$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Torchwood Files (Part 23)

By: Torchwood Agent No. 474 Note: Guys, sorry kung ngayun lang ulit ako nakapag-update. Finals na namin eh, kaya sunud-sunod ang mga paglama...

By: Torchwood Agent No. 474

Note: Guys, sorry kung ngayun lang ulit ako nakapag-update. Finals na namin eh, kaya sunud-sunod ang mga paglamay sa mga requirements pati thesis namin. Ahehehehe. Salamat po sa pag-intindi.

WRITER’s POV:

          Nagulat si Master sa narinig. Hindi siya makasagot ng ilang sandali dahil nakatitig lamang ito sa mga Torchwood agents na nasa harapan niya.

     “Kayo na muna bahala jan mga brad…” Sabi ng isa sa mga katrabaho nila Lora at Karlo, sabay lakad palabas ng kwarto ang tatlo, kaya’t apat na lang silang nasa room.
     “PALAWAN!?! Seryoso kayo!?!” Dilat na dilat ang mata ng ating bida sa narinig! Hindi niya aakalaing makakapunta pala siya ng Palawan ng libre, in the most alien-ish way pa talaga!
     “Yes, Master. We’re in Palawan,” Karlo confirmed their guests. “the 4th leading Torchwood hub here in the Philippines.” He added proudly.
     “Teka, bakit wala kang mga STTs (Spatio-Temporal Teleporters)? Supposed to be, a week before ang isang trainee e sasalang para maging isang agent, they are given some pseudo-STTs para pan-teleport ah!? Bakit wala kang STT!?” Nakataas ang isang kilay ni Lora, nakakunot ang kanyang noo, at ang mukha niya ay para bagang gusting pasukin ang buong pagkatao ni Master.

          Biglang nanginig ang ating bida! Hindi niya alam ang isasagot. Nakaramdam siya ng isang tulo ng pawis sa kanyang pisngi at tila wala atang boses na balak lumabas mula sa kanyang bibig kahit gustuhin niya ito.

     “Teka nga lang. Ini-interogate natin ‘tong si Master tapos wala tayong mapakain? Tapos sa ganyang kalagayan pa? Stress na stress pa ‘to sila oh! I suggest kumain muna tayong lahat.” Karlo said to her, smiling. “Bibili lang ako ng para lunch natin ah!” Sabi ni Karlo, sabay pindot ng iilang buttons sa kanyang STT at voila! Bigla siyang nawala!

          Bago pa man makapagsalita ang dalawa ay nagkaroon ulit ng asul na liwanag at nakatayo na naman ulit si Karlo sa harapan nilang dalawa!

     “Teka, Master, nakapunta kana ba sa Palawan?” Nakalagay ang mga kamay ni Karlo sa kanyang mga baywang at mukhang excited ang mukha nito!
     “Hindi pa… first time ko ‘to…” Inosenteng sagot ng ating bida.
     “Ganun ba!? Patitikim ko sa ‘yo ang chaolong!!!!!!!!!” Napatalon si Karlo! “Miss ko na kumain kasi ng chaolong e!” Dagdag pa niya habang ngumingisi!
     “Basta chaolong matakaw ka ah!” Nakangiting sabi ni Lora.
     “Yeah! Lahat naman ng tao sa Palawan paborito ang chaolong eh!” Pangangatwiran ni Karlo kay Lora. “Isa ang chaolong sa mga pinakamasasarap na pagkain dito!” He added. Napangiti lang si Lora, habang nakatitig lang si Master sa kanilang dalawa.

          Isang asul na liwanag ulit ang lumitaw sa paligid ni Karlo bago ito nawala.
          Lumapit si Lora kay Master, at tinitigan ito sa mga mata. Stern siya.

     “Just prove to us that you’re not a fake Torchwood Initiate.” She said seriously. “Anyway, I hope ma-enjoy mo ang chaolong.” Lumapit siya sa kinahihigaan ni Samuel at sinimulang tanggalin ang ilan sa mga nakakabit na kung anu-ano dito. May kung anong pinahid siya sa sugat nito sa paa at makikitang humihilom ito! “In a few moments magigising rin yang si…?”
     “Samuel. Hmmmm… Lora po pangalan mo, right?” Parang maamong tupa si Master.
     “Yep!” Lora confirmed habang hindi nakatingin kay Master.
     “Ms. Lora, I am telling you the truth po. Torchwood Initiate po talaga ako. Maniwala ka –––”
     “Don’t explain yourself to me. Dun ka kina Milo mag-explain.” She said sternly again. “If Bryan really knows that you’re an initiate, he’ll defend you.” She added. “For now, maiwan ko muna kayo. Enjoy your meal later.” Sabi niya sabay labas sa kwarto.

          Nakaupo lang si Master sa kama, nakikiramdam. Dinig na dinig niya ang lakas ng tambol ng kanyang puso. Napasubo na siya. Dapat niyang malusutan ang mga taong magi-imbestiga sa kanya. Alaala niya’t buhay ang nakasalalay dito. Naalala niya ‘yung panahong pinainom siya ng espesyal na tubig ni Bryan at nakalimutan niya ang lahat ng initial experiences niya with Torchwood. Alam niyang paiinumin din siya ng espesyal na tubig ng mga taga-Palawang ito kapag mumablay siya.
          Okay lang sana kung siya lang ang nasa sitwasyon niyang iyon, ngunit napapatingin siya kay Samuel na natutulog pa rin. Bigla lang tumulo ang mga luha niya.

     “Samuel… paano mo malalagpasan ‘to?! Ayaw kong ma-trauma ka dahil lang sa Torchwood. Ayaw kong magaya ka sa akin. Kapatid ko… sana makayanan mo ang napagdaan ko sa ‘tang inang organisasyong ito! Sana hindi masira ang ulo mo… sana matanggap mo na naglihim ako, kami ni Kuya Bryan mo tungkol sa Torchwood. Sana mapatawad mo kami…” Sabi ni Master sa kanyang sarili.

          Umiiyak lang an gating bida habang nakatitig sa maamong pagtulog ni Samuel, at may bigla siyang naalala!

FLASHBACK:

          Naaalala ni Master ang oras na nakarating sila sa gubat via Tempo-Spatial Rift (TSR). Niyayakap ni Master ang umiiyak na si Samuel.

     “Hindi tayo magpapatalo sa problemang ‘to. Makakaalis tayo rito! Makakaalis tayo rito!”

PRESENT:

          ‘Yun ‘yung mga katagang nagpatatag kay Samuel, which in turn nagpatatag sa kanyang sarili. Nakaramdam si Master ng preskong hangin na pumasok sa loob ng kanyang mga baga. Unti-unti siyang napangiti’t unti-unting lumakas ang kanyang loob. Tumitig ulit ito kay Samuel.

     “Parte lang ‘to ng pagsubok, Samuel. Makakaalis tayo rito sa Palawan. Makakauwi tayo.” Maluha-luha pa siya habang sinasabi ang mga katagang ‘yun.

          Naalala rin ni Master ang mga kwento ng kanyang mga kakilala regarding sa Palawan. Na-excite siya dahil maganda nga raw ang lugar na ‘yun. Sabi pa nga ng isang kakilala niya, ‘Ang ganda ng Palawan ay parang ganda ng isang babae. Natural na natural.’ Dahan-dahang lumaki ang ngisi ng ating bida. At mas lumaki ang ngisi ni Master nang malaman niyang kakain sila ng chaolong! Base sa mga narinig niya, masarap nga raw ito’t katakam-takam! Hindi niya palalagpasin ang mga pagkakataong ito, hindi niya palalagpasin ang panahong naka-libre siya ng vacation sa Palawan. Although mayron pa ring kaba sa kanyang dibdib, naalala niya ang isa pa sa mga natutunan nila ni Samuel dati noong ma-teleport sila sa Palawan: ‘Dapat makita natin ang kagandahan sa mga nangyayari sa ating paligid despite napakapangit na ng mga nararanasan natin. Dito tayo kukuha ng pag-asa at lakas.’

     “Kuya…?”

          Napabalik siya sa kanyang ulirat sa salitang kanyang narinig! Paglingon niya ay kasama na niya si Samuel na nakaupo, pinapahid ang kanyang mga mata at tila ba napakainosente dahil hindi niya alam kung asan na sila ngayun! Napanganga bigla si Master at medyo nawalan siya ng hininga.

     “Kuya, asan tayo? Anong lugar ‘to?!” Bakas na ang pagkabigla sa boses ng kapatid ni Master. “Anong nangyari sa atin? Sino may kagagawan nito?” Mukhang natataranta na si Samuel. Sunud-sunod ang mga tanong niya at hindi alam ni Master kung ano ang isasagot!
     “Ummmm...”
     “Kuya, asan tayo?” Samuel asked again innocently.
     “Ahhh.... Bunso, una sa lahat gusto ko lang sabihin sa ‘yo na ligtas na tayo... may tumulong sa atin...” Mautal-utal si Master. Blanko ang isip niya’t hindi niya alam kung anong mga salita ang pakakawalan sa kanyang bibig.
     “TALAGA PO!?!” Anlaki ng ngisi ng bata. “Sino po ang mga tumulong sa atin, kuya? Asan sila!?!” Lagpas tenga ang ngiti ni Samuel, ngunit nawala rin ito. “Teka, ano po ba ang problema kuya’t parang takot ka? Okay na po tayo, diba? Ano pa kinababahala mo diyan?” Gustong hawakan ni Samuel ang kamay ni Master ngunit di niya ito maabot-abot.
     “Lower your voice!” He whispered. “’Yun nga, Samuel.” Huminga siya ng malalim. “First of all, gusto kong sana making ka munang mabuti... at ‘wag na ‘wag kang magsasalita hangga’t hindi ko pinapahintulot...” Natigilan si Master; huminga ulit siya ng malalim. “Magdadahilan ako sa mga nagligtas sa atin. I want you to be clever at dapat masakyan mo agad ako.” Titig na titig ang ating bida sa kanyang kapatid.

          Siya na ngayon ang umaasa rito; ang talino ni Samuel ang inaasahan ngayun ni Master para makaalis na sila sa Palawan. Napapa-lip bite na lang si Master dahil sa nerbyos habang nakikiramdam lang si Samuel, tila hinahanda ang kanyang sarili sa kung ano mang pwedeng mangyari.

     “Do you trust me, Samuel?”
     “Kuya, mukhang nakakanerbyos ‘tong gagawin –––”
     “Do you trust me!?”
     “Kuya...”
     “OO O HINDI!?”
     “Kuya... this time, I will...”
     “Then I want you to listen. Believe, and be clever! Kuha mo ba, bunso?”

          Tumango si Samuel. Huminga ulit ng malalim si Master. Napuno ng bulong ang buong kwarto.

     “Okay... listen. Hindi ko kilala ang mga nagligtas sa atin... pero alam ko kung ano sila.” He paused; looking at Samuel straight in the eyes. “To tell you the truth, makailang beses ko nang na-encounter ang mga ganoong klaseng mga tao sa buong buhay ko. At kasama sina Kidoi at kuya Bryan mo sa kanila...” Nanginginig ang kanyang boses.
     “Si Kidoi? Teka po, bakit kilala mo si kuya Bryan? Nagkikita kayo? Mag-ano po ba kayo?” Kunot na rin ang ulo ni Samuel gaya ng kuya Master niya. He leaned forward to hear more of what Master will say to him.
      “Bunso, these people are alien hunters. There’s this organization that deals with them...” May kung anong pumipigil sa lalamunan ni Master, may kung anong nakabara sa loob nito.
     “And part si Kidoi at kuya Bryan mo –––”
     “Torchwood po ba, kuya?”

          Napa-atras si Master sa kinauupuan! Hindi siya makapaniwala sa narinig niya! Nganga lang siyang nakaharap kay Samuel, who is, on the other hand, nagulat din sa reaction ni Master at napanganga. However, ang pagkagulat ni Samuel ay unti-unting napalitan ng ngisi. Bakas pa rin ang shock sa mukha niya ngunit tumatawa-tawa na siya.

     “Hindi ako makapaniwala! Tama ako no!? TAMA AKO!” Humahagikgik lang siya.
     “Bakit mo alam ang Torchwood? Agent ka rin ba!?!” Gulat pa rin si Master!
     “Nope! Pero when I was still 10 years old, mahilig po akong making sa mga kwento ni kuya Bryan! Puro tungkol sa mga aliens ‘yung mga kwento niya eh! Tapos Torchwood daw ang pangalan ng mga taong kumakalaban sa kanila!” Nakangisi pa rin si Samuel. “Sabi pa nga daw niya, Torchwood Initiate daw siya! Ako naman, inosenteng-inosente pa that time, nakikinig lang ng nakikinig! Malay ko bang totoo pala lahat ng ‘yun!?”
     “Kinukwentuhan ka ni Bryan? Ilang taon siya nun?” Master questioned him dumbfoundedly.
     “Opo! Dumating na nga sa point na nagging bedtime stories na niya sa akin ‘yun eh! 12 pa po siya nung mga panahong ‘yun! Teka, 15 na ‘yun ngayun! 3 years na pala siyang Torchwood agent! Hindi man niya lang sinabi! Torchwood agent rin pala ang mokong na Kidoi na ‘yun! Wow! Astig lang! Teka, anong Torchwood hub ‘to kuya!?” Ambilis ng mga salita ni Samuel habang gumagala ang paningin niya sa paligid. Nag-uumapaw ang emosyong nararamdaman niya. Daig pa niya ang batang nagmamay-ari ng isang carnival!
      “We’re in Torchwood 4...”
     “TORCHWOOD – PALAWAN!?!”

          Doon lang bumalik sa ulirat si Master! Pinatahimik niya agad si Samuel bago pa bumalik ang mga agents.

     “Hoy! Hinaan mo ang boses mo! Tutal, may idea ka naman sa Torchwood, ‘wag na ‘wag kang magsasalita hangga’t hindi kita binibigyan ng sign ah!” Master strictly told his brother, whispering. “As in please lang, tumahimik ka na lang! Sumakay ka na lang sa kung anong sasabihin ko ah! Kuya!?” He added.
     “Opo, kuya! E teka, agent ka rin po ba, kuya?” Samuel asked him, grinning.
     “Ini-invite ako ni Bryan pero ayaw ko.” He answered.
     “Hala! Bakit po? Astig naman –––”
     “Shut up! Tinanggihan ko na si Bryan at si Kidoi. Pati ikaw tatanggihan ko rin! Shut up!” Master snapped quickly, kaya napatahimik si Samuel. Mejo nawala ang ngiti sa kanyang mga labi.
     “Pupunta po ba dito si kuya Bryan?” He asked enthusiastically as he struggles to keep his voice down.
     “Ewan. I think so.” Sagot ko. “Nagdahilan kasi akong Torchwood Initiate ako ng Torchwood – Mis. Or. para hindi tayo mapahamak. Tinatanong kasi nila rito kung paano tayo nakapunta rito. Sinabi ko na lang na nadamay ka.” Dahil sa narinig ay napangiti ulit si Samuel. “Basta ‘wag kang sasabat ah!”
     “Opo!” Nakangisi si Samuel. “This will be exciting...” Huminga ng malalim si Samuel.
     “If this will turn out well, pagtatakpan tayo ni Bryan. ‘Yun lang ang chance na makakalabas tayo rito. Kung hindi, paiinumin tayo ng tubig na nakakawala ng memorya ng isang tao. Makakalimot tayo!” Matinding pagpapaalala ni Master sa kanyang kausap, seryoso ito’t napakakunot na ng kanyang noo.

          Kasabay ng pagtahimik ni Samuel ang pagpasok nila Karlo at Lora sa kwarto.

     “Ui, gising na pala ang kasama mo! Hello!” Bati ni Karlo sa kanila. “I’m Karlo and ito si Lora!” Nakangiti siyang tinuturo si Lora. Hawak-hawak niya ang ilang supot na puno ng pagkain.
     “Karlo... Lora... ito si Samuel. Kaibigan ko siya.” Lumingon siya sa kanyang kapatid at nakikita niyang nagpipigil itong ngumiti.

          Lumapit si Lora para tanggalin ang mga nakakabit sa katawan nila Master at Samuel habang pansamantalang nilalagay naman ni Karlo ang mga pinamili sa mesa malapit sa kanila.

     “Boys, hindi pa kayo tuluyang magaling, pero kailangan n’yong kumain para lumakas ulit kayo, kaya babalik kayo sa kamang ‘to ah!” Para siyang nanay na ngangaral sa kanyang mga anak habang tinatanggal ang mga nakakabit sa kanila.
     “Nasa labas si Bryan para mag-usap-usap tayong lahat!” Karlo announced to them, kaya nanlaki ang mga mata nina Master at Samuel, but nevertheless, they were able to maintain their innocent front.
     “Ate, may sugat po ako sa paa –––”
     “Pahilom na ‘yan. Nilagyan ko na ng gamot. Pwede na kayong makalakad, but medyo mahina pa kayo ah, kaya dahan-dahan lang.” Lora assured them. Tumulong na si Karlo sa kanila.

          Pagkalabas nila ng kwarto ay nakita nila ang mga nakatayong sina Milo at Bryan, kapwa naka-fold ang kanilang mga kamay sa kanilang mga dibdib, at napansin ni Master na may bakas ng pagkanerbyos si Bryan. Mas humina ang mga galaw ni Master. Mistulang nakakaramdam siya ng malamig na tubig na bumabasa sa kanya kung kaya’t ani mo’y sumisikip ang kanyang dibdib. Pero para hindi mahalata, pinilit niyang maglakad ng normal habang binabaling ang tingin kay Samuel.
          Naka-lip bite si Samuel, malalaki ang mga mata nito. Ramdam ni Master ang excitement na nabubuo sa kanyang kalooban na kailangan niyang pigilan, kaya hinawakan nito ang kanyang braso para mas makapag-focus ito.

AFTER 3 MINUTES:

     “Guys, mauna na kayong kumain. I think dapat kayong lima na lang ang dapat mag-usap-usap. I need to finish something.” Lora told her team mates habang humahakbang siya papunta sa kanyang computer, kasama niya ang tatlo pa nilang kasamang lalaki na busy sa kanilang mga trabaho.
     “Are you sure, Lora?” Milo asked her.
     “Balitaan n’yo na lang ako.” She told him.

          Agad silang umupo sa isang round table. Kaharap nila ang mga chaolong na bili ni Karlo. Magkatabi sina Master at Samuel, habang nasa kaliwang side naman Bryan si Master. Magkaharap ang dalawang Torchwood heads na sina Bryan at Milo habang nasa tabi naman ni Milo si Karlo.
          Tahimik lang na nagtitinginan ang lima, nakikiramdam kung sino ang unang magsasalita.

     “I think we should eat first…?” Karlo nervously suggested.
     “Nope! Let’s get down to business!” Milo said to them sternly. “How true it is na Torchwood Initiate ‘tong si Master?” Antalim ng titig niya kay Bryan.

          Natigilan si Karlo, habang napatapak naman si Master sa paa ni Samuel at dahan-dahang binigyan ito ng ‘wag-na-‘wag-kang-magsasalita look. Dahan-dahang tumango si Samuel, nagpipigil ng emosyon.

     “Okay! If that’s what you want bro! Bilisan n’yo at gutom na ako.” Nakapalumbaba lang si Karlo sa mesa, nakatingin sa dalawang Torchwood heads.
     “He is an Initate. Milo, I assure you that.”
     “Kuya, I’m not mad ah. However, alam mo naman siguro na strict ako when it comes to following Torchwood standards and rules, diba? I hope you understand.” Milo told him concernly, but with stern looks in his eyes.
     “I know, Milo.” Nakangiti lang si Bryan. “Kaya nga isa ka sa mga outstanding Torchwood agents dito sa Pilipinas diba dahil jan sa ugali mong ‘yan.” Napangiti si Milo, at napangiti rin si
Karlo.

          Napatingin si Master sa tatlong Torchwood agents.

     “Cute pala ‘tong sina Karlo at Milo ah!” Sabi niya sa kanyang sarili. Si Bryan naman, nakangiting sumulyap kay Master. “Infairness, cute rin pala si Bryan!” Dagdag pa niya sa sarili. “Teka nga! MASTER! FOCUS!” Dahan-dahan siyang huminga ng malalim.

          Gumalaw ang mga kamay ni Karlo, akmang kukuha na ng chalong nang pagsabihan siya ni Milo na hindi pa sila tapos mag-usap, kaya napakamot ito ng ulo.

     “Anyways, balik tayo sa topic.” Seryoso ulit ang mukha ni Milo. “Paano mo siya nakilala, kuya Bryan? Paano siya na-detect ng Torchwood?” Diretso lang ang titig nito, kaya ginantihan din siya ng Bryan ng titig sa mga mata.
     “Simula nung namatay na si Heicho –––”
     “Ah –––!?” Biglang hirit ni Samuel! Medyo nagulat sina Bryan at Master kaya mas diniin pa ni Master ang mga paa nito.
     “Yes?” Karlo reacted. Nakataas ang kilay.
     “Ummmm… hindi pa po ba tayo kakain…? Gutom na gutom na po ako eh…” Halos maputulan ng hininga si Master sa gulat; nakiramdam lang ito.
     “Oo nga! Pati ako gutom na rin!” Hirit ni Karlo.

          Agad na binigay ni Milo ang ilan sa mga bowls ng chaolong kina Master at Samuel, at sinabihan silang mauna na silang kumain. Nakatitig lang sina Master at Samuel sa pagkaing nasa harap nila: noodles na may halong karne ng baka, toge, at iilang mga gulay na nakababad sa kulay pulang sabaw, tapos sa tabi ng bowl ay may platitong naglalaman ng mga french bread.

     “Kain na kayo.” Nakangiting pag-iimbita ni Karlo.

          Dahan-dahang kumuha ng mga kubyertos ang dalawa para kumain. Susubo na rin sana si Karlo nang…

     “Don’t eat, Karlo. Silang dalawa lang ang kakain. Mag-uusap pa kami ni kuya Bryan. Maghintay ka!” Sabi ni Milo habang diretsong nakatitig pa rin kay Bryan. Napa-face palm na lang si Karlo sa kanyang panghihinayang!

          Huminga ng malalim si Bryan saka nagsalita ulit habang tahimik lang na kumakain sina Master at Samuel, nakikiramdam at nakikinig.

     “Anyways, sabi ko nga’t namatay na si Heicho. I’m sure aware kayo diyan?” He told them.
     “Yep!” Karlo replied. “He was Torchwood 26’s Aliens Expert and Tempo-Spatial Scientist, right?” He added.
     “Yep. At the age of 18, he died. He was a great asset sa Hub namin.” Bryan paused for a while. “But he needs to be replaced, so we hacked the systems of all the schools dun sa Cagayan de Oro.” Lumingon siya kay Master. “Of all na pwedeng maging agent, si Master lang ang nakikita naming worthy para sa posisyong iniwan ni Heicho.” He added. “So nag-observe kami kay Master. We found out na he is an outstanding student, talented, and not to mention, mabuti pang tao. He’s fit for the job.” Bryan told them.
     “What about his brain capacity? Kaya n’ya kaya?” Karlo questioned Bryan.
     “One night, habang tulog siya, nag-teleport kami ni ate Hannah mo para i-measure ang kapasidad ng utak niya. And base sa results, his brain is fit for the job.” He calmly explained.
     “Okay, sige.” Si Master na naman ang kaharap ni Milo. “Paano ka nakumbinsi ni Bryan na maging Torchwood Initiate?” Medjo na shock si Master, but nevertheless, he needs to lie in order for them to survive.
     “To cut the story short, dahan-dahan akong kinaibigan ng mga agents ng Torchwood 26, hanggang sa na-introduce ako sa Torchwood… at first, ayaw ko, but habang tumatagal, nare-realize ko na sa buhay ko pala… walang thrill, boring. I’ve decided to spicen it up a bit. I gave Torchwood a chance. And masasabi kong nage-enjoy ako sa ginagawa ko…” Dinahan-dahan lang ni Master ang paghinga kahit masikip na ang dibdib niya. Mahirap man, he needs to maintain his front.
     “Ganun ba? Sige, we’ll check on that.” Milo grinned. “Karlo, samahan mo ‘ko. Punta tayong Cagayan de Oro!” Bigla siyang tumayo habang hinihila ang kanyang 2nd-in-command.
     “Teka! Hindi pa nga ako nakakakain oh!” Nagpupumiglas si Karlo.
     “Mamaya na ‘yan! Bili na lang tayo ng bago! Isa pa! miss ko na mga street foods sa CDO.” Papunta na silang dalawa sa TBI (Torchwood Branch Inter-teleporter). “Kaya halika na!” Tiningnan niya sina Bryan na naka-upo lang. “Babalik kami. We will confirm what you’ve said sa mga katrabaho mo, kuya Bryan!” By this time, nasa loob na sila ng TBI.
     “Go ahead!” Nakangiti lang si Bryan.

          Pagkawala ng dalawa, agad na bumulong si Bryan sa kanila at may kinuhang kulay orange na pendant sa kanyang bulsa.

     “Don’t worry! Gamit ang pendant na ‘to, naririnig ng Torchwood 26 ang usapan natin. By now, alam kong may nagawa na silang palusot na pwedeng mag-support ng mga sinabi natin kanina, Master!” He whispered to them. “Grabe ang nerbyos ko! Kayo ba? Okay lang ba kayo?” Bryan expressed concernly.
     “Okay lang kami, Bryan. But marami tayong pag-uusapan!” Sabi naman ni Master.
     “Okay.” Napatango si Bryan. “Teka, paano mo nga pala nasali si Samuel sa sitwasyong ito?” Nakakunot ang noo niya habang nakatitig kay Samuel.

          Akmang hahagikgik na sana si Samuel dahil hindi na niya kayang pigilan ang nararamdamang excitement ngunit pinatahimik agad siya nina Master at Bryan.

     “Sabit lang ako dito, kuya! Anyway, hindi mo sinasabi, magkakilala pala kayo ni kuya Master ah! Tapos totoo pala ang Torchwood! At agent pala si Kidoi!” Nakangisi lang si Samuel.
     “Saka na natin pag-usapan ‘yan!” Pambabara ni Master.
     “Teka, kuya, sure po kayong patay na si Heicho? Totoo pala siyang tao?” Mejo malungkot ang tono ni Samuel.
     “Oo! Basta mamaya na natin pag-usapan ‘yan! Ang mahalaga, makalagpas tayo lahat dito.” Bryan told him habang tinatago ang pendant. “Kapag ayos na ang lahat, we’ll regroup sa Torchwood 26. Basta ikaw, Samuel, tahimik ka lang ah! Ako na bahala dito.” Pahirit pa niya. “Yan ba ‘yung rason bakit ka sasabat sana kanina? Si Heicho ba?” Bryan asked.
     “Opo, kuya. Kasi base sa mga kwento mo dati, mukhang si Heicho po ang pinaka-astig sa Torchwood 26! Hindi ko aakalaing mamamatay siya…” Bulalas ni Samuel.
     “Pambihira! Alam mo bang muntik na kami atakihin sa puso ni Bryan? Samuel, sabi ko naman diba ‘wag kang magsalita kung hindi kita sinisenyasan!?” Nanghihinayang ang boses ni Master.
     “Hayaan mo na. Nakalusot naman eh!” Depensa ni Bryan sa kanyang pinsan.
     “Sabagay. Nga pala, tinanong ni Lora kanina kumbakit wala raw akong pseudo-STT ba ‘yun? Ano ba ‘yun?” Tanong ni Master.
     “Parang teleporter ‘yan. Binibigay sa mga Initiates if ever malapit na silang gawing official member ng isang Torchwood branch” Sabay pakita ng STT ni Bryan. “Ito ang STT. Alam kong wala kang pseudo-STT, kaya magdahilan ka na lang. Kuha?” Tumango lang si Master.

          Nagkasundo ang tatlo. Sumali na rin si Bryan sa pagkain ng chaolong dahil nagugutom din ito. Timing naman na nakauwi na sina Milo at Karlo galing CDO. Sinalubong sila ni Lora at tatlo silang lumapit kina Master.

     “Okay. We’re convinced.” Karlo told their three guests.
     “Buti na lang at maayos na nakasagot ang mga katrabaho mo, kuya Bryan!” Milo commended his co-leader. “Kung hindi, nako lagot na siguro kayo.” He gave them a satisfied smile.
     “Teka, may tanong pa ako.” She faced Master. “Asan ba pseudo-STT mo?” She dropped the question Master was expecting.
     “Hmmmm… ayun nga… habang naliligo kami sa ilog, nadala kami sa lakas ng agos ng tubig. Nung iaabot ko na sana ang kamay ko para hilahin si Samuel… aksidenteng nahawakan n’ya pala ang pseudo-STT ko. Ayun, natanggal sa kamay ko’t nawala…” He lied sabay tapik sa paa ni Samuel, kaya napatingin ito.
     “Anong pseudo-STT, kuya?” Gets na niya ang ibig sabihin ni Master.
     “’Yung parang relong nasa kamay ko parati? Teleporter ‘yun, bunso eh.” He replied.
     “Ah! ‘Yun ba! Teleporter pala ‘yun!?!” He gave a fake amusement. “Natanggal ang strap nun nung nahawakan ko! Hala, kuya! Sorry!’ Umaarte si Samuel na naluluha. Napangiti ng konti si Bryan sa galing ng pag-arte ng pinsan niya. “Kung hindi ko natanggal ‘yun edi sana nakabalik tayo agad!” Nag-lip bite siya, kunwari nahihinayang!
     “Ayus lang ‘yun! Ang importante ligtas na tayo.” Sabi ni Master, nakangiti, habang tinatapik ang balikat ng kapatid.
     “TEKA! BUTI NAALALA KO PA! I DID SOME CHECKING! MAGPINSAN KAYO BRYAN AT SAMUEL DIBA!?!?!” Nag-iba na naman ang mukha ni Milo, and this time, pati na rin sina Lora at Karlo na nagulat bigla. “Niloloko n’yo ba kami!? Tell the truth…” Matatalim ang mga titig ni Milo!

          Nagulat ang tatlo! They did not expect that! Nakaramdam sila ng pawis na tumutulo sa kanilang mga likod at noo, at ultimo pati si Bryan mukhang hindi makasagot…

     “Okay… please explain this…” Karlo si trying to keep his composure, habang nagtitinginan ang tatlong bisita nila.
     “Ummm… opo, magpinsan po kami ni kuya Bryan. But hindi po kami ganun ka-close.” Tanging si Samuel lang ata ang may sapat na lakas ng loob para magdahilan. “Nagulat po ako nang malaman kong Torchwood agent pala siya –––”
     “Paano mo nalaman na may Torchwood? Nung nag-uusap kami tungkol diyan kanina, tulog ka ah! Magpaliwanag ka!” Karlo commanded Samuel strictly.
     “Nung nagising po ako, kwinento po sa akin lahat ni kuya Master ang lahat… pero hanggang ngayun po’y hindi ko siya maintindihan. Kahit naguguluhan po ako, alam ko pong hindi makakatulong kung basta-basta na lang po ako magsasalita… kaya nanahimik na lang po ako kanina habang nagu-usap po tayo lahat.” Mautal-utal ang mga salita at nanginginig ang mga tuhod ni Samuel, at pinipilit niyang pakalmahin ang kanyang paghinga kahit nahihirapan na siya.
     “E ikaw, Bryan? Ano masasabi mo?” Nakataas ang isang kilay ni Lora habang nakalagay sa magkabilang baywang ang mga kamay nito.
     “He’s telling the truth. Magpinsan nga kami, but I assure you, walang idea ‘yang si Samuel sa Torchwood. I never gave him hints or an idea of what we really are about.” Bryan said to them seriously. “Kasi… as expected, hindi makakaya ni Samuel if ever malalaman niyang may Torchwood ngang nage-exist sa mundo.” He further reasoned. “I once secretly measured his brain capacity, hindi niya kaya ang anything Torchwood-related.” He further added.
     “Isa pa po… I never expected that mae-encounter ni Samuel kung ano talaga ang Torchwood. Honestly po, magkaibigan talaga kami ni Samuel… but hindi ko siya pinagsabihan. Nung nagising siya, wala na akong choice kundi aminin sa kanya ang lahat…” Mautal-utal si Master na nagsalita. Takot siya dahil konting mali lang ng mga salita, alam niyang patay silang lahat.
     “Hmmmm… totoo ba lahat ng ‘to?, Samuel?” Karlo calmly asked with a small smile in his face.

          Isang inosenteng ‘Opo.’ ang narinig niya. Kaya nakangiti siyang tumalikod at may kinuhang iilang mga bagay. By the looks of it, mukhang alam na nila Bryan at Master kung ano ang mga ito. Nakangisi si Karlo na bumalik sa kanila.

     “Samuel, tapos ka na ba kumain? Busog ka ba?” Tumango lang ang kanyang kausap. “E ikaw, Master?” Napa-’Oo’ lang ito. “Masarap ba ang chaolong?” Habang nakangiti ay ginantihan lang siya ng mga maliliit na ngiti ng kanyang dalawang kausap.
     “Guys, alam n’yo,  napaka-harsh ninyo! Hindi n’yo lang ba iwe-welcome ang pinsan ko tsaka ang Torchwood Initiate ko? Daig n’yo pa ang pulis maka-interrogate ah! Smile naman!” Tumatawa-tawa lang si Bryan as he flashed his handsome smile to everyone.
     “Ba! Oo nga no!” Tumawa lang si Milo. “Sorry, guys.” Napilitan na lang ding tumawa sina Master at  Samuel.

          Kinuha agad ni Milo ang mga kinuha ni Karlo, at iba ang titig niya kila Bryan at Master.

     “Para mas kumalma kayo, uminom kayo ng tubig!” He reached out 3 glasses of water with a smile. “Itong isa, para kay Samuel! Since siya ang pinakabata, dapat siya ang maunang uminom para mas mabilis siyang kumalma. Malamig pa ‘yan!” He gave the glass of water with a little smile in his mouth.

          Titig at ngiti pa lang, alam na nina Bryan at Master kung ano ang mga ‘yun.
          Nakita nilang bumagsak si Samuel sa kanilang harapan.

     “I’m sorry, bunso…” Tanging bulong ni Master sa sarili, may isang luha na tumulo sa kanyang mata bago tumingin sa malayo...

ITUTULOY…

TORCHWOOD TRIVIA:

          Ang orange na pendant na ginagamit ni Bryan para marinig ng Torchwood 26 ang usapan nila ay unang na-mention sa part 4 ng kwentong ito. Hawak-hawak ‘to ni Bryan habang umiiyak sila ng kanyang mga kasamahan sa pagkamatay ni Heicho.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Torchwood Files (Part 23)
Torchwood Files (Part 23)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjtFdL7Yntqcaey02UZ2Ir5ltzDHJ7xovUT4G81VH3yjvNfzoh9h2f70EXWJvS5PwPkp7_M5gfkv-IvUHbZTIhhICEXvx3rAnl-8xr834lRjJdbIeZcQ_6C4dBAxV5pa93RlUs4X1_XYJeo/s1600/gui1256.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjtFdL7Yntqcaey02UZ2Ir5ltzDHJ7xovUT4G81VH3yjvNfzoh9h2f70EXWJvS5PwPkp7_M5gfkv-IvUHbZTIhhICEXvx3rAnl-8xr834lRjJdbIeZcQ_6C4dBAxV5pa93RlUs4X1_XYJeo/s72-c/gui1256.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/03/torchwood-files-part-23.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/03/torchwood-files-part-23.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content