$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 7)

By: Bobbylove Nanlamig ang buo ko’ng katawan at binalot ako ng matinding takot. “Im Richard’s older brother…” paulit-ulit na nag e-echo ...

By: Bobbylove

Nanlamig ang buo ko’ng katawan at binalot ako ng matinding takot. “Im Richard’s older brother…” paulit-ulit na nag e-echo sa aking utak. Hindi naman siya humingi ng explanation or anything pero ginawa ko pa rin. “Pa pasensya na po talaga… w..wala po a akong ginawang masama kay jubail, wala rin po akong balak na mas..masama… hin hindi ko nga po alam na kapatid niyo po siya eh… maniwala po kayo sir, hindi po ako masamang tao….” Halos hindi ko matuloy-tuloy ang aking sasabihin dahil sa sobrang kaba.

Natahimik lang siya… wari’y nagtataka sa naging reaksyon ko nung malaman kung sino siya.

“Sir… Maawa po kayo sir… gusto ko lang po talaga tulungan yung kapatid niyo… wala po akong ginawang masama sir… Sir maawa po kayo sa akin sir…” Pagmamakaawa ko sa mamang seryosong nakatayo sa harap ko. Halos maihi na ako nun sa pantalon ko.

Tumawa siya… nung makita ko yun ay biglang lumuwag ang dibdib ko.

“Relax bob… Im not here to condemn you… Im here to thank you…” sambit niya.

Nakatulala lang ako, malayo kasi yung sinabi niya sa inaasahan ko’ng mangyari.

“I know you’re a nice guy… at alam ko yung kabutihang ginawa mo sa kapatid ko…” ngumiti siya.

Napangiti rin ako habang nagkakamot ng ulo.

“Thank you for you kindness Bob…” nakaramdam ako ng mahinang pag tap sa braso ko.

“Ayos na po yun Sir…” nahihiya ko’ng sagot.

“Call me kuya Rantty…”

Ngumiti lang ako…

“Ahmmm Bob… Do you have something to do this evening?” tanong niya.

“W-wala naman po Sir…”

“Kuya nga eh…” tinap niya ulit ako sa braso. “Pwede ka ba naming i-invite sa dinner, later sa bahay….?” Pagtutuloy niya.

“Ah eh…. Kasi po…” pag-aalangan ko’ng sagot.

“Wag ka ng tumanggi please… it’s our simple way to show our gratitude… to you… for helping jubie…”

“Ah eh…”

“Sige na please…” pagpupumilit niya.

“Ah… sige po… magbibihis po muna ako….” Wala na akong nagawa, naunahan na naman ako ng hiya para tumanggi.

“Ayos… Hintayin kita dito sa baba…” sabi niya bago ako sumirit sa kwarto upang magbihis.

Mag si-six na noon… nagpaalam na rin ako kay Jude na hindi sasabay na mag dinner, pagkatapos ko’ng mag bihis.

Pagkababa ko ay muli ko’ng nakita si kuya Rantty dun pa rin sa couch kung saan ko siya unang nakita. Matiyaga siya’ng naghihintay, hindi naman sobrang tagal – medyo binilisan ko naman ang pagbibihis.

“Ready ka na?” bungad niya sa akin. Tumango ako at sabay na naming tinungo ang kotse niya sa parking area.

Binuksan niya ang pinto sa harap para maka pasok ako. Sa byahe ay ang dami niyang sinasabi at kinukwento na sinasagot ko lang ng tawa, ngiti at mga pagtango. Nahihiya pa rin kasi ako sa kanya.

Naaalala ko sa kanya si Richard. Hindi naman dahil sa kanilang physical traits, dahil honestly eh, ilong lang naman ang magkahawig sa kanila. Pero ang dami nilang pagkakahalintulad. Pareho silang makwento, confident at matalino. Halos pareho yung way nila ng pagsasalita. Habang nakikipag-usap nga ako sa kanya eh feeling ko siya si Richard… marahil yun yung rason kaya asiwa ako.

Tumigil siya sa pagmamaneho. Noon ay nasa harap kami ng isang malaking gate, sinilip ko iyon mula sa bintana ng sasakyan “Nakakalula naman!!!” sigaw ng utak ko. Bumusina si kuya Rantty at ilang saglit pa’y bumukas ang heganteng gate. Nagsimula uli siyang magmaneho pa-pasok at pumarada sa tabi ng tatlo pa’ng sasakyan.

“Ready ka na? Let’s go inside?” pag-aya niya sa akin. Kinakabahan man ay agad din naman akong sumunod sa kanya.

Sobrang ganda at laki ng bahay nila… Palagay ko’y modern yung desenyo nung bahay kahit na may iilang gamit na mukhang antique. Pagkapasok mo’y bubungad sayo ang isang malawak na receiving area… malawak iyon, at sa palagay ko’y mahigit sa kalahati iyon ng hall na ginagamit namin sa orientation. sa gilid nun ay may family room kung saan may isang malaking flat screen TV at iba pa’ng entertainment appliances. Sa dulo nama’y hallway patungo sa dining at kitchen, pero bago marating yun ay bubungad sayo ang isang magarang staircase papunta sa mga kwarto sa ikalawang palapag, naroon din ang isa pang receiving area (mas maliit) at isang pinto palabas.

Sinalubong ako ng beso ng kanilang mommy at pakikipagkamay mula naman sa iba pa’ng members ng family. Noon ko unang nakita ang Daddy nila na mukhang older version ni kumag (sobrang Xerox copy). Nakilala ko rin yung pangatlo nilang kapatid na si Ron, 15 years old, medyo magkapareho kami ng built at mukhang hahabulin na rin ako sa tangkad; naroroon din siyempre si Jubie na agad din naman akong niyakap; at yung asawa ni Kuya Rantty na si Ate Liz siya yung sinasabi ni Jubail na ate’ng kasama niya sa recital.

Warm naman yung pag welcome nila sa akin. Agad ko’ng na feel yung effort nila to make me feel at home. Pinakwento nilang lahat yung nangyari dun sa recital – kung pano ko nakita si Jubie… pero hanggang doon lang yung kinuwento ko, hindi ko na binanggit yung nangyari between Richard and I, batid ko na yun din ang gustong mangyari nung mommy nila.

“Kuya Bob single ka ba?” tanong ni Ron out of nowhere.

“Uhhmmm… uhhm uhmm…” sagot ko sabay tango. Ang awkward sagutin nung tanong niya sa harap nung mga magulang nila.

“Ahhh… Do you know na single din si kuya chard?” tanong niya ulit. Hindi ko talaga alam kung anong pinanggagalingan ng mga tanong niya. Basta sobrang awkward nun for me.

Iling lang ang naging sagot ko. Para lang matapos agad, kahit na sinabi naman na sa akin ni Richard na 3 months na siyang single.

“Ahhhh….” Tumango-tango pa siya. “Medyo madami na ring na kwento sa akin si kuya about sa iyo...” ngumiti siya. Nakaka curious yung mga ngiti niya… parang may tinatago…

“Talaga??? Ayos yan…” sagot ko naman na noon ay halata ng sobrang na a-awkward. Medyo kinabahan din ako kung ano yung mga nakwento ni kumag, pero for sure lahat yun masama… na kesyo flirt ako… manloloko… user… kidnapper...

Para akong ginigisa sa sarili ko’ng mantika nung panahong yun. Kinakabahan ako sa mga susunod na sasabihin ni Ron. Baka bigla niyang maibulalas yung mga na kwento ng kuya niya na wala namang katotohanan. Natigil lang yung mga nakakakabang tanong niya nung ayain na kami ng Mommy nila na mag hapunan.

**************************

Naka-upo kami sa harap ng isang mahabang dining table. Sobrang dami ng naka hain, naisip ko nun “Mahilig ata talaga sila sa sobra…” halos ganun din kasi kung maghanda si Richard kagaya nung dinner nung unang araw na kami’y magkakilala.

“Kuya bob… do you know that you are actually sitting on kuya chard’s wife’s chair?” nag giggle pa yung bata habang sinasabi yun.

Napansin ko’ng mukhang napatigil ang lahat sa pagkain at nagkatinginan. Ako ma’y ganun din ang naging reaksyon, nagulat ako sa sinabi nung bata “Tama ba yung narinig ko? may asawa na si Richard?” sa utak ko.

Tumayo ako at agad huminge ng tawad. Hindi naman kasi ako na inform na exclusive pala yung upuan para sa asawa ni kumag. “Saan po ako pwedeng umupo?” mahinahon ko’ng tanong. Gumuhit naman ang mga ngiti sa labi nung mga kasama ko sa hapag, maya-maya pa’y yung mga ngiti ay naging halakhak. Ang weird, kasi pinagtatawanan nila ako pero hindi ko alam yung reason. Nagkamot nalang ako ng ulo habang nahihiyang ngumingiti (Confuse na smile) hindi ko talaga kasi alam kung ano dapat yung magiging reaction ko. “Sorry po talaga…” nag bow pa ako (parang nasa contest).

“Bob… please have a sit… umupo ka na diyan….” Wika nung daddy nila na noon ay tumatawa pa rin. Agad ko naman siyang sinunod.

“Its fine kuya… No one has been using that… Single na single pa rin yung destiny mo….” si ron; na noon ay ramdam ko’ng parang nanunudyo.

Yumuko lang ako ayaw ko’ng makita nila yung pag ba-blush ko. Mukhang alam din kasi ni Ron yung destiny thingy. Buti nalang at hindi naman gaano pinansin nung iba yung sinabi niya.

May mga extra chairs kasi yung dinning nila. Yun pala ay mga upuang nakalaan sa mga magiging asawa nung mga magkakapatid. Noon nga ay occupied na yung isa dahil kay ate Liz.

“Wag ka mag-alala, wala naman pa’ng magagalit na umupo ka diyan…” yung daddy nila.

Ngumiti lang ako.

“If you and kuya were destined… then you could be his wife…” inosenteng nag but-in si Jubie sa usapan. Tawanan naman lahat sa sinabi niya. Marahil ay inisip niyang totoo yung sinabi ni Ron na destiny kami ng kuya Richard niya.

“Malabo yun baby… pareho kaming lalake eh…” mahinahon ko namang paliwanag sa kanya.

“Malabo??? But Tito Jophet has a male wife….”

Tawanan ulit. May tito pala silang bakla na may ka live-in na lalake.

“eh…. Iba naman kasi yun baby eh....” pagdadahilan ko ulit.

“Why??? You don’t like my kuya???” seryoso niyang tanong. Natahimik lang ako.

“Oo nga naman kuya… ‘di mo gusto si kuya Richard???” tanong din ni Ron. Nakakaloko yung mga ngiti niya, tinataas baba niya pa yung mga kilay niya.

Nakatingin silang lahat sa akin, parang hinihintay yung magiging sagot ko. Binalot kami ng katahimikan… wala akong marinig na kahit ano, kahit mga tunog na gawa ng pagtama ng mga kubyertos sa pinggan. Kung maaari ko lang sana’ng sabihin yung mga kasamaang ginawa sa akin nung kuya nila… haaaayyyy…. Saka hindi ko rin alam kung ba’t tinanong nila yun! Alam ko halatang bakla ako, (kahit lately ko lang naman talaga tinanggap yun sa sarili ko) (Madalas kasi’ng yun yung first impression nung mga taong nakakasalamuha ko) Pero hindi naman ata tamang i-assume na may gusto ako sa kuya nila; at itanong ba naman sa harap nung mga magulang? Haaayyy….

“Bakit may namamagitan ba sa inyo ni Chard?” tanong nung tatay nila. Alam ko’ng nakikisali lang siya sa pang-aasar sa akin.

“P-po?” nautal pa ako. Tumawa naman sila ulit.

“Nako mukhang meron nga….” Biro ulit nung tatay nila. Tumatawa.

“Po? Wala po… hindi nga kami masyado nag-uusap nun eh… magka partner lang po kami…” Mahinahon ko’ng paliwanag.

Tumawa siya. “Narinig naman pala eh…”

“Tigilan niyo na si Bob.” Si kuya Rantty.

“OO nga. He’s not here to be interrogated…” pag-sangayon naman ng mommy nila. “Tikman mo yang mechado bob!” dugtong niya.

“Mom? Im Home…” natigil ang aking pagsubo ng marinig ang isang pamilyar na boses. Medyo matagl-tagal na din nung huli ko’ng marinig yung boses niya na punong-puno ng enthusiasm! Madalas kasi ay padabog, o kaya’y pasigaw ko siyang naririnig.

Mabilis niyang tinungo ang kinaroroonan namin. “Uy!!! Tamang-tama gutom na ako!” sigaw niya nung mapansin na nasa hapag na ang kanyang pamilya. Isa-isa siya’ng binate nung mga kasama ko doon sa dining, pero hindi ko na narinig o naintindihan dahil sa nakakabinge’ng kabog ng dibdib ko. Saglit na nagtama yung mga paningin namin, agad akong yumoko upang umiwas – alam ko kasing disappointed siya nung makita ako dun.

Alam ko nag-uusap sila, pero tanging ang malakas na kabog lang ng dibdib ko ang nauunawaan ko nung mga panahong yun. “Hey… Bob…” paulit-ulit na nag eecho sa pandinig ko, wariy hinuhukay ang kaibuturan ng aking utak – ginigising ang natutulog ko noong pag-iisip. Unti-unti’ng ina-absorb ng utak ko yung mga salitang yun hanggang sa nakaramdam ako ng mahinang pag tap sa kanan ko’ng braso; yun yung tuluyang gumising sa akin mula sa saglit na pagkakahimbing.

“Hey… Bob…” yung daddy nila. Sabay yugyug naman sa akin.

“P-p-po?”

“Are you okay?” tanong niya ulit. Batid ko na nakatuon sa akin ang atensiyon ng lahat kasama na si Richard.

“Po?” lutang ko’ng sagot.

“Sabi ko… okay ka lang ba?”

“Opo okay lang po ako…” binigyan ko sila ng pilit na ngiti.

“Join us Nak… Upo ka na…” pag-aya ng mommy nila kay Richard.

“Later nalang ako Ma….” Walang gana niyang sagot. Mas sanay ako’ng marinig yung boses na yun eh… yung boses na tila walang buhay…

“Akala ko ba gutom ka na?” Si Ron. Noon ay tinungo ng mga mata ko si Richard. Nakita ko’ng nakatingin rin siya sa akin. Marahil ay iniisip niyang makapal ang mukha ko na pumunta sa bahay nila.

“Wala na akong gana!” mariin niyang sabi. Nakatingin pa rin siya sa akin na hindi kumukurap. Mukhang sa akin niya gusto sabihin yung mga salitang yun. Iniwas ko nalang ulit yung aking paningin.

“Bakit nandito yan?” pabulong niyang sabi. Pero mukhang sigaw yung impact sa akin, dahil alam ko’ng ako yung tinutukoy niya.

“I invited him…” agad na sagot ni Kuya Rantty.

“Okay… sa taas lang ako…”

“Hindi… Upo ka na bro… Sabay ka na…”

“Im sorry pero… I really lost my appetite… later nalang pag medyo okay na yung atmosphere dito sa bahay… pag malinis na ulit yung hangin!” alam ko’ng ako yung pinaparinggan niya.

“Chardy… Alam ko yung pinanggagalingan mo. I ask Rantty to invite him; para makapagpasalamat tayo…” pag but in ng Mommy nila.

Mas naging awkward na yung situation noon. Kinakain na ako nun ng pagsisisi dahil sa pagpayag na sumama sa dinner na yun. Tila naging mga pipi naman ang mga tao doon sa hapag, marahil ay nalilito sa nangyayari.

“Okay mom… May kilala po ako’ng serial killer, invite ko rin po para pasalamatan!” mahinahon yung boses niya pero alam ko’ng malalin yung pinanggagalingan nun. “Sa taas lang po ako…” pagpapaalam niya.

Para ako’ng nahihilo sa sobrang bilis ng takbo isip ko. ramdam ko nanaman yung something na pumipigil sa paghinga ko… nasasaktan ako… sobra… at naroon nanaman yung mga butil ng tubig na gustong kumawala sa mga mata ko, pero hindi pwede… nakakahiya… mas magmumuka ako’ng kawawa…

Hindi pa man nakakalayo si Richard ay agad na ako’ng tumayo at nagpaalam. Tumigil naman siya at muling lumingon sa amin.

“Pero hindi ka pa tapos kumain iho. Kung iniisip mo si…” hindi na natapos ng Mommy nila yung sasabihin dahil agad ko itong pinutol.

“Okay lang po Ma’am… hindi po talaga ako nag he-heavy meal pag dinner eh… tsaka medyo late na po…”

“Ganun ba? Hatid na kita.” Agad din tumayo si kuya Rantty.

“Wag na Sir… Malapit lang naman po eh… Mag ta-taxi nalang po ako…”

“Babalik din naman si Richard sa hotel mamaya eh… sabay nalang kayo…” yung daddy nila.

“Dito ako matutulog Dad!” singit ni Richard.

“Sige po… alis na po ako Sir… Ma’am… Salamat po….” Paalam ko ulit.

“Samahan na kita kumuha ng taxi ha…” pagmamagandang loob naman ni Kuya Rantty.

Tumango lang ako. “Ate Liz, Ron… Nice meeting you… babye...” baling ko kina Ate Liz at Ron. “Sir, Ma’am… Baby… Babye po... salamat po ulit…” paalam ko naman sa parents nila.

Bago ko tuluyang lisanin yung dining area eh tiningnan ko ulit si Richard. Hindi pa rin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya mula nung magpaalam ako. Tinanguan ko lang siya at nginitian, paraan ko upang kahit papano ay makapagpaalam sa kanya.

Sabay kaming lumabas ni kuya Rantty. Alam ko’ng medyo mahirap kumuha ng taxi sa lugar nila, medyo papasok kasi yun. Kailangan mo pa’ng maglakad hanggang doon sa kanto upang makakuha ng masasakyan; pero sabi ni Kuya Rantty ay doon nalang kami sa harap ng bahay nila mag antay dahil safe daw doon.

“Kuya… Hatid mo nalang yan… ‘di yan taga dito… ‘di yan marunong mag commute.” Sabi ni Richard, na noon ay nasa likod lang pala namin.

“Kulang na nga lang eh, palayasin mo ako kanina… tapos ngayon concern ka?” ito yung gusto ko’ng sabihin, kaso naalala ko’ng nasa teretoryo nila ako kaya tumutol nalang ako ng mahinahon. “Wag na… taxi naman eh… ihahatid ako niyan sa hotel…” naunahan na naman ako ng hiya eh.

“Kuya maraming masamang driver ngayon… Hindi yan taga rito, baka lokohin yan…” sabi niya ulit kay kuya Rantty.

“Hindi wag na… Kaya ko po yung sarili ko Sir…” idinaan ko rin yung sagot ko sa kuya niya.

Sakto namang may dumaan na taxi. Agad ko ito’ng pinara. Nagpaalam at nagpasalamat ako kay kuya Rantty. At tinanguan ko ulit si kumag. “Tigas ng ulo!” mumble niya, nabasa ko naman yung pagbuka ng mga labi niya.

Sumakay ako sa taxi na maghahatid sa akin sa hotel na tinutuluyan. Doon ko rin pinakawalan yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

***************

Malapit na kami sa hotel, nung ma realize ko na wala pala akong dalang pera. Nagmamadali kasi ako’ng magbihis kaya nakalimutan ko yung wallet ko sa bulsa nung hinubad ko’ng pantalon. “Patay!!!!” sa utak ko.

Agad ko’ng di-nial yung number ni Jude… sumagot naman siya, binilinan ko lang siya na hintayin ako sa labas ng hotel at magdala ng pangbayad. Nakakahiya man ay ginawa ko na – yun lang kasi yung naiisip ko’ng paraan.

************

Binayaran ni Jude yung metro ng taxi… hindi naman ganun kamahal, ‘di naman sobrang layo nung bahay nila kumag.

“Thank you ha… na istorbo ba kita?” nahihiya ko’ng bungad ko.

Nagkamot siya ng ulo. “Umalis ka ng walang dalang pera?” tanong niya.

“Nalimutan ko eh…” nagkamot din ako. “Babayaran kita doon sa taas…”

“Hindi naman ako naniningil eh… Pero remind kita dun sa utang mo’ng date…” biro niya.

“Loko ka!!!” piningot ko siya kahit mahirap dahil mas matangkad siya.

“Aray!!!” hinimas niya yung tenga niya. “No joke… Date tayo…” mariin niyang sabi.

“Nako pag malaman yan ng GF mo…”

“Matutuwa siya….” Pag putol niya sa sinabi ko. “Matutuwa rin yun sayo…” pag-aasure niya.

Ngumiti lang ako.

“Sure ako… Magkakasundo kayong dalawa…” sabi niya ulit.

“ ‘di siya magseselos?”

“Hindi!!! kasi sure siyang mahal ko siya…” seryoso niyang sabi.

“Ayiiieeee…. Sweet naman ni dodong Jude….” Nilingkis ko yung mga kamay ko sa braso niya, saka nagtanong “Wala ka na ba’ng kapatid?”

Umiling siya.

“Sayang… ihanap mo nga ako ng kagaya mo!” sabi ko.

“Type mo ako?” nakangiti niyang sagot.

Kinurot ko siya. “Asus… Change topic na… lalaki na naman yang ulo mo…” Biro ko.

Naramdaman ko na naman ang pagdampi ng mga labi niya sa kaliwa’ng side ng noo ko. “Date na tayo…”

“ng ganitong oras?”

“Sa room ka nalang namin matulog…”

“Ayaw ko… Next time nalang…” Sabi ko. Honestly ayaw ko kasing malaman ni Richard na kina Jude ako natulog… it would just worsen the situation. Mas hinigpitan ko nalang yung yakap sa braso niya.

Ganun yung ayos namin habang pumapasok sa hotel. Hindi ko nga alam kung bakit hindi siya nahihiya na dumikit sa akin eh alam naman niyang halatang malambot ako. Sure ako’ng straight si Jude, ang macho nga eh! At natutuwa ako sa mga sweet gesture niya, pero minsan ay nakaka ramdam din ako ng pagka awkward… guilt… at hiya… pero nariyan naman siya at lagi ako’ng kino-comfort sa mga weird feelings ko.

Iba din talaga ang impact sa akin nung cebuano’ng yun… lagi siyang nariyan sa tuwing masakit yung dibdib ko dahil sa kagagawan ni kumag. Hindi ko nga alam kung bakit eh, basta parang lagi niyang alam na nasasaktan ako… at unconsciously pinapawi niya yung sakit na yun, in his own simple way…

“Bakit ba mapilit ka na ipursue yang date na yan? Wala ka namang mapapala dun…” sabi ko.

“Kasi kung matatandaan mo, ayaw mo’ng aminin nung una na bakla ka. Kahit na…………… halata naman.” Nag giggle siya. “I want you to feel special… I want you to understand na hindi mali yung desisyon mo na magpakatotoo… Walang nakakahiya diyan at walang nakakatakot…” seryoso niyang sabi.

“Anong wala?” iniwas ko yung paningin ko sa kanya. “Tatanda akong mag-isa… Wala namang seseryoso sa katulad namin… kaya ayaw ko nito eh… magiging kawawa ako…”

Iniharap niya yung mukha ko sa kanya. “Anong wala? Uso na kaya yung mga relationship na ganyan…” nag giggle siya ulit. “At kung sakaling wala nga… eh… nandito naman ako…” nakita ko yung sincerity sa mga mata niya.

“Pero may girlfriend ka na… tsaka… kaibigan kita….”

“Im sure Kat (GF niya) would be happy na i-share ako sayo…” nakangiti niyang sagot.

Tumulo yung mga luha ko, dahil sobrang touched ako sa kanya. Sa kabila kasi ng mga bangungot na dala ni kumag ay lagi namang tinatapos ni Jude ng maganda ang bawat araw ko. hindi ko nga alam kung bakit hindi pa rin nahuhulog ang loob ko sa tisoy na yun eh… nasa kanya na lahat ng hahanapin ng isang bakla sa magiging karelasyon… yung acceptance at respect… pero tama lang siguro yun, may girlfriend siya at alam ko’ng nagmamagandang loob lang din si Jude sa akin. Marahil ay nais lamang niyang ma feel ko na tanggap ako – na hindi ako naiiba.

“Umiiyak ka na naman?” tumawa siya. “Ala ka na ba’ng alam na ibang reaction?”

Siniko ko lang siya.

“Sadista ka ano? Lagi mo nalang ako’ng sinasaktan eh…” sabi niya habang hinihimas yung bahagi ng tiyan niyang siniko ko. “Bakit ka umiiyak?”

“Wala…”

“Anong wala? Haaayyyy…… ginagawa mo na naman ako’ng tanga… bakit nga?” pagpupumilit niya.

“Kasi eh…. Ikaw eh…. Ang sweet mo…”

“Anong nakaka-iyak dun?” natatawa niyang sagot.

“Naiinggit ako… gusto ko rin ng kagaya mo!” natawa na rin ako.

“Oh… Andito nga ako… I offer myself to you…” he spread his arms papunta sa magkabilang point. Yung parang nagpapapako sa cross.

Nag cross arms ako. “Ay… gusto ko akin lang…” inismiran ko siya ng pabiro.

“hala ang selfish nito!” umakbay siya sa akin. “Okay lang yan… habang wala pa yung sayo… makontento ka muna sa akin ha…” biro niya. Pinisil niya yung pisnge ko.

************************

Inihatid niya ako hanggang sa labas ng room namin.

“Ayaw mo ba talaga doon sa room namin matulog?” tanong niya.

Umiling lang ako.

“Okay… basta yung utang mo’ng date ha….” Lumapit siya sa akin saka nilapit yung mga labi niya sa noo ko. ‘Yun! alam ko’ng halik yun… oo… hinalikan niya ako sa noo… nakakakilig… pero iba rin yung feeling eh… hindi ko mapagtanto… basta iba…

“Goodnight!!!” sabi niya na may seryoso’ng mukha.

**********************

Pagkapasok ko sa kwarto ay, nakita ko’ng mahimbing ng natutulog si Patrick. Ayaw ko siyang maistorbo kaya nag decide ako’ng sa sofa na matulog. Wala naman si kumag pero natakot ako’ng gamitin yung kama niya.

Marahil dahil sa sobrang pagod ay mabilis ako’ng nakatulog ni hindi ko na nga ininda yung sobrang kalamigan.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa mahinang pag-galaw sa aking katawan. Nung imulat ko yung mga mata ko nakita ko si Richard, marahan niyang binabalot yung katawan ko sa comforter. Akala ko nun ay nananaginip ako, ramdam ko pa rin kasi ang labis na antok. Bumangon ako saka umupo sa sofa, kita ko’ng nagulat siya.

“Sorry… nagising ata kita…” malambing yung boses niya. Ang weird… malayong-malayo yun kung paano niya ako kausapin nung mga nagdaang araw.

Tiningnan ko lang siya… straight face…

Ngumiti siya. “Himala!!!” sigaw ng utak ko. “Bakit diyan ka natulog? Vacant naman yung isang kama…”

Nakatanga lang ako sa kanya. “Nananaginip ba ako? Ano na naman kayang nakain nito?” pag-aalangan ng utak ko.

Kinuha ko yung phone ko, para i-check yung time. 4:43 am. Masyado’ng maaga si kumag sa paninira ng araw. Nagkunwari nalang akong nag te-text para may dahilan ako upang umiwas sa kanya.

Bigla niyang hinablot yung phone ko. “Ano ba?!” mariin ko’ng sabi, kahit na pinilit ko ring hinaan yung boses dahil natutulog pa si Patrick. Hinabol ko naman ng paningin yung phone ko, hanggang sa magtama yung mga paningin namin.

“Hey! I know I’d been rude to you these past days… at alam ko’ng mali yun… sorry na…” malamig na yung boses niya. Alam ko yun! dahil mas sanay akong marinig yun.

“I know nasaktan kita… but believe me, nasaktan din ako…” sabi niya ulit.

Nakatingin lang ako sa kanya, wala ako’ng balak na sagutin o kausapin siya. “Nasaktan daw siya? Saan? Eh… wala naman ako’ng ginawang masama sa kanya…” sa isip ko.

Nagbuntong hininga siya. “Fine….. hayaan mo ako’ng bumawi…” huminga siya ng malalim. “Tonight may party sa bahay… birthday ni kuya… pumunta ka…” tuloy-tuloy niyang sabi.

Tahimik…

“Please… Punta ka… I know ayaw mo’ng sumabay sa akin… kaya… ipapasundo kita…“ sabi niya sabay lingon patalikod at marahang tinungo yung pinto.

Bago siya lumabas eh lumingon ulit siya sa akin. Nagkamot pa siya ng ulo. “Please Bob… be there…” bumuntong hininga ulit siya. “I know everybody will be very happy to see you there… lalo na si Jubie….” Seryoso niyang sabi. Tiningnan ko lang siya, hangang sa tuluyan na siyang makalabas.

(Note: Sorry po… I know hindi super ayos ng pagkakasulat ng part na ito. Im trying to narrate it base sa kung ano talaga yung nangyari. Pasensya if medyo boring po… Im actually having a hard time na pumili ng mga scenes na isasama sa story. I’ll try to make the next part better… Sorry po ulit… thanks for reading!)

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Sigaw ng Pugad Lawin (Part 7)
Sigaw ng Pugad Lawin (Part 7)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgfvEgLedcwK8-qNpy3qLt3FdJLd3ZA21SqfjRwFGxzcwSYmhfOH7MDOGFoPMSTm6pctByOAfyHEamGbECoA8tt6lkR_wJpnXoFwUt_MsEq5k5I1wNan-T_XF3TSD3l7VHMVxyoJOTvJq2y/s320/Sigaw+ng+Pugad+Lawin.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgfvEgLedcwK8-qNpy3qLt3FdJLd3ZA21SqfjRwFGxzcwSYmhfOH7MDOGFoPMSTm6pctByOAfyHEamGbECoA8tt6lkR_wJpnXoFwUt_MsEq5k5I1wNan-T_XF3TSD3l7VHMVxyoJOTvJq2y/s72-c/Sigaw+ng+Pugad+Lawin.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/07/sigaw-ng-pugad-lawin-part-7.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/07/sigaw-ng-pugad-lawin-part-7.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content