$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Tales of a Confused Teacher (Part 14)

By: Confused Teacher Bagamat na shock ako dahil hindi ko ine-expect na gagawin iyon first time kong nakita na nagalit siya ng ganon ay m...

Tales of a Confused Teacher

By: Confused Teacher

Bagamat na shock ako dahil hindi ko ine-expect na gagawin iyon first time kong nakita na nagalit siya ng ganon ay mabilis akong nakatayo upang sundan siya at kitang-kita ko ang lahat ng pangyayari. Pagkalabas niya ng gate. Tumatakbo siya patawid ng kalsada nang isang mabilis na kotse ang lumampas. Napapikit ako. Dahil sa lakas ng preno at pagsadsad ng gulong kasabay ang sigaw ng ilang tao na nasa tabing kalsada.

“Kennnnn…..!!!!!!” iyon lamang ang naisigaw ko sabay takbo para puntahan siya. Ang tita niya ay nagsisisigaw din pero naunahan ko siya sa pagtakbo. Tumakbo ako pero hindi ko alam ang gagawin ko, kung pupuntahan ko siya o tatakbo ako palayo sa kanya parang ayokong malaman kung ano ang nangyari dahil alam kong nakakatakot. Ganoon pa man nanaig ang awa ko sa kanya kaya tumakbo ako palabas ng gate.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang makikita ko. Nakatigil ang kotse lampas ng kaunti sa may gate. Maraming tao ang naglalapitan.

Paglabas ko ng gate, nakita ko si Kenn, nakadapa sa tabing kalsada, hindi gumagalaw at umaagos ang dugo sa bato kung saan nakasubsob ang muka niya.

Hndi ko na alam ang gagawain ko, Hindi ako makapagsalita, Lumuhod na lamang ako at inangat siya, nakapikit siya duguan ang mukha walang malay. “Kenn, Kenn, Kenn…”yun lamang ang nasabi ko. Parang namanhid ang buo kong katawan. Sobrang takot ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Parang hindi na siya humihinga. “Diyos ko, huwag naman po sana!” iyon lamang ang binubuo ko sa aking isipan.

Ilang kapitbahay namin ang bumuhat sa kanya, sa kotse na mismong nakabangga isinakay namin at dinala siya sa ospital. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kalong ko siya, nakaunan siya sa katawan ko tapos may isa pang lalaki na nasa paaanan niya at may sumama pang isa sa tabi ng driver na nakalingon sa amin. May sinasabi sila pero wala akong nauunawaan. Nanginginig ang kamay ko habang hinahawakan ang duguan niyang mukha. Minsan ay hinahawakan ko siya sa dibdib, at iniisip na humihinga pa naman siya. Sana buhay pa siya. Nagsisikip ang dibdib ko wala akong masabi, puro Kenn lamang ang naririnig ko sa aking sarili. Parang ayoko siyang tingnan dahil natatakot akong malamang hindi na siya humihinga, pero ayoko ding namang mawala siya sa aking paningin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nangangatog ang buo kong katawan.

Pagdating sa ospital, isinakay agad siya sa stretcher, sumunod ako, pero maya-maya lamang ay pinigilan ako ng nurse, hindi ko alam ang sinasabi niya, wala akong maintindihan sa mga tinatanong nila. Wala akong sinasagot sa mga tanong nila ang alam ko lamang noon ay gusto kong nasa tabi ako ni Kenn. Napaupo ako sa sahig at napatingin sa duguan kong kamay. Umiyak lang ako nang umiyak. Habang ang luha ko ay pumapatak sa aking kamay lalong kumakalat ang dulo na lalong nagpapatakot sa akin. Ayokong I entertain ang pumapasok sa isip ko na patay na si Kenn. Hindi iyon totoo! Pero hindi ko alam ang gagawin ko. Tumayo ako, pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nagpalinga-linga lamang ako doon, may mga taong nakatingin sa akin, nagbubulungan sila, pero wala akong pakialam. Hindi ko sila pinansin. Ang gusto ko ay sumigaw, gustong kong magmakaawa sa kanilang lahat na buhayin ninyo si Kenn. May isang staff doon na inalalayan akong maupo sa isang bangko. Hinang-hina ang buo kong katawan. Basang-basa din ng dugo ang aking damit. Isinandal ko ang ulo ko sa dingding at pumikit.

Pumikit ako pero hindi pa rin naalis ang itsura niya parang tumatak sa isip ko ang nakakatakot at walang malay niyang itsura. Muli na namang tumulo ang luha ko. Nakatingin pa rin sila sa akin alam kong naaawa sila sa akin pero wala naman silang magawa. Nadidinig ko ang bulungan nila at alam ko ako ang pinag-uusapan nila pero wala akong pakialam sa kanila. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Minsan ay sinasabunutan ko ang sarili ko kaya naramdaman tumutulo ang dugo sa mukha ko. Maya-maya tumabi sa akin ang tita niya.

“Kumusta na po siya sir?” ang umiiyak niyang pagtatanong.

Umiling ako, Hindi ko alam ang isasagot. Gusto ko sanang sabihing ok na siya dahil iyon ang gusto kong mangyari. Sana ok na siya. Gusto ko rin siyang sumbatan. Gusto kong sabihin na kung hindi ninyo ipinagpilitan ang gusto ninyo. Gusto kong isisi sa kanya ang mga nangyari. Pero hindi ako makapagsalita. Tumulo na naman ang mga luha ko. Kaya sumubsob ako sa aking hita at doon umiyak nang umiyak.

Gusto kong tawagan si Lester, Gusto kong ipaalam sa kanya ang nangyrari. Gusto kong may makausap gusto kong ilabas ang lahat ng nararamdaman ko. Pero hindi ko tanda ang number niya. Naiwan ko kanina sa upuan ang phone dahil hindi ko naman alam na aabot sa ganito. Ayoko rin namang umuwi, gusto kong madinig mismo sa bibig ng mga doctor na okey na siya at uuwi na kami. Para na akong baliw. Nag-i imagine ako na iyon ang sasabihin ng duktor paglabas niya. Nakangiti siya at sasabihing okey na ang lahat. Pumikit ulit ako at iniisip ko na pagmulat ko panaginip lamang ang lahat at hindi totoo ang mga nangyayari. Minsan marahan kong inuuntog ang ulo ko sa sinasandalan kong pader para magising na ako sakaling panaginip nga lamang ang lahat. Pero anuman ang gawin ko, babalik pa rin ako sa reality at ito ang totoo nasa loob si Kenn nag aagaw buhay at hindi ko alam ano ang sasabihin ng duktor paglabas nila. “Diyos ko huwag naman po sana please.” Iyon na lamang ang muling naibulong ko.

Umalis ang tita niya hindi ko na pinansin ang sinasabi niya. Parang may tatawagan daw yata ewan ko. Ilang sandali pa may lumabas mula sa Emergency Room. May dala siyang papel at ballpen. Kinakabahan ako. Parang gusto kong tumakbo palayo sa kanya. Parang ayokong marinig ang sasabihin niya. Pero hindi pwede kailangang harapin ko ito. Hinahanap ang kamag-anak ng pasyente, sinabi kong ako. Tinanong ako kung anong pangalan ng pasyente at ilang taon na. Pinapapirma niya ako sa waiver. Gusto ko pa sanang basahin ang nakasulat doon pero malabo ang paningin ko dahil pumapatak na naman ang luha ko. Nakatitig lamang ako sa papel habang tumutulo ang luha ko.

“Sir, please kailangan na po nating maoperahan ang pasyente.” Mahina niyang sabi sabay abot ng ballpen.

Pinirmahan ko don sa area na itnuro niya at pumasok naman siya ulit sa ER. Pagkaalis niya saka ko lamang naisip na ganon ba kadelikado ang lagay niya at kailangang madalian ang pag opera. Hindi bale kung ooperahan siya ang ibig sabihin buhay pa siya at may pag-asa pa kasi kung wala ng pag-asa hindi na siya operahan. Mabuti na rin iyon may magagawa pa silang paraan para mabuhay siya. Iyon na lamang ang naiisip ko. Pumikit na lamang ako at bumulong ng panalangin sa Diyos. Maya-maya ay lumabas siya at dumaan sa harap ko. Hndi na niya ako tiningnan. Tumayo ako, gusto ko sanang sumilip kaya lamang nakasarado naman ang pinto. Kaya bumalik ako sa upuan

Maya-maya ay nakita kong tulak ulit siya sa stretcher at dinala sa Operating Room. Sumunod ako dahil ayokong mapalayo sa akin si Kenn. Gusto ko doon lamang ako sa malapit sa kanya. Naupo ako sa isang bangko malapit sa pintuan.

Nang may lumabas uling isa pang doctor hindi na ako nakatiis kaya lumapit ako sa kanya at nagtanong.

“Sir, wala po tayong maibibigay na update sa ngayon, basta ang sigurado po ay gagawin namin ang lahat ng pwede naming gawin makaasa po kayo. In the meantime, ipagdasal po natin na maging maayos ang gagawing operasyon.” Yun lamang ang sinabi niya at nag excuse na. Mabait naman at magalang ang pakakasabi pero hindi pa rin iyon ang gusto kong madinig mula sa kanya. Ang gusto ko sanang sabihin niya ay maayos na ang pasyente walang major damage at makakalabas na. Gusto ko siyang tawagin ulit, gusto kong sabihin na bakit wala siyang alam sa nangyayari kay Kenn, duktor siya dapat alam niyang gagaling pa si Kenn. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lumapit ako doon sa isang staff na padating.

“Boss, saan ang chapel” tanong ko sa kanya.

“Diretsuhin nyo lamang po ‘yang way na yan sir sa dulo po niyan.” Ang nakangiti niyang paliwanang. Hindi ko alam kung nakapagpasalamat ako sa kanya. Basta sinunod ko iyong itinuro niya at pagdating sa chapel, lumuhod agad ako at nakiusap sa Diyos na huwag Niyang hahayaang mamatay si Kenn. Nagmakaawa ako sa Kanya. Sinabi kong sobra na ang hirap ng batang iyon kaya sana ay tulungan Niya. Tulungan Niya ang mga duktor na maging magaling sila sa gagawin nila at mailigtas nila ang buhay ni Kenn. Pagkatapos noon ay naupo ako. Umiyak ako nang umiyak at noong maramdaman kong wala na yata akong luha ay bumalik ako sa harap ng OR.

Maya-maya ay dumating ang tita niya. May dalang damit ko at pati ang cellphone ko. “Ikinuha muna kita ng pampalit sir, Magpalit ka muna, ipinagdala na rin kita diyan ng sabon, mahugasan mo man lang yang kamay at makapaghilamos ka. Mamaya ka na lamang maligo pag uwi mo, dinala ko na rin ang susi kasi isinara ko ang pinto hindi natin alam kung anong oras siya lalabas diyan. Nariyan din sa bag ang cell phone ni Kenn Lloyd naiwan din niya sa bangko.” Ang mahaba niyang paliwanag. Nakita ko hawak niya yung bag na dala niya kanina, naisip ko siguro naiwan din niya kanina nang umalis kami.

“Salamat po.” Iyon lamang ang nasabi ko.

Pagkakuha ko ng cellphone ay tinawagan ko agad si Lester. Umiiyak agad ako pagkarinig ko sa boses niya.

“Kuya bakit, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, ano ba nangyari bakit ka umiiyak, nasaan ka? Ang sunud-sunod niyang tanong. Pinilit kong maging malinaw ang sinasabi ko sa kanya. Pero ang sinabi ko lamang ay nasa OR si Kenn, naaksidente.

“Sige kuya, pupunta ako diyan. Wala si Papa dito ngayon, manghihiram lamang ako ng sasakyan. Huwag kang mag-alala maaayos din iyan. Magdasal ka na lamang muna habang naghihintay pa tayo ng resulta.”

“Salamat bunso.” At inend ko na ang call.

Sumunod kong dinayal ay number ni Mr. Suarez, bahala na magalit man siya wala na akong magagawa kailangan kong ipaalam sa kanya ang nangyari. Hindi niya sinagot ang tawag ko kaya nagtext na lamang ako. Sinabi kong naaksidente si Kenn.

Saka pa lamang ako pumunta sa CR para mag ayos ng aking sarili. Nang lumabas ako ay naroon pa rin ang tita niya. Nakatungo. Lumipas ang isang oras, dalawang oras. Wala pa ring resulta. Dumating na rin si Lester. Sinalubong ko siya at niyakap. Umiyak na naman ako. Gusto kong ilabas sa kanya ang lahat ng hirap na nararamdaman ko. Nang maupo kami sa bangko ay umalis si Mrs Nazareno hindi naman sinabi kung saan siya pupunta. Ayoko din naman siyang kausapin pa. Hindi ko na hinintay na magtanong si Lester, ikinuwento ko na ang lahat ng nangyrari. At muli ay naramdaman ko iyong pangangatog ng buo kong katawan habang nagkukwento, para bang bumalik lahat sa akin yung takot nang makita ko ang duguan niyang mukha. Napaiyak na naman ako. “Pambihira namang mga tao iyan, ayaw palang sumama sa kanila pipilitin pa, ngayon ano ang gagawin nila?” Nangingilid din ang luha sa mga mata niya. May dala siyang tubig inabot niya sa ‘kin. Uminom lamang ako ng konti parang ayaw pumasok sa lalamunan ko.

“Lester, umuwi ka muna sa bahay. Kunin mo sa kwarto ang wallet ko, baka may biglaang kailanganing bilhin mahirap ang walang pera.” Inabot ko sa kanya ang susi.

“May pera akong dala, nagpadala si Mama, sinabi ko sa kanya ang nangyari iyan din ang sabi niya baka may biglaang bilhin o bayaran.”sagot niya kahit hawak na ang susi.

“Kahit na, mabuti na yung may reserba tayo, saka ikuha mo rin siya ng damit, damihan mo na for sure hindi siya makakalabas agad-agad. Magdala ka na rin ng kahit anong pwedeng madala doon ha.” Kahit na hindi ako sigurado sa magiging resulta basta ang nasa isip ko gagaling pa rin siya ayokong maniwala sa naiisip ko na wala na siya.

“Kuya, sure ka ba na kaya mong mag-isa dito, ayoko sanang iwan ka dito na walang kasama.” Ang pag-aalala niya. “Kinakabahan ako sa iyo.”

“Ayos lamang ako, hihintayin ko lamang ang resulta dito huwag kang mag alala..”Tumayo siya pagkatapos tapikin ako sa tuhod ay diretso na palabas.

Hindi ko na alam kung gaano na katagal kaming naghihintay, iniiwasan ko nang tumingin sa relo dahil ayokong malaman kung anong oras na. Nakakabaliw ang ganoong pakiramdam.

Maya-maya ay lumabas ang dalawang doctor at lumapit sa akin yung isa. Tumayo agad ako at sinalubong siya.

“Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente? Magalang niyang tanong

“Opo, ako nga, kumusta na po siya?” alam kong naginginig ang boses ko , natatakot ako sa maari niyang isagot pero pinilit kong magpakatatag.

Sa ngayon po ay hindi pa okey. Bagamat tapos na ang operation, kailangan pa rin nating maghintay na magising siya, malakas ang impact ng pagkakabagok ng ulo niya at malalaman lamang natin ang naging effect noon o kung may damage man pag nagising na siya.” Ang mahaba niyang paliwanag. May mga medical at technical terms kasi siya na sinasabi pero hindi ko maintindihan kahit kasi seryoso siya pakiramdam ko ang gulu-gulo ng paliwanag niya, isa lamang ang sigurado ko, hindi pa siya ligtas kaya napaiyak na naman ako.

“Doc, may magagawa pa po ba tayo para maiwasan yung sinasabi ninyo? May pwede bang Medicine o operation na gawin sa kanya? Kailangan pa ba ang specialist? Doc ano po ang pwedeng gawin pa?” Hindi ko na alam kung anu-ano ang itinatanong ko dahil sa pagkalito.

“Sa ngayon sir, wala muna tayong masasabi, kasi nga magdedepende pa tayo sa magiging outcome pag nagising siya, Ipagdasal po muna nating magising siya agad kasi mas maliit ang chance na may malaking damage kung ganon, pero kung magtatagal siyang walang malay, iyon po ang hindi natin masasabi kung ano magiging effect. Sige po at may pasyente pa rin ako, Salamat po.” Tumango na lamang ako parang ayoko nang magsalita pa.

Wala sa loob ko dina- dial ko na pala ang number ni Mama. “Hello, hello Irvin, bakit hindi ka nagsasalita.? Hello”iyon ang mahina kong nadidinig sa phone ko, saka ko lamang napansin at inilapit sa may tenga ko ang phone.

“Anak ano ng nangyayari diyan. Dumating na ba si Lester? Bakit hindi ka nagsasalita?

“Ma, please help me pray, ipagdasal nating magising na si Kenn, tulungan mo akong mag pray Ma, please. Hindi ko alam ang gagawin dito Ma.” Umiiyak kong sabi kay Mama.

“Oo, anak, ipagdadasal natin iyan, bakit ano bang sabi ng doctor?” muling usisa niya. Saka ko ikinuwento ang sinabi ng doctor.

“Diyos ko, bakit ba nangyari ang ganyan sa batang iyan. Hayaan mo anak, may awa ang Diyos, hindi Niya tayo pababayaan. Ikaw kumusta ka na, kumain ka na ba, nariyan na ba si Lester?”

“Hindi ko alam Ma, hindi po ako okay, Opo dumating na siya, pinauwi ko muna at pinakuha ko ng mga damit namin, dahil tiyak na matatagalan kami dito.”

“Sige Anak, mag-iingat ka diyan ha, mag pray ka rin na bigyan ka ng lakas kasi kawawa si Kenn kung hindi ka magpapakatatag. Ikaw lamang ang inaasahan ng bata. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Maayos din lahat iyan. Hayaan mo pagdating ng Papa mo ay pupunta kami diyan.”

“Salamat ‘Ma” yun lamang ang naisagot ko, nagpasalamat na rin ako at sa kabila ng nangyayaring ito narito pa rin ang pamilya ko naiintindihan nila ang pinagdadaanan ko.

Pagkatapos naming mag-usap saka ko lamang napansin nasa tapat ko pala ang tita niya. “Sir ano na pong balita?” Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng sinabi ng doctor at kita ko ang pagpatak ng mga luha niya. Wala naman siyang sinabi. Maya-maya ay nakita naming inilabas siya ng OR kaya sumunod kami kung saan siya dadalhin. Pumasok kami sa isang room. Maingat siyang inilipat ng kama. At kinabitan ng kung anu-anong mga aparato, may benda rin ang kanyang ulo. Awang-awa ako sa kanya. Parang ayaw ko siyang tingnan. Naramdaman ko na lamang ang muling pagdaloy ng aking mga luha.

Nang makaalis ang mga nurse, lumapit ako sa kanya at hinawakan ko yung kamay niyang may dextrose kasi yung isa may nakakabit na din galing sa bag ng dugo. Hinimas-himas ko iyon at hinalikan. Wala akong sinasabi basta umiiyak lamang ako. Lumapit din ang tita niya at hinawakan din yung kamay niya. “Patawarin mo ako anak, hindi ko alam na aabot tayo sa ganito, kung alam ko lamang na mangyayari ito, hinding-hindi ko papayagan na kunin ka nila. Basta pangako Kenn Lloyd, gumaling ka lamang, hahayaan kita kung saan mo gusto, ikaw na ang bahala kung saan mo gustong tumira, ako na ang haharang sa kanila kung hindi sila papayag. Gumising ka na anak. Nakikiusap ako sa iyo. Habang buhay akong uusigin ng konsiyensiya ko pag may nangyaring masama sa iyo. Kaya please Kenn Lloyd gumising ka na.” at tuluyan na siyang humagulhol. Hinayaan ko lamang siya dahil ramdam ko rin ang hirap na pinagdadaanan niya. Pagkatapos ay humarap siya sa akin.

“Sir, maiwan ko muna kayo, uuwi muna ako sa amin. Bibilinan ko lamang yung mga bata ng dapat gawin at babalik din ako. Padating na rin ang mga kapatid ko galing Bulacan. Ikaw na po muna ang bahala sa kanya. Tumango lamang ako. Kaaalis lamang niya nang dumating si Lester. May dala siyang pagkain na naka styro. “Kuya kumain ka muna, dala ko na lahat diyan ang binilin mo. Kumusta na si Kenn, ano ang sabi ng doctor?” at malungkot kong sinabi sa kanya ang lahat.

“Huwag kang mag-alala kuya, kaya ni baby bro yan, diba baby bro at bahagya niyang tinapik sa paa si Kenn. Pagaling ka agad, hindi ka pwedeng bumigay marami pa tayong pagsasamahan at marami ka pang dapat sabihin sa akin. Huwag kang mag-alala. tanggap kita kahit ano ka pa, kahit ano pa kayo ni kuya, basta kung saan kayo masaya, masaya na rin ako” Alam kong nagpapatawa siya pero nagpapasalamat pa rin ako dahil sinusuportahan niya ako. Nang mapansin niyang tumutulo ang luha ko ay ako naman ang kanyang kinausap.

“Ano ka ba kuya, magigising si Kenn, hindi tayo pababayaan ng Diyos, lakasan mo loob mo aba, hindi ganyan ang kuya na kilala ko. Sama-sama nating ipagpi-pray iyan. Mamaya nga pala pupunta rin dito sina Mama, hindi ko lamang alam kung kasama si Ate kasi wala pa raw sa bahay. Basta narito lamang kami sa tabi mo hindi ka namin iiwan. “ At yumakap na lamang ulit ako sa kanya. Alam ko naman na naiintindihan niya ako. Mula naman pagkabata alam niya pag nasasaktan ako at lagi siyang handang dumamay. Sa kanya nakakaiyak at nakakatawa ako hanggang gusto ko. Alam niya kung kailan ako masaya at kung kailan hindi totoo ang mga ngiti ko. Ganon din kasi siya sa akin.

Naupo ulit ako at pinagmasdan ang mukha ni Kenn Lloyd. Parang ayokong alisin ang mata ko sa kanya. Gusto ko pagmulat ng mga mata niya ako ang una niyang makikita. Gustung-gusto ko na muling makita ang maamo niyang mata. Yung mata na laging nagpapacute kapag naiinis ako sa kanya o meron siyang hiniling na ayaw kong ibigay. Yung mga mata niya na parang laging nakikiusap. Yung mata niya na kahit ayoko sa sinasabi niya pag nagsimula na siyang tumingin sa akin ay napipilitan ako. Miss na miss ko na ang mga matang iyon.

“Kuya, sa labas muna ako ha, hihintayin ko lamang sina Mama doon.” At lumabas na nga siya. Alam ko namang gusto lamang niyang bigyan kami ng oras ni Kenn kaya siya umalis. Iyon naman talaga si Lester lagi niya akong naiintindihan. Kahit hindi ko sinasabi sa kanya alam niya kung gusto o ayaw ko. Tumango lamang ako kahit hindi nakatingin sa kanya.

Nang makalabas siya, kinausap ko ulit si Kenn. “Boi, gumising ka na please, nadinig mo naman ang tita mo diba, hindi ka na nila kukunin. Tayo pa rin magkasama. Huwag mo na akong pahirapan pa. Alam ko naman nadidinig mo ako. Hindi ko kayang mawala ka. Alam mo naman kung gaano ka ka importante sa akin, ikaw lang nakakapagpasaya sa akin. Basta gumising ka lamang, hindi na kita pagbabawalan sa mga gusto mo basta hindi makakasama sa iyo, papayagan kita. Promise ko iyan sa iyo. Hindi ba sabi mo hindi ka magi give up? Ngayon mo gawin yung promise na yun Kenn. Ngayon mo sabihin na You Wont Give Up. Kasi ako Kenn, I won’t give up. Para akong baliw mahina kong kinanta ang paborito niya

I won't give up on us

Even if the skies get rough

I'm giving you all my love

I'm still looking up

Nakakailang ulit na ako ng pagkanta nang may narinig akong kumakatok sa pinto. Nang binuksan ko, dalawang babae at isang lalake. Hindi ko sila kilala.

“Kayo po ba si Sir Irvin? Tanong ng isang babae.

“Ako nga po.” Iyon lang ang naisagot ko.

“Kami po ang mga relatives ni Kenn Lloyd, kapatid kami ng Mommy niya.”

“Ah, good evening po, pasok kayo, upo muna kayo,” kinamayan ko sila at bahagya akong tumabi para makalapit sila sa kama.

“Kumusta na po siya sir?’ tanong naman noong lalake.

“Ayan ganyan pa rin siya mula nang lumabas ng Operating Room, sana nga po magising na siya agad gaya ng sabi ng doctor.” Tumangu-tango lamang siya at hindi na nag comment.

Sa isip ko gusto kong ipamukha sa kanilang lahat na sila ang may kasalanan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Kung hindi nila ipinagpilitan na kunin ang bata hindi mangyayari ang lahat. Gusto ko silang sisishin at ibalik sa kanila ang lahat ng paghihirap na dinaranas ngayon ni Kenn. Gusto ko silang masaktan dahil sobra ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero nagpakatatag ako alam ko kung ano ang lugar ko sa sitwasyong ito. Kung tutuusin ay wala akong pakialam sa problemang ito. Hindi naman nila alam ang tungkol sa amin. Teacher at student lamang ang meron kami. Iyon ang maliwanag na relasyon namin. Pero nasasaktan pa rin ako habang kasama sila. Kaya pagkatapos kong mag excuse ay dahan-dahan na akong lumabas para bigyan na rin sila ng privacy.

Naglakad-lakad lamang ako at nagpahangin mga ilang minuto na rin siguro yon nang maisipan ko ng bumalik. Baka magising na si Kenn, gusto ko naroon ako pag mulat ng mga mata niya. Natanaw ko si Mrs. Nazareno. Pero nauuna siya sa akin kaya hindi niya ako nakita. Pumasok siya sa kwarto ni Kenn. Sumilip ako sa loob. Tulog pa rin si Kenn ganon pa rin ang ayos, lahat sila ay sa kanya nakatingin, nakatalikod sa pinto. May isang bangko sa malapit sa pinto. Hindi muna ako pumasok naupo lamang ako bahagya namang nakabukas ang pinto. Masikip na pati sa loob kung papasok agad ako. Nadinig ko nagsalita si Mrs. Nazareno.

“Ano iyan na nga ba ang sinasabi ko, noon pa sinabihan ko na kayong pag-isipang mabuti kung tama ang gagawin natin ngayon humantong pa tayo sa ganito, paano natin iyan ipaliliwanag sa mga magulang niya?” Hindi ko alam kung sino sa tatlo ang kinakausap niya.

“Si Kuya naman ang nakaisip ng lahat ng ito ah, umayon lamang kami.” Sagot ng isang babae.

“Hindi ako lamang ang may gusto, pare-pareho natin itong ginusto, nagkasundo tayo tungkol dito, ang sa akin lamang tanggap ko naman na kay Susan ipapamana ni Mama ang bahay dahil bata pa tayo ay sinasabi na niya yun dahil bunso si Susan, hindi ko lamang matanggap na bakit ang buong farm sa batang iyan ibibigay?” boses yun ng kapatid nilang lalaki. Na shock ako sa narinig ko kaya tumayo ako at bahagyang sumilip sa pinto.

“Pero Kuya nang malaman mong hindi kukunin ni Susan ang bahay dahil wala na siyang balak umuwi at ibibigay niya kay Kenn Lloyd diba saka mo naisip na kailangang tayo ang maghati-hati doon dahil tayo ang may karapatan at hindi ang batang iyan?” pagalit na tanong ng isa pa nilang kapatid. “At ang sabi mo pa malaki-laking halaga rin naman yun at hindi naman niya kailangan dahil mapera ang kanyang ama.” Hindi sumagot yung lalaki.

“At ngayon dahil sa personal ninyong interes ayan tingnan ninyo kung ano ang nangyari. Hindi ba sinabihan ko na kayo na pabayaan na natin kung ano ang gusto ng ating mga magulang dahil tama naman sila hindi ba matagal na panahon na pinabayaan natin ang mag-ina na iyan mula nang magalit si Papa dahil sa pagpatol niya sa may-asawa kung kayat inabot ng nga ng pagkamatay niya na hindi sila nagkita.” Si Mrs. Nazareno.

“Ate huwag ka ngang magmalinis, kung magsalita ka parang hindi mo inagrabyado ang mag-inang iyan ah.” biglang hirit nong mukang pinakabata sa kanila.

“Anong ibig mong sabihin Roda, oo aaminin ko hindi ko siya naalagaan kahit ipinagbilin siya sa akin ni Susan dahil sa aking trabaho pero naiintindihan naman nila iyon kailangan kong kumayod para sa pamilya ko.” Ang naiiritang tanong ni Mrs Nazareno.

“Akala mo ba Ate hindi namin alam na lahat ng perang ipinapadala ni Susan hindi mo ibinibigay kay Kenn Lloyd, akala mo ba naniniwala kami sa iyo na hindi nagpapadala si Susan. Ilang beses namin siyang nakausap at siniguro niya na kahit sa pinansiyal man lamang ay magampanan niya ang pagiging magulang dahil maganda naman ang buhay ng napangasawa niya kaya hindi niya kailangan na gumastos kung kaya halos buong sweldo niya ay ipinapadala sa account mo. Mabuti na lamang at sa kanya ipinapadala ng ama niya ang pera kung hindi baka pati iyon kinuha mo na rin.” Ang may tonong panunumbat na boses ng kapatid niya. Parang ayoko ng marinig ang iba pa nilang sasabihin, Pero alam kong kailangan kong malaman ang totoo, bagamat sa loob ko gusto ko na silang sugurin sa loob at ipagtabuyan palayo. “Mga walanghiya, mga walang puso” yun na lang ang naibulong ko.

“Hindi nyo ako nainiintindihan gipit lamang ako ng mga panahong iyon, nagkasabay-sabay ang gastos sa school mahina ang negosyo at kung anu-ano pang kamalasan ang dinaanan namin.” Ang pag-amin ni Mrs Nazareno.

“Come on Ate, huwag mong idahilan iyan dahil pare-pareho tayong dumaan sa gipit. Pare-pareho lamang tayo kaya huwag na tayong magsisishan.” Sagot ng isa pang babae. Nang bigla siyang matulala dahil nakita niya na nakatayo ako sa pintuan. Namutla siya kaya napatingin ang tatlo pa niyang kapatid. Lahat sila ay hindi nakapagsalita. Ako man ay nabigla at hindi ko alam ang gagawin ko. Naramdaman ko na lamang ang sarili ko, na mabilis na naglalakad palayo sa kanila. Dinig ko ang pagtawag nila sa akin pero ayokong lumingon mas binilisan ko pa ang paglakad. Ayoko ng makarinig ng kahit ano mula sa kanila. Sa dulo ng hallway natanaw ko si Lester. Yumakap ako sa kanya at umiyak lamang. Wala namang tao sa paligid, past midnight na siguro noon. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko noon, Magkahalong awa kay Kenn at poot sa kaniyang pamilya.

“Kuya, bakit, bakit ka nagkakaganyan, may masama bang nangyari kay Kenn, Kuya naman sumagot ka bakit ka umiiyak?” ang naguguluhan niyang tanong sa akin. Umiling lamang ako. Hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa kanya ang natuklasan ko. Ayokong malaman niya na may ganoong pamilya si Kenn, ayokong bumaba ang pagtingin niya sa batang iyon.

Niyaya niya akong maglakad-lakad, hindi kami nag-uusap. Pagkalipas ng ilang minuto, sinabihan ko siyang babalik na ako sa kwarto. Nagpaiwan siya sa may lobby. Nag-iisa na lamang si Mrs. Nazareno pagbalik ko. Nakatungo siya habang nakaupo sa isang bangko. Nang makita niya ako sinabi niyang aalis muna siya at magpapahinga, hindi siya makatingin ng diretso sa akin nakatungo pa rin siya habang nagsasalita. Hindi na rin ako nagsalita. Bahagya lamang akong tumabi para makadaan siya.

Naupo ulit ako sa bangko paharap kay Kenn. Hinawakan ko ulit ang kamay niya. “Sana Boi, hindi mo nadinig ang pag-uusap nila, sana noong mga oras na iyon ay tulog ka at nagpapahinga. Kung alam ko lamang na ganon, inilayo na sana kita sa kanila, dahil tama ka hindi ka nga dapat sumama sa kanila. Pero boi, gumising ka na, hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang nahihirapan na ako sa nakikita ko sa iyo. Pero hindi pa rin ako susuko, gaya ng ating kanta, patuloy pa rin akong aasa, sana ikaw din boi, huwag mo akong iiwan ha, hindi ko kaya.” At hinalik-halikan ko ang ang kamay. Maya-maya ay may pumasok na nurse kasunod yung duktor na nakausap ko. Kinunan siya ng nurse ng BP, body temperature, etc.. Binuklat naman ng duktor ang mga mata niya, sinilip pati ang tenga sa pamamagitan ng maliit na flaslight, iniadjust yung control ng dextrose pati yung bag ng dugo ay tinapik-tapik, at may inayos sa mga aparatong nakakabit sa kanya.

“Kumusta na po siya Doc?” ang malungkot kong tanong.

“Wala pa ring development sir, sana lang ay magising na siya agad para kung ano man ang kailangan pang gawin ay magawa natin ng mas maaga.” At nagpaalam na ulit sila. Kalalabas lamang nila ay dumating na si Mama, kasunod si Papa at si Irish. Pagkakita ko pa lang sa kanila ay tumulo na luha ko. Niyakap ako ni Mama. Habang hinahaplos ni Papa ang likod ko naririnig ko rin ang pagsinghot ni Irish tanda ng kanyang pag-iiyak. Naisip ko mahal talaga nila si Kenn.

“Malalampasan niya iyan anak, huwag kang mag-alala, matapang na bata si Kenn Lloyd, sa dami na ng pinagdaanan niyan sa buhay, kaya niya yan,” si Papa, alam kong pinipilit niyang pagaanin ang nararamdaman ko.

Bumitiw na si Mama sa pagkakayakap sa akin. Pero nakahawak pa rin siya sa kamay ko. “May awa ang Diyos anak, huwag kang mawawalan ng pag-asa, magdadasal tayo, makikiusap tayo sa Kanya, hihilingin natin ang kagalingan niya. Lakasan mo ang loob mo anak kailangan ni Kenn Lloyd iyan para lumaban din siya hindi ka dapat magpakita na nawawalan ka na ng pag-asa.” Kahit umiiyak pinipilit ni Mama na maging malinaw ang sinasabi niya sa akin. Nakita ko si Irish hinahaplos niya ang pisngi ni Kenn, yung bahaging may pasa. May benda kasi hanggang noo niya. Hindi man niya sabihin alam kong naawa siya.

Tahimik kaming naupo. Walang nagsasalita. Maya-maya ay lumapit sa akin si Irish. “Kuya sabi ni Lester hindi ka pa raw kumakain, Baka naman ikaw ang magkasakit niyan.”

“Wala akong gana, parang mapait ang panlasa ko.” Iyon lamang ang naisagot ko sa kanya.

“Kumain ka pa rin kahit konti lamang.” si Mama na ang nagsalita. Kaya pinilit kong kumain pero parang hindi ko talaga kaya. Ilang subo lamang ay uminom na ako ng tubig at bumalik sa upuan paharap sa kanya. Hindi naman siya kumibo alam kong naintindihan niya na mahirap talaga ang pakiramdam ko.

Mga 5:00 am nang magpaalam si Papa, uuwi daw sila ni Irish, maiiwan sina Mama at Lester. Tatawag na lamang daw sila at babalik pag nakakuha ng oras. Pero nagpaalam din ang dalawa na uuwi muna sa bahay at maliligo. Babalik din daw sila agad. Tumango lamang ako kaya pagkatapos akong yakapin ni Papa at ni Irish ay lumabas na rin sila. Naiwan na naman akong mag-isa. Malungkot na pinagmamasdan ang nakakawang itsura ni Kenn. Naalala ko noong una siyang magkasakit. Niyakap ko siya kasi hindi hindi ko alam kung ano ang gagawin. Sabi niya nakatulong daw iyon kaya gumaling siya agad. Gusto ko sana siyang yakapin kaya lang natatakot akong magalaw yung mga nakakakabit sa kanya. Ayokong may maalis sa pagkakakabit noon baka masama ang maging epekto kaya hinawakan ko na lamang ulit ang kamay niya. At kinantahan ko na ulit siya. Paulit-ulit habang tuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.

I won't give up on us

Even if the skies get rough

I'm giving you all my love

I'm still looking up

Maliwanag na ng dumating si Mama at si Lester, may dalang pagkain. “Kuya, maligo ka muna, para makapagpalit ka ng damit tapos kumain ka, hindi pwede ang ganyan, lakasan mo ang loob mo mas kailangan ka ni baby bro ngayon.” Hindi na ako sumagot kinuha ko yung paper bag at pumasok sa CR. Sinabayan din nila ako pagkain kaya kahit papaano ay nakakain ako ng maayos.

Tumawag din ang Daddy ni Kenn, at sinabi ko na sa kanya ang lahat. Mula sa pag-uusap namin ng tita niya, hanggang sa kundisyon niya ngayon, at napapamura siya. Lalo na ng malamang hanggang ngayon ay hindi pa nagkakamalay ang anak niya. Wala pang isang oras ay nasa hospital na rin siya. Ipinakilala ko siya kay Mama at kay Lester

“Sir salamat sa lahat ng ginawa, ninyo, Mrs. Maraming salamat din sa pag-aaruga at pag-aalala ninyo sa anak ko.” Baling niya kay Mama tinanguan din niya si Lester. Tumango din lamang si Mama bago nagsalita.

“Itinuring na rin kasi naming kapamilya ang batang iyan, hindi na siya iba sa amin, sa maikling panahon na nakasama namin siya ay natutunan na rin namin siyang mahalin kaya masakit din sa amin na makita siyang ganyan ngayon.” Halata din ang lungkot sa boses ni Mama

“Sir, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi naman pwedeng pagbawalan ang pamilya ni Susan na puntahan siya. Pero kung pwede lamang sana sir huwag na silang lumapit sa batang iyan.” Hindi niya malaman kung papaano sasabihin ang gusto niyang sabihin. Naiisip ko karapatan niyang malaman ang lahat. Kaya niyaya ko siya sa labas at nag-usap kami.

“Bull shit, because of that, umabot sa ganito? anong klaseng isip ng tao meron ba ang pamilyang iyan. Dahil lamang sa kasakiman sa kayamanan. Pera lamang iyon. Kung sabagay itinakwil nga nila si Susan nang malamang buntis siya. Kaya pala sabi ni Kenn Lloyd hindi siya pinapadalhan ng pera ng kanyang ina taliwas sa sinasabi ni Susan sa akin. Nakapangingnig ng laman sir. sige sir salamat sa sinabi ninyo at thank you ulit, balitaan mo na lang ako sir kung ano mang development.” iyon ang natatandaan kong mga huling salita niya pagkatapos ay galit na galit na umalis, Naisip ko na naman na pare-parehas lamang kayo akala mo naman sapat na ang pera para maging mabuting tao at ama ka sa anak mo. Hindi ko alam parang lahat sila gusto kong sisihin sa sinapit ni Kenn. Kasi tuwing pagmamasdan ko ang mukha niya hindi ko maiwasang balikan lahat ng masasakit na karanasang pinagdaanan niya at kung meron lamang akong kapangyarihan pag galing niya sisiguraduhin kong hindi na mangyayari ang lahat ng iyon. Titiyakin kong wala ng mananakit sa kanya. At wala na ring masamang mangyayari sa kanya.

“Hindi ka deserving sa lahat ng hirap na pinagdaanan mo Kenn, hindi mo dapat naranasan ang ganyan. Tama ka sa sinabi mo sa akin, hindi mo naman kasalanan kung bakit napunta ka sa pamilyang iyon. At ako man hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ikaw pa, kung may dahilan man ang lahat ng bagay, ano ba ang dahilan at sa pamilyang iyon ka napunta? Kenn, magpagaling ka, kailangan mong patunayan sa kanila na hindi ka gaya nila. Kailangan mong ipakita sa kanila na nagkamali sila ng ginawa nila sa iyo. Kailangang lumaki kang matino at may mataas na pagpapahalaga sa kabutihan, pilitin mong huwag matulad sa kanila na nabubuhay para lamang sa sarili nilang hangarin. Ibahin mo ang buhay mo sa kanila Kenn. Huwag mo silang tutularan. Kaya kailangang mabuhay ka, kailangang lumakas ka, dahil marami pa tayong gagawin. Aayusin natin ang lahat at ilalagay natin ang mga bagay-bagay sa dapat. Hindi ka na nila pwedeng apihin, Lalabanan na natin ang sinumang mananakit sa iyo. Nandito lamang ako Kenn, pangako ano man ang mangyari mananatili ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan. Kung noon ay nagdadalawang isip ako dahil natatakot ako sa sasabihin ng mga tao. Hindi na ngayon Kenn, ipaglalaban kita ano man ang mangyari.

Natapos ang maghapon, gabi na naman, pinauwi ko muna si Mama at Lester para makapahinga, Ako na namang mag-isa. Nakailang pabalik-balik ang duktor at nurse pero laging iyon pa rin ang sagot nila sa tuwing tatanungin ko. “Sir kailangang magising na siya as soon as possible.” Ano nga bang gagawin ko, kung pwede lamang magising siya sa lakas ng sigaw ko gagawin ko iyon, Sisigaw ako ng buong lakas hanggang kaya ko. Kung pwede lamang magising siya sa pamamagitan ng pag-iyak, kahit maubos ang luha ko gagawin ko. Kung kailangang lumakad ako ng paluhod sa lahat ng simbahan gagawin ko kung sa pamamagitan noon magigising siya. Pero my magagawa ba ako? May maitutulong ba ako? Parang gusto ko nang mag give up, gusto ko na ring sumuko, gusto ko ng sumama sa iyo Kenn, Kung nasaan ka man gusto kitang puntahan. Nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko kayang nakikita kang ganyan. Gusto kitang buhay, gusto ko huwag kang bibigay pero kung ganyan ka naman parang pinahihirapn lamang kita. At ayokong nakikita kang ganyan kasi ako din ang nahihirapan. Kaya isama mo na lamang ako. Ayoko na rin naman. Kung wala ka dito ayoko na rin dito. Hindi ko alam nakatulog na ako habang nakasubsob sa kamay niya. Basang-basa na ng luha ko ang kamay niya.

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng pag-ihi pero nagulat ako dahil nakapatong sa ulo ko ang kamay niya. Iniisip ko paano nangyari yun. Ang huli kong naalala ay nakasubsob ang mukha ko sa kamay niya. Tiningnan ko siya, natutulog pa rin. Muli kinuha ko ang mga kamay niya at hinalikan. Tatayo sana ako para pumunta sa CR nang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nabigla ako,

“Totoo ba ito?” iyon ang malakas na nasabi ko kahit alam kong kami lamang dalawa ang nasa kwarto. Tiningnan ko ang mukha niya.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Tales of a Confused Teacher (Part 14)
Tales of a Confused Teacher (Part 14)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiQypFW2WhkWj4Y3SwO5OfYccVgSZZKazVaO0bTtWhCs5g9iY76_KRFEm1VDhOA7TW1h9YLhr0SyOMyTE4bLMHMnpty20xmmEBXE10AR7OYUkw7o7iMVOCQxVxj6Hus9vAul_bhG5KwXFse/s1600/Tales+of+a+Confused+Teacher.jpeg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiQypFW2WhkWj4Y3SwO5OfYccVgSZZKazVaO0bTtWhCs5g9iY76_KRFEm1VDhOA7TW1h9YLhr0SyOMyTE4bLMHMnpty20xmmEBXE10AR7OYUkw7o7iMVOCQxVxj6Hus9vAul_bhG5KwXFse/s72-c/Tales+of+a+Confused+Teacher.jpeg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/05/tales-of-confused-teacher-part-14.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/05/tales-of-confused-teacher-part-14.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content