$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

One in a Million Chances (Part 1)

By: Prince Zaire “I’m back, but take me back one step” Katatapos lang ng halos anim na oras ko sa operating room. It’s been a while, since I...

By: Prince Zaire

“I’m back, but take me back one step”

Katatapos lang ng halos anim na oras ko sa operating room. It’s been a while, since I re-entered this horrible part of the hospital. Para naring musika sa aking tenga ang mga tunog ng mga aparato. Sa awa ng Diyos nairaos namin ng matiwasay ang isang complicated na operation. Pagod at stressed ako ng mga oras na yun, dapat sana ay sanay na ako sa mga ganitong pangyayari. Pero dahil nga sa isang insidente napagdesisyunan ko munang iwan ang buhay surgeon. Nagpaka wanderlust ako para hanapin muli ang sarili ko. Seoul is the place where I found myself again.
“Hey Cedric, uwi ka na?” tanong ni Dr. Abrahano.
Tumango lang ako at ayaw ko nang pahabain pa ang dialogue.
Umuwi ako sa bahay at ininda ang traffic sa EDSA. Nataon kasing payday Friday nun kaya ganun nalang ang eksena. Matapos siguro ang halos 2 oras sa daan ay nakarating narin ako sa bahay. Naligo muna ako at kumain narin. Dahil nga di pa ako inaantok naisipan kong manuod muna ng TV. Di ako makarelate sa palabas kaya palipat lipat ako ng Channel. Nasanay na kasi ako na mga Korean movies ang nagpa-flash sa tuwing bubuksan ko ang TV sa Seoul dahil yun yung pamatay ko ng oras dun. Naisipan kong mag youtube nalang at yun nga one Korean drama captured my interest.
Pinanood ko yung episode 1, unang eksena palang kumakabog na yung dibdib ko. Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Bukod sa gwapo at maganda ang bida ay talaga namang nananadiya ata ito sa mga characters ng istorya. Doctor lang naman at sundalo yung bida.
Napabuntong hininga nalang ako at di ko namalayan na masyado na akong nadala sa mga eksena at unti-unting pumapatak ang aking mga luha.
“Hay Samuel, sorry bok. Kung alam ko lang sana ang tamang gagawin nun, sana andito ka parin”
Sakto namang dumaan si Mama patungong kusina at nakita niya ako dun sa sala na umiiyak.
“Oh napano ka nanaman? Ganun ba kadrama yang pinapanood mo at umiiyak ka diyan?”
“Eh ang ganda kasi Ma eh. Panoorin mo, yung mga bida oh parang may pinapahiwatig. Surgeon yung babae tapos sundalo yung lalake. Di ba, it makes sense?”
“So feeling mo ikaw yan?”
“Hindi. Parang ganun pero hindi. Kasi yan pwede nilang baliin yung kwento, yung akin hindi”
“Naku Ced, patayin mo na yan at matulog ka na. Kakabalik mo pa lang sa panggagamot ulit. Lalo mo lang maalala si Samuel pag tinuloy mo pa yan”
“I still question myself kung bakit ganun nga yung nangyari. Parang kulang talaga ako sa skills as a doctor. Parang sayang yung ginugol ko sa U.S. Diba Ma, kaya kong isave yung iba pero siya di ko kinaya”

“Ced, tao ka, doctor ka lang hindi ka Diyos. Don’t blame yourself again. Its been a year, you need to move on with your life”
“Mahirap eh, I tried pero mahirap talaga”
“Oh siya matanda ka na para sa mga bagay na yan. Hindi ko na kailangang pangaralan ka pa.”
“Goodnight Ma”
“Goodnight Nak, after niyan matulog ka na”
“Sige po”
Kinuha ko yung laptop ko and I turned it on. Nagsearch ako ng torrent file para sa all episodes ng Korean drama na yun dahil pag naumpisahan ko na kailangan ko siyang tapusin. Nakahanap naman ako at mahaba-habang downloadan din ito. Hinayaan ko lang na nakabukas ito baka sakaling kinabukasan ay complete na ang downloading.
Matutulog na ako nun ng biglang nagtext si Martin.
“Ced, can we talk?”
Di ko siya nireplyan bagkus ay pumikit na ako at nakatulog.
I’m Kyle Cedric Eros Sy-Castaneda. Isa akong Surgeon sa isang kilalang hospital dito sa Pilipinas. Maraming nagsasabing para akong Koreano. Kahawig ko raw si Park Yoochun o di naman kaya si Nickhun ng 2PM(though Thai siya). Pero pag tinitignan ko naman ang itsura ko sa salamin, mapapacomment nalang ako ng “parang hindi naman”. I stand 5’11, may kaputian, tsinito. Sakto lang ang body build, medyo may pagka athletic. I’m the youngest sa tatlong magkakapatid. At sa aming tatlo ako lang ang sumunod sa mga magulang namin na maging Doctor.
Kuya Kenno is a lawyer, nasa San Francisco na kasama ang kanyang pamilya. Ate Keanna is an Architect, may pamilya narin siya sa London. My Dad is a surgeon, nueurosurgery naman siya, my Mom is a pediatrician.
Kung ano pa yung pinaka kumplikado at mahirap i-explain at intindihin na parte ng katawan ng tao yun pa ang pinili kong i-specialize. Though mas kumplikado talaga ang utak ng tao, minsan ang puso ay mas fragile kaya nagiging kumplikado din ito. I specializes in Cardio-thoracic surgery at lately lang din ako napasok sa oncology. Andaming oras ang ginugol ko sa general surgery bago ko narealize ang talagang specialty ko. I tried becoming like my Dad. Pero mas umaayon yung puso sa akin kesa sa utak. 
With regards to my gender orientation, well I am who I am. What you see is what you get ako. I’m gay pero manly kumilos, yung kailangan mo pa talagang tanungin kung bakla ba talaga ako. Maraming di naniniwala pag sinasabi ko na I’m gay, akala nila pinagtitripan ko lang sila. Dahil ang alam kasi nila papalit-palit ako ng girlfriends nun. My parents & my siblings are very open minded kaya naman suportado nila ako sa kung ano ako at sa kung anong balak kong gawin. Special child nga ang tawag nila sa akin. I grew up abroad, I was 7 when we migrated to the U.S. Pero di mo rin mapapansin sa akin na AmBoy ako since straight ako pag  managalog at walang slang.
When I was in College at nagpe-premed, dun na naisipan nina Daddy na bumalik na ng Pilipinas at dito na magpractice ulit. Tinapos ko ang course ko saka kumuha ng Medicine sa Stanford.
After my graduation, I took my residency in Boston. Nag-under din ako sa mga programs ng UN at WHO. Pumasok din ako sa mga Military Hospital. I’ve rendered my services in Africa, Lebanon & even in Iraq. Nagtrabaho rin ako sa Hong Kong noon.
Nang bumalik ako ng Pilipinas una akong pumasok sa Military Hospital bago ako nag-join kina Dad. Nung kasagsagan ng Zamboanga Siege, nataon namang nasa isang hospital ako sa Davao. I decided to join the Doctors dun sa Zamboanga, yung mga nasa base camp at may makeshift clinics. Todo tutol ang Daddy ko nun.
“Are you out of your mind Cedric? Ano ito pakabayani nanaman? Para ano, para patayuan ka ng bantayog?”
“Hindi ganun, I just wanna be a Superhero doctor masama ba yun?”
“Ah basta it’s still dangerous”
“Andun naman si Ninong Sonny ah”
“Not all the time he can protect you”
“Trust me, Lebanon is worse than this” saka ako umalis.
“Cedric!”
Tinaas ko lang ang kamay ko bilang sign ng pamamaalam.
The scenario was bothering, walang segundo na di ka makakarinig ng pagsabog at putukan. Mayat maya rin ang pagdating ng mga sugatang sundalo dun sa makeshift clinic. Pati mga sugatang sibilyan ay dinadala narin doon. Yung iba di na talaga pa kayang irevive.
Sa kalagitnaan ng paglilinis ko ng sugat ng isang sundalo ay may isa pang sundalo na inilapit sa pwesto ko para gamutin ko rin. Nakuha niya ang atensyon ko, kahit pa may parang grasa na nakapahid sa mukha niya ay maaninag mo ang kanyang kagwapuhan. Pansin mo rin ang kanyang kakisigan. Maraming mga shrapnel at debris ang bumaon sa likod niya at may gunshot wound din siya sa paa.
“I’ll just finish this one” pahayag ko.
Pansin kong parang masama yung tingin ng sundalong inilapit sa pwesto ko. Parang sinusuri niya ang pagkatao ko.
“Bok marunong bang mag-tagalog tong hilaw na to, baka di kami magkaintindihan” tanong nito sa sundalong ginagamot ko, nagkibit balikat lang ang nahuli.
“Hey Doc, can you put away this bullet now so I can go back to the battlefield?”
Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Can you help yourself lie in here so that we can take that bullet out”
“Putang ina dudugo ata ilong ko sa hilaw na to, di ata ako dito sa bala mamatay. Mamamatay ata ako sa kahihiyan” tugon niya.
“Ah hey again, ahmmm, shit fuck this life. Daplis lang to Doc malayo sa bituka. It’s far from home” muling pahayag niya.
Natawa nalang ako sa sinabi niya.
“Just stay there I’ll just inject anaesthesia”
“No anaesthesia, No sleep”
“That’s out of the protocol, kailangan mo ng anaesthesia para di mo maramdaman ang sakit. Maraming shrapnel na nakabaon sa katawan mo at kailangan ding matanggal yun. Don’t you worry, you will not be undergoing sedation”
Napanganga nalang siya “Tang ina pinahirapan mo pa ko, marunong ka palang magtagalog”
“Kaya wag mo kong tinatawag na hilaw ah at wag mo kong mumurahin”
“Sorry”
Sinimulan ko nga ang pagtanggal ng bala at mga debris sa katawan niya. Pero galaw siya ng galaw.
“Can you stop doing that, galaw ka ng galaw”
“Nakikiliti ako Doc”
“That’s not my problem”
“Wag ko kasi akong hinahaplos Doc”
“Di kita hinahaplos no”
Tinahi ko na nga ang mga sugat niya.
“Ayos ah, gaan ng kamay mo. Para kang babae, oh, oh, pwede siguro akong mainlove sayo”
Inirapan ko lang siya.
“Anong pangalan mo Doc?”
“I’m done, makakaalis ka na”
Nagkamot siya ng ulo at parang nagmake-face pa.
“Doc, may isa pa akong sugat. Malalim, baka kako kaya mong pagalingin”
“Saan, I didn’t see anything”
Kinuha niya yung kamay ko a ipinatong niya sa mala-unan niyang dibdib. “Eto”. Agad kong hintak ang kamay ko dahil may naramdaman akong kung anong kuryente nung dumapo ang kamay ko sa dibdib niya.
“I only operate the heart, I don’t do heartbreaks”
“Doc ako nga pala si 1st Lt. Samuel Leonard Singson” sabay abot ng kamay niya.
Nginitian ko lang siya saka tumalikod. Paika-ika man ay hinarangan niya ang daanan ko. “Hep, san ka pupunta?”
“Get out of my way I still have many patients to attend to”
“Don’t English me, ok? Top kaya ako sa Academy, so don’t me”
Tinawanan ko nalang siya.
“What is funny?” tanong niya
“Ikaw”
“Thank you for complaining, pero anong pangalan mo nga?”
 “Cedric”
“Yung buo para ma-add kita sa Facebook”
“Do soldiers use Facebook?”
“Oo naman anong akala mo sa amin?”
“Kyle Cedric Eros Sy-Castaneda yan ang pangalan ko”
“Ang haba ah, eh anong number mo?”
“Is it necessary?”
“Oo naman, para kung magpapa Physical exam kami ikaw na gagawa. Ayos ba? Pabor din sayo yun no.” sabay kindat niya sa akin.
“Doc, kailangan ka po namin dito, itong bata kinukumbulsyon” sigaw nung isa pang sundalo.
“Nak ng teteng Bernabe panira ka ng diskarte di ko pa nakukuha number niya umeeksena ka diyan. Hooo, tang ina mo” sigaw ni Samuel.
“Pakyu ka din Singson, maligo ka na. Ikatlong araw na yang salawal mo di pa napapalitan” sigaw nung Bernabe.
“We’ll talk about that later Lieutenant” pinuntahan ko nga yung batang kinukumbulsyon dahil masyadong mataas ang lagnat. Sinuri ko din yung mga mata niya at siniguradong di niya makakagat yung dila niya. Pag alis ko sa kamay ko na nakahawak sa ulo niya ay nakita ko ang dugo sa kamay ko.
“Oh what the hell” gulat kong pahayag.
“Doc, anak po yan ng maimpluwensyang tao dito. Kailangan po natin siyang iligtas.” Sabi nung isang sibilyan.
“Mahina ang pulso niya, may mga sapat na kagamitan ba tayo dito para mag-opera?” tanong ko.
Walang sumagot dahil obvious naman na wala.
“Gaano kalayo dito ang ospital na may sapat na kagamitan?”
“Dalawa’t kalahating oras, pero kung dadalhin pa natin yan sa Davao baka abutin tayo hanggang bukas ng hapon” sagot ni Staff Sgt. Bernabe.
“Not unless i-travel niyo siya via helicopter. Lalapag sa Davao yung isang chopper baka pwede niyo nang isabay yang batang yan” tugon ni Ninong Sonny.
“That’s a good idea, tara na”
Binuhat na nga nila ang bata upang isakay na sa Chopper.
“Lt. Singson, sumama ka na kay Cedric para may bantay sila”
“Sir yes sir” pagsaludo nito. At kahit paika-ika ay sumampa siya sa chopper.
Nung maka-upo na kami ay iniiwasan ko ang mga titig ni Samuel, baka kasi matunaw ako. Nandiyan din yung ngingiti siya, or ngingisi ng nakakaloko. He is really my type of guy, yung parang Captain America Cris Evans. Ang tangkad niya, maganda ang pangangatawan, matikas ang tindig, pantay pantay ang mga ngipin, may facial hairs. Matambok ang pwet, pwedeng umunan sa kanyang chest at mga biceps, makalaglag panty. Yung tipong titigan ka lang niya ay sasaludo ang iyong sandata. Ganun yung epekto niya sa akin, and I hate it coz I can’t help it. Meron siyang angas at sense of humor.
“Ba’t mo ko tinititigan? Wag ka nga” pagsaway ko sa kanya.
“Ang cute mo, para kang panty’ng ang sarap amoy amuyin”
“Sa lahat ng bagay na pwede i-compare yun pa talaga?”
“Hehehe, joke lang syempre. Pero seryoso ah, nagwagwapuhan ako sayo. Akala ko kasi sundalo lang ang mga artistahin, may Doctor rin pala”
“Wow, hangin ah”
“Ano nang number mo?”
“Sigurado ka bang ayos ka na?”
“Oo naman, magiging mas maayos ako pag hinalikan mo tong labi ko”
“Gago”
“Basain mo nga, tuyo eh. Wala nang kaso sakin kung lalake ka. Dali”
“Bat di mo nalang dilaan, gago ka pala eh”
“Puke lang dinidilaan ko eh, hindi labi”
Napanganga nalang ako sa bargas niyang pananalita. I just raised my middle finger, na siyang kinahagalpak niya sa tawa. It was really ironic kasi we are in a serious situation pero nakukuha pa niyang magbiro. Nang makalapag ang chopper, agad kong tinawagan ang Hospital Director para magpaalam na gamitin ang operating room ng ospital. Pumayag naman siya.
Habang pinapasok namin yung pasyente sa ospital ay pansin kong parang nagiging kritikal yung sitwasyon niya. “We need to move fast, this patient has less than an hour if we do nothing”
Ayaw pa kaming papasukin noon ng naka-duty’ng doctor. Kailangan daw sumunod sa S.O.P ng Hospital, kailangan ng consent at ng downpayment. “Can’t you see this is a life & death situation. Let’s settle that after ok. Get out of the way or my comrade here will shoot you”
“Is that a threat? Bakit sino ka ba? Are you even a Doctor? Baka di mo kilala kung sino ako?” sabi ng Doctor.
Ngumiti lang ako, eh tinamaan pa ako ng saltik sinapak ko siya. Ayun tumba, lalaban pa sana siya nun kaya lang inawat na ni Samuel. “I’m just doing my job in here Doc sorry walang personalan, and next time you should know atleast who am I”
“Fuck you, see you in court” sigaw niya.
“Nurse I need backup, if we will not move now, this girl might die” sigaw ko. Dali-dali na nga kaming nagpalit at inumpisahan na ang surgery.
Di magkanda ugaga ang mga assistant ko sa operating table dahil bumabagsak ang vital ng pasyente. Pinagmamasdan ko nalang ang mga film ng tomography test at inaanalisa ang pinakamaganda at safe na strategy para matanggal ang bala sa ulo niya. Buti shrapnel lang ang tumama at hindi talaga bumaon sa utak niya. Kung puso sana to mas madali sa akin dahil yun yung specialty ko. The sound of the apparatus are bothering buti nalang at nagawan namin nang paraan at natanggal ang shrapnel at naging stable ang pasyente. The 2nd phase will be worse, yung antaying magising siya.
Pagkatapos ng operation ay nagpalit at naghugas na ako. Lumabas ako ng OR at napaupo nalang sa may corridor dahil sa pagod. Nakatungo ako nun ng may magsalita.
“Doc, ok ka lang?”
Iniiangat ko ang aking paningin saka sumagot ng makita kong si Samuel pala. “Ayos lang”
“Kumusta ang pasyente?”
“Di ko pa masabi sa ngayon eh, sana ok siya. Sana magising”
Umupo siya sa tabi ko sabat abot ng isang mineral water bottle. Kinuha ko saka uminom. Habang umiinom ako tinititigan lang niya ako kaya naman na-concious tuloy ako.
“Bakit? May dumi ba ako sa mukha?”
“Wala, ang gwapo mo lang kasi. Bagay sayo yang suot mo”
“Bolero”
“Totoo nga”
“Ang weird lang kasi for a guy to appreciate another guy”
“Ha?”
“Nevermind. Of all profession, bat ka nagsundalo?”
“Ang sagot ko Doc ay parehas lang din sa magiging sagot mo kung bakit ka naging Doctor”
“Magkaiba yun no, mas delikado parin yang propesyon mo”
“Walang pinagkaiba Doc, lahat mahirap. Parehas tayong sumasagip ng buhay. Ang kaibahan nga lang, kami kailangang pumatay para mabuhay yung iba”
“Hindi ka ba takot mamatay?”
“Bakit ako matatakot sa isang bagay na alam kong lahat tayo dun hahantong diba? Mas natatakot ako sa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Mas natatakot ako sa ideyang puros gulo nalang dito sa bansa natin. Gusto ko din naman sana na yung mga magiging anak ko ay mabuhay sa isang matiwasay na lugar. Hindi yung ganito”
“Patriotism”
“Hindi lang yun dun Doc, lahat tayo makabayan sa sarili nating mga paraan. Lahat tayo may mga prinsipyo, may dignidad. At kung mamatay man ako, gusto ko dala ko parin yun. Kahit man di ka nila maalala, atleast may nagawa kang tama sa buhay na pinahiram sayo”
“Ang lalim mo mag-isip, pinapahanga mo ko”
“Basta ba kasi hindi English Doc, mas naipapahayag ko yung gusto kong iparating”
“Ganyan mo siguro napasagot ang asawa mo noh?”
“Matanda na ba ako tignan? Magkasing edad lang ata tayo ah. Wala pa kong asawa, girlfriend lang. Pero malabo kami nun ngayon eh, ewan ko ba dun.”
May kung anong kumurot sa aking puso nang malaman kong may girlfriend siya. Taken na siya, akala ko may pag-asa.
“Ikaw ba, may girlfriend ka?”
Tinawanan ko lang yung tanong niya.
“May mali ba sa tanong?”
“Wala naman, but to answer your question. No, I don’t have a girlfriend. And I’m not into girls”
“Mukha ka ngang playboy eh, mukha kang perpekto. Nasa iyo na ang lahat, looks, pera, magandang tindig at katawan. Ano pa ba hahanapin mo?”
“Ikaw, ano bang hinahanap mo? I’m just here”
Natulala siya sa sinabi ko. “Ha?”
“Wala, I’m just kidding. But I like you” pahayag ko.
“Tara kain na tayo bago bumalik sa base” pagiiba niya sa usapan.
“You’re impossible”
Kumain muna kami sa isang kainang malapit sa ospital at andami naming napag-kwentuhan.
“Nabasa ko dun sa Directory ng ospital yung pangalang Albert Castaneda at Eloisa Sy-Castaneda, diba Castaneda ka rin? Kaano-ano mo sila?”
Nginitian ko lang siya.
“Ano yan, bat ka ngumingiti may mali nanaman ba sa tanong ko? Hoy brad kung may balak kang di maganda sa akin wag mo na ituloy. Di tayo talo.”
“Sira”
“O ano nga, kaano-ano mo nga sila?”
“They’re my parents”
“Ay pucha, pagaari niyo pala yung ospital kaya ka pala may lakas ng loob manapak. Mayabang! Yan tayo eh, Mayaman.”
“Hoy, hindi ganun yun no. Eh sa tarantado yung baguhang doctor na yun may magagawa ba ako?”
“Sabagay”
Ibinilin ko nalang sa mga staff ng hospital ang monitoring dun sa bata saka ako bumalik ng base. Ginising ako ng isang phonecall from my Dad kinaumagahan.
“Oh hello” sabay hikab.
“Ano nanamang katarantaduhan ang ginawa mo kagabi? I heard what happened. Nanapak ka daw ng isang intern”
“Ganda ng paalmusal mo ah.”
“I’m serious Cedric, pano kung magsampa ng kaso yun against you?"
“Edi magsampa siya, I’ll see him in court”
“What the hell Cedric are you really out of your mind?”
“No Dad, oh siya I’m sleepy and tired.”
“Wait don’t hang up, yung pasyente mong si Anna Marie sinugod ulit dito sa hospital. Pangalawang atake niya na to, I think you need to get back here”
“Seriously? She really needs that PFO closure”
“Then do it”
“Dad, we can’t. You know that”
“Her parents are willing to fly her to Hong Kong immediately. But in one condition”
“What?”
“You’ll go with her. Alam mo namang sayo lang gustong magpagamot nung batang yun”
Nagdesisyon nga akong samahan siya. Anna Marie is a special child, anak ng isang prominenteng businessman. She is a talented kid but she has a weak heart. Napamahal na sa akin yung batang yun, at gaya ng ng sabi ni Dad nagtatantrums siya pag di ako ang titingin sa kanya. Kasalukuyan akong nag-eempake ng mga gamit ko ng may kumatok sa pinto.
“Bukas yan pasok”
“Oh Doc, aalis ka? San ka pupunta?” tanong ni Samuel.
“I’m going back to Manila, may kailangan lang akong asikasuhin”
“Ang bilis naman, di pa tayo nakakapag-bonding eh”
“Ba’t ka pala nandito?”
“Aayain sana kitang mamasyal”
“Mamasyal? Sa gitna ng giyera? Ayos rin yang trip mo ah. Oh pano ba yan Lieutenant, mukhang dito nalang to? Oh alagaan mo yang sarili mo, mag-iingat ka palagi. Sabihin mo narin yan sa lahat”
“Ba’t parang yang tono mo parang eto na yung huli nating pagkikita?”
“Bakit may susunod pa ba?”
“Oo naman no, papayag ba ko na wala? Oh sang ospital ka nagtatrabaho?”
“Bakit, pupuntahan mo ba ako?”
“Siguro”
“Di ka naman pala sigurado eh, wag ko nalang sasabihin”
“Doc pag natapos tong operasyon namin at nakabalik ako ng Maynila, labas tayo, nuod tayong sine”
“Nanunuod pala ng sine ang mga sundalo?”
“Oo naman, uyy di mo pa pala binibigay number mo. Amin na tetext kita araw araw”
“Pwede ba yun sa mga sundalo? Akala ko bawal”
“Oo naman, tao rin kami no, anong akala mo sa amin?” Nginitian ko lang siya saka ko inabot yung business card ko.
“Ba’t walang picture naman to?”
“Bakit I.D ba yan para may picture, loko loko ka ah”
“Gusto ko may picture, picture tayo dito sa CP ko ay kaya lang malabo kuha nito”
Agad kong kinuha yung instax at saka kami nagselfie.
“Oh ayan para sayo, antayin mo nalang na madevelop tayo diyan”
“Ha?”
“Puro ka HA. I mean madevelop yung picture natin diyan sa Film. Pahanginan mo ng bongga”
“Hatid na kita sa Airport”
“Wag na, si Ninong Sonny na ang maghahatid sa akin”
“Naks, ang lakas mo talaga kay Commander. O sige Doc, ingat sa biyahe ah. Mami-miss kita”
“Hala mami-miss daw, ano kaya yun? Ikaw ang mag-ingat Lieutenant, at saka araw-arawin mo ang pagligo ha di maganda yan”
Sumaludo lang siya sa akin. At saka tumalikod na para umalis.
“Samuel”
Lumingon siya.
“Mami-miss kita”
Ngumiti lang siya saka tuluyan nang umalis.
Tinuloy ko ang pag-iimpake ng maramdaman kong parang may bumalik. Hinila niya ako paharap sa kanya saka niya ko hinalikan sa noo.
“Di ko natiis”
Hinampas ko lang siya sa braso niya. Pero kinikilig na ako nung mga oras na yun.
Pagkarating na pagkarating ko sa Manila ay agad akong nagreport kay Daddy. Binisita ko din si Anna Marie at halata ngang medyo complicated na ang case niya. Nung araw ding yun lumipad kami patungong Hong Kong, at dahil nga sa pagmamadali ay naiwan ko ang cellphone ko sa office ko. Tumagal ako ng 2 months sa Hong Kong, we almost lost Anna Marie. She’s in a Coma for more than a month. Every hour of everyday was hell. I started questioning myself if want went wrong. Pero isang araw, bigla nalang siyang nagising at nakita ko ulit ang ngiti niya na nagpapatunaw sa puso ko.
3 days after niya magising, I flew back to the Philippines. Para akong nagresidency ulit sa Hong Kong. Isang araw lang ang naging pahinga ko dahil pinapabalik agad ako ni Dad. 
Pagpasok na pagpasok ko kinabukasan, mga sirena ng ambulansya na agad ang sumalubong sa akin. At sunod sunod pa talaga sila. Di na magkamayaw ang mga medical staff na on duty sa ER.
“Wow hah, ang gara ng salubong niyo sa akin. Hey Nurse Ja, you missed me?”
“Oh Doc you’re back. Ready for work?”
“Ano bang nangyari?”
“May nahulog daw pong bus ulit sa Skyway humampas sa railing pati. Marami daw po dead on the spot, tatlo na po DOA. At merong isang for emergency operation Doc. Tuhog, may nakapasak na bakal sa dibdib”
“Pakideretso sa Radiology Section, for the tests”
“Kayo po ba mag-oopera?”
“Pwede, paki-ready na yung Operating room”
“Ah Doc, baka daw po assist lang kayo. Nasabi po pala kanina ni Doc Albert si Dr. Abrahano daw po maghahandle ngayong araw ng mga trauma cases”
“Alright, sino yun?”
“Protégé po ng Daddy niyo”
“Hmmmmmm, cool. Ok team let’s move”
Matapos ang Xrays at iba pang tests ay pinasok na ang pasyente sa operating room. Buti nalang at nailagan ang spine at puso ng pasyente. Pero may laceration sa lungs at may complex tissues at arteries na natamaan. Nakita ko dun ang isang batang doctor. Di ko masyadong maaninag ang mukha dahil naka-mask na. Siya na yung nagsalita at ako naman nakikinig nalang sa tabi.
“Tanggalin natin yung bakal in the safest possible way. Ok!”
Pagkakita ko sa strategy niya ng pagtanggal ng bakal ay bigla akong nashock dahil nagtwist konti. May possibility ito na magkabruises ang cardiac wall. Pagkatanggal ng bakal ay siyang tuloy tuloy na pagbulwak ng dugo mula sa pasyente. Di narin magkamayaw sa pagtunog ang mga aparato.
“Doc, we’re losing him”
“Relax guys ok” tugon nung Doktor.
“Doc, yung heartbeat ng pasyente humihina”
“I can handle this” pagkasabi niya yun ay may kung anong bumulwak ulit na na dugo parang fountain. “Fuck, I touched the wrong vein”
Naginit na ang ulo ko nun dahil konting pagkakamali pa maa-under hypovolemic shock na ang pasyente. Parang gusto ko siya sapakin, baguhan pala siya I should’ve have known earlier. Nagmamarunong kasi eh hindi niya naman pala specialty ang mga ganitong cases. Parang nagpanic na siya at napapatulala nalang.
“Tabi diyan Doc, I’ll be the one to finish this. Pag-aralan mo munang mabuti ang anatomy mo”
Tumabi nga siya at nakita kong nangingilid ang luha niya.
“Check for sucking chest wounds, airways, circulation”
“Pneumothorax, present Doc. Breathing still irregular”
“Regularize transfusion”
“Doc patuloy parin ang pagdurogo”
“Initiate IV lines. Paabot ng forceps at gauze”
“Doc, no development”
“28 french chest tube- & right angle”
“Doc yung oxygen level”
“Bovie”
“Doc” sabay iling
“Magaling ba kayong magdasal?” tanong ko. Tumango naman sila. “Pwes, simulan niyo na at tatapusin ko lang to.” May ganito na kaming case nun sa Boston kaya alam ko na ang gagawin. Maingat ko ngang nirerepair ang mga nahagip na ugat at iba pang parte lalo na yung sa baga. Napatigil ko ang pagdurugo, na-stabilize ko yung oxygen level at bumalik sa normal yung vitals ng pasyente.
“Doc, the prayer works”
“See. Dr. Abrahano, baka gusto mong isuture tong mga to”
He just nodded.
“I’ll talk to you after I have a word from the Director”
Matapos akong makapagpalit, dali dali kong pinuntahan si Dad sa office niya. Naiinis na ako nun kaya dirediretso ang pasok ko.
“Di ka ba tinuruan ng mga magulang mo kung paano kumatok Kyle Cedric?”
“Wala akong mataandaang tinuro mo yun sa akin”
“What is it again this time?”
“Well ang ganda ng pa-welcome niyo sa akin ah. Kakapasok ko palang Operating room na agad. Wow, just wow”
“What do you expect, banda?”
“That’s a good idea bat di mo sinubukan?”
“So how’s Dr. Abrahano is he good? He really has a good credentials. I heard he studied also abroad I’m just not sure about that. So how was working with him”
Nagsmile muna ako bago nagsalita. “Bukod sa tarantado siya at mayabang at nagmamarunong. Kung wala ako dun kanina, siguro maglalamay na yung pamilya nung pasyente. What the hell Dad, you don’t say sorry if you touched a wrong vein, you should fix it. He’s still not capable of handling such cases.”
“He already took 1 ½ year of residency under general surgery”
“And it took me 4 fucking years, but still as if I’m not good enough. Come on Dad. Protégé?”
“Are you insulting me?”
“No, I’m just telling the truth”
“Hindi porket nag-undergo ka ng training abroad ay may gana ka nang maging ganyan. Akala mo naman di ka dumaan sa ganun”
“Dumaan ako sa stage na yun, it’s ever worse. Ang kaibahan lang, I know how to accept my mistakes, nagtatanong ako kung ano ang gagawin pag di ko alam. At ang mas importatnte dun, nakiki-coordinate ako sa mentor ko”
“I’m still your Dad Cedric I don’t deserve this. Alam ko may gusto kang iparating nanaman”
“Wala akong gustong iparating. I’m just reporting to you”
He just gave me his serious glances.
“Oh by the way, sa Davao ako mag-duduty next week”
“No, walang papalit sa night schedule mo”
“I know one who can” tinawagan ko nga yung mga nasa intercom “Beh, pakipage si Dr. Abrahano, pakisabi pumunta siya sa office ni Dr. Albert”
“Ano nanamang pakulo yan?”
I just smiled baka sakaling madaan ko sa charm ang aking ama. Minutes after may kumatok sa pintuan.
“Pasok, bukas yan” tugon ni Dad.
“Good afternoon po” bati ni Dr. Abrahano, at nung nagtama ang mga paningin namin ay parang bigla siyang kinabahan.
“Don’t feel so tensed Doc, lahat tayo dumadaan sa ganyang stage. Just promise me not to let that happen again. And I’m sorry for being stubborn a while back. I really am stubborn – always”
Tumango nalang siya. Nagpalipat lipat ang paningin ko kay Dad at kay Dr. Abrahano. Napagmasdan ko nga ang mukha niya, bata pa siya. May dimples, may itsura, chinito, matangkad, maputi, gym fit – in short gwapo. Tinuloy ko nga ang pagi-scan sa kanya, parang may common features sila ni Dad.
“Dad, tabi ka nga sa kanya”
“Inuuto mo nanaman ba ako. Well, ayoko”
“Hey, ikaw nalang ang tumabi” utos ko kay Dr. Abrahano na siyang sinunod niya naman.
“O diba, alam mo mas mukha kayong mag-ama.” Pagkasabi ko nun ay biglang nasamid si Dad at si Dr. Abrahano naman ay parang nataranta. “May mali ba sa sinabi ko?”
“Cedric enough” bulyaw ni Dad.
“Dr. Abrahano, may I know your name and a bit background”
Lumunok muna siya saka nagsalita. “Kier Martin Ethan Abrahano po, sa Cebu po ako nag-aral. Bale 2nd year of residency ko na po ito”
“Hmmmmmmn, kaya pala natataranta ka pa”
“Cedric isa pa, bibigwasan na kita”
Inirapan ko lang si Dad.
“So what do they call you? Kier? Martin or Ethan?”
“Martin po”
“Can you fill my shifts while I’m away?”
“Cedriiiiiiic!” saway nanaman ni Dad.
“Ok lang po” sagot naman ni Martin.
“Good, oh Dad settled na”
“You’re such a brat”
Pinandilatan ko lang siya na parang bata. “Hey Albert I forgot to say, may lunch date kami ni Mom, gusto mo sumabay?”
Nanlaki ang mata niya dahil tinawag ko siyang Albert. “Wala kang galang. Go ahead, I have a meeting”
“Ok”
Matapos ang pag-uusap namin ni Dad ay dumaan muna ako sa office ko at agad na sumalubong sa akin ang lowbat kong phone. Chinarge ko muna ito saka pinuntahan si Mama para mag-lunch. Pansin niya naman na naiinis ako.
“I know that face, Go on Ced what is it?”
“I’m jealous”
“Nabalitaan mo sigurong may minementor ang Daddy mo no. Tsk tsk tsk.”
“Why is he always like that. He keeps pushing me away, he never let me be under him. Now his putting his attention to that kid. Tapatin mo nga ako, ampon ba ako? Bat’t sa akin lang ganun si Albert?”
“Hahahaha, sa tingin mo? Sa itsura mong yan may magsasabi kayang ampon ka namin?”
“Ma, umamin ka na. Baka artista sa Seoul yung tatay ko. Sabihin mo na, matatangap ko naman eh”
“Gago to, loko loko ka talaga. Ewan ko ba kung kanino ka nagmana ng ka-prankahan at katabilan ng dila. You know Cedric, hindi mo kailangan ng attention or ng mentoring. You are already good at your own craft, and to tell you honestly mas magaling ka sa Daddy mo”
“Ma!”
“Seryoso ako. Change topic, so how was Hong Kong? How was Dr. Seo?”
“Ma, drop that idea hindi yan nakakatuwa”
“2 months din yun wag mong sabihing walang nangyari”
“Susmaryosep Ma, you’re impossible!”
“By the way may dumalaw pala na sundalo dun sa ospital sa Davao nung isang linggo hinahanap ka.”
“Anong pangalan?”
“Bok daw ata, ewan. Manliligaw mo ba? Sinindak ko eh”
“Goodness, sundalo yun no. Manliligaw? Sa akin? Ridiculous!”
“Who knows. Pero type ko siya, gwapo. Pasok Cedric.”
“Oh edi sayo na, ano gusto mo ilakad kita?”
“Siraulo, hoy may lakad ako sa PGH bukas isasama sana kita”
“Punta akong Davao”
“Nanaman, for what again?”
“Business”
“Kelan pa naging business ang lumandi”
Nagtawanan nalang kami. Ganun kami ni Mama, para lang kaming magtropa.
Bumalik na kami sa ospital at nung binuksan ko ang CP ko ay andaming text mula sa isang unregistered na number. Andami ring miscalls kaya pala nalowbat ng husto. Nagpakilala naman siya, it was Samuel. Dahil nga it’s too late to respond on them, pinabayaan ko nalang.
Mabilis na lumipas ang mga araw at sa tuwing nakikita kong minimentor ni Dad si Martin ay para akong nasasaktan. He never did that to me. Well nung bata ako oo, pero once I entered Senior High wala na. Balita ko na gumagaling si Martin at siya ang napupusuan ng board na maging Head ng Surgery Department in the future. At baka nga siya pa ang sumunod na Hospital Director. Masakit sa akin na marinig yun sa mga bulong-bulungan. They adored Martin so much kasi mabait siya, di tulad ko stubborn, skeptical & intimidating. I tried passing my resignation letter, pero nag-away lang kami ni Dad.
“I just want to build my own name away from your shadow”
“You already did, what for?”
“I don’t want to see you everyday, it’s suffocating. And I’m jealous seeing you pampering that kid” sabay talikod na sa kanya.
“Hey, we have a family dinner at 7, don’t be late”
Tinaas ko lang yung kamay ko. “I have a date” pagsisinungaling ko. Pagkalabas ko ng opisina ay nakasalubong ko si Martin. Tinitigan niya ako. “What?” sarcastic kong tanong.
“Nothing”
Bigla namang may tumawag sa phone ko kaya sinagot ko ito.
“Yes, hello”
“Bes, nasan ka? Si Esang to, nasa bansa ako”
“Ui bruha ka, ngayon ka lang nagparamdam ah. Oh anong atin? Papakasal na ba?”
“Busy kasi bes, alam mo naman tayong mga magaganda. Di pa ko magpapakasal, kakayod muna”
“Hinayupak ka, na-miss kita. Oh ano, all-nighter dating gawi?”
“Game! I heard may magandang bar sa the fort?”
“Treat mo? Ikaw yung Dollar rate eh”
“Call. By the way, may isasama akong boylet kaya maghanda ka”
“Panong paghahanda, magmouthwash ba ako ng maigi? Douche ba sis?”
“Gaga, di ka parin nagbabago ang tanda mo na”
“Oh looks who’s talking excuse me”
Nagkita-kita kami sa The Fort at kasama ni Esang ang dalawang familiar na tao. Si Charles & Regina.
“Ateng bruha ka talaga, ba’t mo sinama tong mga kumag na to” bulong ko sa kanya.
“Ateng nagpumilit yang lalake, eto namang si babae todo kapit. Takot mawalan ng laruang ibon”
Dating Nurse si Regina sa hospital nun at naging fling ko siya. Mga kunwa-kunwaring drama na nauuwi sa alam niyo na – kiss. Kala niyo kung ano no, pero we had sex once kasama si Charles.
“Type mo parin ba si Charles? Di ba pag natikman na, oks na move na” bulong ni Esang
“Hala, di ko siya type noh. Over my dead….” Bago ko pa natapos yung sasabihin ko ay may lumapit na apat na gwapong lalake sa aming kinauupuan.
“Uhhhm, eto pala yung mga modelong alaga ko. Come sit down boys.” Sumunod naman sila.
“Ah guyyss, this is Regina & Charles” nagwave lang naman ang dalawa at ganun din yung apat. “And guys meet my bestfriend, Dr. Cedric. Ced meet my anak-anakan, Blake, Jasper, Kenzie & Yohan”
Nakipagkamay ako sa kanila, yung Kenzie at Yohan iba yung grip nila sa hand ko kaya agad kong iniwas. Gwapo naman sila kaya nga sila model eh. Lalo na yung Kenzie at Yohan mga punit panty na datingan. Kaya lang nataon na di ko sila type.
“Ateng mamili ka kung sino itetake-out mo diyan. Ako na bahala sa talent fee nila” bulong ni Esang.
“Loka, bugaw ka na pala ngayon. Sino diyan pinakamasarap teh, for sure nung go-see may pa-free taste”
“Shunga walang ganun, and one thing more faithful ako sa hubby ko”
“Eh ang sharap naman kasi nun”
“MMMmmft, Ced bawal yun”
“I know, pero seryoso kahit isa sa mga Adan na to wala kang napala?”
“Promise wala. Baka gusto mo i-try”
Nagtawanan nalang kami, panay naman ang titig sa akin nung dalawa (Kenzie at Yohan) kaya nag-iiwas ako ng tingin. Ang haba lang ng hair ko no, cough syrup expectorant din pag may time tayo. Medyo marami na kaming naiinom noon, cocktails lang inorder ko dahil naalala kong may duty pa pala ako kinabukasan. Bigla namang tumunog yung phone ko at nakita kong tumatawag si Ninong Sonny. Lumabas muna ako dahil maingay sa loob.
“Ninong bakit po?”
“I heard pupunta ka ng Davao next week”
“Opo”
“Pwede bang ngayon ka na pumunta, yung eroplanong maghahatid dito ng medical supplies mamayang ala una ang lipad. Baka pwedeng dun ka na sumabay. Meron kasi kaming special case dito kaya kailangan namin ng expertise mo”
Tinignan ko yung relo ko, 11:11 na. “Sige po, pupunta po ko.”
“I already told your Dad about this, kaya pwede ka nang dumeretso sa Villamor”
“Sige po Ninong” then I hang up.
Bumalik ako sa loob at nagpaalam nga kay Esang.
“Bes, I need to go may emergency. I need to catch a flight to Davao”
“What, party pooper to. Kala ko ba all-nighter, mahina ka pala eh”
“I’m sorry this is an emergency, bawi ako sayo next time”
“Paano yan diba bawal kang mag-duty ng lasing”
“Macchiato shots pwede na siguro. Papababa muna ako ng amats”
Nagbeso nga siya. “Ingat bes”
“Bye” nagpaalam din ako sa mga boys.
Tumayo naman yung Kenzie at Yohan at sabay sabing “I’ll drive you home” saka nagkatinginan ng masama.
Natawa nalang ako sa inasal nila kaya sumagot ako. “Thanks but no thanks. I can manage”. Nagstarbucks muna ako bago tumungo sa unit ko sa BGC. Naligo ako ng malamig para naman bumaba kahit konti yung amats ko. Pagkatapos nun ay dali dali akong nagtungo sa Villamor.
Di umepek yung Macchiato at ligo, ang sakit ng ulo ko kaya naman nakatulog sa biyahe. Ginising nalang ako ng piloto pagkalapag namin sa paliparan.
“Damn it” yun nalang nasabi ko dahil sa bigat ng ulo ko. Naligo ulit ako sa ospital noon bago pumasok ng operating room.
Napag-alaman kong isa palang Most-wanted yung ooperahan ko. At kailangan siyang mabuhay para sa impormasyong makukuha nila. Na-tense ako nun at pinagpapawisan na ng malamig.
Napansin ito ng assisting Doctor. “Doc, ayos ka lang po ba?”
“Paano kung mamatay to?”
“Si Doc naman, kayo pa ba. Eh isa kayo sa mga magagaling na cardio-thoracic surgeon”
“Paano kung sabihin ko sayong di ko talaga alam ang gagawin?”
Lumunok nalang siya at napanganga. “Kaya natin to Doc”
Pagkasabi niya yun ay biglang tumunog yung mga aparato at biglang nagflatline yung screen.
“Doc he’s having a Cardiac arrest”
We started pumping his chest.
“Defibrillator, Charge it to 150 joules”
“Clear”
“Nothing”
“Charge it to 200”
“Clear”
“We’re loosing him”
Lalo akong natense at pinagpawisan kaya naman bumalik kami sa manual pumping. Bumalik yung tibok ng puso niya.
“Shit, that was nerve wracking. Keep his vitals stable”
Matapos nun ay nagsimula na kaming operahan siya. Napaka critical dahil may mga organ adhesion ang pasyente. Nung matapos ang operasyon ay sobrang sama ng pakiramdam ko kaya naman nagtungo ako ng banyo at isinuka lahat ng laman ng sikmura ko. Parang nanghihina ako nun kaya napasalampak nanaman ako sa hallway ng ospital. Habang nakasubsob yung mukha ko sa mga braso kong nakaakap sa mga tuhod ko ay bigla kong naramdaman na may tao sa harapan ko. Pagtingin ko, it was Samuel. Bagong ahit, bagong gupit, bagong paligo, maaliwalas tignan.
“Liuetenant”
“Captain na Doc” sabay abot niya ng tubig sa akin.
Sumaludo ako pagkatapos kong makuha yung bottled water, siya naman umupo sa tabi ko.
“Naligo ka ngayon ah”
“Syempre, ayaw ko namang magmukhang basahan sa harap mo. Oh kumusta ka naman, di ka nagpaparamdam ah”
“Sorry ah, di ko nasagot mga txt at tawag mo. Naiwan ko kasi CP ko dito sa Pilipinas nung nag Hong Kong ako”
“Kaya pala akala ko kinalimutan mo na ako. Pero di ako nag give-up. Kaya nung malaman kung ikaw mag-oopera kay Akbar, pumunta agad ako dito.”
“Talaga?”
“Minsan nga nung marinig kong may pupuntang Dr. Castaneda dito akala ko ikaw, dali-dali akong pumunta. Mama mo pala yun, ang bait niya.”
“Nakwento nga niya”
“Makulit din siya, sabi niya di daw ako papasa dahil wala man lang akong bitbit na kung ano. Dapat daw next time may baon ako kahit tubig lang. At dapat daw next time magdala ako ng bulaklak at tsokolate pag nanligaw na ako”
“Sa kanya?”
“Sayo”
Namula naman ako sa narinig ko. “Siraulo talaga yung Eloisa’ng yun”
“Cool nga eh, parang ka-tropa mo lang yung nanay mo. So kailangan pala ng ganun pag liligawan ka?”
“Ba’t mo naman gagawin yun. Eh lalake ka, lalake ako. Tapos may misis ka pa. Di ba, ang pangit lang tignan sundalo ka pa mandin”
Di siya sumagot bagkus ay nagpacute lang siya gaya ng lagi niyang ginagawa.
“Ano?”
“I miss you”
Inirapan ko lang siya.
“Wala bang I love you too diyan?”
“Operahan kita gusto mo, tanggalin natin yang mga laman loob mo”
“Tanggalin mo tong puso ko, ng malaman natin ikaw sinisigaw nito”
“Utot mo”
“Tulihin mo nalang ulit ako, nangangati madalas” sabay kindat sa akin.
Kinutusan ko lang siya sa ulo niya. “Gago to”
“Doc malapit nang matapos ang operasyon namin dito. May mahaba akong bakasyon. Uuwi ako ng probinsiya baka kako gusto mo sumama, maganda dun mag-eenjoy ka”
“Busy akong tao, at bakit naman ako sasama sayo aber?”
“Kasi ininvite kita”
“Ah, ok”
“Kasi ano ba. Sabihin nalang nating ipapakilala kita sa mga magulang ko”
Kinilig ako konti dun. Abot hanggang Samal yung buhok ko teh.
“Sus”
“Oo nga, kahit isang lingo lang.”
“Tignan ko pa”
“Wag mong tignan Bok, subukan mo”
Tumango nalang ako.
Sa tatlong araw na paglalagi ko doon ay di parin nagising yung pasyente. Kaya naman mas napahaba yung pamamalagi ko dun at sumama ako sa base nina Samuel sa Zambo. Sa mga araw na yun ay lagi kaming magkasama ni Samuel. Lagi kaming nag-uusap, nagkukulitan at nag-aasaran. Sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo ko siyang nakikilala. Sa bawat araw na nakikita ko siya ay mas lalo ko siyang hinahangaan. Lalo na pag may drill sila, o yung topless siyang nagjo-jogging pag umaga. Ang saya gumising araw araw. Napo-fall na ako sa kanya, bukod sa gwapo at matipuno siya at talaga namang maasikaso, malambing at maalaga. Hindi siya naasiwa sa akin kahit alam niyang bakla ako. Sana lahat ng tao ay openminded.
Minsan ay nag-uusap kami ni Sgt. Major Tabora, napaka-kwela kasi niyang tao at magaling magluto kaya naman naka-close ko rin. Bigla nalang sumulpot si Samuel dun saka hinatak yung kamay ko para umalis na dun.
“Ano bang problema mo? Bitawan mo yang kamay ko kundi malilintikan ka sa akin. Baka di mo naitatanong, may alam ako sa Martial Arts”
Tinitigan lang niya ako at halatang galit siya.
“What?”
“Bakit kayo tumatawa, anong pinaguusapan niyo” tanong niya.
“Wala kang paki”
“Ano nga?” sabay hawak niya sa balikat ko gamit ang dalawa niyang kamay na agad ko namang inalis.
“Anong problema ba dun?”
“Ayaw na ayaw kong may nang-aagaw sa pag-aari ko sa loob ng aking teritoryo.”
Medyo naguluhan ako sa pahayag niya pero parang nagets ko narin. Nagseselos siya.
“Nagseselos ka ba?” tanong ko, umiling lang siya.
“May ilog ditong malapit baka gusto mo sumama, maliligo ako”
Nagliwanag ang mukha ko at agad kong pinulupot yung kamay ko sa matipunong braso ni Captain Singson.
“Tanggalin mo yang kamay mo, baka pag tinigasan ako di ko alam gagawin ko sayo”
Sinunod ko naman siya pagkatapos ay binigyan ng mahinang suntok sa braso niya.
Ang sayang maligo sa ilog. Sa ganda ng paligid ay di mo aakalain na may nagaganap na giyera sa pagitan ng mga rebelde at ng militar. Pagkarating namin dun ay agad na naghubad ng damit si Samuel at yung camou shorts nalang niya ang natira.
“Ang sagwa naman ng tanawin dito”
“Sus ang sabihin mo, masarap isubo yung tanawin. Namboso pa to, in-love ka na sa akin no? Aminin mo na, pagbibigyan naman kita sa gusto mong mangyari. Ready naman tong si Junjun eh, wag lang sasabit yang ngipin mo” pang-aasar niya.
“Heh, you wish” maikli kong pahayag sabay naghubad narin ng damit at yung boxer shorts ko nalang din ang natira. Napansin kong nakatitig si Samuel sa akin at parang natutulala. Napansin ko ring parang may kung anong hinahawakan siya sa ilalim ng tubig.
“Oh bat parang nakakita ka ng anghel diyan. Tsaka anong ginagawa mo diyan hah?”
“Tang ina ang puti at ang kinis mo para kang babae. Mas makinis ka pa kesa sa girlfriend ko. Langya, baka ipagpalit ko na siya sayo. Takte na yan ah, tigang pa naman ako ngayon”
“Manyak mo, maligo ka na nga lang diyan”
Iniiwasan ko siya nun sa paliligo pero kusa siyang lumalapit.
“Di mo ba alam yung tinatawag na Me-time at personal space ha? Di ba yun tinuturo sa Academy?” kumindat lang ang loko.
Habang naliligo ay nakakaraming tiyansing na siya, niyayakap niya ako at nagnanakaw ng halik sa pingi. Di ko maintindihan ang mga gestures niya na yun. Mahirap mag assume kaya hinahayaan ko nalang dahil baka namimiss niya lang yung GF niya. Nararamdaman ko rin na sinasadya niyang ibangga ang matigas niyang sandata sa likuran ko.
“Hoy yang batuta mo kanina pa ko hinoholdap. Awatin mo baka maputol ko yan”
“Baka kasi gusto mong pagbigyan kanina pa to nagpapapansin sayo. Tara dun tayo sa may mga bakawan”
“Utot mo unggoy ka”
“Alam mo bang pinagjajakulan ko yung picture nating dalawa pag may mga gabing mag-isa ako sa barracks. Sarap ng feeling dre.”
“Manyak”
“Gusto na ata kita, bakla na ba ko pag ganun?”
“Nakakatakot maging bakla ang isang sundalo”
Kinindatan niya lang ako saka sabay dila sa kanyang mga labi. Libog na libog talaga si mokong. Narinig ko naman na nagriring yung phone ko na iniwan ko sa batuhan kaya naman agad akong umahon para sagutin ito.
“Hello Ma?”
“Kelan ka babalik ng Manila, yung pinsan mong si Nate kakauwi lang hinahanap ka”
“Si Nate? Talaga nakauwi na? Naka naman. Sabihin mo sa Friday kita kami, miss ko na siya, Damn. Sana magising na ngayon yung pasyente para makauwi ako at makita siya”
“Oh siya sige”
Pagkababa ko ng CP ay agad nagtanong si Samuel.
“Sino si Nate, at bakit parang excited kang makita siya ulit?”
“Di mo siya kilala kaya shatap ka nalang ok baby boi, balik na tayo dun baka hinahanap na ako ni Ninong”
“Ayoko sagutin mo muna tanong ko”
“Uhhhm bahala ka diyan”
“Cedric seryoso ako, sino sayo si Nate?”
“Uyyy, 1st time mo kong tawaging Cedric ah. Uyyyy”
“Babarilin kita, sino si Nate?” galit niyang sigaw, napipikon na ang mokong. Ang cute niya pag ganun siya. Kaya naman tinawanan ko lang.
“Mauna na ako sayo” sabay karipas ng takbo.
“Hoy bumalik ka dito gago ka, di pa tayo tapos”
Di niya ako naabutan kaya dirediretso ako sa kwarto ko at nagbanlaw na. Paglabas ko ng banyo ay nakatapis lang ako ng tuwalya. Nakita ko dun sa kwarto ko si Samuel, halatang galit.
“Mag-usap tayo” matabang niyang pahayag.
Tinaasan ko siya ng kilay. Nakapamewang na siya nun at seryoso ang itsura.
“Cedric” sigaw niya.
“Wag ka ngang sumigaw baka kung anong isipin nila”
Agad niya akong nilapitan at saka hinatak at hinalikan sa labi. Sa pagkabigla ay naitulak ko siya ng malakas at napasalampak siya sa sahig.
“Gago ka ba, may CCTV dito, ano bang problema mo ha?” bigla naman siyang natauhan at agad na tumayo.
“Sino si Nate?”
“Nagseselos ka ba?”
“Tang ina Cedric tapatin mo ko sino si Nate?” nabigla na ako sa inaasal niya. Para kaming magjowa kung magsigawan, tinapos ko nga muna ang pagbibihis.
“Gusto mo sapakan nalang tayo dun sa gym, ano payag ka?”
“Sige ba huuuh, ako pang hinamon mo ah. Sige sige, pag natalo ka, akin ka na. Pag natalo ako – o sige, ako lalayo”
“Kakayanin mo kaya?”
“Na layuan kita? Hindi, alam ko namang talo ka eh”
“Talaga lang ha, tignan natin” di kasi siya naniniwala na may proper training ako sa Taekwondo at Muay-Thai. Ayan tuloy edi olats siya, napatumba ko lang naman. Medyo napuruhan dahil pumutok yung kilay niya, unintentional yun. Naawa tuloy ako nung iniinda na niya yung balikat niya.
“Ang yabang mo kasi porket sundalo ka minamaliit mo na ko. Yan tuloy ang napapala mo. Ang hina mo pala, di man lang ako pinagpawisan. Pano ba yan, this is goodbye?”
Di siya nagsalita at nakita kong nangingilid na yung luha niya.
“Kailangan mong panindigan yung binitawan mong salita Captain. Diba a soldier stands with his words?”
“Sino si Nate?”
“Pinsan ko, galing U.S. Grabe ka magselos ah. Wag kang ganyan kawawa naman yung girlfriend mo pag ganyan inaasal mo sa kanya.”
Naawa na ako sa kanya dahil patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa kilay niya.
“Tara dun sa Clinic, gamutin kita for the last time”
Habang nililinisan ko yung sugat niya, bigla siyang nagreklamo”
“Aray nananadiya ka ba?”
“Lah, hindi ah” saka ko muling diniin yung bulak.
“Aray sabi eh”
“Sorry”
Tumahimik ang paligid, mga ilang minuto ang nakakalipas nagsalita siyang muli.
“Cedric” sabay abot niya ng isang ultrasound image mula sa bulsa niya.
“Ano to?”
“Baby ko, buntis si Micah. Aksidente kong nabuntis siya”
“Aksidente? Wow ano yun kusang nalaglag yung panty niya tapos nag-alburuto yang burat mo at kusa ding bumundol sa puke niya. Aksidente kamo? Wow, fuckboi style. Ganyan naman talaga kayong mga lalake eh mahilig sa mga fun run. After having fun you run. Panindigan mo yun Samuel”
“Pero di ko na siya mahal. Wala na”
“May expiration date yung pagmamahal mo ganun ba? Man of Valor ka ba? Ang taas ng tingin ko sayo tapos gumagawa ka ng mga desisyon na magpapababa nito”
“Pero”
“Tatahiin ko tong sugat mo wag kang magulo” medyo nadiinan ko ata yung unang tusok kaya siya ulit nagreklamo.
“Aray”
“Hindi lang ganyang sakit ang mararamdaman niya pag iniwan mo siya”
“Pero mahal na kita”
Natigilan ako sa sinabi niya. So ako pa pala ang magiging dahilan ng hiwalayan nila pag nagkataon.
“Iabot mo nga yung gunting” sumunod naman siya. Ipinukpok ko muna sa kanya bago ko pinutol ang suture.
“Di mo ba ko mahal, mapanakit ka ah”
“Pakyu ka, lalake ka at lalake ako. Buti sana kung di ka sundalo. Ano nalang sasabihin ng buong sandatahang lakas? Libog lang yang nararamdaman mo Samuel, itulog mo lang yan. Praktisin mo naring maging ama diyan sa anak mo”
“Cedric mahal nga kita, di pa ba obvious. Hahalikan ba kita kung hindi. Tang ina naman eh”
“Tapos na ko dito, alis na ko. Siesta ka muna at akoy tutulog nga rin. Gising na yung pasyente ko kaya pwede na akong umalis bukas ng umaga.
Iniwan ko siya dun sa Clinic pagkatapos kong iabot sa kanya pabalik yung ultrasound image.Nung kinagabihan naglakad lakad ako sa camp dahil di talaga ako dalawin ng antok. Maybe this will be my last time in a  setting like this one kaya naman sinusulit ko na. Marami akong iniisip, maraming pinaprocess yung utak ko as always. Pinagiisipan ko rin yung sinabi ni Samuel. Oo, una palang mahal ko na siya pero pinipigilan ko yung damdamin ko dahil di pwede. At ngayon na magkaka-anak pa siya, I need to let him go for the sake of the child. Nasa kalagitnaan ako ng pagmomoment ng mapansin ko si Sgt. Major Tabora na nasa damuhan, pinagmamasdan ang kalangitan habang may hawak na gitara.
Nilapitan ko siya.
“Pwede bang tumabi?” nag-angat siya ng tingin saka siya sumagot.
“Uyyy, oo naman doc”
“Anong atin?”
“Wala naman, pinagmamasdan ko lang ang ganda ng kalangitan. Kahit papano hindi sila nagbabago kahit may giyera o sakuna man”
“Ganun talaga, stars meant to shine in any circumstances. Yun talaga ang magaganda, yung abot ng paningin pero di mo kayang abutin”
“Hugot yun ah, ayos ayos”
“Kwento ka, gaya ng ginagawa mo palagi”
Nagkwento nga siya ng mga kalokohang nagaganap sa barracks at kung ano-ano pa. Hanggang sa naging seryoso yung usapan. Nalaman ko nga na may girlfriend siyang sundalo din pero sa Airforce naman. Nauwi sa kantahan yung paguusap namin. Magaling siyang kumanta lalo na pag E-heads playlist o di naman kay ay Parokya.
 Papaalis na sana ako nun papuntang Airport ng biglang may tumawag sa pangalan ko at patakbo siyang lumapit.
“Doc, si Captain Singson po ayaw magising. Nadrug-overdose po ata”
Dali-dali ko naman siyang pinuntahan dahil nag-alala ako sa kanya. Nakita ko siya dun nakahiga, chineck ko yung pulso niya ok naman pero parang mahina. Chineck ko yung pattern ng paghinga niya at parang irregular.
“Samuel, naririnig mo ba ko?” niyugyog ko siya. Walang response, inilawan ko yung mata niya.
Hinampas ko siya ng malakas. “Hoy, bumangon ka diyan ginugood time niyo ko. Kala niyo maloloko niyo ko”
Agad nga siyang nagmulat ng mata at nagpacute. “Concerned ka sa akin, mahal mo rin ako”
“This is just a plain Doctor-Patient relationship”
“Atleast may relationship”
“That’s not what I mean”
“Nasabi mo na eh, wala nang bawian”
“Whatever, gotta go. Malayo pa ang biyahe, malelate na ako sa flight ko.”
“Doc”
“Ano?”
“Lottery ka ba?”
“Hindi”
“Naman eh, dapat sagot mo bakit”
“Eh sa ayaw ko”
“Lottery ka ba?”
“Hindi nga”
“Kahit hindi, handa akong sumugal just to win your heart”
“Corny”
“Surgeon ka ba?”
“Oo”
Inirapan niya lang ako, saka nagmake face
“Eh totoo naman talaga”
“Surgeon ka ba?”
“Oo nga ang kulit”
“Pakitignan nga tong puso ko at nang makita mo na sa bawat pintig at ritmo, pangalan mo sinisigaw nito”
“Patigilin natin gusto mo?”
“Matagal nang nakatigil yan Doc, tumitigil siya sa tuwing nakikita kita. Tumitigil siya para magsumigaw ng Cedric Mahal kita”
Umalis ako dun na may ngiti sa labi, sa mga corny niyang gestures ay gumagaan ang pakiramdam ko at kahit isang segundo ay nakakalimutan kong commited siya. Nakabalik ako sa Manila that day at sa bahay lang ako naglagi. Nagtext naman si Esang nagpapa-alam kung pwede ba daw niya ibigay yung number ko dun kina Kenzie at Yohan.
“Wag, magagalit dyowa ko, sundalo pa naman yun” reply ko lang.
“Hala talaga ba, kelan pa?”
“Ngayon lang”
“Ay asumera. Robitussin Hopia flavour”
“Totoo nga”
“Tinatanong nila kung kelan ka daw ba ulit sasama. Mukhang type ka nila”
“Eh fuckboi yang mga yan eh, sabihin mo di ako interested sa threesome”
Maya-maya nagtext din si Samuel.
“I miss you bok”
“Bok mong mukha mo” na may kasamang emoji na nakadila at hand gesture na malapit sa fuck you sign.
“I love you honey, baby ko” text niya ulit, nang-gugud time.
Nireplyan ko ng mga characters na bomba, baril, kutsilyo, syringe at capsule.
Hindi niya siguro nagets kaya tumawag siya.
“Hello, wrong number po tinatawagan niyo. Bye” sabay baba.
Tumawag ulit siya at sinagot ko naman.
“Ano?”
“Ang tabang naman, wala bang good morning man lang?”
“Tsssss, bye”
“Hep hep hep, teka lang, naglalambing lang eh. Ano gawa mo? Kumain ka na? Sinong kasama mo? Nasaan ka?”
“Paki mo ba? Magtrabaho ka nga”
“Cedric naman eh, ui pala 1 week nalang kami dito at makakauwi na din. Pag-isipan mo yung offer ko ha, sama ka sa akin”
“K” matabang kong sagot.
“I love you baby”
“Utot mo siraulo kang unggoy ka. Baby mong bayag mo”
“Sakit magsalita ah, kala mo naman di siya naglalaway sa yagball ko. Kala mo naman di siya patay na patay sa akin”
“Luh, kapal. Kilabutan ka nga, baka tamaan ka diyan ng kidlat”
“Maiba ako, nakita ko kayo nun ni Sgt. Tabora dun sa damuhan nung isang gabi. Anong ginawa niyo pagkatapos?”
“Sumakit panga ko dun. Oh sige na bye na”
“Hoy, tang ina iniiputan mo ko sa ulo ah. Gago ka bubugbugin ko yun pag nagkita kami.”
“Shatap ka nalang ok” sabay patay ng telepono.
Nagtext ulit siya.
“Wala ba talagang I love you too? Ha baby?”
“I’ll kill you” reply ko na may kasamang demonyong emojis
“Sus pahard to get pa ang baby ko. Oh siya, bye na po”
“Baduy”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: One in a Million Chances (Part 1)
One in a Million Chances (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhmtupAH37QWM-DqnS3aAeMnstnFuwfuspnId7exXRrAUvQPdREUc1A_HxjvVvbMNJExJQGF6WBCoigT_RGZbZm-Enc7FxND2GD3KEiKorYmj9oOJr-ofPTpsur9onfwr3nGFvR7og_CPPv/s400/13551839_254965378208641_1252294256_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhmtupAH37QWM-DqnS3aAeMnstnFuwfuspnId7exXRrAUvQPdREUc1A_HxjvVvbMNJExJQGF6WBCoigT_RGZbZm-Enc7FxND2GD3KEiKorYmj9oOJr-ofPTpsur9onfwr3nGFvR7og_CPPv/s72-c/13551839_254965378208641_1252294256_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/07/one-in-million-chances-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/07/one-in-million-chances-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content