$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Tales of a Confused Teacher (Part 8)

By: Confused Teacher “Lester, kunin mo susi kay Papa, samahan mo ako luluwas tayo, may problema si Kenn Lloyd, pinasok daw ang bahay niy...

Tales of a Confused Teacher

By: Confused Teacher

“Lester, kunin mo susi kay Papa, samahan mo ako luluwas tayo, may problema si Kenn Lloyd, pinasok daw ang bahay niya, may sugat yung bata, dalian mo!” Mabilis na tumakbo papasok si Lester ako naman ay pumasok sa kwarto ko at kinuha ko ang wallet ko at paglabas ko naroon na si Lester, sumakay na ng kotse ni Papa, “Ako na magda-drive kuya, sumakay ka na.” Hindi na ako tumanggi dahil tense na tense na rin ako hindi ko alam kung kaya ko pang mag drive. May lisensiya naman si Lester kaya hinayaan ko na. Yung mga barkada na niya ang nagbukas ng gate.

Naiwang walang kibo si Gigi. Nakatingin lamang sa amin. Tulala.

Hindi ko alam ang gagawin ko habang nagbibiyahe kami. Gusto kong makarating agad. “Lester bilisan mo naman baka kung ano na nangyayari doon.” Minsan naman sinasaway ko siya dahil sobrang bilis niya. “Hoy ano ba dahan-dahan naman at baka tayo naman ang maaksidente nyan.” Alam kong naguguluhan na siya sa akin pero hindi siya nagsasalita bagkus ay titingin lamang sa akin. Alam naman niya pag ganon ako. Sanay na siya kaya hindi niya ako pinapatulan. Hindi ko alam kung ano iisipin ko. Gusto kong tawagan ang Daddy niya pero naisip ko na lamang ang bilin niya sa akin na siya na lamang ang tatawag. Pero gusto kong ipaaalam sa kanya ang nangyayari. Siguro naman ay maiintindihan niya ang sitwasyon ko. Pero nagdalawang isip pa rin ako. Minabuti ko na lamang mag text and tell him to call pag available na siya. Kung mabasa man ng Mrs niya makakagawa siya ng palusot.

Mabilis lamang ang biyahe I ½ hour lamang nasa Manila na kami. Walang traffic, madalang ang sasakyan. Bukod kasi sa alanganing oras ay marahil ang mga tao ay nasa bahay, nagpapahinga dahil sa pagod.

“Kuya, malapit ba sa bahay mo?” tanong niya nang mapansing tahimik lamang ako. Luminga-linga ako nakahinto pala kami sa may kanto papasok na sa subdivision.

“Don sa may 7 11, kakanan tayo tapos yung pangalawang subdivision naalala mo yung binilhan mo ng ice cream noong kasama si Lola? Doon pasok tayo..”Tumango lamang siya at inistart na ulit ang sasakyan.

Pagdating sa tapat ng bahay nila, bumaba na ako at halos patakbong pumasok. Si Lester na ang nagbukas ng gate para maipasok ang sasakyan. May susi naman ako ng bahay niya kaya madali akong nakapasok. Nakita ko siya nakahiga sa sofa, may taling panyo sa ulo. May bakas ng dugo sa sahig at maging ang telepono ay may bakas ng tuyong dugo. Agad ko siyang nilapitan.

“Kenn, Kenn,” mahina ko siyang tinapik sa balikat. Agad naman siyang nagmulat ng mata at tumingin sa akin. “Sir! buti dumating na po kayo” Bumangon siya, naupo at yumakap sa akin na parang takut na takot pa. Pinabayaan ko muna siya at hindi na ako nagsalita. Nang bumitiw siya sa pagkakayakap.

“Ano bang nangyari, masakit ba ang ulo mo, dadalhin ka muna namin sa hospital?” ang sunud-sunod kong tanong. Pero umiling siya bago nagsalita.

“Sir, after po nating mag-usap, umuwi na po ako, kasi nga naisip ko pag inabot pa ako ng 12 baka mahirapan akong magmotor kasi madami na ang nagpapaputok. Dumaan lamang po ako sa kabilang kanto at bumili ng pagkain kasi hindi rin po ako nakapagluto.” Habang nagsasalita siya hindi ko mapigil ang luha ko, ang nakakaawang bata habang halos lahat ay nagse celebrate kasama ang pamilya nila siya ay eto kailangan pang bumili ng pagkain mag-isa. Nagpatuloy siya.

“Kaya lang po sir, parang wala naman po akong gana kaya pumasok lang muna ako sa kwarto at naglaro sa iPad. Nang may narinig po akong ingay dito lumabas ako, naisip ko baka dumating sina Tita, dala ko pa ang cellphone ko. Nakita ko po may tao don sa may pinto ng kusina. Lalake po at hindi ko kilala. Tatakbo po sana ako palabas, kaso lang naabutan po niya ako diyan sa may pinto, at hinatak po ako pabalik, may isa pa siyang kasama, Lumaban po ako pilit kong inaabot ang pintuan gusto ko po kasing makatakbo palabas. Ang lakas nila sir, hindi ko po kaya tapos naramdaman ko na lamang po may inihataw yung isa sa ulo ko. Hindi ko na po alam ang nangyari, nagising na lamang po ako na masakit ang ulo ko tapos nang hawakan ko may dugo. Sobrang takot ko po sir, hindi ko alam ang gagawin ko, kasi parang nahihilo pa ako, naisip kita sir, kaya tinawagan ko po kayo, hindi ko rin po makita cell phone ko.” Paputul-putol niyang kwento sa pagitan ng pag-iiyak.”

“Kuya, halika na dalhin na natin siya sa hospital.” Hindi ko alam na nakapasok na pala sa loob ang kapatid ko. Ayaw pa sana ni Kenn Lloyd dahil kaya naman daw niya. Pero hindi kami pumayag. Inalalayan namin siya hanggang sa kotse. Itinuro ko kay Lester ang daan papuntang pinakamalapit na hospital.

Gaya ng dapat asahan maraming tao sa hospital. Maraming pasyente, mostly ay biktima ng paputok. At siyempre may mga pulis na nakaantabay. Tinanong ako ng isang pulis habang inaasikaso ng mga nurse si Kenn Lloyd. At ikinuwento ko ang lahat ng sinabi ni Kenn. Nang sabihin niyang kailangan nilang pumunta sa bahay para makagawa ng police report pinasama ko na sa kanila si Lester para ako ang maiwan kay Kenn. Nang makaalis sila tinanong ko yung doctor tungkol kay Kenn.

“Tatahiin lamang muna natin ang sugat niya sir, at hintayin natin result ng x-ray.” Sagot niya sa akin. After more than 30 minutes lamang ay may result na. Salamat at walang major damage. Bukod sa sugat niya at ilang pasa sa braso at balikat wala ng iba pang naapektuhan. Kaya pinagpahinga lamang siya ng konti, binigyan ng pain reliever at anti biotic at pinayagan na rin kaming makalabas.

Sa bahay, pagkatapos kong ikwento kay Lester ang findings ng doctor. “Bro, alam mo na ba kung anu-ano ang nawala sa’yo? Kasi nagtatanong ang mga pulis wala naman ako maisagot, kinunan lamang nila ng pictures at mamaya raw after lunch babalik sila para kunan ka ng statement.” Si Lester.

Nagpalinga-linga siya, pumasok kami sa kwarto, una niyang tiningnan ang study table. “Sir, wala po ang laptop pati ang iPad ko,” ang naluluha niyang sabi. Binuksan din niya ang drawer ng table “pati sir ang wallet ko wala rin po dito.”

Niyakap ko na lamang siya habang nakaupo, nakatingin lamang sa amin si Lester. Nang bigla siyang magsalita. “Hayaan mo na yun bro, ang importante buhay ka, Pero namukhaan mo ba sila? Para masabi natin sa mga police mamaya”

“Hindi po kuya, kasi kahit bukas ang ilaw, sa takot ko hindi ko masyadong matandaan ang mukha nila, basta yung humatak sa akin medyo kulot ang buhok. Pero siguro kung makakaharap ko siya maalala ko kasi nakita ko naman siya ng malapitan.”

Hindi ko alam ang sasabihin nang mga oras na iyon. Blangko ang isip ko. Parang pag pumikit ako nakikita ko yung nakakaawang eksena kung saan nakikipag laban siyang makatakas sa mga walang hiyang iyon. Tapos iniwan siyang walang malay. “Sige ganito na lamang, tutal sa Monday pa naman ang pasukan, Sa amin ka na muna at baka balikan ka pa ng mga tarantadong iyon mabuti na ang nakakasiguro. Hihintayin lamang natin yung mga pulis mamaya at nang may police report tayo.” Magpahinga na rin tayo ay bibiyahe pa ulit tayo mamaya. Pagamit muna natin kay Lester yung guest room mo ha, kailangan din siyang makapagpahinga dahil magda drive pa yan mamaya..”

“Opo sir, Kuya, bahala ka na don, hindi ko alam kung malinis yun, may kumot naman at punda ng unan sa cabinet ikaw na ang magpalit. May towel din don kung gusto mong maligo.” Tumango lamang si Lester sabay thumbs up

Mga 9 am, nagising ako, naglinis ako sa bahay niya upang punasan yung mga bakas ng natuyong dugo. Tinulungan ako ni Lester at nang makatapos ay naghintay na lamang kami dumating ang mga pulis.

“Kuya nasabi ko na pala kay Papa, kanina pa kasi tanung nang tanong kung ano nangyari. Wala raw naman sinabi si Ate Gigi at parang naiinis pa ng umalis.” Hindi ko na pinansin lalo pa ng marinig ko ang tungkol kay Gigi. “Hindi ko na kasi nasabi na dito tayo pupunta nang kunin ko ang susi ang sinabi ko lamang ay gagamitin mo ang kotse.” Dagdag pa niya.

Maya-maya tumunog ang phone ko. Si Mr. Suarez. Lumabas ako sa may terrace at doon ko siya kinausap. Nabigla siya sa nangyari at pagkatapos alamin ang condition ni Kenn Lloyd ay nangakong gagawa ng paraan na makadalaw. Pero nang sabihin kong isasama ko muna ang anak niya sa amin dahil sa takot na balikan ng masasamang loob.

“Mabuti pa nga sir at nang mapanatag kahit papaano ang loob ko. Alam ko namang safe siya sa inyo at kayo na po ulit ang bahala sa batang iyan. Inalam din niya ang naging gastos sa hospital pero sinabihan ko siyang huwag nang intindihin yun, kaya lang hindi siya pumayag, at dahil alam naman niya ang account number ko siya na raw ang bahala. Hindi na rin ako nakipagtalo alam ko namang hindi rin siya papayag.

Nasa bahay na kami. Alalang-alala maging si Papa sa nangyari, kahit 2 araw pa lamang nilang nakasama si Kenn, magaan kasi ang loob nila sa batang iyon. Bukod sa mabait na bata naaawa din sila sa kalagayan niya, naikwento ko naman sa kanila ang lahat ng tungkol sa kaniya.

“Nako, batang ito, mabuti na lamang at ganyan lamang ang nangyari. Irvin sana hindi mo na siya hinayaan na mag-isa doon, dapat ay isinama mo na lamang siya at dito na rin nag new year mag-isa lamang pala naman siya sa bahay niya.” Si Mama.

“Tita, akala ko po kasi sa kanila mag new year mga tita ko balak ko po don ako sa kanila, gaya ng ginagawa ko every new year. Hindi naman po sila nagpasabi na hindi sila uuwi.” Nahihiyang kwento ni Kenn.

“Yung parents mo ba, tinawagan ka na, alam na ba nila ang nangyari sayo mabuti na lamang at memoryado mo number ng sir mo.” Si Papa naman nagtanong. Hindi ko na hinayaan siya ang sumagot dahil alam ko mahihirapan siyang mag explain.

“Yung Daddy niya nakausap ko, pupuntahan nga sana siya today kaya lang sinabihan ko na isasama ko na lamang dito at nang makapagpahinga ng maayos. At pumayag naman. Yung Mommy niya tinawagan na niya kanina pa at ia-update na lamang niya mamaya na dito muna siya sa atin para hindi mag-alala.” Bagamat hindi ko alam kung tinawagan niya ang Mommy niya yun ang sinabi ko para hindi siya mapahiya.

“O siya, tama na yang kakatanong nyo sa bata at baka nato torture na utak niya, may trauma pa yan sa nangyari, mas mabuti pa siguro pagpahingahin na muna natin siya at mukang pagod pa. Kayong dalawa matulog din muna kayo at halatang antok na kayo.” Si Irish, hindi ko alam kung napansin niyang malungkot pero may pagtatakang tumingin sa akin si Kenn.

Kinabukasan, tinawagan ako ng Daddy niya. “Sir gusto ko sanang ihanap ng matitirhan si Kenn Lloyd, kaya lamang naisip ko anong safe na bahay kaya ang pwede, e kahit saan naman mag-isa pa rin siya. Kinakabahan ako sa batang iyan.”

“Yun nga po Mr Suarez, lagi din kasi wala ang mga tita niya kaya wala din siya nakakasama.”

“Naisip ko lamang sir, how if kung papayag ka instead na mag boarding house o mag dorm siya sa inyong bahay na lamang siya mag rent. Babayaran ko na lamang ang renta niya at mag-usap na lamang kayo sa pagkain at utilities, may budget naman siya para don.” Nabigla ako sa sinabi niya kaya hindi agad ako makasagot.

“Pasensiya ka na sir ha, iyon lang ang best option na naisip ko, pero kung hindi ka komportable sa ganon. I’ll understand wala na kasi akong maisip.”

“No Mr. Suarez, hindi naman sa ganon, kaya lang nakakahiya namang paupahan ang bahay ko. Aaminin ko kaibigan na rin turing ko sa kanya kaya hindi ko magagawa yun. Pero kung gusto nyo po tumira siya sa akin, sige kakausapin ko muna siya at aalamin ko kung papa yag siya.” Yun lang ang naisagot ko.

“Actually sir, nang sabihin ko sa kanya na ihahanap ko siya ng bahay, sa kanya na rin nanggaling yung idea na sa inyo na lamang tutal may guest room daw naman kayo at nakatulog na rin siya don minsan, kaya naisip ko, good idea, at least kampante akong may matino siyang makakasama sa bahay.”

Tapos na ang usapan namin, hindi rin siya pumayag na hindi siya magbabayad. Basta monthly daw ay magde deposit siya sa account ko. Bahala na raw kami ni Kenn mag-usap kung ano arrangement namin sa mga gastusin basta ang mahalaga lamang sa kanya ngayon ay may tumitingin sa anak niya. Hindi ko pa rin mapaniwalaan ang lahat ng mga nangyayari. Lalo na nong sabihin niya na kampante siyang may matinong titingin sa anak niya. Parang guilty ako.

“So idea mo pala yun ha.” Bati ko sa kanya pagkatapos naming mag-usap ng Daddy niya. Tila naman napahiya at napakamot na naman ng ulo.

“Kasi sir, balak niya mag dorm daw ako or boarding house para laging may kasama kaya yun na lamang pumasok sa isip ko. Ayaw nga niya kasi sobrang abala na raw sayo pero sabi ko ako na lamang magpapaalam. Di naman siya pumayag dahil hindi raw magandang tingnan yun kasi pag ganoong usapan dapat siya ang kumakausap.” Naisip ko siguro nga mabuting tao rin ang kanyang ama nagkataon lamang na hindi kayang panindigan ang kanyang ginawa. “Mukhang ayaw mo sir ah. Sabagay nandiyan na kasi ang girlfriend mo.”

“Asuuss, at may pa ganun-ganon ka ng nalalaman ha. Syempre gusto ko, ikaw pa malakas ka sa akin. Siyanga pala nasabihan mo na ba gf mo sa nangyari sayo?” Pag-iiba ko ng usapan.

“Hindi pa po sir, wala naman akong phone, diba nong mag-usap kami ni Daddy phone mo po ginamit ko. Pero sabi naman po niya magpapadala siya ng pambili ng phone at laptop pero wag na daw akong mag iPad.” Ang parang may panghihinayang niyang kwento. “Sayang iPad ko sir. dami na games ang na ka save don. Lalo na laptop ko, yung mga pictures natin ang dami don, wala na lahat, di ko pa naman naa-upload ang mga yun.”

“O baka may scandal ka pa don, yari ka, in a few days, nasa Recto na yun.” Pagpapatawa ko kasi pansin ko na naman lungkot niya.

“Loko ka sir, wala po akong ganon, kung gagawa man ako ng scandal, ikaw po kasama ko. Hehe.”

“Aba, gagong ito at idinamay pa ako. On the other hand why not, try nga natin! Haha”

“Serious sir, totoo po yon?”

“Sira, bakit natin gagawin yun, naloloko ka na ba? Ang tila naman natauhan siya sa kanyang sinabi. “But seriously nabanggit nga ng Daddy mo na padadalhan ka ng pera para makabili ng cell phone at laptop, sabi nga e samahan daw kita. Dapat makabili ka na at makontak mo si Paula, tiyak nag aalala na yun sayo. Hindi mo ba alam number niya, kung gusto mo tanong natin sa mga classmates mo tiyak naman merong may alam non.”

“Huwag na po sir, sabi naman ni Daddy bago magpasukan may cellphone na po ako.” At kinabukasan nga sinamahan ko siya sa SM para bumili ng cellphone at laptop gaya ng napagkasunduan nila. Pauwi na kami nang tumawag si Gigi at nagyayayang mamasyal at kumain sa labas pero dahil pagod na ako sinabihan ko na next time na lamang.

At dahil nga napag-kasunduan na namin ng Daddy niya sa akin na siya titira kaya January 4, Saturday, lumuwas na kami at naglipat ng ilang niyang mga gamit. Bumili din kami ng double lock nang maisara ng maayos ang pinto. Sinigurado rin naming maayos ang sara pati ng mga bintana bago kami pumunta sa bahay ng Tita niya.

“Paano sir, bahala ka na sa batang iyan, pasensiya na hindi ko talaga mababantayan yan alam mo naman siguro nature ng negosyo namin, ikaw na bahala sa kanya.” Bumaling naman kay Kenn. “Magpapakabait ka don ha, huwag kang pasaway, mamimiss kita kahit naman bihira tayong magkita alam mo namang mahal ka namin, ang liit mo pa nang iwan ka ng Mommy mo. Pasensiya na at nang mangyari yun e wala kami dito.” Tila nagingilid din ang luha niya.

“Tita, minsan-minsan naman po uuwi ako para maglinis, papasyal pa din naman ako dito, saka ang lapit ko lang po sa kabilang subdivision lang naman ako lilipat. Saan nga pala sina ate?”

“Nasa mall, lulubusin daw ang bakasyon, hindi kasi alam na ngayon ka aalis, akala namin bukas pa. Hayaan mo at sasabihin kong dumaan ka.” Pagkatapos na yakapan ay umalis na rin kami. Sa bahay diniretso namin sa guest room ang mga gamit niya.

“Sir, are you sure dito talaga ako matutulog, hindi ba don sa room mo?” ang may pagka pilyo niyang tanong.

“Hinde, dito ka, yun ang usapan namin ng Daddy mo. Kaya ilagay mo na yang mga gamit mo doon sa cabinet at nang makapagpahinga na tayo.”

“Sabi ko nga po dito ako at ilalagay ko na mga gamit ko, sino ba kasi nakaisip na hindi ako dito, Lokong iyon ah,”natatawa ako sa mga kalokohan niyang iyon.

Lunes, pasukan, ipinaalam ko sa mga co-teachers ko ang nangyari kay Kenn noong new year at lahat sila shock.

“You mean sir wala kaming kamalay-malay muntik na palang mapatay ng mga hayup na yun si Kenn Lloyd.”

“Nahuli ba sir, anong sabi ng mga pulis, may lead ba sila kung sino ang gumawa non?”

Pero mas natawa ako sa reaction nila nang malamang sa amin na titira si Kenn Lloyd. “At talagang tinotoo mo pagiging tatay-tatayan mo sa kanya ha.” “Sir balitang umuwi ang girlfriend mo, paano yan tuloy ba ang kasal?” “Kaya pala blooming ka sir e”

Iyon ang naging takbo ng usapan namin sa unang araw ng pasok sa 2014. Maging sa loob ng room hindi pa rin matapus-tapos usapan tungkol sa nangyari noong new year. Pero lalo silang natuwa nang malamang sa amin na nakatira si Kenn. At dahil don pwede rin daw silang mag sleep over sa bahay. Masaya ako dahil masaya sila sa nangyayari pero hindi ko pa rin maisip minsan na ganito rin kaya ang reaction nila pag nalaman nila ang totoo sa amin. Masaya rin kaya sila at tanggapin nila na nagmamahalan kami. O gaya ng iba, kasusuklaman din nila kami at ituturing na immoral?

Dahil magkasama na kami sa bahay, alam kong pananagutan ko na siya at naiintindihan naman niya yun. Naging normal na sa amin ang pagpapaalam niya kung saan siya pupunta. Maging ang pag de date nila ni Paula ay ipinapaalam nya sa akin. Kahit ang mga 4th year ay ipinagsasabi siya sa akin kung may laro sila ng basketball o kung gagabihin sila ng uwi. Kaya natawa ako minsan na ginabi ako ng uwi dahil birthday ng co-teacher ko.

“Saan ka galing sir, bakit po gabi ka na.” Narinig ko agad boses niya pagpasok ko sa gate. Nakaupo siya sa bangko sa terrace hawak ang kanyang cellphone.”

“Birthday kasi ni Mrs. Gonzales, nag dinner kami.” Ang sagot ko.

“Hindi ka man lang po nag inform na gagabihin ka, kahit tumawag o nagtext kaya. Hindi ko po alam kung nasaan ka tapos hindi pa po kita makontak” Ang tila pagmamaktol niya.

“Biglaan kasi, pauwi na kami nang sabihan ako, tapos huli na nang mapansin kong drain na battery ng phone ko.” Ang katwiran ko.

“Kahit na, sana man lang kahit po sa mga co-teachers mo nakitext ka alam mo naman pong may mag-alala sa’yo,” ang tila panenermon niya.

Nang makapag-isip ako bakit ba panay ang paliwanag ko sa mokong na ito at pinanindigan talaga na pinagsasabihan ako. “Hey Mr. Kenn Lloyd Suarez, nalimutan mo yatang hindi na ako bata at nasa tamang edad na ako gabihin man ng uwi. And besides I am your teacher, bakit ako yata pinapagalitan mo ha?”

“Nag try lang po ako sir, kung makakalusot, hahaha..peace?” at sumenyas ng peace sign sa akin. Bagamat natatawa ako sa kanya hindi ko pa rin maiwasang isipin na sana totoo na lamang ang lahat, dahil ramdam ko sa kanya ang concern at natutuwa ako sa ipinapakita niya.

“Ikaw ang dapat pagdating ng hapon ay nasa bahay at nag-aaral. Dapat unahin mo ang pag-aaral kesa paglalakwatsa dahil bata ka pa. Isa ka lang batang paslit, kaya dapat sayo….” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita siya.

“Correction hindi na ako bata, marunong na kasi akong gumawa ng bata. Hahaha.” At nauwi sa harutan ang usapang iyon habang pumapasok kami ng pinto.

“Ah ganon ha, anong marunong pinagsasabi mong bata ka ha, at sabay halik sa labi niya, nabigla man siya, lumaban pa rin ng halik. Matagal ang halikan naming iyon, at nauuwi na sa himasan ng likod at dibdib. Masarap ang tagpong iyon lalo pa at ilang araw din naming hindi iyon nagawa. Nang bigla siyang kumalas, sabay tayo. “nako sir, baka po masunog yung pinapakuluan ko.” Sabay takbo sa kusina Napatawa na lamang ako at tumuloy sa room ko para magpalit ng damit.

Sabado, hindi ako umuwi sa amin dahil tinatamad ako, isa pa sinabi ko din kay Mama na ayoko ding iwan mag-isa sa bahay si Kenn at naintindihan naman niya. Siya pa nga nagsabi na kung uuwi ako ay isama ko na lamang at nami miss na rin nila. Habang busy ako sa panonood ng TV siya naman ay nakahiga at hawak ang cellphone niya at naglalaro. Hilig niya na nakaunan sa hita ko. Nang may bumusina, at yun na nga si Gigi. Binuksan ko ang gate at ipinasok niya ang kotse niya. Pagpasok niya sa loob nakita niya si Kenn, nakaupo pero hawak pa rin ang cell phone niya. Alam naman ni Gigi na sa bahay na siya nakatira kaya hindi naman nabigla. “Good morning po,” bati niya. Tumango lamang si Gigi at hindi sumagot.

“O napasyal ka yata,? Tanong ko nang makaupo na kami. Kumain ka naba?

“Kenn, pwede bang alis ka muna may pag-uusapan lamang kami ng sir mo?” Tumayo naman si Kenn Lloyd, bitbit ang cellphone niya papasok sana sa kwarto. “Labas ka muna, importante lamang ito.” Dugtong pa niya, kaya sa halip na sa kwarto ay sa main door siya pumunta. Hindi ko alam kung saan siya pupunta, wala pa naman siyang kakilala sa labas maliban don sa isang barkada niya na hindi rin naman ganon kalapit ang bahay. Wala na akong nagawa bagamat medyo nagtataka ako hinayaan ko na lamang.

“So ano ba pag-uuasapan natin at pinaalis mo pa yung bata.” Tanong ko na nagtataka. “Ano pa ba ‘di yung tungkol sa kasal natin. Hanggang ngayon wala pa tayong napa-finalize, ano ba talaga ang plano mo?”

“Di ba may mga plano ka na, ano pa ba idadagdag ko don?” ang wala sa loob kong sagot habang nananood ng TV. ”Hindi ba sabi mo gano’n naman ang mangyayari?”

“Iyan naman ang hirap sa iyo, ayaw mong maki-cooperate, lagi kang occupied, lagi na lamang yang Kenn Lloyd na ‘yan inaasikaso mo. Baka nalilimutan mo hindi mo totoong anak ang batang iyan may mga magulang iyan.” Mataas na ang boses niya. Hindi ko alam ang isasagot ko una guilty ako, alam ko naman yun pero hindi ako dapat magpahalata, dahil baka lalo siyang magwala.

“Anong kinalaman ni Kenn Lloyd sa usapan natin, problema natin ito, nakatira yung bata dito at nagbabayad siya hindi iyon libre at hindi siya pabigat sa akin. Isa pa wala pa siya dito may problema na tayo. Dahil ikaw ang nagpostpone ng kasal natin na ilan taon nating pinlano at hindi ako ang may gusto non baka lang nakakalimutan mo. Kaya hindi mo dapat dinadala sa usapang ito si Kenn Lloyd .” Bagamat mahina ang boses ko alam kong sapul siya sa sinabi ko.

“Hindi naman yun ibig kong sabihin, diba kaya nga tayo nag-uusap para ayusin, hindi ko rin naman gusto yung mga nangyari. At alam mo namang umuwi lamang ako para nga matuloy ang kasal na ito.” Ipinaramdam ko sa kaniyang disappointed ako kahit hindi ako nagsasalita. Alam naman niya yun dati pa pag naiinis ako mas pinipili kong tumahimik na lamang. Ayoko kasing nagsasalita pag galit ako kasi baka makapagbitaw ako ng mga salitang pagsisihan ko bakit ko sinabi pagkatapos. At alam din niya na pag ganon na ang pakiramdam ko kahit pa ano ang sabihin niya ay wala na ring mangyayari.

Huminga siya ng malalim. “O sige, hindi yata maganda mood mo, pag-usapan na lamang natin isang araw yung mas maganda pakiramdam natin pareho. Tumayo siya at nagkiss sa pisngi ko. “Aalis na ako just keep in touch, tawagan mo ako pag ok ka na.” Tumango na lamang ako para matapos na walang kwentang usapan na iyon. Nang makaalis siya saka ko naisip na parang hindi ako handa o parang ayokong magpakasal sa kanya. Parang iniisip ko pa lamang ay naiinis na ako, kabaligtaran doon sa pakiramdam ko dati na sobrang excited. Ngayon pag naiisip ko ang kasal parang may kung anong takot akong nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit pero parang ayokong matuloy ang kasal at aaminin ko hindi na ako masaya na nakikita siya. Pero papaano ko sasabihin sa kanya iyon?

Matagal na siyang nakakaalis ng bumalik si Kenn. “O saan ka naman pumunta at ang tagal mo?” “Sorry sir, sa may tindahan lamang po nag softdrinks, hindi ko po alam na nakaalis na siya. Kumusta ka sir parang bad trip ka po ah?” Halata siguro niya na hindi ako nagingiti.

“Ayus lamang ako, ikaw lang inaalala ko, sabi ko naman sa iyo huwag kang masyado maglalayo, hindi natin alam baka nakaabang lamang sa tabi-tabi yung mga sira-ulong pumasok sa bahay mo. Mas safe ka kung nandito ka sa loob o kung may kasama ka kahit papaano hindi ka malalapitan.” Kunwari ay palusot ko para hindi niya isipin na kay Gigi ako naiinis.

“Sorry po sir, kasi hindi ko din po alam kung saan ako pupunta kanina para hindi po madinig pag-uusapan ninyo.” Ang nakatungo niyang sagot.

“O siya, punta na lamang tayo ng mall, at nang gumanda mood natin pareho. Magpapalit lamang ako ng damit pero paglabas ko at hindi ka pa ready iiwanan kita,” Pero nakangiti ako kaya alam niyang nagbibiro lamang ako.

Pagkatapos naming kumain, naglibot lamang kami sa mall. At dahil Saturday yun may ilang classmates at schoolmates din niya kaming nakita doon, yung iba nakipagkwentuhan sa amin, yung iba naman ay bumati lamang tapos ay umalis din agad. Masaya naman ang lakad namin kahit papaano ay nalimutan ko ang tungkol sa amin ni Gigi. Lalo pa at may kasama akong ubod ng kulit. Lahat ng magustuhan niyang damit ang gusto ay ipapasukat sa akin para daw makita niya kung magandang tingnan, in the end wala din namang binili. Naghanap din kami ng kung anu-anong games kahit sinabi ko na, na da download naman ang mga iyon, pinilit pa ring bumili dahil mabagal daw magdownload. Hindi rin pumayag na hindi kami mag inquire ng internet at bumili na rin ng router para daw may wifi na kami sa bahay.

“Alam mo ikaw bata ka, palibhasa hindi mo alam kung papaano kitain ang pera, ang gastos mo. Lahat ng magustuhan mo bibilhin mo.” Ang paninita ko sa kanya habang nakatayo lamang kami.

“Hindi ah, ang dami ko po kayang gustong T-shirt kanina, wala naman po akong binili.” Ang pagyayabang niyang sagot.

“Bakit nga ba wala kang binili? Pasukat ka nang pasukat, pinapagod mo lamang mga salesladies don.”

“Paano naman po sir sayo lahat bagay, natatakot naman po akong ibili ka sir, baka hindi mo na naman po ako pansinin, ayoko na mangyari yun baka hindi ko na po kayanin. Ang hirap noong mga panahon na iyon, hindi ko po alam gagawin ko. Ang hirap mo pong regaluhan sir. ” Ang madamdamin niyang kwento. Naisip ko kaya pala kahit noong Christmas hindi siya nagregalo sa akin. Iyon pa rin pala ang iniisip niya kaya napilitan na ako sabihin sa kanya ang totoo.

“Ganun po ba sir, akala ko po naman ayaw mo lang sa regalo ko, pinaghirapan ko pa naman pong hanapin yun, lalo na yung pabango, ilang tindahan at ilang brands din yung tinest ko bago po ako nasatisfy na iyon po ang perfume mo. Diba Hugo Boss yun?”

“Oo. Sorry, hindi ko na nga na appreciate yung effort mo, pinasama ko pa loob mo.” Ang nahihiya kong sagot. “Thank you very much at sorry talaga.”

“Small thing sir, hindi po bale, nasa bahay pa naman po ang mga yun, ibabalik ko na lamang po sa iyo isang araw, kasi para sayo naman talaga po yun e, tinago ko nga kasi sabi ko yun na lang remembrance ko pag hindi na po tayo talaga nagkita. Pero hindi ko na po tiningnan mga yun kasi nagi guilty ako dahil dun lumayo ka po sa akin .”

Na touch naman talaga ako sa pagiging thoughtful ng batang ito. Inakbayan ko siya kahit na maraming tao, nasa may stainless na railing kasi kami, nakatingin lamang sa baba. “Kahit hindi na. Ok lang sa akin, naappreciate ko naman talaga yun. Thank you talaga, hindi lang sa gift mo, thank you sa lahat, thank you sa pagdating mo sa buhay ko and thank you dahil you brighten up my days.”medyo hinina ko boses ko.

“Sir, ako po yata dapat mag thank you sayo kasi ang dami mo na pong ginawa sa akin. Ang laki na po ng ipinagbago ko mula nang makilala kita. Kaya love na love kita. Hindi po kita ipagpapalit kahit kanino. “ Pareho kaming nakatingin sa baba habang nag-sasalita siya.

Bahagya kong inipit ng braso ko ang kanyang leeg. “I love you too Kenn Lloyd. Im glad you came.” At nagtawanan kami kasi bigla siyang kumanta ng I’m Glad You Came.

At kahit iniipit ko na tuloy pa rin ang kanta niya na I’m Glad You Came. Natatawa talaga ako sa taong ito. Hindi nauubusan ng paraan para pasayahin ako. Sa pagdaan ng araw, dahil magkasama kami sa bahay lalo pa kaming naging close. Ganon pa rin ang bonding namin kumain habang nagkukwentuhan. Masaya na kami sa ganoon liban na lamang kapag sinumpong siya ng kakulitan bigla akong iki-kiss saka bilang tatakbo. O minsan bigla lalapit habang nakatalikod ako at kikilitiin ako. Mabilis namang tumakbo kaya hindi ko maabutan.

Hindi ko rin malimutan ang mga ginawa niya at kapag naaalala ko ay napapangiti ako kahit mag-isa. Minsan isang Friday sabi ko masama ang pakiramdam ko masakit kasi ang ulo ko, taglamig non sabi ko parang sisipunin ako. Nagising ako mga 8:00 am dahil wala namang pasok. Hinanap ko siya hindi ko makita, naisip ko baka umuwi sa bahay niya at naglinis. Usapan na kasi namin yun na isang araw maglilinis kami sa kanilang bahay. Naglaba na lamang ako ng mga underwear ko at inihanda yung mga damit na palalabhan ko kay Manang. Nasa loob ako ng banyo nang marinig kong dumating siya parang may kasama. At nang marinig kong hinahanap niya ako, sinabi kong nasa banyo ako. Dahil bukas naman ang pinto pagsilip niya ay hindi ko alam kung sino sa amin ang unang nagulat. Kasi nakita niya akong naglalaba tapos nakahubad pa. Siya naman ay may kasamang doctor. Yung doctor na may clinic sa kabilang kanto. Napatawa na lamang ako pati ang doctor.

“Siya ba ang sinasabi mong pasyente? Malakas pa yata sa akin yan,” iyon na lamang ang nasabi ni doc habang natatawa. Si Kenn Lloyd naman gaya ng dati kumamot lang sa ulo at napangiti. “Kasi po akala ko may sakit ka sir, di ba sabi mo kagabi masama pakiramdam mo, alam ko naman po hindi ka papayag na magpadala sa hospital. “ Saka ko lamang napansin ang bitbit niyang isang basket ng prutas. “At talagang iko-confine mo ako ha, sana nagdala ka na rin ng bulaklak at nilagay mo sa side table.” Napatawa na rin lalo ang kasama niyang doctor.

Isang beses naman sinabihan ko na maaga kaming uuwi kasi mag shopping kami ng pang-ulam at ilang mga kailangan sa kitchen. 5 pm na at iilan na ang tao sa school pero hindi pa rin nagpapakita ilang text ko na rin walang reply, hanggang isang 4th year student ang nagsabi sa akin na nakita raw niya kasama mga kaklase na lumabas na. Hindi rin ako umuwi agad at sa labas ako kumain. Pinatay ko ang cellphone ko para hindi siya makatawag. 10:30 pm na ako umuwi. Pagpasok ko nakita ko siya sa kitchen, nakasubsob ang ulo sa mesa tulog. Sa tabi niya may isang cake na may nakasulat na “Sorry sir please bati na tayo!” Tapos may isang pack ng grapes at isang lechong manok. Naka uniform pa siya. Nawala ang galit ko sa kanya. Ginising ko siya at niyakap. Bagamat paliwanag pa rin siya ng paliwanag na nawala sa isip niya. Nang makauwi napaidlip pa saka lamang saka naalalang may usapan kami. Kaya hinanap niya ako sa grocery na madalas naming puntahan pero wala ako at nang hindi ako makontak, bumili na lamang ng pagkain saka ako hinintay. Hindi importante sa akin ang paliwanag niya. Sapat nang makita ko ang effort niya para mag sorry. Sapat na iyon para maintindihan kong mahal ako ng batang ito. At totoo nga na minsan pagdating sa love hindi nasusukat ang age. Kasi sa nakikita ko sa kanya hindi ko pa nagagawa ang ganon para sa kanya. Nawala lahat ang pagka inis ko. Kaya naman kahit busog pa ako ay sinamahan ko siyang kumain. At bago kami natulog ay isa muling mainit na halikan ang aming ginawa.

Minsan naman dahil alam nyang gagabihin ako ng uwi, nagvolunteer na siya daw ang magluluto, pinabayaan ko na lamang kasi mangugulit lamang pag kumontra pa ako. Nang dumating ako madilim sa salas at may konting red light sa kusina. Nang pumasok ako don, “Surprise!” May naka set up na table for two, may candle at may red wine. May tumutugtog din songs of Bruno Mars from his laptop. Alam niyang iyon ang mga favorites ko. At yun nga dim light na kulay red. Ang ganda sana, kaso nang tikman ko ang pagkain parang hindi okey. Pinabuksan ko ang ilaw para makita kong mabuti. Pambihira, ang chicken, yung dalawa sunog, yung iba naman may dugo pa sa loob. Tapos may soup na mukhang malambot na paste at beef na parang lahat yata ng toyo sa kusina nilagay. May gulay din na nakalubog sa sabaw. Gusto kong matawa sa kanya pero alam kong pinagpaguran niya lahat iyon kaya instead na tumawa niyakap ko siya at hinalikan. Tuwang-tuwa naman siya pero nang magyaya siyang kumain, hindi ko na napigilan ang tawa ko. Kaya nakita ko sa mata niya ang lungkot. “Hindi ka naman po totoong natutuwa sir, nang iinis ka lang po kasi hindi masarap ang luto ko diba?” ang tila nagtatampo niyang sabi, sabay dampot sa ulam na nasa mesa at itatapon na lamang daw niya. “Hindi naman ah, ang ganda nga ng presentation mo parang pang five-star hotel.” Napangiti siya. Pero nang magyaya ulit siyang kumain. “Tara may masarap daw palang restaurant malapit sa SM noon ko pa gustong kumain don, try natin kung totoong masarap don. “ Hindi na siya nakatanggi kasi hinila ko na siya palabas at pagdating sa kanto, pumara agad ako ng taxi.

Sa maikling panahon na nakasama ko siya parang ang daming pangyayari ang hindi ko malilimutan. Mga pangyayaring lalong nagpapalapit ng loob ko sa kanya at mga pangyayaring nagiging dahilan upang lalong mapamahal siya sa akin. Subalit ang mga pangyayaring ito rin ang nagbibigay ng takot sa akin na paano kung isang araw matapos na ang lahat. Alam kong pansamantala lamang ang lahat at ngayon pa lamang pag naiisip ko iyon, nasasaktan na ako.

Isang tanghali, nagtext si Gigi, pupunta raw siya sa bahay. Alam ko naman ang sasabihin niya ang tungkol sa kasal. Pero decided na ako, hindi ako magpapakasal sa kanya. Hindi ko alam kung hindi muna o hindi na. Basta isa lang ang sigurado ko hindi ko kayang putulin ang kasiyahang kasama ko si Kenn Lloyd. Ngayon ko lamang naranasan ang ganito at ayokong matapos agad. Inihanda ko na ang sarili ko at kung paano ko sasabihin sa kanya. Hindi ko na siya hahayaang magsalita ng mga plans niya. Uunahan ko na siya para hindi na humaba ang usapan tutal ang ending naman ganun din hindi kami magpapakasal. Sinabihan ko na rin si Kenn na sa kwarto na muna siya baka paalisin na naman siya ni Gigi.

Nang dumating nga siya, sinalubong ko agad at pinaupo. Pero hindi pa siya nakakaupo nang may kinuha sa bag niya at iniabot sa akin. “Ano to? Agad na tanong ko. Pero muntik ko ng mabitawan nang magregister sa utak ko kung ano yun.

“Bbbuntis ka?” iyon lang ang nasabi ko.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Tales of a Confused Teacher (Part 8)
Tales of a Confused Teacher (Part 8)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiQypFW2WhkWj4Y3SwO5OfYccVgSZZKazVaO0bTtWhCs5g9iY76_KRFEm1VDhOA7TW1h9YLhr0SyOMyTE4bLMHMnpty20xmmEBXE10AR7OYUkw7o7iMVOCQxVxj6Hus9vAul_bhG5KwXFse/s1600/Tales+of+a+Confused+Teacher.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiQypFW2WhkWj4Y3SwO5OfYccVgSZZKazVaO0bTtWhCs5g9iY76_KRFEm1VDhOA7TW1h9YLhr0SyOMyTE4bLMHMnpty20xmmEBXE10AR7OYUkw7o7iMVOCQxVxj6Hus9vAul_bhG5KwXFse/s72-c/Tales+of+a+Confused+Teacher.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/01/tales-of-confused-teacher-part-8.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/01/tales-of-confused-teacher-part-8.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content