By: Fabian “Tanginang pag-ibig kasi yan eh,” pagsisimula ko sa pagkwento ng problema ko kila Marco. Napatahimik sila, parang lahat willing m...
By: Fabian
“Tanginang pag-ibig kasi yan eh,” pagsisimula ko sa pagkwento ng problema ko kila Marco. Napatahimik sila, parang lahat willing makinig. By the way, I’m Fabian Arguelles, 22, from Pasig. Honestly I don’t know bakit palagi akong sawi sa pag-ibig, kung ibbase kasi ako sa physical appearance, hindi naman ako mahirap mahalin. 5’11 ang height ko, mestiso, may pointed nose, may pinkish lips, hazel brown and deep-settled ang eyes, makinis balat, clean cut ang hairstyle and well-built ang body ko. Hehe ok pinuri ko na sarili ko. Pero seriously yun nga, I really don’t know bakit lagi akong sawi.
This is how it starts. Dahil sobrang sama ng loob ko, I’m so depressed, I don’t know what to do. Pumunta nalang ako sa isang pub sa Makati. 9 pm na nun. Pumwesto ako sa table sa may corner, para dulo, walang makakita saking nagmumukmok. Umorder ako ng isang bucket ng San Mig Light. Hindi pa ako nagdidinner, wala naman akong ganang kumain. Medyo marami na ring tao. Karamihan, mga grupo-grupo yung customers. “Buti pa sila masaya,” sabi ko sa sarili ko. Ako lang yata doon ang mag-isa, ako lang yata malungkot. Kanina pa ako lumuluha habang natatandaan ang pag-iwan sakin ng mga taong minahal ko naman. Bakit ba palagi nalang ako iniiwan, palagi nalang akong nasasaktan? Napahagulgol na ako. Wala na akong paki, maingay naman, medyo madilim, at karamihan naman ay nasa may bar.
Mga tatlong oras na nakalipas, lumuluha pa din ako. OA man, pero ang sakit kasi talaga. Naka tatlong bucket na din ako. Medyo nalalasing na ako, matagal kasi akong malasing. Inuubos ko yung isang bote ng biglang may magsalita sa gilid ko. “Uhm bro, uh, are you ok?” Dahil may pagkasabog na ako nung time na yun, nabigla ako at naibuga yung beer. Nasamid ako at humapdi yung ilong ko. Nairita ako, pero nagmamalasakit lang naman yung tao. I wiped my tears immediately. “Ah eh oo bro, hehe thanks for asking,” I replied. Halata sa voice ko na kakaiyak ko lang. “Sorry nabigla kita, nasamid ka tuloy. Anyway, pansin ko kasi parang may matindi kang problema kasi mag-isa ka lang and andami mo nang naiinom. Kanina ko, actually kami, kanina ka pa namin napapansin. I don’t know hehe, bigla nalang kitang gusting tanungin baka kasi I can help you.” Nabigla nanaman ako sa mga sinabi niya. Parang mabait tong taong toh. “And kanina ka pa kasi tinitignan nung dalawang friend na na kasama ko, type ka yata hehe. Wanna join us? Come on! Kung ano mang problemang yan, forget it muna. Enjoy this moment! Halika!” Okay, na-touch naman ako dun. Hindi ko maaninag yung mukha niya because dark nga sa loob, pero kita ko yung ngiti niya. Don’t get me wrong, I’m straight. Lahat ng ex ko ay babae.

Never akong na-attract physically and sexually sa men. Pero grabe talaga ang ganda ng smile niya. Iba yung effect sa katawan ko. Hindi ko alam ano bang naramdaman ko nung makita ko yung smile niya. Honestly, gustohin ko mang mag join sa kanila, para kahit papaano, makalimutan ko yung heartbreak kahit sandali lang, pero nahihiya ako eh and nagtataka din. First time na may tanong sakin na di ko kilala kung ok lang ba ako, first time actually na may concerned sakin, first time din na may magtanong sakin kung gusto ko jumoin sa barkada niya. Nagtataka ako bakit naman niya ginawa yun. Gustohin ko man, pero I’m not in the mood para makipagtawanan, to be with others’ company and gusto ko muna mag-isa. “Bro kasi, uhm, I’m really not in the mood right now, I hope you understand, and besides, nahihiya ako, we don’t know each other yet,” wika ko. Nagsmile ulit siya. “Well then, let me introduce myself. I’m Marco Valbuena, (not his real name din btw) 21, Architecture student and I’m from Mandaluyong.” Pagkatapos niyang magsalita, inabot niya kamay niya. Kinamayan ko naman siya and nagbigay ng pilit na smile. “And you are?” Nagugulahan na talaga ako, bakit ba mapilit siya? May masamang balak ba siya or nagmamalasakit lang talaga? Sumagot nalang ako, “Fabian bro, Fabian Arguelles from Pasig.” “Ayan! We know each other na, kaya jumoin ka na kasi! Pakilala naman kita sa friends ko! Alam mo kasi, mas kailangan mo ngayon na may kausap, hindi yung nandiyan ka lang mag-isa, nagluluksa hahaha! Don’t worry bro, kung iniisip mo na may masamang balak ako or kami, well wala. I just want to uhm, help you.” Speechless ako. Nakakatuwa naman tong taong toh. Nakakahiya din naman tumanggi kaya eventually, I joined them. We approached their table and pinakilala ako sa kanila. 7 silang magbabarkada, masayang-masaya ang lahat, tawanan ng tawanan, kwentuhan ng kwentuhan. Syempre nung una, nahihiya pa ako, nao-op ako. Pero inentertain naman nila ako. Hindi naman nila pinaramdam na porket kakakilala lang sakin ay wala na silang paki. Sabi nung isa, si Addie, kanina pa talaga nila ako napapansin. Lalo na daw sila Sarah at Leigh, na kanina pa daw ako tinitignan simula nung dumating sila. Nagtanong si Leo, isa pang friend ni Marco, “Eh bro, wag ka sanang magagalit, pero bakit grabe yung iyak mo kanina? Ano bang problem mo?” “Let me guess, love life noh?” tanong naman ni Philip. “Oo,” ang tangi kong nasagot sabay yuko. “Psssst oy, wag niyo na ngang kulitin si Fabian, kung ayaw niya pag-usapan, wag na tanungin mga epal kayo eh haha,” sabi ni Marco. “Curios lang naman pre, baka kasi matulungan natin diba, kaya mo nga nilapitan para tulungan diba?” pangangatwiran ni Leo. Gusto nila akong tulungan. Wow, nakakatouch talaga. Mabait talaga sila. Pero tulungan in what way? “Oo, eh pero basta hayaan mo n-“ Hindi na natapos ni Marco ang sasabihin niya dahil sumingit ako. “Hindi, ok lang, baka ” sabi ko. “Tanginang pag-ibig kasi yan eh. Ganito kasi yan, nagmahal ako sa isang babae, her name was Sam, binigay ko naman sa kaniya ang lahat ng makakaya ko, umikot ang mundo ko sa kaniya, sa huli, iniwan niya akong durog na durog, mas masakit pa kasi iniwan niya ako para sa iba. Ok naka move-on ako kay Sam, nagmahal ako for the second time. Her name was Rica. Nung una, going strong, pero hindi nagtagal, naramdaman ko na ako nalang nagtatry para mag work pa yung relationship, naramdaman ko, ako nalang nagmamahal, wala nang sparks between the two of us. Nakipagbreak siya, pupunta na daw ng Canada. Yun pala meron na rin palang iba at sinasama na siya sa Canada. May 2 pa akong naging relationships, pero short-term lang, hindi nila ako sineseryoso. Parang sex lang at katawan ko habol nila sakin. Palaging ganun ang set-up pag ako nagmamahal, palagi akong tataya, pero sa huli, wala, sawi, talo. Ang sakit, sobra. Kaya madalas kong tanungin sarili ko, may mali ba sakin, pangit ba ako? Hindi ba talaga ako deserving or capable of being loved by someone?” Naiiyak nanaman ako. Napakagat nalang ako ng labi at yumuko. Hinimas naman ni Marianne yung likod ko. “Sorry kung masyado akong madrama guys haha, hindi ko kasi mapigilan,” dugtong ko sabay punas ng luha. “Papi Fab, it’s okay, ako nalang jowain mo and I will assure you na I will never leave you, basta anakan mo ako ng mga sampu,” pagbibiro ni Sarah. “Gurl, landi mo forever, besides he’s mine. Hahahaha joke lang Fab, pinapasmile ka lang namin,” ang sabi naman ni Leigh. “Kayong dalawa malandi, may Papi Fab pa kayong nalalaman hahahah,” pag singit ni Marianne. Natawa naman ako. Nagulat ako nang akbayan ako ni Marco at nginitian. Ayan nanaman, yan nanaman yang smile na yan. Iba yung pakiramdam nung umakbay siya, malaki ang braso, sarap sa pakiramdam. “Kinikilig ba ako, kinikilig ba ako kay Marco?” tanong ko sa sarili ko. “Pero hindi pwede, straight ako.” Biglang nagsalita si Marco, “Yan dapat smile lang ng smile. Kalimutan mo muna yang heartbreak. Mas bagay sayong naka smile, mas gwapo ka diyan bro hahaha. Tanga lang yang mga babaeng yan, iniwan pa yang tulad mo. Kung ako sa kanila, kung isa ako sa mga babaeng yun, hinding hindi na kita papakawalan. Anyway, wag ka mag-alala, darating din yung right person for you, malay mo nasa tabi-tabi mo lang.” Tapos kumindat pa siya habang naka smile parin. Oks, narealize ko na kilig na yung nararamdaman ko. Pero bakit, paano? Alam ko straight ako. Di kaya, bisexual na ako? Pero ngayon lang ako nagkaganto, and kay Marco lang. “Baka akbay or yakap lang ng kahit na sino or words of encouragement lang talaga ang kailangan ko ngayon,” ang sabi ko sa sarili ko. “Yesss, parang may bromance na namamagitan sainyo ah hahaha,” pang-aasar ni Philip. Tumawa lang ako at si Marco. Pagkatapos kong magdrama at umiyak, napalitan naman yon ng mga ngiti at tawa. Nakalimutan ko ang lungkot sa puntong yon. Tumagal din ang bonding namin. Marami akong nalaman sa kanila. Marami rin naman akong nakwento. Hindi ko na namalayan na nakatulog nalang ako, dahil lasing na lasing na talaga ako. Mas maaga pa kasi akong pumunta ng pub kaysa kila Marco at mas marami nang nainom. Hindi ko na alam ang mga susunod na nangyari.
I woke up with a terrible headache. Sobrang lambot ng hinihigaan ko, at ang lamig ng room. Pero I’m not familiar with the place. Hindi ito ang unit ko. Tumayo ako kahit masakit ang ulo ko at lumabas ng room. Nagulat ako sa nakita ko. Si Marco.
Itutuloy
COMMENTS