$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Boss at ang Driver (Part 1)

By: Asyong Bayawak Nananalamin si Gabe habang isinasarado ang butones ng puting polo. Sa labo ng salamin ay bahagya lamang niyang makita...

By: Asyong Bayawak

Nananalamin si Gabe habang isinasarado ang butones ng puting polo. Sa labo ng salamin ay bahagya lamang niyang makita ang hitsura, subalit hindi pa rin mapigilang mapangiti.

Dumating na ang swerte, sa wakas.

Ulila na ina sina Gabe, at ang tatay naman nila ay may pamilya nang iba. Beinte-singko anyos, siya ang tumatayong ama’t ina ng mga nakababatang kapatid na sina Mike, 14; Alice, 12; at Anton, 6, na kapatid nila sa ina. Ang kanilang nanay at ang tatay ni Anton ay namatay sa isang aksidente ilang taon na ang nakakaraan.

Hindi madali ang buhay ng magkakapatid, lalo na si Gabe na siyang tanging namumrublema sa mga pang-araw-araw na gastusin.

Kagabi lamang, pakiramdam niya’y pinagsakluban siya ng langit at lupa. Walang trabaho, maraming utang, maraming babayarin. Muntik pa siyang masagasaan. Buti na lamang at dating kakilala ang halos makadisgrasya sa kanya, at ito pa pala ang kasagutan sa kanyang mga dasal.

Tumatawid siya ng kalye at hindi napansin ang paparating na Fortuner. Todo ang busina nito subalit hindi pa rin niya narinig. Sa una’y mura ang inabot niya sa driver, pero nang lumabas na ang pasahero sa likuran, agad niyang nakilala ang kanyang Sir Manny—ang pinakamabait na boss na pinagtrabahuhan niya dati.

Lubos itong nag-alala sa ayos niya dahil mukha siyang tulala. Pinasakay siya sa sasakyan at isinamang kumain sa isang malapit na restaurant. Dito ipinaliwanag ni Gabe na ilang araw na siyang palakad-lakad sa paghahanap ng trabaho at halos ubos na ang kanyang pondo. Minsan ay hindi na nga siya kumakain.

Matapos ang hapunan, inalok siya ng trabaho ng dating amo. Muntik na siyang mapaluha sa tuwa. Nagpasalamat Diyos dahil konti nalang ay mawawalan na talaga siya ng pag-asa.

Sa murang edad ay kayod marino na siya sa trabaho. Nagpahinante, kargador, waiter, tagapaglinis ng kulungan ng baboy, driver ng truck—kalimita’y marangal na trabaho, pero yung iba, hindi niya mabanggit kahit kanino man.

Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo para lamang makatulong sa pamilya. Pero talaga yatang malas sya. Kung anu-anong problema ang dumating. Nariyang nasunugan sila ng bahay, nagsarado ang pinagta-trabahuhan… at minsan na rin siyang napagsamantalahan. Inarkila siya na dancer sa isang bridal shower, yun pala papainumin lang sya ng pampatulog at saka…

Umiling si Gabe. Ayaw na nya iyong maalala. Huminga siya ng mamalim at saka muling ngumiti sa salamin. Malakas ang pakiramdam niyang maganda ang papasukin niya ngayon. Ang dasal niya’y sana magtagal siya sa trabahong ito. Kailangan talaga niya ng panahon at pera para makabangon.

‘Wow ang gwapo naman ni kuya!’ sabi ng boses sa kanyang likuran. Si Alice. ‘Mahihiya nyan si Diether Ocampo sa ‘yo. Matangkad! Matipuno! Poging-pogi!’

‘Heto na naman ang sipsip kong kapatid,’ sagot ni Gabe. ‘Kelangan mo ba ng baon? Utang muna ha,’ sabi ni Gabe, sabay tawa. ‘Huwag ka pati maingay, may natutulog pa.’

‘Sabado kaya ngayon, hindi ko kelangan ng baon.’

‘Mabuti alam mo.’ Humarap si Gabe sa kapatid. ‘Bakit ang aga mong gumising? Alas-sais pa lang ah.’

‘Wala lang. Narinig kita eh. Hindi din kita naabutan kagabi. San ka ba galing? San ka pupunta? May trabaho ka na?’

‘Ang dami mo namang tanong. Basta, may trabaho na ‘ko ngayon. O, bahala na kayo dito ha, huwag nyong iwanan si Anton. Kung hindi, lagot kayo sa akin. Uuwi din ako mamayang gabi. May pagkain pa naman dyan, sardinas yata. At saka wag mo sunugin yung sinaing, sayang.’

‘Anong trabaho mo, kuya?’

‘Driver ng mayaman.’

‘Saan?’

‘Daming tanong!’ Ginulo ni Gabe ang buhok ng kapatid. ‘Basta. Pag may kailangan kayo, i-text nyo ako. Maki-text muna kayo kay Ate Sol.’

Pinagmasdan muna ni Gabe ang lumang bahay bago umalis. Maliit lamang ito pero kanila naman. Hindi nila kailangan mangupahan, kahit pa malapit sila nakatira sa squatters’ area. Hindi ito ang gusto nya para sa mga kapatid, pero balang araw ay makakaahon din sila at makakalipat sa mas maayos na tirahan. Sa ngayon, dapat galingan muna niyang magtrabaho.

‘Good morning po, Sir,’ bati ni Gabe mula sa labas ng gate.

Tumingala ang lalaking nagkakape sa garden. ‘O, Gabe, ang aga mo naman,’ sagot ni Manny. ‘Halika, pumasok ka muna.’

Dating amo ni Gabe si Manny sa Captive Prince, isang coffee shop na nagsarado, limang taon na ang nakalilipas. Kinailangan kasing mangibang bansa ni Manny, kasama ang buong pamilya, para asikasuhin ang negosyo ng kapatid. Walang maiiwang mag-aasikaso ng coffee shop kaya’t minarapat na lamang niya na isarado ito. Malaki ang panghihinayang ni Gabe sa pangyayari. Sa lahat ng naging trabaho niya ay ito ang pinakamaayos, maganda ang pasweldo, at higit sa lahat ay mabait ang kanyang Sir Manny at Ma’am Loida. Nang magsarado ang negosyo ay doon siya nakaranas ng mas marami pang pagkabigo.

‘Nag-almusal ka na ba? Magpapahanda ako ng makakain.’

Nagkape lamang siya at dalawang pandesal sa bahay. Sa katunayan ay gutom pa siya, subalit kahit mabait ang kanyang amo ay ayaw niya itong abusuhin. ‘Okay na po, Sir. Kumain na po ako kanina.’

Tumingin si Manny sa relo. ‘Well, it’s almost eight o’clock. I guess we should go.’

‘Saan po ba tayo, Sir?’

‘Doon tayo sa pamangkin ko, Gabe. Inisip ko kahapon na kunin kitang driver kahit hindi ko talaga kailangan. Eh nasabi ni Loida na ipasok nalang kita kay Daniel. Medyo masungit ‘yon, pero mabait na bata ka naman, kaya magkakasundo kayo.’ Ngumiti si Manny. ‘Kelangan din kasi non ng tagabantay, mahilig gumimik eh. Kelangan nya ng nagpapa-alala. Okay lang ba sa ‘yo?’

‘Okay na okay po, Sir!’ sagot ni Gabe. Medyo kinabahan siya pero hindi niya ipinahalata. Magiging driver pala sya ng bata. High school lang siguro yung Daniel. Sana naman eh mabait at hindi totoo na masungit. Sana kaugali ni Sir Manny.

Hindi nagtagal ay pumunta na sila sa bahay ng pamangkin ni Manny. Medyo matraffic kahit Sabado kaya’t mahaba-haba ang kanilang kwentuhan.

‘Kumusta na nga pala yung boyfriend mo, si… teka, tanda ko yan. Ah. Rusty! Kumusta na si Rusty?’

Nahihiyang napatawa si Gabe. ‘Sir, wala na po kami eh. Tatlong taon na po. Nagtrabaho po kasi sa Korea, eh ayun, naiwan ako. Hindi naman ako pwedeng sumunod kasi walang bantay sa mga kapatid ko.’

‘Hindi ba gumana ang long-distance relationship?’

‘Ako na rin po ang nakipaghiwalay, Sir. Ayoko naman po na matali sya sa akin dahil alam kong gusto nya na magsarili. Hindi ko naman po… haha… alam nyo na yun, Sir.’

‘O, sige, hindi na ako mangungilit. Iho, ikanan mo dyan sa kanto, tapos kaliwa. Ayan… pumasok ka sa gate.’

Manghang-mangha si Gabe sa ganda ng lugar. Sa buong buhay nya ay ngayon lamang sya nakapasok sa isang exclusive na apartment building. Mas maganda pa ito kaysa sa mga condo units kung saan siya naghahatid ng labada dati. Maluwag, maaliwalas, at mukhang mamahalin ang lahat ng mga gamit. Parang 5-star hotel. Kahit yung mga attendants mukhang mamahalin din. Malaki ang elevator at sila lang dalawa ni Manny ang laman nito. Sa kabilang banda, na-consicous siya sa kanyang kasuotan. Kupas na maong; polo na medyo maliit na. Mabuti na lamang at hindi putikan ang suot na leather shoes.

Umakyat ang elevator. Nang bumukas ito ay nagulat si Gabe nang matanto na hindi sila lumabas sa isang hallway, kundi sa mismong unit ng nakatira. Halos lumuwa ang mga mata niya sa sobrang gara ng kapaligiran. Gray na carpet, bricks na dingding, malalaking bintana na sinasagap lahat ng sikat ng araw, flat panel TV na halos kasing laki nya, mahahabang sofa, itim na chandelier, abstract paintings… hindi niya alam kung alin ang uunahing tingnan. Naka-aircon din ang buong penthouse, at ang bango pa ng amoy, parang green tea.

Ang swerte naman nitong batang ito, isip-isip ni Gabe. Spoiled siguro sa magu—

May lumabas na lalaki.

Naka shorts lamang ito na puti. Walang pang-itaas. Mestizo pero tanned ang balat. Slim ng konti pero puro muscles. Batu-bato. Kayang-kaya siyang ilampaso. Tama lang ang lago ng bigote at balbas, medyo gray na ang buhok. Mas maliit ng konti sa kanya, pero gwapo. Sobrang gwapo. Parang prinsipe sa isang Disney Movie.

Parang gustong manghina ng kanyang mga tuhod.

‘Daniel, hijo,’ sabi ni Manny.

Napalunok si Gabe. Hindi pala high school ang mahilig na gumimik na si Daniel.

‘Uncle,’ ang bati ni Daniel, hindi ngumingiti, ‘Auntie told me you were coming with my new driver. I suppose this is him.’ Tiningnan ni Daniel si Gabe mula ulo hanggang paa.

Napatuwid ng pagkakatayo si Gabe. Tulo ang malapot na pawis. Ngayon pa lang ay parang alam na niya ang mangyayari. Parang gusto na siyang ipagtulakan palabas. Ingles pa man din magsalita, parang Amerkano. Baka duguin siya ng ilong dito.

‘You need one, don’t you?’ sabi ni Manny na cool na cool lang at hindi natitinag. ‘That’s why I brought Gabe. Gabe is a pretty awesome guy, and he has worked for me before. Gabe, meet Daniel. Daniel, Gabe.’

‘Hello po, Boss,’ sabi ni Gabe, habang inabot ang kanyang kanang kamay. Nilakihan ni Gabe ang ngiti dahil ito lamang ang tanging sandata niya laban sa kaba. Kapag hindi niya alam ang gagawin, ngiti lang. May problema? Ngiti lang. Ayaw siyang kamayan ng bagong amo? Ngiti lang. Ibinaba ni Gabe ang kanyang kamay at ipinunas sa pantalon. Gusto niyang murahin ang kaharap. Akala mo kung sinong batang spoiled brat, eh parang kwarenta na yata ang edad nito.

Hinimas-himas ni Manny ang kanyang likuran. ‘Well, then. Gabe, like what I told you, ikaw na ang mag-da-drive para kay Daniel. Wherever he goes, okay? Hindi siya sanay mag drive dito sa Manila dahil sa Canada yan lumaki. Ikaw na ang bahala. Kapag may problema, tawagan mo ako, okay?’

Tumango si Gabe at sinabing, ‘Okay po, Sir Manny,’ kahit gusto niyang magmakaawang huwag siyang iwan.

Nang umalis na si Manny ay naiwang nakatayo si Gabe at Daniel. Malakas ang tibok ng puso ni Gabe habang nakatitig ang amo sa kanya.

‘What’s your deal, exactly?’ tanong ni Daniel.

‘Sorry po, Boss?’ Putangina, isip ni Gabe. Inggles ng Inggles ang gago eh mahina nga sya sa Inggles. Ang hirap din intindihin ng accent. ‘I don’t understand po, sorry.’

Bumuntong hininga si Daniel. ‘What. Do. You. Want?’

‘Ah, eh, to work po?’

Humalakhak si Daniel at namula naman sa kahihiyan ni Gabe. Ipinagdasal niya na sana lamunin nalang siya ng lupa. Hindi niya talaga alam ang gustong itanong ng amo. What do you want? Eh ‘di trabaho!

‘Fine.’ Itinaas ni Daniel ang mga kamay na parang sumusuko. ‘Hintayin mo ako dito, magbibihis lang ako.’ Bumalik si Daniel sa kwarto.

Nagtatagalog pala ang putanginang hayop na ‘to, pinahirapan pa sya.

Lagpak ang katawan ni Gabe sa kama. Napaungol siya sa sarap ng pagdampi ng kutson na likuran. Mabigat ang mga mata, masakit ang mga binti’t paa. Sa tatlong buwang pagtatrabaho niya para kay Daniel ay walang araw na ginawa ang Diyos na hindi siya nauutusan kung saan-saan, at pinapagawa ng kung anu-ano. Mag-photocopy, bumili ng kape, bumili ng jacket, magpa-print ng pictures, magbuhat ng mga kahon na puno ng papeles.

Mabuti sana kung malapit lang ang mga pinupuntahan nya, eh palagi niyang kailangang gumamit ng elevator mula 30th floor hanggang ground floor. Ang haba pa naman palagi ng pila, at palagi rin siyang minamadali ni Daniel. Dapat hindi driver ang tawag sa kanya—dapat alila. Aliping sagigilid. O siguro clown. Kasi lagi naman siyang pinagtatawanan.

Tuwing umaga, matapos niyang mag-gym ay sinusundo niya si Daniel sa Alabang at inihahatid sa opisina sa BGC. Wala siyang problema sa schedule dahil alas diyes ng umaga kung magising ang amo.

Kalimitan ay sa maliit na private pantry sa likod ng mesa ng secretary ni Daniel na si Erika tumatambay si Gabe habang naghihintay ng utos. Mabuti na lamang mabait si Erika at halos lahat ng nagtatrabaho sa opisina. Naiintindihan nila ang kanyang kalagayan, dahil lahat sila ay sanay masabon ni Daniel. Bigayan na lang sila ng lakas ng loob sa isa’t isa.

Hindi naman talaga masama ang ugali ng amo nila. May galit lang ito sa tanga. At dapat alisto, dapat mabilis. Kung hindi ay para kang nililiyaban ang pwet kapag napagalitan. Galante rin si Daniel. Palaging nagpapakain ng masarap. Yung mga pagkain sa opisina, ngayon lang niya nakakain. Minsan, sinasabayan siya ni Daniel magtanghalian sa pantry. Nakakahiya dahil simple lang ang ulam nya, kagaya ng adobo o tinola, pero hingi naman ng hingi si Daniel. Siguro kasi sawa na ito sa malalaking hipon at steak.

Binibigyan din siya ng tip kapag napaparami ang utos at kapag lumalampas ng nuebe oras ang trabaho. Sa tatlong buwang iyon ay malaki-laki na rin ang naipon ni Gabe. Sapat na pambayad ng kuryente, tubig, pambayad utang, pang-kain, at pambaon ang mga bata. Meron din siyang clothing allowance dahil nakakahiya nga naman na kupas ang mga damit niya eh nagda-drive siya ng BMW.

Alas-diyes na ng gabi pero nasa kapitbahay pa rin ang kanyang mga kapatid. May horror-movie night daw sila. Hinayaan na niya, tutal Biyernes naman. Kung ayaw pa nilang matulog eh mauuna na siya. Mabuti nalang at doon niya inihatid si Daniel sa condo ng boyfriend nito na si Brandon. Kung nag bar pa sila, tiyak na magpapahintay sa kanya at madaling araw na naman siya makakauwi ng bahay.

Tinanggal lang ni Gabe ang mga sapatos at ipinikit na ang mga mata. Hindi na siya nagpalit ng damit; bukas nalang. Tama na yung sipilyo at hilamos bago matulog.

Sa palagay niya’y wala pang limang minuto niyang naipipikit ang mga mata nang mag-ring ng cell phone. Madilim ang buong kwarto. Pupungas pungas niyang tiningnan kung sinong tumatawag.

Tiningnan niya ang oras: alas dos y media na ng madaling araw.

‘Boss?’ tanong ni Gabe, boses palaka dahil bagong gising.

‘Shunduin mo ‘ko…’

‘Po?’

‘Sa Valk—Valkyrie…’

Napakunot ng noo si Gabe. Parang hindi nya maintindihan masyado. Nasa mataong lugar si Daniel, sa kalayuan ay naririnig niya ang ingay at tugtugan. ‘Sunduin ko po kayo sa Valkyrie?’

Hindi sumagot ang kausap. Kinabahan siya nang marinig na parang humihikbi ang amo. ‘Boss, teka, dyan ka lang, pupuntahan kita!’

Nagmamadaling umalis ng bahay si Gabe. Tinakbo niya ang garahe kung saan nakaparada ang kotse. Siya na ang nag-uuwi nito sa malapit sa kanyang tinitirhan. May tagabantay naman kaya’t safe ito.

Bagama’t malayo ang bahay, madaling araw naman at mabilis pa rin ang byahe. Hindi lang niya itinodo ang pagmamaneho dahil baka maaksidente pa, mahirap na.

Una niyang tinungo ang harapan ng bar kung saan niya laging sinusundo si Daniel. Bumaba siya ng sasakyan para magtanong sa mga bouncers. Kanina pa daw umalis, sabi ng isa, at itinuro kung saan huling nakita ang kanyang amo. Malakas ng tibok ng puso ni Gabe. Kahit mahirap pakisamahan si Daniel ay ayaw niya itong mapahamak.

Marahang nagdrive si Gabe paikot ng block. Madilim ang mga daan kaya’t sinisipat niya ng husto kung saan pwedeng nagpapahinga ang hinahanap. Hindi naman nagtagal ay may nakita siyang lalaking nakaupo sa gilid ng isang flower pot. Itinigil ni Gabe ang kotse at pinuntahan ang lalaki. Nakatungo ito at natatakpan ng mga palad ang mukha.

‘Boss,’ sabi ni Gabe, mahina ang boses. ‘Halika na, umuwi na tayo.’

Tumingala si Daniel. Nasisinagan ang mukha ng ilaw ng poste, basa ito ng luha. Paga ang mga mata. ‘B-bakit ngayon ka lang, ha? Kanina pa kita hini…hintay—hugk!’

Bumulwak ang suka ni Daniel. Doon lang napansin ni Gabe na marami-rami na rin ang naisuka ng nito sa gilid ng kalsada. Hindi siya sumagot, at sa halip ay umupo at hinahagod ang likuran ng lalaki. Takang-taka siya bakit mag-isang nag-bar si Daniel. At kung bakit ito umiiyak. Problema kaya sa trabaho? Pag-ibig?

Hindi na siguro ako dapat magtaka, isip-isip niya. Ilang araw na rin kasing pagod si Daniel. Parang malalim lagi ang iniisip. Hindi nga siya gaanong kinakausap o kinikibo. Wala rin masyadong iniuutos, mapwera kanina. Palagi pang tulala. Ilang beses na nga niyang nakitang nakatitig sa kanya. Akala may sasabihin, yun pala wala. Nakaka-conscious nung una, pero nasanay na siya.

Kapag ganon si Daniel, ibinibili niya ng chocolate ice cream sa Family Mart kahit hindi siya utusan. Iyon kasi ang kaligayahan non, at hindi rin ito marunong tumanggi sa chocolate (lalo na sa Reese’s). Hindi naman ito tumataba dahil mahilig din mag-gym.

Nang matapos sa pagsuka ay pinunasan ni Daniel ng malinis na bimpo ang mukha ng amo. Sayang, wala siyang dalang tubig.

Huminga ng malalim si Daniel, pikit ang mga mata, nakatingala. Patuloy pa rin ang paghagod ni Gabe sa likod nito.

‘Kapag okay ka na, Boss, sabihin mo lang ha, para makauwi na tayo.’

Tinitigan siya ni Daniel. Napalunok si Gabe. Ang gwapo talaga.

Isa pa sa natuklasan niya ay bumabait ito kapag nakakainom, at hindi nag-i-Ingles. Purong Tagalog; minsan pa nga ay kay-lalim ng mga salita. Pero pag nawala na ang tama, tinotopak na naman. Sungit. Balik lang sa dati.

‘Bakit ba ang bait-bait mo?’ tanong ni Daniel.

Ngumiti lang si Gabe. ‘Syempre, kapag mabait ang Boss, mabait din ang tauhan.’

Kumunot ang noo ni Daniel. ‘Eh ang sama ko sa ‘yo, hindi ka ba naiinis?’

‘Naku, Boss, mas maayos pa kayo sa iba kong naging amo. Pero syempre, pinakamabait si Sir Manny.’ Tumawa ni Gabe. Hindi niya ipagpapalit si Sir Manny niya. Pero syempre, hindi niya ito ipagtatapat kung hindi nakakainom si Daniel.

‘Bakit kasi ang sama ng ibang tao dyan,’ bulong ni Daniel, ‘akala mo hindi nakakasakit.’

Napahagalpak ng tawa ni Gabe. ‘Ang lalim ng hugot, Boss. Hindi yata ako sanay.’

Tumawa na rin si Daniel. ‘Gago ka, bakit mo ‘ko pinagtatawanan?’

‘Ano po bang nangyari?’ Gustong sapakin ni Gabe ang sarili. Bakit kasi hindi niya mapigilang maging usyoso. Hahaba pa ang usapan eh lalong hindi siya makakatulog nito. Napailing nalang siya. Tinanggap ang katotohanan na mauuwi sa trabaho ang kanyang Sabado. Pangako pa naman niya sa mga kapatid na manonood sila ng sine. The Conjuring 2, sa SM Megamall.

Ang hindi niya inaasahan ay ang pagtahimik si Daniel. Kalimitan kasi sobrang daldal nito kapag nakainom.

‘Halika na, uwi na tayo,’ sabi ni Daniel, may lungkot sa boses.

Tumayo si Gabe at inalalayan ang boss. Mas gusto niya yung ganito na magkasundo sila. Yung hindi ang pakiramdam niya ay para lamang siyang isang walang kwentang utusan. Inisip ni Gabe kung sino ang tunay na Daniel—yung mabait o yung masungit. Naglabas nalang siya ng buntong hininga, gustong kurutin ang pisngi.

Gumising ka nga, Gabe, sabi niya sa sarili. Bawal ma-inlove. Gusto mo bang mamatay sa sama ng loob?

----------------

Maliwanag na ang paligid nang magising si Gabe. Kukurap-kurap ang mga mata.

Puting kisame?

Napabalikwas siya sa hinihigan.

Nakatulog pala siya sa penthouse. At wala na siyang damit pangtaas. Shit. Sinukahan nga pala ni Daniel ang kanyang polo. Hinanap niya ito sa sahig, pero hindi niya makita.

‘Nilabhan ko na,’ sabi ng boses sa kanyang kanan. ‘Tuyo na rin.’

Paglingon ni Gabe ang nakita niyang nakaupo sa may dining table si Daniel, umiinom ng kape at nakatingin sa kanya. Napatayo si Gabe. ‘Boss, sorry! Nakatulog pala ako, sorry—’

‘No need to apologize. It was my fault, anyway.’

Hindi malaman ni Gabe ang gagawin. Totoo ba itong naririnig niya? Ito ang unang pagkakataon na umamin ng pagkakamali ang hayop. At hindi ito nakasimangot! Kalimitan pa naman ay badtrip ito kapag umaga, lalo na kung dumadating si Gabe para gisingin ito.

‘Mag breakfast ka muna, aalis tayo.’

Biglang kumulo ang tiyan ni Gabe. Hindi nga pala siya naghapunan sa sobrang pagod. At ang sarap ng amoy ng pagkain. Kita niya ang hotdog, omelette, sinangag, saging, cherries, at avocado. Meron ding toasted bread, butter, at keso.

Lumapit si Gabe. Tinanggal na ang hiya, tutal naman ay hindi madamot si Daniel at mahilig mag-alok ng pagkain. May nakahanda na rin na tasa, pinggan, at kubyertos para sa kanya. Mabait din pala ang walanghiya.

Sa sobrang gutom ay hindi niya alintana kung pinapanood man siya ng amo habang kumakain. Basta kuha lang siya ng kuha ng pagkain. Napapapikit pa siya sa sarap.

Napansin na lamang niya na pinagtatawanan na pala siya ni Daniel. Hindi yung mapang-aping tawa, kundi tawa lang ng taong masaya.

‘Don’t mind me,’ sabi ni Daniel habang ipinagsasalin siya ng kape mula sa coffee maker.

Nilunok ni Daniel ang nginunguya. Nawiwirduhan talaga siya na sobrang bait ngayon ng amo. Pero ang lalong hindi niya kinakaya ay ang sitwasyon nila. Gaya ni Gabe, wala ring suot na pangtaas si Daniel. Mabuhok ang dibdib at mukhang kaytitigas ng mga muscles. Maliit ang katawan ni Daniel kumpara sa kanya, pero seksing seksi ito. Maliit ang bewang at perkpekto ang hugis ng mga kalamnan. Mahihiya rin ang karamihan kapag nakita ang washboard abs ng lalaki. Wala yata itong kahit anong taba sa katawan.

Nang maramdaman niyang umiinit ang kanyang mukha, muli siyang bumalik sa pagkain. Sa pagmamadali ay muntik na siyang mabilaukan kaya’t napainom siya ng kape. Maluha-luha si Gabe sa init nito, at muli na namang humalakhak si Daniel.

Natapos ang almusal na pareho silang tawa ng tawa. Kung anu-anong mga napagkwentuhan nila, mula sa mga karanasan sa buhay hanggang sa mga tao sa opisina.

‘Boss, saan nga po pala tayo pupunta?’ tanong ni Gabe.

‘Oh, yeah.’ Tumingin si Daniel sa wall clock. ‘Pupunta tayo sa Coron. We have to leave in an hour.’

Ito na ang mga pinakamaligayang araw sa buhay ni Gabe. First time niyang makatuntong sa white-sand beach. At hindi lang basta beach resort, yung sobrang mamahalin pa. Sa Maynila, maliit na private jet ang kanilang sinakyan, deretso sa isang exclusive island resort sa Coron, kung saan may hotel, guest houses, restaurants, swimming pools, at mga mamahaling tindahan ng kung anu-ano. Para siyang nasa ibang bansa. Parang isang palasyo sa tabing dagat.

Hiyang-hiya si Gabe nang binilhan siya ni Daniel ng mga bagong damit pangbakasyon, pati underwear, swimming trunks, at mga suot pampaa. Wala kasi siyang nadalang kahit ano mula sa Maynila. Nangako siya na babayaran ang mga ito, pero isang malutong na ‘Don’t be stupid’ ang sagot sa kanya ng amo.

Ipinagtaka ni Gabe na wala siyang nakitang kahit isang babae sa lugar. Napagtanto na lamang niya na isa itong gay resort. Kakaunti lamang ang mga tao dahil bukod sa pribado ay off-season pa. At karamihan sa mga nakikita niya ay talagang parang artista. Naiinis lang siya dahil kahit gaano kagwapo ang nakakasalubong ay tanging isang tao lang ang nasa isip niya.

Apat na araw na sila sa isla, at walang ibang ginagawa si Gabe kundi mag-jogging, maligo sa dagat at pool, mag hike sa mga burol, mag-gym sa hotel, at umorder ng pagkain sa kanyang kwarto habang nanonood ng pelikula sa malaking flat-panel na HD TV. Minsan naman ay sabay silang kumakain ni Daniel sa restaurant.

Puspusan ang kanyang pagwo-work-out dahil sa lakas kumain. Sa totoo lang, lumaki ng husto ang kanyang katawan mula nang magtrabaho para sa amo. Bukod sa may pera na siya pambili ng makakain, ngayon ay may panahon pa siyang gumamit ng weights sa lumang gym malapit sa kanila. Hindi masyadong defined ang kanyang mga muscles, pero hindi rin maipagkakaila na kaakit-akit ang kanyang katawan. Lalo siyang naging buff, lalong lumapad ang katawan. Ganon pa man, kahit mas malaki siya kay Daniel, pwedeng talo pa rin siya sa laban. Nagma-martial arts kasi ang kanyang amo at di hamak na mas matigas ang mga muscles nito.

Lumabas si Gabe sa kanyang kwarto na nakasuot lamang ng board shorts na blue at may dalang malaking puting towel. Sinilip niya ang pintuan ni Daniel, sarado pa. Nakatuloy sila sa isang dilaw na guesthouse na may dalawang kwarto. Mexican yata ang theme. O Moroccan daw yata, kung ano man yon. Ang dami-daming nakaukit sa mga pintuan at kakaiba yung itsura ng mga furniture. At bagama’t masarap mahiga sa kanyang kama ay mas nais niyang magpa-araw. Tutal nama’y alas-siete pa lamang ng umaga.

Lubos ang kanyang pasasalamat sa Panginoon na nag-break na si Daniel at Brandon. (Inamin ito sa kanya nang pasakay na sila ng eroplano.) Kung hindi dahil sa break-up ay hindi nag soul-searching si Daniel, at hindi siya naisama sa paraisong ito. Ewan ni Gabe pero parang sinapian ng anghel ang amo niya. Una, hindi na ito mautos; pangalawa, hindi pa siya napapagalitan simula ng umalis sila ng Maynila; at pangatlo, para silang normal na magkaibigan kung mag-usap. Malaki pa rin ang paggalang sa boses ni Gabe, pero ngayon ay medyo malaya na niyang naipapahayag ang kanyang damdamin. Para tuloy gusto na niyang maniwala sa himala.

Ang problema nga lang, bihirang lumabas ng kwarto si Daniel. Ayaw naman nitong sumama sa kanya kapag niyayaya niyang lumabas. Kesyo masakit ang ulo at kung anu-ano pang dahilan. Kung nagtatrabaho man ito ay hindi niya alam. Ipinangako na lang ni Gabe na palagi niyang dadalhin ang kanyang cell phone kung sakaling may ipapagawa sa kanya.

Naglakad-lakad muna siya at napagpasyahang humiga sa isang lounger na nalililiman ng palm trees. May mga konting tao na naliligo sa dagat, pero walang mga nagsa-sunbathing. Nakapikit ang kanyang mga mata habang nakahiga; ninanamnam ang sarap ng hangin. Dapat niyang bilhan ng magandang pasalubong ang mga kapatid para naman hindi sila masyadong mainggit. Natatawa si Gabe. Sino ba namang mag-aakala na darating ang araw na makararanas siya ng ganito.

Naramdaman niya na may umupo sa katabing lounger.

Si Kellin pala. Yung may-ari ng dive shop.

Maliit ng konti si Kellin kay Gabe, pero mas malaki ang katawan, pang body builder. Malaman at puro muscles. Yung parang pader kapag binangga. Naka board shorts din lamang ito kaya’t lutaw ang magandang katawan. Malaki rin ang ngiti sa mukha na lalong nagpapagwapo sa tisoy.

‘Tol, kumusta?’ bati ni Gabe.

‘Okay naman,’ tugon ng lalaki. ‘Boyfriend, hindi mo kasama?’

Napatawa si Gabe. ‘Sira ulo ka talaga, boss ko nga yon, sabi ko sa ‘yo, diba? Bakit ba ayaw mong maniwala?’

‘Yang gwapo mong yan? Hindi yata ako makapaniwala na alalay ka lang nung suplado na yon.’ Kumindat si Kellin.

Unang beses pa lang silang nagkakilala ay todo na ang pag-flirt nito sa kanya. Masarap nga pala sa pakiramdam. Matagal na panahon na rin bago naramdaman ni Gabe ang ganito. Sa dami kasi ng problema ay hindi na niya maasikaso ang love life. At nang mapapasok naman siya sa amo ay halos wala na siyang oras mag-isip ng ibang bagay. Mga kapatid nga niya, hindi na niya nakakasama.

‘May boyrfriend ka?’ pangungulit ni Kellin.

‘Wala,’ sagot ni Gabe. Pero kung crush, oo. Malaking OO. Dun sa lalaking natutulog sa tabi ng kwarto ko. Yung kasabay kong magtanghalian. Yung nakakatunaw kung tumitig at nakakasilaw ang mga ngiti.

Ang problema ay walang patutunguhan ang kabaliwan niya. Kahit kailan ay hindi siya magugustuhan ni Daniel. Lampas langit ang pagitan nilang dalawa. Pero yung nakakasama niya ito araw-araw, pwede na rin. Siguro masakit sa huli, pero saka nalang niya iisipin yun.

‘Ako, ayaw mong maging boyfriend?’ tanong ni Kellin.

Tawa na naman si Gabe. ‘Pwede naman kaso paano ‘pag aalis na ako dito, eh di ma-mi-miss kita. Tapos malulungkot lang ako.’

‘Joke ba yan? Eh hindi mo nga ako tine-text kahit binigay ko na sa ‘yo yung number ko.’

Umiling-iling si Gabe habang nakangiti. Nakatitig siya sa katabing lalaki. Katakam-takam talaga pero ewan ba niya, parang na-gi-guilty siya. Pakiramdam niya ay pinagtataksilan niya si Daniel. Para siyang tanga dahil wala namang namamagitan sa kanila ng kanyang boss. Umaasa lang siya sa wala.

‘Bakit kasi hindi mo ako yayain mag-date?’ udyok ni Gabe. Napagdesisyunan niyang patulan na ang lalaki. Tutal naman ay matatanda na sila at hindi na uso ang pa-cute.

Lalong lumaki ang ngiti ni Kellin. Lumuhod ito sa buhangin at kinuha ang kanyang kaliwang kamay. ‘Gabe, pwede ba kitang mai-date mamayang tanghalian at mamayang gabi at araw-araw na nandirito ka? Ibibigay ko sa ‘yo ang lahat, sagutin mo lang ako ng matamis mong oo.’

Napahagikgik si Gabe. Hindi niya mapigilan ang kilig. Sumasakit ang kanyang mukha sa kakangiti. ‘Sigurado ba yan, masisiyahan ako ha?’

‘Oo naman! So, ano, payag ka na ba?’

Kunwari’y nag-iisip pa si Gabe. ‘Si—’

‘Gabe,’ sabi ng isang boses sa kanilang likuran.

Paglingon ni Gabe, si Daniel pala. Cool na cool, gwapong gwapo. Pero ito yung hitsura na kinakatakutan ni Gabe. Ito yung Ice King na persona ng boss.

Tumayo si Gabe, hinila si Kellin pataas. Tahimik lang ito na nakatayo sa tabi niya at nakangisi. Panay naman ang pagbayo ng dibdib ni Gabe. Meron ba siyang ginawang mali?

‘Boss?’ tanong ni Gabe.

‘I was calling your cell phone, but you weren’t picking up.’

Agad na hinanap ni Gabe ang cell phone. Shit. Naiwan nya yata sa banyo.

‘I need you to do something for me.’ Ito lang ang tinuran ni Daniel at naglakad na pabalik ng guest house.

Parang tuod na napako si Gabe sa kinatatayuan. Tinamaan na ng magaling.

May mahinang tawa siyang narinig sa kanyang tabi. ‘Parang may nagseselos, babe.’

‘Tsk. Ano na naman kayang problema non?’

‘So. Our lunch date later…’

‘Sorry ha. Hindi yata pwede. Sa susunod nalang, okay lang ba? Ite-text kita.’

Tumango si Kellin. ‘Sure.’ Sabay halik sa pisngi ni Gabe. Lumakad palayo si Kellin, papunta sa dagat.

Lalong hindi malaman ni Gabe ang gagawin. Nakatitig lamang siya kay Kellin. First time na may humalik sa kanya sa pampublikong lugar. Napaka-gwapong lalaki pa.

Pag-lingon niya ay nakatayo pa pala sa ‘di kalayuan si Daniel at nakatitig sa kanya.

‘Tangina.’

----------------

Hindi malaman ni Gabe kung anong palusot ang sasabihin. Bakit ngayon pa kasi sya nakalimot ng cell phone. Wrong timing talaga!

Sinundan niya si Daniel sa guest house. Parang may hindi magandang mangyayari, nararamdaman na niya. Tumutulo ang pawis niya sa noo; pinunasan niya ito gamit ang kanang braso.

Pagkasarado niya ng pinto ay humarap sa kanya si Daniel. Tila may itim na apoy na nagliliyab sa mga mata nito, at lalong lumakas ang kabog sa kanyang dibdib. Nanlaki ang mga mata ni Gabe sa mga sumunod na pangyayari. Walang anu-ano’y nagtanggal ng sando, shorts, at brief si Daniel. Tigas na tigas ang ari.

Lalong hindi nakagalaw si Gabe. Napalunok siya nang humakbang si Daniel palapit sa kanya. Amoy niya ang mainit na katawan ng lalaki. Dagat at suntan lotion. Ang bango ng hininga, pinapasok ang kanyang kaloob-looban, binubuhay ang kanyang pagkalalaki.

Marahang inilapit ni Daniel ang mukha habang nakatitig sa kanya. Litung-lito si Gabe. Hindi alam ang gagawin. Mali. Maling-mali ang gustong mangyari ng amo sa kanila. Ano ba ‘to? Ano ba sya? Rebound sex?

Pero iba ang hatak ng kalamnan. Iba ang dampi ng malalambot na labi, ng pagpasok ng dila sa kanyang bibig. Mainit at nakapanghihina. Napapikit si Gabe, huminga ng malalim, at tuluyan nang nagpadala sa tukso. Hinila niya ng yapos ang amo hanggang maglapat ang kanilang katawan. Napaungol si Daniel sa higpit ng yakap, sa pagdait ng matitigas na ari na manipis na tela lamang ang naghihiwalay.

Lumalangoy ang isang daang tanong sa utak ni Gabe, subalit lahat iyon ay kanyang iwinaksi. Isa lamang ang naghari sa kanyang puso at isipan. Ang lalaking matagal na niyang inaasam.

Binuhat niya si Daniel at ikinrus naman nito ang mga binti sa kanyang bewang; nakapulupot ang mga braso sa kanyang balikat. Patuloy sila sa paglalaplapan; mga labing uhaw sa pagmamahal.

Makalipas ang ilang sandali ay lumakad si Gabe patungo sa kanyang kwarto habang buhat-buhat ang hubo’t hubad na katawan ng lalaki. Marahan niyang ibinaba si Daniel sa kama, at buong pagmamahal na dumaloy ang kanyang mga halik sa leeg at dibdib nito. Matamis ang balat ng lalaki at wala siyang ibang nais gawin kundi ang magpakasasa dito. Gusto pa sana niyang laruin ang katawan ng katalik, subalit sumasakit na ang kanyanga ari sa tigas; baka labasan siya kaagad. Tinanggal ni Gabe ang sariling shorts at underwear. Inabot ang bote ng lubricant sa ibabaw ng side table, binasa ang mga daliri at naghuhumindig na pagkalalaki. Nakatitig siya sa mga mata ni Daniel habang pinapasok ng mahabang daliri ang biyak nito. Habol ang paghinga sa marahang pagpapaluwag ng butas.

Nakalapat ang katawan ni Daniel sa kama habang nakatagilid naman si Gabe sa kaliwa nito. Nakapatong sa kaliwang braso ni Gabe ang ulo ng lalaking mahal. Nakabukaka si Daniel habang tatlong daliri ang labas-pasok sa kanyang kweba. Napaungol si Daniel sa sarap, lalo na nang basain ng dila ni Gabe ang kanyang kanang tenga.

Sa bawat halinghing ni Daniel ay lalong nauulol si Gabe. Hindi na niya napigilan ang sarili. Iniayos ang katawan, itinagilid si Daniel paharap sa kanya, at dahan-dahang ipinasok ang ari sa naghihintay na biyak. Napamura si Gabe sa sikip. Kay init ng kwebang pinasok. Kitang-kita niya ang pagtirik ng mga mata ni Daniel, ang pagbuka ng bibig sa sigaw ng katahimikan. Nuebe pulgada ang haba ng titi ni Gabe; mataba at maugat. Pasok na pasok sa hiwa ng kaulayaw.

Nang makapag-adjust si Daniel ay muli silang naghalikan. Walang usap; puro hingal at malalim na hininga lamang habang pabilis ng pabilis sa pagkayod si Gabe. Hingal na hingal siya. Kanina pa niya gustong pumutok subalit gusto niyang siguraduhing hindi mabibitin si Daniel. Muli niyang inilapat ang katawan nito sa kama at saka dinaganan, walang tanggalan ng burat, walang puknat ang yakap at halikan.

Napatigil si Daniel sa paghalik nang kumawala sa bibig ang isang malakas na sigaw. Naramdaman na lamang ni Gabe na may tumalsik na malapot na likido sa gitna ng kanilang mga katawan. Sa higpit ng pagbalot ng pwet ni Daniel sa kanyang kargada ay hindi na napigilan ni Gabe na labasan ng tamod. Nanginginig pa siya habang sunud-sunod ang ginawang pagpapaputok sa loob ng lagusan. Muntik na siyang mapanawan ng ulirat.

Bagsak ang katawan ni Gabe sa basang katawan ni Daniel. Parehong nakapikit ang kanilang mga mata. Nang makahinga-hinga ay muli silang nagpalitan ng halik. Wala nang pagmamadali, subalit naroon pa rin ang init at libog. Hindi pa rin lumalabas ng kweba ang matigas na burat ni Gabe. Talagang tinamaan na siya sa kanyang amo.

Muling umindayog ang pwet ni Gabe. Marahan at swabe ang pagkadyot. Napabuntong hininga naman si Daniel. Habang patuloy sa paglabas pasok ang kanyang alaga ay unti-unting bumaba ang mga halik ni Gabe, hanggang umabot sa dibdib. Basang-basa ito ng pawis at tamod. Nilaplap lahat ni Gabe; pinagtuunan ang matitigas na utong. Sinupsop at kinagat-kagat ang mga ito. Hindi naman magkamayaw sa sa sarap si Daniel, lalo pa nang umabot sa kanyang ari ang mainit na bibig ni Gabe. Habang kinakantot siya ni Gabe ay isinusubo naman nito ang kanyang ari. Wala pang dalawang minuto ay muli na namang nilabasan si Daniel. Sahod ni Gabe ang bawat tamod; walang pinalampas na kahit isang patak.

Naramdaman ni Gabe na malapit na ulit siyang labasan kayat itinagilid niya si Daniel, pinagdikit ang mga hita—lalong sumikip ang butas. Nakaluhod si Gabe, nakabaon ang higanteng burat kay Daniel, labas-pasok, pabilis ng pabilis, kantot kabayo, nililindol ang kama sa lakas ng pagbayo. Sabay ang pagsigaw nila ni Daniel nang labasan si Gabe.

Nakapikit ang mga mata ni Daniel. Aakalain mong patay ito kung hindi lamang taas-baba ang dibdib sa paghangos. Balot ito ang pawis, subalit sa mga sandaling iyon ay lalong napamahal dito si Gabe.

Pag-hugot ni Gabe sa kanyang burat ay tumulo ang tamod mula sa butas. Tumungo si Gabe para laplapin ito. Nilaro-laro ang butas. Mabango; amoy strawberry. Pinaghandaan talaga ni Daniel ang laban. Hinalikan ni Gabe ang gilid ni Daniel habang gumagapang pataas, hanggang makahiga sa tabi nito at muling mag-abot ang kanilang mga labi. Ilang segundo pa silang naghalikan.

Ngumiti si Daniel at dumampi ang palad nito sa kanyang pisngi. Hindi makapaniwala si Gabe sa mga nangyari. Hindi niya kailanman inakala na may mangyayari sa kanila ng boss niya.

Yayakapin pa sana ni Gabe si Daniel subalit tumayo na ito. Nilingon siya, binigyan ng isang kindat, at saka umalis ng kwarto. Pagkasarado ni Daniel ng pinto ay bumagsak sa kama si Gabe.

Kinakabahan siya sa laki ng gusot na kanyang pinasok.

May tatlumpung minuto pa bago sila makarating ng apartment pero parang hindi na tatagal ang pasensya ni Daniel, sa pakiramdam ni Gabe. Sa lahat ng ayaw nito ay matinding traffic. Kaliwang kamay ang gamit ni Gabe sa manibela, habang nakapatong naman sa hita ni Daniel ang kanan.

Mahigit sa dalawang buwan na mula nang makabalik sila mula sa Coron. Sa panahong iyon ay medyo malaki na ang ipinagbago ng kanilang relasyon. Sa harap ng ibang tao, propesyonal pa rin ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Boss pa rin ang tawag ni Gabe kay Daniel. Pero sa likod ng saradong pinto, kapag silang dalawa nalang, parang maamong kuting si Daniel, palaging hinahanap ang kanyang mga yakap at halik.

Kung usapang pag-ibig, hindi maikakaila na nahulog na ng tuluyan si Gabe. Ulap ang nilalakaran niya araw-araw. May isang problema nga lang: ayaw ni Daniel ng relasyon. Gusto ni Daniel, magkaibigan lang, at sinabi niya ito noong nasa isla pa lamang sila. Wala namang magawa si Gabe dahil kahit anong gawin niya ay susunod lang siya sa utos ng lalaking mahal.

‘Okay ka lang, Dan?’ tanong ni Gabe. Inilapat niya ang kanang kamay sa batok nito at saka minasahe ang naninigas na kalamnan.

Napapikit si Daniel at naglabas ng buntong hininga. Umungol pa ng kaunti. ‘Fucking traffic.’

‘Malapit na tayo. May good news nga pala ako sa ‘yo.’

‘Ano?’

‘Hindi na halimaw ang tingin sa ‘yo ng mga tao sa office.’

Napangiti si Daniel. ‘Really.’

‘Seryoso! Ayun nga lang, nagiging crush ka na ng mga tao kaya sinisiraan pa rin kita.’

Bumulalas ng tawa si Daniel at pinalo ang kanyang hita. ‘Crazy. Why do I even put up with you?’

‘Huwag ka pati masyadong ngingiti kasi dadami yung mga kaagaw ko.’

Nagmulat ang mga mata ni Daniel at tumitig sa kanya. Sanay na dito si Gabe, yung pinag-aaralan ni Daniel ang kabuuan niya. Tahimik lang siyang nagmamaneho nang mapansing seryoso na si Daniel. ‘Ano yon?’ tanong ni Gabe, inilapat ang dalawang kamay sa manibela.

‘I—uhm, nothing. Nevermind.’ Umiling si Daniel at saka muling humarap sa labas ng bintana.

May kurot sa puso ni Gabe. Alam naman niya ang gustong sabihin ng lalaki. Na bawal ang ma-inlove, kasi masasaktan lang siya. Ilang beses na ba niya niyayang lumabas si Daniel para kumain o manood ng sine? Lahat yun tinanggihan, dahil hindi daw naman sila… ano nga ba ‘yon? Exclusively dating? Pero huli na ang lahat, alam naman nilang dalawa ‘yon—na matagal nang nahulog si Gabe. Ingatan na lang niya na huwag magsabi ng ‘I love you’ dahil baka lalong mailang sa kanya.

Ganon pa man, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Gabe. Ilang tulog na lang ay kaarawan na niya. At sa halip na mag-celebrate kasama ang mga kapatid ay nais niyang isurpresa si Daniel. Nag-ipon talaga siya at naghanap sa internet ng discount coupons para makapag-book ng isang gabi sa mamahaling hotel, para espesyal. Hindi naman kelangan malaman ni Daniel kung bakit. Sasama naman yun, sigurado. Wala naman itong naka-schedule na lakad nung tinanong niya noong isang araw.

Naramdaman ni Gabe ang palad ni Daniel sa kanyang hita.

‘Bakit bigla kang tumahimik?’ tanong ni Daniel.

‘Ah, wala naman…’

‘Come on, you can tell me.’

Gustung-gustong itanong ni Gabe kung ano bang patutunguhan nila, pero hindi niya pwedeng sabihin yon. Sinabi nalang niya ang isa pang problemang ayaw na sana niyang pag-usapan.

‘Tatay ko kasi, nangungulit na naman.’

‘You still don’t want his help? He can send the kids to school, right?’

Naramdaman yata ni Daniel ang pag-asim ng kanyang mukha kaya sabay bawi ito. ‘No, sorry. I mean, you’re right. You have every right to—’

‘Bakit kasi ngayon pa siya bumalik? Nung nag-aaral ako dati pinagtatabuyan ako ng asawa niyang hilaw kapag nanghihingi ako ng pang-enroll! Yung nanay at mga kapatid ko kapag nagkasakit, nasan sya? Dun sa ibang pamilya niya. Hindi naman kami ang pamilya niya. Kung hindi pa namatay ang nanay ko, hindi pa siya magpapakita. Tapos ngayong nakakaluwag na kami, saka siya mag-aabot ng tulong? Hindi ko kelangan ng tulong niya. Kaya kong pag-aralin ang mga kapatid ko na ako lang.’

‘Sorry, babe, I shouldn’t have said that,’ pang-aamo ni Daniel. ‘Mga kapatid mo pala, anong sabi?’

Napailing si Gabe. ‘Yung dalawa, shempre gusto nila. Tatay din naman nila ‘yon… at ngayon nga binibigyan sila ng pera at mga gamit, hindi ko naman mapigilan. Ipinapaliwanag ko nalang na pagdating sa pagpapaaral, dapat akin yon, dahil yun ang sabi ko kay inay. Kahit igapang ko yan, gagawin ko. Si Anton lang yata ang nakikinig sa akin ngayon eh. Hindi tumatanggap ng lagay sa tatay ko. Buti hindi niya tatay yun.’

‘Ano bang gustong laruan ni Anton?’

‘Naku, huwag na, marami ka nang naibigay dun sa mga yon. Spoiled na masyado.’

‘Kung ibibigay ko sa kanila yung mga binibigay ng tatay mo…’

‘Huwag na.’

‘Okay, suit yourself.’

Lalo lang nainis si Gabe. Ano namang tingin nito sa kanya? Hindi kayang ibigay ang pangangailangan ng mga kapatid? Parang wala naman siyang kwentang kuya.

Hindi na sila nag-usap hanggang makarating sa apartment. Ipinarada ni Gabe ang sasakyan at inihatid si Daniel, dala-dala ang mga gamit nito. Pagdaan nila sa lobby ay napatigil Gabe.

May isang lalaking nakaupo sa sofa. Matangkad, katawan na parang modelo, maliit na mukha na perpekto ang bawat anggulo. Buhok na halatang pinagupitan sa mamahaling salon. Ito ang taong ayaw na sanang makita ni Gabe kahit kailan.

‘Hey, hon,’ bati ni Bandon kay Daniel, sabay halik sa pisngi.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ang Boss at ang Driver (Part 1)
Ang Boss at ang Driver (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhP3BnpEDTEA6OFgT0C4UcaR-7f3tEdOl2T1XfS71n3P02iqeMNKYf6o8RVarp3hNKFwwAj-POXhCKdsUH7AzCiRBZScsJaYPasuOzXyq8ox9OmxcJU3wnlR6Ik5kLF2LezXo7xQ6_hZBz7/s320/Ang+Boss+at+ang+Driver.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhP3BnpEDTEA6OFgT0C4UcaR-7f3tEdOl2T1XfS71n3P02iqeMNKYf6o8RVarp3hNKFwwAj-POXhCKdsUH7AzCiRBZScsJaYPasuOzXyq8ox9OmxcJU3wnlR6Ik5kLF2LezXo7xQ6_hZBz7/s72-c/Ang+Boss+at+ang+Driver.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/07/ang-boss-at-ang-driver-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/07/ang-boss-at-ang-driver-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content