$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

All These Maybe's

By: Kier Andrei AUTHOR’S NOTE: So here’s a new one. Sorry at medyo naging busy. Ang hirap maghanap ng bagong anggulo ng kwento eh. I hope yo...

By: Kier Andrei

AUTHOR’S NOTE: So here’s a new one. Sorry at medyo naging busy. Ang hirap maghanap ng bagong anggulo ng kwento eh. I hope you enjoy this one too. Baka po mas matatagalan na naman bago ako makapagsulat. Honestly, reading your comments and e-mails makes me want to write more. I didn’t expect the LGBT community to be as receptive as this when it comes to the things I write. Pero gaya po ng paulit-ulit kong ssinasabi, WALANG FOREVER, Lifetime lang. :-)

Thank you guys for always being nice to me.

“Please… Come back to me…”

Hindi ko na naituloy ang pagpasok sa loob ng private room na iyon sa hospital kung saan ako nagtratrabaho bilang isang nurse nang marinig ko ang boses ni Kurt. Bigla kasi ay nanghina ang tuhod ko ng wala sa oras. Nagsimula na ding manginig ang kamay kong nakahawak sa seradura ng pintuan. Bago ko pa man namalayan, umagos na ang luha ko. Kung hindi pa siguro iyon tumulo sa kamay kong nakahawak pa rin sa seradura ay hindi ko talaga mapapansin.

Dahan-dahan kong hinila pasara ang pinto at tumitig lamang doon. Pinigilan ko ang sarili kong mapahagulgol. Naka-duty pa rin ako ng mga oras na iyon at siguradong tatanungin ako ng head nurse namin kung sakaling makita niyang namumula ang mga mata ko, iyon pa kayang bigla akong humagulgol sa hallway.

Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim habang pinipilit kalmahin ang aking sarili. Isang ngiti na din lang ang pinakawalan ko sa nakapinid na pintuan.

“It took you long enough…” Sabi ko kahit alam kong hindi ako naririnig ni Kurt bago naglakad pabalik sa Nurses’ station. Sakto namang nasalubong ko sina Mandy, Ate Kris, at Anne.

Nang makita nila ako ay agad na bumakas ang pag-aala sa mga mukha nila. Ngumiti lang ako sa kanila saka umiling para sabihing huwag na muna silang tumuloy. Sigurado kasi akong sa kwartong iyon din ang punta nila.

“He’s finally here…”Nangingilid ang luhang sabi ni Ate Kris. Halatang-halata sa boses niya ang pinaghalong paggaan ng dibdib at pag-aalala para sa akin. Ngiti lang ulit ang isinagot ko.

Naramdaman ko na namang muli ang pagtulo ng mga luha ko at hindi ko na iyon pinigilan pa. Nang mga oras na yon, wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. I’ve always known that this day would come. Ilang beses ko na nga ding inihanda ang sarili ko para doon pero hindi pa rin pala talaga kaya. Masakit pa rin pala.
“Ang sama-sama ko…” Sabi ko na gumagaralgal ang boses.

Iyon naman kasi ang totoo. Kung magpapakatotoo lang ako, sigurado akong isusumpa ako ng tatlong pinakamalalapit na kaibigan kong nakatayo sa harapan ko, na isusumpa ako ni Kurt.

“I wanted him to die…” Dagdag ko pa bago tuluyan nang napahagulgol. Nabitiwan ko pa ang patient record na hawak ko at umalingawngaw ang pagbagsak ng clipboard sa sahig kasabay ng paghagulgol ko. Ni hindi ko magawang tignan silang tatlo sa mata dahil ayaw kong makita ang reaksiyon nila.

Alam ko sa sarili ko na mali. Alam ko sa sarili ko na hindi tama, na hindi dapat ako madamot. Pero hindi ko mapigilan. Tao lang ako. Maramot, makasarili. Pero ang kalahating parte ng pagkatao ko ay gusto akong pagmumurahin na nagawa ko pang isipin iyon, na sabihin ng malakas.

One of our closest friends almost died and there I was wishing that he was dead. Ang sama-sama kong tao.

Lalo akong napahagulgol ng malakas nang bigla akong sugurin ng yakap noong tatlo. Ramdam ko ang pagyugyug ng mga katawan nila sa pag-iyak. Iyon bang pinagsamang saya na sa wakas, nahanapan din ni Kurt ang bayag niya para puntahan si Kuya Rafael and in the process, ako naman ang iwanan niya nang tuluyan. He finally made a choice, and as I have expected, kapag umabot sa puntong iyon, hindi ako ang pipiliin niya.

Napahagulgol akong lalo sa kaisipang iyon. Kung hindi ko pa siguro narinig ang papalapit na yabag ay hindi pa ako hihiwalay. Paglingon namin, ang umiiyak pero nakangiting si Kurt ang bumungad sa amin.

“He’s awake…” Aniya na sa akin nakatingin.

Hindi ko alam kung alin ang mas matimbang, iyong pagluwag ng loob ko na sa wakas, pagkatapos ng tatlong buwang paghihintay, nagising na din mula sa coma si Kuya Rafael, o ang katotohanang ang mundo ko naman ang gumuho sa balitang iyon. He was back, the one who had always owned Kurt at kailangan ko na siyang isauli kahit masakit at mahirap.

“Don’t let him go this time…” Sagot ko na lang sa kanya bago ako naglakad papalayo.

Napangiti na lang ako ng mapait habang pilit inaalala kung paano nga ba nagsimula ang lahat-lahat.

Twenty-fifth birthday celebration iyon ni Kuya Rafael nang una kong makilala si Kurt.  Kung tutuusin, hindi pa naman talaga kami ganoon ka-close ni Kuya Rafael noon. Feeling close lang ako kumbaga pero hinayaan lang niya ako.

I have heard about him noong nasa unibersidad pa lamang kami pero hanggang doon lang. Ilang beses ko na din naman siyang nakita dahil na nga din sa pareho naming kaibigan si Anne at Mandy.

We didn’t really have the same circle of friends to begin with maliban sa iilan na talagang nakakasama namin paminsan-minsan. Malaking bagay na din siguro na iyong mga kaibigan niya sa unibersidad noon ay iyong masasabi mong intellectual elite. Iyon bang simula pa lamang ay alam mo nang magpapakamatay kung walang Latin honors na nakakabit sa pangalan nilapagka-graduate. Isa pa, dalawang taon ang tanda niya sa akin at ni minsan ay hindi din naman kami naging magkaklase.

Ganoon na nga lang ang pagtataka ko noong una ko siyang makasama dahil maliban sa malakas pala talaga siyang mang-asar, kalog din pala siya at madaling lapitan. Sa mismong unibersidad kasi, may agka-snob siya na hindi mo naman maiaalis dahil may karapataan naman siya kung  tutuusin. Iyon nga lang, minsan, iyong mga banat niya, medyo nakakabobo. Iyong hirit bang pang-matatalino talaga.

Aminado ako na noong una, naiinggit ako kay Kuya Rafael dahil lagi siyang napapalibutan ng mga tao and it seems that they genuinely like him. Aminado din akong crush ko siya dati. Sinabi ko nga iyon sa kanya noong unang kita pa lamang namin pero tinawanan lang niya ako.

“I’m honored. But as for them, they are my competitions and it’s only natural for them to keep me close,” Aniya na hindi ko agad naintindihan noon. Alam kong hindi naman iyon kalaliman pero kapag kasi kinakausap niya ako dati, lumulutang ang utak ko. Nakakalinod kasi siyang tumingin at ngumiti. Siyempre, bakla ako, kahit gawin mo siyang silent film, wala akong pake. Tititigan ko lang talaga siya ng tititigan.

Habang tumatagal, naintindihan ko din naman ang ibig niyang sabihin. He did hav a lot of friends pero iyong mga taong lagi kong nakikitang naakaaligid sa kanya, iyon iyong mga taong malapit lamang sa kanya dahil hinihintay nilang magkamali siya.

“You have to learn how to play the game,” Dagdag pa niya noon bago siya nagpaalam sa akin at muling nakihalubilo sa mga kasama niya. Kinindatan pa nga niya ako noon kaya ako naman si gago, nakalimutan agad iyong seryosong sinabi niya sa akin. Pero nang magtagal, mas naging malinaw sa akin ang lahat. Iyong mga kasama niya sa uibersidad, parang Microsoft 2003 lang, user friendly. Ay mali, friendly users pala.

Kaya siguro ganoon na lang kalaki ang pagbabago sa ugali niya kapag iyong mga tunay na kaibigan niya ang kasama niya. He would do the silliest things, tease everyone and just laugh his heart out unlike kapag iyong mga ibong mandaragit ang kasama niya na lagi siyang composed and formal. Para ka tuloy nanonood ng original version at parody kung minsan.

Kaya nga siguro pagdating namin ni Anne sa venue noong birthday niya, pareho kaming napanganga nang makita namin kung gaano kagulo ang mga nandoon. Maging si Kuya Rafael na ng mga panahong iyon ay isa nang computer software programmer sa isang kilalang data management company sa Makati ay naka-simpleng t-shirt na hapit lamang at saka pantalong maong. Naka-slip ons din lang siya na akala mo bahay niya iyong bar kung saan kami naroon.

“You came!” Salubong pa niya sa amin ni Anne sabay yakap ng mahigpit sa aming dalawa. Namula ako ng wala sa oras. Simula pa lang naman kasi, naguguwapuhan na ako kay Kuya Rafael at ng mga gabing iyon na medyo magulo pa ng kaunti ang buhok niya at kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya. Talagang kahit sino sigurong bakla ay kikiligin ng wala sa oras. He had always looked like a prince charming when he’s formal and all pero kapag ganoon pa lang rugged ng kaunti ay mas malakas ang appeal niya. Tipo bang bigla ka na lang isasalya sa pader at gagahasain.

“I just might kung hindi mo pa ako bibitawan, kuya!” Biro ko sa kanya na tinawan lang niya. Alam naman na kasi niyang bading ako simula pa lang. Niyakap niya muna si Anne bago ako muling binalingan.

“Why choose me if there are plenty of fishes in the sea?” Nakangiting sabi niya sa akin sabay tingin sa paligid na may kasama pang pataas-taas ng kilay. Noon ko lamang pinalibot ang mga mata ko sa loob ng bar at literal na muntik na akong mapanganga. Gorgeous men are everywhere. Iyong iba may mga kasamang magaganda ding babae pero siyempre ulit, bakla ako, malamang sa lalaki nakatutok ang tingin ko.

“Some of them are straight while some of them are just playing it straight so choose wisely,” Sabi pa niya na akala mo ay game show host. Feeling ko bigla, ako ang may birthday at hindi siya.

It wasn’t really surprising na halo-halo ang kaibigan niya, karamihan pa mayaman. Sabi nga nila, good people attracts good people, good looking people attracts good looking people. Ayun, parang nagsama-sama sa iisang bar ang lahat ng guwapo at magaganda sa buong Pilipinas. May mga international pa kung tutuusin.

“Anak ng puta, kuya! May facial requirement ba ang mga kaibigan mo?” Komento ko ng mga oras na iyon habang halos maglaway na din sa mga lalaking nandoon.

“Kind of, and you passed,” Aniya sa akin na may kasama pang pagtapik sa pisngi ko bago niya kami hinila at ipinakilala ako sa lahat ng nandoon.

Halos mahilo ako sa dami ng taong nasa loob ng bar pero halos lahat naman sila, mabait. May mga ilang snob, karamihan ay babae pero hindi naman sila bastos. Iyon bang tipong nanunukat lang. Halata naman kasi na kumara sa amin, mayayaman ang karamihan ng nandoon.

Saka lamang ako medyo nakahinga ng kaunti nang si Kurt, Mandy at Ate Kris na ang ipinakilala niya sa amin. Kung mukha din lang ang pag-uusapan, lalaban din naman silang tatlo, lalo na si Kurt na lutang na lutang ang ka-guwapuhan ng gabing iyon. Pero hindi sila iyong tipong mag-a-ala-Anne Curtis na magsasabi ng, ‘I can buy you, your friends, and this whole archipelago.”

Medyo kulot ang buhok ni Kurt at tulad ni Kuya Rafael ay medyo magulo iyon. Bilugan ang mapupungay na mata, matangos ang ilong, pinkish na mga labi. Bukas din hanggang ikalawang  butones nang suot niyang simpleng hapit na polo kaya kita ang mabining balbon sa matambok niyang dibdib. Idagdag pang sa lahat ng nandoon, tatlo lamang yata silang talagang masasabi mong matangkad talaga, tipong mga lampas anim na talampakan.

Si Kuya Rafael at iyong ana-anakan nitong si Allen na una ko nang nakilala ang natitirang dalawa. Matatangkad din naman iyong iba pang nandoon pero silang talo ang masasabi mong towering. Silang tatlo din ang pinaka-guwapo sa lahat ng nandoon. Kung tutuusin, mas type ko iyong Allen kaso, may pagka-isnabero. Tinignan pa talaga ako mula ulo hanggang aa noong ipinakilala ako ni Kuya Rafael kaya medyo irritable ako sa kanya. Pero nalaglag talaga ang brief ko ng wala sa oras. Ang halimaw lang tumingin. Tipo bang isang sulyap pa lang, alam mo nang hiindi maganda ang iiisip pero iyong tipong papayag ka pa rin.

“So… You’re the new recruit to the Beautiful Creatures Club.” Nakangiting bungad sa akin ni Mandy noon. Namula ako ng wala sa oras. Alam ko namang hindi ako panget pero to be called beautiful, kahit pa babae ang nagsabi noon, iba pa rin ang dating. Siyempre, hindi na lang ako umimik. Pakeme lang ng kaunti.

“And he blushes!” Natatawa pang sabi ni Ate Kris.

Sa pagkakaalam ko, sila ni Kuya Rafael ang pinakamatanda sa lahat ng nandoon. They have been best friends since they were kids ayon kay Anne. At sigurado ko, tulad ni Kuya Rafael, anak mayaman din.

Pagbaling ko kay Kurt, nginitian lang niya ako bago muling bumalik ang tingin niya kay Kuya Rafael. Napansin yata ni Mandy ang pagkunot ng noo ko kaya bigla niya akong binulungan.

“He says he’s straight,” Natatawang sabi niya na lalong ikinakunot ng noo ko.

Sa pagtingin pa lang kasi ni Kurt kay Kuya Rafael, alam mong iba na ang dating. Nagtatanong na tinignan ko lamang si Anne na nakangiti din ng makahulugan. Nagkatinginan pa sila ni Ate Kris.

“He says that Rafael is the exemption, not our loud though. Naging straight na lahat ng mga bakla, hindi iyan aamin hanggat hindi nauuna si Raffie” Dagdag naman ni Ate Kris.

Napalingon tuloy ako kay Kuya Rafael ng wala sa oras na ng mga panahong iyon ay kausap pa din si Allen. Sakto namang napatingin din sila sa amin at kumaway mula sa kabilang dulo ng bar.

Hindi nakaligtas sa akin ang biglaang pag-akbay ni Allen kay Kuya Rafael, nakatutok ang mga mata kay Kurt. Bumalik tulo ang mga mata ko kay Kurt na nag-iwas ng tingin. Kung tutuusin, sa kanilang tatlo, wala talagang mukhang bading. Tipong kahit siguro maghalikan sila sa harapan mo, aakalain mong bromance lang. Pero kung ang pagbabasehan ay ang mga komento nina Ate Kris, may something. Nanghinayang tuloy ako na wala akong dalang asin para sabuyan silang lahat. Kapag nagkakaliskis, confirmed!

“And the I’m-not-gay-or-jealous-drama continues. ..” Bulong na naman sa akin ni Mandy bago kami hinila papunta sa lamesa kung nasaan ang mga pagkain. Sumama na din sa amin nina Anne si Ate Kris. Alanganin pang sumunod na lang sa amin si Kurt pero palingon-lingon pa din kina Kuya Rafael.

“Obvious na obvious naman eh,” Bulong ko sa sarili ko. Siyempre, kilala ko din naman ang mga tinging ganoon. Ilang beses din naman kasing ako ang nasa sitwasyon niya eh. Naawa tuloy ako ng wala sa oras sa kanya.

Alas-dos na yata ng madaling araw nang magsimulang mag-alisan ang mga bisita ni Kuya Rafael, karamihan sa kanila, lasing na. Doon ko pa nga lang nalaman na sa pamilya pala ni Kuya Rafael iyong bar na iyon kaya pribadong-pribadong amin lang ng mga panahong iyon.  Hanggang sa umabot sa puntong ako, si Anne, si Mandy, si Ate Kris, si Kurt, si Allen, at Kuya Rafael na lamang ang natira.

Lasing na lasing na lumapit pa sa akin si Kuya Rafael at saka ako niyakap ng mahigpit, humihingi ng paumanhin na hindi man lang niya ako naasikaso.

“Ano ka ba naman, kuya. Okay lang iyon. Hindi naman ako importante,” Sabi ko na lang.

Nagulat pa ako ng bigla niya akong haikan sa pisngi bago umupo sa pinakamalapit na stool. Siyempre, at uulitin ko na naman, bakla ako at may tama na din kaya iba ang dating sa akin noon. Kaso, kikiligin na sana ako nang maramdaman ko ag dalawang pares ng mga mata na masama ang tingin sa akin mula sa magkabilang direksiyon.

Paglingon ko sa kanan, matiim na nakatingin sa akin si Allen at kung may perfect man siguro na example ng guwapong demonyo, siya na iyon. Napaka-amo ng mukha niya pero ng mga oras na iyon, akala mo papatayin niya ako. Paglingon ko naman sa kaliwa, mabilisang nag-iwas ng tingin si Kurt.

“Ano? Inggit kayo?” Inis kong sabi sa kanilang dalawa na ikinatawa ng nina Ate Kris.

“So that’s the reason why Rafael likes you,” Komento pa ni Ate Kris.

Pumalakpak ng wala sa oras ang tenga ko. Like daw eh. Ilang kembot na lang, love na, tapos konti pa, may kasama nang pagnanasa! Pilipinas! Game na! Aba, si Kuya Rafael na iyon. Guwapo, mayaman, mabait, maganda ang katawan, almost perfect ika nga nila. Tatanggi pa ba naman ako?

“Ay, ate, paki-explain ang like na iyan bago ako umasa sa wala.” Natatawa ko na ding biro na may halong konting kaseryosohan. Pero imbes na sagutin ako ay sina Allen at Kurt ang tinignan niya, nakakaloko ang tingin.

“So which of you two is he trying to get off of his back with Daniel, here…” Malisyosong sabi pa niya na ikinataas ng kilay ko.

Hindi ko gusto ang dating noon. Ano ako? Insect repellant? Pero mukhang mas hindi gusto noong dalawa ang narinig dahil sabay pa silang umalis, sa magkabilang direksiyon nga lang.

Walang umiimik sa aming apat kaya nadako na lamang ang tingin ko kay Kuya Rafael na nakayupyop sa isa sa mga lamesa. Lumapit sa kanya si Anne at saka niyugyog.

“Hoy! Bumangon ka na diyan at wala na sila,” Natatawang sabi ni Anne na nagpakunot na naman sa noo ko lalo.

Lalo pang nagsalubong ng tuluyan ang kilay ko nang makita kong basta na lamang tumayo ng nakangiti si Kuya Rafael at saka lumapit sa akin. Kung kanina ay mukha itong lasing na lasing, ngayon naman ay parang bagong gising lang ang peg.

“Artista yata ang kumag na ‘to,” kako na lang sa sarili ko. Ang galing eh! One moment, engla, thee next, ayun, buhay na buhay agad.

“Thanks! I owe you one,” Nakangitii lang niyang sabi sa akin bago kumuha ulit ng beer mula sa pinakamalapit na cooler. Inabutan na din niya ako bago umupo sa tabi ko.

“Baka gusto ninyong mag-explain?” Sabi ko sa kanilang apat. Nagkatinginan pa silang lahat bago humagalpak ng katatawa.

“Sorry. They were just snapping at each other since the beginning and I needed a way out.” Aniya na mukha naamang seryoso sa paghingi ng tawad.

“What’s wrong with them anyway? Lalo na si Allen! God! There is something wrong with that kid. He always worries kapag nandiyan si Kurt kahit ilang beses ko nang sinabi sa kanya na straight iyong tao.” Litanya ni Kuya Rafael na ikinakunot na naman ng noo ko. Akmang magsasalita na ako pero pinigilan lang ako ni Anne.

“Huwag ka nang mag-effort. Hindi uubra,” Aniya sa akin.

“So, is Allen in love with you?” Tanong ko na lang.

Aminado ako, medyo nanghinayang ako ng kaunti sa tanong kong iyon. Kahit naman kasi mukhang may kasamaan ang ugali eh si Allen iyong tipo ng demonyo na pagsasanlaan mo talaga ng kaluluwa sa kaguwapuhan.

“God! No!” Ani Kuya Rafael na nalukot pa ang mukha. “He just likes protecting me at may pagka-dense daw ako. You are more his type, actually.”

Natawa ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niyang iyon.

“Utot mo, blue! Ako pa inuto nito!” Hindi ko napigilang maikomento.

Imbes na mapahiya ay natawa lamang si Kuya Rafael. Maging sina Ate Kris ay natawa na din. Iyon nga lang at may parte ng pagkatao ko na hindi naniniwalang hindi in love sa kanya si Allen.

“And Kurt?” Tanong ko ulit. Bigla tuloy gusto kong magsisi nang isang malungkot na ngiti ang pinakawalan niya bago sumagot.

“He’s straight.” Maikli niyang sagot bago itinungga ang laman ng bote. Hindi na ako nagsalita pa.

Tama nga si Allen, dense nga talaga si Kuya Rafael. Pwede ding in denial. Sayang lang kasi bagay sila ni Kurt. Sila ba iyong tipo na grow old with you ang drama kapag nagkataon. Sa tingin ko lang naman.

Nakailang bote pa siguro kami bago nagkayayaan na ding umuwi. Inihatid pa ako ni Kuya Rafael sa bahay namin.

“So? May nakita ka bang nagustuhan mo?” Tudyo pa niya sa akin.

“Ay, wala. Out of my league silang lahat. Mahiya naman ako sa balat ko di ba?” Biro ko na lang na hindi naman nalalayo sa katotohanan. Mahirap lang naman kasi ang pamilya ko. Kung tutuusin, dadalawa na lang kami ni nanay simula nang mamatay sa minahan si tatay. Kung hindi pa nga nagbayad ng malaki iyong mining company ay hindi ako nakapagtapos ng nursing.

“All is fair in love and war,” Aniyang nakangiti sa akin pero mukhang mas sarili niya ang kinukumbinsi niya. Naalala ko na naan tuloy iyong pagtingin sa kanya ni Kurt buong gabi. Ngani-ngani na akong magkumento pero pinigilan ko ang sarili ko.

“Kaya kung ako sa iyo, when love chooses you, never let it go, kahit pa may ibang masaktan.” Dagdag pa niya.

“Ang unfair naman yata nang ganyang pag-iisip, kuya,” Sabi ko na lang.

“Mas unfair iyong hindi mo pagbibigyan ang sarili mong maging masaya para lamang sa ibang tao. In the long run, parepareho lang kayong masasaktan kung sakali.” Aniya. Tumango na lang ako.

Isang linggo pagkatapos noon, nagulat na lamang ako ng bigla akong bisitahin ni Kurt sa ospital kung saan ako nagtratrabaho. Lalo pa akong nagtaka nang yayain niya akong mag-dinner.

“Anong ganap?” Tanong ko sa kanya ng deretsahan. Ganoon naman kasi talaga ako. Hindi ako mahilig sa palabok.

Mukhang inaasahan na niya angtanong na iyon dahil isang pagkatamis-tamis lang na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Kung may natitira man sigurong bahid ng pagkalalaki sa katawan ko, nang mga oras na iyon, naglahong parang bula nang makita ko ang ngiti niya. Pakiramdam ko, biglaang nag-trip to Thailand ang bayag ko para maging fallopian tubes.

“I’m asking you out on a date,” Aniya lamang na ikinanganga ko ng wala sa oras pati na din ng mga kasama kong nurse. Nasa may nurses station kasi kami ng mga oras na iyon. Alam naman nilang lahat ang preferences ko kaya sigurado kong ang katotohanang isang mala-Greek God ang nagyayaya sa aking mag-date angikinanganga nila. Hindi pa man ay ramdam ko na ang imaginary nilang pagsabunot sa akin sa mga isip nila.

Kaso, imbes na ma-impress, agad na bumalik mula Thailand ang mga bayag ko ng wala sa oras. Tandang-tanda ko pa kasi kung paano niyang tinititigan si Kuya Rafael noon. Kahit siguro si Zeus pa siya na nagkatawang lupa, hindi ko siya papatulan. Hello na lang? Wala sa mga plano ko sa buhay ag maging panakip-butas. Ano ako, tampons?

“You are barking up the wrong tree. Better luck next time. Goodbye.” Sabi ko sa kanya sabay talikod. Bakla na nga ako, gagawin pa akong panakip butas? Ano siya, sinuswerte?

Eh ang kaso, makulit ang lahi. Halos araw-arawin niya akong pinupuntahan sa hospital. Muntik-muntikan ko na siyang ipa-ban ng wala sa oras. Kung hindi nga lag ako pinagbantaan ng mga hitad kong kasamahan sa ospital na tuturukan nila akong lason ng wala sa oras kapag ginawa ko iyon ay baka talagang ipina-ban ko na siya. Hindi pa talaga nakuntento ang mokong at maliban sa pinuputakte niya ako sa ospital, pati na din sa text at tawag, maging sa bahay namin ay bigla na lang niya akong binibisita. May dala pa talagang flowers at chocolate ang kumag kung minsan kaya ang nanay kong etchusera, ayun, kinikilig.

“Anak! Huwag ka nang choosy. Dali na! Humayo kayo at maglumandi!” Sabi pa ni Nanay sa mismong harap ni Kurt. Hindi ko talaga alam kung supportive ba talaga siya o talagang may sira lang talaga sa tuktok.

Napuno na ako ng tuluyan ng minsang naka-night duty ako at maabutan ko sila ni nanay na nagluluto ng agahan sa bahay namin. Walang sabi-sabing hinila ko siya papasok sa kwarto ko at kinausap ng masinsinan.

Ang nanay kong maluwag ang turnilyo, ayun, nagsiksik pa ng condom sa ilalim ng pintuan at saka sachet ng lube. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako sa kanya o ipapalibing ko siya ng buhay. Lalong uminit ang ulo ko nang pagkakita doon ay bigla na lamang magtanggal ng damit si Kurt. Dahil sa inis, hinayaan ko siyang makapag-hubad hanggang sa brief na lang ang natira. Nang tignan niya ako ng nakangiti, tinaasan ko lang siya ng kilay. Assuming lang ang kumag.

“Anong akala mo sa akin, kaladkarin?” Bara ko sa kanya na ikinapula niya ng wala sa oras. Ganda ko, di ba?

Pero aaminin ko, muntik-muntikan na akong magpakaladkad. Diyos ko! Muntik akongnapaluhod ng wala sa oras. Pero siyempre, pigil-pigil ng kaunti. Walang magandang nangyayari kapag inuuna ko ang libog. Pabalik-balik man ang mata ko sa pinkish niyang nipple na sinlaki ng piso at halos magwala man ang alaga ko sa loobng suot kong uniporme sa tuwing nakikita ko ang susi nang langit na hindi man lang itinago noong suot niyang brief, kunwari dedma na lang muna. Ang laking pintuan yata ng binubuksan noon, tipong gate ng Hogwarts, ganerms.

“But---“

“But wait there’s more!” Putol ko sa sasabihin niya.

Tulalang napatingin lang siya sa akin, hindi alam kung pupulutin ba ang damit niya at saka isusuot ulit. Napakamot na lang siya sa ulo na alanganin ang tingin sa akin.  Muntik na naman akong mapamura. Ang sexy kasi ng kilikili niya. Kahit medyo mabuhok ay hindi mukhang mabaho. Ngani-ngani ko nang isubsob ang nguso at ilong ko doon.

“Behave!” Sabi ko sa sarili ko bago ko siya tinignan sa mukha. Distracting pa din pero mas carry na ng konti.

“Ibaba mo iyang kamay mo at nadi-distract ako!” Sabi ko sa kanya na tuluyan na niyang ikinangiti.

“Magkaliwanagan nga muna tayo.” Kako na lang bago pa ako ma-distract ulit. Mukha pa man din siyang distraction na tinubuan ng tao.

“Unang-una sa lahat, paano si Kuya Rafael?” Sabi ko na agad na pumalis sa ngiti niya. Sapul! Agad-agad. Medyo kinurot na ng kaunti ang puso ko ng mga oras na iyon. Ikaw ba naman ang dalawang buwan na ding kinukulit nang ganoon ka-guwapo kung hindi ka din magsisimulang mag-assume, di ba?

“Pangalawa, ano ba talagang gusto mo? You do realize that if you continue doing this, talking to me day and night, coming to work, cooking with my mom and all, I will get attached to you. Kahit wala naman talaga sa plano ko, I will. So before this goes on any further, liwanagin mo na kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari. Hindi iyong kapag nahulog na ako sa iyo ng tuluyan ay saka mo ako iiwan sa ere ng ganun-ganun na lang. Don’t make me fall in love with you kasi konting-konti na lang eh, papunta na eh.” Litanya ko sa kanya. Natahimik lang siyang nakatitig sa akin perokitang-kita ko ang paglalaro ng uncertainties niya sa guwapo niyang mukha.

Iyon din siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit kahit pinipigilan ko, hindi ko magawang hidi mahulog paunti-unti kay Kurt. He can be so vulnerable and strong at the same time. Siya ba iyong tipong ang sarap mahalin at alagaan.

“Is it really that bad to fall in love with me?” Mahina niyang sabi na punong-puno ng kalungkutan. Alam kong iyon din ang tanong na gusto niyang itanong kay Kuya Rafael pero hindi niya magawa.

“It is if you can’t love me back na ako lang.” Mahina ko ding sabi.

“Hindi ako si Kuya Rafael, Kurt. At wala akong balak na maging siya para sa iyo. It’s already hard enough to be gay, Kurt, since nobody really takes our feelings seriously. I’m not going to be someone else’s replacement to add insult to the injury,” Sabi ko sa kanya sabay pulot ng mga damit niya at abot nito sa kanya.

Pagbukas ko ng pintuan, napasubsob pa ang nanay ko sa dibdib ko. Napailing na lang ako at hindi nagkumento saka dumiretso papalabas ng bahay. Nang may dumang taxi, nagpahatid na ako sa bahay nina  Anne sa kabilang town. Hindi naman siya nagtanong nang basta na lamang ako pumasok sa kwarto niya at humiga sa kama.

Dahil naging busy, hindi na din kami masyadong nagkakasama at hindi pa niya alam ang ginagawang pangungulit sa akin ni Kurt. At nang mga oras na iyon, inunahan na ako ng pagod kaya hindi ko na naikwento. Paglapat pa lang kasi ng pisngi ko sa unan ay tulog na agad ako.

Hapon na ng magising ako at dahil wala ako sa mood na pumasok, tumawag na lang ako sa ospital para sabihin na hindi ako makakapasok. Dahil hindi naman talaga ako pala-absent, binigyan na lang ako ng three days emergency leave. Ayaw ko din naman munang umuwi kaya nagsabi na lang ako kay Anne na doon na lamang muna ako. Umoo lang naman siya agad. Sakto naman kasing weekends kaya wala siyang pasok.

Nang magyaya siyang mag-beach ng biglaan, hindi na ako nagdalawang  isip pa. Gusto ko din kasi sana munang makalayo ng kaunti para pag-isipan kung ano ba ang nararamdaman ko para kay Kurt. Oo at dalawag buwan pa lang naman iyon pero hello, four minutes nga lang ang kailangan para main-love ka sa isang tao eh, according to studies.

Ang kaso, hindi ko naman natanong kung sino ang kasama kaya pagdating namin ng Batangas, nagulat na lang ako ng makita ko sina Ate Kris, Mandy, Kuya Rafael, at Allen. Mas nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Kurt na halatang puyat at wala pang tulog. Ngani-ngani ko nang sabunutan si anne kaso naalala kong hindi nga pala niya alam.

Akala ko nga lalapitan ako ni Kurt ng mga oras na iyon pero hindi naman. Ipinagpasalamat ko na din lang iyon dahil hindi ko kasi alam kung ano ang biglaang masasabi ko kapag nagkataon. Ang kaso, si Ate Kris, as usual, stating the obvious na naman ang drama.

“Hindi ko gusto ang dynamics. Kaya bago pa tayo magpatayan, come out with it.” Sabi niya sabay ng paglilipat-lipat ng tingin sa amin ni Kurt. Napatingin tuloy ako sa paa ko ng wala sa oras. Ramdam na ramdam ko kasi ang pagdapo ng mata sa akin ni Kuya Rafael at hindi pa man ay nagi-guilty na ako.

“I’m courting him,” Walang gatol na sabi ni Kurt na ikinagulat naming lahat ng nandoon. Anak ng putang hayop na ‘to! Hindi man lang muna bumisina! Sagasa talaga agad!

Napataas ako ng tingin biglaan at naatingin sa kanya. Ang hayop, nginitian lang ako. Lumipat ang tingin ko kay Kuya Rafael at hindi nakaligtas sa akin ang sakit sa mga mata niya bago niya ako nginitian.

“At binasted ko siya,” Sabi ko bigla, para bang nagpapaliwanag kay Kuya Rafael. Ang kaso, imbes na matuwa ay parang lalong nalungkot si Kuya Rafael. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin o sasabihin.

“That doesn’t mean I am giving up on you,” Sabi na naman ni Kurt na hindi ko na talaga alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob. Gusto ko na siyang basibasin ng hawak kong bag. Higit sa lahat, gusto kong ibaon sa beach ng wala sa oras ang hitad na si Anne na para bang tuwang-tuwa sa development.

“Exciting!” Sabi pa ng hitad na hindi man lang mabasa iyong bigat ng atmosphere.

Maya-maya pa ay biglang lumapit sa akin si Kuya Rafael at niyakap ako ng mahigpit. Lalo tuloy akong nilamon ng guilt. Oo nga at hindi naman niya harapharapang inamin na mahal niya si Kurt pero hello, mas obvious pa iyon kesa sa kabaklaan ni Vice Ganda.

“He’s a good guy. You’re lucky that someone like him fell for you,” Aniya sa akin saka lalong hinigpitan ang yakap. Hindi na lang ako nagsalita.

Buong weekend pa rin akong binubuntutan ni Kurt na ikinairita ko talaga ng todo. Lalo pa kasing tumindi ang pag-aligid niya sa akin nang ianunsiyo ni Kuya Rafael na in a month’s time, susunod na siya kay Allen sa Qatar at doon na magtratrabaho. Doon ko nga lang nalaman na engineer pala ang demonyo doon.

Nang magkasarilinan, saka pa lamang ako nabigyan ng pagkakataon na makausap si Kuya Rafael.

“Take care of him, okay?” Sabi niya sa akin.

“Hindi ko sya mahal, kuya…” Sabi ko na lang.

“Pero?” Tanong niya sa akin na nakangiti. Kahit talaga anong gawin niya, hindi maitatago ang katotohanang nasasaktan siya.

“Hindi siya mahirap mahalin,” Sagot ko. Hindi agad umimik si Kuya Rafael ng mga panahong iyon. Tumingin lang siya sa dagat at nag-isip.

“I waited for him for seven years, Dan. And in that span of time, I ended up thinking na ang mahalaga lang naman ay maging masaya siya, even if its not with me. I’ve always believed he was straight. I wanted to believe that he was straight. It was easier that way. Kasi, kapag hindi, tapos hindi ako ang minahal niya, alam kong masasaktan ako ng sobra. And it does hurt, to be honest, like hell.” Litanya ni Kuya Rafael na halatang nagpipigil ng iyak.

“He loves you, kuya. You know that.” Kako sa kanya pero umiling lang siya.

“He chose you. That’s what matters the most. So love him, if you can. More than I do,” Sabi niya bago niya ako iniwan sa may beach ng mag-isa. Hindi na ako nagtangka pang sundan siya lalo na nang makita kong salubungin siya ni Allen.

Ipinagpatuloy ko lang ang pag-upo doon hanggang sa malapit nang lumubog ang araw. Nag-iisip lang, kumbaga. Hindi ko kasi makuha iyong unto na mahal niya pero hahayaan niyang maunta sa iba. Kung mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo, iyon ang pananaw ko.

Ilang beses din siguro akong nagpakawala ng buntong hininga. Kaso, biglang halos mapatili ako nang may magsalita sa likod ko. Andoon na eh, moment na eh, tapos bigla kang gugulatin.

“You’re not a replacement, Dan.” Biglang sabi ni Kurt na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala. Paglingon ko sakanya, nakatitig lang siya sa akin.

“You’re my second chance, the one chance to love that I never thought I would ever have again. So think about it.” Sabi niya na lalong nagpagulo sa isip ko. Sino ba naman ang hindi magugulo ang tak kapag sinabihan ka ng ganoon di ba?

Kasi kung magpapakatotoo lang ako sa sarili ko, masasabi kong walang halong kasinungalingan iyong sinabi ko kay Kuya Rafael, na hindi mahirap mahalin si Kurt. Pakiramdam ko nga, papunta na ako doon eh. Mga ilang kembot na lang.

At kung inaakala kong tapos na ang lahat, pauwi na kami pabalik ng Maynila ay si Allen naman ang kumorner sa akin. Nagulat pa talaga ako ng walang sabi-sabing sinuntok niya ako sa sikmura. Nasa loob pa ng beach house na nirerentahan namin noon iyong iba kaya walang ibang nakakita.

“You won’t get to hurt him again. None of you. I’ll make sure of that,” Sabi niya saka ako tinignan ng masama. Kahit namimilipit ay masamang tingin din lang ang ibinigay ko sa kanya. Isa pa kasi siyang sagasa lang ng sagasa eh. Punyeta! Wala ba talaga sa kanla ang marunong bumusina para man lang makapag-prepare ako ng kaunti? Ang masama pa, agad niya akong tinalikuran at akmang maglalakad na paalis.

“That’s just unfair,” Sabi ko na nagpatigil sa kanya sa pag-alis.

“Please don’t make him out as the victim dahil kung meron mang agrabyado sa sitwasyon na ito, ako iyon.” Sabi ko.

“I got dragged into this, Allen. So please, huwag mong isisi sa akin ang kaduwagan nilang dalawa. Kasi, kahit saan mo tignan, mahalin ko man si Kurt o hindi, ako ang talo. I will always be number two and tha’s never the best place to be in.” Sabi ko sa kanya saka ako nag-walk out.

Buong biyahe pabalik ng Maynila na ramdam ko ang pagtingin nina Allen, Kuya Rafael, and Kurt sa akin.  Wala akong pinansiin sa kanilang tatlo. Mukhang nakaramdam naman sina Mandy, Anne at Ate Kris dahil hindi din nagkumento.

That was more than four years ago. Pagkatapos ng weekend na iyon, hindi ko na ulit nakiita sina Kuya Rafael at Allen. Madalas ko pa ring nakakasama sina Ate Kris, Mandy at Anne. Lalong-lalo na nang buksan na ni Mandy ang Mandy’s Corner, ang coffee shop slash book store slash book rental shop niya. Naging tambayan namin iyon ng wala sa oras.

Si Kurt naman, lalo pang pinag-igi ang panliligaw sa akin hanggang sa umabot na din ng isang buong taon. As expected, I did fall in love with him. Maging si nanay ay kulang na lang talaga ay ampunin siya.

Kurt was sweet. Iyon bang tipong ihahatid pa niya ako sa ospital kapag gabi ang duty ko saka susunduin ng madaling araw. At kahit na noong sagutin ko na siya, hindi pa rin siya nagbago. Not falling in love with him would have been a mistake, iyon, kaya kong sabihin. He was not the perfect boyfriend pero pinilit niyang pasayahin ako sa araw-araw na magkasama kami. Lahat ng sumpong ko pinagpapasensiyahan niya. Kapag inalihan ako ng saltik at basta na lamang siya inaaway, siya pa rin ang nanunuyo. Minsan nga ay binabatukan na ako ni nanay sabay sabing huwag daw akong magmaganda dahil hindi ako maganda, guwapo lang, ano man ang ibg sabihin noon.

We had three good years together. Aminado naman akong malaking bagay iyong malayo si Kuya Rafael kaya naging kampante ako kahit papaano. Ni wala kaming naging balita tungkol sa kanya. Kung meron man akong nalalaman ay hindi ko na iyon sinasabi kay Kurt. Siyempre, nandoon pa rin naman yong takot ko. Sigurado din naman ako na wala silang communication dahil naging honest naman sa akin si Kurt at kung meron mang mas takot sa aming dalawa na makibalita, siya iyon.

Siguro ay iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit talagang minahal ko siya ng sobra. He never denied loving Kuya Rafael. Umabot pa nga sa punto na ginagawa na lamang naming biruan iyon. We were happy. Until one day, bigla na lamang isinugod sa ospital kung saan ako nagtratrabaho si Kuya Rafael at kasama pala siya sa naging banggaan sa EDSA.

Ang masakit pa, he was on his way papunta sa ospital para ibigay ang pasalubong niya sa amin ni Kurt. It was a couple shirt na siya mismo ang nagdisenyo at nagpaggawa especially for us.

He was in a coma for three months at sa loob ng tatlong buwan na iyon, walang ibang ginawa si Kurt kundi ang magkulong sa kwarto namin sa bahay. Natanggal na din siya sa ttrabaho dahil hindi siya pumapasok. Ilang beses ko siyang sinabihan na bisitahin man lang si Kuya Rafael pero iyak lang ang lagi niyang nagiging sagot. Nagalit na ako, nagmakaawa, pero wala pa rin.

Kung hindi ko pa nga siya sinabihan na tatanggalin na sa life support si Kuya Rafael ay hindi pa siya gagalaw.

“You could at least say goodbye…” Sabi ko sa kanya kahit na ang sakit-sakit na.

It has always been Kuya Rafael for Kurt. It will always be Kuya Rafael for Kurt. Nakita ko iyon sa loob ng tatlong buwan na iyon. Masakit at ilang gabi din talagang iniyakan ko ang lahat. Pero alam kong kailangan kong maging matatag, hindi para sa kanila kundi para sa sarili ko. Alam ko kasi na kapag nawala si Kuya Rafael, mawawala na din iyong Kurt na minahal ko at minamahal ko pa rin at malaki ang posibilidad na mangyari iyon.

Kaso, tarantado ang langit, ayun, ginising bigla si Kuya Rafael. And I know na noong moment ding iyon, that was it.Tapos na ang parte ko sa buhay ni Kurt, nila ni Kuya Rafael. Ako pa ba naman ang kokontra sa matagal naman na talagang nakatadhana? And as it seems, si Kurt din lang ang hinihintay ni Kuya Rafael to wake up. Ang sakit di ba? Kahit saan mo kasi tignan, ako pa rin ang lumalabas na kontrabida sa love story nila.

Dalawang araw pa ang lumipas bago ako ipinatawag ni Kuya Rafael. Literal na iniwasan kong mapunta sa wing nila dahil alam kong nandoon si Natha. Hindi naman ako tanga paralalong saktan ang sarili ko.

Nang pumasok ako sa kwarto, isang ngiti ang isinalubong sa akin ni Kuya Rafael. Ang laki ng ipinayat niya sa loob ng tatlong buwan na wala siyang malay pero kita ko pa din iyong Kuya Rafael na una kong nakilala. Kita ko pa din ang Kuya Rafael na iginalang ko at minahal ni Kurt. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. He was back, iyon naman talaga ang mahalaga, kahit ano pa ang maging kahulugan noon para sa akin.

“Akala ko hindi ka na magpapakita sa akin,” Sabi niya na nanghihina pa din ang boses.

“Do you hate me now?” Tanong niya sa akin ng hindi ako umimik. Nanginginig pa ang boses niya ng mga oras na iyon.

“I wanted you to die…” Diretsang sabi ko na sinundan ko ng hagulgol. Hinayaan lang naman niya akong umiyak. Matagal-tagal din iyon pero hindi siya umimik hanggang sa tuuyan na akong kumalma.

“Kung nabaliktad ang sitwasyon natin, I would have wished for the same thing…” Sabi lang niya sa akin ng nakangiti.

“I probably have done something to kill you too if it was me,” Dagdag pa niya na hindi ko alam kung bakit pero dahilan para mapatawa ako ng wala sa oras.

“Pero sa maniwala ka at sa hindi, I’ve always wished you two the best.” Sabi niya. Lumapit na ako sa kama niya ng tuluyan at saka hinawakan ang kamay niya.

“Akala ko kasi, ikaw na iyong magdudugtong sa naudlot kong love story.” Sabi  niya sa akin na may kasama pang mga luha. Doon ko na nakita kung anong uri ng impiyerno ang pinagdaan niya sa loob ng mga taong lumipas. He never stopped loving Kurt. Napapikit na lang ako ng wala sa oras. Pagmulat ko, nakatitig pa din siya sa akin.

“It had always been you, kuya. For him, it will always be you…” Sabi ko na lang.

Sa wakas, nagawa ko ding tanggapin ang katotohanang iyon. Yes, I wasn’t a replacement but I was never number one either. Pero bawal talaga yata ang heavy drama sa buhay ko dahil ayun at nasa momentum na ako at lahat, may sumingit na naman.

“Oh God! Can somebody just kill me now?” Sabay pa kaming napatingin ni Kuya Rafael sa pintuan ng marinig ang iritadong boses ni Allen.

“Nothing can ever get any gayer than this,” Diretsa niyang sabi bago lumapit sa aming dalawa sabay patong ng hawak niyang prutas sa lamesang katabi ng kama. Nakangiwi lang na nakatingin doon si Kuya Rafael. Ako din naman siguro ang mabigyan ng chesa na isang dosena, ganoon din ang magiging itsura ko.

“Chesa talaga?” Komento ko.

“Eh sa yon gusto kong ibigay eh. Bakit? Ikaw ba ang binibigyan?” Bara lang sa akin ng demonyo.

“Bakit ngayon ko lang? “ Iritable ko lang na sagot para itago ang pagkapahiya. Kung meron man kasing isang taong akala ko ay agad na susugod sa ospital, si Allen na iyon.

“Why do you care?” Bara lang niya ulit sa akin bago hinarap si Kuya Rafael. Kumulo tuloy ang dugo ko ng wala sa oras.

“Punyeta kang hayop ka! Muntik nang mamatay si Kuya Rafael! Tatlong buwan siyang nasa coma tapos iyan lang ang isasagot mo? Ano bang klaseng kaibigan ka.” Pasigaw kong sabi sa kanya. Oh di ba? Ako na ang nag-breakdown ng bigla-bigla. Mana nga yata talaga ako sa nanay kong lukaret.

“Oh come on! He’s not going to die! Hindi pa niya naililipat sa pangalan ko ang mga ari-arian niya!” Balewala lang na sagot ni Allen.

Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na bigwasan siya ng wala sa oras. Napa-aray pa ako sa sakit samantalang ang hayop, tinaasan lang ako ng kilay ng makabawi. Natulala na lang ako ng makita kong tumulo ang mga luha niya.

“Awww, are you crying?” Kung saan man humugot nang lakas ng loob si Kuya Rafael para asarin si Allen ng mga oras na iyon ay hindi ko na alam. Sa itsura pa lang kasi ni Allen, mukha na siyang papatay ng tao. Samantalang si Kuya Rafael, ayun, kahit halatang-halata namang na-touched, bumungisngis pa talaga.

Isang masamang tingin lang ang ibinigay ni Allen kay Kuya Rafael. Nanikip na ng tuluyan ang dibdib ko ng bigla siyang umupo sa may kama at saka hawakan ang mga kamay ni Kuya Rafael.

“You’re not doing this to me ever again, do you hear me?” Nanginginig pa ang boses na sabi ni Allen.

“I can’t believe I almost lost you….” Dirediretsong sabi ni Allen. Kahit ang simple nang sinabi niya, damang-dama ko ang sinserida sa bawat katagang iyon. Anuman ang dahilan kung bakit noon lang siya dumating, hindi na iyon mahalaga.

Nangilid na naman ang luha ko ng wala sa oras. Iniwan ko na lang silang dalawa doon. Hindi na din naman ako pinigilan ni Kuya Rafael. Isang tingin pa ang ibinigay ko sakanilang dalawa bago ako tuluyang lumabas ng pintuan. Kitang-kita ko ang pagyugyog ng balikat ni Allen kahit panga wala akong amrinig ni katitiing na iyak.

Sa isip ko, ang swerte ni Kuya Rafael. May Kurt na siya, may Allen pa siya. Siya na ang lubos na pinagpala.

Isang buwan pang namalagi si Kuya Rafael sa ospital pagkatapos noon. He still needed therapy kaya kahit nakalabas na ay kailangan pa rin niyang bumalik sa ospital paminsan-minsan at madalas kapag nandoon siya, si Kurt ang kasama niya. Bumalik na din naman kasi si Allen sa Qatar pagkatapos ng ilang linggo.

Pangatlong session na ni Kuya Rafael nang makapag-usap kami ni Kurt. Sakto kasing naka-break ako at punta ko lang sana sisilipin si Kuya Rafael nang madaanan ko sa waiting area si Kurt. Nang magyaya siyang magkape, hindi na ako nag-atubili pang umoo.

Dalawang buwan na din siyang hindi umuuwi sa bahay at alam kong kay Kuya Rafael na siya natutulog. Nai-empake  ko na nga rin iyong mga gamit niya at naghihintay na lamang ako ng lakas ng loob na dalhin iyon sa kanila. Alam na din ni nanay ang sitwasyon at tulad ng inaasahan, kulang na lang ay isumpa niya ang dalawa.

“Nay! Huwag kang OA. Ako ang sumawsaw.” Sabi ko lang sa kanya pero siyempre, nanay ko siya, ako talaga ang kinampihan niya. Maging sina Ate Kris, Mandy at Anne, ganoon na din lang ang suporta sa akin. Kapag bigla na lamang nawala si Kurt at natagouang patay sa kung saan, silang apat lang ang siguradong suspect.

Pagdating sa coffee shop, nakatungo lamang si Kurt. Nailing na lang ako.

“He needs you more than I do and you need him more than you need me. Tanggap ko na yon.” Sabi ko na lang sa kanya kahit ang sakit-sakit sa dibdib.

Tatlong taon din naman kasing iginugol ko ang buhay ko  kay Kurt. Pero sabi nga nila, dapat alam mo kung kailan ka lalaban at kung kailan ka aatras. At sa larong iyon, ako talaga ang matatalo hindi pa man nagsisimula. We played love over, the three of us. Siguro naman, sapat na ang mahigit tatlong taon nna parepareho kaming nasasaktan in our own ways.

“Thank you…” Mahina niyang sabi. Pasalamat ko na lang na hindi siya nag-sorry. Kung tutuusin, wala namang dahilan. Alam kong minahal din naman niya ako. Mas mahal nga lang niya si Kuya Rafael.

Ang kaso, tulad ko ding makiyeme si Kuya Rafael. Literal na hinayaan niya munang manligaw si Kurt. Halos isang taon din ang lumipas bago niya ito tuluyang sinagot. Kaya yata kami friends even after all that happened, pareho kaming baklang Maria Clara.

“Grabe ka naman, kuya! Three months lang ang hiningi ni Popoy samantalang ikaw, isang taon talaga ang pinalampas mo eh ten years ding naudlot ang love story niyo,” Biro ko pa sa kanya nang kausapin niya ako tungkol sa kanilang dalawa.

Siyempre, nandoon pa rin iyong kirot pero kapag naalala ko kasi kung paanong muntik nang hindi man lang sila mabigyan ng pangalawang pagkakataon, natatabunan iyon ng saya. Sa mundo kasi ng mga bakla, kapag nakakakita ka ng dalawang taong nagtatagal, selfish ka na lang kapag inuna mo pa ang inggit. Ang hirap maghanap ng taong magmamahal sayo at mamahalin mo rin, iyon bang tipong magtatagal. Kaya sa akin, kapag may nakikita ako, nagiging masaya na din lang ako para sa kanila.

If there was one thing that the whole experience taught me, it was that love is possible, kahit sa mga katulad namin nina Kuya Rafael na alternatibo ang pamumuhay.

Noon ko lang din naintindihan ang dahilan kung bakit nagawang ipaubaya sa akin ni Kuya Rafael noon si Kurt. Kapag mahal mo pala talaga ang isang tao, okay na sa iyo na makita siyang masaya kahit sa piling ng iba. Nagpalit lang kami ng rrole, kumbaga. This time, ako naman ang nagparaya, isang bagay na dati pa sana ay ginawa ko na. Ang ending, sila ang nagpatuloy ng love story na dapat sana ay sa amin ni Kurt. Pero ganoon naman talaga eh. Minsan, ang ending ng love story mo, karugtong lang ng love story ng ibang tao.

Ako naman, hindi din naman ako naghanap. Kung may darating eh di wow. Kung wala eh di wow pa din. Come what may na lang, ika nga.

Mag-iisang buwan na simula nang maging officially sina Kurt at Kuya Rafael nang magsimula akong araw-araw akong nakakatanggap ng bulaklak at kung anu-ano pa man sa ospital. Wala namang nakalagay kung kanino nanggaling. Wala din namang nakaalam sa ospital kung sino ang may pakana ng lahat. Imbes tuloy na kiligin ay nairita lang ako. Laoo a akong nainis nang maging sa bahay namin ay magsimulang dumating ang ga bulaklak. Okay lang sana kung isa-isa lang eh ang kaso, habang tumatagal, lalong dumarami.

“Anak, magpatayo na kaya tayong flower shop,” Hirit pa minsan ni nanay na hindi ko na talaga alam kung seryoso ba siya talaga o nagbibiro lang.

Sa aming dalawa, may nauna na siyang naka-move on sa almost son-in-law niya. Ayun nga at kahit hindi na kami ni Kurt, close na uli sila. May cooking session pa sila minsan pero hindi ako invited. Pakiramdam ko nga, kung pwede lang agawin ni nanay si Kurt mula kay Kuya Rafael ay ginawa na niya, hindi para sa akin kundi para sa sarili niya.

Paglipas ng isang buwan, teddy bears naman ang dumating of varying sizes. After a month, chocolates naman. Eh hindi pa man din ako mahilig sa ganoon kakorning mga bagay. Kinilig ako siyempre pero nabuburaot din ako. Hello? Hindi na uso ang secret admirer. Diyos ko! Love letters nga, wala na, iyon pa kayang ganoong eksena?

“Ang arte mo lang ha!” Hirit sa akin nina Anne nang minsang nagkasama-sama kami at nagreklamo ako sakanila. Kasama din namin noon sina Kuya Rafael at Kurt na halatang-halata na nagpipigil maglambingan dahil nandoon ako.

“Diyos ko! Ano bang akala niya sa bahay namin? Valentine’s Day Gift Shop? Eh buong barangay na yata namin magkaka-diabetes na sa dami ng tsokolateng ipinapadala niya eh. Kapag tumakbo akong konsehal sa susunod na eleksiyon ate, panalo na ako!” Sabi ko pa.

“Ay bongga! Mayaman! Gusto mo kapatid, akin na lang?” Hirit pa ulit ni Anne sa akin.

“Iyong-iyo na!” Sabi ko sa kanya.

“Pag-aari mo at ipinapahingi mo?” Biglang sabi ng isang boses kaya sabay-sabay pa kaming napalingon. I just rolled my eyes nang makita kong si Allen iyon. Demonyong-demonyo lang talaga ang hayop, basta-basta na lamang lumilitaw eh hindi naman invited.

Nasa bar kami ng mga panahong iyon kung saan idinaos ang birthday ni Kuya Rafael dati. May iba din namang mga customer pero naka-private room kami. Siyempre, iba na talaga kapag anak ng may-ari ang kasama.

“Kasali ka ba sa usapan at sumasawsaw ka?” Bara ko din sa kanya.  Imbes na mairita ay tumabi a sa akin ang kumag sabay ngiti.

“Lumayo ka nga sa akin!” Inis kong sabi kay Allen sabay tulak sa kanya. Naglanding ang palad ko sa dibdib niya pero ni hindi man lang siya natinag nang pilit ko siyang itinutulak. In fairness sa demonyo, matigas ang dibdib, lalaking-lalaki. Ramdam ko din na nanigas ang utong niya. Tinaasan ko tuloy siya ng kilay ng wala sa oras.

“Itinutulak mo ba ako o hinihimasan? Baka gusto mong ipasok na lang sa loob ng t-shirt para sagad-sagad na?” Buska niya sa akin. Inangilan ko lang siya sabay bawi ng kamay ko.

“Akalain mo ‘yun, may nahuhumaling din pala sa kagaya mo?” Dagdag asar pa niya sa akin. Tinignan ko na lang siya ng masama at hindi na sumagot.

Nang mga sumunod na araw, natigil naman sa wakas ang mga tsokolate. Napalitan nga lang iyon ng kung anu-ano. Minsan t-shirt. Minsan naman pabango. Napanganga na ako ng tuluyan nang ang sumunod na dumating ay isang Louis Vitton na duffel bag. Sa itsura pa lamang noon ay halata nang mamahalin. Nasundan pa iyon ng sapatos at iba pang gamit na lahat ay branded.

Ang ikinatuwa ko lang ay maging si nanay, meron na ding natatanggap. Hindi ko naman magawang magpasalamat sa kung sino mang nagpapadala noon dahil wala namang return address o kung anuman kaya maliban doon sa mga gamit na para kay nanay, hindi ko ginagalaw iyong mga dumarating para sa akin.

Oo at masarap sa pakiramdam na may tao na nagbibigays a akin ng mga kung anu-ano pero siyempre, iba na ang panahon ngayon. Mamaya niyan, products pala iyon at bigla akong hingan ng down payment, di ba? Uso pa man din ang networking. Mahirap na.

Minsang bumisita si Kuya Rafael kasama si Mandy, ipinakita ko sa kanila lahat ng natatanggap ko. Pareho pa silang napatanga. Nagulat na lang ako nang biglang inilabas ni Kuya Rafael ang cellphone niya at galit na galit na nag-dial.

“Come here! Now!” Pasigaw niyang sabi sa kung sino mang tinawagan niya. Hindi ko magawang magtanong dahil sa nakita kong galit sa kanya.

Napapikit na lang ako sa pag-aakalang si Kurt iyong tinawagan. Diyos ko naman, di ba? Ano ‘yun? Re-run na naman? Hindi carry ng utak ko kapag bumalik ulit sa heavy drama ang buhay ko. Kukulangin na talaga iyong five thousand na ibabayad sa akin ng MMK for therapy session kapag nagkataon.

Maya-maya pa ay isang kotse ang pumarada sa harapan ng bahay namin. Nanlaki na lang ang mata ko nang makita kong bumaba doon si Allen na literal na nakasando at boxer shorts lang. Muntik pa akong matawa nang makita kong naka-Tazmanian Devil pa siyang fluffy slippers. Mukhang hindi na niya nagawang nagbihis man lang. Pero emeyged, ang sarap lang.

Kakamot-kamot pa siya nang ulo na naglalakad at ewan ko ba naman kung bakit may fixation yata ako sa kilikili at braso. Mas manipis ng kaunti ang buhok niya sa kilikili kesa kay Nathan pero para sa akin, mas katakam-takam. Ang dugyot di ba? Kilikili talaga?

Para kasing ang ganda ng tubo. At dahil hapit iyong sando, kitang-kita talaga ang maganda niyang katawan.  Puti pa man din iyon at may kanipisan kaya kita mo talaga lahat. Ang mas ikinawala ng utak ko ay nang mapansin kong may kumakalembang sa loob ng may kaluwagan niyang boxers. Ang tarantado! Walang suot na brief! Hell Big Ben lang ang peg! Kaya yata nag-lean ng wala sa oras ang Tower of Pisa eh. Gusto ko ding mag-lean ng wala sa oras, sa dibdib niya, pababa. Hidi pa ako nakaka-move on sa lagay na ‘yan. Kaya yata talaga ako minamalas sa love life eh, ang landi ko kasi.

Pagpasok niya sa kuwarto ko, isang suntok ang ibinigay ni Kuya Rafael sa kanya. Napanganga na lang kami ni Mandy.

“What the hell are you doing?” Galit na tanong ni Kuya Rafael kay Allen. Namumulang napatingin lang sa akin si Allen at saka nag-iwas ng tingin. Nalaglag na ng tuluyan ang panga ko.

“S-sayo nanggaling lahat ito?” Tanong ko kay Allen na medyo nautal pa. Tumango lang siya, hindi pa rin makatingin sa akin. Ilang Segundo din akong natulala bago biglang nanikip ang dibdib ko. Mangiyak-ngiyak paa ako noon nang marealize ko ang lahat. Napabuntong-hininga na lang ako bago ko hinarap si Kuya Rafael.

“Please take all your guys away from me, Kuya Rafael.” Malamig kong sabi.

Napatanga lang sa akin si Kuya Rafael. Mukhang hindi niya gets ang development. Dense nga taaga ang kumag, guwapo lang talaga, at mayaman, at matalino, at kung anu-ano pa. Basta dense siya, period.

“Siguro naman tama na iyong minsan na ginawa akong panakip butas ng mga lalaki mo.” Sabi ko sa kanya.  Saka pa lamang niya naintindihan ang change of mood ko. Kitang-kita ko ang pagbalatay ng sakit sa mukha ni Kuya Rafael pero hindi siya umimik. Maging si Mandy ay hindi din nakapagsalita.

“Hindi ako bandaid o pasador. Kung iyon ang ahnap niyo, pumuntakayo sa butika at hindi sa bahay ko. Now get out.” Dagdag ko pa.

Walang imik na lumbas lang sila ng kwarto. Nakita kong aangal pa sana si Allen pero hinila na siya papalabas ni Kuya Rafael. Ilang beses pa nila akong nilingon pero blangkong tingin lang ang ibinigay ko sa kanila.

Alam ko namang unfair para kay Kuya Rafael iyong sinabi ko pero hindi ko na din lang talaga napigilan. Siyempre, pagkatapos ba naman ng nangyari sa amin ni Kurt, medyo may trauma na din ako. Lalo pa nga at nakita ko naman kung gaano kaahal ni Allen si Kuya Rafael. Sinikmuraan pa nga niya ako di ba?

Nag-text na lang ako kay Kuya Rafael na humihingi ng paumanhin. Nagreply din lang naman siya na okay lang daw iyon dahil totoo naman. Hindi ko na lang sinagot. Wala din naman kasi akong alam na sasabihin.

Nagtaka si nanay nang biglaang huminto ang mga dumarating na kung anu-ano sa bahay pero hindi naman siya nagtanong lalo na noong makita niyang hindi maganda ang timplada ko.  Mas malamang sa hindi ay iniisip niyang apektado pa din ako sa paghihiwalay namin ni Kurt at hindi ko na iyon binago. Oo at apektado pa ako pero slight na lang. May malaking factor na sa akin iyong pagkatapos ni Kurt, si Allen naman

Ang kaso, mismong si Allen naman ang nagpupunta sa ospital. Hindi ko lang siya pinapansin. Hindi din naman siya nagpipilit na makipag-usap sa akin. Basta darating na lang siya doon. Kapag sa unang pagkakataon na nakipag-usap siya ay hindi ko siya sinagot, uupo lang siya sa may reception area hanggang  sa matapos ang duty ko. Pagkatapos noon, susundan lang niya ako hanggang sa makarating ako sa sakayan ng jeep.

Magdadalawang-linggo na yata niyang ginagawa iyon nang mapansin kong namamayat siya kaya nang naglalakad na kami papunta sa sakayan ng jeep ay bigla ko na lamang siyang hinila papasok sa isang restaurant. Nagulat pa siya pero hindi naman siya nagsabi ng anuman.

“Anong nangyayari sa iyo?” Nag-aalala ko nang tanong. Lalo pa akong nag-alala nang makita kong nangingitim na ang ilalim ng mga mata niya. Halatang kulang na kulang siya sa tulog. Kahit naman inis pa din ako sa kaisipang ginagawa nila akong rebound eh hindi naman ganoon kasama ang ugali ko. Unang-ua, nurse ako. Patient care, ika nga. Importante iyon.

“Convince mo pa sarili mo, bakal,” Bulong ng isang parte ng utak ko pero hindi ko iyon pinansin.

“I told myself that I will never beg for you to love me. I’m done doing just that, begging for people to love me. Pero heto ako at ipinipilit ang sarili ko sa iyo.” Sabi niya. Napapikit na lang ako. Damang-dama ko kasi ang sinseridad niya pero siyempre, takot pa di ako. Si Nathan din naman kasi, seryoso din noon. Kaso ang ending, legwak pa rin, di ba? Ayoko lang talagang maulit na naman ang ganoong eksena.

“Hindi pa ako handang sumugal ulit, Allen. Hindi sa iyo, hindi sa kahit na kanino. Lalong-lalo na sa iyo. I don’t want to end up hating you. I don’t want to end up hating Kuya Rafael for good. You’re good people, I know. Pero hindi ako bandaid na pantapal sa mga sugat ninyo.” Sabi ko na lang.

“I’m not Nathan,” Sagot lang niya sa akin. Isang malungkot na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya bago ako umiling. Hindi na din naman siya nagsalita pa.

Kahit mabigat ang atmosphere ay pinilipt ko pa rin siyang kumain. Hindi na din naman siya umangal at basta na lang inubos iyong inorder ko para sa kanya. Medyo nagkagirihan pa kami ng bayaran na pero wala siyang nagawa nang ipinilit kong ako ang magbayad.

“Wouldn’t you even give me a chance?” Sabi niya sa akin nang maghihiwalay na kami.

“Ako ba talaga dapat ang tinatanong mo niyan?” Sabi ko lang sa kanya bago ako tumalikod at naglakad papalayo. Napapikit na naman ako ng wala akong marinig na yapak na sumusunod sa akin.

Simula noon ay hindi ko na nakita ni anino ni Allen sa ospital. Maging si Kuya Rafael ay medyo umiwas din sa akin. Nalaman ko na lang mula kina Mandy at Anne na nagplaplano na pala siyang bumalik ulit ng Qatar. Doon ko din lang nalaman na noon pa lang nagpapadala siya sa akin ng mga kung anu-ano ay papa-resign na pala siya sa trabaho para diito na sa Pilipinas tumira.

Sa totoo lang, may parte nang pagkatao ko na gustong isipin na kaya niya ginawa iyon ay para makasama ako. Iyon nga lang at alam ko ding nandito din sa Pilipinas si Kuya Rafael. Ang akin naman kasi, quotang-quota na ako sa katangahan. Ayaw ko din dagdagan pa.

Dahil nga siguro sa nasanay din akong nasa paligid siya, bigla ay iyong mga teddy bear na ibinigay niya ang napagtuunan ko nang pansin isang araw. Ayaw naman kasi ni nanay na ipamigay ko ang mga iyon kaya ayun, ipinagawan na lang namin ng cabinet. Dahil katulad kong may pagka-OC si nanay, may label pa talaga ang mga iyon kung kailan ko sila natanggap. Napatanga na lang ako nang may mapansin ako sa mga teddy bear.

Bawat isa sa kanila ay mga naka-native costume noong mga lugar na gusto kong puntahan. Washington, Brazil, Santorini, Moscow, New Zealand, London, Ireland, at iba pa. Nalaglag na ang panga ko ng tuluyan ng may maalala.

Bigla ay napabukas ako ng Facebook ko ng wala sa oras. Kung tama ang pagkakaalala ko, inilagay ko iyon sa Facebook wall ko three months bago iyong twenty-fifth birthday ni Kuya Rafael. Kasisimula ko pa lamang kasi sa trabaho noon at sinabi ko sa sarili ko na pag-iipunan ko ang mga lugar na iyon para mapuntahan.

Lalo pa akong napatanga nang makita ko iyong isa post ni Anne na naka-tag sa akin. Listahan iyon ng mga bulaklak.

Minsan kasi ay nagparamihan kami ni Anne nang mga naalalang pangalan ng bulaklak mula sa isang field trip namin. Kagagaling namin noon sa Baguio at dahil pagalingan, talagang inilista ko lahat ng alam ko. Nandaya pa talaga ako at pasimleng nag-Google noon.

Naalala ko tuloy lahat ng bulaklak na natanggap ko mula kay Allen. Maging iyong mga brand ng tsokolate, iyon din iyong mga brand na inilagay ko sa wall ko noon na gusto koang matikman. Pati mga gamit, kasama na din iyong sinabi kong sana mabili ko lahat ng gusto ni nanay. Pero ang lahat ng iyon ay inilagay ko sa Facebook account ko bago ko pa man makilala si Allen.

Wala sa sariling napatawag ako ng wala sa oras kay Kuya Rafael. Alanganin pa ang boses niyang sumagot sa akin.

“Dan, pwedeng mamaya ka na tumawag? I’m driving Allen to the airport.” Sabi niya.

“Putang-ina, kuya! Kapg hindi mo iniliko ang kotse mo at dumiretso dito ngayon din, ako mismo ang sasagasa sa iyo at sisiguraduhin kong mamatay ka na this time!” Bigla kong sigaw. Ni hindi pumasok sa isip ko na wala akong kotse. Magdradrama na nga lang ako, waley pa.

“Are you sure?” Tanong pa niya sa akin, nag-aalangan pa din.

“Ngayon na!” Sigaw ko ulit.

Napasugod pa tuloy si Nanay sa kwarto ng wala sa oras. Pagkakita ko kay nanay, napahagulgol ako na hindi ko naman talaga alam ang dahilan. Litong-lito na kasi ang utak ko ng mga panahongiyon. Ang nanay ko naman, kung anu-ano na lang ang sinasabi patahanin lang ako.

Iyong mga mata kong luhaan, pabalik-balik lamang sa mga teddy bear na natanggap ko mula kay Allen. Maging si Nathan ay hindi ginawa iyon para sa akin, iyon bang tipong hahanappin talaga iyong mga bagay na gusto kong gawin o mapuntahan o matikman man lang. Tapos, iyon pang alagad ng dilim na wala nang ginawa kundi asarin at barahin ako ang makakagawa. It was like he knew me even before I met him.

“Demonyo yata talagang nagkatawang tao ang kumag,” Sabi ko pa sa sarili ko.

Katatapos ko lamang umiyak nang pumarada ang kotse ni Kuya Rafael sa harap ng bahay namin. Pagbaba niya, nakasunod lang sa kanya si Allen na nakatungo. Ang nanay ko, giyera mode agad. Siyempre, dadalawa na lang kami sa buhay.

“Kung sasaktan niyo lang uli ang anak ko, umalis na kayo.” Sabi pa niya.

“Nay! Huwag kang OA. Hindi ito teleserye!” Bara ko na lang sa kanya. Kaso, naka-nanay mode yata talaga at hanggang sa makapasok sina Kuya Rafael at Allen sa loob ng kwarto ko ay nakasunod pa din siya.

Walang sali-salitang iniharap ko sa kanilang dalawa ang laptop ko. Kunot ang noong napatingin lamang doon si Kuya Rafael samantalang namumutlang nag-iwas ng tingin si Allen. Maya-maya pa, ay biglang humagalpak ng malakas si Kuya Rafael na hindi ko ma-gets kung bakit.

“Seriously?” Natatawang tanong pa ni Kuya Rafael kay Allen na halatang gusto nang umalis.

“I know right. Stalker lang ang peg.” Gatong ko pa. Ang kumag, ang sama agad makatingin sa akin.

“Teka lang ha,” Ani Kuya Rafael sabay tingin ulit sa mga post. Naka-tig-isang mga tab na iyon para madaling tignan. Siyempre, prepared ako. Aba, giyera iyon, mabuti na iyong handa.

“This was months before you two met…” Dagdag ni Kuya Rafael na halatang nang-aasar.

‘Exactly. Again, stalker!” Sabi ko na naman. Hindi na din nakapagpigil ang kumag.

“Pake mo?” Ani Allen sa akin.

“Aba, kuya. Ako ang ini-stalk mo. Malay ko ba naman kung anong masamang balak ang gusto mong gawin sa akin.” Bara ko sa kanya na ikinapula lang niya. Ang hayop, may masama talagang balak! Hindi man lang itinanggi!

“Wow! Ang lakas din ng bilib mo sa sarili mo ha.” Sagot-bara din niya pero halatang na-corner.

“Wala ba siyang karapatan?” Tanong ni Kuya Rafael. Siya naman ang binalingan ni Allen ng masamang tingin. Kaso, hindi effective. Ayun, lalo lang naging pilyo ang ngiti ng kumag.

“Is this the reason kung bakit bigla kang umuwi ng Pilipinas noong birthday ko?” Tanong na naman ni Kuya Rafael. Kung akala ko ay wala nang ipupulaa pa si Allen, meron pa pala. Hindi na ako sumingit sa interrogation. Moment nila eh saka gusto kong mag-focus sa kilig na nararamdaman ko. Ang haba kaya ng hair ko bigla, hello na lang. Ang nanay ko naman, ayun, himala, naka-silent mode. Nakatayo lang siya sa tabi ko na nakikinig.

“And there I was thinking that you missed me!” Dagdag pa ni Kuya Rafael. Iyong mahaba kong buhok, biglang naging semi-kalbo ng wala sa oras. Ang lakas lang maka-reality check ng hayop. Nandoon na eh! Isang kembot na lang eh. Hindi ko tuloy napigilang mapasimangot. Napansin naman agad ni Kuya Rafael iyon at agad na nagpaliwanag.

“You see, kapag birthday ko, normally greeting card lang ang ipapadala niyan. The last time na niregaluhan niya ako o binisita man lang ay bago siya kunin ng biological father niya sa Qatar one year after I entered college. Kaya nagulat na lang ako nang malaman ko kay Anne na darating siya. Ni hindi ko nga alam na close pala sila eh.” Paliwanag ni Kuya Rafael pero malabo pa rin. Hindi ko makita iyong connection sa akin. Ano yun? Facebook lang? Friend of a friend?

“You see, we don’t share the same dad. Magkapatid lang kami sa ina. At dahil pareho pang buhay ang mga tatay namin, we can’t really stay in one house.” Dagdag paliwanag ni Kuya Rafael na ikinanganga ko ng wala sa oras.

“Magkapatid kayo?” Sabay pa naming bulalas ni nanay.

“Ano namang akala mo? Mag-siyota?” Bara sa akin ni Allen na mukhang nakabawi na din sa wakas.

Nagkatinginan pa sila ng sabay kaming tumango ni nanay. Ang mga kumag, magkapatid nga dahil sabay pa talagang napa-ewww at nagkunwaring nagsuka. Ang arte-arte lang nilang dalawa.

“Hindi mo alam?” Tanong sa akin ni Kuya Rafael.

“Ay hindi obvious,” Bara ko sa kanya.

“You didn’t tell Anne?” Si Allen naman ang binalingan niya.

“Malay ko bang hindi nila alam. Ikaw ang kaibigan, ako ang tatanungin mo?” Sagot lang ni Allen. Maya-maya ay sabay silang tumingin sa akin.

“Why woud I even date him?” Sabay pa nilang sabi sa akin at turo sa isa’t isa. Mukha silang B1 at B2, guwapo nga lang. Hello na lang sa saging.

“Aba! Malay ko kung bet ninyo ang isa’t isa.” Sabi ko na lang.

“Again. Eww.” Sabi lang ni Allen.

“Anak, ikaw na bahala dito. Hindi kinakaya ng utak ko,” Biglang sabi ni nanay at saka lumabas ng kuwarto. Kahit kailan talaga, eksenadora ang nanay ko. Inunahan pa talaga ako sa pagwo-walk out.

“I’m getting out of here as well. Bahala na kayong magpaliwanagan.” Sabi din ni Kuya Rafael at saka sinundan si nanay papalabas ng kuwarto. Naiwan kaming dalawa ni Allen sa kwarto na hindi alam ang sasabihin.

“Magpapaliwanag ka ba o makikipagtitigan lang sa akin? May flight ka pang hinahabol oy!” Sabi ko sa kanya. Ang kumag, biglang nagseryoso.

“Gusto mo ba talaga akong umalis?” Tanong niya sa akin.

“May karapatan ba akong pigilan ka?” Balik tanong ko sa kanya.

“Gusto mo bang magkaroon ng karapatan?” Sagot lang uli niya sa akin. Ang gago, ayaw talagang magpatalo. Kaso, ang seryoso lang niya.

“I saw your picture once. Naka-akbay sa iyo si kuya. Weird as it sounds, I thought he found you for me. Alam ko naman kasing kahit kontra ako ng kontra, mahal niya ang ex mo. I started checking your profile once in a while. Oo na, stalker na kung stalker but that’s just how it went. Gusto kitang kausapin pero gusto ko sana sa personal. Kaya nang sabihan ako ni Anne na umuwi naman daw ako para sa twenty-fifth birthday ni kuya, pasimple kong tinanong sa kanya kung sino-sino ang makakasama namin kung sakali and she mentioned that you would be there too. So I took the chance.” Bigla niyang paliwanag.

“You rarely post anything but when you do, it always feels like it comes from the heart. Simple things, the things you like, the things you want to achieve, iyon ang lagi kong nakikita sa mga post mo. I knew that it can all be just a post and nothing more pero hindi ko maiwasang maniwalang ganoon ka talaga sa totoong buhay. Kaya nga kapag may pagkakataon ako, pasimple akong nagtatanong kay anne at kay Kuya ng tungkol sa iyo. They never noctied though.” Dagdag pa niya.

“Hulaaan ko. Nilandi ka ng hitad kaya kayo magkausap.” Kako na ikinatawa lang niya. Ganoon kasi talaga si Anne kapag may natipuhan. Landi agad kahit alam niyang alanganin. Pakiramdam kasi ng luka-luka, siya ang gamot ng kabaklaan sa mundo. Kaya nga din ako nilapitan ng luka-luka sa pagbabakasakaling siya lang daw ang hinihintay ko para kalimutan ko na ang mga lalaki. Ayun, kaya hanggang ngayon single pa din. Ambisyosa kasi ang hitad.

“She did. I told her straight away that I was gay pero ang sabi lang niya, hindi ko pa lang daw kasi siya nami-meet ng personal.” Natatawang sabi ni Allen. Hindi na ako nagtaka doon. Malakas naman kasi talaga ang fighting spirit noong loka.

“Hindi naman namin napag-usapan ang relasyon namin ni Kuya Rafael. Buong akala ko naman kasi ay alam ninyong lahat. Ate Kris knows about.” Dagdag pa niya. Pangalawa na si Ate Kris sa listahan ng mga babaeng ipapakulam ko. Nangunguna sa listahan si Anne.

“Teka nga lang. Eh na-head to toe kaya ako sayo noong nagkakilala tayo.” Sabi ko bigla. Tandang-tada ko pa ang iritasyon ko noon.

“I was wondering how I would kiss you,” Diretsa niyang sabi.

“Agad-agad?” Kako na lang. Ang haba na ulit ng hair ko. Kaso, naalala ko ang ginawa niyang ppagsikmura sa akin. Putol ulit ang buhok pero pixie cut na lang, hindi na skin head. Mukha namang naiintindihan niya ang pumasok sa isip ko dahil agad siyang nagpaliwanag.

“Because it was supposed to be me and not that coward. Saka isa pa, Kuya Rafael was my only family. He had always been the only family that I ever really had. I wanted to protect him. May katangahan pa man din iyon. Malay ko ba namang pati ikaw, tanga din.” Aniya.

Ang kumag, nagawa pa talaga akong sabihan ng ganoon. Sinikmuraan ko tuloy siya ng wala sa oras.

“Namu ka ha! Ayan, amanos na tayo!” Sabi ko sabay ingos. Nakangiwi sa sakit na nakatingin lang siya sa akin.

Madami pa kaming napag-usapan ni Allen ng araw na iyon. Mga bagay na niliwanag at pinag-usapan ng maigi. Nag-flight din lang siya kinabukasan dahil sa nakapirma na siya ng kontrata. As for me, naiwan akong nag-iisip kung saan nga ba pupunta ang lahat.

Pagkatapos ng two years contract niya doon, saka ulit siya bumalik ng Pilipinas. Hindi ko naman talaga siya hinintay sa totoo lang pero nataon din na wala akong nagustuhan sa ibang nagparamdam.

He went back to courting me na sa totoo lang ay mas madalas sa hindi na nauuwi lang sa pag-aangilan namin. Nasisigawan na nga kami ni nanay sa tuwing dumadalaw siya dahil maya’t maya ay nag-aangilan na naman kami. Para kaming aso at pusa kumbaga.

Hindi niya ako pinamper tulad ng ginawa sa akin ni Kurt. Iyon bang tipong imbes na lambingin ako, lalo lang niya akong inaasar. Kapag nagagalit na ako, tatahimik lang siya pero kapag nakabuwelo na ulit, magsisimula na namang mang-asar.

I never expected to fall in love with him dahil mas madalas na gusto ko siyang ilibing ng buhay. But I did. I was caught up in his storm and there was no going back.

Minsan nagsabay kaming seryoso ay tinanong ko siya kung bakit ako. Simple lang ang naging sagot niya.

“I don’t need a reason to love you. I just do.” Iyon lang ang sabi niya.

“You’ll get tired of me soon enough.” Sagot ko lang sa kanya. Hindi niya ako sinagot agad at hinalikan lang niya ako.

“I won’t give you promises that I am not sure I can keep because broken promises are harder to bear. Pero sana hayaan mo akong mahalin kita ngayon. Kung bukas, paggising natin, mahal pa rin natin ang isa’t isa, then we would have one more day to be happy. I want us to be honest because I want this to last as long as it can.” Iyan ang lagi niyang sinasabi sa akin. Walang kasiguraduhan, walang pwedeng panghawakan. Malabo di ba?

“Ayaw kitang itali sa isang pangakong hindi mo magagawang panindigan in the end.” Dagdag pa niya na naginginig ang boses at noon ko lang naintindihan na kung takot ako, mas takot siya. Realistically speaking, wala naman kasi talagang nagtatagal na relasyon sa pagitan ng dalawang lalaki.

“Why are you so afraid to get hurt by me?” Tanong ko sa kanya. Ni hindi siya nag-atubiling sumagot.

“Because it would kill me.” Sabi lang niya. Pumikit na lang ako.

This isn’t our love story. Kasi iyong sa amin, nagsisimula pa lang. Hindi ko alam kung may happy ending ba kami o wala. Pero ang sa akin, habang nandiyan pa, i-e-enjoy ko na lang. Minsan naman kasi, mas mabuti na iyong nasaktan ka dahil natuto kang nagmahal kesa iyong hindi mo man lang naranasan ang magmahal at all.

Sa ngayon, ang alam ko lang, I feel in love with a devil, I fell in love with a storm. But he loved me first, even before I even knew he existed. So I’ll just take every single day as a gift, until the storm finally ends. And when it does end, alam kong hindi ako aabot sa punto na pagsisisihan kong nagpakalunod ako sa kanya.

Because  Allen, as I’ve come to realize, is worth drowning into. Although gusto ko pa rin siyang ilibing ng buhay paminsan-minsan. Tarantado eh.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: All These Maybe's
All These Maybe's
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgZgxx7dscPUAd3gM0CqHBShVgOPtSZydcYPQsAvOtUvZD2yXJ4-83BilX-Uah1xEebcRq9Gv85uvmlFlQlzZ79ASO7ON_YT_t1nEgdjJytCs4WrchEdXCdcrLJhD6pg7AE2MQnNhC2JlbM/s400/12502013_969542323122209_1370711059_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgZgxx7dscPUAd3gM0CqHBShVgOPtSZydcYPQsAvOtUvZD2yXJ4-83BilX-Uah1xEebcRq9Gv85uvmlFlQlzZ79ASO7ON_YT_t1nEgdjJytCs4WrchEdXCdcrLJhD6pg7AE2MQnNhC2JlbM/s72-c/12502013_969542323122209_1370711059_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/04/all-these-maybe.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/04/all-these-maybe.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content