$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Not Today (Part 6)

By: Prince Zaire Naiinis na ako sa iyo Bakit mo ba ako ginaganito Ikaw ba ay naguguluhan sa 'king tunay na nararamdaman sa iyo ...

By: Prince Zaire

Naiinis na ako sa iyo

Bakit mo ba ako ginaganito

Ikaw ba ay naguguluhan sa 'king tunay na nararamdaman sa iyo

 

Ano pa bang dapat na gawin pa

Sa 'king pananamit at pananalita

Upang iyong mapagbigyang pansin aking paghahanga at pagtingin sa iyo

 

Wag mo na sana akong pahirapan pa

Kung ayaw mo sa 'kin ay sabihin mo na

Wag mo na sana akong ipaasa sa wala

Oo na mahal na kung mahal kita

Yan ang tugtog mula sa aking playlist habang ako ay nag-iisip sa kung anong isusulat ko sa blankong papel na nasa aking harapan. Sa makalawa na ang pasahan at ni isang salita ay wala pa akong nasusulat. Ang hirap naman kasi magsulat ng isang bagay na punong puno ng emosyon. Naiingit nga ako kay Pat kasi natapos na niya. Ganun siya kabilis mag-isip, ganun niya kabilis natapos ang isang output na ang hirap gawin lalo pa’t sabi ni Sir Franco ay dapat kakaiba yung atake as always. Maraming gumugulo sa isipan ko kaya di ko masimulan yung output ko. Maraming naglalarong mga katanungan sa kung ano ba talaga sila. Sakto pa yang mga kanta ng Parokya, saktong sakto sila sa aking nararamdaman. Mula sa Halaga, sa Wag mo na sana, Tsokolate at marami pang iba. Parang alam na alam ni Chito ang nararamdaman ng bawat taong tulad ko. Naalala ko pa yung usapan namin ni Sir kamakailan lang. Syempre, nasa paboritong tambayan kami. Kundi sa Starbucks ay sa McDonalds, pero this time nagpunta kami ng Eastwood, huhuliin daw niya si Pikachu.

“Level up na men!” sigaw niya.

“Isip bata, ang tanda tanda mo na Sir, naglalaro ka pa ng AR Games” tugon ko.

“Maka-matanda to, hoy malakas pa tuhod ko noh”

“Sus, eh nung isang araw nga pinapunta mo ako sa Condo mo dahil sabi mo masakit ang likod mo at kailangan mo ng taga masahe. Masahista na rin pala ako ngayon noh”

“Eh ang galing mo kasi eh, di ba best buds na tayo. Sanggang dikit men, akala mo naman di siya nag-enjoy sa paghagod sa katawan ko” sabay ngisi niya.

“Di noh”

“Mamatay?”

“Mauna ka Sir”

Tumawa lang siya.

“Nga pala, napag-isipan mo na ba yung alok nina Vince?”

“Ayoko” sagot ko.

“Dwight, please naman oh. Gawin mo ito para sa akin, please” pagpapa-cute niya.

“Wala na akong mapiga, drained na drained na yung utak ko Sir. Yun ngang pinapagawa mong output di ko maumpisahan. Script pa kaya for a film?”

“Di mo na ba maco-convince si Pat?”

Umiling lang ako.

“Ikaw nalang, maganda kaya yung sinulat mong The Other Day at The Next Day. Yung kina Simon Paulo at Enrico, tapos yung kay Clay at Chase. Yun na ibigay mo, hell t’was a good material”

“Ayoko Sir”

“At bakit?”

“Basta”

Nagtitigan nalang kami.

“50,000 yun Dwight”

“Hindi naman po yun about sa pera Sir eh, di pa po ako handa para sa ganyan. And to tell you Sir, parang nitong mga nakaraang araw nawawala yung writer spirit ko. I’m lost, lalo na po at nagwo-work ako sa kumpanya ng Daddy ko. As if I’m loving the job there”

Nagbuntong hininga nalang si Sir.

“Sabagay mayaman ka naman na kasi. Ano ba naman yung 50,000 lang. Kung ayaw mong magsulat, oh sige ako nalang. But in one condition”

“Ano?” tanong ko.

“Papayag kang i-meet si Vince bukas, dinner daw sa Dusit Thani”

Pinandilatan ko lang siya.

“Please?”

“Set-up ba to? Why are you doing this Sir?”

“Gustong makipag-kaibigan nung tao, anong masama dun?”

Nagkibit balikat nalang ako.

“Binigay ko number mo sa kanya, reply’n mo”

“Sir” angal ko.

“Please, para sa pamangkin ko”

Tumango nalang ako. Matapos nun ay nagtetext na nga si Vince, tumatawag narin pero di ko sinasagot. Pinakita ko ito kay Pat.

Nakasimangot siya nung una. “Sige reply’n mo at makipag-date ka, tiwala naman ako sayong di ka maiinlove dun eh”

“Di ka galit?”

“Ba’t ako magagalit, ano ba kita?”

“Ahhhhm, matalik na kaibigan. Pat” saka ko siya deretsong tinitigan sa mata.

“Ano?” tanong niya.

“Kung sabihin ko sayo one day na gusto na kita anong gagawin mo?”

“Tatalon ako sa Palma Hall”

“Sira, ano nga?”

“Wala”

“Wala?”

“Kasi, di naman darating yung time na yun Dwight. Oh kumusta pala yung output mo, tapos na?” umiling lang ako.

“Ang bobo” pahayag niya.

“Grabe ka naman sa bobo”

“Joke lang, anong nangyayari sayo?”

“Writers block”

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

Nireplyan ko nga si Vince at pumayag akong makipagkita sa kanya. Nalaman ng kapatid ko na may date ako dahil na-chismis nanaman ni Pat ito sa kanya. Oo, close sila ni Kuya Ronan.

“Bunso, ano yang suot mo?” tanong ni Kuya habang bumababa ako sa hagdan.

“Damit” sagot ko.

“Tang ina pilosopo, magpalit ka nga. Kelan pa naging ok ang white t-shirt at pantalon sa Fine Dining aber?”

“Ngayon”

“Dwight”

“Kuya?”

“Go upstairs, at magpalit ka”

“Ayoko”

Umakyat narin si Kuya at hinatak ako pataas patungo sa kwarto niya. Pinaupo niya ako sa kama at nagtungo siya sa Closet niya. Kumuha siya ng Navy blue na Pants, at saka coat at long sleeves polo na dark din.

“Here, eto ang isuot mo”

Sumimangot lang ako.

“Dwight”

“Ok, ok” saka ko hinubad yung suot kong t-shirt at pantalon, naka-boxers nalang ako noon. Napansin kong nakatitig si Kuya sa akin.

“Bakit?”

“Iniisip ko lang kung bakit di pa naakit si Franco sa katawan na yan” saka siya tumawa.

“Gago” banggit ko saka nagmadaling magbihis.

“Pagkakitaan mo kaya yang katawan mo” biro ni Kuya.

“Sira, di ko kailangan ng pera noh. Saka, kahit hirap kami noon di ko naisipang maging call boy. Oh ano, ayos na ba ito?”

“Perfect, tignan lang natin kung di pa mai-inlove si Franco sayo”

“Kuya, hindi po si Sir yung kasama ko, yung pamangkin niya po. Di ba sinabi ni Pat yun sayo?” umiling lang siya.

“Babae ba yung pamangkin niya? Naku matutuwa si Dad pag nalaman niyang magkaka-girlfriend ka na ulit”

“Lalake po”

Lumapit si Kuya sa akin saka bumulong. “Diyan sa inner pocket ng coat mo may rubber at lubricant. Enjoy! Wag mo masyadong pang-gigilan mamaya baka duguin” saka siya tumawa.

“Loko, walang ganun. Mag-uusap lang kami”

“Malay mo, lasingin ka niya edi nayari na. Oh hatid na kita”

“Mag-MRT nalang ako”

“Ganyan ayos mo? Siraulo ka rin noh, hatid na kita”

“Alam ko na pong mag-drive”

“Wala, di yan uubra sa akin. Let’s go Dwight”

Wala nga akong nagawa, hinatid ako ni Kuya.

“Oh yung bilin ko ha dahan dahan lang pag papasok ka na” sinimangutan ko lang siya. “Magkikita pala kami ni Patricia, nag-ayang mag-Valk” dagdag pa niya.

“Hoy, wag mo yung lalasingin masyado”

“Uyyy, concerned siya”

“Of course kaibigan ko yun”

“Uyyyy, bakit ganyan ka ka-concerned?”

“Ewan ko sayo, oh sige mauna na ako”

“Uyyy, excited”

Ang kulit talaga ni Kuya, kaya naman sinara ko na yung pinto ng kotse at naglakad na papasok sa hotel. Napaka-uncomfortable nung suot ko, para akong dadalo sa business meeting. Nakita ko nga si Vince dun sa lobby at gaya ko ay bihis na bihis din. Kaya lang parang mas-OA yung akin.

“Fuck You, Kuya Ronan” bulong ko sa sarili ko.

“Hi, kanina ka pa?” bati ko, pero di siya umimik at titig na titig parin sa akin. “Brad, ok ka lang?” tanong ko ulit” wala parin, ang layo ng iniisip.

Hinawakan ko na siya sa balikat. “Vince, ayos ka lang ba?”

“Ah sorry, nakakita kasi ako ng anghel”

“Saan?”

“Sa harap ko” napa-smile nalang ako at narinig ko siyang magmura.

“Pucha, gwapo nito”

“Ano?” tanong ko.

“Wala, can we?”

“After you”

Kumain na nga kami ni Vince, nag-order siya ng mamahaling wine, steak at kung ano-ano pa.

“May gusto ka pa ba, name it” banggit niya.

“No, no, I’m fine”

“All right, so alam mo naman na siguro kung sino ako diba?”

Tumango ako, “Vince Jireh Aguirre, at nalaman ko sa Daddy ko na ang family niyo ay stockholder sa kumpanya namin”

“Ganun ba? Di ko alam yun ah”

Marami kaming napag-usapan. Marami siyang tanong sa akin, kung single ako at kung ano ano pa. At halata naman na he’s flirting with me. Nagiging touchy narin siya noon.

“Paano mo naging Tito si Sir Franco?” pag-iiba ko sa usapan.

Natawa siya sa tanong ko. “Why?” sabi ko.

“Naniwala ka talaga?”

“Hindi ka niya pamangkin?”

“Of course not”

“Eh ano?”

“Wala siyang sinabi sayo?”

Umiling lang ako.

“Nevermind. Eh si Patricia, may nakwento na siya sayo?”

“Yeah, Ex ka niya”

Tumawa ulit siya. “Ex. Silly!”

“Nakakatawa talaga Vince?” galit kong tanong.

“Oo naman”

“So natutuwa kang paglaruan ang damdamin ng mga babae. Ng mga katulad ni Pat?”

“Bata pa kami nun, and she’s stupid & fat”

Tumayo na ko nun at sinenyasan ang waiter for the bill. Inabot sa akin ng waiter yung bill at kahit ang mahal nun ay binayaran ko.

“What are you doing?” tanong niya.

“I’m paying the bill” sagot ko.

“Why?”

“Because I can, at ayokong magka-utang sa iyo. Bye Vince I have to go”

“Wait, may nagawa ba akong di mo nagustuhan”

“Meron”

“Sabihin mo, I’m sorry. I didn’t mean to”

“You just did” saka ako umalis doon. Diniretso ko ang daan patungo sa MRT Station, tinanggal ko na yung coat ko at itinaas ko na yung long sleeves ko. Para mas madali akong maka-uwi ay nag-MRT nalang ako.

Nakareceive ako ng text mula kay Sir Franco, nagtatanong siya kung kumusta yung date. Di ko siya nireplyan. Kinabukasan habang nagbe-breakfast kami ni Kuya ay nagtanong siya kung anong nangyari kagabi.

“He’s so stubborn” pahayag ko. “Kumusta si Pat?”

“Wasted”

“Ba’t mo naman hinayaan ng ganun yun?”

“Mapipigil ko ba, kailangan daw niya ng diversion bro. Alam mo, mahal na mahal ka nun”

“I know”

“But why?”

“Anong why?”

Di nalang siya umimik.

“May allowance ka pa ba? Eh ikaw ata nagbayad ng kinain niyo kagabi ah”

“Meron pa, kasya pa sa akin to. Tipid tipid nalang siguro, tapos magco-commute nalang ako. Ano ka ba Kuya, sanay ako sa ganito”

“Ako hindi, ayoko naman nakikita ang kapatid ko na naghihirap nanaman noh. And it’s my duty to look after you, magagalit sa akin si Mommy at lalo na yung magaling nating Tatay pag nalamang pinapabayaan kita – here” sabay abot ng isang envelope.

“Ano to?”

“Yung sahod mo sa pago-ojt mo sa publishing at sa distillery” inabot ko nalang.

“Kuya dumating ka na ba sa point na ayaw mo na yung ginagawa mo? Na naiisip mo na yung ilang years na ginugol mo sa craft mo are all a waste of time & money”

“Hindi, hindi pa naman. Kasi this is what I love, eto yung gusto ng puso ko. Bakit, ikaw ba?”

“I’m confused Kuya, dahil nga nagtatrabaho na ako kay Daddy parang nagugustuhan ko na yung ginagawa ko dun. Parang yun talaga ang calling ko, maging businessman at hindi writer”

“Maganda yan atleast may magmamana talaga sa family business. Kung hindi ka na masaya, awat na. Ganun din sa pagmamahal Dwight, kung di na healthy. Kalas na, magkakasakitan lang kayo pag tinuloy mo pa”

“May tanong ako, you’re not totally over him are you?”

“Travis?”

Tumango lang ako.

“He’s my 1st love, di madaling tanggalin yun ng basta basta. It never dies, it will never be”

“Bakit mo siya pinakawalan kung ganun?”

“We need to grow, we need to grow separate ways. Pinakawalan ko siya dahil ganun ko siya kamahal”

“Ang swerte ni Kuya Travis sayo noh”

“Hindi rin, swerte ko sa kanya nun. Naramdaman ko kung paano mahalin. Ganun pala yun, di mo maexplain. Masaya, masarap, masakit. Ano ba to, umagang umaga nagda-drama tayo”

Naka-receive ako ng text mula kay Sir Franco nung umaga ding yun, pinapapunta niya ako sa Condo niya at may pag-uusapan daw kami. Pumayag naman ako, nagtungo nga ako sa Condo niya at nagulat ako noon ng makita ko yung kotse ni Vince sa parkingan ng gusali. Pumasok na ako sa lobby at tinungo ang elevator saka umakyat. Naglakad sa hallway para marating ang dulong unit. Kakatok na sana ako nun kaya lang naiwang naka-bukas yung pinto. Nagtaka ako dahil di yun malimit gawin ni Sir.

“Hay naku, tumatanda na nga. Makakalimutin” tugon ko sa sarili ko. Pumasok ako. “Sir?” tawag ko.

Na-curios ako nang may marinig akong strange sounds na nagmumula sa kwarto ni Sir Franco. Medyo bukas din ang pinto ng kwarto niya kaya sumilip ako. Nagulat ako sa aking nakita dahil nandun sina Sir at Vince na masayang pinapaligaya ang isat-isa. Sarap na sarap si Sir habang parang hinete si Vince na umiindayog sa taas ng sandata niya. Dali-dali akong umalis sa unit na yun at dumiretso nalang sa Campus kahit alas-tres pa yung klase ko.

“Pamangkin pala. Nakaka-gago, kelan pa pwedeng magtirahan ang mag-tiyuhin” tugon ko sa sarili ko. Nasasaktan ako nun, bakit ganun si Sir Franco? Nasasaktan ako kahit wala akong karapatang masaktan. Best buddy lang ang turing sa akin ni Sir. Nakababatang kapatid, yun lang. Ako kasi kinukulayan ko ang di dapat kulayan. Nakaka-tanga lang kasi, bakit niya ako pinapunta dun? Sinasadya niya bang makita ko ang lahat o gusto niya ding sumali ako sa ginagawa nilang “mag-tiyuhin” na paglalaro ng bahay-bahayan.

“Hoy, anong problema” banggit ni Pat ng mapansin niyang tulala ako, umiling lang ako sa kanya.

“Kilala kita Dwight, ano nga?”

“Mamaya nalang pagkatapos ng klase”

Pagkatapos nga ng klase ay di ako tinantanan ni Pat hanggang sa di ko kinikwento ang lahat.

“Ok Dwight, spill it out”

“Nasasaktan ako”

“Kelan ba hindi?” sarkastiko niyang pahayag.

“Hindi pala pamangkin ni Sir Franco si Vince”

“Fuck Buddy niya yun. Naniwala ka namang pamangkin niya, naisahan ka nila no?”

“Alam mo?”

Tumango lang sa akin ito.

“Ba’t di mo sinabi? Kelan mo pa to nalaman?”

“Kagabi lang”

“Paano?”

“Kasama naming nag-inuman si Danica kagabi, tapos kwinento niya yung kina Francis at Sir Franco. Akala mo mabait si Sir Franco noh? Akala mo perfect siya, akala mo anghel. Pero nagkakamali ka. Sabi ni Danica, masyado na daw mabait ang kuya niya at paulit ulit na pinapatawad si Sir Franco. Dahil nga daw mahal niya ito. Sa span na nagsasama sila ni Francis nun, di mabilang ng mga daliri mo sa kamay kung ilang beses nagloko yang si Sir Franco. Katulad din siya ng iba Dwight, he doesn’t deserve to be love. At yang napakalaking pagmamahal mo na yan sa kanya, he doesn’t deserve even a strand of it”

Di ako umimik sa narinig ko dahil mas lalo akong nasaktan.

“Sana lang talaga at mapatamaan si Sir dun sa pinasa kong output. Dedicated yun sa mga lalakeng tulad niya, mga lalakeng tulad nila ni Vince”

Tinitigan ko lang siya. “And what about Vince this time?”

“Alam mo si Vince, home wrecker yan. Naninira ng relasyon. Kung ako yung babaeng kaiwan-iwan, siya yung lalakeng ang sarap sunugin. Mahilig yang makikabit, pumapatol siya sa mga silahistang may asawa pag nagsawa siya dun sa tatay kung gwapo yung anak gorabels siya. Mahilig yan sa mga lalakeng may edad. Hindi lang yung Franco-Francis love team ang sinira niya, marami pang iba. Isa na dun yung kina Dylan at Red”

“Sino ba talaga yang si Red?”

“Kilala ko siya by name & by face nung una, di ba nga siya yung dahilan kung bakit iniwan ako ni Vince noon. Siya yung dahilan kung bakit naging pambansang trapal ako sa pagmamahalan nila. Nakita namin siya sa bar kagabi, mag-isa lang siya dun umiinom. Eh mukhang kilala ata ng kuya mo, dahil sabi niya ka-klase daw ata niya ito nung High School sa Xavier. Ayun, catching catching. And then boom, nagtanong ang kuya mo kung kumusta na sila ni Dylan. Sumagot naman si Red na wala na sila, nasa Barcelona na si Dylan kasama yung bagong jowa niya. And take note, naglaro ang tadhana ang jowa ng Ex niyang si Dylan ay ang pinsan niyang si Gabs”

“Bakit daw naghiwalay sina Vince at Red?”

“Nag-start sila as fuck buddy lang, ganun yung setup nila nung kami pa ni Vince. Pero nadevelop ata sila sa isat-isa ewan medyo magulo yung kwento. Months lang sila nagtagal, akala daw kasi ni Red si Vince yung ka-sparks niya. Libog lang pala ang lahat, nagsisisi tuloy siya at napakawalan niya si Dylan. At nung time daw na sila pa ni Vince, nakita daw niyang may kahalikan ito sa labas ng isang motel not once but many times – at yun ay si Sir Franco”

“Pano niya naman nasabi na si Sir Franco nga yun”

“Pinakita ko yung larawan ni Sir Franco, at tinanong ko siya kung nagkataon ba na yung kahalikan ni Vince noon ay kamukha nung nasa larawan. Tumango lang ito – o diba sosyal”

“Ridiculous” pahayag ko.

“Kung mahal mo talaga si Sir Franco wala naman kaming magagawa dun eh. Kung mahal mo, edi mahal mo kahit ano pa siya diba? Kung ready ka namang masaktan edi go, pero hanggat may panahon ka pag-isipan mo ha. Mas maganda kung kaya mong baguhin siya”

“Hindi mo pwedeng baguhin ang isang tao at ihulma ito sa kagustuhan mo Pat. Minahal mo siya dahil ganun siya”

“Sabagay, pero tandaan mo. Pag nasaktan ka, nandito lang kami. Si Kuya Ronan at Ako, reresbak kami”

“Salamat”

“Oh anong balak mo ngayon, eh isasama ka pa naman ni Sir sa Convention sa Baguio at Legazpi. Edi di mo talaga siya maiiwasan?”

“Di nalang ako sasama, ikaw nalang pwede?”

“Hala siya, sa Singapore ako no. Aattend din ako ng Summit dun, balita ko pupunta si Direk Tonet Jadaone. OMG, alam mo namang fan na fan niya ako. Pag nakita ko siguro siya, kahit di mo na ako mahalin magiging ok na ako”

“Sira”

“Totoo nga, gusto ko nga ding makapunta ng Greece parang yung sa Team Reel. Ay ang sarap ma-inlove”

“Kahit na wala kang nakukuha in-return gusto mo parin ma-inlove?”

“Alam mo Dwight sabi nga ni Direk Tonet dun sa pelikula niyang That Thing Called Tadhana. Yang ganyang klaseng pagmamahal, imposibleng walang pupuntahan. May mababalik sa’yong pagmamahal. Not necessarily sa taong pinagbigyan mo, pero sigurado ako babalik yan sa iyo”

“Kabisado talaga?”

“Naman, eh bakit ikaw kabisado mo yung Pahayag ni Lazarus – kasi nga mahal mo Si Sir Franco kahit na fuck boy ito”

“Kaya pala todo pasaring ka sa mga fuck boy sa klase noh, hate na hate mo sila”

“Wag mong lahatin, may mga fuck boy crushes din ako”

“Yan tayo eh”

“May nakita ako sa Valk kagabi, ang gwapo parang Loras Tyrell – kaya lang”

“Kaya lang ano?”

“May boyfriend, grabe sila kung maghalikan”

“Yun lang”

“Diba nga sabi ko, attracted talaga ako sa mg gwapong di straight. Mga Tom Daley, yung mga nasa GOT like Loras Tyrell, Renly

Barratheon o si Tommen, Bran at Trystane mga ganung hulmahan”

“Kelan pa naging silahis sina Tommen, Bran at Trystane? – and hell, patay na sila”

“Yeah deds na sila except Baby Bran. Ah basta, shatap ka nalang. Sila yung bet ko”

“Andami mo namang crush eh kaya nagseselos tuloy ako. Oh, para sayo” sabay abot ko sa kanya ng heart shape box na may red ribbon. Alam kong paborito niya yung chocolates na yun.

“Suhol to, anong gusto mo?”

“Tulungan mo naman ako dun sa output ko. Please” pagpapa-cute ko.

Ngumiti nalang siya. “Kung di ka lang gwapo aayaw ako. You’re place or mine?”

“Anong you’re place or mine, dito lang tayo sa campus noh”

“Ang daya naman, walang thrill”

Pinandilatan ko lang siya. Siya naman lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

“Para saan yun aber?” tanong ko.

“Nilasahan ko lang ang pisngi mo, ang alat”

Tinulungan nga ako ni Pat sa output ko at dahil sa motivation niya ay natapos ko ito. Di man kasing ganda ng sinulat niya pero atleast may emosyon naman kahit papaano.

Sa mga sumunod na araw nga ay di ko pinapansin si Sir Franco, di ko nirereplyan yung texts or tawag niya. Iniiwasan ko siya sa tuwing nasa campus ako. Bakit ko siya iniwasan, simple lang naman yung dahilan. Mababaw lang – nasaktan ako na as if I’m betrayed. Naset-up lang naman ako sa pamangkin niya kuno na ang sama ng ugali at naka-receive ako ng indicent text messages mula sa kanilang dalawa ewan ko kung na-wrong send lang sila sa akin. Baka nagkataon lang na na-wrong send talaga sila ng sabay. Yun lang naman – ang babaw no? Pero di ka ba masasaktan? At yun nga di ko na siya naiwasan one time dahil kakababa ko lang nun ng kotse eh andun na siya nag-aabang.

“Kid” tawag niya, tinanguan ko lang siya saka naglakad. Hinabol niya naman ako.

“San punta mo kid?”

“May klase ako kay Sir Abarquez, male-late na ako”

“Wala si Derek, out of the country”

“Ah, may gagawin pa ako sa Library” pagpapalusot ko.

Hinatak ako ni Sir at inisandal sa pader. “Get off me” saway ko.

“Mag-usap tayo” tugon niya.

“So kelangan talaga ganito? Pwede naman yung masinsinang usapan Sir ah, oh dali sabihin mo na yung gusto mong sabihin Sir nakikinig po ako”

Bigla nalang niya akong hinalikan sa labi at ipinipilit niyang ipasok ang dila niya sa bibig ko kaya tinulak ko siya. Wala pang humahalik sa labi ko, siya palang. At kahit gusto ko naman na siya yung mauna ay ayoko naman na sa ganun pa talagang pagkakataon.

“Ano bang problema mo Sir? Bakit mo yun ginawa?”

“Aarte ka? Diba yun naman ang gusto mo, oh binigay ko lang. Ayaw mo, oh gusto mong ulitin ko? Oh baka naman mas gusto mong mag-sex tayo? Tara sa Condo ko, sex tayo. Ano aayaw ka? Kung sana nag-reply ka sa mga messages namin nun edi masaya ka na”

“Sir wag mo akong itulad kay Vince o sa iba mo pang FUBU, hindi ako ganun Sir. Oo idol ko po kayo at itinuturing ko po kayong kinakapatid pero hindi ibig sabihin nun na pwede niyo na pong gawin ang gusto niyong gawin sa akin. At kung akala niyo po na mababang klase lang akong tao, pwes nagkakamali kayo. Kung hindi niyo po ako marespeto Sir, sana naman po respetuhin niyo naman po yung sarili niyo. Ang taas ng tingin ko sa inyo Sir, wag niyo pong antayin na bumaba ito” pahayag ko saka ako naglakad na palayo sa kanya.

Hinabol ulit niya ako. “Dwight, I’m sorry. Wag naman sanang ganito oh, nabigla lang ako. I’m bothered”

“Sir, may problema ba?” tanong ng isang pamilyar na boses. Si Pat. Tinignan lang namin siya, kaya nagtaas lang ng kilay ito at ang sama ng tingin sa akin.

“Wala Ms. Quinto, ok I have to go” paalam ni Sir Franco.

“Oh anong nangyari?” tanong ni Pat.

Umiling lang ako.

“Nasasaktan ka nanaman, ano nga?”

“Ang baba ng tingin niya sa akin. Akala niya siguro porket crush ko siya ay ganun na kataas yung pagnanasa ko sa kanya. Hinalikan niya ako”

“Oh ba’t di ka masaya? Pabebe pa?”

“He kissed me out of his will and out of my will. Di namin yun ginusto, walang special dun. And I don’t like it”

“The lips of an angel eh”

Binigay ko kay Pat yung phone ko at pinabasa ko sa kanya yung mga messages ni Vince at ni Sir Franco sa akin.

“May lighter ka ba jan? Tara, gusto kong magsunog ng mga taong sobra na sa kalandian” pahayag ni Pat.

Di nga ako maka-focus nun sa klase, lalo na nung si Sir Franco na yung Prof namin. Parang nilalagari yung pandinig ko sa tuwing maririnig ko yung boses niya. Pansin ko rin na panay titig niya sa akin at parang gusto niya akong kausapin.

“Ms. Quinto, can you lighten the class spirit today? Mukhang inaantok ang lahat ah. Come on, sing us a song”

“Ayoko Sir, masakit po lalamunan ko”

“Ah ganun ba, oh magkwento ka nalang. I’ve read your output, another slay Ms. Quinto nakakatawa na makaka-relate ka – go on, tell us a story”

Nagkwento nga si Pat.

“May dalawang pipit sa sanga, lalake at babae, ang sweet sweet nila sa isat isa. Sabi nung lalake, babe kanta ka, sabi naman nung babae, ikaw nalang babe.

Pipit 1: Ikaw na

Pipit 2: Ikaw nalang.

Ganun at ganun, paulit ulit

Tapos nung magatatanghali na, nakakita sila ng uod dun sa lupa.

Pipit 1: Babe kunin mo at nang may makain tayo

Pipit: Ikaw nalang babe

Pipit 1: Ikaw na

Pipit 2: Ikaw nalang

At ang ending, namatay sila sa gutom dahil sa kalandian nilang dalawa. Imbes na kainin nila yung uod, sila ang kinain ng uod. Moral lesson, bawasan ang kalandian para di mauod.

Tumawa ang klase sa korning story ni Pat, pati ako ay napa-smile niya.

“Mga butihin kong classmates, nakamamatay po talaga ang kalandian. Alam niyo may mga tao talagang pinanganak na ganun – daig pa ang kalan sa paglalaro ng apoy. May mga taong di makuntento sa isa, may mga taong di daw nila sinasadyang saktan ang isang tao pero ang totoo sinadya nila. Yung akala nila yung kagwapuhan nila yung nagbibigay sa kanila ng karapatan para saktan ang damdamin ng iba. Kahit gwapo sila, wala silang karapatan manakit ng iba. May mga tao rin na mababa ang tingin sa mga miyembro ng LGBT. Tingin nila pare-pareho silang lahat, na madaling makuha, na sex lang ang habol nila, na malandi lahat ng bakla, na mga hayop sila at makasalanan. Parte lang lahat ng iyon ng stereotyping. Bakla man ay tao rin, kagaya niyo at nang sino man. At wala tayong karapatan para husgahan sila sa kung ano sila they are born that way. Hanggat wala silang natatapakan hanggat di naman nila kayo sinasaktan, bakit niyo sila pakiki-alaman? Equality & respect yun ang kailangan at paulit ulit po yan na advocacy ng malayang pamantasan na ito. Ginamit pa nga na concept sa UAAP Cheerdance eh. Utak at puso kailangan magkasama ito para maki-uso. Hindi yung utak lang, or puso lang, o di kaya yung nasa pagitan lang ng hita ang paganahin. I’m sharing this to you guys dahil nasasaktan din ako pag nakikita kong nasasaktan yung mga kaibigan ko na member ng Rainbow Country. Hanggat laganap ang injustice sa bansang ito, oo patayin na nila lahat ng adik. Kailanman di uusad ang bansa pag ganun. Di masosulosyunan ang isang problema sa paggawa pa ng isang problema”

“Ms. Quinto bakit parang bitter na bitter ka, ampalaya ba inulam mo?” pahayag ni Sir, kaya nagtawanan silang lahat.

“Sir mawalang galang na po ah, kahit hindi po ampalaya yung inulam ko ganito na po talaga ako. Eto po ang nararamdaman ko at may karapatan po ako na gamitin ang freedom of expression. Madali pong manghusga pero ni isa po sa inyo dito eh walang alam sa nararamdaman ko. Nakikita niyo po akong katawa-tawa pero di niyo po alam ang tinatakbo ng damdamin ko. Di po kasi niyo alam kung paano po maiwan dahil laging kayo po ang nang-iiwan. Di niyo po alam kung anong feeling ng masaktan dahil kayo po ang nanakit. Di niyo po alam kung anong feeling ng maloko dahil kayo po yung manloloko”

“I’m sorry Ms. Quinto”

“Ok lang Sir, dun naman po tayo magaling lahat eh, ang mag-Sorry. Ok na po pala ang lalamunan ko, I want to sing you all a song today. Ahem ahem, hoy mga balahura kong classmates pag chorus na alam na this hah? Pag may nag flat or sharp sa inyo lulunurin natin sa lagoon”

Nagtawanan ang lahat saka nila binigyan ng beat si Pat sa pag-clap ng kanilang mga kamay yung iba naman tumambol sa desks nila.

Lately I've been winning battles left and right

But even winners can get wounded in the fight

People say that I'm amazing

I'm strong beyond my years

But they don't see inside of me

I'm hiding all the tears

“Oh eto na to, sabay sabay. Alam niyo na consequence pag nag-flat sharp kayo” pahayag niya na animoy concert niya. Nakisabay naman kaming lahat sa kanya maliban kay Sir na tulala na noon at parang gustong umiyak. “Mga bes, 1-2-3”

They don't know that I come running home when I fall down

They don't know who picks me up when no one is around

I drop my sword and cry for just a while

'Coz deep inside this armor

The warrior is a child

“Naku may narinig akong nag-flat sharp, tsk tsk tsk. Sino yun? Gagawin daw pataba para sa mga sunflowers ng CMO” nagtawanan ang lahat. “Sir tapusin ba namin?” tanong ni Pat.

“No, no, that’s ok”

Nakita ko yung expression ni Sir Franco sa mukha at parang nabuhusan siya ng malamig na tubig. Sakto namang tapos na yung time noon at nag-dismiss na siya.

“Mr. Go & Ms. Quinto, can I speak to the both of you”

“Sorry Sir, may gagawin pa kami ni Dwight” pahayag ni Pat.

“Ganun ba?” tanong niya kaya tumango nalang ako kahit wala naman talaga.

“Videoke tayo, tomorrow night ayus ba yun sa inyo?” tanong ulit niya.

“Sir, it will never be the same again” tugon ni Pat saka kami umalis dun sa room.

“What was that?” tanong ko kay Pat.

“The right thing to do”

“Sa tingin mo uubra?”

“Let see”

“Bakit yun naman kinanta mo ha?” tanong ko.

“Affected si Sir diba? One point, nalaman ko sa aking source na isa yun sa favourite ni Francis. Maliban sa I will be here, warrior is a child din yung favourite ni Francis. Yung playlist din niya ay mga kanta ng Coldplay, One Republic, Fall Out Boy, Paramore, The Script at Linkin Park”

“Danica? Siya yung source?”

“Tumpak, kaya pag-aaralan ko yun lahat para palagi nalang affected yung ugok nating Prof”

“Siraulo”

Kinagabihan nga ay panay ang text at tawag ni Sir sa akin pero di ko nireplyan. Andun parin kasi yung statement niya, na bukas parin daw siya dun sa offer niya at free akong pumunta sa Condo niya. Sakto namang may kumatok sa pinto ko.

“Pasok” sigaw ko.

At pumasok si Kuya. “Si Franco, nasa phone” banggit niya kaya umiling lang ako. Kaya in-end na ni Kuya ang call.

“LQ?” tanong niya.

Nagkunot lang ako ng noo.

“Ano yun little bro?”

“Wala”

“Sus kunyari ka pa, anong ginawa niya sayo? Hinalikan ka niya no?”

Tinitigan ko lang siya ng masama.

“Pat told me”

“Yung babaeng yun talaga”

“Eh mag-bestfriend kami nun noh, walang sikre-sikreto sa amin. Kwinento din niya kung paano niya pasaringan si Franco at paano niya kinanta yung favourite song ng Ex niya. She’s a brilliant girl, maldita nga lang”

Napabuntong hininga nalang ako.

“How was the kiss? Malambot ba? Masarap? Oh kaya ka nagalit dahil bad breath si Franco? Or lasang tamod ba?” panunukso niya.

“Walang ganun. Wag ka nga, mas lalo akong naiinis eh”

“Wala kang naramdaman nang lumapat yung labi niya sa labi mo? Di ka man lang ba tinigasan bro?”

“Galit. Yun ang naramdaman ko Kuya. Out of my will niya akong hinalikan, at ang baba ng tingin niya sa akin. Daig ko pa ang kaladkarin”

“Resbakan natin gusto mo? Hahalikan ko din” saka siya tumawa.

“Wag na, estudyante lang naman niya ako eh at Prof ko lang siya. Wala sana akong nararamdamang ganito, pero di ko mapigilan eh”

“Tsk tsk tsk. Ang little bro ko, pumapag-ibig na. Sige, itulog mo lang yan. Kung di uubra, bro up & down up & down hanggang labasan”

“Pervert”

“Uy malapit na yung Birthday ni Derek, malapit narin siyang bumalik from Europe. Di ba inimbita mo si Franco dun?”

“Mistake nga eh, kung pwede lang bawiin yung invitation na yun”

“Eh pano yan, next week magkakasama kayo sa Baguio tapos may Legazpi pa. Magbaon ka ng condom, malamig sa Baguio baka gahasain ka niya. Wag ka nang papalag para di ka masaktan mag-paubaya ka nalang bro” saka siya ulit tumawa kaya naman pinandilatan ko siya.

“May request sana ako kuya”

“Ano? Lubricant ba?”

“Hindi no, tang ina magseryoso ka nga. Ang tanda tanda mo na eh. Kung pwede po ihanap mo ako ng tutuluyan dun sa Baguio, yung malapit lang sa Venue. Kahit transient house nalang or dorm”

“Dwight, may mga pinsan tayo sa Baguio dun ka nalang tumuloy sa bahay nila. I’ll talk to RV later para sabihing dun ka muna sa bahay nila titira”

“Nakakahiya naman”

“Trust me bro, madali lang paikutin si RV”

“Ikaw bahala”

“Oh ayan ah, settled na tayo sa Operasyon Iwas Franco”

“K”

Dumating na nga ang araw na aatend kami ng convention sa Baguio. Di ako sumabay kina Sir Franco sa bus dahil sinundo ako ng pinsan kong si RV. Sa bahay din nila ako magi-stay sa duration ng Convention.

“Feel at home cous, may gusto ka bang kainin?”

“Ah wala ayos lang ako”

“Oh sige, pag may kailangan ka I’m one call away. Nakakahiya naman kay Munchie kung di ka namin asikasuhin”

“Sinong Munchie?” tanong ko.

“Ang kuya mo” saka siya kumindat, ba’t ganun eh pinsan namin tong ugok na to. Gwapo din tong si RV, pati na din yung kapatid niyang si JV. Nasa dugo ata talaga yung pagiging…. Ahhh, nevermind!

Nagsimula na nga ang convention at nung una wala talaga akong interes doon. Sabi ko nga ay nawawala na yung writer spirit ko. Parang abong unti-unting naglalaho. Umiiwas din ako kay Sir, dahil nga ayoko siyang makasama. Mas mabuti na yun kesa sa ako’y mas masaktan pag nasa tabi ko siya.

“Rentegrado?” may tumawag sa akin, di ko nilingon baka kasi iba yung tinatawag niya. Naramdaman kong may lumapit sa akin saka umakbay. “Oi, Rentegrado musta na brad. Andito ka rin pala?” tinignan ko siya, akala ko nung una si RJ Buena yung nasa harap ko.

“Sky?”

“Oo, bumaba ang langit. Ano, gwapo parin ba ako?” pagyayabang niya.

“Seth Kyrie Buencamino, you never changed”

“Geeez, pero ikaw. Look at you Rentegrado, mukhang naka-jackpot ka sa Lotto ah. Ang yaman mo na, ilang taon lang tayong di nagkita ah”

“Ah, hindi na pala ako Rentegado ngayon. I’m Dwight Arvin Go”

Nanlaki ang mata niya. “Hindi naman siguro nagkataon na anak ka ni Jose Arturo Go no?”

“He’s my Dad, siya yung totoong Daddy ko”

“You gotta be kiddin me, boss siya ng Daddy ko. Now I’m speaking to the heir of the distillery”

“Na-miss kita” tugon ko. Bigla naman siyang yumakap sa akin.

“I miss you too bro” saka niya hinawakan ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako sa mata.

Kumalas ako. “Yan ka nanaman sa mga pa-bromance mo. Wag ako”

“Ayaw mo ba?” panloloko niya saka siya kumindat.

Sinuntok ko lang siya sa braso. “Tara, lakad lakad muna tayo. Walang kwenta yung speaker eh ang boring”

“Sige ba”

Sumama nga ako sa kanya at naglibot kami sa Baguio. Lakad kami ng lakad hanggang sa magpasya kaming umupo. Sakto namang may dumaang naglalako ng taho.

“Uyy, gusto ko yun” tugon ko.

“Ako din” dagdag niya.

Strawberry taho yung kinuha namin, kakaiba siya. Iba yung sarap.

“Kumusta na yung jowa mo? Kayo parin ba? Naka-score ka na ba bro?”

Umiling lang ako. “Wala na akong jowa”

“Ang hina mo naman, sayang ang lahi oh. Natatakot ka ba? Ano ba yan Dwight, parang di ka naman lalake. Teka, lalake ka ba talaga?”

“Kung sabihin ko bang di ako straight anong gagawin mo?”

“Liligawan kita”

“Gago, ano nga Sky? Iiwasan mo ba ako?”

“Hindi noh, bakit kita iiwasan? Ang yaman mo kaya para iwasan lang. Pero seryoso ka talaga?”

Tumango lang ako. “Ata, di ko alam eh”

“Tang ina Dwight, sayang ka. Bakla ka ganun ba?”

Nagkibit balikat lang ako.

“Bisexual”

“Siguro” sagot ko.

“Confused?”

“Di ko alam”

“Ah basta, siguro kung wala akong jowa papatusin kita. Gwapo mo din ah, at mayaman pa”

“Mukhang pera”

“Eh pano nga kung paglaruan tayo ng tadhana? Pano kung magustuhan pala kita. Diba nga palagi tayong inaasar nung high school tayo, di nga tayo mapag-hiwalay nun eh. Malay mo pala ikaw yung destiny ko”

“Gago to parang sira ulo, at Sky straight ka at may girlfriend ka pa”

“Eh pano nga kung wala?” saka niya ako tinitigan sa mata at parang inaakit ako ng mga mata niya. Sakto namang may nakita akong nagbebenta ng cotton candy.

“May cotton candy pala dito sa Baguio?”

“Dwight, hindi to Jupiter. Ano gusto mo? Tara!”

Bumili nga kami ng Cotton Candy, at ang kulit ni Sky isa lang ang binili niya para sa aming dalawa. Susubuan niya daw ako.

“Ano ba, para kang ewan” saway ko.

“Sige na, isa lang”

“Ayoko nga, baka isipin pa nila na jowa kita”

“May magagalit ba?”

“Wala”

“Yun naman pala eh” sabay bigla niyang subo sa akin ng napakalaking cotton candy. Tawa lang siya ng tawa noon. High School palang kami ay ganun na siya kakulit.

“Wow ha, may balak ka bang patayin ako?”

“Wala pa, wala pa naman. Punta tayong BenCab Museum” anyaya niya.

“Malayo ba yun? Di ko alam papunta dun eh”

“Hello, taga Baguio po ako at dito ako nag-aaral. Ano? Tara?” mapilit siya kaya naman sumama nalang ako sa kanya.

Gaya nga ng sabi ko Seth Kyrie Buencamino ang pangalan niya – Sky for short. Magka-klase kami nung high school, naka-tira din sila noon sa Manila dahil dun nagtatrabaho ang Daddy niya. After ng High School ay bumalik sila ng Baguio dahil pumasok daw ng pulitika ang Mommy niya. Mas matangkad ako kaysa kay Sky pero mas maputi siya kesa sa akin. Sabi ko nga kanina ay mapagkakamalan mo siyang si RJ Buena. He got sparkling brown eyes at mga pilik matang nakaluhod. He got dimples and well chiselled nose. Perfect set of white teeth and a pinkish kissable lips. Maganda rin ang built niya. The shoulders, the chest and the….

“Hoy, kanina mo pa ako tinititigan ng ganyan. May problema ka ba?” tanong niya.

“Ah sorry, may iniisip lang”

He smirked at me. “Ano naman? Nakita mo na nga eh, di mo na ba matandaan Dwight?”

“Ang alin nanaman?”

“Eto” sabay turo niya sa kanyang crotch area.

Pinandilatan ko lang siya.

Nagtungo nga kami dun sa sinabi niyang museum. Di man ako fan ng art ay na-appreciate ko yung mga nandun. Nang mapunta kami sa mga carvings na may mga naughty na tema dun nanaman ako inasar ni Sky.

“Mas malaki ako diyan diba Dwight?” pertaining dun sa sculpture na may malaking birdie. “At lalo namang mas malaki ako diyan” dagdag pa niya.

“Ikaw alam mo, di ka parin nagbabago no ang libog mo parin at ang dumi ng isip mo. Hindi ba nagagalit ang girlfriend mo sayo?”

“Hindi, gustong gusto niya kaya ako lalo na pag inaararo at dinidiligan ko siya. Alam mo naman dito sa Baguio, malamig at yang mga bulaklak na yan kailangan ng dilig every week. Magaling chumupa yung girlfriend ko, pero baka mas magaling ka – biro lang.”

Nagbuntong hininga nalang ako. “Another fuck boy”

“Necessity yun Dwight”

“Ang pre-marital sex? Talaga lang ha”

“Nagbabalak na nga akong mag-propose sa kanya eh”

“Well that’s good, para naman may magtali na sa iyo. Sigurado ka na ba?”

“Bakit Dwight, may dahilan ba para umurong ako. Sabihin mo lang, kung ikaw yung magpo-propose sa akin eh bakit hindi. Basta walang pre-nuptial agreement hah. Pag namatay ka sa sarap ng romansa ko, akin na lahat ng kayamanan mo”

“Utot mo Buencamino, tara na nga”

“Saan tayo pupunta?”

“Balik na tayo dun”

Bumalik nga kami dun sa hotel at saktong gabi na at kakain na ng dinner.

“Dwight anong room ka?” tanong ni Sky.

“Di ako nakacheck-in dito. Susunduin ako ng pinsan ko mamaya kaya antayin ko nalang siya dito sa labas” pagkasabi ko nun ay nakita kong papalapit si Sir Franco sa kinatatayuan namin.

“Dwight” tawag niya, nakakunot ang noo niya. “Dwight kain na” tumango lang ako. “Dwight” tawag niya ulit.

“Uy galit na ata yung Prof mo” pahayag ni Sky.

“Hayaan mo siya” sakto namang dumating yung kotse ng pinsan ko.

“Tara?” anyaya niya, bumaba si RV sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. “You’re majesty” tugon niya.

“Sigurado ka bang pinsan mo yan oh jowa mo?” tanong ni Sky.

“Pinsan ko to no, napaka-malisyoso mo talaga”

Bigla namang lumapit si Sir Franco sa kotse.

“Hey, san mo siya dadalhin?” tanong niya.

“Relax Sir, I won’t hurt my baby. I love him so much more than you do” pang-aasar ni RV kaya inirapan ko lang siya, kinindatan lang niya ako.

Nakita ko kung paano nag-iba yung itsura ni Sir, paanong yung maamong mukha ay naging beast mode nanaman.

“Shall we?” tanong ni RV kaya tumango nalang ako. Siya naman nag-drive na paalis dun sa hotel.

“Ba’t mo ginawa yun?” tanong ko.

“Trust me cous, Munchie already told me what to do. And I should play it well to gain my prize”

“And what’s the prize?”

“Secret” saka siya nag-smile.

Kinabukasan nga ay si Sky ulit ang kasama ko sa seminar. Mas ok na yung mga topic at magagaling narin yung mga resource speakers kaya di kami gumala nun at maghapon kaming nakinig sa mga talks. Pansin ko na todo tingin sa akin ni Sir Franco. Nahuli ko siya minsan pero umiwas lang siya ng tingin at ganun na rin ako. Dahil nga may group output na kailangang ipasa the next day ay nagpaalam ako kay RV na di uuwi. Pero pumunta parin siya sa hotel at sinabi niyang aantayin daw niya ako hanggang sa matapos namin yung ginagawa namin. Yun daw ang utos ni Kuya. Binigyan niya pa kami ng mga pagkain. I shared it with my schoolmates para mas masaya. Madaling araw na nang matapos namin ang output. Ay correction, nang matapos pala nila yung output. Wala naman akong tinulong dun eh, nag-proof read lang. Eh pano kasi, bagito daw ako kaya di pa mature yung ideas ko. Oh edi wow, K fine!

“Coffee?” alok ni Sir kaya umiling nalang ako.

“Can we talk?” tanong niya.

“Inaantok na ako Sir, at nag-aantay si RV sa akin sa labas”

“Hatid na kita sa lobby” pumayag nalang ako.

Hinatid nga ako ni Sir sa may Lobby dahil andun si RV at ang kumag nakikipag-flirt sa receptionist.

“Hi baby, uwi na tayo?” pang-aasar niya saka siya lumapit sa akin, niyakap ako at hinalikan sa noo. Pinabayaan ko nalang dahil inaantok na talaga ako nun.

“Oh pano ba yan Sir, uwi na kami”

Tumango nalang si Sir at parang dismayado.

“Ayos ba acting ko insan?”

“Tara na, antok na ako”

Late na nung pumunta ako sa hotel kinabukasan. Hinanap ko agad si Sky at di naman ako nabigo.

“Mukhang puyat ka ah” tugon niya.

“May tinapos kasi kami”

“Naku hakot award nanaman siguro ang mga taga Diliman ngayon, maawa naman kayo sa aming taga UP Baguio”

“Pareparehas lang tayo no. Saka hindi kami yung malakas ngayon, UP Mindanao at UP Visayas. Patapon yung output namin”

“Oh anong ganap dun sa Prof mo?”

“Wag ka nga, malisyoso nito”

“Meron eh, ano nga?”

“Wala nga”

“Oh sige di na kita pipilitin pa”

Nagsimula na nga ang program at nagsalita na ang MC.

“Bago tayo mag-proceed sa last lecture series natin kailangan muna natin ng ice breaker. Nakaugalian na nga na every year ay may magpeperform sa ibat ibang campus natin and this time ang Diliman naman ang magpeperform. Ladies & gentlemen, isa pong masigabong palakpakan para sa isko at iska ng Diliman”

Nakita ko ngang umakyat sa stage sina Marco, Jerry, Lyndon at syempre si Sir Franco.

“Ano naman kaya ginagawa ng mokong na yan diyan. Eh di naman siya estudyante?” bulong ko pero narinig ata ni Sky.

“Di ba siya magaling kumanta, mukhang sa vocals ata siya eh”

“Di ko alam kung magaling siyang kumanta. Ang alam ko lang magaling siyang manakit, manloko at mang-iwan”

“Ayun, yun pala yun. Hugot yun ah. Nabiktima ka ba niya kaya ka ganyan?” tanong niya.

“Di noh”

“Eh bakit ka affected diyan”

“Basta, Sky gusto ko ng ice cream. Tara”

“Antayin muna natin silang magperform”

“Hindi sila magaling” saka ako naglakad papa-alis sa kinauupuan ko.

“Please stay” narinig ko na bigkas ng lalake na nasa mic. “Please, you can go away any day but not today” Pinagtitinginan na ako ng mga nasa hall noon lalo pa ng mga schoolmates ko na abot tenga ang ngiti. Ako lang kasi yung naka-tayo noon.

“This song is dedicated to everybody, and to my best buddy of course. I want you to come back to me, I miss you” bigkas ni Sir Franco. Naghiyawan na ang lahat kasama na dun si Sky. Pumunta ako dun sa likod para magtago, nagsimula na ngang tumogtog ang banda at intro palang alam ko na yung kakantahin nila. Yun pa talaga? Sa dinami dami ng kakantahin yun pa – tang ina lang.

Naiinis na ako sa iyo

Bakit mo ba ako ginaganito

Ikaw ba ay naguguluhan sa 'king tunay na nararamdaman sa iyo

 

Ano pa bang dapat na gawin pa

Sa aking pananamit at pananalita

Upang iyong mapagbigyang pansin aking paghanga at pagtingin sa iyo

 

Wag mo na sana akong pahirapan pa

Kung ayaw mo sa 'kin ay sabihin mo na

Wag mo na sana akong ipaasa sa wala

Oo na mahal na kung mahal kita

 

Ano pa bang dapat na gawin ko

Upang malaman mo ang nadarama ko

Upang iyong mapagbigyang pansin

Aking paghanga at pagtingin sa iyo

Wag mo na sana akong pahirapan pa

Kung ayaw mo sa 'kin ay sabihin mo na

 

Wag mo na sana akong ipaasa sa wala

Oo na mahal na kung mahal kita

Oo na mahal na kung mahal kita

Sa buong duration ng kantang iyon ay nakasimangot ako. Wala siyang karapatan na kantahin ang kantang iyon dahil hindi naman siya kasapi sa kulto ng mga bigo at dakilang umaasa. Wala siyang karapatan na bigkasin ang mga kataga ni Chito. Wala! Pero nabigyang hustisya niya naman yung kanta, may boses naman pala siya. Kinanta niya iyon dahil alam niya kung gaano ako nahuhumaling sa mga kanta ni Chito Miranda at nang Parokya. Sinasadya niya talaga ang lahat. Umalis ako dun sa hall at lumabas, napansin niya siguro ako kaya sinundan niya ako.

“Dwight” sigaw niya, patuloy lang ako sa paglalakad. Gaya ng dati ay naabutan niya nanaman ako at hinablot ako sa braso.

“Ano ba?” angal ko.

“Can we talk?”

“Wala tayong dapat pag-usapan Sir”

“Di mo man lang ba na-appreciate yung kanta ko?” tanong niya.

“Hindi. Kasi wala kang karapatang kantahin yung kantang yun Sir, dahil kahit kailan ay di mo maiintindihan at madarama yung lyrics na yun”

“I just did Dwight, I just did”

“Wag ako Sir, nakiki-usap ako. Lokohin mo na silang lahat wag lang ako. Kung pare-parehas ang tingin mo sa amin, na laruan lang kaming lahat sa iyo. Sinasabi ko muli Sir, wag ako”

“Kid, I miss you. God knows I terribly miss you. Nawalan na ako ng bestfriend at taong minahal ako ng sobra sobra, ikaw pa ba na parang kapatid ko na at best buddy, best student ko pa ang mawawala. Wag naman Dwight, baka di ko na kayanin”

“Kaya mo yan Sir, nakaya mo ngang paulit-ulit na lokohin si Francis nun. Na kahit very evident na yung malaking pagmamahal niya sayo pero nagbulag-bulagan ka pa rin. Ngayon pa kaya? Sa akin pa kaya na estudyante mo lang? I doubt”

“Bakit ka ba nagkaka-ganyan?”

“Oo nga noh, bakit ba ako nagkaka-ganito? Isa lang ang sagot diyan Sir, dahil nasaktan po ako. Dahil nalaman ko kung gaano kababa yung tingin niyo sa akin. Na nilalagyan niyo ng malisya yung pakikipag-kaibigan ko sa inyo. Naniniwala po kayo na katawan niyo lang po yung habol ko. Pinamukha niyo po sa akin Sir na I’m one of your cheap toys”

“I’m sorry, I didn’t mean it”

“But you just did. Katulad ka lang ni Vince, ni Chloe at nang iba pang taong nangmaliit sa akin. Oo Sir, ganito lang po ako. Pero ibahin niyo ako. Wala akong ipinagmamalaki Sir, pero alam ko sa sarili ko matinong tao po ako- hindi po ako manloloko at sinungaling. Kayo Sir?”

“Pero mahal na ata kita kid. Oo na Dwight, mahal na kung mahal kita. Di ka mawala sa isip ko at nakukunsensya ako sa ginawa ko. Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?”

“Hindi yan love Sir, that’s lust. Kung mahal mo ang isang tao rerespetuhin mo siya kung ano pa siya. Alam mo kung saan ka lulugar at alam mo kung kelan biro ang lahat o kung kelan seryoso. Kung mahal mo ang isang tao di mo ito sasaktan o iiwan. Tatanggalin mo lahat ng selfishness sa katawan mo at tanging pagmamahal lang ang paiiralin mo and I bet kailanman di mo yun magagawa. Ang nagmamahal sensitive din siya sa feelings ng iba”

“Kid, come back. Namiss na talaga kita, I miss the old us” lumapit siya sa akin saka siya nag-back hug. Ramdam ko yung hininga niya sa batok ko at ang luha niya na pumapatak sa leeg pababa sa balikat ko. “Ano bang gagawin ko para mapatawad mo ako?” tanong niya.

“Wala Sir, wala. It will never be the same again” saka ako kumalas.

“Kid naman eh, babalewalain mo yung friendship natin dahil lang sa tang inang halik na yun? Sa mga messages ko sayo?”

“Hindi naman dun sa halik yun Sir eh oh sa mga inappropriate messages mo, hindi yun dun. Eh ano naman mawawala sa akin kung hinalikan mo ako oh sinabihan ng ganun, wala diba?”

“Eh wala naman pala eh bat aarte ka pa. Ginusto mo naman yun eh, ano ulitin ko ba para di ka na magalit. Ok lang sa akin, halik lang naman eh. San mo gusto ngayon, gaano katagal?”

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, gusto ko siyang suntukin pero di ko magawa dahil kahit papano ay Prof ko parin siya. Pumikit nalang ako at huminga ng malalim “Sir, kung ibabagsak mo ako sa klase mo dahil sinagot-sagot kita matatanggap ko pa. Pero yung paulit ulit mo akong minamaliit Sir, di ko na kaya” di ko na napigilan yung sarili kong di maiyak.

“Dwight?” sigaw ng isang pamilyar na boses. Tumakbo ako at yumakap sa kanya. “What’s wrong?” tanong ni Sky umiling lang ako pero patuloy lang ako sa pag-iyak. Di ko gawain yung umiyak at yumakap sa kapwa ko lalake pero nung time na yun di ko napigilan ang sarili ko.

“Yan diyan ka magaling ang lumandi sa kung sino sinong lalake” sigaw ni Sir. “Irerespeto mo ba ang ganyan? Kaparehas ka lang nilang lahat. Wala kang pinag-iba kay Vince. Aarte pa, dun din naman ang bagsak mo. Mabuti nga at pinapansin pa kita eh. Ano? Mas magaling ba yang yumakap sa akin? Mas masarap ba yang kayakap mo ngayon ha?” dagdag pa niya.

“Inggit ka lang dahil di mo siya mayakap ng ganito. At obvious naman talaga na mas masarap ako no. Sino ka ba?” sigaw ni Sky, sinubukan ko siyang pigilan pero di ko na naawat.

“Ikaw sino ka ba?” tanong naman ni Sir.

“I’m no one, but I care for this guy more than you do. Pare-parehas lang tayong malandi dito Sir, at kung sino man ang pinaka-malandi alam nating lahat yun. Apat na letra lang Sir – IKAW! Ngayon Sir sabihin mo sa akin, may nagmamahal pa ba sa iyo ng ganito? May yumayakap pa ba sa iyo ng ganito? Wala! Iniiwan ka nilang lahat – you deserve to be alone”

“Sky tama na” awat ko.

“Hayaan mo ako Dwight. Di ko naman Prof to eh”

“Please” pagmamaka-awa ko.

Sakto namang dumating na si RV noon.

“Cous, I’ll bring you home” tugon ni RV.

Nanlaki ang mata ni Sir. “Pinsan mo siya?” tanong nito.

Tumango lang ako.

“Hindi lahat ng nakikita ng mata mo Sir ay totoo. Ang asin nga napagkakamalang asukal” pahayag ni Sky.

“I’m sorry” mahinang bigkas ni Sir.

“I’m sorry din. Gawin natin ang bagay kung saan tayo magaling Sir. Ang mag-sorry. Sky nga pala Sir, classmate ni Dwight nung High School at matalik niyang kaibigan. Seth Kyrie Buencamino po buo kong pangalan baka sakaling may balak kang idemanda ako dahil pinagsalitaan kita ng masama”

Nakita ko nalang na naglakad papalayo si Sir. Mukhang naapakan naming lahat yung ego niya. Di ko na yun pinansin, dahil yung ego ko nga durog na.

Hay naku Chito Miranda, walang nagawa ang talas ng lyrics ng iyong kanta. Pero uma-alingawngaw sa tenga, sa puso at sa isip ko ang isang linya dun.

“Oo na mahal na kung mahal kita”

“Saan tayo pupunta?” tanong ko kay RV.

“I’ll bring you home”

“Home?”

“We’re going back to Manila, dala ko na lahat ng gamit mo”

“Pero di pa tapos yung seminar”

“Damn it Dwight, kelan ka uuwi? Kung kelan durog na durog ka na? Wake up cous”

“Pero di ako nakapag-paalam kay Sky”

“He’ll visit you any time soon, ako pa sasama sa kanya papunta sa bahay niyo”

Tumahimik nalang ako saka tumitig sa bintana ng kotse niya. Sakto namang umulan na noon.

“I hate the rain” mahina kong pahayag, RV just smiled.

“May pangalan yung ulan dito sa Baguio”

“Ano?” tanong ko.

“Franco” sagot niya saka siya tumawa ng malakas.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Not Today (Part 6)
Not Today (Part 6)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhG1QoxryA1Fqd7Ox5u4GDg6pU8Msyyne9qyYcVDmWoLTJIEnyY5mjgcNXqNaRDK9smllEvqnsMprBoVA8axcHe9vN9jC6OSVYM46TXznXugFcA0MVlPZ4nnhgLYv2vPjauYwcNVYt7nmxC/s320/EJ+Meon+Liwanag+died+in+a+car+accident.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhG1QoxryA1Fqd7Ox5u4GDg6pU8Msyyne9qyYcVDmWoLTJIEnyY5mjgcNXqNaRDK9smllEvqnsMprBoVA8axcHe9vN9jC6OSVYM46TXznXugFcA0MVlPZ4nnhgLYv2vPjauYwcNVYt7nmxC/s72-c/EJ+Meon+Liwanag+died+in+a+car+accident.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/09/not-today-part-6.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/09/not-today-part-6.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content