$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Handwritten (Part 1)

By: Idge Masakit. Sobrang sakit. May sasakit pa pala sa pag-ibig? Punyetang Algebra nga kasi naman o. Di maka-move on? Kailangan bang paulit...

By: Idge

Masakit. Sobrang sakit. May sasakit pa pala sa pag-ibig?

Punyetang Algebra nga kasi naman o. Di maka-move on? Kailangan bang paulit ulit kong hanapin ang ‘x’ mo? Ito tuloy, paulit ulit akong bumabagsak. Tangina, ganito ka na ba katigas? Ang sakit sakit na e.

Buntong hininga na lang ang sinukli ko sa napakalaking SINGKO na nakalagay sa test paper ko. Shet naman. Prelims ko ‘to e. Kapag ganito na naman sa finals, malamang e mag-summer akong kasama ang letseng subject na ‘to. No way. Marami akong plano. Kailangan kong ma-achieve lahat ng beach plans ko. Hindi pwede.

Puno ang hallway noon ng mga naglalabasang estudyante. Maingay at magulo pero sanay na ako sa ganito. Ikaw ba naman ang tatlong taon ng nakikipagbuno sa ganitong scenario every break time e hindi ka pa masanay? Oo, graduating na ako this year. O ‘di ba ang galing? Malamang mapurnada pa ang pagrampa ko sa graduation ceremony ng buwisit na subject na ‘to.

Magtataka ka kung bakit fourth year na ako e ngayon lang ako nag-take ng Algebra. Kasi ganito ‘yan, dapat talaga first year pa lang e ite-take ko na ‘to - ang kaso ayaw ko talaga. Pilit kong pinostpone nang pinostpone kasi nga phobia ko ang Math. Okay naman kasi ang units ko e, sakto naman, so puwede ko siyang i-take later pa. Hindi ko naman kasi siya major. Journalism kasi course ko.

Kaya lang eto na nga. Nandito na ang moment na pinakahihintay ko. Face your fears, ika nga.

“Uy, Theo! Kamusta prelims mo sa Algeb?”

Hindi ko siyempre makakalimutan ang boses na biglang bumati sa akin. Siya lang naman kasi ang apple of the eye ko. Shet, ang cheesy. Okay, let me rephrase that, siya lang naman ang crush ko.

Si Francisco Jorrel Lastimosa II or more popularly known as Franz. Matangkad, guwapo, mabait, matalino, matipuno ang pangangatawan. Nasa kanya na yata ang lahat, parang ‘yong kanta lang ni Daniel Padilla. Anyway, hawig ni Franz si Tadashi Hamada ng Big Hero 6, in human form nga lang. Pati pormahan Tadashi na Tadashi. E bilang Disney Pixar fan ako, sinabi ko ‘to sa kanya at tumawa lang siya.
Sabi niya kamukha ko naman daw si Hiro. Pota, magkapatid pa kami. (At least, hindi Baymax o baka sinapak ko siya.)

Sinuklian ko siya ng isang matipid na ngiti sa biglang tanong niya. “Ayun. Mukhang olats e.”

“Weh?”

“Weh."

Nanatili yung matipid kong ngiti para sabihing okay lang ako. I mean wala naman akong magagawa kung olats talaga e. Medyo nakakahiya nga lang aminin sa kanya kasi siyempre kahit papaano gusto kong magpasikat. Pero kasi hindi rin naman lingid sa kaalaman ng buong block na tanga ako sa Math.

“Hayaan mo, may finals pa naman.” Ngumiti si Franz at parang tinunaw nito ang mga tuhod ko. Tangina.

“Oo nga, babawi na lang ako tsaka—“

Naputol ang dapat reply ko sa kanya dahil nawala na rin naman ang atensyon niya sa’kin. Bigla na din kasi siyang pinagtatanong ng ibang girls sa block. Hindi na din naman ako nagulat. Sa totoo lang, sa dalas mangyari sa’kin ng ganitong scenario, sanay na sanay na ako. Oo, may kirot kasi siyempre hello, gusto kong mapansin niya ako. Pero alam mo ‘yun? Ang natural kasing makitang napapalibutan siya ng mga babae kaysa ng isang baklang katulad ko. Siguro hanggang pantasya na lang talaga ako.

“Ayan ka na naman. Tumutulo na naman laway mo.” Bigla akong nawala sa self-pity mode ko nang akbayan ako ni Kurt.

Paano ko nga ba ide-describe itong si Kurt? Si Kurt ang taong saksakan ng gulo. Hipster daw pero ang babaw naman kung minsan. Mabait pero ang lakas mang-asar (at painitin ang ulo ko.) Witty pero minsan ang gago ng sense of humor. Basta magulo. Siya yung tipo ng lalaking paguguluhin lang ang buhay mo.

Pero isang bagay lang ang klaro pagdating kay Kurt at naaalala ko ulit ito ngayon habang pinagmamasdan ko siyang ngitian ako. Mabuti siyang kaibigan. Dahil tanggap niya ako kung sino ako. Hindi siya nandidiri, hindi siya naiilang katulad ng ibang straight na lalaking nakilala (at kilala) ko.

“Ulol, hindi no!”

“Ay, oo nga. Panis na kasi.” Ngisi niya.

Tinulak ko siya. “Gago ka talaga.”

Tinawanan niya lang ako. “Alam mo namang hindi kayo talo, ‘di ba?”

“Sige, ulit ulitin mo pa. Hindi pa nagsi-sink in sa’kin e.”

“Sige na, Kurt. Isa pa nga.” Biglang banat ni Mimi, ang isa ko pang napakabuting kaibigan.

“Thanks a lot, guys. Nakaka-overwhelm suporta niyo.”

“Ako supportive naman ah!” Sabat naman ni Prince (na dapat talaga ay ‘Princess’ bilang pareho kami ng sexual orientation. Mas out nga lang siya sa’kin.)

So, ayun. Kaming apat lang naman ang magkakapakat dito sa block. Maliit lang din naman kasi ang block namin e. For example, 4 lang kaming lalaki. (Technically, 2 lang since bading nga kaming dalawa ni Prince.) Dati kasi 7 kami. Yung dalawa na-debar habang yung isa naman nag-shift. Yung girls naman wala pang 20. Dati 30 sila kaso mahigit 10 sa kanila ang kung hindi na-debar ay nag-shift din. Ewan ko ba. Hindi naman siguro ganun kahirap ang course ko, no?

Nginitian ko si Prince parang pa-thank you.

“Pero bet ko pa rin si Franz, sorry beh.” Tumawa si Prince.

Nawala yung ngiti sa mukha ko. “True friends ko nga kayo.”

“So, ano, Theo? Lunch? O baka naman nabusog ka na?”

Tawanan habang nakasimangot pa rin ako.

“Sa Madel’s na lang. Nagke-crave ako ng sisig.”

Inakbayan ako ulit ni Kurt. “O baka naman hotdog ang kine-crave mo?”

“Letse!”

Tinulak ko siya ulit.

Literature ang klase namin pagbalik. Bukod tanging sa subject lang na ‘to wala kaming written prelims. Sa totoo lang, parang mas gusto ko pa yung written e kasi medyo out of this world ang pinaka prelims namin dito. Pinapagawa kami ng prof naming may saltik ng letter. At hindi lang siya ordinaryong letter - isa siyang letter para sa blockmate mo na gusto mong pasalamatan, yung may pinaka malaking influence sa buhay mo ngayon. Ito yung tipo ng letter na feeling mo na if under different circumstances e never mong ibibigay sa kanya.

Simple, ‘di ba? Pero hindi diyan nagtatapos. Kailangan ibigay mo ito sa kanya ng harapan.

Sa totoo lang, madali lang naman. E ‘di gawan ko ng letter si Mimi o kaya si Prince. Ang kaso hindi siya pwede ibigay sa kaibigan. Kailangan daw para siya sa taong inspiration mo. Anak ng tokwa, ang daming paligoy ligoy ng prof ko hindi na lang sabihing love letter ’to e.

“It’s not a love letter, otherwise I would have said just that. No, it’s a letter of gratitude for the person who inspires you the most. Love letters are so shallow. I want something deeper.”

Alala ko gusto kong sabihin sa kanya na kung gusto mo ng deeper e magpakalunod ka na lang sa dagat. Ang labo kasi e. Paano naman niya kami ge-grade-an nito? Kung sinong pinakamatapang na magbibigay ng letter? Kung sinong may pinaka poetic na entry? O kapag napaiyak namin yung pagbibigyan namin?

Malamang nito e madaming matatanggap na letter si Franz. Parang fanmail lang. Bukod kasi sa’kin, madami ding may gusto sa kanya sa block.

“So, how are your letters coming?” Tanong ng prof namin na abot tenga ang ngiti.

Walang sumagot. Mukhang halos lahat din sa’min e naloloka sa ‘prelims’ namin na ’to.

“Anyway, I’m not going to stay for long. You have this period to continue writing them. Use it well. Again, I reiterate that the deadline will be on Friday - that’s 3 days from now. Your letter must be at the hands of your addressee by then. Good luck!”

Ay putangina, oo nga pala, 3 days na lang! Nakanangshit naman o! Kapag ito nabagsak ko din, malamang sa malamang e hindi na talaga ako maka-graduate nito.

“May sapi talaga ‘tong prof natin na ‘to no?” Angal ni Kurt na katabi ko sa kanan.

“Eto o mas gusto mo yung pinagcostume tayo last sem ng bading nating Lit prof?” Sagot naman ni Mimi na seatmate ko sa kaliwa.

Napabuntong hininga si Kurt. “Ay tangina, eto na lang.”

Pinagbahag nga pala siya nung Lit prof namin last sem. In fairness kay Kurt ha, pang-Bench body ang katawan. Ayun, uno tuloy siya sa prof naming yun na hindi naman maikakailang may pagnanasa sa kanya.

Madami tuloy ang naghaka-haka last sem na baka natikman ng prof naming yun si Kurt after ng prelims namin na yun. Bukod kasi sa uno siya, pinatawag pa siya ng prof namin after class. May mga nagtaka tuloy. Kesyo baka daw after e chinupa ng prof namin si Kurt o kaya niromansa. Siyempre alam kong hindi yun totoo. Kilala ko si Kurt. Yung image pa nga lang na nakaupo si Kurt, hingal kabayo, nakapikit ang mga mata at balot ng pawis ang moreno at makinis niyang balat habang taas baba ang bibig ng prof namin sa tigas na tigas niyang pagkakalaki ay very wrong na. Bukod pa dun e tinawagan niya ako para sabay na daw kaming umuwi.  Wala pa siyang 5 minutes sa faculty room nun.

Tinanong ko siya kung anong pinag-usapan nila ng prof namin. Hindi na niya idinetalye pero mukhang inalok nga siya na magdinner at mag-inuman. Alam na kung anong plano. Kapag may alak, may balak. So tumanggi ang lolo mo. Si Kurt pa e hari ito ng palusot.

"E kung sulatan na lang kaya kita, Mimi? Kunwari crush kita ganyan." Tawa ni Kurt habang tumatayo at sinusukbit ang backpack sa likod.

Nag-aalisan na rin ang mga ka-blockmate namin. Free period na. Halata namang walang magpapatuloy ng letter nila dito sa classroom e. Asa pa prof namin.

"Sira! E 'di para ka na ring nag-cheat nun."

"Alam niyo, sa dalas niyo namang magkasama, feeling ko papasa naman." Sagot ko. Totoo naman kasi. May ilan nga kaming ka-blockmate na akala nila e mag-on itong dalawa.

"Di rin." Ngisi ni Mimi na parang may ibang kahulugan.

At bago pa ako makapagtanong, binatukan siya ni Kurt.

"Ikaw nasimulan mo na ba letter mo?"

"Hindi pa e."

Magkasabay kaming umuuwi ni Kurt ngayon. Pareho kasi kaming naka-dorm. Actually, naka-dorm din si Mimi kaso iba ang way niya so madalas namin siyang 'di kasabay.

Naisip ko na naman etong lintek na prelims namin. Paano ko naman sisimulan 'tong hayup na letter na 'to? "Salamat Franz kasi pinapakilig mo ko sa mga panahong ihi na lang nakakagawa nun sa'kin?" Ganun?

"Talaga ba? Edi simulan mo ng 'Salamat Franz kasi pinapakilig mo ko sa mga panahong ihi na lang nakakagawa nun sa'kin?" Tawa ni Kurt.

Anak ng tinapa, iba talaga saltik nitong mokong na 'to e.

"Tangina ka. Iwan kita diyan e."

"Wag. Masakit maiwan."

Sinimangutan ko na lang siya at binilisan ang paglalakad. Ito lang talagang si Kurt ang bukod tanging nakakapagpainit ng dugo ko e. To be fair, 'di naman ako OA na nagagalit sa kanya. Naaasar lang. Sira ulo kasi talaga e. Minsan naiisip ko bakit nga pala kami magkaibigan tapos bigla kong maaalala na isa nga pala siya sa pinaka thoughtful na taong nakilala ko. At dahil nga may bad boy, gagong facade siya, magugulat ka na lang kaya niya palang maging sweet.

Nakita ko na rin kasi kung paano magmahal itong si Kurt. Nagka-girlfriend siya nung second year kami. Taga-Mass Comm yung girl. One year din sila nun. Gago pa din naman siya nun, may mga banat na wala talaga sa hulog, pero kita mong maalaga siya. Kita mo na priority niya lagi kung paano mapapasaya yung girl to the point na lagi niya akong tinatanong ng mga weird na bagay tulad ng anong magandang gawin sa monthsary nila etc. Nagbibigay naman ako ng suggestions tapos biglang banat na bakit ako ang tinatanong niya at hindi si Mimi. Wala daw kasing karoma-romansa sa katawan ang kaibigan namin.

Isang buwan after ng anniversary nila, nalaman na lang ni Kurt na may sinasabay palang ibang lalaki yung girl na taga-Engineering. Ayun, nag-break sila pero binereak din muna ni Kurt yung nguso nung lalaki after.

Sobrang di mo makakausap noon si Kurt at hindi namin alam nina Mimi at Prince kung paano siya dadamayan. Ako na lang ang nagvolunteer na kausapin siya since nandoon ako sa buong relationship niya kasama nung malanding yun. Nag-inuman kami isang gabi at pagkatapos ng ilang bote ng beer, umiyak siya nang umiyak sa balikat ko sa kalasingan. Nakatulog siyang nakasalampak nang ganun at hinayaan ko na lang. Kahit man lang sa ganung paraan e maramdaman niyang 'di siya nag-iisa at walang kasalanan ang puso niyang nagmahal lang nang totoo.

Kaya nung bumanat siya ng masakit maiwan, kahit pabiro e dinedma ko na lang at nagbumilis na lang ng lakad. Bukod sa naaasar na nga ako.

"Uy, Theo! Tingnan mo oh - si Manong Fishball! Tara, kain tayo!" Imbita niya bigla.

Tumigil ako at nilingon ko siya. "Libre mo?"

"Lul, siyempre hindi. Ano 'to, jowa kita?" Tumawa siya ulit.

"Kung makakalibre ako ng fishball, bakit hindi?" Sagot ko naman. Sorry, pero competitive ako.

"Shet, 'di ko alam fishball lang pala katapat mo. E 'di sana matagal na kitang nilibre."

Ano daw? Tama ba pagkakarinig ko?

"Ano 'yun?"

"Walaaa. Sabi ko malamang 'di ka pa nalilibre ni Franz no?"

Nakarating na kami kay Manong Fishball. Buti na lang wala masyadong tao.

"Malamang hindi, e 'di sana na-kwento ko sa inyo 'yun, 'di ba?"

"Ano ba naman kasing nakita mo dun?"

"Pupunta na naman ba tayo sa topic na 'yan?"

Kumuha ako ng stick at nagsimula ng manusok ng fishball. Ganun na rin ginagawa ni Kurt.

"Kasi gwapo, matalino, macho, ganun? In short, perfect guy?"

"Siyempre hindi lang naman--"

"Tapos mabait din at madaming extra curricular?"

"Nandoon na tayo pero--"

"Block rep pa. O 'di ba saan ka pa?"

"Oo na, oo na!" Napasigaw ko na halatang medyo ikinagulat ni Manong Fishball.

"Oo na, sige na, ideal guy siya! Oo na, gusto ko siya dahil sa mga sinabi mo! Oo na, ako na ang tanga!"

Natahimik si Kurt at nakatingin sa'kin habang kumakain ng fishball.

"Pero hindi lang naman dahil dun e." Mas mahinahon kong sagot. "Gusto ko naman na minsan... Minsan lang e maging bet ako ng bet ng lahat."

Matagal na katahimikan.

"So, in short, Cinderella?" Tanong ni Kurt. Ubos na niya fishball niya habang yung akin lumalamig na.

Buntong hininga. "Ewan ko sa'yo."

"Naiintindihan ko naman." Ngumiti si Kurt nang unti unti. "Mahirap magkagusto sa taong hindi ka naman gusto."

Ako naman ang natahimik habang tinititigan ko siya. Malungkot yung ngiti ni Kurt kahit na yun siguro ang pinakamagandang ngiting nakita ko sa mga labi niya.

Dumating na naman ang isang araw na hindi ko pa nasisimulan ang hudas na letter na yun. Wednesday na ngayon at sa Friday na ang deadliest deadline. Binigyan ko naman ng time kahapon ang pagsusulat habang nakatulala ako sa blinking cursor ng Microsoft Word ng siguro e 15 minutes. Nang wala talaga akong mapiga, project naman namin ni Prince sa Feature Writing ang binalingan ko ng atensyon. Mabuti na lang ‘di sila magkasabay ng deadline.

“Ano, kamusta? Need my help?” Biglang tanong ni Prince pagkaupo sa tabi ko. “In fairness, mare, nakuha mo ang pinakamagandang spot dito sa Lib.”

Kumunot ang noo ko at napatingin sa paligid. Nasa study area ako ngayon ng library, naka-laptop, habang ginagawa ang project namin.

“Bakit naman?”

“Dahil dun o.” Pagngunguso ni Prince at nung sinundan ko ang turo niya, may nakita akong gwapo sa hindi kalayuan. Napabuntong hininga ako at bumalik sa ginagawa ko sa laptop.

“Ang landi mo talaga.”

Natawa si Prince. “Gaga, charot lang siyempre. Malamang wala siya sa standards ni Franz mo.”

“Hay, pwede ba, kahapon pa ako inuurat ni Kurt tungkol sa kanya.”

Biglang nag-iba ang expression sa mukha ni Prince. “Talaga? Bakit?”

“Ewan ko ba dun. Lagi namang nang-uurat yun.”

Saglit na katahimikan habang inaayos ko yung layout ng project naming magazine.

“Kamusta naman daw siya?”

Tiningnan ko bigla si Prince na parang sobrang out of this world ng tanong niya. Bakit naman niya tinanong yun? Hindi ba magkakaibigan naman kaming lahat?

“Um, ayun, sira ulo pa rin…” Tumigil ako, medyo alangan sa mga susunod na sasabihin. “Bakit mo naman tinanong? Kaibigan mo din naman siya ah.”

Ngumiti si Prince pero malungkot ang naging ngiti niya. “Pero hindi kasing-close niyo.”

Medyo natigilan ako. Saan nanggagaling ‘tong mga sinasabi ni Prince?

“Alam mo, mahilig lang niya akong asarin at banatan kasi feeling ko natutuwa siya na mabilis akong mapikon.” Sagot ko. Wait, bakit ko jinu-justify ang friendship ko with Kurt?

“Since day one naman, ikaw na favorite niya e.”

“Na asarin.”

Katahimikan na binasag ko rin naman.

“Bakit, Prince? Hindi ba kayo ok ni Kurt?”

Umiwas ng tingin si Prince at pinagmasdan ang ibang estudyanteng nasa library.

“Hindi naman sa hindi okay pero…” Nag-hesitate siya tapos biglang tumawa. “Ewan ko ba. Anyway, CR lang ako ha.”

Tumayo si Prince at umalis. Medyo naguguluhan pa rin ako sa naging takbo ng conversation namin na hindi ko namalayan na nilapag pala niya books niya malapit sa’kin kaya nasiko ko sila at nahulog. Sa taranta ko, kinuha ko sila sa floor at napansin kong may nakaipit na papel sa pages ng isa sa kanila. Out of curiosity, kinuha ko ito. Baka kasi isa sa mga article na dapat e ibibigay ni Prince sa’kin para i-layout for our project. Nagulat na lang ako sa nabasa ko.

Kurt,

Thank you. Ikaw ang una kong nakilala at naging kaibigan nung first day ng classes natin. Hindi ako handang makilala ka nun. Sobra kasi akong takot magcollege dahil sa kung anu-anong stories na naririnig ko. Kaya nung nakilala kita, napawi yun lahat. Napakabait mo sa isang bading na katulad ko. Alala ko nung nag-out ako sa’yo sabi mo, “E ano ngayon? Mas maganda siguro ang mundo kung ‘di na kailangan mag-out ng isang tao no?” Napukaw ako nun. Bumilis ang tibok ng puso ko at para akong maiiyak sa tuwa kasi for the first time, tinanggap ako.

Thank you. Nang dahil sa’yo, nakilala ko sina Theo at Mimi. Nagkaroon ako ng mas maraming kaibigan. Hindi man halata sa personality ko pero loner ako nung high school. Marami kasing hindi makatanggap sa’kin. Marami ang nag-iisip na ang pagiging bakla ay isang sakit na nakakahawa. Pero ikaw, never mong inisip yun at pinatuloy mo ako sa mundo mo at binigyan mo pa ako ng mga kaibigan.

Thank you. Sa lahat lahat ng kwento mong makukulit, sa mga jokes mong hindi ko pagsasawaang pakinggan at tawanan, at sa mga banat mong kailanman ay hindi ko makakalimutan. Isa kang alamat, Kurt, at sana hindi ka magbago.

Pero higit sa lahat, thank you dahil tinuturuan mo akong magmahal nang walang kapalit. Thank you at nabubura ng iyong matamis na ngiti ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko na ibang tao ang mahal mo. Thank you at pinapakita mo sa’kin kung paano ka magmahal.

Para kahit man lang sa pangarap, alam ko kung paano mo ako mamahalin.

Prince

Nanlaki ang mga mata ko. Tangina. Tangina lang talaga. Now it all makes sense. Kaya pala sobra na lang kung humugot si Prince kanina. Bakit hindi ko napansin to think na mga kaibigan ko sila? All this time may gusto pala si Prince kay Kurt at ako naman si tanga na hindi man lang nakaramdam. All this fucking time malamang ay naiinggit si Prince sa closeness namin ni Kurt. Bakit naman kasi itong si gaga hindi man lang sinabi sa’kin e di sana alam ko kung saan ako lulugar?

Shet shet shet. Pero sandali, bakit kailangan kong iwasan si Kurt? Kung tutuusin, magkaibigan lang naman kami. Walang malisya. Ugh, pero paano si Prince? Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Binalik ko agad yung sulat. Bahala na kung yun ba yung tamang libro na pinag-ipitan ni Prince. Basta hindi niya mahalata na nakita ko yung letter. Mabuti na lang medyo matagal bago siya nakabalik.

“Ugh, nakakainis! Under maintenance yung CR dito sa ground floor. Sa second floor pa tuloy ako naka-CR!” Reklamo ni Prince pagbalik. Ako naman si busy-busyhan kunwari focused sa nile-layout.

“Ah, talaga.”

“So, how’s it coming? Shet, I’m sure sa’tin ang pinakamagandang mag. I mean hello, ang galing mo kaya mag-layout.”

Hindi ako nakakibo. Legit na busy na ngayon sa pag-aayos ng margin.

“Uy, earth to Theo! Compliment yun!”

This time, napalingon na ako sa kanya. "Ha? Ano yun?"

"I just complimented your mad layouting skills, mars, ano ka ba." Sabay tawa ni Prince. "May problema ba?"

May problema? May problema? Wala, walang problema. Hindi ko lang naman alam na mahal mo pala ang isa nating kaibigan na ka-close ko at baka nagseselos ka na sa closeness namin. Wala. No problem at all.

"Wala, walang problema." Bumalik ako sa pagle-layout. "Ano lang, um..." Nginitian ko siya. "Di ko lang sure kung paano magiging look nitong next page."

"Ah, yun lang ba? Naku, kaya mo yan. Makukuha mo yan. Lahat naman nakukuha mo." Sagot ni Prince sabay tawa.

'Lahat naman nakukuha mo.' Tangina. Feeling ko nasa isang scene ako straight from No Other Woman.

Actually, bakit naman ako maaapektuhan nung linyang binitawan ni Prince kanina? Like I said, wala namang malisya sa'min ni Kurt. Ni hindi nga kami magjowa. At tsaka jusko naman, hindi naman lingid sa kaalaman ni bakla na pinagnanasahan ko si Franz. Siguro yun lang talagang closeness namin ni Kurt ang medyo kinaiinggitan niya.

E 'di wow, 'di ba? As if naman kaya kong iwasan si Kurt. Tsaka magiging unfair ako sa kanya kung bigla na lang akong iiwas. Malamang magtatanong yun. Di ko naman pwedeng sabihin na kasi mahal siya ni Prince at medyo nagseselos siya sa closeness namin, 'di ba? Para ko na ring nilaglag yung isa, which makes it unfair din. Pero kung di ako lalayo kay Kurt, magiging unfair pa rin ako kay Prince.

Ay putangina, ano bang ginawa ko at napunta ako sa sitwasyong 'to? Parang mas okay pang literal akong maipit sa dalawang nag-uumpugang bato.

Umupo ako sa napili naming table at nilapag ang food tray ko. Nasa malapit kaming Jollibee ngayon at umoorder pa sina Kurt. Sinadya kong ilagay ang backpack ko sa upuang katabi ko para i-reserve si Mimi. Hahayaan kong magkatabi sina Kurt at Prince kahit na ang usual seating arrangement e katabi ko si Kurt.

Kaya nung dumating ang lolo mo, medyo nagtaka siya at nginuso ang bag ko. "Alisin mo 'yan, uupo ako."

"Bakit di ka dun sa kabila?"

"E ayoko e."

"E bakit?"

"Ayaw mo ba akong katabi?" Medyo malakas niyang tanong. Nagtinginan yung ibang students na kumakain.

"Ayaw." Di ko siya nililingon habang sinasawsaw ko ang fries ko sa chocolate sundae.

Naramdaman ko na lang na bigla niyang nilapag food tray niya sa tabi ko, hinila ang upuan at nilipat ang bag ko sa kabila.

"Hoy, ano ba? Bag ko 'yan!"

"Alam ko, may name tag mo pa nga e." Sagot niya sabay upo sa tabi ko.

Kurt-1, Theo-0.

"Ang pilosopo mo talaga." Sabi ko naman bago bumalik sa kinakain ko. Ang sarap kaya ng fries sa chocolate sundae. Bukod sa naiirita ako at nagbackfire ang plano ko. Pero kasi ano pa nga bang ineexpect ko e si Kurt na saksakan ng kulit nga pala 'to?

"At ang sungit mo talaga. Pauupuin lang ako e ayaw pa."

"Bakit ba kasi lagi kang nakatabi sa'kin?"

"Grabe, kung ipagtabuyan mo naman ako."

"Excuse me, hindi kita tinataboy ha."

"Ang sakit, Theo. Akala ko ba we're friends."

"May sinabi ba akong--"

"Wait, ano 'to?"

Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko. Nagulat ako at napatigil. Ang lambot ng kamay niya. Tumahimik bigla ang paligid o yung mundo ko lang yun? Di ko alam. May kung anong nagpabagal ng oras kasi parang slow motion ang lahat. Natitigan ko tuloy siya nang husto. Ang gwapo din pala talaga ni Kurt. Makakapal ang mga kilay, chinito, mapupula ang mga labi at may dimple sa kaliwang pisngi. Ang ganda pa ng rehistro ng araw sa moreno niyang balat. Parang matamis na honey na masarap lasap-lasapin.

Pero wala ng mas tatamis pa sa ngiti niya. Siguro ang paborito ko yung ngiti niya ngayon. Nakakagat labi siya, kita ang medyo sungki niyang mga ngipin at ang kanyang trademark dimple. Sa sobrang pagkakatitig ko sa kanya, hindi ko namalayan na pinahid pala niya ang ice cream sa may labi ko.

"Ayan, okay na. Para ka kasing bata kung kumain ng ice cream."

Di ko maintindihan pero bumilis ang kabog ng dibdib ko. Di ko rin maintindihan kung bakit hindi ko pa rin maialis ang tingin ko sa kanya.

"O ano? Ako naman ba ang may dumi sa mukha? Pakialis na lang please." Tawa niya. Tulala pa rin ako pero ng natauhan na ako iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.

"Ano, um... CR lang ako." Mabilis akong umalis. Narinig ko na lang na tinawag ako ni Kurt pero hindi ko siya nilingon.

Dali dali akong naghilamos pagdating ko sa CR. Tangina, ano yun? Bakit nakaramdam ako ng kuryente nung lumapat yung kamay niya sa pisngi ko? Bakit parang scene naman yun straight out of some cheesy romcom flick? Ano 'tong nangyayari sa'kin? Di 'to pwede. Shet hinding hindi 'to pwede. Siguro nasobrahan lang ako sa fries.

O nasobrahan lang ako kay Kurt?

Ugh. Tangina talaga. Kurt-2, Theo-0.

Nung bumalik ako kanina sa table, nandun na sina Mimi at Prince. Nakikipagdaldalan na nga si Kurt sa kanila. Medyo na-confuse lang ako kasi parang iba yung hitsura ni Prince. Para siyang tulala na tahimik na ewan. Actually, ako din naman tahimik at ngumingiti at tumatango tango lang sa napag-uusapan nila. Feeling ko nakakahalata na sina Mimi at Kurt pero kunwari deadma lang ako.

"So, ano? Anong problema?" Tanong ni Mimi na pang-ilang beses ko ng narinig today. Siya naman kasama ko ngayon. Si Kurt may PE (na di niya tinake nung 1st year) at si Prince naman may org duties. “Kanina ka pa kasi tahimik. Actually, pareho kayo ni Prince. Ano ba, nalunok niyo ba mga dila niyo?”

“Buti sana kung ganun lang kasimple e…” Bulong ko sa sarili.

“Ano yun?”

“Wala.” Umiling ako. “Wala namang problema. May iniisip lang ako kanina.”

“At nagkataon lang na pareho kayo ng iniisip ni Prince?”

Natigilan ako. Pareho nga ba? Shet, feeling ko oo. Feeling ko si Kurt din ang iniisip niya kanina. Pero bakit?

“Siguro nga. Ginagawa pa kasi namin yung magazine namin.” Tumawa ako nang mahina, pang-cover up lang. Sana makalusot.

At nakalusot naman, thank god, dahil yun na ang kinamusta ni Mimi at ‘di na ang poker faces namin kanina ni Prince. Dinaldalan ko siya about sa magazine namin, kung paano ang layout, ano yung mga featured articles namin etc. Nakikinig naman si Mimi at pasalamat na lang ako sa lahat ng santo na mukhang bumebenta naman ang acting ko. Sa totoo lang, gusto kong sabihin na lahat kay Mimi kasi gulong gulo na ako. Kailangan ko ng kausap dahil baka mabaliw na ako dito.

“Mimi, sandali!”

Napalingon ako kahit ‘di ako ang tinawag. Kilala ko ang boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali.

“O, Franz, bakit?” Tanong ni Mimi pagkahinto.

Napahinto rin ako. Mukhang pati tibok ng puso ko huminto. Anong ginagawa niya dito? Buwiset naman, ngayon pa niya ako nakita e balisa ako sa kakaisip. I’m sure ang haggard ng hitsura ko.

“Ano kasi…” Ngumiti nang bahagya si Franz at tumingin sa’kin. Tangina ‘yang ngiting ‘yan. “Pwedeng iwan mo muna kami, Theo?”

Ha? Ano daw?

“Ah, s- sige…” Pagtango ko na lang kahit na ‘di ko alam kung anong nangyayari. Nakakunot ang noo ko habang unti unting naglalakad papalayo. Hindi ko maintindihan. Anong kailangan ni Franz kay Mimi? Bakit kailangang wala ako? Medyo nahihirapan akong lumunok, yung parang tuyong tuyo ang lalamunan ko. Ano ‘to? Bakit masama ang kutob ko?

Nang medyo nakalayo na ako, nilingon ko sila at yun siguro ang pinakamalaking pagkakamali ko. Sabi nga nila, ignorance is bliss. Sana pala hindi na lang ako lumingon dahil nakita kong may inabot na nakatuping sulat si Franz kay Mimi.

Nagdecide akong mag-cut ng klase pagkatapos. Photojourn lang naman. To hell with it. To hell with them all. Bakit ba kasi ‘di na lang ako nilamon ng lupa nung mga sandaling yun para sa hell nga talaga ang bagsak ko? Ayan, ayan kasi ang tanga tanga ko. Kung ‘di ba man ako isang libo’t isang tanga na umasa kay Franz? Kung ‘di ba man ako isang milyon at isang tanga na umasang magugustuhan din ng isang straight guy? Ano ba, Theo, sa tingin mo nasa fairy tale ka at ikaw nga si Cinderella? Sa tingin mo nasa pelikula ka at ikaw si Julia Roberts sa Pretty Woman?

Sa tingin mo magiging fair ang mundo?

Malamang hindi, lalo na sa isang katulad ko. Lalayo pa ba ako e pucha, tumingin ka lang sa isang gay dating site malalaman mo na e. ‘Gym fit, pogi sa pogi, effems back off etc.’ Jusko, hindi na nga fair ang society sa katulad ko, hindi pa rin fair ang mga katulad ko sa isang katulad ko. Saan ka pa? So kung yung gwapong straight-acting kuno e hindi na ako magugustuhan, yun pa kayang straight talaga? Sinong niloko ko?

At ang pinakamasakit pa dito, kaibigan ko pa ang nagustuhan ni Franz. Tangina naman, universe, ano bang ginawa ko sa past life ko para parusahan mo ako nang ganito? ‘Di ko tuloy magawang magalit kay Mimi kasi kung tutuusin, deserve niya si Franz at vice versa. Bagay sila. Bagay na bagay sila. Dapat maging masaya ako pero bakit parang gusto ko na lang umiyak nang umiyak?

Pinagmamasdan ko ang soccer team magpractice sa field ng biglang tumunog na naman ang phone ko. Nagtext na naman si Mimi at hinahanap ako. Pang-limang text na siguro niya. Hindi ko siya nireplyan. ‘Di naman ako galit, ayoko lang siyang makita. Actually, ayoko lang silang makita lahat. Ise-set ko na sana sa airplane mode ang phone ko nang biglang may tumawag.

Si Kurt.

Dinecline ko. Nagring ulit. Dinecline ko ulit. Nagring ulit. Nang dinecline ko ulit, biglang may pumasok na text. Si Kurt na naman. Kapag hindi ko daw sinagot phone ko, ikakalat daw niya pictures ko nung retreat na natutulog nang nakanganga. Real mature. Okay, fine, whatever. Bahala siya. Kung gusto niya akong i-blackmail, e ‘di go. I’ve already hit rock bottom.

Nagring ulit phone ko. Siya na naman. ‘Di talaga marunong sumuko itong mokong na ‘to e. Dinecline ko ulit at may pumasok na namang text. Last chance ko na daw. Kapag hindi ko na naman sinagot, ikakalat naman daw niya this time yung video kong lasing na lasing at nagmumura.

Fuck, okay, that’s it. He crossed the line. Nung tumawag ulit siya, sinagot ko na.

“Tangina mo, Kurt! Bakit may video ka nun?”

“Naniwala ka naman.”

Ay, punyeta.

“Oops, ‘wag mong ibababa. Haha. Nasan ka ba kasi?”

“None of your business.”

“Sa pagkakaalam ko, walang ganyang lugar dito sa campus.”

Malalim na buntong hininga. “Ano bang kailangan mo?”

“Ikaw.”

“Kurt, hindi ako nakikipagbiruan. Gusto kong—“

“Pupuntahan kita diyan. ‘Wag kang aalis.”

“Hoy, may klase tayo. ‘Wag kang mag-cut.”

“Ikaw nga nag-cut e.”

“I have my reasons.”

“Well,” Tawa niya sa kabilang linya. “I have my reasons, too.” Sabay baba ng phone.

Baliw. Nababaliw na talaga ‘tong si Kurt. Magcu-cut siya ng klase para lang puntahan ako dito sa field. Hanep. Pero wait, hindi naman niya ako tinanong kung nasaan ako e so paano niya nalaman na nandito ako? Malamang nito e nagbu-bluff lang siya at hindi niya talaga alam. Oh well, might as well stay here. I’m sure hindi naman niya ako mapupuntahan.

“Theo!”

Pakshet.

Hindi ako lumingon. “Bakit ang bilis mo? At paano mo nalamang nandito ako?”

“Nandun lang ako sa malapit na building. Natanaw kita dito sa field kaya tinawagan kita.” Malamang nakangisi siya ngayon kahit ‘di ko siya lingunin. “Ano bang problema? Bakit ka nandito?”

Ayan na naman ‘yang tanong na ‘yan. 'Ano bang problema?’

“Gusto mong malaman kung anong problema?” Lumingon na ako. Nakatayo si Kurt sa harapan ko at nakabasketball jersey pa. Halatang kakagaling lang niya sa PE niya. “Gusto mo?”

“Kaya nga ako nandito, ‘di ba?”

“Talo na naman ako, Kurt." Pinipigilan kong 'di maiyak. "Talunan. Forever. Lagi na lang akong talo, kinginang ‘yan.”

“Bakit? Tumaya ka ba?”

“Ha?”

“Paano ka matatalo kung ‘di ka tumaya?” Ngiti niya. “Ano ba ‘yang pinatalo mo? Kanino ka natalo?”

“Hindi ako nagbibiro.”

“At ‘di rin naman yun ang ginagawa ko ah. Nagtatanong lang.”

“Kurt naman e…” Napaupo ako sa bench. Naiinis ako. Naiinis ako kay Franz. Naiinis ako kay Kurt. Naiinis ako sa mundo.

Naiinis ako sa sarili ko.

“Ano ba kasi ‘yang kinatalo mo ha?” Tumabi sa’kin si Kurt. Papalubog na ang araw nun at pinapatingkad nito ang paligid. “Laro ba ‘yan?”

“Oo, laro ng pag-ibig.” Sagot kong may pagka-sarcastic.

Natawa siya. “Sabi na nga ba e.”

“Walang nakakatawa.”

“Uulitin ko tanong ko kanina. Tumaya ka ba?”

Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa’kin. Nagrereflect sa mga mata niya ang papalubog na araw. Umiling ako at tumungo.

“O e ‘di ayun. Sa simula pa lang talo ka na kasi ‘di ka tumaya. Wala kang ginawa.”

“E ano naman sa tingin mong dapat ginawa ko? Ikaw na nagsabi ‘di ba? Hindi kami talo ni Franz.”

“Hindi lang naman pag-pursue sa kanya ang course of action mo. Sinabi ko ng ‘di kayo talo e ‘di dapat kinalimutan mo na siya. Pero kahit ‘yun hindi mo ginawa.”

“Wow, easier said—“

“—Than done, alam ko. Pero at least, hindi ka natalo.”

Natigilan ako. Nagflashback sa’kin ang lahat. Hindi talo si Prince kasi pinili niyang unti unting mag-move on kay Kurt at pinili niyang sulatan ito. Hindi talo si Franz dahil binigyan niya ng letter si Mimi. Ako lang, ako lang talaga.

“Kaya ako, wala akong balak matalo.” Dugtong pa ni Kurt tapos biglang may kinuha sa backpack. Isang nakatuping sulat. Inabot niya ito sa’kin. “Paki-grammar check po please, Mr. Grammar Nazi.” Sabi niya kasabay nung favorite kong ngiti niya.

Binuksan ko yung letter na medyo tulala pa. At pagkatapos mag-adjust ng paningin ko sa mga letrang nakasulat sa loob, nagulat na lang ako.

Theo,

Gusto kong sumulat ng tula. Alam ko, at ikaw pa nga may sabi, na hindi ako marunong sumulat ng tula. ‘Di ba halos gumapang ako nung pinagsulat tayo ng tula nung Filipino Lit prof natin last year? Pero gusto ko at kasing sidhi ng kagustuhang ito ang pagkagusto ko sa’yo. Dahil para rin sa’yo ang tulang dapat ay isusulat ko, tulang walang ibang lalamanin kung hindi ang pag-ibig ko sa’yo, tulang puno ng pasasalamat galing sa puso.

Dapat nasimulan ko na yun kagabi kaso ‘di ko matagpuan ang mga tamang salita. Papaano ko ba dapat simulan? Kailangan ba may tamang baybay, tamang bilang ng salita? Paano kung gusto ko lang mag-freeverse? Tama pa rin ba ang magiging tula ko? Maganda pa rin kaya? Babasahin mo pa rin kaya? Ang hirap e. Hindi ko alam kung paano simulan dahil hindi ko rin alam kung paano ako nagsimulang mahulog sa mga ngiting iyong pinakakawalan. Siguro nung gabing nalasing ako at ‘di mo ako iniwan nagsimulang mapukaw ang damdamin ko. Siguro nung lagi mo akong dinadamayan. Siguro nung una palang tayong nagkita. Kaya gusto kong gumawa ng tula, tulang puno ng pasasalamat galing sa puso.

Hindi naman ako handang makilala ka. Nung first day ng klase, wala naman akong expectations. Isa lang akong pariwarang gago na kumuha ng Journalism dahil mahilig sa photography. Pero nahanap kita. Ikaw na masungit, mainitin ang ulo, at saksakan ng OC at ako na tarantado, makulit at walang magawa sa buhay. Gusto kong gumawa ng tula tungkol dun, tungkol sa kung paano natin kino-compliment ang isa’t isa, tungkol sa samahan nating walang iwanan, isang tula ng pasasalamat galing sa puso.

Ngunit hindi ko nagawa. Hindi ko tuloy makikita ang reaksyon mo sakaling nakagawa nga ako. Pero at least, makikita ko ang reaksyon mo habang binabasa ang liham na ito. Oo, mahal kita at oo, nagpapaka-cheesy ako. Hayaan mo ako ngayon lang. Hayaan mo akong pukawin ang damdamin mo kagaya ng pagpukaw mo sa’kin. Hayaan mo akong umasa na kahit iba ang mahal mo e darating ang araw na ako'y mamahalin mo din.

Hayaan mo akong subukan muling gumawa ng tula para sa’yo, isang tula ng pasasalamat galing sa puso.

Nagmamahal,

Kurt

Nanginginig ako na tumingin kay Kurt. Nandun pa rin yung favorite kong ngiti sa mga labi niya at kung ang ganda ng rehistro ng araw kanina nung lumapat ang kamay niya sa pisngi ko, mas maganda ngayon.

“Ano ‘to, Kurt?”

“Papel.”

“Tangina, ano nga ‘to?”

Lalo lang siyang ngumiti. “Sulat. Prelims ko sa Lit.”

Imbes na mainis pa ako lalo, napabuntong hininga na lang ako at natawa nang mahina sa pagod, sa pagkaka-overwhelm, sa lahat lahat. Mahal ako ni Kurt at ‘di ko alam, ‘di ko sure kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Pero isa lang ang klaro ngayon:

“Wala namang wrong grammar.”

Sumingkit lalo ang chinitong mga mata ni Kurt nang lumapad ang kanyang ngiti. At lalo ko lang itong napagmasdan dahil ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.

“So, feeling mo papasa naman ako?”

Ngumiti din ako paunti unti. Hay, si Kurt. Ang lalaking magpapagulo ng buhay mo. Ang lalaking umaayos naman ng buhay ko.

“Oo, feeling ko naman.”

At nawala na ang maliit na distansya sa pagitan ng mga mukha namin.

End

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Handwritten (Part 1)
Handwritten (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgJrafbA69B28X8yUTR_jjJ26fiGxYh849d4rW7ve1ZmXakMvZORb2HTPiGRyfTfN4jeZ2EADFZRn4Knr4AF1iJAzH1DTsW1OQfY1KkWtxfTYwYyNIHqYiIF73uopRXe1UH0GhMWSXorkqd/s400/12907145_982669898455250_462035007_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgJrafbA69B28X8yUTR_jjJ26fiGxYh849d4rW7ve1ZmXakMvZORb2HTPiGRyfTfN4jeZ2EADFZRn4Knr4AF1iJAzH1DTsW1OQfY1KkWtxfTYwYyNIHqYiIF73uopRXe1UH0GhMWSXorkqd/s72-c/12907145_982669898455250_462035007_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/04/handwritten-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/04/handwritten-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content