By: Asyong Bayawak Malakas ang ulan nang makarating sila sa tapat ng bahay. Limang minuto nang nakaparada ang sasakyan, subalit hindi pa...
By: Asyong Bayawak
Malakas ang ulan nang makarating sila sa tapat ng bahay. Limang minuto nang nakaparada ang sasakyan, subalit hindi pa rin bumababa si Gabe; nakapikit ang mga mata habang nakasandal ang ulo sa bintana. Magulong-magulo ang utak.
Sa restaurant ay niyaya siyang makipag-usap ni Daniel ng pribado. Hindi naman siya makatanggi; hindi niya ipapahiya sa harap ng ibang tao ang amo. Pero lalo lang gumulo ang sitwasyon. Kung anu-anong tinanong ni Daniel tungkol sa relasyon niya kay Rusty kaya’t nagalit siya at nasigawan ito, na nauwi naman sa pag-wo-walk-out ng huli.
‘Ano ba kasing pinagtalunan nyo?’ tanong ni Rusty.
Umiling lang si Gabe.
‘Nagselos ‘yon, no?’
Hindi siya sumagot.
‘Bakit hindi ka masaya? Hindi ba katunayan ‘yon na gusto ka rin nya?’
‘Eh ‘pano, pagsasabayin niya kaming dalawa ni Brandon?’
Inabot ni Rusty ang kanyang kamay at saka ito pinisil. Nang tingnan ni Gabe ang dating nobyo ay kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito. ‘Sana hindi nalang ako umalis ng Pilipinas.’
Parang may punyal na tumarak sa dibdib ni Gabe. ‘Rusty—’
‘Masaya ako para sa ‘yo, kahit mahal pa rin kita. Pero okay lang, huwag mo akong alalahanin. Malaki na ‘ko, kaya ko na sarili ko.’ Pinipilit ng lalaking ngumiti, subalit sadyang bumabagsak ang kanto ng mga labi.
Kasabay ng pagpatak ng ulan ang pagdaloy ng mga luha ni Gabe. Nasa harap niya ang lalaking kahit kailan ay hindi tumigil magmahal sa kanya; ang taong kahit kailan ay hindi siya sinaktan.
‘Kung ano mang problemang kinakaharap nyo ni Daniel, malalampasan ‘nyo rin yan.’ Bumitaw si Rusty. ‘Sa isang linggo, babalik na ‘ko ng Korea. Dadalawin ko muna sina nanay sa Davao kaya hindi na kita mababalikan. Siguro ilang taon pa ulit bago tayo magkita, pero kung may kailangan ka, alam mo naman kung papano ako kontakin. Gusto ko sanang sabihin na hihintayin kita… kaso oras na yata talaga para maghanap ng iba. Ayoko namang tumandag binata.’
Hinila ni Gabe ng yakap ang lalaki. ‘Sorry…’ bulong niya.
----------------
Ilang buwan na ang nakalipas simula nang umalis si Rusty ng Pilipinas, pero sa dami ng nangyari sa buhay ni Gabe ay parang isang dekada ang dumaan.
At hindi niya inakala ang tuluyang paglayo ni Daniel sa kanya.
Simula kasi ng kanilang pagtatalo ay nagbago na ang pakikitungo nito sa kanya. Hindi ito bumalik sa pagiging magagalitin, subalit kung ano mang init ng pagmamahal na ipinaramdam nito sa kanya dati ay naglaho na parang bula.
Pinagbawalan na siyang umakyat sa penthouse; sa lobby na lamang niya maaaring hintayin si Daniel. Sa opisina naman ay ginawa siyang miyembro ng Facilities, kaya’t bukod sa pagmamaneho para sa amo ay kung ano-ano na ang iniuutos sa kanya sa opisina, parang noong bagong simula pa lamang siya sa trabaho. Wala namang problema, mas okay nga siya ng maraming ginagawa PERO, heto na naman ang puso nya, hindi na naman mapigilang ma-miss ‘yung isa.
Tutok sa trabaho at sa tuwing magkikita sila ay blangko palagi ang mukha. Walang galit, walang ngiti, walang saya, walang pagmamahal. Pakiramdam ni Gabe ay naging hangin siya—nararamdaman pero hindi nakikita. Kinalimutan na ni Daniel na minsan ay mayroon silang pinagsamahan, at ito ang pinaka-masakit sa lahat.
Ang motto ni Gabe: move on. Pero ganon pa man, hindi na siya nakipagkita pa sa ibang lalaki. Lalo lamang silang magapagulo sa kanyang isipan. Siguro kapag handa na ulit siyang magmahal (o masaktan), saka siya susubok ulit.
Sa pamilya nalang niya gustong ibaling ang panahon, subalit kahit ito ay isa pa ring malaking problema. Talagang nanghihimasok na ang tatay nila. Mabait naman at palaging tinatanong ang kanyang opinyon, pero hindi talaga niya mapatawad ang ama. Kaso nga lang, yung mga kapatid niya, “kuya” nalang talaga ang tingin sa kanya. Parang kung may pinal na desisyon, sa tatay nila sumasangguni. Sabi ni Rusty, baka nagseselos lang siya. Eh totoo naman. Dahil ngayon, parang biglang nabawasan ang kanyang halaga, ngayong mayroon nang mas may kakayahan na magbigay ng mga pangangailangan ng mga kapatid. Kapag pinapangaralan naman niya yung dalawang high school, lalo lang nagrerebelde. Hindi na nga niya alam ang gagawin.
Wala na ngang love life, olats pa sa pamilya—
‘Friend!’ bulalas ni Ericka sa kakarating lamang na si Gabe. ‘Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ni Boss!’
‘Ang dami kasing tao sa Wildflour—’
‘Go, go! Sa pulis ka na magpaliwanag. Goodluck, mainit ang ulo ni Boss,’ pahabol ng sekretarya.
Pagpasok ni Gabe sa kwarto, tumayo muna siya sa may pinto dahil may kausap pa si Daniel sa telepono. Bawal na kasi siyang basta-basta lumalapit dito, dapat may senyas muna kung okay na.
Nang maibaba ni Daniel ang telepono ay saka lumapit si Gabe para iabot ang kape.
‘You got me iced, right?’
‘Ah, iced po ba? Ang sabi daw po kasi hot—’
‘What?’
Tindigan ang balahibo ni Gabe.
‘Ano ka ba naman, Gabe? Alam mo naman na kapag busy ako, ayoko ng hot drink.’ Humugot ng malalim na hininga si Daniel.
‘Bibili nalang po ulit ako ng bago.’
‘And make me wait again? Nevermind.’
‘Eto pong kape, iiwan ko po ba?’
‘Itapon mo nalang.’
Nakatungong lumabas ng opisina si Gabe. Hiyang-hiya. Ang lakas ng mga salita ni Daniel, buti si Ericka lang ang nakarinig.
‘Ohmygosh, friend, sorry!’ Agad na lumapit ang sekretarya. ‘I promise, ang sabi hot! Pero baka mali ako, ikaw pa tuloy ang napagalitan!’
Tumango lang si Gabe. ‘Okay lang, sanay na naman ako ‘dun.’
Kinuha ni Ericka ang paper cup at saka hinimas-himas ang braso ng kaibigan. ‘Okay ka lang?’ tanong ng babae, sabay higop sa kape.
‘Balik muna ako sa kabila. Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan si Boss.’
----------------
Disyembre ng madaling araw, malamig ang hanging dumadampi sa balat ni Gabe. Nakatitig siya sa mga nagkikislapang Christmas lights habang tumutugtog ang mga kantang pam-Pasko. Dati-rati magkakasama silang magkakapatid na nagsisimbang gabi. Ngayon, mag-isa na lang siya. Nasa Tokyo kasi ang mga bata, isinama ng tatay nila sa Disneyland. Doon daw sila magpa-Pasko at Bagong Taon. Eh ano ba namang laban niya kay Mickey Mouse?
Matapos mag-almusal ng mami at puto-bumbong sa tabi ng simbahan ay dumeretso na si Gabe sa apartment ni Daniel. Pasikat pa lamang ang araw, matagal-tagal pa ang ipaghihintay, pero mas ayaw niyang umuwi ng bahay, dahil lalo lang siyang malulungkot.
Binati ni Gabe ang receptionist at saka naupo sa sofa. Inilabas mula sa backpack ang bagong kopya ng The Graveyard Book. Bigay ng tatay niya. Ayaw niya sanang basahin kaso naubusan na siya ng libro, at wala naman sigurong masama kung tumanggap ng regalo kahit minsan. Kabubukas pa lamang niya ng libro nang may dumaang lalaki sa kanyang harapan. Nagulat siya nang makita si Daniel, galing sa pagja-jogging. Nakita siya ng amo pero ni hindi manlang siya tinanguan. Parang kahit anino ay hindi napansing naka-upo sa sofa.
Nanigas ang mga kamay ni Gabe. Naging mababaw ang kanyang paghinga at bigla siyang nakadama ng panlalamig.
‘Sir, okay ka lang?’ May pag-aalala sa mukha ng receptionist. ‘Nanginginig ka, Sir.’
Hindi siya makapagsalita. Pinilit niyang huminga ng malalim at ikalma ang sarili. Maya-maya pa’y lumapit na ang receptionist at may dalang mug ng mainit na tubig.
Nang matapos uminom ay tinanong siya ng babae kung gusto niyang pumunta sa clinic. Nagpasalamat si Gabe, subalit tumanggi sa paanyaya. ‘Okay lang ako, bigla lang akong gininaw.’ Hindi na ito bago sa kanya. Ilang linggo na rin siyang inaatake ng ganito, lalo na kapag stressed. Ayaw niyang magpa-doktor, dahil mukha namang hindi seryoso.
Hindi siya kinibo ni Daniel nang ihatid niya ito sa opisina. Aligaga ang mga tao dahil may mga dadating daw na mga bisita galing Germany. Kahit si Ericka ay stressed na stressed. Halos patakbo naman si Gabe sa pagtapos ng mga trabaho dahil sa dami ng iniuutos ng kung sinu-sinong managers.
Alas-kwatro na ng hapon nang makapagpahinga si Gabe; kakaalis lang ng mga bisita. Hindi siya nakapagtanghalian kaya’t gutom na gutom siya. Habang nagpapainit ng pagkain sa microwave oven ay umupo muna siya dahil sadyang napakasakit ng mga binti’t paa sa dami ng nilakad. Basa na nga ng pawis ang kanyang likuran at hindi pa niya nakukuhang magpalit ng t-shirt. Magpapalit nalang siya pagkatapos kumain dahil ayaw ng amo sa amoy pawis.
Tumunog na ang oven, pero bago pa man siya makatayo ay biglang pumasok ng pantry si Daniel. Napangisi ito nang makita siya.
‘Ang dami-daming trabaho, nagpapahinga ka lang dito?’
Nagsimula ang pangmamanhid sa mga kamay ni Gabe. Dumaloy ito sa kanyang braso, hanggang umabot sa batok. Nagdilim ang kanyang paningin. Hindi na niya narinig ang pagtawag sa kanyang pangalan; hindi naramdaman ang pagsalo ng mga braso bago siya tuluyang bumagsak.
Nang mahimasmasan ay nakatihaya na siya sa isang malambot na higaan. Ilang segundo pa ang nakalipas bago niya matandaan kung anong nangyari. Hinang-hina pa rin siya. Paglingon niya ay umikot ng kaunti ang paningin. Sa kanyang tabi ay nakaluhod si Daniel.
Hindi matandaan ni Gabe kung papaano siya nakarating sa kwarto ng amo, pero kung may malay lamang siya ay walang makakapilit sa kanyang bumalik dito. Nagtangka siyang tumayo, subalit pinigilan siya ng mga kamay ng amo—ni Daniel. Hindi na niya ito amo simula ngayon. Aalis na siya at hindi na siya babalik kailanman.
‘Gabe… tinatawag na ni Ericka ‘yung nurse, huwag ka muna tumayo…’
Pinilit ni Gabe na maupo, nakakapit sa inside arm ng itim na sofa para i-steady and sarili. Kakayanin pa naman niyang makababa ng building… may elevator naman… at magta-taxi siya pauwi. May pera naman siyang pang taxi…
Kinuha niya sa bulsa ang susi ng kotse at iniabot ito kay Daniel. ‘Magreresign na ‘ko,’ ang mahinang sabi ni Gabe, hindi makatingin sa kausap. ‘Salamat po sa lahat ng tulong nyo, pero aalis na po ako.’
‘Gabe, please,’ sabi ni Daniel, may pagsusumamo sa boses nito, ‘mag-usap tayo—’
Bumukas ang pinto at patakbong pumasok si Ericka, kasunod ang nurse mula sa clinic. Ikinuwento ni Daniel ang nagyari, at sinabi naman ng sekretarya na hindi pa siya nagtatanghalian kaya’t malamang ay ito ang dahilan ng kanyang pagkahimatay. Wala namang pakialam si Gabe sa kung ano mang pinag-uusapan nila. Ang mahalaga ay makaalis siya dito. Latang-lata nga lamang siya at walang lakas na kumilos. Ipinikit muna niya ang kanyang mga mata dahil sa pagod.
Muli siyang nagising nang may kamay na tumapik sa kanyang pisngi. ‘Gabe, inumin mo muna ‘to, para magka-lakas ka.’
Wala na ang sekretarya at ang nurse, at katabi na niya si Daniel sa upuan. Isang mug ng mainit na cereal milk drink ang inilapit nito sa kanyang bibig. Parang gustong masuka ni Gabe sa amoy, pero wala na siyang nagawa nang idinikit sa labi ang inumin. Dahan-dahang uminom si Gabe. Kapag may konting natatapon ay pinupunasan ito ni Daniel ng panyo.
Nang matapos ay tila nawala ang kanyang hilo. Gutom lang pala.
Tumayo si Gabe at lumakad papunta sa bukas na pinto.
‘Gabe, wait! Walang nangyari sa amin ni Brandon at hindi ko siya binalikan. There was only you, I promise.’
Paglabas ay isinarado niya ang pinto, ni hindi nilingon ang lalaking nagsasalita. Wala na siyang ibang sasabihin kay Daniel, nasabi na niyang lahat, at wala siyang panahon para makinig sa kahit ano pa mang paliwanag.
----------------
Maliwanag ang kalangitan dahil sa milyun-milyong bituin sa langit, kumikislap na parang dyamante. Nakahiga si Gabe sa damuhan at ninanamnam ang mala-yelong lamig ng hangin. Payapa ang kapaligiran, taliwas sa nararamdaman ng kalooban.
Bakit ba ngayon lang siya bumalik ng UP Los Banos? High school pa siya nang huling makaapak dito, at simula noon ay ito na ang pinangarap niyang kolehiyo. Iyun nga lang, hindi siya pumasa sa entrance exam, at tumigil din naman siya sa pag-aaral kaya’t natapos na rin ang pangarap niyang mag-transfer dito. Marami nang buildings ang hindi niya matandaan, pero binitbit pa rin siya ng mga paa patungong Freedom Park. Walang tao sa campus dahil bakasyon na, at pakiramdam ni Gabe ay siya nalang ang natitirang tao sa mundo.
Kaninang hapon lang ba siya nag-resign sa trabaho? Parang taon na ang nakalipas. Parang labindalawang buwan simula nang umalis ng opisina at dumeretso sa bus station papuntang Los Banos. Kumain muna siya sa Jollibee at saka naglakad mula junction hanggang makarating sa open field ng unibersidad. Wala siyang dalang kahit ano maliban sa pitaka at cell phone.
Tanggap na niya ang paglayo ng loob ng mga kapatid. Tanggap na ang pagtatapos ng ugnayan nila ni Daniel.
Mali si Rusty. Hindi naman nila nalampasan ni Daniel ang problema. Lalo lang nilang sinaktan ang mga sarili bago tinapos ang lahat. Tapos na. Wala nang kasunod. Sa wakas ay malaya na siya, at pwede na niyang gawin ang kahit ano.
Parang biglang nagbukas ang kalawakan para kay Gabe. May naipon naman siya, baka pwede siyang mag-aral muli! Hindi na naman niya aalalahanin ang mga kapatid kaya’t maaari na siyang maghanap ng trabaho sa malayong lugar. Eh kung pumunta kaya siya ng Korea?
‘Gabe…’
Napatalon si Gabe sa takot, at may kasama pang sigaw. ‘Huwag kang lalapit!’ Naka-akma siya na parang manununtok.
Sa di kalayuan, kanyang naaninagan ang katawan ng isang lalaki na natatakpan ng mga anino.
‘Ako ‘to.’
Lalong lumakas ang kabog ng puso ni Gabe. Putangina. Kung kailan naman mag-mu-move-on ay saka may multo ng nakaraan na nagbabalik. Tumayo siya ng tuwid. ‘Papano mo nalaman na nandito ako?’
‘Sinundan kita.’ Lumapit ang lalaki.
Parang may paru-parong nagsasayaw sa tiyan ni Gabe. ‘Stalker ka ba?’
Hindi nagsalita ang lalaki, at sa halip ay tumayo sa kanyang harapan. ‘Pareho tayo ng bus na sinakyan, hindi mo lang ako napansin—’
‘Bakit ka nandito?’
‘Para mag-sorry. Sorry, Gabe, hindi ko sinasadya. Kasalanan ko, alam ko ‘yon, pero sana mapatawad mo ‘ko. Nagawa ko lang naman ‘yon dahil sa selos.’
‘Kaya ba ginawa mo lahat para saktan ako?’
‘Fuck.’ Pumiyok si Daniel. Hindi man nakikita ni Gabe ay alam niyang umiiyak ang kaharap. ‘I know… it was my fault and I’m sorry—’
‘Mag-Tagalog ka para maintindihan kita.’
‘Iniwan ko si Brandon para sa ‘yo. Tinapos ko ang anim na taon naming relasyon dahil akala ko hindi pa ‘ko handang mag-asawa… kahit magpapakasal na sana kami sa Canada. Pero… na-realize ko na hindi totoo na ayaw ko lang magpakasal. Dahil nung nakita ko kayong dalawa ni Rusty, alam kong ikaw lang ang gusto kong makasama habangbuhay. Wala nang iba. Hindi lang ako sigurado dati, pero sigurado na ‘ko ngayon. Natakot lang ako… pero hindi na. Hindi na ‘ko takot ngayon.
‘Pinilit kong magalit sa ‘yo dahil hindi ko matanggap na may ibang lalaki kang minamahal, na iniwan ko si Brandon para sa wala. Hindi tama ‘yon, alam ko, pero nasaktan talaga ako, na pinili mo si Rusty kesa sa akin. Huwag ka na umalis, Gabe, please? Akin ka nalang ulit.’
Hindi makapaniwala si Gabe sa narinig. Totoo ba ‘to? Parang gusto na naman niyang mahimatay sa gulat.
Tumalikod si Gabe, para lumayo at makapag-isip. Naka-isang hakbang pa lamang siya ay hindi na siya maka-galaw. Yumapos mula sa kanyang likuran si Daniel; basa ang mukha na nakapatong sa kanyang batok. Walang tunog ang iyak ni Daniel, pero nanginginig ang katawan.
Hindi alam ni Gabe kung gaano katagal silang nakatayo ng ganon. Napanood na niya ‘to eh, sa Meteor Garden. Paalis si Shan Cai, tapos niyapos siya ni Dao Ming Si para pigilan. Ewan ba ni Gabe, pero dahil siguro nai-iyak na niyang lahat, napalitan na ang lungkot ng kilig. Kilig na kilig. Parang gusto niyang tumambling sa saya.
‘Kulang na lang ulan, pang pelikula na sana,’ sabi ni Gabe.
Bigla namang natawa ang lumuluhang lalaki sa kanyang likuran at lalong humigpit ang yakap nito.
----------------
Nagising si Gabe kinabukasan na kayakap ang hubad na katawan ng kasintahan. Ang sarap pakinggan. Kagabi ay sinagot na niya si Daniel, sa gitna ng damuhan, sa ilalim ng mga tala.
Doon sila tumuloy sa SEARCA Hotel sa loob ng campus. Sabik na sabik sila sa isa’t isa kaya’t wala nang pinalampas na pagkakataon upang muling magniig.
Ginising ni Gabe ng halik ang kasintahan at muling nag-isa ang kanilang mga katawan.
----------------
Hapon, December 24. Naka-upo si Gabe sa sofa at nanonood sa Love of Siam.
Lumapit si Daniel. Naka-maong na shorts, malaking puting t-shirt, walang suot sa paa, at may dalang malaking bowl ng cherries na may whipped cream. Si Gabe naman ay naka-gray pajama bottoms at walang pangtaas.
Umupo si Daniel sa hita ni Gabe at dumantay sa kanyang katawan habang kumakain. ‘Bakit umiiyak si Mew?’
‘Iniwan ng putanginang Tong na ‘yan. Hindi daw mababago ang pagmamahal, pero iniwan din naman. Ewan ko nga, hindi ko maintindihan. Bakit? Ayaw ba niyang magkatuluyan sila? Sabi ko na dapat si Aex nalang ang nagustuhan ni Mew eh, halata naman na may gusto ‘yung isa. Nakakaasar talaga. Wala bang happy ending?’
Napatawa si Daniel at sinubuan siya ng cherry. ‘Bakit ka affected?’
Nginuya muna ni Gabe ang prutas bago sumagot. ‘Nakakainis kasi. Maganda pa naman yung pelikula, kaso… basta!’
‘Eh kung si Rusty si Aex tapos ako si Tong, sinong pipiliin mo?’
Ngumiti si Gabe. Natutuwa talaga siya kapag nagseselos ang boyfriend. ‘Hmmm… Depende.’
‘Depende!’ Pinalo ni Daniel ang hita niya, at napatawa naman si Gabe.
‘Kasi diba si Tong sinasaktan nya lang naman si Mew. Eh si Aex, loyal yun—oy, teka! ‘Wag ka umalis, joke lang! Shempre si Tong ang pipiliin ko.’ Pinaliguan ni Gabe ng halik ang batok ng nagtatampong si Daniel. Tinanggal sa kamay ang bowl ng cherries at ipinatong sa coffee table. ‘Si Tong talaga pipiliin ko, ang gwapo kaya ni Mario Maurer!’
Sa pagpupumiglas ni Daniel ay lalong hinigpitan ni Gabe ang kapit. ‘Magsama kayo ni Mario Maurer!’ sigaw ni Daniel. Tawa naman ng tawa si Gabe. Tumayo ito, buhat ang nobyo.
‘Eeep!’ Napakapit si Daniel sa leeg ni Gabe.
Dinala niya ito sa kwarto at parang laruan na itinapon sa king-sized bed. Puno ng libog ang mukha ni Daniel nang tumihaya ito. Lumapit si Gabe at marahas na hinila pababa ang pambaba ng lalaki. Agad din niyang tinanggalan ito ng t-shirt. ‘Dapa,’ utos ni Gabe.
Napasinghap si Daniel nang pasukin ng batuta ang kanyang biyak. Hindi siya makasigaw dahil natatakpan ng palad ni Gabe ang kanyang bibig; hindi siya maka-kilos dahil sa bigat ng lalaking nakapatong sa kanya.
Ngayon lamang ito ginawa ni Gabe, ang pasukin si Daniel ng walang preparasyon. Basang-basa ng lubricant ang kanyang tarugo subalit sadyang napakasikip ng butas ng kasintahan. Dahan-dahan ang kanyang pagpasok, pero dere-deretso. Naninigas ang katawan ni Daniel sa sakit, pero sa libog ni Gabe ay hindi mapigilan ang sarili. Nilamon na ng demonyo ang kanyang utak. Palaging ganito kapag ka-sex niya si Daniel, hanggang impyerno ang kanyang pagnanasa.
Naabot ni Gabe ang sukdulan. ‘Gusto mo ba ng anak, babe? Aanakan kita,’ pagbabanta ni Gabe. Dahan-dahang hinugot ang tarugo, at saka mabilisang ibinaon muli.
‘Umph!’ Napakislot si Daniel.
‘Masarap?’ Hindi tinatanggal ni Gabe ang kamay sa bibig ng lalaki.
‘Umphhh… umphhh…’
Wala nang paligoy-ligoy pa, nagsimula na si Gabe sa pag-atras-abante, bigay ang buong lakas, kantot na parang hinahabol ng latigo ni Hudas. Pang hayop ang ginawang pagkabayo ni Gabe sa pwet ng nobyo, at lalo siyang ginanahan dahil walang magawa si Daniel kundi umungol at abangan ang bawat pagtusok ng kanyang alaga. Pawisang pawisan silang dalawa.
Itinagilid niya ang ulo ni Daniel at mariing hinalikan ang mga labi nito. Halos umikot ang mata ni Daniel sa sarap. Ginagamit siya ni Gabe na parang puta na lalong nagpapalibog sa kanya. Sa sobrang lakas ng pagbarurot sa kanyang likuran ay kayhigpit ng kapit niya sa comforter.
‘Shit… Gabe… ibaon mo pa, baby! Ugh! Umph-umph-umph-umph-umph! Gabe…’ Umiiyak na si Daniel sa sakit at sarap. Sa laki ng anaconda ay parang abot-pusod kapag nakapasok sa kanyang kweba, winawarak ang kanyang kaloob-looban.
Umiba ng pwesto si Gabe. Tumihaya siya, hila-hila si Daniel, walang tanggalan ng burat. Nakahiga ang mas maliit na lalaki sa kanyang harapan, wala nang lakas para manlaban. Mula sa ilalim ay muling kumantot si Gabe. Nilindol ang kama sa pagbarurot. Nakapulupot ang mga braso sa tiyan ni Daniel para walang kawala.
Maliban sa pag-iyak sa sarap ni Daniel ay maririnig sa kwarto ang walang humpay na pagtama ng balat sa balat, ang paghingal ng magnobyo, at ang pagmumura ni Gabe. Matayog na alapaap ang kanilang pinagsaluhan.
‘Malapit na ‘ko, babe…’ pag-ungol ni Daniel, pabilis nang pabilis ang pagbabati sa sariling uten habang kinakantot mula sa ilalim. ‘Heto na…. ah! Ahhhh!!! Ahhh!!! Ahhh!!!’
Sumirit ang tamod ni Daniel, parang ulan sa dami, tuloy-tuloy. Akala niya’y hindi na matatapos.
‘Humanda ka na, Dan, buntis ka ngayon!!!’ Pumutok ang tamod sa loob ng kweba ni Daniel. Sunod-sunod ang pagpapasabog ni Gabe. Halos hindi makahinga si Daniel sa higpit ng pagkayakap sa kanya.
Nang mahimasmasan ay gumulong palayo si Daniel. Para siyang binugbog ng buong baranggay.
‘Hindi pa ako tapos sa ‘yo,’ ang matigas na sabi ni Gabe, at muling hinila ang nobyo.
----------------
Nagising si Gabe, madilim ang kwarto. Ang liwanag ay nanggagaling sa bukas na pinto. Sa background ay kumakanta si Joni Mitchell ng Both Sides, Now. Binalot ni Gabe ang hubad na katawan ng kumot, sapagkat napaka-lamig sa penthouse. Antok pa siya paglabas ng kwarto at naglakad na pagewang-gewang.
Alas diyes y media ng gabi, nakita niya sa wall clock. Si Daniel naman ay nasa kusina at naghahanda ng Noche Buena. Nagutom siya sa amoy ng inihaw na manok at keso.
Kaytamis ng ngiti ni Daniel na sumalubong sa kanya. Binalot niya ito ng suot na kumot at saka hinalikan ng buong pagmamahal sa labi, sa pisngi, sa talukap ng mata, sa noo. ‘I love you,’ bulong ni Gabe.
Tumawa ng mahina si Daniel. ‘I love you, too.’
Ilang segundo pa silang nanatiling magkayakap bago muling nagsalita si Daniel. ‘Ito na yata ang pinaka-masayang Pasko sa buong buhay ko.’
‘Hmm? Talaga?’ Antok pa ang boses ni Gabe, pero may ngiti sa kanyang tono. Nakapikit ang mga mata habang nilalanghap ang matamis na amoy ng lalaking mahal. Muli niya itong hinalikan sa labi. ‘Ako din. Best Christmas ever!!!’
‘Halika na, maligo na tayo. We have to be ready by midnight. I prepared something special.’
Akala ni Gabe ay maliligo sila ng sabay, subalit nauna si Daniel, para maihanda daw ang surprise.
Paglabas ni Gabe ng banyo ay nakita niyang may nakahanda nang damit para sa kanya; nakalatag sa kama. Navy blue na pantalon, puting long-sleeved dress shirt, gray na wool cardigan. Mayroon ding violet na medyas at brown na sneakers. Napatawa si Gabe sa underwear: itim na thong. Isinuot na rin niya, kaysa naman wala. Ang hirap lang isuot dahil bukod sa natural na malaki ang titi ay tumigas pa ito ngayon.
Hindi mawala ang mga ngiti hanggang sa lumabas ng kwarto. Medyo madilim ang sala, pero sa mga dingding ng dining area ay nakasabit ang napakaraming dilaw na Christmas ligths. Sa tabi ng mesa na may nakapatong na silver candelabra ay nakatayo si Daniel. Parehong-pareho sila ng suot, mula jacket hanggang sapatos.
Napansin niya na parang pinagpapawisan si Daniel.
‘Gabe,’ pagsisimula ni Daniel, ‘thank you, kasi hindi ka sumuko sa akin.’ May pangininig sa boses nito. ‘Napakabuti mong tao, hindi ko alam kung paano mo ako natagalan, pero nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan Niya ako ng kagaya mo. Mabait, masipag, mapagmahal, matatag… lumalaban kahit duguan na. Thank you, kasi…’ Pumiyok na si Daniel, namamasa ang mga mata, ‘kasi kung hindi, baka mag-isa lang ako ngayon. Mag-isa lang akong magpa-Pasko, kaya thank you, kasi hindi ako iniwan…’
Lumapit si Gabe para aluin ang kasintahan, pero pinigilan siya nito, ipinatong ang kaliwang palad sa kanyang dibdib. May dinukot na bagay sa kanang bulsa.
Isang platinum na singsing.
Lumuhod si Daniel at inabot ang kanyang kaliwang kamay.
‘Andrew Gabriel Mercado, I love you with all my heart. You’re the man I want to be with, forever. Will you marry me?’
(Author’s note: Happy ending ba? ‘Wag muna! Marami pang dramang naghihintay sa ating mga bida, kaya kapit lang, mga kaibigan, at huwag magsawa sa pagsubaybay! Nagmamahal, Asyong Bayawak.)
COMMENTS