$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Surrogated Promises

By: Lord Iris Hey folks! I'm Lord Iris... nakakatuwa po yung mga comments sa mga story ko na Photographic lovers, Paper hearts at Life...

By: Lord Iris

Hey folks! I'm Lord Iris... nakakatuwa po yung mga comments sa mga story ko na Photographic lovers, Paper hearts at Life's sticky notes. I also received some comments that breaks my heart a little but it will never stop me from writing. Writing is my soul even at a very young age because I believe that fiction is the only truth inside a lie.

Real talk lang... hindi ko po talaga kayang magsulat ng bed scene kasi ayoko magmukhang tanga at hindi yun ang forte ko...

You can add me on wechat... LordIRIS ang username ko hahah. Andami ko na palang nasabi hahah sana po ay magustuhan niyo ang isusulat ko ngayon at love kayo ni author *sending virtual hugs*...

............

Kakatapos ko lang magluto ng agahan at nakita ko ang minamahal kong si Noel na nakatitig sa isang album. Nakatitig na naman siya sa album kung saan makikita ang picture ng mga cute na baby...

"Noel... bakit nakatitig ka sa picture ng baby?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Tumitig siya sa akin ng panandalian tapos ngumiti siya at parang magkahalo ang lungkot at saya sa mga mata niya... tapos bumalik ang tingin niya sa picture...

"Gusto kong magka-anak Jinx." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa larawan ng sanggol.

"Ganun ba Noel ko? Punta tayo mamaya sa ampunan para magka-anak na tayong dalawa." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Umiling-iling siya at hindi maalis ang tingin niya doon sa larawan ng sanggol...

"Gusto ko ng totoong bata... yung galing sa akin... yung kadugo ko."

Habang tinititigan ko ang seryosong mukha ni Noel ay bigla na lang akong nakaramdam ng mainit na tubig sa mga mata ko... alam ko na hindi ko kayang ibigay sa kanya ang hinihiling niya dahil bakla ako...

Mahal na mahal ko si Noel pero imposibleng maibigay ko sa kanya ang hinihingi niya kahit na gustong-gusto ko iyong ibigay...

............

"Kuya Jinx! Gising na po kayo at meron po kayong bisita..." Sigaw ng kapatid ko habang niyuyugyog ang kama ko.


"Wait lang... antok pa ako eh." Tinatamad kong sabi.

"Kanina pa po kayo hinihintay ni Kuya Noel."

Bigla akong napabangon sa kama ko!

Shet!!! Si Noel pala ang bisita ko ngayon! Diyos ko kailangan kong mag-ayos at para hindi naman ako magmukhang Homo Erectus sa harapan ng Greek God na yun!!!

Naligo ako kaagad sa banyo at nagbihis ako ng disenteng damit dahil kahit sa pananamit man lang ay magmukha akong tao hahaahah...

Ako nga pala si Jinx! Masayahin akong tao at laging nakangiti... hindi naman ako gwapo pero hindi rin ako panget. Sabihin na natin na maporma lang ako at maayos sa sarili. Bakla ako hahahaa pero hindi naman ako umaastang babading-bading... Lalake akong kumilos at disente...

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako sa sala at nakita ko si Noel na napaka-gwapo... siya ang crush ko, love ko, bestfriend ko at boyfriend ko. Tinukso lang kami ng mga kaibigan namin kaya naging kami ni Noel at hindi ko inaasahang magkakagusto pala sa akin ang napaka-gwapong nilalang na kagaya niya...

"Bebs! Antagal ko nang naghihintay dito eh." Nakangiting reklamo ni Noel.

Parang wala na siyang mga mata kapag ngumingiti siya... singkit kasi si Noel ko eh at maputi siya kaya marami din akong kaagaw sa kanya. Di ko nga alam kung anong nagustuhan nito sa akin eh...

"Happy 6th anniversary bebs." Nakangiti kong bati sa kanya.

Oo tama kayo! 6 years na kami ni Noel ko at sa loob ng anim na taong asaran, tampuhan, kulitan at kantutan ay hindi nagbago ang tingin ko kay Noel dahil siya lang ang mahal ko!

"Happy 6th anniv. din bebs!" Nakangiti niyang bati sa akin.

Ngumiti na lang ako at sa loob ng anim na taon ay minsan natutulala pa rin talaga ako kapag ngumingiti siya sa akin...

Biglang hinawakan ni Noel ang kamay ko at...

"Halika na bebs... pasyal na tayo." Nakangiti niyang pagyaya sa akin.

Pumunta kami ni Noel sa isang park at doon ko lang kasi talagang gusto na pumunta at bakit? Kasi masaya akong makakita ng mga batang naglalaro at nakaka-relax yun para sa akin. Ganun din si Noel ko... mahilig siya sa mga bata...

"Bebs... I love you." Sabi ko sa kanya.

"I love you too bebs." Sagot niya.

"Uuhhhmmm... bebs punta muna ako sa restroom saglit." Pagpapaalam ko kay Noel.

"Sige Jinx... wag kang magmimilagro doon ah kasi mamaya na natin gagawin yan hahaaaa." Natatawang sabi ni Noel.

"Syempre naman! Rawr!!!" Sabi ko sa kanya at sumenyas pa ako na kakagatin ko siya.

Tawa lang ng tawa si Noel ng iwan ko siya doon sa park... nag-ayos muna ako ng sarili ko at ako kasi yung tao na ayaw na ayaw magmukhang dugyot kaya ayokong napapawisan...

"Bakla..." Bulong ng katabi kong lalake.

Napatitig na lang ako sa kanya ng masama at nagpapa-gwapo din ang mokong sa salamin...

"Sinong bakla?!!!" Galit kong tanong sa kanya.

Di siya sumagot... tumitig lang siya sa akin at ngumiti... nakaka-bwisit!!!

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Inis kong tanong sa kanya.

"Wala naman... masama ba ngumiti?"

Napaka-pilosopo nitong nilalang na nasa harapan ko! Tumingin na lang ulit ako sa salamin at diniinan ko ang pagpupulbo sa mukha dahil sa inis ko sa lalakeng katabi ko...

"Uy! Wag mo naman diinan... sayang naman ang cute mong mukha." Natatawa niyang sabi sa akin.

"Pakelam mo ba?" Inis kong tanong.

Nginitian lang niya ako at napansin ko na gwapo pala ang mokong. Pero hindi! Ako ang tipo ng tao na hindi nakukuha sa kagwapuhan hahahaa. Ako yata ang santo ng true love...

Umalis na lang ako sa restroom na yun at ayoko ng makita ang pagmumukha ng lalakeng yun... maka-sabi siya sa akin bakla! Hay naku! Hindi naman ako mukhang bakla eh... bakit ba ako nagagalit? Totoo naman pala hahahaa...

Ako yung tipo ng tao na hindi tumitingin sa panlabas na anyo... yung masabi lang na kaaya-aya ang hitsura mo pwede na basta mabuti kang tao... maswerte lang talaga ako at sobrang gwapo ni Noel...

Naglakad na ako pabalik doon sa park kung nasaan si Noel at may nakita akong babaeng kausap niya...

Lumapit ako sa kanila at bago pa nila ako makita ay naglakad na palayo ang babaeng kausap ni Noel...

"Noel sino yun?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Nagtanong lang sa akin kung saan daw yung rentahan ng bike." Nakangiting sagot ni Noel.

Tumabi na ako sa kanya at sinandal ko ang ulo ko sa muscles niya sa braso hahahaa... yum yum!!! Nakaka-inis lang at wala akong muscles...

"Jinx... pakasal na tayo." Narinig kong sabi ni Noel.

Napa-ayos na lang ako ng upo at tumitig ako kay Noel...

Kumuha siya ng pulang kahon sa bulsa niya at binuksan niya iyon sa harapan ko... nakita ko ang sing sing...

"Jinx... gusto kitang makasama habang buhay..." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Si..sisi.gurado ka?"

Tumango lang si Noel at nginitian niya ako ng napakalaki... hindi ako makapaniwala na papakasalan pala ako ni Noel... akala ko kasi hanggang mag-syota lang kami...

Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang mga luha ko...

"Of course payag ako Noel..." Sabi ko sabay patak ng mga luha.

Nanginginig ang daliri ko ng ilagay niya sa akin ang sing sing... pinunasan ni Noel ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya...

"Wag kang umiyak Jinx..." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Masaya lang ako Noel..." Sagot ko at pinilit ko rin ngumiti.

Alam niyo ba yung pakiramdam na bakla ka tapos may lalakeng sumeryoso sayo? Parang umaapaw sa kaligayahan yung pagkatao ko... yung mahal ka ng taong mahal mo at alam mong siya na ang karapat-dapat para sayo tapos nandiyan lang siya palagi...

"Uy! Baka matunaw yang sing sing kakatitig mo..." Natatawang sabi ni Noel sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanya at hindi ko alam na sa anim na taon pala naming magkasama ay gusto pa niya na itali ang relasyon namin...

"Mamayang gabi yari ka sakin... kakainin kita hahaaa." Tumatawang sabi sa akin ni Noel na parang nadedemonyohan.

"Magkakainan tayong dalawa... gawa na agad tayo ng baby." Tumatawa kong sabi sa kanya.

"Hahah I will rip your ass." Natatawa niyang sabi sa akin.

Si Noel... mahal ko yan at napaka-manyakis niyang taong yan! Laging may nangyayari sa aming dalawa tuwing magkasama kami pero syempre enjoy naman ako hahha...

Lumipas ang mga araw at napag-desisyunan naming dalawa ni Noel na sa isang taon pa magpakasal... syempre ipon din pag may time noh!

Nandito ako ngayon sa isang mall at kagagaling ko lang sa trabaho ko... nakakapagod talaga ang maging IT consultant... minsan may kliyente kang bastos, hambog pero minsan mababait naman...

Masarap talaga kumain ng dq kahit malamig o mainit ang panahon... bakit ba? Adik ako sa dq eh...

Umorder na ako ng oreo at yung pinaka-malaki ang gusto ko hahah sabihin niyo nang patay gutom ako pero kaya ko namang ubusin lahat yun kasi favorite ko kahit medyo nananaba ako hahaa...

Umupo na ako sa tabi at napansin kong marami-rami din pala ang mga tao ngayon dito sa dq at merong isang lalake na naka-catch ng attention ko...

Ampogi niya shet!!! Pero mas pogi pa din si Noel ko... fit yung sleeves niya at maputi siya... ang ganda ng jawline niya at yung mata niya parang laging inaantok... ang totoo lagi akong na-iinsecure kapag nakakakita ako ng gwapong nilalang...

Pareho kami ng order ni pogi... unti-unti siyang lumapit sa pwesto ko at parang nagliliparan ang mga petals habang papalapit siya...

Ang landi ko shet!!! Hahaaaa

"Uuhhmmm bakla pwedeng maki-share ng table?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

Bakla daw ako?

Ay shutangina!!! Siya yung lalake doon sa cr!!! Siya yung pilosopong lalake na nilait ang manok niyo!

"Hoy! Sinong bakla? Tirahin kita diyan eh!" Inis kong sabi sa kanya.

Bigla na siyang umupo sa harapan ko kahit hindi pa ako pumapayag... hay jusmiyo! Ano bang magagawa ko kung hindi ang hayaan na lang siya at hindi naman ako ang may-ari ng dq...

"Hahaha nakita ko kayo ng boyfriend mo sa park! Sige mag-deny ka pa na hindi ka bakla!" Tumatawa niyang sabi.

Dahil sa sinabi niya ay natahimik na lang ako bigla... nakakainis talaga itong kupal na to!!!

"Kitam!!! Paiyak-iyak ka pa nga nung nag-propose sayo si bebs mo." Sabi niya at tumawa siya ng malakas.

"Can you please just shut up?" Inis kong tanong.

Oh ayan!!! Hahaaha napa-english ang lola niyo... ganito talaga ko pag naiinis bigla na lang nagiging best in english...

Binunot niya ang kutsara sa sundae at bigla niya yung dinilaan sa sesual na pamamaraan... kitang-kita ko ang mamula-mula niyang dila na pinaglalaruan ang kutsara...

Shet!!! Nakakalibog siya eh me ged...

"Hoy bastos ka! Maraming customer dito eh." Galit kong sabi sa kanya.

"Nu naman? Pake ko?" Pilisopo niyang sagot.

"Pilosopo ka talagang kupal ka!" Inis kong sabi sa kanya.

He just rolled his eyes... letse itong lalake na ito!

Tumayo na ako para umalis at dinala ko na lang ang paborito kong sundae dahil ayoko nang makita ang mukha ng lalaking ito!

"Uy teka! Saan ka pupunta?" Bigla niyang tanong sa akin.

"Edi aalis... tanga ka ba?" Inis kong tanong sa kanya.

"Usap muna tayo... di pa nga tayo magkakilala eh..." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"At sa tingin mo gusto kitang makilala?"

Huh! Hindi lang siya ang pwede mamilosopo! Hindi na makapagsalita ang mokong at umalis na ako ng dq dahil gusto ko na ring umuwi at pagod na pagod na ako...

Ilang araw din akong nakatitig sa engagement rin na ibinigay sa akin ni Noel... next year pa kami ikakasal pero napaka-saya ko dahil sobrang swerte ko na maputa sa akin si Noel...

He is my first love... sana siya na talaga ang last...

Medyo ilang araw na din kaming hindi nagkikita ni Noel at ang sabi niya sa akin ay busy daw siya sa trabaho... malaki ang tiwala ko sa kanya at ni minsan hindi niya ako nagawang lokohin...

Bigla na lang tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Noel kaya sinagot ko kaagad...

"Uy bebs bakit napatawag ka? Miss na miss na kita." Mabilis kong sabi.

"Kasi..." Alanganin niyang sabi.

"Ano yun bebs?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kita tayo mamaya... doon sa cafe na lagi nating pinupuntahan." Sabi niya sa akin at parang seryoso na ang boses ni Noel.

"Uuuhhhmmm... sige..."

Binaba niya na bigla ang phone at nagtataka ko sa kanya... wala man lang siyang I love you sa akin... tapos anong oras na at gusto niyang makipag-kita...

Nagbihis na ako at malapit lang naman dito ang cafe...

Parang kinakabahan ako... parang may mali at hindi dapat... humigpit na lang ang pagkakahawak ko doon sa binigay niyang sing sing...

Nakita ko si Noel sa cafe at may kasama siyang babae... sumikip bigla ang dibdib ko at nagtatawanan pa silang dalawa...

Maganda yung babae at mukhang dalaga pa siya at disenteng tingnan...

Pumasok na ako sa loob at lumapit na ako sa kanilang dalawa...

"Uy bebs! Lika upo ka sa tabi ko." Nakangiting sabi sa akin ni Noel.

Nagtataka ako sa kanya at hindi ko kilala ang kasama niyang babae kaya umupo na lang ako sa tabi ni Noel...

"Noel... sino siya?" Tanong ko sa kanya.

"Hhmmm... siya si Mina." Nakangiting sabi ni Noel.

"Mina... ito nga pala si Jinx yung papakasalan ko." Nakangiting sabi no Noel sa akin.

"Hi Jinx! Ikaw pala yung kinukwento sa akin ni Noel." Nakangiting bati sa akin nung babae.

Nginitian ko na lang siya dahil naguguluhan talaga ako sa nangyayari ngayon...

"Noel... pwede bang ipaliwanag mo kung bakit nandito tayo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Nakangiting tumitig sa akin si Noel at hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa...

"Si Mina yung tutulong sa atin..." Sabi ni Noel at kita ko sa mga mata niya na masaya siya.

Anong ibig niyang sabihin? Naguguluhan ako lalo...

"Paanong tutulungan?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Baby maker si Mina... siya ang magiging surrogate mother ng magiging baby natin."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya... parang may kirot at hindi pa bumabaon sa akin yung sinabi ni Noel...

Napag-usapan namin na bubuntisin daw ni Noel si Mina at babayaran namin siya para sa amin na ang magiging anak nila... unang customer pala kami ni Mina...

Bakit parang may kirot sa dibdib ko? Yung para bang hindi tama yung nangyayari ngayon...

Hanggang sa matapos ang usapan naming tatlo at parang maiiyak ako na ewan at hindi ko alam kung bakit...

"Uuhmm... Jinx bakit parang hindi ka masaya?" Tanong ni Noel.

Naglakad na lang kami pauwi kasi gusto niya daw akong kausapin habang hinahatid niya ako papunta sa bahay...

"Uy Jinx! Kanina ka pa tahimik." Seryosong sabi ni Noel.

Huminga ako ng malalim at tumitig ako ng diretso sa mga mata niya...

"Ewan ko Noel... pakiramdam ko may mali sa nangyayari..." Matamlay kong sagot sa kanya.

"Jinx! Isipin mo nga... hindi tayo magkaka-anak at ito lang ang paraan para magkaroon tayo ng anak." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Ewan ko Noel... hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon."

Hinawakan ako ni Noel sa mga pisngi ko at...

"Jinx... magkaka-anak na tayo kaya dapat maging masaya ka." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Pinilit ko na lang din ngumiti sa harapan ni Noel... tama talaga siya... dapat maging masaya ako at magkaka-anak na kaming dalawa...

Siguro nabigla lang ako kanina kasi hindi niya sinabi sa akin. Bigla na lang siya na may pinakilalang babae tapos sasabihin niya na yun ang magiging surrogate mother....

Siguro nga pinaghahandaan lang ni Noel ang future naming dalawa at sino ba naman ako para magreklamo. Buti nga papakasalan niya ako eh at alam ko naman na mahal niya ako...

Lumipas na ang mga araw at dumating na din yung kinatatakutan ko dahil ito na ang araw na gagawa ng anak si Noel kasama ni Mina...

Nag-check in kaming tatlo sa isang hotel at parang nanginginig ang mga kamay ko habang pumapasok kaming tatlo sa loob...

"No..noel... si.gurado ka na ba?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Syempre naman bebs!" Nakangiti niyang sabi sa akin.

Hinawakan ni Mina ang kamay ko at tumitig siya sa mga mata ko...

"Wag kang matakot Jinx... wala akong gagawin na ikakasama ng relasyon niyong dalawa." Nakangiting sabi sa akin ni Mina.

"Sige... bahala na kayo..." Sabi ko at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Umupo na lang ako sa sofa at unti-unti ng tinatanggal ni Noel at Mina ang mga damit nilang dalawa... sa simula ay parang hindi nila alam ang gagawin nila... si Noel ay tingin ng tingin sa akin at pinilit ko na lang ngumiti para hindi na siya mag-alala...

Tumagal din at nagsimula na si Noel na ipasok kay Mina ang pagkalalaki niya at parang madudurog na lang ako bigla...

Rinig ko ang mga ungol nila...

Hindi ko sila kayang tingnan...

Tumayo na lang ako bigla at tumakbo ako palabas ng hotel... siguro hindi na ako napansin nung dalawa at mukha namang sarap na sarap sila...

Hindi ko alam kung bakit parang may lumiliyab sa dibdib ko... yung para bang hindi yun ang dapat na maramdaman ko...

Tumakbo lang ako hanggang sa makarating ako sa park... umupo ako sa bench at bigla na lang tumulo ang mainit kong mga luha...

Hindi mawala sa isip ko yung ginagawa nilang dalawa... bakit pakiramdam ko niloko ako? Pero hindi naman eh...

Yumuko ako at tinakpan ko na lang ang mga mata ko...

Naramdaman ko na may lalaking tumabi sa akin dahil gumalaw ang bench...

"Gabi na... bakit nandito ka pa?" Sabi nung lalake at parang may halong pag-aalala ang boses niya.

Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ko muna ang mukha ko bago ako tumingin sa kanya... nabigla ako ng makita ko na siya yung lalakeng nam-bad trip sa akin sa cr at dq...

"Kung nandito ka para bwisitin ako umalis ka na..." Seryoso kong sabi.

"Umiiyak ka ba?" Tanong niya at kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya.

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at wala akong balak makipag-away sa kagaya niya...

"Kung ok lang sayo... pwede akong makinig sa problema mo bakla." Nakangiti niyang sabi.

"Ano ba? Wag mo nga ako tawaging bakla!" Inis kong sabi sa kanya.

"Kapag hindi mo sinabi ang pangalan mo ay bakla ang itatawag ko sayo..." Nakangiti niyang sabi.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil hindi ko na alam ang tumatakbo ngayon sa isip ko...

"Jinx... yun ang pangalan ko." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Hi Jinx! Nice to meet you... by the way I'm Onyx." Nakangiti niyang sabi.

"Stalker ka ba? Bakit lagi tayong nagkikita?" Seryoso kong tanong.

"Coincidence siguro..." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Bakit nandun ka sa cr?" Tanong ko.

"Malamang umihi ako hahaa." Natatawa niyang sabi.

"Wrong question... I mean bakit nandun ka sa park?" Tanong ko.

"Uuuhhhmmm... Nag-date kami ng girlfriend ko." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Kaya pala... siguro nga nagkataon lang na nagkita kami...

"Napansin ko nga na mas sweet pa kayo ng bebs mo nun kesa sa amin ng girlfriend ko eh..."

"Eh sa dq? Bakit nandun ka?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Kasi... nakipag-break sa akin yung girlfriend ko." Sabi niya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Eh bakit parang hindi ka naman malungkot nun?" Tanong ko ulit.

"Kasi nakita kita... naisip ko na kung aasarin kita eh matutuwa ako pero hindi pala." Seryoso niyang sabi.

So ganun pala kasama ang ugali ng lalakeng ito? Gusto niya na asarin ako para mawala ang lungkot niya...

"Jinx... bakit umiiyak ka kanina?" Seryoso niyang tanong sa akin.

"Hindi ako mahilig mag-share sa hindi ko naman kakilala." Sabi ko.

"Gusto lang naman kitang makilala at makikinig naman ako eh..." Sabi niya.

Huminga na lang ako ng malalim at kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata ni Onyx...

"Yung mahal ko... naghanap siya ng surrogate mother at kasalukuyan nilang ginagawa yung bata sa hotel."

Napatingin ako kay Onyx at bakas sa mukha niya ang pagka-gulat dahil sa sinabi ko sa kanya...

"Alam ko na dapat matuwa ako dahil magkaka-anak na kami pero... pero kasi ang sakit na nakita ko silang dalawa na naglalampungan." Sabi ko at di ko na napigilang tumulo ang mga luha ko.

Lumapit si Onyx at pinunasan niya ang mga mata ko gamit ang mga daliri niya...

"Normal lang na masaktan ka... kasi nakita mo yung mahal mo na kasama ng iba..." Nag-aalala niyang sabi.

"Pero hindi dapat..."

"Jinx... maswerte ka nga at hindi ka niya iniwan... hindi kagaya ko." Malungkot niyang sabi.

Napatitig na lang ako sa kanya at alam ko na kahit pangiti-ngiti siya ay malaki din ang problema niya...

Kwinento ko sa kanya ang lahat at parang nabawasan yung nararamdaman kong sakit... ok naman pala si Onyx... akala ko mahina siya umintindi at tatawanan niya ako pero mabait pala siya...

"Onyx... matanong ko lang... bakit lagi kang nakangiti kahit may problema kang dinadala?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi naniniwala ako sa kasabihan na fake it until you make it." Nakangiti niyang sabi sa akin.

Ang lalim ng ibig sabihin nun ah... may sense pala talaga siyang kausap at magaan ang loob ko sa kanya...

"Jinx... dapat lagi kang nakangiti kasi kung malulungkot ka ay lalo lang magiging mabigat ang lahat kaya dapat ngumiti ka kahit mahirap." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Jinx!!! Bebs kanina pa kita hinahanap!"

Lumingon ako at nakita ko si Noel na parang galit...

Tumayo na ako sa bench at naglakad ako palapit kay Noel ko...

"Ano... kamusta na yung nangyari kanina?" Nakangiti kong tanong.

"Ok lang naman... ikaw? Sino yang kasama mo?" Seryosong tanong sa akin ni Noel.

"Si Onyx... friend ko..." Sagot ko sa kanya.

Ngumiti si Onyx kay Noel at bigla na lang tinaasan ni Noel ng kilay si Onyx at parang naiinis siya... hinatak ako bigla ni Noel palayo kay Onyx at ambilis niya maglakad...

Huminto na lang kami ng makalayo na sa may eskinita malapit sa bahay...

"Jinx! Wag ka naman makipag-kilala kung kani-kanino." Inis niyang sabi sa akin.

Si Noel... kilala niya lahat ng mga kamag-anak at mga kaibigan ko kaya mukhang nabigla siya nung nakita niya na kasama ko si Onyx...

"Sorry Noel... mabait naman siya eh."

"Mabait? Hindi mo siya kilala Jinx! Nalingat lang ako naghanap ka na ng iba." Galit niyang sabi sa akin.

Parang ansakit sa dibdib ng narinig ko sa kanya... bakit parang ako pa ang unfair sa amin...

"Noel! Hindi ako naghanap ng iba! Ganyan ba kababa ang tingin mo sakin ha? Ilang taon na tayong magkasama tapos ngayon mo pa ako pagsasalitaan ng ganyan!" Sabi ko at parang may tumulong luha sa akin.

"Sorry Jinx... di ko sinasadya... nagseselos lang ako." Seryoso niyang sabi sa akin.

"At sa tingin mo hindi ako nag-selos nung nakita ko kayo ni Mina... bigla mo na lang siya pinakilala! Hindi mo man lang tinanong kung handa na ako para sa ganung bagay." Sumbat ko sa kanya na puno ng hinanakit.

Yumuko lang si Noel at tumakbo na ako papasok ng bahay at dali-dali akong nagkulong sa kwarto ko...

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng sakit pero hindi ko mapigilan... siguro insecure lang ako kasi hindi ko siya kayang bigyan ng anak...

Narinig ko na tumunog ang phone ko at may message si Noel...

...............

From: Noel

"Alam kong galit ka... sorry... kausapin mo na lang ako kapag gusto mo na..."

................

Ganyan talaga si Noel... lumalayo siya kapag galit ako at may tampuhan kami. Gusto niya na bigyan ako ng space kahit na gustong-gusto ko siyang maka-usap...

Lumipas ang mga buwan at nag-bati na rin kami ni Noel... hindi ko naman kasi matiis na wala siya sa tabi ko at yun ang kahinaan ko...

Ako lagi ang unang nakikipag-ayos sa kanya kahit may mali siya kasi ayoko talaga na may tampuhan kaming dalawa... kahit kasalanan niya ako pa din ang makikipag-ayos...

Lumipas ang ilang buwan ay buntis na din si Mina at lagi namin siyang dinadalaw ni Noel sa bahay niya. Nagdadala kami minsan ng mga prutas at mga pagkain. Regular din ang check-up ni Mina para masigurong ligtas ang baby...

Ganun palagi ang naging set up namin. Kitang-kita ko si Noel kung gaano siya kasaya habang pinapakinggan ang bata sa loob ng tiyan ni Mina...

May konting kirot sa dibdib ko...

Pero masaya pa din ako kasi kung yun ang magpapa-ngiti sa taong mahal ko ay ibibigay ko yun sa kanya...

Hindi na rin kami lumalabas ni Noel. Wala na kaming date... ang sakit minsan kasi ang naging routine niya na ay pumasok sa trabaho at bisitahin si Mina...

Hindi na rin niya ako maalalang tawagan, i-text o kamustahin man lang... ang totoo niyan eh halos isang buwan na kaming hindi nagkikita at halos isang buwan na siya na walang paramdam sa akin...

Pakiramdam ko tuloy hindi na ako mahal ni Noel...

Bigla na lang nag-ring ang phone ko at akala ko ay si Noel ang tumatawag pero hindi pala... si Onyx... naging magkaibigan kami simula ng kunin niya ang number ko sa park...

"Good evening Jinx!" Bati niya sa masayang tono.

"Good evening..." Matamlay kong sagot sa kanya.

"Uy... bakit parang malungkot ka?" Sabi niya ng may pag-aalala.

Natahimik na lang ako sa kabilang linya at hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang problema ko ngayon kay Noel...

"Kwento mo na lang... makikinig ako." Sabi niya sa seryosong boses.

"Si Noel kasi... wala na siyang paramdam sa akin." Sabi ko at parang medyo naluluha ako.

"Hhmmm... busy siya sa magiging anak niya tama ba?" Tanong niya sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago ko subukang sagutin ang tanong ni Onyx sa akin...

"Oo Onyx... wala na siyang oras sa akin kahit isang segundo hindi niya ako naisip batiin." Sabi ko sa kanya na puno ng hinanakit.

"Well... sabi niya naman para yun sa future niyo diba? So... hintayin mong makalabas ang bata at pakasalan ka niya." Sabi ni Onyx sa kabilang linya.

"Pero Onyx... lagi ko siyang inaantay." Sabi ko at tumulo na ang luha ko.

Ano ba yan! Ang dramako tsk.

"Wag kang mapagod... kung talagang mahal mo siya ay hihintayin mo siya kahit wala kang assurance... kahit masakit... kahit nakakalungkot kasi mahal mo siya eh kaya hindi ka dapat mapagod." Sabi niya sa seryosong boses.

Tama... tama si Onyx pero hanggang kelan ako maghihintay na pansinin ako ulit ni Noel? Lagi ko siyang hinahanap kahit sa text pero mukhang hindi siya ganun...

Nalulungkot na ako... sobra na akong nangungulila sa kanya at minsan hindi ako makatulog habang tinititigan ang sing sing na simbolo ng mga pangako niya...

Pinanghahawakan ko ang mga pangako niya sa akin... pinanghahawakan ko ang mga salita ni Noel...

Malaki ang tiwala ko sa kanya kaya hihintayin ko siya...

"Jinx! Nandiyan ka pa ba?" Biglang sabi ni Noel sa kabilang linya.

"Ay oo! Sorry... napa-isip lang ako sa mga sinabi mo."

Nakalimutan ko na kausap ko pala si Onyx sa phone...

"Basta... nandito lang ako. Handa akong damayan ka at asarin ka." Natatawa niyang sabi sa akin.

Napangiti na lang din ako... ganyan kasi si Onyx... maloko siya at lagi akong inaasar pero nandiyan naman siya palagi para damayan ako...

"Thank you Onyx... sige na tulog ka na at may pasok ka pa bukas." Sabi ko sa kanya.

"Sige... Night na Jinx bakla!" Tumatawa niyang sabi at binaba na niya ang phone.

Natawa na lang din ako ng wala sa oras... si Onyx talaga enjoy na enjoy akong tawagin na bakla...

Tumingin ako sa kalendaryo at bumigat na naman ang pakiramdam ko ng makita kong next week na pala ang pang-seventh aniversary namin...

Sana maalala ni Noel na aniversary na namin next week...

.............

Lumipas ang mga araw at ganun pa din si Noel... wala siyang paramdam at malaki na ang tiyan ni Mina. Ngayon na ang araw ng aniversary namin ni Noel at naisip kong dalawin na lang si Mina para kamustahin ang bata sa tiyan niya...

Bukas lang ang pinto sa bahay ni Mina kaya pumasok na ako...

May naririnig akong mga ungol...

Alam ko kung ano yun kaya tumaas ang balahibo ko... naglakad ako palapit sa tunog at parang kinakabahan ako...

Galing sa banyo ang mga tunog kaya pumunta ako doon... bukas ang pinto at nakita ko ang nagaganap...

Nakatuwad si Mina at nakahawak siya sa bathtub habang si Noel naman ay nasa likod na trina-trabaho ang kasarapan ng ginagawa nila...

Bigla akong nakaramdam ng malaking sibat sa dibdib ko...

Parang binaril ako sa likod...

Naramdaman ko ang sunod-sunod na patak ng luha sa mga mata ko at hindi na ako makagalaw sa pwesto ko...

Yumuko na lang ako at parang nauubos bigla ang lakas ko. Ayokong makita sila...

Nilakasan ko na lang ang loob ko bago ko subukang magsalita...

"Buntis na nga eh... pero tinitira pa din. Ganun ba kayo kalandi?" Sabi ko sa basag na boses.

Napahinto silang dalawa at tumitig sa akin si Noel... halatang gulat na gulat siya habang nakatitig sa akin...

Binunot ko ang engagement ring na nakasuot sa akin at ibinato ko yun kay Noel... ang sakit! Sobrang sakit!

Tumalikod na ako at tumakbo na lang ako palabas ng impyernong bahay ng mga hayop na yun...

Binilisan ko ang takbo pero bigla na lang may humatak sa akin...

Si Noel pala... hinarap niya ang mukha niya sa akin at nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya...

"Jinx... sorry hayaan mo akong magpaliwanag." Sabi niya sa akin.

"Sige ipaliwanag mo! Kung bakit hindi ka na nagpaparamdam sa akin. Kung bakit iniwan mo ako sa ere. Ipaliwanag mo din yung kababuyan niyong dalawa!" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak.

"Mahirap magdesisyon... ayokong lokohin ka pero mahal ko na si Mina." Umiiyak niyang sabi.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Noel... akala ko ako lang ang mahal niya... akala ko ako lang...

"Paano... bakit?" Umiiyak kong tanong.

"Ako ang naka-una sa kanya... na-guilty ako na ginawa niyang isakripisyo ang pagka-birhen niya para sa pera... minahal ko siya at nakikita ko ang magandang pamilya kasama siya..." Umiiyak na sabi ni Noel sa akin.

Parang mga kutsilyo ang mga salita na yun na bumabaon sa dibdib ko...

"Iiwan mo na ako ng tuluyan?" Humahagulgol kong tanong.

"Sorry Jinx..." Humahagulgol niyang sagot sa akin.

Para akong nilamon ng semento dahil sa narinig ko sa kanya... so lahat pala ng pangako niya wala na...

"Ikaw din ang naka-una sa akin eh... pero mukhang hindi mo nakikita ang magandang future sa akin. Mahal na mahal kita Noel... pinaramdam mo sa akin na hindi ako worth it makasama habang-buhay." Sabi ko na punong-puno ng hinanakit.

"Jinx hindi... sorry." Humahagulgol niyang sabi sa akin.

"Naging masaya naman ako sa loob ng ilang taon na kasama ka... pero hindi ko pala alam na ngayon mo ako iiwan sa mismong araw ng anniversary natin." Umiiyak kong sabi.

Napatitig sa akin si Noel at mukhang nakalimutan nga niya na anniv. Namin ngayon...

"Siguro hanggang dito na lang tayo Noel... happy anniversary ang ganda ng regalo mo..." Sabi ko sa kanya na punong-puno ng sakit.

Tumakbo na lang ako palayo at hindi ko maiwasang sumigaw dahil sa sobrang sakit...

Tumawid ako sa kalsada at hindi ko namalayan na may parating pala na kotse...

..............

Napa-mulat na lang ang mga mata ko at namalayan kong nakahiga na pala ako sa isang ospital. Nakita ko si mama at papa na nakatitig sa akin... hindi ko alam kung anong nangyayari...

"Ma... ano pong nangyari?" Tanong ko sa kanya.

"Nabangga ka ng kotse anak... kamusta na ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni mama.

Naalala ko bigla yung ginawa sa akin ni Noel... bigla na lang tumulo ang mga luha ko...

"Anak... sabi nung naka-bangga sayo... umiiyak ka daw habang tumatakbo." Nag-aalalang sabi ni papa sa akin.

Hindi ako maka-sagot dahil sa mga naalala kong ginawa ni Noel...

Hinawakan ni mama ang kamay ko at halatang alalang-alala na siya sa akin...

"Anak... nakalimutan ko palang i-text si Noel... kailangan niya itong malaman. Tinawagan ko siya kanina pero hindi siya sumasagot."

"Wag na ma... wala na kami." Umiiyak kong sabi kay mama.

Halatang-halata ang pagka-bigla sa mga mukha ni mama at papa...

"Anong nangyari? Mahal niyo ang isa't-isa at alam namin yun!" Naguguluhang sabi ni mama sa akin...

"Niloko niya ako..." Humahagulgol kong sabi kay mama.

"Anak... hindi ganun ang pagkaka-kilala namin kay Noel." Naguguluhang sabi ni papa sa akin.

Ganyan kase... pati pamilya ko malaki ang tiwala kay Noel... kaya tuloy nahihirapan silang paniwalaan kung ano ang totoo...

"Pinag-palit niya ako sa surrogate mother... iniwan niya na ako." Humahagulgol kong sabi kay mama at papa.

Niyakap ako ng mahigpit ni mama habang patuloy akong umiiyak...

"Gago yung Noel na yun ah! Pagkatapos namin siya ituring na anak... lolokohin ka lang! Nasaan yung hayop na yun? Papatayin ko siya!" Galit na galit na sabi ni papa sa akin.

"Wag na pa... hayaan mo na lang siya..." Umiiyak kong sabi.

Ganyan kasi si papa... kapag may nanakit sa akin ay sasaktan niya din...

Lumipas ang ilang araw sa ospital at pagaling na ako dahil hindi naman ganun kalala ang nangyari sa akin... naka-perwisyo pa ako ng driver... lagi akong umiiyak sa loob ng ospital lalo na kapag wala sila mama at papa...

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Onyx na may dala-dalang isang basket ng prutas... lumapit siya sa akin at umupo siya sa tabi ng kama ko...

"Jinx... anyare? Balita ko wala na daw kayo ni Bebs mo ah..." Nag-aalala niyang sabi sa akin.

"Wag mo na siyang banggitin... ayoko na siyang malala." Seyoso kong sabi sa kanya.

"Anong ginawa niya sayo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Onyx.

"Onyx niloko na niya ako... pinag-palit niya ako sa surrogate mother. Magiging buo na silang pamilya... may tatay... may nanay at may anak." Sabi ko at tumulo na lang bigla ang mga luha ko.

Yumuko si Onyx at parang bigla na lang siyang nalungkot... nagtataka ako kasi palagi naman siyang nakangiti sa harapan ko eh...

"Onyx... may problema ka ba?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Pareho pala tayo... pinag-palit dahil hindi magka-anak." Malungkot na sabi ni Onyx.

Naguguluhan ako sa kanya at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Onyx. Ngayon ko lang siya nakitang ganito...

"Onyx bakit? bakla ka din? Iniwan ka din ng boyfriend mo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Jusmiyo! Ang gwapo ni Onyx at lalakeng-lalake siya pero dugong berde pala...

Tumawa lang si Onyx ng malakas at...

"Sira ka Jinx! Lalake ako noh! Tulad mo pa ako sa kabaklaan mo!" Natatawa niyang sabi sa akin.

Napataas na lang ang kilay ko sa kanya habang siya naman ay tawa lang ng tawa sa akin...

"Hiniwalayan ako ng girlfriend ko kasi inamin ko sa kanyang baog ako..." Tumatawa niyang sabi sa akin.

Baog pala siya... akala ko bakla din siya eh... pero nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni Onyx habang tumatawa siya kunwari...

"Ang tanga naman nung girlfriend mo." Naiinis kong sabi sa kanya.

"Ang tanga din naman ng bebs mo eh." Tumatawa niyang sabi sa akin.

Di ko alam kung maiiyak pa ba ako... puro kalokohan kasi itong si Onyx eh... akala mo walang problema...

Lumapit si Onyx sa akin at tinitigan niya ako... nilapit pa niya ang mukha niya sa akin kaya medyo naiilang din ako sa kanya...

"Gusto mo Jinx... ako na lang ang bebs mo?" Seductive niyang tanong.

Tinulak ko yung mukha niya palayo sa akin at naiirita ako...

"Kaka-break lang... tapos lolokohin mo ako ng ganyan." Inis kong sabi sa kanya.

"Hahahahah akala ko hohopia ka eh..." Tumatawa niyang sabi sa akin.

"Ang lakas ng trip mo Onyx! Baliw ka yata eh!" Sigaw ko sa kanya.

"Baliw ako sayo bebs..." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Tangina mo tumigil ka na!" Sigaw ko sa kanya.

"Asa ka namang papatulan kita... di ako bakla eeww..." Sabi niya at parang diring-diri pa ang mukha niya.

"Umalis ka na nga! binu-bwisit mo pa ako eh!" Malakas kong sigaw.

"Sige pasok na ako sa trabaho... pero pa-kiss muna ako bebs." Malambing niyang sabi sa akin.

"Halik ng kamao gusto mo?" Bwisit kong tanong sa kanya.

"Ang maldita naman ng bebs ko... maka-alis na nga." Natatawa niyang sabi sa akin.

Naglakad na siya papunta sa pintuan at bago niya buksan yun ay lumingon muna siya sa akin at...

"Simula ngayon ako na ang bebs mo." Sabi niya at nag-flying kiss pa siya sa akin.

"Bwisit ka!" Sigaw ko at ibinato ko sa kanya ang unan pero sinara niya bigla ang pinto kaya hindi siya natamaan.

Nakaka-inis talaga si Onyx... minsan matino kausap tapos bigla-bigla na lang siyang magloloko ng ganun kaya naiirita talaga ako...

Bigla na lang may text na tumunog sa phone ko kaya kinuha ko iyon at nakita ko naman ang pangalan ni Onyx sa screen kaya binasa ko na lang...

..........

From: Onyx

Sorry kung binu-bwisit kita pero isipin mo... kanina medyo nakalimutan mo yung ex mo habang pinagti-tripan kita...

..........

Napa-isip ako sa text ni Onyx sa akin... tama siya... nakalimutan ko nga ang pagse-senti kanina nung ininis niya ako... tumunog ulit yung phone at may text ulit siya...

..........

From: Onyx

Wag kang iiyak bebs ah... magta-trabaho lang ako para sa future natin "muah"

..........

Grabe talaga itong si Onyx... ibang klase ang kapilyuhan ng lalakeng ito.. yung may sarili siyang problema tapos parang hindi lang siya apektado...

Nakalabas na ako ng ospital at patuloy pa rin ang pangungulit at pang-aasar sa akin ni Onyx... minsan talaga pina-plano ko na siyang ilibing ng buhay pero hindi ko lang alam kung paano ko gagawin yun... nakaka-bwisit talaga siya sobra...

Nandito ako ngayon sa park kung saan nile-let go ko ang lahat ng memories namin ni Noel pero nasira ang pag-eemote ko nang dumating bigla si Onyx...

"Bebs date naman tayo..." Malambing niyang sabi sa akin.

"Kelan ka ba titigil sa kaka-ganyan mo?" Inis kong tanong sa kanya.

Tinaas niya ang kilay niya at nag-pout pa siya ng lips niya...

"Anong kaka-ganyan ang sinasabi mo?" Tanong din sa akin ni Onyx.

"Yung panloloko mo sa akin tanga..." Inis kong sabi sa kanya.

"Hindi yung pang-loloko... pagmamahal ang tawag dun bebs..." Natatawa niyang sabi sa akin.

"Bwisit ka... seryoso ang tanong ko." Galit kong sabi sa kanya.

"Bwisit ako? Oo na... wag mo na ipa-mukha sa akin." Malungkot niyang sabi sa akin na parang bata.

"Sumagot ka nga ng maayos... hanggang kelan ka ba ganito?" Galit kong tanong sa kanya. Kumukulo na talaga ang dugo ko.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin  at nagsalita siya...

"Hanggang sa mahalin mo ako..." Seryoso niyang sabi sa akin.

Napatitig na lang ako sa mga mata ni Onyx... seryoso siya eh...

Bigla siyang tumawa ng malakas at lalo lang akong nabu-bwisit sa kanya dahil sa mga kalokohan niya...

"Ayyyiieee... crush mo na ako no?" Panunukso niya.

Ay tangina! siya pa talaga ang may ganang magsabi niyan sa akin... wala yatang kahihiyan ang puta. Ang presko niya nakaka-bwisit...

"Gago ka! Imposible yun. Konti na lang... masasapak na kita." Bwisit kong sagot sa kanya.

"Sige bebs... sapakan tayo sa kama. Masarap ba makipag-sex sa lalake?" Pa-inosente niyang tanong sa akin.

Napupuno na talaga ako! Sinikmuraan ko na lang siya bigla kaya namimilipit na siya sa sakit...

"Bebs ang sakit naman... tough lover ka pala." Sabi niya habang hinihimas ang tiyan niya sa sakit.

"Isa pang banat mo... sisikmuraan ulit kita." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Ok lang bebs... basta makipag-laro ka sa akin sa bed... gawin mo akong submissive ha?" Natatawa niyang sabi sa akin.

"Ang bastos mong hayop ka!" Galit kong sigaw.

Sinikmuraan ko ulit siya at napangiwi na ang mukha niya sa sakit...

"Sadista ka pala bebs... siguro kapag gumawa tayo ng baby hardcore tayo." Sabi niya kahit namimilipit na siya sa sakit.

Sisikmuraan ko sana siya ulit pero bigla niyang hinuli ang kamay ko... at nilapit niya ang mukha niya sa akin. Bigla na lang siyang naging seryoso...

"Isa pang suntok mo sa sikmura ko... gagahasain talaga kita." Seryoso niyang sabi sa akin.

Napatitig na lang ako sa kanya at seryosong-seryoso talaga ang mukha ni Onyx kaya natakot din ako na baka gawin niya talaga yung sinasabi niya...

"Bitawan mo nga ako!" Inis kong sabi sa kanya.

Binitawan naman ako kaagad ni Onyx at umiwas siya ng tingin sa akin...

Yumuko siya at lumayo na siya ng upo sa akin sa bench... mukhang nagtatampo ang mokong...

"Wala ba akong halaga sayo?" Tanong niya bigla kaya nagulat ako.

"Wag ka ngang senti diyan!" Inis kong sabi sa kanya.

"Seryoso ako Jinx! Wala ba akong puwang sayo?" Tanong niya ulit.

"Ewan ko sayo Onyx! Ang lakas mo mang-trip sa akin! Hindi kita kailangan!" Sigaw ko sa kanya.

Napatitig sa akin si Onyx at parang nasaktan siya sa sinabi ko... paano ba naman eh punong-puno na ako sa kanya...

"Balang araw mami-miss mo din ako." Seryoso niyang sabi at naglakad na siya palayo.

Sobrang bad trip ako nung araw na yun at nagkulong na lang ako sa kwarto... wala ding text at tawag si Noel maski si Onyx...

Lumipas ang mga araw at buwan hindi na nagpaparamdam sa akin si Onyx... wala ng kumukulit sa akin... hindi ko alam kung saan siya nagtatrabaho...

Hanggang ngayon nangungulila pa din ako sa mga yakap at halik sa akin ni Noel at hindi ko talaga maiwasang maiyak kapag naalala ko siya... siguro lumabas na ang baby nila Mina tapos magpapakasal sila tapos happily ever after sila...

Ang sakit... pinanghawakan ko lahat ng pangako at lahat ng salitang sinabi ni Noel sa akin noon pero nababago pala ang lahat...

Ngayon naiintindihan ko na... minsan ang akala mong paraiso ay pwede pa ring bawiin sayo. Ang mga pangako ay hindi dapat panghawakan dahil kung balak mong gawin ang isang bagay ay hindi ka na dapat mangako pa kasi wala ka namang assurance at maraming nagbabago sa pagtakbo ng panahon...

Matagal na din pala... pero masakit pa din at may konting kirot. Umiiyak pa din ako dahil hindi naman madaling kalimutan ang halos pitong taon na nagmahal ako ng totoo...

Yung mga pangarap na binuo namin ni Noel... wala na lahat. Ano pa ang magiging pangarap ko ngayon?

Shit!!! Ngayon lang naging madrama ang buhay ko...

Kaya ko to! May pamilya ako... may umaasa sa akin kaya hindi ako pwedeng ganito habang buhay...

Antagal na walang paramdam sa akin ni Onyx... siguro nga dinamdam niya ang mga sinabi ko. Kasalanan niya naman yun eh at pinuno niya ako...

Naisip kong kumain muna ng ice cream sa kusina para naman manlamig na ang puso kong dumudugo...

"Anak... bakit hindi na pumupunta dito yung kaibigan mo na si Onyx?" Biglang tanong sa akin ni mama.

"Nagka-sagutan po kami... kasalanan niya yun eh. Lagi niya akong iniinis." Sabi ko kay mama.

"Anak... hindi mo ba nakikita?" Biglang tanong ni mama.

"Ang alin po? May mata naman ako." Sabi ko sa kanya.

"Pilosopo ka anak." Natatawang sabi ni mama sa akin.

"Hala hindi po! Ano po ba kasi ang hindi ko nakikita?" Tanong ko sa kanya.

Huminga ng malalim si mama... alam ko na kilala niya na si Onyx kasi kinikilatis niya lahat ng kaibigan ko...

"Iniinis ka ni Onyx kasi gusto niya na sa kanya mo ibunton lahat ng galit mo kay Noel... diba hindi mo naalala si Noel kapag inaaway mo si Onyx." Seryosong sabi ni mama.

Napa-nganga na lang ako bigla... oo nga pala... bakit hindi ko man lang naisip yun?

"Anak... gusto ka lang tulungan ni Onyx na maka-move on."

Tama... pero ang bulag ko para hindi yun ma-appreciate tapos napag-salitaan ko pa siya ng hindi maganda...

Kailangan ko siyang maka-usap! Tangina ang tagal na naming di nagkikita... hindi ko nga alam kung saan siya nakatira o kung ano ang trabaho niya...

Kinuha ko kaagad ang phone ko at tinawagan ko si Onyx... mabilis namang sumagot si Onyx...

"Ano Jinx? Miss mo na ba ako?" Tanong ni Onyx sa kabilang linya.

"Baliw hindi! Magkita tayo sa dq ngayon na..." Mabilis kong sabi.

"Bakit bebs? Wait lang bihis ako." Sabi niya sa kabilang linya.

"Bilisan mo!" Demanding kong sabi.

"Bakit ka nga pala napatawag bebs?"

Pinatay ko na ang phone hahaha mamaya na lang kami mag-usap kasi ayokong mag-sorry sa phone lang...

Nagbihis na ako... nag-suot ako ng turtleneck na black at naka-shorts ako ng color white...

Pumunta na ako kaagad sa dq at mga 3 minutes din akong naghintay dun...

Nakita ko na  si Onyx... naka-muscled shirt lang siya tapos naka-shorts. My gas!!! Ang yummy ng muscles niya... ang libog ko! Erase erase!!!

Umupo na si Onyx sa harapan ko...

"Bebs... na-miss mo ba ako?" Sabi ni Onyx habang nagpapa-cute.

"Hhhmmm... hindi ako pumunta dito para landiin mo." Seryoso kong sabi sa kanya.

"So what's the matter?" Seryoso niyang tanong.

"Gusto kong mag-sorry sayo... sorry at matagal bago ko na-appreciate ang efforts mo... sorry sa ugali ko." Seryoso kong sabi kay Onyx.

"Aaww... ang sweet naman ng bebs ko." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Naka-move on na ako... hindi mo na ako kailangang asarin simula ngayon." Sabi ko sa kanya.

"Hindi naman kita inaasar eh... mahal talaga kita." Seryoso niyang sabi aa akin.

Napa-nganga ako bigla... gusto niya ako? Pero paano? Seryoso siya eh. Baka naman joke lang...

"Simula nung nakita kita kung gaano mo kamahal yung Noel... nainggit ako sa kanya. Nangarap ako na mag-karoon din ng kagaya mo magmahal." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Pero... straight ka." Sabi ko sa kanya.

"Oo! At kasalanan mo yun!" Inis niyang sabi sa akin.

"Nung una... gusto kitang pagtripan pero nahuhulog ako sayo... alam ko na sa likod ng ka-malditahan mo ay ang wagas mong pagmamahal at gusto kong maramdaman yun..." Seryoso niyang sabi sa akin.

Napa-iwas na lang ako ng tingin sa kanya at naiilang ako...

"Bakit di ka nagpaparamdam?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto ko nga na ma-miss mo ako. Lagi akong naka-abang sa tawag mo." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Pwede na ba kitang ligawan?" Tanong sa akin ni Onyx.

Napatitig ako sa kanya at kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya...

"Ayaw... lolokohin mo lang ako." Seryoso kong sabi.

"Luh! Nag-judge kaagad! Sige... kung ayaw mo gagahasain kita." Nakangiti niyang sabi.

"Umayos ka kasi!" Inis kong sabi.

"So kapag umayos ako... pwede na akong manligaw?" Tanong niya.

Tumango na lang ako at ngumiti ako sa kanya... feeling ko may nararamdaman din ako sa kanya kahit papaano...

Araw-araw akong niligawan ni Onyx. Siya yung maginoo na sobrang bastos. Laging nagpapatawa... hanggang sa sinagot ko na siya...

Nakakalimutan ko lahat ng sakit ng kahapon kapag nandiyan si Onyx at ibinalik niya ang mga ngiti ko... tinotoo niya na din ang pagtawag niya sa akin ng bebs...

Minsan naiisip ko na masyadong gwapo si Onyx para sa akin eh...

Kaso... nagbago na ako eh... oo sinagot ko na si Onyx pero hindi ako sweet sa kanya. Hindi ko siya niyayakap o kahit sex wala. Suplado ako sa kanya pero nagdi-date kami... ayoko lang kasi na mahalin siya ng kagaya sa pagmamahal na binigay ko kay Noel tapos iiwan din ako...

Ayoko na idepende ang kaligayahan ko sa kanya... sapat na yung napapasaya niya ako sa mga kalokohan niya...

Bigla na lang may narinig akong nag-aaway sa labas ng bahay...

Lumabas ako ng kwarto at pumunta ako sa gate ng bahay... nakita ko si papa at Noel na nagtatalo...

"Please po! Gusto ko pong makita si Jinx..." Umiiyak na sabi ni Noel.

Mukhang lasing siya. Iyak din ng iyak si Noel at hindi ko siya maintindihan...

"Lumayas ka dito! Pagkatapos mong lokohin si Jinx!" Nakakatakot na sigaw ni papa.

"Pa... hayaan niyo kaming mag-usap." Sabi ko at napatingin sila sa direksyon ko.

Umalis si papa at lumapit ako kay Noel dahil naguguluhan ako...

Nagulat ako ng bigla na lang akong yakapin ni Noel at humahagulgol siya sa balikat ko...

"Jinx... kailangan kita... miss na miss na kita." Humahagulgol niyang sabi.

Naramdaman ko ulit ang mga salita niya... parang bumibigat na naman ang nararamdaman ko...

"Noel tama na... maayos na ako." Seryoso kong sabi.

"Mahal kita Jinx... iniwan ako ni Mina." Humahagulgol niyang sabi sa akin.

"Itinakas niya yung anak mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi... namatay siya sa panganganak pero ligtas ang bata... kailangan kita para palakihin ang bata at ituloy ang mga pangarap natin." Umiiyak niyang sabi.

"Noel... anong akala mo? Pagkatapos mo akong saktan babalikan mo ako? May mahal na akong iba." Seryoso kong sabi sa kanya.

Napatitig siya sa akin at kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya... hindi ko maiwasang kaawaan siya...

"Hindi mo na ako mahal?" Umiiyak niyang tanong.

Parang lalo akong naawa sa tanong niya at ngayon ko lang siya nakitang ganito... ngayon lang siya lumapit sa akin at nakipag-ayos...

"Ako kasi... kahit hiniwalayan kita eh hindi nawala ang pagmamahal ko sayo. Na-guilty lang ako kay Mina kaya pinili ko siya." Humahagulgol niyang sabi sa akin.

Parang may mga karayom na tumutusok sa dibdib ko... ang sakit...

"Hihintayin kita bukas ng gabi sa huling lamay ni Mina... kailangan ng bata ang magkaroon ng mama at sana ikaw yun Jinx." Umiiyak niyang sabi sa akin.

Naiwan akong nakatulala... tumusok sa akin ang mga sinabi ni Noel...

Hindi! Kahit hindi ko kayang iparamdam kay Onyx ang pagmamahal ko ay hindi ko kayang manloko ng tao... hindi ko ipagpapalit si Onyx...

Pero paano si Noel? Hindi Jinx! Niloko ka niya... pero mahal ko pa rin siya...

"Jinx... mahal din kita eh."

Tumalikod ako at nakita ko naman si Onyx na umiiyak...

Tumakbo ako para yakapin siya... yun yung first time na niyakap ko si Onyx kaya nabigla siya...

"Onyx... samahan mo ako... pupunta tayo sa lamay ng surrogate mother." Sabi ko sa kanya.

Wala kaming kibuan ni Onyx nang pumunta kami sa lamay ng babae ni Noel... sinalubong ako ng pamilya ni Noel at panay din ang hingi nila ng tawad sa akin... hindi nagsasalita si Onyx at parang malalim ang iniisip niya...

Si Noel naman ay pina-kita sa akin ang cute na cute na batang anak nila ni Mina... kailangan ko bang magtiwala ulit kay Noel? Natapos ang pagbisita namin at tahimik lang si Onyx habang naglalakad kami pauwi sa bahay dahil hinatid niya ako...

"Onyx... kanina pa kita napapansin... bakit di mo ako kinukulit?" Tanong ko sa kanya.

Hindi kasi ako sanay na seryoso si Onyx... mas gusto ko yung katarantaduhan niya kasi boring kapag ganyan lang siya...

"Jinx... narinig kita nung kausap mo si Noel... pinapa-pili ka niya sa aming dalawa." Seryoso niyang sabi sa akin.

Huminto na kami sa tapat ng bahay at hindi ko akalaing narinig pala ni Onyx ang pinag-usapan naming dalawa ni Noel... parang umusad ang dila ko at hindi ako makapag-salita...

"Bibigyan kita ng panahon para mamili... alam ko naman kasi eh... kahit hindi mo sabihin, kitang-kita ko sa mga mata mo na mahal mo pa din si Noel at pwede niyong ituloy ang mga nasira niyong pangarap... makipag-kita ka na lang sa akin kapag nakapili ka na..." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Si Mina... siya yung ex ko."

Para akong binuhusan ng kumukulong tubig sa sinabi niya...

So kaya pala nasa park silang dalawa ni Mina at tahimik siya sa lamay...

Umalis na siya at naiwan na lang akong nakatulala... ganun niya ako kamahal? hahayaan niyang pumili ako kahit masakit sa kanya?

Sa ngayon naguguluhan talaga ako kung sino ba ang pipiliin ko sa kanilang dalawa... siguro nga kailangan ko ng panahon para mag-isip.. hindi ko pa ganun kamahal si Onyx pero iba kasi siya. Ni minsan hindi ko man lang napadama kay Onyx na mahal ko siya kasi lagi akong suplado sa kanya...

Nag-isip isip ako ng mabuti... kanino ba ako magiging mas masaya?

Lumipas ang ilang linggo at naisip kong si Onyx ang pipiliin ko... kahit bwisit ako sa kanya ay nami-miss ko siya at nagagawa kong kalimutan si Noel kapag kasama ko siya... alam ko na mami-miss ko si Onyx kung sakaling piliin ko si Noel. Hindi kami ganun katagal ni Onyx na nagsama pero aanhin ko ang tagal ng pinag-samahan namin ni Noel kung wala na akong tiwala sa kanya kahit mahal ko siya...

Si Onyx... ang nararamdaman ko ang prayoridad niya hindi kagaya ni Noel na nagdedesisyon mag-isa at isinasantabi kung ano ang nararamdaman ko...

Malungkot ako kapag wala si Noel... pero mas malungkot ang buhay ko kapag wala yung taong nambi-bwisit sa akin...

Naisip kong kausapin muna si Noel para ipaalam sa kanya ang desisyon na pinag-isipan kong mabuti kaya nakipag-kita ako sa kanya sa park kung saan kami nagkikita dati...

"Jinx... ako na ba ang pinili mo? Hinihintay ka na ng baby natin." Nakangiting sabi ni Noel.

Ngumiti na naman siya... mas lalong magiging mahirap ito para sa akin na malamang umaasa siya na babalik ako upang buuhin ang sinira niyang pangarap namin...

"Noel... hindi ko kayang manloko ng tao at magsinungaling." Seryoso kong sabi sa kanya.

Tumitig siya sa akin at nakikita ko ang takot sa mga mata niya...

"Noel... salamat sa lahat. Alagaan mo yung baby niyo ni Mina." Sabi ko sa kanya.

"Jinx... may anak na tayo. Alam ko na baog si Onyx at sinabi yun ni Mina." Sabi ni Noel.

"Hindi yun eh... wala akong pake kung wala kaming anak. Siya lang ay sapat na sa akin at hindi ko kailangang maghangad ng hindi niya kayang ibigay." Seryoso kong sabi sa kanya.

Nakita ko ang pagpatak ng mga luha ni Noel... ang sakit tingnan. Ayokong makasakit ng tao pero ano ba naman yung nararamdaman niya kumpara sa binigay niyang sakit sa akin...

Tumalikod si Noel at humihikbi siya habang naglalakad palayo...

Naisip ko na tama lang yun... ayos lang na maramdaman niya yun dahil kasalanan naman niya at hindi ko kaya kung si Onyx ang makita kong nasasaktan dahil sa akin...

Pumunta na ako sa tinitirhan ni Onyx dahil dinala niya ako doon nung naging kami...

May duplicate ako ng susi at pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang mga bote ng alak na walang laman at nakakalat lang sa sahig...

Pumunta ako sa kwarto at nakita ko si Onyx na nakahiga at lasing na lasing...

Tinititigan ko siya habang natutulog at nabigla ako ng may tumulong luha sa mga mata niya kahit nakapikit siya...

"Jinx..." Bulong niya.

Nag-sleep talk pala siya... kahit pala sa panaginip mahal na mahal niya ako. Hindi ko kailangang baguhin ang bwisit niyang ugali dahil yun siya eh. Ang mahalaga mahal niya ako...

Humiga ako sa tabi niya at niyakap ko ang likod niya...

"Onyx.. nandito ako." Sabi ko sa kanya.

Mukhang naalimpungatan si Onyx at humarap siya sa akin...

"Jinx... akala ko iiwan mo na ako." Naiiyak niyang sabi sa akin.

"Ikaw ang pinili ko..." Sabi ko sa kanya.

"Pero hindi mo naman ako mahal eh at magiging mas masaya ka kay Noel at sa anak niyo." Malungkot niyang sabi sa akin.

"Onyx hindi... mahal kita eh... sorry at hindi ko pinaparamdam sayo kasi ayokong mahulog sayo at lokohin lang din. Wala akong pakealam kung wala tayong anak. Mas masaya ako sayo."

"Jinx hindi kita lolokohin... mahal na mahal kita." Nakangiti niyang sabi at pumatak ang mga luha niya.

"Kung ganun dapat ko ng ibuhos sayo lahat ng pamamahal na hindi ko pinaramdam noon." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ta..talaga? Salamat..." Nauutal niyang sabi sa akin.

Lumapit ako at hinalikan ko siya ng mariin sa labi... lasang alak pero puno ng pagmamahal...

Nang matapos yun ay tumitig sa akin si Onyx at namumula siya...

"First time mo akong hinalikan..." Nakangiti niyang sabi.

"Oo at hindi yun ang last... mahal na mahal kita bebs." Nakangiti kong sabi sa kanya at parang anytime bubuhos ang mga luha ko.

"I love you more bakla..." Nakangiting sabi ni Onyx.

Sinikmuraan ko siya bigla pero pagkatapos nun ay hinalikan ko siya ulit ng mariin sa labi...

Sa buhay nalaman ko na... hindi basehan ng pagmamahal ang lambing sa isa't-isa pero hangga't buhay kayo ay wag mong kalimutan na iparamdam yun...

Hindi basehan ang pagkakaroon ng anak para iwanan mo ang taong mahal mo dahil kapag nagmahal ka ay mamahalin mo rin ang kamalian niya pati ang kapintasan sa kanya...

Maswerte ako kay Onyx at minahal niya ako ng totoo... ano naman kung wala pa kaming plano na magpakasal at hindi kami magka-anak eh mahal naman namin ang isa't-isa...

Si Onyx... pinagaling niya ang puso ko sa pamamagitan ng pambi-bwisit niya at yun ang kakaibang paraan ng pagmamahal... ginawa niya akong galitin para makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko...

Ano ngayon kung magpakalunod ako ngayon kay Onyx? Ang mahalaga ay alam kong tutuparin niya ang lahat kahit hindi siya nangangako...

Balang araw dadating din yung Onyx sa buhay niyo... yung taong mamahalin ang kapintasan niyo pati ang timpla ng ugali niyo at papahalagahan kayo sa di inaasahang pamamaraan...

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Surrogated Promises
Surrogated Promises
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjr2wJmNOATvitoA02IX7skRk5qbm2upXMKQRPFZfdKldyFBFdzKltwxuye_E76HaocNyFscMFVkjM__f5qLL70Mn_4TsqIsS7JvUZ2OmW1lxJwHhapJzfWnZxqX9cbCVwX1Pw-SWYwW_dV/s400/lucas2.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjr2wJmNOATvitoA02IX7skRk5qbm2upXMKQRPFZfdKldyFBFdzKltwxuye_E76HaocNyFscMFVkjM__f5qLL70Mn_4TsqIsS7JvUZ2OmW1lxJwHhapJzfWnZxqX9cbCVwX1Pw-SWYwW_dV/s72-c/lucas2.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/06/surrogated-promises.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/06/surrogated-promises.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content