiyang makipagusap sa iba at siya pa talaga mismo ang lumalapit. Sana ganyan din ako para hindi ako mahirapan mag hanap ng kasama. Pagkatapos niyang tignan schedule ko ay binalik na niya sakin yung papel “Good News! Magkaklase pala tayo sa lahat ng subject except lang sa isa.” “Sa Chemistry no?” “Oo. Teka lang, bakit may Chem subject ka na? ehh diba pang 2nd year yun?” “kinuha ko na siya. Wala namang pre-req. ehh at saka para maka 24 units ako. Sayang naman kung magpepetiks ako ng 1st year pa lang.” “Scholar ka dito no?” “oo, mahirap lang kame.” Parang naiinis na ako sa kanya unti unti kasi talagang isturang mayaman siya. Samantalang ako hamak na scholar lang. “Huy baka isipin mo minamaliit kita kasi scholar ka lang dito. Hindi naman sa ganon. Actually, Masaya ngang magkaroon ng kaibigan na matalino. May kokopyahan na ako. HAHAHAHAHAH!” habang tumatawa siya gusto ko siyang sapakin tapos tumakbo kasi gagawin lang pala niya akong source ng mga sagot niya para makapasa. Pero bigla niyang sinabi “ako nga pala si nick. Pasensya ka na sa ugali ko. Medyo mataas lang self confidence ko kasi ayaw ko ng binabatuk batukan lang ako ehh hahahahahah!” medyo lang? hindi mataas talaga? Sabi ko sa sarili ko. “Ako si Eric. Nice to meet you” pero sa loob loob ko, ANG YABANG MO!. “sige mauuna na ako kailangan ko ng umuwi ehh” “sige kita na lang tayo bukas. Bye!” “Sige Bye!”. Hindi ko alam kung matutuwa ako na may kakilala na ako o maiinis sa sirili ko na may mayabang akong kakilala. Bahala na!
Maaga pa lang pumunta na ako sa school. 7 pa lang nandun na ako kahit ang next class ko ay 9 pa. gusto ko kasing maikot yung buong campus para alam ko saan pupunta if ever my mga activities na gagawin. Sa pagiikot ko nakita ko yung ibang estudyanteng higher year samin na laging nakatambay sa may gilid ng field. As usual yung mga babae tinitignan yung mga nagttraining na varsity players ng school. Yung iba naman nasa cafeteria, nasa gilid ng mga hallway at yung iba nasa loob ng room tumatambay. Ibat ibang klaseng mga estudyante makikita mo. May mga normal lang, yung iba naman halatang anak mayaman may mga assistant pa. yung iba naman halatang walang alam gawin kung hindi mang Bully. Ng malapit na ako sa library, dumungaw muna ako dun sa hallway. Pag dungaw ko ay nakita siya. Tinitignan ko siya, nakaupo lang sa may bench. Baka inaantay yung mga kaibigan niyang dumating. Tinitignan ko lang siya. Nakalipas siguro ang mga 10 mins, wala namang dumating na kaibigan niya. Nandoon parin siya, nakaheadset at nagbabasa ng book. Noong aakma na siyang titingin sa paligid niya ay dali dali na akong tumakbo papunta ng library. Kinabahan ako. Sana hindi niya ako nakita.
Start na ulit ng class namin ng biglang may tumabi sakin. Si nick pala. Binati naman niya ako sabay ngumiti. Kahit may kahanginan ang loko ay nay natatagong bait din pala siya. Siya pala ay produkto ng isang broken family. And nanay at tatay niya ay prehong OFW at laging lola niya ang kasama niya. after ilang years na pagtatrabaho daw ng nanay niya sa Qatar ay nagdecide na daw itong tumigil at nagdecide na magbusiness na lang dito sa pilipinas. Simula ng tumigil yung nanay niya sa pagttrabaho eh nagsimula na din daw tumigil makipagusap yung tatay niya sa kanila. Hindi man daw pumapalya sa pagpapadala yung tatay niya, tumigil naman daw itong magtext or tumawag sakanila. Nabalitaan na lang daw ng nanay niya sa katrabaho ng tatay niya na umuwi dito sa pilipinas na may ibang asawa na daw ang tatay niya. Simula noon ay kinamuhian na niya tatay nya. Ayaw na daw niya itong makita. Minsan nga daw yung mga padala na gamit ng tatay niya para sa kanya ay di daw niya ginagamit. Nakatambak lang daw sa kwarto niya. Ako naman nakikinig lang ako sa kwento niya. The whole morning kame magkasama, kwento siya sa buhay niya at ako din naman. Ng magllunch break na, tinanong niya ako kung san ako kakain. Sabi ko pagkakataon ko na to para magisa lang akong kakain. Sinabi ko sakanya na may isang carinderia sa labas ng school. Mura lang ang pagkain. Sinabi ko yun sa kanya kasi ang alam ko mayaman siya. sosyal siya. Hindi siya sasama sakin din at di siya kakain sa mga ganung lugar. Laking gulat ko ng bigla niya akong tinanong “Ano mga ulam dun.” Sinagot ko lang siya ng casual na “iba iba may karne, gulay, pinirito at nilaga.” “SAKTO! Ganung ulam gusto ko. Ganon kasi lagi nililito ng lola ko sa bahay. Paborito ko pa naman ang adobong manok.” Nalungkot ako na siya nanaman kasama ko sa pagkaen pero natuwa rin naman ako na kahit mayaman sila ay naturuan parin siya ng nanay niya na i-appreciate yung mga ganung bagay. Kahit afford niya yung mga mamahaling food, ehh mas gusto parin niya yung mga typical na lutong bahay na pagkaen. Habang kumakaen kame, palingon lingon ako kasi baka mamaya nandyan nanaman yung lalaking nakita ko sa auditorium. Pero wala siya ka kaya kahit papaano, Masaya naman ang lunch ko lalo na’t nilibre ako ni nick. Mabait din pala tong mokong na to. Hahahaha!.
Next class ko is Chem na kaya nag paalam na ako kay Nick. “Nick papasok na ako sa Chem.” “Sige Eric, bukas na lang ulit. Uuwi narin ako ehh.” “Sige Bye! Bukas na lang ulit. Salamat sa Lunch ha.” “No Problem.” Akala ko okay na ulit ako kasi magisa nanaman ako. Mas gusto ko kasi na ako lang magisa. Mas nakakapagisip isip ako pag magisa lang ako at nagagawa ko ng maluwag yung mga gusto kong gawin na walang inaalala na kasama. Papasok na ako ng next subject ko. Excited ako kasi about sciences siya ehh. Pagpasok ko ng room, wala pa yung prof at konting palang ang mga kaklase ko na nandun. Naupo ulit ako sa likod para hindi ako mailang sa mga classmate ko. Maya maya ay biglang pumasok yung professor naming sa subject na yun. Nagaayos na ako ng gamit ng biglang may kasunod na estudyanteng pumasok ang prof ko. SIYA NANAMAN! Kaklase ko pala siya dun sa subject na yun. Habang nakikita ko siya na naghahanap ng upuan, ako naman ay nananalangin na sana sa harap siya umupo. Kinakabahan parin aako habang inaayos ko yung gamit ko ng biglang may narinig ako boses sa gilid ko. “Excuse me? May nakaupo ba dito?” Paglingon ko siya nga! Para akong nagyelo habang nakatingin sa kanya. Hindi ako nakasagot agad ng biglang nagsalita yung prof naming. “Excuse me, I’m going to start the class. Please take your seat.” Bigla na lang siyang naupo sa tabi ko at nagstart na yung klase namin. “As we start our class, I want to know each and everyone of you. I will call you one by one, stand up and tell us something about your self.” PATAY! Eto ang pinaka ayaw ko sa lahat ehh. Yung iintroduce mo yung sarili mo sa harap ng maraming tao. Ng tinawag na ako ng professor ko, tumayo ako at pinakilala ang sarili ko. Lahat ay nakatingin sakin habang nagsasalita ako except lang sakanya. Kaya medyo umokay okay ako, at least hindi siya nag ppay ng attention sakin kaya nakakawala din ng kaba. Nung turn na niya, tumayo siya pero hindi agad siya nagsalita. Nagulat ako ng pagtingin ko sa kamay niya, nanginginig siya. Hindi ko alam kung nahihiya siya o ayaw lang talaga niyang magsalita. Bigla siyang nagsalita. “Good Morning, I am James, 1st year. CS.” Ganun lang kaikli ang sinabi niya at umupo na siya. Wala namang nagawa yung prof namin. Pinabayaan na lang siya at nagpatuloy na sa pagtuturo ang prof namin. Hanggang sa matapos ang klase namin ay tahimik lang siya. Hindi ko lang alam kung nakikinig ba siya sa lecture o tulala lang siya. Nang matapos ang klase namin, lalabas na sana ako ng classroom ng biglang may humawak sa braso ko. Pag lingon ko, si James pala. Ang lamig ng kamay niya at nanginginig siya. “Naiwan mo.” Inabot niya sakin yung payong ko. Nakalimutan ko pala sa pagmamadali kong lumabas ng classroom. Ang awkward kasi kanina kaya nagmadali na ako. “Salamat” yan lang ang nasabi ko at umalis na ako. Hanggang sa makauwi ako, ang awkward ng pakiramdam ko.
COMMENTS