$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Until Thirty (Part 2)

By: Erick It's been 4 yrs since I lost the man I love the most. Since nagpakasal si Carlo sa  isang babae because of a promise he made t...

By: Erick

It's been 4 yrs since I lost the man I love the most. Since nagpakasal si Carlo sa  isang babae because of a promise he made to himself a long time ago. Before pa ako dumating sa buhay niya. After the wedding hindi ako nagtagal sa Pilipinas at bumalik ako agad sa Italy. And after 4 years of staying here in Italy para makalimot I finally decided to submit a resignation letter sa company na pinagtatarabuhan ko. Dahil na rin sa kagustuhan kong magbagong buhay ulit sa Pilipinas. Handa na ko ulit humarap sa realidad. I'm 28 yrs old now and I'm getting older, mahirap na mapagiwanan kaya naman uuwi na kong Pilipinas and I'll try my best to put all of my shit together. I'll start a business and bahala na kung ano mangyayari.

Today is my arrival in the Philippines and sinundo ako nila mama at papa. Pagkauwi namin

"SURPRISE!!!!!!!!! WELCOME HOME ERICK!!!

Bungad sakin ng mga mahahalagang tao sa buhay ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay namin. Nag set up pala tong mga to ng surprise home coming party.

Unang lumapit sakin si Angie at niyakap niya ko ng mahigpit "ERICK! Halika nga! Na miss kita grabe! Magchichikahan tayo mamaya ah? Hahaha, sana natuwa ka sa suprise namin sayo."
"Oo naman, na appreciate ko sobra. Hahaha, na miss rin kita. Talagang sinabwat mo pa sila mama ah? Hahaha."
"Yes naman. Ay, oo nga pala Erick, would you mind If Carlo and Angela will come along with their son? I hope okay lang since sabi mo okay naman na kayo diba and nakakapagusap na kayo ng casual sa facebook for the past year?"
"Ahh haha it's fine. Walang problema, matagal na yun. Imagine 4 years na nakalipas  it's actualy almost half a decade. Kalimutan na natin lahat. Magkaibigan na lang talaga kami ni Carlo"
"Talaga? Buti naman at okay ka na talaga. I'm happy for you ha. I'm sure magiging masaya 'to tara na nagkakainan na sila! Mamaya pa sila darating kaya halika na!"

There's a part inside me na tuwang tuwa at excited dahil makikita ko na ulit si Carlo sa unang araw pa lang ng pag balik ko dito sa Pinas. Pero andun din yung pumipigil sa sarili ko na tama na. Bilang kaibigan na lang ang role ko sa buhay ni Carlo especially may pamilya na yung tao. Hindi rin nagtagal at dumating na rin sila Carlo.

Kinakabahan ako, na e- excite, hindi ko alam mararamdaman ko. Nawala sa pandinig ko ang ingay ng mga tao. Yung mga kutsara't tinidor na nagkikiskisan sa mga plato, mga boses ng mga bisita at mga tawanan ng ilang kaibigan. Ang tanging naririnig ko na lang ay yung kotse, yung pagsara ng car door, yung pag lock ng car, yung pagbukas ni Angie ng gate, and then...
Carlo: "Hey, Angie! Long time no see ah! So andyan na si Erick?"
"Oh Yes! Andun sa loob kanina pa kayo hinihintay, nako! Uy Hi Angela! Looking great tayo today ah?"
"Haha thank you Angie, alam mo I'm excited to meet Erick kasi nung wedding namin ni Carlo we didn't get a chance to talk eh so gusto ko na rin sya makita talaga" sagot ni Angela.
"Halina kayo sa loob! Yung anak mopala asan? Si Carl?
"Hindi ko na dinala Angie, iiyak lang yun dito, alagain eh. Hahaha"
"Ay ganun ba? Oh sige halina kayo."

Pumasok na sila sa loob. Nakita kong unang pinapasok ni Carlo si Angela. Gentleman pa rin talaga si Carlo, and he's still handsome as he is years ago.

"Erick..."

Pagsambit niya ng pangalan ko, nagsalubong ang mga mata namin na puno ng lungkot, pangungulila at saya. lumakas ang kabog ng dibdib ko. Isang malaking ngiti na lang ang ibinigay ko kay Carlo

"Carlo! Bro! Namiss kita pre ah, grabe. Gwapings ka pa rin ah?"

"Erick naman eh di ka pa rin nagbabago. Welcome home ah! Ang tagal mo rin sa Italy. And Erick onga pala, you know her right? Angela?"

"Hi Erick! Welcome home nga pala!"

Ang ganda neto. Wala ako sa laban. Talo.

"Angela! Wow, of course I know you. Ang ganda mo pa rin ah? parang mas lalo kang gumanda kesa nung nakita kita sa wedding niyo. Hahaha, anyway dun tayo sa garden? May videoke dun and andun sila lahat, kumain muna kayo."

Pinagmamasdan ko si Carlo na nakahawak at laging naka alalay kay Angela habang kumukuha sila ng pagkain.
Kitang kita ko na mahal talaga nila ang isa't isa at masaya sila.

Naupo kami sa iisang table. Si Erick, Angela, Angie, at ako.
Inuman na may kasamang kwento ang nangyari. Medyo gabi na kaya marami na ang nauna sa mga bisita hanggang sa kami na lang ang natira dahil hating gabi na rin.
 Patuloy ang kwentuhan at paminsan ay kumakanta sa videoke. Nang naubusan na ng topic ay pinaabot ni Carlo ang song book at lumabas sa screen ang kantang "Bakit pa ba" ni Jay R
Hindi ko alam kung ano ibigsabihin nun pero ayoko lagyan ng kahulugan baka trip niya lang talaga.

"Cr lang ako guys" paalam ko sa kanila.
Sa totoo lang sa kusina ako dumiretso para makapagpahinga. Pahinga sa pagpapanggap na masaya ko para kay Carlo at Angela. Ang sakit pa rin pala. Ang sakit makita yung dalawa na masaya. Na para bang tama nga ang desisyon na pinili ni Carlo na magpakasal instead of staying with me. Hindi ko namalayan sumunod pala si Carlo sakin. Bigla ko na lang kinuha yung plate at kumuha ng Cake sa ref para kunyare nagpe prepare lang ako ng makakain.

"Erick..."
Sambit ni Carlo habang nasa tabi ko siya at naghihiwa ako ng slice ng cake
"Uy, bakit? Gutom ka rin? Eto oh teka kuha akong plato, pano na kanta mo dun?"

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at nag tinginan kami ng matagal.
Onti onti lumapat ang mga labi niya sa labi ko at maya maya pa ay na itulak ko na lang siya bigla.

"Carlo... May pamilya ka na. Marunong ako lumugar." Sinabi ko ng may onting kahinaan at hiya habang napahawak ako sa bibig ko.
Wala ng sinabi si Carlo at bigla na lang siyang bumalik sa table.

"Angela, let's go. Umuwi na tayo"
"Teka uy agad agad ba?" Pagsingit ni Angie
"Ha? Oh sige. Uuwi na kami sis, gabi na rin kasi. Next time na lang ulit!" Sabi naman ni Angela.

Nakatingin lang ako sa kanila habang nasa kusina pa rin ako habang papalabas na sila ng bahay

Carlo: "Erick pre una na kami ah! Salamat! Next time ulit!"
Angela: "I had fun Erick! Until next time!"
Padmamadali nilang mag asawa

Umuwi na rin si Angie at naiwan na kong mag isa. Hindi ko mapigilan ang umiyak dahil para bang bumalik ulit lahat ng sakit. At parang mas nadoble parang lahat ng hindi ko pag iyak sa Italy ngayon ko nararamdaman. Unang araw ng pag balik ko sa Pilipinas I've already cried myself to sleep. Mahal ko pa rin pala talaga si Carlo. Mahal na mahal.

Pagkagising ko ay chineck ko yung phone ko. May hangover pa rin ako pero malinaw sa mga mata ko ang text ni Carlo.
"Coffee??"
"Why?" I replied.
"We need to talk."
"Condo mo na lang?"
"Okay, wala na rin naman tao dun."

It was 1pm in the afternoon nung nagkita kami ni Carlo. Bumili na lang kami ng pagkain. Tahimik kami sa kotse, parang dati lang. Na miss ko 'to sobra.

Umakyat na kami sa unit niya, pagsara ni Carlo ng pinto ay ni-lock niya 'to. Hindi ko alam ang nangyari pero bigla na lang niya binitawan yung mga pagkain namin na dala niya at sinunggaban ako ng madidiin na halik at wala na rin akon nagawa. Kinain ko mga sinabi ko kagabi. Naunahan na ko ng libog at temptasyon, alam kong mah pamilya na yung tao pero sabi ko sarili ko ngayon lang to. Kahit ngayon lang magiging selfish ako, kahit ngayong araw lang akin ulit si Carlo.

Puro ungol ang maririnig mo sa kwarto, mga halik na hindi lang puro libog. Mga halik na nangulila ng ilang taon mga haplos na matagal nang naghintay, mga yakap na nagpapahiwatig gaano pa rin namin kamahal ang isa't isa, mga paghawak na may pagmamahal at pagmamakaawa ng isa pang pagkakataon. Sobrang namiss ko si Carlo at nagpadala na kami sa emosyon. Wala na kaming pakielam sa sandaling yun parang kami lang ang tao sa mundo. Matapos ang nangyari samin ay natahimik ulit ang tila kaninang napuno ng ungol na silid.

"Carlo mali 'to" sambit ko
"Alam ko, pero may magagawa ba ko?"
"Nag gagaguhan ba tayo dito? Ito ang pinili mong buhay Carlo! Panindigan mo 'to! Mas pinili mo to dba? Ano to? Ngayon babalik ka? Ginagawa mo kong tanga eh!"
"It's not that. Iba na ngayon Erick oo alam kong mas pinili ko to and hindi ko naman pinagsisihan to eh. Pero it's just gusto ko lang din talagang maging masaya at sayo ko magiging masaya Erick. That's why andi...."
"ANO? CARLO NARIRINIG MO BA SARILI MO? HINDI PA BA SAPAT NA SINAKTAN MO NA KO NOON? TINAPOS NA NATIN TO EH, UULITIN NA NAMAN NATIN? SASAKTAN MO NA NAMAN AKO? PARA KANG GAGO EH! HINDI MO ALAM KUNG GAANO AKO NAGING MISERABLE MULA NUNG IWAN MO KO TAPOS ETO, HETO NA NAMAN TAYO SA GANITO. ANO KO? GAGAWIN MO KONG KABIT? 2ND CHOICE? CARLO THERE's NO WAY I'M GOING TO DEGRADE MYSELF PARA SA GANITO. THIS IS BULLSHIT!"

"ERICK MAHAL KITA OKAY? MAHAL PA RIN KITA!"

Binitawan ni Erick ang mga salitang yan at bigla kaming natahimik. Mga salitang ang tagal ko nang hindi narinig at hindi naramdaman. Ngayon ay para bang naging handa ulit ako. Handa ulit masaktan, magpaka tanga, maging kabit? Okay lang. Handa ulit ako kung may hangganan ulit to. Handi din ako ulit mahalin si Carlo at handa rin ako kung kailan man matatapos 'to. At handa rin ako kung magiging ganito kami ng walang katapusan. Kung ano ano na pumapasok sa isip ko. Pag nagmahal ka wala na nga talagang tama at mali. Biglang hinawakan ni Carlo ang mga mukha ko. Dinikit niya ang noo niya sa noo ko.

"Erick I'm sorry. Sorry If ang unfair ko dati and ngayon eto na naman ako I'm sorry for being so unfair. Sorry sorry sorry patawarin mo ko please wala naman akong ibang gusto kundi makasama ka eh. Erick ilang taon kitang hindi nakita nahirapan din ako maging Padre de pamilya na ikaw ang laman ng puso at isip ko. Erick handa ako sa lahat ng consequences. Handa ako sa lahat ng parusa sa mundo makasama ka lang. Please Erick, don't leave me like what I did years ago. Alam kong unfair pero please."

Pag mahal mo, mahal mo. Wala ka nang pake kung magmumukha kang tanga. Kaya wala na kong naisagot kundi isang halik. Isang halik na nagsasabing handa akong magpatawad at magmahal ulit ng katulad niya. Isang tao na may pamilya. May asawa at anak. Hindi ko na pinakinggan ang konsensya ko at mas pinakinggan ko na ang puso ko. Kahit saan anggulo mo tignan alam kong mali. Pero hindiko na kaya. Hindi ko na kaya pigilan ang sarili ko kay Carlo kasi all these years siya lang ang hinihiling ng puso ko. Kaya ngayon, I'm willing to take risks... Again.


Nagpatuloy ang pagkikita namin ni Carlo na kahit kay Angie ay hindi ko masabi dahil alam kong hindi niya ko papanigan. Tuwing Sabado kami nagkikita ni Carlo sa unit niya, to make the story shirt naging kabit na nga ako. Home wrecker, ika nga. Pero wala na kong pakielam sa sasabihin n ibang tao ang importante sakin nagmamahalan kami. (Dahilan ng tanga, alam ko.)

I'm turning 29 next month. Hindi ko talaga gusto ang nagce celebrate ng birthday at madalas mas prefer ko na parang ordinaryong araw lang din na lilipas 'to. Pero para kay Carlo hindi, espesyal na araw 'to para sa kanya. Para sa'min.
So he texted me.
"Erick! Happy Birthday! Tara bday sex?"
"Ulol! Hahaha I miss you."
"Tara sa condo, see you."

Pagkapunta ko ay hinihintay na ko ni Carlo sa loob.

"Happy Birthday Babe!"
"Yuck! Wag mo nga kong tawagin niyan, kadiri ka."
"Hahaha, gift ko sayo"

Inabutan niya ko ng box na may kabigatan na parang naulit lang yung nangyari nung 18th birthday ko. Inopen ko at hindi nga ko nagkamali. isang relo ang nakita ko.

"Naalala mo nung nag 18 ka. Nung nag dalaga ka?"
"Manahimik ka haha, gago"
"Pero Erick, relo binigay ko kasi it symbolizes what we have right now. Oras, and ngayon hindi ko na itatapon ang oras na meron tayo. Diba dun nagsimula ang lahat? Sa relong binigay ko sayo noon.  Heto, ngayon binibigyan ulit kita kasi gusto ko ulit magsimula tayo. I'm willing to give it a try. For the second time."
"Ang dami mong sinasabing matanda ka"
"Familiar yung line na yan ah? That's mine, hahaha
I love you, Erick."
"I love you"

And we shared a kiss na nauwi na sa alam niyo na. Birthday sex nga. Haha

Nagtagal na ng halos isang taon ang relasyon namin ni Carlo. Relasyon na puno ng takot, sakit, saya at pagmamahal. Everytime na magkasama kami ay tila nakakalimutan kong may pamilya na si Carlo. Pinili ko to para sa sarili ko kaya handa ako sa lahat ng mangyayari. Sinimulan ko na kaya tinuloy tuloy ko na.

One night, nag aya si Carlo ng inuman sa bahay nila kasama sila Angie at Jetru. Nag anniversary din kasi sila ni Angela last week.

"Bless ka kay tito Erick mo, Carl" malamig na pagkakasabi ni Angela sa anak nila ni Carlo habang pinagbubuksan niya ko ng gate. Binigyan niya ko ng isang pilit na ngiti.

It was different and it made me think kung may nagawa ba ko. Dumating na rin si Angie at nagsimula na ang inuman. Pinatulog na nila si Carl sa taas.

"CHEERS!!!..."

We were in the middle of having fun ng kumuha ako ng tubig sa kitchen nila since puro alak ang nakalatag sa table.

"Kuha lang ako water ah?"
"Samahan na kita" sabi ni Angela.

"Kamusta Erick? How's your business" tanong sakin ni Angela
"Ahhh okay na okay naman. Malapit kasi sa school kaya dinadayo talaga ng students."

Habang sinasalin ko ang tubig sa basoko mula sa pitcher ay napatingin sa kamay ko si Angela

"Ganda ng wrist watch mo ah, alam mo mga ganyan din type ni Carlo eh." She gave me another one of her fake smiles and that moment I knew na there's something wrong. Kinabahan na ko pero ayoko mag mukhang paranoid kaya umasta ko na parang normal lang.

"So Erick, may pinuntahan ka ba kahapon?"
"Kahapon? Ahh wala naman pag saturday kasi wala akong ginagawa masyado but sometimes bumibisita ako kilala mama or sa cafe. Bakit mo natanong?"
"Ahhh, alam mo buti ka pa ganyan ang ginagawa pag sabado. Alam mo kasi 'tong si Carlo palaging inuuwi ng gabi every saturday. Nakakapagtaka noh? Minsan iniisip ko baka may babae na asawa ko. May nasasabi ba sayo si Carlo?"

"Ahh wala naman Angela, baka naman iniisip mo lang yan ahaha ano kasi eh..."
Biglang binagsak ni Angela ang mga platong hawak niya na ikinagulat ko.

"Sa tingin mo ba talaga wala akong alam? Mukha ba kong tatanga tanga sayo? So kailan pa Erick? Wag na tayo maglokohan dito. Kailan niyo pa ko niloloko? HA? Kailan pa tong kababuyan na gingawa niyo? Gusto kong malamn lahat mag usap tayo dito. Umamin ka saking bakla ka"

"Angela..."

"Ano? Nagtataka ka pano ko nalaman? And btw don't worry hindi alam ni Carlo na alam ko na. Well, technically let's just say tatlong sunod sunod na sabado ko lang naman sinundan si Carlo at nalaman kong ikaw lang pala ang kinikita niya. Sa condo niya noh? Ang weird pero naisip ko baka it was just a guy thing kaya hinayaan ko na lang pero ang kapal din ng mukha mo mag text sa asawa ko kung gaano kasarap ang ginawa niyo nung isang gabi. Nakakatawa ka, nakayanan mong pumatol sa may asawa at anak? Wow, you're unbelievable."

"Angela wala kang alam samin ni Carlo..."

"Edi sabihin mo sakin. Ngayon na! Natatakot ka ba gumawa ng gulo? Wag ka mag alala satin lang to alam ko umasta na parang may pinag aralan hindi katulad mo"

Mataas na ang tensyon ng mga oras na yun nang biglang dumating si Angie.

"Huy ano na? Kanina pa kayo ah, dito pa kayo sa kusina magke kwentuhan talaga. Kaloka!"

Bumalik kami sa table and I felt so uncomfortable dahil alam na ni Angela and she just chose to be silent about it. Hindi na ko nagpaalam at umalis na ko kaagad.

I was all alone in my room at para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Oo nga pala, may asawa't anak ang lalaking kinakama ko tuwing sabado. May pamilya ang lalaking minamahal ko. Hindi ko kayang isuko si Carlo. Ngayon pa ba? Nagtetext si Carlo pero di ko alam paano ko siya sasagutin. Nahihiya ako sa sarili ko para akong nawalan ng dignidad. Ang daming bagay na nasa isip ko nang biglang may kumatok sa pinto.

I thought it was Carlo pero I was wrong.
It was Angela.

"Erick..."
"Angela..."
"Erick kailangan natin mag usap. I'm dealin with the situation in the best way possible I could so I want to clear things up to you. I will never bring this up to Carlo. Wala akong balak ipaalam sa kanya na alam ko na dahil makakasira lang to sa marriage namin at ayoko mangyari yun. Gusto kitang sampalin, gusto kitang bugbugin, galit na galit ako gusto ko magwala pero ano bang mapapala ko pag ginawa ko yun. Wala diba? Magmumukha lang akong palengkera. Ikaw lang makakatapos nito Erick eh. So please do me a favor, layuan mo na ang asawa ko. Hindi lang para sakin para na rin kay Carl."

Marami pang sinabi si Angela and to be honest humanga ako kung pano niya hinandle yung situation despite sa sakit at galit na nararamdaman niya. Humingi ako ng tawad kay Angela and she told me na hindi niya alam kung kailan niya ko mapapatawad but the least I can do is to end kung ano meron kami ni Carlo. I have come to realize na wala rin naman patutunguhan ang relasyon namin.

Matapos ang paguusap namin ni Angela ay iniwan ko na si Carlo ng walang paalam. Walang usap usap, walang reply sa texts walang sagot sa mga tawag. I left him hanging, hindi ko na kasi alam paano ako magpapaalam baka isang pagmamakaawa niya lang ay hindi ko na kayanin. He's my weakness after all, marinig ko lang ang boses niya na mangiyak ngiyak at mga matang lumuluha hindi ko kakayanin kaya ako ngayon ang nang iwan hindi dahil sa kagustuhan kundi dahil kailangan ko at ito ang tama. Masakit pero dapat eh, inisip ko si Angela at ang anak nilang si Carl. Sinabi ko sa sarili ko na handa ako. Kaya ngayon kailangan ko rin maging handa para sa araw na kailngan ko nang piliin ang tama. 2 weeks after, hindi ko na kailangan makipag iwasan kay Carlo dahil tuluyan na kong lalayo. Lilipad na ko papuntang Cebu. Doon, kasama ko ang mga kamag anak ko. Oo umiyak ako pero pangalawa na to ngayon pa ba ko manghihina? Ito na ang pipiliin ko. Puputulin ko na kung ano man meron lahat kami ni Carlo. Siguro hanggang dito na nga lang kami talaga. Hanggang dito na lang ang pag iibigan at storya namin. At sana hanggang dito na lang din ang sakit na mararamdaman ko dahil kay Carlo.

May mga bagay pala talaga na minsan hindi na ipinaglalaban. Mas mabuti na lang kung isusuko mo 'to. And it would be easier just to move on. Hindi ako nagsisisi na nakilala ko si Carlo sa buhay ko pero ngayon kailangan ko na siya limutin. Hanggang dito na nga lang talaga siguro...

Someone once told me that Life's just a matter of choice. And at my age siguro kailngan ko na piliin kung ano ang tama.

Para sa ikakabuti ng lahat.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Until Thirty (Part 2)
Until Thirty (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEidmzZe7WlkPme6I-B_KLCTTb-BeoVe4latEhut3ANnyw2SWazrqYkbtf0PT-xyJPC4Rm3K9yUUkX9aZ2MfpUB7BEg9lH4kNCMJPWftSB4yAl1PyQN0ogxsc44BKeuUZCaD6U2xQqdmz2ux/s400/13166681_270832479919317_871202936_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEidmzZe7WlkPme6I-B_KLCTTb-BeoVe4latEhut3ANnyw2SWazrqYkbtf0PT-xyJPC4Rm3K9yUUkX9aZ2MfpUB7BEg9lH4kNCMJPWftSB4yAl1PyQN0ogxsc44BKeuUZCaD6U2xQqdmz2ux/s72-c/13166681_270832479919317_871202936_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/05/until-thirty-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/05/until-thirty-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content