$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Orions Belt

By: Dev Devin Ray Gonzales, an archi grad. Mahilig ako mang-asar, witty, may pagkalampa at makakalimutin. Modesty aside, sabi nila kahawig k...

By: Dev

Devin Ray Gonzales, an archi grad. Mahilig ako mang-asar, witty, may pagkalampa at makakalimutin. Modesty aside, sabi nila kahawig ko daw si John Lloyd. So far, life is going great para sa akin. Kakapasa ko lang sa boards and kaka-out ko lang din sa family ko.  Mahilig ako magtitingin tingin sa mga archi designs sa Pinterest. Actually, parati akong na-aamaze sa mga bahay na maganganda, lalo na yung malaking bahay sa subdivision namin. Parating kong naiisip na sana magkaroon ako ng ganun… yung mabuhay na parang prinsesa. Hihihihihi!

Im currently working in Makati sa isang malaking real estate developer. Newbie pa sa profession pero medyo experienced pagdating sa dating scene. May minsang sumisimple sa akin gym. Minsan na chachansingan sa van. Minsan naman sa bus. Isang beses pa nalibre pa ako ng drink sa coffee shop, sa Coffee Bean, pagdating ko sa counter binigyan agad ako nung, red velvet na hot chocolate. Mula nun nakahiligan ko na yun.

Ive had some good and bad dates. Nareject na rin ako.

My first rejection was with Yuri. 22 pa ako during that time. Nagkakilala kami sa Planet Romeo. Never kami na exchange ng pics. We decided to meet since may pupuntahan akong malapit lang sa kanila, sa may Singalong. He warned me na medyo malambot siya kumilos at maitim. I was wearing plain white shirt at jeans. He texted na naka green shirt at floral na shorts siya. Sa “floral” shorts pa lang, kinabahan na ako.

Nasa isip ko baka baklang bakla to. Not to discriminate pero preference ko yung hindi naman loud. Hinanda ko nalang sarili ko and get on with this meet-up.

Padating ko dun, napatingin ako sa isang lalaki. Medyo yummy si kuya! Bigla kong narealize na kapareho sila ng suot ng i-memeet ko. Naka floral short at green shirt, but he was manly. Tinawagan ko siya para sure. Siya nga yun!

Ako: Andito na ako. Asan ka? (Pag sagot niya ng phone, napalingon siya sa akin)
Yuri: (di na sumagot and then he smiled)
Ako: (fuck ang cute pala nito)

Maapeal siya nung una kong kita. Pero shit, cute siya! Tumayo siya at lumapit sa akin. Naka Hawaiian shorts ang loko. Hindi siya maitim na madungis. Moreno siya at semi-kalbo. Kung may kahawig siya, si Derek Ramsey yun. Medyo toned, siguro dahil may pagkapayat.
Tinanong niya kung kumain na ako para bumili muna kami ng makakain. I said I was full and asked kung pwede diretso nalang kami sa place niya. Taglibog kasi ako nun. Medyo hesistant siya kasi maliit lang daw place nya. Nakakahiya daw. Sabi ko naman, ok lang kasi di naman ako maselan.

Umulan nung araw na yun at buti nalang tumila na. Hassle parin kasi naka puti akong sneakers. Habang nakasunod ako sa kanya, napansin ko malapad pala yung balikat nito at nagpabango pa ata. Medyo natuwa ako kasi nageffort talaga siya. Pumasok kami sa may eskinita. Medyo magulo. May mga bata nagtatakbuhan. May nakatambay na nagtotong-its sa tapat nung tindahan. Tapos may nagsisigawan pa dun sa unahan.

Yuri: naku pasensya na. Buti nalang himinto agad ang ulan. Dito kasi pag di tumigil yung buhos, abot tuhod yung tubig.
(tapos may biglang sumigaw)
Manang: yuri! Nakalimutan ko ibigay sayo kanina. Eto yung sukli mo. Yung pang huling bayad mo wag na, may advance deposit ka naman. Naka-usap ko na yung mama mo.
Yuri: ah sige po! Thanks po tita!
Ako: lilipat ka?
Yuri: ah oo, next month.
Ako: Saan?
Yuri: kung saan mas malapit sa inyo. (smile tapos binuksan yung pinto)
Ako: (taena bolero ampota)

Pagpasok, in-on niya yung TV tapos na upo kami sa sofa. Tahimik kaming dalawa at nakatingin lang sa TV. Ang awkward ng moment. Nag-iisip ako ng sasabihin, buti nalang bigla siyang nagsalita…
Yuri: gusto mo kumain?
Ako: ok lang ako
(tahimik ulit)

Yuri: di nga?
Ako: oo
(tahimik ulit)

Mukhang nag-iisip din siya ng sasabihin.
Ako: napansin ko malapad nyung balikat mo (sabay hawak sa balikat nya. Hahaha!)
Yuri: baka sa PE namin noon, swimming.
Ako: ahh!
Yuri: panu mo nasabing malapad?
Ako: napansin ko nung nung nasa likod mo ako... At ang bango ng mo ah. Hahahaha! Naghanda ka ba?
Yuri: ha! Ah eh… (nagblush) mabaho ba?
Ako: mabango nga eh. Hindi masakit sa ilong. (bigla kong inamoy leeg nya at tinamaan nang libog)

by habit… kumilos mag-isa katawan ko.
I leaned forward to kiss him. Dahan-dahan at kinakabahan. Bumilis tibok ng puso ko… ang lakas.

“Bakit ba ako kinakabahan? Eh kiss lang naman to”

Naka tingin lang siya sa akin. Ako naman nakatingin sa lips niya. Mapula lips nya at parang malambot. Rinig ko ang panghinga nya. Nang paglapit ko, napatingin ako sa mata nya. Di ko alam paano sabihin, but his eyes was different... That moment parang huminto saglit yung oras. Para akong nahulog ka sa bangin at kinain ng mata nya. Tila naubusan ako ng hininga. I was about to kiss him…
Then he turned away.
Nabigla
Nagulat
Nasaktan
Tinamaan ang pride ko.
“Shit! Was I rejected?!”

Lumayo ako. And in order to save what was left of my ego… I asked something ramdom. 
Ako: whats with the green shirt?
Yuri: ah favorite ko kasi. Gusto mo mag Mcdo?

Pumayag na ako. Kumain kami tapos naghiwalay na. He texted several times after nun. Pero di na ako nagreply… not even a “thank you”.

A year after, na adik naman ako sa text clan. Ewan ko ba anong ka jejehan ang naisip ko at napasok ako dun.  Doon ko nakilala si otep, koys, shid, august at si eye. Sila yung medyo naging ka close ko. Si koys yung matagal na sa group at una kong naging ka close.  Isang beses niyaya nya ako uminom kasi problemado ako sa office. Uminom kami sa may BGC. Tequila tinira namin kaya tipsy agad ako. Biglang tumunong phone namin ni koys. Nag-grouptext si otep.
Koys: ayan inuman daw bukas sabi ni otep. Punta ka ha.
Ako: sabay tayo punta?
(nag-grouptext si koys)
Ako: Di ka sasama? (malungkot kong tanong)
Koys: Punta kasi akong batangas bukas. Promise mo punta ka ha. Pupunta si shid. Ayieee! (pabiro nya)
Ako: ngee! Diba nga si eye may gusto kay shid. Magulo yan. ayoko pumasok sa ganyang setup. Atsaka di ko pa yun nakikita. Tara na nga! Kainis to!
Koys: wow ang choosy ah! Di naman pangit si shid!
Ako: nakita mo na siya? Sa Personal? Edi kayo nalang… di naman sa choosy. Natuto lang. Tara at tipsy na rin ako.

Sa group kasi kami ni koys ang close. Tapos si eye at august naman. Si otep lahat kinakausap, parang tatakbong konsehal lang sa pagiging friendly. Etong si eye gusto si shid, si shid naman pinopormahan ako. Kung may magugustuhan man ako sa kanila, si koys siguro yun.

Lumabas na kami at nakita na umulan pala kanina. Nagpahinga muna kasi ayokong sumakay agad ng taxi. Baka masuka lang ako.
Koys: Lets take the cab together tapos baba nalang kita sa inyo
Ako: ngee! Wag na baka out of the way
Koys: Baliw! Las Pinas ka lang. Alabang naman punta ko. Coastal nalang daan natin.

Biglang may lumabas na group, apat ata sila. Mga rich kid. Kita sa ayos at pananalita. Ang lalakas pa tumawa. Wasted na ang isa at lakas maka English. Infairness, ang popogi at ang gaganda nilang mag tropa.
Girl1: Hold on to Jake, baka matumba.
Girl2: Andyan na yung kotse?
Girl3: Anj si jake!!!

Yung lasing nila na kasama natumba at dinamay pa ako. I landed on my back while the guy landed on top of me. His head was in my chest. Nasa isip ko “Blessing in disguise ba ito?” Ang pogi nung jake! Chinito, maputi at naka glasses. Yung nga lang amoy alak .
Boy1(jake): oh my god! Im really sorry(itinayo siya nung mga kaibigan nya at si koys naman tulala lang ang bakla)
(may dumating na kotse… lumabas yung driver)
Girl 3: Oh my! Are you ok? Sorry talaga (talking to me)
Driver: shit! What happened? Ipasok nyo na si jake sa kotse.

Tinulungan akong tumayo nung driver nila… nasa likod ko siya. Napasandal ako. Naramdaman ko yung chest nya at yung hininga niya sa batok ko. Parang ang sarap humiga sa chest ni kuya. Sa kasamaang palad sa tubig pala ang landing ko kanina at ang lamig!
Ako: Shit basa likod ko! (nawala lasing ko sa busy sa pagpiga ng damit)
Driver: Im really sorry… ah.. are you ok? (medyo taranta si kuya)
Koys: Minsan kasi mag-ingat kayo! (nagmamaldita bigla si bakla.. nakarecover ata sa pagkatulala)
Driver: Im really sorry. Uhm wait lang (may kinuha siyang jacket sa kotse at isinampay sa balikat ko)
Driver: Im sorry and I hope it helps… if you need anything you can call me. (inabot niya sakin yung calling card nya at umalis na. di ko parin maalis sa isip ko yung jake. Ang pogi eh)

The next day inuman na naman. Dun ko nakilala mga ibang kagroup chat ko. Meetup sa trinoma Starbucks. Habang naghihintay umorder muna ng hot chocolate. Unang dumating si otep tapos si shid. Cute naman pala talaga si shid, lalo na at naka glasses siya. Tapos dumating na sila eye at august. Gwapo si august at hot naman si eye! Mukha nga silang mag bf sa sobrang close. Pumunta na kami sa bahay ni otep, kasi dun daw iinom. Lasing na yung mga tao nung gabi na, ang lalandi na nila.

Si otep lahat nalang nilalandi pero walang pumapatol. Si shid naman buntot ng buntot. Si eye at august ayun nagkukulitan. Wala akong makausap na matino kasi wala si koys. Maya-maya hinahagisan na ako ng cornick… si eye pala. Leche kung maka smile. Ang cute kasi at ang hot pa. Ang seryoso ko daw. Pinagtatawanan nila ako ni august habang hinahagisan ng cornick.

Naubos na yung drinks tapos nagyaya bigla si otep ng basketball. Gusto ata ng magpasikat. Paramihan daw ng ma shoshoot. Umayaw ako, si august at si shid. Di naman ako marunong mag laro nun. Eto namang si eye, patola. Sabi ni otep kung sino daw unang maka-20, katabi si august matulog. Napasigaw nalang si august “hoy E ipanalo mo yan!”. “E” and tawag ni august kay eye. Nauna si otep na mag shoot tapos si eye naman. Mukhang marunong magbasketball tong si eye. Sa pag dribble pa lang, mapapansin mo agad.

Malayo na agwat nung score. 18 na si eye, si otep naman 10 pa lang.
Eye: august etong pang 19, para sayo to. (umalis siya dun sa free throw line at pumunta yung sa three pointer. na shoot nya)
Trinry din mag three points ni otep pero supot.
Eye: uhmmmm yung pang 20 ko, kiss sa lips sa isa dyan na tahimik. (nakatingin siya sa akin at naka smile… sa hiya  napatingin ako kay august. Anak ng! nakatingin din pala si august sa akin)
August: oh para daw sayo!
(Gusto ko nalang malusaw)

Narining ko nalang na sumigaw sa saya si otep… di pala na shoot ni eye pero panalo parin siya sa huli. Patulog na kami nung nakita ko na nasa labas si eye at nakatingala. Nilapitan ko siya.
Ako: ano tinitignan mo dyan?
Eye: ah yung tatlong stars. Yung parang naka hilera na straight (nakaturo sa langit)
Ako: ah!!!
Eye: Orion’s belt
Ako: ano?
Eye: orions belt tawag dun sa tatlong yun.
Ako: Hay…
Eye: ang lalim nun ah! Ano iniisip mo?
Ako: ang romantic lang ng mga yan… at yung ganito.
Eye: naks hopeless romantic ka pala. Naghihintay ka ng lalaking susungkit nyan para sayo?
Ako: ang corny mo ah!
Eye: wow! At sayo talaga nanggaling yun! Ikaw nga tong…
Ako: naghihintay ako sa lalaking magdadala sa akin sa bituin.
Eye: hahahahahaha! Astronaut kailangan mo, hindi bf.
Ako: ewan ko sayo. May utang ka pa sa akin ah! Pinagtitripan nyo ako ni august kanina. Btw bakit nga pala eye handle name mo?
Eye: initials ko yun. Ethan Yuri Enriquez name ko.
Ako: Yuri… sounds familiar. Im d…
Eye: Devin! alam ko name mo. Grabe ka! di mo ako naalala!
Ako: huh? Panu mo nalaman?
Eye: (nakatingin sya sa akin)nag meet up na tayo noon… I think it wasn’t a good one kasi after nun di ka na nagparamdam sa akin
Ako: YURI?!?! Alala ko na! sorry!!! Ikaw pala yun! Hoy! At in defense naman sa akin I tried to ki…

Bigla nya akong hinalikan sa cheeks at tinapik yung pwet ko.
Ethan: tara tulog na! Ethan nga pala.. hindi Yuri.
Ako: Ewan! ganun din yun! manyak!
Ethan: gusto mo naman!
Ako: asa! (pero taena kinilig ako)

He looked back then smiled. Dun bumalik lahat… his cute smile at yung mga mata nya. The eyes that took me by surprise. Natulog na kami.

Ginising ako kinabukasan ni shid. Kakain na daw ng breakfast. Ang ingay nila. Binibiro nila si august at ethan na may may nangyari daw sa kanila. Nagising kasi si otep at nakitang nakayakap si ethan kay august habang tulog.
Ethan: eh kasi naman walang extrang unan… di ko sanay na walang kayakap.
August: bangis mo nga eh… tulo laway ka pa.
(nagtawanan silang dalawa)

Di ko inasahan pero parang kumirot puso ko. Simula nun di ko na matignan ng diretso si august. Parang kaagaw ko na siya kay ethan. Andun lang kami sa table nagkkwetuhan hanggang napunta ang usapan sa out of town lakad. Mag-Sinulog daw sa cebu. Tapos surfing daw sa davao… davao oriental, dugtong ni august. May alam daw siyang private resort dun.

Lumipas yung mga araw parati na kaming magka text ni ethan. Lumabas kami isang beses, chill lang at merienda. Sabi ko treat ko. Sa max’s kami nagmerienda. Habang kumakain may nakatingin na bata mula sa labas. Nagtitinda siya ng sampaguita. Pagkatapos kumain ay umalis na kami pero sumaglit muna sa 7 eleven si Ethan. Binuksan niya ang wallet at kinuha yung natirang pera nya, 50. Binili nya ito ng tinapay tapos binigay sa bata. Dun unang kong inamin sa sarili ko na nahulog na loob ko kay ethan.

This time ako na nangungulit sa kanya. Kaso lang pag niyaya ko siya para lumabas during weekends, parati nyang rason is may lakad siya kasama si August. Ang gulo ng sitwasyon ko. Di ko alam kung ano ba ako. Pero ayaw ko din naman magtanong… natatakot ako sa pwede niyang isagot.

Days before nung mismong festival, nasa cebu na kami. Parati kaming umiinom nun. Araw-araw may lakad. Party after party. Napansin ko parating nililibre ni august si ethan. Parating wala siyang cash. Pag ako naman ang magpresenta magbayad ay umaayaw siya. Napag-alaman rin namin na may bf na si august. Wala rin naglakas ng loob magtanong kung sino. May hinala ako pero ayoko maconfirm.

Nung mismong day ng sinulog, gusto ni otep na maglasing kasi may street party kahit saan ka lumingon. Sabi ni ethan siya daw bahala sa booze. Di ko lang alam kung panu nya gagawin yun. Basta walang gagastos sa alak. Utos nya yun. Ang daming tao. May basaan, may bigla nalang magpapahid ng face paint sa shirt at sa mukha mo. Sila ethan at August ang parating magkasama. Minsan inaakbayan ako ni Ethan para tanungin kung ok lang ako. “ok lang ako.. dun ka na.” yun ang parating sagot ko sa kanya. Siya naman tatawa nalang tapos babalik kay august.

Napadaan kami sa maliit na kalye pero ang daming tao as in siksikan. Kailangan daw naming dumaan dun. Sa kaartehan ko, ako naman yung nagpapa-huli. Nung sobrang sisikan na, nahirapan na ako sumunod na kanila at muntik na akong maiwan. Hinawakan ni Ethan kamay ko. Natuwa ako pero naluha nalang ako bigla. Nakita kong may singsing na si Ethan sa palsingsingan niya.  Sumikip ang dibdib ko. Di ko alam kung sa dami ba yun ng tao o dahil sa katotohanan na nakita ko.

Hinihila nya ako habang kinakausap yung mga ibang nakipagsiksikan at hinahawi sila. Di ko maintindihan sinasabi nya. Nagbibisaya pala siya. Ang sarap niyang niyang pakinggan pag nagbibisaya. Naka titig lang ako sa kanya habang parang nag slow-mo ang ibang tao. I realized after all the games and hook ups, it would be nice to have someone to pull you away from all the chaos. At that point, sa dami ng tao sa paligid, it was only him that mattered to me.

Pagkatapos ng siksikan, nakwento niya na sa cebu pala siya lumaki. Ang nakakatuwa lang kasi wala siyang punto.
Naglakad pa kami nang biglang may sumigaw at tinawag si ethan. Mga kakilala nya ata. Lumapit kami tapos binigyan kami ng tig-iisang bote ng beer ng mga kaibigan nya. Pagkatapos nung naglakad ulit kami… may tumawag ulit sa kanya tapos inom ulit. Naka-ilang eksena na ganun habang naglalakad. Nalasing kami na walang nagastos. Lahat ng booze ay bigay lang ng mga kaibigan ni ethan. Ang dami nyang kilala. Sabi nya “almost everybody knows everybody in cebu”. Day after festival pumunta kami sa Island in the sky. Nag arkila kami ng masasakyan. Habang papunta dun may nadaanan kami mga nagtitinda ng mga prutas. May nakita akong manga. Bibili na sana ako kay ate, pero umepal si ethan
Ethan: wag yan… di yan matamis.(pabulong niya)
Ako: huh eh gusto ko to eh.
Ethan: ako matamis! Ayaw mo?
Ako: huh? Wag ka nga!(may halong inis)
Ethan: wag na! ako nalang bibili para sayo. Kung gusto mo isang basket pa.

Tinignan niya wallet niya… napatingin na rin ako. Walang laman. May sinilip siya sa may bintana at bumaba. May kinausap siyang matandang lalaki tapos maya maya pa ay may dala na siyang basket.
Ethan: Sorry kalahating basket nalang daw yung naiwan eh. Masarap yan. Pag hindi, may libreng kiss… galing dun kay manong.
(nagulat kaming lahat kasi ang dami nung manga)
Bumili kami ng supot at pinag hati-hatian

Foggy na nung pagdating namin ng resort at ang lamig. Naka tshirt at shorts lang ako.
Ethan: malamig ba? Bakit kasi wala kang dalang jacket. Gusto mo hug nalang kita?
Ako: wag ako manyakin mo! Taken ka na!
Ethan: Sige!
(biglang may yumakap sa akin sa likod…)
Otep: ayan di na malamig!
Leche! Si otep pala. Iniisip ko dapat hindi na ako humindi kay Ethan. Chance na yun eh! Nag-inarte pa kasi.
Grinoup hug nila ako para di daw malamig. Nagtawanan kami. Tumingin ako kay ethan. He smiled sabay belat.

After Cebu lipad kami puntang Davao, nagtaxi tapos sumakay ng van, then sasakay na nang motor. Mag Habal-habal daw kami. Di ko na rin pinalampas yung chance. Sinabi ko nang kami nalang ni Ethan yung magkasama. Nagpa-alam si Ethan kay august at pumayag naman. Sinabi kong ako na sa dulo kasi ayokong ma sandwich kay kuyang driver at kay ethan. Ang init pa naman at pawisan na yung driver.
Ethan: sure ka na sa hulihan ka? Sanay ka ba?
Ako: oo at hindi.
Ethan: hahaha! Kapit ka nalang sa akin. Pwede ka rin yumakap. Bawal chansing ha! Remember taken na ako. Haha!
Ako: asa! Ang pogi mo ah!

Along the way may binulong si ethan sa driver… biglang bumilis yung takbo. Wala akong magawa kundi yumakap kay ethan. Natawa bigla si ethan at yung driver.

Pawis na si ethan pero di mabaho. Actually nalibugan nga ako. Dumidikit  na yung gray shirt nya sa katawan nya dahil sa basa. Ramdam ko yun abs nya. Parang gusto ko pang ibaba yung kamay ko hanggang sa pantalon. Kung ano nalang naiisip. Gusto ko siyang babuyin sa pagkakataon na yun. Ang sarap niya dilaan habang pawis. Shit talaga! Itinaas ko kamay ko sa may chest para tamaan ko yung nipples. Ginawa ko yun ng 3 beses lalo na pag malubak. Nilingon niya ako at ngumiti.. yung tipong nakakaloko. Di ko namalayan na tinigasan na pala ako. Napansin ata ni ethan at bigla niya akong tinanong kung ok pa ba daw ako. Pero bahala na.. minsan lang naman. Di na ako sumagot at isinandal ko nalang yung ulo ko sa likod niya. Rinig ko bawat hinga, tibok ng puso, yung boses nya pag nagsasalita. Kalmado lang siya. Minsan ko lang siya masolo. Minsan lang to… baka nga eto nalang ang pagkakataon ko.

Nauna na sila otep, shid at August kasi ang bagal nung takbo naming nung una. Nag-iba yung driver ng dinaanan. May shortcut daw siyang alam kaso magpapa-alam lang sa may-ari kasi private property yun. Pinayagan naman kami dumaan. Niyogan yung dinaanan namin.
Ako: grabe ang laki naman neto
Driver: koprasan to ser
Ako: ahhh! Gaano kaya to kalaki?
Ethan: mga 20+ hectares sa tingin ko
Ako: alam na alam ah!
Ethan: bawal manghula?

Paglabas naming sa koprasan, yung resort na pala agad. Nakarating kaming uhaw at pagod. Matagtag kasi yung motor.
Ako: gusto ko ng buko! (tinawag ko yung waitress)
Ako: ate may buko juice po kayo?
Ate: naku wala po ngayon. Naubos na ser.

Inihanda na yung lunch namin nang biglang nawala si Ethan. Maya-maya dumating to sakay ang motor at may dala buko. Binigay niya kay ate para ipahanda.
Otep: saan mo yun nakuha?
Ethan: kanina may nadaanan kami eh. Tinry ko lang baka pwede makahingi.
August: lakas! Hingi talaga? Di mo man lang binili?
Ethan: eh ang dami naman nun. Malay nyo pinulot ko lang yun sa daan. Hahaha!

Di na rin ako nagtaka... madiskarte naman talaga siya. Kumain na kami. Si shid at si otep katabi ko habang sila naman ni august. Minsang napapatingin ako kay august at napapaisip kung ano meron siya na wala ako.

Gabi nun nang kami ulit ni Ethan yung gising pa. Inubos nalang naming yung naiwang red horse at dun uminom sa may beach. Nagkatuwaan at nagsalitan kami ng jokes
Ethan: ketchup ka ba?
Ako: bakit?
Ethan: kanina ka pa kasi hinahanap ng hotdog ko.
(sabay tawa)

Ako: ako naman uhm… Sausage ka ba?
Ethan: bakit?
Ako: Vienna? (sabay tingin sa may titi nya)
Ethan: hoy! Malaki kaya to! Vienna ka dyan!
Kinuha nya kamay ko at pinasok sa brief nya. Ewan ko din at dinakma ko rin titi nya. Malaki nga at matigas na. nagka tinginan kami ng mga 2 segundo at biglang tawa ni Ethan at tinanggal ko kamay ko.

Ethan: hahahaha! Malaki noh! At mabango yan.
Ako: baliw ka talaga! Pag tayo nakita ng iba

Napatingin naman ako sa langit
Ethan: wag mo isipin yun. Mahal ka nun! Sino ba kasi hinihintay mo?
Ako: (naluluha) ang tagal kasi dumating ng astronaut ko
Ethan: halika nga
Lumipat siya ng pwesto sa likod ko at niyakap nya ako habang nakaupo sa buhangin. Dun na ako tuluyang napaiyak. Tae naman kasi! Yung lalaking iniiyakan ko, yung pang nagcocomfort sa akin. Baliw lang.

Ethan: Mahal ka nun! Promise!
Ako: pakyu ka! Sinungaling!
Ethan: pakyu ka rin! Hahaha! Wag ka na kasi umiyak. Eto naman oh
Ako: ang libog mo! Umiiyak na nga ako dito matigas parin titi mo.
Ethan: nakatapat kasi sa pwet mo.
Ako: che! pwet ko pa may kasalanan.. eh ikaw tong pumwesto dyan.
Ethan: so ayaw mo?
Ako: dyan kalang please. Please. Wag mo ako iiwan (iyak ulit)
Ethan: shhh mahal ka nun! Pusta ko pa virginity ko.
Ako: talo ka na. di ka na virgin
Ethan: Etits ko nalang
Ako: (natawa) ang laki ng ipupusta mo ah

Inamoy ko kamay ko…

Ako: mabango nga… (nagtawanan kaming dalawa)



Natapos ang bakasyon at walang natutong magsurf. Nagtampisaw lang kami sa dagat at nagpa-itim. Balik sa manila, nagkkwentuhan parin kami ni Ethan sa text. Minsan naman sa fb. Pero pag nagpaguusapan si august, iniiba niya yung usapan. Nung palapit na bday ko... plano ko nang itanong sa kanya kung ano ba talaga ako at sino si august para sa kanya.
Sa text
Ako: kamusta na pala si august?
Ethan: Bat mo ba parating tinatanong tungkol sa kanya?
Ako: nagtatanong lang naman.
Ethan: wag mo idamay sa usapan. Ikaw naman parati kausap ko
Ako: utot mo eh sa bolero mong yan. Asa kung ako lang talaga
Ethan: may issue ka ba kung marami? Selos ka ba? Hehehehe!
Ako: so ano nga kayo?
Ethan: hindi ba obvious?
(bobo nalang kung di ko pa yun maintindihan… di ko na rin alam ano irereply ko sa kanya)
Ethan: Btw malapit na bday mo ah! Saturday that week may pupuntahan tayo.
Ako: Saan naman?
Ethan: Pampanga lang. Couple’s treat sayo ni August at sa akin na rin, para sa bday mo. Commute tayo papunta dun.
Ako: bat ganun?
Ethan: Ang ano?
Ako: ang sakit naman E. Alam mo naman na may gusto ako sayo. Tapos may ganito pa kayong nalalaman.
Ethan: Sorry if I lead you on. Im sorry. Promise last na to. were good right?
Ako: yup we are… I think so.

Masakit pero inaasahan ko na rin.
Di nag text sa akin si Ethan ng ilang araw hanggang dumating bday ko. “Happy birthday devin!!!” yun lang ata yung regalo sa araw na yun na nakapangiti sa akin. Pinilit rin niya ako na tumuloy sa lakad ng Saturday. Pinakausap din niya sa akin si august para pilitin ako. Medyo weird lang sa pakiramdam na yung karibal mo pa yung nagyaya sayo.

Saturday nang nagkita kami. Wala si august kasi nauna na daw siya. Medyo ilang si ethan sa akin at di mapakali. Maya-maya ang text at tawag. Sumakay kami ng bus papuntang Dau. Tahimik lang kami sa biyahe. Wala kaming matinong usapan. Pagdating sa terminal ng bus, at sumakay naman kami ng jeep papunta SM Clark. Dun na kami nagkita ni August.

August: Ei! Kamusta ang birthday girl!!
Ako: hahaha! Baliw ka! Na miss kita!(seryoso ako nung sinabi yun… tila ba nabunutan ako ng tinik dahil tanggap ko na sa sarili ko na siya ang bf ni ethan)
August: oi E! di pa tapos eh. May kailangan ayusin. Kailangan ka daw dun
Ethan: ah sige una na ako. Text ako pag tapos na then sunod agad kayo.
Ako: ano yun?
August: di pa kasi tapos yung preparation. Eh siya lang yung may alam nun. Dito nalang muna tayo tumambay.

Mga 45 minutes nagtext na si ethan para papuntahin kami. Sumakay kami ng kotse…
August: teka takpan ko muna mata mo.
Ako: hala! Bakit?
August: Eh Surprise nga to. Makikita mo kasi
Ako: sige na nga. (naramdaman ko nalang na umandar na yung kotse)
August: kinakabahan ka ba?
Ako: (pabiro kong sinabi) oo, baka kasi ipasalvage mo ako. Alam ko naman, na alam mo na may gusto ako kay ethan. Tapos ganito pa
August: hahahaha! Alam ko mahal ako ni ethan pero he cares so much for you. Don’t worry di kita ipapapatay… baka ako pa ipa assassinate mo eh. (nagtawanan nalang kaming dalawa)

(Huminto na yung kotse)
August: ayan andito na tayo. Si Ethan magbubukas ng pinto mo.
Ethan: musta biyahe bday boy?
Ako: kailangan ba talaga naka piring?
Ethan: oo ganun talaga. Wag mo muna tanggalin ha. Dahan-dahan lang baka mauntog ka. Akin na rin yang bag mo. Ano ba naman kasi laman nito?
Ako: Asan ba kasi tayo? (may naririnig lang akong mga lalaki na sumisigaw at kantyawan)
Ako: Tangina Ethan! saan mo ba kasi ako dinala? Kinakabahan ako.
August: may mga poging boys para sayo. (pabulong ni august)
Ako: ang lakas ng trip nyong dalawa ha!

Medyo malayo pa nilakad namin tapos pinasakay naman nila ako.
Ethan: hakbang ka ng mataas tapos upo.
Ako: ano ba naman kasi to!
(Naka upo na ako at sinuotan ng seat belt.)
Ethan: Suotan muna kita ng headset ha.. baka kasi marinig mo yung surprise.
Ako: ang dami mong alam ha. Asan si august?
August: andito ako sa tabi mo.
Ethan: ilagay ko na... wala kang maririnig ha. Game na tayo!

Wala akong mashadong marinig kundi music sa headphone. Kung meron man konti lang. May narinig akong tunog ng makina, “RPC”, “VFR”.
Umandar na yugn sinasakyan namin at wala akong imik dahil sa kaba. Maya maya naramdaman ko nalang na bumilis at paakyat kami at medyo maalon. Naputol yung music at narinig ko yung boses ni Ethan sa headset ko. Tanggalin ko na daw yung panyo. Laking gulat ko na nasa eroplano pala kami. Kaming dalawa lang sa 2 seater plane.
Ako: Fuck! Ano to?!
Ethan: Happy birthday Loves!
Ako: Loves ka dyan! tang-ina nakakalula! Baba na tayo!
Ethan: sige talon ka. Hahaha!
Ako: baliw! Asan si august?
Ethan: bat ko naman siya isasakay eh di naman siya magigiing boyfriend ko.
(dun na ako medyo naguluhan)

Ethan: remember Orion’s belt? (may kinuha siya sa bulsa nya)
Ethan: diba gusto mo nang lalaking magdadala sayo dun. Alam ko di ako austronaut...eto lang kaya ko. this is the highest that I can take you. After all the hurt, will you reconsider this proposal and be mine? (binuksan nya yung box, may laman na kapareho ng singsing nya)
Ako: Eh si august?
Ethan: Just shut up and say yes! (kinuha niya ang kamay ko, isinuot ang sing-sing at hinalikan ako sa noo)
Di ako makapaniwala sa mga nangyayari. Bigla-bigla nalang akong nagkaka-bf na piloto.

Nasa ere kami ng ilang minutes pa at kailangan na naming magland kasi uulan na ata. Sakto nang pag land namin ay umaambon na. Dun ko nakita na ang daming boys nga. Tinutukso si ethan kung sinagot ko ba daw siya. Sa tuksuhan ko rin nalaman na ako ang unang sinakay niya sa lipad. Hinanap ko si august pero wala siya. Umuulan na  ng malakas. Niyaya na rin ako ni Ethan umuwi at baka abutan pa kami ng traffic
Ethan: Tara uwi na tayo
Ako: eh wala si august panu tayo uuwi… wala namang masasakyan.
Ethan: (tumakbo siya papunta sa kotse… Ford Expedition) huy! Tara na!
Ako: (tumakbo at sumakay na rin) Sayo ba to?
Ethan: Oo
Ako: Sino ka ba?
Ethan: boyfriend mo. Masanay ka na!
Ako: si august?
Ethan: Umalis na kasama bf niya. Ako nagpakilala sa kanilang 2. Kasama ko kasi dito sa flying school yung bf nun. Kaya sumasama si august pag weekends pag may lipad ako.
Ako: Kung hindi kayo.. bat ka may ring?
Ethan: nung nakita kita ulit, kina-usap ko na si august at yung bf niya na tulungan ako. Pati yung pagpapaselos. I bought the ring with one thing in mind, na mapapasagot kita.

Wala akong masabi sa puntong yon. Nilabas ko nalang ang dala kong jacket kasi lamig na lamig ako dahil nabasa ako sa ulan. Nakatingin si ethan sa akin at nakasmile.
Ako: oh anong meron?
Ethan: School jacket mo?
Ako: ah hindi! binigay lang
Ethan: it looks good on you!
Ako: oh! saan na tayo pupunta?
Ethan: sa tinatambayan ko minsan

Galing ng Pampanga ay nagdrive siya papuntang MOA tapos pumunta sa isang coffeeshop.
Ethan: dito ako tumatambay para mag chill. Kita mo kasi dito yun dagat tapos mahangin pa. Teka bili lang akong drinks.
Ako: di mo kukunin order ko?
Ethan: ako na bahala.

Dumating si ethan dala na yung drinks 
Ako: red velve hot chocolate? panu mo nalaman?
Ethan: (hindi niya sinagot ang tanong ko. nakamile lang) by the way, I’d like you to meet my college friends
(dun ko nakita ang 4 na pamilyar na mukha)
Ethan: this Jake, Tin, Anj and Frances.

Sila yung mga naka eksena ko nung inuman. Tumayo ako at nagpakilala. Gulat parin at napatingin nalang ako kay ethan. Kinuha ko yung wallet ko at tinignan yung calling card na binigay sa akin. “Ethan Enriquez”
Ako: ikaw yun?
Ethan: I told you the jacket looks good on you.

Nagkwentuhan lang kami kasama barkada niya pagkatapos umuwi na rin. Hinatid niya ako sa amin at pinapasok nila papa para daw makilatis. Dun ko nalaman na grumaduate siya sa isa sa big 3 na university dito sa pinas. May family business sila sa cebu na manggahan at koprasan sa Mindanao. Las Pinas lang din siya umuuwi at malapit lang sa amin. Bago siya umuwi ay nagusap muna kami.
Ako: Planado mo ba to lahat?
Ethan: yung pinagselos kita.. oo. (sinuntok ko siya) pero yung pag lipat ko ng las pinas at yung pagsali sa text group hindi. Hindi ko nga inasahan na andun ka eh. Yung jacket conincidence lang.. kala ko nga itetext mo ako.
Ako: stalker! Hahaha!
Ethan: pati ng three points sadya yung hindi ko I shoot.
Ako: so ayaw mo ako I kiss?
Ethan: ayoko lang.. baka sabihin mo hinalikan lang kita dahil sa alcohol.
Ako: so yung dinaanan natin nung nasa davao tayo...
Ethan: yup! 29 hectares to be exact!
Ako: ikaw  ba si cedie? munting prinsipe?
Ethan: haha! malit lang nman yung 29 kung tutuusin. prinsipe,,, pwede rin tapos ikaw yung prinsesa ko
Ako: hahahaha!
.
.
.
Ethan: Remember when we first met? Kung saan yun?
Ako: uhm hindi eh
Ethan: you really have the knack of forgetting things. Sa simbahan yun ng san Antonio De Padua… patron saint of lost things. Sa kanya ka daw magdadasal pag may nawala kang bagay. At alala ko pa when you tried to kiss me.
Ako: oo noh! ni reject mo nga ako nun eh
Ethan: first time ko kasi yun maki-pagmeet. Nakakahiya man, di pa ako marunong panu mag kiss nun. Uhmmmm (may kinuha siyang papel at may nakasulat. Binasa nya to)

“that day I met you… lost and now found.
that day you tried to kiss me but I decided not to.
you and me may not be each other’s first kiss,
but from this day I chose you’d be my last.
I’ll have the stars and the rain as my witness.
You need not to say it.
… but I’ll tell you, I love you too”
- Ethan 

he kissed me and I said “I love you”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Orions Belt
Orions Belt
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj6RjAU0OylQ7wGnVkS1lsoYPYHzmbnBvAVvVTpqd54yC74SQ8gF5zwahkoEnHPFOwh-i20jIaGCmBMk5_AtQZC3DDUDVyy6yMwLSGEnVp5CNeNB2626GrAGFhQz2xyWAydIsLrBm0B6GnC/s400/13736908_1660574257603227_1075605051_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj6RjAU0OylQ7wGnVkS1lsoYPYHzmbnBvAVvVTpqd54yC74SQ8gF5zwahkoEnHPFOwh-i20jIaGCmBMk5_AtQZC3DDUDVyy6yMwLSGEnVp5CNeNB2626GrAGFhQz2xyWAydIsLrBm0B6GnC/s72-c/13736908_1660574257603227_1075605051_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/08/orions-belt.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/08/orions-belt.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content