$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Until Thirty (Part 3)

By: Erick Bawat halik niya sakin ay para bang nakakalimutan ko lahat. Lahat ng sakit at lungkot na dumadaloy sa pagkatao ko. Bawat pagpasok ...

By: Erick

Bawat halik niya sakin ay para bang nakakalimutan ko lahat. Lahat ng sakit at lungkot na dumadaloy sa pagkatao ko. Bawat pagpasok niya sakin ay para bang napupunta ko sa ibang dimensyon. Lugar na kung saan puro sarap at seksuwal na sensasyon lang ang meron. Bawat himas at pisil ay para bang nararamdaman kong hindi pala ako mag isa sa mundo. Sa ganitong paraan, kahit papaano ay nawawala ang bigat na nararamdaman ko. Having sex with someone helps me to ease the pain and loneliness na nararamdaman ko.

"Hindi mo ba talaga ko kayang mahalin, Erick? We're both 30 years old and single. Wala naman masama dun diba?"

Tanong sakin ni Nate na nasa kama habang nag aayos na ko ng sarili para umalis.

"Nate, umpisa pa lang sinabi ko na sayo na hanggang ganito lang ang hanap ko diba?"

"Na ano? Fuck buddy lang? Pucha Erick! 3 months na tayong ganito kahit onti ba wala kang nararamdaman sakin?"

"Nate, please. May usapan tayo, wag ka naman sana lumagpas sa pinag usapan natin. Ngayon kung iba na 'to sayo, kasalanan mo na kung..."

"Kung ano? Gusto na kita?"

Hindi ko na kinibo si Nate at tuluyan na kong lumabas ng apartment niya.

"Erick, call me okay?"

Pagkalabas ko ng apartment ay naramdaman ko agad ang lamig ng hangin at hindi ko pinagkait sa sarili ko na pagmasdan ang napakagandang pagsikat ng araw habang nasa loob ako ng kotse.

Isang taon na rin mula nang lumipat ako dito sa Cebu at nung matapos ang pagmamahalan namin ni Carlo sa pangalawang pagkakataon. Masasabi kong okay na ko pero andun pa rin yung pagmamahal ko para sa kanya. Siguro nga ay hinding hindi na mawawala yun.

Malago na rin ang business na itinayo ko sa Maynila nung nakaraang taon pero pinili ko pa rin na kumuha ng trabaho dahil ayoko naman maging tambay. Nagta trabaho ako ngayon bilang manager sa isang Resort.

Mula ng natira ako dito sa Cebu ay natutunan kong mag night life at dito ko nakilala si Nate, isang business man. Amerikano ang ama ni Nate pero dito na siya lumaki sa Cebu. He's openly gay which is the opposite of me dahil discreet ako. Pero kahit ganun ay nagkamabutihan kami ni Nate hanggang sa nauwi kami sa pagiging fuck buddies. Kung saan dito rin kami nagsimula ni Carlo.

Masasabi kong maayos at mapayapa na ang buhay ko dito sa Cebu. Paminsan minsan ay naaalala ko pa rin si Carlo pero natanggap ko na kung hanggang saan lang ba talaga kami. Buong buo ko nang tinanggap ang nangyari sa amin at simula nun ay wala na kong narinig mula kila Carlo at Angela.

Pagkauwi ko ng bahay ay nakita ko ang lola ko na nasa terrace na pinagmamasdan rin ang sikat ng araw habang umiinom ng mainit na kape.

"Lola, mano po."

"Bakit ngayon ka lang? Anong oras na."

"Lola naman, 30 years old na po ako. Malaki na ko para tanungin ng ganyan."

"Apo, kailan mo ba kasi balak mag asawa? Inabot ko na sa edad ng trenta wala ka pa ring pinapakilala sa amin."

Hindi ko masagot ang isang katanungan na matagal na nilang tinatanong sa akin. Binigyan ko ang lola ko ng isang matamis na ngiti at hinalikan siya sa noo.

"Very soon, Lola. Don't worry."

7am ay umalis na ko ng bahay papunta sa Resort nang biglang nag ring ang phone ko.

Walang pangalan ang tumawag at tanging mga numero lang.

Pagkasagot ko ng tawag ay biglang nagsalita ang nasa kabilang linya

"Hello, pwede ko po ba makausap si Erick?"

Bungad sakin ng babaeng mangiyak ngiyak ang boses.

"Yes, speaking. Sino 'to?" Sagot ko naman

"Erick..."

Humagulgol ang babae na kausap ko nang nalaman niyang ako nga si Erick

"Hello? Okay ka lang ba miss?"

"Erick... Si...si Angela 'to"

Nagulat ako nang nalaman kong asawa pala ni Carlo ang kausap ko. Hindi ko alam kung anong kailangan niya sa'kin. Puno ako ng pagtataka at kaba habang hinihintay ko siya ulit magsalita

"Erick, kailangan ka namin dito.... Kailangan ka ni Carlo, please kung nasan ka man.

Bumalik ka na..... Please"

Agad agad akong nagpa book ng flight patungo sa Maynila. Matapos ang ilang araw, pagkarating ko sa airport ay dumiretso ako sa hospital na sinabi sa akin ni Angela.

Kahit marami akong dala ay tinanong ko sa nurse kung saan ang room ni Carlo.  Dire diretso ako papunta sa room ni Carlo at pagkarating ko sa corridor ay nakita kong nasa labas lang ng kwarto si Angela. Nakaupo, nakayuko at halatang balisa siya sa mga nangyayari.

"Angela... Asan si Carlo?"

Pumasok ako sa kwarto at doon, nakita ko si Carlo na nakahiga at naka confine.

Umupo ako sa gilid ng kama ni Carlo at hinawakan ko ang mga kamay niya. Sobrang laki ng pinayat niya at sobra ang pagkaputla niya. Halatang mahinang mahina na si Carlo.

"Carlo... Andito na ko... Promise me, lalaban ka
Please....
Lalaban ka alam ko lalaban ka.... "

Di ko napigilan at humagulgol ako sa pag iyak habang hawak hawak ko ang kamay ni Carlo. Naramdaman ko na lang na hinihimas himas na ni Carlo ang ulo ko.

"Er....ick... Buti na... Nakarating ka..." Utal utal niyang sinabi

"Shhh... Carlo... Dito lang ako, hindi ako aalis sa tabi mo. Sasamahan kita sa laban mo. Andito lang ako, pangako."

"Yung... Yung relo..."

Tinuro niya ang relong binigay niya sakin na suot ko at nakita ko na ngumiti siya. Nadurog ang puso ko nang nakita kong ngumiti si Carlo. Napakabilis ng mga pangyayari. Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap na iniwan ko at sinayang ko ulit ang panahon ni ibinigay sa amin.

Nagpaalam ako kay Carlo na may gagawin lang ako sa labas pero ang gusto ko lang talagang gawin ay umiyak. Umiyak ng umiyak hanggang sa mawala na lahat ng sakit.

Narinig kong bumukas ang pinto at lumabas din sa Angela ng kwarto. Umupo siya sa tabi ko nang walang imik.

"Mahal na mahal mo talaga ang asawa ko noh? Isang tawag ko lang sayo bumalik ka na agad." Malamig na pagkakasabi sakin ni Angela

"Angela... Sorry"

Natahimik kaming dalawa at puro mga yapak lang ng ibang tao ang naririnig namin.

"Stomach cancer. Stage 4."

"Kailan pa, Angela?"

"Ilang buwan na rin Erick. Hirap siyang kumain at lagi niyang sinusuka lahat ng kinakain niya.
Akala namin stomach ache lang eh... hanggang sa nalaman namin na cancer na pala. Pabalik balik na kami sa hospital. Naubos na ang ipon namin. Pati ipon ng mga magulang ni Carlo at magulang ko nagalaw ko na. Nalapitan ko na rin si Angie. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya tinawagan kita... Alam ko kasi ikaw ang pinaka kailangan ni Carlo ngayon eh. Kaya kahit masakit sa akin gagawin ko. Kasi mahal ko yung asawa ko eh. Kahit mukhang tanga na ko, gagawin ko... Lahat para kay Carlo..."
Sinabi sa akin ni Angela lahat ng yan na halatang puno ng lungkot at galit

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga sinabi ni Angela, patuloy ang mga luha na bumabagsak sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to. Ang dami kong tanong sa sarili ko...

"Ang sakit para sakin nun Erick...

Na ikaw ang gusto niyang makasama ngayong nahihirapan siya... Ilang beses niya nang sinabi sa akin na pauwiin na raw kita. Gustong gusto ka niya makita...

Sa tuwing magwawala siya sa sakit ng tiyan niya pangalan mo ang sinisigaw niya...
Ikaw ang hinahanap niya. Samantalang ako ang nasa harap niya...
Ako ang nag aalaga sa kanya...

Ako nagmamahal sa kanya... " Nanginginig na sinabi ni Angela sakin

at AKO ANG ASAWA NIYA!"

Bigla na lang akong sinampal ng malakas ni Angela

"Angela..."

"IKAW NA ERICK! IKAW NA ANG PANALO! IKAW NA PINIPILI NG ASAWA KO! IKAW ANG GUSTO NIYA MAKASAMA HANGGANG SA HULING HININGA NIYA. IKAW! IKAW NA! IKAW...! IKAW!"
Sinisigawan ako ni Angela at pinagsasampal sampal niya ko at wala na kong magawa kundi tanggapin lahat ng 'yon.

"Angela! Please!" Tumigil si Angela sa pananakit at napaluhod na lang siya sa harapan ko habang umiiyak

"........Kaya wala na kong magagawa kundi magparaya.... Kasi ikaw ang mahal niya eh...."

Humagagulgol sa pag iyak si Angela at wala na kong magawa kundi ang yakapin siya. Niyakap ko siya ng mahigpit kahit nagpupumilit siyang kumalas. Niyakap ko si Angela dahil naiintindihan ko siya, matagal niyang tinago at tiniis laht ng sakit at galit na nadulot namin sa kanya ni Carlo. Kaya naniniwala ako na deserve ko lahat ng sampal na binigay niya sakin. Kulang pa yun para sa panlolokong ginawa namin sa kanya ni Carlo.

Nang bigla na lang namin narinig na sumisigaw si Carlo sa loob.

"ERICK!!!! UGHHHHH!!!!!"

Pumasok kami sa room at nakita namin na nasa sahig na si Carlo na namamalipit sa sakit ng tiyan.

"UGHHHHHH!!! ERICK!!!! PLEASE!!! HINDI KO NA KAYA!!!! PATAYIN NIYO NA KOOO!!!"

"ANGELA TUMAWAG KA NG DOCTOR!!!"

Inalalayan ko ang ulo ni Carlo at hinalik halikan ko siya sa ulo.

"Carlo andito lang ako... Kayanin mo gagaling ka rin. Please, andito na ko. Hinding hindi na kita iiwan"

"UGHHHHH PLEASE MAKE IT STOP! MAKE IT STOP!" Iyak ng iyak si Carlo sa sakit na nararamdaman niya at wala kong magawa kundi ang yakapin at hawakan siya.

Dali daling pumasok ang doktor at dalawang nurse sa loob ng kwarto. Ang dami nilang ginawa kay Carlo. Wala akong magawa kundi ang panoorin maghirap si Carlo sa sakit niya. Wala kaming magawa ni Angela kundi ang umiyak.

Napakahirap palang panoorin ang taong pinakakamamahal mo na magdusa. Ang sakit sobra, kung pwede lang ay kunin ko ang kahit onting sakit na nararamdaman ni Carlo bilang tulong. Mas masakit pang isipin na wala ka nang magagawa para lumisan ang pagdudusa niya.

Matapos ang nangyari ay dumiretso ako sa chapel. Kinausap ko ang Diyos na bigyan niya pa ng mahabang buhay si Carlo kahit kapalit pa nun ay layuan ko na siya habang buhay ay gagawin ko. Lahat para kay Carlo.

Naramdaman kong may tao sa likod ko at biglang naupo sa tabi ko si Angela.

"Ilang beses ko na siyang nakitang magwala, pero... ngayon ang pinaka kalmado. Siguro kasi... Andito ka na?

Napangiti ako at pinunasan ko ang mga luha ko

"17 lang ako nung nakilala ko si Carlo."

Tinignan ko si Angela at tumingin siya sakin na nagpapahiwatig na handa siyang makinig sa kwento ko

"Natanggap ko naman ang usapan namin na hanggang 30 years old lang siya pwede. After nun ay magpapakasal siya sa babae at bubuo ng sarili niyang pamilya.

Nagtagal kami ng halos limang taon. 5 years... Angela. 5 years kaming naging magkasama pero nagawa niya pa rin akong iwan. It was on his birthday nung hiniwalayan niya ko. 28th birthday to be exactly. Tinanong ko siya nun kung bakit ang aga naman ata?" Mangiyak ngiyak kong kinekwento lahat kay Angela

"Ang sabi naman niya kailangan niya daw kasi ng 2 years para makalimot. 2 years para makalimutan yung 5 years na meron kami. At hanggang sa, nakilala ka niya.

Ikaw yung napili niya, Angela.
Nung nakita ko kayo sa kasal niyo ay di ko kinayang makita kayong masaya kaya nga mas pinili ko na lang na lumayo at bumalik sa Italy ng ilang taon. Hangggang sa tumagal na rin at pakiramdam ko kaya ko na ulit harapin ang buhay dito sa Pilipinas, bumalik na ko. Pero nung nakita ko ulit si Carlo... dun ko na realize na yung sakit na nararamdaman ko lang pala ang nawala sa akin. At hindi yung pagmamahal ko kay Carlo. Kaya... Kaya nagawa namin yun...

At wala sa intensyon kong makasakit ng iba. Trust me. Nagmahal lang ako, Angela.... Nagmahal lang ako"

Umiiyak na ko habang sinasabi lahat ng iyan kay Angela at nakita ko siyang nagpipigil ng luha.

"Una pa lang Erick, naramdaman ko na.
Naramdaman ko nang... hindi buo yung pagmamahal niya sa'kin. Para bang... kulang."

Tinignan ako ni Angela at hindi niya na napigilan ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata

"Dahil ba siguro bagong kasal pa lang kami kaya ganun? Ang dami kong tanong noon,  bakit ba parang hindi ako ang pinakamamahal ni Carlo? bakit parang hindi niya maibigay sakin ng buo yung sarili niya? Alam mo ba... he always wears his favorite leather jacket na ikaw pala ang nagbigay sa kanya.
At dati... nakita ko rin sa cabinet niya na may picture kayong dalawa. Sabi niya parang kapatid ka na raw kasi niya kaya tinatago niya yun.
Pati nga yung asong binigay mo daw sa kanya eh.... Iyak siya ng iyak iyak nung namatay si Whisky, tapos sa tuwing nag aaya ako sa kanya pumunta sa ganitong lugar. Palagi niyang sinasabi sakin "Napuntahan ko na yan eh... Kasama si Erick"... Kaya alam ko naman noon pa lang na mahalaga ka talaga para kay Carlo... Palagi ka rin niyang kinekwento sakin at palagi ka niyang naaalala sa mga bagay bagay.

At nung nalaman kong may relasyon kayo ng asawa ko, dun naging malinaw sa akin ang lahat.
Ikaw pala... Ikaw pala yung taong magpapangiti sa kanya na kahit kailan hindi ko pa nakita. Ikaw pala yung nagbigay ng saya at kulay sa buhay niya. Ikaw yun, Erick. Hindi ako....

At ngayon naman, alam kong ikaw ang magiging lakas niya... Ikaw ang kailangan niya... kaya Erick handa na ko."

Walang tigil ang mga luha ni Angela at tila ba hindi na siya makahinga sa kakaiyak niya

"...Handa na ko palayain ang asawa ko. Ayoko na ipilit ang sarili ko sa kanya. Gusto ko na rin siyang sumaya, gusto ko na rin tumigil masaktan... Wag mong sukuan si Carlo, Erick...please"

"Angela...

Salamat... salamat, salamat, salamat.

And I'm sorry...... Sorry kung ikaw pa ang naipit at nasaktan saming dalawa ni Carlo. Sorry..."

"Ano pa hinihintay mo...? Pumunta ka na kay Carlo, bantayan mo siya dun. Wag mo na sayangin ang oras at pagkakataon na meron ulit kayo ngayon."

Binigyan ako ng isang pilit na ngiti ni Angela habang patuloy na tumutulo ang mga luha sa mga mata niya.

Dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto ni Carlo. Kumuha ako ng upuan, tumabi ako sa kanya at hinawakan ko ang malalamig na kamay ni Carlo.

"Carlo... I'm sorry ah? Sorry kung umalis ako sayo ng walang paalam. Sorry kung iniwan kita. Sorry..." Hindi ko napigilan ang sarili ko na umiyak at hindi ko alam kung naririnig ba ko ni Carlo pero ang alam ko lang ay gusto ko nang sabihin sa kanya lahat ng gusto kong sabihin

"Mahal... Kita..." Pilit na sinabi ni Carlo

Binigyan ko ng isang matamis na ngiti si Carlo at hinalikan ko siya ng matagal.

"Mahal na mahal din kita..."

Sa isa pang pagkakataon ay nakatabi ko ulit si Carlo. Magkahawak kamay at ito na ang pinakamasarap na pakiramdam sa mundo. Kung may katapusan ulit ang pagkakatong ito ay sisiguraduhin ko nang susulitin ko ang bawat segundo na meron kami. Naniniwala akong ito na ang tamang panahon para sa amin.

"Bakit ba sa tuwing pinagtatagpo tayo ng tadhana parang lagi na lang may katapusan? Carlo please, lumaban ka. Para sa pamilya mo. Para sa anak mo.... Para sakin..."

"Erick... Don't forget those days na naging masaya tayo... okay? I'm still grateful sa... dami ng oras... at pagkakataon na ibinigay satin. Sana... ganun ka din."

"Carlo, do you hate me?..... Nagalit ka ba nung umalis ako nang walang paalam?"

"No.... no... kahit kailan hindi ako nagalit... sa'yo. Hindi ko man alam... ang dahilan... kung bakit mo ko iniwan... pero alam ko lang... na ginawa mo yun kasi... yun ang tama... diba?"

Pinilit ni Carlo bumangon para idikit ang mga labi niya sa labi ko. At niyakap niya ko kahit hinang hina na siya... pinunasan ni Carlo ang mga luha sa mata ko at nang gabing iyon ay wala kaming ginawa kundi ang iparamdam namin sa isa't isa ang pagmamahaln namin.

Kinwentuhan ko nang kinwentuhan si Carlo nang gabing yon, lahat ng nangyari mula nung lumipat ako sa Cebu at kahit yung apat na taon na pananatili ko sa Italy. Gusto ko malaman niya lahat ang tungkol sa akin. Gusto kong malaman niya na sa mga panahong wala siya sa buhay ko ay siya pa rin ang laman ng puso at isip ko.Siya pa rin ang bumuo sa pagkatao ko. Sinabi ko lahat ng gusto kong malaman niya na para bang ito na ang huling araw niya sa mundo...

Nang gabing iyon ay hawak ko ang mga kamay ni Carlo habang pinapanood ko siyang matulog. Inalala ko lahat ng nangyari sa amin. Napaka rami na namin pinagdaanan, hindi ko kakayanin kung ngayon pa siya mawawala...

Mag da dalawang linggo na rin mula ng bumalik ako sa Maynila at para naging bahay ko na rin ang kwarto ni Carlo.

Hapon na nun at ako lang mag isa ang nagbabantay kay Carlo. Hawak hawak ko ang kamay niya at tinititigan ko lang ang mga mata niyang pinagmamasdan ang paglubog ng araw na tanaw sa bintana.

"Ang ganda ng sunset noh?" Nakangiting sabi ko kay Carlo.
Binigyan niya ko ng isang matamis na ngiti

"Mahal... Na mahal.. Kita" utal utal na sinabi sa akin ni Carlo

"Mahal na mahal na mahal na mahal din kita"

Hirap man ay nginitian ako ni Carlo.

"Have you noticed... How... many beautiful sunsets we miss out everyday dahil... Na.. Napaka...rami nating... Ginagawa... Iniisip...

Erick... Salamat at... Andito ka ngayon, sa.. Sa tabi ko. This might be my last sunset..."

"Carlo wag mo sabihin yan... Ano ka ba..." mangiyak ngiyak kong sinabi kay Carlo

"Shh... " Hinawakan ni Carlo ang mga mukha ko na para bang ito ang pinaka mahalagang bagay na nahawakan niya sa buong buhay niya...
"Erick... Na realize ko... na... the simplest things here on earth are the ones we usually... Take for franted. Sorry if... i took you for granted."

Tumulo na ang mga luha ni Carlo sa kanyang mga mata...

"Don't be sorry....Okay? Don't be. Hindi mo kailangan mag-sorry."

"No.. Erick, sorry. Sorry kung... Naging... Makasarili ako.
Hindi ko... Sinunod yung pu..puso ko.... Sorry nasaktan kita.... Sorry..."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ko sa mga sinasabi ni Carlo. Paulit ulit kong hinalikan ang mga kamay ni Carlo at hinimas himas sa mukha ko.

"I love you, Carlo. I love you, I love you, I love you, hinding hindi ako magsasawang sabihin at iparamdam sayo yan..."

"I...love you, Erick."

Kasabay ng paglubog ng araw ang pagpikit ng mga mata ni Carlo. Ito na ang mga huling salita na binitawan niya bago pa siya tuluyang baiwan ng buhay. Pangalan ko ang sinabi ni Carlo sa huling hininga niya.

Sa pagkakataong ito, permanente nang natapos kung ano man ang meron kami ni Carlo. Pero ang pagmamahalan namin ay alam kong hinding hindi na mawawala.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit pinagtagpo kaming dalawa ng tadhana kung kukunin din pala sa akin si Carlo. Puno man ako ng hinanakit ay masaya na rin ako para kay Carlo dahil natapos na ang hirap na dinadanas niya. Tapos na ang lahat. Ito na rin talaga ang huling iyak na gagawin ko para kay Carlo. Matapos nito ay wala na. Isang malaking ala ala na lang sa akin si Carlo.

Matapos pumanaw ni Carlo ay kinailangan na ni Angela mag trabaho sa ibang bansa para matustusan ang anak nila na si Carl.

Ako na ngayon ang nag aalaga kay Carl, ako na ang tumayong nanay at tatay niya.

Nakakatuwa dahil trenta anyos ako nang nawala sakin si Carlo. Sa ganung edad din nawala sa akin ang lahat ng galit, sakit, lungkot at pagsisisi na meron ako sa mga nakaraang taon. Sa ganitong edad ay natutunan ko na ulit how to keep on moving forward. Marami man mangyari, life still goes on. Carlo was with me until thirty. But he will be forever in my heart. No until and no end.

Maraming bagay sa mundong to ang gustong gusto ng puso natin ngunit hindi natin sinusunod. Mga bagay na alam natin magpapasaya sa atin pero hind natin binibigyan pansin dahil minsan sa tingin natin ay mali. Sa paningin ng iba ay mali. Pero kung iisipin mo, life's too short para ipagkait sa sarili mo ang totoong kasiyahan na hinahanap ng puso mo. As long as na wala kang inaapakang tao bakit mo kailangan pigilin? Bakit hindi mo gawin talaga ang mga bagay na magpapasaya sayo kesa sa mga bagay na mundo lang ang nagsasabing ito kasi ang dapat mong gawin. Panahon na para sulitin ang mga oras na meron tayo. Oras na binigay sa atin para maging masaya at mahalin ang taong mahal talaga natin. Kaya kung meron kang bagay ngayon na ikinakatakot mong gawin. Do yourself a favor, tanggalin mo ang takot mo dahil sa pagmamahal wala ka dapat ikatakot. Magpakatotoo na tayo, wag na natin pilitin pang maging masaya sa ibang bagay na hindi naman talaga natin gusto.

DO WHAT MAKES YOU TRULY HAPPY.

"DADDY!!!!"

Tinatawag na ko ni Carl. Pasensya na, hanggang dito na lang ang storya ko ah?  Maraming salamat sa inyo.

"Erick, let's go!"

At yun naman si Jeremy. The one who healed my broken heart. And the one who fixed my broken soul.

Maraming maraming salamat sa pagbabasa!

The End

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Until Thirty (Part 3)
Until Thirty (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEidmzZe7WlkPme6I-B_KLCTTb-BeoVe4latEhut3ANnyw2SWazrqYkbtf0PT-xyJPC4Rm3K9yUUkX9aZ2MfpUB7BEg9lH4kNCMJPWftSB4yAl1PyQN0ogxsc44BKeuUZCaD6U2xQqdmz2ux/s400/13166681_270832479919317_871202936_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEidmzZe7WlkPme6I-B_KLCTTb-BeoVe4latEhut3ANnyw2SWazrqYkbtf0PT-xyJPC4Rm3K9yUUkX9aZ2MfpUB7BEg9lH4kNCMJPWftSB4yAl1PyQN0ogxsc44BKeuUZCaD6U2xQqdmz2ux/s72-c/13166681_270832479919317_871202936_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/06/until-thirty-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/06/until-thirty-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content