$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

One More Day

By: Kier Andrei Author's Note: I guess being unemployed do have it perks so here’s another one. I’m not really sure kung na-post na iyon...

By: Kier Andrei

Author's Note: I guess being unemployed do have it perks so here’s another one. I’m not really sure kung na-post na iyong isa pa that I sent before this or if it would even be posted but this is the second story I’ve sent after my almost six months of not sending anything.

Muli, maraming salamat sa lahat ng nagbasa. Uulitin ko lamang po na ang lahat ng ito ay kathang isip lamang. At tulad po ng mga nauna, medyo talagang may kahabaan.

I hope you enjoy this story as much as I enjoyed writing it. Pero katulad noong mga nauna, pangungunahan ko na po kayo na hindi po ako nagpo-proofread ng mga isinusulat ko so kapag may mga nakita po kayong mali, pagpasensiyahan na po ninyo dahil tao lang.

*****************************

“Do I even have to guess this time or should I just assume that something happened yet again?”

Imbes na sumagot ay ipinagpatuloy lang ni Chase ang panood sa kanyang laptop na para bang walang narinig. Ni hindi man lamang niya ako nilingon. Kung hindi pa siguro ako sanay sa ugali niyang ganoon ay baka nabanas na ako. Kapag kasi nagmumukmok siya, hndi talaga siya namamansin kahit pa mag-tumbling ka sa harapan niya.

Chase isn’t exactly the easiest person to read. Siya iyong tipo nang taong kahit titigan mo nang matagal, kung ayaw niya talagang magpakita ng anumang emosyon, wala kang mapapala. Sabi nga ng ibang kabarkada namin, napatay na daw niya kami ng ilang libong beses sa utak niya ay hindi pa namin nalalaman. Kaya nga minsan, hindi din namin alam kung ipagpapasalamat ba namin iyong pagiging vocal niya kapag nasa mood. Kapag kasi nasa mood si Chase, anuman ang pumasok sa isip niya, kahit alam niyang makakasakit, sasabihin niya.

“I tell the truth. That’s my thing. I may sound like an asshole, I probably am anyway, but I tell the truth, simple as that.” Iyon lang ang sagot niya nang minsang magkainuman ang buong barkada at may naglabas ng sama ng loob tungkol sa ugali niyang iyon.

Pero kahit ganoon siya, hindi maikakailang marami siyang kaibigan o mas tama sigurong madami ang nagki-claim na kaibigan nila si Chase. Sa barkada nga namin, siya pa rin ang takbuhan ng karamihan kapag may problema. Masakit man kasi siyang magsalita, alam mo namang hindi ka niya pababayaan. Siya iyong tipo nang taong bibitiwan ang lahat kung kinakailangan para ba damayan ka.
Sabi ko nga dati sa kanya, hindi ko alam kung anghel pa siya o demonyo. Ngumiti lang siya sa akin noon at saka tumingin sa malayo.

“Remember that even Lucifer was once an angel too.” Sagot lang niya na hindi ko alam kung seseryosohin ko o hindi.

Madaldal kung tutuusin si Chase, tipong hindi nauubusan ng kwento. Kapag siya ang bumangka, akala mo isang buong libro ang pinakikinggan mo. Kumpleto kasi talaga sa detalye at meron pang mga side comments.

But in all those times he would take the reign and talk, very rarely would he talk about himself. Kukuwentuhan ka niya tungkol sa ginawa niya o noong kung sino mang topic niya sa usapang iyon pero wala kang makukuha doon tungkol sa kanya maliban na lamang doon sa alam na ng lahat. You would know if he is in a good or a bad mood pero hindi mo malalaman kung bakit dahil hindi niya sasabihin. Kapag tatanungin mo naman, mas madalas ay babarahin ka lang niya o di kaya ay sasabihin niyang okay lang siya.

An open book with blank pages. Iyon ang deskripsiyon sa kanya ng mga kaibigan namin. At sa tinagal-tagal nang panahong magkaibigan kami, tinanggap ko din lamang iyon. Sa akin naman kasi, kung ayaw niyang magsabi, okay lang. Walang pilitan kumbaga.

Nagkataon lang siguro na isang taon din kaming mahigit na nagkasama sa iisang bahay kaya kahit papaano ay mas nakilala ko siya.

Kaga-graduate ko lamang noon ng kolehiyo nang magdesisyon akong sa Maynila na makipagsapalaran. Si Chase naman, nauna na siya ng isang taon sa Maynila para maghanap ng trabaho kahit hindi pa siya naka-graduate ng college. At dahil wala naman akong ibang kakilala sa Maynila, sa kanya ako nakituloy.

Nahihiya pa nga ako noong una sa kanya dahil sinagot niya lahat. Hindi naman kasi mayaman ang pamilyang pinanggalingan ko kaya literal na pamasahe at panggastos lamang ng ilang araw ang dala kong pera noon. Umabot pa sa puntong walang-wala akong pera at wala pa ring trabaho kaya literal na naging palamunin niya ako.

Magdadalawang buwan na yata ako noon sa poder niya na puro interview lang ang napapala sa mga pinupuntahan kong pinag-a-apply-yan nang madatnan ko siya sa kusina noong apartment na tinitirhan namin na nagba-budget. Pangalawang beses ko na siyang nakitang ginagawa iyon simula noong dumating ako kung tutuusin. Nahiya lang akong lumapit noong una. Pero nang makitang lukot na lukot ang mukha niya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Okay ka lang?” Tanong ko sa kanya bago ako humila nang upuan na malapit sa kanya. Ni hindi man lamang siya sumagot noon at tumango lang, patuloy sa pagkukwenta.

Napatanga na lang ako nang makita ko ang mga nakalista doon.

Apartment = Php 7,000.00
Kuryenta = Php 1,273.24
Tubig = Php 200.00
Grocery = Php 3,500.00
Transpo = Php 3,000.00

TOTAL = Php 14,973.24
Due Date: Kinsenas

Mama Interest = Php 4,000.00
Andrea Tuition = Php 3,500.00
Denver Tuition = Php 6,000.00
Paluwagan = Php 1,000.00

TOTAL = Php 14,500.00
Due Date: Katapusan

Nalula ako ng wala sa oras sa mga numerong iyon lalo pa nga at alam kong lingo-lingo din siyang nagpapadala ng allowance ng mga kapatid niya. Daig ko pa ang natadyakan sa sikmura ng wala sa oras dahil alam kong dumagdag pa ako sa gastusin niya.

“Take that guilty look out of your face kung ayaw mong sapakin kita.” Sabi niya bigla. Pagtingin ko sa kanya ay saka ko pa lamang napansin na nakatitig na pala siya sa akin.

“Chase, kung alam---”

“Shut it.” Sabi lang niya bago inilabas ang kanyang wallet at sinimulang magbilang ng pera. Puro lilibuhin iyon at sa pagkakabilang ko, umabot iyon ng mahigit apatnapung libo. Napanganga ulit ako. Pansin ko rin na may nakatabi pang tiglilimang-daan na hindi niya inilabas mula sa wallet niya.

“Umamin ka nga? Nagtratrabaho ka talaga o nagbebenta ng drugs?” Tanong ko sa kanya na tinawanan niya lang.

“I have three jobs. Isang permanent at dalawang part-time.” Sagot niya sa akin. Napahiya na naman ako sa sarili ko dahil sa tagal kong nakikitira sa kanya, noon ko lang iyon nalaman. Kaya pala madalas, kahit weekend ay parang ang dami niyang ginagawa.

Ang alam ko lang naman kasing trabaho ni Chase noong panahong iyon ay bilang isang call center agent. Kaya nga madalas, sinasabayan lang niya akong mag-agahan tapos matutulog na siya agad. Alam ko ring malaki ang kinikita niya mula sa trabahong iyon lalo na at panggabi siya sa trabaho. Maghapon naman akong wala sa apartment niya dahil sa paghahanap ng trabaho kaya hindi ko alam na may iba pa pala siyang ginagawa. Ni minsan naman ay hindi ko siya naringgan ng anumang hinaing o reklamo kaya akala ko naman, sarili lang niya talaga ang ginagastusan niya.

“Buwan-buwan na ganyan kalaki ang binabayaran mo?” Tanong ko na lang sa kanya, hindi pa rin makahuma sa laki noon.

“Hindi naman. Madalas, mas malaki pa.” Balewalang sabi lang niya, patuloy pa rin sa pagkukwenta.

Maya-maya ay tumunog ang telepono niya dahil sa isang bagong dating na mensahe. Pinasadahan lang niya ng basa iyon bago bumuntong hininga at saka nagsulat ulit doon sa budget niya.

Devin Cellphone = Php 7,000.00 max

Nag-isip pa siya panandalian bago nagsulat ulit.

Andrea Cellphone = Php 7,000.00 max

Napanganga na lang ako lalo na nang pati iyong mga tiglilimang-daan sa wallet niya ay inilabas na rin niya at saka binilang. Magtatanong na nga sana ako pero naunahan niya ako sa pagsasalita.

“Nawala daw iyong cellphone ni Devin.” Sabi lang niya.

“Kaya pati si Andrea ibibili mo?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Tango lang ang isinagot niya.

Minsan ko na rin namang nakilala ang dalawang kapatid niya. Kararating ko pa lamang noon ng Maynila. Nadatnan ko silang nag-aaway sa may sala habang si Chase naman ay nakatingin lang sa kanilang dalawa.

“Bakit? Kapapabili mo lang ng bagong sapatos ah tapos magpapabili ka na naman?” Sabi noong Andrea na mataas ang boses. Ito ang sumunod kay Chase sa pagkakaalam ko. Bunso naman nila si Devin.

“Problema mo eh hindi mo naman pera ang ginagastos ko?” Pasinghal ding sagot ni Devin. Muntik ko na silang pag-untugin na dalawa.

“Eh kung pareho ko kayong hindi bigyan ng pera, gusto niyo?” Mahinahon pero malamig ang boses na sabi ni Chase. Napatigil naman agad iyong dalawa. Tumingin pa sa akin si Chase na parang humihingi ng paumanhin.

“Seb, pakuha na nga lang noong wallet ko sa kuwarto.” Aniya sa akin na sinunod ko naman. Iniabot ko lang iyon sa kanya at iniwan na silang magkakapatid para bumalik sa kuwarto at magbihis. Mukha namang napagbigyan na pareho dahil mamaya pa ay tawa na ng tawa ang mga ito.

Nalaman ko na lang na nagkataon pa lang may seminar sa Maynila iyong dalawa noong panahong iyon kaya napadaan, seminar na si Chase din ang nagbayad.

“Kaya namimihasa ang mga kapatid mo eh,” Sabi ko sa kanya noong maghapunan kami. Madalang lang iyong mangyari dahil madalas na pagdating ko, paalis na siya ng apartment para pumasok. Nataong day off niya noong araw na iyon.

“Pinsan.” Pagtatama niya sa akin na hindi ko pa naintindihan noong una.

“Anak ako ng kapatid ni mama.” Paliwanag niya sa akin.

“At huwag mo nang tanungin kung nasaan ang totoong nanay ko at kung sino ang tatay ko dahil hindi ko alam. Three years old pa lang ako noong basta na lamang ako iwan kay mama.” Dagdag pa niya na para bang nagsasabi lang na adobo ang ulam.

Natahimik ako ng wala sa oras. Kaya pala noong magipit sila, siya ang tumigil sa pag-aaral. Nasabi naman niya sa amin noon na kaya siya titigil ay dahil hindi na siya kayang pag-aralin. Sabi ko pa nga noon, kung hindi sana nagmaganda ang mga kapatid niya na sa isang pribadong unibersidad nag-aral at tumulad sa kanya na sa State University lang nag-enrol, wala sana silang problema. Nanghihinayang kaming lahat noon dahil huling taon na niya dapat sa kolehiyo noon sa kursong AB English at malaki din ang tiyansang magtatapos siya na may Latin honors.

“They deserve the best.” Sabi lang niya noon bago binago ang usapan.

That was eight years ago. Hindi naman nagtagal ay natanggap na din ako sa kumpanyang kinabibilangan ko hanggang sa ngayon. Dahil lisensiyado naman akong inhinyero at malaking kumpanya naman iyong napasukan ko kahit pa nga sabihing sa State University ako nagtapos, mabilis namang naging maayos ang buhay ko. Aminado akong malaking parte ng pagpupursige ko ay dahil na din sa nakita ko kay Chase.

Iyon nga at may sarili na akong condominium unit sa Quezon City at may sarili na ring kotse. Hindi din naman kasi talaga ako magastos kaya madali akong nakaipon kahit pa nga sinusuportahan ko pa rin ang mga magulang ko.

Kung meron man siguro akong pinanghihinayangan ay iyong makita ko si Chase na natali na ng tuluyan sa trabaho niya dahil na din sa pamilya niya. Imbes kasi na makapagtapos si Devin, nabuntis nito ang kasintahan nito na siya pang dumagdag sa sinusuportahan ni Chase. Si Andrea naman ay hanggang sa mga panahong iyon ay wala pa ring matinong trabaho.

Isang buntong-hininga na lamang ang pinakawalan ko at hinayaan na lamang si Chase sa panonood niya. Napadaan lang naman talaga ako doon para ibigay sana iyong plane ticket niya para sa lakad naming magbabarkada papuntang Boracay. Umuwi kasi mula sa California iyong kaibigan naming si Teresa kaya napagkasunduan ng grupo na magbakasyon.

Matagalang pilitan pa ang nangyari sa amin ni Chase noong puntahan ko siya para sabihin iyon. Ayaw niya kasing gumastos. Lalo pa siyang nagpumilit na hindi sasama nang sabihin kong ako na ang bahala sa kanya. Hanggang sa uli, idinaan siya ni Teresa sa pagdradrama. At dahil bunso noong grupo at isa sa pinakamalapit kay Chase, napilitan din itong pumayag.

Naiintindihan ko naman na sa trabaho niya, mahirap talagang humingi ng isang linggong leave. Alam ko rin na si Chase mismo ay ayaw gawin iyon dahil siya pang bawas sa sweldo niya. Muntik na nga kaming mag-away noong ipilit niyang siya pa rin ang magbabayad noong plane ticket niya. Mabuti na lang at sinalo ni Teresa na ito na daw ang bahala na hindi na niya natanggihan.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong apartment. Muntik na akong mapangiwi nang makita kung gaano kagulo iyon. Nagkalat ang mga supot at karton ng kung anu-anong take-out food sa maliit na lamesa sa may kusina. Sigurado din akong tambak na naman ang damit ni Chase sa kuwarto niya. Iyong sala nga lang na maliit ang malinis kung tutuusin pero halatang hindi pa iyon nawawalisan.

Imbes na bumalik sa opisina, lumabas na lamang ako saglit para itawag sa opisina na hindi na ako makakabalik. Dumiretso na din ako sa kotse ko para kunin iyong lagi kong dalang pamalit. Pagbalik sa apartment ni Chase, dumiretso na ako sa kuwarto para magbihis. At hindi nga ako nagkamali ng hinala.

Nakatambak sa isang gilid noong iyong maruruming mga damit niya na mukhang basta na lamang iniitsa. Kalahati noong kama niya, iyong parteng hinihigaan ko noong doon pa ako nakatira, ay puno ng damit na malamang ay malinis. Maayos naman ang pagkakatupi ng mga iyon pero halatang hindi na iyon naipasok sa cabinet simula nang kunin niya sa laundry shop.

Malaki naman iyong kama kung tutuusin. Queen size kasi iyon kaya nga doon na din ako nahihiga noong doon pa ako nakatira. Hindi din naman alam ni Chase na bading ako kaya walang naging problema.

Aaminin ko na isang malaking pagsubok sa akin iyon noong mga unang lingo na doon ako nakatira lalo pa nga at literal na boxers o brief lang ang suot ni Chase kung matulog. If it had been any other person, I would have taken the chance.

Hindi naman kasi maitatanggi na magandang lalaki si Chase. Sa pagkakatanda ko ay nasa five-nine ang tangkad niya na matangkad na para sa isang Pinoy. Mas matangkad lamang ako sa kanya ng isang pulgada kung tutuusin. Isa rin siya sa iilang kilala ko na kahit gaano karami ang kainin, hindi talaga tabain. Iyon bang tipong jogging lang araw-araw ay pwede na. Imbes nga na mag-miyembro ng isang gym na kagaya ko ay nagtiyatiyaga lang siya sa mga nandoon sa Quezon City Circle. Minsan nga ay naiinis na din ako dahil habang ako na gumagastos ng ilang libo sa isang buwan ay pahirapan pang magka-abs, siya, walo ang pandesal sa tiyan.

Isama pang kahit saang anggulo mo tignan ay masasabi talagang guwapo si Chase. Makapal ang kilay na bumagay sa deep-set niyang mga mata, may katangusan ang ilong na sinamahan pa noong labi niyang mas makapal iyong pang-ibaba kaysa sa pang-itaas na kahit na nagyoyosi ay hindi man lamang nangingitim. Ilang beses ko din yatang pinagpantasyahan kung ano ang pakiramdam nang mahalikan iyon. Para lang kasing ang sarap panggigilan.

But the biggest turn on for me is the fact that he doesn’t seem to be aware of just how good looking he was. Kung alam lang niya kung ilang beses akong nagbabate noon sa banyo sa tuwing nabibigyan kami nang pagkakataong magkasabay na matulog, lalo na kapag umaga at kagigising lang niya.

Malabo kasi ang mata ni Chase kaya lagi itong nakasalamin. Kaya paggising niya, una na niyang aabutin iyon at isusuot. Literal na tinitigasan ako noon dahil maliban sa ipinantulog na boxers ay iyon na lamang ang suot niya. At kapag wala siyang pasok, iyon lang ang suot niya maghapon sa bahay at talagang napaka-sexy niyang tignan. Iyong respeto ko na lang talaga sa kanya ang pumipigil sa akin para gapangin siya noong mga panahong iyon.

Kung tutuusin, kolehiyo pa kami ay may ganoon na akong nararamdaman para kay Chase. Iyon nga ang dahilan kung bakit ako napasama sa grupo nila. Nakasama lang nila ako sa isang inuman noon dahil kakilala nila ang pinsan kong si Lisa. Umasa pa nga ako noong una nab aka sakaling pwede kami nang malaman kong hindi pa siya nagkaka-girlfriend at wala din naman siyang nililigawan. Muntik pa akong umamin sa kanya noon pero mabuti na lamang at hindi.

“Walang karapatang magpadami ng lahi ang isang hampaslupa.” Sagot lang niya noon sa tanong ko kung bakit wala man lang siyang nililigawan. At noong nagkasama na kami sa bahay, naintindihan ko na rin kung bakit.

Alam ko rin naman na may karanasan na siya sa sex kahit hindi namin pinag-uusapan. May mga pagkakataon kasing umuuwi siya noon na halatang bagong ligo at kakaiba ang ngiti. Tipo bang alam mong katatapos lang ng magdilig. Pero hanggang doon lang dahil na din siguro sa responsibilidad niya sa kinikilala niyang pamilya. Pakiramdam ko nga ay wala na siyang balak pang mag-asawa dahil mukhang habang buhay na siyang nakatali sa pamilyang kumupkop sa kanya.

Nanikip ang dibdib ko nang maisip iyon. Sa akin kasi, kung meron mang isang taong kilala ko na mas dapat makahanap ng taong magmamahal at mag-aalaga sa kanya, si Chase na iyon.

Pagkabihis, sinimulan kong ligpitin ang kuwarto niya. Inuna ko nang ipinasok sa loob ng cabinet ang mga malilinis niyang damit. Pagkatapos noon ay inilagay ko sa isang garbage bag iyong mga madudumi bago ko tinawagan iyong laundry shop kung saan siya nagpapalaba. Napangiwi pa ako nang makitang lumang-luma na iyong ibang brief niyang nandoon. Meron pang dalawang may butas na. Inihiwalay ko na lamang ang mga iyon at isinama sa basura. Pinalitan ko na din iyong punda ng unan at kobre kama at isinama ang mga iyon sa ipapalaba bago ako nagsimulang magwalis.

Pagkatapos sa kuwarto ay isinunod ko ang kusina. Napangiwi na lamang ako nang makitang puro galing ng fastfood iyong mga karton at plastic na nandoon. Isang indikasyon lang iyon na wala na naman siyang panahon para sa sarili niya mismo.

Mahilig kasing magluto si Chase kaya kapag may oras, talagang magluluto siya. Sabi pa nga niya, mas nakakatipid daw ang ganoon. Pero kung pagbabasehan ay ang nakatambak na basura, malamang ay isang lingo na itong puro take out lang.

Pagbukas ko ng maliit niyang ref, muntik na akong mapamura nang makitang tubig lang ang laman noon. Agad na akong naglista sa utak ko ng mga kailangang bilhin. Alam kong magagalit siya sa pinaplano kong paggo-grocery pero wala akong pakialam.

“Feeling asawa ka na naman,” Kastigo sa akin ng isang parte ng utak ko pero hindi ko na lamang iyon binigyan ng pansin. Chase needed taking care off once in a while, sabi ko na lang sa sarili ko. Magalit na siya kung magagalit pero hindi niya ako mapipigilan noong araw na iyon.

Nang makapaglinis sa kusina, hindi na ako nag-abala pang magbihis ulit para magpunta ng grocery. Hindi na din ako nagpaalam sa kanya. Basta lumabas na lamang ako ng apartment at dumiretso sa kotse ko.

Dumiretso ako ng Trinoma at saka bumili ng mga bagong underwear para kay Chase. Sinamahan ko na din iyon ng ilang pares ng medyas. Nang may makita akong polo na alam kong babagay sa kanya ay binili ko na rin kasama ang isang pantalon na pwede niyang gamitin sa trabaho. Nandoon na din lamang ako, naghanap na din ako ng mga v-neck shirts na alam kong bagay sa kanya. Hindi kasi siya nagsusuot ng round neck dahil nasasakal daw siya.

Pagkatapos noon ay saka pa lamang ako dumiretso ng supermarket para mamili ng mga pwedeng lutuin. Bumili na din ako ng supply niya kahit na alam kong hindi lang away kundi gulo na talaga ang aabutin ko. Ayaw na ayaw niya kasi ang ganoon.

“Kaya kong suportahan ang sarili ko.” Iyon ang sinabi niya noong huling ginawa ko iyon. Masama nang sabihin pero ni-reverse psychology ko na lang talaga siya noon para lang tanggapin niya iyong mga binili ko.

Pagbalik ko ng apartment niya ay nakaharap pa rin siya sa laptop niya at nanonood. Nakakunot ang noong nakatingin lang siya sa akin at sa mga bitbit ko pero wala naman siyang sinabi. Hindi ko tuloy napigilan ang magtaka. Dapat ay sumisigaw na siya doon pa lang.

Ramdam ko ang pagsunod niya ng tingin sa akin hanggang sa maibaba ko sa kusina iyong mga groceries. Pati noong naglakad ako papunta sa kuwarto para iwan doon iyong mga pinamili kong gamit niya ay ramdam ko pa rin ang mga mata niya. Inilapag ko lang ang mga iyon sa kama saka bumalik sa kusina. Nakasunod pa rin sa akin ang mga mata ni Chase.

Sinadya ko talagang hindi salubungin ang mga mata niya ng mga oras na iyon. Kahit noong tumayo siya at naupo sa harapan ko sa kusina ay hindi ko siya tinitignan. Walang imik na iniayos ko na lamang iyong pinamili ko at iniwan lang sa mesa iyong gagamitin ko sa pagluluto ng hapunan namin.

“Iiyak ka na naman ba kung magagalit ako?” Bigla niyang tanong. Napalingon tuloy ako sa kanya ng wala sa oras.

“Eh ano naman sa iyo kung umiyak ako?” Pambabara ko na lang saka nag-iwas na ulit ng tingin. Hindi siya agad sumagot pero ramdam ko ang pagkakatitig niya sa akin. Naiilang tuloy ako ng wala sa oras.

“I don’t like seeing you cry because of me.” Mahina niyang sabi pero maliwanag na narinig ko. Napatigil ako ng wala sa oras sa ginagawa ko at muling tumingin sa kanya. Ganoon na lang ang paninikip ng dibdib ko nang makita ko ang lungkot sa mukha niya.

“Ano na namang nangyari?” Tanong ko na lang.

“May nabuntis na naman si Devin at kung hindi daw niya pakakasalan, idedemanda siya ng rape.” Diretsa niya lang na sabi. Napamura tuloy ako ng wala sa oras.

“Eh di ipakasal ninyo baka sakaling tubuan ng bayag.” Inis kong sabi.

“Iyon na nga eh. Ayaw naman niyang pakasalan.”

“Eh kung hindi ba naman tarantado ang kapatid-kapatiran mo, ayaw niya palang magpakasal, eh di hindi sana siya sawsaw ng sawsaw. Sabihin mo, i-lebel niya sa liit ng titi niya ang kakahinete niya sa kung sinu-sino. Pangatlong panganay na niya ito ah. Mabuti sana kung may trabaho siya.” Mahaba kong litanya. Muntik na akong matunaw nang mapangiti siya sa akin.

“May nakakatawa sa sinabi ko?” Tanong ko pa rin sa kanya.

“Nagtataka lang ako na alam mong maliit ang titi niya.” Sagot lang sa akin ni Chase na sinundan pa niya ng tawa. Kinabahan tuloy ako ng wala sa oras. Mabuti na lang at nakaisip ako agad ng palusot.

“Ganoon naman talaga eh kapag sobrang yabang pero wala pa namang napapatunayan. Malamang, may pinagtatakpan.” Kako na mukha namang tinanggap niya.

“Huwag ka nang magluto. Gusto kong lumabas.” Biglang sabi niya. Napakunot na ng tuluyan ang noo ko. Kung meron man kasing isang tao na kahit pisong sukli ay kukunin pa, si Chase na iyon. Ganoon siya katipid. Hindi siya iyong tipo nang taong magyayayang lumabas.

“May sakit ka ba?” Tanong ko na sa kanya.

“Meron. Sa bulsa kaya dadagdagan ko na habang kaya pa ng budget.” Sabi niya lang. Imbes na sumagot ay itinabi ko na lang iyong mga iluluto ko sana. Sinabihan ko na lang na mauna na siyang magbihis na sinunod naman niya.

Nang marinig ko ang pagbubuhos niya sa banyo, nagdesisyon na akong linisin na muna sandali iyong sala. Itinabi ko na rin iyong laptop na basta na lamang niya iniwan doon. Napailing na nga lang ako nang mapansing pagkatanggal na pagkatanggal ko noong pagkakasaksak noong laptop niya ay namatay na agad ito. Mukha sira na ang battery pero hindi man lang siya bumili ng bago samantalang lumang modelo pa iyon ng Neo.

Pagpasok ko sa kuwarto ay siya namang labas niya ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya. Tumutulo pa ang buhok niya ng mga oras na iyon. Literal na hindi ako nakahinga ng wala sa oras. Ngani-ngani ko na talaga siyang hilain at ihiga sa kama saka pagpasasahan ng mga oras na iyon. Ni wala man lamang yatang epekto sa kanya ang pagkain ng fastfood. Nagpatay malisya na lamang ako kahit na nanginginig ang mga tuhod ko.

Napansin ko na nakalabas na mula sa shopping bag iyong mga pinamili ko para sa kanya. Malamang ay inilabas niya iyon bago siya pumasok sa banyo.

“You didn’t have to buy me things.” Mahina niyang sabi sa akin.

“Sino ba kasing nagsabi na para sa iyo iyan?” Pambabara ko sa kanya pero tinaasan lang niya ako ng kilay.

“Thanks…” Aniya sa akin kapagdaka. Nandoon na naman iyong lungkot sa mga mata niya. Tuluyan na akong nag-alala.

“Chase---”

“I’m okay.” Putol niya sa kung ano mang sasabihin ko. Hindi na rin naman ako kumontra.

Natuwa na lang ako noong imbes na kumuha ng damit mula sa closet niya ay kinuha niya iyong isang v-neck na t-shirt na binili ko. Semi-fit iyon pero sigurado kong pagdating sa kanya, fit lahat. Lalo pa akong natuwa nang tanggalin niya iyong tapis dahil maliban sa isang biyaya iyon mula sa Diyosa ng mga Bakla, suot na pala niya iyong isa sa mga brief na binili ko.

“Hoy! Kesa sa pinagnanasaan mo ako diyan, maligo ka na!” Pambabara niya sa akin bigla. Natauhan ako ng wala sa oras.

“Pinagnanasaan agad?” Ganting bara ko naman.

“Ang sarap ng ngiti mo eh,” Sagot niyang tumatawa.

“Masarap? Bakit? Natikman mo na?” Bulalas ko bago ko pa man napigilan ang sarili ko.

“Secret!” Sabi lang niya sa akin na sinundan pa niya ng isang malutong na tawa. Hindi ko tuloy alam kung seseryosohin ko iyon o hindi.

Sandali ko pa siyang pinanood bago ako naman ang pumasok sa banyo. Iniabot lang niya sa akin iyong tuwalyang ginamit niya bago ko isinara iyong pinto. At tulad ng ibang manyak na bading na tigang, inamoy-amoy ko pa talaga iyon bago ako nagsimulang maligo.

Patapos na akong maligo nang maalala kong ako ang walang isusuot. Napakamot na lang ako ng ulo ng wala sa oras at muling isinuot iyong hinubad kong damit.

Kunot ang noong nakatingin lang sa akin si Chase noong lumabas ako. Bago pa man ako makapagsalita ay kinuha na niya iyong isa sa mga bagong brief at saka isa sa mga t-shirt at iniabot sa akin.

“Dumaan na lang tayo sa condo.” Apela ko sa kanya pero tinitigan lang niya ako. Napapalunok na sumunod na lang ako sa gusto niyang mangyari. Habang nagpapalit ay pinanood ko siyang naghalungkat sa cabinet niya. Maya-maya pa ay inabutan niya ako ng pantalon. Napangiti na lang ako nang makitang isa iyon sa mga luma kong pantalon. Kupas na kupas na iyon pero maayos pa rin naman. Hindi din naman ako tumaba kaya sigurado akong kasya pa sa akin.

“Bakit hindi mo pa ito itinatapon?” Tanong ko sa kanya. Oo nga at Levis iyon na talagang pikit-mata ko pang binili pero ilang taon na din naman kasi ang lumipas simula nang bilhin ko iyon.

“Maayos pa naman eh. Saka ginagamit ko minsan.” Aniya. Ewan pero imbes na mandiri ay kinilig ako ng wala sa oras.

Nang makapagbihis, saka ko lang napansin na iyong t-shirt na suot ko ay parang kabaliktaran lang noong suot niya. Red kasi iyong suot niya na may itim na lining samantalang iyong sa akin ay itim na may red na lining.

“Ang lakas lang nating maka-couples shirt.” Aniyang tumatawa. Tumawa na rin lang ako para itago ang kilig.

“Asa ka naman agad?” Buska ng isang parte ng isip ko. Iwinaglit ko na lang iyon.

Hindi ako masyadong sigurado kung paanong sa Laughline kami bumagsak. Sa minalas-malas pa, sa harap na kami naupo dahil punuan na sa likod. Napailing na lang ako dahil papaupo pa lang kami ay nakita na kami agad noong isa sa mga hosts. Hindi pa man kami nakaka-order ay nakalapit na ito at ang mga kasamahan niya sa amin.

“Hi!” Malanding bati sa amin noong isa na halos pumutok na ang mga bilbil sa suot na damit.

“Hoy! Ang kapal ng mukha mong maka-hi eh hindi ka naman maganda! Low ka, ate, low! Low tide na low tide pagdating sa kagandahan.” Bara sa kanya noong kasama niya na ikinatawa ng mga nandoon.

“Bakit? Bawal bang magbigay bugay? Hindi mo ba nakikita, ganyang iyong mga tipong niluluhuran in more ways than one!” Sagot lang nito na ikinatawa namin ni Chase.

“Hindi din.” Kontra naman noong isa.

“Choosy ka?” Bara dito ng mga kasama niya.

“Hello? Hindi mo ba nakikita na magkasama sila tapos wala nang iba pang kasama. Malamang nagde-date ang dalawang iyan! Excuse me lang ha, hindi ko pinangarap maging kabit. Ang ganda ko kaya!” Anito.

“Ambisyosang bakla. Kahit katulong, hindi ka papasa, punyeta! Kabit pa kaya?” Pambabara noong unang nag-hi sa amin bago kami binalingan.

“Ako, okay lang. Kabit, mistress, other woman. Pwede ding palaman, basta kayong dalawa ang bun.” Sabi nito saka biglang pumuwesto na parang mag-o-otso-otso.

“At anong pose naman iyan bakla?” Tanong dito ng mga kasama niya.

“The palaman position.” Sabi lang nito na pinalamyos pa ang boses.

“Gaga! Ihaw iyan, tanga. Tusok sa harap, tusok sa likod! Malandi ka talagang hitad ka!” Sabi ulit noong isa nilang kasama. Umugong na naman tuloy ang tawanan sa buong bar.

“Wow! Sa iyo pa talaga nanggaling?” Sabat ulit noong nagsabi na hindi daw kami kaguwapuhan. “Bakit? Kung ikaw? Hindi ka pupuwesto ng ganyan?”

“Of course not!” Anito saka pumuwesto sa likod noong naka-otso-otso pa rin at nahiga sa likod nito. Muntik pa silang matumba pareho.

“Hoy! Anong akala mo sa akin, lamesa?”

“Kama, tanga! Ang laki mo kaya!” Bara lang nito saka inayos ang sarili para hindi sila matumba.

“Eh ano namang drama iyan.”

“Gaga! Ganito dapat ang posisyon para kita mo pareho.” Sabi nito.

“Eh di nakita din nila ang titi mo, tarantado!” Bara ulit nila dito.

“Eh mas tanga ka. Paano nila ako ida-drive kung walang kambiyo! Ang bobo mo!” Sagot pa rin nito.

Tawa lang kami ng tawa ni Chase. Kung anu-ano kasing kabulastugan ang pinagsasabi ng mga ito. Natuwa pa nga ako noong mapilit nilang kumanta si Chase ng wala sa oras. Ang kaso, kailangan daw dalawa kami na pinagbigyan naman noong host.

Hindi naman nagtagal ay lumipat din sa kabilang mesa iyong mga host at naka-order na din kami ni Chase ng alak at pulutan. Hagikgik pa rin siya ng hagikgik habang nakikinig sa mga ito na ikinatuwa ko. Matagal ko na rin naman kasi siyang hindi nakikitang ganoon kasaya.

“So anong kakantahin natin?” Bigla ay tanong niya sa akin.

“Ikaw ang bahala. Kahit naman yata kahit ano, matutuwa pa rin sila sa iyo.” Sabi ko na lang na sigurado akong totoo. Sa itsura nga naman kasi ni Chase, kahit tumayo lang siguro ito sa entablado ay pagkakaguluhan pa rin ito ng mga hosts.

“Lucky na lang ni Jason Mraz.” Suhestiyon niya na ikinataas ng kilay ko.

“Gusto mo talagang mapagpiyestahan ano? Eh di lalo tayong na-issue.” Sagot ko sa kanya.

“Kaya nga. Para masaya.” Sabi lang niya na ngiting-ngiti. Imbes na sumagot ay itinungga ko na lang iyong beer.

Hindi naman kasi iyon nakakapagtaka dahil sa mga straight na lalaki, hindi naman talaga issue ang mga ganoong bagay. Hindi naman kasi sila guilty kung tutuusin. Ang may mga problema lang naman kasi sa ganoong eksena ay iyong may itinatago talaga.

“Bahala na,” Sabi ko na lang sa isip ko.

Huling set na nila noong tawagin kami para kumanta. Ng mga oras na iyon, halatang marami na ring nainom si Chase. Maya’t-maya na nga ang akbay niya sa akin na hindi nakaligtas sa mga hosts kaya kami na naman ang pinagdiskitahan.

“Hoy! Hindi ito motel! Mga immoral!” Sabi pa noong isa bago kami iginiya sa entablado. Tawanan na naman tuloy ang mga tao.

“So anong kakantahin ninyong mga hayop kayo. Dali, para matapos na itong lahat dahil konti na lang ay talagang grigripuhan ko na kayo. Nakakabanas na eh.” Anang isa na halata namang nagbibiro.

“Inggitera ka kasi!” Bara ng isa sa mga kasamahan nito.

“Lucky by Jason Mraz.” Sagot ni Chase bago ako nakapagsalita. Biglang nanahimik ang mga host.

“Pakiulit?” Maya-maya ay tanong noong isa sa kanila.

“Lucky by Jason Mraz.” Ulit lang ni Chase na nakangiti.

“Confirmed!” Bigla ay sabay-sabay na sabi ng mga host na ikinatawa lang naming lahat.

Kung anu-ano pang kabulastugan ang pinagsasabi nila bago nila kami pinakanta. Tawa lang kami ng tawwa ni Chase na sumasakay sa mga biro nila. Saka lamang natigil iyon noong magsimula na iyong tugtog. Tinanguan ako ni Chase na ako ang magsisimula. Sumunod lang naman ako.

Do you hear me
I’m talking to you
Across the water
Across the deep blue ocean
Under the open sky
Oh my, baby, I’m trying

Nakangiti lang sa akin si Chase ng mga oras na iyon. Laking pasasalamat ko na lang na hindi ako pumiyok sa sobrang kaba. Sigurado din akong pulang-pula ang mukha ko ng mga oras na iyon dahil na rin sa pagkakatitig niya. Lalo pang nagrigudon ang dibdib ko nang bigla siyang kumindat sa akin.

“Ay punyeta! May kindatang nagaganap! Itigil ang kasal!” Singit bigla noong isa sa mga host na ikinatawa lang namin bago sinimulan ni Chase iyong parte niya.

Boy I hear you
In my dreams
I hear you whisper
Across the sea
I keep you with me
In my heart
You make it easier when life get’s hard

Hindi koalam kung bakit pero pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay kinakanta talaga iyon ni Chase para sa akin. Sabihin nang ambisyoso pero ganoon kasi talaga ang dating. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti lalo na noong sabay naming kantahin iyong chorus.

I’m lucky I’m in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

Hanggang sa matapos iyong kanta ay nagngingitian lang kami ni Chase sa entablado. Ilang beses ding sumisingit iyong ibang host ng kung anu-anong kumento lang pero halos hindi ko na sila napansin. Ang utak ko kasi noon, nakatutok na lamang kay Chase.

“Admit it, you’re in love with him,” Bulong ng isang parte ng utak ko na hindi ko na kinontra pa. Alam ko na rin naman sa sarili ko iyon dati pa. Hindi ko lang talaga pinapansin. Pero nang gabing iyon, pinagbigyan ko ang sarili ko. Hinayaan ko rin ang sarili kong maniwala na mahal din niya ako.

Umaatikabong kantiyaw ang sumalubong sa amin noong matapos kaming kumanta. Hindi pa kami pinababa noong host agad at inasar ng inasar.

“Sogo ang ending nito ano?” Sabi pa noong isa na ikinapula ko ng wala sa oras. Iyong ideya pa lang kasi na ganoon ang mangyayari ay nagbigay na sa akin ng kakaibang kilabot.

‘Bakit? Gusto mong sumama?” Bara lang dito ni Chase na ikinatili nito bigla.

“I volunteer!” Sigaw noong host na nagsabing hindi kami kaguwapuhan noong una.

“Akala ko ba hindi ka interesado?” Tanong noong mga kasamahan niya.

“Bakit? Hindi uso ang ipokrito?” Sagot lang nito.

Hinayaan din naman nila kaming makababa pagkatapos kaya ipinagpatuloy na lang namin ni Chase ang pag-inom. Nang matapos kami, literal na plastado na si Chase. Kinailangan pa akong tulungan noong nasa kabilang table para mailabas siya sa bar at maisakay sa kotse.

“Salamat ha.” Sabi ko na lang doon sa lalaki na ngumiti lang sa akin.

“Okay lang.” Sabi nito saka pinaglipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

“Anong meron?” Tanong ko na lang ng mapansin kong hindi pa rin ito umaalis.

“Nothing. I’m just happy to know that it’s possible.” Aniya na ikinakunot ng noo ko.

“Ang alin?”

“Ang makahanap ng taong mamahalin mo at mamahalin ka rin.” Anito bago nagpaalam. Inabutan pa niya ako ng tarheta saka tinapik sa balikat bago umalis. Nakatulalang nakasunod lang ako ng tingin sa kanya.

“Kung totoo lang sana.” Sabi ko na lang sa sarili ko bago ako sumakay na din sa kotse.

Dahil mas malapit iyong condo ko kaysa sa apartment niya, nagdesisyon na lang ako na doon umuwi. Kung tutuusin, matagal ko na siyang niyaya na doon na lang tumira para makabawas siya ng gastusin pero ayaw niyang pumayag. Hindi daw kasi ako makakahanap ng magiging girlfriend kapag magkasama kami. Hindi din naman ako nagpumilit. Alangan naman kasing sabihin ko na wala akong balak magka-girlfriend.

Pag-akyat sa unit ko, inuna ko na siyang inihiga sa kama. Wala ding kiyema na tinanggal ko ang suot niyang damit at sapatos hanggang sa brief na lang ang natira. Pinagbigyan ko na rin muna ang sarili ko na pasadahan siya ng tingin bago ako naman ang naghubad ng damit. Saka ko pa lamang inilabas iyong comforter mula sa cabinet at naglatag sa tabi ng kama. Pang-isahan lang kasi iyong kama ko kaya kahit kating-kati akong tumabi na lang sa kanya, pinangunahan pa rin ako ng hiya. Oo, at hindi niya alam na bading ako, pero ako, alam ko iyon. Natatakot din naman ako sa pwede kong gawin lalo pa nga at nakainom din ako.

Isang tingin pa ang ibinigay ko kay Chase na tulog na tulog sa kama bago ako nahiga.

“This is enough.” Sabi ko sa sarili ko bago ako pumikit.

Nasa isang oras pa lang yata akong nakakatulog nang bigla akong gisingin ni Chase at sabihang magtabi na lang kami sa kama. Dahil lutang ang utak, sumunod lang naman ako na hindi na nag-isip. Kahit nga noong yakapin niya ako at pag-unanin sa dibdib niya ay hindi ako umangal. Pagkahiga ulit, wala pa yatang isang minute ay nakatulog na ako.

Tanghali na akong nagising kinabukasan at pagmulat ng mata ko, mukha ni Chase na himbing pa rin na nakatulog ang bumungad sa akin. Muntik pa akong napabalikwas ng bangon ng wala sa oras lalo na nang mapansin kong wala pang isang dangkal ang layo ng mukha niya sa akin. Tuluyan nang nag-init ang mukha ko nang mapagtanto kong nakayakap siya sa akin at ginawa niyang dantayan ang hita ko. Ramdam na ramdam ko kasi ang morning wood niya ng mga oras na iyon.

Mahilig kasi talagang mandantay si Chase kapag natutulog. Kaya nga meron siyang isang mahabang unan sa apartment niya na katabi niya palagi. Kung alam lang niya kung ilang beses kong pinagplanuhang sunugin ang letseng unan na iyon sa pagbabakasakaling ako ang dadantayan niya.

“Diyos ko, hindi ko na po kasalanan ito.” Sabi ko na lang sa isip ko at hinayaan muna kami sa ganoong posisyon. Siyempre, noon lang iyon nangyari kaya sinulit ko na. Saka lang ako kumawala nang maisip kong anumang oras ay magigising na siya.

Lahit napipilitan ay inalis ko ang pagkakadantay niya sa akin at saka bumangon sa kama. Pinasadahan ko muna siya nang tingin bago ako lumabas ng kwarto.

“Okay na ako sa ganito.” Sabi ko pa sa sarili ko kahit gustong umapela ng dibdib ko.

Imbes na maligo na siya kong agad na ginagawa pagkagising, dumiretso na lang ako sa kusina para magluto. Sinimulan ko na rin iyong coffee maker para sakto kung sakali. Sabado na noon kaya wala akong pasok pero hindi ako sigurado kung may pasok si Chase. Minsan kasi, isang araw lang sa isang lingo ang off niya.

Saktong nakaluto na ako ng agahan nang magising si Chase. Magulo pa ang buhok at brief pa rin lang ang suot niya noong magpunta siya sa kusina, pupungas-pungas.

“Iyong salamin ko?” Tanong lang niya sa akin kasabay ng pag-iinat.

Muntik ko nang mabitawan iyong hawak kong tasa ng kape ng mga oras na iyon. Lalo kasing bumakat iyong tayung-tayo niyang alaga sa suot niyang brief dahil sa ginawa niya. At dahil nakaangat ang kamay, kitang-kita ko ang may kalaguang buhok sa kilikili niya na para sa akin, napaka-sexy talagang tignan. Idagdag pa ang pino niyang treasure trail mula sa kanyang pusod pababa sa garter noong suot niyang brief. Bigla ay gusto ko tuloy magsisi na hindi ko man lang naisip na mag-suot ng shorts. Pasimple ko na lang itinago ang pagkabuhay ng alaga ko.

“Nasa kotse.” Sabi ko na lang saka tumalikod at saka inabala ang sarili sa pag-aayos ng lamesa. Naglagay na din ako ng kape sa isa pang tasa at saka iniabot iyon sa kanya. Nagpasalamat lang naman siya sa akin at saka naupo na sa may lamesa.

“Ganito pala ang pakiramdam ng may-asawa.” Natatawa niyang sabi n atinawanan ko na rin lang.

“Kung bakit kasi hindi ka pa naghahanap.” Kako na lang.

“Sus! Sarili ko nga hindi ko mapakain ng maayos, magdadagdag pa ako ng iba.” Sabi lang niya. Gusto ko nga sana siyang barahin na kaya niya naman kung hindi nakaasa sa kanya ang buong pamilya niya pero sinarili ko na lang.

“Akala ko pa man din makaka-enrol na ako next sem.” Biglang sabi niya na ikinalungkot ko. Matagal na niyang sinasabi iyon na babalik siya sa pag-aaral pero dahil lagging may kung anong nangyayari sa pamilya niya, hindi iyon natutuloy.

“Hanggang ngayon ba naman, uunahin mo pa rin sila?” Tanong ko na lang.

“Malaki ang utang na loob ko sa kanila.” Sagot lang niya. Hindi na din ako nagsalita. Wala din naman kasing mangyayari kahit na ano pa ang sabihin ko.

“Kung lumipat ka na lang kasi dito para siya pang matitipid mo. Iyong pang-renta mo, iyon na lang ang pambayad mo ng tuition.” Suhestiyon ko ng wala sa oras.

“Eh di pareho tayong hindi nakapag-asawa ng wala sa oras.” Sagot lang niya sa akin. Hindi na naman ako nakakibo. Ngani-ngani ko nang aminin sa kanya ang lahat ng mga oras na iyon pero pinigilan ko ang sarili ko.

“Salamat pala kagabi. Bangenge ako ng wala sa oras.” Aniya nang maupo na ako sa tapat niya para makakain na kami. Tumango lang ako.

Pagkatapos kumain ay agad ding nagpaalam si Chase. Nalaman ko sa kanya na day off nga niya noon pero may raket siyang pupuntahan. Hindi na din lang naman ako nagtanong.

Dahil walang magawa, nagdesisyon na lang akong maggala sa mall maghapon. Bumili lang ng kung anu-ano. Kahit naman kasi papaano ay maayos na ang buhay nina nanay sa probinsiya dahil medyo malaki ang kita nila doon sa grocery store na ipinatayo ko para sa kanila ni tatay. Tumutulong na rin naman sa mga gastusin iyong nag-iisa kong kapatid na si Miko sa kanila.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ko maiwasang mainis sa mga kapatid-kapatiran ni Chase. Kasi, kumpara sa kanila, malayong mas mahirap kami kung tutuusin dahil parehong magsasaka lang sina nanay at tatay. Nagkataon lang talaga na nakahanap ako ng maayos na trabaho kaya gumaan ang buhay namin at napagtapos ko rin si Miko ng kolehiyo. Hindi ko kasi makita iyong lohika na hanggang sa mga panahong iyon, nakadepende pa rin sila kay Chase.

Tanghalian na yata iyon at dahil nagsawa na ako sa Glorietta ay nagpunta ako ng Greenbelt. Natuwa pa nga ako nang makita ko si Chase na nakatayo sa shop ng Onesimus doon pero agad din iyong nawala nang makita kong kasama niya si Devin. Uminit na naman talaga ang ulo ko lalo na nang mapansin kong ang dami-daming naka-sale ay doon pa talaga ito sa mga bagong dating na damit namimili. Kitang-kita ko rin ang pagkalukot ng mukha ni Chase pero hindi ito nagsasalita.

Nilapitan ko na lang si Chase at saka pasimpleng siniko. Napatingin lang siya sa akin at tumango.

“Ano na naman ito?” Pabulong kong tanong sa kanya habang pinapanood si Devin na nakikipaglandian doon sa sales lady.

“Pumayag na siyang magpakasal.” Maikli lang niyang sagot.

“So, dahil ikakasal, dito siya bibili ng isusuot?” Irritable kong tanong.

“Hayaan mo na.” Sabi lang naman sa akin ni Chase. Nanahimik na lang ako.

Muntik na akong mapamura nang lumapit sa amin iyong sales lady at ipakita iyong napili ni Devin na Americana. Mahigit sampung libo kasi ang presyo noon, hindi pa kasama iyong long sleeves, necktie at slacks na bitbit noong sales lady na sigurado kong ginto din ang presyo. Pero tulad ng madalas mangyari, tumango lang si Chase at sumunod na sa sales lady papunta sa cashier. Tuwang-tuwa na sumama sa kanila si Devin. Napilitan na din tuloy akong sumunod.

Napailing na lang ako nang iabot ni Chase iyong debit card niya sa kahera para doon. Hindi ko naman magawang kumontra dahil siguradong magagalit lang siya sa akin. Ang kaso, insufficient fund na daw iyon. Sabay pa silang namula sa hiya ni Devin.

“Paki-check naman ulit, miss.” Sabi lang ni Chase na halatang hiyang-hiya kaya bago pa man i-proseso noong kahera, kinuha ko na iyong debit card ni Chase at iniabot iyong sarili kong credit card.

“Hoy! Ano ka ba? Sigurado akong pumasok na iyong sweldo ko. Baka nagkamali lang.” Apela ni Chase. Imbes na sumagot, ipinakita ko lang sa kanya ang relo ko. May date kasi doon. Namula siya ng tuluyan nang makitang dalawang araw pa bago mag-akinse.

Pareho silang walang imik ni Devin noong lumabas kami ng Onesimus. Dahil hindi ko naman alam ang sasabihin, kaya nagpatiuna na lang ako sa paglalakad papunta sa isang coffee shop. Napatigil lang ako nang marinig kong magsalita si Devin.

“Nakakahiya! Ang sama pa tuloy nang tingin sa akin noong sales lady.” Sabi nito na halata ang panunumbat. Tuluyan nang sumabog ang galit ko ng mga oras na iyon.

Walang sabi-sabing binalikan ko silang dalawa saka sinapak ng malakas si devin. Nakatangang nakatingin lang sa akin si Chase.

“Eh kay Chase, hindi ka nahiya? Putang-ina mo rin eh. Eh kung naghahanap ka kaya ng trabaho para may pambili ka ng sarili mong gamit hindi iyong nakaasa ka na lang palagi kay Chase? Isusuot mo na lang sa sarili mong kasal, siya pa rin ang magbabayad? Bakit hindi mo pa isinagad at pati iyong isusuot ng mapapangawa mo eh ipakargo mo na din sa kanya? Isama mo na pati pangkain ninyong mag-asawa ng sampung taon dahil sigurado akong doon din naman ang bagsak niyan.” Dirediretsa kong sabi na medyo malakas ang boses. Pinagtitinginan na tuloy kami ng ibang tao doon. Napapahiyang nagbaba din lang naman ng tingin si Devin habang nakatingin lang sa akin si Chase.

Hindi umiimik na binunot ni Chase ang wallet niya at saka pasimpleng nag-abot ng limang daan kay Devin bago niya ako hinila papalayo. Hanggang sa makarating kami ng parking lot ay kumukulo pa rin ang dugo ko.

“What made you think you had the right to do that?” Galit niyang sabi sa akin. Lalo tuloy akong nainis.

“Eh sa ang putang-ina ng pinsan mo eh. Ni hindi ka na nga nila itinuring na kapatid, ginawa ka pa nilang palabigasan. Anak ng puta naman, Chase. Baka gusto mo ding mapagod!” Sigaw ko na sa kanya.

“It’s none of your business!” Mariin din niyang sabi sa akin. Napailing na lang ako.

“Kung ano man ang utang na loob mo sa kanila Chase, bayad ka na. Sobra-sobra pa.” Sabi ko na lang saka siya iniwan.

Dahil sa galit, napapayag ako ni Dale, isa sa mga naging kliyente ko dati sa opisina na sumama sa kanilang lumabas ng gabing iyon. Matagal na siyang nagpaparamdam sa akin pero hindi ko lang pinapansin. Isa ito sa iilang nakakaalam nang pagkatao ko. Nang minsan kasing magkainuman, nauwi kaming dalawa sa sex. Hindi na iyon naulit pero hindi pa rin siya tumigil sa pangungulit sa akin.

Alas-diyes na yata ng gabi noong magkita kami. Medyo nakainom na ako noon kaya nga siguro hindi na din ako nagreklamo noong sa isang gay bar niya ako dalhin. Unang pagkakataon kong makapasok sa ganoong lugar kung tutuusin. Sabi ko naman kasi sa sarili ko, hindi ko kailangang magpunta sa mga ganoon para lang makahanap ng makakasex na totoo din naman. Kung itsura din lang naman kasi ang pag-uusapan, alam ko namang hindi ako nalalayo kay Chase.

Pagpasok, talagang nabigla ako sa nakita ko dahil literal na hubot-hubad iyong dalawang lalaking sumasayaw sa entablado noong gay bar. May itsura din iyong mga waiter na nasa paligid at talaga namang magaganda ang katawan.

“Sa ilaw lang iyan, gago.” Sabi ng isang parte ng isip ko na hindi ko rin naitanggi. Malamlam kasi talaga ang ilaw noong bar maliban na lamang doonsa spotlight na nasa mga nagsasayaw.

Dahil nag-aalangan, sa isang dulong lamesa ko niyakag si Dale na maupo. Hindi din naman kasi lingid sa akin ang pagkakatingin sa amin noong ibang customer na halatang-halata ang pagkabading. Meron pa ngang agad na lumapit at basta na lamang ako hinipuan. Kung hindi ko pa tinignan nang masama ay baka hindi pa umalis. Tawa lang ng tawa ang hayop na si Dale.

“Hintayin lang natin iyong main even then alis na din tayo. Minsan lang kasi sa isang lingo nagpupunta iyon dito eh. Tignan lang natin kung hindi ka tatayuan.” Sabi sa akin ni Dale sabay himas sa harapan ko. Alam ko rin naman na umaasa siyang may mangyari sa amin nang gabing iyon. At sa takbo nang isip ko, hindi iyon malabong mangyari. Maliwanag na din naman sa aming dalawa na kung may mangyayari man sa amin, sex lang talaga iyon.

Hindi naman nagtagal ay tumigil na din sa pagsasayaw iyong dalawang nagsasayaw at inianunsiyo iyong main event daw ng gabing iyon. Natawa pa ako ng marinig ko ang pangalang nito. Chase Rider. Ang lakas lang maka-porn star. Napataas pa ang kilay ko nang umakyat ang isang lalaki na nakauniporme ng pulis pero nakamaskara.

“Ito na ‘yun?” Sabi ko pa kay Dale.

“Just wait.” Sabi lang naman niya sa akin.

“In fairness, magaling siyang sumayaw. Ang sexy niyang tignan.” Komento nang manyak kong isip habang pinapanood ang unti-unting paghuhubad noong lalaki sa entablado. Ang kaso, habang tumatagal ay may iba akong napapansin dito.

Nang brief na lang ang natitira doon sa sumasayaw at saka iyong suot niyang maskara, hindi libog kundi panghihina ang naramdaman ko. Lalo pang bumigat ang dibdib ko noong tuluyang tanggalin noong lalaki iyong suot niyang brief at paglaruan ang ari niya sa harap ng mga naghihiyawang nanonood. Muntik pa akong mapasugod ng wala sa oras nang may dalawang umakyat sa entablado at basta na lamang isinubo iyong ari at bayag noong lalaki na hinayaan din lang nito. Mabuti na lang at dumating iyong mga bounces para ilayo iyong dalawa.

“Putang-inang titi talaga ‘yan!” Sabi pa ni Dale pero nanahimik lang ako.

“Kung hindi lang kita kasama, makikipag-unahan na naman ako sa pag-uwi sa kanya.” Dagdag pa niya na tumatawa na ikinaluha ko na.

“Naiuwi mo na siya?” Tanong ko kasabay nang pasimpleng pagpupunas ng luha.

“Naman! In fairness sa kanya, sulit ang bayad.” Sabi lang ni Dale na mukhang proud na proud sa sarili.

“Payag din iyang magpatira pero mas mahal nga lang.” Aniya sa akin kasabay ng pagtatanggal noong lalaki ng suot niyang maskara sa stage. Daig ko pa ang sinikmuraan nang makumpirma ang hinala ko. Si Chase nga iyong lalaki.

“Magkano?” Tanong ko kay Dale. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya nang mga oras na iyon pero hindi ko iyon pinansin. Sabihin nang masama ang ugali ko pero nang mga oras na iyon, isa lang ang nasa isip ko. Hindi ako papayag na may iba pang makagalaw kay Chase.

“Aray ko naman!” Aniya at saka ngumiti sa akin ng malungkot. Sinagot ko din lang iyon ng malungkot na ngiti.

“That’s my best friend up there. Iyong taong tumulong sa akin para makarating ako sa kinalalagyan ko ngayon.” Maikli kong paliwanag kay Dale na ikinalaki ng mata niya.

Walang imik na tumayo si Dale at pumunta sa bar. Naiwan ako sa kinauupuan naming patuloy lang na lumuluha. Pagbalik niya, sinabi lang niya sa akin na naayos na niya. Ibinigay din niya sa akin ang isang susi nang isang malapit na hotel.

“I was hoping, of course. But you need this more than I do.” Sabi lang ni Dale sa akin.

Sinamahan ako ni Dale hanggang doon sa hotel pero iniwan din pagkatapos. Tinanong pa nga niya ako kung gusto ko daw bang maghintay siya pero tumanggi ako. Tinitigan lang niya ako.

“You love him, don’t you?” Tanong niya sa akin.

“Apparently, more than he loves himself.” Sabi ko na lang. Isang halik ang ibinigay sa akin ni Dale bago umalis. Alam kong dapat makunsensiya ako pero wala talagang ibang laman ang isip ko kundi si Chase.

Nagpa-akyat pa ulit ako ng alak sa hotel room habang naghihintay sa pagdating ni Chase. Hindi ko alam kung ano ang naisip ko at maliban sa ilaw na nanggagaling sa labas ng bintana ay wala nang ibang ilaw pa sa loob noong kuwarto. Nakasandal na nakaupo ako sa kama noong dumating siya, nakatago sa dilim ang mukha.

“How do you want me?” Halata ang landi sa boses ni Chase nang pumasok. Hindi din siya nagpatumpik-tumpik sa pagtatanggal ng damit pagkasarang-pagkasara niya ng pinto. Napatungo na lang ako noon, pinipigilan ang sarili kong mapahagulgol.

“Nahihiya ka ba?” Tanong pa niya pero hindi ko sinagot.

“Just tell me how you want me.” Sabi pa niya ulit kasabay nang pagsampa niya sa kama at paggapang papatong sa akin. Kinapa ng isang kamay ko ang switch noong lampshade sa tabi ng kama bago ako nagtaas ng mukha.

“Not like this.” Sabi ko kay Chase na sinundan ko pa nang hagulgol. Namumutlang napatingin lang siya sa akin. Hubo’t hubad na siya ng mga oras na iyon pero ni katiting na libog ay wala akong maramdaman.

“A-anong ginagawa mo dito?” Nauutal pa niyang tanong sa akin.

“Taking you home.” Sabi ko saka ko siya niyakap nang mahigpit. Pilit pa siyang kumakawala noong una pero hindi ko siya binitawan. Maya-maya pa ay parang nanghihinang sumubsob na lang siya sa balikat ko at nagsimulang umiyak. Wala akong ibang maisip na sabihin noon kaya hinigpitan ko na lang lalo ang pagkakayakap ko sa kanya.

Ilang minuto rin siguro kaming nasa ganoong posisyon lang, hindi nagsasalita. Hinayaan ko lang siyang umiyak nang umiyak sa balikat ko. Nakatulugan na nga yata namin pareho ang pag-iyak niya dahil noong magising ako, umaga na. Ang nakakatawa pa, ako, bihis na bihis pa rin pero siya, hubo’t hubad na nakatulog sa tabi ko.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano iproproseso ang lahat ng iyon. Hindi ako ipokrito para sabihing wala akong nararamdamang libog nang makita ko ang hubad niyang katawan pero sumisiksik kasi sa utak ko na nandoon siya ng oras na iyon bilang isang lalaking bayaran. Lalo tuloy umigting ang galit na nararamdaman ko para sa kinalakhan niyang pamilya. Pero nilamon iyon ng awing nararamdaman ko para sa kanya.

Imbes na bumangon ay pinagmasdan ko lang ang mukha ni Chase na natutulog. Namumugto pa rin iyong mga mata niya ng mga oras na iyon at doon natutok ang atensiyon ko kaya nang magmulat siya, nagsalubong agad ang mga mata namin.

“I guess I wasn’t dreaming then.” Aniya saka ngumiti sa akin nang mapait saka nag-iwas ng tingin. Hindi ako umimik at niyakap lang uli siya. Buong akala ko nga ay mauuwi na naman sa iyakan ang lahat pero hindi.

“I still can’t believe you paid ten thousand to fuck me.” Aniya maya-maya na ikinabigla ko.

“Sampung libo? Anak nang--- Ano ba iyang tumbong mo, ginto?” Bulalas ko ng wala sa oras na ikinatingin niya sa akin.

“Hindi mo alam?” Nagtatakang tanong niya.

“I wasn’t the one who paid for your bar fine.” Amin ko sa kanya sabay ng isang maikling paliwanag na si Dale ang nag-asikaso ng lahat. Pati nga iyong plano ni Dale na kami dapat ang magkasama sa kuwartong iyon ay naikwento ko. Nakatingin lang siya sa akin ng mga oras na iyon.

“You do realize that you just admitted to being gay, right?” Aniya sa akin pagkatapos kong magsalita. Namutla ako ng wala sa oras.

“Does it matter?” Sabi ko na lang. Alangan namang itanggi ko pa. Isa pa, mas may importante kaming dapat pag-usapan.

“How long have you been doing this, Chase?” Tanong ko sa kanya. Nag-iwas lang siya ulit ng tingin. Hinintay ko siyang sumagot pero nanahimik lang siya.

“Ang mas importante sa lahat, bakit hindi mo sinabi sa akin?” Dagdag ko pa na hindi na itinago ang sama ng loob.

“At paano ko sana sasabihin sa iyo?” Sagot lang niya.

“I got fired from my job, Seb, just because I punched one of the bosses for groping me. Nakakatawa nga na iyon ang dahilan kung bakit ako napunta sa ganitong trabaho. Ang laki ko lang na ipokrito.” Aniya na halatang-halata ang panunuya sa sarili.

“Hindi man lang ba pumasok sa isip mo na pwede mo akong lapitan?” Tanong ko sa kanya.

“Para ano? Para idamay ka sa responsibilidad ko? You just got your life together, Seb. Gusto kong ma-enjoy mo iyon dahil alam ko kung paanong pinaghirapan ang lahat.” Sabi lang niya na ikinailing ko.

“Kaya mas pinili mong magputa kesa ang lumapit sa akin?” Patuya ko nang sabi. Kitang-kita ko ang sakit na bumalatay sa mukha niya.

“You don’t get to judge me.” Malamig niyang sabi saka kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya.

“Chase---”

“YOU DON’T GET TO JUDGE ME! NOT YOU OR ANYONE!” Pasigaw niyang sabi sa akin saka isa-isang pinupulot ng mga damit na hinubad niya noong gabi.

“At ako pa talaga ang sinisigawan mo!” Galit ko na ring bulyaw sa kanila.

“Go to hell!” Sago tang niya sa akin habang nagsisimulang magbihis. Ewan kung sa galit at frustration pero hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“My friend fucking paid for your time so you’re staying whether you like it or not!” Bulalas ko ng wala sa oras na nagpatigil sa kanya.

Walang imik na hinubad lang niya ulit ang naisuot nang damit at binalikan ako sa kama.

‘Chase, I---” Hindi ko na naituloy ang anumang sasabihin ko dahil kinuyumos na niya ako nang halik. Nanghina ako ng wala sa oras.

Hindi nagtagal, nakita ko na lang ang sarili kong sinasagot ang mga halik niya. Ni hindi ko na nga napansin na unti-unti na pala niyang natanggal ang suot kong damit. Saka ko na lamang napansin iyon nang kumawala siya sa paghalik sa akin at simulan niyang halikan ang leeg ko pababa sa aking utong. Napasinghap pa ako ng mga oras na iyon. Siguro ay dahil na rin sa libog at sa ilang taon ko na rin namang pinangarap na mangyari iyon sa amin kaya hinayaan ko lang siya. Ilang beses pa akong napaungol nang marahan niyang kagatin ang utong ko.

Saka na lamang ako natauhan nang maramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa dibdib ko.

“Chase---” Tawag ko sa pangalan niya pero hindi siya tumigil. Litong-lito ako ng mga oras na iyon lalo pa nga at kasabay ng paglalaro ng bibig niya sa utong ko ay pinaglalaruan din ng kamay niya ang ari ko. Putang-ina naman kasing libog iyon eh, ni hindi nagpapaapula.

Napasinghap na lang ako nang bigla niyang isubo ang alaga ko at paglaruan iyon gamit ang dila niya. Tuluyan na akong inalipin ng libog at hinayaan na lang siyang. Ni hindi ko siya pinigilan noong siya mismo ang pumuwesto para upuan iyon at saka ipilit na ipasok sa butas niya. Imbes na umapela ay tinulungan ko pa siya.

Lutang na ang utak ko noon kaya nang hindi na ako makatiis, pinagpalit ko ang posisyon namin at ako na mismo ang gumalaw. Walang pagdadahan-dahan. Lahat ng galit na nararamdaman ko, doon ko ibinuhos. May isang parte ng utak ko na nagsasabing mali pero hindi ko iyon pinansin. Ang mahalaga lang sa akin ng mga oras na iyon ay iyong pakiramdam ng paglalabas-masok ng alaga ko sa lagusan niya.

Mainit, masikip, masarap. Iyon lang ang tumatakbo sa utak ko. Kinukuyumos ko na rin siya ng halik ng mga oras na iyon na sinasagot din lang naman niya. Kahit noong hawakan ko iyong alaga niya at simulang laruin ay hindi siya kumontra. May parte pa nga ng isip ko na natuwa nang makita kong tigas na tigas pa rin iyon.

“Oh fuck!” Narinig ko pang sabi ni Chase na sinundan niya ng isang mahabang ungol na lalong dumagdag sa libog na nararamdaman ko noon. Lalo pa siyang napaungol nang ang nipples naman niya ang pinagdiskitahan kong paghahalikan at dilaan. Hindi pa ako nakuntento doon at pati kilikili niya ay hinimod ko na sinagot din lang niya ng malakas na ungol.

“Oh fuck! Oh fuck!” Paulit-ulit niyang sabi na tuluyan nang nagpaulol sa akin.

Tuloy-tuloy lang ako sa pag-ulos sa kanya hanggang sa maramdaman kong biglang humigpit ang pagkakakapit ng lagusan niya sa alaga ko na sinundan ng pagpapalabas niya. Ilang kadyot pa at ako naman ang nilabasan sa loob niya. Hanggang sa huling putok ay tuloy-tuloy lang ako sa pag-ayuda. Ni wala na nga akong pakialam na tumalsik pa sa dibdib ko ang tamod niya.

Nang matapos, para akong nanghihinang napahiga na lang sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong itulak. Muntik pa akong mahulog sa kama. Saka pa lang ako nahimasmasan.

Walang imik na bumaba siya nang kama at dumiretso sa banyo. Nakatulalang naiwan lang ako sa kama, hindi alam ang gagawin. Nang lumabas siya mula doon, diretso lang siya sa mga damit niya at nagsimulang magbihis.

“Chase---” Tawag ko sa pangalan niya pero hindi man lamang niya ako tinignan.

“Siguro naman ay hindi ka na lugi sa ibinayad noong kaibigan mo.” Sabi lang niya nang makabihis at lumabas na ng hotel. Naiyak na lamang ako.

Hindi ko alam ang gagawin ko noong sumunod na mga araw. Ilang beses ko na siyang pilit na kinakausap pero hindi niya ako pinapansin. Ni hindi na rin niya sinasagot ang mga tawag at text ko sa kanya. Nanlumo na lamang ako nang biglang tumawag sa akin si Teresa ng overseas para tanungin kung bakit umaatras ulit si Chase sa pagpunta namin sa Boracay.

“Kuya Seb, please. Pilitin mo si Kuya Chase. Ngayon na nga lang ako uuwi eh.” Pagmamakaawa sa akin ni Teresa. Napilitan tuloy akong umoo.

Pagdating nang sumunod na Sabado, kahit labag sa loob ko ay bumalik ako doon sa gay bar. Hindi nga ako nagkamali, nandoon ulit si Chase. Pikit-matang binayaran ko iyong bar fine niya. Pero imbes na magpunta sa isang hotel ay hinintay ko na lang siyang lumabas.

“Why am I not surprised?” Malamig niyang sabi sa akin pero sumama naman. Hindi din siya nagsalita nang sa condo ko siya dalhin. Nauna pa nga siyang pumasok sa kuwarto ko. Pagdating ko doon, saktong tinatanggal niya ang brief niya.

“Chase, utang na loob, huwag ka namang ganyan.” Naiiyak ko nang sabi sa kanya. Ang sakit lang kasi sa pakiramdam na pinabababa niya ang sarili niya nang ganun-ganon na lang.

“Puta ang binayaran mo, di ba? Anong gusto mong gawin natin? Mag-prayer meeting?” Bara lang niya sa akin. Tuluyan na akong napaiyak.

Alam ko namang kasalanan ko rin kung bakit ganoon na lang siya sa akin. Alam ko rin na mali na bayaran ko iyong bar fine niya para lang makausap siya pero iyon lang kasi ang alam kong paraan para hindi siya umiwas.

“Kung iiyakan mo din lang ako, sasabihin ko na lang sa manager na ibalik iyong ibinayad mo.” Malamig pa rin niyang sabi.

“Putang-ina naman, Chase. Kaibigan mo ako!” Kako sa kanya.

“Wow! Eh di ikaw na! Ikaw na ang kaibigan pa rin ang tingin sa akin matapos mo akong tratuhing puta. Ano nga ba naman ang irereklamo ko eh puta naman talaga ako, ‘di ba?” Aniya na dinig na dinig ang hinanakit. Gusto ko tuloy pagmumurahin ang sarili ko ng wala sa oras.

“Puta ang iniuwi mo, Seb. Iyon lang. Wala nang iba.” Dagdag pa niya.

“Kung iyan ang gusto mo.” Sabi ko na lang at saka nagsimula na ring magtanggal ng damit. Nakatingin lang siya sa akin. Alam kong mali pero isang ideya ang pumasok sa isip ko.

Nang makapaghubad, ako na mismo ang lumapit sa kanya at basta na lamang siya itinulak sa kama. Bukas ang ilaw noon kaya kitang-kita ko ang pagkalito sa mga mata niya. Hindi naman siya nanlaban. Nagmadali akong pumunta sa kusina para kumuha ng tali doon. Mabuti na lang talaga at hindi ako nagtatapon agad ng mga bagay-bagay. Tali iyon na ginamit noong mga tauhan ko sa firm noong iakyat iyong kama ko. Doon na kasi sa loob in-assemble dahil hindi kasya sa elevator kung buo na itong iaakyat.

Pagbalik ko sa kuwarto, nanlaki agad nang mata niya nang makita iyong tali.

“A-ano ‘yan?” Halata ang takot na tanong niya sa akin. Pinilit kong ngumiti nang nakakaloko.

“Puta ka, ‘di ba? At dahil bayad ko ang oras mo, kailangang sundin mo lahat ng gusto ko.” Sabi ko lang bago ako lumapit sa kanya. Ilang beses ding naisip kong huwag nang ituloy ang gagwin ko nang makita ko ang takot sa mga mata niya, lalo na nang maintindihan ko na hindi dahil sa akin ang takot na iyon. Hindi iyon ang unang pagkakataon na gagawin iyon sa kanya, malinaw iyon sa akin ng mga oras na iyon.

Pero nang simulan kong itali ang kamay niya ay hindi siya tumanggi. Kita ko ang pagsuko sa mga mata niya na ang sakit-sakit lang sa dibdib. Hindi din siya kumontra nang itali ko sa magkabilang gilid ng headboard ang mga kamay niya at siniguradong hindi siya makakawala. Buong panahong iyon, nakatingin lang siya sa akin.

Nang masigurong hindi siya makakaalis, saka ko kinuha iyong brief niya sa isinuot sa kanya. Kinumutan ko rin siya pagkatapos bago ko inilabas iyong comforter mula sa cabinet at nagsimulang maglatag ng hihigaan.

“Seb!” Tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Kahit noong magsimula siyang magpumiglas ay hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Minumura na rin niya ako noon pero hinayaan ko lang siya.

“Putang-ina naman, Seb! Pakawalan mo ako rito!” Sigaw niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan. Puta na siya kung puta pero hindi ako kasing hayop ng iniisip niya.

Pagkahiga, nakatulog kaagad ako. Nagising na lang ko ng madaling araw nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin.

“Seb, please, ihing-ihi na ako. Pakawalan mo na ako.” Sabi niya sa akin. Hindi ko siya inimik. Pumunta lang ako sa kusina para kunin ang isang lalagyan ng tubig. Itinapon ko na lamang sa lababo ang laman noon bago ako bumalik sa kuwarto.

“Seryoso ka ba?” Tanong niya sa akin nang makita niya ang hawak ko. Imbes na sumagot ay ako na mismo ang nagbaba noong brief niya at naggiya sa alaga niya para sakto iyon sa bunganga noong lalagyan ng tubig. Nakatangang nakatingin lang siya sa akin.

“Umihi ka na kung iihi ka at gusto ko pang matulog.” Sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Maya-maya pa ay nagsimula na siyang umihi. Muntik pa akong matawa nang makita kong lampas kalahati ang napuno niya. Isang litro ang kayang kargahin noong lalagyan.

Kunwaring walang-malisya na pinagpag ko iyong titi niya bago ko inalis iyong lalagyan ng tubig. Kunwari din ay hindi ko napansin ang paglaki noon. Patay-malisyang nagpunta ako sa banyo para i-flush iyong ihi niya saka madaling binanlawan ng tubig iyong lalagyan. Pagbalik sa kuwarto, inilagay ko lang iyon sa isang tabi at nahiga na ulit. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Chase ng mga oras na iyon pero hindi ko siya tinignan.

“Seb…” Maya-maya ay sabi niya na naman.

‘Ano?” Tanong ko.

“I-iyong brief ko.” Mahina niyang sabi. Noon ko lang naalala na hindi ko nga pala inayos iyon kanina. Napilitan tuloy akong bumangon para gawin iyon. Napataas na lang ang kilay ko nang makita kong tigas na tigas siya. In fairness sa loko, lampas pusod ang alaga.

Inalihan ako ng kapilyuhan at basta ko na lamang itinaas iyon brief niya. Nang masiguro kong maayos na iyon sa likod ay basta ko na lamang binitawan iyong garter kaya literal na naipit ang alaga niya.

“Nanadya ka ba?” Tanong niya sa akin.

“Kasalanan ko kung hindi matakpan?” Sabi ko na lang saka bumalik sa pagkakahiga, pinipigilan ang mapatawa.

“And there I was thinking you’re a nice person.” May panunuya niyang sabi pero alam kong nagbibiro.

“Remember that even Lucifer was once an angel too.” Sabi ko na lang, inulit iyong sinabi niya sa akin dati.

“Copycat!” Aniya na hindi ko na pinatulan.

Paggising ko kinaumagahan ay tulog pa rin si Chase. Dahil sa nakatali ang kamay niya sa magkabilang gilid ng headboard, wala siyang ibang choice kundi ang matulog ng nakahilata. Hindi ko tuloy mapigilan ang malibugan lalo pa nga at nakatambad sa akin ang buong katawan niya.

Pinasadahan ko ang buong katawan niya ng tingin. Kahit saang anggulo ma talaga tignan, ang sarap lang niya talaga. Kahit medyo nakataas ang kamay dahil sa pagkakatali ay hindi pa rin maikakailang matambok ang kanyang dibdib. Maganda rin ang porma ng braso at siyempre, ang abs niyang parang ang sarap lang dilaan. Pati ang kilikili niya, ang sexy talagang tignan. Maskulado din ang mga hita at binti niya na may mabining tubo ng buhok hindi tulad noong iba na makapal na kulot. Parang balahibong pusa kumbaga. Mabalbon pero hindi mukhang dugyot. Idagdag pa na ng mga oras na iyon ay higit kalahati ng alaga niya ang nakalitaw pa rin sa garter ng brief niya. Hindi na kataka-taka na pinagkakaguluhan siya sa gay bar.

“Why don’t you just go ahead? I don’t mind.” Biglang sabi ni Chase na gising na pala noong oras na iyon. At sa pangalawang pagkakataon, inunahan na naman ako ng libog.

Una kong tinanggal ang suot niyang brief bago ko tinanggal iyong sa akin. Pero imbes na dumiretso doon, sumampa ako sa kama para magkatapat ang mukha namin. Kahit hirap dahil sa pagkakatali, siya mismo ang naglapit nang mukha niya para makapaghalikan kami. Literal na sinibasib niya ang bibig ko na halos pumutol sa aking paghinga. Napaungol na nga lamang ako nang ipasok niya ang dila niya sa bibig ko at parang nag-aasar na nilaro-laro niya ang dila ko.

Nang magsawa, ako na mismo ang humiwalay at sinimulang halikan at dilaan ang panga niya, pababa sa leeg, hanggang sa makarating ako sa dibdib niya. Ilang beses siyang napasinghap nang pinagpapalit-palit kong nilalaro ng dila ko ang magkabilang utong niya hanggang sa hindi ko na napigilan ang pangingigil at marahang kinagat ang isa. Isang mahabang ungol lang ang isinagot niya sa akin noon.

Mukhang may fetish yata talaga ako sa kilikili dahil hindi nagtagal, iyon namang ang sinibasib ko. Halos mapasigaw siya sa magkahalong kiliti at sarap nang walang patumanggang dilaan ko ang mga iyon. In fairness talaga sa gago, malinis sa katawan.

Isinunod kong halikan at dilaan ang tagiliran niya. Manaka-naka ko ring kinakagat iyon na ikinauungol niya. Nang madako sa kanyang abs, literal na inisa-isa ko iyon, bago ako bumalik sa pusod niya at saka sinundan ang treasure trail niya pababa.

Napangiti na lang ako nang makita kong naglalawa na ng pre-cum ang ulo ng ari niya. Napaiktad na siya ng tuluyan nang dilaan ko iyon na naging ungol nang basta ko na lamang isubo. Kahit na hirap ako sa haba at laki, ipinilit ko talagang isubo ng buo. Saka lamang ako nakuntento nang magawa ko iyon. Si Chase naman, puro ungol at mura lang.

Napaiktad na naman siya nan gang bayag naman siya ang sinimulan kong dilaan. Ni hindi na nga siya nagreklamo nang itaas ko ang dalawang binti niya para mahimod ko iyon ng mas maayos. Pati butas ng lagusan niya ay hindi ko pinalampas. Literal na napasigaw na siya nang laruin iyon ng dila ko.

“Putang-ina, Seb! Just go ahead and fuck me!” Sabi pa niya.

“Not today.” Sabi ko lang bago ibinaba ulit ang mga paa niya at saka muling binalikan ang alaga niya. Nakatingin lang siya sa akin ng mga oras na iyon.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nakipag-sex sa kapwa ko lalaki pero ni minsan ay hindi ako pumayag na magpa-bottom. Pero nang mga oras na iyon, walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang sakyan ang alaga ni Chase kaya bago pa magbago ang isip ko ay mabilisan kong kinuha iyong lube mula sa drawer na katabi noong kama at nilagyan ang alaga. Nang matapos doon, iyong lagusan ko naman ang nilagyan ko.

Hindi umiimik si Chase ng mga oras na iyon pero kitang-kita ko ang libog sa mga mata niya. Napapikit pa siya noong simulan kong upuan ang alaga niya. Napasigaw ako ng sobrang lakas nang mawalan ako ng balanse at imbes na dahan-dahan ay dirediretsong naupuan ko ang kabuuan noon. Putang-ina na lang! Ang sakit! Mabuti sana kung hindi lampas walong pulgada iyon na mataba. Ang hayop na si Chase, imbes na maawa sa kapalpakan ko, tumawa pa ng malakas.

“Ginusto mo ‘yan eh!” Sabi pa niya na sinabayan niya ng isang kadyot kaya napasigaw na naman ako.

“Punyeta ka! Huwag kang gagalaw! First time ko ‘to!” Sigaw ko sa kanya. Hindi ko alam kung imahisnasyon ko lang iyon pero may dumaan na lambong sa mga mata niya.

“Seb, take the rope off.” Sabi niya sa akin. Malamang ay lutang pa ang utak ko sa sakit nang mga oras na iyon kaya pilit kong inabot iyong pagkakatali niya at saka kinalas. Punyetang kahabaan ng alaga niya, ni hindi man lang natanggal sa puwet ko.

Nang makawala, hinawakan lang ni Chase ang bewang ko saka ipinusisyon ang sarili na nakaupo. Napasinghap tuloy ako dahil feeling ko ay lalong bumaon iyong alaga niya sa akin. Nang makaayos, tinanggal niya ang pagkakahawak sa bewang ko at inabot ang aking mukha. Siya na mismo ang humila sa akin para makapaghalikan kami.

Lalong lumutang ang utak ko sa suyo noong paghalik niya sa akin. Nandoon iyong diin pero ramdam mo ang pag-iingat. Ako man tuloy ay napahawak na rin sa mukha niya.  Kaya nga siguro noong nagsimula na siyang gumalaw ay puro ungol na lang naging sagot ko. Andoon pa rin iyong sakit pero habang tumatagal ay napapalitan ng sarap.

Nang ihiga ako ni Seb nang hindi man lang binubunot ang alaga niya ay nagpa-ubaya na lang ako. And then he started making love to me. Iyon bang tipong ramdam mo ang pagmamahal sa bawat ulos, haplos, yakap, at halik.

He wasn’t exactly gentle pero ramdam ko iyong pag-iingat niya na huwag akong masyadong masaktan. Hindi na nga ako nagulat na nilabasan ako ng wala sa oras kahit hindi niya iyon hinawakan. Hindi naman nagtagal ay nilabasan na rin siya sa loob ko pero imbes na kumawala ay hinalikan lang niya uli ako bago inayos ang higa para nakadantay ang likod ko sa dibdib niya.

“You don’t know just how long I have wanted to do this. I just wished that you were my first, too.” Pabulong niyang sabi bago ako niyakap ng mahigpit.

Naluha na lang ako ng mga sandaling iyon. Hindi dahil sa hindi ako ang nakauna sa kanya kundi dahil sa lungkot at panghihinayang na narinig ko sa boses niya nang sabihin niya iyon. Nauwi na iyon sa hagulgol nang higpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin.

Nauna pang nakatulog si Chase kaysa sa akin kaya hinayaan ko na ring dalawin ako ng antok. Ganoon na lang ang pasasalamat ko nang magising ako nang hapon na nakayakap pa rin siya sa akin. Buong akala ko kasi, paggising ko, wala na siya.

Umayos ako ng higa para magkaharap kami. Napakunot pa ang noo ko nang makita kong gising na siya at nakatitig lang sa akin. Iyon nga lang, nanikip agad ang dibdib ko nang makita ko ang lungkot sa mga mata niya.

“You love me.” Aniya na mahina. “You said so in your sleep.”

Hindi ako nakaimik pero hindi din naman ako tumanggi. Sinalubong ko lang ang mga mata niya ng mga oras na iyon.

“Why me?” Tanong niya sa akin.

“Bakit sana hindi?” Balik tanong ko sa kanya.

“You deserve more than just someone like me, Seb.” Sabi lang niya na ikinailing ko.

“It’s you who deserves more than just me, Chase.” Sagot ko sa kanya. Hinalikan lang niya ako noon at hindi sumagot.

Si Chase na mismo ang nagyakap na bumangon para makakain kami. Siya na rin ang nagluto para sa aming dalawa. Aaminin ko na kahit papaano, hinintay ko na sabihin din niyang mahal niya ako pero kahit hindi niya ginawa iyon, pinilit ko na lamang ang sarili ko na makuntento.

Nang magpaalam siyang umuwi, hindi ko na siya pinigilan. Nagulat pa nga ako nang basta na lamang niya ako hinalikan bago siya tumatawang umalis. Nag-text pa siya sa akin noong makarating na siya sa apartment niya para lang sabihing nakauwi na siya na hindi naman niya ginagawa.

Nang mga sumunod na araw, wala akong natanggap na kahit na anumang balita mula sa kanya. Noon namang tawagan ko siya, nakapatay ang telepono niya. Wala din siya doon sa apartment niya noong magpunta ako. Tinawagan ko na rin ang ibang kaibigan namin pero kahit sila hindi alam kung nasaan siya.

Ganoon na lang talaga ang kaba ko nang pagdating ng Sabado ay makita ko siyang pumasok doon sa gay bar. Gusto kong magwala ng wala sa oras noon. Gusto kong pumasok sa loob at kaladkarin siya palabas pero hindi ko iyon ginawa. Kilala ko si Chase. Kung meron man isang bagay na lalong magtutulak sa kanya palayo, iyon ay ang gawin ko iyon.

Nakayukong nakatingin lang ako sa mga palad ko nang marinig kong may kumatok sa salamin ng kotse ko. Ang nakakunot noong si Chase ang bumungad sa akin. Sumenyas lang siyang buksan ko iyong pagkaka-lock noong pinto na sinunod ko naman.

“What are you doing here?” Tanong niya sa akin.

“Paying your bar fine again, I guess.” Sagot ko sa kanya na hindi itinago ang lungkot. Lalo lang nagsalubong ang kilay niya.

“I told you I was quitting.” Aniya sa akin. Napatitig lang ako sa kanya.

“Wala kang sinabi sa akin.” Kako na lang.

“Give me your phone.” Sabi lang niya sa akin. Sumunod lang naman ako.

“Nasaan ka ba kanina at hindi kita matawagan?” Tanong niya habang binubutingting ang phone ko.

“Nasa site.” Sabi ko na totoo naman. May bago kasing building na itinatayo sa may Antipolo kaya nandoon ako maghapon. Napakunot na lang ako ng noo nang i-abot niya sa akin iyong telepono ko. Hinihingi pala noon iyong password ko para sa voicemail. Wala sa loob na itinipa ko lang iyon saka iniabot ulit sa kanya.

“Seriously? You’re using my birthday as a password?” Tanong niya sa akin na nang-aasar. Namula ako ng wala sa oras.

“Well, anyway, her eyou go.” Aniya saka inabot ulit sa akin ang phone ko. Nakakunot ang noong napatingin lang ako doon bago inilapat sa tenga ko.

“It’s me. So, I’ll be back in a few hours, nasa bus na ako ngayon. Sorry kung bigla akong nawala. I just have to tie some loose ends first. And I’m quitting THAT job so, don’t worry okay? I’ll see you later.” Sabi noong boses ni Chase sa telepono.

“Saan ka nanggaling?” Tanong ko lang sa kanya nang maibaba ko iyong cellphone ko.

“Kina mama. I asked for my freedom in exchange of what I’ve saved up so far. Ayaw pa nga niyang tanggapin noong una pero sinabi kong kakailanganin nila iyon lalo at magkakapamilya na rin si Devin.” Simple lang niyang paliwanag.

“You didn’t even have to do that.” Sabi ko pero umiling lang siya.

“My own mother left me in a dumpster here in Manila, Seb. Nakunsensiya lang siya kaya itinawag niya kay mama kung saan niya ako itinapon. Nang madatnan ako ni Mama after twelve hours na biyahe, wala na akong malay. Naka-masking tape daw iyong bibig ko para walang makarinig sa aking umiyak. Pati paa at kamay ko, nakatali din. I was left to die, Seb. And she saved me. I owe her more than what I’ve already given them.” Aniya na ikinatulala ko.

“Anyway, that’s all in the past.” Sabi lang niya saka hinawakan ang kamay ko na hindi ko man lang napansin na nanginginig na pala ng panahong iyon.

“Ganoon na lang ba iyon? Ganoon ka na lang ba palagi? Na tatanggapin mo na lang?” Tanong ko sa kanya.

“Life had never been fair to me, Seb. I’m just happy that I’m still breathing kasi ang ibig sabihin noon, pwede pang umayos ang lahat.” Sabi lang niya sa akin na nakangiti.

“Siyanga pala, pinapasabi ni Devin na may trabaho na daw siya at bago ka daw umasta na boyfriend ko, manligaw ka muna.” Dagdag pa niya na sinundan niya ng tawa.

“Boyfriend? Ang assuming naman yata ng kapatid-kapatiran mo!” Apela ko na ikinatawa lang niya.

“Ayaw mo?” Tanong lang niya sa akin.

“Isa ka pang assuming eh! Ni hindi mo pa nga sinasabing mahal mo ako, boyfriend agad?” Kunwari pa ako pero kinikilig naman. Guwapong-guwapo din talaga ako sa sarili ko kung minsan eh.

Biglang nag-seryoso si Chase na ikinakaba ko ng wala sa oras.

“I want to earn that, being able to say that I love you. Pwede mo ba akong bigyan pa ng panahon para doon?” Aniya sa akin.

“I would understand if you can’t but I hope you will.” Dagdag pa niya.

“Hindi ko maintindihan.”

“Gusto ko lang na may mapatunayan muna sa sarili ko, Seb, para magkaroon man lang ako ng karapatang sabihing mahal kita. Para hindi ako mahihiyang tumayo sa tabi mo. I’m going back to school, Seb. Sa probinsiya. Iyon ang dahilan kung bakit ako nawala. Inayos ko iyon lahat. It would still take me a year and a half bago ako makapagtapos pero okay na rin iyon kaysa sa magsimula ako ulit sa wala.” Paliwanag niya sa akin. Matagal lang akong natulala.

“So, you just came back to say goodbye…” Kako sa kanya.

“No. I came back to ask you to wait for me.” Sagot lang niya bago ako kinabig at hinalikan. Napapikit na lang ako at ninamnam ko ang sandaling iyon.

Nang sumunod na mga araw ay tinulungan ko siyang ayusin lahat ng mga gamit niya pagkatapos ng trabaho. Nag-usap na kami na sa akin na muna siya tutuloy hanggat hindi pa niya kailangang bumalik sa probinsiya para makapag-enrol.

Sakto din naman na sa sumunod na lingo, iyon na iyong lakad naming magbabarkada papuntang Boracay. At dahil ako lang naman ang may bahay sa Maynila simula nang i-give up ni Chase iyong apartment niya, sa condo ko kami lahat namalagi iyong araw bago iyong flight namin, maliban na lang kay Teresa na nagmaganda at nag-hotel na malapit din lang naman sa amin.

Tuwang-tuwa din iyong ibang kabarkada namin nang malaman ang plano ni Chase na bumalik na sa pag-aaral. Kanya-kanyang offer pa ang mga ito nang tulong. Hindi man hantarang tumanggi si Chase ay hindi din naman niya iyon tinanggap. Napailing na lang ako. Ni hindi niya yata naisip na mas malamang sa hindi ay pagtanaw na din ng utang na loob ng mga ito iyon sa kanya. Lahat naman kasi kami ay natulungan niya noon, hindi lang ako kumbaga.

“Kaya mahal na mahal ko ang taong ito eh,” Sabi ko na lang sa isip ko.

“Eh di paano ‘yan? So LDR kayo ni Kuya Seb?” Biglang tanong ng isa sa mga kabarkada namin na pareho naming ikinapula ni Chase.

“Ay huli! Confirmed ang mga pota!” Sabi pa noong isa na ikinatawa nilang lahat.

“You don’t really have to deny it. Like duh? We’ve always known.” Ani ni Teresa nan aka-hotel nga pero doon din naman sa condo tumambay.

“So, nakatungtong ka lang ng US, ganyan ka na kaarteng magsalita? Pukpukin ko dila mo eh. Huwag kang mag-inarte dahil pango ka pa rin!” Bara ni Chase dito. Napahawak tuloy ng wala sa oras si Teresa sa ilong niya na totoo naman kasi talagang pango.

“Putang-ina mo talaga, kuya!” Sabi lang ni Teresa pero hindi naman mukhang napikon.

“Kinuya mo pa ako!” Sabi lang ni Chase.

“Sus! Huwag ka nang change topic Chase. Umamin na kasi kayo.” Biglang sabi ni Yahn na isa sa pinakamatanda sa grupo. Hindi naman katakatakang suportado nito ang ganoong bagay dahil isa itong lesbian at ilang taon na ring may partner.

“Ang sabihin niyo, ang hina kasi ni Kuya Seb. Imagine, isang taon silang magkasama sa iisang bahay pero nagawa niyang hindi gapangin si Kuya Chase? Eh kung ako ‘yun, ay wala, hindi lang susuko ang Bataan, magiging pambansang wika ang ungol!” Singit ni Teresa na ikinatawa naming lahat.

“Teka nga muna! Bakit ina-assume niyo na ako ang gagapang?” Tanong ko sa kanila na bigla ay gusto kong pagsisihan dahil sa tinging ibinigay nila sa akin.

“P-parang hindi ko gusto ang mga tingin ninyo.” Sabi ko nang walang umimik sa kanila.

“Ay, patay tayo diyan. Wala talagang maalala ang isang’to.” Sabi ni Yahn.

“Hayaan niyo na uy!” Saway sa kanila ni Chase na ikinakunot ng noo ko.

“Anong meron?” Tanong ko sa kanya.

“Sus! Huwag kang stir, Kuya Seb. Tadyakan kita diyan eh.” Ani Teresa na talagang ipinagtaka ko na. Ni hindi ko nga inamin sa kanila na bading ako eh. Wala din naman akong maalala na ginawa ko para isipin nila iyon.

“Tanda mo noong nag-inuman tayo kina Nanay Fe bago lumuwas pa-Maynila si Kuya Chase?” Tanong sa akin ni Teresa. Napakunot lang lalo ang noo ko. Ang tanda ko lang, depress na depress ako noon kasi nga, aalis na si Chase. Pero wala naman akong matandaan na sinabi ko o ginawa.

“Okay, let’s do this! Let us refresh you’re memory.” Biglang sabi ni Teresa na lumapit kay Chase saka inakbayan ito. Iiling-iling na hinayaan lang naman ito ni Chase.

“Wait, ako magbo-voice over para mas bastos.” Sabi ni Yahn na ikinatawa naming lahat. Sinabayan niya talaga iyong paggalaw ni Teresa na ginagaya pa ang boses ko.

“Alam mo bang, ang sarap mong hayop ka,” Aniya habang pinaggigigilan ni Teresa ang pisngi ni Chase. “Tapos, basta ka na lang aalis na hindi man lang kita natitikman? Hindi ako papayag!”

Napanganga na lang ako nang biglang halikan ni Teresa si Chase. Kung hindi pa ito binatukan ni Yahn ay baka nagtagal pa iyon.

“Yes! Naka-score din ako! Love you, Kuya Chase! Tang-ina, nag-wet ako bigla.” Sabi pa niya na tumatawa. Naiiling na tumawa na din lang si Chase.

“Ways-ways ka din eh!” Sabi ni Yahn na tumatawa.

“Hoy! Anong ways-ways! Hello? At least ako halik lang eh si Kuya Seb, may kasama pang dakma!” Sabi ni Teresa na ikinanganga ko na talaga.

“Please tell me I didn’t do that.” Sabi ko pero namutla na lang ako nang mag-iwas ng tingin si Chase, namumula.

“You didn’t do that.” Sabi naman ni Yahn pero halatang nang-aasar.

“Hindi nga?” Tanong ko pa ulit.

“Sabihin na lang natin na kung hindi ka namin pinigilan, nakapanood na kami ng live show.” Sabi ni Teresa na hindi din itinanggi ni Chase. Mula sa pamumutla, nauwi ako sa pamumula.

“Nainsulto ang buong pagkalalaki ko noong bigla mong ibaba iyong shorts ni Chase, alam mo ba?” Sabi pa ni Yahn na ngiting-ngiti. Pakiramdam ko tuloy ay sasabog na ang buong mukha ko sa sobrang init.

“Kami din!” Sabi pa noong dalawa pa naming lalaking kabarkada. Si Chase naman tuloy ang namula.

“Tama na nga iyan!” Aniya na pinipilit ang sariling matawa kahit halata namang hiyang-hiya.

“Bakit hindi niyo sinabi sa akin?” Tanong ko sa kanilang lahat.

“We thought you were just drunk.” Sabi ni Chase.

“At natiis niyong hindi ako asarin?” Baling ko kina Yahn.

“Sinong nagsabing hindi ka namin inaasar? Malay ba naman naming hindi mo pala alam na ikaw ang inaasar namin.” Aniya na tumatawa.

Noon ko lang naalala kung ilang beses nila akong pinaparinggan. Hindi ko lang naman kasi pinapansin iyon kasi normal na sa amin ang mag-asaran ng “isubo kita eh” dati pa man. Oo, nagtaka ako noong una kung bakit pero naunahan kasi ako ng depression sa pag-alis ni Chase noon kaya hindi ko masyadong napansin.

“I really did that, didn’t I?” Tanong ko na kay Chase ko na mismo idineretso. Tumango lang siya sa akin.

“Well, then there’s no point on stopping myself from doing this.’ Sabi ko sabay dukwang papalapit sa kanya at siniil siya ng halik. Nagsigawan tuloy ang lahat ng mga kaibigan namin. Natuwa na lang ako dahil imbes na umiwas ay hinawakan pa ni Chase ang ulo ko para lalong tumagal iyong halikan namin.

“Ewww! Kadiri! Mga makasalanan!” Biglang sabi ni Yahn na ikinatawa naming lahat.

“So ano? Kayo na? Kailan pa?” Tanong ni Teresa.

“We’re just friends.” Sagot ko na ngiting-ngiti. Tumawa din lang si Chase.

“Punyeta! Kung ganyan ang friends, friend mo din naman ako ha! Pa-kiss din ako!” Ani Teresa saka ako biglang dinamba at bigla akong hinalikan. Nang makawala, ako na mismo ang bumatok sa luka-luka.

“Ewww, lasang titi!” Sabi pa ng bruha.

“At bakit alam mo ang lasa ng titi, aber?” Kunwari ko pang tanong sa kanya.

“Gusto mo talagang sagutin ko ‘yan?” Sagot lang ng bruha. Binatukan ulit ito ni Yahn ng wala sa oras.

“Ang bastos talaga ng bunganga mo!” Kastigo ni Yahn dito pero nandila lamang si Teresa. Kahit ilang taon na talaga ang lumipas, ito pa rin ang pinaka-isip bata sa aming lahat.

Kinabukasan na namin nalaman kung bakit gustong magsarili ni Teresa sa hotel. Kasama pala niya iyong boyfriend niyang pinoy din kaya ganoon. Natawa pa nga ako nang ayaw palapitin sa amin ni Teresa sa amin ni Chase si Rodney, iyong boyfriend niya, lalo na sa akin.

“Problema mo?” Kunwari ay asar kong sabi sa kanya.

“Isa kang sumpa. Naagaw mo na si Kuya Chase kaya hindi ako papaya na may maagaw ka pang iba!” Sabi niya sa akin na ikinatawa lang namin. Malas niya dahil mukhang mas malakas ang saltik ng boyfriend niya dahil ito pa mismo ang lumapit at hinalikan ako sa pisngi.

“I think I like him already.” Sabi pa nito na ikinanganga ni Teresa. Nagulat na lang ako nang biglang gumitna sa amin si Chase.

“Teresa, ilayo mo ang ingliserong ‘to kung ayaw mong sipain ko siya pabalik sa sinapupunan ng nanay niya.” Sabi ni Chase na ikinangiti ko. Ang kaso, malakas yata talaga ang saltik ni Rodney dahil si Chase naman ang hinalikan niya sa pisngi.

‘Well, I like you too.” Sabi nito na tinapik-tapik pa ang pisngi ni Chase bago bumalik sa tabi ni Teresa na tawa ng tawa. Natawa na din lamang ako.

“Tuwang-tuwa ka pa talaga?” Biglang sabi sa akin ni Chase saka pasimpleng siniko.

“Seloso ka pala.’ Sabi ko lang saka ko siya niyakap. Pinaningkitan lang niya ako ng mata pero hinayaan lang naman niya akong yakapin siya.

The whole four days in Boracay were fun. Oo at hindi talaga kami nabigyan ng pagkakataon ni Chase na makapagsarili pero hindi naman kasi talaga iyon ang pakay namin doon. Oras namin iyon para sa barkada kumbaga.

Natawa pa nga ako kasi tulad ng inaasahan naming lahat, si Chase din ang unang nakasundo ni Rodney. Kahit naman kasi may pagkaisnabero si Chase, akala mo matagal mo na agad na kaibigan kapag nakuha mo ang kiliti. Eh pareho pala niyang Harry Potter fan si Rodney kaya ayun, nagkasundo agad.

Huling gabi na yata namin noon sa La Carmella De Boracay nang tawagin kami ni Rodney, kasama si Yahn. Nakakahiya mang aminin, kami ang pinakatanda sa grupo kung tutuusin.

“Anong meron?” Tanong ko kay Rodney noong nakalayo na kami sa kanilang lahat.

“I’ll get straight to the point. I really love Teresa and I want to marry her. And I’m really hoping that you’d give me your blessings.” Diretsa niyang sabi na aaminin kong ikinabigla ko. Nanlambong na lang ang mga mata ko nang makita ko ang kaseryosohan sa mukha niya.

“Parang wala naman yata kaming say diyan, Rodney. Ano bang akala mo sa amin, magulang ni Teresa? Kung gusto ka niyang pakasalan, wala kaming magagawa.” Sabi ni Yahn na sinang-ayunan naman ni Chase pero umiling lang si Rodney.

“I proposed to her before we came here. And of all the things she could say, like, well, yes, she said, papayagan kaya ako nina Kuya Chase. She didn’t talk about her parents or her sister. She talked about you and wondered if you would give your blessings.” Sabi ni Rodney na ikinatulo na ng luha ko sa sobrang saya.

“You’ve always been her family for some reason and in the past few days I’ve been with you guys, I understood why. You take care of each other, no questions asked. What you guys have is more like what should be in a family than what actual families have. So I get her. And I also love you guuys for that, for giving her this kind of family. I guess what I am actually asking is for you guys to accept me in this family too.” Sinserong sabi ni Rodney.

Napangiti na lang ako nang biglang halikan ni Chase sa pisngi si Rodney na sinundan naman agad ni Yahn.

“I guess, welcome to the family.” Sabi ko bago ko siya hinalikan sa pisngi. Niyakap pa namin siyang tatlo bago kami bumalik sa kung nasaan iyong iba. Napahawak na lang ako sa kamay nina Yahn at Chase nang dirediretsong lumuhod ulit sa harapan ni Teresa si Rodney at saka binunot ang isang singsing mula sa suot niyang shorts.

“This is the second time I’m doing this and God knows just how freaking scared I am now that you’d reject me again. But Teresa, I really would like to marry you, to be able to call you my wife, and to spend the rest of my life with you no matter how crazy you are. So I’m asking, again, in front of your family, would you please let me fall in love with you every single day, over and over again, for the rest of my life?” Dirediretsa niyang sabi. Naluluhang napatingin lang sa amin si Teresa. Sabay-sabay pa yata kaming napatango noon.

“Putang-ina, nagwe-wet-wet ako!” Bulalas ng luka-luka na ikinatawa naming lahat. Hanggang sa ganoong eksena talaga, lukaret pa rin si Teresa.

“Rodney! Pwede ka pang umatras!” Biglang kantiyaw ni Chase. Pinandilataan tuloy siya ni Teresa.

“Sinubukan lang niyang umatras!” Sabi ni Teresa saka biglang kinabig si Rodney saka hinalikan ng mariin. Nagpalakpakan tuloy kami ng wala sa oras.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagpisil ni Chase sa kamay kong hawak niya kaya napatingin ako sa kanya. Akmang maglalapit na din ang mukha namin nang magsalita si Yahn.

“Try niyo lang maghalikan at nang makita ninyo kung paano manuntok at manipa ang isang tomboy.” Banta niya na ikinatawa namin ni Chase.

“Problema mo?” Tanong sa kanya ni Chase.

“Huwag kayong nang-iinggit ganitong wala dito ang asawa ko! Iyon lang ‘yun! Mga bwusit! Umarya na nga iyang si Teresa, sasama pa kayong dalawa, mga letse! Maghihiwalay din kayo! ” Sagot naman ni Yahn saka kami basta na lamang iniwan. Tumatawang sinundan lang namin siya ng tingin.

Dahil huling gabi na namin, nagdesisyon kaming gumala at magpakalasing. Bilang selebrasyon na din kumbaga sa engagement nina Rodney at Teresa. Sabi pa nga ni Yahn, what happens in Boracay, stays in Boracay na tinawanan lang namin dahil alam naman naming lahat na ni sa hinaganp, hindi nito magagawang magloko.

Hindi na ako nagtaka na madaming umaligid agad kay Chase na hinayaan ko din lang naman. Nag-aalangan pa siya noong una pero tinanguan ko lang. Ang akin naman kasi, gusto kong maranasan niya ang maging masaya na walang inaalalang kahit na ano. He deserved to be happy.

“Paano kapag may iba siyang nahanapan?” Tanong ng isang parte ng utak ko.

“He deserved to be happy.” Paninindigan ko pa rin kahit na medyo nalungkot ako sa kaisipang iyon. Pero, siyempre, ipokrito talaga ang lolo niyo kaya hindi talaga ako masyadong lumayo. Iyon bang tipong kita ko pa rin siya palagi kahit papaano.

“Eh kung tinatabihan mo na lang kaya para hindi ka parang pusang hindi matae diyan?” Nagulat pa ako nang marinig ko ang boses ni Yahn na nasa likod ko na pala. Kasama pa niya sina Teresa at Rodney na ngiting-ngiti lang sa akin.

“He deserves to be happy.” Sabi ko lang sa kanila na ikinailing lang ni Yahn.

“Well, it seems like he would be in a few minutes.” Biglang sabi ni Rodney kaya napalingon ako sa kinatatayuan ni Chase. Agad na sumulak ang dugo ko nang makitang may foreigner na lumapit sa kanya. In fairness sa hitad na kano, ang pogi lang. Feeling ko nga ay nakita ko na ito sa isang saan. Mukha kasi itong modelo.

“Ano? He deserves to be happy pa rin ba ang linya mo?” Pang-aasar pa sa akin ni Yahn na hindi ko na sinagot. Nagmamadali akong lumapit sa dalawa pero hindi ako nagpahalata. Mabuti na lang talaga at sa may bar siya tumambay kaya may dahilan ako para lumapit. Kung mahuli, sasabihin ko na lang na oorder lang ako.

“I’m flattered. But I’m sorry, I already have someone. He’d seen the worse of me but even then, he still looked at me as if I have the whole heaven under my feet. And right now, I’m just making sure that I even deserve to tell him that I love him.” Narinig kong sabi ni Chase doon sa kano. Ni hindi na ako nagpanggap pang oorder ng anuman at bumalik na lang sa kinatatayuan nina Yahn. Kunot ang noong napatingin lang silang tatlo sa akin.

“He deserves to be happy.” Sabi ko lang ulit na hindi na naitago pa ang ngiti.

“Nakakapunyeta iyang ngiti mo.” Sabi lang ni Yahn.

Buong gabi na para kaming nagpapatintero ni Chase saan man kami pumunta. Literal na hindi kami nagtatabi. Natawa pa nga ako nang sa akin naman lumapit iyong kano na lumapit sa kanya.

“Hi!” Bungad sa akin noong kano na noon ko lang naalala kung bakit pamilyar sa akin. Modelo nga ang kumag. Hindi ko alam ang pangalan niya pero sigurado akong siya iyong nasa isang malaking Billboard ng Levis sa EDSA. Guwapong-guwapo lang ako sa sarili ko ng mga oras na iyon.

“Hi!” Sabi ko din lang naman.

“Want some company?” Tanong niya sa akin at halatang nagpapa-cute. Kung wala lang sigurong Chase sa buhay ko ang pinatulan ko na iyon kahit alam kong mas malamang sa hindi na one night stand lang ang ending.

“That’s flattering coming from a model.” Sabi ko na ikinangiti niya.

“I’m hoping that’s a yes.” Aniya na kumindat pa sa akin sabay pasimpleng hawi ng suot niyang polo na bukas para ipakita sa akin ang katawan niya.

“I’m sorry. But I already have someone. I’m just waiting for him to find the courage to say that he loves me too.” Kako na ikinakunot ng noo niya. Maya-maya ay biglang nagliwanag ang mukha niya at napangiti.

“Why do I have a feeling that I’ve met this guy earlier?” Aniya na hindi ko na kinailangan pang sagutin dahil nagmamadaling lumapit sa amin si Chase. Lalong lumuwang iyong pagkakangiti noong kano.

“I guess you don’t really have to hear it anymore.” Aniya sa akin saka umalis.

“Ano ‘yun?” Nakasimangot na sabi sa akin ni Chase.

“Malay.” Patay-malisya kong sabi.

“Seb!” Aniya na medyo mataas ang tono. Natawa tuloy ako ng wala sa oras.

“Diyan ka na nga.” Aniya at basta na lamang ako iniwan. Natatawang sinundan ko na lang siya. Ewan, pero sa akin, ang cute-cute niya lang tignan ng mga oras na iyon. Para pala siyang bata kung magselos.

Nasa dalampasigan na si Chase nang mahabulan ko.

“Chase! Hoy! Umayos ka nga.” Sabi ko sa kanya.

“Bumalik ka na lang sa kanong hilaw na ‘yon.” Inis niyang sabi sa akin.

“Hoy! Chase! Putang-ina naman oh! Hihingalin ako sayo eh!” Sabi ko sa kanya.

“At ako pa talaga ang minumura mo! Eh di putang-ina mo rin!” Galit na niyang sabi. Binilisan ko na lang ang pagtakbo para mahabulan ko siya.

“Bitawan mo nga ako!” Aniya nang mahawakan ko ang braso niya pero imbes na gawin iyon ay hinila ko na lang siya at niyakap.

“Ano ba, Seb!” Aniya na pilit kumakawala.

“I told him that I was waiting for you to have the courage to say that you love me.” Sabi ko sa kanya na ikinatigil niya.

“At kung kailangan kong maghintay ng isang taon o isang dekada hanggang sa marinig ko iyon sa iyo, gagawin ko.” Dagdag ko pa.

“Why would you do that for me?” Mahina niyang tanong sa akin.

Imbes na sumagot, iniharap ko na lang siya sa akin at hinalikan ng mariin. Chase had his own demons that he had to face, alam ko iyon, at handa akong maghintay kung kinakailangan. Oo at gusto kong marinig mismo sa bibig niya na mahal niya ako. Iba pa rin naman kasi talaga ang dating kapag sinasabi mismo iyon ng taong mahal mo eh. Pero sa akin ng mga oras na iyon, sapat na ang kung anumang kaya niyang ibigay.

We left Boracay with really great hopes for the future. Ganoon naman yata kasi talaga kapag masaya. Lahat na lang na bagay, parang napakadali. But as always, life isn’t a fairy tale dahil pagbalik namin sa Maynila, isang masamang balita pala ang naghihintay sa amin.

Nasa condo lang kami noon ni Chase at nag-aayos ng iba niyang gamit na isasama niya pauwi sa probinsiya. Napag-usapan na nga rin namin ang arrangement namin kung sakali. One a month, ako ang uuwi sa probinsiya para bisitahin siya. Once a month din siyang luluwas ng Maynila. Nagreklamo pa nga ako noong una dahil gusto ko every week kaming magkasama para pumayag na rin ako nang sabihin niyang kailangan din niyang tutukan ang pag-aaral niya.

Wala din naman akong inaasahang bisita noong araw na iyon kaya nagulat ako noong tumawag iyong guard para sabihing nandoon si Dale. Sinabihan ko na lang iyong guard na paakyatin si Dale. Nakakunot ang noong nakatingin lang sa akin si Chase.

“You know him.” Sabi ko lang na lalong ikinakunot ng noo niya.

Hindi naman nagtagal ay narinig ko na ang doorbell. Nakasunod lang sa akin si Chase noong buksan ko iyong pinto. Ganoon na lang ang gulat ko nang humahagulgol na yumakap sa akin si Dale, humihingi ng patawad.

“I’m sorry, Seb. I’m really sorry.” Aniya. Ni hindi man lang yata niya napansin na nandoon si Chase.

“Bakit? Anong nangyari?” Nag-aalala kong tanong saka sinenyasan si Chase na kumuha ng tubig bago ko iginiya sa sala si Dale na nakasubsob pa rin sa dibdib ko. Tumango lang si Chase.

“Please don’t hate me.” Sabi pa ni Dale sa akin na sinundan niya ng isang mahabang paghagulgol.

“Dale, what happened?” Tanong ko sa kanya na kinakabahan na rin.

“I’m HIV positive, Seb” Sabi niya na ikinatulala ko. Nagulat na lang ako nang marinig ko ang tunog ng basong nabasag sa sahig. Pagtingin ko sa direksiyon noon, nanlalaki ang matang nakatingin lang si Chase sa amin.

“How long have you known?” Mahinahon kong tanong pero wala na sa akin ang atensiyon niya kundi na kay Chase.

“I’m really, really sorry.” Sabi ni Dale imbes na sagutin ang tanong ko pero kay Chase na niya iyon sinabi. Tulalang nakatayo lang doon si Chase.

“Dale, I’m going to ask again. How long have you known.” Tanong ko ulit na unti-unti nang naninikip ang dibdib sa galit.

“Before you left for Boracay.” Aniya. Napapikit na lang ako.

“Chase, magbihis ka na.” Sabi ko kay Chase na nakatulala pa rin ng mga oras na iyon.

Paulit-ulit lang na humihingi ng tawad sa amin si Dale pero lutang na ang utak ko ng mga panahong iyon. Kilala ko kasi si Dale at alam kong every six months siyang nagpapa-check up katulad ko. Pero kung bago lang kami nagpunta ng Boracay niya nalaman ang lahat, posibleng may HIV positive na siya nang may mangyari sa kanila ni Chase. And since Chase and I weren’t exactly using condoms, there’s a possibility that I would turn out positive too.

Nang hindi pa rin gumalaw si Chase ay ako na mismo ang lumapit sa kanya at iginiya siya sa kuwarto. Halos madurog ang puso ko nang magsimulang tumulo ang mga luha niya.

“Dale, I need you to leave now.” Sabi ko kay Dale bago ko iginiya papasok sa kuwarto si Chase. Ni hindi ko na hinintay ang reaksiyon ni Dale ng mga oras na iyon.

Pagpasok namin sa kuwarto ni Chase ay dumiretso lang siya sa kama at naupo doon, dirediretso lang ang patak ng mga luha niya. Ako naman, pilit naghahanap ng pwede kong sabihin sa kanya. Ang kaso, blangko na din talaga ang utak ko ng mga oras na iyon.

“Chase…” Tawag ko sa pangalan niya na ikinahagulgol na niya ng tuluyan. Nilapitan ko na lamang siya at niyakap nang mahigpit. Hinayaan ko na rin ang sarili kong umiyak.

Gusto kong murahin ang lahat ng mga panahong iyon. Gusto kong magalit sa Diyos, kay Dale, sa sarili ko, kay Chase, sa lahat. Just when I was thinking that we finally had a chance to be happy together, ganoon ang mangyayari. Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko na napaka-unfair lang ng lahat. Pero nawalang lahat ng galit na iyon nang magsalita si Chase.

“How could I have done this to you…” Mahina niyang sabi na dumurog na ng tuluyan sa puso ko. Ako pa rin ang inisip niya, hindi ang sarili niya.

“Chase, hindi pa naman sigurado, ‘di ba? Posible namang hindi ‘di ba?” Pang-aalo ko sa kanya at sa sarili ko. Lalo lang siyang napahagulgol.

“You were okay. You finally had your life together. Now I just ruined all that.” Aniya na ramdam na ramdam ko ang galit niya sa sarili. Wala din naman akong maisagot doon dahil alam ko rin namang may parte nang pagkatao ko na ganoon ang iniisip.

Ilang araw pa ang lumipas bago ko napapayag si Chase na magpatingin sa doctor. Siguro iyon na ang pinakamatagal na dalawang lingo nang buhay ko. Ibinasura na din ni Chase ang plano niyang bumalik sa pag-aaral na hindi ko na nakontra pa. Ang gusto nga niya ay umalis na sa poder ko pero hindi ako pumayag.

“You will stay here and we will face this together!” Mariin kong sabi sa kanya.

Noong tawagan ako nang doktor para sabihing meron na ang resulta, agad akong umuwi mula sa trabaho para sunduin si Chase. Ganoon na lang ang kaba ko nang hindi ko siya maabutan doon. Saka lang ako nakampante ng makita ko ang iniwan niyang mensahe sa lamesa na nauna na siya sa clinic.

Pagdating ko doon ay nasa kalagitnaan na si Chase ng pakikipag-usap sa isa sa mga doctor sa clinic na iyon. Hindi na rin naman ako nagtangkang pumasok pa doon lalo na at kailangan ko ring harapin iyong resulta ko. Halos sumabog ang dibdib ko ng mga panahong iyon pero tinapangan ko na lang ang sarili ko.

Saka na lamang ako nakahinga nang sabihin sa akin noong doctor na negative ang resulta ko. Niresetahan pa rin niya ako ng gamot bilang precaution lang daw kung sakali. Inamin ko din naman kasi sa kanya na kalian lang iyong huling sexual encounter namin ni Chase. Sinabihan din ako noong doctor na huwag munang makampante at kung sakali, kailangan kong bumalik pagkatapos ng tatlong buwan para magpa-check ulit.

Paglabas ko, naghihintay na sa akin si Chase sa lobby. Halos patakbo pa akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

“Negative.” Sabi ko na halos maiyak na ng mga oras na iyon. Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

“Sabi ko naman sa iyo, ‘di ba?” Kako pa kay Chase. Ngumiti lang siya sa akin.

“I’m really happy to hear that.” Sabi niya sa akin pero ramdam kong may mali. Kahit hindi dapat, kinuha ko ang hawak niyang papel na alam kong kinalalagyan ng resulta niya. Gumuho ang mundo ko nang makita kong positive ang lumabas sa test niya.

“Now, we just need to get you checked again after three months to make sure that you’re okay.” Aniya bago kinuha sa akin ang resulta niya.

“Chase…”

“I’m okay, Seb. I just need to make sure that you’re okay too.” Sabi lang niya sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Napahagulgol na lang ako.

Pinilit kong maging normal nang mga sumunod na araw. Kahit papaano nga ay nakahinga din ako nang maluwag nang malaman ko mula mismo kay Chase na tutulungan daw siya ng clinic para makahanap ng trabaho. Nagsimula na rin siya sa medications niya na ako na mismo ang nagpilit na magbayad.

“Ang dami ko nang utang sa iyo,” Sabi pa nga niya noong una na binalewala ko lang.

Napilitan din siyang sabihin sa barkada namin ang lahat. Halos hindi tumigil si Teresa noon sa kaiiyak sa telepono nang malaman niya ang nangyari. Napilitan na rin kasi siyang umamin kung paano siya nahawaan.

Tulad ng inaasahan ko sa kanya, pinilit niyang maging matapang habang ako naman ay halos hindi makawala sa nararamdaman kong depression. Kung hindi pa nga niya ako kinukulit araw-araw ay hindi na talaga ako papasok sa trabaho. Mabuti na nga lamang at pagdating sa opisina, nagagawa ko pa rin ang dapat kong gawin ng maayos. Iyon nga lang at pag-uwian na, mas madalas sa hindi na nauuwi lang ako sa pag-iyak sa parking lot bago ako magbiyahe pabalik sa condo. Alam kong napapansin iyon ni Chase pero wala siyang sinasabi. Basta pagdating ko, handa na ang pagkain. Kahit noong magsimula na rin siyang magtrabaho bilang messenger sa isang opisina na malapit sa opisina namin, ganoon pa rin ang routine namin.

Nang dumating iyong araw na babalik kami sa clinic, literal na ayaw ko nang bumangon sa kama. Ilang beses pa akong binalikan sa kuwarto ni Seb pero ayaw ko talagang bumangon.

“I need to know that you’re going to be okay, Seb. Sabihin mo nang makasarili ang dahilan ko but I need to know, okay? I need to know that I haven’t destroyed your life. So please, get up.” Sabi na niya noong pangatlo. Doon lang ako parang natauhan.

I was so caught up in my own misery that it didn’t even occur to me that Chase was going through much worst.

“I’m sorry…” Sabi ko lang saka bumangon at nagbihis. Pagdatingsa clinic, pinilit kong magpa-check din ulit si Chase na pinagbigyan din lang naman niya. Pagkatapos noon, dalawang lingo na naman ng paghihintay.

Pero hindi tulad noong una, sabay naming hinarap ang lahat. Una naming pinakinggan ang resulta ko at halos magtatalon pa sa tuwa si Chase nang negative ulit iyon. Kahit nga oong sabihin ng doctor na walang nagbago sa resulta ni Chase ay hindi man lang nabawasan ang tuwa niya.

“You do realize that you’re still HIV positive, right?” Bara ko pa sa kanya.

“I’m being positive that you are negative so shut up!” Sabi lang niya na ikinatuwa pa noong doctor. Mabuti daw ang ganoong attitude. Pero ako, hindi ako natuwa. May pakiramdam kasi sa mga kilos ni Chase. Lalo pang lumala ang pagdududa ko nang pag-uwi sa bahay ay ipinaghanda niya ako ng lahat ng paborito ko. Hindi ako nagpahalata pero pasimple ko siyang binantayan.

Hanggang sa matutulog na kami ay hindi mawala-wala ang kaba ko. At hindi nga ako nagkamali nang hinala. Alam ko kasing hindi kikilos si Chase hanggat hindi pa ako nakakatulog kaya nagpanggap akong matulog. Hindi nga nagtagal ay hinalikan ako ni Chase at bumangon mula sa kama. Naramdaman ko pa ang pagtitig niya sa akin bago niya binuksan ang pinto at marahang lumabas.

Agad din akong bumangon para sundan siya. Nang madatnan ko siya sa may kusina ay kinukuha na niya mula sa cabinet na nasa ibaba ng lababo ang isang maliit na maleta. May sulat na ring nakapatong sa may lamesa. Nang makuha iyon ay hindi siya agad tumayo at hinayaan lang ang sariling umiyak nang walang tunog. Gustong-gusto ko na siyang lapitan noon pero hinayaan ko lang siyang umiyak. Alam kong kailangan niya iyon.

Nang tumayo na rin siya sa wakas, saka pa lamang ako nagsalita.

“You never even said that you love me.” Sabi ko kaya napalingon siya sa akin.

“Seb…” Aniya.

“You don’t get to leave this place without even saying that you love me, Chase.  Alam kong mahal mo ako pero gusto kong marinig mula sa iyo iyon. I want you to tell me that you love me.” Mariin kong sabi. Isang mapait na ngiti ang isinagot niya sa akin.

“I haven’t earned the right to say those words, Seb.” Sabi lang niya.

“Then earn it, damn it! Stay here and earn the right to say that you love me because God forgives me but if you walk away now, I’m going to jump off the window at uunahan na kitang mamatay.” Sabi ko sa kanya. Not exactly my best moment, I know.

“Please, Seb…” Pagmamakaawa niya.

“Ano bang mahirap intindihin  sa mahal na mahal kita, Chase? So you have HIV. Do I have to be HIV positive too just so you would stay? Dahil kung iyon ang kinakailangang mangyari para lang hindi ka umalis, gagawin ko.” Sabi ko sa pagitan ng mga hagulgol.

“I love you, Sebastian Aurello. You’re the first and probably the last person that I would ever love.” Aniya na humahagulgol na rin.

“But you’re not staying…” Sabi ko na tango lang ang isinagot niya. Tuluyan na akong napaluhod sa pag-iyak. Hinintay kong lapitan niya ako, na yakapin niya ako, na sabihin niyang hindi na siya aalis pero hindi iyon nangyari. Sinundan ko na lamang siya nang tingin nang marinig ko ang paglalakad niya papunta sa pinto, hanggang sa lumabas siya at tuluyang isinara iyon.

All that happened three years ago. At aaminin ko na mas malaki ang naging epekto sa akin noong pag-alis ni Chase kesa doon sa takot ko noon na maging positive iyong resulta ko. I started sleeping around with anyone who would want to. It didn’t even matter to me kung sino. Kung gusto noong tao, pumapayag ako. Ni hindi na mahalaga sa akin kung gusto akong mag-top o bottom noong nakaka-sex ko. Sex is sex, iyon na lang ang nasa isip ko.

Hindi din naman ako nagpabaya sa pagpapakaputa ko. I made sure that I was safe and got myself checked every three months. Sa awa naman ng Diyos ay hindi ako nagkasakit. Pero bigla akong natauhan one year after slutting around nang maka-one night stand ko si Steve.

“I guess there’s no such thing as forever then.” Aniya noong nagbibihis na ako. Kunot ang noong napatingin tuloy ako sa kanya.

“Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako na hindi mo ako natatandaan.” Aniya na tumatawa. Ni hindi man lang siya nag-abalang takpan ang kahubdan niya ng mga oras na iyon.

“Have we met before?” Tanong ko sa kanya. Nakilala ko lang kasi siya sa bar na pinuntahan ko at as usual, nauwi sa isang motel ang lahat.

“Laughline. I helped you carry your boyfriend to your car. I even gave you my business card.” Sabi niya.

“I guess you just didn’t make that much of an impression then.” Balewalang sagot ko kasabay ng paninikip ng dibdib dahil sa pagpapaalala niya sa akin kay Chase.

“Wow! You’re brutal.” Aniya na tumatawa.

“I’m sure that there’s no rule about having to be nice with your one night stand.” Pambabara ko lang sa kanya.

“So what happened?” Tanong lang niya ulit.

“He was HIV positive and I wasn’t. That’s what happened.” Diretsa kong sagot na hindi man lamang niya ikinabigla.

“So you left him?” Tanong niya ulit.

“He left me.” Sagot ko na nagpasikip lalo sa dibdib ko. Hindi siya agad nakasagot.

“He must have loved you so much then.” Ani Steve na ikinatawa ko ng bahaw.

“You don’t leave the people you love just because things go hard. You fight. You try to make things better. You don’t run away.” Madiin kong sabi.

“You still love him.” Sabi ni Steve, hindi nagtatanong kundi isang pagkumpirma.

“It doesn’t matter. I don’t even know why I’ve this much to a one night stand.” Sabi ko lang saka tuluyang lumabas ng motel. Ang tarantadong si Steve, humabol sa akin na nakatapis lang ng kumot saka inabutan ulit ako ng tarheta.

“I don’t have to be a one night stand.” Sabi niya sa akin na hindi man lang pinapansin ang pagtingin sa kanya ng ibang mga tao doon sa lobby ng motel. Tinanggap ko na lang iyong tarheta at umalis. Doon ko nga lang nalaman na doctor pala siya.

Siguro, dahil na din sa lungkot, tinawagan ko si Steve pagkatapos ng isang lingo. Dinig na dinig ko sa boses niya ang tuwa noon. Least to say, we ended up having sex again na paulit-ulit na nangyayari sa tuwing nagkikita kami. Hanggang sa tumagal, naramdaman ko na lang na iba na ang ipinapahiwatig niya. Gusto ko tuloy makunsensiya dahil alam kong umasa siyang may ilalalim pa iyon lalo na at maliban sa kanya ay hindi na ako sumasama sa iba. Pero hindi ko kasi talaga matanggal sa puso ko si Chase.

“You still love him.” Sabi sa akin ni Steve matapos naming mag-sex minsan.

“I still haven’t learned how to forget him.” Sagot ko lang. isang mapait na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin noon bago siya bumangon mula sa kama at kinuha ang isang envelope saka iniabot sa akin.

“Ano ‘to?” Tanong ko sa kanya.

“He’s graduating top of his class in two months. He’s doing well. He gets himself checked up regularly and might even outlive as all.” Sabi niya.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko ulit.

“His doctor is a friend of mine.” Sagot lang ni Steve. Natawa na lang ako ng bahaw.

“You knew where he was and you never told me.” Hindi makapaniwalang sabi ko.

“I’m not like him, Seb. I’m a very selfish person. And I thought that maybe, if I stay long enough, you’d learn to love me too. So I’m not going to apologize for keeping it a secret. I’m not going to apologize for loving you so much that I wanted to keep you.” Aniya. Natahimik na lang ako.

“I’ve always known, Seb. I’ve always known that what you two have is special. And seeing you right now, I finally have to accept that I never had a chance.” Sabi niya saka ako niyakap ng mahigpit.

“He loves you too, you know. I tried flirting with him when he was having his check up and I was there. Ni hindi niya binanggit na na may HIV siya. Ang sabi lang niya, may mahal na siya. Iyon lang.” Dagdag pa ni Steve.

Pinakawalan din ako ni Steve pagkatapos noon at nagsimula nang magbihis. Nakatulalang nakatingin lang ako sa kanya.

“I guess it’s time that both of you stop running away and fight for it.” Sabi lang ni Steve sa akin bago ako iniwan.

And so I went to Chase’s graduation. Hinintay kong makapasok na silang lahat sa gymnasium noong unibersidad bago ako pumasok at tumayo sa may likod. Hinintay kong tawagin ang pangalan niya para sa kanyang speech at nang dumating ang oras na iyon, nahigit ko na lang ang aking paghinga. He was still the Chase that I have fallen in love with, the Chase that I never stopped loving.

“I’m deeply honoured to be standing in front all of you today and being given the chance to speak to all of you. I know most of you here had probably heard of me and my situation. But for those who don’t, let me just get the dirt out of the way first. First, I’m gay. Second, I’m thirty-three years old but I’m only getting my college diploma now. Third, and I think the most important thing, I am HIV positive. To all the parents, don’t worry; I haven’t had sex with any of your children or anybody for that matter since I came here. Not because I can’t, which you should know is still possible for HIV patients like me, but because I didn’t want to…”

Tuloy-tuloy lang ang luha ko habang pinakikinggan ko si Chase na nagsasalita. Nagawa pa talagang magbiro noong kumag. May sumigaw pa mula sa mga kapawa niya magtatapos ng “I love you” kaya hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong mapatingin sa direksiyon ng pinanggalingan noon ng masama.

“I’m not exactly what you would call a good example. I’m way far from that. But I want you, my fellow graduates, to see that no matter how hard life is, good things would still happen no matter how long it takes. Never lose that hope, because at times, it would be the only thing that would keep you going. In Tagalog, huwag kayong mag-inarte at magdrama na mahirap ang buhay dahil kung ako nga na may HIV, hindi nagrereklamo, kayo pa kaya?”

Aniya na sinalubong ng palakpakan. Nailing na lang ako sa kinatatayuan ko. Chase will always be Chase after all.

“And lastly, I would like to thank that one person who had seen me at my best and worst, and still looked at me as if the heavens are under my feet. To Sebastian Aurello, wherever you are right now, whoever you are with, I love you. I’ve earned the right to say that now. So I guess, I just have to earn the right to ask you to take me back this time.” Aniya na sinalubong ulit ng palakpakan.

Hindi ko na tinapos iyong programa at bumalik na sa kotse ko. Pero imbes na umalis ay pumarada ako doon sa mismong tapat noong gymnasium kung saan sila lalabas pagkatapos. Nasa dalawang oras din yata akong naghintay bago nagsimulang maglabasan ang lahat. Nang makita kong lumabas si Chase ay hinayaan ko muna siyang magpakuha ng larawan kasama iyong iba niyang kasamang nagtapos. Napansin ko rin na may iba pang teachers at mga parents na nagpakuha din ng larawan kasama siya. Pero noong mapansin kong pabalik-balik na ang isang lalaki sa tabi niya, lumabas na ako ng kotse at dumiretso sa kinatatayuan nila.

“Excuse me but that’s private property.” Sabi ko direkta doon sa lalaki na agad na namutla. Nakangangang nakatingin lang sa akin si Chase.

“What are you doing here?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

“Taking you home.” Sabi ko. Tinulalaan lang niya ulit ako. Ni hindi nga niya pinapansin iyong kasama niyang nagtapos na nagtatanong kung sino ako.

“Okay?” Tanong ko kay Chase na nakatitig pa rin lamang sa akin.

“Okay…” Aniya bago ako sinugod ng yakap.

It’s just been six months since that day. Nagsimula na ring magtrabaho sa isang publishing company si Chase bilang isang assistant editor. May-ari pala nang isang publishing house iyong guest speaker nila noon at ito mismo ang nag-alok sa kanya ng trabaho na tinanggap naman niya agad. Ako naman, balik na ulit sa normal ang trabaho.

I wish I could say that by some miracle, Chase got well. He didn’t. He would be living with HIV for the rest of his life, and living with that is something that we are still working on. May mga pagkakataon pa rin na sinusumpong siya ng depression pero sinasamahan ko siyang paglabanan iyon.

It’s not easy. Our relationship had never been normal to begin with at sigurado din akong may mga darating pang mga araw na aabot na naman kami sap unto na gusto na naming bumitiw. But I want to trust in what we have. I want to hope for the better. So that when things do become too hard to bear, we can hold on to hope and get through it.

I love Chase. He loves me. That’s already more than enough reason to hope for better days. And if we have to fight for it, then we will fight for it, one day at a time.

*******

I would like to dedicate this piece to all the people who are living with HIV. I can only imagine how hard it is so I’m sure that you might find this a little too optimistic. But I guess that’s the reason why I wrote it in the first place, not to promise, but with the hope that things could really get better. Stay strong.

*******

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: One More Day
One More Day
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgbePdNwAl_nrpzciyxreGepyuAyNUV5ulZJJCZWquXNgT2IAd_wNXqikEN_UJMAXhdbgobXtOGqx4RJ4jW8EQqioVJFHg8RZQrdfS9emO3hEZj5Yl2C6YrY_VauwNR-cT5O7066eVDFtQG/s400/Martenzo.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgbePdNwAl_nrpzciyxreGepyuAyNUV5ulZJJCZWquXNgT2IAd_wNXqikEN_UJMAXhdbgobXtOGqx4RJ4jW8EQqioVJFHg8RZQrdfS9emO3hEZj5Yl2C6YrY_VauwNR-cT5O7066eVDFtQG/s72-c/Martenzo.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/09/one-more-day.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/09/one-more-day.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content