$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 6)

By: Bobbylove Nagising ako dahil sa mga mahihinang pagyug-yog sa braso ko. Nung imulat ko yung mga mata ko ay agad bumugad sa akin si Pa...

By: Bobbylove

Nagising ako dahil sa mga mahihinang pagyug-yog sa braso ko. Nung imulat ko yung mga mata ko ay agad bumugad sa akin si Patrick. May hawak-hawak na tuwalya. Napansin ko rin na nakabalot na ako sa comforter.

“Thank you dito…” pagpapatungkol ko sa kumot, minumble ko yung mga words (You know morning breath problems. Sigh >_<)

“That’s not mine…”

“Uh???” I gave him a puzzled look.

Tinuro niya lang yung kama ni Richard… dun ko nalama’ng kay kumag pala yung kumot na naka balot sa akin.

“Ano na namang problema niyo???” nagkamot siya ng ulo. “Mamayang gabi tabi na tayo… Mukang malabo kayo eh…” umiiling-iling pa siya.

Natahimik lang ako.

Ilang sandali pa’y, biglang lumabas si Richard sa banyo, sabay kaming napalingon ni Patrick sa kinaroroonan niya. Towel lang ang tanging nakabalot sa kanyang katawan, hindi ganun ka flattering ang built niya… malayong-malayo sa Cebuano ko’ng friend na sobrang yummy. Tumango siya kay Patrick, maya-maya’y ibinaling ang tingin niya sa akin. Napayuko lang ako para iwasan siya.

“Ano ba’ng nangyari sa inyong dalawa?” bulalas ni Patrick.

“Wala!” sabay naming sagot ni Richard.

Nagkamot lang si Patrick ng ulo, wariy lito’ng lito sa aming dalawa ni kumag. “Mag-usap nga kayong dalawa…. Maliligo na ako!!!” tapos ay mabilis at padabog na tinungo ang banyo.

Naka yuko lang ako, inaantay na makalagpas siya sa kinauupuan ko. Pero ‘di siya gumagalaw, mukhang na semento na ata si hudas.

“Stop acting like an innocent kid!!! Hindi bagay sayo!!!” matigas niyang sabi.

Noon ko siya tiningnan at kita’ng-kita ko ang galit sa mga mata niya. “Ano ba’ng problema mo? Diba dapat ako nga yung galit?” pinilit ko’ng mag salita ng mahinahon.

“Bakit ka magagalit? Just because I saw your skinny boddy? Don’t worry hindi ko pagnanasahan yan! And if I know…. Marami na ang nakakita niyan!”

(P.S. Sure akong hindi niya nakita si jun-jun… naka talikod ako nun, kaya sigurado’ng yung back side lang nakita niya.)

“Huh?” medyo confuse ko’ng sagot.

“Now you’re acting like a fool… we both know na you’re flirting with Jude!!!” medyo malakas niyang sabi.

“Anong flirting??? Tumigil ka nga!” hindi ko na napigilan na hindi siya mapagtaasan ng boses. “Teka? Are you jealous???” hindi ko alam kung saan ko hinugot yung lakas ng loob para sabihin yun, kaya medyo na shock din ako sa sarili ko.

“Jealous???” tumawa siya. “Wow!!! Wow…” tumitig siya sa akin… unti-unting nawala yung mga ngiti niya. “Lalake ako!!! Sa tingin mo magseselos ako sa pakikipaglandian ng isang bakla?........ tagalog yun! Sana gets mo…”

“Im not flirting….” Mahinahon ko’ng sabi. Honestly effected ako sa mga sinabi niya. Kahit dalawang araw ko palang siyang kilala at kahit hindi kami laging nagkakasundo, hindi ko pa rin inasahan na masasabi niya yun. Gusto ko nun umiyak, pero pinipigilan ko dahil ayaw ko’ng makita niyang mahina ako. Ayaw kung isipin niyang isa akong baklang mahina…

“Oh… Common!!! Lokohan to?” sobrang talim nung mga tingin niya. “we both know na niloloko mo si Jude at ang Boyfriend mo!!! at naiinis ako sa mga manloloko!!!!” mas tumaas pa ang boses niya nung sabihin yung huling salita.

“Wala akong niloloko…”

“Now this becomes nonsense!!!” sigaw niya ulit… saka umalis sa harap ko.

Nahiga nalang ulit ako sa sofa, saka nagcover ng kumot. At doon…. Sa ilalim ng kumot ko inilabas lahat ng sama ng loob ko. Masama ang loob ko dahil mali yung pinaparatang niya sa akin. Siguro nga may niloko ako, pero hindi si Jude o si Anthony… Sa kanya lang naman ako nag lie eh, nung sabihin ko’ng may boyfriend ako… Isa pa, Im not flirting with Jude… Mabait siya sa akin at nagkakasundo kami, saka pareho kaming bisaya natural lang naman siguro na maging comfortable ako sa kanya. Yun lang yun, walang malice sa amin ni Jude; purely friendship lang.

*******************

Pagkalabas ko ng kwarto ay nabigla ako ng makita si Jude. Nasa gilid siya sa pinto – naka sandal sa pader. Naka cross arms siya nun at naka pikit ang mga mata, tila naiidlip.

Tumayo ako sa harap niya, nakatingala ko’ng tinititigan ang naiidlip niyang mukha. “Ang gwapo” sigaw ng utak ko. Very manly yung itsura niya… Tisoy pero alam mo’ng lalakeng-lalake. Natatakot ako na galawin siya o gumawa ng ingay, baka kasi magising.

Nasa ganon kaming sitwasyon nung magsalita siya. “Ganina pa teka gina hulat…” (Kanina pa kita hinihintay). Nakapikit pa rin yung mga mata niya.

Napangiti ako dun sa sinabi niya. Agad kong pinulupot ang mga kamay ko sa bisig niya upang akayin siya papunta sa mezzanine. “Dali na mamahaw na ta…” nakangiti kong sabi. (Halika na, mag-agahan na tayo…)

Minulat niya ang kanyang mga mata sabay alis ng mga kamay ko sa braso niya, nilipat niya yung kaliwa ko’ng kamay sa bewang niya, at inakbay yung kanan niyang kamay sa balikat ko. “Hoy… Pasabton pa ko nimo sa imong mga kabuang ha…” (Hoy… ii-explain mo pa sa akin ang mga kabaliwan mo.)

Tumawa lang ako. “Asus… gusto mo lang na mag date tayo ulit eh…”

“Buang!!!” bulalas niya sabay cover ng mga kamay niya sa mukha ko.

Pinaliwanag ko sa kanya yung mga kasinungalingan ko. Mula dun sa Date Thingy hangang dun sa aking imaginary boyfriend, at mukhang naintindihan naman niya.

“Next time, Sabihin mo kasi muna sa akin…. Pwede naman nating totohanin eh…” pagbibiro niya.

“Talaga??? So Later??? Biro ko rin.

“Ang bilis ah…” Tumawa siya. “Pero Bob… May girlfriend ako ha….” Seryoso niyang sabi.

“Gago!!!” kinurot ko yung kaliwa niyang bewang “Feeling mo naman gusto kitang jowain??? Hahahaha Friendly date lang yun…” totoo yun. I don’t feel anything romantic with Jude, Oo nagwagwapuhan ako sa kanya at ina-admire ko yung hotness niya, pero kaibigan lang talaga eh… yun lang…

Nagkamot lang siya ng ulo, saka ngumiti. Ibinalik niya yung kamay niya sa pagkaka-akbay sa akin, pero mas mahigpit na; yung para na siyang nakayapos.

Bago kami pumasok sa kwarto kung saan kami kakain. Ay kinausap muna ako ni Jude.

“Umiyak ka na naman ano?”

Umiling lang ako.

“Wag ka na magsinungaling… Ramdam ko ang bigat mo!!!” seryoso siya.

“Bigat??? Eh ang payat ko nga….” Sinubukan ko’ng magpatawa.

Bigla niya akong niyakap… naka sandal yung ulo ko sa dibdib niya since mas matangkad nga siya sa akin. “Iyak mo nalang, kung ayaw mong sabihin…” malambing niyang sabi.

Niyakap ko rin siya. “Thank you….” Tapos kumawala na ako sa pagkakayakap niya. “Wala na akong i-iiyak eh….”

“So umiyak ka nga.” Pinisil niya ulit ang pisnge ko. (‘di ko nga alam kong ba’t nahihilig siyang pisilin yung pisnge ko eh hindi naman ito mataba.)

Kumapit lang ako ulit sa braso niya saka inakay siya papasok.

Hinahatak ko siya papunta sa table ni Jayson kasama sina Kyra from Antique na partner ni Jayson at Owen from Ilocos, partner naman ni Jude. Ngunit bago pa kami makarating sa table nila ay nadaanan namin si Richard kasama and grupo nila Patrick.

“Hey…. Loverboy…” Pagtawag niya kay Jude. “Ano ba’ng tawag diyan sa kasama mo? GIRLfriend ba?” inemphasize niya pa yung salitang ‘GIRL’.

Tinitigan lang siya ni Jude na noon ay mukhang nagpupuyos na sa galit. Ramdam ko yun dahil sa pagtigas ng mga muscles niya sa braso pati na rin ng kanyang mga kamay na mukhang gusto ng manuntok.

Inakay ko nalang siya ulit para pigilan ang nagbabadyang gulo. Nginitian ko si Richard saka tumango bago kami umalis. Plain lang yung reaction niya. Pinilit ko na namang huwag maapektuhan, kahit ang totoo ay gustong-gusto ko ng umiyak.

“Uyyy…. Sweet ah… langgamin kayo niyan.” Bungad ni Owen sa amin.

Inalis ko naman ang mga kamay kong naka yapos sa braso ni Jude. (nahiya ako eh…)

“Bakit mo ako pinigilan?!” medyo matigas na tanong sa akin ni Jude. (syempre bisaya niya inexpress yun) nakaupo na kami.

“Hayaan mo na…” tipid ko’ng sagot. Inabot ko ang tea pot saka binuhusan ng Hot Coco ang tasa naming dalawa ni Jude.

“Sweet ah…” Puna na naman ng mga kasama namin.

“Were actually dating…” Casual na sagot ni Jude.

Mukhang nagulat yung mga kasama namin sa sinabi niya. Maya-maya pa’y naging tampulan na kami ng tukso.

Siniko ko lang siya. Ni reremind na magdahan-dahan sa mga salitang binibitawan.

“Bakit?” baling niya sa akin.

“Nakakahiya…”

“Bakit ka mahihiya???”

“Jude!!! Bakla ako…. Lalake ka….”

“Oh??? Anong nakakahiya dun??? Bakla ka… Lalake ako… Nagdadate tayo… anong nakakahiya doon???” seryoso ang mukha niya.

“Eh… Syempre… baka kung ano-ano yung iniisp nila…” pagaalala ko.

“Hindi importante ang iniisip nila. Ang mahalaga ay yung iniisip mo… ko…. ano ba’ng alam nila sa atin???” natahimik kaming dalawa. “Diba sabi mo friendly date lang naman yun??? Walang masama dun…. Walang nakakahiya…”

Natahimik lang ako… na gets ko naman yung point niya, pero ‘di ko maiwasan na hindi mahiya at mangamba sa iisipin ng ibang tao, lalo na kung malaman nilang may girlfriend si Jude.

Pangatlo’ng araw ng orientation, hindi pa rin ako pinapansin ni Richard. May mga pagkakataong nahuhuli ko siyang tiningnan ako, pero sa tuwing na huhuli ko siya’y siya namang iwas niya. Ang hirap espellingin ni kumag… mukang laging may hinihithit… Lunatic… Bipolar… akala ko nun okay na kami eh, ang sweet nga nung una diba? Tapos biglang ganito, sinaniban na naman ng masamang ispirito.

Nalilito rin ako sa sarili ko eh… hindi ko kasi magawang magalit o mainis sa kanya. Ang alam ko lang, may kakaiba’ng sakit akong nadarama sa tuwing nagtatalo kami o tinitigan niya ako ng masama. Para’ng unti-unting pinipigil ang hininga ko ng kung anong tumutusok sa puso ko. Mas lalo pa akong pinahirapan ng pagnanais ko’ng itago sa lahat ang sakit na nadarama ko…

Agad kaming pumunta sa MOA ni Jude pagkatapos naming mag lunch. Wala siyang ticket pero nag decide pa rin siyang samahan ako, since may usapan din kaming friendly date. Napagkasunduan naming dadaan pa rin ako sa exhibit, at magdadate after.

Hinatid niya ako sa entrance nung exhibit. I was actually not fond of anything scientific… Honestly I find it really boring, pero gusto ko pa rin subukang i-enjoy yung premyo. Ikot-ikot lang ako sa loob, but nothing had caught my interest; kaya after probably 10 to 15 minutes eh lumabas na ako.

Agad hinanap ng mga mata ko si Jude, naka tayo lang siya sa ‘di kalayuan sumisipsip sa hawak niyang cup ng milk tea. Lumapit ako sa kinaroroonan niya.

“Bilis mo ah…. Excited ka sa date noh???” naka ngiti niyang sabi nung makarating ako sa harap niya.

Ngiti lang ang sagot ko.

“Inom ka….” Inalok niya ako ng milk tea.

“May laway mo na yan…”

“Ano naman ngayon? Malinis ako ulol!!! Gusto mo halikan pa kita diyan eh…”

“Hindi ako nauuhaw…” malambing ko’ng sabi.

“Pero gusto mo ng kiss???” pagbibiro niya.

“Gago… ubusin mo na yan, bilisan mo…”

“Asus… excited nga…” sabi niya na may nanglolokong ngiti.

Nag simula kaming mag ikot-ikot… sobrang nakaka aliw siyang kasama, andami niyang ginagawang kabulastugan. May mga pagkakataong para kaming mga batang naghahabulan sa loob ng mall, may mga times din na sobrang sweet niya na malamang lahat ng nakakakita sa amin ay pagkakamalan kaming mag jowa. Picture din kami ng picture yung tipo ba’ng first time na makapasok sa loob ng mall.

Nag decide kaming pumunta sa ocean park, pero bago kami umalis sa MOA ay nagpaalam muna siyang mag c-cr. Since hindi naman ako naiihi ay nagdecide akong hintayin nalang siya malapit dun sa exhibit.

Natuon yung attention ko dun sa activity area kung saan may ginaganap na ballet recital. I love arts including dancing kahit hindi naman talaga ako sumasayaw. Lumapit ako dun sa railings malapit sa gilid ng stage.

Maya-maya’y may nakita akong batang babae na umiiyak sa may bandang backstage. Naka upo siya sa may hagdanan. Nakita ko’ng bukas yung raillings na naka harang dun kaya pumasok ako at nilapitan yung bata.

“Hello baby…” masaya ko’ng bati sa kanya.

Hindi niya ako tiningnan, bagkos ay itinago lang niya yung mukha niya sa naka cross niyang mga bisig.

Umupo ako sa tabi niya. “I am kuya Bob… ano’ng pangalan mo?”

Hindi pa rin niya ako inimik.

“May I know the reason of those tears???” malambing ko’ng tanong sa kanya. Pero wala pa rin ako’ng nakukuhang sagot. “Nako naiiyak na rin ako eh… ‘di mo kasi ako pinapansin…” Pagpapaawa ko.

Inangat niya yung ulo niya at tumingin sa akin. Dun ko nakita yung namumugto niyang mga mata. Kahit na umiiyak siya’y kitang-kita pa rin yung kagandahan niya. “ang cute…” sa utak ko.

“Stop crying baby… Ang ganda-ganda mo tapos iiyak ka? Nakakapangit yan…” nakangiti ko’ng sabi sabay abot ng panyo sa kanya.

Pinahid niya yung mga luha niya saka nagpakilala. “My name is jubail.” Ang cute nung boses niya at halatang-halata yung engleserang accent.

Nagsimulang magkwento yung bata. Nalaman ko’ng umiiyak siya dahil hindi niya na perfect yung routine. She fell down daw on the stage while dancing. Napagtanto ko’ng napahiya siya kaya nagmukmok sa likuran ng stage.

“That’s okay… theres still a lot of ‘Next time’ for you baby…” pagsubok ko’ng pagaanin ang loob niya.

“A lot of people had seen me fell down. Im sure they were all laughing at me now…” tumingin siya sa akin. “I don’t wanna dance anymore kuya bob…” umiiling-iling niyang sabi.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko alam kung paano pa pagagaanin ang loob niya. Kaya noon ay niyakap ko nalang siya gamit ang kanan ko’ng braso.

“My classmates would always tell me na dancing is not for me because Im fat… and yah I think they’re right… Im fat and Im ugly…” malungkot na naibulalas ni Jubail sa akin. Mas naawa naman ako sa kanya. Totoo nga’ng medyo mataba siya pero feeling ko normal naman yun kasi bata pa siya, at hindi siya pangit… sobrang ganda ng mukha niya na pwede’ng pumasa bilang artista.

Inangat ko ang ulo niya upang magawa niya ako’ng tingnan. “Baby… listen to me okay??? You’re not ugly… alam mo sobrang ganda mo…” mukha namang na enlighten yung mukha niya. “eh ano naman kung mataba ka? You just performed on that stage (tinuro ko yung stage sa likod namin) ibig sabihin nun magaling ka! Ako… payat ako… pero hindi ko kaya yung ginagawa mo… hindi ko kayang sumayaw na kasing galing mo…”

“But…. I just failed…” yung itsura niya na naman ay tila naiiyak ulit.

“You didn’t baby… I haven’t seen you dancing kanina pero I just know your good… hindi ka nila pagsasayawin diyan kung hindi ka magaling…” noon ko unang nasilayan ang ngiti niya, napangiti rin ako.

“You really like dancing?” tanong ko.

Tumango siya.

“Yun naman pala eh… promise me that you’ll never stop dancing…” tinaas niya yung kanang kamay niya sabay nag promise. “Ayos!!! Show everyone that you are the best dancer ever… sa susunod na sasayaw ka give your 100 percent best… sumayaw ka as if, it is your last chance to dance…”

Tumango siya ulit saka ngumiti. “ang cute talaga…” sa utak ko. sabay akap sa kanya ulit.

“Sino nga palang kasama mo?” pag-iba ko sa usapan.

“Im with my Mom, kuya and ate…” masaya niyang sagot.

“Let’s look for them???” excited ko’ng aya sa kanya.

Hinanap namin yung mga kasama niya, sobrang daming tao nun, sobrang nakakahilo. Maya-maya pa’y biglang tumakbo si Jubail pa punta sa isang babaeng nakatayo ‘di kalayuan sa amin. Palinga-linga ito at kitang-kita yung pagaalala sa mukha niya.

Biglang niyakap ni Jubail yung babae, dun ko napagtanto na yun yung mama niya. Bumakas yung parang relief na expression sa mukha niya. Nag-usap silang dalawa. Ilang sandali pa’y nakita ko’ng tinatawag ako ni jubail. Mabilis naman akong lumapit sa kanilang kinaroroonan.

“Hello… Bob right?” bati sa akin ng mommy ni Jubail. Alam ko’ng may edad na yung babae, pero hindi halata, dahil sa siya ay mapustura. Maganda siya actually mag kamukha sila ni Jubail… parang sobrang bait niya.

Tumango ako saka nahihiyang bumati. “Hi po…”

“Thank you for helping my daughter…” sabi niya ulit.

“Ay… wala po yun…” nahihiya pa rin ako.

Agad din naman akong nagpa-alam sa dalawa. Naka limutan ko rin kasi na may date nga pala kami ni Jude at siguradong hinahanap na ako nun. Bago pa ako tuluyang umalis ay niyakap ulit ako ni Jubail. Nung bumitaw siya’y kinuha ko yung kwentas sa wallet ko na may Key pendant. Promise necklace yun na bigay sa akin ng kuya ko nung mga bata pa kami. Binigay ko yun sa bata saka ni remind siya tungkol dun sa promise niya. “Always remember your promise okay?” nginitian ko siya.

Pagkatalikod ko’y nasilayan ko ang papadating na si Richard. Nanigas ang buo ko’ng katawan, hindi ko kasi inaasahan na makikita ko siya doon. Una sinabi niyang hindi siya pupunta sa MOA. “Anong ginagawa niya dito?” “Bakit mukhang papunta ata siya sa kinatatayuan ko?” tanong ng utak ko. Mistula naman akong naging slowmo habang mabilis na umiikot ang mundo. Mabilis… sobrang bilis… at mukhang naiiwanan na ako… nakatayo lang ako dun… naka tanga… ni hindi ko namalayan na nasa harap ko na siya…

Hinawakan niya ang kaliwang braso ko. Medyo matagal-tagal din nung huling nadampi ang balat niya sa balat ko. Naramdaman ko ang init ng mga palad niya, unti-unting dumadaloy sa buo ko’ng pagkatao. Maya-maya’y naramdaman ko ang unti-unting pag higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko. sobrang higpit na mukhang gustong pigilin ang pagdaloy ng dugo ko.

“Stay away from my sister!!!!” bulalas niya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Yung mga palad niya’ng naka hawak sa braso ko ay mas ipinaramdam pa ang puot na nadarama niya. “Richard yung braso ko… masakit…” pag-alma ko. Ramdam ko ang mga namumuong luha sa mga mata ko, pero pilit ko’ng pinipigilan ang pagbagsak nito.

“Kung galit ka sa akin… ako yung harapin mo, huwag mo’ng idamay yung pamilya ko!!!!” matigas niyang sabi, kasabay nun ay ang mas paghigpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

“Masakit…” halos pabulong ko’ng daing. Noon ko nadama ang hampas ng realidad. Nasa harap ko siya… yung taong nung nakaraan lang ay todo suyo sa akin, narito siya… sinasaktan ako…. Pinagbibintangan ako ulit sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

“Chardy!!! Bitiwan mo siya.” Sigaw ng Mommy niya.

Binitiwan naman niya ako saka bumaling ng atensiyon sa mommy niya. Tumakbo sa akin si Jubail na noon ay nagsimula na namang umiyak. Niyakap ko siya sabay pinatahan… “Don’t cry babby…” bulong ko sa bata.

“Mom… Call the pulis… dapat pinapakulong yang kidnapper na yan… para wala ng mabiktima…” matigas niyang sabi.

“Kuya he helped me!!!” sigaw ni Jubail na agad ko uling niyakap. “Shhhhhh…” bulong ko sa kanya. Ayaw ko kasing makialam siya.

Sobra ang takot ko nun. Hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari. Hindi ko alam kung bakit ‘di ko magawang lumaban… ‘di ko mahanap yung lakas ng loob… nakaramdam lang ako ng sobrang awa sa sarili ko sa mga pagmamaliit na naririnig ko mula sa kanya.

Naririnig ko’ng pinapakalma siya ng mommy niya at sinusubukang ipaliwanag sa kanya ang nangyari.

Bigla niyang hinatak si Jubail sa mga bisig ko. “Jubie… How many times do I have to tell… Do not talk to strangers!!!!” bulyaw niya sa bata.

“Richard nasasaktan siya…” pagpigil ko sa ginagawa niya.

“Hey… Wag ka’ng nakikialam dito… Kidnapper ka… stay away from my family…” bulyaw niya ulit sa akin na may kasama pang mga pag duro.

“Chardy… No one has been kidnapped!!!” pagpigil ng mommy niya sa kanya.

“Mom??? Don’t tell me you belive him???” mahinahon niyang tanong sa ina.

Tahimik…

“This is impossible….” Umiiling-iling na sabi ni Richard sabay lakad palayo sa amin.

Sinundan lang namin siya ng tingin. “Don’t worry about him… he’ll be fine…” malumanay na sabi ng mommy niya.

Lumapit sa akin yung Mommy niya. “Iho Im very very sorry… okay ka lang?” bakas sa boses ang pag-aalala. At alam ko ring nahihiya siya.

“Wag po kayong mag-alala… Ayos lang po ako…” pinilit ko’ng ngumiti.

Ngumiti din siya. “Magkakilala pala kayo ni Richard???”

Tumango ako. “Magkasama po kami sa isang org…” malumanay ko’ng tugon.

“So you’re also staying in __________________” (yung name nung hotel).

Tumango lang ako.

Hindi ko na pinatagal yung pag-uusap namin. Agad akong nag paalam, hindi ko kasi alam kung hanggang kelan ko kayang pigilan yung emosyon ko, at ayaw ko’ng makita nila yun.

Agad ko’ng tinawagan si Jude. Sigurado akong nag-aalala na yun at baka naiinis na rin sa kakahanap sa akin. Paulit-ulit ko’ng di-nial ang number niya pero hindi sumasagot. Inisip ko nun na umalis na siya, nainip o napagod sa kahihintay… naiiyak na naman ako…

Biglang may kumalabit sa likod ko. Lumingon ako at bumungad sa mga mata ko si Jude may hawak-hawak na dalawang ice cream.

Agad ko siyang niyakap, mahigpit… sobrang higpit… at noon ko pinakawalan ang mga luha ko’ng kanina pa gustong kumawala. Humagulgol lang ako habang naka yakap sa kanya.

“Hoy sorry na… hindi ko masagot yung tawag mo dahil may hawak akong ice cream…” halatang nag worry siya dahil umiyak ako.

Tumingala ako para tingnan siya. Nilapit niya yung vanilla ice cream sa bibig ko. umiling lang ako, Hindi ko naman kasi kailangan ng Ice cream… yakap lang… yakap niya lang ang kailangan ko.

Muli ko siyang niyapos.

“Tahan na… kung ano man yan, nandito na ako...” niyakap niya ako gamit ang isa niyang kamay. Hindi ganon ka higpit malamang iniiwasan niyang madikit sa akin yung ice cream.

Naramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa noo ko. Hindi ko alam kung halik yun o nadikit lang, pero naramdaman ko ang sincerity niya na pagaanin ang loob ko. “Ilang araw ka ng umiiyak… kung ano man yan kalimutan mo na… tuloy na natin yung date…”

Bumitiw ako sa pagkakayapos sa kanya. “Uwi na tayo…”

“Huh?” nag sigh siya. “Ayaw mo na akong kasama?”

“Masakit yung ulo ko eh…” halos walang buhay ko’ng tugon.

“Ganun ba??? Sige magpahinga ka nalang muna… basta may utang ka’ng date ha.”

Tumango ako, habang humihikbi pa rin.

**************

Agad ko’ng tinungo ang room namin pag dating sa hotel. Si Jude naman ay humabol sa orientation. Doon ko pinakawalan ang emosyon ko. Naiisip ko pa rin yung mga bintang niya, yung pagmamaliit niya at mga masasama niyang tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit labis akong nabagabag, eh malinis naman ang konsensya ko. Wala akong ginawang masama, kaya hindi dapat ako matakot. Pero sa tuwing na aalala ko kung gaano ka sama ang tingin niya sa akin, nanlulumo ako… nasasaktan… natatakot…

Nakatulog ako, marahil ay dahil sa sobrang pagod at labis na pag-iisip. Nagising lang ako dahil sa narinig ko’ng pagbukas at pag sara ng pinto. Alam ko’ng tapos na ang orientation at dumating na si Patrick.

“Oh??? Akala ko nasa exhibit ka???” tanong niya sa akin.

“Ah… umuwi ako agad… masama pakiramdam ko eh…”

Nilapitan niya ako sabay lapat ng kamay sa noo ko. “Wala ka namang lagnat ah…”

“Ah…. Masakit lang ulo ko…”

Nag ring yung telepono at agad namang sinagot ni Patrick. “Sige po… sasabihin ko po…” huling mga salita ni Patrick sa kausap.

“Bob… Someone’s looking for you…. Nasa front desk daw sa baba…” sabi ni patrick.

“Sino daw???” tanong ko.

“Rantty daw…” tipid niyang sagot.

“Wala akong kilalang Rantty. Sino kaya yun???” tanong ko sa kasama.

Nag kibit balikat lang siya. “Puntahan mo nalang para makilala mo…”

*******************

Agad ko’ng tinanong ang front desk attendant pagkababa ko. Agad naman niyang kinuha ang atensiyon ng isang lalake na naka upo sa isang couch. Naka coat and tie at mukhang yayamanin. Naka suot siya ng eyeglasses na mas nagpa pormal ng kanyang itsura.

Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa kinaroroonan ko. Nung maka lapit na ay agad inilahad ang mga palad sa harap ko. “Ikaw si Bob???” ngumiti siya. “Rantty nga pala…”

Nakipag shake hands ako sa kanya. “Hi po…” yun lang ang tanging nasabi ko.

“Im Richard’s older brother…” sabi niya ulit.

Agad naman akong binalot ng kaba. Pumasok sa isip ko na baka pinadala siya ni Richard para ipadakip ako. Baka may kasama siyang mga pulis…

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Sigaw ng Pugad Lawin (Part 6)
Sigaw ng Pugad Lawin (Part 6)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgfvEgLedcwK8-qNpy3qLt3FdJLd3ZA21SqfjRwFGxzcwSYmhfOH7MDOGFoPMSTm6pctByOAfyHEamGbECoA8tt6lkR_wJpnXoFwUt_MsEq5k5I1wNan-T_XF3TSD3l7VHMVxyoJOTvJq2y/s320/Sigaw+ng+Pugad+Lawin.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgfvEgLedcwK8-qNpy3qLt3FdJLd3ZA21SqfjRwFGxzcwSYmhfOH7MDOGFoPMSTm6pctByOAfyHEamGbECoA8tt6lkR_wJpnXoFwUt_MsEq5k5I1wNan-T_XF3TSD3l7VHMVxyoJOTvJq2y/s72-c/Sigaw+ng+Pugad+Lawin.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/07/sigaw-ng-pugad-lawin-part-6.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/07/sigaw-ng-pugad-lawin-part-6.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content