$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Handwritten (Part 2)

By: Idge “Kurt, ano ba, ‘wag dito, ang daming tao.” “Wala akong pake sa kanila.” “Ako meron kaya tigilan mo na ‘to.” “Ayoko.” “Kurt naman e…...

By: Idge

“Kurt, ano ba, ‘wag dito, ang daming tao.”

“Wala akong pake sa kanila.”

“Ako meron kaya tigilan mo na ‘to.”

“Ayoko.”

“Kurt naman e… tsaka, medyo nakikiliti ako.”

“Talaga? Dito banda?”

“Kurt, ‘wag!”

“Ang cute mo ‘pag ganyan hitsura mo.”

“Tangina, anong cute di— hahaha, Kurt, tama na, please!”

“Nag-eenjoy pa ako e.”

“Pwes ako, hindi!”

“Tawa ka nga nang tawa e.”

“E gago malamang kinikiliti mo 'ko.”

Pumiglas na ako sa pagkakaakbay ni Kurt. Naglalakad kami ngayon sa hallway pagkatapos ng moment namin sa field. Sa totoo lang, medyo overwhelmed pa rin ako na nangyari nga ‘yon. First kiss ko kasi. Shet, ‘di ba? First kiss ko si Kurt. Hindi naman nagtagal. Smack lang. Pero sa katiting na sandaling iyon, marami akong naramdaman - ‘yong bilis ng kabog ng dibdib ko, ‘yong malambot niyang mga labi at ‘yong totoo niyang pag-ibig para sa akin. Sa katiting na sandaling iyon, sa humigi’t kumulang na limang segundong iyon, napatunayan kong minsan, kahit minsan, ay fair pala ang mundo.

“Masarap ba akong mangiliti?” Tanong niyang nakangisi.

“Anong klaseng tanong ‘yan?”

“Yong tipong sinasagot.”

“Wala namang sagot diyan.”

“Lahat kaya ng tanong may sagot.”

“Well, fine. I’ll rephrase that - ‘yang tanong na ‘yan ‘di sinasagot.”

“E ako sinasagot mo na?”

Natigilan ako.

“Huh?”

“Ang slow naman, Theo.”

“Paki-ulit ‘yong tanong mo.”

“Masarap ba akong mangiliti?”

“Hindi, hindi ‘yan.”

“Ano ba ‘yan, ang bingi.”

“Hay, nako, ewan ko sa’yo.” Nagbumilis ako ng lakad. Naiirita na naman ako. Minsan talaga ‘di ko alam kung anong gagawin ko sa mga pilosopo at makukulit niyang mga banat e.

Tumawa lang siya at biglang hinablot ang kamay ko. Natigilan ulit ako. Pati yata tibok ng puso ko sandaling tumigil.

“Hindi pwedeng ewan.”

Lumingon ako sa kanya. Alas singko na ng hapon at nasa likod niya ang papalubog na araw. Para tuloy ang liwa-liwanang niya. Idagdag mo pa ‘yong ngiti niyang unti-unting bumibihag sa katinuan ko. Nakakasilaw pero ang sarap pagmasdan.

“Oo lang naman o hindi ang sagot.”

Ang sarap sigurong panoorin n’ong lumulubog na araw sa likod niya pero wala akong pake kahit harangan niya ito hanggang takipsilim. Mas masarap kasing panoorin si Kurt na nakatayo sa harapan ko at pinakakawalan ang pinakamaliwanag na ngiting nakita ko.

“Kurt…”

“O ano? Masarap ba akong mangiliti?”

Natawa ako. Bakit parang kahit ‘yan ang tanong niya e iba ang naririnig ko at nababasa sa ngiti niya?

“Oo.” Ang liwanag din siguro ng ngiti ko. “O ayan, sinagot ko na ha.”

Hinila ako ni Kurt at walang awang kiniliti. Siguro ayos lang mag-gabi basta siya ang sisikat na araw kinabukasan.

Since Photojourn ang huli naming subject, na pareho naming napagdesisyunang hindi pasukan, umuwi na lang kami ni Kurt. Balak sana niyang hawakan ang kamay ko habang naglalakad pero hindi ako pumayag. Bukod kasi sa overwhelmed pa din ako, e nakakahiya. Siyempre hindi ko kinahihiya si Kurt. Alam mo ‘yon, social stigma kasi. Ayoko lang na may masabi ang mga tao sa paligid. Para sa’kin, okay lang, sabihin nila lahat ng gusto nilang sabihin pero ‘di ako papayag na may sabihin sila kay Kurt. Ayokong may masabi silang masasakit na salita sa kanya.

Kahit na feeling ko e wala naman siyang pake.

“O siya, kita na lang tayo bukas.” Sabi ko n’ong kailangan na naming maghiwalay. Nakangiti lang siya.

“Wala ‘yong roommate ko, may overnight review daw. Dun ka na lang sa’kin.”

Namula ako. “Hoy, walang—“

“—Alam ko.” Tango niya. "Ayoko lang malayo sa’yo.”

Feeling ko mas lalo akong namula. “Araw-araw tayong nagkikita sa klase.”

“Ayaw mo ba 'kong makasama?”

“Wala akong sinasabing ganyan.”

“Grabe, Theo. Ang sakit naman.”

“Wala akong sinasabing ayaw kitang makasama, tumigil ka diyan. Siyempre gusto kitang makasama pero—“

“Tara, dito ‘yong dorm ko.”

Napabuntong hininga na lang ako. Never talaga akong mananalo kay Kurt.

Hindi ko naman first time sa dorm niya. Sa katunayan, parang tatlong beses na akong nakapunta dito. Unang beses noong may project kami, pangalawa noong kailangan ko siyang ihatid kasi sobra siyang nalasing at pangatlo noong dinamayan ko siya after niya ma-heartbroken doon sa malandi niyang ex. Pero siyempre, magkaibigan palang kami noon. Ngayon kasi, well, may something na. Unti-unti na akong nahuhulog sa kamandag ni Kurt Angelo Tan.

Nasa second floor ‘yong kuwarto niya. Pagpasok ko, ganoon pa rin, magulo. Halatang dalawang balugang gago ang nakatira. Iyong roommate niya taga-Architecture kaya puro plates na nakakalat ang makikita sa side niya ng kwarto. Si Kurt naman talagang burara lang. May nakasabit pang puting brief sa paanan ng kama niya. Hindi na ako magugulat kung may kung anong dirt monster na biglang tumuklaw sa’min dito.

“Never niyo bang naisip na maglinis?” Tanong ko pagkaupo sa kama ni Kurt.

“Effort lang ‘yon.” Sabi niya sabay tanggal ng basketball jersey. Tumambad tuloy sa’kin ang hubad niyang katawan. Sabi ko nga, in fairness kay Kurt, pang-Bench underwear model ang pangangatawan niya. Hindi OA na ma-muscle, ‘yong tamang pagka-lean lang kumbaga - maganda ang hubog ng dibdib, walang abs pero flat and firm ang tiyan, obvious ang biceps sa mga braso, gan’on. Umiwas ako ng tingin. Kahit na ilang beses ko ng nakitang nakahubad si Kurt, ewan ko ba. Parang this time kasi may halo ng malisya at ayoko namang isipin niya na ‘yon lang habol ko.

“O s’an ka nakatingin?”

“Sa mga kalat niyo.”

“Mas maganda pa ba ‘yon kesa dito?”

Nilingon ko siya. Pang-inis ‘yong ngiti ni Kurt habang nagfe-flex. Natawa lang ako. “Yan ba gusto mong ipakita kaya mo ako dinala dito?”

“Bakit? May iba ka pa bang gustong makita?”

“Itong magulo niyong kwarto.”

“Ah, gusto mo pala ng magulo.” Tumawa siya at tumabi sa'kin. “Kaya mo pala ako gusto.”

Namula ako. “O ano ng gagawin natin dito? Tutunganga?”

Naramdaman kong humiga si Kurt. “Pwede din. Ayos lang tumunganga basta ikaw ang nakikita.”

Pulang pula na siguro mukha ko. “Kurt, seryoso ako. Wala ka man lang ba diyang movies o…?”

“Sabi ko nga, ikaw lang papanoorin ko, okay na.” Nagulat ako kasi bigla niya akong hinila kaya napahiga ako sa tabi niya. Naunan ko tuloy ‘yong matipuno niyang braso.

“Hindi ako pelikula, Kurt.”

“Hindi nga. Siguro teleserye ka. ‘Yong 'di nakakasawang panoorin araw-araw kahit na paulit-ulit lang ang kwento.”

“Compliment ba ‘yon?”

“Oo, kasi ‘di ako nanonood ng teleserye.” Tawa niya. “Pero kung ikaw ang teleserye, ma-aadik siguro ako."

Bumaling ako sa kanan. Nakatingin sa’kin si Kurt, nakangiti, habang nakahubad pa rin siya. ‘Yong dibdib niya dahan-dahang sumasabay sa malumanay niyang paghinga.

“Ano naman kayang title ko?”

“Nang Ibigin Ko Ang Gwapong Si Kurt.”

Natawa ako at mahinang kinurot siya sa tagiliran. Tumawa rin siya. “Mababa siguro ratings n’on.”

“Oo, kasi ako lang ang manonood.” Pagmamayabang ni Kurt.

“E ‘di maca-cancel ‘yon agad.”

“Ayos lang.” Tumingin siya sa kisame. “Bibili na lang ako ng kopya tapos paulit-ulit kong papanoorin. Wantusawa. At least, ako lang ang nakaka-appreciate. Akin lang ‘yong teleserye.”

Para akong maiiyak na ewan. Pinagmasdan ko lang siya habang nakatingin sa kawalan. Iyong matangos niyang ilong, iyong dimple niyang pasulpot-sulpot habang nagsasalita, iyong mga lumilipas na expressions sa mukha niya na memoryado ko na. Paano? Paano na-inlove ang isang Kurt Angelo Tan sa’kin?

“Sira ka talaga.” Ang nasabi ko na lang.

“Saan?”

“Sa ulo.”

“Sa matigas kong ulo?” Mapang-asar niyang ngiti.

Hindi ko siya sinagot.

“O sa malaki kong ulo?”

“Hindi naman malaki.” Asar ko naman.

“Ikaw kaya may sabing malaki ulo ko.”

“E kasi nga minsan lumalaki naman talaga.”

“Kapag hinihimas?”

Napabuntong-hininga ako. Hindi ako mananalo dito. “Alam ko na kung saan papunta usapang ‘to.”

“O kapag nilalaro?” Tuloy niya nang nakangiti. “Gusto mo sukatin natin ngayon?”

“Gusto mo hilahin natin paalis?” Ngisi ko.

“Waaaag. Grabe naman. Ang brutal.”

“Ikaw kasi e.”

“Violence against good-looking men.”

“Walang ganyang batas.”

“Good-looking boys.”

“Hindi ka na boy.”

“Boy next door.” Ngiti niya sabay kindat.

“Boy ng tubig.”

“Boy ng buhay mo.”

Natawa ako, iyong tawang may halong kilig. Iba talaga ‘tong si Kurt. Minsan (actually madalas) wala sa hulog ang mga hirit niya, pero ngayon, ngayong may something na, napapakilig na ako ng mga ito.

Sinundot ko siya sa tiyan, sa may pusod, at natawa lang siya at hinila ako papalapit sa kanya. Napalapit tuloy ang mukha ko sa dibdib niya kaya amoy ko ang magkahalong pawis at ‘yong pabangong lagi niyang ginagamit. Sa ganoong posisyon, sabi ko sa sarili ko, ayoko ng umalis pa.

Nakatulog si Kurt pagkatapos ng ilang minuto. Nagulat na lang ako na wala na pala akong kausap. Siguro na-KO na lang siya sa sobrang pagod sa basketball. Kawawa naman kaya hinayaan ko na lang magpahinga. Tumayo ako at pinagmasdan siya. Para siyang mabait na bata, hindi mo aakalaing hari ng kulit. Ngumiti ako unti-unti. Hay nako, Theo, hulog na hulog ka na. Mabuti na lang at may sasalo sa’yo.

Bumalik ako sa kuwarto na may dalang Jollibee take-out. Tulog pa rin si Kurt pero iba na posisyon niya. Inalis ko ‘yong mga gamit sa katabing mesa bago ilapag ‘yong dinala kong pagkain.

“Kurt, gising.” Sabi ko pagkaupo ko sa kama niya. Hindi siya umimik.

“Huy, Kurt. Gising na. May dala akong pagkain.”

Wala pa ring reaksyon.

Nilapit ko mukha ko sa mukha niya paunti-unti para marinig niya boses ko.

“Kurt, dinner na ta—“

Naputol ang panggigising ko sa kanya nang bigla niya akong sunggaban ng halik.  Puchang inang ‘yan, naka-score pa. Napaatras ako nang kaunti sa gulat.

“Sarap naman ng dinner.” Ngiti niyang nakakaloko (at nakakatunaw.)

Tangina, feeling ko sobrang namumula mukha ko. “Sira ka talaga!”

Bumangon siya at umupo. “Yehey, libre ni Theo!”

“Hoy, hindi no. P120 ‘yong sa’yo.”

“Ba’t sabi ko bang ‘yan dinner ko?” Pang-aasar niya. Hindi pa siya nakuntento at nilapit pa niya mukha niya sa’kin.

Lintek. Gago talaga ‘tong si Kurt. Gusto yatang gawing kamatis ang mukha ko sa pula.

“Kurt, sabi ko naman—“

Biglang niyang hinawakan ang pisngi ko. Kagaya n’ong una niyang ginawa ‘to para pahirin ang fishball sauce sa labi ko, nakaramdam na naman ako ng kuryente. Hindi ako makagalaw. Sa totoo lang, parang ayoko namang gumalaw, para na lang ako ngayong nanonood ng pelikula at naghihintay ng susunod na mangyayari.

“Libre na, please?” Pagsusumamo niya habang nakangiti. Pero ‘yong ngiti niya ngayon, hindi mapang-asar, hindi nang-aalaska, ‘yong totoo lang. Iyong tipong parang batang gusto lang humingi ng candy.

Hindi ko siya sinagot. Silence means yes, ‘di ba? At parang na-gets naman ‘yon ni Kurt kasi dahan-dahan niyang nilapat ang mga malalambot niyang labi sa labi ko. Hindi ako marunong humalik kaya pinabayaan ko na lang si Kurt. Marahan siya, completely different sa pagka-brusko niya, at sobra kong na-aappreciate ‘yon. Hindi siya nagmamadali, unti-unti niyang sinusulit ang bawat segundo. Kung paano kagaspang ang kakulitan niya, ganoon naman ka-swabe ang pagpapakita niya sa’kin kung gaano niya ako kamahal. Iba, iba talaga.

Hinawakan ko rin siya sa pisngi nang medyo nanginginig. Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi sumunod sa ritmo ng aming mga labi. Sa totoo lang, wala naman akong ibang gustong gawin pero alam mo ‘yon? First time e. First time kong makipaghalikan nang ganito katagal.

Nang bumitaw si Kurt, nakangiti siya, ngiting parang nanalo sa game show. Nakahawak pa rin ako sa pisngi niya.

“Tara, kain na tayo.” Kinuha niya ‘yong kamay kong nasa pisngi niya at hinila ako patayo para kunin ‘yong kamuntikan na naming makalimutang Jollibee take-out.

Nang tapos na kaming kumain, kinuha ni Kurt ‘yong DSLR niya habang ako naman nilabas ko laptop ko. Hindi pa rin kasi ako tapos sa project namin ni Prince. Tumabi siya sa kama at tinutok ‘yong camera sa’kin.

“Kurt, ‘wag. Busy ako.” Sabi ko habang ‘di pa rin siya nililingon.

Pero narinig kong pinicturan na niya ako.

“Naks, ang studious.”

“Ikaw lang naman ang hindi.”

Sa peripheral ko, napansin kong humiga sa kama si Kurt habang pinaglalaruan ‘yong DSLR niya.

“Nag-aaral kaya ako.”

“Ng ano? Mang-asar 101?”

“Theodore Calvin Landicho 101.”

Natigilan ako bigla at nilingon siya. Kinakalikot pa rin niya camera niya pero n’ong naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya, ngumiti siya sa’kin. “Feeling ko uno ako d’on.”

Tangina, kumakabog dibdib ko sa kilig. Iba talaga sira nitong si Kurt.

“Tres.”

“Wushu,” Pag-aasar niya. “Pasang-awa?”

“Tingin ko singko pa nga e.”

“Anlupet. Tara, mag-ooral recitation ako.”

“Ayoko nga.”

“E ‘di ikaw na lang mag-oral,”

Hindi ko siya sinagot.

“Sa ‘kin,” Dagdag niya nang pabulong.

Pakshet talaga ‘tong si Kurt. Nakakarami na. Bumalik ako sa ginagawa ko. ‘Di ako makatingin sa kanya. Feeling ko sobrang pula ko na naman.

“Gago ka talaga.”

“Mamaya na kasi ‘yan!”

“Malapit na deadline nito, ‘di ko pa nga tapos.” Tinuloy ko ‘yong pag-aayos ng text sa layout. “Baka bumagsak kami ni Prince.”

Biglang katahimikan. ‘Yong pagta-type ko at pangangalikot lang ni Kurt ang naririnig ko. Sa ka-busy-han ko rin, hindi ko namalayan kung gaano ‘to katagal. Nagsalita na rin kasi ulit si Kurt.

“Nabasa mo letter niya, ‘di ba?”

Ako naman ang hindi kaagad nakapagsalita. Fresh pa sa memorya ko ‘yong letter na ‘yon. Tumango na lang ako habang busy pa rin sa pagle-layout.

“Parang baliw ‘yon.” Comment lang ni Kurt.

Medyo matagal bago ako nagsalita. “Gan’on naman, ‘di ba? Kapag mahal mo ang isang tao.”

“Kaya ka ba gan’on kay Franz?”

Natigilan ako at nilingon siya. ‘Di na siya nakangiti habang nakatingin sa’kin. Wala na rin ‘yong kakulitan sa mga mata niya.

“Hindi ko siya mahal.”

“Wushu—“

“—Hindi ko siya minahal.” Putol ko sabay balik sa ginagawa. “Na-realize ko ‘yon habang unti-unti akong nahuhulog sa’yo.”

Katahimikan na binasag ko ulit. “Actually, feeling ko matagal na kitang mahal. Ngayon lang ako nagising.

Medyo tumahimik ulit. Pero biglang tumawa si Kurt. Anak ng tokwa.

Lumingon ulit ako sa kanya. “Anong nakakatawa?!”

“Wala,” Ngiti niya. “Ang seryoso mo kase.”

“Tangina naman, Kurt, malamang seryoso ako kase seryoso pinag-uusapan naten, ‘di ba?”

“Alam ko, alam ko.” Nakangiti pa rin siya pero hindi na pang-asar. “Siguro natutuwa lang ako marinig lahat ng ‘yan sa’yo. Nakaka-overwhelm. Para akong nanalo sa lotto.”

“Ikumpara ba daw sa sugal.”

“E gan’on naman 'pag nagmamahal, ‘di ba? Lahat sugal. Kaya nga sabi ko sa’yo kanina, kailangan mong tumaya.”

Tinitigan ko lang siya. Tarantado man ‘tong si Kurt, malaman naman siyang mag-isip at magsalita. Tagos.

“Kaya nga ako tumaya. Tumataya ako araw-araw. Kaya eto ako ngayon,” Tinapat na naman niya sa’kin ‘yong DSLR niya sabay kuha ng litrato.

“Panalo.”

Wala na akong nagawa kung hindi titigan ang favorite kong ngiti sa mga labi niya.

Pagpasok namin kinabukasan, para akong nakalutang. Iyong tipong hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa’kin. Hindi naman siguro ako nananaginip no? Ilang beses ko na rin kasing kinurot ang sarili ko at naramdaman ko naman ang sakit. Hindi lang kasi talaga ako makapaniwalang may something na kami ni Kurt. Normal naman ang lahat, mukha pa rin kaming magtropa, pero sa likod ng matatamis naming mga ngiti ay isang mas matamis na kahulugan.

Feeling ko napansin ‘yon ni Mimi. Medyo napangiti siya n’ong nakita niya kami ni Kurt na magkasabay pumasok. Hinanap ko si Prince sa kanya kaso mukhang absent. Baka busy na naman sa org.

“Ang gaganda ng mga gising niyo ah.” Bati ni Mimi na hindi pa rin mai-alis ang nakakalokong ngiti.

“Paano gaganda e—“

“—Um, nakatulog kasi siguro kami ng mahimbing.” Putol ko sa sasabihin sana ni Kurt. Kumunot lang ang noo ng lolo mo.

“At paano mo naman nalaman? Magka-text kayo kagabi bago matulog?” Pang-uusisa pa ni Mimi.

Tumingin ako kay Kurt. Nakakunot pa rin ang noo niya pero nawala din ‘to ng akbayan niya ako.

“Magkatabi kami matulog kagabi.”

For a while, nagulat si Mimi pero unti-unti na rin siyang ngumiti. Ako naman nanatiling gulat. Ewan ko ba, si Mimi lang naman ‘to, pero natatakot pa rin akong mahusgahan kahit na medyo mas open na ngayon ang society sa same-sex relationships. Tinitingnan ko pa rin si Kurt. Hindi pa rin siya nakangiti. Nagi-guilty na tuloy ako.

“Sa wakas,” Sabi ni Mimi. “Nagkatuluyan din kayo. Akala ko hindi na mangyayari e.”

Siniko ni Kurt si Mimi. “Magsalita ka parang—“

“—Alam ko? Oo naman. Ano ba, obvious na obvious kayang may gusto ka dito kay Theo.”

Obvious na obvious? Saan banda? O sobra lang talaga akong dense?

“Pfft, know-it-all.”

May sasabihin pa sana si Kurt pero bigla siyang tinawag ng ka-blockmate namin na ka-grupo niya sa English. Mukhang magkaka-meeting ulit sila. Naiwan tuloy akong kasama si Mimi.

“Paano mo naman na-realize na mahal mo din siya?” Biglang tanong niya.

Nag-flashback sa’kin ang mga pangyayari. Gusto ko sana sabihin sa kanya na siguro naging wake up call sa’kin ‘yong nakita ko si Franz na inabutan siya ng sulat; na all this time maling tao ang hinahabol ko, na when I stop chasing after the wrong person, I give the right person a chance to chase after me. Siguro gan’on pero hindi ko siyempre sinabi ‘yon kay Mimi. Ayokong magtunog bitter kahit hindi naman talaga.

“Siguro naramdaman ko lang. Parang nagising lang ako na all this time siya pala ang mahal ko.”

“Dahil ba dito?” Biglang kinuha ni Mimi ang isang nakatuping sulat mula sa filecase niya.

Nagulat ako. “Paano mo nalaman?”

“Hay, Theo. Kilalang kilala kita. Kilalang kilala ko kayong dalawa ni Kurt.” Ngumiti si Mimi pero bigla ding nawala ito. Nagkaroon ng saglit na katahimikan.

“Pero hindi ‘to para sa’kin.”

Nanlaki ang mga mata ko. “E para kanino?”

“Para kay Kurt.”

Hindi ako makakilos. Tinitigan ko lang si Mimi. Tama ba pagkakarinig ko? Para kay Kurt? So, ‘yong sulat ni Franz para kay Kurt? Pero bakit? Mabilis kong binalikan ang lahat. Kaya ba minsan kinakausap ni Franz si Mimi kasi nakikibalita siya kay Kurt? Kaya ba niya ako kinumusta sa Algeb exam ko kasi alam niyang kapag kinaibigan niya ako mapapalapit siya kay Kurt?

“Pinapabigay niya ‘yan kahapon kaya niya ako kinausap.” Tuloy ni Mimi. “Hindi ko binasa siyempre pero ikaw, basahin mo kung gusto mo. Feeling ko naman may karapatan ka kasi boyfriend ka na ni Kurt.”

Ayoko. Ayokong basahin. Simple lang. Ayokong masaktan. Nabasa ko na ‘yong sulat ni Prince para sa kanya, pati ba naman ‘tong kay Franz? Ayokong masaktan kasi perfect si Franz e. I should know, matagal ko siyang pinagpantasyahan. Siya ‘yong perfect boyfriend - in short, perfect siya para kay Kurt. Ano ba namang panama ko na isang hamak na bobo sa Math, laging average lang ang grades at wala pang nararating sa buhay?

Dahan-dahan kong kinuha kay Mimi ang sulat. Medyo nanginginig pa ako. Bumabalik lahat ng insecurities ko. Gusto kong magtago na lang sa isang sulok ng mundo at hindi na magpakita ulit. Nang makuha ko ang sulat, unti-unti ko ‘tong binuksan at binasa.



Kurt,

Iyong pagka-carefree mo siguro ang una kong nagustuhan. Wala ako noon e. For the longest time, pressured na akong gawin ang tama kahit anong mangyari. Achiever kasi ako at a very young age. Kaya noong nakilala kita at nakita ko kung gaano kalayang ang iyong mga pakpak, gusto ko ring lumipad. Kasama mo. Gusto kong abutin ang mga matatayog na bundok at humiga sa mga ulap na hugis unan. Gusto kong gawin din lahat ng iyon kasama ka.

Noong una, naiinggit lang ako. Paano ba naman kasi, nakukuha mo ang lahat ng gusto mo nang walang alinlangan. Ako kasi pinagtatrabahuhan ko lahat. Pero itong inggit na ito unti-unting nawala at napalitan ng inspirasyon. Naging inspirasyon kita sa lahat-lahat ng ginagawa at gagawain ko. Iniisip ko palang iyong ngiti mo na sing-liwanag ng sikat ng araw, ginaganahan na akong abutin lahat ng mga pangarap ko, na lumipad kagaya mo.

Sana balang-araw maabot din kita, maabot ng mga pakpak ko ang isang katulad mo. Sana sa bawat tagumpay ko, mapansin mo din akong unti-unting lumilipad papunta sa’yo. Sana isang araw—



Hindi ko na tinapos ang sulat ni Franz. Medyo blurry na rin kasi ang paningin ko. Inabot ko na lang ito ulit kay Mimi, nagpaalam na magsi-CR at dali-daling umalis. Hindi na rin ako pumasok sa susunod naming klase.

Ganoon ulit ang scenario. Nasa field na naman ako at nagtetext ulit sa’kin si Mimi na hinahanap ako. At least, ngayon, nag-reply ako at sinabing hindi ako papasok. Sinabi ko rin sa kanya na sabihin kay Kurt na may bigla lang akong aasikasuhin. Pero knowing Kurt, malamang hindi ‘yon maniniwala kay Mimi. True enough, biglang nag-ring ang phone ko. Si Kurt nga.

This time, hindi ko na dinecline at sinagot ko naman.

“Ano ‘yon, Kurt?”

“Nasan ka?”

“May inaasikaso lang ako. Babalik din ako mamaya.” Pagsisinungaling ko.

“Di mo sinagot ‘yong tanong.”

“Basta babalik din ako mamaya.”

“Nasa field ka.”

Nagulat ako at napatingin sa paligid.

“Sa ikatlong bench sa corner.”

Lalo lang ako napatingin sa paligid. Tangina, nasaan siya?

“Kung ang paghahanap sa’kin ang inaasikaso mo, ‘wag ka ng mag-abala.”

Bigla siyang tumayo sa ‘di kalayuang pavillion. Since medyo near-sighted ako, ‘di ko siya agad nakita.

“Nandito na ako.” Sabi niya sabay baba ng phone.

Biglang kumabog ang dibdib ko habang pinapanood siyang lumalapit sa’kin. Nahihiya ako, nagi-guilty, na-iinsecure, lahat-lahat na. Sana lamunin na lang ako ng bench na inuupuan ko. Ayoko muna siyang makita. May kirot e. Hindi ko deserve ang isang Kurt Angelo Tan. Mas deserve siya ni Prince na theater actor sa org at magaling sa acads. Mas lalong deserve siya ni Franz na all-around achiever. E ako? Sino ba naman kasi ako?

Siguro ito ‘yong problema talaga sa’kin. Wala akong confidence sa sarili na kahit nangyayari na ‘yong pinakagusto ko, hindi pa rin mawala sa isip ko na ‘di ko ‘to deserve.

“Magka-cut ka daw ng klase?” Tanong ni Kurt sa’kin sabay upo sa tabi ko.

Tumango lang ako.

“Bakit napapadalas ‘to?”

Nilingon ko siya. “Ang ano?”

“Pagka-cut mo ng klase. Dinadamay mo pa ako.”

“Hoy, FYI lang ha, ‘di kita dinadamay. Ikaw ang kusang pumupunta dito.” Pagtataas ko ng boses.

Natawa lang si Kurt. “Siyempre ‘pag nag-cut ka, ‘matik ‘yon na magka-cut din ako. Isipin mo din naman attendance ko.”

“Sira ka talaga.”

“O bakit nga napapadalas ‘to?”

“Wala.”

“Anong wala? Ano ‘to ayaw mo lang mag-aral?”

“Parang gan’on.”

“Ano ngang problema?” Pagtatanong ni Kurt na wala nang halong pang-aasar. Tiningnan ko siya. Seryoso na hitsura niya.

Bago ko pa nga lang siya sagutin, bigla niyang kinuha ang isang nakatuping sulat sa bulsa niya.

“Dahil ba dito?” Tanong niya na naging tanong din ni Mimi kanina. Kilalang kilala nga talaga nila ako.

Tumango na lang ako.

“Di ko ‘to binasa e.” Binalik ulit ni Kurt sa bulsa niya ang sulat. “Akalain mong may gusto pala sa’kin ‘yong mokong na ‘yon.”

“Bakit naman hindi? Mabait ka, palabiro, gwapo. Malamang magkakagusto sila sa’yo. ‘Di ka naman mahirap mahalin e. Sa totoo lang, mas bagay nga—“

Naputol ang pagsasalita ko nang biglang kunin ni Kurt ang kamay ko.

“Mas bagay ka sa’kin.”

Parang bumilis tibok ng puso ko.

“Mabait ka, palabiro at gwapo. Malamang magkakagusto ako sa’yo. ‘Di ka naman mahirap mahalin e.” Ngumiti si Kurt at para akong natutunaw na naiiyak na ewan. Bakit gan’on? Bakit siya ganito? Bakit niya kayang ulitin ang mga sinabi ko?

“Theo, konting bilib naman sa sarili o. Kahit pa magkagusto sa’kin ang sambayanan,” Bigla siyang natawa. Gago talaga ‘to. “Wala namang magbabago. Ikaw pa rin ang pipiliin ko. Ikaw na drama king at mahilig mag-cut ng klase.”

Binatukan ko siya.

“Pipiliin kita. Pipiliin kita nang paulit-ulit. Pipiliin kita hanggang sa makagawa ako ng tula. Pipiliin kita hanggang sa makarating ang humankind sa Pluto. Gan’on.” Tawa pa niya.

Ngumiti ako nang unti-unti hanggang sa feeling ko ay abot-tenga na ito. Tangina lang talaga ‘tong si Kurt. He really has a way of erasing all my doubts. Kasi oo nga naman, ano bang kailangan kong ikatakot?

“Tara na,” Yaya ni Kurt sabay tayo at abot ng kamay sa’kin. “Ayokong mag-cut. Photojourn ang sunod.”

Kinuha ko ang kamay niya. Bigla kong naalala na favorite subject nga pala niya ang Photojourn which is the same subject na ‘di niya pinasukan kahapon dahil sa’kin. Si Kurt nga naman. Mamahalin mo kahit minsan gusto mong batukan.

Tinitigan ko ang magkahawak naming mga kamay. Nakakatawa talaga ang universe minsan. Akalain mong in the end, naging bet ako ng bet ng lahat.

End

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Handwritten (Part 2)
Handwritten (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgJrafbA69B28X8yUTR_jjJ26fiGxYh849d4rW7ve1ZmXakMvZORb2HTPiGRyfTfN4jeZ2EADFZRn4Knr4AF1iJAzH1DTsW1OQfY1KkWtxfTYwYyNIHqYiIF73uopRXe1UH0GhMWSXorkqd/s400/12907145_982669898455250_462035007_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgJrafbA69B28X8yUTR_jjJ26fiGxYh849d4rW7ve1ZmXakMvZORb2HTPiGRyfTfN4jeZ2EADFZRn4Knr4AF1iJAzH1DTsW1OQfY1KkWtxfTYwYyNIHqYiIF73uopRXe1UH0GhMWSXorkqd/s72-c/12907145_982669898455250_462035007_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/05/handwritten-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/05/handwritten-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content