$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Not Today (Part 2)

By: Prince Zaire Sa umpisa lang masaya ang lahat. Andun yung kilig, andun yung excitement, andun yung mga butterflies sa tiyan mo. Na ...

By: Prince Zaire

Sa umpisa lang masaya ang lahat.

Andun yung kilig, andun yung excitement, andun yung mga butterflies sa tiyan mo. Na animoy teenager ka na raging parin yung hormones mo.

Sa umpisa yun oo. Pero sa tinagal-tagal ninyo, hindi na ganun. Akala mo lang yun lahat. Parang expectation vs. reality yan eh, nagbake ka ng cake na red velvet dapat pero dahil napabayaan mo, naging toasted cake nalang siya- it’s not even edible.

Masarap sa umpisa, masarap umasa lalo, lasang tanga. Umasa ka na pag binigyan mo siya ng second chance ay magbabago na siya. Umasa ka na magiging ok na ang lahat, wala umasa ka lang. Things get worse pa nga, dahil pinagbigyan mo parin siyang maging parte ng wasak na na buhay mo at pirapirasong tiwala mo. Kung mahal ka talaga niya, sana una pa lang di na siya nagloko pa. Bakit ba di sila nakukuntento sa isa, kailangan ba lahat ng flavour matikman para ma-satisfy ka? Sabi nga nila, mas ok na daw yung mahulog ka sa mabahong kanal kesa sa mahulog ka sa taong di ka mahal – hindi rin, I don’t want to be in any of the situations either. Wala eh, ganun talaga mga bes, nagmahal lang tayo. Hindi uubra yang mga uno natin at latin honors natin pag nagmahal tayo – bulag, pipi, bingi tayong lahat. Tanga na kung tanga, pero yun talaga yun.

Mahirap man tanggapin, pero hindi ka naging sapat para sa kanya kaya naghanap siya ng iba. At maghahanap ulit, at maghahanap at maghahanap. Hindi tanga yung taong nagmahal ng sobra, hindi mo kasalanan kung manhid siya at hindi niya nakikita yung mga bagay na kaya mong gawin sa kanya. Mas tanga yung taong minamahal na nga pero pilit parin naghahanap ng iba. Mabuhay ang mga single na tulad ko, mabuhay po ang mga katulad ko na nasa peak na ng kanilang buhay at mas pinipiling mabuhay nalang ng mag-isa at payapa. Being single is by chance and by choice, being single is choosing to live a happy and peaceful life. Walang mga complications, walang magsasabi sayong sa kanya ka lang. Nobody owns you, at kahit pa committed ka, nobody owns you.

I was young back then, wala pa akong grey hair o sakit na nararamdaman sa likod. Very enthusiastic and alive, idealistic at maraming gustong gawin. I want to own the world, I want to live my life to the fullest – pakaYOLO ba. I have a Journalism Degree from a school abroad, at nung nakagraduate ako at nakapagtrabaho na sa ilang publishing company sa New York ng ilang taon ay bumalik ako sa Pilipinas para magtrabaho sa Mommy ko, which is isa siyang CEO ng isang kilalang Magazine slash Publishing Company. Take note, ang first 3 months ko, taga photocopy ako, taga encode, taga gather ng info sa labas – in short dakilang utusan ng kung sino man. Hindi yun yung inaasahan ko, nag-away pa nga kami ni Mommy about it. Hindi ako nag-aral abroad para lang magtimpla ng kape, mag-photocopy at magpaaraw sa labas para lang kilatisin ang madlang pipol kung sino ang pinaka-sexy’ng babae o pinaka-machong lalake sa Pilipinas ngayon. I left my job in NY to do such stupid crazy things? Nagtiis ako, hanggang sa naging assistant writer, copyreader, naging Features Editor hanggang sa maging Managing ako in just a year. Hindi dahil sa Mommy ko, pero nakitaan ako ng skills ng Editor in Chief noon. Wait, hindi lang pala skills ang nakita niya sa akin – charm.

I’m Ronan Joseph Go and I’m in my early to mid 30’s now. I’m a writer slash Editor soon to be CEO sa isang Publishing Company. Sabi nila pag lagpas ka na daw sa kalendaryo kailangan mo nang mag-isip isip. Though hindi siya talaga applicable sa mga lalake, pero pwede narin naman lalo na sa mag tulad kong taga Rainbow Country. One time coding ako at natripan ko lang mag-jeep pauwi, na di ko talaga madalas gawin ever. Meron isang Mama na sumakay ng jeep at nakatungkod siya, mukha siyang na-stroke at nahihirapan na nga. Inalalayan pa ng mga mabubuting pasahero para siya maka-akyat. Hirap na hirap siya, napaisip tuloy ako.

What if maging ganyan ako, tatandang mag-isa, walang nagmamahal, walang nag-aalaga, maihahatid ba ako ng pera ko sa hantungan? Pag ako namatay gusto ko instant, hindi yung unti unti. Yung bigla nalang siyang dumating, tapos na. Walang pain, walang paghihirap, wala lahat. Ayoko din ng pinaglalamayan ako, it will just show up how pathetic my life is, of how the world turned its back to me. Gusto ko, mailibing o macremate ng di lalagpas sa 24 hours. Marami akong realizations ngayong nagmamature na ako, andami kong flaws noon, andami kong mga bagay at kalokohang ginawa na tinatawanan ko nalang. Yung mga panahong inlove na inlove pa ako.

Mula nga noong naging writer na ako sa company ay mas naging close na kami ni Travis. Shaun Travis Diaz ang pangalan niya, yung EIC namin na titig palang niya ay busog ka na. He is so damn handsome, gorgeous at maalaga. Those thick eyebrows, sexy stubbles, perfect set of teeth, defined chiselled nose, matangkad, gym buff para nga siyang close to perfect boyfriend material. Yung itataya mo talaga yung virginity mo just to own him. He was the guy every girl dreams of, every bi wants to be in bed, every gay wants to taste.

Naging madalas yung pagsasama namin at dun ko siya mas nakilala ng mabuti, he has a lot of ideas, ang bilis niyang mag-isip. Yung parang lahat ng libro ay nabasa na niya, he knows something of everything. Humanga nga ako sa kanya pero hanggang dun lang. He was like a god from Olympus and I was like a commoner visiting the Agora place. I didn’t expect him coming – niligawan niya ako. Natawa ako nung una, jinojoke ba ako nito.

“I’m serious Ronan, I like you. Unang kita ko palang sayo gusto na kita”

“Sir, hello were worlds apart. I’m 28 and you’re….”

“35”

“See”

“Who cares, age doesn’t matter. I’ll pursue you, ayaw mo ba sa akin?”

Nagkibit balikat nalang ako.

Simula nga noon ay araw araw may blue rose sa desk ko na kinakakilig ko naman. Nalaman ito ni Mommy pero di nalang din siya nagreact. Nung time na yun NBSB pa talaga ako at totally virgin. No flings or hook-ups kahit na nag-aral ako sa liberated na nation. Traditional type kasi ako eh, gusto ko lahat ng 1st meaningful and unforgettable. Ano ba naman ieexpect mo sa isang hopeless romantic na tulad ko diba?

Naging persistent naman siya sa sinabi niya, niligawan niya nga ako. Hatid sundo niya ako, kain sa labas, movie date, flowers, stuffs toys at kung ano ano pa. Oo cliché na kung cliché pero ganun talaga. Umabot din siya ng 6 mos sa panliligaw, hanggang sa na-promote ako bilang Editor niya.

One day nagsabi siyang pupunta siya ng CDO, so what diba. Bakit siya nagpapa-alam eh di naman kami. Alam ko na noon, hulog na ako sa kanya. Gusto ko na siya dahil nga malambing siya, man of surprises, perfect boyfriend, pero bakit di ko pa siya sagutin. 1:30 P.M inaya ako ng mga co-Editors ko na lumabas sandali, yosi break pahangin onti. Kahit busy ako noon ay sumama parin ako sa kanila at nagmuni-muni sa rooftop. Pagbalik namin may napansin akong kakaiba sa office, may mga something na balot sa itim na tela.

“Ano yan? May party, may bagong decoration yung office?”

Ngumingiti lang sila.

Tapos biglang nag-on yung mga flat screen sa office, may background music pa – River Flows in you. Tapos nagflash dun yung mga lines from the story we created together.

“I’ll never get tired of pursuing you each day. Even if the sun don’t shine, and the rain never stops”

Natawa nalang ako kung gaano siya ka-corny. Matapos ng slide ay biglang may tumogtog, ayun pala yun. Singing Telegram. Yung mga nabalot sa tela ay instruments pala. Lumabas din yung mga nirent niyang taga-harana.

Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako

Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko

Bakit kapag nandito ka sumasaya ang araw ko

Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo.

 

Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako

Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo

Bakit kapag nandito ka nababaliw ako

Nababaliw sa tuwa ang puso ko…

 

Bakit kapag kasama kita ang mundo ko’y nagiiba

Bakit kapag kapiling kita ang puso ko’y sumisigla

Bakit kapag nandito ka problema ko’y nabubura

Ikaw ang tanging pag-asa at tanging ligaya

Isa isa na nga silang nag-abot ng Blue Rose sa akin. Tuloy lang sila sa pagkanta, hanggang sa nakita ko doon si Travis may hawak hawak na bungkos ng blue roses. Walang hiya, may pa-CDO pa siyang nalalaman. Kahit hindi marunong kumanta, pinilit parin talaga. May boses naman siya, pero omaygawd I was expecting a Jason Dy voice naman.

“Sa isang sulyap mo ay nabihag ako

Para bang himala ang lahat ng ito

Sa isang sulyap mo nabighani ako

Nabalot ng pag-asa ang puso

 

Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo

Ang sarap mabuhay punong puno ng kulay

Sa isang sulyap ayos na ako

Sa isang sulyap napa-ibig ako…”

Nginitian ko nalang siya.

“Yieeeeh, sasagot na yan, sasagot na yan” sigaw ng mga ka office mates ko.

Kinuha ko kamay niya saka ko siya hinila palabas kaya nagtaka silang lahat, nagpunta kami sa rooftop.

“Wait, di mo ba nagustuhan yung ginawa ko para sayo?” tanong niya.

“Sa taas tayo mag-usap”

Nakarating nga kami sa taas na takang taka parin ang itsura.

“Ayaw mo talaga sa ginawa ko?”

“Ano to?” tanong ko.

“I was serenading you, Ronan 7 months na kong nanliligaw but still di mo pa ako sinasagot”

Nginitian ko lang siya ulit.

“Pinapaasa mo lang ba ako?” tanong niya at nakita ko yung lungkot sa kanyang mga mata”

“Yes!”

“Pinapaasa mo lang ako?”

“Yes nga, I mean, hindi kita pinapaasa. Gusto mo ng sagot sa kung pwede mo na akong maging boyfriend. OO ang sagot ko” nagliwanag ang mukha niya saka ako biglang niyakap.

“Thank you, Ronan ang saya saya ko”

“My bones are breaking” angal ko.

“I’m sorry hubby”

“Hubby? Endearment agad?”

“Ayaw mo?”

“Ok lang naman, ba’t yun naman yung napili mong kanta”

“Eh yun talaga yung bagay eh. Yun yung nararamdaman ko sayo, it was the perfect song to express how I feel towards you. Naaalala mo yung brainstorming natin sa may Coffe Shop sa Valero?”

“Hindi, I’m not into stupid memories”

“Awwww, stupid daw yun. Yun kaya yung unang beses tayong magkasama na tayo lang. Yun yung unang beses na kasama kita magdamag, dun ko unang nasulyapan yung ngiti mong ibang iba. Yung tawa mong contagious at yung mga mata mong mapang-akit. At yung kantang yun, yan ang tumutogtog nun nandun tayo habang abala ka sa pagtipa sa McBook mo”

“Makata, I really don’t remember it. Ayoko kasing mag-OT nun pero pinilit mo ako”

“Sorry naman, it was just my way para makasama kita ng matagal. Yun kaya ang unang date natin”

“Ang corny mo”

“Kahit corny to, solid naman ang pagmamahal sayo”

“Whatever”

Ayun na nga mga bes, naging kami. He was my first boyfriend, simula ng sinagot ko siya ay mas naging sweet pa siya sa akin. Hindi kami PDA sa office, sakto lang. Pero pag kami lang mag-isa ay iba nang usapan yun. Panay ang dalaw niya sa Condo ko noon, may mga times din na dun na siya natutulog. Walang nangyayari, cuddling lang, kissing, tapos tulog na. Dahil nga madalas na siya doon noon ay inaya ko nalang siya to move in. Taga Tanay kasi siya at nag-rerent pa sa may Guadalupe, eh yung Condo ko eh nasa Pioneer malapit lang sa Office kaya pinalipat ko na siya doon. Pumayag naman siya, para daw mas marami kaming time sa isat isa. Masaya nung una, para kaming mag-asawa na talaga. Since nasanay ako na may katulong at palaging fastfood lang, siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay, taga luto, taga plantsa, lahat ng mga household chores. Kaya naman pampered boyfie ako, gumigising siya ng maaga para magluto. Tapos gigisingin niya nalang ako pag kakain na. Mas minamahal ko siya everyday, ayoko na siyang pakawalan. Bilang ganti ko naman sa kabaitan niya, binibilhan ko siya ng kahit na ano kahit naman di niya kailangan. Briefs, slacks, long sleeves, anything. Ako kasi yung into fashion thing sa aming dalawa kaya naman magastos ako. Pinapagalitan nga niya ako eh dahil sa magastos daw ako at di marunong magtipid.

“Kaya nga ako nagtatrabaho eh, para gumastos. Don’t yah worry, stable ang savings ko. Kahit mag aral ka pa ng dalawang kurso sa Ateneo”

“Wow, mayaman. Eh kasi naman po, kahit na nagtatrabaho kayo nakakatanggap parin po kayo ng sustento sa Daddy niyo”

“Eh anong magagawa ko, ako yung panganay, ako yung unang apo sa pamilya, Travis Fil-Chinese kami, it’s his way for me to change my mind para magtake-over ng business”

“Ang swerte mo noh, pinanganak kang mayaman. Ako I still need to climb a rocky cliff to get to this”

Niyakap ko nga siya sa likuran, saka ko siya hinalikan sa batok niya.

“Hubby, may kiliti ako diyan”

“Happy monthsary sweetheart”

Humarap nga siya sa akin at tinitigan ako sa mata. “Happy Monthsary Hubby ko”

Lumapit nga siya at inilapat ang mapupulang labi niya sa aking labi. He started kissing me passionately, he tried exploring the inside of my mouth. The way he does it made me crazy – crazy in love with him. Bawat sipsip higop niya sa dila ko ay bolta-boltaheng enerhiya na nagpapabuhay sa katawang lupa ko. Binubuhay nito ang libog na matagal na natulog. We started to undress each other hanggang sa hubot hubad na kaming dalawa. Patuloy lang kami sa paghahalikan habang lumilikot ang aming mga kamay at kung saan saan napupunta. He started kissing my neck down my nips, my happy trail. He played his tongue game well in my navel, pababa ng pababa hanggang sa mapunta na siya kay Ronan Jr.

“Gifted Chinito guy” sabi niya sabay ngisi habang kinakalat niya ang precum at slowly binabate nito ang pag-aari ko.

“Travis, do it”

Ngumiti lang siya sa akin saka niya ako kinindatan. Matapos nun ay isinubo niya ng sagad ang sandata ko. Deepthroat agad, para akong mawawalan ng ulirat. It was my 1st time, and I was at bliss. Ang init ng bibig niya, ang galing niya swabe lang at parang hinihigop niya ang lakas ko paalis sa aking katawan.

“Oh damn, you’re so good baby” patuloy nga siya sa pagchupa sa akin, nilalaro laro niya din yung balls ko.

“Pucha ang laki talaga ng ulo nitong alaga mo, ang taba pa. Ang sarap mo hubby” komento niya sabay subo ulit. Di ako nakapagpigil at kinantot ko ang bunganga niya hanggang sa sumirit ang malapot kong likido sa bibig niya.

“Tamis ah, sarap” I just smiled at him.

Nakipaghalikan ulit siya sa akin at nalalasahan ko yung strange taste ng sarili kong katas. Sinimulan ko na nga ring paglaruan yung mga utong niya at puro ungol lang yung maririnig mo sa kanya. I tried licking his abs na nagpapaigtad sa kanya.

“Tang ina Ronan, shit yang dilang yan. Subo mo na ako please”

Ginawa ko nga, average lang yung size ni Travis. I mean proportionate naman siya sa kanyang height. Hindi ito mataba pero mahaba at mamula-mula yung ulo. Sinubo ko nga, taas baba, deepthroat ng walang kahirap hirap.

“Ronan, kantutin kita mukhang malapit na ako”

“Ha?” pagtataka ko, nagsisimula palang kami. “Relax, masyado kang naeexcite”

“Dali na”

“Baka masakit yun, 1st time ko”

“Ako bahala, trust me”

Kumuha nga siya ng lubricant, pinahiran yung butas ko, pati yung burat niya. Nilaro laro niya muna ang butas ko gamit ang mga daliri niya. Nung alam niyang ok na ay ipinasok na niya ang sandata niya.

“Awww, shit masakit ang hapdi” angal ko, masakit talaga sa umpisa parang binibiyak yung pwet mo. Dahan dahan lang siya sa pagpasok hanggang sa maisagad na niya lahat. Di muna siya gumalaw at naghalikan muna kami, hanggang sa unti unti na siyang umaayuda. Mahapdi parin, napalitan na lang ng sarap ng bumilis siya sa pag-pump. Ang bilis, nakukuha ko palang yung momentum, dun ko palang nararamdaman yung sarap ng biglang.

“Aaaaah, Ronan malapit na ako”

“Ha? Shit pigilan mo, mabibitin ako”

“Ronan ayan na ako, aaaaaah, shit shit, aaaaah” nilabasan nga siya sa loob ko. Ang bilis, 3? 5 minutes? Ganun lang, left hanging ako brad. Futang Ina.

Bagsak nga siya sa dibdib ko at hingal na hingal. Malambot narin ang kargada niya.

“Round two?” tanong ko.

Pero hilik nalang ang isinagot niya, yun na yun. Tulog na siya, isang putok lang olats na baby.

Simula nga noon ay madalas na naming gawin yun, di ko na nga siya chinuchupa at deretso anal sex na. Pero ganun parin, konting ulos lang yung bilang na bilang – putok agad, bagsak agad, nanlambot, tulog. Kaya naman nagjajakol nalang ako after niya labasan. We’re not sexually compatible, pero mahal ko siya yun yung mahalaga. Sex was just a bonus in our relationship.

Umabot kami ng 1 year, first anniversary namin nagcelebrate kami sa El Nido. Parang kami lang yun nandoon, enjoying everything. Mas minahal pa namin yung isat-isa, nagkakatampuhan man minsan, nag-aaway pero hindi kami matutulog hanggang sa di mag-sorry ang isa sa amin. Siya yung unang nagsosorry kahit kasalanan ko – ganun niya ako kamahal, nag-aadjust siya sa pagiging brat ko. Umabot kami ng 2 years, 2nd anniversary inaya ko siyang mag-Japan. Ayaw niya kasi wala pa daw siyang ipon at kailangan pa niyang suportahan sa pag-aaral yung kapatid niya, Naiintindihan ko naman kaya lang gusto ko talaga mag-Japan noon.

“Hubby, sige na madali lang mag-process ng Visa mo. Ok ako na gagastos, dahil mahal kita”

“Kaya ko naman, may pera naman ako pero hindi lang talaga yun yung priority ko ngayon.”

“Sige na, leave it to me. Tiyak mageenjoy tayo dun”

“Bahala ka”

Nag-Japan nga kami at dahil pareho kaming Harry Potter Fan nagpunta kami ng Wizarding World. It was the best times of our lives. After noon, napansin kong may nag-iba sa kanya. Nagiging moody siya at sinasabi niyang marami siyang kailangan tapusing works. Hello, ako kaya yung tumatapos sa iba niyang ginagawa. May mga hinihingi narin siya sa akin, pang dagdag tuition daw ng kapatid, pampagamot ng Nanay niya, pambili ng bagong phone or laptop. Ok lang naman sa akin yun basta magsabi lang siya ng totoo. Ganun at ganun nga ang nangyari pero pinapabayaan ko nalang. Siguro crisis sa family nila at nahihirapan siyang imanage ang finances niya kaya bilang boyfriend niya ay susuportahan ko siya. Nagtataka rin ako noon kung bakit sa tinagal tagal namin ay di pa niya ako naipapakilala sa pamilya niya, sa tuwing kukulitin ko siya ay nagagalit siya.

Dumating nga ang pinakacritical year sa isang relationship – yung ikatlo. Odd numbers are the critical parts in the relationship. Umabot kayo ng isang taon – so what? Ngayon tatlo na – what’s next? Nakalimutan niya yung anniversary naming pero pinalampas ko, at madalas ay di na siya umuuwi sa condo. Nagdadahilan siyang kailangan siya ng Mommy niya dahil may sakit. Naging maiinitin ang ulo niya, andiyan na rin yung nangingialam na siya sa mga sinusuot ko na hindi niya ginagawa dati.

“Black nanaman, palitan mo”

“May mali ba Travis?”

“Palitan mo, yung simple lang”

Sinunod ko nga.

“Masyadong magarbo parin, san ka pupunta sa party? May pinopormahan ka bang iba?”

Nagpalit uli ako ng damit.

“Mag white shirt at short ka nalang”

“Ano ba talaga?” galit kong pahayag.

“Diyan ka na nga, mauna na ako sa office”

Di ko na siya maintindihan noon, naiinis na ako sa kanya. Pag sa Condo siya natutulog, di na siya yung unang gigising para magluto ng almusal.

“Uyy Travis gising na, wala pang almusal oh”

“Hmmmm, yan kasi nasanay ka na pinagsisilbihan ka lagi kaya di ka natuto”

Wow, sampal sa mukha. Tiniis ko yung ganun dahil nga mahal ko siya.

One time may balikang flight ako from CDO. Alas kwatro pa ng madaling araw ako umalis ng condo noon, di ko na siya ginising. Ang haggard ng araw na iyon at drained talaga ako, 5:00 P.M yung flight ko pabalik sa Manila at sabi ni Mommy ay umuulan daw doon, pasundo nalang daw ako kay Travis. Tinawagan ko nga siya.

“Hubby, mga 6:30 mamaya nasa NAIA na ako, pwede mo ba akong sunduin?”

“Ah sorry may client meeting ako ng 6:30 eh, mga 8:00 na siguro matatapos yun”

“Ok”

“Mag-taxi ka nalang”

Buwisit ako noon, nadelay yung flight at baka 8:30-9:00 na kami makakalapag sa NAIA. Tinawagan ko ulit siya, dun lang ako unang na-excite sa delayed flight.

“Hubby, delayed yung flight namin baka masusundo mo na ako. Mga 8:30-9:00 siguro andiyan na kami”

“Sorry, may tatapusin pa akong article kasi kailangan bukas”

“Weh? Hayaan mo na, sunduin mo na ako please” paglalambing ko.

“Ronan, magtaxi ka na nga lang”

Ouch, ouch beh. Naexcite pa talaga ako dahil delayed yung flight sa pag-aakalang susunduin niya ako. Ala una na ng makarating ako sa Condo at di ko ineexpect ang nadatnan ko. Andaming kalat sa sala, pinaginuman ng in can na San Mig, mga wrapper ng chirchirya, upos ng sigarilyo at pakete ng lube at condom. Kahit pagod ako at kailangan ko ng matulog dahil may presentation pa ako bukas, ay niligpit ko ang mga kalat. Matapos nun ay dahan dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto namin. Andun si Travis mahimbing na natutulog habang may gwapong lalake na naka-unan sa dibdib niya. Mukhang nagenjoy sila dahil ang gulo ng kwarto, nakakalat ang mga damit at underwear nila. And wow andami nilang nagamit na rubber, congrats to them. Kahit madaling araw na ay umuwi ako sa bahay namin, umiiyak ako habang binabagtas ko ang kahabaan ng EDSA makauwi lang sa Quezon City. Bakit? Andaming bakit? Client meeting? Tatapusing article? Putang ina niya. Di ko na siya kinonfront pa, ayokong mag-away kami dahil MAHAL ko SIYA. Pinatawad ko siya kahit hindi siya nag-sorry.

One afternoon, napansin kong wala siya sa office. Nagtanong ako sa mga Co-Editors ko kung nasaan si Travis, di naman daw nila alam. Hindi ugali ni Travis ang di magpaalam sa akin kung may pupuntahan siya, kaya naman tinawagan ko pero cannot be reached yung phone niya. Ang lakas ng instinct ko noon na may nangyayaring di maganda at kailangan ko ding umuwi sa Condo namin.

Umuwi ako sa condo namin para icheck kung tama ang hinala ko. Pagbukas ko ng unit, halatang may tao doon. Umupo ako sa sofa sa may living area at pinarusahan ang sarili ko, naging masokista at martir na nakikinig sa mga ungol na galing sa kwarto namin. Kinuha ko nalang yung libro doon sa lamesa saka ako nagbasa habang patuloy sa pag-agos ang luha ko mula sa aking mga mata. Isang oras din bago sila lumabas sa kwartong iyon, unang lumabas yung lalakeng ka-kantutan niya noong isang araw – nagsmile ito sa akin saka lumabas ng pintuan. Sumunod na lumabas yung mas bata, nagsmile ulit sa akin bago lumabas ng unit. Saka lumabas si Travis na naka-boxers lang at mukhang pagod na pagod. Pagkakita niya sa akin, gulat na gulat siya.

“Hubby?”

Nginitian ko lang siya saka ako huminga ng malalim. “It’s ok” tugon ko.

“I’m sorry, let me explain”

“No need, I understand”

“Ronan”

Tinitigan ko lang siya.

“Ronan I’m sorry, it was just. I was just”

“No need to explain Travis”

Lumapit siya sa akin saka ako niyakap, nanlambot naman ako. Parang nawala lahat ng galit ko. “I’m sorry, I’ll make it up to you” saka niya ako hinalikan. Ganun lang, all the pain are gone. Ok na kami ulit.

Balik nga sa dati si Travis, mas naging sweet siya at parang nililigawan niya ako ulit. Ok, second chance niya na to. Akala ko ok na, pero hindi pala. Mas naging maingat lang siya. Nagkaroon nga ako ng trust issues sa kanya, at nagiging seloso narin siya. Ultimo pinsan ko na kausap ko sa telepono ay pinagseselosan niya. Pag may nginitian lang akong OJT na lalake o bagong employee todo irap siya sa akin. Nasampal niya narin ako minsan dahil sa selos at dahil sa sinagot ko siya ng pabalang one time kinumpara niya ako sa mga ex niya, ang weird na niya di ko na maintindihan. Sinabi ko sa kanya noon na ba’t niya hiniwalayan yung mga ex niya kung masaya naman pala siya dun, ba’t niya ako pinili? Hindi ko siya sinagot para maging tangang panakip butas lang. Binabago niya ako sa taong gusto niya, at di na niya ako gusto sa kung ano ako. Pinapasa niya sa akin yung mga ginagawa niyang mali, hindi ako yung nagloko sa relationship namin – siya, pero ako pa yung mali palagi. Pinalampas ko iyon sa pag-aakalang malalampasan namin ang lahat, sa pag-aakalang sapat ang pag-ibig namin sa isat isa para tumibay ito.

I was driving along EDSA para puntahan yung client sa may Trinoma ng biglang nakita ko siya sa harap ng isang motel. Tinawagan ko siya, to check him.

“Hello nasan ka?”

“Ah sa gym papawis lang”

“Ah, gym. Ok”

“Dinner tonight?”

“Sure, saan?”

“Sa McDo nalang sa Valero”

“Akala ko ba ayaw mo sa McDo”

“Wala akong pera eh, yun yung mura”

“Ah, walang pera. Oh sige, see you later”

Gym pala, so mag-eexercise sila sa SOGO. Dun na ako natauhan, yung client pala na imimeet ko ay ang Mommy ko mismo.

“So alam mo naman na siguro ang pinag-gagagawa ng butihin mong boyfriend. Ronan, wake up, di na maganda yan”

“Ma, ang sakit po, ang sakit sakit na po. Bakit ganun, ginawa ko naman po ang lahat pero di parin ako sapat”

“Walang mali sayo anak, sadyang minahal mo lang yung maling tao”

“Bakit ganun, ba’t di nalang nagtagpo ang seryoso at mapagmahal. At hayaan nalang na maglokohan ang tarantado at manloloko. Bakit ganun ma, 101% na yung binigay mo, di parin sapat”

“It’s not about that Ronan, sa love kailangan mong timbangin ang lahat. Ginawa mo ang lahat para isalba ang relasyon niyo, hiwalayan mo na siya habang maaga pa”

“Kakayanin ko kaya?”

“Ronan anak, nakaya mong mabuhay na mag-isa, so kakayanin mo parin kahit wala siya”

Umiyak nalang ako, saka ko niyakap si Mommy. “Anak bukas na bukas din, magpa HIV-AIDS test ka ha. May APE din tayo”

“Ma!”

“I’m serious Ronan, please”

I just nod.

Nung gabing yun sinipot ko nga siya sa Mc Donalds sa Valero. Naka-order na siya noon, dalawang 1 pc chicken + spag, monster float, fries at apple pie. Nakangiti pa siya noon, may after sex glow. Nagbeso pa siya saka yumakap.

“Kumusta ang hubby ko?” sabay ngiti sa akin, I forced a smile.

“Travis may sasabihin ako sayo”

“Ano yun?”

“Let’s end this, ayoko na. Nasasakal na ako”

“You can’t do that, you’re mine” sigaw niya kaya pinagtinginan kami ng mga tao. Hinila ko siya papalabas at dun kami nag-usap sa kotse ko.

“Please Ronan, why? Why are you doing this to me?”

“Ako dapat ang magtanong niyan sayo. Why are you doing this to me?”

Tumungo lang siya at kunyari lumuluha na.

“Pakawalan na natin ang isat-isa Travis, ayoko na, sakal na sakal na talaga ako. Di na kita maintindihan, ubos na ubos na ako, wala nang natira sa akin. Araw araw mo akong sinasaktan, nagsisinungaling ka sa akin. Ginagamit mo pang alibi ang Nanay mo gago ka eh 9 years old ka palang patay na pala siya. Niloko mo lang ako Travis, ginamit mo lang ako para makakuha ka ng mas mataas na posisyon. Bakit Travis? Anong ginawa kong mali sayo? Minahal kita, wala na ngang natira para sa sarili ko, binigay ko lahat sayo. Hindi ba ako sapat para maghanap ka pa ng iba?”

“Please, ayusin natin ito Ronan. Mahal kita, di ko kayang wala ka. Ikaw yung buhay ko”

“Nakaya mo nga akong ipagpalit Travis, nakaya mo ngang saktan ako ng harap harapan. Nakaya mong ipamukha sa akin na kulang na kulang ako para sa iyo. Tama na, ayoko na. Para na akong kandila, upos na ako. You light me up but you blew the flame away. Why?”

“Because I want to preserve you”

“Preserve? I’m not a damn artefact that needs preservation. Hindi ako yung isang bagay na kailangang itago o paka-ingatan sa stupid museum. I just realize na I’m not even 5% good enough for you”

Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa mukha saka ako tinitigan. “Please hubby, let’s fix this. Wag mo namang gawin sa akin to oh” akma niya sana akong hahalikan pero sinuntok ko na siya.

“Tang ina bat mo ako sinuntok?” galit niyang tugon.

“Matagal ko na sanang ginawa yan sayo, I gave you until 11:30 tonight para kunin ang mga gamit mo sa Condo, at pag nagpunta ako dun mamayang 12 at andun pa yun, itatapon ko nalang siya. Maliwanag ba?”

“You can’t do that, mahal mo ako”

“Noon, ngayon hindi na. Uminom ako ng kape kanina kaya tumapang ako at nagising sa katotohanang di mo na ako mahal. At di narin kita dapat mahalin. Kape lang pala Travis, buti pa yun matapang, kaya kang ipaglaban at gigisingin ka sa katotohanan. For once naging Kape ka din naman sa akin eh, masarap nung mainit pa pero sobrang pait nung malamig na”

“Ronan!” nagpacute pa siya.

“11:30 Travis, mark my word”

Binuksan ko yung pinto ng car ko saka sumakay. “Hey, may Annual Physical Exam pala bukas, kasama sa mga Editors yung HIV AIDS Testing, kaya goodluck nalang sa ating dalawa – goodbye Travis”

Iniwan ko siya doon at nagdrive pauwi. Tama na yung mga araw na iyak ako ng iyak dahil nagpakatanga ako sa kanya – na dahil sa pagiging mabait ko ay maisasalba ko pa yung relationship namin. Gaya nga ng sabi ko, parang tali lang yan eh, hanggat patuloy kang kumakapit ng mahigpit, nasasaktan at nasusugatan ka lang. Parang jeep lang yan, wag kang sasakay kung alam mong puno na, wag mong pilitin isiksik pa ang sarili mo dahil di ka kasya. At wag ka rin sasabit- dahil bawal ang sabit 1500 isang tao maningil ang LTO.

Para akong ibong nakalaya sa hawla, ang sarap ng feeling parang Rebisco. Puta single na ako, yes single na ako. Yes niloko ako, yes, sinaktan ako. Maraming salamat, kasi kung hindi ko yun naramdaman di ako nauntog at natuto. Maraming salamat sa mga lalakeng di makuntento sa isa, dahil sa inyo nagkakaroon kami ng time para sa sarili namin- transforming into the better us. Maraming salamat sa mga fuckboys out there, darating din yung katapat niyo. Binuksan ko nga ang stereo sa kotse ko para naman maiba yung ambiance, ayun tumugtog yung kanta – pak ganern sakto siya sa akin. Eto yung version ng Tuloy Parin sa ABNKKBSNPLAKO Movie.

Sabi nila ang lahat ng sugat naghihilom.

Ako'y nasasabik, gaano katagal yun?

Lalo sa tulad kong diabetic dahil sa

sobrang tamis ng nagdaang pag ibig?

 

Akala ko dati ay siya na. Masaya lagi sakanya

Palaging patungo sakanya ang aking mga paa

Ayaw mawalay, parte na siya ng aking pagkatao

Nung nasanay, natakot na ako sa pagbabago

 

Dumating ang mga away, naluma ang lahat

Katotoha'y di abot kaya nakuhang magpanggap

Habang tumatagal ang adobo ay lalong sumasarap

Pero pag sobra napapanis din, di mo na makakagat

 

Kailangan ko na po ilipat ang pahina ng aklat

Pag di na maganda ang katayuan kailangan na maglakad

Para lang nawala ang dala dala kong payong

Mauulanan pero muling makakasilong

sapagkat tuloy tuloy...

 

Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko

Nagbago man ang hugis ng puso mo

Handa na ‘kong hamunin ang aking mundo

‘Pagkat tuloy pa rin”

“Of course naman, tuloy parin ang awit ng buhay ko” tugon ko sa sarili ko.

Malakas na ang buhos ng ulan noon, nakikidalamhati siya sa nararamdaman ko. Nasa may Katipunan na ako noon, nagda-drive pauwi sa bahay namin. Medyo mabilis yung takbo ko, kaya naman nagpanic ako ng di kumakapit yung preno ko. “Shit, mamatay na ba ako” apak ako ng apak sa brakes pero ayaw kumapit. Nagmumura na ako noon, anong gagawin ko, fuck ano to, anong nangyayari. Tapos biglang may tumawid, nabangga ko siya. Tumilapon siya sa may street gutter at mukhang napuruhan. Bawal tumawid sa area na yun, pero bakit siya tumawid.

Derederetso lang ang kotse ko hanggang sa bumangga ito sa mga concrete barricades, naalog yung utak ko, pati buong pagkatao ko, buti nalang may air bag. Mga galos at sugat lang ang natamo ko, bumaba ako kahit nahihilo at nanghihina para tignan yung lalakeng nabangga ko. Kinapa ko yung pulso niya, buhay pa, humihinga pero duguan yung ulo niya. Pumara ako ng taxi at dinala ko siya sa malapit na ospital. Tinignan ko yung phone niya at tinawagan ang huli niyang tinawagan doon- yung Mommy niya. Makaraan ang ilang oras ay dumating yung Mommy niya sa ospital, iyak ng iyak.

“Nasaan ang anak ko, nasaan siya?”

Nilapitan ko siya. “Mam, nasa Operating Room po siya kasalukuyang ginagamot. Sorry po, nabangga ko po yung anak niyo, kung magsasampa man po kayo ng kaso laban sa akin. Tatanggapin ko po, kasalanan ko po ang lahat”

“Mamaya na tayo mag-usap, mas importante ang buhay ng anak ko”

Hindi nagsampa ng kaso ang pamilya nung lalake, dahil may dalawang testigo na nagsabing biglang tumawid yung lalake eh naka-go nung panahon na yun. Bawal din ang pedestrian sa part na iyon pero tumawid parin siya. Tinulungan nalang ng pamilya ko yung lalake sa pagpapagamot niya, lahat ng gastusin sa ospital ay shinoulder na namin.

“Mabuti kang tao hijo, kung ibang tao lang yun tinakasan na at hinayaan nang mamatay ang anak ko dun. Di ka takot na makulong, nanaig yung mabuting puso mo. Wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari, aksidente ang lahat” paliwanag ng Mama ng biktima.

“Coma parin siya, miss na miss na namin tong anak naming to. Napaka-lambing niyan, napaka buti niyang anak. Di ko kakayanin kung mawala siya sa akin. Ang anak dapat ang maglibing sa magulang hindi ang magulang ang maglibing sa kanyang anak”

“Wag po kayong magsalita ng ganyan, makaka-recover po siya” tugon ko, umiling lang siya.

“Uulitin ko ang palaging sinasabi niya. Pilosopo kasi tong panganay ko. Mahirap at masarap umasa, lasang tanga. Ano kaya yung lasang tanga no?”

Ngumiti ako “Alam ko din po kung ano yung lasang tanga”

“Kabataan talaga ngayon, hay naku”

Yung yung last time na bumisita ako sa ospital, 7 days din akong pumunta dun. Araw-araw binibisita siya, nakikibalita kung anong build up. Di ko siguro kakayanin pag namatay siya – isa na akong mamamatay tao pag ganun. Palagi kong napapanaginipan ang nangyari, nakokonsensiya ako. Nagpasya nga ang mga magulang ko na ipadala muna ako sa Japan para hanapin ang sarili ko. Sumunod nalang ako, dahil yun siguro ang nararapat. Sabi nga ni Kris Aquino sa tanong na where do broken hearts go – sa Japan.

May mga nagparamdam naman sa span na kaka-break ko lang with Travis. Nun ngang APE namin may nagparamdam na agad.

“Sir kukuhanan ko na kayo ng dugo ah” paalam nung MedTech.

Gwapo yung Medtech, bagay sa kanya yung purple na scrub suit niya. Makapal ang kilay at may stubbles (yun yung weakness ko, stubbles plus kilikili ng lalake), matangkad siya at gym buff din kagaya ni Travis. Maganda ang ngiti at malalim yung boses. Mestizo, may matambok na pwet at hinaharap. Kumbaga pasok siya sa banga, kaya matagal ko siyang tinitigan kaya naman napansin kong naka-irap nanaman ang Ex ko sa akin.

“Sir medyo masakit to”

“Sanay na akong nasasaktan”

Ngumiti siya, haysss ang gwapo niya. Kung pwede lang na lahat na ng dugo ko ay alisin na niya para mas matagal yung hawak niya sa akin. Magaan yung kamay niya, swabe yung procedure.

“Release na sir”

“Ganun talaga no, kailangan mo ng irelease para mawala yung sakit”

“May pinanghuhugutan ka sir?”

“Wala naman” ngumisi lang siya, takte yung mga mata niya minamagnet ako.

“Heartbroken ka ba sir?”

“Medyo, kaya ba ng isang medtech na paghilumin ang sugat ng puso?”

“Hindi sir, pero kaya kong buhayin yung dugo mo” sabay kindat sa akin. Another fuckboy.

“I hate vampires and fuckboys” tugon ko, nagtawanan kami.

“Ethan nga po pala”

“Ronan”

And another sa coffe shop, kung saan madalas kaming pumunta ni Travis noon pag may binu-brew kaming story.

“Ano pong order nila?” tanong ng barista.

Dahil nga abala ako sa pagtipa sa phone ko ay sinabi ko nalang na the usual.

“Ay sorry po bago lang po kasi ako dito kaya di ko po alam order niyo”

Tinignan ko siya, wooow, he’s good looking. Nagkatitigan kami at una siyang bumitaw.

“Dark Mocha Venti with Hazelnut Syrup”

“Ok Sir, may I have your name please”

“Ronan”

Yung nakasulat sa cup ko, “Hi Ronan” tapos smiley at heart. Weeew!

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng bagong realease na magazine namin ng biglang may lumapit sa kinauupuan ko.

“Hi, alone?” tanong niya, nag-angat ako ng tingin, a hot chinito guy na kamukha ni Randy See ang nasa harap ko.

“Yeah” matipid kong tugon habang patuloy na nagbasa ng magazine.

“Mind if I join you?”

“Not at all” umupo nga siya.

“I’m Marco, you are?” sabay abot ng kamay niya. Di ako nakipaghandshake busy ako sa pagbuklat ng mga pahina.

“Ronan”

“You’re Chinese?”

“Filipino Chinese, I’m Ronan Joseph Go. Chinese ka rin?”

“Fil Korean, Marco Kim”

“Ah”

“May gagawin ka, tara hangout tayo”

“Busy ako eh”

“Mukha nga, can I get your number?”

“Why?”

“Para matext kita, para makilala natin ang isat-isa”

“Why?” tanong ko ulit.

“Para maging friends tayo”

“And?”

“Ang kulit mo, ang cute mo, I like you”

“So?”

“I like you, may boyfriend ka na?”

“Wala”

“Ayos”

“Ayos ang alin?”

“Single ka, single ako, baka pwedeng manligaw”

“Hokage ka rin noh, sorry pero hindi, I chose to be single now. I don’t entertain suitors”

“Wag magsalita ng tapos”

“You’re barking at the wrong door, at the wrong place at the wrong time”

“Wow, oh sige nice meeting you Mr. Go”

“K”

Before ako magpunta ng Japan ay lumabas na yung results ng APE namin plus the HIV Test. Negative ako sa HIV, at ok lahat ng results ng APE ko. What’s the bad news, Possitive si Travis sa HIV. Yun na siguro ang consequences ng kapusukan niya, di kasi nakuntento sa isa. Tandaan parin natin ang simpe ABC, Abstinence, Be Faithful hindi yung kung sinong matipuhan mo tuwad agad, subo agad, lunok agad. Isipin mo naman yung sarili mo, kaya nai-stereotype tayo sa ganun dahil marami sa atin ang di natututo. Pag tinamaan na ng libog nasa paanan na natin ang utak natin, at saka tayo magsisisi sa huli. Use protection always – Condom, hindi naman masakit sa bulsa pag bumili ka diba. Buti nalang talaga di ako nag give-in makipagsex kay Travis after na nahuli ko siyang may kasex na iba, kundi baka positive narin ako.

Nagpunta nga ako ng Japan para magsoul searching, nung una naaalala ko pa yung mga panahon na nag-Japan kami. Pero nung lumaon ay nakalimot na ako. 6 months ako sa Tokyo at 6 months sa Beijing. July noon ng makatanggap ako ng tawag sa Pilipinas informing me na patay na raw yung taong nabangga ko. I was so devastated that time, shet nakapatay ako ng tao. OMG, I’m a killer now. Nahihirapan akong matulog everynight, nababother ako sa pagtulog ko. Walang araw na di ako nagigising pag alas tres, balisa at umiiyak. Tapos bigla nalang siyang nagparamdam sa panaginip ko.

“Wag mong sisihin ang sarili mo, kasalan ko yun. Tumawid ako kahit na alam kong maling tawiran yun. Ganun talaga alam mo na ngang mali gagawin mo parin, at maniniwala ka paring tama. Ok na ang lahat, maraming salamat sa lahat ng tulong mo. Maraming salamat”

Gumising ako na umiiyak pero yung bigat ng damdamin ko ay wala na. Parang nakalaya na ulit ako sa hawla. Bakit kasi ganun noh, alam na nga nating mali gagawin parin natin. Bakit masarap ang bawal?

Naging diversion ko nga noon ang magbasa, at napadpad ako sa isang blog – Letters Sent to Heaven. Ang galing ng author/writer ng blog na yun. Naiingit ako sa taong pinag-aalayan niya ng mga sulat na yun. I want to meet him, sa mga sulat palang niya ay parang naiinlove na ako. Naks ano ba yan buwisit, career over love. Masaya maging single.

Isa sa mga favourite kong letter niya ay yung day 21. Nakakarelate ako dahil hubby yung tawag din niya dun sa pinagsesendan niya ng sulat. Kahit nasa langit na yung hubby niya ay ang swerte parin nito.

Day 21:

Hi Hubby, day 21 na na wala ka. Paano ba? Mukhang di na talaga ako masasanay na wala ka. Ano bang sasabihin ko sayo today. Ah, oo nga may pinag-aaral pala ako. Tinutulungan ko siyang makatapos sa kolehiyo para naman may maganda siyang kinabukasan. Nga pala bigla kong naalala yug araw habang papalubog ang araw sa Diliman at kasalukuyang binabalot ng paparating na gabi ang Palma Hall, tinanong mo sa akin kung bakit maraming moon yung Jupiter. Ang weird mo noon, andami mong bakit na pinagsasabi. Bakit ang gwapo ko, bakit ang hot ko, bakit ang talino ko, bakit ka nainlove sa akin, anong flavour ko. Nagdikit ang mga kamay natin at dahil nga galing kang computer lab noon ay merong natirang static electricity sa katawan mo kaya nagka-sparks tayo. Sinagot kita kung bakit maraming moon ang Jupiter at naniwala ka naman sa paliwanag ko. Sabi mo ayaw mong maging Jupiter, gusto mo Earth ka para iisa lang ang Natural Satelite mo at yun ay ako.

 

Sayo lang iinog ang mundo ko, maghihilaan tayo, ako magbibigay liwanag sayo, magtutulungan tayo. Tinatanong ko parin ang sarili ko kung bakit pinakawalan kita, kung bakit lumayo ako sa orbit, kung bakit gusto ko mag-sarili. Ngayon alam ko na, wala na pala akong kwenta kung lumayo na ako sa mundo. Ginawa pala ako bilang natural satellite mo at ako’y sayo at ikay akin lamang. Walang kwenta ang buwan kung wala na itong Earth na pagsisilbihan. Sana nandito ka parin, sana naririnig ko parin yung tawa mong nakakahawa.

 

Ok lang na kumain ako araw araw ng sunog na itlog at uminom ng mapait na kape. Okay lang kung masunog mo yung damit ko dahil di ka marunong mamalantsa. Okay lang kung magastos ka, ok lang kung may tunog yung utot mo at mabaho. Ok lang kung matagal kang maligo at minsan ay papasok nalang ako sa University na wisik wisik technique lang dahil sobrang tagal mo sa banyo. Sabi mo nga kahit di ako maligo, papable parin ako. Ok lang na maging modelo ako sa mga portraits mo at pinapagaya mo sa akin si dakilang Oble habang enjoy na enjoy kang iguhit ako ng nakahubad baro. Ok lang ang lahat, basta nandito ka, bastat kasama lang kita. Pero paano ba, paano na? Masakit parin, sana di ko nalang pinakawalan yung bagay na mahalaga. Nagsisi akong isinauli ko yung singsing sa iyo, ibig sabihin lang iyon ay di ko pinahalagahan yung taong nagpahalaga sa akin. I’m sorry, I’m sorry.

 

Everytime of everyday parang inuusig ako ng konsenya ko, napakawalang kwenta kong tao. Di ko man lang pinahalagahan yung 7 years na pagmamahal mo sa akin, pagmamahal mo without asking anything in return. Selfish kasi ako, nagmahal ka ng maling tao. Sana mareincarnate ka hubby ko, sana bumalik ka. At sa pagbalik mo, sana ako parin ang piliin mo. Di man ako maalala ng isip mo, sana pumintig parin para sa akin ang puso mo.

What a sweet letter, umiiyak nga ako ng mabasa ko yan. Parehas kami nung hubby niya, di marunong sa gawaing bahay, matagal maligo, magastos lahat na ata. Ang swerte nung patay, pinapahalagahan pa. Kailangan pa talagang mamatay para lang masabi mong mahal na mahal mo siya?

Umuwi ako ng Pilipinas para harapin ang buhay, hindi na ako bumabata, tumatanda ako at maraming responsibilidad na nakasabit sa pangalan ko. Magreresign na si Mommy at ako ang napusuan niyang pumalit sa kanya. Ang una kong ginawa ng nasa Pilipinas ako ay ang bisitahin ang puntod ng taong nabangga ko. Dumiretso muna ako sa McDo sa Katipunan bago magpuntang Loyola. Nag-order ako ng Burger McDo, Fries, Monster Float at Apple Pie, matapos ang order na yun ay tumungo na ako sa aking paroroonan dahil nakabili naman na ako kanina ng kandila at mga bulaklak. Habang nasa biyahe ini-on ko yung stereo.

There she goes infront of me

Take my life and set me free again

We’ll make a memory out of it

Holy road is at my back

 

Don’t look on, take me back again

We’ll make a memory out of it

We finally fall apart and we break each others hearts

If we wanna live young love, we better start today

 

It’s gotta get easier, oh easier somehow

Cause I’m falling, I’m falling

Oh easier and easier somehow

Oh I’m calling I’m calling

 

And isn’t over unless it is over

I don’t wanna wait for that

It’s gotta get easier and easier somehow

But not today, not today

“Oooh I love this song!” tugon ko sa sarili ko.

Nakarating na nga ako sa Loyola at tinungo ang puntod ng taong nabangga ko. Nakita ko nga ang puntod niya at nakaukit doon sa lapida “Simone Francis Dela Rosa, Born: February 13, 1983, Died: July 07, 2016”

“Hi Francis, may dala ako para sayo. Favorite mo, burger Mcdo, fries, monster float at apple pie. Sorry ngayon lang ako nakadalaw, at sorry hah kundi sana sa akin wala ka pa diyan sa heaven ngayon. Sana masaya ka na, sana payapa ka na diyan. Ang swerte mo, di ka na nakakaramdam ng pain. Can you please teach me how to be you?” saka ako ngumiti.

Sinindihan ko yung kandila saka nagdasal ng taimtim. Inilapag ko na din yung bulaklak, blue roses ang ibinigay ko.

Matapos nga noon ay umalis na ako, medyo nakalayo na ako ng kapain ko ang aking bulsa. “Shoot, naiwan ko yung cellphone ko nailapag ko ata dun kanina”. Bumwelta nga ako para bumalik dun sa Loyola, dali-dali akong naglakad pabalik sa puntod ni Francis baka kung may makakuha ng phone ko. Sa di kalayuan may natanaw akong naka-white shirt at shorts doon. Medyo kinabahan ako baka nakuha na niya ang cellphone ko, lumapit nga ako at kung anong sumunod na nangyari ay nagpatigil sa akin. Narinig ko siya.

“Hi hubby, kung di sana tayo naghiwalay 8th anniversary na sana natin ngayon. Happy Anniversary Hubby ko, and forever kitang magiging Hubby. Andami talagang nagmamahal sayo, tignan mo may burger Mcdo ka, may Blue Rose pa talaga diba favourite mo yun? Hubby kung time na para mag-move on ako at magmahal ng iba sabihin mo lang ha, bigyan mo ako ng sign”

Pagkasabi niya noon ay biglang humangin ng malakas, kumidlat at kumulog saka bumuhos ang malakas na ulan. “Hubby eto na ba yung sign, tang ina naman ang bilis. Not today please”

Dali dali kong kinuha yung phone ko kaya nagtaka siya ng makita ako. Tumakbo ako papunta sa isang silong, basa na yung white na polo ko. Sumunod siya sa akin dun sa silong at nagtataka parin siguro kung sino ako. Panay ang titig parin niya sa akin, nagtititigan kami walang gustong paawat.

“Ok ok, talo na ako” sabi ko.

“Sino ka, ba’t andun ka kanina sa puntod ng hubby ko”

“I’m a friend, binibisita ko lang siya”

“Ah, ba’t di ka niya napakilala sa akin nun”

“Recent lang kami nagmeet bago ang aksidente. Nasa Beijing ako ng mabalitaan ko ngang pumanaw na siya. I’m so sorry”

“It’s ok”

“I’m Ronan Joseph Go” sabay abot ng kamay ko.

“Franco, Howard Franco Villanueva”

“Ang swerte niya no, kahit nasa heaven na siya marami paring nagmamahal sa kanya” tugon ko, he just smiled at me. Yung smile na yun para akong natutunaw. Takte nalove at first sight ata ako sa lalakeng to. Shit ano ba to, pinaglalaruan ba kami ng Universe.

“Bakit kaya maraming moon yung Jupiter? Bakit kaya may mga buwan na pilit lumalayo sa orbit?” out of nowhere kong tanong, nakita kong nabigla siya sa sinabi ko. Gulat na gulat yung facial expression niya.

“Why? May masama ba sa sinabi ko?”

“Wala naman, ganyan din kasi ang sinabi ni Kiko sa akin nun”

“Ah ganun ba, nabasa ko lang naman sa isang blog yun Letters Sent to Heaven. Ang galing ng sumulat nun, hanga ako sa kanya. Actually sa mga sulat palang niya crush ko na siya” pahayag ko na bigla

niyang ikinatawa ng malakas.

“Bakit, anong nakakatawa sa sinabi ko?”

“Wala”

“Ano nga?”

“Ako kasi yung sumulat nun”

“Ikaw si Prof. Howe?” tumango lang siya. “Tang ina” namumula na ako sa hiya noon. “Kunwari wala ka nalang narinig kanina.”

“Ok lang, salamat sa pag-apprecitae” pulang pula na ako talaga. Omay shit, paano na to edi in lababo na ako sa kanya agad, nalove at first sight na nga tapos nalaman ko pang siya si Prof. Howe na sumulat ng favourite kong Day 21 Letter. Universe, bakit? Bakit mo kami pinaglalaruan?

“Mukhang tumila na ang ulan, tara!” aya niya, “Saan ka, hatid na kita”

Wow, ano to bakit ang bait niya. Assumera bes?

“Ah, may dala akong kotse eh”

“Ganun ba, magkape muna tayo ayos lang ba yun?”

“Eh hindi ako nagkakape eh” palusot ko para makaiwas na sa awkwardness at sa mga titig niyang umaakit sa akin.

“Kunin ko nalang number mo”

“Ah wala akong cellphone eh”

“Eh ano yang hawak mo?” sabay turo niya sa Iphone ko.

“Ah camera”

“Wow, hindi ka magaling magsinungaling noh” hinablot niya ang cellphone ko.

“Password dali na” binuksan ko nga, nagdial siya saka siya nag-call.

“Oh ayan ok na”

“Oh tapos?”

“Hang out tayo one time, para naman mas makilala mo yung crush mong writer ng Letters Sent to Heaven” saka siya kumindat.

Inirapan ko lang siya.

“Are you flirting with me?” tanong ko.

“Not today!” saka siya ngumiti at naglakad na paalis.

“Not Today Too” tugon ko sa sarili ko.

---

“Kuya, kuya, tanghali na gising na po” rinig kong sabi ng kapatid ko habang patuloy siya sa pagyugyog sa akin.

“Hmmmmmn” maikli kong tugon.

“Kuya bangon na po, nasa labas po yung girlfriend niyo”

Pagkariig ko nun ay para akong timang na biglang bumangon, lumabas ng kwarto at akmang lalabas na ng bahay, ng malala ko.

“Putang ina, wala akong girlfriend. Chuchay!” sigaw ko.

Lumapit naman ang makulit kong kapatid na tatawa-tawa, kita mo pa ang mga ngipin niyang bungi-bungi. Kahit bungi yun, love ko yun at matalino yun at masipag sa pag-aaral.

“Chuchay!” sigaw ko ulit.

“Hahahaha, o edi napabangon ka agad galing ko noh. Pengeng baon kuya”

“Hay naku ang bunso ko talaga, next time wag mo na uulitin yun ah” tumango lang ito saka ko inabutan ng bente pesos.

“Kuya, wala po bang magandang happy meal toy ang McDo ngayon? Isang taon na po na wala kang binibigay na happy meal toy”

“Hayaaan mo pag may maganda ulit, bibilhin ko lalo pa at may trabaho na ulit si Kuya”

Ngumiti nalang ang kapatid ko.

Ba’t ganun nalang ang naging reaksiyon ko ng marinig kong nasa labas ang girlfriend ko, naniwala talaga ako. Kahit alam ko naman na wala akong girlfriend, na wala na akong girlfriend. Hiniwalayan niya ako dahil too good to be true daw akong lalake, masyadong mabait at maintindihin. Pag inaaway daw niya ako, tahimik lang ako, wala akong thrill at di mo man lang daw siya maaya mag-sex. Para daw siyang patay pag kasama ako, kaya ayaw na niya at hahanap daw siya ng bago na magpapabuhay sa katawang lupa niya. Minsan nga di ko rin maintindihan ang mga babae, pag mabait ka sa kanila, inaaway ka. Pag inaaway mo sila, iiyak-iyak, ano ba talaga- di mo alam kung saan lulugar pa. May mga babaeng naghahanap ng goodboy, pag nakahanap sasabihing boring. May mga babaeng mahilig sa fuckboy, pag iniwan at nabuntis iiyak iyak at magsisisi. Kaya naman, pinili ko nalang maging single para walang complications. Family first at studies 1st nalang. Ang masakit dun ay ipamukha nilang masyado kang mahirap para maging boyfriend nila. That you cannot live by love alone, hindi sila mabubuhay sa charm mo oh sa titi mo lang.

Oo, mahirap lang kami pero hindi yun dapat basehan para iwan ka nila. Tanga ka na kung mahirap ka na nga tapos hahayaan mo nalang na mamatay ka ring dukha. Mahirap nga ako pero may pangarap at kahit anong mangyari ay pagsisikapan kong abutin ito. Di ko nga alam kung paano ko tutuparin yung challenge ni Sir Franco sa akin, paano ako sasablay, paano ako magiging Summa. Kaya ko kaya?

Napaka-swerte ko dahil may isang Sir Franco na naniwala sa akin. Binigyan niya ako ng trabaho at siya pa ang nagbabayad ng tuition fee ko. Ngayon ko lang naramdaman tong ganitong feeling na kahit kailan ay di ko naramdaman noon. Iba ang nararamdaman ko sa tuwing makita ko si Sir Franco. Sa tuwing magkasama kami parang naka-stop yung mundo ko at tanging yung gwapong mukha niya lang ang nakikita ko at yung malulutong niyang tawa ang naririnig ko. Tinatanong ko nga ang sarili ko kung bakla na ba ako at nababakla ako kay Sir Franco. Gusto ko na ba siya? Mahal ko na ba siya? Hindi kasi mahirap mahalin si Sir Franco, pero this is not the right time para doon – broken parin siya at mahal pa niya si Francis.

Kinuha ko nga ang ibinigay ni Francis sa aking singsing, pinagmasdam ito. Sa unang pagkakataon ay isinuot ko ang isa, kasya ito sa akin. Bakit ganun yung naramdaman ko, biglang bumilis yung tibok ng puso ko at nanlamig ako. At biglang may nag-flash na imahe sa utak ko, ibang tao, hindi si Sir Franco o ni isa man sa mga classmates ko.

Nag-ayos na nga ako ng sarili ko, kumain na, naligo saka nagbihis para deretso na ako sa publishing company na papasukan ko. Sumakay nga ako ng MRT at bumaba sa Boni Station, nilakad ko papunta sa sinasabing building ni Mam Arci. Nakarating ako sa isang mataas na gusali, pumasok ako dito at sumakay ng elevator paakyat. Mukhang tama lang naman ang suot ko kumpara sa mga suot ng mga trabahador doon. Hindi naman ako mukhang basahan oh isang sacrificial lamb. Pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko, ngumingiti naman sila, pero yung mga halatang bi at gays ay malagkit ang tingin sa akin. Na animoy gusto nila akong hubaran.

Sinalubong nga ako ni Mam Arci, “Oh Hi Dwight, welcome sa office namin. Tamang tama andito yung CEO ng kumpanya, tara sama ka papakilala kita.”

Tumango nalang ako at sumama sa kanya.

Nagtungo kami sa opisina ng boss, pagpasok namin ay nakatalikod siya kaharap ang glass window, medyo mataas kasi ang upuan nito kaya di ko nakita agad at halatang may kausap sa telepono.

“Sir Goodmorning, nandito na po yung bagong Trainee slash Junior Writer natin” bati ni Mam Arci.

“I’ll just finish this call” sagot niya kaya nanatili kaming nakatayo. Makaraan ang ilang minuto ay humarap na siya sa akin at nabigla ako sa nakita ko. Pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita dati, kung kelan ko nakita yung mukhang yun. Bigla nalang nagpop out yung scene kaninang umaga ng isuot ko yung singsing na bigay ni Francis. “You gotta be kiddin me, siya yun” tugon ko sa sarili ko.

“Good morning Sir, I’m Dwight Arvin Rentegrado, nag-aaral po sa UP Diliman Creative Writing course sa Arts and Letters”

“Hi Dwight, I’m Ronan Joseph Go the New CEO. Welcome sa Publishing Company namin, hope marami kang matututunan. Ah Arci, sino na nga bang nagrecommend sa batang ito?”

“Yung professor niya po, si Sir Franco. Howard Franco Villanueva” sagot ni Mam Arci, at nakita kong parang nagulat si Sir Ronan.

“Wow, Prof. Howe, the Letters Sent to Heaven writer” tugon niya kaya nag-smile ako. “How was he as a Professor, is he good?”

“Opo, he’s one of the best sa Arts and Letters”

“Ah ok, you can go now Mr. Rentegrado”

Tumango nalang ako saka umalis sa kwartong yun. Bakit iba yung nararamdaman ko, para akong nilalamig, kinakabahan, naiihi, natatae, bumibilis ang tibok ng puso ko na parang ewan sa kakalundag. That man, he has a hypnotizing chinito eyes and energy drowning aura. Para siyang Chinito Christian Grey shet. He’s like a more mature version of Patrick Shaun Yu. Matangkad, makinis, maputi, Chinito, red lips, lean and fit, anak mayaman, walang facial hairs, definitely hot. Bakit naattract na ako sa mga lalake ngayon, bakla na ba talaga ako. Inihatid nga ako ni Mam Arci sa desk ko at pagkaupo ko palang ay nagpakilala na silang lahat sa akin, lalo na yung mga lalakeng panay ang titig sa akin simula palang. Mukhang mabait naman silang lahat ng biglang may narinig akong tumawag sa akin.

“Dwight, sama ka sa amin we have a story gathering today” tugon ni Sir Ronan.

Tumango nalang ako.

“Mukhang type ka ni boss” pahayag nung nasa katabing desk.

“Lah, hindi noh” sagot ko.

“Who knows brother, single yan si Sir Ronan. Mabait yan, mayaman, matalino, ano pang hahanapin mo diyan? Hindi nga siya babae pero kung mahalin niya si Sir Travis noon, daig pa ang sa babae.”

“Not Today brad he’s in his 30’s and I’m 19, oh sige mauna na ako, ano na nga ulit pangalan mo?”

“Timothy”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Not Today (Part 2)
Not Today (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhG1QoxryA1Fqd7Ox5u4GDg6pU8Msyyne9qyYcVDmWoLTJIEnyY5mjgcNXqNaRDK9smllEvqnsMprBoVA8axcHe9vN9jC6OSVYM46TXznXugFcA0MVlPZ4nnhgLYv2vPjauYwcNVYt7nmxC/s320/EJ+Meon+Liwanag+died+in+a+car+accident.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhG1QoxryA1Fqd7Ox5u4GDg6pU8Msyyne9qyYcVDmWoLTJIEnyY5mjgcNXqNaRDK9smllEvqnsMprBoVA8axcHe9vN9jC6OSVYM46TXznXugFcA0MVlPZ4nnhgLYv2vPjauYwcNVYt7nmxC/s72-c/EJ+Meon+Liwanag+died+in+a+car+accident.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/08/not-today-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/08/not-today-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content