$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

On the Wings of Love (Part 4)

By: Kenji-chan Kinabukasan matapos masigawan ni Vanderson, nagising ako sa kalansing ng syanse sa kawali. Idinilat ko ng bahagya ang aking m...

By: Kenji-chan

Kinabukasan matapos masigawan ni Vanderson, nagising ako sa kalansing ng syanse sa kawali. Idinilat ko ng bahagya ang aking mga mata at nakita ko si mokong na nagluluto. Binaling ko ang aking mga mata sa bintana na hindi pa nasisinagan ng araw.

“Bakit kaya ang agang nagising ni Vanderson? Tanghali pa naman ang pasok nya.”, tanong ko sa aking sarili.

Pinanood ko lamang siya sa kanyang ginagawa sa pamamagitan ng medyo dilat kong mata. Natapos ang kanyang seremonyas sa lamesa ng takluban niya ang kanyang inihanda. Pumasok siya sa banyo at paglabas nya ay naka pangjogging na sya. Kumain lamang sya ng saging saka lumabas ng dorm. Naghintay ako ng tatlo pang minuto kahit na may dalawang minuto nang nakakaraan matapos tumunog ang alarm ko at limang minuto namang nakakaraan simula noong umalis si mokong. Hindi ko alam pero ayokong mahuli ako ni mokong na tinitingnan ang kanyang niluto sakaling sya ay bumalik. Baka mapahiya pa ako dahil akalain nyang gusto kong kainin ang pagkaing iniluto nya.

Pagbangon ko ay napansin ko agad ang papel na nasa panaklob ng ulam. Dali-dali ko itong nilapitan at binasa.

“First of all I want to apologize for unreasonably yelling inspite of your concerns. Then, I want to ask your approval regarding our new rule inside the dorm. We both know that we keep important things in here so we should not open our door to strangers. Have a great breakfast, sayo lahat yan.

- Vander”

“So yun pala ang pinag-aalburoto nya kagabi. Natatakot syang manakawan”, usal ko sa aking sarili.

“Sana sinabi nya na lang noong unang araw ko dito para di ko na pinapasok si Dexter”, dagdag ko na medyo may pagkainis.

Binuksan ko ang taklob at aaminin kong nawala ang inis ko sa aking mga nakita. Sino ba namang hindi matutuwa na pinaghanda ka ng breakfast na halos kumpleto na. May timpladong kape, may bowl ng crab and corn soup, may scoop ng rice na I think more than a cup ang serving, may itlog na sunny side up, dalawang longganisa,
isang jumbo hotdog at buttered broccoli. Mayroon ding isang pirasong saging na lakatan at higit sa lahat ay ang paborito kong Meiji Milk Chocolate bar at take note yung malaki pa. Napansin niya sigurong paborito ko ito dahil madalas ko iyong kainin pag napapadaan ako sa 7 eleven.

Ang sweet naman ni Vanderson para ipaghanda ako ng ganito kagarbong agahan. Kadalasan kasi ay Gardenia at star margarine lamang ang kinakain ko sa umaga dahil minamaximize ko ang tulog ko kaya wala nang oras para magluto ng tulad nito at isa pa ay nakakatipid ako pag tinapay lamang ang kinakain ko.

Dumaan ang ilang araw, ilang linggo at ilang buwan. Mas naging close kami ni Vander. Yun na lamang daw ang itawag ko sa kanya dahil masyadong awkward pag buo pang pangalan at isa pa ay masyado daw itong mahaba. Kung ako ang tatanungin ay mas gusto ko pa rin ang Vanderson pero sinisita nya ako pag yun ang tinatawag ko sa kanya.

Minsan, habang nakahiga ako at nagfe-facebook sa aking mobile phone ay biglang sumilip si mokong mula sa upper deck ng kama. Sya nga pala, sa tagal-tagal na naming magkakilala ay hindi pa kami friends sa fb. Hanggang browse-browse lang ako sa fb nya pag naaalala ko sila ni tita noong high school days. Nahihiya kasi akong i-add sya at isa pa ay dahil nga lagi nya akong binubully noong mga bata pa kami.

"May isesend ako sayo sa fb, accept mo yung friend request ko", utos nya sa akin.

"Ok", sagot ko na pinilit kong pagmukaing normal pero deep inside ay masayang-masaya ako.

Ilang saglit lamang pagka-accept ko ng friend request nya ay may mga picture na nagsend sa akin. Hinintay ko pa itong magloading para lumabas ang mga image. May kabagalan ding taglay ang internet ko dahil data lamang ang gamit ko. Tumambad sa akin ang mga poster ng mga showing na mga movies para sa buwan na iyon. Kasunod noon ay lumabas ang tatlong tuldok na gumagalaw ng taas baba, tanda na sya ay naggagawa ng message para sa akin. Pawala-wala ito na animo ay hindi malaman kung ano ang nais sabihin. Tapos ay biglang lumabas ang message na ito.

"Nakakatamad no?"

Hindi pa ako nakakapagreply ay lumabas na naman ang tatlong tuldok at biglang lumabas ang kasunod na message. Mukang mabilis magtype si mokong.

"Nuod tayo ng sine?"

Nakakakilig isipin na niyayaya nya akong manuod ng sine.

"Ok :D",dali-dali kong reply sa kanya.

Lumabas na naman ang mga tuldok kaso ay pawala-wala lamang ito.

"Goodnight :D", huling message niya bago kami matulog.

Pinagbawalan man ako ni Vanderson na magsama sa dorm ng kahit na sino, hindi naman nito napigilan ang madalas na di sinasadyang pagkikita namin ni Dexter.

May kadalasan ko na rin syang nakasabay sa pagpasok sa school dahil sa tyempuhang palabas sya ng main gate ng condominum nila habang ako ay padaan pa lamang rito papuntang school. Di kasi maiiwasang di madaanan ang main gate ng condominium nila kapag pupunta kang school. Kung mapaglaro ang iyong isipan ay sasabihin mong sinasadya na ang madalas naming pagkakasabay ngunit pareho lamang talaga kami ng oras ng first subject. 7:00 am din ang pasok ni Dexter at nakumpirma ko ito sa kanyang registration card. May dalawang araw din kaming sabay ang tapos ng klase at kadalasan ay tyempuhan rin na lagi kaming nagkakasabay pauwi at hinahatid nya pa rin ako hanggang sa pintuan ng dorm namin. Minsan ay gusto ko nang isipin na may gusto sa akin si Dexter pero hindi naman sya kagaya ko na may pagkamalamya kumilos. Kahit ang kanyang boses at pananalita ay walang bahid din ng pagkaalanganin. Maaari sigurong magiliw lang talaga sya sa pakikipagkaibigan.

Isang beses na nagkasabay uli kami pauwi ay inimbita ako ni Dexter sa kanyang unit. Kinakabahan ako noon habang papasok kami sa main gate dahil balibalita sa school na naninita at nanghaharang ang mga gwardya sa condominium na yun. Ngunit nang makarating kami sa tapat ng gwardya ay sinaluduhan sya nito at binati ng "sir".

"Boss bisita ko", sabi ni Dexter sa gwardya.

"No problem sir", tugon naman ng gwardya.

Dirediretso kaming pumasok ni Dexter.

"Kilala ka na pala dito", usal ko sa kanya noong makalayo na kami. Tinugunan nya lamang ito ng napakagandang mga ngiti.

2nd floor ang studio-type unit nila Dexter. Maganda ang pagkakaayos nito at pagkakapintura. Magagarbo rin ang mga kagamitan dito. May dalawang kwarto sa loob na ang wari ko ay tig-isa sila ni Sofia. Ngunit ng oras na yun ay wala si Sofia dahil doon raw ito nagtitigil sa student council office upang magduty pagkatapos ng klase nito.

Kung anu-ano ang nagpagkwentuhan namin ni Dexter habang naglalaro ng tekken sa dalawang psp vita nya. Ipinaglabas pa niya ako ng miryenda sa fridge nila. May carbonara, slice ng mango cake ng red ribbon, at welch grape juice. Mayaman talaga si Dexter nasabi ko sa aking sarili.

Habang kumakain ay napansin kong natigilan si Dexter na tila may iniisip na malalim.

"May gagawin ka ba sa lunes, declared holiday yun dba?"

"Oo walang pasok. Inaya ako ng kadorm ko manuod ng movie birthday treat nya daw", tugon ko sa kanya.

"Simangot ba yun? Sumimangot ba si Dexter sa sagot ko sa kanya?" bulong ko sa isip ko ng makita ko ang reaksyon nya sa sinabi ko.

"Bakit mo pala natanong?" tanong ko kay Dexter.

"Ahhh wala naman. Ayain din sana kitang manuod ng movie kaso may nauna na palang nag-aya sayo." tugon nya sa akin sa seryosong muka.

"Gusto mo sumabay ka na lang sa amin manuod?" pag-aaya ko kay Dexter.

"Talaga? Hindi ba nakakahiya?" batid sa muka ni Dexter ang excitement at tuwa.

"Oo naman. Sabihin ko na lang kay Vanderson para alam nya na isasama kita. Tsaka para naman din magkakilala na kayo" sagot ko sa kanya.

Umuwi ng Linggo si Vanderson sa kanila upang makasama ang pamilya niya sa araw ng kanyang kaarawan. Inaya naman nya akong sumama sa kanya ngunit tinanggihan ko siya dahil may ROTC ako ng araw na yun. Sinabihan nya rin ako na mauna na ako sa mall sa Lunes at binigyan ng pera pambili ng ticket.

Dumating na ang araw ng Lunes. Nakalimutan kong banggitin kay Vanderson na sasama manuod ng movie si Dexter. Naisip ko naman na ayos lamang na kasama si Dexter dahil mabait naman ito at siguradong magkakasundo sila pag nagkakilala na sila.

Sabay kaming nagpunta ni Dexter sa mall. Dinaanan pa niya ako sa dorm dala ang isang box ng 48 pieces ng ferrero rocher chocolates. Sabi nya ay padala daw ng daddy at mommy nya at hindi nila kayang ubusin sa unit nila ni Sofia. Hindi man iyon ang paborito kong chocolate, masasabi kong iba ang saya na naidudulot ng makatanggap ng ganung karami at kamahal na chocolates. Lubos lubos ang pasasalamat ko kay Dexter ng iabot nya sa akin ito, halos hindi ko alam kung paano tutumbasan ng pasasalamat ang kabaitan nya sa akin.

Iniwan ko ang chocolate sa ibabaw ng fridge bago kami umalis ni Dexter. Para akong babae na may bf sa sobrang gentleman sa akin ni Dexter. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ng kanyang Montero bago siya sumakay para magdrive. Binuksan niya ang radyo ng kanyang sasakyan saka isinuksok ang usb na galing sa kanyang bulsa.

Makailan pang pindot sa radyo ay tumugtog ang kantang You'll Be Safe Here by Rivermaya. Sabay pa kaming napapakanta ni Dexter sa himig na umiikot sa loob ng kanyang sasakyan. Parang joyride lang ang dating dahil ang saya namin habang sinasabayan ito. Nang matapos ang kanta ay itinigil nya ang radyo.

"Alam mo paboritong-paborito ko ang kanta na yun"

"Pareho pala tayo", sagot ko sa kanya.

Tila mas nagliwanag ang kanyang muka matapos ko itong sabihin. Ayoko namang bigyan ng kahulugan ngunit halatang-halata ang abot tenga nyang ngiti.

"Bakit parang ang saya-saya mo?"

"Ahhhhh.... Wala. Excited lang ako sa movie na papanuorin natin. Medyo matagal na din kaso akong hindi nakakapanuod ng movie" tugon nya sa akin.

Narating kagad namin ang parking lot ng sm. Nagmamadali syang bumaba at pinagbuksan pa ako ng pinto.

"Pasaway ka Dexter, di mo na kailangang gawin yun."

"Gusto kitang pagsilbihan. Gusto kong bumawi dahil niyaya mo akong sumama manood ng sine"

"Para yun lang", sagot ko sa kanya habang bumabalik sa alaala ko na hindi ko pa nga pala nasasabi kay Vanderson na niyaya ko si Dexter sumama sa amin.

Habang nakapila ako sa bilihan ng ticket ay nagpaalam si Dexter na bibili ng makakain. Medyo mahaba din ang pila dahil sikat ang movie na papanuorin namin.

Naramdaman ko na lamang na may palad na dumaop sa palad ko. Inilipat nito sa kamay ko ang tali ng bitbit niya na agad ko namang hinawakan upang hindi malaglag. Una kong tiningnan ang isinabit sa kamay ko sa pagtataka kung anu man ito. Nakita ko ang box ng one dozen ng krispy kreme na may tissue pang nakasingit sa ibabaw. Idinako ko ang tingin ko sa kung sino man ang naglagay nito sa kamay ko at bumungad sa akin ang nakataas na makakapal na kilay at nakakatunaw na seryosong mga tingin ni Vanderson.

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman" sagot ko na punong-puno ng galak sa puso. "Nilibre mo na nga ako ng movie, libre pa rin ng paborito kong doughnuts. Maraming salamat Vanderson."

"Di ba sabi ko Vander na lang? Kulit mo talaga" sabay gulo sa buhok ko.

"Ehhh sa gusto ko ang Vanderson, wala kang magagawa" habang inaayos ko ang buhok kong ginulo ni mokong. "Sya nga pala, Happy Birthday uli Vanderson."

Kitang-kita ko ang ngiti sa mata nya noong binati ko sya at nagpapasalamat sya bilang tugon. Kitang-kita ko rin ang unti-unting pagbabago nito nang biglang dumating si Dexter.

Itutuloy

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: On the Wings of Love (Part 4)
On the Wings of Love (Part 4)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhE9GxChwIpnqwljZZEcgtqa_l11SErjy7JhOVYE6bQJ_k4eWoIeWTyPQgPNLWqAzZaXhyPzpri9hh1m-S7xCm8eWlZcFBNi_VDtgOpzrGbgZcte-cEv5Abu2lfVCirWPX4RSb0esF340Hr/s400/viray.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhE9GxChwIpnqwljZZEcgtqa_l11SErjy7JhOVYE6bQJ_k4eWoIeWTyPQgPNLWqAzZaXhyPzpri9hh1m-S7xCm8eWlZcFBNi_VDtgOpzrGbgZcte-cEv5Abu2lfVCirWPX4RSb0esF340Hr/s72-c/viray.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/04/on-wings-of-love-part-4.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/04/on-wings-of-love-part-4.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content