$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Totek (Part 1)

By: SJ Hi everyone This is the first time na Nagpost ako ng story Dito sa Km Madami na dn ako Nabasa na mga Story pero May Isa akong Inaaban...

By: SJ

Hi everyone This is the first time na Nagpost ako ng story Dito sa Km Madami na dn ako Nabasa na mga Story pero May Isa akong Inaabangan sympre ninyo dn “JPAT,Jake Pulled a trigger by Maldita ” Ganda ng Story Isa ako sa mga Fan :P  This is all about basta Basahin Nio Nlang :P  Hope you Like it

Isang napakahirap na sitwasyon para sa akin ng namulat ako sa aking tunay na kasarian.. Hindi ito naging madali dahil napaka traumatic ng experience ko dito.. Napapabilang sa aking kwento ang kwento ng pagibig, kasawian, kahirap, at sakit ng unang pagibig ko sa kapwa lalaki. Hindi tlga ito naging napakadali dahil pakiramdam ko ay ipit na ipit ako sa nangyari.. Pero anyways, kukwento ko narin.

Sadya ko rin palang pinalitang ang mga pangalan upang proteksyunan na rin ang private identity ng mga taong nakapaloob dito..

Ako ay nabibilang sa isang simple at conservative na family. Di man lumaki sa karangyaan ay binusog naman ako ng aking pamilya sa pagmamahal. Nung ako ay bata pa lamang, hindi lingid sa aking kaalaman na ako’y kabilang pla sa third sex at isa akong bisexual. Dahil noon ay ginagawa ko rin naman ang karaniwang ginagawa at nilalaro ng mga batang lalaki. At sa panahong yun, wala naman akong napansin na kakaibang atensyon sa mga kapwa lalaki. Naging maayos at maganda naman ang pagpapalaki sa akin ng aking nanay. Sa tulong narin ng aking lola kaya ako ay nakapag aral sa isang magandang exclusive school for boys sa Makati. Ito ay isa sa mga tanyag na paaralan sa Makati.

Wala naman akong naging kakaibang experience sa iskwelahang ito. Masaya akong nakapagtapos ng elementarya na may awards at naging vocalist of the year pa dahil na rin sa pagkahilig ko sa musika partikular na sa pagkanta. Pinalad din ako noon dahil pagkatapos ng aking elementarya ay sinubukan kong kumuha ng acce! leration test at ako naman ay nakapasa. Ako ay dapat nasa 4th year na pero mas pinili ko munang mag 3rd year dahil gs2 ko maexperience ang buhay high school. Ngunit kinailangan ko muna pumunta sa aking ina na nasa Japan kaya ako ay namalagi doon ng isang taon at nag aral ng junior high school. Sa kasawiang palad, hindi na accredit ang pagaaral ko dun kaya pinasya naming na ituloy ko ang pagaaral bilang 3rd year sa isa sa mga paaralan sa Manila. Dito na rin nagsimula ang kakaibang kabanata ng aking buhay.

“Okay class, we have a new transferee student, si Mr. Jerry Cruz. Mr. Cruz maari ka bang tumayo dito and introduce yourself to your new classmates” wika ni Ms. Reyes. Ako nama’y dali daling tumayo at nagpakilala ng aking sarili.

“Good morning sa inyong lahat, ahm, ako nga pla si Jerry Cruz. Bago lang ako dito, and uh, sana magkakilanlan taung lahat”, agad ko nmn sinabi pagtayo ko sa harapan. Sa unang tingin ay karaniwang high school student ako. Di naman sa pagbubuhat ng bangko ay may angkin din nmn akong kagwapuhan at kakisigan na sinasabi ng aking mga kaibigan. Ako ay moreno at may height na 5’8, medium built ako at ang pinakamapapansin mo daw sakin ay ang aking mga mapupungay na mata na tila inaantok at matubig tubig kaya akala mo’y iiyak.

“You may seat down now Mr. Cruz.”, wika ng aking guro.

Pagbalik ko sa aking kinauupuan ay nagpakilala sakin si Ben Capili. “Pre, ako nga pla si Ben Capili, pero Ben nlng pre.”, sabay abot ng kamay nya. Agad naman ako sumagot skanya na, “Pre, Jerry nlng.”, at akoy nakipag kamay .

Dumaan ang maghapon at ako namay naging walang problema sa aking unang araw sa pagiging highschool. Maswerte nmn akong nagkaroon ng mga kaibigan kaya di naman ako nahirapan mag adjust sa bago kong iskwelahan.

Dumating ang ilang lingo at unti unti n rin akong nasanay sa aking kapaligiran. Mas dumami na ang aking mga kaibigan at nagsisimula na ring lumabas ang natural na pagka kalog at kakulitan. Isang araw, kumakain ako kasama ng aking mga kaibigang lalaki ng nahuli ako ni Art Ventura, isang half-American at half-Filipino na kaklase ko na nakatingin sa isa sa mga babae sa kabilang table.

“Pre, may gusto ko dyan kay Grace Dela Cruz noh?!”, nakangising sinabi nito. Sinabi ko nmn agad, “Pre, ang ganda nya noh?”. Tunay akong namangha sa kagandahan ni Grace. Sya ay maputi, mahaba ang buhok, mapula ang labi, at ang bango bango palagi. “hays, sana magustuhan nya ko”, nasabi ko nlng sa sarili. At ako nama’y naging mapalad dahil pagkatapos noon ay nagpakilala ako at nanligaw rin saknya ng ilang linggo na kinahantungan na sya ang naging unang gf ko sa school n un.

Isang araw, papasok ako sa school ng makita ko ang isang lalaki na di ko alam ay bigla akong napatitig sa kanyang mukha. nabighani ako sa taglay na amo ng kanyang mukha. Ng bumalik na ko sa aking ulirat ay napansin kong wala na pala kong oras at magkikita pa nga pla kami ni Grace sa cafeteria bago mag morning assembly. Agad akong tumakbo at nakita ko si Grace na nakangiti sakin.

“Haaayysss, kung ganyang ngiti mo ba naman ang makikita ko twing umaga, gaganahan tlga akong pumasok.”, pambati ko sa aking gf na si Grace. “Ano ba, kinikilig ako. Good morning daddy.”, kanya nmng sinagot sabay halik sakin. Kinuha ko ang kanyang gamit at ako na ang nagbitbit hanggang sa matapos ang morning assembly at umakyat sa aming silid. Katabi ni Grace ang mga kaibigang babae, at ako nama’y naupo katabi ng tropang mga lalake. Bago pa pumasok ang teacher naming ay nakita ko si Grace na nakatingin sakin at sinambit ng pabulong ang “I love you Daddy”, na agad ko naming nginitian at sinabing “I love you more”. Ahahaha, di ko namalayan napansin pla ng iba kong kaklase ito at tinukso kami na ang sweet daw namin. Naputol lang ito ng dumating ang aming guro at nagsimula ang klase.

Habang nagkaklase ay napansin kong may naka dungaw sa bintana, pamilyar ang mukha ng lalake at muli ay pinagmasdan ko nanaman ang kanyang mukha at nakita ko itong nakatingin sa isa sa mga kaklase kong babae, si Emily Tan. Maganda at maputing babae rin si Emily. Medyo naging close kami dahil kaibigan sya ng gf ko na si Grace. Madalas ay kasama naming si Grace na kumain pag lunch. At dahil dito ay tuluyan na rin kami naging close ni Emily. Sa ngayon ay apat na silang close ko, si Grace, si Emily, si art, at si Ben. Nawala na lamang si Emily samin ng sabihin nitong may boyfriend na ito kaya din a masyado makakasama sa amin.

Naging napakaganda ng aming pagsasama ni Grace ng mga panahong yun. Sa umaga ay nakagawiang magkita kami bago mag morning assembly at bibitbitin ko ang gamit nya hanggang sa classroom. “Perfect! Magandang set up to.. nakakagana mag aral!”, sabi ko sa aking sarili. Dumaan ang ilan pang lingo at nagkaroon ng botohan para sa mga officers, gusto sana ako iboto para sa dadating na halalan ngunit ako ay bago pa lamang kaya hindi maari. Ok naman ako sa ganun kasi wala rin sa plano ko tumakbo.

Natapos na ang halalan at magkakaroon daw kami ng Victory party para sa mga nanalong kandidato. Bigla akong naexcite, kasi bago sakin ang gantong happenings. Talagang paghahandaan ko to at first time ko. Pagtapos ng klase ay dumirecho kami sa mall ksma ang gf ko at namili kami ng isusoot. Nagdinner sa isang restaurant at hinatid ko na sya sakanila. Kung tutuusin ay halatang excited kami dahil 3 days pa bago ang nasabing party. Tuesday palang ngaun at sa Friday pa gaganapin ito bandang 7 ng gabi. Sa school gym ang venue. Pero bakit ba? Trip namin e.. hahahaha!

Dumaan n nga ang mga araw at tlgang usap usapan samin ang nalalapit na victory party, lahat ay tlgang naghahanda. Kanya kanya kaming idea kng ano nga ba isusuot at saan kami pupunta pagkatapos ng party. Maging kami ni Grace ay nasasabik na.

“Whoooooow! Friday na”, sigaw ng kaklase kong Amerasian na si Art. Half day lang kami noong araw na yun para narin makapag prepare para sa gaganaping party mamaya. Nagmamadali kami at halos hilahin na namin ang oras para maguwian na. Nang matapos ang klase ay tuwang tuwa kami at nagmadaling magsi uwian. Ihahatid ko na dapat si Grace sakanyang bahay sa Paranaque at sabay uuwi sa Makati para makapagbihis, ng bigla nyang sinabi na sya nalang daw ang uuwi mag isa dahil alam nyang magiging nakakapagod ang byahe para sakin. Nagulat ako dahil hindi naman sya ganoon. Usually ay excited xa na ihatid ko syang umuwi, pero sabagay, mas convenient nga naman sakin un dahil kakainin nito ang oras ko at di na ko makakapagpahinga para mamaya. Agad akong umuwi sa aking bahay at dali daling nakatulog. Nagising nlng ako sa alarm ng aking cellphone. Ala singko na at kailangan ko na mag ayos! Excited kong inisip sabay tingin sa cellphone at ang dami kong txt at miscalls galling sa mga! kaibigan ko. Tinext ko na rin ang aking gf at sinabing gising na ako. Isa isa kong binasa ang mga txt at ang mga kaibigan ko pla yun, naka ayos na daw sila at mamaya maya ay aalis na. Natawa nlng ako sa nabasa at naisip ko na masyado nmn silang sabik dahil ala singko palang. Agad akong naligo at pagkatapos ay nagbihis, nagayos ng buhok at sinigurado kong gwapong gwapo ako sa gabi n yun. Mga 6:10 ay umalis na ko ng bahay at tinext ko si Grace na paalis na ko. Ngunit di sya nagreply. Hmmmmmm.. Nang malapit na ko sa school ay nagtxt si Grace at sinabi nyang nasa school na daw sya at dun nlng ako hihintayin sa loob. Magrereply sana ako kaso naubos na pla load ko.

Nang makapasok sa school ay agad akong nagparegister at nakita ko ang mga kaibigan kong nagagagandahan at nag gwagwapuhan. Aba, syempre, di ako papatalo. Palakad na ko sa gym ng nasalubong ko ang isang lalaki na pamilyar sa aking mukha. Bigla nanaman akong napatingin sakanya at namangha sa kanyang mas lumabas na kagwapuhan lalo na sa suot nyang puting polo at denim jeans at chucks. Astig! Sabi ko sa sarili ko. Nagulat ako at kasama nya si Emily. Sabi ko sa sarili na baka sya ung sinasabing bf ni Emily. Bigla ko naalala si Grace at dali dali akong tumakbo papuntang gym at hinanap sya. Pagpasok ko ng gym ay nakita kong kasama nya ang mga kaklase at mga kaibigang babae na naguusap usap. Medyo tumahimik sila ng ako ay dumating. Nginitian ko si Grace na ginantihan nmn nya ng ngiti. “Aba, ang ganda ng girlfriend ko ha.”, agad kong sinabi. Ginantihan naman nya ito ng, “hi kuya, pwd makuha number mo? Ang gwapo mo kasi, bilisan mo, bago dumating boyfriend ko.”, sabay ! yumakap sya sakin ng mahigpit. Ako’y kinilig pero iba ang naramdaman ko.

Nagsimula na ang party na pinangunahan nmn ng aming principal. Maya maya pa’y nagsasayawan n ng buong sigla dahil sa mga tugtugin na tlga namang nakakaindak. Kasama ko ang mga kaibigan kong lalake at si Grace naman ay sa mga babae. Masaya kaming nagsasayawan ng biglang nagpatugtog ng love songs. “Damn! Pagkakataon ko na to para maisayaw si Grace! Agad akong tumakbo at hinanap si Grace ng makita ko sya sa dulo at agad na nilapitan. Akmang yayakapin ko sana sya ng biglang hinila nya ko sa kamay at hinila sa dulo.

“I’m breaking up with you.” Maluha luha nyang sinabi sakin. “WHAT?!!”, buong pagkagulat kong tinanong.”I’m so sorry Jerry. Di ko din maintindihan pero ayaw ko na.” magsasalita pa sana ako ng bigla syang tumakbo palayo. Natulala ako at naramdamang namumugto ang aking mga bata dahil sa namumuong luha sa aking mga mata. Di ko namalayan na naglalakad na pala ako sa labas ng school ng biglang umulan. Pambihira naman, oh.. ano to telenovela? Pero naisip ko na nakikisang ayon ang ulan sa aking kalungkutan.

Ilang oras akong naglakad at narrating ko ang bahay namin. Pagtingin ko sa cellphone ko ay ang daming tawag at txt galing sa mga kaibigan ko. Ngunit di ko na ito pinansin dahil na rin sa sobrang lito, sama ng loob, at kalungkutan. Pumasok ako sa aking silid at dun ay ibinuhos ang natitirang luha. Halos gumuho ang mundo ko at tila tinatadtad ako sa sakit at pagtatanong sa sarili. "Ano bang ginawa ko Grace? Saan ako nagkulang? minamahal naman kita ng buo ha, at hindi ako nagtaksil sayo.. Nag iiyak ako na nakahiga habang nakayakap sa unan at hawak ang picture namin ni Grace hanggang sa nakatulugan ko na ito.

Nung sumunod na Monday ay di ako pumasok, Tuesday, Wednesday ay di pa rin. Kinahapunan ng Wednesday ay nagpunta si Ben kasama si Art sa aking bahay. Agad ko silang pinapasok ng bahay pero di ako umiimik. “Pre, nabalitaan namin ung nangyari. Pumasok ka na pre, dami mo na namis sa subject natin. Babae lan yan pre. Ipapakilala nlng kita sa iba. Marami akong kakilala na magaganda! Tsaka, mis ka na namin pre!”, paulit ulit na sinasabi ni Art at ni Ben. Napilit nmn nila ko dahil dun na natulog si Art para siguradong papasok ako kinabukasan.

Nagising ako ng maaga at nangamba kung pano ko papasok na wala na si Grace, wala na kong aabutang ngiti sa umaga, wala ng Grace na magpapasaya sakin. Wala na. Agad ay napaluha nanaman ako.. Napansin ko nlng na may humahaplos sa aking buhok, pagtingin ko ay si Art. “Aga aga iyak! Ano bayan pre! Ngiti ba sa umaga hinahanap mo? Eto oh, magsawa ka! Halik ba? Kiss kita pre, gutso mo?”, agad nyang panunukso pero alam kong gusto lamang nya ko i-comfort. Natuwa naman ako sa kanyang pagpapatawa ng bigla kong napansin na mula sa pagtatawanan ay nakita kong naging seryoso ang mukha nya at nakangiti sakin, kapansin pansin din ang kanyang maamong mata na tila nangungusap sabay sabi, “Pasok tau pre, ha”, bglang sabi nya. “Oo na tay”, napapatawa ko pa ring sabi sakanya.

Kahit nga nakapasok na ko ako ay tila walang pumapasok sa utak ko sa mga lesson naming sa klase. Lumilipad ang utak ko at madalas na napapatingin kay Grace. Di rin ako masyado nakakain dahil na rin malungkot pa rin ako. Buti na lang ay nandiyan ang mga kaibigan ko at unti unti akong naka move on. Kalaunan ay nakalimutan ko na ang sa amin ni Grace. Pero isa ang napansin ko. Parang di ko na nakikita ung laging sumisilip kay Emily sa pinto. Samantalang di lang isang beses sa isang araw ko nakikita na gawin nya yun. Ngunit sa mga nakaraang araw ay wala ito at si Emily ay kasabay ko nanaman sa lunch.

Isang araw, pagkauwian ay dumirecho ako ng bahay dahil may deadline kami ng project kinabukasan. Malapit na naman akong matapos ngunit ayaw kong magahol sa oras kaya agad kong ginawa ito. Nasa kalagitnaan ako ng pag gawa kong ng project ko ng biglang may nagtext. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagulat ako dahil number lang. Pero mas nagulat ako ng buksan ko ang message at nakalagay.

“Tol, pasensya sa distorbo. Si Philip to..”
Normal nanaman ang buhay para sakin sa buhay high school ko.. Mas dumami na rin ang kaibigan ko at naging napakalaki ng aming samahan. Mahigit kami sa kinse na naging magkakatropa. Isa na dun sila Art at Ben. Kasalukuyan n rin may girlfriend si Ben, si Leah Santillan. Maganda rin sya at simpleng babae. Naka brace ito at talagang magaling makisama kahit pa karamihan samin ay mga lalake. Higit sa 10 ang lalake at 5 naman ang babae, kabilang na sila Emily, at Leah. Dahil dito ay nakalimutan ko na ng tuluyan si Grace at ika nga, naka move on na. Halos magkakalahating taon na pala akong nasa highschool. At naging Masaya tlga ako. Di ko alam na totoo palang masaya dito.Uwian na ng isang hapon habang naglalakad ako palabas ng school ay nakita ko nanaman ang lalaking dungaw ng dungaw sa classroom namin. Napansin ko na parang iba ata ang ichura nya ngaun. Di ko alam kung humaba ba buhok nya, o bat parang iba. Basta iba. “Wirdo nmn nito”, nasabi ko nlng.

Nang malapit na ko sa sakayan ng jeep pauwi samin ay nakita ko nanaman ang lalakeng pamilyar sa aking mukha at talagang nagtaka dahil nakita ko pa sya sa loob ng school. At hala, yun nanaman ung ichura nya uli! Sobrang laki talaga ng aking pagtataka. “Totekk, ano to! Wirdong tao tlga!” Nang mapansin nya ako ay lumapit sya sakin.“Pre, ako nga pala si Philip Sanchez. Pwede ka ba makausap sandali?”, sinabi nya ng may halong pagmamakaawa. Bigla ko naalala yung natext sakin na number lang at naalala kong Philip din pala ung nagtxt sakin. Sya na nga kaya yun? Total, wala nmn akong gagawin at hindi rin naman ako nagmamadali ay pumayag ako. Pumunta kami sa may Mcdo na malapit sa school at bumili ng pagkain. At dun narin kami nagusap.

“Tol, ako nga pla si Jerry. Kumakain na tayo, ni di pa nga ko nagpapakilala sayo.”, natatawa kong sinabi habang inabot ko ang aking kamay. Agad nyang inabot at kinamayan ako sabay sabing, “Oo, kilala kita pre. Kaibigan mo si Emily diba?” Bigla kong naalala na nakita ko sya sa loob ng school tapos ay nakita ko sya sa malapit sa sakayan ng jeep. Di na talaga ako makapagpigil at atat kong tinanong at sinabi sakanya ang nakita ko.”Pre, nagtataka lan ako kasi kanina nakita kita sa loob ng school tapos nung naglakad na ko sa sakyan ng jeep, nakita nanaman kita. Stalker ka ba? Ahahahahaha!!” , atat na pagtatanong ko.
Nagulat ako ng bigla syang halos mabilaukan at tumatawa ng sinabi nya saking, “Hahahahahaha, patawa ka tol. Hindi ako yun. Kambal ko yun. Si James. Identical twins kami at ang pagkakaiba lang naming halos ay sa mata.” Bigla akong natawa at sinabing, “Ayun!! Kaya pala! Laki tlga ng pagtataka ko kanina ee! Kaya pala napansin kong may iba sa ichura! Kambal naman pala! Hahahahahaha!” Sabay kaming natawa ng bigla syang magiing seryoso.
“Jerry, may papakiusapan kasi sana ako sayo. Ako ung ex bf ni Emily. Nagkahiwalay na kasi kami. Tulungan mo naman akong magka ayos kami ulit. Alam kong close kayo kaya sayo ako humingi ng tulong. Tinext kita noon dahil hiningi ko ang number mo sa mga kaklase mo.” Habang nagsasalita sya ay doon ko lang talaga napagmasdan ang kabuuan ng mukha nya. Ang gwapo pala nya! Deep set ang mga mata at sobrang nakakabighani, napakatangos ng ilong, makinis ang mukha, ang ganda pa ng labi!! At! Ang ganda ng ipin nya! Ang puti! Nawala nlng ang pagtitig ko sakanya ng sinabi nyang, “Huy, pre. Matutulungan mo ba ko?” para akong bglang natauhan. “Hah? Ah, oo.. cge”, tanging tugon ko na lamang.
Simula ng nagkausap kami ni Phil ay unti unti kami naging close. Doon ko nalaman na varsity pala siya at ang dami dami dami plang nagkakagusto sakanyang mga babae. Nalaman ko ito dahil ang dami nagpapansin sakanya na mga babae at naririnig ko sa mga kaklase kong babae. Magaling din sya sa arts at sa pagdrawing. Agad naman kaming nagkapalagayan ng loob at tuluyang naging magkaibigan. Ngunit sa mga kaibigan ko ay isa lamang ang hindi nya gaano makasundo…. Si Art! Si art na varsity din ng aming skwelahan. Dahil sa pagiging half American nya ay maputi sya, matangkad at brown eyes. Napakatangos din ng ilong at masasabi mong marami ding nabibighaning mga babae. Ewan ko ba pero ang init ng dugo ni Art kay Philip. Pero di ko na gaano pinansin. Sadya talagang may mga taong di magkasundo. You cant please everybody nga naman! So, pinabayaan ko silang dalawa ngunit sinigurong di nagtatagpo ang landas nila.
Agad-agad ko nmn sinakatuparan ang misyon ko kay Philip. Ang pag ayusin sila ni Emily. Nakita ko naman kasing maganda ang impluwensya ni Philip kay Emily dahil gumaganda at tumataas ang grades nito.Ngunit kay Emily ko mismo nalaman na ayaw niya na talaga. Dahil iba na ang gusto nya. Si Mark Lacsamana. Ang isa sa mga gwapong si mark. Isa siyang taekwondo player ng school at lageng gold medallist sa mga paligsahan na kanyang sinasalihan. Maganda ang postura at lalaking lalaki ang ichura. Kamukha nito si Gabby Concepcion na mejo Mark Herras. Ito na daw ang lalaking nagugustuhan ni Emily. Maigi kong kinausap si Emily tungkol dito dahil napansin ko simula ng magkahiwalay sila ni Philip ay unti unti rin ang pagbaba ng grades nya. Hindi na rin sya nakakapag pasa ng projects on time. Sinabihan ko nalang sya na sana wag nya pabayaan ang kanyang pag-aaral kahit na may boyfriend sya. Sabi ko rin sakanya na pagkailangan naman nya ng tulong ko e itxt lang nya ko. Agad din syang nagpasalamat sa pag intindi saknya.


“Pre, salamat sa tulong mo ha. Alam ko naman sinubukan mo, kaso mukhang di na tlga ako mahal ni Emily.”, bigla nyang sinabi habang kasama ko sya naglalakad papuntang school.
“Sus! Ala yun tropa! Pasensya ka na rin, wala tlga magawa ee! Dibale, makakalimutan mo din yan, ganyan din ako kay Grace nun. At tska ikaw pa pare?! Tado ka ba, ang dami ngang chiks na may gusto sayo dito!”, agad ko namanag tugon sakanya. “Tado, sayo din naman ah!”, natatawa nyang sagot.
“Oh, pano ba yan pre, hanggang dito nalang?”, sabi ko sakanya. “Anong ibig mo sabihin?”, na tila sinabi nya ng may pagtataka. “Eh wala e, di kita natulungan wala na rin ako natulong sayo.” Sabi ko. “Tadew! Kaibigan pa rin tayo! Pasalamat nga ko sayo. Mabilis akong nakalimot at mas madali kong nakalimutan ang nangyari.” Nakangiti nyang tugon.
At iyon na nga, hindi ko sila napagayos na dalawa. Sa una, akala ko ay di na kami magiging magkaibigan ni Philip dahil na rin sa wala na rin nmn saysay dahil tapos na ang misyon ko sakanya. Hindi rin naman ako ganun ka affected kung nagkataon dahil pag nagkakasama kami ay puro nalang ang ex nya ang topic. Pero hindi yun ang nangyari, nagpasalamat pa rin sya sakin sa ginawa kong pagtulong. At nanatili kaming magkaibigan. Mas naging close pa! San ka pa!
Papasok na kami ng nakita ko si Art sa gate ng school. Nang makita ko sya ay tila parang may hinihintay sya, nung nagkita naman kami, magbabatian na sana kami ng makita nyang nakasunod pala sakin si Philip. Kapansin-pansin naman ang biglang pagbago ng mukha nya. Para bang biglang nairita. Ewan ko dun! Wirdo!
“Hoy! Umagang-umaga nakasambakol yang mukha mo! Malas yan boy!”, pangaasar na sinabi ko sakanya. Bigla naman nya binawi ang mukha sabay ngiti. “Tagal mo tol! Tara na akyat na tayo!”, tugon naman nya. At binilisan na naming ang pag-akyat.
Pag pasok ng room, agad naman sya nagsalita. “Pre, bat ba dikit ng dikit sayo yung Philip na yun!”, halatang may inis ang pagtatanong nya. “Sus! Alam mo namang patay na patay yun kay Emily! Hahahaha! Nagpatulong lan sakin na magkbalikan sila, kaso wala, may iba ng gusto si Emily. May problema ba?”, sya namang naging tugon ko. Ngunit di na sya sumagot.
Lalo kong pinagigihan ang pagaaral ko. Masaya ko sa setup ko sa school dahil ang dami kong kaibigan, at paborito ko naman tlga ang mag-aral. Mas lalo naman akong naging close sa mga kaibigan ko at tinuring bestfriend na sila Art, Ben, kasintahan ni Ben na si Leah, si Jenny, at syempre ang nagiging close friend ko na si Philip.

“Foundation week na! Yahoooo! Wala nanaman tayong lessons! Pahinga muna at katuwaan muna sa school!”, agad kong bati sa mga kaibigan ko pagkatapos bumili at naupo Excited din ako dahil first time ko yun bilang isang hyskul. Sabay sabay naman kami nagtinginan at tila nangusap ang mga mata at sabay sabay sinabing. “Inuman na to mamaya! Nyahahahah!”
Isang hapon nsa iskwela kami, sa kasadsadan ng pagprepare naming sa booth naming para sa okasyon ng biglang pumunta si Philip at tinawag ako sa aking classroom. Ipapakilala nya daw ako sa mga kaibigan nya sa first section. Kaya nilabas ko sya at pinuntahan namin ang mga kaibigan nya. Isa isa nya kong pinakilala sa mga kaibigan nya, sabay pakilala saking, “Si Jerry nga pala, bestfriend ko. Sobrang bait yan!” Nagulat tlga ako sa sinabi nya! “WOW! BESTFRIEND! Astig ka tol! Taena nakakagulat ah! Ano to!”, sigaw ko sa isip ko. Pero agad naman tumaba ang aking puso dahil yun ang tingin nya sa akin. Nakipag kamay naman ako at tila nagpa cute pa sa mga babae dun. (Pacute pacute pa, di ko alam, isa rin pala akong dalaga! HAHAHA! Oo nalang ha!)
“Oo, kilala ko sya, sya yung member ng English Club, School Journal at Glee Club diba? Ang ganda ganda nga ng boses nya eh.”, Biglang sabi ni Eliza. Kilala ko sya dahil kasama ko din sya sa Glee Club. Hehehe, mejo may natatagong talent din kasi ako sa pagkanta kasi nga hilig ko to bata palang ako diba? lalo na sa love songs, malamig daw kasi ang boses ko.
Nagulat naman si Philip at sinabi sakin kung pwede ba daw ako kumanta dahil di nya alam na marunong pala akong kumanta. “Taena mo! Andito tayo sa hallway! Ano to?! Concert! Wag ganon! Hahaha!”, bigla ko namang tugon. Pero tila ay narinig ng lahat at pinalibutan ako at nagrequest na sila na kumanta ako. “Totekk naming buhay to oh! Nanahimik ako sa classroom na gumagawa ng booth, ngaun pagcoconcertin nyo ko! Ganda naman ng timing talaga oo!”, sabi ko sa sarili ko. Pinabigyan ko na rin sila at kinanta ang awit nung panahon na iyon ay sikat na sikat pa.
“The Day You said Goodnight”

Halos biglang niligawan ko naman ang lahat dahil nagsilabasan ang mga kaklase ko at iba pang ka level ko upang makinig. Habang kumakanta pa ko ay kunwari e parang sumasali ako sa contest at may pakumpas kumpas pa ko ng kamay at tinititigan sila. Biglang napako ang mukha ko kay Philip at ngumiti sakanya sabay kindat. Tila nagpapahiwatig sakanya, “Matuwa ka na ngayon, patay kang bata ka sakin mamaya!” Isang maloko sabay seryosong ngiti naman ang ginanti nya sakin.
Idinaos nga naming ang Foundation week na yuon. At mas lalo pa ko naging close sa lahat dahil sa ipinamalas kong kanta. Maging kami ni Philip ay mas naging close sapagkat lage kaming sumabay umuwi. At dun naging magbestfriend na rin talaga kami. Nakakatuwa sya dahil hinihintay nya talaga akong matapos sa practice ko sa Glee Club at mga extra curricular activities na kasabay din naman natatapos ng kanyang training. Kung ako naman ang nauuna ay gusto nya tlagang hintayin ko sya at ililibre nya daw ko ng walang katapusang Mcdo kapalit ng paghihintay ko.
Naging ganun ang setup namin. Sa umaga ay hinihintay nya ko sa binababaan ko ng jeep at sa hapon ay sabay kami umuwi. Daig pa ang magsyota noh?! Hahahahahaha
Ngunit sa pagiging close namin ni Philip, unti unti namang umiiwas sakin si Art. Ewan ko ba, di nya tlga gusting kasama ko si Philip. Pambihira naman! E parehas nga sila ng sports sa pagiging varsity. Bat nga ba sila di magkasundo?! Parang mga bata! Totekk tlga oo.. Bwoyset!
Ngunit isang araw.. may isang kaganapan na di ko malilimutan..
Guys yung susunod maiiksian ko mapahaba eto

Itutuloy …

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Totek (Part 1)
Totek (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjTUycjuRHaGNuUgaaW3M5pePPx5v8a3alGnxekc5YG32JtBbzeHoS5A1QEtuSBfiVv1d6nghQs5Gtcw1F5rxBx-I8-lLomuwWP8cjGWvshca_MiAhC17SUaQEtMVn3qLCfbvx61adcFPB2/s400/13707373_1293074660748016_1960571916_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjTUycjuRHaGNuUgaaW3M5pePPx5v8a3alGnxekc5YG32JtBbzeHoS5A1QEtuSBfiVv1d6nghQs5Gtcw1F5rxBx-I8-lLomuwWP8cjGWvshca_MiAhC17SUaQEtMVn3qLCfbvx61adcFPB2/s72-c/13707373_1293074660748016_1960571916_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/07/totek-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/07/totek-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content