By: Prince Zaire Kinagabihan nanaginip ako na nasa isang lugar daw ako na puno ng puting rosas at mga paru-paro. Agad akong nagising balisan...
By: Prince Zaire
Kinagabihan nanaginip ako na nasa isang lugar daw ako na puno ng puting rosas at mga paru-paro. Agad akong nagising balisang balisa, di ko alam ang ibig sabihin pero si Samuel agad ang pumasok sa isipan ko. Kaya naman tinawagan ko siya.
“Uhhhhhm” tugon niya.
“Bok san ka?”
“Sa apartment, bok naman eh natutulog na ko. Alas dos palang ng madaling araw oh ano ba naman yan, miss mo ako agad”
“Sige tulog ka nalang ulit, I just had a bad dream”
“Ako good dream panira ka lang, andun na eh. Kinakasal na tayo sa New York oh, naghohoney moon na tayo sa Maldives, pasok na oh, tusok na tusok na, panira ka talaga”
“Sorry, tulog ka nalang ulit”
“Love you baby ko”
I ended the call at natulog narin.
Kinabukasan ay hinatid ko siya sa airport at habang nagdadrive siya ay napansin ko ang kumikinang na bagay sa palasingsingan niya. Nagtataka ako nun, nagkabalikan ba sila ni Mica? Kaya naman biglang uminit ang ulo ko.
“Stop the car” tugon ko.
“Ha?”
“I said stop the car!” bulyaw ko sa kanya.
Itinabi nga niya ang kotse sa kahabaan ng EDSA. “Ano nanamang problema mo? tanong niya.
“What’s with the ring, nagkabalikan na ba kayo ha? Putang ina mo gago ka wag mo kong pinagloloko” at pinaghahampas ko siya.
“Nak ng teteng tanga tanga, nakalimutan kong tanggalin”
“You liar, you’re cheating on me”
“Hindi ah”
“Palusot ka pa at gigilitan ko yang leeg mo”
“Sinabi nang hindi eh”
“Then what, give me an acceptable explanation”
“Panira ka ng diskarte eh”
May kinuha siyang maliit na box sa bulsa niya saka niya inabot sa akin na naka simangot. “Ohhh”
Binuksan ko ito at nakita ko ang kapareha ng singsing niya. May naka-engrave pa talaga ditong “C&S”
“Happy? Satisfied?” tugon niya.
Nginitian ko lang siya saka binigyan ng matamis na halik at yakap.
“You’re impossible, panira ka ng diskarte sa airport ko pa sana ibibigay yan eh para naman may drama”
“Eh di ko alam eh”
“Kaya nga surprise diba? Tssssss”
“Oh siya tara na malelate ka na sa flight mo”
“Hmmmmmnft”
“Wag ka na magtampo, tatanga tanga ka naman kasi”
“Gago”
Sineseduce ko nalang siya saka ko hinawakan yung pag-aari niya na nagpaturn-on sa kanya. Habang nagdadrive ay inumpisahan ko siyang i-bj. Di ko alam kung paano kami nakarating sa NAIA ng matiwasay. Tuloy siya sa pagdadrive habang subo subo ko siya. May mga instances na bigla bigla nalang siyang magbubusina o di kaya gegewang gewang yung sinasakyan naming. Ayun sumabog siya, ang intense.
On their 1st week of operation, ayus pa naman ang lahat, regular pa siyang tumatawag. Regular ang kumustahan na nauuwi sa S.O.P.
It was a Friday at ang lakas ng ulan, di rin maganda ang gising ko dahil napanaginipan ko nanaman ang lugar na maliwanag na may mga puting rosas at paru-paro. Pumasok ako sa ospital na balisa, walang text o tawag mula kay Samuel though nasabihan niya naman ako na magiging busy na sila. Ang sama ng pakiramdam ko, ang bigat sa dibdib at parang kinakabahan ako na di ko mawari. Nagpunta ako sa rooftop para pakalmahin ang sarili, after how many months I started lighting a cigarette again.
Pag sapit ng gabi di parin mawala yung bigat ng nararamdaman ko. It gets worse nung nabitawan ko pa yung hawak kong baso. I tried picking it up pero nasugatan lang ako.
“Damn it bastard”
9:00 PM tumawag sa akin si Ninong Sonny.
“Cedric, may ililipad kaming dalawang pasyente diyan malubha ang kondisyon. Sana maagapan mo, binigyan na ng paunang lunas ng mga doctor dito”
“Sige po Ninong” pagkababa ko sa telepono ay siya namang pagpasok ni Martin sa office ko.
“Cedric kaya mo ba mag-perform ng surgery ngayon wala tayong mga neuro-surgeons. May isinugod na bata na tinamaan ng stray bullet medyo critical ang lagay niya. Nakapirma na ng consent yung mga magulang, ikaw nalang inaantay. Meron din isa pang sinugod na pasyente, extreme abdominal pain naman at kailangan din i-open”
“You do the latter, I’ll call my Dad to perform the operation for the kid. May dalawa pa akong pasyenteng ililipad dito mula Mindanao”
10:30 PM ng makarinig ako ng sirena mula sa dalawang ambulansiya, ito na siguro ang sinasabi ni Ninong Sonny. Dali-dali akong tumakbo papuntang s lobby at doon ay tumambad sa akin ang duguan at naghihingalong katawan ni Samuel at Sgt. Major Tabora. Napatakip nalang ako sa bibig ko sa aking nakita at halos gusto ko nang kainin nalang din ako ng lupa. Parang tumigil ang mundo ko, bumagsak ang lahat. Ito na ang pinaka-kinakatakutan ko.
“Nurse, ATLS, perform the tests now” sigaw ko.
Pinasok namin sina Samuel at Simone sa operating room. Ibang surgeon na ang umasikaso kay Sgt. Tabora.
“Doc, it’s a miracle he’s still breathing. He has a lacerated lung, a gunshot in the heart, a badly shot kidneys. What do we do, he has a thin chance of survival” pahayag ni Dr. Ramos.
“Nothing” nanlaki naman ang mata niya at nagulat ang baguhang doctor sa sinabi ko.
Alam ko na ang susunod na mangyayari, multiple organ failure, maybe cardiac arrest or a hypovolemic shock. Meron siyang massive hemothorax at pericardial tamponade which are both critical. Hayop ang gumawa kay Samuel nito, talagang sinigurado nilang di na siya mabubuhay.
“Doc Cedric”
“I made a promise to him, so we will not be doing anything”
“Pero Doc” pagkasabi niya yun ay tumunog ang pinaka kinakatakutan kong tunog. “Doc” sigaw ni Dr. Ramos. Umiling lang ako. Siya he tried reviving him, triny niya idefibrillate pero wala na talaga. Ako hinawakan ko lang ang kamay niya at pansin ko na putol ang palasingsingan niya. Nakita ko na suot parin niya yung amulet kaya pinigtas ko ito.
“Bok bitaw na, masyado ka nang nahihirapan. Alam kong tiniis mo ang pagpunta pa dito para pormal na magpaalam. Bok, I’m letting you go” pagkasabi ko nun ay binawian na siya ng buhay at dun ay tuluyan na akong humagulgol kaya naman inawat ako ni Dr. Ramos.
“Time of death 11:11 PM”
Sana pwede akong magwish, hilingin na bigyan ka niya ng ikalawang buhay. Sana ipahiram ka niya sa akin ng mas matagal.
“Doc paano yung mga bala sa katawan niya?”
“Let the forensic doctors do that” sabay tayo ko at alis ng operating room.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Dr. Ramos.
”I will save his comrade” sabay punas sa mga luha ko at nagtungo sa kabilang operating room.
“Kakayanin mo pa ba? Durog na durog ka na, you need to grieve”
“I have many time to do that, I’m still under oath. I need to save his comrade”
Tumungo ako sa kabilang OR at nagulat silang lahat na nandun ako. Pansin din ni Martin na namumugto ang aking mga mata.
“Anong progress” tanong ko
“Why are you here, kaya na namin to. Are you alright”
“You need me here this is my expertise. Don’t worry about me, malayo to sa bituka” pagkasabi ko nun ay nagbuzz ang aparato.
“Doc we’re loosing his vitals” pahayag ni Nurse Renz.
“Check the airways, breathing and circulation. Are there any signs of Trachea deviation?”
“None” sagot ni Martin.
“Bantayan ang airways to prevent a possible hypoxia”
“Cedric, he has an open pneumothorax”
“Sterile occlusive dressing Nurse, tape only 3 sides”
“Renz, 14 gauge needle. I need to decompress this” pahayag ni Martin.
“28 french chest tube”
“Forceps & gauze” utos ni Martin. “Turn on the ESU” dagdag niya.
“Natanggal ko na yung bala” tugon ko.
“Bovie” utos ni Martin.
“Initiate IV and blood transfusion to prevent possible hypovolemia” dagdag pa ni Martin. Kahit papano ay nag-smile ako dahil alam na niya ang ginagawa niya at wala na siyang takot.
“Renz bilisan ang transfusion” utos niya.
“Doc, bumubuti na po yung lagay niya”
“Good, pero wag tayong makampante, he has still a bullet in his spine” tugon ni Martin.
“Suture”
Naging stable nga ang kondisyong ng pasyente at nang lumabas kami ng operating room ay napaupo nalang ako sa hallway at saka umiyak ng umiyak habang hawak hawak ko ang dogtag ni Samuel. I saved his comrade, but not him.
Tuloy tuloy parin ang pag-agos ng luha ko kaya naman di ko na namalayan na nasa tabi ko na si Martin. He offered his handkerchief kaya naman kinuha ko ito.
“You’re doing good Dr. Abrahano, my Dad will be proud of you”
“Thanks to you”
I just smiled
“Ok ka na?”
Umiling lang ako, dahil totoo naman na hinding hindi na ako magiging ok.
“Ilabas mo yan kahit papano pag iniyak mo yan gagaan yan”
“Ba’t ganun, wala akong nagawa kundi ang panoorin siyang mamatay. Is that the best I can do, fuck this life. Wala akong kwentang doktor”
“Ssssh, don’t say that. You’re not God, doctor lang tayo. Di natin kayang bumuhay ng patay”
“But….” He cut through
“Wag mong sisihin ang sarili mo. Alam nating lahat na pagpasok na pagpasok palang ni Samuel sa pintuan ng ospital na to, alam nating lahat na di niya masusurvive. Grabe ang ginawa sa kanya, ang tibay nga niya eh. Sinigurado niyang makita mo siya na humihinga pa siya kahit na nahihirapan na siya. He could’ve let go papunta palang dito, pero kumapit siya, lumaban siya for you”
“Nagawa pa niyang hawakan yung kamay ko”
“See, that’s how he loves you. Kahit nahihirapan na siya hindi siya bumitaw hanggat di mo sinasabi”
“I still felt guilty, sana pinigilan ko siyang sumabak dun”
“Sa tingin mo magpapapigil siya. It’s his vocation at gaya nga ng sinabi mo hindi na siya takot mamatay. Mas takot siyang mawala ka sa kanya”
“Sa puntong ito di narin ako natatakot mamatay”
“Cedric!”
“Why are we afraid to die when some people are out there willing to be a sacrificial lamb. This is so unfair”
“We are so attached to the goodness of the material world that’s why it’s hard for us to just let go of our possessions. We should not be afraid of death, we should be afraid of the uncertain. You spent good times with him, you should be thankful of it”
“Good short times”
“Hindi yan sa tagal Cedric, it’s all about the memories and the moments you shared. Gaya nga ng sabi mo, mahirap kalabanin ang oras.”
“You really did change Martin, napaka positive na ng outlook mo”
“Thanks to you again” kahit na lumuluha ako ay tinitigan ko siya, di ko magets yung gusto niyang iparating.
“Yes you, Kyle Cedric Sy Castaneda. A positive person like you can influence everyone. You’re spreading good vibes & goodness. Nakita namin yung glow mo this past months. It’s contagious”
“But now my light is exhausted, it will never glow again. Pundido na ako”
“Just smile you’ll glow again”
“Tara kain tayo, it was definitely been a bad long day”
“Sigurado ka, paano si….”
“Don’t worry di naman siya aalis dun”
Pagkauwi ko ng bahay sinalubong ako nina Mom & Dad.
“We heard what happened, I’m sorry for your lost son”
Humagulgol nalang ako.
“Ssssssh, tahan na, this too shall pass the pain will go” pahayag ni Mama.
“But the scar will remain forever” sagot ko.
“We’ll talk about cosmetic surgery later on, kakausapin ko nalang si Vicky”
“Ma naman eh”
“Pinapatawa lang kita anak”
“So anong plano mo ngayon?” tanong ni Dad.
“I’ll arrange his wake tomorrow, 3 days siya dito bago ibiyahe sa province nila. Nakausap ko na mga magulang niya, pumayag naman sila sa ganong setup”
“We’re at your back son”
“Dad I think I’m not worthy to be a doctor anymore. I just watched him in there, I watched him die. Did nothing but hold his hand and cry. It may be a ground for malpractice and if Dr. Ramos will testify I might lost my medical license”
“Let’s not talk about that, you have me son. You’re just devastated, pero bat di mo sinubukan man lang?”
“Alam na naming lahat na pagpasok palang niya sa hospital door, inaantay nalang niya na bawian siya ng buhay. Pumunta lang siya dun para magpaalam. He has a lacerated lung, a badly shot kidneys, plus a gunshot in the heart. He was terribly butchered, putol ang daliri bali ang buto sa paa. How was that, mga demonyo lang ang pwedeng gumawa nun. I made a promise to him, na sakiling ganun nga ang mangyari sa kanya ang gagawin ko lang ay hahawakan ko ang kanyang mga kamay. I just did- I played it well”
“Pero may ginawa naman si Dr. Ramos?”
“He tried saving him, but it didn’t work, the defibrillator didn’t work this time”
“Now I understand, I’m proud of you son you still manange to remain at ease even at your most vulnerable. You even tried to save his comrade. It’s hard to keep a promise, but you just did”
“Dun lang naman ako magaling Dad eh to keep a promise. But to keep him alive I’m not good enough.”
“Sssssssh,” niyakap nalang ako ni dad.
“How was the kid?” tanong ko.
“Go to rest, don’t mind others business”
Sa sobrang pagod ko ay di ko na nagawang maligo kahit duguan ang damit ko. Nakatulog na nga ako at napanaginipan ko nanaman ang lugar na maliwanag na may mga puting rosas at paru-paro. This time andun na si Samuel, nakangiti siya at mukhang masaya. Nagsalita siya sa panaginip ko.
“Bok, pasensya ka na ah wala eh ganto talaga. Salamat. Salamat at binigyan mo ako ng chance na maging parte ng buhay mo kahit saglit lang. Ikaw na siguro ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. The 1st time I saw you, iba na yung naging tibok ng puso ko. Ang hirap I explain, I even questioned my sexuality. Pero wala eh, nahulog ako sayo. You’re close to perfect, you are the partner everybody wants. And I’m the luckiest guy napunta ka sa akin. Bok alagaan mo yang sarili mo, alagaan mo yung mga pasyenteng nakaasa sa galing mo. Pakitignan narin yung mag-anak ko, ikaw na bahala sa kanila. Wag kang mag-alala sa akin nasa mabuting lugar na ako. Pasyensya ka na at nasasaktan nanaman kita. Pasyensya ka na. Bok, humanap ka ng magpapasaya sayo. I’m setting you free, ayokong maging bilango ka. Hanggang dito nalang” saka ako nagising.
Alas kwatro na ng madaling araw noon, yung yung oras na palagi siyang tumatawag dahil kalimitan dun nagtatapos ang duty ko. Ngayon wala na, wala na ang lahat ng nakasanayan ko. Nagsusumigaw ako sa sakit na nararamdaman ko, kung ano mang mapulot ko ay ibinabato ko. Iyak ako ng iyak, nagwawala, nagsusumigaw. Pati yung glass window papuntang terrace diko pinalampas, binasag kong lahat. Parang kung anong bagyo ang dumaan sa kwarto ko.
Bumukas ang pinto at nakita ko dun si Dad na gulat na gulat. Patuloy parin ako sa pag-iyak at pagwawala. Inaawat niya ako, niyakap pero nanlaban ako. Wala na akong pakialam kung nasasaktan ko na ang tatay ko, kung nasusuntok ko na siya o natutulak. And then suddenly tinurukan nalang ako ni Mama ng pampakalma at nakatulog ulit ako.
“Bumangon ka diyan, ayoko yang inaasal mo. Umayos ka nga” pagkarinig ko nun ay bigla nalang akong napabalikwas at gumising. Nasa guest room na ako nun at wala sa kwarto ko. Sigurado ako, boses ni Samuel yung gumising sa akin, pero wala, wala nang Samuel.
“Sana ganito palagi, sana lagi mo akong multuhin para atleast alam kong nandiyan ka” bigla namang humangin at tumunog yung wind chime sa may terrace kaya napangiti ako. Andun siya ramdam ko, amoy ko ang pabango niya.
Inayos na nga namin ang lamay niya, merong mga honor guards na nagbantay sa kanya. Nasa loob man siya ng ataul ay pansin mo parin ang kakisigan at kagwapuhan niya. Matapos ang ikatlong araw niya sa Manila ay ibiniyahe na namin siya sa probinsiya nila. At nung ika-siyam na araw ay inilibing na namin siya. Full military honors ang iginawad sa kanya.
“Cedric salamat sa lahat” tugon ni Nanay Nelie.
“Pasyensya na po kung ito lang po ang kaya kong gawin. Matatanggap ko po kung kamuhian niyo man ako dahil sa di ko siya naisalba. Wala po talaga akong kwentang doctor”
“Kung ako ang nasa sitwasyon mo ay ganun din ang gagawin ko anak. Ayoko nang dagdagan ang paghihirap niya, sasabihin ko bumitaw na siya at nang makapagpahinga na siya ng matiwasay. Alam naman natin na wala na siyang pag-asang mabuhay pa nun” pahayag ni Tatay Miguel.
“Maraming salamat sa pagmamahal sa anak ko Cedric, di mo lang alam kung gaano mo siya napasaya. Tatanawin naming isang malaking utang na loob ito sa yo. Yung mga ngiting yun ni Leandro, di namin kayang palabasin yun, ikaw lang ang nakakagawa nun. Iba ka Cedric, sayo bahag ang buntot nun, sayo lang siya nagaasal bata at nagpapacute. Ikaw lang ang katapat niya.” Pahayag ni Nanay Nelie.
Kahit papaano ay gumaan ang dibdib ko sa narinig ko.
Kinaumagahan matapos ang burol ay sumama ako kina Nanay sa ilog kung saan ay ipinaanod nila yung mga itim na benda nila sa ulo. Nagsunog din sila ng mga dayami at saka ihinalo sa tubig at ito ang pinangpaligo namin. Naligo rin kami sa ilog, isa daw itong paraan para matangay ng agos ang sakit at pangungulila naming nararamdaman. Kahit papaano ay naibsan naman ang sakit. Nagpaalam na ako sa kanila kinagabihan at bumalik na ako ng Manila. Simula nga noon ay di na ako muling umapak sa operating room or magduty sa emergency room. Madalang na din ang pagpasok ko sa ospital, naiintindihan naman ito ni Dad.
Nagkusa narin akong mag-undergo ng therapy dahil ibang trauma ang naidulot sa akin nun. Madalas akong tulala at mas mabilis na akong magalit. Nababother ako sa mga wang wang ng ambulansya, or even a helicopter sound. Mas lalo na ang sound ng putukan.
Comatose parin si Sgt. Tabora kaya naman mas nadadagdagan pa ang mga frustrations ko. Nag start din akong mag-gym kasama si Martin, sumasali sa mga dance class at yoga class. Kahit papano ay bumubuti rin ang pakiramdam ko. Matapos ang isang buwan ay nagising si Sgt. Tabora.
Ang dami kong gustong itanong sa kanya nun pero its too early to do it. Lumipas ng mabilis ang mga araw at dumating ang araw ng undas. Dinalaw ko ang puntod ni Samuel sa probinsya kasama si Martin at Sgt. Tabora. Dun na nga nagkwento si Simon sa kung anong nangyari sa kanila sa engkwentro. Kahit siya ay sinisisi ang sarili dahil wala siyang nagawa upang iligtas ang kaibigan niya.
“Whats done is done. Wag mong sisihin ang sarili mo. Ginawa ninyo ang lahat ng makakaya niyo. Binuwis niyo ang buhay niyo para sa bayan. Ikaw swinerte pang makaligtas para sa asawa at magiging anak mo. One must die so the others may live”
“Cedric” tugon niya na umiiyak, tinititigan lang ako ni Martin.
“Masaya na siya sa kung nasaan man siya ngayon. Madalas siyang bumisita sa panaginip ko noon at pinapagalitan niya ako. Pero ngayon di na siya nagpaparamdam, dahil alam niyang ayos na ako. Sana ikaw rin, lets not blame ourselves nakakapagod din. Let’s just be happy. Acceptance, dun nagsisimula ang lahat”
Nadatnan kami ng pamilya ni Samuel sa sementeryo. Nagkaroon ng konting salu-salu matapos silang magpadasal at tumugtog yung musiko. Parte kasi yun ng tradisyon nila. Bago lumubog ang araw ay nagpaalam na akong babalik ng Manila.
“Anak sa anibersaryo ng pagkamatay niya wag kang mawawala ah” tugon ni Nanay Nelie. Tumango nalang ako.
Through the healing process kasama ko si Martin. Lagi ko siyang kasama, lagi niyang iniintindi ang mga tantrums ko, ang pagsusungit ko, pagtatampo. Napaka understanding at caring niya. Maraming buwan ang lumipas at ganun na ganun ang eksena at araw araw niyang pinapadama kung gaano ako ka-special sa kanya. Napakamaalaga niya, sweet, pasensyoso. What else can I ask for. Dahil sa kanya ay nakaya kong bumalik sa surgery.
Panay ang labas namin at panonood ng sine o di naman kaya ay dinner. Meron din yung mga times na magiinuman kami sa Condo niya at dun na ako matutulog, sa kama ako sa sahig siya.
One time I confess to him. “I think I like you. I’m falling for you”
Nagulat siya sa sinabi ko at parang nasiyahan siya. Pero suddenly biglang kumunot yung nuo niya.
“Why?”
Umiling lang siya.
“So ano to? Pa-fall ka”
“I love you matagal na, nuon pa lang mahal na kita. Alam mo kung gaano ako nasasaktan pag nakikita kitang masaya sa piling ng iba. But this love is hopeless, I can’t love you”
“But why, duwag ka ba?”
“I just can’t, mali ito sa mata ng Diyos. Sa lahat”
“You made a promise to my Dad?” tanong ko.
Tumango lang siya. Iniwan ko siya doon at dali-daling umuwi ng bahay upang i-confront ang Daddy ko.
“We have to talk” sabi ko.
“Ano yun?”
“I love Martin but he can’t love me back. And it’s because of you”
Nagulat siya sa narinig niya at nagbago yung aura niya. “Come again?”
“I love Martin he loves me, but he just can’t continue loving me the way he wants it”
“That’s ridiculous Cedric”
“Why do you interfere this time?”
“Because it’s not right”
“What do you know about right or wrong? Why not him? Bakit di pwede?”
“Basta, choose someone else”
“But why?” sigaw ko.
“Because he’s your brother, magkapatid kayo”
Nanlaki nalang ang mata ko at nashock ako sa nalaman ko. Brotherly love lang pala ang lahat ng iyon. Shet, masusunog na talaga siguro ako sa impyerno nito kung may nangyari pa sa amin ni Martin buti nagpigil siya nung inaakit ko siya. Shet talaga.
“What the hell, may bastardo kang anak? Does Mom knows this?”
He just nod.
“Well fuck you Dad, I’m ruined again” sabay walk-out.
“Come back here”
Pinuntahan ko si Mama at kinausap siya, she explained to me everything.
“Alam mo na pala eh why did you keep him? Why didn’t you just let him go?”
“I tried escaping the problem son kaya nga tayo nag-migrate noon basta basta sa US diba? But I can’t live without your Dad, I love him so much. Hindi lang asawa ang mawawala sa akin kundi kababata at besfriend narin”
“If she loves you why did he cheated on you?”
Nagkibit balikat lang si Mama.
“So ok lang na sinaktan ka niya, ok lang na nambabae siya at may illegitimate child siya?”
“Anak pag nagmahal ka gagawin mo ang lahat maski na magpakatanga”
“I don’t understand you, Martir ang tawag diyan Ma”
“Cedric you know what? Its not always about letting go, at times its also about holding on. Inisip ko lang kayo noon, mas inisip ko ang kapakanan niyong mga anak ko kesa sa kapakanan ko. And I made the right choice. I don’t want you to feel the burden, I don’t want you to experience a broken family. That’s why I saved the realationship as much as I could. Then he came back to me”
“You’re unbelievable”
“Maiintindihan mo rin pag nagka anak ka na”
“That will never happen”
Nagpakalasing ako that night hanggang sa di na kayanin ng bituka ko. Nagising nalang ako kinaumagahan na nasa ibang bahay na ako. Nasa isang kwarto hubot hubad katabi ang isang magandang babae na mas bata kesa sa akin. Di ko nga maalala kung paano kami nahantong sa ganun.
“Fuck shet” kahit masakit ang ulo ko ay dali dali akong nagbihis at nilisan ang lugar na iyon.
Simula nun ay nagiiwasan na kami ni Martin, di ko rin kinakausap si Dad maliban nalang kong hospital related ang topic. Madalas ay sa unit na ako tumuloy dahil ayoko siyang makita.
Nung mga panahon na yun ay napagdesisyunan kong idivert ang nararamdaman ko sa pagsali bilang volunteer doctor ng UN Medical Team na ipapadala sa Istanbul para sa isang medical mission. I don’t need Dad’s permission for it, hawak ko na nun ang buhay ko at gagawin ko kung ano man ang gustuhin ko.
After Istanbul, I went to Seoul at dun nagpakadalubhasa for months. Nag-aral ako ng iba pang tecniques sa surgery and even reconstructive surgery ay pinagaralan ko narin. Bukod sa cancer treatments and transplant methods ay napag-aralan ko rin gumawa ng kimchi at magsalita at sumulat sa Korean.
Bumalik ako sa Pilipinas nung 1st death anniversary ni Samuel. Kwinento ko sa puntod niya lahat ng frustrations at hinanakit ko. I tried reconcillating with my father also para narin mabawasan yung mga pinapasan ko kaya naman bumalik na ako sa bahay.
Isang buwan din bago ako tuluyang nakabalik sa ospital at pagbalik na pagbalik ko ay isang matinding hamon ang ibinigay sa akin.
I’m going to perform a PFO Closure sa isang kilalang individual, bihirang ginagawa ang PFO Closure dito sa Pilipinas. Kadalasan ay abroad ito pineperform.
“Dad I’m shaking, nangangalawang na ata ako”
“You’re better now son”
Pagod na pagod ako nang matapos ang halos anim na oras na operasyon. Ininda ko ang traffic makauwi lang sa bahay namin. Nanuod pa ako ng TV pero dahil nasanay ako sa mga Korean drama ay nagswitch ako sa internet. Sakto namang isang teaser ng Korean Drama ang pumukaw ng atensyon ko na nagpaalala nanaman sa akin kay Samuel. Isakto mo pa yung scoring ah.
Hinanap ko yung all episodes ng dramang yun at kinabukasan ay pinanood ko maghapon.Tuwang tuwa ako sa palabas, kahit walang English subtitle ay maiintindihan ko ang sinasabi nila. Lalo ko tuloy namiss ang Seoul. Yun lang ginawa ko buong araw. Parang story namin ni Samuel yun, ang kaibahan nga lang bumalik si Big Boss, si Big Bok hindi.
Well ganun naman talaga ang buhay, sinasabi nating unfair pero di natin namamalayan yung times na nagiging fair siya. Mabilis nalang na lumipas ang panahon at ngayon ay naisipan ko namang pumasok sa Academe para ishare ang mga nalalaman ko sa mga aspiring doctors.
Pagpasok ko sa ospital kinabukasan ay sinalubong ako ni Manong Nestor yung guard namin at may karga kargang sanggol.
“Oh manong ba’t niyo naman nilabas yan dito, mukhang bagong panganak palang ah. Apo niyo po ba?”
“Doc hindi po, iniwan po ito ng babae, ibigay ko daw po sa inyo”
“Nasaan yung babae?”
“Nakaalis na po, Cheska daw po ang pangalan. Nagmamadali hinahabol ang flight niya”
Pilit ko naman inaalala kung sino si Cheska at bigla nalang nagflash back yung mukha niya, yung nameet ko sa bar kung saan nagpakalasing ako nung malaman kong kapatid ko si Martin.
Kinarga ko yung bata at nadama ko na agad yung kakaibang feeling. “Ano daw gagawin ko sa batang ito?”
“Alagaan niyo daw po, anak niyo daw po yan Doc”
“What?” nabigla ako sa sinabi niya. Ipinasok ko siya sa Nursery at nilagyan ng tag “BOK” yung nilagay ko.
Pina-newborn screening ko siya at DNA test narin. Kabadong kabado ako sa pwedeng maging resulta ng DNA, nung lumabas. Possitive, ako ang ama ng bata. Pagkakataon nga naman oo, ang hindi mo inaasahang bagay ay darating sa di mo inaasahang pagkakataon. Tadhana nga naman oo. Inuwi ko nga siya sa bahay naming makalipas ang tatlong araw.
“Oh Cedric bat ang aga mo? Ano yang dala-dala mo?” tanong ni Dad na kasalukuyang nanonood ng TV sa sala.
“Asan si Mama?”
“Andun nagluluto. Loi, parito ka nga muna sandali”
“Oh bakit, ui Cedric, ano yang hawak mo?”
“Ma, Dad, meet my son, Sean Prim Isaac Sy Castaneda”
Natulala lang sila sa sinabi ko. “Nag-ampon ka?” tanong ni Dad.
“No, he really is my son” sabay abot ng DNA test na tatlong araw din bago ko nakuha.
“But how?” tanong ulit niya.
“Long story”
“Akin na, akin na ang apo ko” sabay kuha ni Mama sa mahimbing na natutulog na si Prim. “Ay ang cute cute oh, ay ang cute cute naman parang si Cedric nung maliit, pwera usog. Bert mga lolo at lola na ulit tayo”
“What will I do now?” tanong ko.
Tinawanan lang nila ako.
“Tara mamili tayo ng gamit niya, ubusin natin yung savings mo” pahayag ni Dad.
“Dad”
“Ok ako nang gagastos, tara na”
“That’s not what I mean. So what now?”
“Edi maging ama ka sa anak mo, yun lang yun. We’re at your back. Manang, paayos nga ng mabuti yung guest room, linisin niyo ng maigi” pahayag ni Dad.
“Ay kailangan ko tong ibalita sa mga kapatid mo at sa lahat” tugon ni Mama.
“Ma, nakakahiya”
“Ba’t ka mahihiya eh ito ngang pinakainaantay namin sayo. Blessing kaya tong si Prim”
Parang apoy na mabilis kumalat yung balita tungkol sa anak ko. Siya na ngayon ang pinagpupuyatan ko at pinatutuunan ng pansin. Di madali ang pag-aalaga sa kanya lalo pa at kailangan talaga niya ng motherly love na di ko kayang punan. Pero nakakaya ko naman though medyo nagpapanic lang ako pag di ko siya mapatahan.
“Ma, dalhin na ba natin sa ospital to?”
“Naririnig mo ba sinasabi mo Cedric? Doktor ka, doctor ako, doctor din ang Daddy mo? Kailangan pa ba natin ng ospital, besides sinisipon lang to sipsipin mo para madeclog.”
“”Are you serious?”
“Anak mo yan, wag mong pandirihan”
Ginawa ko nga.
“Yung aircon kasi masyadong malakas, dapat ikaw ang nag-aadjust” dagdag ni Mama.
Bumisita one time si Esang sa bahay.
“Kamusta ang pagiging Daddy?”
“Mahirap pero masaya. I never thought this would happen, akala ko mamatay akong mag-isa. He’s my life now”
“Humanap ka na kasi ng isa pang Daddy niya, yung hindi sundalo para matagal”
Inirapan ko lang siya.
“I have a good news”
“Ano naman?” tanong ko.
“I’m pregnant”
“Congrats, mukhang umaayon ang tadhana sa atin ngayon bes”
Ang bilis ng paglaki niya, di ko namalayan na buwan na ang lumipas at nakakaya na niyang dumapa. Nakakarelieve siya ng stress, lahat ng pagod ko ay nawawala sa tuwing makikita ko ang mga ngiti niya – it was really priceless. Nung bininyagan si Prim, lahat ata ng mga kamag-anakan namin ay imbitado, maski pamilya ni Samuel ay andun din. Napaka-OA ng mga magulang ko, sila lahat ang naghanda at gumastos para sa apo nila, sila na din ang pumili ng mga Godparents. Mga Doctor, Nurses at iba pang medical practitioners ang mga Ninong at Ninang ni Prim. Ninang din niya yung kapatid ni Samuel na si Leonifer, si Captain Simone Tabora, si Dr. Martin Abrahano at yung fiancé niyang si Apple.
Prim was the center of my universe now, sana ay lumaki siyang puno ng pagmamahal at may takot sa Diyos – he’s my one true love. Wala na akong contact sa Mommy niya, may nakapagsabi lang sa akin na nagtatrabaho na bilang print ad model si Cheska sa New York.
“Bes”
“Oh Esang, ang laki niyang pakwan na nalunok mo ah”
“Oo nga eh, malapit narin tong lumabas”
“Ninong ako niyan, kaya di kita kinuhang Ninang ni Prim para di tayo magsulian ng kandila”
“Of course ikaw pa ba. Maiba ako, naaalala mo yung tanong ko nun sa magazine interview about having one in a million chance to get back in time, kung ngayon mo yan sasagutin, anong isasagot mo?”
“Still the same”
“”Ayaw mong bumalik sa time bago nawala si Samuel?”
“No, dahil kung ginawa ko yun walang Prim ngayon. As I told you before, it’s hard to meddle with time. What’s done is done, it’s all about letting go, holding on, acceptance and moving on. Yan ang tunay na life cycle, what’s important now is tomorrow.”
“May point ka”
“Lagi naman eh. By the way, masarap yung mga naserve na food ah, lalo na yung cake. San mo na-dekwat yung catering services?”
“A yun ba, teka lang papakilala kita sa Chef”
May tinawag naman siyang matangkad na lalake sa di kalayuan.
Sakto namang nakatalikod ako nun at umiinom ng Margarita.
“Cedric this is Chef Kai, Chef Kai this is Doc Cedric” pagharap ko ay bigla akong nasamid.
“Ikaw” sabay naming sigaw.
“What the..” tugon niya.
“Hell” pagtutuloy ko.
“You two knew each other?” tanong ni Esang.
“Not really” sabay naming banggit at nagkatinginan kami ng masama.
“Ano ba talaga?” tanong ulit ni Esang.
“Hindi nga” sabay ulit naming banggit. What a coincidence.
“Wait, hmmmm” at ngumiti ng nakakaloko si Esang. “May nangyari ba sa inyong dalawa kaya kayo nagkakaganyan?” dagdag niya.
“Wala no, over my dead. Ganito kasi yun, siya lang naman yung makulit at mayabang kong pasyente dun sa ospital sa Seoul”
“Jessa, he’s not even a Doctor, akalain mong tahiin niya yung sugat ko na wala man lang anaesthesia, how is that”
“Lasing ka po kaya nun kaya di tumatalab ang pampamanhid diyan sa makapal mong balat”
“Ah basta, you’re a quack doctor. Kaya ayokong magpagamot sa baguhang Pilipinong doctor eh”
“Excuse me are you insulting me?”
“I’m not insulting you I’m just saying the truth. If you really are a doctor and you knew that I’m drunk you should initiated a higher drug dose”
“It’s not for you to decide what should be done, besides your condition may get worse kung ginawa ko yun”
“Ah basta peke ka”
“Look who’s talking”
“Hep hep hep, nag-aaway nanaman ba kayo?” tanong ni Esang.
“Hindi!” sabay naming pahayag at nagkatinginan nanaman kami ng masama.
“Aysus, ayssuss, ayieeee ayieee. Tabi nga kayong dalawa, dali dali”
“Why would I do that” pahayag ni Kai.
“Wag kang KJ Chef, pipicturan ko lang kayong dalawa” sumunod nalang kami at eto namang si Kai at inakbayan pa talaga ako. We forced a fake smile para matapos na.
“Oh ayan, diba who knows magkadevelopan kayo. Cedric is single & Chef Kai is single too and ready to mingle” tugon ni Esang.
“Uggggh, in his dreams” pahayag ko.
“I’d rather die” tugon naman ni Kai.
“Ang cute niyo talagang dalawa, bagay na bagay kayo oh”
“Drop the idea Esang”
“Perfect couple oh, relationship goals” nakita ko namang ngumiti si Kai.
“Anong nginingiti mo diyan?”
Di siya sumagot bagkus ay nagnakaw siya ng halik sa noo ko sabay smile at umalis na sa kinatatayuan ko.
“Hoy!”
“Yieeeh, kinikilig siya. Yieeeh, may bago nang Daddy si Prim” pagkakantyaw ni Esang
“Hatiin ko yang pakwan mo sige ka”
“From sundalo to papable kusinero. Kumusta naman?”
“Esang”
Tumawa lang siya ng malakas, tumingin ako sa left at nakita kong nakatitig sa akin si Kai at ngingiti ngiti. Andiyan din yung kikindat ang mokong.
Una ko palang siyang nakita sa ospital nun sa Seoul ay nagkacrush na ako sa kanya. Kamukha niya si Akhiro Sato, matangkad, chinito pero Moreno, may facial hairs at firm jawline. Pantay pantay na mapuputing ngipin, broad shoulders, namumutok na chest at pwet. Parang greek god, mala Adonis kung baga, punit panty dahil sa mala Ian Veneracion niyang charisma. Pero dahil magaspang ang ugali niya nun ay bigla akong na-off sa kanya. Lasing kasi siya noon at nahiwa yung kaliwang palad niya, tinahi ko di ko naman alam na duwag pala siya sa ganun.
Kinagabihan matapos ang party at habang pinapatulog ko si Prim ay biglang may nagtext na unregistered number sa phone ko.
“Hi duckie”
“Who are you?”
“I’m the angel of death, my duckie”
“Go to hell, why duckie I’m so handsome to be called like that”
“Coz you’re a quack doctor. Hahahaha” pagkabasa ko nun ay alam ko na kung saan galing yun.
“Mamatay ka na king ina mong kusinero ka. Mamatay ka na Kaiser Richmond Abcede, go to hell” reply ko.
“Burn with me baby duckie”
“Shit mo, utot mo gago”
“Night night baby duckie. Muaah muaah” pangiinis niya. Kaya naman blinock ko yung number niya.
Inis na inis talaga ako kaya naman si Esang ang pinagbuntunan ko ng galit.
“Hoy di ko binigay ng kusa yung number mo, humingi siya ng calling card mo, edi binigay ko. Magkaiba yung ibinigay ko lang basta sa kusang kinuha”
“Basta, bibiyakin ko parin yang pakwan mo king ina mo ka”
Tinawanan niya lang ako.
“Duckie, pffffff, ako mukhang pato? Utot niya, mukha siyang pwet ng pabo” tugon ko sa sarili ko.

COMMENTS