$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

First Call Never Dies

By: Nico Good day po sa lahat ng KM readers. Ito pong kwento na ibabahagi ko ngayon ang hango po sa tunay kung karanasan. Pipilitin ko pong ...

By: Nico

Good day po sa lahat ng KM readers. Ito pong kwento na ibabahagi ko ngayon ang hango po sa tunay kung karanasan. Pipilitin ko pong i-detalye sa abot ng aking makakaya ang mga kaganapan sa aking buhay.

Ako nga pala si Nico, 5'6 ang tangkad, maputi at katamtaman ang pangangatawan. Nagsimula ang lahat nung ako ay nagtrabaho sa isang call center sa Makati. 23 years old ako noon. Since bago lang yung company na na-applyan ko kaya mass hirire.  Medyo mahirap sa una dahil outbound account ang call center na yun.

Sa first day ko sa work medyo kabado ako dahil hindi ko kakilala yung mga tao at yung mga kasabayan ko na natanggap din ay napunta sa ibang oras at ako lang ang napunta sa 3AM - 12NN na shift. Pero naging maganda naman ang pakikitungo ng mga unang na hire sa akin. Sabi nila na one month palang talaga sila sa work at every week may bagong agents.

Nasa around 50 agents nung timr na nagsimula ako at hindi ko matandaan lahat ng mga pangalan nila, sa mukha lang at tanguan lang. Bihira ko rin sila maka-usap noon dahil talagang busy sila sa pagda-dial. Pero naging close ko si Charles and si Jeff, silang dalawa palagi kong nakakasama at nakakausap. Sa kanilang dalawa ako natuto manigarilyo.

First 3 weeks ko sa work ay training ako at ning 4th week na ay live calls na ako. Pero may naka-assign sa akin na senior agent at QA para i-guide ako. Nabigla ang lahat dahil pang 5th call ko ay naka-close ako ng sale. Second day ng pagda-dial ko ay pinabayaan na nila ako. In 5 days ng pagda-dial ay may accumulated sales na ako ng 13, at bilib  sa akin yung mga managers namin pati yung country manager namin na American.

Second week ng live calls ko at top performer na ako, nakadikit na ang name ko sa board. Pero okay din ang stats ng mga kaibigan ko na si Charles at Jeff. Bilib din sa akin ang supervisor ko at sa katunayan ay pina-pacoach na ako sa mga senior agents at dun ako nakaramdam ng awkwardness dahil ayoko na mabansagan na mayabang. Pakiramdam ko sinuwerte lang talaga ako.

Sa buong account namin ang may pinaka maraming benta na nagawa in one day ay si Ken, yung record nya ay 11 sales. Sa company namin, maliban sa basic salary namin ay may bonus na kapag nakagawa ka ng 3 sales and up in a day ay babayaran ito ng 50 pesos each. Sa 3rd week ko sa pagda-dial ay may pangyayari na hindi inaasahan, na-beat ko ang recod ni Ken dahil nakagawa ako ng 13 sales in day. At dahil dun mas lalong tumaas ang confidence ko pero down to earth pa rin ako dahil ayoko nga mabansagan na mayabang. Kinong-gratulate ako ng mga agents pati nga supervisors at managers ko. Kumalat na rin sa branch namin sa Ortigas yung legacy ng Makati branch. Narinig ko yung isang senior agent na nagsalita, si Kai. "Nako Ken, mukhang nabubura ka na sa mapa". Napalingon ako sa direksyon nila. Hindi nagsalita si Ken at seryoso ang mukha.

Nung uwian na, hindi agad ako nakalabas ng building  dahil kinausap pa ako ng country manager namin, kinongratulate nya sko at inofferan na maging trainor o QA kung magtu-tuloy tuloy ang consistent ang stats ko. Masaya naman ako sa narinig kung balita. Paglabas ko ng building ay wala na akong mga colleagues at siguro ay nakaalis na silang lahat, nag-aabang na ako ng bus sa tapat ng building namin para umuwi. May paparating na bus ng may kumalabit sa akin, paglingon ko si Ken pala. Medyo nagulat lang ako kasi hindi kami close at sa katunayan hindi pa kami nag-uusap. Nakangiti sya na nakatingin sa akin.
"Oi Ken, kaw pala?"
"Galing mo Nico, gusto lang kita i-congtrulate"
"Ok, salamat, tsamba lang naman yata yun, hindi ko nga inaasahan eh na makabenta ng ganun karami."
"Basta ang galing mo, nakakatawa lang kasi yung ibang kasamahan natin mas naging insecure sila sa 'yo"
"Kaya nga ako nahihiya eh, baka sabihin nila na mayabang ako"
"Huwag mo sila isipin, trabaho lang naman yun at di mo naman kasalanan na mas magaling ka sa kanila" nakangiti nyang sabi.
"O, teka bat andito ka pa? Kanina pa uwian ah?" Tanong ko sa kanya.
"Hinintay talaga kita, para icongratulate ka, napansin ko na tinawag ka pa ni Sir Daniel kaya hinintay kita dito, gusto ko icongratulate ka today"
Medyo na-weirduhan ako sa sinabi nya, pero nakangiti nyang sinabi nyon at dun ko napansin na may itsura si Ken at ang ganda ng ngiti nya ang puputi ng ipin at straight lahat. Hindi na ako nagsalita kasi parang awkwardsa akin yung sinabi nya.
Mas matangkad sya sa akin, around 5'9 sya, may facial hair na rugged tingnan at  hairy ang kanyang arms.

"Uuwi ka na ba?" Tanong nya.
"Oo sana eh, bakit?" sagot ko.
"Ahm, yayayain sana kita maglunch dyan sa McDo, kung okay lang?"
"Okay sige, medyo gutom na rin ako eh. Nako mag-aala-una na pala!"
"Sige libre mo ko ha kasi tiba-tiba ka ngayon eh" nakangiti nyang sabi na medyo nagba-blush pa.
"Ayos ka rin dude ah, talaga bang hinintay mo ako para magpa-libre?" Nakatawa kong sagot sa kanya.

Naglakad na kami sa papuntang McDo at pagdating dun, puno at walang space.
"Nic, abang ka na lang ng may aalis ha, ako na oorder"
Hindi ko pa naiabot yung bayad ko sa kanya eh bigla syang umalis.
Maya-mayang kunti may tumayo na rin at umupo ako at pinalinisan ko na rin sa crew yung mesa.
Dumating na si Ken na may dala dalang tray. Umupo sya sa may tapat ko.
"Kain na Nic" sabi nya.
"Teka magkano 'to lahat?" tanong ko.
"Hmm..libre ko muna 'to."
"Sigurado ka? May pahintay hintay ka pang nalalaman ha, para magpalibre"
Nakangisi lang sya na nakatitig sa akin, medyo nahiya ako nung nakatingin ako sa mata nya kaya umiwas ako ng tingin.
"Yung totoo Dude? Kaya ka ba naghintay para magpalibre o manglibre?" Nakatawa kung tanong.
"Palibre sana Nic, eh di sa susunod mo na ako ilibre, hindi ko nga naitanong sa'yo yung gusto mong kainin inorder na lang kita, okay lang sa'yo yang cheese burger at fries?"
"Salamat dude ah, tanggalin ko na lang pickles nito dahil di ako nakain nun." Sagot ko.
"Ah ganun ba? At least alam ko na na di pala kumakain ng pickles, next time pag inorder kita hindi ko palalagyan ng pickles burger mo."
"Ah talagang may next time ha"
Medyo nagblush sya at umiwas ng tingin. Medyo parang awkward sa akin yung sitwasyon bigla.
"Oh Nic kain na tayo"
Medyo tahimik kami ng ilang minuto.

Marami kaming napag kwentuhan sa unang pagkakataon na yun. Nalaman ko na taga Bacolod pala sya at 5 months pa lang sya dito sa Maynila at nasabi ko rin sa kanya na taga Mindanao naman ako at 8 months na ako dito. Sabi ni Ken "magkakasundo tayo dahil pareho tayong probinsyano"
Simula nung araw na yun, naging malapit at magaan ang loob ko sa kanya. Wala akong iniisip na masama at pakiramdam ko ay nakikipag kaibigan lang sya sa akin.
Naging close si Ken sa akin pati na rin kay Charles at Jeff. Naging close din ako sa mga kaibigan ni Ken sa office, si Kai, Grace, Jen at Banjo.

Yung mga circles of friends ni Ken ay mga magagaling bumenta, sila yung consistent talaga sa sales, hindi man more than ten pero talagang hindi sila nazezero sa isang araw. Ako kasi nasubukan ko ng walang benta.
Lumipas yung mga panahon, biglang nagresign si Jeff at si Charles naman ay lumipat sa ibang company, nalungkot ako kasi silang  dalawa talaga yung mga kaibigan ko dito sa company namin.

Buti na lang at anjan si Ken. Mas lalo akong napalapit kay Ken, sa katunayan para ko na syang kapatid, mas matanda ako sa kanya kaya bunso ang turing ko sa kanya. Masayahing tao si Ken, makulit, maingay at mahilig mang-trip na minsan ay nakakaasr pero sabi nya paglala,bing lang daw yun sa Kuya nya. Sabi nya Kuya daw tingin nya sa akin. Isang araw nagkaroon ng isang malakas na bagyo dito sa Maynila at stranded kami, sa office, nagpatila muna kami ng ulan at hangin prro baha sa daanan nun kaya napagdesisyunan namin na dun muna mamalagi sa unit na inuupahan ni Kai, sa may LRT Buendia banda, one ride lang yung from Ayala ave kung nasaan ang office namin.

Nagdeclare ang office namin na wala kaming pasok the next day. Nagtwxt ako sa pinsan ko na hindi ako makakauwi dahil sa bagyo at sabi nya okay lang daw at ,ag-ingat ako. Two bedroom yung unit ni Kai, may kasama sya dito kaso umuwi sa probinsya at next week pa ang balik. At pinagamit sa amin yung room na yun dahil malawak ang kama. Piangluto kami ni Kai at tumulong na kami sa paghahanda. Nagkwentuhan kami at pagkatpaos kumain atound 1:30pm ay dinalaw na kami ng antok. Pinahiram kami ni Kai ng sando at shorts, pati na rin towel, kaso sobrang antok ko na at natulog na ako. Nauna na akong pumasok sa room at humiga sa kama, dun ako sa sulok just in case a humiga na rin si Ken.

Nakatulog na ako at ning magising ako ay madilim na, napansin ko sa tabi ko si Ken na mahimbing ang tulog. Medyo naiihi ako at ayoko na magising sya, kaya tiniis ko na hwag umihi kaso hindi ko na kayang pigilan, nung pagtayo ko, bigla syang nagising.
"Excuse, iihi lang ako, pasensya ka na nagising ka tuloy"
Hindi sya sumagot at tiningnan ako ng masaa at pumikit ulit.
"Anong problema nun?" Sabi ko sa isip ko.

Pagbalik ko, nakahiga si Ken pero gising sya at ginawang unan yung dalawang kamay nya. Bumalik ako sa kama at humiga ulit sa pwesto ko, nag excuse ako at hindi sya gumalaw. Tahimik lang kaming dalawa. Pagkatapos ng ilaw minuto ako na ang bumasag sa katahimikan namin.
"Okay ka lang?" Tanong ko
Lumingon lang sya sa akin, pero hindi sya sumagot.
Nagtanong ulit ako sa kanya. "Wala na yatang ulan, pwede na tayong umuwi, nakakahiya na kay Kai"
"Wala namang pasok bukas, gusto mo na ba umuwi? Ako bukas na lang siguro" tugon nya.
Hindi ako sumagot...bumangon na ako at papunta na sa pintuan ng bigla nyang hinawakan ang braso ko, napalingon ako sa kanya.
"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Masakit kasi likod ko, pwede ba i-massage mo likod ko Kuya?"
"Kuya ka jan, hmmm sige na nga, i-massage mo rin ako ha, masakit balikat ko eh"
Nag-smile lang sya.
Dumapa na sya at naghubad ng sando at minasahe yung likod nya. Since may kunting alam ako sa minasahe, ginamitan ko ng pressure at sya naman ay nag-iingay ng "aaahhh, ohhhhh!"
"Oi, hinaan mo nga boses mo baka kung anong sabihin ni Kai, may milagro tayong ginagawa" nakatawa kong sabi.
"Bakit, Nic gusto mo ba mg milagro?" Nakatawa nyang sabi. Hindi na ako umimik at nag concentrate na lang ako sa pagmamasahe sa kanya. Dun nagkwento sya tungkol sa buhay nya. Na na-miss na sya magulang at kapatid nya sa Bacolod at gusto na nya mag-quit at umuwi na lang. Hindi ako sumagot at pinakinggan lang sya.
"Kuya Nic?!" Tawag nya sa akin.
"Huh?!"
"Thank you ha, the reason na hindi ako nag-quit is dahil sa inyo mga kaibigan ko sa office, lalo na sa'yo Nic kasi ang gaan ng loob ko sa 'yo".
"Ok!" yung lang ang sinabi ko kasi hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya at medyo naging awkward sa akin na naman yung sitwasyon.

Nagsimula na namang umulan sa oras na yun at madilim pa rin at nakapatay ang ilaw sa kwarto pero naaaninag pa rin ang loob dahil sa ilaw mula sa labas.
 "Kuya, kaw naman masahiin ko"
"O sige"
Tumayo sya at umupo sa tabi ko, dadapa na sana ako ng biglang syang nagsalita. Nakaupo pa rin ako sa tabi nya.
"Nic"
"huh?" Yun lang ang nisagot ko.
Sa bilis ng pangyayari, at sa gulat ko natulala ako sa ginawa nya. Pano ba naman kasi, bigla nya akong hinalikan sa labi.
Dahil madilim ang paligid hindi ko maaninag yung mukha nya kung nakangiti sya basta ang alam ko uminit ang mukha ko. Hindi ako nakapag salita at tulala pa rin ako sa nangyari pero hindi ako nagalit o tinulak sya, nakaupo pa rin ako doon sa kama.
Bigla syang humarap sa akin at this time dahan dahan na lumapit ang mukha sya sa akin, hindi pa rin ako makagalaw, at lumapat na naman yung labi nya sa labi ko, this time inaasahan ko na hahalikan nya ulit ako. Hindi ako nag-react, nagalit o magsalita, pumikit na lang ako ninamnam ang pagkakataon pati na rin ang init ng halik ni Ken sa akin.

Itutuloy....

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: First Call Never Dies
First Call Never Dies
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi8k_Xt7baNt4nnLZu0WAf7H0OyIAB9pbyU4ItdZci0CXdAzGaR7XpLsINWpZe8vaA2LV6uENPFhrqy5VfZJGne_-l6wGYHh9xbq_cCVEVhk4ZO3YIvLxZRv3cmdiD5NLKTTLRFnMSmm0Bv/s400/12960084_475030419367543_829628957_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi8k_Xt7baNt4nnLZu0WAf7H0OyIAB9pbyU4ItdZci0CXdAzGaR7XpLsINWpZe8vaA2LV6uENPFhrqy5VfZJGne_-l6wGYHh9xbq_cCVEVhk4ZO3YIvLxZRv3cmdiD5NLKTTLRFnMSmm0Bv/s72-c/12960084_475030419367543_829628957_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/04/first-call-never-dies.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/04/first-call-never-dies.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content