$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Not Today (Part 8)

By: Prince Zaire “Nariyan ka pa ba? Hindi ka na matanaw Kung mayro'n bang daraanang Pasulong, pasulong   Ohh, Hindi ko ma...

By: Prince Zaire

“Nariyan ka pa ba?

Hindi ka na matanaw

Kung mayro'n bang daraanang

Pasulong, pasulong

 

Ohh, Hindi ko maisip

Kung wala ka

Ohh, sa buhay ko

 

Sundan mo

Ang paghimig na lulan na aking pinagtatanto

Sundan mo

Ang paghimig ko

 

Ohh, hindi ko maisip

Kung wala ka

Ohh, sa buhay ko”

“Nagustuhan mo ba?” tanong niya.

“Oo naman, noon ikaw lang ang kumakanta niyan at sa kwarto ko lang. Pero ngayon, Sir oh nasa harap na natin ang Hale. Salamat Sir, kahit di ko birthday dinala mo ako dito”

“Eh malakas ka sa akin eh”

“Yun lang ba?”

“Mahal kasi kita kid” saka niya ako inakbayan, “Mahal na mahal”

“Paki-define nga yang mahal na mahal na yan Sir”

“Mahal, the romantic type. Mahal kita bilang ikaw, ok na ba yun? Ikaw eh, pinapahirapan mo pa ako, tagal na kitang nililigawan noh. Ano ba inaantay mo?”

“Di ko rin alam eh”

“Ang daya mo”

“Sir, we settled this debate months ago”

“Yan ka nanaman sa mga we settled this debate mo. Ano nga, kelan nga magiging opisyal na tayo? May nangyari na sa atin, nag-kiss na tayo. Ganun lang ba gusto mo Dwight? Diba natin pwedeng ilevel-up? Napakawalan ko na nun si Francis, ngayong may chance ulit na magmamahal ako I will not lose my chance. Di na kita pakakawalan”

“Tara na, gutom na ako”

“Mmmmm, gutom daw eh kakakain lang natin”

“Sir”

“Oo na, ako gutom na din”

“Sira”

“Sige na, tara?” bulong niya sa tenga ko na nagdulot ng bolta-boltaheng kuryente sa katawan ko.

Umuwi na nga kami at nagtungo sa Condo niya. Pagpasok na pagpasok palang namin ay agad na niya akong pinupog ng halik. Kung maka-halik siya ay parang gutom na gutom sa aking malalambot na labi. Sinimulan narin niya akong hubaran hanggang sa wala nang natira sa aming mga saplot. Sinumulan niya akong halikan sa leeg at nag-iwan pa talaga siya ng marka doon. Pababa siya ng pababa sa mga utong ko at grabe ang pag-sipsip niya doon.

“Franco, damn it. Wag mong tigilan plz”

Pinaglaruan nga ng malilikot niyang dila ang mga nipples ko, salitan niya itong nilalaro habang abala ang kanang kamay niya sa pag taas baba sa tubo ko. Grabe na ako mag-precum nun, parang ihi na kusa nalang lumalabas sa burat ko. “Franco, ang sarap niyan”

Binigyan niya ako ng nakakalokong mga titig at nagtease pa talaga siya. Napasinghap nalang ako, nung dinilaan niya ang ulo ng titi ko. Lalo na nung laruin ng dila niya ang loose skin sa may bandang ulo ng burat ko. Nakaka-ulol yung matinding sensasyon na dulot ni Franco.

“Fuck, baka labasan na ako niyan”

“Then be it” saka niya sinubo ng sagad ang alaga ko kaya napamura ako. “Di ko to pagsasawaan Dwight, sarap parin” patuloy siya sa pagsipsip subo sa burat ko. At nagagawa pa niyang paikot-ikutin ang dila niya sa alaga ko habang subo subo niya ito. Di ako nakapag-pigil kaya naman hinawakan ko ang ulo niya at kinantot ko na ang bunganga niya.

“Franco malapit na ako”

“Iputok mo sa bibig ko baby”

“Ayaan na, shit. Aaaah, ayan na” at sumabog nga ang masagana kong katas sa bunganga ni Franco. Nilunok naman niya ito, tumayo siya saka siya nakipaghalikan sa akin. Pumwesto siya paikot saka pinasubo niya ang kanyang burat. Malaki rin ang burat ni Franco, maugat at malaki ang ulo. Kakaiba din ang lasa nito lalo na ang precum niya.

“Dwight, level up na natin?”

“Anong level up?”

“Puro nalang tayo subuan, kantutan naman. Gusto mo?”

“Di pa ata ako handa”

“Sige na, dahan dahanin ko. Pag di mo nagustuhan, ganti ka sa akin. Ikaw naman tumira sa akin”

“Oh sige ba”

Kumuha siya ng condom at nagpahid ng lubricant sa butas ko. Ako na ang nagsuot nito sa kanya. Pero bago nun ay chinupa ko muna siya. Sinigurado niya muna na ready yung butas ko kaya naman pinaglaruan ito ng mga daliri niya. Ang sakit nung una, pero nung kinalaunan ay ibang klaseng sarap na.

“Ready ka na?” tanong niya kaya tumango nalang ako.

Ikiniskis niya nga ang ulo ng matabang burat niya sa bukana ko. Matapos nun ay unti unti niyang ipinapasok sa loob. Ang sakit sobra, 1st time ko yun. Parang di mo ma-explain ang sakit, naluluha na ako nun kasi punong puno ako.

“Franco ang sakit”

Sinunggaban niya nalang ako ng halik sa labi at dahan dahan siyang umulos papaloob at nagtagumpay naman siya. Di muna siya gumalaw at panay lang ang halikan namin. Hanggang sa gumawa siya ng mababagal na pagkadyot. Nang maramdaman kong nawawala na yung sakit ay pinabilis ko na siya.

“Ang sikip mo, ang sarap. Nananakal ang puke mo, akin lang to ha? Akin ka lang”

“Franco, bilisan mo pa. Para akong mababaliw sa sarap”

From doggie ay pinatihaya niya ako. Tinira niya ako habang nakasampay yung paa ko sa balikat niya at patuloy lang sa paglalabas masok yung tarugo niya sa butas ko.

“Franco sige pa, malapit na ako”

“Tang ina, ako din. Shit Dwight, mahal na mahal kita. Ayaann na, fuck, aaaaah”

Sabay nga kaming nilabasan, tinanggal niya sa loob ko yung ari niya at nagtanggal narin siya ng condom. Nakipaghalikan rin siya sa akin. Kahit nilabasan na ako ay tayung tayo parin yung ari ko.

“Oh ikaw naman” tugon niya. Nagsuot nga ako ng condom, nagpahid ng lubricant at fininger si Franco.

“Dwight, ngayon ko lang din gagawin to. Dahil mahal kita, palagi akong top. Pero para sayo, ako ang bottom mo”

“Dami mong satsat, o tuwad na” tumuwad nga siya at ipinasok ko ang ari ko sa butas niya. Nung una dahan dahan saka ko binigla kaya parang nawalan siya ng ulirat at sumigaw talaga. Tawa lang ako ng tawa.

“Tang ina mo kid, masakit”

“Stop na natin? Pangaasar ko.

“No please, tuloy mo”

“Ayaw mo na ata eh”

“Please Dwight, fuck me”

Medyo hinugot ko ang nakapasak na ari ko sa butas niya hanggang sa ulo nalang ang nakabaon. Tapos biglang pasok, ganun ng ganun. Paulit-ulit hanggang sa binilisan ko na ang pagkadyot.

Andami din naming nagawang posisyon pero ang pinaka-gusto ko ay yung si Franco mismo ang nangangabayo sa harapan ko.

“Malapit na ako” banggit ko

“Iputok mo ulit sa bunganga ko”

Nang malapit na ako ay tumayo ako saka ko tinaggal ang condom. Chinupa ulit ako ni Franco habang jinajakol niya yung sarili niya.

Nanginginig na ako nun, akala ko wala na akong mailalabas meron pa pala. “Ayaaan na, kainin mo lahat. Aaaaaah, ayan na” sinalo nga lahat ni Franco ang katas ko saka buong giliw niya itong nilunok.

“Masarap ba?” mapang-asar kong tanong.

Tumayo nalang siya saka ako hinalikan. “I love you kid, so ano?”

“Anong ano?

“Kelan magiging tayo?”

“Ewan ko, kelan mo ba gusto?”

“Ikaw, kung kelan handa ka na”

“Eh handa na ata ako”

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

“Dwight, ano nga?”

“Oo nga”

“Anong Oo?”

“Oo Franco, sinasagot na kita. Tayo na!”

“Yes”

Pagkasabi ni Franco nun ay nakaramdam ako ng tatlong malalakas na hampas. Parang hinampas yung katawan at mukha ko ng unan.

“Tang ina naman eh”

Isang hampas ulit at narinig kong tumatawa na siya. Nagmulat na ako ng aking mata at nakita ko doon si Kuya Ronan na may hawak na unan at akmang hahampasin niya ako ulit.

“Ano ba, pucha panira ka ng pagtulog eh. Bakit ba?”

“Nakakatawa ka bunso, kanina pa kita ginigising tulog mantika ka naman. Grabe ka Dwight, grabe ka”

“Ano nanaman?”

“Bakit ka umuungol. Anong napanaginipan mo? Masarap ba?”

“Pakyu, bakit ka ba nandito?”

“Sagutin mo muna ako”

“Wala, bad dream”

“Umuungol, bad dream? Baka wet dream, tignan mo yang boxers mo oh bat basa? Tayong tayo oh? Pucha amoy tamod ka pa” saka siya tumawa.

“Wag ka nga bad trip ka eh. Oh anong agenda?”

“May naghihintay sayo sa labas”

“Sino naman?”

“Yung langit nagbabalik”

“Si Sky?”

Tumango nalang ito. “Oh lil bro, mag-ayos ka na ha. Tapos baba ka na para makapag-breakfast na tayo. Ang saya nung ungol mo”

“Get out”

“Ah Franco, aaah, sige pa wag mong itigil please bilisan mo paaaah aaah ganyan nga ganyan fuck fuck aaaah yes yes sige pa. Shit malapit na ako, fuck ayan na kainin mo lahat – ganun!” pag-arte niya na may halong facial expressions pa talaga.

Binato ko nalang siya ng unan.

“Uyy namumula siya, totoo nga – huli!”

“Bwisit ka”

“Ahahaha, asar talo – huli siya, si Franco nga”

“Bwisit” tumayo na nga ako at nagtungo sa CR. Grabe panaginip lang pala iyon akala ko totoo. Pero shit nilabasan ako dun, basang basa ng tamod yung boxers ko. Tayung tayo rin ang titi ko kaya di ako maka-ihi ng maayos. Jinakol ko nalang ito habang sinasariwa pa yung panaginip ko. Nang makapag-palabas na ako ay nag-toothbrush na ako at naligo narin. May 10 A.M class kasi ako that day. Habang nasa salamin ako ay di ko parin maiwaksi yung panaginip ko.

“Tang ina, panaginip lang pala. Bwiset, ang sarap na sana” at bigla ko nalang naalala na nasa baba pala si Sky. Naalala ko rin yung text niya nung isang gabi, damn it paano ko siya haharapin?

Bumaba na nga ako dun at nagtungo ako sa kusina. Andun nga si Sky sa dining table at nung makita ako ay bigla siyang tumayo at yumakap sa akin.

“Hoy, wag dito” tugon ko kaya kumalas na siya.

“Mga bro, mamaya na ang landian ok? Kain muna tayo, may hotdog naman dito oh yun muna kainin niyo pansamantala” pahayag ni Kuya Ronan saka siya tumawa.

“Ikaw kanina ka pa” saway ko.

“Asar talo” saka siya nagbelat.

Kumain na nga kami at pansin ko na palipat lipat ang tingin ni Kuya sa aming dalawa ni Sky. Naka-pwesto kasi kami sa opposite na upuan at si Kuya ang nasa gitna. Pansin siguro niya yung titigan namin ni Sky.

“May LQ ba kayo?”

“Kuya!” saway ko.

“Ba’t sa mga titig niyo gusto niyo nang magpatayan?”

“Ah hindi po Kuya, na-miss lang po namin ang isat-isa. Ahy may pasalubong po pala ako sa inyo” sabay abot ni Sky ng peanut brittle at lengua.

“Uyy salamat babe” sabi ni Kuya kaya inirapan ko nalang siya.

“Landi” mahina kong tugon.

“Inggit ka lang” mahina niya ding pahayag, nakita kong ngumiti nalang si Sky.

Matapos nga kaming kumain ay nag-ready na ako sa pagpasok. Oo masyadong maaga pa pero kailangan naming mag-usap ni Sky. At perfect spot na ang campus para dun. Sinama ko siya sa campus at sa buong biyahe na yun ay wala kaming imikan. Nagtungo kami dun sa part na malapit sa Vinzons at dun nag-usap.

“Oh, anong ibig sabihin ng text message mo?” pagbabasag ko sa katahimikan.

Bigla siyang yumakap ulit sa akin at humagulgol na. Hindi niya gawain yun dahil alam kong straight siya.

“Bakit ka umiiyak?”

“Wala na kami”

“Bakit mo hinayaan?”

“Di ko na kasi kaya. Naguluhan na din ako”

“Anong dahilan, bigyan mo akong ng acceptable reason kundi uupakan kita”

“She’s pregnant”

“Oh tapos ikaw ang ama?”

Umiling lang siya.

“Tang ina Sky, in denial na yan. Ayaw mong tanggapin dahil hindi ka handa?”

“Hinding hindi ako magiging handa Dwight”

“Eh bakit niyo ginawa ang deed kung di ka handa. Eh siraulo ka pala eh”

“We never did it”

“Ano? Sinong niloko mo Sky? Sinabi mo sa akin nung nasa BenCab tayo na regular kayong nagse-sex ng girlfriend mo, tapos ngayon sasabihin mo na you never did it. Fuck you!”

“Maniwala ka sa akin, we never did it. Alam mo naman na magaling akong magbiro at kung gaano ako kakulit diba. Oo malibog ako, pero hindi sa ganung point. Promise, close my heart di kami nagsex ni Riz”

Nagbuntong hininga nalang ako.

“So ano na ngayon?” tanong ko.

“I broke up with her”

“You broke up with her, ng ganun ganun lang? Akala ko ba siya na yung taong pakakasalan mo?”

“Akala ko lang pala”

“Damn it Sky, anong nangyayari sayo?”

“Pakshit ka Dwight, pakshit ka”

“Pakshit ka rin”

“Gusto kong magalit noon eh, parang gusto kong saktan si Riz pero di ko nagawa. Dahil nung sinasabi niya sa akin na buntis siya, na kahit parang ilang beses akong nasampal sa mukha. Parang may something na nawala, parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Sabi ko sa sarili ko, malaya na ako. Malaya na akong magmahal ng kahit sino, and Dwight ikaw mismo yung pumasok sa isip ko”

“Ilang taong naging kayo?”

“1 year 7 months”

“So sinayang mo yun?”

“Kung ikaw ba nasa sitwasyon ko, anong gagawin mo?”

“Wag mo ngang ibabalik sa akin yung tanong”

“Ano nga?”

“Syempre kung mahal ko talaga tatanggapin ko parin siya, papatawarin ko – mahal ko eh”

“Hindi ko na siya mahal”

“Damn you Sky”

“Mas nauna kitang nakilala kesa siya, mas matagal yung pinagsamahan natin Dwight. Yung sinabi ko sayo noon na what if mahal na ata kita? Totoo yun, 1st year palang tayo gusto na kita. Tinago ko nalang yung nararamdaman ko noon dahil ang alam ko ay straight ka at baka pag nagtapat ako sayo ay iwasan mo na ako. Nag-girlfriend ako para makalimutan kita, para makalimutan ko yung nararamdaman ko sa iyo. Ok umepek naman, pero nung nagkita ulit tayo dun sa Baguio. Dwight, tumigil yung mundo ko at ang bilis ng tibok ng puso ko. Dwight, noon pa man mahal na kita”

“You’re impossible”

“I’m not, totoo ang sinasabi ko. Never na nagsinungaling ang puso”

“Naguguluhan ka lang Sky, naguguluhan ka lang dahil sa dami ng ganap sa buhay mo. Makakaya mo din yan, at hindi ako ang solusyon. Sky mahal naman kita eh, pero bilang kapatid at kaibigan lang talaga”

“Siya ba? Siya parin? Kahit na paulit-ulit ka na niyang sinasaktan? Siya parin? Manhid ka ba Dwight? Hindi ka mahal nun”

“Sabi mo nga di nagsisinungaling ang puso, eh anong magagawa ko kung yun talaga ang nararamdaman ko. Oo di nga niya ako mahal, pero sapat na sa akin na kahit papaano ay napapansin niya ako at naa-appreciate. Sky, iba nalang”

“Kung pwede lang, pero ikaw talaga eh”

Ngumiti nalang ako saka ko siya hinawakan sa balikat. Tinitigan ko siya sa mata saka umiling. Yung titig na yun na marami ang ibig sabihin, yung titig na nagsasabing “Sky di talaga pwede”.

Tinitigan niya rin ako na parang an gibing sabihin ay “Give me a chance” pero umiling ulit ako kaya kumawala na siya sa mga titig ko.

“Gusto sana kitang ipaglaban, gusto ko sanang ipaglaban tong nararamdaman ko. Pero baka pag pinilit ko pa mawawala nalang bigla yung friendship natin. Ayoko namang mangyari yun dahil lang sa selfish ako. Tatanggapin ko nalang siguro ang pagkatalo ko ngayon. Mag-gigym muna ako siguro, para pag nakita mo ako na maganda na ang katawan gaya ni Sir Franco. Ikaw na mismo maglalaway sa akin, ikaw na mismo ang luluhod para magmakaawa sa akin na mahalin kita” biro niya, naluluha man siya nun ay pinunas niya ito saka tumawa.

“Talaga lang ha?”

Saka kami tumawang dalawa.

“Sige, uwi na siguro ako”

“Saan?”

“Akyat na akong Baguio, may klase na ako bukas”

“Hatid na kita sa terminal”

Tumango nalang siya.

Nang nasa terminal na kami ay di muna siya bumaba sa kotse.

“Dwight?”

“Sky?”

“Pwedeng mag-request?”

“Ano?”

“Pwedeng pakiss for the last time?”

“Ha?”

“Please? Para naman kahit papano ay maghilom yung sinugat mong puso ko”

Nag-dalawang isip pa ako nun bago tumango. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo at ilong.

“Yun na yun?” tanong ko kaya tumango na siya. Eh on the mood ako noon kaya naman kinabig ko ang batok niya saka ko siya siniil ng halik sa labi. Nabigla siya nung una pero nung kinalaunan ay nag-give in na siya. Torrid kissing kami, may sound at masarap nga. Di ko alam ba’t ko yun ginawa pero wala na akong pakialam nun. At shit naaalala ko yung panaginip ko, naalala ko si Sir Franco habang kahalikan ko si Sky kaya naman mas pinag-igihan ko pa yung pag-galugad ng dila ko sa loob ng bibig niya. Sipsip kung sipsip ako habang malikot na gumagalaw yung kamay ko sa buhok niy. Nang marealize kong hindi si Sir Franco ang kahalikan ko ay bumitaw na ako.

“Sorry, nadala lang ako” paliwanag ko.

“Di ko inexpect yun” tugon niya.

“Pabaon ko na yun sayo. Oh siya, baba na”

“Pwede isa pa”

“Gago ka rin noh, namimihasa ka”

Pero bigla nalang niya kong binigyan ng smack sa lips saka bumaba na at nag-paalam.

“Paano ba yan?”

“Bye Sky”

He just nod.

Bumalik na nga ako ng Campus at nag-aatend ng klase ko.

“Hoy, ok ka lang?” tanong ni Pat.

“Oo naman”

“Ba’t parang may kagat yang labi mo? Nakipaghalikan ka ba malandi ka?”

“Di ah, pinagsasabi mo” saka ako naglip-bite.

“Huli!”

“Mr. Go & Ms. Quinto mamaya na kayo maglandian ok? Exams on-going” pahayag ni Sir Franco.

“Ano nanamang ganap diyan ba’t ang sungit nanaman?” tanong ni Pat.

“Malay ko”

“Di mo nanaman ba pinagbigyan?”

“Gago”

“Mr. Go & Ms. Quinto pag di pa kayo tumigil papalabasin ko na kayo sa klase ko” saway ni Sir.

“Sorry po” tugon ko.

“Ba’t ikaw nagsosorry, diba dapat siya? Wag mo munang patawarin Dwight”

“Sssssssh, wag ka nga. Nage-exam kasi tayo eh”

“Diba dapat exempted na tayo dito?”

“Nung departamentals lang” bulungan namin ni Pat.

“Siguro kung chinupa mo si Sir exempted narin tayo dito. Walang hiya ang hirap eh – bwiset”

Umirap nalang ako sa kanya saka ko tinignan si Sir, kumindat naman ito saka ngumiti. Ang hirap talaga nung exam walang silbi na nag-review kami dahil puro situational yung binigay niya at andaming essay. Ayaw pa man din niya ng 3 paragraphs lang na Essay.

Pagkatapos ng exam ay nagtungo kami ni Pat sa Café.

“Ang hirap talaga ng exam na yun, ikaw kasi eh” pahayag ni Pat.

“Ba’t napunta nanaman sa akin?”

“Basta, kasalanan mo lahat ng ito”

“Ako nanaman?”

“Hmmmmn. Ang sakit sa bayag talaga nung exam na yun, kabwisit”

“Bakit may bayag ka ba?”

“Wala, pero ikaw meron” sabay dakma niya sa may crotch area ko.

“Tang ina masakit yun ah” hagalpak nalang siya sa tawa.

“Ui, bukas na pala yung Legazpi trip niyo. Dwight, galingan mo chumupa dun para di maging beast mode yung Prof nating ewan”

“Gago to, palagi ka nalang ganyan”

“Eh bakit ba”

“Magsusulat po kami doon”

“Malay mo naman kasi iba susulatan mo”

“Ewan ko sayo, anong mapapayo mo sa akin?”

“Maglinis ka ng tumbong mo”

“Magseryoso ka nga”

“Follow your heart”

“Wow, napaka-original ng payo mo”

“Eh ganun naman talaga eh”

Natahimik kami ni Pat at nagbasa nalang ng libro. Ganun ang eksena namin ng biglang may lumapit sa kanya. Matangkad ito, maputi at mukhang mayaman. Brush up yung hair at shaved sa gilid, may mga tattoo din ito. Sa tindig niya ay mukhang naggi-gym ito, matipuno ito at mukhang sundalo. Maayos din siyang pumorma, maangas na parang Uno Emilio lang.

“Hi” tugon niya. Nag-angat ng mukha si Patricia at tinitigan ang binata. Nag-smile lang ito sa kanya.

“Hello” saka nagpatuloy si Pat sa pagbabasa.

“You’re Patricia Quinto right?”

“Yeah”

“I’m Chase, UP Theater student ako”

“Chase?” tanong ni Pat.

“Yeah, Chase Aaron Manalang” tinitigan ako ni Pat.

“Nasaan si Clay?” tanong ni Pat.

Nakita kong nagkunot ng noo yung Chase. “What? You knew my brother?”

“Tang ina seryoso ka?”

“Yeah, Clay pangalan ng bunso namin. Clay Albert, high school palang siya sa Ateneo”

“Eh si Argus kilala mo rin?”

“Sinong Argus?” tanong nito.

“Wala, nevermind. Hindi naman importante yung Argus. So bakit mo pala ako inapproach?”

“Ah, can I ask a favor from you?”

“Ano naman yun?” tanong ni Pat habang nandun ako at nakikinig lang sa usapan nila.

“Can you star in our film? You’re the perfect choice for it. Ni-refer ka narin kasi ni Danica”

“Ako talaga, patawa ka gwapo ka pa man din. Naku kakalbuhin ko yang Danica na yan pag nagkita kami”

“Di ako nagbibiro, you’re perfect for it”

“Gago to, patawa. Ano namang role ko dun, manananggal? Matabang yaya?”

“No, ikaw ang lead role. Hindi ka mataba ok. Maganda ka kaya”

“Sus, na-flatter naman ako. Enebeyen nekekeheye nemen”

“So ano?”

“Ewan ko eh, patingin muna siguro ng script”

“Sure” sabay kuha nito ng papel sa bag niya. “Here”

Binasa nga ni Pat ang content nito.

“Hey, who gave you this?” tanong ni Pat.

“A friend”

“A friend?”

“Yes”

Inabot sa akin ni Pat yung papel at binasa ko ito. Wala naman mali dun sa script, maganda naman ito.

“Pano mo nakuha yang script na yan?” tanong ni Pat.

“Sa isang friend nga”

“The hell Chase, Jadaone masterpiece yan. Alam ko ang gawa niya pag nakakita ako” paliwanag ni Pat.

Chase just smiled. “Hoy ano nga” dagdag ni Pat.

“Aunt nung partner ko sa film project na to si Direk Tonet”

“Pakshet totoo?”

Chase just nod.

“Pwede mo ba akong ipakilala sa kanya?”

“Sure, kung papayag kang magbida sa film namin”

“Why not, yun lang pala eh. Kelan shooting?”

“Sa Saturday sana”

“May bedscene ba to o kissing scene?”

“Ah slight lang, pero magagawan naman ng paraan”

“Ok, go ako basta ipakilala niyo ako kay Direk”

“Yun lang naman pala eh. So see you on Saturday?”

“Yeah”

“Pakilagay nalang number mo dito para tetext kita”

“Sige”

At nagpalitan nga sila ng numero.

“Ahhh, husay! Artista? Nag-request pa ng bedscene at kissing scene. Husay! Artista nga, talent fee di pinag-usapan?” tugon ko.

“Inggit ka lang”

“Husay, very good very good”

“Nagseselos ka ba?” tanong niya

“Di no” pagsisinungaling ko.

“Eh bakit naka-kunot yang noo mo? At ang sama ng tingin mo kay Chase? Don’t tell me type mo siya”

“Hala, Di noh, mas gwapo parin ako dun. Maputi lang yun, pero mas gwapo ako. Mas matalino pa”

“Yabang. Kapal muks eh”

“Nagsasabi lang ako ng totoo”

“Mukhang nahanap ko na ata ang forever ko. Ay correction di ko pala hinanap, kusang lumapit”

“Forever agad agad? Di mo pa kilala yung tao eh”

“Eh bakit ba, kung single yun edi maganda – text ko nga”

“Ang desperate mo naman”

“Bakit ikaw hindi?”

“Bahala ka”

“Oh ayan nagreply – ahy shalah bes, single pa siya. Jackpot! Mukhang sa kanya ko nalang isusuko ang Bataan baka mas malaki”

“Pat!” sigaw ko.

“Ba’t ka sumisigaw?”

Pinandilatan ko nalang siya.

“Ang cool lang noh, totoo palang may Clay & Chase. Galing mo Dwight, galing mo sa timing. Saan mo naman nakuha yung pangalang Clay at Chase?”

“Nagkataon lang ang lahat. Nakuha ko sa Google saan pa ba dapat. Chase Jarvis at Clay Aiken – oh masaya ka na?”

“Eh walang Argus, pano ba yan?”

“Sabi mo nga eh, di naman importante si Argus sa story – diba?”

“Sabagay, palamuti lang siya. Wall accent at ang pangit niya pa – nevermind Argus, sarap sunugin.”

“Ouch”

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil maaga ang flight ko. Si Kuya Ronan na ang naghatid sa akin sa airport.

“Oh bunso, galingan mo dun ah”

Tumango nalang ako.

Di ko kasama sa flight si Sir, sa hotel nalang daw kami magkikita. May sumundo naman sa aking Van sa airport at idineretso niya ako sa tutuluyan namin. Nagpahinga muna ako sa kwartong assigned sa akin at dahil sa pagod ay nakatulog ako. Matapos ang dinner nung gabi ay nagsimula na ang orientation at konting lecture series, magkatabi lang kami ni Sir na nakikinig. Ay hindi pala siya nakikinig dahil nangungulit siya sa akin.

“Sir, wag ka nga para kang bata diyan eh”

Hinawakan niya ang kamay ko kunyari magka-holding hands kami.

“You’re hand fits in mine like it’s made just for me” pakanta niyang pahayag.

“Ulol”

Hinalikan niya ito kaya inagaw ko na ang kamay ko. “Pwede ba Sir, dun ka nga”

“Ayaw”

“Isip bata”

“Pa-kiss naman Dwight”

“Lasing ka ba?”

“Epekto lang to ng jetlag”

“Jetlag? 45 minutes plane ride jetlag? Aba, husay!”

“1 hr. mahigit yun”

“Ay sabagay, Air Asia kasi sinakyan mo”

“Aba matapobre to, porket Business class ka sa PAL ganun. Next time, sasabay na ako sayo ha?”

Inirapan ko nalang siya.

“Pagkatapos ng contest bukas ano gagawin natin?” tanong niya.

“Tutulog”

“Ahy ano ba yan, may naisip ako tiyak magugustuhan mo”

“Kung masasaktan ako diyan, pwede wag nalang”

“Mag-eenjoy ka promise ko yan bunso, kasi love kita”

“Maiba ako, anong maipapayo mo sa akin. Ano ba madalas nila ipagawa sa mga ganito. Sir, wala akong alam”

“Mostly mga current events yung topic, stand mo sa isang bagay like Marcos burial sa LNMB, yung Davao bombing, yung federalism, yung war against drugs, yung extra judicial killings. Pero depende yun sa speaker, minsan kasi nagbibigay sila ng mga di kilalang literary piece or adaptations, mga prose or poems tapos from the emotion in there gagawa kayo ng write-up- parang reflection paper na short story”

“Hah? Ang hirap naman”

“Kaya mo yan ikaw pa, basta tandaan mo lang ang palagi kong sinasabi sa klase”

“Na dapat sa unang linya palang may emosyon ka nang madarama. Na sa bawat hagupit ng letra ay luha sa mga mata – yun ba?”

“Tumpak! Very good Mr. Go” saka niya pinisil ang magkabila kong pisngi. “Ang cute cute mo talaga, maghanda ka pala tomorrow

night may fellowship. Nautical yung theme, may susuotin ka ba kung wala magshopping tayo pagkatapos ng contest”

“May damit ako, di naman ako sasali sa activities eh manonood lang ako”

“Sabi mo eh, pero please lang wag ka namang magmukhang basahan tulad ng dati”

“So mukha pala akong basahan dati? Matapobre nito, basahan pala ah. Hmmmmft”

“Joke lang” di ko siya pinansin. Kiniliti niya ako wala parin akong reaksiyon. “Uy galit ka?” di parin ako umimik patuloy lang ako sa pakikinig sa nagle-lecture. “Dwight” no response.

“Kid ano? Sorry na”

Di parin ako umimik oh binalak na pansinin siya.

“Care bear? Yohhooo, hahalikan kita dito pag di mo ako pinansin”

Humalik nga siya sa pisngi ko pero tutok parin ako sa nagsasalita. Tumayo ako at lumipat ng pwesto yung medyo malayo sa kanya. Naka-nganga lang siya nun, ako naman nagpipigil na ng tawa. Ang cute kasi niyang mag-alala. Pansin kong nakatitig parin siya sa akin at parang walang idea sa mga nangyayari.

Kinabukasan nagsimula na nga ang contest, andami kong niresearch na topics kagabi. Pinagpuyatan ko yun pero nananadiya ata ang proctor slash judge namin dahil isang painting ang basehan ng isusulat namin. Gusto kong mag-mura noon, di ko na nga din naintindihan masyado yung instructions eh. 2 hours yung duration ng contest para sa phase 1 – short story. Sa unang sampung minuto lutang ako at naka-tanga lang dun sa painting yung ibang kasali na nasa paligid ko panay na ang sulat sa mga yellow pad papers nila. Umabot sa halos mag-iisang oras na wala pa ring pumapasok sa utak ko, tinitigan kong mabuti yung painting. Sa pag-iilusyon ko nakita ko yung mukha ni Sir Franco doon na naka-ngiti sa akin at may pakindat pa. Pinikit ko ang aking mga mata at saka nagmulat ulit, siya parin talaga ang nakikita ko.

“Bahala na” tugon ko sa sarili ko at nagsimula nang magsulat.

Ewan ko kung bakit tuloy tuloy lang ako sa pagsusulat. Ang characters ko pa ay Leon at Usa, ang weird noh. Ang saya ng pakiramdam na yun, yung parang puso mo ang nag-iisip at bahala na rin si utak kung ano yung mga salitang dapat isulat dun sa papel. Ang saya ng pakiramdam na purong emosyon yung nasusulat mo. Kung ano talaga yung nararamdaman mo ay yun ang sinusulat ng ballpen mo.

Bago pa matapos ang dalawang oras ay natapos ko na ito, tumingin ako sa paligid abala parin sila sa pagsusulat. Nakita ko yung katabi ko naka-ilang sheet na ako 22 pages lang. Gusto ko sanang wag munang ipasa yun eh, pero wala na eh hanggang dun nalang talaga. Tumayo na ako saka ko pinasa yung output ko. Nagkunot pa ng noo yung proctor ng makita yung title at yung synopsis ko. Ano ang title ng sinulat ko? “8 Hertz: The Waves from the Heart” yan yung title – ang korny at patapon. Ganun talaga eh, yun yung interpretation ko dun sa painting. Medyo abstract kasi siya, parang naglaro lang yung pintor ng mga pintura niya. Ibat-ibang shade of red at color black lang ang makikita mo dun. Para siyang mga alon, meron ding mga pattern na parang sa ECG. Di ko na rin alam kung nasunod ko yung instruction dahil di ko masyadong naintindihan. Kaya, ayun bahala na.

Pagkalabas ko ng contest venue ay dumiretso ako agad sa hall para mag-lunch na. Naabutan ko naman dun si Sir Franco na nakakuha na ng lunch namin.

“Musta kid?”

Nag-thumbs down nalang ako.

Ngumiti lang siya. “Why?”

“Sir di ko po alam yung pinagsusulat ko dun. Painting po yung binigay niya, ano naman alam ko dun noh?”

“Talaga?” saka siya ngumiti.

“Sorry ah, ikaw kasi Sir eh ako pa kasi isinali mo eh hindi naman ako yung pinakamagaling”

“Naku masyado mong dina-downgrade ang sarili mo. I didn’t pick you for nothing. Be positive ok, may isa pang event. Sigurado akong mas madali yun”

Pero nagkamali siya. Matapos mag-lunch ay nag-start na yung Phase 2- Dulaang Pampelikula naman. Mas mahirap to dahil gagawa ka talaga ng screenplay for a film. Para kang Director dito na sasabihin mo pa kung saan yung fade & cuts, idedescribe yung setting, yung characters & every movement sa story. Naloka ako kasi yung instruction sa amin dapat daw RomCom yung dating pero iikot yung istorya sa panahon ng Martial Law. Kumusta naman diba? Apat na oras yung allotted time at kailangang mag-produce ng magandang materyal. Gusto ko nang sumuko noon, gusto nang sumabog ng utak ko pero dahil binigyan ako ni Sir Franco ng good luck kiss kaya naman na-inspire ulit ako. Para akong tanga na imbes na magsulat ay ngingiti-ngiti ako sa loob ng contest venue. At yun nga may pumasok na ideya sa utak ko. Yung sa amin ni Pat, ang kwela lang kasi eh. Lahat ng mga gestures ni Pat, yung features niya. Yung mga linyahan niya at mga bara niya ay ginamit ko dun sa script ko. Ang title, “Ang Sumpa sa Patadyong ni Imelda” – ang baduy pero cool yung atake. Masyado kong na-enjoy yung pagsusulat. Mag-asawa kami ni Pat doon, ako si Ferdie at siya si Imelda. Sa sobrang kwela ay di ko namalayan ang oras at ako nalang pala ang inaantay noon na magpasa.

“Sir, time is up na po”

“Ah sorry po” inayos ko na nga yung mga papel at nagpasa, oo muntik ko nang maubos yung buong yellow pad paper sa Patadyong ni Imelda na story ko na yun. Lumabas akong naka-ngiti, ang light lang kasi sa wakas tapos na.

Bigla namang tumawag si Pat.

“Kumusta, ayos ba?” tanong niya.

“Ang hirap”

“Anong probability na maiuwi mo ang ginto sa Diliman?”

“3 out of 100”

“Naka naman totoo?”

“Mahirap eh, di ko sure kung good material yun. Hays ewan, ikaw kumusta ka naman?”

“Ayun nag-attend kami ni Chase kanina sa Ricky Lee workshop sa may UP Film Center at sa wakas na-meet ko na si Direk Tonet. Ang saya lang…” andami pa niyang sinabi tungkol kay Chase, kung gaano ito kaasikaso, ka-kalog at kung ano ano pa. Puro nalang siya Chase, siya palagi ang bukambibig niya kaya naman nairita na ako. Di ko alam kung bakit ako ganun pero parang naiinis ako. Gusto ko sa akin lang siya masaya, gusto ko ako ang protector niya. Puro siya Chase, ano bang meron yung Chase nay un. I’m better than Chase.

“Pat, sige na awat na muna may program pa kasi eh kelangan ko muna magpahinga”

“Ano ba yan di pa ako tapos magkwento, KJ mo”

“Saka na pag nakabalik na ako, baka pagbalik ko kayo na ni Chase”

Di siya umimik.

“Wait, wag mong sabihing kayo na?” tanong ko.

“Dwight. Hindi. Hindi pa”

“Buti naman kundi patay ka sa akin, o sige bye na”

“Bye”

Nag-stalk ako sa FB ni Pat at nakita ko nga ang mga pictures nila ni Chase. Mukhang masaya talaga sila, kaya kailangan ko rin maging masaya para sa bestfriend ko. Pero bakit naiinggit ako at may kurot sa aking puso nang makita ko kung gaano sila ka-sweet sa photo. Parang gusto ko tuloy sunugin yung Chase nay un dahil selos na selos ako, kung makalingkis kay Pat wagas. Oo may mga picture din kaming ganun ni Pat pero never niyang i-upload sa FB niya or sa Instagram pero yung kanila ni Chase yun nalang ata ang laman ng Feed niya.

“Kid, ok ka lang?” tanong ni Sir sa akin habang nakasandal ako sa headboard ng kama at nagsusurf sa aking Macbook. Tumango lang ako.

“Kumusta yung phase 2?”

“Ganun parin Sir, mahirap di ko parin alam kung ok ba yun oh ano. Akalain mo Sir, romcom gagawin na ang setting ay noong Martial Law”

“Anong ginawa mo?” tinanong niya saka siya nagpakawala ng kanyang nakamamatay na ngiti.

“Secret Sir, kung manalo ako mababasa mo naman”

“Ang daya, kid gusto mo mag-swimming? May pool sa taas, tara?”

“Eh may pool naman din dito sa baba ah”

“Ano ba, dun gaganapin mamaya yung fellowship. Mas masaya sa taas, tanaw mo ang city skyline baka pa nga matanaw mo si Mayon”

“Gusto ko makita ng malapitan si Mayon Sir”

“O tamang tama, bukas na bukas punta tayo sa campsite ayos ba yun?”

Parang bumbilya naman na nagliwanag ang aking mukha. “Sige Sir, gusto ko yan”

Nagbihis nga ako ng pang swimming at di ko na alintana na nandun si Sir.

“Witweew, sexy natin ah. Pakiss nga babe”

“Yan ka nanaman Sir” sagot ko kaya minadali ko na ang pagbihis.

“Naggi-gym ka ba?”

“Hindi, pero may mga weight training equipments kami sa bahay para narin gym yun”

“Yaman, ganda na ng katawan mo kid. May abs ka narin ah, last time para ka lang patpat”

“Noon mukha akong basahan ngayon naman patpat. Sige lang Sir, sige lang”

Lumapit siya sa akin saka ako binackhug, wala pa akong suot pang-itaas noon. “Joke lang yun, tara na?” saka niya hinalikan ang leeg ko na nagdulot ng kiliti sa buo kong katawan.

“Ui, ano yun?” tanong ko dahil naramdaman ko yung matigas na bagay, kumindat lang siya.

Nagtungo nga kami ni Sir sa pool sa taas at dun naligo. Unfortunately, wala kaming nakitang Mayon dahil mahiyain siya that time. Kaya naman naligo nalang kami at para kaming bata kung maglaro doon. Nagiging clingy narin siya noon, yung hahablutin ka niya, yayakap o kundi naman ay hahalik siya sa aking pisngi. Di ko nalang pinansin dahil medyo nagugustuhan ko naman.

“Kid, sa kwarto mo nalang ako matulog mamaya?”

“At bakit?”

“Ayaw mo?”

“Ayoko ng may katabi”

“Eh bakit pag si Sky gusto mo?”

“Malaki yung kama ko sa bahay eh yung dito sa hotel pang isahan lang talaga”

“Ayaw mo nun, may kayakap kang matulog”

“Ayoko”

“Tssssk, daya. Oh sige na Dwight, tara na sa baba at magpalit ka narin para sa fellowship”

Sinunod ko nga si Sir, andami kong nilatag na mga damit na pwedeng suotin for a Nautical party pero di ko alam ang aking isusuot. Mahirap talaga kung wala yung critic kong kapatid sa mga ganito. Kaya naman tinawagan ko siya.

“Oh ano?” bungad niya.

“Anong isusuot ko?”

“Wag ka nang magdamit bro, mas gwapo ka pag ganun”

“Yung seryoso nga, ano ba yung white kaya? Yung stripes oh yung suot ko nung date namin ni Vince?”

“Yung stripes tapos mag acid wash joggers ka, lagyan mo din ng suspender – yun bagay sayo yun”

“Sigurado ka, baka mag-mukha akong Super Mario dun”

“Trust me, guys & gals will go gaga pag nakita ka mamaya”

“Sabi mo eh”

“One more thing, if you want to seduce someone wear you Calvin Kleins ok?”

“Sira, oh sige na salamat”

Ginawa ko nga ang sinabi niya, black & white stripes yun na may red lining sa neck area at sa manggas, pinalitan ko rin ang aking underwear. Sinuot ko narin yung jogger pants, kaya pala niya sinuggest na magpalit ako ng undies dahil ang idea ng pants na yun ay ireveal ang waist band ng undies, medyo low waist siya at talagang malalaglag para saluhin ng pwet. Gago talaga yun, magmumukha pala akong gigolo. Medyo fit din yung shirt, hapit na hapit ang biceps ko at namuuong chest. Mas lalo pa akong nagmukhang callboy.

Alas otso na ng bumaba ako sa Venue, medyo marami na ang tao noon. At habang naglalakad ako ay pinagtitinginan nila ako sa aking get-up. Marami ang nakatitig lang at ngumingiti sa akin. Buti nalang at nakita ko si Sir Franco sa isang table kaya naman nilapitan ko na siya. Nag-angat siya ng paningin at talaga namang tinitigan ako.

“Sir, kanina ka pa? Sorry ah, ang hirap kasi mamili ng isosuot”

Walang imik, nakatitig lang siya.

“Sir?”

No response parin.

“Sir, Franco ok ka lang?”

Nakita ko na may umaagos na na luha sa kanyang mga mata, tumayo siya saka yumakap sa akin.

“Uy ano ba, baka akalain nila magjowa tayo at pinapa-iyak kita” kumalas ako at pinaupo ko si Sir Franco.

“What’s wrong?” tanong ko, umiling lang siya.

“Ano nga, ang daya mo naman eh”

Kinuha niya ang kanyang wallet at inabot sa akin ito. Nakita ko doon ang picture nila ni Francis na masayang masaya. Napansin ko yung suot ni Francis, parehas nung suot ko.

“Sorry, magpapalit nalang ako”

“No, no please”

“Sigurado ka?”

“Oo naman, kulang ka lang sa neck tie at sa sombrero. Ok na sana eh, gwapo mo kid”

“Salamat”

Nagsimula na nga ang dinner at after nun ay nagsimula narin ang program. Andaming speeches, mga presentation at kung ano ano pa.

“Kid pag dumako na tayo sa Annual Bid, sali ka ha? Para sa Diliman”

“Ano yun?”

“Basta masaya yun, ano?”

“Ayoko”

“Para ka naman di totoong isko, akala ko ba matapang matalino di matitibag ng kahit sino? Magtatampo si Oble sayo niyan”

“Si Oble talaga o ikaw?”

“Parehas” saka niya ako nginitian at kinindatan, uminom nalang ako ng aking drink.

“Dumako na po tayo sa main event for the Night, ang Annual Bid. So tatawag po tayo ng mga Campus Hotties from the different participating Universities in the Philippines at ang mga ladies natin ang magbibid sa kanila. Highest bidder wins, friendly date lang naman. So guys, are you ready?” pahayag ng MC, kaya naghiyawan naman ang lahat. “Volunteers?”

Madaming lalake ang umakyat sa stage, yung iba sakto lang yung iba naman talagang gwapo din. Meron rin palang screening committee, yung mahigit dalawampu naging apat nalang. Maya-maya pa ay may lumapit sa akin na dalawang babae at pinatayo ako.

“No, no ayoko sumali”

“Sige na Sir, special request po kayo ng marami” tugon naman nila.

“Go na Dwight, KJ mo eh”

Napilitan nalang ako at pag-akyat ko ng stage ay naghihiyawan na ang karamihan. Nagsimula ang interview portion, isa-isang tinanong yung mga kasama kong apat sa stage hanggang sa napunta na sa akin yung host. Todo hiyawan ang lahat.

“Hala sila, di ko pa man tinatanong naghihiyawan na kayo? Andami mong fans sir ah” ngumiti nalang ako kaya mas nagsigawan pa sila.

“Anong pangalan mo Sir?”

“Dwight po”

“Yung full name para naman ma-add ka ng mga girls natin sa Facebook or Instagram.”

“Dwight Arvin Go full name ko”

“Saan ka nag-aaral at anong kurso mo?”

“BA Creative Writing po, UP Diliman” naghiyawan nanaman sila, may narinig pa akong “Dwight, akin ka nalang” “Dwight, kiss me”

“Dwight, ako nalang ulit” pero may isa talaga dun na nagtatak “Kid mahal kita”.

Tinignan ko yung kinaroroonan ni Sir Franco pero wala na siya dun.

“Uyy, iskolar ng bayan. Ano girls, ok ba?”

Sumigaw naman silang lahat.

“May girlfriend ka na?”

“Wala pa po” dun na nagkagulo ang mga tao, pati ata mga coaches nila ay nakikigulo narin.

“Single oh, sinong mag-aaply?” sumigaw naman ang karamihan ng “ako, ako nalang”

“Ano bang gusto mo sa isang babae?”

“Yung simple po, matalino, may say sa lahat ng bagay, medyo deep kung mag-isip, magaling magsulat at di nawawalan ng punchline. Gusto ko pag magkasama kami ay masaya palagi, yung palagi niya akong napapasaya” di ko alam kung bakit parang si Patricia yung dinescribe ko, sabi kasi niya babae eh kaya ganun. Kung tinanong sana niya kung anong gusto ko sa isang partner si Sir Franco sana ang dinescribe ko.

“Sapiosexual ka ba Dwight?”

“Medyo po”

“Saan pala nakatira si Dwight?”

“Sa Xavierville po sa may Katipunan”

“Ay sosyal to girls, anak mayaman. Afford niyo ba?”

“Oo, kahit magkano pa yan. Just to win a date from him, just to win his heart” sigaw nila.

“Narinig mo ba yun Dwight?”

Tumango nalang ako.

“Ano bang paboritong pagkain ng isang iskolar ng bayan?”

“In general po ba?”

“Yes”

“Syempre po yung mura, yung sakto sa bulsa. Simple lang po kami, pro budget fishball, MSG rich spicy pancit canton at typhoid free isaw ok na po kami”

Humagalpak sa tawa naman ang lahat.

“I like your sense of humor ha. Anong movies naman ang paborito mo?”

“Sci Fi thriller type, pwede rin romcom”

“Eh horror ayaw mo?”

“Nope, we don’t watch horror movies. Our exams alone scares us the most” tumawa nanaman ang crowd.

“Simulan na natin ang bid”

Nagsimula silang i-bid yung apat pero walang nag-offer ng higher than 1,000. Nang mapunta na sa akin, nagsimula ang rate sa 2,500. Nagulat talaga ako, mukhang gusto nila akong iuwi. Yung proceeds naman ng bid na yun ay mapupunta sa isang charity kaya ok lang. Date lang naman eh, no malice. Tumaas nga ang offer hanggang 5,000, meron din 7,000 pero may isang pretty girl from Ateneo de Davao na nag-close sa bid 15,000 just to win me. Wow, 15,000 seryoso?

“May, tataas pa ba sa 15,000?” tanong ng host pero wala ng nag-attempt pa.

“So we have a winner then, ano pong pangalan niyo?”

“I’m Macey from Ateneo de Davao” sagot niya.

“Single ba si Macey?”

“No I’m not”

“But why did you pledge 15,000 just to have a date with Dwight”

“Dahil gusto ko at gusto ko din tumulong sa charity”

“Sabagay, can you give us a background about yourself”

“I’m Macey Margarete Co, 19 years old taking up Architecture at Ateneo de Davao. My father’s a businessman, he’s a stakeholder sa isang distillery owned by Mr. Dwight Arvin Go’s father. My Mom’s an editor sa isang publishing company na may branch sa Davao, at pag-aari din iyon ng kapatid ni Dwight. Ako ang bunso sa tatlong magkakapatid and I have a boyfriend”

“Nice, kaya pala. Oh pano ba yan Dwight wala ka ng kawala, enjoy your date”

Wala na nga akong kawala noon, nakipag-date ako kay Macey. Sa isang restaurant kami nagpunta na inarrange na ng mga committee. Andami naming napag-usapan, gaya ni Patricia ay kwela din siya.

“Why did you do it?” tanong ko.

“Ang alin, to win you?”

“Yes, eh may boyfriend ka”

“So? Date lang naman eh, I just want to know you better”

“Sira, oh cheers”

Malalim na ang gabi ng bumalik kami ng hotel at medyo tipsy narin kaming dalawa. Ang naalala ko lang bago kami maghiwalay ni Macey ay naghalikan kami, eh wala na akong nagawa aarte pa ba?

Kinabukasan ay nagising nalang ako na mabigat ang ulo ko, masama din ata ang pakiramdam ko. Bwisit kasi ni pareng Johnny at Jack, nilasing nila ako.

“Mukhang na-enjoy mo date mo ah, akalain mong sa labas ng pintuan ka natulog. Kung di pa kita nakita, dun ka nagising ngayon” binaling ko ang aking paningin, nasa kwarto pala ako ni Sir Franco. Tinignan ko rin ang sarili ko, naka brief lang ako natulog.

“Nasukaan mo damit mo, kaya pinatulog kitang ganyan”

“Sorry Sir”

“Ayos lang kid, ngayon ako naman ang mag-alaga ng lasing, palagi kasing ikaw ang gumagawa sa akin nun. Kumusta ang date? Naka-score ka ba?” ngumiti lang ako.

“Anong ibig sabihin ng ngiting yan? Nag-sex kayo?”

“Di noh, nag-kiss lang”

“Ayun, masakit ah. Nagseselos ako”

“Weh? Utot mo Sir”

Tumayo na ako at dumiretso sa CR para magmumog at umihi.

“Tigas na tigas ka ah, basa pa ata yang brief mo kid”

“Wag ka nga, normal lang to sa umaga”

“Yang basa? Mukhang hindi naman”

Lumabas na ako ng CR saka nagsuot ng robe. “Pahiram muna nito ah, sa kwarto na ako maliligo” tumango nalang si Sir.

Naligo na nga ako at nagbihis dahil magco-closing ceremony na at awarding. Sa buong duration ng program ay inaantok ako.

“Dwight ayos ka lang?” tanong ni Sir.

Nag-thumbs up nalang ako dahil nung time na yun ay masakit pa talaga ang ulo ko.

Dumating na nga ang awarding, nauna nilang i-award yung mga special awards. Ni isa dun ay wala akong nakuha kaya naman di na ako umasa.

“Sir, pano ba yan olats eh. Sorry”

“Ano ba, minor awards lang yan noh”

Nag-award na nga sila ng mga nanalo sa Short Story. 3rd place dun si Macey, nung kuhanin niya award niya ay kinindatan pa niya ako. Inannounce narin nila ang 2nd place kaya naman parang nawalan na ako ng pag-asa dahil impomsible naman kasi na ako yung mananalo.

“Sir sorry po”

“Ano ka ba, may 1st place pa. Relaks”

“And the first place goes to – 8 Hertz: The waves from the heart, Writer: Mr. Dwight Arvin Go, UP Diliman” pahayag ng host. Nagulat ako nun di ko ineexpect yun dahil nga Leon at Usa ang chacter ko. Diba hello?

“Sabi ko sayo kid eh”

Tumayo na nga kami ni Sir, para kunin yung award ko. Gaya kahapon ay ang lakas parin ng sigawan nila.

Dumako na din kami sa awarding ng Dulaang pampelikula. 2nd place si Macey dun.

“And the first place goes to – Ang Sumpa ng Patadyong ni Imelda, Writer: Mr. Dwight Arvin Go, UP Diliman”

“Ang galing mo kid, sabi sayo eh. Di ako nagkamali sa pagpili sayo”

“Salamat sa pag-coach Sir”

“Eh ano kaya ginawa ko, wala naman ah”

“Kung alam mo lang”

Di ko rin ine-expect na ako ang recipient this year ng Gawad Gintong Pluma, kasi nga wala akong exposure sa mga ganito kahit nung high school. Rookie lang ako sa mga ganito pero eto, hinakot ko yung major awards.

Pagkatapos ng awarding ay tinawagan ko agad si Pat.

“Hey, nanalo ako”

“Totoo? I’m so proud of you. Celebrate tayo sa Valk pagbalik mo. Sabi na nga eh magaling ang baby Dwight ko”

“Salamat”

“Oh siya Dwight, may date pa ako eh. Catch up nalang tayo pagbalik mo”

“Kay Chase nanaman ba?”

“Yeah”

“Kayo na ba? May nangyari na ba sa inyo”

“Bastos nito, friends lang kami noh. At magugulat ka sa mga kwento ko pagbalik mo – natatawa tuloy ako”

“Ano naman?”

“Basta, I love you”

“Yan ka nanaman”

“Hoy, nga pala may nakita akong pic na nakatag sa FB mo. Nagseselos na ako ha, andami mong babae jan. At naki pag-date ka pa

talaga, sino si Macey ha”

“Wala, kwento ko nalang pagbalik ko”

“Kakalbuhin talaga kita pag may girlfriend ka na”

“Sige na bye na”

“Alright”

Pagkatapos kong tawagan si Pat ay tinawagan ko si Kuya at Mommy. Tuwang tuwa sila sa balita ko, lalo na ng tumawag ako kay Daddy. Pati sina Nanay Olive at Chuchay ay tuwang tuwa sa nakamit kong tagumpay.

“Kid, ready ka na?” tanong ni Sir.

“Saan naman?”

“Akala ko ba gusto mo makita si Mayon ng malapitan. Tara na, mahaba-haba pa ang trekking”

“Eh pano yan wala tayong gamit pang-camping”

“Ready na lahat, boy scout to noh”

“Sabi mo eh”

Bago kami umalis sa hotel ay niready na lahat ni Sir. Gaya nga ng sabi niya ay may tent na at ready na ulit lahat. May sumama sa aming tour guide papa-akyat papuntang camp site at bago pa man lumubog ang araw ay nakarating na kami dun. Natatakpan parin ng ulap si Mayon noon.

“Sir, ok ba sa inyo kung babalikan ko nalang kayo ng maaga bukas?” tanong nung tour guide.

“Sure walang problema kuya” nanlaki nalang ang mata ko.

“Ba’t mo pinaalis?” tugon ko.

“Para masolo kita”

“Gago, ano nga? Nakakatakot naman dito”

“Andito naman ako, wag kang matakot baby”

“Baby?”

“Ayaw mo?”

Pinandilatan ko nalang siya.

Tinayo na nga namin yung tent at nag-ayos na kami sa lugar. Sinabi din ni Sir na maghahanap siya ng mga kahoy para sa bonfire mamaya. Nagbaon narin kami ng mga makakain at tubig para settled na ang lahat. Sumapit na nga ang gabi at naghapunan na nga kami. Naghanda narin kami para sa bonfire namin. Nag-ihaw nga kami ng mga marshmallows pati na ng hotdogs at mais.

“Sir kwento ka”

“Ano naman ikikwento ko eh alam mo na ata ang lahat sa akin”

“Kwento ka naman tungkol sa inyo ni Francis, dun tayo sa how we met”

“Wag na kid”

“Sige na Sir”

“Ok sige”

“Saan kayo nag-meet?”

“Nag-meet kami ni Francis sa Baguio gaya mo ay ako din ang sumali noon sa convention na yun. Taga Fine Arts siya, noon kasi ay parte din ng convention na yun ang Comics Strip at Literary Graphics kaya nasali siya. Makulit siya noon at siya talaga yung life of the party. Medyo weird din siya at kwela. Ayoko sa ganun noon dahil seryoso akong tao. Iniiwasan ko siya at ayokong nakakasama siya. One night iniwan kami ng aming mga ka-grupo sa hotel at kami lang dalawa ang nandun. Nag-aya siyang gumala nalang kami at maglibot libot sa session, pumayag naman ako kahit ayokong kasama siya. Out kasi siya nun eh ako di mo talaga mahahalata na bisexual ako at marami akong nagiging girlfriends noon. Medyo ilang ako nung una pero dahil mabait naman siya ay sumama nalang ako. Weird kasi niya, tinatakot pa niya ako nang tanungin niya ako kung nakikita ko yung mga puting liwanag na lumulutang – sinabi ko nalang na hindi dahil hindi naman talaga”

“May 3rd eye si Francis?”

“Oo, at sabi niya may naging kaibigan din daw siyang biktima ng lindol noon na na-trap sa may Hyatt Hotel. Sabi niya din na yung mga nakikita niyang mga puting liwanag ay mga lost soul na di pa mapakali”

“So pano ka na-inlove sa kanya?”

“Diba may annual na performance sa different Campus, siya ang kumanta. Alam mo ang kinanta niya? I will be here, parang patama niya yun sa akin dahil nung time na yun ay on the rocks kami ng girlfriend ko. Siya yung nasa keyboard nun at bawat tipa niya dun sa piano at bawat bigkas niya sa mga lyrics ng kanta tagos yun sa puso ko. Totoo pala yung slow mo moment, yung parang naka-stop na yung paligid at siya lang ang nakikita mo. Na bumibilis yung puso mo, at yung lokong yun may pakindat kindat pa talagang nalalaman. Kinikilig parin ako pag naaalala ko. Simula nung araw na yun nag-iba na yung tingin ko sa kanya. Nawala na yung ilang, yung pagkainis ang natira nalang ay purong paghanga. Pagbalik namin ng Manila ay mas naging close na kami ni Francis. Nakipag-break din sa akin yung girlfriend ko kaya naman niligawan ko si Francis”

“Anong naging reaction niya?”

“Binasted niya ako tapos tinawanan lang. Pero di ko siya sinukuan, panay ang pagsuyo ko sa kanya kahit na tinataboy niya ako”

“Anong pinaka-sweet na ginawa mo para sa kanya Sir?”

“Madami eh, di ko na matandaan yung iba. Pero ito ang matindi, secret lang natin to ha, sumali ako sa Oblation run para sa kanya at nung makita ko siya dun sa Palma Hall siya yung binigyan ko ng rosas saka ko siya hinalikan sa pisngi. Buwan din bago niya ako sagutin, July yun at umuulan pa sinundo ko siya sa Campus dahil wala siyang masakyan at wala siyang dalang payong. Naramdaman niya siguro na mahal ko talaga siya kaya sinagot niya ako”

“Wow, mahal mo talaga ano?”

“Oo, pero nagloko parin ako. Maraming beses ko na siyang sinaktan pero di ako natuto. Eh wala eh, mabilis akong ma-tempt. Pero siya di niya ako sinukuan, tinupad niya yung kanta niya para sa akin. Na he will be there for me no matter what. Kung meron lang akong isang pagkakataon na bumalik sa nakaraan, sana di ako nakipag-break kay Francis nun, sana buhay pa siya. Sana di ko siya sinaktan, everytime na maalala ko kung gaano siya kabait at kung gaano niya ako kamahal nagui-guilty ako. Oo masama akong tao, pero tao lang kasi ako marupok at nagkakamali. I’m not perfect, pero sa mata ni Francis, I’m enough, I’m perfect”

“Mahal mo parin Sir?”

“Always, di yun mababago kid. Pasensya ha”

“Ok lang sir” pagkasabi ko nun ay biglang nawala yung ilaw pati sa baba namin ay nawalan ng ilaw.

“Sir brownout?”

“Mukha nga”

“Pano yan?”

“Hayaan mo lang kid, safe tayo dito. Mas maganda nga eh, mas maa-appreciate natin yung view pag madilim”

“Paano kaya yun?”

“Basta, dito ka sa tabi ko”

Sinunod ko nga siya at tumabi ako sa kanya. Walang imikan, pinapanood lang namin ang apoy sa aming harapan hanggang sa magsalita ulit siya.

“Ayan na ang sinasabi ko, tingala ka Dwight”

Tumingala nga ako at nakita ko ang napaka-daming bituin. Animoy naphotoshop dahil sa dami nila, naaaninag ko rin ang silhouette ng Mayon Volcano. Parang naglaro ang galaxy sa taas ng perfect cone.

“Sir ang ganda po”

“Sabi sayo eh. Ganyan din ang reaction ni Francis ng makita niya yan. May malaking paint siyang ganyan sa kwarto niya sa bahay nila. Tara, may dapat ka pang makita”

“Ano naman?”

“Basta tara”

Sinundan ko nga siya at medyo lumayo kami sa camp site. Naglakad kami patungo sa damuhan. Nagtaka ako kung anong ginagawa namin dun.

“Ano naman kaya to, Sir balik na tayo”

“Saglit lang, tiyak magugustuhan mo din to”

Naglakad nga ako palapit sa kanya at hinawakan niya ang aking mga kamay.

“Ready ka na?” tanong niya kaya tumango nalang ako.

Hinawakan niya ang kamay ko at para kaming mga bata na tumakbo sa damuhan. Isa isa namang naglabasan ang mga nagkikinangang alitaptap at sumabay pa talaga sila sa amin sa pagtakbo. Ang saya lang, ang ganda ng lahat para akong nananaginip. Isa yun sa mga pinaka-masayang nangyari sa buhay ko lalo pa at kasama ko ang isang taong mahal ko. Bumalik na kami sa camp site at naglatag si Sir ng kumot at dun kami humiga, pinag-masdan namin ang kalangitan.

“Sir thank you po”

“Para saan?”

“Sa lahat po”

“Naku, ako dapat ang magpasalamat sayo kid. Dahil sayo bumabata rin pakiramdam ko, at andami ko nang utang sayo ah”

Natahimik kami, walang imikan at tinititigan lang namin ang kalangitan. Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Sir Franco yung kamay ko.

“Dwight?”

“Po?”

“Sigurado ka na ba dun sa Wharton mo?”

Di ako umimik kaya naman umayos siya ng higa at humarap sa akin kaya naman humarap narin ako.

“Sigurado ka na ba dun?”

Tumango nalang ako.

“Mami-miss kita, bakit ba palagi akong iniiwan?” nakita ko nalang na lumuha na siya noon.

“Sir wala pa naman results eh, andito pa ako”

Yumakap nalang siya sa akin at humagulgol na.

“Sir, ok ka lang” tumango lang siya saka siya nagpunas ng luha. Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko.

“Sir…” di ko na noon naituloy ang sasabihin ko dahil lumapat na sa labi ko yung labi niya. Patuloy lang sa pagtulo yung luha niya habang nakikipag-halikan siya sa akin. Ang saya sa pakiramdam, ibang iba. Iba sa halik ni Sky o sa halik ni Macey. Parang yung halik ni Sir na yun ay punong puno ng pagmamahal, parang may ibig sabihin yung halik niya pero ayokong mag-expect. Bigla nalang siyang bumitaw noon at humingi ng paumanhin.

“Sorry, nadala lang ako”

“Ok lang Sir, tulog na tayo?”

“Sige”

Natulog na nga kami at ang himbing ng tulog ko dahil nga hinalikan niya ako at nakayakap pa siya sa akin ng matulog na kami. Madaling araw na ng ma-alimpungatan ako ng marinig ko siyang binabanggit ang pangalan ni Francis sa pagtulog niya. Humihikbi din siya noon, hinayaan ko lang. Tinaggap ko nalang din na hindi talaga mabubura ng basta basta ang tulad ni Francis. Na kahit kailan ay di ko mapapantayan si Francis, kahit kailan ay di ko mapupunan ang iniwang puwang ni Francis sa puso ni Franco.

Kung pwede lang turuan ang puso sa kung sino ang dapat mahalin. Kung pwede lang na sabihan ito na tumigil ang pag-tibok nito sa taong di ka kayang mahalin. Oo nga sabi nila ang utak ang nagdidikta sa lahat, pero di mo talaga pwedeng diktahan ang puso. Mas malakas ang sigaw nito, pag ito ang namayani magiging martir ka na at tanga. Kahit paulit ulit ka nang nasasaktan tatanggapin mo parin dahil nga – MAHAL MO!

Maaga akong nagising kinabukasan at sa wakas ay nakita ko na ang kagandahan ng Mayon. Habang umaangat ang araw ay naiisip ko ang mga nangyari sa buhay ko. Di ko napigilan ang pagtulo ng luha ko noon, di ko masabi kay Sir Franco na mukhang matutuloy na talaga yung pag-aaral ko sa abroad. Natanggap ko na kasi yung invitation for interview at kailangan ko mag-file ng Official Business Leave sa School pagbalik ko, handa na rin kasi akong mag-request ng Honorable Dismissal. Handa ba akong iwan ang lahat? Handa ba akong iwan siya? Ang hopeless naman kasi eh, ang hirap naman kasi yung mag-isa ka lang umiibig. Oo nga at maraming nagmamahal sayo pero yung iisang taong mahal na mahal mo ay di ka kayang mahalin. Sinabi ko nalang sa sarili ko na siguro pag nasa ibang lugar na ako ay makakalimutan din ng puso ko ang pagmamahal nito kay Sir Franco. Bakit kasi sa dinami-dami ng pwedeng mahalin ay siya pa. Ang daya lang talaga, paano mo naman kasi kakalabanin ang tadhana diba? Na alam mo na nga na matagal na silang para sa isat-isa.

“Kid, di mo man lang ako ginising ang daya mo naman. Ang lalim nanaman ng iniisip mo ah”

Hinarap ko siya at nakita ko kung gaano siya ka-cute pag bagong gising. Topless siya nun at nagkakamot ng kanyang ulo saktong humihikab pa. Ang gulo ng buhok niya at kita ko ang buhok niya sa kili-kili. Pinasadahan ko ng tingin mula mukha niya pababa sa mga utong niya, sa abs niya, sa happy trail niya at ang kanyang morning wood.

“Hoy kid, natulala ka diyan. Baka mapagkamalan mo kong agahan ha, pwede naman pero Not Today” saka siya kumindat sakto namang dumating na yung tour guide.

“Magandang umaga po Sir” bati niya.

“Magandang umaga rin Kuya”

Matapos mag-ayos ay bumaba na kami, bumalik sa hotel saka nag-breakfast. Nag-swimming narin kami bago nag-check out at pumunta sa Airport. Magkaiba ulit kami ng flight ni Sir.

“Paano ba yan kid, kita nalang tayo sa school sa Monday?”

Tumango nalang ako. “Sir nga pala bukas na dating ni Kuya Derek, sa Saturday na yung Batangas natin wag kang mawawala ah”

“Ah oo nga pala, oh sige ba”

“Ok Sir, bye po”

Lumapit naman siya sa akin saka binigyan ako ng goodbye kiss sa noo.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Not Today (Part 8)
Not Today (Part 8)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhG1QoxryA1Fqd7Ox5u4GDg6pU8Msyyne9qyYcVDmWoLTJIEnyY5mjgcNXqNaRDK9smllEvqnsMprBoVA8axcHe9vN9jC6OSVYM46TXznXugFcA0MVlPZ4nnhgLYv2vPjauYwcNVYt7nmxC/s320/EJ+Meon+Liwanag+died+in+a+car+accident.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhG1QoxryA1Fqd7Ox5u4GDg6pU8Msyyne9qyYcVDmWoLTJIEnyY5mjgcNXqNaRDK9smllEvqnsMprBoVA8axcHe9vN9jC6OSVYM46TXznXugFcA0MVlPZ4nnhgLYv2vPjauYwcNVYt7nmxC/s72-c/EJ+Meon+Liwanag+died+in+a+car+accident.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/09/not-today-part-8.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/09/not-today-part-8.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content