$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Tissues (Part 3)

By: Terrence [Ang Nakaraan...  Hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak sa kambyo. "Salamat Mark!" ang tangi kong nasabi sa kanya. ...

By: Terrence

[Ang Nakaraan...  Hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak sa kambyo.

"Salamat Mark!" ang tangi kong nasabi sa kanya.

"Tama na yan. Magcecelebrate pa tayo! Remember?"

"Kaya punasan mo na ang mga luha mo dahil nandito na tayo."

Ang sinabi nya sabay abot ng tissue sa akin. ]

"Ano pa ang hinihintay mo? Tara na!" ang aya sa akin ni Mark.

"Nasaan ba tayo?" agad kong tanong.

"Comedy Bar!" magiliw na sabi ni Mark.

"Hala! Ayoko dito. Baka ma-olay lang ako ng mga bakla. Alam mo naman na fragile ako ngayon." pagtanggi ko.

"Ano ka ba? Lawakan mo na lang ang pang-unawa mo."

"At saka magandang lunas sa broken heart ito no. Kaya tara na." pagpilit nya sa akin.

Agad akong hinawakan sa braso ni Mark at hinatak papasok ng Comedy Bar. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang.

Pagpasok sa loob ay agad na tumambad sa akin ang stage kungsaan may dalawang stand-up comedian na nagpeperform. Dahil Friday ay punong puno ang bar. Ilang saglit lang ay may lumapit sa amin na waiter.

"Uy! Sir Mark!" bati ng waiter.

"Uy! May mapupwestuhan ba kami? Mukhang puno kayo eh." tanong ni Mark.

"Syempre naman. Ako'ng bahala. Gagawan ko ng paraan. Dalawa lang kayo?" tanong ng waiter.

"Oo. Sabihan mo na lang ako kapag meron na ha? Dito lang kami." ang sagot ni Mark.

Agad na umalis yung waiter para ayusin ang pupwestuhan namin.

"Ok ka lang?" tanong ni Mark sabay hawak sa bewang ko.

"Sigurado ka bang dito tayo? Sa iba na lang kaya." pag-aalinlangan ko.

"Ano ka ba? Dito na lang. Masaya dito. Magaling yung dalawang yun." sabay turo sa nagpeperform sa stage.

"Tsaka tingnan mo... ang daming tao. Tapos dun pa tayo sa may likod makakapwesto... kaya maliit ang tsansa na makita ka nung dalawang yun." pagsisigurado ni Mark.

Muli ay wala na naman akong nagawa. Talagang ayaw ni Mark na lumipat kami sa ibang lugar.

Ilang saglit lang ay muling bumalik ang waiter at inaya kami sa pwesto namin. Ok ang pwesto. Sa may sulok. Malayo sa stage pero tanaw pa naman ang nagpeperform.

"Isang bucket ng San Mig Light... Yung Flavored ha?... Apple! Isang order ng French Fries at Tokwa't Baboy." order nya.

"May gusto ka bang pulutan?" tanong nya sa akin.

"Wala. Ok na yang inorder mo." Tugon ko.

Habang naghihitay ng order ay nanuod ako ng performance. Magaling nga yung nagpeperform. Parehong maganda ang boses. Halos sumabog ang bar sa palakpakan kapag bumibirit yung dalawa.

Nang matapos ang performance ay nagsimula nang magstint ang dalawang stand up comedian.

"Hay jusko ang hirap talagang kumita ng pera." ang sabi ng isang comedian.

"Tama! At kahit magbuwis buhay po kami sa pagpeperform dito ay ok lang.... basta marinig lang namin inyong palakpakan." sagot nung isa.

Agad namang nagpalakpakan ang mga taon sa bar.

"Once again my name is Bebang."

"And I am Chakira!" Pakilala nung dalawa.

"Lahat po ng magaganap dito ay pawang biruan lamang!" sabi ni Bebang.

"Kaya bawal po ang pikon! Nasa Comedy Bar po tayo kaya dapat po ay nagsasaya ang lahat." dugtong ni Chakira.

"Before anything else, ay gusto ko pong i-welcome ang mga bagong dating. Lalong lalo na ang isa sa mga regular customer namin dito. Ang dati ko nang pinagnanasaan at araw araw kong pinagduduketan...." ang banat ni Bebang.

Biglang nagtawanan ang mga tao sa paligid.

"Si Sir Mark!... Hi Sir Mark!" sabay kaway sa kasama ko.

Agad na tumutok sa amin ang spotlight. Halos sabay sabay na tumingin ang mga tao sa amin. Hindi ako halos nakakilos dahil sa pagkagulat. Napatingin ako kay Mark. Kita kong nakangiti sya habang kumakaway sa dalawang nasa stage.

"Jusko Mare basa na naman ang panty ko.... ang gwapo talaga e." sabi ni Bebang.

"Ay! Naman! Pero mare tingnan mo yung kasama oh. Gwapo din! Iiiiihhhh!" sagot ni Chakira.

"Ay! Oo nga!" patiling sagot ni Bebang.

"Sir Mark! Anong name ng kasama mo?" tanong ni Chakira habang nakaturo sa akin.

"Kenneth!..." sigaw ni Mark.

Agad kong hinawakan sa hita si Mark para pigilan sya.

"Hi Sir Kenneth!" halos sabay na bati nina Bebang at Chakira sa akin.

Isang nahihiyang ngiti at kaway lang ang naisagot ko sa kanila.

"Ang gwapo ih!" agad na sabi ni Chakira.

"Mamaya paakyatin natin dito para mainterview natin."

"Sir Mark mamaya ha? Kanta ka!" pag-aya ni Bebang.

Nagthumb-up lang si Mark sa kanila.

"Ok. For our first jammer.... may we call on...." pagpapatuloy ni Chakira.

Pagka-alis ng spotlight sa amin ay agad kong kinurot ang hita ni Mark.

"Aray naman! Ang sakit nun ha?" pagreact ni Mark.

"Walanghiya ka.... akala ko ba...." hindi ko na natapos ang nasabi ko.

"Ano ka ba? Bumati lang naman.... kilala ako ng mga yan dahil madalas ako dito." paliwanag ni Mark.

"Umalis na kaya tayo." pag-aya ko sa kanya.

"Hala! Nandito na tayo e. At tsaka ayan na yung inorder natin oh." sabay turo sa palapit na waiter.

"Wag kang mag-alala. Ok? Enjoy lang tayo." sabay hawak sa kamay ko.

Dati na naman akong nagpupunta sa mga Comedy Bar. Makailang beses na din naman akong pumanik ng stage at na-okray ng mga bakla. Pero ok lang. Game ako. Nakikipagsabayan pa nga ako minsan. Pero nung oras na yun ay hindi. Gaya nga ng sinabi ko kay Mark, medyo fragile pa ako. Hindi ko alam kung ready akong magpa-okray sa kanila. Siguradong hahalungkatin nila ang love life ko. Baka sa stage pa ako magngangalngal. Magkakalat pa ako. Dami pa namang tao. Nakakahiya.

Simula na ng pintasan nina Bebang at Chakira. Halos hindi magkandaumayaw ang tao sa pagtawa. Kahit si Mark. Bentang benta ang joke nung dalawa. Samantalang ako, nakatunganga lang sa dalawang nagpeperform. Hindi naman sa KJ ako. Bumalik na naman kasi sa ala ala ko si Aldred.

Comedy Bar ang madalas na pinupuntahan namin tuwing gigimmick kami. Sobrang babaw ng kaligayahan ni Aldred. Bentang benta sa kanya ang mga jokes ng kung sino man ang nagpeperform sa mga Bar na pinupuntahan nya. Lagi din syang umaakyat sa stage para kumanta. At lahat ng kinakanta nya ay dinededicate nya sa akin. Sa bawat pagkanta nya ay nakatingin lang sya akin. Yun ang mga panahon na damang dama ko ang pagmamahal nya sa akin. Sino ba naman ang makakalimot dun?

Click! Sabay flash ng camera. Pasimple akong kinunan ng picture ni Mark.

"Ano ba?" agad kong pagsita kay Mark sabay takip sa camera ng cellphone nya.

"Tinang mo ito? Para kang tanga! Hahaha!" sabay pakita ng kinunan nya.

"Para kang sira! Burahin mo nga yan!" sabay agaw ng phone ni Mark.

Mabilis ang flexes ni Mark kaya agad nyang naiwas ang phone nya.

"Hindi ko buburahin to! Remembrance ng first date natin. Nyahahah!" natatawang sabi ni Mark.

"Date ka dyan! Ewan ko sa iyo!" sabay irap kay Mark.

"Kasi naman! Tingnan mo ang histura mo oh! Comedy Bar ang pinuntahan natin at hindi lamay. Ang seryoso mo eh! Tumawa ka naman!" sabay sundot sa bewang ko.

"Wag ka ngang makialam!" pagsita ko sa kanya.

"Ang sarap mong asarin eh. Ang dali mong mapikon. Ahahaha!" natatawang sabi nya.

"Para kang tanga! Parang ganun kadali ang tumawa. Considering ang mga pinagdadaanan ko." sabi ko.

"Madali lang naman yan eh!" sabi ni Mark.

"Oh! Paano aber?" tanong konsa kanya.

"Kapag may nakakatawa, tumawa ka! Ganung kadali. Huwag mong pigilan. Sige ka. Baka sa iba lumabas yan. Mamamaho dito. Ahahaha." sabi nya sa akin.

May point!

"Ewan ko sa iyo!" sabay irap ko sa kanya.

Ngiti lang ang isinagot sa akin ni Mark.

Lumalim ang gabi at nagtuloy tuloy lang ang stint nina Bebang at Chakira. Pilit kong inalis sa isip ko ang ala ala ni Aldred. Tama si Mark. Kapag may nakakatawa... dapat naman talaga tumawa. Pinilit ko inenjoy ang celebration kuno namin ni Mark. Pansin ko ang pagliwanag ng mukha ni Mark sa tuwing nakikita nya na tumatawa ako sa bawat jokes nina Bebang at Chakira.

Maya maya pa.

"For our next jammer... may we call on.... iiihhhh! Sir Mark!" ang malanding sabi ni Bebang.

Proud na tumayo si Mark. Nakangiting tumingin pa sa akin habang lumalakad. Lumapit sa stage.

"Hi Sir Mark!" ang bati ni Chakira.

"Hello!" bati naman ni Mark.

"Oh di ba? Boses pa lang ay lalabasan ka na? Ahahaha!" Banat ni Bebang.

Nagtawanan ang tao sa paligid.

"At dahil madalas ka naman dito, hindi ka na namin lalandiin.. este... iinterviewhin ha?" sabi ni Bebang.

"Oo nga. So Sir Mark... ano ang kakantahin mo?" tanong ni Chakira.

"Yung dati na lang. HALAGA... Parokya..." sabi ng nakangiting si Mark.

"Ok. Kuya palagay ng Halaga." utos ni Chakira sa DJ ng bar.

"To sing HALAGA by Parokya ni Edgar.... ladies and gentlemen.... Sir Mark! Palakpakan!" sigaw no Bebang.

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Nagsimulang tumugtog ang kanta. Dahil nakatutok ang spotligth sa kanya... sa unang pagkakataon ay nabigyan ko ng pansin ang hitsura ni Mark. Isang tao lang ang naalala ko sa kanya. Aaron Villena. Yung complexion nya, yung katawan nya, yung taas nya, yung pula ng labi, yung charm nya. Hawig na hawig. Hindi ako magtataka kung bakit ganun na lang ang mga salita ni Bebang sa kanya. May taglay na artistahing mukha ang lolo mo. Napapatulala ako sa kanya at napapangiti.

Maya maya pa ay tumingin sya sa akin at nagsimulang kumanta...

¤¤¤
Umiiyak ka na naman....
Langya talaga wala ka bang ibang alam....
namumugtong mga mata....
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa....
Sa problema na iyong pinapasan....
Hatid sa'yo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan....
¤¤¤

Unti unting nawala ang mga ngiti ko.

¤¤¤
May kwento kang pangdrama na naman....
Parang pangTV na walang katapusan....
Hanggang kailan ka ba ganyan....
Hindi mo ba alam na walang  pupuntahan....
Ang pagtyaga mo dyan sa boyfriend mong "TANGA"....
Na wala nang ginawa kung di ang paluhain ka....
¤¤¤

At talagang binigyan ni Mark ng  emphasis ang salitang tanga. Halos hindi sya makakanta ng maayos after nyang gawin yun dahil natatawa sya. Sira ulo talaga.

Hindi ko na maintindihan ang pagkanta ni Mark dahil patuloy pa din na umaalingawngaw sa isip ko ang salitang iyon. Bakit ganun? Halaga ang title nya pero pulos katangahan ng isang taong nagmamahal ang laman ng lyrics. Parang mali ang title. Dapat "Katangahan" ang title nun eh.

At dahil nakatanga na naman ako sa kawalan ay di ko na namalayang tapos na ang kanta at nasa tabi ko na si Mark.

"Huy!" sabay sundot sa bewang ko.

"Ano? Ok ba? Hehehe!" nagkangiting tanong ni Mark habang paupo sa pwesto nya.

"Alam mo? Pakyu ka!" naiirita kong sabi.

"Hala! Bakit na naman? Ano na naman ang ginawa ko?" nagtatakang tanong ni Mark.

"Sa dinami dami ng kanta... bakit yun pa ang tinira mo?" iritableng tanong ko.

"Ha? E paborito ko yun. Tsaka yun lang ang kaya kong kantahin ng maayos." paliwanag nya.

"Hindi ka naman kumanta e. Nagparinig ka lang. Bakit kasi hindi ka na lang lumapit sa akin at sinampiga ako ng papaisa kesa nagparinig ka." sabay irap.

Unti unting tumawa si Mark.

"Hahahaha. Hahahaha. Hahahaha!" Tawa nya.

"Anong nakakatawa, aber?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay.

"Alam mo... praning ka! Unang una, nagawa na ang kantang iyon bago pa man magsimula ang kadramahan mo sa buhay. At pangalawa, kung may itinugma man yun sa buhay mo ay nagkataon lang. Hindi ikaw ang pinatutungkulan nun no. Bakit? Ganun ba kayo ka-close ni Chito Miranda para gawan ka nya ng kanta?" Sabi nya sa akin habang nakangiti ng nakakaloko.

Wala ako naisagot. Nagsimula akong mamula dahil sa totoo lang may point na naman sya.

"O ano? Wala ka nasabi? Tama ako di ba? Hehehe." ang natatawang sabi ni Mark.

"Kaya magsmile ka na. Try mo lang. Enjoy din naman. Hehehe." sabay kalabit sa baba ko.

May parang kung ano na lumukob sa akin sa pagkakakalabit ni Mark na yun sa baba ko. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa kanya. Para syang anghel na nakangiti sa akin. Kaya unti unting lumabas muli ang mga ngiti sa labi ko.

"Ayan! Ganyan!" ang natutuwang sabi ni Mark sa akin.

"At dahil dyan... isang bucket pa tayo..." sabay taas ng kamay para tumawag ng waiter.

"Huy! Aba! Tama na kaya." pagpigil ko.

"Nakakaisang bucket pa lang naman tayo oh. Isa pa! Don't worry... hindi naman kita pababayaan." sabay kindat sa akin.

Hala! Tangina! Biglang kumabog ang dibdib ko. Bakit parang kinilig ako sa mga kindat na yun? Nanuot sa mga buto ko e. Muntikan na akong bumagsak sa upuan ko.

"Kenneth! Ayan ka na naman eh. Umayos ka nga" ang tangi kong nasabi sa isip ko.

Naka-apat na bucket din kami bago kami umalis ng bar. Medyo may tama na ako at inaantok na din. Gusto ng katawan ko na umuwi na pero parang ayaw pa din ng utak ko. Pagkaupo ko sa may passenger seat ng sasakyan ni Mark ay agad kong sumandal at humilig sa may pinto para magpahinga ng saglit.

"Nagugutom ako." ang sabi ni Mark.

"Hindi ka ba nabusog dun sa pulutan kanina?" agad kong tanong.

"Ganito talaga ako kapag nakainum. Naghahanap ng makakain. Bakit ikaw? Di ka ba nagugutom." tanong nya sa akin.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Tumingin ako kay Mark at tumango.

"Parang gusto ko ng mami at siopao." agad kong sinabi.

"Ok!" sabay paandar ng sasakyan.

"May alam kang masarap na mamihan?" tanong ko.

"Oo." Nakangiting sagot ni Mark.

Agad na nagdrive si Mark papunta sa sinasabi nyang mamihan. Sinamantala ko naman ang pagkakataon na yun para makapagpahinga. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Napansin siguro ni Mark na medyo pagod na ako kaya hinayaan na lang nya ako.

Maya maya pa ay ginising na nya ako. Nasa ilalim kami ng Bambang Station ng LRT. Hindi ako pamilyar sa lugar na iyon. Basta ang tanda ko lang ay may nilikuan kaming kanto. Tapos dalawang kanto pa ang nilagpasan namin bago namin narating ang mamihan na sinasabi ni Mark. Tumingin ako sa relo ko. Mag-aalas kwatro na.

"Dito na tayo. Tara!" pag-aya ni Mark.

Agad kong inayos ang sarili ko. Pagkaayos ay agad ako bumaba at sumunod kay Mark. Mukha ngang madalas si Mokong sa mamihan na yun dahil kilala sya ng mga tao dun. Agad kaming nilapitan ng isang babaeng serbidora.

"Dalawang Chicken Mami at dalawang Siopao Asado. Isang malaking softdrink na din." ang order ni Mark.

Pagka-order ay tumayo sya para kumuha ng condiments, baso at kutsara't tinidor. Pinagmamasdan ko lang sya habang pinupunasan nya ng tissue ang baso at kutsara't tinidor na gagamitin namin.

Ilang saglit lang ay dumating na ang order namin. Agad nya itong inayos. Sya na din ang nagpiga ng kalamansi at naglagay ng toyo sa saucer. Hinalo nya din ang Mami ko. Naglagay ng softdrink sa baso. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Napakasweet naman neto." ang nasabi ko sa isip ko.

Akma na nyang aalisin ang papel na nasa ilalim ng Siopao ko nang mapansin nya akong nakatingin sa kanya.

"Oh! Bakit?" nakangiting tanong nya.

"May tama lang po ako.... hindi baldado! Ikaw na ang gumawa ng lahat e." ang tugon ko.

"Ahahaha. Ok lang yun! Tsaka ayaw mo bang pagsilbihan kita?" nakangiting tanong ulet ni Mark.

Dyosme! Syempre gusto ko noh. Ako pa ba ang mag-iinarte. Kaya lang mali at hindi ako sanay.

"Hindi naman sa ganun... kaya lang 'di ako sanay. Mas sanay ako na ako ang nagsisilbi." paliwanag ko sa kanya.

"Pwes baligtarin natin ngayon. Hayaan mong pagsilbihan kita. Hehehe." pagpilit nya at tsaka nya itinuloy ang pag-aayos sa Siopao ko.

Eto na naman yung kakaibang pakiramdam ko na naramdaman ko din kanina sa may Bar nung hinawakan nya ang baba ko. Tangina! Kinikilig talaga ako sa mga ginagawa ni Mark sa akin. Hindi ko maitago ang mga ngiti ko.

"Kenneth! Ayan ka naman! Umayos ka! Wala kang kadaladala e." sabi ko sa isip ko.

"Bahala ka! Kapag ako nasanay...." hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

"E di masanay ka! Hehehe! Kumain ka na nga! Dami mong arte. Lalamig na yang mami mo." ang sabi ni Mark sa akin.

Napapatingin lang ako kay Mark habang kumakain kami. Ang cute kumain ni gago. Lalong lumalabas ang pagiging mestizo nya. Namumula ang mukha nya dahil sa init at anghang ng kinakain namin.

"Napakabait naman ng taong ito!" bulong ko sa isip ko.

"BF material sana kaya lang para namang walang pag-asa." bulong ko pa din sa isip ko.

"Teka. Straight ba ito o gay din?" tanong ko sa isip ko.

"Kung straight sya... bakit ganun sya sa akin?" tanong ko din sa isip ko.

Hindi ko maamoy! Hindi mo matantya! Walang bahid e. Mula kanina ay hindi ko nakitaan ng kahit anong senyales na bakla sya. Gusto ko sanang tanungin kaya lang napipigilan ako. Baka magalit e. At saka parang ang sama ko naman para pagdudahan sya. Kung tutuusin ang bait nya sa akin at somehow natutulungan nya ako na makalimutan si Aldred.

Pero paano ko malalaman kung hindi ko tatanungin. Mas nangingibabaw sa akin ang curiosity ko. Kaya nagpasyahan ko na tanungin sya. Humanap ako ng tyempo. Humugot ng malalim na hininga. Akma na akong magsasalita.....

"Tapos ka na ba?" tanong nya sa akin

"Ha?...." napanganga kong sagot ko sa kanya.

"Ang sabi ko kung tapos ka na?" muling tanong nya.

"Ah... Eh... Oo! Bakit?" natatarantang tugon ko.

"May pupuntahan pa kasi tayo. Kung tapos ka na... halika na. Alis na tayo!" pag-aya nya sa akin.

"Ha? Saan pa tayo pupunta?" nagtataka kong tanong.

"Basta! Sumama ka na lang." sabay hawak sa kamay ko at hatak sa akin.

"Ha? Ayoko nga!" sabay hatak sa kamay at hawak sa dibdib ko.

"Ahahaha. Sira ka talaga. Ang malisyoso mo." natatawang sabi ni Mark.

"Ngek! Bigo! Akala ko naman ay pagkakataon ko na." ang panghihinayang ko sa isip ko.

Masisisi mo ba ako? Ang tagal ko na din kasing tigang. Ilang buwan nang tagtuyot ang talulot ko no! Dinaig ko pa ang El Nino.

Nagdrive si Mark. Wala akong idea kung saan kami pupunta. Pinagmamasdan ko lang sya habang nagmamaneho sya.

Pumarada si Mark sa isang convenience store at bumili ng kape. Pagkabili ay muli syang nagdrive papunta sa destinasyon namin. Maya maya lang ay nasa loob na kami ng BGC. Sa isang malaking open na parking area kami pumwesto. Bumaba kami at umupo sa hood ng sasakyan nya. Inilabas ang kapeng binili nya. Nilagyan ng creamer at asukal ang kape ko.

"Ano gagawin natin dito?" ang tanong ko.

"Basta. Hintay ka lang!" Ang sagot nya sa akin sabay abot ng kape.

"Salamat." ang tangi kong sinagot.

Tumahimik lang si Mark. Mukhang may malalim na iniisip. Nakatingin lang ako sa kanya habang sya ay nakangiting nakatingin sa pagitan ng dalawang building na nasa harap namin.

"Huy! Natanga ka na dyan!" pagsita ko sa kanya.

"Hehehe. May iniisip lang ako." sagot nya.

"Ano?" naiintriga kong tanong sa kanya.

Ngumiti lang sya.

"Siguro yung mga dinadala mong babae dito ano?" tanong ko.

"Sira! Hindi ah. Wala pa akong dinadala na kahit sino dito. Ikaw pa lang." nakangiting sabi nya.

Dug dug! Dug dug! Yan ang sabi ng puso ko. Anak ng...... eto na naman sya.

"Kalma lang Kenneth. Kalma lang. Huwag kang assuming!" ang sabi ko sa isip ko.

"Kapag malungkot ako. Kapag galit. O kaya naman ay may problema. Dito lang ako nagpupunta. Dito ako nakakakuha ng temporary peace of mind." dugtong nya.

Unti unting naging seryoso ang mukha nya. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang seryosong mukha na yun. Para hindi ako sanay.

"Malungkot? Galit? Problema? Parang napaka-imposible naman yata nun. Ikaw na yata ang pinaka-positive na taong nakilala ko ano." ang biro ko sa kanya.

"Ano ka ba? Tao din naman ako. Hindi po ako perpekto. May kahinaan din naman." seryosong sagot nya.

Tama. May point na naman sya. Lahat naman tayo ay may kanya kanyang dinadalang problema. Patay na tao lang ang wala. Kanya kanya lang naman tayo ng pamamaraan ng pagdadala.

"I hope you don't mind me asking... pero ano ba ang ikinamatay ng parents mo?" Medyo nag-aalangan kong tanong.

Humugot ng malalim na hininga si Mark.

"Car accident! Inararo ng ten wheeler truck ang sasakyan nila." sagot ni Mark.

"Nawalan daw ng preno" dugtong nya.

"Buti nga hindi nakasama ang mga kapatid ko. Kung nagkataon ay nadamay pa sila." sabi ni Mark.

"Graduation ko nun ng high school. Papunta sila ng school namin." dagdag pa nya.

"Ang saklap naman pala." ang sabi ko.

Hindi sumagot si Mark. Tumingin lang sya sa kawalan.

"So... nasaan ang mga kapatid mo?" agad kong tanong sa kanya.

"Nasa Cebu. Inampon na sila ng Tita ko. Si Tita na ang nagpapaaral sa kanila." seryosong tugon nya.

"Ganun ba? Kung nandun sila.... anong ginagawa mo dito sa Manila. Bakit hindi ka na lang sumama sa kanila?" tanong ko.

"Hanggang dalawa lang kasi ang pwedeng pag-aralin ni Tita eh. Bilang panganay... ako na ang nagsacrifice. Tutal ay High School graduate na ako. Sinuportahan ko na lang ang sarili ko para makapagtapos ng kahit na 2 years course." tugon ni Mark sa akin.

"Kung kakayanin ko lang.... kukuhanin ko na ang mga kapatid ko para magkasama sama na kami. Ako na ang magpapa-aral sa kanila. Pero sa liit ng sinusweldo ko sa pagbabarista hindi ko kakayanin. Sapat lang sa pang-araw araw na pangangailangan ko ang sinusweldo ko." dugtong nya

"Naiintindihan ka naman siguro ng mga kapatid mo." sabi ko sa kanya.

"Oo. Buti nga at naiintindihan nila ako. Kaya lang masakit pa din sa akin yung araw araw na malayo sila sa akin. Mahal na mahal ko ang mga kapatid ko. Lagi ko ngang ipinagdadasal na magkasama na kami muli." ang sagot nya.

Naantig ako sa ikinuwento ni Mark sa akin. Nuon ko narealize na mas malala pa pala ang pinagdadaanan nya kesa sa akin. Wala nga sa kalingkingan ng pinagdadaanan ko.

"Alam mo... hanga ako sa iyo." sabay hawak sa kamay nya.

Tumingin lang sya sa akin.

"Bale wala ang pinagdaanan ko kumpara sa mga pinagdadaanan mo." dugtong ko.

"Sa kabila ng mga pinagdadaanan mo ay nagagawa mo pang maging positibo." sabi ko.

"Problema lang naman yan. Dapat harapin! Wala kasing mangyayari kung iiwasan ko eh. Tsaka wala naman akong mapapala kapag hinayaan ko na talunin ako ng mga problema ko." sabi ni Mark.

"Kailangan kong magpakatatag. Hindi pa katapusan ng mundo. Alam ko na may mas maganda pang mangyayari sa akin." dugtong nya.

Napangiti lang ako sa sinabi nya.

"Kailangan ko lang maniwala. Ikaw din. Kailangan mo lang manilawa. Kasi kung hindi tayo maniniwala... sino pa ang maniniwala na magiging maayos ang lahat... di ba?" nakangiting sabi nya sa akin.

Ang sarap sa pakiramdam ng sinabi nya. Lahat ng paniniwala nya ay tama. Sobra akong naiinggit sa pagiging positive sa buhay. Sana katulad din nya ako. Para maging madali din sa akin ang lahat.

Gusto ko syang yakapin. Para iparamdam ko sa kanya ang paghanga ko at para ipaabot na din ang aking pasasalamat dahil sa ginawa nya sa akin. Aakma na sana ako ng biglang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw na nagsisimula ng sumikat. Agad akong napatingin sa haring araw na sumisilip mula sa pagitan ng dalawang building na basa harap namin.  Hindi maipinta ang mukha ko sa pagkamangha.

"Ang ganda di ba?" ang nakangiting sabi ni Mark habang nakatingin sa sumisikat na araw

"Wow! Grabe! Ngayon ko lang muli nakita yan. Ang ganda!" nakangiting sabi ko.

"Nakakagaan ng pakiramdam di ba? Makakalimutan mo lahat ng dinadala mo. Ipinapa-alala nya sa akin na sa bawat pagsikat nya ay may bagong simula. May bagong pag-asa." Nakangiting tugon nya.

Biglang tumahumik si Mark. Unti-unting nawawala ang mga ngiti sa kanyang mga labi.

"Oh! Bakit?" ang pag-aalala ko.

"Wala lang. Nalulungkot lang ako kasi bilang na ang mga araw na makikita ang pagsikat ng araw na yan mula dito." medyo malungkot na sabi nya.

"Ha? Bakit naman?" ang nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kita mo ba yon?" Sabay turo sa construction site na nasa ibaba ng dalawang building na nasa harap namin.

"Mataas na building yan. Kapag natapos yan... matatakpan nya ang pagsikat ng magandang araw mula dito." medyo malungkot na sabi nya.

Napatahimik lang ako. Ramdam ko kasi ang nararandaman nya. Dahil bilang na ang mga araw na makikita nya ang tagpong iyon ay para bang may isang tao na magpapa-alam sa kanya na alam nyang hindi na nya makikita magpakailanman.

"Naiintindihan kita. Nararamdaman ko ang nararamdaman mo. Pero alam mo naman na sisikat pa din ang araw tuwing umaga. Kailangan mo lang humanap ng ibang lugar para mapagmasdan sya." nakangiting sabi ko sa kanya.

Hindi sya umimik. Binigyan lang ako ng isang matamis na ngiti.

"Oh! Bakit ka nangingiti dyan?" nagtataka kong tanong.

"Happy lang ako. Kasi for the first time in a long time.... nakapagsabi ka ng something na positive... salamat ha?" nakangiting sabi nya.

Napatanga ako. May point sya. Mula yata ng maghiwalay kami ni Aldred at ngayon lang ano naging positive.

"Hindi Mark... ako dapat ang nagpapasalamat sa iyo e. Salamat sa araw na ito. Ngayon ko lang ulit kasi naramdaman ang kagaanan ng loob ko." Ang nasabi ko sabay hawak muli sa kamay nya.

"Your welcome. Basta tandaan mo lang... from now on nandito lang ako. Kapag nalulungkot ka.... tawagan mo lang ako." nakangiting sabi nya.

"Speaking of.... hindi ko pa pala nakukuha ang number mo." ang sabi ko.

"Hahaha. Akin na ang cellphone mo." Tugon nya.

Agad kong kinuha ang phone ko at inabot ko sa kanya. Inilagay nya ang number nya sabay pinagring ang cellphone nya para makuha ang number ko.

"So paano? Tara na. Putok na ang araw oh. Medyo antok na din ako." pag-aya ni Mark.

"Ok. Edsa ka naman dadaan di ba? Pakibaba mo na lang ako may Shaw Boulevard." paki-usap ko.

"No! Ihahatid kita sa apartment mo. Para next time, alam ko na kung saan kita ihahatid kapag lumabas tayo." ang sabi nya.

"Sure ka?" Agad kong tanong.

"Oo naman. Hehehe" ang nakangiting sagot nya.

(Itutuloy....)

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Tissues (Part 3)
Tissues (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgC9-vDcFXtjplhRDGPl8bDKifY9Wyt9TyhFokZXv6s6M4wQ1mrRtEd0NXTPqoIVt4yTMpICW4F-jpbtzrMjliAEmeDhjijNl473I6s2z7zcP2doShH8v4i-hfv2gRif7tG7Vxad-Z7ar85/s400/tumblr_ntinxuxcpa1sd3jlmo1_540.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgC9-vDcFXtjplhRDGPl8bDKifY9Wyt9TyhFokZXv6s6M4wQ1mrRtEd0NXTPqoIVt4yTMpICW4F-jpbtzrMjliAEmeDhjijNl473I6s2z7zcP2doShH8v4i-hfv2gRif7tG7Vxad-Z7ar85/s72-c/tumblr_ntinxuxcpa1sd3jlmo1_540.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/03/tissues-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/03/tissues-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content