$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Nanadyang Tadhana

By:  MVP0521 Hello KM Readers, almost a year na rin nung napadpad ako sa site na ito at nahooked up magbasa/ Dumating ka na ba sa Puntong na...

By:  MVP0521

Hello KM Readers, almost a year na rin nung napadpad ako sa site na ito at nahooked up magbasa/ Dumating ka na ba sa Puntong napasabi mo, "Tadhana nga naman" it maybe good or bad outcome pero minsan feels like napaglalaruan tayo. it has a way of surprising us in each of little way. Ito ay story ni Mac, Hopefully magustuhan ninyo.

"I'll be coming home 4 months from now, what do you want?" Pagtatanong ng bestfriend ko over the phone.

"Nah! Just be present during my special day, it's been 4years! Sa webcam na lang tayo nagkikita and I Miss you alot.." Sagot ko naman sakanya.

"Huwag kang plastik!" Pasagot naman nito na sabay naming ikinatawa.

"Hahaha shoes parin collection ko naman, pwede mo dagdagan.."

"Okay and I'll be having another present for you on your birthday.." 

"Oh siya mapapamahal ka na naman ng bill! See you Soonest Vicente!" At siyang baba ko agad ng phone ng nakita ko ng parating ang sasakyan ni Caleb from a far. Halos 1hour and half din ata akong naghintay sakanila ni Lexie. Papunta kasi kami sa birthday party ng kasamahan namin sa trabaho ni Caleb...

"Vince called, Uuwi daw si mokong on my birthday!" Pasabi ko kay Lexie.

During College days kami nagkakilala nila Vince at Lexie. Magkakaklase kaming 3 sa kursong Nursing. Saming 3, si Vince lang din ang nagpursige sa kurso kaya ayun nakapagtrabaho sa London nung una Bridging Program hanggang pinalad at naging nurse na doon. Si Lexie naman pumasok sa call center at ako nag MedRep kinailanganan ko kasi agad kumita ng pera, days after graduation namatay si Mama at kelangan ng kapatid kong babae na kakatapos pa lang ng hisgh school kaya kahit pumasa ako sa licensure exam kelangan ko itaguyod ang kapatid ko, kaming dalawa na lang hindi ko siya pwede pabayaaan. Kaya lang ang de puta nagpabuntis nung so kinargo ko rin lahat hanggang nairaos ang panganganak niya hanggang mapatapos ko na siya, na extend nga lang ng isang taon. Sakit sa bangs! Sakit sa bulsa!

Si caleb? Kasamahan ko sa company, ako nagpakilala sakanya kay Lexie, ewan ko ba ano nagustuhan niya dun sa babaeng bakla na yun. Ako rin naman bakla hindi nga lang babae. Pero wala hindi rin pumasok sa utak ko manyakin tong si Caleb kapatid na rin kasi turingan namin. Happy family ganyan!
"Mac, tawagan mo nga si Jen pakisabi andito na tayo sa SM Bacoor nakalimutan ko ung instruction niya papunta sa bahay nila dito."Pag uutos nito habang nakahinto sa convinience store sa tapat ng SM.

Nakarating nga kami ng pasado alas8 ng gabi sa apartment niya, gutom! Kaya naman pagkarating ay kain agad ang ginawa namin, wala akong pake sa mga bisita niyang iba. Galing pa kami sa North at nakakgutom ang byahe at traffic na tinahak namin. Matapos ang kainan ay pinaupo na kami sa garden para mag inuman.

Halos malalim na rin ang gabi ng bigla akong may natanggap na text. Pagkatingin ko ay kay Lexie galing na siyang ikinataas ng kilay ko. Si bakla magkasama na lang kami nagtetext pa!

Ganda mo te! Kanina pa tingin ng tingin

sayo si kalbo

---- Lexie

Siya namang ikot ng paningin ko, grabe tong si lexie. Dalawa ang kalbong kainuman namin parehas namang gwapo.

Sana be specific diba?

Dalawa silang kalbo.

---Mac


The one wearing a wearing a tight white shirt

na may tats! Yummy te! Putok na putok ang maskels!

Pak na pak!

----Lexie


Talaga? Tinitignan niya ko? Ilang beses mo na nahuli?

Shocks siya na kaya ang gigising ng tulog kong puso?

Hahaha

----Mac

Hindi ko napansin na nakatingin pala si Jen, habang nagtetext ako ang bruha nagbabasa habang nagtytype ako. Kaya nangiti na lamang ito at mukhang may binabalak.

"Ilang Years ka ng single?" Tanong nito sakin

"1year na mahigit! Bakit?" Pagtatanong ko sakanya habang nakataas ang kilay.

"May ipapakilala ko sayo, Pao! Halika dito! I want you To meet Mac, Mark Anthony Pingol!"

"Gago talaga tong si Jen, nanadya" sambit ko na lamang sa utak ko. Hindi ko naitago ang hiya, siya kasi yung tinutukoy din ni Lexie. Yung mga oras na yun pwede na akong lamunin ng lupa. Kitang kita ang pamumula ko na halata namang hindi galing sa alak naming iniinom.

Lumapit si Pao tulad ng utos ni Jen. Inabot ang kamay niya at nakipag shake hands sakin.

"Diyan ka umupo sa tabi ni Mac, Para winner ang gabing ito" pambubuska nito.

"Pak! Bet na bet!" Dagdag na asar ni Lexie na siyang ikinatawa pa nila Caleb at ng iba pa naming kainuman...

"Hoi, mabait yang si Pao. Taga QC din yan. Single din, may business pa! Sure na kinabukasan mo" panloloko ni Jen na siyang ikinatawa ni pao at siyang lalo kong ikinamula pa.. "Ay teka Pao! Ohmy! Diba type mo mga balbon? Ano term mo dun ulit?" Dagdag nito.

"Bear?" Sagot naman ni Pao.

"Pak! Saktong sakto bakla! Hulog ng langit!" Panloloko naman ni Lexie.

"Ako pulutan dito? Mag inuman na lang tayo! Mga to talaga nakakahiya," sagot ko na lamang.

"Seriously ang cute mo, kanina pa nga kita tintignan pag karating mo," sagot nman ni Pao na siyang ikinamula ko pa.

"Jen, naturuan mo tong mambola? Infurness! Ah!" Sagot ko na lamang, pero sa totoo lang kampante naman ako sa itsura ko, sa Height kong 5'8 moreno kong balat at dagdagan pa ng lahi kong Espanyol marami na rin nagsabi na kakaiba itsura ko, yung hindi gwapo sa unang tingin pero habang tumatagal ay gumagwapo lalo na pag inaayusan, oo medyo chubby kasi ako pero it blends with my height kaya alam ko namang malakas ang laban ko dagdagan pa ng pagiging balbon ko, di hamak namang may angking alindog din ako.

Natapos ang inuman at halos lahat ay tinamaan pero grabe tong si Caleb, nalasing kaya no choice at ako ang nagdrive pauwi. Hinatid ko na sila sa bahay ni Lexie at nagtaxi na lang din ako pauwi..

"Daddy gising! Daddy! Kakain na daw"

Minulat ko ang mata ko at ang pamangkin kong 5years old ang nag gigising sakin. Umupo ako galing sa pagkakahiga at tumingin sa aking cellphone. Pasado ala una na pala kaya't bumangon na ko sa pagkakahiga at binuhat ang pamangkin ko at bumaba upang sumabay na din kumain sa kapatid ko at bayaw ko.

"Kuya, ako na lang sa tubig at kuryente ngayong buwan ikaw na sa grocery muna..." Sambit ng kapatid ko habang kumakain kami.

"Sige ako na magrocery mamaya ilista mo na para makaalis ng 4!"

Pasado ala singko na ng makarating sa mall na pagrogroceryhan at isinama ko na rin ang pamangkin kong si Lloyd pati na ang katulong para naman makapamasyal sa mall ang bata. Tapos na ko mamili ng mga toilettries ng mapansing wala sa likod ko ang dalawa, agad agad kong kinontak Ang yaya nito kung asan sila. Pumunta agad ako doon nagulat ako na may kausap si Lloyd na lalaking naka cap, tila nakikipaglaro ito sakanya. Maya maya'y nakita na ko ni Lloyd "Daddy!" Wika nitong patakbo sakin.

"I made a new friend" wika ng pamangkin ko.

"Hey Mac, It's you" pagkatingin ko sa boses ay si Pao.

"Ikaw pala, ano ginagawa mo dito?"

"Nag grocery lang para sa condo, wala na kong stock eh! Daddy? Anak mo?" Sagot at pagtatanong naman nito.

"Ahmmmm" sasabihin ko sana ang totoo ng bigla kong naisipang mang GoodTime, "Oo." Dagdag ko dito.
"Ahh, tignan mo nga naman noh? Nanadya ang Tadhana, magkakasama lang tayo kagabi, sabi ko kanina hindi ko nakuha number mo nakakapanghinayang and here you are. Destiny maybe?"

"Dami mo namang kuda, akin na number mo." Sagot ko na lamang na siyang ikinangiti nito.

"Patapos na ba kayo?"

"Kaunti na lang siguro pa medyo madami na rin tong nabili ko."

"Can we go for a coffee?"

"na may chaperon? Kasama sila" pagnguso sa kinaroroonan nina Lloyd na abala sa pagpili ng laruan.

"Ayos lang, ang cool nun kasama anak mo."

"Sige, after I pay these, kita na lang tayo sa starbucks sa taas. Lagay ko pa to sa sasakyan eh!" Sagot ko naman.

"Ay sayang! May dala kang sasakyan ihahatid ko sana kayo para malaman ko san ka nakatira!" Sagot nito na siyang ikinatawa namin.

At tulad ng napag usapan ay dun nga kami nagkita sa meeting place.

"Oh where's your son?" Tanong nito

"Pinauwi ko na sila nung Yaya niya, binigyan ko na lang pantaxi!"

"For real?"

"Joke! Iniwan ko sa playhouse with his yaya balikan ko after one hour, and for the record wala pa akong anak.."

"Sabi mo anak mo si Lloyd?!"

"Joke Time lang yun, anak siya ng kapatid ko. Daddy lang tawag niya sakin, Papa and Mama naman sa parents niya." Pagpapaliwanag ko naman.

Habang iniinom ang inorder nito at habang nakikipagkwentuhan nang kung ano ano sa buhay ay hindi ko maalis na titigan at kilatisin siya. Sa taas na 5'11 magandang pangangatawan na halata naman sa namumutok nitong maskels sa braso at broad na shoulder halatang hindi nito pinababayan ang kanyang pangangatawan. Mapula ang kanyang labi at expressive ang mga mata na samahan pa ng matangos niyang ilong. nagbleblend din ang kutis niyang mulato. Lalakeng lalake tignan yug tipong papayag ka pagahasa sa kanya.

Nakwento ko na rin buhay at trabaho ko sakanya ng magtanong ako ng "Ikaw, what do you do?"

"I could do you if you want!" Sagot naman nito na sinabayan niya ng panlolokong tawa. "Serious, I run the business of my dad here, sakin niya pinababantayan nasa cebu kasi sila naka based" sagot naman nito.

"Ah rich kid! May sariling business!"

"Grabe ka, sa tatay ko yun hindi sakin.."

"You'll be the heir to the throne.."

"Throne talaga? May dalawa akong kapatid na mas matanda sakin hayaan ko na sila doon kaya nag iisip din ako ng pwede ibusiness ko." Sagot naman ni Pao. Nagyaya na rin ako umalis matapos ang 50minutes.

Pagkarating sa bahay ay humiga ako wala pang 30minutes ay tumunog ang cellphone ko may tumatawag, si Pao! Nung una nagcheck lang kung nakauwi na ba kami hanggang nauwi sa kwentuhan at napagkasunduang after work ko bukas ng 6PM ay manonood kami ng sine.

Ilang araw din naging ganun ang set-up every the other day ay nagkikita kami, hanggang nangulit na itong pumunta sa amin sa Tandang Sora na pinayagan ko naman noong weekend na walang trabaho.

Sabado, nagluto ako ng sinigang sa miso at nagpagrill ng liempo sa kapatid ko. Pinabantayan ko na ito sa Yaya ni Lloyd samantalang si Lloyd ay kasama ng mga magulang nia sa bakuran na nag iihaw, sinimulan ko na maligo pagkatapos ay nakatanggap na ko ng message na on the way na siya. Maya maya ay sinundo ko na rin siya sa may Jollibee papasok sa village namin.

Papasok na kami ng Bahay ay sinalubong siya ni Lloyd! "Tito Pao!" Wika ni Lloyd habang papalapit ito kay pao na siya namang agad buhat ni Pao sa bata at inapiran ito at saba'y abot sa akin ng pansit bilao nitong dala.

Naupo kami muna sa sala at nagkwentuhan habang nakikipagkulitan si Lloyd sa amin.

"You have a big and nice home" wika ni Pao

"Hiyang hiya naman ako sayo, siguro nga mas malaki pa bahay niyo dito sa cebu." Sagot ko sakanya

"Ayos lang, sige ipasyal kita next week para makilala mo rin family ko."

Tinawanan ko ang kanyang sinabi at ikinataas niya ng kilay... "What's Wrong?" Pagtataka nito.

"Nakakatawa, next week agad? Di ba pwedeng next month or the other month? Perp I'll be excited. Once pa lang ako nakapag Cebu and that was when I was 23 years old." sagot ko naman dito.

"Long weekend kasi next week diba? Para masulit at mabilis!"

"Ay ayaw ng pabagal bagal?"

"Maunahan pa ko."

"Ano?"

"Wala sabi ko ang cute mo." Wika ni pao na sabay tayo at bitbit kay Lloyd! "Do you want me to be Tito?" Pagtatanong nito sa bata na siyang ikinangiti ko..

"But you're my Tito already!" Wika naman ni Lloyd

"You're Tito Mac kasi may iba ata gusto?" Panloloko nito habang nakatingin sakin ng biglang dumating ang Yaya ni alloyd at nagyaya kumain dhail nakahain na daw kaya naman pinakuha ko sa Yaya niya si Lloyd at nagtungo na kami sa Dining..

Nasa Kalagitnaan kami ng pagkain ng tanghalian ng may biglang nagdoorbell at inutusan na ng bayaw ko si Yaya tignan ang nagdoorbell.

"May bisita pa ba tayo?" Pagtatanong ng kapatid ko sa akin

"Wala naman akong ibang ininvite, unless mga pinsan natin yan sa fairview" wika ko naman ng biglang narinig ko ang boses..

"HELLO, EVERYONE!"

Kanino pa bang boses ang ganun katinis at mangingibabaw? Walang Iba si Lexie at Caleb ang dumating at akmang akmang diretso sila sa hapagkainan..

"Ano U...,. You're here?!" Pagtataka ni Lexie na pinpoint si Pao.

"Hi, kamusta?" Sagot naman nito habang beso kay Lexie at kamay naman kay Caleb.

"Wait, hindi ko alam ito? Someone has to do a lot of explaining on what's going on?" Sagot naman ni Lexie na siyang gatong pa ni caleb na "kaya pala this past few days sabi mo may pupuntahan ka pa which is not work related ha!"

"Dami niyong kuda, kumain na tayo!" Yaya ko naman sakanila ng matapos na ang intriga nila. Habang kumakain ay wlaang humpay na kwentuhan ang nagnap andun ang asaran between me and Lexie or minsan makikisalo pa ang kapatid ko at asawa nito. Matapos kumain at pahinga ay Tinour ko naman si Mac sa bahay at umakyat kami sa rooftop at pinakita ko ang aking kwarto. Palabas na kami ng kwarto ng bigla nitong hinawakan ang kamay ko at hatak papunta sakanya..

"I Like You, just please say Yes?" Wika nito

"Yes for?"

"Cebu sa friday, ipapabook ko na pag uwi ko."

"Pag isipan ko pa, ang bilis naman kasi"

"I just want you to met my family there at maipasyal kita doon. Just say Yes, hindi tayo baba until I heard what I want."

"Ang daya mo naman Pao, wala ako choice p, sige na Oo na!"

"Oo what?"

"Oo na magcecebu tayo sa friday pero please lang wag matagal!"

"Sure, Monday night balik natin dito."

"Okay" sagot ko naman..

"Good, masunurin ka naman pala e!" Sagot naman nito sabay dampi ng halik sa aking mga labi.

"And what was that?"

"A thank you? Dahil sasama ka sakin," sagot naman nito na kinalas ang pagkakahawak sa kamay ko pababa. Pagbaba namin ay nagulat akong May set up na inuman, nagdala pala ng 2 bote ng bacardi si Caleb para inumin. Mga alas 7 ng gabi natapos ang inuman at nag uwian na, kinabukasan naman ay nagsimba kami ni Pao at kumain na rin ng hapunan sa labas at nanood ng sine.

Halos araw araw anrin kaming mag kausap ni Pao ng mga sumunod na araw, unti unti ko pa siyang nakikilala ng lubusan minsan nagagalit pag hindi ako nakakapag update sakanya feels like boyfriend ko na siya ang kulang na lang siguro sa amin yung tag na sinasabi ng nakakarami.
Dumating ang Araw ng Biyernes, madaling araw ang flight namin alas singko pasado kaya naman inihatid na ko ng bayaw at kapatid ko at dinaanan na rin namin si Pao sa condo nito para hindi na ito mag taxi papuntang Airport. Hindi naman nadelay ang flight namin bago mag alas siyete ay nakalapag na ang eroplanong sinasakyan namin sa Mactan. Paglabas ng airport ay may tinawagan ito at naghintay pa kami ng 15 minuto. Sinundo kami ng isa sa family driver nila sa airport.

"Kamusta kayo sir?" Wika ng sumundo sakanya

"Ayos lang Kuya Gardo, gising na ba sila mama?" Pagtatanong nito

"Nung umalis ako ay nakita ko na ho Papa niyo na nagkakape sa Garden niyo."

"Wow Sosyal may garden, bigtime!" Panloloko kong nakatingin sa kanya

"Siraulo" sambit nito habanh tinapik ako sa hita at bigla niyang kuha ng kamay ko ngunit tinuro ko ng nguso si Mang Gardo, tila baka makita pero nagsabi ito ng "wala ka dapat ikabahala, alam nilang laahat preference ko,"

"So may nadala ka na dito sa cebu?"

"Yung taga dito sa cebu, nakapunta sa amin yun pero kami na nung nakatapak yun the rest wala na kong dinala. Swerte mo hindi pa tayo."

"Eh bakit mo ko dinala?"

"Para ipamukha sayong hindi ito joke time, tsaka ewan feeling ko magugutuhan ka agad ng pamilya ko" wika nito na siyang ikinakibit balikat ko na lamang.

"Siya nga pala, breakfast sa bahay then pahinga sa room tapos lunch tayo then shoot somewhere."

"Saan yang somewhere?"

"Plantation.."

na siyang ikinagulat at ikinalaki ng mata ko, "Seriously? Alam mo bang atat na ata ako makapunta dun. Pag mamay ari niyo pala yun?"

"Huwag kang exage! May discount lang kami dahil family friend and Ninong ko may ari!" Sagot nito

"Yayamanin!" Pambubuska ko sakanya.

Nakarating kami sa bahay nila at pinakilala nga niya ako sa mga magulang at kapatid nito. Pagkarating palang ay niyaya na agad kami mag agahan para makapag pahinga na daw pagkatapos. Nung una ay malakas ang kaba ko feeling ko magulang ni Dao Ming Si ang kaharap ko mukha kasing mataray ang nanay at mukhang strikto ang Tatay pero nagkamali ako, mababait ang mga ito at tuwang tuwa sa istorya ng buhay ko. I must be brave daw na tumayo naring magulang para sa kapatid ko.

"Pao must be lucky to have you on your side." Wika ng Nanay nito

"Kaya siguro ang sipag at laki ng growth ng branch sa manila this past few days, inspired pala anak ko"pandadagdag na buska ng Tatay nito. "Siya nga pala tumawag ninong mo nireserve na daw ang kwarto mo sa plantation andun daw si Jason mamaya hanapin mo na lang yung kinakapatid mo na yun and Bring the 2 Liqour on the bar for them" pandadagdag nito.

Nagdaan ang Hapon ay nasa Plantation na nga kami tulad ng utos ng tatay ni Pao ay hinanap niya ang kanyang kinakapatid at ayun VIP Treatment nga ang serbisyo na ibinigay sa amin ng mga staff / crew doon. Nauna na kong pinatuloy ni Pao sa kwarto para makapag ayos nag usap pa kasi silang dalawa about sa proposal na negosyo ata ni Jason sa Manila kung saan magshashare sila kaya naman pinahatid na ko ng kanyang kinakabatid sa isa sa mga staff ng resort patungo sa kwarto. Pagkarating at pagkabukas ng crew sa kwarto ay namangha ako agad sa aking nakita ang lawak ng kwarto para bang presidential suite ang ibinigay samin, nakakatuwang nakakakilig. Ipinalapag ko na lang sa tabi ang mga gamit namit at inabutan ito ng Tip saka umalis, agad ko namang nilibot ang kwarto, malaki ito pwede na siguro 20 katao matulog doon : malaki ang sala, malaki ang kwarto ultimo CR pwede ka mag tutumbling sa laki may jacuzzi at nakahiwalay ang shower, nakakamangha! Matapos ko ayusin ang mga damit para ilagay sa aparador ay tumungo ako sa veranda sa aming kwarto paghawi ko pa lang ng kurtina ay natuwa na ako kitang kita kasi ang halos kalahati ng resort, ito yung lugar na tamang tama sa pagrerelax ko kaya naman agad kong itinext si Pao upang iabot ang pasasalamat kay Jason maganda kasi ang lugar.

Wala pang ilang minuto ang pagstay ko sa veranda ay dumating na agad si Pao. Agad siyang tumungo sakin at niyakap ako mula sa aking likuran.

"Nagutushan mo ba?" Pagtatanong nito at tanging tango lang ang isinagot ko sakanya. Maya maya'y nagsigayak na rin kami ng isusuot, nauna ko magbuhos sakanya kaya naman nung lumabas siya ng kwarto na nakatapis ay napamangha ako tulad ng inaasahan maganda katawan ni mokong, fit na may pausbong na pandesal sakanyang tiyan at kitang kita naman ang VCut nito ang nakakalibog ay sa kulay niyang yun na emphasize parin ang makapal niyang trail yun palang nakikita ko ay may naramdaman na kong kakaibang kuryenteng dumaloy sa katawan ko na siyang sinabyan pa ng pamumula ko. Humarap sa akin si Pao nakatapis parin..

"Tagal mo naman magbihis" sambit ko na lamang para hindi ako mahalata pero ngunit tila napansin niya parin ang pagkaiba ng aking kulay sa mukha.

"Hindi naman aalis yang mga pupuntahan natin, parang okay naman atang ganito na lang ako?" Wika nito

"Siraulo" sagot ko naman

"At bakit namumula ka?"
"Wala mainit kasi."

"Painit pa natin?"pambubuska pa nito sa akin ngunit tumayo agad ako.

"Bilisan mo diyan o iiwan kita ako maamsyal mag isa" sinabi ko na lamang sakanya palabas ng kwarto.

Nilibot nga namin ang resort mula sa bar nito mga facilities, pool at kung saan saan pa. Maya maya'y pinuntahan namin ang office at may iniabot na susi si Jason sakanya.

"San tayo pupunta?" Pagtatanong ko

"Iikot lang tayo sa gilid, mas okay dun, mas nakakarelax."

Medyo malayo din ang nilakad namin para matunton ang beach, akala ko ay doon na nagulat ako nung pinasakay niya na ko sa jetski at tulad ng sinabi niya ay pinuntahan namin ang kabilang gilid na isla nito. Maganda ang buhangin mapino para kang nasa puka beach pinagmasdan ko ang paligid isang kubo lang sa gitna ang nandoon. Tila pambakasyon ng mga may ari o ng mga kaibigan lang nila ang nakakarating doon..

Doon ay nagyaya maligo na sa beach si Pao, palusong na ako ng pinahinto niya ako.. Pinapatanggal nito ang sando ko.

"Ayoko nga hindi naman maganda katawan ko" sagot ko sakanya.

"May nakikita ka bang ibang tao bukod sa atin?"

"Wala"

"Oh alisin mo na" pangungulit nito at hindi na ko pumalag ay hinubad ko na rin ito na siyang tanggal niya ng short niya.

"See, hindi ka naman ganoon ka taba, may laman lang." Panloloko nito habang inaayos ang kanyang trunks.

"Hanggang nagyon bolero ka padin!"

Ang sarap maligo palibhasa'y amin ang lugar nung mga oras na iyon, malamig ng kaunti ang tubig at hindi kalakasan ang current ng tubig. Maya maya ay lumapit ito at yumakap sakin patalikod.

"I was thankful nakapunta ko ng birthday ni Jen!" Sambit nito

"Dahil nakilala mo ko?" Payabang ko namang sagot

"Yeah! I wasn't supposed to go dahil malayo. Kaya alng mula umaga binubulabog ni Jen ang inbox ko it was late afternoon when I replied na paano sandamakmak din na threat ang itinext niya sa akin" sagot nito "and nakwento ko na naman sayo, natitigan talaga kita pagkarating mo para kang gutom na gutom na Bear" dagdag pa niya.

"Ansama mo talaga, nakakagutom naman kasi ang byahe." At iniharap niya ko at humalik ulit ito this time ay nagreply ako ng isang smack at nagsalita ng "Thank You".

Mamaya ay umupo na kami sa buhanginan nakasandal ang kanyang ulo sa balikat ko kinuha niya ang aking kamay para maglapat ang kanang kamay ko sa kaliwa niya habang nakatingin sa parang.

"Ano kaya ang pwedeng dahilan ng paghihiwalay natin kung sakali?" Pagtatanong ko sakanya para narin mabasag ang katahimikan

"Wala! Kasi siguro kung asan ka, susundan kita kahit ipagtabuyan mo ko pupuntahan kita. Aminado naman ako sayo diba naging mapaglaro ako noon.."

Humalik ako sa kanyang noo, "tanggap ko naman yun, we all have our dark past! Ang importante we continue to strive for the best." At binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

"There's something with your smile noh? Ang gaan tignan nakakahawa." Sagot nito.

"I know, a person already told me before to keep smiling communicable daw kasi ang ngiti ko."

"Sino nagsabi?"

"A Person from the Past, hala tara ligo na ulit tayo tapos balik na tayo at mag aalasingko na pala"

"Sa isang kundisyon?" Sagot naman nito, "we swim naked" dagdag nito na siyang ikinataas ko ng kilay.

"Huwag ka na makipag talo, again wala dito and soon enough makikita rin natin naman ang isa't isa agahan na natin" panlolokong bigkas niya at sinunod ko nga siya, naghubo ako at tumakbo papunta sa beach doon ay nagtampisaw at nagharutan na naman kami na parang bata. Hampas ng tubig pero natapos ito ng ikulong niya uli ako sa mga braso niya na siya ring yakap ko. Sa pagkakataong ito ako ang unang nagnakaw ng halik at siyang ikinatugon niya ng halik din pero hindi tulad ng iba ngayon ay hindi namin inalis ang labi ng isa't isa mas naging mapusok pa dahil minsan may kasama na ring dila.

Palubog narin ang araw at nagbihis na kami pabalik na kami sa jetski ng huminto siya hawak ang aking kamay.

"Ang ganda ng takipsilim noh?" Pagtatanong nito at tila umusog pa kami para nasa centro ng araw ng bigla itong lumuhod

"Let's take this to another step..." Wika ni Pao

"Pao.." Wika ko pero nagsalita agad ito "hindi ko maipapangako na magiging masaya tayo lagi, hindi man ito magiging perpekto sa paningin natin pero alam ko this will be worth it. Be with me Mac, be with me.. Alam ko rin naman na mas makikilala pa kita sa mga darating na araw pero mas gusto ko yung assurance na akin ka, na may panghahawakan ako everytime na mag aaway tayo." Naluha ako sa kanyang sinabi ung luhang masaya, nagagalak kaya tumango na ako.

Tumayo ito "ano un? Sabihin mo."

"Oo na!"

"Di ko marinig, lakasan mo.."

"Oo na, tayo na Paolo Andrez" at bigla naman itong yumakap...

Nakabalik na kami sa kwarto at nagsimulang maligo at mag ayos para sa Diner namin at dumating ang araw ng pagbalik namin ng Manila agad ko namang kinita sina Caleb at Lexie para ibalita sakanila na kami na ni Pao. Lumipas ang mga araw, linggo at buwan ganun parin si Pao, sweet padin at parang araw araw ay nililigawan parin niya ko may kaunting pagtatalo pero naaus naman din bago kami matulog, Ganun kasi ang gusto naming set up wag hayaang katulugan namin ang problema.

ITUTULOY....

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Nanadyang Tadhana
Nanadyang Tadhana
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhO0_Eg4DZ8fIBwL91Nsik-FHPTZPHazOB7Y5gmgKUX8etcqCBaz63MXkW1O059-_brQmjN5vFuzxI2W6vD-8boQ-x_662Bkkpykp_iduY-1V6rZhLtcSoTsTKfhteP-ffOsxAo9WrAUE23/s400/tom-esconde-1.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhO0_Eg4DZ8fIBwL91Nsik-FHPTZPHazOB7Y5gmgKUX8etcqCBaz63MXkW1O059-_brQmjN5vFuzxI2W6vD-8boQ-x_662Bkkpykp_iduY-1V6rZhLtcSoTsTKfhteP-ffOsxAo9WrAUE23/s72-c/tom-esconde-1.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/05/nanadyang-tadhana.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/05/nanadyang-tadhana.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content