$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Tissues (Part 5)

By: Terrence [ ANG NAKARAAN: Nasa kalagitnaan kami ng pagbagtas sa EDSA nang biglang tumunog ang cellphone ko. May isang message ako sa mess...

By: Terrence

[ ANG NAKARAAN: Nasa kalagitnaan kami ng pagbagtas sa EDSA nang biglang tumunog ang cellphone ko. May isang message ako sa messenger na nagpagulat sa akin. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

~ Musta ka na? Pwede ba tayo magkita? ~

Nagsimulang mamutil ang pawis sa noo ko. Hindi ko maialis ang pagkatulala ko sa cellphone ko. Agad itong napansin ni Mark.

"Huy! Ok ka lang ba? Bakit natanga ka na dy...." hindi na nagawang magpatuloy sa pagsasalita si Mark. Napalitan ng pagiging seryoso ang mga ngiti nya.

Hindi ko sya masisisi. Marahil ay nagulat din sya nang makita nya kung sino ang nagmessage sa akin.

Si ALDRED.... ]

Halos hindi ako kinibo ni Mark hanggang makababa ako sa kotse. Wala ding smiley text bago ako matulog at nung umaga. Halos magtatanghali na. Hindi ako nakatulog. Nagdadalawang isip ako. Gusto kong magreply ng puso ko kay Aldred pero ayaw ng isip ko. Sobra akong nalilito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pero gusto ko syang makita.

Sa kabila nang lahat ay may nararamdaman pa din ako sa kanya. Akala ko nakapagmove-on na ako. Pero mukhang hindi pa talaga. Mukhang totoo nga ang sabi nila.... true love never dies.

** Huy! Ok ka lang ba? Bakit hindi ka nagtetext? ** text ko kay Mark.

Lumipas ang ilang minuto pero hindi sya nagreply. Susubukan ko sana muli na magtext kaya lang naisip ko na baka busy sya. Pero ramdam ko na masama ang loob nya. Kaya lang bakit naman? Alam ko na malaki ang nagawa nya para makalimot ako at di ko naman binabaliwala ang mga efforts nya. Pero anong magagawa ko, puso ang kalaban ko e. Mahirap kalaban ang puso... at alam ko na may ilan sa ang sasang-ayon sa akin.

Tangina ka naman kasi Aldred e. Ok na ako eh.  Bakit nagparamdam ka na naman? Habangbuhay ka na bang magiging salot sa buhay ko?

Magalit na kayo pero hindi ko talaga kayang tiisin. Alam nyo naman na may Ph degree ako sa katangahan di ba? Kaya nagreply ako kay Aldred.

~ Ok lang. Nakauwi ka na pala. ~ reply ko kay Aldred.

Limang minuto ang lumipas bago nagreply si Aldred sa akin.

~ OMG. Akala ko di ka magrereply eh. Salamat ha? ~ reply nya.

~ Kelan ka pa nandito sa Pilipinas? ~ tanong ko.

~ Last week pa. Dito ako sa unit natin sa Sta. Mesa. ~ sagot nya.

"Unit natin?" tanong ko sa isip ko. Hindi ako nagreply pa. Hindi ko na kasi naiintindihan ang nararamdaman ko. Naiinis ako. Ewan ko. Basta!

~ Huy! Di ka na sumagot. ~ message nya.

~ Pasensya ka na. Nabigla kasi ako e. Hindi lang ako makapaniwala. ~ reply nya.

~ Pwes maniwala ka. Nandito ako. Gusto kitang makita. Pwede ba? ~ tanong nya.

~ Hindi ko alam. Bakit pa? ~ pagdadalawang isip ko.

~ Galit ka pa din ba sa akin? ~ tanong nya.

Hindi ako agad sumagot. Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

~ Mukhang galit ka pa nga. I understand. :-( ~ ang message nya.

~ No! Hindi ako galit. Alam mong hindi ako nagalit at never akong magagalit sa iyo. ~ agad kong sagot kay Aldred.

~ Ahhhh! Thank God! So, pwede tayo magkita? ~ sabi nya.

Nadadalawang isip ako kaya hindi ako nakasagot agad. Alam kong hindi na tama. Eto na naman ako. Alam ko sa sarili ko na gusto ko pero pilit kong pinipigilan. Pero eto na naman. Iiral na naman ang katangahan ko.

Agad na pumasok sa isip ko si Mark. Tinext ko sya.

** Mark. Nakikipagkita sa akin si Aldred. Hindi ko alam ang sasabihin ko. ** text ko sa kanya.

Lumipas ang ilang minuto pero walang reply mula kay Mark. Ilang saglit pa ay tumunog ang messenger ko.

~ Please?! ~ message ni Aldred.

Ilang saglit pa ang hinintay ko. Umaasang magrereply si Mark. Hindi ako pupunta kapag pinigilan nya ako. Pero walang reply. Kaya pikit mata akong nagreply kay Aldred.

~ Sige! ~ Sagot ko kay Aldred.

~ Yey! Salamat Mahal! Can't wait to see you. ~ sagot nya.

"Mahal?" Tanong ko sa isip ko

"Dug! Dug! Dug!" ang sabi ng puso ko.

Hindi muna ako sumagot. Pinag-iisipan ko pa ang naging desisyon ko.

~ Anong bagong number mo? - message nya.

Muli ay pikit mata akong sumagot.

~ 092284***** ~ sagot ko kay Aldred.

~ Thanks! ~ Agad na reply nya.

Sa totoo lang hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko. Putanginamo naman kasi Kenneth... napakatanga mo talaga!

** Eto ang number ko. Pwede ba tayo magkita ngayon. - ALDRED." text nya.

** Sige. Saan ba? ** reply ko mg may pag-aalinlangan.

** Gateway. Ngayon na. ** agad na reply nya.

** Pwede bang mamaya na lang. Wala pa kasi akong tulog. ** sagot ko.

**Kain lang tayo tapos dito ka na magpahinga!" text nya.

Hindi muna ako nagreply. Naghahalo na ang pagkabangag ko sa antok at pagkalito ko sa mga nangyayari.

** Please! Miss na miss na kita! ** agad na text ni Aldred.

Tangina! Eto na naman ako. Ginagamit ko na naman ang Ph degree ko sa katangahan ko.

** Sige. Bihis lang ako. ** reply ko sa kanya.

Kahit bangag pa sa puyat ay nagbihis ako. Ramdam ko na gusto ko at kailangan kong makita ulit si Aldred. Mahal ko pa sya... putangina! Huwag nyo akong isumpa muna. Nagmamahal ako. At may ilan sa inyo ay maiintindihan ako.

Dejavu! Nandito na naman ako sa may pinto ng Starbucks sa Gateway. Nakatitig sa nakatalikod na si Aldred. Halos hindi ako makakilos sa pag-aalinlangan kung papasok ba ako o aalis na lang.

"Kenneth... umalis ka na hangga't may pagkakataon pa." Ang sabi ko sa isip ko.

Pero parang nakapako ang mga paa ko sa sahig dahil hindi ko magawang maihakbang ang mga ito. Maya maya pa ay lumingon si Aldred at tuluyan na akong nakita.

"Aw! Too late! There's no turning back!" ang nasabi ko sa isip ko.

Halos patakbo na lumapit sa akin si Aldred at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

"Aldred..." ang tangi kong nasabi.

"Shocks! Mamiss kita. Sobra!" sabi nya habang nakayakap pa din sa akin.

"Aldred pinagtitinginan na tayo o. Nakakahiya na." nahihiyang bulong ko.

"Hayaan mo sila. Anong magagawa nila? Namiss kita e. Akala ko di ka sisipot." sabi nya sabay yakap ng mas mahigpit.

Hinagod ko na lang ang likod nya. Hindi ko magawang gumanti ng yakap dahil sobrang higpit ng pagkakayakap nya. Ni hindi ako halos makahinga. Ilang saglit lang ay kumawala na si Aldred sa pagkakayakap sa akin. Pero bigla nya ako hinatak sabay bigay ng smack sa akin. Namula ang mukha ko sa gulat at pagkahiya.

"Hahaha. Cute mo talaga kapag namumula ka." Natatawang sabi ni Aldred sa akin.

"Ano ka ba? Di ka na nahiya eh." nahihiyang sabi ko.

"Bakit ba? Hayaan mo sila. At saka kinakahiya mo ba ako?" tanong nya.

"Hindi naman. Kaya lang...." hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil hinatak ako ni Aldred.

"O sya! Tara na. Kumain na lang tayo. Gutom na ako." sabi nya habang kawak ang kamay ko. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod.

Italiannis ulit ang pinasukan namin tulad nung unang meet up namin

"Umorder ka ng kahit anong gusto mo. Akong bahala." nakangiting sabi ni Aldred.

"Ikaw na ang bahala. Wala na ako sa huwisyo. Kanina pa ako inaantok." ang sabi ko

"Ok! Lalamon tayo. Hehehe." tugon nya.

Tulad nang dati, ang dami nyang inorder. Ang dami nyang ikinukwento pero hindi ko na nagawang intindihin dahil sa antok ko. Nakatingin na lang ako at tumatango sa bawat sinasabi niya.

Matapos naming kumain ay dumeretso na kami sa unit nya sa Sta. Mesa. Inalalayan nya ako patungo sa dating kwarto namin. Para akong baldado na inalalayan pa nya sa kama. Isang matamis na halik lang ang natatandaan ko na ibinigay ni Aldred sa akin bago tuluyang pumikit ang mga mata ko.

Halos mag-aalas siyete na nang magising ako. Napabalikwas ako dahil nanibago ako sa paligid ko. Hindi ko agad naiisip na nasa kuwarto ako ni Aldred. Muli na namang nanumbalik sa isip ko ang lahat lahat ng kagaguhang ginawa ni Aldred sa akin. Nang mahabol ko ang ulirat ko ay pabagsak akong humiga sa kama at napahawak sa ulo ko.

"Fuck Kenneth. What have you done? Dapat hindi ka na nagpunta!" pagsisisi ko sa isip ko.

Biglang pumasok sa isip ko si Mark. Kaya dali dali kong kinuha ang cellphone ko.

Laking gulat ko nang makita ko ang 76 missed calls , 21 FB messages at 54 SMS na galing kay Mark.

** Musta na? **

** Saan ka? **

** Bakit di ka nagrereply!? **

** Huy! **

** I am worried. Ok ka lang ba? **

** Kenneth? **

** Kenneth! Please! Magreply ka naman. **

** Nakakailang tawag na ako. Bakit di ka sumasagot? **

** Dito ako sa labas ng apartment mo. **

** Nasaan ka ba? Umalis ka daw sabi ng Land Lady mo. **

** Kenneth! Please naman.... **

** Fuck! Kenneth! Don tell me..... **

Ilan lang yan sa mga messages ni Mark sa akin. Pero sa dinamidami ng messages ni Mark, yung huling message ang tumatak sa akin.

** Ayokong isipin pero I have this feeling na you are with him. Kenneth, ano bang pinaggagagawa mo? Babalik ka na naman ba sa dati mong buhay? Maawa ka naman sa sarili mo. Ok ka na, di ba? Nakakamove on ka na. Sasayangin mo ba ang effort mo? Ang effort natin? Please! Umalis ka na dyan! **

Para bang may isang batok na tumama sa akin. Parang nagising ako sa katotohanan. Tama si Mark. Mali ang mga ginagawa ko. Akma na akong tatawag kay Mark nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

"Gising na pala ang Mahal ko e." Nakangiting sabi ni Aldred sabay upo sa tabi ko. Pagkaupo ay isang napakatamis na halik ang ibinigay nya sa akin.

Eto na naman ako. Muli ko na namang naramdaman ang pagmamahal sa puso kong akala ko ay tuluyan na nang nawala. Walanghiya ka Aldred. Bakit ang hirap mong kalimutan?

"I am sure gutom ka na. Nagluto ako ng paborito mo. Tara! Kain tayo." magiliw na aya ni Aldred sa akin sabay hatak sa kamay ko.

Tanda pa din ni Aldred ang paborito kong pagkain. Pinoy Bistek. Alam nya ang gusto kong luto nun. Yung may Nestle Cream. Para akong bata sa tuwa dahil ang tagal ko nang hindi nakakakain nun. Akma na akong kukuha ng kanin nang biglang lumapit sa tabi ko si Aldred. Nilagyan nya ng kanin at ulam ang plato ko. Nilagyan din nya ng orange juice ang baso ko. Wala na akong nagawa kundi ang mapatingin sa kanya.

Pero sa kabila ng pagiging sweet at maaalalahanin ni Aldred ay hindi sya ang nasa isip ko. Si Mark ang naaalala ko. Kaya unti unting lumabas mga ngiti sa labi ko. Biglang nawala ang mga ngiti ko nang...

"Oh! Bakit ka nakangiti dyan? Kumain ka na hangga't mainit pa yan." sabi nya sa akin habang paupo sya.

Nagsmile na lang ako at nagsimulang kumain.

"Sarap ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Aldred.

"Oo." nakangiti kong sagot sa kanya. Nagliwanag ang mukha ni Aldred sa sinabi ko.

"Buti naman. Special yung recipe na yan. Para sa iyo talaga." ang sabi nya. Ayan na naman ang word na yan. Special! Parang si Mark lang ah.

Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi ni Aldred. Kumain na lang ako. Dahil sa sarap ng pagkakaluto ay ninanamnam ko ang bawat pagsubo ko. Sabihin nyo nang OA pero may mga time pa nga na napapapikit ako sa sarap. Ganun talaga ako eh.

At dahil nga sa abala ako sa pagkain ay di ko na namalayan na kanina pa nakatitig si Aldred sa akin at pinapanuod akong kumain. Medyo nahiya ako kaya saglit akong napahinto.

"Bakit?" tanong ko kay Aldred.

"Wala lang. Namiss ko lang ito. Yung pinagmamasdan ka habang sarap na sarap kang kumakain." ang sabi nya.

Ibinaba ko ang kutsara at tinidor. Sumandal at tumingin kay Aldred. Kanina pa ako humahanap ng pagkakataon para tanungin sya sa dahilan ng pagbalik nya.

"Akala ko di ka na uuwi. Bakit bumalik ka?" nag-aalangang tanong ko.

"Ikaw naman. Kakadating ko lang kaya. Bakit parang gusto mo na akong bumalik sa New Zealand?" pabirong sabi ni Aldred.

"I'm serious Aldred." seryosong sabi ko.

Unti unting nawala ang ngiti ni Aldred. Napayuko sya. Parang nag-iisip. Muli syang tumingin sa akin at binigyan ako ng seryosong tingin.

"I came back for you." seryosong sagot nya.

"And you want me to believe that?" tugon ko.

"Oo! Dahil yun ang totoo. Mahal pa din kita Kenneth." agad na sabi niya.

"Aldred..." ang tangi ko lang nasabi. Hindi ko alam ang idudugtong ko. Nalilito ako sa nararamdaman ko.

"Galit ka pa din ba sa akin?" pag-aalala niya.

"Alam mong hindi. Nasaktan ako pero hindi ko nagawang magalit sa iyo." Ang tugon ko sa kanya.

"Mahal mo pa ba ako?" Tanong nya sabay hawak sa kamay ko.

Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko alam kung paano yun sasagutin. Mahal ko pa sya pero hindi ko alam kung tama na malaman nya pa yun.

"Mahal pa din kita Kenneth. Sana mahal po pa din ako." mas lalong humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Oo. Aaminin ko. Mahal pa din kita. Pero hindi ko alam kung kaya ko pang makipagbalikan sa iyo." tugon ko.

"Bakit? May iba ka na ba?" ang tanong nya na may pag-aalala.

Agad na pumasok sa isip ko si Mark. Pero magkaibigan lang kami. Sa kabila ng trato nya sa akin ay hanggang pagkakaibigan lang talaga ang meron sa amin. Kahit mahal ko na sya.

"Wala. Wala pang iba." pagsisinungaling ko.

"Ayun naman pala e. Bakit ayaw mong makipagbalikan sa akin?" pangungulit nya.

"Ang dami na kasing nangyari. Hindi ko na din alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan. Sobrang sakit kasi ng ginawa mo. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa kapag naulit yun." tugon ko.

"Hindi na. Nangangako ako. Wala na kami ni Jayson. Yun naman ang gusto mo di ba? Malaya na ako. Wala ka nang kahati. Please Kenneth. Let me love you again." pakiusap nya.

Nagulat ako sa rebelasyon nya. Somehow natuwa ako pero may halong pag-aalinlangan. Makailang beses na din akong niloko ni Aldred kaya ang hirap para sa akin ang maniwala.

"Hindi ko alam Aldred. Naguguluhan ako." ang tangi kong naisagot.

Halata ang pagkadismaya ni Aldred. Kita ko na din ang pamumula ng mga mata nya. Akala ko hindi na nya ipipilit pa, pero...

"Ok! Hindi kita mamadaliin. Bibigyan kita ng time. Sana lang Kenneth pag-isipan mo. Sana i-consider mo." pakiusap nya.

Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa kanya.

"I really want you back!" dag dag nya.

"Please?!" pakiusap nya.

Mahal ko pa din si Aldred at dama ko naman ang sincerity nya kaya tumango na lang ako para ipakita sa kanya na sumasangayon ako sa gusto nyang mangyari. Pag-iisipan ko. Nagliwanag ang mukha ni Aldred.

"Salamat Kenneth. Salamat!" ang sabi nya sabay lapit sa akin. Hinatak nya ako patayo at saka binigyan ng mahigpit na yakap.

Hindi na ako muna pinauwi ni Aldred. Nagstay ako sa unit nya ng apat na araw. Ibinili na lang nya ako ng mga gagamitin ko. Hindi na ako pumasok muna. Nagdahilan na lang ako na may sakit. Nuong una ay masigasig pa din si Mark sa pagtetext at pagtawag. Pero ni minsan ay hindi ako nagreply o sumagot sa tawag nya. Hanggang sa tumigil na sya. Baka nagsawa na. Mahirap man sa loob ko na dedmahin si Mark ay tiniis ko na lang. Gusto kong bigyan ng second chance si Aldred.

Hindi kami halos lumabas ng bahay ni Aldred. Pupunta lang ng SM Sta. Mesa para bumili ng mga groceries. Kwentuhan lang. Trying to catch up. Kiniwento nya ang nangyari sa kanila ni Jayson. Nung unang buwan lang daw sila naging ok. Pero nung tumagal ay nagkalabuan na din. Nun na din nya nalaman na may iba na si Jayson kahit sila pa. Madami na din daw na lalaki ang nahuli nyang kasama si Jayson sa bahay. One time na din nyang nahuling may kasex si Jayson sa kama nila.

Karma! Yun na lang ang naisip ko. Ang sabi nya, alam na daw nya ang nararamdaman ko nung niloloko nya ako. Tama kayo. Umamin na si Mokong. At inisa isa ko ang lahat ng pangalan na nabaggit ko sa first part ng story na ito. Ayaw na daw nyang magsinungaling. Gusto daw nya na magsimula kami ng panibagong yugto na wala syang inililihim pa sa akin. Halo halo ang naramdaman ko sa bawat pag-amin nya. Nalungkot. Natuwa. Nasaktan. Natanggap. Nagalit. Umiyak. Pero tama na siguro yon. Para tuluyan nang umayos ang lahat.

Ikinuwento ko din lahat kay Aldred. Yung nangyari sa akin pag-alis nya. Yung pagbabago ng buhay ko. Ang pagpunta ko sa Starbucks Shangri-La Plaza araw araw. Yung pag-order ko ng favorite Caramel Macchiato nya. Ang pagbilanggo ko sa sarili ko sa nararamdaman ko. Ang naging routine ng buhay ko. Lahat. Maliban lang ang tungkol kay Mark. Hindi ko alam kung bakit di ko magawang maikwento. Alam ko kasing mas maraming katanungan na lalabas pa kapag nabanggit ko ang pangalan ni Mark.

Mukhang nagbago na nga si Aldred. Talagang ipinaramdam nya sa akin ang pagmamahal nya. Para akong prinsesa. Ibinibigay nya ang lahat ng gusto ko. Sobrang sweet nya. Sobrang thoughtful. Sobrang maalaga. Kaya unti unti na akong naniniwala na pwede pang magkasecond chance para sa amin.

Gabi nung ikaapat na araw ng pananatili ko sa unit ay napagpasyahan namin na maginum ni Aldred. Gusto sana nya na magbar kami kaya lang parang tinatamad na akong lumabas pa kaya bumili na lang sya ng beer at nagpasya na sa bahay na lang mag-inum.

Nakakailang beer na din kami kaya nagsimula nang kaming tamaan. Halos hindi na din makapagsalita si Aldred ng maayos dahil sa kalasingan. Nagtatawanan na lang kami sa walang katuturang bagay.

Maya maya pa ay biglang nanahimik si Aldred. Agad ko naman ito napansin kaya ako napatingin sa kanya. Medyo nagulat ako nang makita na nakatitig sya sa akin. Awkward ang mga tingin na iyon pero alam ko ang ibig sabihin. Kaya nakaramdam ako ng kakaibang init sa katawan. Ang tagal ko nang tigang. Kaya kung mag-aattemp si Aldred ay malamang na may mangyari.

Halos tumagos na sa pagkatao ko ang mga titig na iyon. Mas lalo pa akong nag-init nang biglang hawakan ni Aldred ang kamay ko at simulang himasin ito ng hinlalaki nya. Hindi ko kinakaya ang nakakailang na sitwasyon na yon kaya agad kong binawi ang kamay ko at tumayo.

"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Aldred.

"Magsi-CR lang. Naiihi na ako eh." sabi ko habang papuntang banyo.

Binuksan ko ang gripo sa loob ng banyo. Sa totoo lang, hindi naman ako naiihi. Pinilit ko lang na makaiwas sa nakakailang na sitwasyon na yun. Simula't sapol naman ay hindi ako sanay na maghandle ng mga awkward na moments. Naging instinct ko na lang na umiwas palagi.

Pinindot ko ang flush ng inidoro para isipin ni Aldred na umihi ako. Naghilamos na din ako para medyo mawala ang pagkalasing ko. Pagkapunas ng mukha at matapos na makapag-ayos ay lumabas na ako ng banyo. Laking gulat ko nang makita ko si Aldred na nakatayo sa may pinto.

"Mag-si-CR ka d...." hindi na natapos ang sasabihin ko nang bigla akong hatakin ni Aldred at biglang halikan.

Nung una ay nabibigla pa ako sa nangyayari pero unti unti na din akong bumigay nung lumaon. Nakipaglaban ako ng halikan kay Aldred. Sa tagal ng pagkatigang ko ay para ba akong birhen na uhaw. Kahit halos hindi na ako makahinga ay hindi ako kumalas.  Magaling pa din si gago. Kahit halikan lang ang ginagawa namin ay para bang naarok ko na ang ikapitong glorya.

Saglit na kumalas si Aldred.

"Shit! Namiss ko ito Kenneth! Ang sarap mo.... ahhhh!" Sabi ni Aldred sabay halik muli sa akin.

Mula sa pinto ng banyo ay pinilit namin makarating sa kwarto ng hindi naghihiwalay ang mga labi namin. Pagdating sa kama ay dahan dahan akong inihiga ni Aldred. Pumatong sya sa akin at pilit na pinagkikiskis ang mga naghuhumindig na alaga namin. Hindi pa din kami kumakalas sa halikan namin. Ramdam ko na din ang unti unting paggapang ng kamay ni Aldred sa katawan ko.

Maya maya pa ay gumapang ang labi ni Aldred papuntang leeg ko. Dahil sa sobrang sarap ng nararamdaman ko ay hindi ko na din napigilan ang umungol at aksidente na masabi ang...

"Aaaaahhh! Shit!..... Ganyan nga Mark!" ang lumabas sa bibig ko.

Biglang huminto si Aldred at binigyan ako ng masamang tingin.

"MARK!!!???" inis na tanong ni Aldred.

"Sinong Mark?" dugtong nya.

Sa pagkabigla ko ay hindi ako nakapagsalita. Bakit nga ba lumabas sa bibig ko ang pangalan na iyon? Agad na umalis si Aldred mula sa pagkakapatong sa akin.

"Kenneth tinatanong kita... Sino ang Mark na yan?" inis na tanong ni Aldred.

"Wala." sagot ko.

"Anong wala? Out of no where biglang lumabas ang name na yun sa bibig mo." Iritang sabi nya.

"Ang sabi ko wala, di ba? Wag mong ngang gawing big deal, ok?" medyo inis na sagot ko.

"Wag gawing big deal? Seriously? Kenneth... we're making out. We're having sex. Ako ang kasex mo pero iba ang lumalabas sa bibig mo. Nakakainsulto ka naman!" pagalit na sabi ni Aldred.

Eto na naman ang isang awkward na situation kaya agad akong tumayo para lumabas. Agad naman akong hinawakan ni Aldred sa kamay para pigilan.

"Come on Kenneth. Don't leave me hanging. Just tell me kung sino ang putanginang Mark na yan?!" galit na tanong ni Aldred na nagpapanting sa mga tenga ko.

"Hoy Aldred! Huwag na huwag mong mumurahin si Mark! Hindi mo sya kilala. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang nagawa nya sa akin nung mga oras na halos patayin ko ang sarili ko nung gaguhin mo ako. Kaya wala lang karapatan na murahin sya!" ang pagalit na sagot ko kay Aldred.

"And you are defending him now? Sino ba ang gagong yan?" mas galit na tanong ni Aldred.

"Ang sabi mo you are trying to win me back? Pero alam mong hindi nakakatulong yang inaasal mo." inis na sabi ko.

"Yes I am trying to win you back. Pero paano tayo makakapagsimula kung naglilihim ka sa akin. Paano tayo magiging OK kung may kahati ako sa iyo?" ang sambit ni Aldred.

"Madali lang! Turuan kita kung gusto mo! Expert kaya ako dyan! Pinagdaanan ko kaya yan sa iyo di ba?!" ang pasigaw na sabi ko.

Hindi nakaimik si Aldred. Halatang tinamaan sya sa mga nasabi ko. Umirap na lang ako at lumabas ng kwarto. Agad kong kinuha ang wallet at cellphone ko na nasa sala at tsaka dumerecho palabas ng unit. Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan. Nasa main entrance na ako nag bigla kong marinig ang pagtawag ni Aldred.

"Kenneth! Sandali lang!" pagtawag niya.

Dumeretso lang ako ng paglalakad. Hindi ko sya pinansin.

"Sir! Tawag po yata kayo." ang sabi sa akin ng guard na nasa main entrance.

"Hayaan mo sya Manong." ang sagot ko. Nagtuloy tuloy lang ako ng lakad.

Nasa labas na ako nang maabutan ako ni Aldred. Agad nya akong hinablot sa kanang bisig para pigilan.

"Teka muna Kenneth. Wag ka muna umalis. Mag-usap muna tayo. Pag-usapan natin ito. Please!" pakiusap nya.

"Wag na Aldred. Sa susunod na lang. Hayaan mo na lang ako." pagtanggi ko.

"No! Tara na. Mag-usap tayo." lalong humigpit ang pagkakahawak nya at pilit akong hinatak papasok sa loob.

"Aldred! Bitawan mo na ako. Nasasaktan na ako e." Ang tangi kong nasabi.

Pero parang bingi si Aldred na hindi ako pinansin. Pilit pa din ako hinahatak. Ilang saglit pa ay biglang may humawak sa kaliwang bisig ko. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla.

Si Mark.

"Pre! Bitawan mo si Kenneth!" ang utos ng Mark.

Agad napahinto sa paghatak sa akin si Aldred at humarap.

"Sino ka ba?!" galit na tanong ni Aldred.

"Hindi na importante kung sino ako. Basta bitiwan mo si Kenneth!" Inis na utos ni Mark. Agad syang dinuro ni Aldred...

"Hoy! Huwag mo akong utusan. Hindi kita kilala kaya huwag kang makialam dito. Putangina mo ka!" gigil na sabi ni Aldred habang nakaduro kay Mark.

Kita ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon ni Mark. Alam ko na nagpanting ang tenga nya dahil sa pagmumura ni Aldred sa kanya. Kaya isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Mark na tumama sa panga ni Aldred.  Dahil sa lakas ay napahiga si Aldred.

"Mark!" ang tangi kong nasabi sabay tulak sa kanya palayo kay Aldred. Nagtakbuhan palapit amin ang guard at utility man na nasa main entrance nung mga oras na iyon para umawat. Agad nilang pinigilan si Mark na akma na namang susugod.

Agad ako na lumapit sa nakahigang si Aldred. Kita sa mukha nya ang pagkahilo sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya.

"Gago ka! Sino ang nagbigay ng karapatan sa iyo na tawaging puta ang nanay ko. Hayop ka!" gigil na sabi ni Mark na pilit pa din na kumakawala sa dalawang pumipigil sa kanya.

"Mark! Please! Tama na. Ok?" paki-usap ko.

Agad naman nya akong sinunod. Tumalikod na lang sya at pilit na kumalma.

"Aldred! Ok ka lang ba?" pag-aalala ko.

Tumango lang si Aldred habang nakahawak sa panga nya. Ilang saglit pa ay tumayo na sya at inayos ang sarili.

"Ano ba kasi ang problema ng gagong yan?" galit na parinig ni Aldred.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko. Gago ka din!" pasigaw na sabi ni Mark.

Susugod sana si Aldred pero pinigilan ko sya.

"Aldred! Please! Tama na. Huwag kayong gumawa ng gulo dito." pakiusap ko sa kanya na agad naman nyang sinunod. Hinawakan nya ako sa kamay at inaya pabalik ng unit.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko ulit ang kamay ni Mark sa kaliwang bisig ko.

"Kenneth. Tara na." firm na ang boses ni Mark. Tiningnan lang ng masama ni Aldred si Mark. Mas lalong humigpit ang hawak ng dalawa. Nagsisimula nang umakyat ang dugo sa ulo ko sa inis dahil sa inaasta nung dalawa.

Agad kong hinatak ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Aldred. Kita sa mukha nya ang pagkabigla sa ginawa ko. Kita ko din sa mukha nya ang pagkadismaya. Naawa ako pero wala na ako sa tamang pag-iisip e. Hindi ko na din naiintindihan ang mga kinikilos ko.

"Kenneth...." ang tangi nyang nasabi. Isang simpleng ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.

"Manong. Paki alalayan na lang po si Aldred sa Unit nya ha?" pakiusap ko kay Manong guard.

Namamanhid na ang kamay ko sa higpit ng hawak ni Mark sa akin. Ramdam ko ang panggigigil nya sa galit. Halos mabasag ang bintana ng kotse nya nang isarado nya ang pinto nito.

Ilang saglit pa ay parang nasa drag racing kami na umarangkada ang sasakyan ni Mark. Sobrang bilis. Buti na lang at madaling araw na kaya wala nang masyadong sasakyan sa daan. Seryoso si Mark na nagdadrive. Hindi nagsasalita. Kita ko pa din ang panggigigil sa mukha nya. Natatakot na ako sa bilis ng pagdadrive nya. Baka kasi maaksidente kami kaya kahit may pag-aalinlangan ay hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak sa kambyo.

Agad na napatingin si Mark sa akin. Marahil ay nakita nya ang maluhaluha kong mga mata dahil sa takot kaya dahan dahang bumagal ang takbo namin. Nang umayos na ang takbo namin ay agad kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak kay Mark. Pero hindi sya bumitaw. Bibitaw lang kapag kakambyo sya pero agad namang hahawak ulit. Hindi ko maintindihan ang kinikilos ni Mark pero hinayaan ko na lang. Di ko magawang sitahin dahil mali ang timing. Maiinit pa ang ulo nya.

Nasa loob na naman kami ng BGC. Nasa favorite spot nya na naman kami. Ang kaibahan lang ay hindi kami gumimmick. Hindi kami nagmami. Walang kape. Higit sa lahat, wala ang mga ngiti sa mukha nya na nagpapagaan sa damdamin ko.

Nakakabingi ang katahimikan. Ang sakit sa dibdib ng tesyon na namamagitan sa amin. Hindi ako makatingin sa kanya dahil guilty ako. Alam ko na ako ang dahilan ng mga galit na iyon. Hindi ako makahinga. Gusto kong lumabas. Akma ko nang bubuksan ang pinto ng kotse nya nang bigla nyang hinampas ang manibela at sumigaw ng malakas.

"Shit! Aaaaaahhhhhhhhhh...." biglang sigaw nya.

Para akong aatakihin sa pagkagulat. Nuon ko lang sya nakitang nagalit. Sobra akong natakot. Inihanda ko ang sarili ko sa mga susunod na mangyayari. Kung sasapakin man nya ako ay tatanggapin ko. Kasalanan ko naman kasi.

Dahan dahang yumuko si Mark sa manibela. Nadurog ang puso ko nang marinig ko ang mahinang hikbi nya. Di ako makapaniwala na umiiyak sya. Ang pinakapositibong tao sa mundo na nakilala ko ay umiiyak sa harap ko. Agad ko syang hinawakan sa balikat.

"Mark...." ang tangi kong nasabi.

Nabigla na lang ako nang bigla nyang inangat ang ulo nya sabay alis ng seatbelt. Humarap sya sa akin. Naantig ang puso ko nang makita ko ang paggulong ng mga luha mula sa mga mata nya. Hindi ko na din napigilan ang mapaiyak.

"Mark. Wag ka namang ganyan. Hindi ko kayang makita na nagkakaganyan ka." Umiiyak na sabi ko.

Hindi na sya umimik. Isang malungkot na expresyon lang isinagot nya sa akin. Dahil sa bigat ng damdamin ko ay wala na akong nagawa kundi ang mapayuko at mapahagulgol.

Agad nya akong hinawakan sa balikat.

"Kenneth...." humihikbing sabi nya.

Ilang saglit pa ay iniangat nya ang mukha ko at sinuggaban ako ng halik....

(Itutuloy....)

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Tissues (Part 5)
Tissues (Part 5)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgC9-vDcFXtjplhRDGPl8bDKifY9Wyt9TyhFokZXv6s6M4wQ1mrRtEd0NXTPqoIVt4yTMpICW4F-jpbtzrMjliAEmeDhjijNl473I6s2z7zcP2doShH8v4i-hfv2gRif7tG7Vxad-Z7ar85/s400/tumblr_ntinxuxcpa1sd3jlmo1_540.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgC9-vDcFXtjplhRDGPl8bDKifY9Wyt9TyhFokZXv6s6M4wQ1mrRtEd0NXTPqoIVt4yTMpICW4F-jpbtzrMjliAEmeDhjijNl473I6s2z7zcP2doShH8v4i-hfv2gRif7tG7Vxad-Z7ar85/s72-c/tumblr_ntinxuxcpa1sd3jlmo1_540.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/03/tissues-part-5.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/03/tissues-part-5.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content