$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Little Mix’s Tape (Part 3)

By: Prince Zaire “Hooo ang init” tugon niya at sinadya pa talaga niyang itaas ang suot niyang t-shirt para makita ko yung pandesal niya na n...

By: Prince Zaire

“Hooo ang init” tugon niya at sinadya pa talaga niyang itaas ang suot niyang t-shirt para makita ko yung pandesal niya na nagpalunok sa akin.
“Tara na nga, nadadagdagan ang aking pagkakasala” pahayag ko kay Santi.
“Don’t be afraid Dex andito na ako” sabay hawak niya sa kamay ko at naglakad kami papunta sa parking lot.
“It's obvious you're meant for me
Every piece of you, it just fits perfectly
Every second, every thought, I'm in so deep
But I'll never show it on my face”
Ikaw na kaya Ibahn Santi Villareal? Ikaw na nga kaya ang icing sa ibabaw ng cupcake ko? Ay wait wala akong cupcake…..
But how do I unlove you Mc Ryan Vijandre?
How do I unlove you?
Taylor Swift can you teach me how this time…
If it can only get better…
---
“Love me or leave me?” out of the blue na tanong ni Santi habang nanonood kami ng Finding Dory sa sinehan. Tinitigan ko lang siya pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa screen. Hinawakan niya naman ang kamay ko and he start massaging it. Parati niya yung ginagawa sa tuwing magkasama kami, kung dati ay hindi siya every weekend kung umuwi sa Batangas ngayon ay every weekend na kaya naman parati ko siyang nakakasama.
“Love me or leave me?” tanong niya ulit.
“Kanta yan diba?” pabiro kong sagot.
“No Dex, tanong yun na dapat mong sagutin”
“OR”
“Baby boi naman eh, ano nga?” pagtatampo niyang pahayag.
“Ssssssh, wag kang maingay ayan na oh, mamamatay na si Dory” pagbibiro ko ulit. Agad naman siyang tumahimik at hanggang matapos ang movie ay di siya umiimik.
“Uyyyy napano ka diyan” umiling lang siya, saka siya naglakad papalayo”
“Ibahn Santi” sigaw ko, wala parin patuloy parin siya sa paglalakad.
“Hoy Sans Rival” sigaw ko ulit at dun siya tumigil, lumingon sa akin at ngumiti. Saka siya bumalik at lumapit sa kinatatayuan ko na di maalis-alis yung ngiti niyang abot tenga.
“Anong sabi mo?”
“Sabi ko uwi na tayo” pagpapalusot ko.

“Hindi may sinabi ka, ano ulit yun gusto kong marinig ulit”
“Sabi ko ang baho mo Villareal. Mukha kang utot”
Naglip bite ulit siya at nagpacute at gaya ng dati at pinagdidikit niya nanaman yung index finger niya na di ko alam kung ano ang ibig sabihin.
“Ba’t palagi mong pinagdidikit yang index fingers mo?” tanong ko.
“Cross fingers, so that the odds are on my favour”
Kumunot lang ang noo ko.
“Dex, ulitin mo nga yung sinabi mo please”
“Ayaw” at ako naman ang naglakad palayo. Tinanaw ko siya, hindi parin siya gumalaw sa kinaroroonan niya kaya tinawag ko na. “Tara na Sans Rival, malelate tayo sa Family Dinner niyo”
Para siyang batang lumundag at tumakbo palapit sa akin nun at saka niya hinawakan ang kamay ko. “Tinawag mo na akong Sans Rival, meaning ako na nga ang icing sa ibabaw ng cupcake mo” sabay kindat niya sa akin.
“Wala akong cupcake, sorry”
“Meron kaya” sabay ngisi ng nakakaloko kaya naman kinutusan ko nalang siya.
“Baby boi, sinasagot mo na ba ako?” seryoso niyang tanong.
“Hah? Bakit exam ka ba? Bat kita sasagutin?”
“Kung exam ako, ako na ang pinaka-hard. I’m getting a hard-on on you” sabay bungisngis ni loko.
“Diyan ka na nga” at binilisan ko ang lakad ko palabas ng Mall.
“Ui, sandali antayin mo ako” sigaw niya.
Dumiretso nga kami sa kotse ni Santi at pumunta na nga kami sa bahay nila for their family dinner. Habang nasa biyahe kami ay hawak-hawak parin ni Santi ang kamay ko.
“Tignan mo baby boi etong index fingers ko mas maliit sila kesa sa ring finger ko”
“Eh ano naman ngayon”
“Binibigyan lang kita ng idea”
“Idea saan?” pero alam ko na ang pinupunto niya, medyo naughty din pala ang loko. Nabasa ko yun sa cosmopolitan, na if a man has an index finger smaller than his ring finger, ay talaga naman na may ipagmamalaki ito down under. Ganun din kasi ang fingers ni Ryan, malaki ang agwat ng index fingers nito compared to his ring finger.
“Tinawag mo na akong Sans Rival, meaning sayo na ako at akin ka na. Tama ba?” tanong ulit niya kaya umiling lang ako.
Nagkunot naman siya ng noo at nagmake face. Pinagdidikit nanaman niya ang index fingers niya. Kumalas din siya sa pagkakahawak sa kamay ko kaya alam kong nadidismaya na siya.
Malapit na kami nun sa bahay nila ilang kanto nalang ng bigla niyang hinatak yung laylayan ng t-shirt ko saka siya ngumuso sa akin. Pinandilatan ko lang siya, nagrerequest ng kiss ang mokong. Todo ang pacute niya na siya namang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
“Baby boi, please” mahina niyang tugon, para siyang bata.
Inirapan ko lang siya at tumingin nalang sa bintana. Hinatak niya ulit yung laylayan ng t-shirt ko kaya tinitigan ko ulit siya. Nagpapacute nanaman, hay naku Ibahn Santi konting push mo nalang sige pa, hahalikan na talaga kita. Pero nagpipigil lang ako baka makita kami ng driver nila at isumbong pa kami sa Papa niya. Nakarating na nga kami ng bahay nila, eto namang si Santi padabog na bumaba at iniwan talaga ako sa sasakyan.
“Ganito ka ba mang trato ng bisita?” sigaw ko.
“Kaya mo na yan, matanda ka na. Sumunod ka nalang sakin” sigaw niya habang patuloy parin siya sa paglalakad, hindi man lang niya ako nilingon.
“Kung alam ko lang na ganito mo ko tatratuhin di nalang sana ako sumama sa iyo. Uuwi nalang ako” sigaw ko.
“Fine” sagot niya.
Nainis na ako kaya naman bumaba na ako ng sasakyan at saka lumabas sa gate nila. Nakaka-ilang hakbang palang ako palayo sa bahay nila ng bigla siyang sumigaw. “Wait”, tuloy tuloy parin ako sa paglalakad patungong sakayan papunta sa amin.
Nahabol niya ako at hinawakan ako sa braso. “Sorry na please di ko sinasadya. Di kita kasi maintindihan Dex, tao ako nasasaktan din. Kaya nga tinatanong kita if Love me or Leave me para naman di na ako umasa pa. Para naman mapreserve natin yung friendship habang maaga pa” paliwanag niya.
“Bakit kasi may leave me? Pwede namang Love me or let’s just be friends ang statement mas oks pa yun. Kesa naman Love me or Leave me – ang bigat dre”
“Ayoko kasing friends lang tayo, alam mo naman kung gaano na ko ka-head over heels sayo. I still remember our deal Dex doon sa coffee shop in which we ordered that Sans Rival cake”
Tinatawag niya parin kasi akong baby boi noon kaya sinaway ko kaya naman nagtanong siya kung ano magandang endearment namin. Nagsuggest siya ng kung ano ano.
“Eh bat di nalang Sans Rival para cute – Sans for short oh diba sweet”
“Ang cliché puta, ba’t kailangan ng endearment ano tayo magjowa?” angal ko.
“Di pa, pero soon” sabay kindat niya.
“Asa”
“Darating din ang time Dex, na tatawagin mo akong Sans Rival and by that time I can be yours and you can be mine- ano deal”
Pinandilatan ko lang siya at tumango nalang ako, at kanina nga ay tinawag ko siyang Sans Rival. Out of the blue rin na naisipan kong tawagin siya ng ganun.
“Love me or leave me? Isang tanong isang sagot” sambit niya.
“Can you give me more time Santi? I’m still not in the right time & place to answer that. Ayokong magsinungaling sayo, at ayoko din masaktan ka at umasa. I’m still not over with Ryan, I’m still not over with the pain I had. I’m afraid to love again”
“Ok I understand, tara na sa bahay inaantay na nila tayo”
“Pwedeng umuwi nalang ako? Nawalan na ako ng gana Santi, maybe next time nalang ok?”
“Please Dex, please I’m sorry”
“Santi its ok, uuwi nalang ako siguro” saka ako naglakad na papuntang sakayan.
“Can I drive you home instead?” sigaw niya.
Nilingon ko siya at kahit medyo malayo ako sa kanya ay nakita kong lumuluha na siya. Kaya naman binalikan ko siya at niyakap ng mahigpit.
“I’m sorry Santi kung nasasaktan na kita, pero I’m just being honest with my feelings now” saka ako kumalas sa pagkakahawak. “I can manage myself, wag ka nang mag abalang ihatid ako” saka ako nagpaalam na sa kanya.
Simula nga nung araw na yun ay di na nagtetext o tumatawag si Santi. Di ko narin siya nakikita pag weekends. Mas lalong bumigat yung nararamdaman ko dahil nga nawalan nanaman ako ng isang kaibigan. Though parati namang andiyan si Kayla para sa akin pero iba parin pag si Santi ang kasama ko. Ibang saya ang naibibigay niya sa akin, pag kasama ko siya ay walang dull moments. Naisipan kong mag IG at inistalk ang profile niya, wala siyang mga recent posts ang huli lang ay yung picture ng mga kamay namin na magkahawak na maganda ang pagkaka-edit sa VSCO. Ang caption, “I am so me when I’m with you – best thing I never had”. May kung anong kumurot sa puso ko ng mabasa ko yung apat na salita doon.
“Best thing he never had”
Bigla namang nagtext si Kayla sa akin.
“Pogs, viral na sa FB yung Trumpets Challenge niyo. May goodness ang sexy mo pala loko ka. Ba’t di ka nalang pakalalake sesh?”
Nagtaka ako, anong trumpets challenge. Saka ko naalala yung pinag-gagawa namin ni Santi nung nasa may Calatagan kami. Sinayaw nga namin yung Trumpets Challenge at nakatopless kami dun, sinabayan ko lang naman kasi ang trip ng mokong.
“Sinong nag-upload” reply ko kay Kayla.
“Si Santi”
Agad ko namang chineck yung FB ko at hinanap ang profile ni Santi. Pero nabigo ako, na unfriend ata ako ng loko o di naman kaya ay nakablock ako. Shet, bat ganun.
“Pogs, di ko makita. Naka-block ata ako kay Santi” reply ko.
“Tumbling ka dito sa bahay namin at ng mapanood mo yung mga pinag-gagawa niyo. Pero in fairness talaga kinilig ako.”
Pumunta nga ako sa bahay nina Kayla at pinapanood niya yung video namin. Malinaw ang kuha dahil yung DSLR ni Santi ang ginamit namin. Hiyang hiya ako grabe, hindi kasi ako sanay na magbilad ng katawan. Andami nang likes at shares, naku talk of the campus ako niyan pagdating ng Monday. And take note, isang Santi Villareal pa ang walang hiyang nagpost nito, though sa friends lang naman nakashare at hindi public.
“Grabe pogs, may abs ka pala di mo man lang sinasabi” asar ni Kayla.
“Che!” inis kong sagot.
“Nakakaloka, blinock ka niya. Hahahahaha, sad”
“Che!” di ako nakapagtimpi at sinabunutan ko siya, gumanti rin siya ng sabunot kaya nagtawanan na kami. Hinawakan niya naman ang t-shirt ko at akmang itataas.
“Petengen nemen eke neng abs mo” loko niyang pahayag.
“Bakit si Neil ba walang abs”
“Meren nemen keye leng beneleten neye neng fats”
“Nakaka-asar yang pananalita mo pogs di mo bagay”
“Naku pogs, humanda ka na sa Monday. Maraming maghahabol sa yo”
“Humanda sa akin yang Villareal na yan”
“Ui wag, kawawa naman yung bata. Nakita mo na ba yung ginawa niyang animation? Ang ganda, tapos yung ginamit niyang song Lost Boy pa”
“Anong animation?” tanong ko.
 At ipinapanood niya sa akin yung video kung saan para siyang short cartoon movie. Ibinibigay nung isang character yung puso niya pero ayaw itong tanggapin nung isa. Tapos yung ending, nakaupo lang sa bench yung isang character at ibinaba niya yung puso niya sa bench saka niya pinagdikit yung index fingers niya habang umiiyak. Ang galing ng pagkakagawa, animator pala siya. Naguilty tuloy ako, parang ako kasi yung isang character na bumasag sa puso niya. Na ang gusto lang naman niya ay kunin ko lang at alagaan.
“Cute noh?” pahayag ni Kayla. “Kung ako siguro gagawan niya ng ganyan, di ko na siya papakawalan” sambit ulit ni Kayla.
Inismiran ko lang siya, at tinignan kung kelan niya pinost yung video. Yun yung araw kung kelan niya ako inaya for a family dinner pero agad akong umuwi dahil nainis ako.
“Meron din siyang painting na ipinost kanina sa FB isa siyang slice ng cake. Ang weird lang nung batang yun, bakit sa dinami dami ng ipipaint niya ay cake pa. Di ko nga alam kung chocolate cake yun oh ube, oh choco marble” tugon ulit niya.
“Sans Rival yun”
“Pano mo alam di mo nga nakita eh, dinelete kaya niya agad. Eto naman, maka Sans Rival agad”
“Ah basta sans rival yun”
“Ang ganda ng caption niya, alam mo yung All I Ask ni Adele? Yun yun teh, ay naku kung kanino man niya dinededcate yung piece of choco marble cake na yun, ay ang ganda niya lang”
“Sinabi na ngang Sans Rival yun eh”
“Galit ka, tapatin mo nga ako. Bitter ka ba dahil na-block ka ng isang Santi Villareal? Wag bitter teh, ang ampalaya inuulam hindi inuugali”
“Kelan ka pa naging stalker niya aber?” tanong ko.
“Stalker agad, eto naman. Di ba pwedeng idol ko lang yung mga pinopost niya, pati yung feed niya sa IG ang ganda”
Saka niya ako tinitigan ng masama.
“What?” tanong ko.
Bigla nalang niyang kinuha ang kamay ko saka niya tinignan ang wrist ko. Hindi parin nabubura yung pina Henna tattoo kong Semi-colon dun. Bigla naman niya akong sinampal saka siya tumawa at nagtatalon ng malakas.
“Aray, lokaret ka bat mo ko sinampal?” pahayag ko, habang abala siya sa kakatalon sa sofa nilang bago.
“I knew it pogs, kamay mo yun. Di ko lang mai-sure nun dahil may semi colon yung wrist. I knew it ikaw yun. Uuuuiiiii, may LQ sila, uiiiii, LQ”
“Pinagsasabi mo?”
“Yung post ni Santi sa IG, yung dalawang magkahawak kamay sa sand na saktong may mga bubbly thing pa from the waves. Yung may caption na I am so me when I’m with you – best thing I never had. Kamay niyo yung dalawa, ahahahahaha, I’m so happy for the both of you.”
“So slap-worthy na yun?”
Nagsusumigaw ulit siya na parang baliw at saka niya ako kinurot at sinabunutan. Ganun siya pag kinikilig, grabe talaga.
“Kayla, nasasaktan na ako”
“Ba’t kayo LQ? Kwento ka bilis”
“Uwi na ako”
“Oooops, pag di ka nagkwento bugbog sarado ka sa akin” pagbabanta niya kaya naman kwinento ko sa kanya ang nangyari.
Sinampal niya ulit ako pagkatapos.
“Aray, para saan nanaman yan?”
“Para matauhan ka ng bongga. Diyamante na nga ang nangangarap sayo, ipinagtatabuyan mo pa. Palay na nga ang lumalapit sa manok, hay naku Dex. Hanggang ngayon parin ba scavenger ka. Umaasa ka parin na mamahalin ka ng pinapangarap mong tinatapon na ng iba?
“I admit I’m not still over that guy. Pero di ko alam kung mahal ko parin ba siya dahil wala na akong maramdaman. Ayokong magsinungaling kay Santi, kaya yun ang sinabi ko.” Pahayag ko kaya kinutusan ulit ako ni Kayla.
“Aray, nakakarami ka na” angal ko pero hinampas niya ulit ako sa braso ko.
“Magtino ka na kasi, magpacheck up ka nga ng mata kasi baka malabo na yang paningin mo. Mas maliwanag pa sa sikat ng araw kung sino ang nagmamahal sa iyo ng lubos at tapat pero nagbubulag bulagan ka parin.”
“Uwi na ako”
“Ay wag muna, gusto ko rin magrecord ng Trumpets Challenge. Ituro mo sa akin yung step”
“Ayaw”
“Aayain ko si Kuya Aki, payag ka?” parang nagliwanag yung mukha ko kaya naman pumayag ako. Pinuntahan nga ni Kayla at kinulit yung kuya niya. Nakita ko nalang na pababa na sa hagdan ang naka sando at nylon nike short na si Kuya Aki. Tang ina talaga, imagine niyo nalang si R2A Ronnie Alonte na mas pinaangas pa. Yun na yun, parang ganun.
“Hi Dex” bati niya, namula naman ako. Shet bakit.
Tumabi sa akin si Kayla saka siya bumulong. “Hoy hitad, namumula ka”
Inirapan ko nalang siya.
“Ang lakas mamilit nitong bunso namin, pag di daw ako pumayag bugbog daw ako sa kanya. Kaya pumayag na ako sa kabaliwan na to” pahayag ni Kuya Aki, tulala parin ako habang pinagmamasdan kung umaangat angat yung adams apple niya. Kulang nalang ay bumaha yung laway ko.
“Hoy Dex, ano na Mahal na araw na oh ituro mo na yung steps”
“Ah, ok” tinuruan ko nga sila ng steps ng Trumpets Dance since dancer naman si Kuya Aki at si Kayla ay agad naman nilang napick up.
“Oh dali na kuya, tanggalin mo na yang sando mo at magrerecord na tayo” sumunod naman si Kuya Aki at shet nag-init talaga ako nung makita ko yung well toned at pawisan niyang katawan. “Oh pogs, hubad na rin”
“Hala, wala sa usapan yan”
“Ang arte, oh isuot mo nalang tong sando ni Kuya” suhestiyon niya kaya naman sinunod ko nalang. Oh my gosh, that manly scent of Kuya Aki na natira sa sando its driving me crazy. Tumigas tuloy si junjun. Naka-isang rehearse muna kami bago namin nirecord yung routine. Shet it was awesome, ang hot talaga sumayaw ni Kuya Aki.
“Oh ayan ah, pinagbigyan ko na kayo. Oh siya akyat na ako at maliligo” pahayag ni Kuya Aki.
Hinubad ko naman yung sando ni Kuya Aki. “Ah saglit lang kuya, yung sando niyo po” tugon ko.
“Sayo na yan bunso mukhang bagay sayo” saka siya umakyat na sa taas.
Ako naman inamoy ko pa talaga ang sando na yun at saka ngumiti. Nakita iyon ni Kayla at pinandilatan niya ako.
“Pogs, thanks for this opportunity. I could die any moment, yung mahawakan lang ako ng kuya mo habang nakatopless siya at nakashorts lang, naku heaven na girl. Thank you, I will always be forever indebted to you bestfriend”
Tinaasan lang niya ako ng kilay at binatukan.
Nung gabing din iyon ay inupload din ni Kayla yung Video sa Facebook niya at mga close friends niya lang ang makaka-kita, di ko lang alam kung nakarestrict din ang sharing nito. Unang nagcomment yung girlfriend ni Kuya Aki, sabi niya nakakatawa daw si Kuya Aki dinaig pa daw namin na mas bata para daw siyang timang. Dancer din kasi yung girlfriend niya kaya ganun. Although magaling talaga sumayaw si Kuya Aki, kaya lang dahil mas bata kami ni Kayla ay mas nagagawan namin ng bali yung mga steps. Andaming naglike agad andaming nagreact, andaming comments. Tinawag pa nila akong Trumpets King, mahilig sa trumpet at kung ano ano pa. 
Pagpasok ko ng Monday ay talaga namang ako ang laman ng usap usapan, kaya pala ginawa ni Kayla yung video namin na yun with Kuya Aki para mabilis makalimutan ng mga classmates namin yung video namin ni Santi. Effective naman, dahil mas naging interested sila kay Kuya Aki.
“Pwede niya ba akong anakan?” tanong ni Aries na kinahagalpak namin lahat.
Kaya mula nga nang ma-upload yung video na yun ay hindi nalang ako ang nagkaka-crush kay Kuya Aki, marami na kami. Kaya kapag may group work at magkakagroup kami nina Kayla ay sasabihin nila na sa bahay na nina Kayla kami gumawa para daw makita nila si Kuya Aki. Ikinakatuwa ko naman, hindi dahil kay Kuya Aki ah. Dahil nga maasikaso si Tita Amanda at andami niyang pinapakain pag dun kami naggu-group work. One time din silang pumunta sa bahay namin, since walang time si Mama magluto dahil palagi silang out of town or out of the country ni Dad kaya binibigyan niya nalang ako ng extra na pera para magpadeliver nalang ng kung ano mang gusto namin.
“Nagtataka parin kami kung bakit sa public school kayo nag-aaral ni Kayla eh ang yaman yaman niyo naman” sambit ni Aries one time nag group work kami.
“Grabe naman yang ang yaman yaman. Mas naeenjoy namin ang public school, who cares diba? Mas masaya nga sa public eh, konti yung binabayaran mas malaki ang allowance namin. Mas madaming extra, contests, opportunities at iba pa” sagot ni Kayla.
“At saka mas maraming natututunan sa Public School lalo pa at nasa Special Science Class tayo” dagdag ko.
“Ba’t nga pala di kayo nakuha sa Special Program for the Arts?” tanong naman ni Greta.
Nagtawanan muna kami ni Kayla bago siya sumagot. “Hiphop yung audition piece namin, di naman namin alam na folk dance or ballet pala dapat”
Nakitawa narin sila.
Napansin ni Kayla na suot ko nanaman ang sando na bigay ni Kuya Aki sa akin.
“Nilalabhan mo pa ba yang suot mo, nung isang araw lang suot mo yan ah” tugon niya.
“Baka favourite niya lang kasi” sabat naman ni Aries.
“Yeah right, bigay kasi yan ni Kuya” tugon ni Kayla, at tinitigan nila akong lahat saka ako sinubukang hubaran nina Greta at Aries.
“Amin na yan maygawd nai-stress ako” sambit ni Aries.
“Traydor ka Dex, hubarin mo yan” pahayag ni Greta.
Tinakbuhan ko nalang sila at nagkulong sa kwarto ko, para di naman nila mapunit yung sando’ng bigay ni Kuya Aki. Ilang beses ko na siyang pinagjakulan at iniimagine na ka-sex ko siya. Sana may one time na magpaubaya talaga si Kuya Aki, pangarap ko yun.
Habang nagchecheck ako ng phone ay bigla namang may nagdoor bell ng sunod sunod. Medyo kinabahan ako dahil iisang tao lang ang gumagawa nun sa door bell namin. Maya maya pa ay nakarinig ako ng malakas na tili.
“AAaaaaaaaaaah, shet Lord, kunin mo na ako. Kung anghel man tong nasa harapan ko ngayon, Lord kunin mo na ako” malakas na litanya ng maharot na si Aries.
“Lord ako rin, isama mo narin” dagdag ni Greta.
Kaya naman bumaba na ako para makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila.
“What’s happening here?” tanong ko, itinuro lang ako ni Kayla sa pinto. Nakapamewang siya noon at abot tenga ang ngiti na ala Maleficent. Tinungo ko ang pinto at nakita ko doon ang naka Sando at Short na si Santi na may hawak hawak na Samoyed Puppy.
“Hey” bati niya saka siya nag-smile.
“Aaaaaaaah, kill me now” drama nung dalawang lokaret na ka group namin.
Isinara ko naman yung pinto, kaya nagulat silang tatlo at sabay sabay nagsabing “Ba’t mo sinara, tanga ka ba?” nagkibit balikat nalang ako at umupo na sa sofa. Tuloy tuloy nanamang nagdoor bell si Santi.
“Anak may nagdo-door bell pagbuksan mo nga” sigaw ng Mama ko na nasa kusina noon at kasalukuyang nagluluto dahil naka vacation siya.
“Dex, narinig mo ba ang Mama mo?” tanong naman ni Dad na pababa na ng hagdanan noon.
Bigla namang lumapit si Aries sa akin at binulungan ako. “Dex, papable din pala ang Dad mo shet” siniko ko lang siya.
Yung mga ate ko na nag-aaral sa Manila ay umuwi din kaya naman kumpleto kami ngayon. Bihira tong mangyari kaya naman it’s an important day.
“Dex, ano ba sinabi na ngang may nagdodoor bell di pa pagbuksan” tugon ni Ate Dreza.
“Dex” dagdag ulit ni Ate Dana.
“Wag nalang natin pansinin, baka yung mga bata lang yan sa kalapit na bahay, first time sigurong makakita ng doorbell.” sagot ko kaya naman pinandilatan nila ako.
Napabuntong hininga nalang ako.
“Kung ayaw mong buksan ako magbubukas” sabi ni Daddy saka niya tinungo yung pintuan. Bumulong ulit si Aries sa akin.
“Ateng yung kampana ng Daddy mo ah, iba kalembang. Eng swerte nemen neng meme me” natawa ako, type niya si Daddy kaya naman siniko ko ulit. Pagbukas ni Daddy ng pinto ay nabigla si Santi at parang nahiya.
“Good evening po Tito” saka siya nagkamot ng ulo. Nakakunot naman ng noo ni Daddy na parang nagtataka.
“Sinong kailangan mo iho, classmate ka ba nila?”
“Tito Drake, boyfriend po yan ni Dex” matapang na pahayag ni Kayla na siyang kinagulantang namin ni Santi. Tatawa tawa ang gaga sa reaksiyon namin kaya naman tinitigan ko siya ng masama. Nag pakyu sign lang ang gaga.
Binalingan ni Dad si Santi na ngayon ay parang natatakot na. “Totoo ba yun?” tanong ni Dad.
“Hindi po, nagjojoke lang po si Kayla Tito. Magkaibigan lang po kami ni Dex”
“Ganun naman pala eh, oh pasok ka. Para kanino yang asong yan, kay Dex ba?”
Tumango nalang si Santi pumasok siya sa bahay at umupo sa sofa karga karga ang Samoyed Puppy. Pansin ko parin na parang nanginginig siya at kinakabahan, yung para bang natatae na di mo ma-explain. Inabot na nga niya sa akin yung puppy.
“Para sayo, peace offering ko” medyo takot yung tone ng pagkakasabi niya.
Inabot ko naman kasi sobrang cute nung aso at matagal ko nang pangarap magkaroon ng ganun. Mahal kaya yun at yun pa talaga ang naisipan niyang peace offering.
“Ah Tita, Tito, mauna na po ako” pagpapa-alam ni Santi.
“Ang bilis naman, dito ka na maghapunan. Sayang kung di mo matitikman ang luto ko” offer ni Mama, tama siya masarap magluto si Mama. Lalo na ng pakbet, kare kare at lechong kawali. Ilokano kasi si Mama kaya mahilig magluto parehas sila ni Tita Amanda.
Nagkamot ng ulo si Santi “Nakakahiya po eh”
“Naku wag kang mahiya iho, feel at home” sagot uli ni Mama kaya naman napaupo ulit si Santi at di mapakali.
“Dad tinakot mo ata kasi” sambit ni Mama ng mapansin niyang di mapakali si Santi.
“Iho, ok lang naman sa akin kung boyfriend ka nitong dalaga ko eh”
“Dad!” saway ko na siyang kinatawa ng tatlong demonyita, si Kayla kung makatawa wagas talaga parang wala nang bukas.
“Di ba totoo? Wag mo lang sasaktan tong dalaga namin, kundi mata mo lang ang walang latay sa akin” pahayag ulit ni Dad.
Pinandilatan ko nalang si Dad, pero tinawanan niya nalang ako. Mahilig niya kasi akong inisin.
“Basta wag niyo muna akong bibigyan ng apo ah, masyado pa akong bata para maging lolo” patawang sagot ni Dad, na siyang kinahagalpak naman ng tatlong demonyo, kasama na ang mga Ate ko at si Mom.
“Ewan ko sa inyo” sigaw ko na siya namang tumahol din yung aso.
“Ano nga ulit pangalan mo boi?” tanong ni Dad.
“Santi po, Ibahn Santi Villareal”
“Villareal, anak ka ng pulitiko?” tanong ulit ni Dad, tumango lang si Santi.
“Galing naman pumili ni Dex, dinaig pa tong sina Dreza at Dana oh. Gayahin niyo tong bunsong dalaga natin”
Tinawanan ulit ako ng mga kapatid ko, kaya naman nainis na ako at padabog na umakyat sa kwarto ko.
Narinig ko nalang na inutusan ni Dad si Santi bago ko pa man maisara ng padabog yung pinto.
“Puntahan mo yun dun sa kwarto niya iho, iba pag magtampo yan. Alam mo namang pinanganak yan ng February kaya medyo may sayad yan sa utak” utos ni Dad na siya namang ginawa ni Santi. Alam na ni Santi kung saan ang kwarto ko kaya naman ilang minuto palang ay nakarinig na ako ng katok.
“Dex, can we talk?”
“Go away!”
“Kakanta nanaman ba ako?”
“No, please go”
Maya maya pa ay bigla nalang bumukas ang pinto at nakita ko dun si Ate Dana. Tinawanan niya lang ako.
“Aarte bunso, dalian niyo nang mag-usap kakain na tayo” saka siya umalis at pumasok naman si Santi sa loob.
Nagtitigan lang kami ni Santi, walang umimik hinawakan niya lang ang kamay ko. Matapos nun ay tinawag na kami ni Dad dahil kakain na daw. Bumaba nalang kami at nagtungo sa dining table. Mukhang may fiesta sa bahay namin andaming ulam. Mukhang masaya ang lahat kami lang ni Santi ang hindi dahil habang kumakain ay panakaw na tinititigan namin ang isat isa. Ang awkward ng feeling, napansin siguro ito ng parents ko kaya di na nila ako kinulit.
“Ba’t di ka nalang dito matulog iho, total malawak naman yung kwarto ni Dex” suhestiyon ni Dad, kasalukuyang umiinom ako noon kaya naman nasamid ako at muntik ko nang maibuga kay Santi yung laman ng bibig ko.
“Naku Tito sobra na pong abala yun, salamat nalang po. May susundo po sa akin kaya ok lang po na umuwi ako”
“Ganun ba, tsk sayang naman pala. Di mo maririnig na binabanggit ni Dex yung pangalan mo sa pagtulog niya.”
“Dad” saway ko at binigyan ko siya ng matalim na tingin.
“Nagsasabi ako ng totoo anak, binanggit mo yung pangalan na Santi nung binisita kita sa kwarto mo pagkarating namin. Parang ang ganda ng panaginip mo nga eh, di ko naman kasi alam na ganito pala ka gandang lalake tong Santi na ito” saka siya humagalpak ng tawa, mapangasar talaga si Dad kaya naman nasanay na ako nun sa pang aasar ni Ryan.
Wala na talaga akong lusot sa pamilya ko, pinagkanulo na ako ng bestfriend ko, sabihin ba naman sa tatay ko na boyfriend ko tong gwapong lalakeng to.
“Kung ok lang po kay Dex na makitulog ako dito, bakit hindi” pahayag ni Santi saka siya tumigin sa akin.
“No!” sagot ko.
“Oo naman ok na ok sa kanya” sagot naman ni Dad, “Diba anak?” saka niya ako tinawanan.
“Ay Tito, sa bahay nalang kami matulog nina Aries at Grets, total tapos na naman po namin yung project” pahayag ni Kayla.
“Ang lawak ng guest room iha, ba’t pa kayo aalis?”
“Trust me Tito” saka siya kumindat sa Dad ko, nag thumbs up naman tong walang hiya kong tatay.
Natulog nga doon si Santi at ang awkward talaga, walang gustong magsalita. Ang tahimik, yung tunog ng aircon lang ang naririnig.
Hanggang sa binasag na nga niya ang katahimikan.
“Pwede bang humiram ng pamalit na damit sayo? Maliligo sana ako eh”
Tumayo nalang ako at kumuha ng mga damit sa closet ko, binigyan ko narin siya ng brief na di ko pa nagagamit at ng towel na rin. Agad naman siyang naghubad sa harapan ko.
“What are you doing?” tanong ko, naka-brief nalang siya noon white pa iyon at medyo manipis, kitang kita ko ang matambok niyang puwet. Haharap pa sana siya noon pero pinigilan ko baka kung ano pa ang makita ko at di ako makapag pigil. “Stop, wag kang humarap dumiretso ka nalang sa banyo”
Nagkamot ulit siya ng ulo niya. “Sorry”
Ilang minuto matapos siyang pumasok ng banyo ay biglang may kumatok sa room ko. Pinagbuksan ko ito at nakita ko si Dad na hawak hawak yung puppy na bigay ni Santi.
“Yung baby niyo, naiwan niyo. Ang mahal pa naman niyan, kailangan ma-airconan yan. Diyan mo muna patulugin, kuha ka nalang ng basket dun at ilagay mo siya dun sa may landscape area kung saan may sand.”
“Daddy ah, nakakarami ka na sa akin. Alam mo namang madali akong mapikon pagdating sayo, nananadiya ka pa”
“Anak, na-miss ka lang ng Daddy”
“Dad kaibigan ko lang tong si Santi ah, baka maniwala kayong boyfriend ko siya”
“Walang kaso sa akin kung jowa mo siya o kaibigan lang, basta alam kong masaya ka at mabuti kang anak. Basta promise me, do good in school”
“Always dad” saka ako nag goodnight kiss sa kanya.
Pagkasara ko ng pinto ay nakita kong kalalabas lang ni Santi sa banyo. Nakatapis lang siya ng twalya at tumutulo pa talaga ang tubig sa katawan niya. Tinitigan ko nalang siya mula ulo hanggang paa at di ko mapigilang tigasan. Grabe oh, isang gwapong lalake nakahubad na sa harapan ko. Paano pa kaya kung tanggalin na niya ang natitirang saplot niya sa katawan edi nalintikan na.
“Hoy Dex, tinatanong ko kung maliligo ka rin ba?” bulyaw ni Santi. “Uyy, nandito na pala si Mandi”
“Mandi?” tanong ko.
“Yun yung pangalan niya, Armand-Santi, Mandi. Ayos ba?” sabay kindat niya sa akin.
“Whatever” kaya kinuha ko na nga yung towel ko at tumungo sa banyo. Pagkasabit ko ng towel ay napansin kong naiwan ni Santi yung white Calvin Klein niya na brief. Nag-init ako sa nakita ko lalo pa at parang may tuyong something doon. Di ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at kinuha ko ito at inamoy amoy. Shet ang sarap ng inhaler ko, nakaka-addict yung amoy ng brief niya. Paano pa kaya kung mismong burat na niya ang inaamoy ko. Tinitigasan na ako noon pero bigla nalang akong natauhan. Hindi pa ako nagtatanggal ng damit kaya naisipan ko pang lumabas ng banyo.
“Hey, can you please get your mess in here before I take a shower” pahayag ko. Dali dali namang tumayo si Santi at pumasok sa banyo upang kunin nga yung brief niya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Thanks” saka ko sinara yung pinto at naligo na. Matagal talaga akong maligo lalo na pag walang pasok inaabot ako ng halos isang oras dahil gustong gusto ko magbabad sa bath tub”
“Ba’t antagal mo?” tanong ni Santi.
“Paki mo ba eh bahay ko naman to”
Pinapanood lang ako ni Santi sa ginagawa kong night rituals sa katawan ko. “Ano ba naaasiwa ako” saway ko sa kanya.
“I’m sorry na-miss lang kasi kita”
“Ba’t ka bumalik, diba inunfriend mo na ako, di ka narin nagtetext o tumatawag tapos bumabalik ka ngayon. Anong pakulo to Mr. Villareal?”
“Akala ko kaya kong iwasan ka, di pala. Nagselos ako nung makita ko yung video niyo nina Kayla, kasama yung gwapo at machong lalakeng yun. Bago ka pa man maagaw ng iba ay bumalik na ako mahirap na”
Tumawa lang ako ng malakas.
“Ba’t ka tumatawa?”
“Siraulo, kapatid ni Kayla yun. Pati ba naman si Kuya Aki pagseselosan mo?”
“Ah basta”
“Tulog ka na baby boi, tulog na tayo”
“Namiss ko yan?”
“Ang matulog?”
“Yang baby boi” saka siya lumapit sa akin at siniil ako ng halik sa labi. Hindi ako lumaban, nakaclose lang yung mga labi ko. Kaya naman huminto siya.
“Please Dex” pagmamaka-awa niya
Umiling lang ako. “Tulog na tayo” saka ako humiga at tumalikod sa kanya. Di ako sanay na may katabi kaya naman ang hirap kong kunin yung tulog ko. Madaling araw na nung dalawin ako ng antok.
Nagising nalang ako kinabukasan na magkayakap na kami, napangiti nalang ako dahil ang saya lang gumising sa umaga na makita mo ang mala anghel sa lalake sa tabi mo at nakayakap pa sayo. Ramdam ko din na may matigas na bagay na bumubundol sa may hita ko kaya di ko napigilang kapain ito. Napansin ko namang parang gumalaw siya at nung tignan ko yung mukha niya ay nakangiti siya. Kaya naman bumangon na ako at nag-ayos ng sarili.
“Oh ba’t ka bumangon na? Ba’t di mo ituloy?” pahayag ni Santi.
“Ulol” tugon ko.
Nakita kong patakbo takbo na si Mandi sa room at gusto nang lumabas. Di na kasi mapakali yung buntot niya at panay na ang pag aligid niya sa akin.
“Morning Mandi” sambit ko, saka ko siya binuhat at hinalikan. Dinilaan niya lang ang mukha ko.
“Sana pala naging aso nalang ako para kahit papano at may maggu-goodmorning sa akin, may bubuhat at hahalik. At pwede ko pang dilaan in return” pagtatampong tugon ni Santi kaya naman inirapan ko nalang siya.
“Lord, gawin mo nalang po akong aso please. Para kahit papaano pansinin niya ako at halikan” pahayag niya.
“Askal”
“Grabe ka naman”
“Bumangon ka na diyan at nang maka-alis ka na”
“Pinapaalis mo na ako wala pa ngang nangyayari”
“Ano ba dapat mangyari?”
Tumayo nga siya at itinuro yung morning wood niya. Napanganga nalang ako dahil parang tent na yung shorts niya. “Pervert”
Nagpacute ang mokong saka niya ako nilapitan at binack hug, kaya naman tutok sa likod ko ang sandata niya.
“Wag mo akong holdapin hayop ka”
Hinigpitan niya lang ang pagkakayakap niya saka ako hinalikan sa batok.
“Wala ba talaga akong pag-asa, mukhang pasado naman ako sa pamilya mo ah, lalo na kay Daddy Drake”
“Daddy Drake? Lakas din ng loob mo ah”
Bumitaw siya sa pagkakayakap niya at umupo sa kama at parang sineseduce niya ako. Mata niya palang ay nalilibugan na ako, ang lakas niya lang sa mga ganun.
“Di ako nadadala diyan, kaya mag-ayos ka na at nang makauwi ka na”
“Naman eh” pagmamaktol niya, saka siya humiga ulit ng nakadapa sa kama.
“Hoy bumangon ka diya, umuwi ka na hinahanap ka na ng Daddy mo”
“Nasa Singapore si Dad”
“Hinahanap ka ng Mommy mo”
“Nasa Singapore nga sila”
“Basta, hinahanap ka na ng bahay niyo”
“Dito lang ako”
Hinatak ko siya para bumangon na “Santi, bangon ka na diyan at umuwi ka na” di umubra. Bigla naman niya akong hinatak at napahiga ako at agad siyang pumaibabaw sa akin. Tinitigan niya lang ako sa mata, saka siya tumawa ng malakas at tumayo.
“Akala mo gagahasain kita no?”
“Ulol”
Sabay na nga kaming bumaba at nag-breakfast.
“Anak, pumunta dito kaninang mga alas sais y media yung lola ni Ryan. Baka daw pwede mong dalawin yung apo nila sa ospital, gising na daw at mukhang pangalan mo lang daw ang naalala. Di daw makakilala anak” tugon ni Dad habang nagbebreakfast kami.
“Hah?” sagot ko.
“Nakiusap yung matanda na baka daw pwedeng dalawin mo yung apo nila” pag uulit ni Dad.
“Narinig ko Dad di mo na kailangang ulitin. Ang akin lang, ba’t ako?”
“Pangalan mo nga lang daw ang naalala, Fur daw ng Fur. Ikaw pala si Fur? Di daw makakilala, kawawang bata” tugon ulit ni Dad.
Tinignan ko lang si Santi at nakita ko ngang parang nalungkot siya. Gising na kasi ang karibal niya.
“Ok Dad, dadalawin ko siya one of these days”
“Anong one of these days. Ngayon na total wala namang pasok”
Tumango nalang ako.
Matapos magbreakfast ay siya namang dating ng sundo ni Santi, hinatid ko siya sa labas.
“Dex, gising na si Ryan. Paano ba yan, talo nanaman ako”
“Anong pinagsasabi mo?”
“Siya parin diba? Siya at siya lang?” nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, at base sa tono ng pananalita niya ay nasasaktan nanaman siya.
“Santi” mahina kong tugon.
“Oks lang, alam ko naman na kung anong papel ko sa buhay mo eh. Friendzoned ako. Oh sige na Dex, mauna na ako” tumalikod na nga siya at nagsimula nang lumakad papunta sa sasakyan niya.
“Sans Rival, may nakalimutan ka” sigaw ko, lumingon lang siya and he gave me a quizzical look. Nilapitan ko siya saka ko binigyan ng smack sa labi na kinagulat niya.
“Ba’t mo ginawa yun pano kung makita tayo ng driver ko?”
“Ayaw mo ba? Nahihiya ka ba?”
“Hindi naman, nabigla lang ako”
“Yun naman pala eh”
“Pwede isa pa, yung hindi lang smack, torrid naman”
Kinutusan ko lang siya. “Mukamo”
“So ano to?” tanong niya.
Nagkibit balikat lang ako. “You’ll win if you know how to wait.” ngumiti lang siya, saka niya pinagdikit nanaman ang index fingers niya.
“Napanood ko yung animation mo, tayo ba yun?”
Hindi siya sumagot, bagkus at nginitian niya lang ako saka niya isinara ang pintuan ng sasakyan nila.
Mga ilang minuto pa ay nagtext siya. “I love you Baby Boi”
Nagreply naman ako, “Utot mo Sans Rival, maligo ka. Saka pakibalik yang mga pinahiram kong damit”
Nireplyan niya lang ako ng madaming emojis na inlove. Ay ewan, ang saya lang mainlove.
Nang araw na yun ay nagpasama ako kay Kayla para bisitahin si Ryan sa ospital. Anlaki nang ipinayat ni Ryan, nabawasan na yung pogi points niya. Andami niyang gasgas sa mukha, at nakabenda ang ulo niya. Naawa ako sa nakita kong itsura ni Ryan. Yun nalang ang nararamdaman ko sa kanya ngayon, awa at wala nang iba.
“Sino ka?” Sino kayo?” tanong niya.
“Apo, mga kaklase mo sila” sagot ng Lola niya.
“Di ko matandaan, pasensya na”
“If I have a gun and I gave it to you what will you do? You’ll shoot me or I’ll shoot you?” tanong ko kaya naman binigyan ako ni Kayla ng isang nagtatakang tingin.
“Ha? Wala akong maintindihan sa sinasabi mo” sagot ni Ryan. Patay, di nga siya maka-alala, kung naaalala lang sana niya ang isasagot niya ay.
Bigla ulit siyang nagsalita “I’ll love you”, kaya naman nilingon ko siya dahil yun yung sagot sa tanong ko. May naalala siya kahit konti.
“Nasaan si Fur?” tanong niya.
“Andito ako” sagot ko.
“Ikaw si Fur?”
Tumango lang ako.
“Hindi ko maalala, sino kayo?”
“Ako si Kayla, ito si Dex Armand aka Fur, at ikaw si Mc Ryan Vijandre” paliwanag ni Kayla.
“Nasaan si Fur?” paguulit niya. Nagkatinginan nalang kami ni Kayla, mukha talagang malaki ang naging epekto ng aksidente kay Ryan.
“Ganyan siya palagi, inuulit niya yung mga sinasabi niya. Naaawa na nga kami diyan sa batang yan eh” paliwanag ng Lola niya na noon ay nagsimula nang lumuha.
“Ah Lola, labas muna tayo ah” suhestiyon ni Kayla, saka nila kami iniwan ni Ryan doon sa room.
“Nasaan si Fur?” tanong ulit niya.
“Ako si Fur, Ryan, andito na ako”
“Sino si Fur?”
“Ako”
“Ikaw?”
“Bakit di ko maalala?”
“Mabilis ka kasing makalimot”
“Bakit kailangan ko siyang kalimutan?”
“Dahil he is unworthy of remembering”
“Anong pangalan mo?”
“Dex Armand Quijano”
“Sino si Fur?”
Shet naka-unli ang Lolo niyo, paulit ulit siya. Kung di ko lang to minahal di ko tiyatiyagain na kausapin to.
“Ako si Dex Armand Quijano, ako si Fur. Ikaw ang nagpangalan sa akin nun, Fur short for Lucifer. Pero ginawa mong Fur para mas sweet. Mc Ryan Vijandre ang pangalan mo at nasa Senior High ka na. Ang pangalan ng Mama mo ay Alicia at ang Daddy mo ay Mark Anthony. Ang Lolo mo ay si Anastacio at ang Lola mo ay si Cecilia. Naka-tira kayo sa….
“Dex I’m sorry” pagpuputol niya, my jaw just dropped.
“Bakit ka nagsosorry, do you remember anything?”
“Di ko alam, basta may part sa utak ko na nagsabing sabihan kita ng sorry. Siguro special ka”
“No I’m not”
“Sorry ah, wala talaga akong maalala”
“Babalik din yang memories mo”
“Pwede ba kitang yakapin?” tanong niya.
Pinagbigyan ko siya at niyakap ko nga siya ng mahigpit. Nang bigla siyang magsalita ulit.
“Marunong pala akong sumayaw?”
“Pano mo nasabi yan?”
“May biglang nagpop out” saka niya ako tinitigan.
“Ikaw yun, ikaw yun”
“Ang alin?”
“Ikaw yun, alam ko ikaw yun”
“Ang alin nga”
“Di ko alam, basta alam ko ikaw yun”
Takte talaga ang weird na niya, natatakot tuloy ako.
“Ano na nga ulit pangalan mo tol?”
Napanganga nalang ako, grabe talaga ang nangyari sa kanya. Daig pa niya si Dory.
“Dex Armand ang pangalan ko”
“Dex”
“Sino si Rachel?”
“Naaalala mo siya?”
“Pangalan lang”
Kinuha ko ang phone ko at ipinakita sa kanya yung picture ni Rachel.
“Maganda siya ah, nasaan siya at sino siya sa buhay ko?”
“Nasa London na siya at Ex girlfriend mo siya”
“Yan ex ko? Ang gwapo ko naman”
Ngumiti nalang ako.
“Eh sino ka sa buhay ko?”
Ang hirap ng tanong ah, mahirap talaga yang sagutin.
“Classmate mo lang ako, kaibigan, yun lang”
“Eh bat kita naaalala kung classmate lang kita, siguro may special role ka sa buhay ko”
“Taga gawa mo ako ng assignment at research paper”
“Ginawa ko yun sayo? Ang sama ko naman, sorry”
“Ok lang”
“Dex”
“Ano?”
“Ba’t parang bumibilis yung tibok ng puso ko di ko maintindihan”
“Epekto lang siguro ng gamot mo kaya ganyan. Magpahinga ka na ulit.”
“Dadalaw ka ba ulit bukas?”
“Titignan ko, may pasok na kasi eh”
“Salamat Dex”
Baka bukas di niya nanaman ako kilala at magtatanong nanaman siya kung anong pangalan ko. Humiga nga siya ulit at saka nakatulog. 
Umuwi na nga kami ni Kayla at sa daan pauwi ay napagusapan namin ang case ni Ryan.
“Nakausap ko yung Doktor ni Ryan, maswerte na raw siyang maituturing sa lagay na yun. Yung ibang pasyente daw kasi ay in a Coma for months o di na talaga nagigising. He’s suffering from amnesia at kinakailangan niya daw ng mga taong magpapabalik sa memories niya”
“Nakakatakot pogs, naaawa ako sa kanya”
“Ako din naaawa ako sa sitwasyon niya. Naaawa ako sa Lolo at Lola niya pati na sa Mommy niya na nasa abroad dahil di nila alam kung saan kukunin ang gagastusin para sa pagpapagamot nang anak niya. Naawa ako dun sa matanda kanina, di pa pala kumakain mula pa kagabi. Tubig lang daw”
“I’ll talk to my Dad about this, baka naman may maitulong kami kahit papaano”
“Sasabihan ko rin si Mama” sagot naman ni Kayla.
“Maybe you could ask Santi”
“For what?” tanong ko.
“For help, you know. Sila yung pinakamayaman sa lugar natin at maimpluwensiya at maraming koneksyon, who knows diba matulungan nila si Ryan”
“Sabagay, I’ll try”
Kinabukasan nga ay diniscuss namin ang case ni Ryan sa loob ng klase. Kailangan namin siyang tulungan makaalala o kung hindi man ay financially nalang. Napagkasunduan na araw araw pagkatapos ng klase ay may pupuntang kaklase niya sa ospital para mas mapadali ang pag-alala niya. Everytime na may pumunta ay magiiwan sila ng mga prutas at iba pang pagkain kaya laking pasalamat naman ng Lolo at Lola ni Ryan. Napagkasunduan narin nina Dad at Tito Ariel (tatay ni Kayla) na sila na ang sasagot sa ibang gastusin sa ospital. Di ko pa nakakausap si Santi dahil nasa Manila pa siya, ayaw ko naman sabihin sa kanya thru text.
Kahit papano ay may development naman sa case ni Ryan. Hindi na niya nakakalimutan ang pangalan ni Lola Cecilia at ni Lolo Anastacio. Kabisado niya narin ang pangalan ng mga classmates namin, at simula ng dumalaw ako ay tumatak na yung pangalan ko sa kanya. Sumisigla siya pag binibisita siya.
“Nalulungkot ako pag di kita nakikita” pahayag niya. “Pwede bang araw araw ka nalang dumalaw sa akin?”
It can’t be, It will never be the same again.
“Sorry ah, pero marami kasing ginagawa sa school eh. Pero susubukan ko parin para naman mapabilis na yung pagbalik ng ala-ala mo.
“Ba’t parang wala atang dumalaw sa akin na ang pangalan ay Dama at Marvin?” tanong niya.
“Naalala mo na sila?”
“Pangalan lang, pero sa itsura hindi”
Binuksan ko ang phone ko at ipinakita ang FB nina Dama at Marvin.
“Ang pangit naman nila, sino sila sa buhay ko?”
Natawa ako sa sinabi niya, makapangit naman to. May itsura rin kaya yung mga tropa niya.
“Mga tropa mo yang mga yan”
“Sila tropa ko? Anong nangyari, akala ko ba tayo ang mag tropa?”
“Basta”
“Anong basta, ano ba talaga tayo Dex?”
“Classmate mo ako, kaibigan. Yun lang naman”
“Yun lang ba talaga? Eh bat iba yung nararamdaman ng puso ko?”
“Epekto lang yan ng gamot mo”
“Pati rin ba ito?” sabay turo niya sa namumukol na niyang pundilyo. Aba ang loko tinitigasan.
“Epekto lang yan ng aircon”
“Nung hinaplos mo ako, gumanito na ito”
“Malamig kasi yung aircon”
“Classmate ba talaga kita? Baka kasi magjowa tayo, aminin mo na nararamdaman ko eh” pahayag niya.
“Naku Ryan hindi credible yang nararamdaman mo masyado lang talagang malakas yung mga gamot mo kaya ka nagkakaganyan. Normal lang yan kid, masasanay ka rin. Hindi mo ako jowa, lalake ka no. Classmate mo lang ako”
“Hindi nakakalimot ang puso sabi ni Lola. Matatandaan din kita”
“Matulog ka na at nang maka-alis na ako. May mga assignment pa akong tatapusin”
Matapos nga siyang kumain at uminom ng gamot ay nahiga na siya at natulog.
Lagi namin siyang binibisita ni Kayla dahil narin sa nangako kami sa Lolo at Lola niya na tutulungan naming makaalala si Ryan. Hindi man kami araw araw pumunta pero kahit papano ay may bumibisita sa kanya.
On a Friday night dinalaw ko ulit siya.
“Nagpunta sina Dama at Marvin dito kanina naka-wheel chair sila. Naaksidente din pala sila tulad ko. Squad goals ba namin yun?”
“Naka sakay po kayo sa iisang motor at ikaw po ang nagdrive. Kaya nung naaksidete yung sinasakyan niyo, damay kayong lahat – squad goals nga”
“Eh bat sila nakaka-alala?”
“Dun lang sa aspect na yun sila nang iwan”
“Tinanong ko sila kung sino ka sa buhay ko, sabi nila ex daw kita. Kaya pala, iba yung nararamdaman ko. Sabi ko sayo eh di nakakalimot ang puso”
Nagulat ako sa sinabi niya.
“Inumin mo na tong gamot mo at nang maka-alis na ako”
“Pero sabi nila pinaglaruan daw kita at sinaktan ng lubos. Sabi nila I took you for granted. Sorry Dex, di ko sinasadya. Maiintindihan ko na kung isang araw ay di mo na ako dalawin”
Nakita ko siya lumuluha na.
“Wag kang umiyak makakasama yan sayo”
“Sorry I’m so stupid hurting you that much”
“Tapos na yun Ryan, wag mo nang alalahanin yun magpagaling ka nalang. Uminom ka na ng gamot at magpahinga ka na at nang makauwi na ako”
“Can you stay?”
Umiling lang ako, ininom na nga niya ang gamot niya saka siya humiga at humiga ulit. Nasa may pintuan na ako ng magsalita siya.
“Goodnight Fur”
I just smiled at him.
Kinabukasan ay sinundo ako ni Santi sa bahay, nag-aya siyang manuod ng Independence Day.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko yung suot niya kaya tinawanan ko siya.
Naka-red lang naman siyang angry birds na t-shirt saka black na tattered shorts.
“Anong nakakatawa?” tanong niya.
“Angry birds talaga?”
“Eh talaga namang angry tong bird ko sayo, kailangan ko lang iemphasize this time”
Tinawanan ko lang siya ng malakas.
“Di ba talaga bagay baby boi?” tanong niya.
“Mukha kang puppet” sabay tawa ko ulit.
“Ah basta, cute kaya pasalubong ni Mommy to”
“Yun naman pala eh”
“Dalawin pala natin si Ryan mamaya” suggestion niya.
“Seryoso ka?”
Tumango lang siya. Pagkatapos nga ng panonood namin ng sine ay dumiretso na kami sa ospital.
“Dex sino siya, classmate din ba natin?” tanong ni Ryan.
“Ah ako si Ibahn Santi Villareal”
“Sino siya?” tanong ulit ni Ryan.
“Boyfriend ko” sagot ko, na siyang kinagulat ni Santi.
“Ah ganun ba?” malungkot na pahayag ni Ryan.
“Joke lang, kaibigan ko lang tong batang to. Kasamahan natin siya noon sa Dance Company, anak to ng pulitiko pumunta siya dito para tulungan tayo”
“Ah oo, I’ll discuss this to my Dad baka sakaling matulungan ka niya tol”
“Salamat tol” tugon ni Ryan saka siya matagal na tumitig sa akin. At tutok na tutok talaga siya sa suot kong damit.
“May problema ba sa suot ko Ryan?” tanong ko.
“Parang pamilyar yan”
“Regalo mo to sa akin” sagot ko, sumama naman ang tingin sa akin ni Santi.
“Hindi, parang pamilyar yung naka sulat”
“Yung Furry Vengeance?”
“Alam ko na, yan yung hint sa password ko. Yes, salamat Fur mabubuksan ko na social media accounts ko”
“Congrats” sarkastikong tugon ni Santi kaya naman binigyan ko siya ng masamang tingin.
Iniwan nga muna namin si Ryan dun at lumabas kami ni Santi saka nagtungo sa malapit na coffee shop sa labas ng ospital.
“Furry Vengeance” pagbabasag ni Santi sa katahimikan. Tinignan ko lang siya habang iniinom ko yung drink ko.
“Ang swerte niya no, sana pala ako nalang nandoon”
“Santi” saway ko.
“Totoo naman ah, ba’t ganun Dex?”
“Ang alin ba?”
“Ba’t palagi akong nasasaktan eh ang ginagawa ko lang naman ay mahalin ka. Na hintayin ko yung time na mahalin mo rin ako”
Binigyan ko lang siya ng masamang tingin.
“Pero naawa ako dun kay Vijandre, kaya sasabihin ko kay Dad kung pwede ay tulungan siya”
“Salamat”
“Paano kung nasa parehas akong sitwasyon, at nawalan din ako ng alaala, will you also do the same for me?” tanong niya.
“Of course”
Nakita ko naman na nagliwanag ang mukha niya.
“Kanina ang pakilala mo sa akin kay Ryan boyfriend, ba’t mo pa binawi?”
“Kasi hindi yun makakatulong sa recovery niya kung mayroon siyang mararamdamang pagkadismaya ulit. Kasi naaalala na niya na naging kami at sinaktan niya ako at pinaglaruan ang feelings ko. Nakakaramdam na siya ng guilt kaya wag na nating dagdagan pa.”
“So boyfriend mo na talaga ako?”
“The best thing comes to those who wait” maikli kong pahayag.
Tinitigan niya lang ako at nagpacute. Kinindatan ko lang siya saka ako tumawa.
“Don’t do that to me, I might kiss you any minute now”
Kinindatan ko siya ulit saka naglipbite, ginaya ko din yung ginagawa niyang pinaglalapit yung index finger niya.
“Stop Dex, you’re seducing me”
“Di kaya”
Lumapit na siya at akmang hahalik na pero bigla akong tumayo.
“Let’s go”
“Bad trip” maktol ng mokong.
Makaraan ang tatlong araw ay nadischarge na si Ryan sa ospital. Kailangan na lang mag-undergo ng theraphy at kailangan niya ng checkup thrice a month. Sinagot narin ng Daddy ni Santi ang mga bills nila Ryan sa ospital at iba pang bayarin kaya naman laking pasalamat ng Lola niya sa mga tumulong sa kanya. Tinawagan ko si Santi ng malaman ko yun.
“Sans, nasan ka?”
“Sa school, katatapos lang ng klase ko. Bakit?”
“Sans, Salamat sa tulong mo kay Ryan. Pakisabi nalang sa Daddy mo maraming salamat”
“Walang anuman”
“I love you Sans Rival” saka ako tumawa.
“Wait ano yun? Di ko narinig choppy ka, pakiulit nga baby boi”
“Bye bye”
“Dex naman eh, pakiulit nga”
“Muaaaaah” sabi ko nalang saka ko binaba yung phone agad naman siyang nagtext.
“I love you too baby boi, di mo alam kung gaano mo ako napasaya today. Mukhang mapeperfect ko yung exam ko ngayon. Muuuuah”
Nagreply nalang ako ng “Goodluck” saka maraming emojis na ewan.
Kinagabihan ay tumawag si Santi at ibinalitang naperfect niya ang dalawa niyang exam.
“Galing ah”
“Sana araw araw ay mag I love you ka para naman ma-inspire ako palagi”
“Last na yun noh”
“Dex naman eh, sana Saturday na”
“At bakit?”
“Para makita na kita miss na miss na kita. Gusto kitang yakapin at halikan”
“Talk to your paws”
“I don’t have paws, kumusta ang baby natin?”
“Patay na”
“Hah?”
“Joke lang, si Mandi ba ang tinatanong mo? Ayun makulit, mana sa Daddy niya”
Tumawa lang ang loko.
“Baby boi, kahit di mo pa ako sinasagot ramdam ko kung gaano mo ako kamahal”
“Sus, feeling mo lang yan”
“May assurance na ako, yey”
“Asa”
“I want to make love to you right now, di mo lang alam kung ilang beses na kitang pinag- ugggh alam mo na. I can’t help it”
“Pervert”
“Gusto ko na umuwi diyan”
“Goodnight na, may gagawin pa ako”
“Goodnight na baby boi, I love you”
Di na ako sumagot at ako na mismo nag-end ng call.
Binibisita parin namin ng mga ka-klase ko si Ryan sa bahay nila. Di gaya ng dati ay di na niya ako kinukulit sa mga bagay bagay na may kinalaman sa nakaraan namin. Mukhang bumubuti naman na ang lagay ni Ryan kaya lang di pa siya makalakad at di pa siya makakabalik sa pag aaral. Mukhang madedelay pa nga siya ng isang taon.
Gaya nga ng sabi ko, the feelings are all gone, wala na akong nararamdaman kay Ryan- yun ang alam ko. Kahit na sinaktan niya ako ay tinatiyaga ko parin na tulungan siya na maka-alala. Pinapakita ko sa kanya ang mga pictures from the past. Yung kay Rachel, lahat lahat ng happy memories.
“Parang naalala ko yan” turo niya dun sa isang picture. Tatlo kami dun sa picture, yung nasa Tagaytay kami.
“Yan ba yung araw na una kitang pinakilala kay Rachel”
Nagsmile lang ako saka ako tumango.
“I’m sorry” tugon niya ulit.
“Ba’t ka nagsosorry?”
“Yan kasi yung araw na sinimulan kitang saktan, na ipinadama ko sayo na you’re just a second best”
“I’m over it, it’s ok. Gusto mo ba ng music?”
Tumango lang siya, kinuha ko yung phone ko at plinay yung spotify playlist ko. Sakto naman na yung kanta ulit ng Little Mix ang tumogtog.
“Why can't we be like that?
Wish we could be like that”
Nakita ko naman na umiiyak na siya kaya nag-alala ako.
“What’s wrong?” tanong ko.
“Naaalala ko yang kantang yan, sinayaw natin yan. Tama ba?”
I just nod. Hinawakan niya yung kamay ko saka niya inilapit sa pisngi niya, nabasa ito ng luha niya.
“Bakit kita sinaktan, bakit kita pinakawalan. Nagsisisi ako sa lahat, kung eto man ang ganti ng kapalaran sa akin I might say I deserve this. Di ko nakita yung pagmamahal mo, di ko pinansin yung pag-aalaga mo. I’m sorry Dex, tarantado lang talaga ako. Sinaktan kita pero tina-tiyaga mo parin ako. Salamat”
I just smiled at him, sakto namang tumogtog ulit yung I was made for loving you ni Ed Sheeran at Tori. Tinitigan ako ni Ryan, nagpunas ng luha saka nag-smile.
“Bakit?” tanong ko.
“Wala, may naalala din ako sa kantang yan, pero nahihiya akong sabihin baka di totoo”
“Ano yun?”
“Wag na akin nalang yun” sabay ngisi niya.
“Ano nga?”
“Nagsex na ba tayo Dex?”
Nagulantang naman ang Lola niyo sa tanong ni Ryan. Caught off guard.
“Parang yan yung kantang tumutogtog nung una tayong nagsex, umuulan ata nun tapos walang tao dito sa bahay. May pinuntahan ata tayo nun, parang may hinatid ata tayo”
OMG, his memories are slowly coming back. Good for him.
“Am I good at bed?” tanong niya, sasagot sana ako ng Very Good.
“Andami mong tanong, matulog ka nalang diyan”
“Di ako makatulog eh, naninigas si junjun”
“Hay ewan ko sayo”
Humagikgik lang siya, I miss those laugh, I miss those smile. But my heart never beats fast again just like before when I’m with him. Kaibigan nalang ang turing ko sa kanya ngayon.
“Anong title niyang kanta?”
“I was made for loving you”
“Ayun, totoo ba?” tanong niya.
“Na ano?”
“You we’re made for loving me?”
“Sinabi ko lang yung title ng kanta, wag kang ano diyan”
At tumogtog yung Same Old Love ni Selena. “Maybe this song can answer your question Ryan” sabi ko.
Nawala naman yung ngiti sa labi niya nung sinabi ko yun, naintindihan niya ata yung lyrics nung kanta. “Balikan ko nalang tong phone ko mamaya, uuwi muna ako”
“Hindi kunin mo na, ok lang ako. Magpapatugtog nalang ako sa ipad ko”
“Ok” maikli kong pahayag.
“Babalik ka pa ba?”
“Depende, o sige na Ryan magpahinga ka na”
One Sunday pagkatapos ng misa ay dumiretso ako sa isang coffee shop, nag-order ako ng paborito kong drink saka umupo sa favourite spot ko dun sa sulok. Plinug ko yung headseat ko saka ko plinay yung naangkop na playlist for the day – 90’s lovesong hits, naks. Nagtataka nga ako kung bakit di umuwi si Santi at nitong Saturday at Sunday ay di man lang siya nagtext o tumawag man lang. Nainis ako konti dahil di ako sanay na di siya nagtetext.
Mag-iisang oras na siguro ako doon, nagbabasa ng mga kwento sa wattpad gamit ang ipad ko ng may isang lalake ang lumapit sa akin. Dahil nga malakas ang music ay di ko maintindihan ang sinasabi niya kaya tinitigan ko nalang siya. Matangkad siya, gwapo, chinito, maputi at mukhang anak mayaman. Sa tantiya ko ay taga Manila siya, at parang younger version ni Kenneth Earl Medrano. Yung appeal niya ala Ian Veneracion. Naka yellow t-shirt siya noon na ang print ay si Chuck ng Angry Birds kaya naman natawa ako. Di ko man lang tinanggal ang headset ko at tinuloy ang pagbabasa. Di siya umalis dun sa harapan ko bagkus ay umupo siya dun sa bakanteng upuan.
Tinitigan ko lang siya at base sa paglilip read ko ay parang sinasabi niyang I love you. Kaya nagkunot ako ng noo. Paulit ulit niya yun sinasabi pero di ko marinig, binabase ko nalang sa lip reading. Shet ang kissable ng lips ng lokong to.
Kaya naman sumagot nalang ako ng “I love you too” medyo napalakas ata at pinagtinginan ako ng mga nandoon saka sila tumawa. Nahiya tuloy ako, yung lalakeng nasa harapan ko hagalpak narin sa kakatawa kaya tinanggal ko na yung headset ko.
“What’s funny?” tanong ko.
“Ikaw nakakatawa ka”
“Sino kayang mas nakakatawa sa atin ngayon? Look your shirt, angry birds talaga?”
“Anong masama?”
“Look, why are you here?”
“Ba’t mo ko sinabihan ng I love you too? Ang lakas ah” saka siya tumawa.
“Akala ko sinasabihan mo ako ng I love you”
“Ayos ka rin no, ang sabi ko kanina Hi I’m Raikko. Eh naka headset ka pala”
“Sorry, eh ano ngayon kung ikaw si Raikko?”
“Wala naman. Wala na kasing space kaya tinatanong kita kanina if do you mind me sharing this spot with you”
Tinitigan ko lang siya ng masama.
“What’s your name again?”
“Why would I tell you?” sarkastiko kong tugon.
“I want us to be friends”
“And why do you want us to be friends?”
“Sabi lang ng utak ko?”
“And why was that?”
“Ang hirap mong maging kaibigan, Ok uulitin ko. I’m John Raikko De Benavides, 15 years old taga Alabang & I’m studying at LSGH. How about you?”
“I’m leaving” saka ako tumayo na at lumabas ng coffee shop. Hinabol niya naman ako.
“Uiiii, saglit lang, ano ngang pangalan mo?”
Sakto namang nakasalubong ko si Santi na noon ay naka black t-shirt at angry birds din ang tatak- si Bomb naman ngayon.
“Takte, anong meron sa angry birds” tugon ko sa sarili ko.
“Hi baby boi, saan punta mo?”
“Che!” saka ko siya nilampasan.
Hinabol naman nila akong dalawa “Baby boi saglit lang”
“Baby boi, yun yung pangalan niya?” tanong ni Raikko.
“Gago kanina pa kita hinahanap san ka ba nagpupupunta?”
“I’m finding my destiny?” sagot naman ni Raikko.
Dahil nga mahaba ang pila sa sakayan at hindi naman ako kagaya ni Santi na may taga hatid sundo siya kaya naman wala akong choice at nakipila. Sinundan naman ako ng dalawa doon.
“Baby boi sorry na” pagpapacute ni Santi.
Inirapan ko lang siya. “Magsama kayo ng tropa mong mukhang ibon”
“Lah, ang gwapo ko kaya para magmukhang ibon” tugon naman ni Raikko.
“Mga tropang angry birds” tugon ko ulit.
“Dex naman eh” sagot ni Santi.
“Ah Dex pala pangalan niyang si Baby boi, Hi Dex” pahayag ni Raikko saka siya kumaway at nag-smile.
Pinadilatan ko lang siya.
“Bakit nga pala baby boi ang tawag mo tol?” tanong ni Raikko.
“Kasi siya ang baby boi ko at ako ang Sans Rival niya, ayos ba” sabay hampas ni Santi sa tiyan ni Raikko.
“You mean, magjowa kayo?”
“Yeah”
“No!” sagot ko naman.
“Ano ba talaga?” tanong naman ni Raikko.
“Hindi pa” sagot ni Santi.
“Ah ibig sabihin may pag-asa pa” mahinang pahayag ni Raikko. Nagkunot noo nalang ako sa narinig ko, si Santi naman mukhang di narinig yung sinabi ng kaibigan niya.
“Baby boi tara na hatid ka na namin sa inyo, oh gusto mo sa bahay ka muna at ng makapag catch up tayo, namiss kita” sambit ni Santi.
“Na-miss? No text, no PM, no Calls. Na-miss?” galit kong pahayag.
“Sorry na nga eh, busy lang”
“Uii may LQ’ng nagaganap pagkakataon ko na to” pahayag ni Raikko.
“Wag ka ngang magulo De Benavides, moment namin to dun ka na nga muna sa sasakyan”
“Ok, bye Dex” sabay kindat niya sa akin.
“Sorry na baby boi” saka siya nagpacute, sakto naman na dumating na yung jeep noon kaya sumakay na ako at iniwan siya dun.
“Dex, pupuntahan kita mamaya sa bahay niyo” sigaw niya.
Tinext ko siya. “Wag ka nang pumunta galit sayo ang Daddy ko, sinabi ko sa kanya na niloloko at sinasaktan mo ako. Sabi niya, wag na wag ka daw magpapakita at baka kung anong magawa niya sayo” panloloko kong text.
“Hala seryoso? Dex naman eh tinatakot mo ako. Please naman oh, magsosorry ako kay Tito Drake”
“Isasauli ko na din si Mandi mamaya, ako nalang pupunta sa bahay niyo” text ko ulit.
“Dex, don’t do this to me. Please naman oh” reply niya.
Nagreply lang ako ng emoji na naka-belat, siya naman yung gulat at umiiyak na mga emojis, meron ding mga bomba at baril na emoji siyang nilagay. Natatawa nalang ako sa messages niya, halatang naniniwala nanaman si gago. Ang saya niya lang asarin, mahal ko na nga ata ang loko.
At para mas maging makatotohanan yung drama ko ay inutusan ko yung driver ng Daddy ko para dalhin si Mandi sa bahay nina Santi. Nagtaka naman si Daddy sa ginagawa ko.
“Ba’t mo ibinabalik yang aso mo?”
“Trust me Dad, and Dad pag dumating si Santi dito pwede bang takutin mo siya?”
“Siraulo ka ata eh, ba’t ko naman gagawin iyon eh mabait naman siyang bata baka kung ano pang gawin ng tatay nun sa akin pag nalaman niyang tinatakot ko yung anak niya. Ano nanamang pang go-goodtime to anak?”
“Eh kasi eh nakakainis siya”
“Ayun”
Kinagabihan nga ay may nagdoor bell sa bahay namin, sunod sunod ulit kaya alam na namin kung sino.
“Dex, andiyan nanaman yung jowa mong galit sa doorbell” sigaw ni Ate Dreza.
“Hayaan niyo lang” sigaw ko.
“Dex” sigaw naman ni Ate Dana kaya pumunta na ako at binuksan ang pinto. Nakita ko doon si Santi na ang ayos ng damit, karga karga si Mandi na bagong groom din. Sakto namang lumapit si Daddy sa may pinto.
“Anong atin bata, bat ka nandito?” tanong niya.
“Tito sorry po, di ko po alam kung kelan ko sinaktan si Dex o kung kelan ko siya niloko. Sorry po, ang kasalanan ko lang naman ay di ko siya natext o natawagan”
“Oh tapos?” tanong ni Dad na nagpipigil na siya sa pagtawa, nanginginig na kasi si Santi noon at mukhang luluha na.
“Sorry po” at ayun umiyak ang cute na si Ibahn Santi kaya naman tumawa na kami ni Dad.
Nagpunas ng luha si Santi at saka siya nagsalita “Ba’t kayo tumatawa?” pagtataka niya.
“Galing mang uto nitong anak ko no?” pahayag ni Dad.
“Po?” maikling tugon ni Santi saka siya humarap sa akin at binigyan ako ng masamang tingin.
“Peace brother” tugon ko, binitawan niya naman si Mandi at saka ako niyakap kahit nakaharap si Daddy.
“Please don’t do this to me again”
Tinawanan ko lang siya.
“Hay naku Sans Rival, mukha kang ewan”
“Coz I am so me when I’m with you ikaw lang nakakagawa sa akin nito hayop ka, please promise me not to do this to me again. I might die figuring out things”
I just nod on him, that nod is not an assurance na di ko na ulit iyon gagawin.
“Ui, si Mandi oh nakalayo na” tugon ko.
“Wait I’ll get her for you”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Little Mix’s Tape (Part 3)
Little Mix’s Tape (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgq0Tj9X2ejNzgjAc4ZYnQAEFKLbsm2TJ71EOv_8WtvbnuG4p_wzXip6IcdCovjXmAliRHT-7ySmHEvELniCP3kiThVroX0TGLGLzo0p85qCjNqQxOBNiTRKv4SizqB_EzKYSK8oOtqd-2W/s400/13628069_1034598346625847_1271932445_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgq0Tj9X2ejNzgjAc4ZYnQAEFKLbsm2TJ71EOv_8WtvbnuG4p_wzXip6IcdCovjXmAliRHT-7ySmHEvELniCP3kiThVroX0TGLGLzo0p85qCjNqQxOBNiTRKv4SizqB_EzKYSK8oOtqd-2W/s72-c/13628069_1034598346625847_1271932445_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/08/little-mixs-tape-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/08/little-mixs-tape-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content