By: Kier Andrei Author's Note: Hi, again! After re-reading Chasing Sunsets, saka ko lang na-realize na mas naging malaking parte noong k...
By: Kier Andrei
Author's Note: Hi, again! After re-reading Chasing Sunsets, saka ko lang na-realize na mas naging malaking parte noong kwento iyong mismong struggle ni Neil kesa sa mismong love story nila ni Derek. Kaya pagkatapos noon, nag-isip agad ako ng pwedeng isulat na pambawi kumbaga. So here it is. I hope you guys enjoy reading this one too. If you have any suggestions for a story, just put it on the comments below. To the moderators of this site, maraming-maraming salamat po sa pagbibigay ng espasyo sa mga pagkahaba-habang kwentong isinusulat ko.
“Nah! It can’t be me. I wouldn’t have the patience to wait for you to finally change your mind and fight for me.”
Pagkatapos bitawan ang mga salitang iyon ay parang balewalang ibinalik na ni Jacob ang atensiyon sa monitor ng kanyang laptop. Napalingon pa ako sa paligid para tignan kung may nakikinig sa amin. Sigurado kasi akong kung may taong nakarinig sa naging palitan namin sa loob ng coffee shop na iyon, nag-iisip na ng kakaiba.
Binungaran ba naman kasi ako ng linyang, “I’m writing your gay love story,” kaninang pagdating ko sabay tanong kung sino daw ba ang pwede kong maging kapareha sa kanyang ginagawa.
Hindi na ako nabibigla sa mga ganoong eksena lalo na pagdating kay Jacob. Ganun naman kasi siya talaga kapag may naisip na sulatin. Madalas kasi, inia-angkla niya ang mga sinusulat niya sa mga tao sa paligid niya. Noong huli nga siyang makunbinsi ng kaibigan naming si Patrick na magsulat ng ganoong uri ng kwento ay ang barkada naming sina Julius at Daniel ang ginawan niya ng gay love story na ikinatuwa ng mga girlfriend ng mga huli. At ngayon naman, ako ang gusto niyang maging topic.
“You need someone who would force you to come out of your shell and make you see just what a big hypocrite you are.” Iyan ang linya niya sa akin kanina. Ako naman si loko-loko, sabi kong baka siya na iyon kaya ako nasabihan ng isang mahabang version ng hindi.
Ganoon siya kapag nagsusulat, mapa-normal na prosa man iyon na siya niyang hanapbuhay o iyong mga paminsang-minsang short gay love story na ipinapagawa sa kanya ni Patrick para sa gay magazine kung saan ito nagtratrabaho bilang assistant editor.
“Nah! It can’t be me. I wouldn’t have the patience to wait for you to finally change your mind and fight for me.”
Pagkatapos bitawan ang mga salitang iyon ay parang balewalang ibinalik na ni Jacob ang atensiyon sa monitor ng kanyang laptop. Napalingon pa ako sa paligid para tignan kung may nakikinig sa amin. Sigurado kasi akong kung may taong nakarinig sa naging palitan namin sa loob ng coffee shop na iyon, nag-iisip na ng kakaiba.
Binungaran ba naman kasi ako ng linyang, “I’m writing your gay love story,” kaninang pagdating ko sabay tanong kung sino daw ba ang pwede kong maging kapareha sa kanyang ginagawa.
Hindi na ako nabibigla sa mga ganoong eksena lalo na pagdating kay Jacob. Ganun naman kasi siya talaga kapag may naisip na sulatin. Madalas kasi, inia-angkla niya ang mga sinusulat niya sa mga tao sa paligid niya. Noong huli nga siyang makunbinsi ng kaibigan naming si Patrick na magsulat ng ganoong uri ng kwento ay ang barkada naming sina Julius at Daniel ang ginawan niya ng gay love story na ikinatuwa ng mga girlfriend ng mga huli. At ngayon naman, ako ang gusto niyang maging topic.
“You need someone who would force you to come out of your shell and make you see just what a big hypocrite you are.” Iyan ang linya niya sa akin kanina. Ako naman si loko-loko, sabi kong baka siya na iyon kaya ako nasabihan ng isang mahabang version ng hindi.
Ganoon siya kapag nagsusulat, mapa-normal na prosa man iyon na siya niyang hanapbuhay o iyong mga paminsang-minsang short gay love story na ipinapagawa sa kanya ni Patrick para sa gay magazine kung saan ito nagtratrabaho bilang assistant editor.
“How can you even write something like that?” Tanong ko pa sa kanya noon. Hindi naman kasi siya bading sa pagkakakilala ko.
“Love doesn’t care if you have a dick or a pussy.” Iyon ang maikli niyang sagot. At kahit taliwas iyon sa paniniwala ko, tinanggap ko na lang. Kapag kasi magkukumento pa ako, isa lang naman ang isasagot niya, na ipokrito lang daw talaga ako.
Napangiti na lamang ako at naupo sa harap niya at hinayaan siya sa kanyang ginagawa. Hindi naman nagtagal ay dumating sa lamesa namin ang inorder kong kape bago ko siya nilapitan kanina. Ni hindi man lang nag-angat ng tingin si Jacob mula sa sinusulat niya.
“Do you think you’d ever fall in love with a guy?” Tanong ko kay Jacob maya-maya.
“I’m not sure,” Sagot lang niya na hindi man lang tumigil sa pagtipa sa keyboard ng kanyang laptop.
“If it happens, then it happens. Hindi ako magsasalita ng patapos dahil ayokong kainin ang salita ko in the end. I don’t care much anyway. As long as magiging masaya ako kapag nagkataon.”
Napangiti uli ako. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit kahit magkaibang-magkaiba kami ng paniniwala ni Jacob ay naging malapit ako sa kanya. He was open to things that I don’t even have the courage to consider. Hindi din niya binibigyang halaga ang anumang sabihin ng ibang tao. Makikinig siya, oo, pero gagawin pa rin niya kung ano sa tingin niya ay tama.
Jacob is stubborn and strong-willed and dances to his own beat. Hanggat sa wala naman siyang napeperwisyo sa kung paano niya patakbuhin ang buhay niya, wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Sabi nga niya, hindi niya responsibilidad na pasayahin ang ibang tao in exchange of his own happiness.
“I have enough fears and uncertainties on my own. I don’t need other people shoving their own monsters down my throat.” Iyan ang lagi niyang sinasabi kapag sinasabihan ko siya. Noong una siguro, naiinis pa ako kasi sa akin naman, nagsasabi lang. Nang maglaon, nasanay na din ako. Ganun lang talaga siya.
“So, ibig mong sabihin, hinding-hindi ka mai-in love sa akin?” Ewan kung anong saltiik ang pumasok sa isip ko at bigla ko iyong natanong. Napaangat ng mukha si Jacob mula sa laptop niya.
“It’s not impossible pero hindi ako ganoon katanga. You’re too much of a coward para talikuran ang alive-alive mong paniniwala para sa kahit na sino. And you will never do it for a guy. Hindi ako tanga para saktan lang ang sarili ko.” Diretsang sagot niya.
Napangiwi ako ng konti pagkarinig noon. Kahit kailan talaga, brutal siyang magsalita. Minsan nga, nagbibigay lang siya ng advise nalalait ka pa. Kaya ng siguro kami lang ni Patrick sa buong barkada ang talagang nakakatagal na makipag-usap sa kanya. Kung ibang tao kasi ang kinakausap niya ng ganoon ay nainsulto na. Pero dahil nasanay na ako at saka totoo naman iyon, hindi na ako nainsulto. Medyo may konting kurot pero ganoon lang naman kasi talaga siya magsalita. He doesn’t sugarcoat things, lalo na kapag kaming mga kaibigan niya ang kausap niya.
“Its part of his appeal,” Sabi pa ni Patrick dati. Mukhang totoo naman iyon dahil kahit na makapatay pagkatao siyang magsalita minsan, madami pa din ang gustong mapalapit sa kanya. He was blunt but was real.
Akala niya siguro ay may sasabihin pa akong iba kaya tinitigan niya ako sa mukha. Nang hindi ako umimik at ngumiti lang ako sa kanya, muli niyang itinutok ang mata niya sa laptop screen na nasa harapan niya. Iyon nga lang at maya-maya pa ay bumabalik sa mukha ko ang mgaa mata niya at kitang-kita ko doon na nag-iisip siya.
‘Ano?” Tanong ko sa kanya.
“You’re right,” Sabi lang niya, nakatitig na naman sa akin.
“I’m the only one who might be able to bring you out of your shell.”
Pagkasabi noon ay agad niyang pinatay ang laptop niya at inilagay sa bag bago ako tinitigan ulit. Kung hindi lang siguro ako sanay sa kanya, kanina pa ako nailing sa pagkakatitig niya.
Maya-maya ay bigla siyang napangiti sabay tanggal ng suot niyang salamin at suklay sa may kahabaan niyang buhok gamit ang kanyang kamay. Hindi ko alam kung bakit pero napasinghap ako ng wala sa oras.
Jacob was a good looking guy. Malamlam na tipong laging naiiyak na mga mata, matangos na ilong, mamula-mulang may kanipisang mga labi, makinis na mukha, may kakapalang kilay at prominenteng panga. His face was both feminine and masculine at the same time. At kapag ganoong nagniningning ang mga mata niya sa kung anumang naiisip, hindi mo talaga maiiwasan ang mapatitig. Maging ang may kahabaan at alon-alon niyang buhok ay hindi man lang nakabawas doon.
Mahilig siya sa mga outdoor activities tulad nga mountain climbing at marathons. Sumasali pa nga siya ng mga triathlons kung minsan kaya kahit hindi siya nagdi-gym ay maganda ang porma ng kanyang katawan. Idagdag pa na magaling naman talaga siyang manamit. Kung meron man sigurong masasabing kapintasan sa kanya ay ang tendency niyang humukot kapag nagsusulat pero maging iyon ay nawawala kapag wala sa siya sa harap ng laptop niya.
Kaya nga siguro laging nasasabi ni Patrick na kapag si Jacob ang naglandi sa isang lalaki, kahit straight magiging bakla. Ganoon kasi kalakas ang dating niya kapag nag-effort.
Hindi naman sa naniniwala akong kaya niyang mang-convert ng isang straight na lalaki para maging bading. Siya man ay hindi din naniniwala doon mainly because hindi siya naniniwala na ang attraction ay natatali sa gender ng isang tao.
“Attraction is attraction. You can’t help being attracted to something you find beautiful. It’s not based on what you have between your legs.” Sabat ni Jacob noong marinig niya kami ni Patrick na nag-uusap tungkol doon. Ni hindi niya yata alam na siya ang pinag-uusapan namin.
So, do I find Jacob attractive? Oo naman. Hindi ko naman ikakaila iyon. Iyon nga lang, walang halong pagnanasa.
Hindi nga? Anang isang parte ng isip ko ero hindi ko iyon pinansin.
“Bakit mo ako tinititigan ng ganyan?” Tanong ko sa kanya bago inabot ang tasa ng kape sa aking harapan. Lalong lumuwag ang pagkakangiti niya. Nagsimula na akong mailing ng kaunti. Mukha kasing iba na naman ang tumatakbo sa kukote niya.
“You’re dating me this next few days and Patrick is paying.” Ngiting-ngiti niyang sagot. Napanganga ako ng wala sa oras.
“Why?”
“Dahil siya ang may ideya na ikaw ang gawin kong subject.” Sagot lang niya.
“No. I mean bakit kailangan kitang i-date?”
Tinitigan pa niya ako sa mata ng matagal bago siya sumagot. “Because I’m writing our happy ending.”
Ganoon lang kasimple ang eksplanasyon niya. Nagdesisyon siyang sulatin ang love story namin kaya magde-date kami. Walang tanung-tanong kung gusto ko ba siyang i-date o hindi. Ni hindi niya yata naisip na pareho kaming lalaki at kung ano ang magiging resulta noon. Not that he would care kung ano ang iisipin ng ibang tao. Malamang sa tingin niya, it’s just part of the creative process, parang experiment, ganun, at kaming dalawa ang Guinea pig. Gusto ko tuloy magsisi na sa akin pa nanggaling ang suhestiyon na kaming dalawa na lamang ang igawan niya.
Ang kaso pa, hindi ako makaangal. Mahirap tanggihan si Jacob dahil kahit anung argumento ang itapon mo sa kanya, meron siyang sagot. Wala naman daw mawawala sa akin kung nagkataon. Umoo na lang ako.
Imbes na magreklamo ay parang batang tuwang-tuwa pa si Patrick nang sabihin sa kanya ni Jacob ang ideya nito ilang araw pagkatapos. Agad pang tumawag sa akin ang luko-luko para sabihang ilibre ko daw ang mga susunod kong mga gabi at weekend dahil gagastusan daw niya ang trip to forever namin ni Jacob.
“No way!” Angal ko pa noong una.
“Bakit? Natatakot kang main-love ng totohanan kay Jacob at maisampal sa iyo ang kaipokrituhan mo?” Pambabara niya sa akin. Hindi ako nakahanap ng isasagot.
As usual, Patrick knows which buttons to push. Alam niya kasing pagdating sa paniniwala ko, gagawin ko ang lahat para patunayan na kaya kong panindigan iyon. I fell right into his trap without even realizing it.
Kinalunesan, papalabas pa lamang ako ng trabaho nang tumawag sa akin si Patrick na maghanda para sa unang date namin ni Jacob.
“Magbihis ka ng maayos kung ayaw mong magmukhang hampaslupa sa tabi niya.” Sabi pa nito.
“Bakit? Saan ba kami pupunta?” Tanong ko na lang.
Nasabi na din kasi nila sa buong barkada namin ang sitwasyon. Ayun, may pustahan na nga kung sino daw sa amin ni Jacob ang unang bibigay. Ang nakakainis pa, karamihan sa kanila, sa akin nakapusta. Kaya ayun, go with the flow na lang, ika nga.
“Just wear something formal.” Sagot lang ni Patrick sabay baba ng telepono. Hindi ko iyon sineryoso kaya napahiya na lang ako sa sarili ko nang dumating si Jacob sa bahay para sunduin ako na bihis na bihis.
“Seriously?” Tanong pa niya sa akin na nakataas ang kilay pagkatapos niya akong pasadahan ng tingin. Simpleng t-shirt at pantalong maong lang kasi ang suot ko samantalang siya, naka-dinner jacket. Napilitan tuloy akong magbihis. Sinamahan na din ako ni Jacob na mamili ng isusuot.
“We need to go shopping this weekend.” Sabi pa niya nang makita niya ang closet ko.
“No way. Hindi ako gagastos para lang sa kalokohan ninyong dalawa ni Patrick.” Sabi kong tumatawa habang hinuhubadad ang suot kong t-shirt at pantaloon.
“Sino ba kasing nagsabing gagastos ka? It’s Patrick’s idea. Siya ang gagastos.” Sabi lang niya sabay labas ng nag-iisa kong coat mula sa closet at ipinatong iyon sa kama. Ni hindi man lang niya pinansin na nakatayo na ako doon na tanging brief lamang ang suot.
Kung sabagay, hindi naman iyon ang unang pagkakataon. Kapag kasi lumalabas ang buong grupo, parte na ng ritwal namin ang ipakita sa iba ang suot namin. At dahil kami ang magkalapit kahit papaano ng bahay, siya ang laging unang nakakakita sa suot ko. Madalas kasi ay sabay na kaming nagpupunta sa kung saan man.
Ilang beses na din na napilitan akong bumalik sa bahay at magbihis dahil lang sa hindi niya aprubado ang suot ko. Hindi naman kasi ako kasing partikular niya pagdating sa damit. Basta kasya, okay na sa akin. May minsan pa nga na damit na niya ang suot ko mula ulo hanggang paa dahil wala na kaming oras na bumalik sa bahay pagkasundo ko sa kanya.
Kaya hindi ko na din alam kung ilang beses na niya akong nakitang brief lang ang suot. Medyo weird nga dahil normally, hindi ko iyon gagawin. Sa kinalakhan ko kasi, bawal ang mga ganoon kganapan. Sa bahay nga namin, hindi ka pwedeng humarap kahit na kanino ng walang suot na pantaas. Pwede kang maghubad baro pero kapag walang ibang nakakakita. Pwede din kapag nasa beach o nasa pool, pero hindi iyong ganoon na nasa kwarto kami at hindi ko naman asawa iyong kasama ko.
“Ang katawan ng tao ay pribado at sagrado.” Iyon ang palaging sabi sa amin. Kaya kapag nakita siguro ako nina papa sa ganoong sitwasyon ay baka kinagalitan na ako ng wala sa oras. Kahit pa sabihing may karapatan naman akong magbalandra ng katawan.
Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero may ipagmamalaki naman ako. Kumpara kay Jacob ay mas maskulado ang aking katawan dahil na din sa pagdi-gym. Mas matangkad nga lang siya sa akin. Hindi din naman ako panget. Sabi nga ni Patrick, hindi daw ako gwapo pero simpatiko daw naman ako at malakas ang dating.
“Parang ang OA naman yata,” Komento ko ng iabot sa akin ni Jacob ang isang long sleeves dress shirt na ni hindi ko alam na meron pala ako. Nang mapagmasdan ko iyon ng maayos, hindi nga talaga sa akin. Damit iyon ni Jacob na nagamit ko minsan at hindi na naibalik.
Nang isunod niya ang necktie na iabot sa akin, napangiwi na ako. Ayaw na ayaw ko kasi ang nagsusuot ng neckte dahil pakiramdam ko, nasasakal ako at hindi ako makahinga.
“Seryoso ka?” Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin.
‘We’re going over the top for just a story.” Sabi ko na lang pero isinuot ko pa din naman iyon.
“Really?” Sabi lang niya habang tinitignan ang mga slacks ko sa closet.
Dahil hindi naman iyon nagagamit, walang naplantsa sa mga nandoon. Walang sabi-sabing tinanggal niya ang kanyang dinner jacket at ini-hanger iyon ng maayos bago kinuha ang isa sa mga slacks at saka dumiretso sa plantiyahan na nasa isang gilid ng kwarto.
“Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya. Ako na mismo ang naghanap ng dress socks sa closet.
“Dusit Thani.” Maikli niyang sagot. Napamulagat na naman ako.
“Seryoso ba siya? Gagastos siyang malaki para lamang dito?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Tinitigan lang ako ni Jacob ng matagal bago siya nagsalita.
“He wants you to be gay.” Diretsa niyang sagot pagkatapos. Napalatak na lang ako. Muntik ko nang murahin ang sarili ko na hindi ko naisip iyon simula pa lang.
Hindi naman kasi lingid sa aming lahat na may gusto sa akin si Patrick. Hindi din naman kasi niya itinatago iyon. Ilang beses na din siyang nagpakita ng motibo sa akin pero hindi ko lang pinansin. Napabuntong-hininga na lang ako at naupo sa aking kama.
“He’s going to be disappointed.” Sabi ko. “Why are you playing along?”
“Because I’m getting bored.” Maikli niyang sagot.
“We shouldn’t be doing this.” Sabi ko na lang, inaatake ng kunsiyensiya. “Alam nating pareho na kahit bading o hindi, wala siyang aasahan sa akin.”
Siya naman ang napabuntong-hininga. “I think he wants some kind of closure. Gusto niyang tuldukan ng tuluyan ang nararamdaman niya sa iyo. Isa pa, I’m not letting him pay for everything. We’ll spend just as much as the magazine will be paying me and I’m giving him half of that.”
“It’s just a week, Nate. Let’s give him the show he wants and get it over with.” Sabi niya sa akin sabay abot ng pantalon na katatapos lang niyang plantiyahin. Tumango na lamang ako.
Nang makapagbihis ay pinasadahan pa ako ng tingin ni Jacob mula ulo hanggang paa. Base sa pagkakangiti niya, aprubado naman ang lahat. Inayos pa niya ng konti ang necktie ko at ang kuwelyo ng suot kong pang-itaas bago niya ipinasuot iyong coat.
Maliban sa pinagtitinginan kami ng mga tao sa hotel ay wala naman masyadong kakaiba sa dinner naming iyon ni Jacob. Dati pa naman kasi ay nae-enjoy ko na ang makipag-usap sa kanya. Kung titignan, para lang kaming magkaibigan na nag-uusap. Huwag mo nga lang isama ang set up dahil literal na candle light dinner ang date namin. Ewan, pero kahit napaka-weird ng sitwasyon, kumportable ako dahil na din siguro sa si Jacob ang kasama. Nakakahawa naman kasi talaga ang pagiging carefree niya kung minsan.
Pauwi na kami ng tanungin niya sa akin kung saan ko daw siya dadalhin kinabukasan. Kunot-noong napatingin ako sa kanya. Kasalukuyan siyang nagmamaneho noon kaya hindi niya ako nilingon.
“Bakit ako?” Tanong ko. “Hindi ba dapat ay si Patrick ang nag-iisip niyan?”
“Iyon ang sabi niya eh, that you should plan it.” Sabi lang niya na hindi man lang inalis ang tingin sa daan.
Agad kong inilabas ang cellphone ko at tinawagan si Patrick.
“What are you playing at?” Tanong ko sa kanya pagkasagot na pagkasagot niya ng telepono.
“Huh?”
“Bakit ako ang kailangang mag-isip kung saan kami pupunta ni Jacob?”
“Because it’s your date and between me and you, mas kilala mo na siya kaya mas alam mo kung saan siya mag-e-enjoy.” Walang gatol na sagot lang ni Patrick. May dinig akong bahid ng selos sa boses niya pero hindi ko na lang pinansin. Bago pa ako makakontra ay binabaan na niya ako ng telepono.
“Anong sabi?” Tanong sa akin ni Jacob. Inulit ko lang ang sinabi ni Patrick saka ako bumuntong-hininga.
“He has a point. You do know me better than he does now.” Sabi lang ni Jacob. Hindi na lang ako nagsalita pero natuwa ako sa sinabi niyang iyon.
Pagdating sa bahay ay talagang inihatid pa ako ni Jacob hanggang sa may pintuan. Inasar ko tuloy siya na kung saan man kami pupunta kinabukasan, ako ang magda-drive para hindi ako ang nagmumukhang babae sa aming dalawa. Tumawa lang naman siya sa sinabi kong iyon.
“So, how do we end this date of ours?” Tanong ko sa kanya na tumatawa.
“Please don’t tell me that you’re coming in and that we’re having sex dahil hindi na ako papayag!” Biro ko pa sa kanya.
“Strict ang parents ko!” Dagdag ko pa na hindi naman nalalayo sa katotohanan. Kung sa bahay ng parents ko siguro ako nakatira ay baka nasa gate pa lang kami ay sinesermunan na kami ni papa kung gaano kamali ang ginawa naming pagdi-date.
Nakatingin lang sa akin si Jacob na tila ba nag-iisip. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Lalo na nang lumapit pa siyang lalo sa akin.
Ano na naman kayang kalokohan ang nasa utak nito? Tanong ko pa sa aking sarili.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong kabigin at halikan sa labi. Ni hindi man lang kasi sumagi sa isip ko na kaya niya iyong gawin. Hindi ako nakapalag sa pagkabigla. Ngiting-ngiti pa siya sa akin nang humiwalay samantalang ako ay parang timang pa ring nakatulala.
The kiss was gentle, closed mouth, but long. He even gave my lips a teasing lick bago siya humiwalay na nagpanginig sa tuhod ko ng wala sa oras.
“You just kissed me…” Halos pabulong ko lang na nasabi, pilit pa ring prinoproseso sa utak ko ang nangyari. Saka lamang ako bumalik sa katinuan nang marinig ko ang malakas niyang pagtawa.
Imbes na magsalita ay napatitig lang ako sa mukha niya. Jacob looked so alive and beautiful. Noon ko lamang siya narinig at nakita na tumawa ng ganoon and it was something that I know I would always remember.
“I’m going to hell for this…” Bulong ko sa sarili ko na medyo napalakas yata dahil biglang tumigil si Jacob sa pagtawa at tinignan ako ng mariin.
“You’re not going to hell for that kiss, Nate.” Sabi lang niya sabay tapik sa balikat ko bago siya naglakad pabalik sa kotse niya.
Kumaway pa siya sa akin bago niya tuluyang pinatakbo ang kotse. Naiiling na lang akong pumasok sa loob ng bahay. Pagdating sa kwarto, naghubad lang ako ng damit at dumiretso na ako sa kama at agad na nakatulog.
Katulad ng nakasanayan, maaga akong nagising kinabukasan. Natawa na lang ako ng maalala ang nangyari noong nakaraang gabi. May parte ng pagkatao ko ang nagwawala ng dahil sa nangyari pero mayparte din namang pilit kumukumbinsi sa parting iyon na walang anumang ibig sabihin ang halik na naganap.
“French guy kiss without any malice,” Sabi ko pa sa sarili ko.
You’re not French, kontra naman ng isip ko pero hindi ko na lang pinansin. If worse comes to worst, It’s just a week, iyon na lang ang sinasabi ko sa sarili ko.
Bago pumasok sa trabaho ay tumingin ako sa internet ng pwede naming puntahan ni Jacob kinagabihan. Kung gagawin ko din lang naman kasi iyon, eh di seseryosohin ko na. It’s a new experience after all. Isa pa, sigurado kasi akong pagtatawanan lang ako ni Jacob kung sakaling hindi man lang ako nagplano.
Tamang-tama naman na nakita kong may bagong palabas sa CCP kaya agad akong bumili ng ticket. Pareho kasi kaming mahilig ni Jacob na manood ng mga ganoong palabas. Tumawag pa ako sa kanya bago ako umalis ng bahay para sabihin ang tungkol doon. Tulog pa yata ang kumag dahil ungol lang ang isinagot niya sa akin.
Muli ko siyang tinawagan after lunch at doon ko nakumpirmang tulog pa nga siya noong una akong tumawag. Ni hindi nga niya naalala na tumawag ako.
“Ikaw na ang nag-effort.” Sabi lang niya sa akin. “I’ll take care of dinner then. Sunduin mo ako sa bahay ng mga six.”
Umoo na lang ako kahit alas-nueve pa naman ng gabi iyong palabas. Sinabihan ko na lang siya na wala akong balak na mag-necktie ng gabing iyon na tawa lang ang naging sagot niya.
Wala pang alas-sais ay nasa bahay na ako ni Jacob. Katulad ko ay mag-isa din lang siyang nakatira sa Maynila. Nasa probinsiya kasi ang mga magulang niya samantalang ang parents ko naman ay ilang taon na ding nasa Australia.
Tanging ang kapatid ko na lamang na hindi ko din naman kasundo ang nasa bahay namin sa Cavite. Maliban sa dalawang katulong na naglilinis sa bahay ay wala na din akong kasama. Si Jacob naman ay literal na mag-isa.
Nasurpresa pa ako ng madatnan ko siyang nagluluto. Akala ko kasi ay sa labas kami kakain.
“Ang lakas maka-housewife ah.” Biro ko sa kanya na ikinatawa lang niya.
“Ugok!” Aniya. ‘Nahiya naman kasi ako sa effort nung isa diyan.”
‘Sus! Ang sabihin mo, tinitipid mo ako.” Buska ko pa sa kanya.
“Huwag kang kakain!” Sagot lang niya sa akin na tumatawa.
Ngumiti na lamang ako at naupo sa may lamesa at pinanood siyang magluto. Dahil nasa bahay lang naman, tanging boxer shorts lamang ang suot ni Jacob. Magulo pa nga ang buhok niya at mukhang hindi man lang ito nagsuklay pagkabangon.
Dahil wala din naman akong magawa, pinagmasdan ko na lang siya. Noon ko lang napansin na balbon pala talaga ang mga binti at hita niya. Hindi ko naman kasi iyon pinagtutuunan ng pansin dati. Pero maliban doon at makinis na lahat. At kahit moreno ay ni wala kang makitang kahit na anumang peklat ng dahil sa pimple. Meron siyang pilat sa likod malapit sa balikat mula sa isang saksak pero maging iyon ay hindi masyadong halata.
Naikwento na niya sa amin ang tungkol doon. Nag-amok daw kasi minsan ang isang drug addict sa probinsiya nila ay sa minalas-malas, siya ang napagtripan.
Bumaba ang tingin ko sa bantang puwet ni Jacob. Kahit medyo maluwag ang suot niyang boxers ay halatang matambok iyon. Sabi nga ni Patrick na siyang laging nanggigigil doon, jampaks. Hindi ako masyadong pamilyar sa kung ano ang ibig sabihin ng salitang iyon pero pakiramdam ko ay akmang-akma iyon sa puwet ni Jacob.
“Stop staring at my ass because that’s not going to be your dinner.” Narinig kong sabi ni Jacob kaya napaangat sa mukha niya ang tingin ko. Nakataas ang kilay na nakatingin siya sa akin pero nakangiti.
‘It looks good enough to eat.” Biro ko sa kanya sabay tawa. Ewan kung imahinasyon ko lang iyon pero namula yata siya ng konti.
Tinakpan niya ang niluluto niya saka humarap sa akin. Hindi ko na naman napigilan ang mapasinghap ng kaunti. He had a lean body pero may laman sa mga parteng dapat ay may laman. Wala man siyang abs pero may mga cuts na din ang tiyan niya na alam kong konting gym lang ay magppapalabas na sa mga iyon.
Pasimple niyang sinuklay ang buhok niya gamit ang kanyang kamay saka ngumiti sa akin ng pagkalandi-landi. Ang hayop, mukhang balak gumanti sa pang-aasar ko sa kanya.
“Are you trying to seduce me?” Tanong ko sa kanya.
Imbes na sumagot ay naglakad lang siya papalapit sa akin bago siya tumungkod sa likuran ng upuan kong saan ako nakaupo. Wala tuloy akong nagawa kundi salubungin ang mga mata niya dahil nakakulong ang ulo ko sa magkabila niyang braso.
“Is it working?” Halos pabulong pa niyang sabi sa akin sabay kagat sa kanyang labi.
Napalunok ako ng wala sa oras. Konting-konti na lang ay malapit na akong maniwala na kayang-kaya niyang akitin ang kahit na sinong lalaki para mabading sa kanya.
Naramdaman ko na lang ang braso niya sa aking balikat, humahaplos papunta sa aking leeg hanggang sa huminto iyon sa aking pisngi. Hindi ko maiwasan ang kilabutan. Buong akala ko nga ay hahalikan na naman niya ako kaya ang mga mata ko, dumiretso sa mga labi niya. Nagulat pa ako ng bigla niyang hinampas ang dibdib ko gamit ang likod ng palad niya saka tumawa ng malakas.
“For a straight guy, you’re one hell of an easy victim.” Sabi pa niya. “Makes me wonder kung bakit hindi ka bumigay kay Patrick.”
Hindi na lang ako sumagot and just rolled my eyes. Hindi ko din naman kasi alam ang isasagot. Pakiramdam ko ng mga oras na iyon, ang init-init ng mukha ko.
Mukha lang? Side comment na naman ng utak ko.
“Bantayan mo iyong niluluto ko at maliligo lang ako.” Sabi niya sa akin pagkalayo.
“Unless gusto mo akong sabayan?” Dagdag pa niya na may kasamang nakakalokong ngiti.
“I’ll pass. Baka mawalan ako ng ganang kumain.” Banat ko na lang sa kanya. He just rolled his eyes bago naglakad papunta sa kwarto niya. Pagkarinig ko sa lock ng pintuan ay saka lamang ako nakahinga ng maayos.
“What the hell just happened?” Pabulong kong tanong sa sarili ko.
Nang wala akong maisipang sagot, agad kong hinalungkat ang drawers sa kusina ni Jacob at hinanap kung nasaan ang stock niya ng yosi. Matagal na akong hindi naninigarilyo pero ng mga oras na iyon, kinailangan kong kalmahin ang sarili ko. Naka-apat din yata akong stick bago ako tuluyang kumalma.
Paglabas ni Jacob, kalmado na ulit ako na naihanda ko na din ang kakainin namin. Simple lang naman kasi iyon, chicken-pork adobo at pakbet. Lutong bahay lang kumbaga. Pero paborito ko ang dalawang iyon at alam kong iyon ang dahilan kung bakit niya iyon niluto.
Naglabas na din ako ng beer para sa aming dalawa.
Napataas ang kilay niya nang mapansin niya ang yosi sa may lababo pero hindi siya nagtanong. Hindi na din naman ako nagpaliwanag.
Balik sa normal ang huntahan namin habang kumakain. Tuluyan ko na ding naitulak palabas sa isip ko ang lahat ng gumugulo doon bago pa man kami umalis papunta sa CCP.
As expected, pareho naming na-enjoy ang palabas. Nagkataon pang kakilala pala niya iyong direktor noong palabas kaya hanggang after party ay kasama kami.
Simple lang naman iyong after party. Tipong kainan at inuman lang sa bahay noong direktor sa Pasay. Maliban sa amin at ilang mga kamag-anak at kaibigan noong mga kasama sa produksiyon ay puro miyembro ng ng grupo ang nandoon. Hindi naman kami na-OP dahil mababait naman sila at talagang napakakulit.
“At kailan ka pa naglipat-bakod?” Nabulunan pa ako sa iniinom kong beer ng biglang tanungin ni Raffy, iyong direktor, si Jacob sabay tingin sa akin ng may kahulugan. Tumingin muna sa akin si Jacob bago sumagot.
“Kahapon lang,” Simple niyang sagot na ikinatawa namin pareho.
Si Jacob na ang nagpaliwanag kay Raffy ng sitwasyon. Natatawang nakikinig lang ito kay Jacob. Pagkatapos ng paliwanag, ako naman ang hinarap ni Raffy.
“You’re playing a dangerous game with this one, my dear.” Sabi niya sa akin, makahulugan ang ngiti. “I would know. I was in love with him for three years and he wasn’t even trying.”
Napanganga na lang ako sa rebelasyon niyang iyon. Nag-make face lang si Jacob nang tignan ko siya na nagtatanong. Hindi din naman niya kinontra ang sinabi ni Raffy kaya alam kong totoo iyon.
“So? Iniwanan na ba ng lukaret na nanay mo ang tarantadong stepfather mo na muntik ka nang patayin dahil lamang sa hindi mo isinuko sa kanya ang puri mo?” Maya-maya ay biglang tanong ni Raffy kay Jacob. Agad na nagdilim ang mukha ni Jacob na mas ikinabigla ko kesa sa aking narinig.
There was pain and pure hatred in his eyes that I have never seen before. For a split second, he looked vulnerable bago naging blanko ang mukha niya.
“That’s not polite dinner conversation, Rafael.” Malamig na sabi ni Jacob kay Raffy. Agad na namutla si Raffy.
“I’m sor---“
“Let’s go.” Sabi lang sa akin ni Jacob na hindi man lang pinatapos magsalita si Raffy. Ni hindi na niya ako hinintay na makasagot dahil nauna na siyang tumayo. Nahihiyang napatingin na lang sa akin si Raffy.
“I thought---“ Sabi niya sabay buntong-hininga. “Please tell Jacob I’m sorry. It’s been years at buong akala ko--- never mind. Sundan mo na siya at baka ano pang gawin noon.”
Hindi na ako nagtanong kahit na ang dami ko sanang gustong tanungin. Naunahan na ako ng pag-aalala kay Jacob. Agad akong tumayo at akmang susundan na sana si Jacob pero hinawakan ni Raffy ang braso ko.
“Don’t leave him tonight, whatever happens. Kahit itulak ka niya palabas ng bahay, huwag na huwag mo siyang iiwan.” Bilin niya sa akin bago niya ako pinakawalan. Tumango na lamang ako kahit naguguluhan.
Nadatnan kong nakaupo sa loob ng sasakyan si Jacob. Walang imik na pumasok na din lang ako at pinaandar ang sasakyan. Pagdating sa bahayniya. Dumiretso na siya ng kwarto na wala man lang sinasabi sa akin. Sumunod na lang ako sa kanya doon.
Para siyang wala sa sariling basta na lamang nagtanggal ng damit at saka sumampa sa kama. Ako na lang ang pumulot ng ma damit niya at inilagay iyon ng maayos sa humper sa isang gilit. Isinabit ko na din sa closet niya ang kanyang dinner jacket na basta na lamang niya iniitsa sa sahig.
“Please go home,” Halos pabulong niyang sabi sa akin na hindi man lang ako hinarap.
Imbes na sumagot ay ako naman ang nagtanggal ng damit hanggang sa boxers na lamang ang aking suot bago ako sumampa sa kami. Nagulat pa siyang napalingon sa akin.
“I’m staying and you can’t make me leave.” Madiin kong sabi bago ko siya kinabig para yakapin.
Hinayaan ko siyang mag-unan sa dibdib ko at kahit pa nga nagpupumiglas siyang kumawala ay hindi ko siya binitawan. Maya-maya pa ay tumigil din naman siya sa pagpupumiglas pero imbes na makahinga ng maluwag ay lalong nanikip ang dibdib ko ng magsimula siyang humagulgol.
Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyari pero ng mga oras na iyon, nakaramdam ako ng matinding galit para sa stepfather niya na hindi ko pa nakikilala. Maging kay Raffy ay nainis ako dahil hindi man lang siya nag-isip bago siya nagsalita. Nakaramdam din ako ng galit kay Jacob dahil sa loob ng madaming taon na magkaibigan kami, ni wala man lang siyang nababanggit tungkol doon. At higit sa lahat, nagalit ako sa sarili ko dahil ni minsan, hindi ko man lang napansin na ganoon pala kabigat ang dinadala ni Jacob ng mag-isa.
“It’s going to be okay,” Bulong ko kay Jacob at sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, gusto kong gawin lahat ng kaya kong gawin para magkatotoo iyon. I just couldn’t take to see him like that. Pakiramdam ko kasi, napakawlang silbi ko na yakap lang ang kaya kong ibigay para sa kanya ng mga oras na iyon.
Saka lamang ako nakatulog nang matigil na sa pag-iyak si Jacob at nakatulog sa pagod. Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya bago ko ipinikit ang aking mga mata.
Paggising ko kinaumagahan, wala na si Jacob sa tabi ko. Napabalikwas ako ng wala sa oras sa kama. Agad kong tinignan ang banyo ng kwarto pero wala siya doon. Nagsimula na akong kabahan ng maging sa kusina at sa sala ay hindi ko siya makita.
Agad kong tinawagan ang cellphone ni Jacob at lalo akong nanghina nang marinig iyong nagriring sa kwarto niya. Isinunod kong tinawagan sina Patrick at ang iba pa naming kaibigan para tanungin kung kasama ba nila si Jacob. Lahat sila ay hindi ang sagot.
Nang wala na akong maisip na tatawagan ay lumabas ako ng bahay at saka nagsimulang tawagin ang pangalan niya. Napapatingin na sa akin ang iba niyang kapitbahay pero wala akong pakialam. Sisimulan ko na sanang libutin ang buong subdivision ng makita ko siyang nagda-jogging papalapit. Walang sabi-sabing sinalubong ko na siya at saka niyakap ng mahigpit.
“Bakit? Anong nangyari?” Nag-aalala niyang tanong sa akin pero hindi ako makasagot. Lalo ko lang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
“Nate, tinatakot mo na ako.” Sabi pa niya nang hindi ako sumagot.
“I woke up and you weren’t there. Akala ko---“ Ni hindi ko maituloy sabihin ang nasa isip ko.
“I left a note sa may ref na magda-jogging ako.” Natatawa niyang sabi. “Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising.”
“I panicked.” Sabi ko na lang na hindi pa din tinatanggal ang pagkakayakap sa kanya.
“Obvious.” Sabi niyang tumatawa pa din. “You’re out in the streets, in your boxers, with your morning wood. At least may isang parte ng katawan mo ang hindi nag-panic.”
Nanlaki ang mata kong wala sa oras na kumalas sa kanya at napatingin sa harapan ko. He was right. Hiyang-hiyang napasapo ako doon ng wala sa oras.
“I know it’s something to be proud of but dude, that’s just indicent. Ano na lang ang sasabihin sa iyo ni Pastor Abance kapag nakita ka niyang ganyan?” Sabi pa niya na ang binabanggit ay si papa. Lalo akong nahiya sa aking sarili.
“Do you have a license for that?” Dagdag pa niya.
“Could you stop talking and looking at my dick?” Naiinis kong sabi habang naglalakad pabalik sa bahay niya.
‘Why? It’s worth talking about.” Buska pa niyang lalo. Hindi na lamang ako sumagot at pumasok sa bahay niya. Tumatawang sinundan lang niya ako.
Pagdating sa kwarto niya ay agad kong isinuot ang pantalong hinubad ko noong nakaraang gabi. Nagulat pa ako ng bigla akong yakapin ni Jacob.
“You don’t have to worry about me so much.” Sabi niya bago ako muling pinakawalan at iniharap sa kanya.
“I’m not that vulnerable.” Sab niya. Hindi ko nga lang alam kung sino sa aming dalawa ang kinukunbinsi niya.
“Gusto mo bang pag-usapan?” Tanong ko pero umiling lang siya. Iginalang ko na lang iyon kahit pa nga muli kong nakita ang takot at sakit sa mga mata niya.
Hindi ko alam kung talagang natatakot lang akong iwanan siyang mag-isa pero hindi na ako pumasok ng araw na iyon. Umuwi lang ako sandal para kumuha ng damit at saka bumalik sa bahay niya.
Nadatnan ko siyang nagsusulat sa may sala. Nang mag-angat siya ng tingin, sinenyasan ko lang siyang ipagpatuloy ang ginagawa niya bago ako dumiretso ng kusina at nagsimulang magluto. Nagsalang na din ako ng kape nang makita kong ubos na ang laman noong coffee maker.
Nang makita kong abala pa rin siya sa pagtipa sa kanyang laptop pagkatapos magluto ay gumawa na lamang ako ng sandwich at dinala iyon sa kanya kasama ng isang tasa ng kape. Ni hindi man lamang siya nag-angat ng mukha mula sa kanyang laptop. Kumain na lang akong mag-isa bago bumalik sa sala.
At dahil madaling araw na kaming nakatulog, hindi na ako nagtaka ng dalawin ako ng antok. Dahil mahaba naman iyong sofang kinauupuan niya, nagdesisyon na akong doon na lang mahiga. Kumuha lang ako ng throw pillow at inilagay iyon sa tabi niya bago humilata. Tinignan lang niya ako panandalian pero wala din naman siyang sinabi.
Madilim na ng magising ako. Nagtaka pa ako ng mapansin kong hawak ko na pala iyong throw pillow na ginawa kong unan ng mahiga at sa hita na niya ako nakaunan.
Napaangat ang tingin ko kay Jacob. Napangiti na lang ako ng makitang nakasandal na din siya sa upuan at nakatulog. Nakadantay pa ang braso niya sa dibdib ko. Tinanggal ko muna ang salamin niya bago ako bumangon ng marahan. Pinagpalit ko ang pwesto namin at siya naman ang pinag-unan ko sa hita ko. Ni hindi man lamang siya nagising.
Dahil tulog, doon ko napagmasdan ng maayos ang mukha niya. Kahit saang anggulo mo talaga tignan ay may itsura ito. Medyo namumula pa rin ang talukap at ilalim ng mga mata niya mula sa pag-iyak niya pero para sa akin, lalo lamang iyong nakadagdag sa ganda ng mukha niya. Strong and vulnerable at the same time. Iyong tipong gusto mong alagaan at kaya ka ding alagaan at the same time.
Dumako ang tingin ko sa mga labi niya na bahagya pang nakaawang. Napangiti akong lalo nang biglang gumalaw ang mga iyon na animo ay nagsasalita pero wala nang lumalabas na tunog. Ewan pero ng mga oras na iyon, isa lang ang nasa isip ko, ang halikan siya. Kung hindi pa siguro biglang bumukas ang pintuan at pumasok ng walang paalam si Patrick ay baka nagawa ko na iyon.
“Is he okay? Tinawagan ako ni Raffy kanina!” Alalang-alalang tanong sa akin ni Patrick. “Punyeta talagang bakla ‘yun! Mapapatay ko talaga siyang hayop siya!”
Sinenyasan ko si Patrick na manahimik sabay turo kay Jacob na natutulog pa rin. Tinaasan pa ako ng kilay ng kumag sabay ngiti ng may ibig sabihin.
Dahan-dahan kong ini-angat ang ulo ni Jacob at saka inilagay ang throw pillow sa ilalim noon bago ako tumayo at iginiya si Patrick papunta sa likod bahay. Nang madaanan namin ang yosi sa kusina ay kinuha ko na din iyon at agad na nagsindi pagdating sa labas.
“Kailan ka pa nagsimulang magyosi ulit?” Tanong sa akin ni Patrick. Hindi ko iyon sinagot. Nakailing hitit at buga pa ako bago ko siya hinarap.
“Why didn’t you tell me?” Medyo iritableng tanong ko sa kanya. Kita ko ang sakit na dumaan sa mukha niya pero hindi ko iyon pinansin. Isang mapait na ngiti pa ang ibinigay niya sa akin bago siya sumagot.
“Dahil ayaw niyang ipasabi.” Sabi lang ni Patrick. “Kung wala ako doon, kung hindi ko pa siya kilala noon, malamang sa hindi ay hindi ko din malalaman. Nagkataon lang na kababata namin siya ni Raffy kaya alam namin. You know him. He’d be the last person to admit to anything like that.”
“Still…” Sabi ko pero umiling lang si Patrick.
“Sa tingin mo? Bakit niya sinabing napag-tripan siya ng adik nang makita ninyo ang pilat niya sa likod? Because that’s a far easier explanation to tell compared to saying that his stepfather was trying to fuck him. Because that’s a far acceptable story than having to admit na imbes na kampihan siya ng nanay niya ay pinalayas pa siya ng bahay. She supported him until he finished college alright, but that bitch forced him out of the house and threatened to stop supporting him if he filed any charges. Alam mo bang ni hindi man lang siya dinala sa ospital ng nanay niya?”
Naluluha pa si Patrick habang nagkukwento. Kung sa galit o sa awa niya para kay Jacob ay hindi ko alam. Nainggit pa ako ng kaunti sa kanya kasi may mga alam siya sa buhay ni Jacob na hindi ko man lang alam.
“I had to stitch his wound sa CR ng bus terminal dahil noong araw ding iyon ay pinaalis siyang bahay. Gusto ko siyang dalhin noon sa ospital pero ganoon na lang ang takot niya. Imagine, sinulid na para sa damit ang gamit ko. Awang-awa ako sa kanya noon pero wala akong magawa. Iyak ako ng iyak pero siya, blanko lang ang mukha. He was just sixteen! How can anyone do that? Mabuti na nga lang at may summer classes noon si Raffy kaya may napuntahan siya dito sa Maynila.”
Kinuha na sa akin Ni Patrick ang kaha ng yosi at nagsindi na din. Naubo pa siya noong una pero hindi niya tiigilan.
“Pagdating ko ng Manila para sabay kaming mag-enrol for college, ibang Jacob na ang nadatnan ko. He was cold and distant. Wala na iyong palatawa at mahilig mang-asar na kaibigan namin. That asshole of a stepfather that he has may not have been able to fuck him physically but he got to fuck Jacob’s whole being. Maging sa amin ni Raffy ay ang lamig-lamig na ng pakikitungo niya.”
Dinig na dinig ko ang galit at sakit sa boses ni Patrick. Muli, gusto kong pagmumurahin ang sarili ko dahil sa buong pagkakataon na kasama ko sila, ni wala akong kaalam-alam.
“You should have seen him then, Nate. Ipupusta ko ang buhay ko na makakalimutan mo lahat ng pinaniniwalaan mo and fall in love with him. He was so innocent and warm. Tatawa iyon kahit na napakaliit na bagay. Kahit iyong pinaka-korning joke ang ibato mo sa kanya hahagalpak siya sa kakatawa. Kaya nga siguro kahit masakit, natuwa pa rin ako ng makita kong nagsimula siyang maging malapit sa iyo.”
Napatingin ako kay Patrick pagkasabi niya noon, kunot ang noo.
“What do you mean?” Tanong ko sa kanya. Nailing pa si Patrick sa tanong kong iyon.
“Ni hindi mo man lang ba napansin na sa iyo lang siya madaldal?” Tanong niya sa akin. “After meeting you, saka lamang siya ulit nagsimulang mag-open up sa iba. Ganoon na lang kaya ang takot ko para sa iyo noon nang bigla mo siyang tabihan at agawin iyong laptop niya para basahin iyong sinusulat niya. Buong akala ko noon ay aagawin niya uli sa iyo iyong laptop para ihampas sa mukha mo.”
“Tanda mo pa iyon?” Tanong ko kay Patrick.
That happened almost five years ago. Niyaya kasi ako ni Patrick sa isang handaan. Birthday iyon ng isang common friend namin at dahil wala naman akong ibang gagawin, sumama ako. Napansin ko lang noon si Jacob na naka-upo sa isang sulok at abala sa pagtipa sa laptop niya. Dahil medyo nakainom, walang sabi-sabing tinabihan ko siya at inagaw ang laptop niya at sinimulang basahin iyon. Tinignan lang ako noon ni Jacob ng masama pero wala namang sinabi. Huling taon na namin sa college noon.
Dahil mahilig naman talaga akong magbasa, pinapangako ko siya na ipapabasa niya sa akin iyon kapag tapos na niya. Nangangalahati pa lamang kasi siya noon. Ni hindi man lang umoo si Jacob at inagaw lang ulit sa akin ang laptop.
Sunod na magkita kami, sa isang trek na ng mountaineering club ng unibersidad sa Mount Maculot. Miyembro kasi ng grupo iyong nililigawan ko noon. Nagulat pa nga ako ng makita ko si Jacob at malamang miyembro din pala siya noon. Imbes na iyong nililigawan ko ang kasama ko, buong trek na si Jacob ang kinukulit ko tungkol sa isinusulat niya. Hanggang sa pagbaba namin ng bundok ay kinukulit ko pa rin siya.
“Para kapag sumikat ka na, pwede kong sabihin na isa ako sa mga unang nakabasa ng sinulat mo!” Sabi ko pa noon kay Jacob. Nakulitan na din yata sa wakas at kinuha ang number ko sabay sabing sasabihan na lang daw niya ako kapag tapos na.
Iyon ang naging simula kung paano akong napasama sa grupo nila. Makukulit din naman kasi iyong mga kaibigan nila ni Patrick at kahit na medyo naiilang pa din ako sa pagpaparamdam ni Patrick na nag-iisang beki sa grupo, hindi na ako umalis. Iyon nga at ilang taon na ang lumipas at parepareho na din kaming may trabaho ay magkakaibigan pa rin kami.
“Paano ko naman makakalimutan iyon eh pagkatapos ka niyang iwanan ako ang sinugod niya sabay sabing hindi daw porke’t half-german, half-shepherd ka, matatawag na iyong breeding. Kaya huwag na huwag daw niyang malalaman na naging tayo dahil tutuldukan daw niya ang pagkakaibigan namin ng wala sa oras.” Paliwanag ni Patrick na natatawa ng kaunti. Ako man ay ganoon din.
“Sorry naman! May tama ako noon eh.” Sabi ko na lang.
“You were drunk. And you reminded him of that night. Lasing din ang stepfather niya noon eh. Lutang pa sa droga. That’s why he doesn’t drink.” Dagdag paliwanag ni Patrick. Napakunot-noo tuloy ako ng wala sa oras.
“Hindi siya umiinom?” Tanong ko.
Binalikan ng utak ko lahat ng pagkakataon na lumalabas kaming magkakasama. Ni minsan nga ay hindi ko siya nakitang uminom. Lagi man siyang may beer na hawak kapag lumalabas kami ay hindi ko siya nakitang tumungga kahit minsan. Maging iyong beer na inilabas ko noong nakaraang gabi bago kami magpunta ng CCP ay ako din ang uminom.
“Why does he have beer on his fridge?”
Tumawa pa si Patrick bago sumagot. “Dahil nagreklamo ka noong unang punta mo dito na ang laki-laki ng ref niya eh wala man lang beer doon.”
“You don’t even realize just how much you two had changed, do you?” Dagdag pa ni Patrick.
“What do you mean?” Tanong ko kay Patrick. Ngumiti lang siya.
“When did you ever let a guy, straight or not, be this close to you? Or the better question would be when did you ever let ANYONE be this close to you?”
Wala akong maapuhap na isasagot sa tanong na iyon ni Patrick.
Tama naman kasi ang obserbasyon niya. Bago ko pa man nakilala si Jacob ay talagang guwardiyado ko lahat ng mga galaw ko. Maliban sa mga naging girlfriend ko, I’ve always put myself as least an arms-length away from everyone lalo na kapag kapwa ko lalaki.
Born Again Christian ang pamilyang pinanggalingan ko at malaking taboo sa amin ang magpakita ng anumang pisikal o emosyonal na closeness sa isang kapwa lalaki. Wala akong inakbayang lalaki buong buhay ko at kapag ako naman ang inaakbayan, hindi talaga ako kumportable. Kapag may katabi, straight man o hindi, lagi kong nilalagyan ng distansiya ang mga katawan namin hanggat posible.
Sa tuwing nakikita kasi noon ni papa na parang masyado akong malapit sa isang lalaki ay nagagalit siya sa akin. Bata pa ako ay paulit-ulit na niya akong sinasabihan na huwag na huwag ko daw siyang bibigyan ng kahihiyan lalo pa nga at isa siyang pastor. Kahit hindi ko iyon naiintindihan dati ay sumunod na lamang ako. Kahit pa nga nang lumaki na ako at naintindihan ko na sa wakas ang gusto niyang iparating ay hindi ko na nabago pa ang pakikitungo ko sa iba.
I never thought that I’d be gay by just hanging out with other guys pero nakasanayan ko na kasi kaya hindi ko na pinilit baguhin pa. Kaya ng siguro bago ko nakilala si Jacob ay wala akong masasabing malapit na kaibigan.
Then Jacob came into the picture and not only did I forget all about it but ended up hugging a guy all night, even letting him kiss me.
Bigla ay hindi ko na alam kung ano ang aking iisipin. Nahalata yata iyon ni Patrick dahil bigla niyang hinawakan ang braso ko para kunin ang aking pansin.
“Don’t overthink, Nate. You are not as narrow minded as you want to believe.” Sabi niya sa akin. “I wouldn’t have fallen in love with you if you were.”
Ngumiti na lamang ako kahit hindi ako kumbinsido. Saka isa pa, paano ko ba naman kasi sasagutin iyon?
“Take care of him, Nate. After all, you’re the first one he had ever let in at siya din naman ang unang taong hinayaan mong makalapit sa iyo ng husto.” Sabi pa ni Patrick sa akin.
Magulo pa din ang isip ko nang umalis si Patrick habang ako naman ay naghihintay na magising si Jacob. Paulit-ulit ko na naman kasing naririnig ang boses ni papa sa isip ko kasabay ng paglalaro ng mga imahe ng pagtulog namin ni Jacob nang magkayakap at ang ginawa niyang paghalik sa akin. Sa sobrang pag-iisip ay ni hindi ko namalayan na gising na pala si Jacob at nakatingin sa akin.
“Nate…” Tawag niya sa akin kaya ako napalingon sa kanya. Ewan kung imahinasyon ko lamang iyon pero parang may nakita akong sakit na dumaan sa mga mata niya.
“Gutom ka na ba?” tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin ng matipid bago umiling.
“Umuwi ka na kaya at may trabaho ka pa bukas.” Sabi niya sa akin, pilit ang ngiti.
“I’m going to be okay.” Dagdag pa niya saka ako tinapik sa balikat bago niya kinuha ang laptop niya at ipinasok iyon sa kwarto. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya doon at isarado ang pinto. Maya-maya ay narinig ko na ang lagaslas ng tubig mula sa banyo.
Napapikit ako ng mariin bago ako nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
“Bahala na…” Bulong ko sa sarili ko bago dumiretso ng kusina para initin iyong niluto ko na tanghalian sana naming dalawa. Nagulat pa si Jacob ng makitang nandoon pa din ako paglabas niya ng kwarto.
“Nandito ka pa?” Kunot-noong tanong niya sa akin.
“Hindi. Guni-guni mo lang ako.” Sabi ko sabay tawa. “Pinaghirapan kong lutuin ito tapos ikaw lang ang kakain? Ano ka? Sinuswerte?”
“Hindi pwedeng nag-uwi ka na lang?” Pambabara naman niya sa akin pero halata ko ang strain sa boses niya.
“Jacob it’s just dinner.” Sabi ko na lang. Hindi naman din siya sumagot at umupo na lamang sa may lamesa. Walang umiimik sa amin buong kainan pero ramdam ko ang manaka-nakang pagtingin niya sa akin.
“What?” tanong ko na sa kanya nang hindi ko na matiis. Bumuntong-hininga pa siya bago siya sumagot.
“I just don’t want to see you look like that ever again.” Sabi niya. Natahimik ako ng wala sa oras at matagal-tagal din bago ako nakasagot.
“I’m not that vulnerable.” Panggagaya ko sa linya niya sa akin sabay kindat. Nanlaki pa ang mata niya sa akin bago siya natawa ng malakas. Pinagmasdan ko lang siyang tumatawa.
Sa isip ko ng mga oras na iyon, kung kumalahati man lang sa itsura ng Jacob na nasa harapan ko ngayon ang Jacob na tinutukoy ni Patrick sa kwento niya, panalo na siya sa pustahan. I would have definitely fallen in love with him.
Bakit? Hindi pa ba? Tanong ng isang parte ng utak ko na bigla kong ikinatigil. Nagbaba ako ng tingin sa pag-aalalang makita ni Jacob ang pagkalito ko pero mukhang huli na ang lahat. Bigla siyang tumigil sa pagtawa at saka iniligpit ang plato at kutsara niya.
“Jacob---“
“Go home, Nathaniel.” Sabi niya. Iyon ang unang pagkakataon na narinig kong binuo niya ang pangalan ko.
Kung dahil sa pagkalito o dahil sa lamig ng tono niya nang sabihin niya iyon ay hindi ko na alam pero imbes na sumagot ako ay sinunod ko na lamang ang gusto niya.
Kinabukasan, pumasok lamang ako sa trabaho para mag-file ng indefinite leave. Nang hindi nila iyon pinayagan, dumiretso ako sa aking lamesa at gumawa ng resignation letter effective immediately. Napanganga na lang ang boss ko nang iabot ko iyon sa kanya. Kinausap pa niya ako na gagawan na lamang niya ng paraan iyong indefinite leave ko pero hindi na nagbago pa ang desisyon ko. Pagdating ng alas-singko ng hapon, naka-karton na sa likod ng kotse ko ang lahat ng gamit ko sa opisina.
Pagdating sa bahay, ni hindi ko na ibinaba ang mga gamit ko at dumiretso ako sa aking computer at nag-book ng biyahe papunta sa kahit saan. Nagkataon namang may bakante pa sa pang-alas-otsong biyahe papuntang Cebu kaya kinuha ko na iyon. Pagka-empake, dumiretso na ako sa airport. Bago mag-alas-diyes ay naka-check in na ako sa isang hotel sa Mactan.
Sobrang gulo ng isip ko ng mga panahong iyon at ang tanging gusto kong mangyari ay ang makalimot man lang kahit sandali. Lalo pang gumulo iyon nang makita ko ang sarili kong isinusulat ang pangalan ni Jacob sa emergency contact person space sa check-in information kanina at ma-realize na ilang taon ko na ding ginagawa iyon.
It started as a joke noong magpunta ng Macau ang buong barkada. Nakita kasi ako ni Jacob na hindi alam kung sino ang isusulat sa parteng iyon nang check-in form. Ayaw ko namang ilagay ang pangalan ng mga magulang ko o ng kapatid ko.
“Just put my name there.” Aniya noon na naiirita na sa paghihintay sa akin.
At simula noon, laging pangalan na niya ang inilalagay ko. Maging sa opisina ay siya na din ang inilagay kong emergency contact person. It felt as if it was the most natural thing to do, writing down his name as my person.
“I’m in love with him…” Bulong ko sa sarili ko and that sealed it. And with my father’s voice echoing eternal damnation in my head, I lost it.
Cliché as it sounds, I found myself drinking until the wee hours of the morning. Kung hindi pa ako tinulungan ng attendants ng hotel ay hindi pa ako makakaakyat sa kwartong inuupahan ko. The next few days was a repeat of the first night. Iyon nga lang, sa mismong kwarto na ako umiinom. Hindi ako lumalabas at halos hindi na din ako maligo. Kung hindi ako tulog ay naglalasing.
Nagising na lang ako isang araw na nasa ospital na ako dahil sa alcohol poisoning at dehydration. Nagulat pa ako ng makita ko si Patrick na nakaupo malapit sa kama at nakatingin lang sa akin. Nang makita niyang gising na ako ay isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa akin.
“He left because of you!” Galit niyang sabi sa akin. “He was finally coming around, Nate, and you just have to push him back to how he was before.”
Tulalang nakatingin lang ako sa kanya. Sa lahat kasi ng sinabi niya, ang tanging tumatak sa isip ko ay ang sinabi niyang umalis si Jacob.
“What’s so bad about loving him that you have to drink yourself to death?” Daig ko pa ang nasampal ulit sa sinabing iyon ni Patrick.
“Jacob is a great person, Nate.” Puno ng hinanakit na dagdag ni Patrick.
“You know what? Fuck your hypocritical beliefs. Fuck your prejudice. You’re lucky to have been given the chance to fall in love with someone like him. You can make yourself believe that it’s a mistake all you want, Nate, pero alam nating pareho that it’s one mistake you’d do over and over again if given the chance. After all, you’ve been in love with him for almost five years.”
Ni hindi ko magawang kontrahin ang lahat ng sinabi ni Patrick. Hindi lang dahil sa nanghihina pa rin ako kundi dahil na din sa may parte ng pagkatao ko ang sumasang-ayon doon.
“Where is he?” Tanong ko kay Patrick. Hagulgol lamang ang naisagot sa akin ni Patrick.
“Hindi ko alam.” Sabi niya kapagdaka. “Tumawag lang siya sa akin para sabihing nasa ospital ka dito sa Cebu. Ang sabi sa akin sa hotel, pumunta lang siya doon para siguraduhing hindi nila ibibigay sa iba ang kwarto mo hanggang sa makalabas ka ng ospital. He even settled all the bills and paid for two more weeks in advance.”
Tuloy-tuloy lang ang luha ko habang pinapakinggan ang mga sinasabing iyon ni Patrick.
“Why did you write his name, Nathan?”
“Because it’s always been him…” Sabi ko bago ako tuluyang napahagulgol. Kung hindi lang siguro sound proof ang private room na iyon ay kanina pa kami pinasok ng mga nurse at doktor sa lakas ng iyak ko.
“He sent me this before he disappeared.” Sabi ni Patrick sabay abot sa akin ng isang envelope. “Hindi ko alam kung paano mong babaguhin ang ending nito, Nathan, pero for both your sake, find him, and change it.”
Pagkatapos noon ay umalis na siya.
Inilabas ko ang laman noong envelope at napahagulgol na naman ako ng makita ko kung ano ang laman niyon. It was our love story. The one thing that had made me finally admit to myself just how much I love him.
Kahit nanlalabo ang mata dahil sa mga luha ay binasa ko iyon. Ingat na ingat pa ako sa paghawak sa bawat pahina sa takot na mapunit iyon o matuluan ng luha.
“…I thought he would punch me when I landed that kiss on him. He had looked so shocked and scared that it was painful to watch. So I laughed. I laughed because finally, I got to kiss the man I love, and laughed because I know that it would probably be the last time I’d ever be able to do it. I laughed because I know that as long as I can, I will never do anything ever again that would bring that look of fear in his eyes...”
Nanginginig pa ang mga kamay ko habang binabasa ang mga isinulat niyang iyon.
“I was a little surprised when I woke up and I realized that I was in bed with Nathan. I can still remember how scared I was the night before after hearing Raffy say those words. But after that, all I can remember is that of me crying and of Nathan hugging me so tight as if trying to squeeze all the pain and fear away. He was still hugging me so tightly when I woke up. And God, how I wish it would always be like that. I love him and I know that he loves me. But what if love wouldn’t be enough?”
“…there it was again. I hate myself! How can I do this to him?”
“…a friend of mine asked me why I never told Nathan how I felt when it was obvious that he was in love with me too. The answer was simple: It would break him. It would go against everything that he had been clinging on to all his life. I’d rather be lonely and miserable all my life than to see him break because of me…”
“…my heart breaks at the sight of him. He just looked so broken on that hospital bed and it was because of me. So I left. I couldn’t even kiss him goodbye.”
Tuloy-tuloy lamang ang luha ko hanggang sa dulo.
“He said that if I’m going to write his gay love story, I should write about the two of us, that I should write about OUR love story. But how I was supposed to find the courage to write something that I know would not have a happy ending?”
It wasn’t just a story. It was his confession. It was his goodbye.
Iyak lang ako ng iyak nang matapos kong basahin iyon at kung hindi pa ako tinurukan ng nurse ng sedative ay hindi pa ako titigil. Paggising ko, maayos na nakalagay sa lamesa ang envelope.
Araw-araw simula noon ay paulit-ulit kong tinatawagan ang numero niya hanggang sa bigla iyong mag-ring. Nanlumo na lamang ako ng malamang ibang tao na pala ang gumagamit noon. Ni-recycle na ng network provider ang numero ni Jacob dahil sa matagal na hindi pagkakagamit.
Isinunod kong putaktehin ng mensahe ang lahat ng social networking account niya. Araw-araw, nagapadala ako ng mensahe. Kahit na noong makahanap na akong muli ng trabaho ay hindi ko tinigilan. Maging ang nanay niya ay pinuntahan ko sa probinsiya para lamang tanungin kung may balita siya kay Jacob.
Ang problema lang, nang dumating ako doon ay nandoon din ang stepfather niya.
“Ano naman sanang pakialam namin sa putang ‘yun?” Bungad sa akin ng stepfather ni Jacob. Agad na nagpantig ang tenga ko pero naunahan ako ng mama ni Jacob.
Isang malakas na sampal ang ibinigay ng nanay ni Jacob sa lalaki. Nang matumba ito ay pinagsisipa pa niya ito. Dahil sa lasing na lasing, hindi na ito nakapanlaban. Napatanga na lang ako. Nang makuntento ay saka ako muling hinarap nang mama ni Jacob na parang walang nangyaring anuman.
“Pasensiya na anak, pero wala din akong balita sa kanya…” Sabi nito, punong-puno ng lungkot sa kanyang mga mata. Napatungo na lang ako.
“Alam kong wala akong karapatan, anak, pero pwede ba akong humiling sa iyo?” Maya-maya ay sabi niya sa akin. Nag-angat lang ako ng mukha pero hindi sumagot.
“Kapag nagkita kayo, ihingi mo ako ng tawad…” Tango lang ang naging sagot ko doon.
Pagdating ko ng Maynila ay nadatnan ko pa si Patrick at Raffy sa bahay ko. Agad nilang tinanong kung may balita na daw ba ako at parepareho kaming nanlumo nang umiling ako.
“I’ll find him.” Sabi ko sa kanilang dalawa. “I’ll never stop until I find him.”
Hindi ko alam kung paanong nakarating kina papa ang sitwasyon ko kaya nagulat na lang ako ng pag-uwi ko sa bahay isang araw galing sa trabaho ay madatnan ko silang naghihintay sa sala.
“Kung kailan ka tumanda, saka ka pa nagkaganyan!” Galit na bungad sa akin ni papa. Kung hindi lang siguro siya pinipigilan ni mama ay baka nasapak na niya ako.
“Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan!” Dagdag pa niya na nagpapantig sa aking tenga.
“Hanggang ngayon ba naman pa, mas mahalaga pa rin iyang putang-inang reputasyon ninyo kesa sa kung anong makakapagpasaya sa akin?” Puno ng sama ng loob kong tanong.
“Huwag mo akong mumurahin! Iyan! Iyan ang natutunan mo sa mga kaibigan mong makasalanan! Ni hindi ka man lang ba natakot sa Diyos?”
Napangiti na lang ako ng mapait. “Kung may kinakatakutan man ako ngayon, pa, iyon ay ang hindi ko na siya makita ulit, iyong hindi ko masabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. If loving him and wanting to spend the rest of my life with him would send me to hell just like you have made me believe all these years, then so be it. He is worth it.”
Kumawala si papa mula sa pagkakahawak ni papa at sinapak ako ng malakas. Napasubsob pa ako sa sahig ng dahil doon.
“Lumayas ka! Get out of my house and don’t show your face to me ever again!” Sigaw pa niya.
Kahit mahilo-hilo ay tumayo ako at muli siyang hinarap. “Not to burst your bubble, pa, but thisis MY house.”
Lalong namula ang mukha ni papa sa galit at pagkapahiya ng marinig iyon. Walang sabi-sabing hinila niya si mama papalabas ng pintuan. Ni hindi ko na sila sinundan. Narinig ko na lamang ang ugong ng sasakyan nilang umalis.
Nanghihinang napaupo ako sa sofa ng wala sa oras bago ako nagpakawala ng isang bahaw na tawa. Iyon na kasi iyong sinasabi ni Jacob na pagkakataong magbabago ang isip ko at ipaglalaban ko siya. Pero wala naman siya para makita iyon. Ang ironic lang.
Nang mga sumunod na araw ay hindi pa rin ako tumitigil sa pagpapadala ng mensahe sa mga social networking accounts niya pero tulad ng dati, wala pa rin kahit isang sagot.
Hanggang sa tuluyan nang umabot ng isang taon na walang nakakaalam na kahit isa kung nasaan siya. Halos mabaliw na ako sa kaiisip kung anong nangyari sa kanya. Hindi ko kasi alam kung buhay pa ba siya o ano. At habang tumatagal, lalo akong nawawalan ng pag-asa.
Para malibang ng kaunti, tinawagan ko ang mga kakilala ko pa sa mountaineering club sa dati kong unibersidad para tanungin kung may akyat ba sila kung saan man. Natawa pa ako ng bahaw ng sabihin nilang may akyat daw sila sa Mount Maculot at kung gusto ko daw sumama ay pwede pa naman. Muntik na akong tumanggi dahil lalo ko lang maaalala si Jacob ng dahil doon. Iyon nga lang, alam ko namang kahit saan ako magpunta, hindi siya mawawala sa isip ko.
Kahit naman papaano ay gumaaan ng konti ang dibdib ko ng makita ko ang mga dati kong nakasamang umakyat. Matagal-tagal na din kasi simula nang sumama ako sa kanila. Natuwa pa nga ako ng makita kong madami kaming aakyat. The more the merrier ika nga.
“Ano dude, first group ka o second group? Mauuna na kasi iyong first group dahil may hinihintay pang iba.” Tanong sa akin ni Gelo, iyong taong kinontak ko para doon.
“Saan ka ba?” Tanong ko naman. Nang sabihin niyang sa first group siya ay sinabi kong sa kanila na ako sasama.
Matapos ang maikling paalamanan ay nagsimula na kaming umakyat. Kwentuhan lang, ganun. Nahiya pa nga ako dahil medyo bumagal kami ng dahil sa akin. Okay lang naman daw iyon sa kanila dahil hindi naman daw nag-aapura.
“Pero malaking kantiyawan iyan kapag naabutan pa tayo nina Jacob. Binabara ko pa man din siya kahapon na sa tagal niyang hindi nakaakyat, baka kailangan na niyang magpabuhat.” Naitulos ako ng wala sa oras sa kinatatayuan ng marinig ko iyon.
“Bakit nga ba siya late?” Tanong ng isa naming kasamahan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng mga oras na iyon.
“Ewan. Baka nasobrahan ng kimchi kagabi at nagtae.” Tumatawa pang sagot ni Gelo. Maya-maya ay bigla niya akong hinarap.
“Ilang kimchi ang ibinigay niya sa iyo?” Tanong niya sa akin. ‘Ang adik na ‘yun, nasa Korea lang pala eh hindi man lang nagsabi samantalang nandoon ako last month.”
Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Gelo dahil nagmamadali na akong naglakad pababa. Nang sumigaw siya para tanungin kung saan ako pupunta, kukuha ng kimchi lang ang naging sagot ko. Ni hindi man lang ako lumingon.
Saktong pagdating ko sa starting point at naghahanda na ding umakyat iyong second group.
“Bakit are? May naiwan ka?” Tanong niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Agad na umikot ang mata ko sa mga nandoon. Maya-maya pa ay may nakita akong naka-upo at nagtatali ng sintas ng sapatos. Hindi man mahaba ang buhok ng lalaking iyon ay alam kong si Jacob na nga iyon. Lalo pang nakumpirma ang hinala ko ng tumayo ito at ngumiti sa katabi niya.
“Oh ano? Tara na?” Tanong pa niya dito bago tumingin sa direksiyon kung nasaan ako. Pareho kaming parang namatandang nagkatinginan lang. Siya ang unang nagbawi ng tingin at saka niyakag ang iba pang nandoon na magsimula nang umakyat.
Nang makalapit siya sa kinatatayuan ko, tinignan lang niya ako mula ulo hanggang paa saka ako nilampasan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla ko na lamang siyang hinila at hinalikan sa harap ng lahat ng nandoon.
Tulalang nakatingin lang siya sa akin nang putulin ko ang halik na iyon.
“Sabi ko na nga ba eh! May something sa inyo eh! Unang akyat pa lang natin dito noon meron na eh!” narinig kong sabi ni Gelo na sumunod pala sa akin.
“Mga makasalanan!” Dagdag pa niya na ikinatawa ng mga nandoon.
‘Ang dami mong alam!” Sagot ko naman. Nakatulala pa din sa akin si Jacob.
“Madami kang kailangang ipaliwanag sa akin. Do you even know how worried I was that I’ll never see you again? Ni hindi ko alam kung saan kita hahanapin!” Sabi ko kay Jacob, maluha-luha.
“Isang taon iyon, Jacob, na halos mabaliw ako sa kahahanap sa iyo, alam mo ba?”
“Guys, tara na. Mahaba-habang paliwanagan ang mangyayari diyan.” Narinig kong sabi ni Gelo sa mga kasama namin.
Isa-isang naglapitan kay Jacob ang mga nandoon at saka tinapik sa balikat sabay sabing goodluck daw sa pagpapaliwanag niya. Hindi naglaon, naiwan kaming dalawa ni Jacob sa paanan ng bundok na kaming dalawa na lang.
“Why would you look for me?” Nangangatal pa ang boses niya nang tanungin niya sa akin iyon. Nangingilid na din ang luha niya.
“Because our love story does not have a happy ending yet and I need you to write it with me.” Sabi ko bago ko siya muling hinalikan.
We never got to climb Mount Maculot that day. For a few minutes, we just stood there hanggang sa ako na mismo ang nagyaya na umuwi na lang kami. Tumango din lang naman siya.
Buong biyahe pabalik sa Maynila hanggang sa makarating kami ng bahay ay hindi ko binitawan ang kamay niya. Nagulat pa ako ng makipag-unahan siyang makarating sa pinto at may tinanggal mula doon. Napaanganga na lang ako nang ma-realize ko kung ano iyon.
“You were late because you left a note on my door.” Sabi ko, hindi pa rin makapaniwala.
“I just thought you should know that I was back…” Sabi niya na alanganin ang ngiti.
“By leaving a note on my door?” Tanong ko sa kanya.
“I didn’t know if you even want to see me again…” Halos madurog ang puso ko nang makita ko ang takot at pagkalito sa mga mata niya. Noon ko lang naintindihan kung bakit siya biglang nawala, kung bakit sa loob ng isang taon ay ni hindi niya nagawang magparamdam.
He saw those same things in my eyes and it had scared him to death just as much as it was tearing my inside apart seeing them in his.
Siguro, sa mata ng ibang tao, mababaw na dahilan iyon para sa ginawa niya. But not for me.
Patrick was right. Jacob was pure ang innocent. He had always been so pure and innocent that all these years, he had believed that everything was his fault. The assault from his stepfather, his mom throwing him out, the look of fear and confusion in my eyes, and finally, that of me almost killing myself. All that, he had made himself believe was his fault.
“Of course I wanted to see you! You’re face is all that I have been searching for all this time…” Isa pang halik ang ibinigay ko sa kanya bago ko binuksan ang pintuan ng bahay at saka ko siya iginiyang pumasok.
The following weeks weren’t easy. May mga pagkakataon pa din na nagigising ako sa kalagitnaan ng gabi para lamang tignan kung nasa tabi ko siya at sa bawat pagkakataong iyon na mukha niya ang bumubungad sa akin, halos maiyak ako sa tuwa.
Nang magpaalam siyang bibisitahin niya ang nanay at mga kapatid niya, muntik na akong hindi pumayag. Nagpilit kasi siyang gusto niyang harapin sila ng mag-isa. Ilang beses akong umapela pero sa dulo, napapayag din niya ako.
Hindi ako nakatulog noong araw na iyon. Ni hindi ako pumasok sa trabaho at parang tangang naghintay lang ako sa bahay. Pagdating niya, halos durugin ko siya sa higpit ng yakap ko sa kanya. Tumatawa lang siya noon pero alam kong ramdam niya ang takot ko.
A week after, bigla niya akong niyayang lumabas. Umoo naman agad ako. Nagulat pa ako nang sa bahay niya kami nagpunta.
“I’m having the house rented.” Sabi niya na ikinabigla ko.
“Bakit?”
“I already found my home.” Sabi lang niya sa akin ng nakangiti.
Maghapon lang kaming naglibot ng araw na iyon. Nagpunta din kami ng mall para ituloy na ang mahigit isang taong delayed na pagsa-shopping ng damit para sa akin. Inalihan pa kami bigla ng saltik at nagpasyang bumili ng bagong suit para maghapunan sa hotel kung saan kami unang nag-date officially.
Katulad noong una ay pinagtitinginan uli kami ng tao pero wala kaming pakialam. We tried to remember kung anu-ano ba ang pinag-usapan namin noon at had a blast.
Pagdating sa bahay, ni hindi na namin naisip na ibaba iyong mga pinabili namin mula sa kotse. Hawak kamay kaming naglakad papunta sa pintuan at saka tumayo sa lugar kung saan nagtapos ang unang date namin.
“So, how do we end this date of ours?” Nakangiting tanong niya sa akin. Natawa na lang ako dahil iyon mismo ang naging linya ko sa kanya noon.
Imbes na sumagot ay hinalikan ko siya katulad ng ginawa niyang paghalik noon sa akin.
“Who says it’s ending?” Sabi ko sa kanya pagkatapos saka ko binuksan ang pintuan.
“Welcome home.” Sabi ko sa kanya saka ko siya hinila papasok ng bahay bago ko tuluyang isinara iyong pinto.
Sa unang pagkakataon, hindi ako nagising sa kalagitnaan ng gabi para lamang tignan kung nandoon pa siya sa tabi ko.
Jacob and I will always have our fears, or pains, our uncertainties. Parte na din naman kasi iyon ng kung sino kami, parte na ng relasyon namin. Alam ko din na may mga pagkakataong darating na muli kaming lalamunin ng mga takot na iyon. At kapag dumating na naman kami sa puntong iyon, hahawakan ko na lang ang kamay niya at ipapaalala na hinding-hindi ako papayag na hindi happy ang ending ng kwento naming dalawa.
COMMENTS