By: Prince Zaire Masarap parin ang mabuhay kahit ano pang manyari, law of attraction ika nga. Yung katawan natin ay parang magnet, if po...
By: Prince Zaire
Masarap parin ang mabuhay kahit ano pang manyari, law of attraction ika nga. Yung katawan natin ay parang magnet, if positive ka you also attract the positive. Beautiful things happen when you distance yourself from the negative.
Yan nga ang naging motto ko, nagresign ako sa trabaho at nag-apply sa iba. Ayun natanggap ako, kaya naman pag-uwi ko ay nagtake-out ako ng burger Mcdo na naging parte na ng buhay ko.
Pagkauwi ko ay agad akong naupo sa sofa sa sala saka binuksan ang TV. Binuksan ko narin yung burger ko at bago ko pa magawa ang unang kagat ay napukaw ako ng isang commercial.
Muntik na,
Nasanay ako sa ‘king pag-iisa
Kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko”
Andun na yung pagsubo eh, ayun na oh nasa harapan na ng bibig ko. Tapos bigla nalang nag-close ulit yung labi ko, at ibinalik sa wrapper ulit ang Burger Mcdo.
Tuloy parin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na kong hamunin ang aking mundo
Pagkat tuloy pa rin”
“Wow, seriously?” tugon ko sa sarili ko. Napaka-ironic talaga ng buhay, pero nagpapasalamat ako sa McDo sa mga magagandang commercial nila. Tinitigan ko lang ang inilapag kong burger mcdo saka napa-ngiti. Kinuha ko ang fries saka ito pinapak.
“Hay naku Kiko, dapat fries before guys ka na ngayon” tugon ko sa sarili ko sabay papak sa fries na binili ko. Di ko talaga kinain yung burger, hinayaan ko lang dun kaya nang makita ito ng kapatid ko ay ibinigay ko nalang.
Wala talagang permanente sa mundong constant ang change. Walang permanente lalo na sa mga taong kagaya ko na hopeless romantic at kabilang sa rainbow territory. Yung kahit na inabot na kayo ng 7 years, nagplano na ng future, nag-ipon, sabay na nangarap pero ayun wala parin – nauwi sa hiwalayan at sa mga linyahang it’s not you it’s me na gasgas na gasgas na.
Akala ko si Franco na ang forever ko – kaso nakalimutan ko wala palang forever at may expiration date pala ang pagmamahal. Akala ko na siya na yung kasama ko pagtanda, akala ko siya na yung kasa-kasama kong kukuha ng pension sa SSS at sa mga insurance company. Akala ko siya yung kasama ko na pupunta sa St. Peter para magpareserve ng lote sa sementeryo. Akala ko lang pala lahat yun.
Everything has changed.
Naaalala ko pa yung araw na nakipag-break siya sa akin. It was July last year sa McDonalds sa may Katipunan. Kung pansin niyo, hawig ng store na yun yung nasa commercial ng McDonalds. Umuulan noon at galing ako ng trabaho, pagdating ko ay naka-order na siya ng burger, fries at monster float plus apple pie. Nagbeso pa ako, kumustahan, konting lambing tapos nagsalita na siya.
“Francis” tinitigan ko siya sa mata, akala ko magpopropose kaya naman abot Fairview yung ngiti ko. “Francis, let’s end this”
Yung ngiti kong hanggang Fairview nabitin sa may Philcoa, “Ah, ano ulit yun?” tanong ko.
“Let’s call it quits, gusto ko nang makipag-break sayo.”
“Why? Franco naman, why? 7 years brad, ano? Anong reason mo, may mali ba sa akin? May iba na ba?” tanong ko habang unti-unti nang pumapatak yung luha ko. Ang drama ano, pero totoo.
“It’s not you Francis, it’s me”
“Tang inang yan ah, pwede bang mag-isip ka naman ng original na break-up statement para naman pag sinulat ko tong kwento natin ay ma-engganyo naman yung mga readers ko”
“Francis”
“Ano?”
“Gusto ko magkapamilya, gusto ko magka-anak alam mo naman yun diba. Magp-propose na ako kay Ingrid.”
Nag-smile lang ako, para akong nasampal. Ay oo nga pala Kiko, kahit pa ubusin mo ang tamod sa katawan niya ay hinding hindi ka mabubuntis dahil wala kang matres – Kiko, wala kang matres tandaan mo yan!
“Salamat sa lahat Francis” saka niya ako niyakap, kahit papaano ay may natitirang pagmamahal parin siya sa akin. 7 years kaya yun, 7 years ng pagkakaibigan at pag-iibigan. Masakit man ay pinakawalan ko siya, dahil parang tali lang yan eh, hanggat hinihigpitan mo ang kapit ay lalo kang nasasaktan at in the end lalo kang masusugatan.
Iniwan niya ako dun, ako naman tulala. Tunaw ang ice cream sa monster float, tinititigan ko lang ang patak ng ulan sa labas habang hawak hawak ang friendship ring na binigay ko nung 1st anniversary namin – he gave it back. Hindi ko sinauli yung bigay niyang bracelet, I’m the person who never let go of important things given by important people. Siguro nga di ako importante sa kanya, because he let me go despite the years we shared. Despite me being selfless of just knowing one thing- to love him. Nakiki-dalamhati ang kalangitan sa pinagdadaanan ko. Antagal ko bago nakamove-on, lalo pa at may mga instances na nakikita ko sina Ingrid at Franco na sweet na sweet sa isa’t-isa. And take note, ang babeng hitad, nakalunok na ng pakwan – ang bilis ng transition isang putok lang lobo agad, pero di ko lang sure kung buntis siya or napasarap lang ang kain nila sa cheap na restaurant na uso ang unli rice. Samantalang pag tayo, kahit mag acrobatic na tayo sa pagtuwad wala, aagos parin palabas, iuutot pa natin ene beyen nepeke unfair nemen neng leyf.
Nagfocus ako sa aking work, nag-stress eating ako kaya naman mas tumaba ako lalo. Yung dating parang Anna Kendrick ang katawan 3 years ago, naging Fat Amy na makalipas ang anim na buwan matapos ang breakup. Galing no? After 6 months, natauhan na ako mali na yung ginagawa ko lalo pa at umaasa akong babalik pa si Franco sa akin. Wala, umasa lang ako. Kaya naman, nagbalik loob ako sa paggi-gym at nagpapayat, nagdasal sa Obando baka sakali lang naman. At ngayon nga, July na ulit Jessy Mendiola na ang katawan natin. Charot lang, mas JC De Vera ang katawan – kinda malapit sa ganun.
I’m Francis, I’m on my late 20’s now at isa akong Assistant Professor sa pinakamalayang pamantasan sa bansa. Maraming nagtatanong sa akin, “Sir, kelan ka po magsesettle?” “Sir, may girlfriend ka na?” “Sir, paano po magmove-on””Sir bakla ka?” “Sir bakit ang Jupiter maraming moon?”. Lahat na ata ng mga tanong ay naririnig ko sa ibat ibang klase ng tao araw-araw. May mga tanong talaga na mahirap sagutin oh yung iba naman ay mas maigi nang wag mo nang sagutin pa.
After 3 years of being with this university ay napagpasyahan ko nga na mag-resign na, iwanan ang pagtuturo at mag-apply sa isang company kung saan magagamit ko ang skills ko sa Advertising Arts.
Natanggap ako sa Design Firm at kailangan ko lang magmedical at ipasa ang mga ka-chorvahang papeles na yan.
Kinaumagahan nga ay nagpunta ako ng ospital at magpapa-physical exam ako. Andami nang pila nung nagpunta ako kasi di ko inagahan. Ganun talaga, kung hindi ka early bird ikaw ang magiging worm. Ininda ko ang pila at bago mag lunch break ay ako na yung nandun.
Pagpasok ko sa kwarto ay tumambad agad sa akin ang magandang tanawin. Gwapo yung doctor, matangkad, tisoy, may stubbles, nangungusap yung mga mata, makapal ang kilay, pantay pantay ang ngipin, mapupula ang mga labi – in short masarap at papable kaya naman yung bottled water na hawak hawak ko ininom ko lahat ang laman.
“Anong atin Mr. Dela Rosa?” shet boses palang niya pumutok na ata yung pantog ko.
“Ey, wele nemen Doc”
“Ano yun?”
“Ah sorry Doc, ahhm, PT for for employment”
“Ah ganun ba?” kinuha niya yung stethoscope niya, lumapit siya sa akin at inexamine ako. Tang ina nag-aapoy ang pakiramdam ko, lalo pa at naamoy ko yung pabango niya. Andaming pumapasok sa utak ko, malaki kaya
thingy nito, masarap kaya siya humalik? Magaling kaya siyang hinete?
“May sinasabi ka Mr. Dela Rosa?” tanong ni Doc kaya naman nabigla ako.
“Wala naman po, di nga ako umiimik eh”
“Nababasa ko takbo ng utak mo, sa utak mo hinuhubaran mo na ako ah” pahayag ni Doc sabay tawa kaya namula ako.
“Oh dali hubarin mo na yang mga damit mo”
“Ha?”
“Sabi ko, hubarin mo na lahat mga damit mo”
“Is it necessary Doc?”
“Of course”
Nakipagtitigan ako sa kanya mata sa mata.
“Dali na Mr. Dela Rosa, maglalunch break na oh, gutom na ako” pahayag ulit ni Doc.
Kaya naman pumunta ako dun sa may bed side, kinuha yung robe, iniadjust ang kurtina saka naghubad.
“Ang arte makikita at mahahawakan ko din naman yan”
Nang makabihis na ako ay lumapit na sa akin si Doc. “Tanggalin na natin to para walang sagabal sa examination” Tinanggal niya nga ang robe kaya naman hubot hubad na ako.
“Patigasin mo nga yan” utos niya.
“Hala siya” anggal ko, siya naman lumapit saka hinawakan ang yagballs ko kaya naman medyo napaigtad ako, pinisil pisil din niya ang ari ko kaya naman nabuhay ito. “Laki din ah, nice. Wala ka naman erectile dysfunction. Oh dali, higa ka na dito tas tuwad ka”
“Lah, para saan nanaman, minamanyak mo ba ako Doc?”
“Sa gwapo kong to mamanyakin kita, Mr. Dela Rosa kasama po sa pre-employment medical niyo ang rectal exam. Dali tuwad na”
Sumunod nalang ako, nagsuot naman si Doc ng gloves. “Papasok ko na” isa palang nung una, hanggang sa dalawa tapos tatlo na kaya naman medyo napaungol ako pero tinawanan niya lang ako.
Napamura pa talaga ako ng kumikiwal kiwal na yung mga daliri niya sa loob ko at tinatamaan niya yung prostate ko. “Aaaah, tang ina”. Matapos kong sabihin yun ay agad na hinugot ni Doc yung mga daliri niya. Tigas na tigas na ako nun kaya naman nabitin ako.
“Yun na yun?” tanong ko.
“Ano pa ba, pwede ka nang magdamit Mr. Dela Rosa”
Inirapan ko lang siya dahil talagang bitin ako at sumakit na yung puson ko. Sinunod ko nalang siya kaya nagbihis na ako at umupo dun sa upuan para sa pasyente.
“So far ok naman ang result ng medical mo Mr. Dela Rosa, physically fit ka naman to work.”
“Salamat Doc”
“Nakikita ko basag parin yang puso mo, you’re not over him are you?”
“Ha?” pagtataka kong sagot.
Nagtaas baba lang yung kilay niya saka niya ako tinitigan.
“Mr. Dela Rosa what if I tell you that you only have another few months to live?”
Nanlaki yung mata ko, tang ina di magandang biro yun ah. Ang healthy ko kaya, wala akong bisyo, di masyadong naglalasing, palaging nage-exercise, walang sakit. Tapos sasabihin niya, what if in few months mamatay na daw ako.
“Mr. Dela Rosa, what if?”
“Di yan magandang joke Doc, hay naku gwapo ka pa man din tapos ganyan ka- nananakot ka”
Tinawanan niya lang ako.
“Hay Mr. Dela Rosa, kung alam mo lang”
“Na ano Doc?”
“Soon, oh sige mag lalunch na ako”
Umalis ako sa ospital na dala-dala parin yung statement ni Doc. “What if I tell you- you only have few months to live”.
Paano niya nasabi yun, Diyos ba siya? Hindi diba? Hay naku Kiko, paranoid ka nanaman.
“Pero paano niya nalaman na heartbroken parin ako, obvious ba? Nakita ba niya ito sa ECG? Sa Xray?” my goodness nababaliw na talaga ako.
“Kiko, stop overthinking” kaya naman nagdrive na ako pauwi, at nang may nadaanan akong malapit na gasolinahan ay nagpa-gas muna ako.
“Magkano po?”
“Full tank” pagtingin ko sa gasoline boy tang ina namamalik-mata ba ako, kamukha ni Doc.
“Hoy, anong ginagawa mo dito?”
“Ha? Dito po ako nagtatrabaho, kilala mo ako Sir?” malabo na ba paningin ko? Pinikit ko ng matagal yung mata ko, pero pagmulat ko, siya talaga, siya yun, magkamukha sila ni Doc. Tinitigan ko lang siya, siya naman nginitian niya lang ako. Matapos nun ay nagdrive na nga ako at nagpunta sa Starbucks sa may Mindanao Ave bago pumasok sa Village namin.
“Hi Sir, Good Afternoon may I take your order please?”
Naka-tingin ako nun sa menuboard pero alam ko na ang bibilhin ko. “Coffee Jelly Venti” pagtingin ko sa barista, siya ulit. Kaya nagkusot ako ng mata. “What the fuck!” bulyaw ko.
“May problema ba Sir?” tanong niya.
“Ba’t nandito ka ulit? Kanina nasa ospital ka, tapos sa gasolinahan, tapos ngayon andito ka nanaman? Ginu-good time mo ba ako?”
“Kilala mo ako Sir?”
Tinignan ko yung nametag niya, Howard ang pangalan. What a coincidence, yung sa gasolinahan Howard din. Si Doc, Howard din. Putang inang buhay to, pinaglalaruan ata ako ng Universe. Makaraan ang ilang minuto ay nakuha ko na ang drink ko.
“Coffe Jelly Venti for Sir Francis” sigaw ng isang barista.
“Hey Howard did you ask my name kanina? I didn’t remember saying anything”
He smiled “Kahit di mo sabihin, kilala kita”
Nanlaki yung mata ko na para akong kinilabutan, what the hell anong nangyayari? Umuwi ako sa bahay namin, ang weird lang dahil walang tao.
“Ma, Danica, asan kayo?” sigaw ko, walang sumagot. Kaya naman nagtungo nalang ako sa kusina at nagluto. Matapos akong makapagluto, kumain at maghugas ay nagpahinga muna ako at nanood ng TV. Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng biglang may kumatok sa pinto. Kaya naman tumayo ako para pagbuksan ito.
Pagbukas na pagbukas ko ay nakita ko si Howard dun sa pinto.
“What the hell” sigaw ko kaya naman napagsaraduhan ko siya ng pinto.
“Francis, buksan mo to we need to talk”
“Di kita kilala demonyo ka, umalis ka na” pagkasabi ko nun ay binaling ko yung paningin ko sa may sala and tadaaaah, andun na siya.
“Paanong?”
“Bukas yung pinto ng kusina, dun ako dumaan”
“Gago wala kaming pinto sa kusina”
“Ah basta”
Takang taka parin ako, sino ba tong gwapong lalake na ito. Kung kampon man siya ng demonyo ay nakahanda akong magahasa niya.
“Sino ka ba?” tanong ko.
“Ako ang past, ang present at ang future mo”
“Anong drugs ang tinira mo brad, lakas ng tama ah. Sumbong kita kay Duterte gusto mo?”
“Francis, lumapit ka sa akin”
“Ayoko nga, baka gahasahin mo pa ako”
“So ayaw mo?”
Lumapit nga ako sa kanya, kaya naman ngumisi siya ng nakakaloko. “Gusto mo palang magahasa eh”
“Sino ka nga?” tanong ko ulit.
“I’m Howard, at gaya ng sabi ko ako ang past ang present at ang future mo”
“Corny”
Sinakyan ko nalang ang ka-weirduhan ng gagong iyon. Kahit napaka-weird na niya talaga at nakakatakot na minsan. Doon nag-start ang pagkakaibigan namin, dahil sa kanya ay nakalimutan ko ang aking mga problema. Dahil sa kanya ay mas gumaan yung loob ko, madali kasi akong ma-aattach- yun yung sakit ko.
Paglipas nga ng mga araw ay panay dalaw na niya sa bahay ko, panay dala niya ng food at kung minsan ay magkatabi na kami matulog. Nanonood ng sine, namamasyal sa park na parang mag-jowa.
“Ano to? Ano ba talagang pakay mo?” tanong ko sa kanya one time habang nasa may Pinto Art Museum kami.
“Wala, gusto lang kitang makitang maging masaya. You’ve suffered a lot Francis”
“Pinagsasabi mo? So pinapaasa mo lang ako ganun ba?”
“Di naman, I just want you to be happy Francis – the happiness you deserve”
For the 1st time sinubukan ko siyang yakapin.
“Wag” angal niya, pero huli na nakayakap na ako sa kanya at parang bolta-boltaheng kuryente yung natransfer sa katawan ko. As in literal ah, para siyang living defibrillator.
“Tang ina ang lakas ng sparks natin ah” biro ko pa kahit na nanginginig at shocked parin ako.
“Sinabi na kasing wag eh, ginawa parin ang tigas talaga ng ulo mo. Next time wag na wag mo nang gagawin iyon ah?”
“Bakit naman?”
“Basta, malalaman mo rin”
“Eh di mo pala ako pwedeng gahasain pag nagkataon, makukuryente lang ako sa bawat labas masok mo”
“Gago” tugon niya.
“Mahal na ata kita Howard”
“Libog lang yan kid, saka di pwede. Sabi ko nga, ako ang past, present at future mo. Kung ano ka ay yun din ako”
“Weird mo, diyan ka na nga”
Panay parin ang tanong ko kay Howard kung bakit lagi niya akong sinusundan, lagi siyang sumusulpot kung nasaan ako. Ang weird talaga niya. Dapat nga weird ang title ng walang kwentang story’ng to.
“Ba’t ang weird mo?” tanong ko.
“Ba’t andami mong tanong?”
“Ba’t ang gwapo mo?”
“Malay ko?”
“Ba’t ang hot mo?”
Tinitigan niya lang ako.
“Anong flavour mo? Masarap ba?” pangungulit ko ulit.
Tinawanan niya lang ako saka siya umalis.
“Hoy saan ka pupunta?”
Di siya umimik at dahil sa bilis niyang maglakad ay nawala nalang siya bigla.
“Ang weird talaga nun” tugon ko sa sarili ko.
Dahil nga magsisimula na ako sa bago kong trabaho ay naisipan ko munang pumunta ng Mendiola at magpasalamat kay St. Jude. Nang nasa may holy water font na ako at idi-dip ko yung kamay ko ay napansin kong di nababasa yung daliri ko. Nagtaka talaga ako, kaya naman buong kamay ko nalang ang isinawsaw ko pero wala parin. Kaya naman dumiretso nalang ako sa pews at nagdasal. Matapos ay nagpalutang ako ng kandila, ironic kasi ang bilis namatay yung sindi.
Pagka-alis ko ng simbahan ay nakita ko ulit si Howard sa tapat, “Kanina pa kita inaantay”
“Hala, paano mo nalaman kung nasaan ako”
“Lah, nagtext ka po kaya sabi mo sunduin kita. Diba?”
Pinakita nga niya yung text. Ay oo nga nagtext pala ako.
“Saan tayo?”
“Baguio” tugon niya kaya naman tinitigan ko siya ng masama.
“Seryoso, ngayon na?”
“Oo dinaanan ko na mga gamit mo kanina sa apartment”
“Naks, paano ka nakapasok dun?”
“Dali tara na, malayo pa ang biyahe”
Bumiyahe nga kami paakyat ng Baguio, dala-dala ni Howard ang luma niyang black na kotse. Siya narin ang nag-drive paakyat, eto yung mga gusto kong trip yung mga hindi planado, biglaang lakad tapos kasama ang isang di mo kilala o kakikilala mo palang.
Tumuloy kami sa isang Transient house malapit sa isang Mall, double deck yung tulugan. Ako sa taas siya sa baba, di kami pwedeng magtabi dahil nga malakas yung sparks namin sa isat-isa.
Kinabukasan ay namasyal kami, namili ng kung ano-ano, kumain at nakigulo sa mga tao sa Session.
“Bakit mo ko dinala dito?” tanong ko.
“No reason”
“Sus, kunwari ka pa. Naiinlove ka narin sa akin no?”
“Itsura nito, hindi noh. Gusto ko lang bumawi sa iyo”
“Para san?”
“Sa lahat!”
“Hay naku Howard, yan ka nanaman”
“OO nga”
Nagpunta kaming Burnham at naisipang mag-bike saka mamangka narin. Napaka-cliché at corny noh? Pero ginawa namin.
“Howard, diba malapit na yung Sagada dito?”
“Oo medyo pero malayo parin, bakit mo natanong?”
“Gusto ko pumunta” pahayag ko.
“Di kakayanin ng kotse ko”
“Edi magcommute tayo, ganda nga yun eh. Baka sakaling dun ko na talaga makalimutan ng tuluyan si Franco”
Ngumiti lang siya.
“Bakit ka ngumingiti?”
“Naalala ko lang yung pelikula”
“Yung That Thing Called Tadhana?” tumango lang siya at nag-smile lang din ako.
“Pero kung gusto mo talaga pumunta, sige punta tayo mamayang madaling araw tayo umakyat” pahayag niya.
Nagliwanag naman ang mukha ko at muntik ko nang mayakap siya. “Oooooops, bawal masasaktan ka lang”
“Ahy sorry, nacarried away lang ako”
Kinabukasan nga ay bumiyahe kami ulit patungong Sagada. Iniwan na namin yung kotse ni Howard sa Transient house at pati narin yung ibang mga gamit namin.
Parang nasa ibang mundo ako, ibang tanawin, ibang lugar. Lugar na parang abot mo yung mga ulap, lugar na tanaw mo ang daigdig.
“Tang Ina mo Franco!” sigaw ko.
“Oh bakit ka nagmumura at sumisigaw diyan?” tanong ni Howard.
“Wag kang magulo diyan moment ko to”
“Ok!”
“Aaaaaaaaaaaaah, buwisit ka Howard Franco Villanueva, buwisit ka!” sigaw ko ulit. Nagtaka rin ako sa sinabi ko, wait.
“Kapangalan mo Ex ko?” tanong ko kay Howard.
Di siya umimik at ngumiti lang siya.
Nakakunot noo na ako noon dahil di man lang siya umiimik.
“Mere coincidence” sambit ko nalang.
“Tara na Francis, baba na tayo”
“May McDo ba sila dito?” tanong ko.
“Sa Baguio nalang tayo mag-McDo kung gusto mo”
“Ok”
Matapos naming malibot ang lugar ay nagdesisyon rin kaming bumalik na ng Baguio. Gabi na nun, pero gusto ko talaga ng Fries at Burger.
“Bakit gustong gusto mo iyan, eh hindi naman masarap at healthy?”
“Sinong nagsabi at upakan ko”
“Ako”
“Che!” inirapan ko lang siya.
“Anong gusto mo pang gawin?” tanong niya, kaya naman tinitigan ko siya at ngumiti.
“Ano yang iniisip mo?” tanong ni Howard.
Nanahimik lang ako.
“Nababasa ko yang utak mo gago ka, sa utak mo ginagahasa mo na ako. Umayos ka Francis”
“Eto naman, kahit minsan lang ba di mo ako pagbibigyan. Perfect setting oh, malamig, malungkot ang gabi”
Nag smile nalang siya at umiling. Mukhang di uubra ang pang seseduce ko sa kanya.
“Handa ka na ba Francis?” tanong niya kaya nabigla ako.
“Saan? Kung gagahasain mo ako, magpaalam ka nalang”
“Gago hindi yun, ang libog talaga nito. Handa ka na ba?”
“Saan nga?”
“Sa lahat”
“Ay ang gulo mo”
“Tara sa labas”
Lumabas nga kami kahit malamig. Pinagmasdan namin ang paligid, ang mga sasakyan, ang mga tao, at ang mga puting liwanag na lumilitaw bigla bigla.
“Howard nakikita mo ba yang mga white light na lumilitaw at bigla ring nawawala?”
Tumango lang siya.
“Ang ganda no?”
“Handa ka na nga Francis, bukas pag-uwi natin sa Manila babalik tayo sa umpisa”
“Ha? Yan ka nanaman, pinag-uusapan lang natin yang mga puting liwanag kanina ngayon naman babalik tayo sa umpisa? Ikaw na ang pinaka weird na tao na nakilala ko”
Umiling lang siya saka ko napansin na nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.
“Ba’t ka umiiyak?”
“Wala, wala ito”
“Ano nga?”
Hindi siya umimik pero bigla niya akong niyakap at napasigaw siya. Wala akong naramdamang sparks, pero si Howard ang nasaktan. Tinulak ko siya.
“Ayos ka lang?” tumango siya. Hindi siya maayos dahil nanginginig pa siya.
“Ba’t mo kasi ginawa yun, alam mo na ngang ganun ka lakas ang sparks nating dalawa”
“Mami-miss kita Francis”
“Hala, san ba ako pupunta, ikaw ba aalis ka?”
Umiling lang siya.
“Eh ano?”
Nagkibit balikat nalang si Howard.
Kinabukasan ay bumalik kami ng Manila at nagpahinga muna ako. Dumalaw si Howard sa apartment ko tatlong araw ang nakakalipas.
“Ba’t ngayon ka lang nagparamdam?” pagtatampo ko.
“Pasensya na ngayon lang kasi ako nagka-time”
“Sus, nambabae ka no? Sino Howard? Sino ang ipinalit mo sa akin? Maganda ba ha?” pagdadrama ko.
“Ulol, wala no”
“Nood tayong sine”, nakita kong nagkunot siya ng noo. “May mali ba sa sinabi ko?”
“Wala, ayoko lang pumupunta sa movie house”
“Ok, so saan tayo?”
“Tara, sumama ka sa akin”
Kinuha nga niya ang kamay ko at sumakay kami sa kotse niya. Nagtaka ako, bakit hindi kami nasaktan? Bakit wala ng sparks?
“Ba’t wala ng sparks Howard?”
Patuloy parin siya sa pagda-drive at nakita kong umaagos na ang luha sa mga mata niya.
“Ba’t ka nanaman umiiyak, ang weird mo talagang lalake ka. Gwapo ka pa naman”
Pinindot niya nalang ang stereo sa kotse niya at nagpatugtog.
“There she goes infront of me
Take my life and set me free again
We’ll make a memory out of it
Holy road is at my back
Don’t look on, take me back again
We’ll make a memory out of it”
Nagkatitigan kami, si Howard umiiyak parin, ako naman todo ang smile. Complete Paradox ika nga.
“Anong title ng kantang yan?” tanong ko.
“Not Today ng Imagine Dragons” sagot niya.
“Gusto ko – Not Today” at nagsimula akong mag-hum, na-LSS talaga ako.
“We finally fall apart and we break each others hearts
If we wanna live young, we better start today”
Nakarating nga kami sa paroroonan namin at nagtaka ako kung saan niya ako dinala.
“Anong ginagawa natin dito sa ospital?”
Bumaba kami, hinawakan niya ang mga kamay ko at naglakad kami. Ako naman, kilig na kilig, yung feeling na nasa alapaap ka talaga.
7th Floor, room 707.
“Handa ka na?” tanong niya.
“Oo naman, kelan ba hindi.”
Binuksan na nga niya ang pintuan at pumasok kami, nagulat ako kung sino yung mga nandun. Andun yung Mommy ko at ang Daddy ko, yung kapatid kong babae na mahilig din sa burger at fries. At syempre nakita ko dun ang sarili ko, nakahiga sa kama, andaming nakakabit na aparato sa katawan ko, nakabenda ang ulo.
“What’s happening?” tanong ko habang patuloy ang pagpatak ng luha ko. Di ko maintindihan kung anong nangyayari, bakit ako nandoon, bakit nila ako iniiyakan.
“Howard, ano to. Is this a dream?” umiling lang siya. Pinuntahan ko sina Mommy, Daddy at yung kapatid ko. Di nila ako marinig, di ko sila mahawakan.
“Anong nangyayari Howard please tell me”
Tumutulo na yung luha niya noon, pero nanatili parin siyang kalmado. Nagpunas siya ng luha bago nagsalita.
“Lahat ng mga nangyari sayo, simula ng mag-break kayo ni Franco dun sa McDo, is just your memories rolling back”
“I don’t understand”
“Lahat ng mga nangyayari the past few days are all your memories rolling back”
“I still don’t get it”
“Francis, nung gabing nagbreak kayo ni Franco diba malakas ang ulan nun?” tumango lang ako.
“Nahirapan kang sumakay kaya naglakad-lakad ka pa para lang makauwi, then suddenly nung papatawid ka na ay may isang humaharurot na sasakyan na nawalan ng preno, nabangga ka nito, tumama ang ulo mo sa gutter at natamaan rin yung spine mo. Dinala ka sa ospital at exactly 1 year today, you’re in a Coma, brain dead”
“Is this some kind of a joke? Who are you?”
“I’m just a part of your memory, I’m part of your past, your present and your future”
“Guardian angel ganun ba?”
“Pwedeng oo, pwedeng hindi. Basta, mahirap i-explain”
“I still don’t understand”
“Ang tagal kitang hinanap Francis, kung saan saan napadpad ang soul mo. Wanderlust soul ka kumbaga, and then one time bumalik ka nalang bigla dito sa ospital at simula nun di na kita pinakawalan”
“Now what’s happening?”
“Since handa ka na, it’s time para sumama ka na sa akin. You can embrace me if you want, kiss me if you want, seduce me. But still I’m just a part of your memories”
“So patay na talaga ako?”
“Hindi pa, pero pupunta din tayo dun”
Tinitigan ko nalang ang mga magulang ko, ang kapatid ko at biglang bumukas ang pinto at nakita ko ang isang tao dun.
“Wait lang, bakit ka nandun? Kambal mo yun?” tanong ko kay Howard.
“No, siya si Franco. Howard Franco Villanueva, hindi ko siya kambal, siya ang ex mo. I just used his figure para mas madali sa yo ang lahat”
“What? I still don’t understand.”
“Memories or Guardian angels can shape shift or can deceive, pwede na bang reason yun?”
“Ok fine!”
“Are you still happy?”
“Di ko alam, pero bakit siya nandiyan diba iniwan niya ako para sa iba? Bakit ang lakas ng loob niyang magpakita pa diyan?”
“Sino si Franco?”
Tumango nalang ako.
“Nagsisi siyang iniwan ka niya, he regret it all. Di totoong magpapakasal sila ni Ingrid, dahil tinurn down siya nung girl. He still loves you, sinisisi niya ang sarili niya kung bakit ka nagkaganyan”
“Diba dapat yun naman talaga yun”
“Di mo alam ang naging sacrifice ng taong yan Francis, di mo alam kung gaano siya nagpapakapagod sa trabaho niya to have a better future at nakuha ka pa niyang bantayan every day pagkagaling niya ng work. For almost a year now, ospital na ang naging bahay niyan”
Tinitigan ko nalang si Howard. “Totoo?” tanong ko, tumango lang siya.
“Why now? Why – not today please, not today. Ayoko pang umalis”
“Francis, may mga bagay talaga na kahit ayaw natin ay kailangan nating gawin. And today your parents decided na tanggalin ang life support mo”
“Bakit, ayaw na ba nila akong mabuhay?”
“Because you told them to let go. You told them that you can’t ease the pain anymore. And ending your life is the only option now”
“I did?”
Tumango nalang siya. “How?”
“Nagparamdam ka sa panaginip nila, dahil nga di mo na kayang nakikita silang nasasaktan, nahihirapan. You convinced them to end it all today”
Umiyak nalang ako at nakita ko nga ang doctor na isa isang tinatanggal na ang mga aparato sa katawan ko.
“Paano na ngayon si Franco?” tanong ko.
“Don’t worry about him, after the rain comes the sun. Malalagpasan din niya ito”
Tinitigan ko nalang siya.
“Can I hug you?”
“Sure, this will forever be a part of a memory”
Yumakap ako sa kanya kasabay iyon ng pagtunog ng flat line sa monitor. I saw them crying, pero nagsmile ako. Dahil di na sila mahihirapan pa. Ang gaan ng pakiramdam, para akong lumilipad. Ang liwanag, ang aliwalas, perpekto ang lahat.
“Howard? Howard asan ka?”
“Francis, this is just a memory”
It’s gotta get easier, oh easier somehow
Cause I’m falling, I’m falling
Oh easier and easier somehow
Oh I’m calling I’m calling
And isn’t over unless it is over
I don’t wanna wait for that
It’s gotta get easier and easier somehow
But not today
Not today
Day 7 – Post Francis Day.
Howard Franco’s POV
“Kriiiiiiiiiiiing”
Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock, kinuha ko ito at pinatay saka bumangon, nag-inat at nag-ayos na. Nagmuni-muni at kinausap ang hangin.
“Hi Hubby, Day 7 na. Day 7 na since you’re totally gone. Miss na miss na miss na kita Francis. I’m so sorry, I’m really really sorry at napaka-selfish ko. Di nalang sana kita iniwan. Akala ko things will fall into pieces as planned, hindi pala. Akala ko magiging ok na ako, pero hindi pala. Nagpaka-selfish ako at iniwan ka para maging masaya – but worse things happen, disaster ang nangyari. I lose a friend, I lose someone who loves me more than I deserve. Hindi lang kaibigan ang nawala kundi nawala na ang kalahati ng buhay ko. Ang tagal ko narealize Francis, ikaw lang pala sapat na – I’m so sorry!”
Nakatira parin ako sa Condo na pinundar namin ni Francis, napakawalang-hiya ko no, napaka-selfish ko? Everyday parang tinotorture ko ang sarili ko dahil everytime na magising ako ay naaalala ko si Francis. Pero ayokong umalis sa lugar na ito, andaming magagandang memories dito.
Para akong tangang kinakausap ang sarili ko everyday, o di kayay kakausapin yung litrato ni Francis.
“Hubby natapos ko na pala yung story natin, konting edit nalang. Kung alam ko lang ang e-mail diyan sa heaven ipapasa ko sayo para mabasa mo”
Matapos ko ngang magdrama ay nagluto na ako, kumain at saka naligo dahil nga kailangan kong pumasok sa pamantasan para paglingkuran ang sambayanan at linangin ang kaisipan ng mga isko at iska ng bayan. 9:00 ang klase ko sa Arts and Letters, ako yung tipo ng professor na mabait na kaibigan at mabagsik na kaaway. I want my students to be the best, kahit paulit ulit kami sa lesson namin wala akong pakialam dahil naniniwala akong the grass are greener the second time or the 3rd time around. Nasa kalagitnaan nga ako ng pagdidiscuss ng pumasok na late ang isang freshman na may hawak hawak pa talagang coffee and hashbrown.
“Oh, you’re late again Mr. Rentegrado”
“Sorry po Sir, katatapos lang po ng shift ko”
“Sit down”, naiintindihan ko naman siya, working student siya at sa McDo sa Katipunan siya nagtatrabaho. Dwight Arvin Rentegrado is one of the best in my Creative Writing class kaya nga lang palagi siyang late, absent or tulog sa klase.
“Class kung kayo magsusulat ng isang istorya, anong klaseng istorya ito”
May nagtaas ng kamay.
“Yes?”
“Isusulat ko po yung masaklap na love story ko”
Nagtawanan ang klase, si Pat yung sumagot. Patricia Quinto is a brilliant writer, in the future she can be a Palanca Awardee. Lagi siyang tampulan ng tukso, she’s a chubby bubbly girl na may hawig kay Trina Legazpi.
“Ba’t mo nasabing masaklap?”
“Ano kasi Sir mahirap i-explain. Parang El Niño Sir eh, tigang tuyot, kulang sa dilig” nagtawanan ang lahat.
“You mean one sided?”
“Parang ganun Sir, yung ako lang talaga yung nag-eeffort palagi. Ako na nga lumalapit, siya pa lumalayo”
“Kilala ba namin ang tinutukoy mo Ms. Quinto?”
“Hende nemen sher, ehe ehe, ene be, nekekeheye nemen”
Tumawa ulit kami.
“Come on Ms. Quinto”
“Idadaan ko nalang sa kanta Sir”
“Go on, I heard you have a beautiful voice”
“Ahemmm, geys nekekeheye nemen. Ahemm. Ok guysss, ipako niyo nalang ako sa may Carillion laters”
Hagalpakan ang lahat, dahil si Pat talaga ang komikera ng grupo.
Nagsimula na ngang makisabay ang lahat sa pag-clap na akma sa beat ni Pat.
Sa wari ko’y
Lumipas na ang kadiliman ng araw
Dahan-dahan pang gumigising
At ngayo’y babawi na
Muntik na
Nasanay ako sa ‘king pag-iisa
Kaya nang iwanan ang
Bakas ng kahapon ko.”
Nakisabay na kami sa pagkanta kay Pat maliban kay Mr. Rentegrado na nasa tabi lang at nakikinig sa klase.
Tuloy parin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na kong hamunin ang aking mundo
Pagkat tuloy pa rin
Sabay sabay ang lahat at napakalakas ng pagkakasabi “PA PA RA PA PA – Love ko to” sabay tinginan ang lahat kay Dwight saka naghiyawan ang klase. Walang kaalam-alam ang binata sa nangyayari, kaya namula na siya.
“Awat na guys, pulang pula na si Mr. Rentegrado. Naku, Pat di ko lang alam kung ano pa mali sa kanya kung di pa siya magmo-move or magets man lang”
“Ser nemen nekekeheye eh”
Tawanan ulit, napaka-kwela talaga niya, abnormal magsalita.
Matapos nga akong mag-discuss ay binigyan ko sila ng research work at dinismiss ko na ang klase matapos nun. Nagliligpit na ako ng mga gamit ko pero andun parin si Dwight sa kanyang upuan, nakatingin sa malayo.
“Mr. Rentegrado, ang lalim ng iniisip natin ah baka malunod ako niyan” ngumiti lang siya.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabing upuan.
“May problema ba?” umiling lang siya.
“Come on, spill it out Mr. Rentegrado”
“Sir kasi”
“Kasi ano?”
“Pinagmamasdan ko lang po ang ganda ng Diliman sa huling pagkakataon”
“Hala, bakit naman?”
“EnDo na po kasi ako sa store Sir eh, at kahit scholar ako di ko rin naman po alam kung saan ko kukunin yung kakainin naming mag-anak at yung mga gastusin pa dito, ako po kasi ang tumatayong Padre de Pamilya sa amin at baka di ko rin po kayang pagsabayin pa ang pag-aaral at pagtatrabaho”
“Mr. Rentegrado”
“Ganun talaga Sir eh, kailangan nating mamili. Ngayon mas pinipili ko na pakainin yung mag-anak ko kesa sa pansarili kong interes. Maraming salamat sa mga itinuro mo Sir, ikaw po yung pinaka-favorite kong Prof dito kahit na terror kayo”
“Loko” tinapik ko nalang siya sa kanyang balikat, gusto ko man siyang tulungan pero di ko alam kung paano or saan sisimulan.
“Sir, una po kitang nakita sa Store last year may kasama kang lalake, pinaiyak mo pa nga ata eh. Ang lakas ng ulan nun Sir, curious lang ako. Sino po yung kasama niyo nun, nasaan na siya?”
“Nabasa mo na yung kwento sa blog ko?”
“Yung recent po ba?” tanong niya kaya tumango ako.
“Maganda Sir”
“Yung tao dun sa kwento ko, siya yun. Wala na siya”
“Anong nangyari nung gabing yun Sir, if you don’t mind me asking”
“I lost him, I lost the man I love. Nakipag-break ako nun sa kanya, tapos naaksidente siya, na-Coma for a year, then ayun nasa heaven na.”
“Sir? You two are…” di pa niya natatapos yung tanong ay sinagot ko na. “Yeah, we are lovers, we are best friends”
Ngumiti lang siya.
“Wag mo akong gayahin Dwight, wag kang magpakaselfish. At kung nahanap mo na talaga yung taong magmamahal sayo without asking the same quantity of love that he gave, wag mo nang pakawalan yung taong yun”
“Sir?”
“Naku, wag ka nang magmaang-maangan. Basa na kita kid”
“Anong sinasabi mo Sir?”
“Wala, o pano ba yan. May klase pa ako”
Tumango nalang siya, bigla namang nag-ring yung phone ko.
“Yes, Arci?”
“Sir, may marerecommend ka bang writer, encoder, copywriter, news writer o iisang taong kayang gawin ang binanggit ko, kahit part time lang or sa gabi lang yung shift niya urgent kailangang kailangan lang talaga namin. Nga lang minimum lang yung sahod pero may mga allowances naman”
“Wait lang Arci ha” tinignan ko si Dwight. “Hey Kid. Gusto mo ng trabaho?” tanong ko, parang nagliwanag naman ang gwapong mukha ni Dwight.
“Opo Sir, basta wag lang pong maging Call Boy, kahit ano gagawin ko”
“Loko, o sige”
“Arci, meron magaling to”
“Kelan siya pwedeng mag start?” tanong ni Arci.
“Kelan ka pwede mag-start?” tanong ko kay Dwight.
“Bukas po”
“Oh Arci, pwede daw siya bukas”
“Ok, daanan kita sa Campus bukas Sir Howard para makilala ko narin siya. Ok, salamat ng marami”
“Salamat din Arci, saviour ka today”
“Naks”
“Oh ayan Kid, do you still have the reason to leave Diliman?”
Nagkibit balikat lang siya.
“Ako na bahala sa Tuition mo, basta ga-graduate kang Summa”
“Sir naman eh” sabay kamot sa ulo niya.
“Do you accept the challenge kid?”
Ngumiti nalang siya at nagpacute. He’s cute ah, may medyo hawig siya sa nasira kong Hubby.
“Tara Sir kain tayo sa McDo, libre ko na to”
“Sige ba, pero can you wait me after my class – my treat” tumango lang siya at nakiseat-in sa class ko para antayin ako.
Nagpunta nga kami sa may UPTown at nag McDo, nag-order siya ng fries, monster float, apple pie at burger McDo. Ang weird dahil ganun at ganun pag omorder si Francis.
“Bakit yan inorder mo?” tanong ko.
“Favorite ko Sir eh” sabay dip niya ng fries sa coke float na laging ginagawa ni Francis.
“Do you always do that?” tanong ko.
Tumango nalang siya at nagpacute yung tipong naniningkit na yung kanyang mga mata.
He reminds me of Francis so much or naghahallucinate lang ako dahil nami-miss ko yung tao.
It will gotta get easier in the coming days Howard.
But Not Today…
Not Today!
July Last Year
“Sir, kunin ko na po?” tanong ko dun sa customer na naka-tingin sa labas at mugto na ang mata. Tinitigan niya lang ako saka nag-smile ng konti.
“Sure” sagot niya kaya naman inalis ko na yung mga ibang pinagkainan sa tabi niya.
Papa-alis na ako nun pero nagtanong siya ulit. “Anong happy meal toy niyo ngayon?”
“Minions po sir, gusto niyo po ba i-collect lahat?” tumango siya, saka niya ako pinakiusapan na ako nalang umasikaso dahil ayaw pa niyang tumayo. Binigyan nalang niya ako ng pambayad. Pumunta ako sa counter para kunin ang complete set ng Minions Happy Meal.
“Sir, eto na po” sabay abot sa kanya. Tinitigan niya lang ang mga ito at saka nag-smile.
“Buti pa ang McDo may Happy Meal no? Atleast may word na Happy” napangiti lang ako. “Anong pangalan mo?” tanong niya.
“Dwight po”
“Matagal ka na dito?”
“Bago lang po, isang linggo pa lang”
“Ah, see. May mga bata kang kapatid?”
“Opo”
“Kunin mo na to Dwight, ibigay mo sa kanila”
“Sir bawal po kaming tumanggap ng kahit ano”
“Talaga?” tumango lang ako. “But I insist”
Wala na akong nagawa at kinuha ko nalang yung binigay niya dahil kinausap na niya yung Manager namin.
“Sir, maraming salamat po matutuwa po mga kapatid ko dito”
“Your welcome, di ko naman kailangan yan eh. My days are gone, I still have one thing na ibibigay sayo”
Lumapit siya sa akin, kinuha ang kamay ko at inilagay doon ang isang pares ng singsing.
“Sir, ano to?”
“Go find the one, go chase him if you can. Kasi ako, I can’t chase him anymore.”
“Sir?”
“Maiintindihan mo rin kid, soon but Not Today. Pag nangailangan ka ng pera, ibenta mo nalang yan ok?”
“Sir, salamat po ulit” he just smiled.
Nasa may pinto na siya noon at papalabas na. “Sir, ano po pangalan niyo?” tanong ko.
Nag-smile siya before sumagot “Francis”.
COMMENTS