$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Second Time Around (Part 1)

By: Confused Teacher Matataas na puno ng mangga, mahihinang huni ng ibat-ibang kulisap. Mga ibon na masayang nagpapalipat-lipat sa...

By: Confused Teacher

Matataas na puno ng mangga, mahihinang huni ng ibat-ibang kulisap. Mga ibon na masayang nagpapalipat-lipat sa mga sanga, maging ang putol na malaking puno na aking kinauupuan, at ang malawak na dagat na matatanaw mo sa kabila ng daan. Lahat ng iyon ay pamilyar na pamilyar sa akin. Ito ang tanawing kinalakihan at kinasanayan kong makita sa aking kabataan. Dito ko ginugol ang aking kamusmusan. At ngayon ang mga ito rin ang mga bagay na gusto kong kalimutan at alisin sa aking isipan.

“Si Xander ba iyon?”

“Oo si Xander yata, yung apo ni Tatay Narding!”

Iyon ang boses na nagpatigil sa pag-iimagine ko sa mga bagay-bagay sa lugar na iyon. Kaya napalingon ako sa pinagmumulan ng mga tinig na iyon. Dalawang babae ang ngiting-ngiti na nakatingin sa akin. Bagamat nagtataka ako dahil sa pwesto ko na isang side ng pa “Y” na daan, ang side na kinalalagyan ko ay papunta sa bahay nina Lolo na papunta sa bukid. Tatlong bahay lamang ang nasa dulo nito, Iyong kina Lolo at dalawang kubo na tinitirhan ng mga magbubukid na nakiusap kay Lolo na magtatayo doon dahil wala silang matirihan mga dayo kasi sila galing Visayas. Makitid lamang ang daan na iyon dahil halos kami lamang ang madalas na dumadaan at kung anihan o taniman lamang may mga dumadaan sa lugar na iyon na ibang tao para magtrabaho sa bukid, Samantalang ang kabilang side naman na mas malapad ang daan ay papunta sa ilang kabahayan. Ang pinakapuno naman ng “Y” ay pababa at sementado at nagdudugtong sa main road papunta sa bayan. May waiting shed doon kasi iyon din ang jeep at bus stop, kanto ang tawag namin sa lugar na iyon. Nagtataka man ako dahil hindi ko kilala ang dalawang babae na ito at bakit galing sila sa daan papunta sa bahay namin ngumiti lamang ako pagkakita sa kanila.Ganon kasi sa probinsiya, parang lahat ng tao mgkakamgag-anak.

“Si Xander nga, Xander kumusta ka na ‘ga utoy, ang tagal mong hindi umuwi dito ah, wari ko baga ay mula nang mamatay si Tatay Narding bibihira ko na yatang nakita kang nagagawi rito sa atin.” ang nakangiting bati noong medyo mas matanda sa kanilang dalawa.

“Naging busy po kasi sa Manila.” matipid kong sagot.

“Lalo kang gumuwapo anak, at ang laki mo na. Kumusta ka na utoy, Ikaw baga ay graduate na?” Sagot naman no’ng kasama niya na medyo mahaba ang buhok. Parang masayang-masaya siya nang makita ako.“

“Mabuti naman po, opo last year pa po ako nag graduate.” Hindi ko alam kung ramdam nila na matamlay ang mga sagot ko sa mga tanong nila kung kaya maya-maya ay nagpaalam na rin sila at tinungo ang daang pababa papunta sa main road. Hindi ko talaga matandaan kung sino sila. Wala naman sana akong balak bumalik dito kung hindi lamang dahil kay Lola, gusto niya na dito i celebrate ang 2nd death anniversary ni Lolo dahil matagal din naman daw tumira dito si Lolo.

Pero alam kong pagbalik ko rito ay maalala ko pa rin si Hannah. Sabagay kahit naman nasaan ako maalala ko pa rin siya. Na labis kong kinaiinisan sa ngayon kung bakit naalala ko pa rin siya. Dapat sana ay kinakalimutan ko na siya at ang lahat ng alalang meron kami. Pero iba sa lugar na ito dahil dito nag-umpisa ang lahat sa amin. Ang lahat ng narito ay mga saksi kung papaano ko minahal si Hannah.

Kapatid si Hannah ng kababata at bestfriend kong si Hans ahead kami ng 1 year sa kanya. Kinapatid ko din si Hans dahil inaanak siya ni Daddy. Parehas engineer ang mga daddies namin at magbarkada sila kahit noong kabataan pa, kaya close sila sa aming pamilya kung kayat sa twing pupunta sa bukid ang mga magulang ko ay tiyak pupunta silang mag-anak para makipagkwentuhan at magbonding ang mga parents namin. Elementary pa lamang ay naging magbestfriend na kami ni Hans at madalas naming awayin si Hannah kasi iyakin siya. Natutuwa kaming paiyakin siya at iyon talaga ang trip naming dalawa. Kahit pinapagalitan kami ng mga parents namin hindi kami napipigilan, talagang natutuwa kami na asarin siya.

Twing weekend ay sa bukid ako nag i-stay dahil busy ang parents ko sa pagtatrabaho sa Manila kaya sina Lolo na ang nagpalaki sa akin dahil doon naging close kami ni Hans dahil siya ang lagi kong kalaro. Ayaw akong iwan ni Lolo sa bayan dahil wala akong kasama doon si Lola kasi ay sa bukid din nagtitigil. Ang lungkot ko nga twing Sunday afternoon kasi aalis na kami ni Lolo papuntang bayan at doon naman ako ng weekdays dahil may pasok sa school. Natapos ang elementary namin na ganoon ang buhay ko.

Pero noong mag highschool ay nagdecide sina Tito na lumipat na sa bayan dahil doon na mag-aaral sina Hans at Hannah. May nabili silang bahay ilang blocks lamang ang layo mula sa amin kaya lalong tumibay ang samahan namin dahil araw-araw kaming magkasama kasama rin namin madalas ang pinsan at isa ko pang best friend na si Karl dahil kasama namin lagi siya sa basketball court ng subdivision. Nagkaroon tuloy ng pangatlong nang-aasar kay Hannah.

Second year na kami saka ko lamang napansin na mabuti si Hannah at nagbago ang lahat sa amin. Candidate siya sa Search for Miss Intrams, First year pa lamang siya noon. Kasama ko ang dalawa habang nanonood siyempre kahit inaasar ni Hans ang kapatid niya biruan lamang iyon susuportahan pa rin namin siya. Noong una, wala lamang sa akin, pero nang mag sports wear na siya parang bigla akong natauhan. Kung tutuusin ay simpleng tennis attire lamang naman suot niya, pero sobrang ganda niya. Parang hindi siya si Hannah. Lalo na ng Q & A na ang galing niya at ang talino ng sagot niya. Kahit 4th year talo niya sa pagsagot. Palakpakan ang lahat sa sagot niya at hangang-hanga ako sa kanya. Kaya ng i- announce na siya ang nanalo, ako yata ang pinakamalakas ang sigaw at palakpak na alam ko namang sobrang ipinagtataka ng dalawa kong katabi dahil alam naman nilang lagi ko siyang inaasar noon.

Mula ng araw na iyon ay naging intresado na ako sa kanya lagi ko siyang tinatanong kay Hans at inaalam kung ano ang mga gusto at ayaw niya. Hindi naman siya nagtataka marahil ay iniisip niya na nagpa plano lamang ako ng bagong pang asar. Bago natapos ang 5 araw na Intrams, nakagawa ako ng paraan na lapitan siya nang makita kong nagsosolo siya sa canteen.

“Hi,” bati ko sa kanya, “ Congrats ha.”

“Hmp, aasarin mo na naman ako ano, wala ka na namang magawa kaya ako ang pagdidiskitahan mo” at inirapan niya ako.” Pero naupo ako sa bakanteng bangko sa tabi niya

“Sorry na, promise, hindi na kita aasarin, hindi na kita aawayin.” Inabot ko ang kamay ko para makipagkamay sa kanya. Noong una tiningnan lamang niya pero nang makita niyang hindi ko binabawi kinamayan na rin niya ako.

”At bakit nagbago yata ang ihip ng hangin, ano nakain mo? baka may kalokohan na naman kayong pina-plano nina Kuya ha, nasaan ba iyon? isusumbong ko talaga kayo kay Daddy.” kahit nakasimangot siya napagmasdan ko siyang mabuti. “ang ganda nga pala talaga niya.” Iyon ang pumasok sa isip ko.

“Wala lang, nakakahiya kayang awayin ang Miss Intrams, ang daming magagalit sa akin, ang dami mo kayang fans at isa na ako don, mali naman pating awayin ang gaya mo na ang ganda-ganda. Saka hindi nga alam ng kuya mo na kinakausap kita, busy sila ni Karl don sa booth. Doon sila nang gugulo kaya nga umalis ako don. Ayoko na don gusto ko good boy na ako. Gusto ko dito na lamang ako sa tabi mo.”

“Ah ewan ko sa iyo, nambola ka pa, pero hindi pa rin ako naniniwala, basta ang alam ko lamang ay ginu-goodtime mo ako, mamaya lamang aawayin mo na naman ako. Hindi ko nga alam bakit kinakausap kita alam ko naman gusto lamang ninyong tatlo na paiyakin ako.” at itinuloy niya ang pagkain ng chichirya.

“Promise nga hindi na, hindi na kita aawayin basta mula ngayon friends na tayo at mula ngayon ako na ang tagapagtanggol mo, ako na ang aaway sa mang-aasar sa iyo.” Nakita kong napangiti siya kahit ramdam kong duda pa rin siya sa sinasabi ko. Niligawan ko siya at hindi naman ako nahirapan, sa unang simbang gabi ng taong iyon sinagot din niya ako.

“’Tol payag ako dati na inaasar natin si Hannah, pero pag niloko mo siya ngayon, ako na makakaaway mo,” minsang banta sa akin ni Hans nang malamang kami na ni Hannah.

“Promise ‘tol, hindi mangyayari iyon, in love ako masyado sa sister mo.” Pag-amin ko. Hindi talaga nila mapaniwalaan ni Karl na mai-inlove ako sa taong kailan lamang ay inaasar ko dahil ako man hindi ko iyon naisip dati na mamahalin ko ng sobra si Hannah. Kaya nga minsan nahihiya ako sa kanya dahil sa mga kalokohan ko dati.

Naging maayos ang samahan namin. wala akong mahihiling na higit pa sa kanya bilang girl friend. Maganda, matalino, sexy at malambing. Napaka thoughtful at magalang kaya kahit sina Lolo at Lola gusto siya. Madalas kapag weekend bumabalik kami dito sa bukid to spend our times. Minsan kasama namin si Hans at Karl pero madalas kaming dalawa lamang. Naliligo sa dagat o kaya ay basta lamang mauupo sa mga batuhan pero madalas ay narito lamang sa putol na punong ito at nagkukwentuhan, nangangarap at nagpa plano ng aming kinabukasan. Paakyatin niya ako at pakukuhanin ng manggang hilaw pagkatapos ay kakainin namin na may sawsawang bagoong habang ginagawan namin ng kwento ang mga taong dumadaan o nakikita naming nagkukuwentuhan saka kami magtatawanan. I know I was not an ideal boyfriend when we were in high school kasi ang bata pa namin noon. Madalas kahit may usapan kaming dalawa pag nagyaya ang mga tropa ko nalilimutan ko ang usapang iyon. But I did everything I can when we were in college. Ang hirap kasi sobrang namimiss ko siya dahil sa province namin siya nag-aral samantalang sa Manila ako. Ganoon talaga siguro noong high school kami hindi ko masyadong na-appreciate ang mga ginagawa niya pero nang mapalayo siya, parang simpleng ngiti lamang niya ang laking bagay na sa akin. Kaya hangga’t maaari sinusulit ko ang oras namin pag weekend. Madalas pa rin kaming pumapasyal dito at nagpapalitan ng mga promises. Dito na rin namin pinag-uusapan ang aming kasal at magiging pamilya. Tanggap ng mga magulang namin ang tungkol sa aming dalawa. Malaki ang tiwala nila sa amin dahil nga umabot kami ng ganoon katagal.

Sa loob ng pitong taon, hindi kami nag break kung may tampuhan man kami sinisiguro namin na pag nag-usap kami ang objective ay ayusin ang problema kaya hindi naging solusyon kahit minsan ang break up o cool off. Lalo na siya lagi niya akong iniintindi, kahit alam kong marami akong pagkukulang pag nagpaliwanag na ako ang haba ng pasensiya niya. At aaminin ko for seven years marami akong naging kalokohan pero kahit minsan hindi ko naisip na palitan siya. Sigurado ako sa sarili ko siya ang gusto kong makasama sa habang buhay.

Akala ko ideal na ang relationship namin. ilan ba sa mga kabataang gaya namin ang umabot ng more than 7 years ang relasyon? Pero gaya ng sinasabi sa isang kanta, some good things never last. Nagising siya isang umaga na hindi na raw niya ako namimiss. Hindi na niya ako mahal, kaya kalimutan ko na raw ang plano naming pagpapakasal dahil hindi na iyon ang gusto niya. Iba na ang plano niya sa buhay. Ganoon kasimple sa kanya na kalimutan ang mahigit pitong taon naming pinagsamahan. Pero sa akin ang hirap gawin ng gusto niya. Nakiusap ako na pagbigyan pa niya ako ng isa pang pagkakataon pero hindi siya pumayag. Iniwan niya ako sa same spot kung saan ako nakaupo ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Malapit na noon ang finals namin, parang mababaliw ako. Pero alang-alang sa mga magulang ko na nagpapakahirap para makatapos ako at maging ang lolo at lola ko kailangan kong tumayo at ipagpatuloy ang buhay. Pero ang sakit, parang araw-araw kailangan kong pilitin ang sarili kong bumangon sa higaan para lamang muling maramdaman ang sakit.

“Bakit Hannah, ano ba ang naging kasalanan ko sa iyo?” Iyon ang huli kong itinanong sa kaniya, at iyon din ang paulit-ulit na tinatanong ko sa sarili ko, ano ba ang naging kasalanan ko sa kaniya. Ngayon after 1 year bumalik ako sa lugar na ito kung saan ko siya unang nakilala. At muli nakikita ko ang mga lugar na madalas naming puntahan kapag nagbabakasyon kami sa bukid. Ang lahat ng narito ngayon ay mga saksi kung gaano kami kasaya dati. Ang lahat ng nag papaalala sa akin ng tungkol sa kanya ay siya ring nagpapaalala ng lahat ng sakit na isang taon ko ng pinagdudusahan.

Graduate na ako ng Engineering. Narelease na rin ng result ng Board at salamat sa Diyos kahit wala ako sa katinuan ng mga panahong iyon ay pinalad pa rin at biniyayaan ng Diyos na makapasa. Employed na rin ako sa isang kilalang engineering firm sa Manila kung saan ako nag OJT. Masaya ako dahil hindi nabigo ang aking mga magulang sa pangarap nila para sa akin. Lalo na sina Lolo at Lola na talagang umaasa na pagbubutihin ko ang aking pag-aaral. Pagkatapos noon hindi ko na rin pinigilan ang aking mga magulang na mag abroad, dahil pangarap naman nila yun noon pa hindi nga lamang magawa dahil nag-aaral pa ako. Pero hindi ko alam kung ako ba sa sarili ko ay masaya dahil ang taong nais kong paghandugan nito ay wala na sa buhay ko. Nasa ganon akong pwesto nang maramdaman ko ang pagkislap ng liwanag. Naulit pa iyon ng ilang beses. Sure ako flash iyon ng camera. Tiningnan ko kung saan nanggagaling. Mula sa daan galing sa ibaba, isang lalake na marahil ay kasing edad ko, naka shorts, naka rubber shoes, naka back pack ang may hawak ng camera at balak pa rin yatang kuhanan ulit ako ng picture.

“Pwede bang itigil mo yan?” pagalit kong sita sa kanya.

“Sorry bro, ang cute mo kasing tingnan para kang new version ng ‘The Thinker’” ang nakangiti niyang bati sa akin. Saka ko lamang napansin ang pwesto ko tama nga siya para akong “The Thinker” sa pwesto ng pagkakaupo ko. Wala akong pakialam sa sinasabi niya at wala ako sa mood na patulan ang pagpapatawa ng kung sino mang tarantadong iyon. Bahagya akong tumagilid paharap sa daan papunta sa bahay namin para umiwas ng tingin sa kanya. Pero patutoy pa rin siya sa pag picture at bahagyang lumapit pa sa akin. Kaya nag-init na ang ulo ko.

“Sinabing ng itigil mo na iyan ah, hindi ka ba nakakaintinde?’ lumapit ako sa kanya sabay suntok sa kaliwa niyang pisngi na alam kong ikinagulat niya. Hindi siya nakapagsalita. Ako naman ay tumalikod sa kanya at tinumbok ang daan pauwi sa amin. Hindi ko na hinintay ang reaction niya. Pagkapasok ko ng bahay ay diretso ako sa may ref at kumuha ng tubig. Nakita ako ni Lola.

“O Xander, nakabalik ka na pala, saan ka ba nanggaling at bigla kang nawala, kinakausap kita akala ko nariyan ka lamang pagtingin ko bag mo lamang ang nasa bangko.” ang nagtatakang tanong niya sa akin.

“Sorry po ‘Nay nagpahangin lamang po diyan sa may baba.” Ang malungkot kong sagot.

“Hmmm, naalala mo ang lolo mo ano, kasi naman buong isang taon hindi ka umuwi dito, natural lamang iyan, ako nga hanggang ngayon dalawang taon na miss na miss ko pa rin siya hindi pa rin ako masanay na hindi ko siya nakikitang iikot-ikot dito sa bahay at kung anu-ano kinukutingting. Pero sigurado naman ako masaya ang Lolo mo dahil graduate ka na at ganap ng Engineer ang otoy namin. Parang kailan lamang nang una naming marinig sa iyo na gusto mong gayahin ang Daddy mo. Alam mo bang masayang-masaya ang Lolo mo noon? Iyon naman ang pangarap talaga niya para sa iyo hindi ba? Sayang nga lamang at hindi ka niya nahintay” At niyakap niya ako alam ko naiiyak na naman siya. Pero hindi na ako nagsalita. Hindi ko kasi masabi sa kanya na oo nga at nami miss ko si Lolo pero hindi siya ang dahilan kung bakit ayaw kong bumalik dito. Dahil kung may magandang alaala na gusto kong balikan sa lugar na iyon, iyon ay alaala ng aking Lolo. Pakiramdam ko tuloy dalawang mahalagang tao sa buhay ko ang magkasunod na namatay. Pero ang alam ni Lola ay naka move on na ako sa nangyari at iyon ang madalas kong sinasabi sa kanya pag tumatawag ako. Ayoko na kasing dagdagan pa ang alalahanin niya. Mas mabuti ng isipin niyang okay na ako dahil alam ko naman na may pinagdadaanan din siya sa pagkawala ni Lolo.

“Siyanga pala hindi ko na nasabi sa’yo, darating daw si Russel yung anak ng Lola Ana mo na taga Isla Verde, pinadiretso na raw dito nang malamang walang tao sa bahay natin sa bayan hindi kasi nila alam na dito tayo magse celebrate ng kamamatayan ng Lolo mo, bukas na raw sila susunod pinauna niya kasi may mga dalang gulay at prutas. Ipapasundo ko sana sa’yo sa may kanto.”

Nang marinig ko iyong anak ni Lola Ana, medyo kinabahan ako, kasi ang alam ko base sa kwento ni Lolo ang anak niyang si Russel ay halos ka age ko lamang daw. Hindi naman kasi siya totoong anak, ampon lamang siya dahil matandang dalaga si Lola Ana. Sa Manila siya naglalagi kat doon na din nag-aral ng high school kaya kahit minsan hindi pa kami nagkita. Sabi rin ni Lolo malaki ang utang na loob nila kay Lola Ana dahil siya ang tumustos sa pag-aaral ni Daddy noong college. Halos magkasabay kasi sila nina Tito at Tita na nag college at dahil bunso si Daddy nahirapan talaga sila sa pera. Mabuti na lamang at sinagutan lahat ni Lola Ana ang gastos dahil maluwag naman siya sa pera at wala namang anak na ginagastusan noon. May mga bangka kasi syang pang pangisda at malaki ang kita bukod pa sa bukid na tinataniman ng ibat-ibang halaman. At talagang tinutulungan sila sa mga panahong gipit sila lalo na kung mababa ang ani. Naikwento na rin minsan sa akin ni Daddy iyon tungkol sa pag-aaral niya at malaki ang respeto niya kay Lola Ana.

“Sige po ‘Nay, titingnan ko baka nasa may kanto na siya.” At mabilis na akong lumabas kaya hindi ko alam kung sumagot pa ba siya o hindi na. Pero sa isip ko sana hindi siya kasi nakakahiya talaga kay Lola Ana. At bukod pa sa nakakahiya ang ginawa ko ay tiyak mapagalitan pa ako ni Daddy pag nalaman iyon. Kabadung-kabado ako, bakit kasi naunahan na naman ako ng init ng ulo. Iyon na nga ba ang bilin lagi ni Lolo sa akin, mag-isip muna ng tama bago umaksiyon o huwag magdesisyon pag nagagalit. Pagdating ko naroon pa rin siya hawak ang pisngi niyang sinuntok ko.

“Ikaw ba si Russel?” ang nahihiya kong tanong. Halata kong nagulat siya at humakbang paurong dahil siguro sa takot. Medyo namumutla pa. Hindi siya nagsalita pero tumango lamang. “Patay! Siyanga.” Iyon agad ang naibulong ko sa sarili ko “Siyanga pala ako si Xander apo ni Nanay Linda. Pasensiya na kanina hindi ko naman alam. Halika na naghihitay si Nanay sa’yo.” Nahihiya ako pero tinapangan ko na lamang. Alam kong nabigla din siya sa narinig niya at medyo nag alangan pa bago ngumiti sa akin saka nagsalita.

“Yeah, its me, okey lang, pero ang lakas mong sumuntok bro, namanhid yata ang pisngi ko. “ iyon lamang ang isinagot niya. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kaya minabuti ko na lamang na tumahimik at naglakad papunta sa bahay. Nauuna ako at hindi na kami nag-usap. Nasa may pintuan si Lola at talagang naghihintay sa amin. Nagmano siya paglapit namin.

“Ikaw na ba yan Russel, ang laki mo na, noong huli kitang makita ay hindi ka pa ganyan. Noong namang nagbakasyon kami ni Xander, may summer classes ka raw sa Maynila kaya hindi tayo nagkita. Kumusta ka na? Ang Inay mo kumusta?” ang sunud-sunod na tanong ni Lola, halatang excited sa aming bisita.

“Oo nga po nasabi nga po ng Nanay na nagbakasyon kayo kaso nag summer po ako noon para makabawas pressure yung ibang subjects pagdating ng pasukan. Mabuti po naman ang Inay, pinauna na lamang po ako dito kasi baka daw kailanganin na ninyo ang mga gulay at prutas. Kaya lamang iniwan ko po sa may tindahan sa pier kasi pasakay na po ako ng bangka nang tumawag siya na wala raw kayo sa bayan. Hindi ko po alam itong lugar ninyo nagbigay lamang siya ng instruction kung ano ang sasakyan ko at saan bababa. Naisip ko mahihirapan po ako kung dadalhin ko agad. May padala rin po siyang mga daing na pusit at tuyo. Mabait po naman yung may-ari noong tindahan kasi barangay councilor daw yung asawa niya. Bukas na lamang po raw susunod ang mga Inay kasi padating po yung dalawang bangka galing sa laot kaya kailangang naroon siya.”tuluy-tuloy niyang kwento kay Lola.

“Talagang iyang nanay mo hindi pa rin nagbabago, napaka thoughtful pa rin ng aming bunso. Nabanggit nga niya yung mga padala niya nang magkausap kami kanina, o siya, magmeryenda ka muna at makapagpahinga ka na rin. Mabuti naman at nagkakilala na agad kayo ni Xander hindi ka na nahirapan na hanapin itong sa amin.” Magsasalita sana ako pero inunahan niya ako.

“Opo, Lola, mabuti na lamang nakita agad ako ni Xander, di ba pinsan? Kung hindi po ay baka kung ano nangyari sa akin, mahirap palang hanapin itong lugar ninyo.” hindi ko alam kung may ibig sabihin ang pagtingin niya sa akin. Hindi ako nagsalita hinayaan ko lamang siya. Pero sa isip ko sana huwag na niyang dagdagan pa dahil alam ko magagalit ang Inay sa akin.

“Teka, bakit parang namumula iyang pisngi mo?” pagtataka ni Lola nang mapansing hinawakan niya ang pisngi niya. Kinabahan ako hindi ko alam parang gusto ko siyang unahan sa pagsagot. O kaya ay hilahin siya sa loob para magmeryenda.

“A wala po ito, nauntog lamang po ‘nong nasa bangka ako. Matataas po ang alon kanina kaya mahirap ang biyahe, hindi po ako nakahawak agad kaya napauntog ako sa may poste. Hindi naman po masakit.” pagkukunwari niya pero tumingin sa akin na parang sinasabing don’t worry. Tumango naman si Lola. “Lagyan mo kaya ng yelo.” Dagdag pa niya.

“O Xander, sabayan mo na mo na siya sa meryenda, malamang gutom ka na rin. Pagkatapos ay puntahan mo si Mang Caloy at pahatid kayo sa pier nang makuha ninyo ang mga dala niya. Kaya sabay-sabay na kaming pumunta sa kusina.

Habang nasa sasakyan kami hindi na ako nakatiis. “Sorry ha, hindi ko naman alam eh, akala ko kasi kung sino kang nagpi-picture.” Iyon lamang ang nasabi ko dahil nahihiya talaga ako hindi nga ako makatingin ng diretso sa kanya.

“Small thing ‘insan, don’t worry.” Nakangiti niyang sagot, medyo nakahinga ako ng maluwag.

“Bakit pala hindi mo sinabi sa Inay ang totoo?”nilakasan ko na ang loob ko sa pagtatanong.

“Ayoko namang dahil sa akin mapagalitan ka pa ni Lola.” Muli ay nakangiti niyang sagot. Saka ko lamang napagmasdang mabuti ang mukha niya. Pogi pala siya. Maganda ang mata niya at mapupula ang maninipis na labi. Ang kinis pati niya. At ang pinaka pansinin sa kanya ang ilong niya. Maliit lang pero kakaiba ang tangos nagbibigay tuloy sa kanya ng napaka amo at napaka bait na image. Ang linis pati niyang tingnan.

“Basta may utang ka sa kin pinsan… haha...” nagulat ako hindi ko alam kung napansin niya ang pagtingin o sa mukha niya.

Madali lamang namin nakuha namin agad ang mga dala niya. Marami nga dahil may dala siyang bag na mukhang mga damit. Magtatagal siguro sila sa amin. Gaya ng sinabi niya, asawa nga ng konsehal ang nasa tindahan kaya kahit inaalok namin ng konting halaga para sa abala ay tumanggi siya. Kami pa ang piangmeryenda kasi si Mang Caloy may nakakwentuhan pa kaya medyo natagalan kami bago nakaalis. Hindi ko alam kung nagi-guilty lamang ako sa nangyari sa una naming pagkikita ni Russel kung kaya parang naiilang ako makipag-usap sa kanya. Madalas kung hindi siya magtatanong hindi kami mag-uusap. Kaya nakabalik kami sa bukid na konti lamang ang napag-usapan.

“Nako Russel, sira ang aircon sa isang kwarto, Hindi na kasi namin iyon ipinagawa dahil mula ng mag college iyang magpinsan bihira ng matulog dito. Si Karl kasi gumagamit noong isang kwarto na iyon.” ang sabi ni Lola pagkatapos naming kumain. Iyong mga dala namin ay inilagay lamang sa kusina at bukas na raw pagdating nina tita aayusin tuloy paghahanda na rin sa mga gagamitin sa pagluluto. Maliban doon sa bag niya ng damit na nasa salas pa rin.

“Ayus lamang po akin Lola, kahit walang aircon. Mahangin naman mabuti nga yun maginhawa po.” Sagot naman ni Russel na gaya ng dati laging nakangiti kapag nagsasalita.

“Akala mo lamang iyon maginhawa pag nasa room ka na mainit na.” ako na ang sumagot.

“Xander, mabuti pa kaya ay sa kwarto mo na lamang siya patulugin tutal malaki ang kama mo. Diba madalas naman kayong magkasamang natutulog don ni Karl no’ng nagpupunta pa siya dito?” mungkahi ni Lola. Totoo naman iyon kahit may sariling kwarto si Karl ay sa room ko madalas matulog maliban na lamang kung nag asaran kami bago matulog at napikon siya sa akin o alam niyang bad trip ako sa kanya kaya don siya sa kabila. Kung minsan naman ay doon kami sa room niya. Pero mula nang dumalang ang pagpunta ko sa bukid ay tinamad na rin siyang pumunta dito, madalas ay sa bayan na lamang kami nagkikita dahil magkalapit bahay lamang naman kami.

“Nako, Lola, huwag na po, nakakahiya naman, pwede na po ako sa walang aircon, kahit electric fan lang okey na sa akin.” Ang muli niyang pagtanggi. Alam ko namang dahilan lamang niya iyon dahil nahihiya siya pero kita namang hindi siya sanay sa init kasi may butil-butil na ng pawis sa noo niya dahil summer kaya mainit ang singaw ng hangin kahit sa bukid.

“Okey lang, don’t worry walang problema sa ‘kin. Gaya ng sabi ni Lola, minsan don kami natutulog ni Karl, minsan naman sa room niya kaya sanay ako na may kasama sa room. Makikilala mo rin si Karl bukas darating din siya dito. Sa Cavite kasi siya nag ta-trabaho at bukas pa naka leave. Kaya ipasok mo yang gamit mo don at kung gusto mong maligo may CR don, hindi ko lamang alam kung malinis kasi almost one year na rin akong hindi nakakauwi dito at hindi pa ako nakakapasok mula ng dumating ako kanina.”

“Malinis naman iyon, regular na nililinis namin ni Milagros ang kwarto ninyo kahit walang gumagamit.” Sagot naman ni Lola. Si Milagros ang kasambahay namin na taga rito rin kaya hindi stay in at pagkahugas ng kinainan namin ay umalis na rin dahil may anak din siyang kailangang samahan sa gabi.

“Ah kung ganon po, hindi na ako mag iinarte, mas alam ninyo kung ano ang maganda, hehe.” At nakangiti siya sa amin parehas ni Lola. Hindi ko alam kung sinasadya niya pero ang cute niyang tingnan.

Dahil first time namin magkasama sa room ay nagkakahiyaan pa kami. Nakaupo kami sa magkabilang side ng kama at halatang nagpapakiramdaman kung sino ang magsasaliita. Nakita kong tumayo siya at inayos ang mga dala niyang damit sa bag niya. Naiisip ko ang dami niyang dala mukhang magtatagal siya. “Yang mga gamit mo ilagay mo na muna sa cabinet kasi malulukot ang mga iyan kung nasa bag. Maluwag naman iyan dahil konti na lang din ang gamit ko dito.” Tumango lamang siya.

“Uuna na ako sa ‘yong maligo ha, kung maliligo ka, kuha ka na lang ng towel diyan sa cabinet” ako na ang bumasag sa awkward moment namin. Hanggang sa mga oras na iyon ramdam ko pa rin na guilty ako sa ginawa kong pananapak sa maamo niyang mukha. May bakas pa rin ng pamumula, mabuti na lamang at hindi iyon nangitim. Tumango naman siya kahit hindi tumitingn sa akin.

Paglabas ko, nakita ko siyang naka hubad na at naka shorts lamang. May dala naman pala siyang blue na towel na nakatiklop sa tabi niya at halatang nakaready na ring maligo. Maganda ang katawan niya kahit hindi gym fit, halatang ma alaga siya. Matagal talaga akong maligo kaya siguro ay naiinip at mukhang hinihintay lamang akong lumabas. Paglabas ko ay tumayo siya at diretso na sa CR dala ang mga gamit niya sa paliligo.

Habang naliligo siya ay inilagay ko na rin sa cabinet ang dala kong damit. Ilang piraso lamang naman iyon dahil may damit naman ako sa cabinet. Inayos ko na rin para magka space at ng mailagay niya ang mga gamit niya na nakita kong nakatiklop lamang sa ibabaw ng kama. Napansin ko ang mga regalong damit sa akin ni Hannah, parang bumalik sa akin ang sakit, lalo na at naiisip ko ang mga okasyon kailan niya iyon ibinigay. Naalala ko rin yung bracelet na regalo niya sa akin noong graduation namin ng high school. Binuksan ko ang drawer at tama naroon pa rin, kasama yung kung anu-anong maliliit na souvenir na pasalubong niya pag meron silang pinuntahan maging ang mga gifts niya kapag monthsary namin pati pag anniversary at ang last niyang regalo na relo nong nakaraan kong birthday, kumpleto pang lahat. Naramdaman ko na naman ang sakit. Pero ayoko na siyang maalala. Ibinalik ko silang lahat sa box. Saka ko inilagay sa ilalim. Naalala ko may kasama akong iba sa room. Hindi ako pwedeng mag emote na kadalasan kong ginagawa sa boarding house hihiga at maya-maya tutulo na lamang kusa ang mga luha ko.

Maya-maya nga ay lumabas na siya na naka sandong black at naka shorts. Tinutuyo rin niya ng towel ang buhok niya. Muli naupo siya sa kama. “Kumusta pala saan ka nagwowork, ano pala ang itatawag ko sa iyo, Tito ba or pinsan?”pagpapatawa ko kasi pansin ko talaga naiilang kami pareho.

“Pinsan na lamang magka age lang daw naman tayo saka I believe you are aware na hindi naman ako anak ng Inay, in adopt lamang niya ako nang mamatay ang parents ko. Sa BGC ako nag wowork junior accountant sa bangko”

“ Ah sige pinsan na lamang, CPA ka?”

“Oo, sinwerteng nakapasa kaya ayun. Ikaw board passer ka din daw sabi ng Inay engineer ka na raw gaya ng dad mo”

“Sinwerte rin, hehe saka sa awa ni Lord… sa Manila rin ako nag stay malapit sa office.”nagkatawanan kami.

“Siyanga pala, would it be ok if I stay here for a while, nag leave kasi ako gusto ko lamang magbakasyon. Ang Inay ang nag suggest na dito na lamang para makasama siya, matagal na rin naman niyang gusto maka bonding si Lola kasi last time na nagkita sila was when your Lolo passed away kaya hindi rin sila nakapag bonding ng maayos.”

“No problem, one week din ang bakasyon ko. Pero baka sa bayan ako maglagi, ayokong masyadong mag stay dito e. Maraming memories dito na gusto ko nang kalimutan. Kung hindi nga lamang Lola insisted na dito namin i-celebrate death anniversary ni Lolo hindi ako pupunta rito” alam kong ramdam niya ang lungkot sa pagsasalita ko.

“Yeah I know, nabanggit nga din ng Inay kung gaano kayo ka close ng Lolo mo, buti na nga lamang daw at hindi nasira ang studies mo noong time na iyon.” Naisip ko mabait naman pala ang taong ito. Kita ko kasi ang concern sa mga mata niya.

“Hindi lang iyon, may gusto pa akong kalimutan dito bukod kay Lolo.” Seryoso kong sagot sa kanya.

“Babae ba bro?” Hindi ako nagsalita pero alam kong naintindihan niya ang pagtungo ko ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. “Tingnan mo nga naman ano, kaya nga ako nag leave kasi gusto ko rin munang kalimutan ang nangyari sa amin ng girlfriend ko. Mukhang parehas lamang tayo ng reason ah.” Parang naging interesting ang usapan namin, bagamat ayoko sanang ungkatin pa ang problema ko.

“Bakit ano bang nangyari sa iyo?’ ang malungkot kong tanong, “I hope hindi naman iyan kasing bigat ng nangyari sa akin.”

“I hope so, classmate ko siya at tatlong taon na sana kami, kasi naging kami noong 3rd year pa. Sabay din kaming nakapasa sa board pero magkaiba lamang kami ng company na pinasukan. we were planning to get married next year and we’ve started preparing for that event as early as this year. Pero two weeks ago nalaman ko na lamang na nabuntis pala siya ng boss niya at nag li-live in na sila now dahil hindi naman siya pwedeng pakasalan dahil may pamilya sa abroad ang boss niya. Ang sakit bro, hindi ko alam pa’no mag move on.” ang malungkot niyang kwento. Tumango lamang ako ramdam ko ang sinasabi niya dahil ganon din pakiramdam ko. “Kaya nga nagpaalam ako sa boss ko na mag reresign na at asikasuhin ko na lamang ang business ng Inay para hindi na rin siya nai stress. Kasi ang hirap pag nasa Manila ako lagi ko pa rin siyang naalala lalo na sa mga lugar na madalas naming puntahan. Pero binigyan muna ako ni boss ng one month para mag decide. Ikaw ano ba nangyari sa iyo, if you don’t mind?” nakatingin siya sa akin.

“Since nagkwento ka na, it would be unfair kung hindi ako magku kwento. Childhood sweetheart ko siya, the only girl that I had. Bata pa kami nang naging kami ako 13 siya 12, pero umabot kami ng 7 years. Gaya mo pinag-uusapan na rin namin ang kasal someday, Then one day bigla niyang sinabi sa akin na ayaw na niya at hindi na niya ako mahal. Hindi ko alam kung ano tunay na reason kasi yun lamang ang sinabi niya. Its more than a year pero gaya mo hindi pa rin ako nakaka move on. Lahat kasi ng nakikita ko dito reminds me of her. Parang tinotorture ko ang sarili ko pag narito ako. Kaya iniiwasan kong umuwi dito kahit sa bayan. Tama ka ang hirap, kasi umikot na ang buhay ko sa kanya. Lahat ng pangarap ko kasama siya. Lahat ng plano ko, plano ko para sa aming dalawa.” nakatingin lamang siya sa akin alam kong nararamdaman niya ang pinagdadaanan kong lungkot pero alam ko mas mahirap yung sa kanya kasi fresh pa ako kahit papaano nakakaisang taon na.

“Hayaan mo makakahanap pa rin siguro tayo ng talagang para sa atin. In the meantime kailangang mag focus siguro tayo sa ngayon at sa hinaharap gaya ng advice nilang lahat sa akin. Yes its hard but we can do nothing but to move forward since wala naman tayong babalikan hindi ba?” Tumango lamang ako, at least I have someone now who really understands where I am coming, yung iba kasi feeling nila ang oa ko kasi babae lamang daw nagpapa depress ako ng ganon. Dahil doon gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. Nagkangitian na lamang kami at tinulungan ko na rin siya ilagay ang mga gamit niya sa cabinet.

“Alam mo kanina ko pa iniisip kung bakit ang dami mong dalang gamit. Iyon pala magbabakasyon kayo dito. Hope mag enjoy ka at kahit papaano ay malimutan mo ang mga problema mo.” Nakangiti lamang siyang tumingin sa akin.

Nagkwentuhan pa kami at halos umaga na yata nang makatulog kami. Masaya siyang kausap ini invite din niya ako sa Isla Verde na magbakasyon. Marami rin akong nalaman about him. At ang dami naming pagkakaparehas mula sa paboritong pagkain. brand ng damit, shoes, pati brand at kulay ng brief. Parang ang tagal na naming magkakilala kung magbiruan kami. Nagtataka nga kami parehas na yung mga resto na paborito niyang puntahan sa Manila ay napuntahan ko na rin bakit hindi kami nagkita kahit minsan.

Kinabukasan, nagising kami marami ng tao sa labas at nag hahanda. May nagpapatay na rin ng baboy at kambing. Nailabas na rin yung mga dala niyang gulay at prutas. Naroon na rin ang mga kapatid ni Daddy at iba pa naming kamag-anak. Naroon din yung dalawang babae na nakita ko sa daan kahapon na nakangiti sa akin kaya nginitian ko na lang ulit. Nagbabalat sila ng patatas.

“O napasarap yata kayo ng tulog na dalawa, Sinilip ko kayo kanina himbing na himbing kayo kaya hinayaan ko na lamang kayo at hindi na ginising kasi alam kong galing kayo parehas sa biyahe” Si Lola ang sumalubong sa amin pagdating sa kusina. “Sige maupo na kayo at ihahanda ko na ang pagkain ninyo kaya lamang malamig na alas diyes na kasi. Maya-maya ay magtatanghalian na rin” Dagdag pa niya

Pagkatapos kumain ay tumulong kami sa mga ibat-ibang gawain. Natatawa ang mga kamag-anak namin dahil noon lamang kami nagkita ay mukhang close na agad kami. Hindi siya mahirap pakisamahan. Marami siyang kwento at madali rin mag appreciate ng mga jokes. Isa pang nakakatuwa sa kanya ay hindi maarte kahit alam naming maganda ang pwesto niya sa work. Nagbubuhat kahit ng marurumi. Samantalang alam kong hindi sanay kasi hindi naman siya sa isla lumaki. Hindi ko alam bakit ang dami kong hinahangaan sa kanya. Mula sa pisikal hanggang sa personality niya parang ang dali niyang pakisamahan ang sarap niyang kasama. Parang lahat ng tao natutuwang kausapin siya. Hindi mo mararamdaman na may pinagdadaanan siya at napaka magalang kahit hindi kilala basta matanda nagmamano siya. Lagi pati siyang nakangiti kahit parehas na kaming pagod.

Naipakilala ko na rin siya kay Karl ang pinsan ko. Nagpasalamat na rin ako kasi hindi sumama si Hans kasi kahit naman wala kaming personal na problema alam kong magkakailangan pa rin kami kung magkakaharap. Talagang iniwasan ko na rin ang pamilya nila mula nang mangyari yun sa amin ni Hannah.

“So birds of the same feather flock together?” mahinang sabi ni Karl nang minsang kaming tatlo lamang ang magkakasama sa may kuhanan ng tubig. Malayo kasi yung nagpapatay ng baboy at kambing hindi abot ng hose ng tubig. “or should I say that birds with the same broken hearts fly together?”patuloy niyang pang-aasar.

“Oo, nasasabi mo yan kasi hindi ka pa naman na-i inlove. Sa dami ng naging girlfriends mo wala ka namang minahal ng totoo.” Pangbibisto ko sa kaniya kasi talaga namang sa dinami-dami ng naging girlfriends niya hindi ko siya nakitang naapektuhan pag naghiwalay sila.

“Kasalanan ko bang katawan ko lamang ang habol nila sa akin? Pagkatapos nilang makuha ang gusto nila sa akin iiwan na lamang nila ako?” ang muli pagyayabang niya pero alam ko namang biro lamang iyon.

“Insan, darating din ang araw na makakahanap ka ng katapat mo, and hopefully when that time comes, ready ka sa pwedeng mangyari? Sagot naman ni Russel.

“And I wish kung dumating man iyon, hindi ako gaya ninyo na parang katapusan na ng mundo.” hindi na namin pinatulan ang sinabi niya. Tinuloy na lamang namin ang pag-iigib dahil kailangan na daw ang tubig sa nagpapatay ng baboy.

Kinagabihan pagkatapos ng handaan, pinag-usapan namin na babalik na ako sa bayan kinabukasan, nauna na kasi si Karl sumabay sa parents niya nang malamang sira ang aircon sa room niya at magkasama kami ni Russel sa room ko. Alam niyang hindi kami kasyang tatlo sa isang kama, tinanong ko si Russel kung gusto niyang sumama at parang hindi na nag-isip.

“Oo naman gusto ko ring makita kung saan kayo nag-aral at kung saan kayo lumaki. Gusto ko ring makamayan si Ate Vi, haha. Isa pa since matagal pa naman kami ng Inay dito sa Batangas gusto kong samantalahin na baka hindi na rin ako makabalik dito.” Hindi ko alam pero parang may lungkot akong naramdaman ng sabihin niyang baka hindi na siya makabalik sa lugar namin. Parang gusto ko siyang pigilan pero alam ko namang wala akong karapatan.

Pagdating namin sa bayan ay agad nagyaya si Karl na magbasketball. At nakita ko magaling din siya sa basketball kaya malamang hindi ako mabobored kung kasama siya. Madali rin niyang nakasundo ang mga tropa namin.

Sa bahay namin kami tumuloy after ng paglalaro dahil marami pang bisita si Lola mga kamag-anak namin na gusto pang magtagal. May guest room naman kami kaya lang mas pinili niya na sa aking room na lamang tutal ay dalawang gabi na rin naman kami natulog sa iisang room.

“Wala na rin naman tayong tinatago naamoy na rin naman natin ang ating mga laway kaya wala na ring dahilan para maghiwalay pa tayo ng higaan.” Pagpapatawa niya habang nag-aayos kami ng dala niyang mga gamit. Ako kasi wala ng dinala since nagamit ko lahat yung dala ko at palalabhan naman yun ni Lola.

“Laway talaga, malamang inaamoy mo laway ko habang natutulog tayo ano?” sinakyan ko ang patawa niya.

“Hahaha…oo naman hindi mo ba alam? Hindi lang inaamoy, kinikiss pa kita habang natutulog ka kasi ang cute mong matulog, para kang baby, nakangiti ka.” Hindi ko alam kung seryoso siya kasi hindi naman siya nakatingin sa akin. Inaayos niya ang mga damit niya sa cabinet. Pero sa akin may epekto ang mga sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit naiimagine ko ngang hinahalikan niya ako at iniisip ko ano nga kaya ang pakiramdam. Pero kailangang huwag kong i-entertain ang naiisip ko dahil mali.

“Gagu ka talaga. Ayusin mo na iyang mga gamit mo at pupunta tayo kina Lola don sa kabila, unless wala kang balak na kumain. Wala kang makakain dito dahil puro noodles lamang ang meron sa kitchen. Last 3 months pa ako nang huling umuwi dito.”

“Hindi nga bro, Ikaw ba, hindi mo ba ako tinitingnan kapag natutulog ako?” Hindi ako makasagot kasi ilang beses akong nagigising pag gabi at hindi ko maiwasang pagmasdan ang napakaamo niyang mukha. Hindi ko alam na gising pala siya at alam niya iyon. Pero baka naman hinuhuli lamang niya ako kaya kailangang kong tumanggi.

“Hindi ah, bakit naman kita titingnan, ang sarap matulog tapos magpupuyat ako para lamang tingnan ka.” Paiwas na sagot ko sa kanya.

“Awts, akala ko pa naman bro, may pagtingin ka rin sa akin. Ano ba iyan, lagi na lamang akong bigo. Wala ba talaga akong karapatang mahalin?” nakangiti siya pero mukang may laman ang sinasabi niya.

“Hey, ano bayan kung anu-ano pinagsasabi mo ah.” nabigla talaga ako at hindi ko alam kung may meaning ba yun.

“Totoo ba wala kang ibang nararamdaman sa akin? Akala ko parehas lamang tayo ng nararamdaman.”at nakita ko ang paglungkot ng mukha niya.

“Bakit ano ba ang nararamdaman mo sa akin?” hindi ko alam kung tama ba ang tanong ko dahil kinakabahan ako sa isasagot niya. Excited pero mas malamang ang natatakot dahil ayokong parehas kami ng nararamdaman dahil alam kong mali naman iyon at hindi pwede.

“Hindi ko alam bro, pero ang weird. Noong nakita kita na nakaupo sa may tabing daan noong isang araw, iba ang nararamdaman ko noon. Parang gusto kitang lapitan at yakapin. First time ko na-experience ang ganon. Kaya nga kinunan na lamang kita ng picture para may souvenir ako kasi hindi ko naman alam na apo ka ni Lola Linda.” Hindi ako makapagsalita dahil ramdam ko ang sincerity sa pagsasalita niya. “Kaya nga hindi ko nagawang sabihin kay Lola ang nangyari kasi hindi ko maaatim na mapapagalitan ka dahil kasalanan ko naman din yun. Pero bro habang tumatagal na kasama kita lalong lumalalim ang nararamdaman ko. Ayokong tanggapin dahil hindi naman ako bakla at ayokong maging bakla. Pero alam ko at sigurado ako mahal kita. Hindi ko alam bro kung bakit kaya please huwag mo na akong tanungin. Kung ayaw mo na akong makasama pagkatapos ng gabing ito, tanggap ko. Kung pandidirihan mo ako, wala akong magagawa. Hayaan mo bukas uuwi na ako.” Nakita ko ang pagpatak ng kanyang mga luha.

“Bakit ka umiiyak?” iyon lamang ang naitanong ko kasi sa totoo lamang hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

“Kasi nahihiya ako sa iyo, sinira ko ang tiwala mo, akala ko naman kasi…” hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

“Oo, aaminin ko ako man naguguluhan sa nararamdaman ko. Alam kong lalake ako kaya pinipigilan ko ang kakaibang feelings ko sa iyo. Tama ka pag nagigising ako sa gabi hindi ko maiwasang pagmasdan ka, iniisip ko kasi kung tama ba ang nararamdaman ko sa iyo. Pero tama man o mali kailangang pigilan ko dahil hindi pwede. Pareho tayong lalake at hindi man tayo totoong magkadugo pero sa tingin ng lahat magkamag-anak tayo.” Bigla siyang tumayo at yumakap sa akin.

“Hindi naman ako naghahangad na maging tayo bro. Sapat na sa ‘kin na malamang pareho lamang tayo ng pakiramdam. At least alam ko ngayon na hindi ako abnormal at may kagaya ako ng nararamdaman diba? Pero kung dumating ang araw na gusto mong maging tayo, I am willing to give it a try.” Hindi ako sumagot pero niyakap ko rin siya.

Natapos ang isang linggo kong bakasyon at kailangan ko ng bumalik sa Manila. Hindi ko alam parang ang bigat sa pakiramdam. Parang ayoko pang umalis pero may responsibilities ako at hindi ko iyon pwedeng pabayaan. Nang gabing iyon namasyal kami sa plaza. Itinuro ko sa kanya kung saan kami nag-aral ng high school, saan paborito naming tambayan at kung anu-ano pa. Pagdating sa kwarto nagkwentuhan pa kami bago nagpasyang mahiga. Madaling araw ako aalis at sinabi niya na ihahatid niya ako kahit sa terminal pero sinabihan ko siya na huwag na dahil sanay naman akong lumuwas na mag-isa at baka mahirapan siya pagbalik dahil madaling araw pa yun at mahirap ang pagsakay pabalik. Hindi siya kumibo at nahiga na kami. Maya-maya naramdaman ko ang pagdantay niya sa akin. Humarap ako sa kanya at niyakap ko siya. Nakatulog kami na magkayakap. Sigurado ako sa sarili ko mahal ko siya at ramdam ko mahal niya talaga ako. Hindi rin siya pumayag na hindi ako ihatid. Pagbangon ko, kasabay din siyang bumangon kaya wala na akong magagawa. Naligo lamang ako at lumabas na kami ng bahay. Pagdating sa terminal ay saktong papaalis na ang bus kakamayan ko sana siya para magpasalamat pero bigla niya akong niyakap wala naman nakakakita kasi madilim sa may tagiliran ng bus at madilim din sa terminal.

“Bro, mag-iingat ka, basta lagi mong tatandaan mahal na mahal kita.”

“Mahal din kita.” Iyon lamang ang nasabi ko kasi mahirap para sa akin ang umalis at iwan siya.

Malungkot ang mahigit dalawang oras kong paglalakbay papuntang Manila. Dati-rati natutulog ako habang bumibiyahe pero nang mga oras na iyon, pilitin ko man hindi ako dalawin ng antok. Kahit lahat halos ng kasakay ko ay tulog. Nakatingin lamang ako sa bintana. Wala naman akong nakikita dahil madilim pa. Malungkot habang binabagtas namin ang STAR tollway parang gusto ko siyang balikan. Parang nakikita ko pa rin ang malungkot niyang mukha, ang maamo niyang mga mata na nakatingin sa akin habang papalayo ang bus. Masakit sa akin pero kailangan kong paglabanan ang nararamdaman ko.

Pagdating ko sa boarding house nagpalit lamang ako ng damit at tumuloy na sa office. 8 am ang pasok ko kaya kailangan kong magmadali tiyak ang dami kong gagawin. Tanghali na nang mapansin ko ang mga texts niya at 3 missed calls. Puro pangungumusta at paalala na kumain ako sa oras. Nagpapasalamat din siya sa lahat ng ginawa ko sa kanya at sa pagtanggap ko sa nararamdaman niya. Gaya niya nagpasalamat din ako sa lahat lalo na sa pagmamahal na ipinaramdam niya sa akin sa loob ng ilang araw. Hindi ko masabi sa kanya pero sobrang masaya ako at nakilala ko siya.

Sa loob ng ilang linggo na pagtetext at tawagan namin alam ko tuluyan ng nahulog ang loob ko sa kanya. Ramdam ko unti-unti nalimutan ko na si Hannah. Bumalik na rin siya sa Isla Verde at tuluyan ng nagresign sa trabaho niya at gaya ng sinabi niya pinagpahinga na lamang si Lola Ana at siya na ang nagmanage ng negosyo nila, dahil sabi niya mas malaki pa ang nawawala sa kita nila dahil niloloko si Lola ng mga tauhan niya kesa sa sweldo niya sa pagtatrabaho. Madalas din niya akong i-invite na pumasyal sa kanila para makabawi naman siya sa lahat ng ginawa ko noong nasa amin siya. Sigurado ako nang mga panahon na iyon na mahal ko siya. Pero alam kong mali at hindi pwede ang iniisip ko kaya kahit masakit nagdesisyon akong kalimutan siya. Alam kong iyon ang tama para sa aming dalawa. Mahirap ang desisyong iyon pero alam ko namang iyon ang dapat kong gawin kasi hindi ko kayang ipaglaban o panindigan kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya kaya bago pa dumating ang panahon na lalo kaming masasaktan kailangan ko ng magdesisyon. Kahit pa sinabi niya sa akin na handa naman siyang ipaglaban ako at aminin sa Inay niya ang tungkol sa amin alam kong nasa akin talaga ang problema. Hindi ko kaya, hindi pa ako handa at hindi ko alam kung kailan ko magagawa ang mga bagay na iyon. Nagpalit ako ng sim, hindi ko ipinaalam sa kanila ang bago kong number. Kapag tinatawagan ko si Lola payphone ang ginagamit ko. Lumipat din ako ng boarding house. Nagpalipat din ako ng assignment bagamat sa Manila pa rin naman

“Xander, ano ba nangyayari, may pinagtataguan ka ba, may nabuntis ka ba?” ang nagtatakang tanong ni Lola nang minsang tawagan ko siya. “Kung nakabuntis ka man panagutan mo huwag ka ng umasa na babalikan ka pa ni Hannah, Matagal na rin namang wala na kayo.”

“Ang Inay naman ah, ano ba kayo, wala akong nabuntis, basta kailangan ko lamang makapag focus sa pag-aaral ko diba nasabi ko na sa inyo na mahirap ang masteral?” totoo namang nag-aaral ako, isa yun sa mga ginawa ko para makaiwas sa pag-iisip ng tungkol kay Russel. Nag enroll ako sa masteral para lagi akong busy. Pinutol ko na talaga ang anumang komunikasyon sa kaniya maging kay Karl dahil alam kong malalaman niya ang number ko kung alam ‘yon ni Karl. Hindi ako nag bukas ng FB at sabi ni Lola ipaalam na lamang niya na busy ako sa pagtatatrabaho at pag-aaral kapag may nagtatanong tungkol sa akin. Tanging si Lola lamang at ang parents kong nasa abroad ang kinokontak ko.

Mabilis na lumipas ang isang taon. Bagamat wala na akong balita kay Russel, hindi ko pa rin siya makalimutan. Ginawa ko ang lahat ng kaya kong gawin, sinubukan kong makipag girlfriend pero pagkalipas ng ilang araw ay naghihiwalay din kami dahil hindi talaga nag wo-work ang aming relasyon madalas ang dahilan ay ang kawalan ko ng oras. Pero ang totoo, si Russel pa rin ang hinahanap ko, yung mga pangungulit at pagiging malambing pa rin niya ang nami-miss ko. Madalas ko paring naiimagine ang maamo niyang mukha, hinahanap ko pa rin ang mga yakap niya. Pilitin ko man pero hindi nagbabago ang pakiramdam ko para sa kanya, sa loob ng isang taon aaminin ko hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sa kanya. O mas madali pang sabihin na mas mahal ko pa siya ngayon.

Bakasyon na sa school at pinayagan ulit ako na magbakasyon sa work ko bagamat hindi na approve ang isang buwan kong request masaya na ako kahit 2 weeks lamang ay pinagbigyan. Sigurado na ako sa gusto kong gawin. Pupuntahan ko si Russel, ipapaalam ko sa kanya na handa na ako at kaya ko na siyang ipaglaban. Mahal na mahal ko siya. Aaminin na namin sa lahat ang tungkol sa amin. Naalala ko si Karl, tama yayayain ko siyang pumunta kami sa Isla at doon aaminin namin ni Russel sa kanya ang tungkol sa amin.

“Boi, Xander ‘to may contact ka pa ba kay Russel, bakasyon tayo sa kanila. Libre ka ba?” Hindi ko na hinintay na makasagot siya.

“Pambihira boi, saang lupalop ka ba ng mundo nagtatago at walang may alam kung nasaan ka? Hindi kita mahanap kahit saan, walang may alam saan ka matatagpuan, ang dami kong sasabihin sa iyo.” Alam kong naiinis siya dahil first time kong ginawa ang ilihim sa kanya ang number ko maging kung nasaan ako.

“Chill! Saka na ako magpapaliwanag, ano sa Sunday punta tayo sa kanila, marami rin akong ikukuwento sa iyo, pero I need fresh air to do that, just like before gusto ko munang magpahinga.” Alam kasi niya kapag gusto kong mag unwind, simpleng nature trip lamang solved na ako kaya for sure hindi naman siya magtataka bakit gusto kong pumunta ng isla.

“Oo kupal ka, marami ka talagang dapat na ipaliwanang, and you owe me that, but no need to go to Isla Verde, Russel is not there, in fact we are together now.” Halata ang excitement sa boses niya.

‘Huh! Bakit kayo magkasama, nasaan kayo?” ang bigla kong naitanong.

“Yan kasi boi, ang dami mo ng hindi alam, kami na ni Russel, 3rd monthsary namin ngayon ang we are celebrating here in Tagaytay. Finally boi I found what I want, kaya pala hindi nagtatagal ang mga past relationships ko, siya pala ang hinahanap ko.” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Biglang parang gumuho ang mundo ko. “Boi, alam ko pinagtatawanan mo ako, pero wala akong magagawa gaya ng sinabi nyo noon malalaman ko lamang ang ganito pag talagang na in-love na ako and this time….. nariyan ka pa ba, hoy kulokoy nakikinig ka ba, Xander, are you still there? Hello, hello….” Hindi ko alam paano sasagot sa kanya, dahil ramdam ko na ang pagpatak ng mga luha ko. For the second time nagmahal ako and for the second time muli na naman akong nasaktan.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Second Time Around (Part 1)
Second Time Around (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEigk8H6juJdj8YvFNYT8pkjKZjhUThIo7o4Gqg_PFNPM6qIhWGgy1QzbBeafbNTeS_FE9JTX8Kf6nnDI-cikfBOJaex3bda3uzYbF7CJZHR-1BZlPAswkIn5AbwoMGHrrCA7_x9wPF44AZ5/s400/12446190_802354853208658_902745443_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEigk8H6juJdj8YvFNYT8pkjKZjhUThIo7o4Gqg_PFNPM6qIhWGgy1QzbBeafbNTeS_FE9JTX8Kf6nnDI-cikfBOJaex3bda3uzYbF7CJZHR-1BZlPAswkIn5AbwoMGHrrCA7_x9wPF44AZ5/s72-c/12446190_802354853208658_902745443_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/01/second-time-around-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/01/second-time-around-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content