$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Life's Sticky Notes (Part 1)

By: Lord Iris This story was officially published in wattpad... kung ayaw niyo po ng drama at walang bed scene ay wag niyo na lang po basahi...

By: Lord Iris

This story was officially published in wattpad... kung ayaw niyo po ng drama at walang bed scene ay wag niyo na lang po basahin para hindi na kayo ma-bad trip... mahaba po ito kaya naisip kong hatiin sa dalawa at magkasunod ko naman na-submit...
..............

Gaano ba kasaya ang mabuhay?

Ako kasi hindi ko naranasan ang maging masaya sa buhay ko...

Ako si Eric isang bisexual, maputi, matangkad, may hawig daw ako kay James Reid at hindi ako matanggap ng pamilya ko dahil sa kasarian ko kahit na hindi naman halata sa mga kilos ko...

Nagkaroon ako ng 5 girlfriend at lahat yun ay pinaiyak lang ako at ngayon ay na-inlove ako sa bestfriend ko na naging dahilan ng pagiging bi ko...

Siya si Noah... gwapo at may hawig siya sa Korean star na si Ajoo...

mabait, maalalahanin, seryoso siya sa lahat ng mga naging relasyon niya pero isa siyang homophobe o may takot at pandidiri sa mga kagaya ko kaya natatakot akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko...

Hindi naman ako nahulog sa kanya dahil sa hitsura niya, minahal ko siya dahil kapag kasama ko siya ay parang nababawasan ang lungkot ko at siya ang laging nandiyan para sa akin...

Hindi ako nagkakagusto sa ibang lalaki dahil si Noah lang ang bukod tanging lalaki na minahal at minamahal ko pero alam ko na sa oras na malaman niya ang totoo ay pandidirihan at iiwanan niya ako...

Isa na akong college student at pareho kami ng course ni Noah na industrial engineering kaya lagi kaming magkasama at siya ang nilalapitan ko sa oras ng mga problema ko kaya hindi ko kaya kapag nawala siya sa akin dahil siya lang ang nakikinig sa mga problema ko...

Magkasama kaming dalawa dito sa dorm at mas gusto ko dito kesa sa bahay dahil laging nag-aaway ang parents ko at pinag-mumura nila ako ng sabihin kong bi ako...

Nandito ako ngayon sa bintana, nag-iisip kung paano ako magiging masaya kung di ako tanggap ng pamilya ko at isusumpa ako ni Noah kapag nalaman niyang may gusto ako sa kanya...

"Eric? Ang lalim ng iniisip mo ah...". Sabi ni Noah sa likod ko

"Noah... diba kahit anong mangyari ikaw lang ang bestfriend ko?". Malungkot kong tanong sa kanya.

"Naman! At iwan ka na ng pamilya mo pero ako nandito lang at lagi mo akong masasadalan". Sabi ni Noah.

Lumingon ako sa kanya at...

"Totoo?... Promise ba yan?". Paninigurado ko sa kanya.

"Promises are meant to be broken kaya hindi ako mangangako dahil gagawin ko". Sagot niya sa akin kaya napangiti na ako.

"Ayan! Ngumiti ka na din... mas pogi ka kapag nakangiti ka". Sabi niya.

"Exam na bukas... mag-review na tayong dalawa para di tayo bumagsak sa exam". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Turuan mo ako ha? Baka mamaya di ko masagutan ng maayos yung calculus natin". Nag-aalala niyang sabi sa akin.

"Syempre naman! Gusto mo magdamag tayong mag-review eh". Sagot ko kay Noah.

At nagsimula na kaming mag-review... magaling ako sa math at si Noah naman ay magaling sa science kaya nagtutulungan kaming dalawa. Inabot na din kami ng alas dos ng umaga bago kami natapos mag-review hanggang sa nakatulog na lang si Noah sa harapan ko sa sobrang pagod.

Tinitigan ko siya ng mabuti habang natutulog siya... na-realize ko na tama siya, iwan na ako ng pamilya ko pero lagi lang siyang nandiyan para sa akin pero kapag dumating ang araw na iwan niya din ako ay siguro mababaliw na ako dahil hindi ko kayang mawala siya kaya buo na ang desisyon ko na huwag ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko...

...............

Nagsasagot na kami ni Noah ng exam at napansin ko na pareho ang binigay kong reviewer sa kanya kagabi sa math kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti naman siya sa akin dahil alam kong nadadalian lang siya...

Natapos ang exam namin at tapos na din ang pag-rereview kaya sembreak na namin at ayoko talaga ng sembreak dahil babalik ako sa pamilya ko at magkakalayo na kaming dalawa ni Noah...

"Eric... paano ba yan sembreak na...". Malungkot na sabi ni Noah sa akin.

"Oo nga... isang linggo din tayong hindi magkikita...". Sagot ko.

"Basta! Text na lang tayo palagi...". Sabi sa akin ni Noah

"Sabay tayong mag-enroll ha? Para magkaklase pa rin tayo next sem". Nalulungkot kong sabi sa kanya.

"Oo ba! Sabay din tayong kukuha ng grades natin". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Sige na... mag-iingat ka palagi ha?". Nalulungkot kong sabi sa kanya.

"Ikaw din... sige bye bye na". Sabi ni Noah at naglakad na siya palayo sa akin.

Habang nakikita ko siyang naglalakad palayo ay para bang bumigat ang pakiramdam ko at parang may mga bubog na tumusok sa puso ko...

Heto na naman ako...nag-iisa at babalik na ako sa pamilya ko na isinusumpa ang pagkatao ko kaya alam ko na simula na naman ng kalbaryo ko sa buhay...

Nakatulog na ako sa biyahe at biglang tumunog ang phone ko dahil merong nag-text...

...........

From: Noah

Naka-uwi na ako sa bahay at alam ko na nasa biyahe ka pa kaya mag-iingat ka...

.........

Napangiti na lang ako sa text niya at nag-reply ako na ayos lang ang lahat pero di na siya nag-text uli sa akin. Siguro busy na siya ngayon...

Nandito na ako ngayon sa bahay at lahat ng miyembro ng pamilya namin ay nakatitig sa akin na para bang pinandidirihan nila ako at marami ding mga bisita dahil sa relihiyon naming konserbatibo...

Pagpasok ko ng pintuan ay bigla na lang nagtinginan ang mga tao sa akin at para bang hindi ako tao at hindi nila ako kilala...

"Anak... nakauwi ka na pala". Sabi sa akin ni mama.

"Kamusta na ang pag-aaral mo?". Seryosong tanong sa akin ni papa.

"Ok lang naman po...". Mahina kong sagot sa kanya.

"Ayusin mo iyang buhay mo! Nang sa ganun ay matanggap ka sa langit". Sermon sa akin ni papa.

Napayuko na lang ako at pakiramdam ko ay tutulo na ang luha ko at alam kong lalong magagalit si papa kapag nakita niyang umiyak ako...

"Magbibihis po muna ako...". Sabi ko habang nakayuko at pumunta na ako sa kwarto ko.

Pumasok na ako sa kwarto at ni-lock ko ito. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko at maraming tanong ang gumugulo ngayon sa isipan ko...

Bakit ganun siya?

Mahal ba niya ako?

Bakit walang nagmamahal sa akin?

Bakit napaka-lupit ng mundo sa akin?

Bakit kailangan niya akong ipahiya sa harapan ng maraming tao?

Naalala ko nung inamin ko sa kanya na bi ako ay bigla niya akong pinagsusuntok at wala man lang tumulong sa akin...

Si Noah lang naman ang lalakeng mahal at nagustuhan ko pero sana pala di ko na lang inamin sa kanila
ang totoong ako...

Kasalanan ba ang pagiging ako?

Totoo ba na masusunog ako sa apoy ng impyerno dahil sa kasarian ko?

Alam ko sa sarili ko na mabuti akong tao at wala akong ginagawang masama o tinatapakan na kahit na sino kaya bakit masama ako sa paningin nilang lahat?

Mahal na mahal ko ang pamilya ko at galit din ako sa sarili ko...

Bakit kailangang magka-gusto ako sa bestfriend ko?

Dapat di ko na lang inamin sa kanila na bi ako at nang sa ganun ay hindi nila ako kinukutya at nakakatanggap ako ng kaunting respeto kahit sana hindi bilang isang anak kundi bilang isang tao...

Sumisikip na ang dibdib ko at patuloy pa din ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ko habang iniinda ko ang sakit ng mga salitang binitiwan nila sa akin na talaga namang nagpapababa sa pagkatao ko...

"Anak! Lumabas ka na diyan! Meron tayong prayer meeting". Sabi ni mama habang kinakatok ang pinto.

"Opo! Susunod na po ako". Sagot ko sabay punas ng mga luha ko.

Humarap ako sa salamin at inayos ang sarili ko... sinusunod ko naman ang lahat ng gusto nila pero bakit hindi nila ako kayang intindihin?

Mahal na mahal ko sila pero bakit hindi nila ako kayang mahalin o kahit bigyan ng respeto man lang kahit sana hindi na bilang anak nila pero bilang tao man lang?

Binuksan ko na ang pinto at pumunta na ako sa mga bisita...

May mga upuan doon kaya umupo na ako at magsisimula na ang prayer meeting namin...

"Ang lalaki ay para lang sa babae at ang babae ay para lang sa lalaki... napakadaling intindihin nun pero marami pa ring baluktot na pinaghaharian ng kalaban ng Diyos". Sabi ng tao sa harapan namin.

Talagang para sa akin ang prayer meeting na ito...

Sobrang sakit sa dibdib...

Di ko naman ginustong maging ganito pero ito talaga ang totoong ako...

"Sinabi ni Manny Pacquiao ang totoo pero anong ginawa ng mga tao? Siniraan siya at inalipusta ng mga taong baluktot at hindi sumusunod sa utos ng Diyos!". Galit na sabi ng isang pastor sa harapan namin.

Bakit kailangan nilang gawin sa akin ang mga bagay na ito?

Wala naman akong sinisiraang tao...

"Ikaw Eric! Gusto mo bang matulad sa kanila at masunog sa impyerno??!!". Galit na tanong sa akin ng isang babae na nasa harapan namin...

"Ayoko po...". Naiiyak kong sagot.

"Kung ganun magpakatino ka! Tanggapin mo ang Diyos at sundin mo ang utos niya!". Galit niyang sabi sa akin at sobrang sakit nun.

Di na ako nagsalita dahil lalo lang nilang sasagasaan ang dignidad ko...

Sinusunod ko naman ang utos ng Diyos at alam ko na mabuti akong tao pero wala naman akong ginagawang masama...

Hindi naman ito prayer meeting dahil isa itong humiliation...

Sobrang sakit sa dibdib...

Kung ituring nila ako ay para akong demonyo na kahit anong gawin ay kahit kelan hindi magiging anghel...

"Itutuloy natin ang prayer meeting bukas ng hapon". Sabi ni papa at umuwi na ang iba sa kanila.

Nakahinga na ako ng maluwag dahil tapos na ang prayer meeting pero alam kong marami pa akong matatanggap na masasakit na salita mula sa kanila...

Lumapit sa akin si papa at para bang galit na galit siya sa akin...

"Ano anak! Natuto ka na ba? Gusto mo bang ipamukha pa nila sayo ang kamalian mo? Binibigyan mo lang kami ng kahihiyan!!!". Galit na sabi sa akin ni papa.

"Patawarin niyo po ako... susubukan ko pong magbago...". Sabi ko at tumulo na ang mga luha ko.

"Umiiyak ka! Mahina ka talaga!". Sigaw ni papa sa akin.

Pinunasan ko ang mga luha ko at humarap ako sa kanya...

"Sorry po kung baluktot ako pero alam ko po na mabuti akong tao at hindi na ako iiyak sa harapan mo". Sabi ko kay papa.

"Mabuti! Dahil itatakwil kita kapag di ka pa nagbago". Sagot ni papa sa akin.

Lumabas muna ako ng bahay at naghanap ng lugar kung saan pwede kong ibuhos lahat ng sama ng loob ko at mga kinikimkim sa dibdib ko...

Nakakita ako ng isang abandunadong building at walang tao doon kaya pumasok ako sa loob...

May nakita akong dilaw sticky notes at ballpen sa loob ng building at naisip ko na kung isusulat ko ang lahat ng sama ng loob ko ay maiibsan ang nararamdaman ko ngayon...

Nagsimula na akong magsulat sa mga sticky notes at ito ang mga sinulat ko doon:

..............

Masusunog ba ako sa impyerno?

.............

Masama ba akong tao?

.............

Walang nagmamahal sa akin...

.............

Wala na siguro akong karapatang mabuhay sa mundong ito dahil walang nagpapahalaga sa akin...

............

Pagkatapos kong isulat ang mga iyon ay idinikit ko na sa pader ang mga sticky notes na naglalaman ng lahat ng sama ko ng loob...

Parang naibsan kahit papaano ang nararamdaman ko at gumaan ng konti ang bigat na nararamdaman ko sa puso ko...

Uuwi na sana ako sa bahay namin kaso bigla na lang...

Bago ako lumabas ng building na iyon ay para bang may umihip na mainit na hangin sa tenga ko...

Tumaas ang balahibo ko pero hindi ako nakaramdam ng takot...

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko at pagtingin ko sa paligid ay nasa kwarto na pala ako...

Ano bang nangyari kagabi?

Ay oo nga pala! Pagkatapos kong magsulat ng mga sticky notes sa abandunadong building ay gumaan ang nararamdaman ko at umuwi na ako sa bahay tapos nakatulog na ako...

Bigla na lang tumunog ang phone ko at parang may nag-text kaya inabot ko ito upang basahin...

............

From: Noah

Eric! Maghanda ka na at pupunta na tayo sa school mamaya kasi bigayan na ng grades natin at sabay na din tayong magpa-enroll...

...........

Napatingin na ako sa calendar at naka-mark ang araw na ito dahil bigayan na ng card tapos nakalimutan ko ang araw na ito dahil sa sobrang dami ng mga iniisip ko...

Ni-replyan ko si Noah at sabi ko pupunta ako dahil miss na miss ko na talaga siya...

Nagbihis na ako ng maayos na damit dahil alam kong magkikita na kaming dalawa ni Noah at sobrang exited na ako ngayon...

Lumabas na ako ng kwarto at magpapaalam na ako na aalis at ayoko na dito sa bahay...

"Oh anak? Saan ang lakad mo?". Seryosong tanong ni papa sa akin habang nagbabasa ng dyaryo.

"Ngayon po ang bigayan ng grades kaya pupunta po ako ng school". Magalang kong sagot kay papa.

"Bayaran mo na din ang tuition mo para sa susunod na semestre". Sabi ni papa at binigyan na niya ako ng pera.

"Salamat po papa...". Sagot ko at umalis na ako ng bahay namin.

Gusto kong yakapin si papa pero alam kong hindi pwede dahil galit na galit siya sa kasarian ko pero nagpapasalamat ako at pinapag-aral pa din niya ako kapalit ng pangakong magpapakatino ako...

Exited na akong makita si Noah at marami akong gustong sabihin sa kanya dahil alam kong pakikinggan niya ako pero hindi ko pwedeng sabihin na bakla ako...

Naghihintay ako sa labas ng school at bigla na lang may umakbay sa akin at pamilyar ang amoy niya...

"Kanina pa kita inaantay...". Sabi ni Noah habang naka-akbay sa akin.

"Halika na... kunin na natin ang grades nating dalawa". Pag-aaya ko sa kanya habang pinipilit ngumiti.

"Kinakabahan ako...". Alanganing sagot ni Noah sa akin.

"Nag-aral naman tayo at alam kong matalino ka kaya wag kang kabahan". Seryoso kong sabi sa kanya.

"Yan ang gusto ko sayo Eric! Malaki ang tiwala mo sa akin". Masayang sagot sa akin ni Noah.

"Halika na....". Sabi ko at nagsimula na kaming maglakad para kumuha ng grades namin sa office.

Inabot na sa amin ang grades namin na naka-sobre at para bang hindi mapakali si Noah...

Pumunta kami sa may bench ng school at magkatabi kaming umupo pero di pa namin binubuksan ang grades namin...

"Eric... kinakabahan ako... paano kung bagsak ako at hindi na makatungtong sa susunod na semester?". Nag-aalalang tanong sa akin ni Noah.

Hinawakan ko ang kamay ni Noah...

"Magtiwala ka lang sakin... nag-aral naman tayo diba?". Nakangiti kong sabi kay Noah.

Tumango lang si Noah sa sinabi ko...

"Gusto mo... ikaw ang magbukas ng grades ko at ako naman ang magbubukas ng sayo?". Tanong ko sa kanya.

"Sige... ikaw ang bahala". At ganun nga ang ginawa namin.

Binuksan na namin ang mga grades at nakita ko na matataas naman ang grades ni Noah pero ang tahimik lang niya nung tiningnan niya ang mga grades ko...

"Congats!!! Eric matataas ang grades mo ngayon". Nakangiting sabi ni Noah sa akin...

"Congats din Noah!!! Matataas ang mga grades mo". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Talaga? Patingin nga!". Sabi ni Noah at hinablot niya yung grades niya.

"Wow!!! Thank you Eric!!! Ikaw ang nag-tutor sa akin". Sabi ni Noah at sobrang saya niya tapos bigla niya akong niyakap...

Para bang nawala lahat ng hinanakit at mga problema ko dahil sa ginawa niya at sobrang sarap sa pakiramdam...

Pero di nagtagal kumalas na din siya sa pagkakayakap sa akin...

"Oh bakit parang di ka masaya Eric?". Nagtatakang tanong sa akin ni Noah.

"May iniisip lang kasi ako...". Malungkot kong sagot sa kanya.

"Ano naman yun?...". Nag-aalala niyang tanong sa akin.

"Uuhhmmm wala... ok lang ako...". Mahinahon kong sagot kay Noah.

Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at kitang-kita sa mga mata niya ang pag-aalala...

"Alam kong may problema ka... sabihin mo na sa akin...". Nag-aalalang sabi ni Noah at humigpit ang pag-kakahawak niya sa kamay ko.

"Galit sila sa akin...". Sabi ko at tumulo na bigla ang mainit na tubig sa mga mata ko.

Bigla akong niyakap ni Noah ng mahigpit kaya gumaan ang pakiramdam ko at naramdaman ko ang comfort sa kanya.

"Kahit kelan... ako lang ang nandito para sayo, wag kang mag-alala di ako magbabago". Sabi ni Noah.

Alam ko na hindi yun totoo dahil sa oras na malaman niyang may gusto ako sa kanya ay iiwanan din niya ako at hindi ko alam kung kakayanin ko kapag nangyari yun...

"Ok na ako... salamat Noah". Sabi ko sa kanya at kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.

"May good news ako sayo...". Sabi sa akin ni Noah at sobrang laki ng mga ngiti niya.

"Talaga.... ano naman yun?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kilala mo ba si Jenny?". Tanong niya sa akin.

Si Jenny ang isa sa pinaka-magandang blockmate naming dalawa... makinis, maputi, dyosa...

"Oo kilala ko siya... bakit mo naman tinatanong sa akin?". nagtataka kong tanong kay Noah.

"Balak ko siyang ligawan...". Naka-ngiti niyang sabi sa akin.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya at nakaramdam ako ng malaking butas sa puso ko...

"Ayos ka lang ba?...". Nag-aalala niyang tanong sa akin.

Tumango lang ako sa sinabi niya at alam kong anytime babagsak na ang mga luha ko at hindi niya yun pwedeng makita...

"Matagal na akong may gusto kay Jenny, ikaw Eric may naguhustuhan ka na bang iba?". Tanong niya sa akin.

"Wa... wa...la..". Nauutal kong sagot.

"Tulungan mo akong ligawan siya...". Sabi sa akin ni Noah.

Hindi ko alam kung bakit pero tumango na lang ako sa sinabi niya....

"Uuhhmm Noah... aalis na ako kasi may importante akong gagawin". Sabi ko sa kanya.

"Huh? Akala ko ba na miss mo ako". Dismayado niyang sabi sa akin.

"Oo pero... kailangan ko ng umalis". Sabi ko at tumakbo na ako palayo.

Habang tumatakbo ay naramdaman ko ang mainit na likidong tumutulo sa mga mata ko...

Sobrang sikip sa dibdib ng nalaman ko sa kanya...

Isa lang ang lugar na pwede kong pagbuhusan ng sama ng loob...

Walang iba kundi yung abandunadong building...

Sobrang sakit sa dibdib ng marinig ko na gusto ni Noah na tulungan ko siyang manligaw kay Jenny pero ano ba ang magagawa ko?

Bigla na lang may humila sa likuran ko kaya napatingin ako at si Noah pala yun...

"Uy... ano bang problema mo?". Nag-aalala niyang tanong sa akin.

Hindi ako nakasagot kay Noah pero bigla na lang tumulo ang mga luha ko kahit na ayokong umiyak dito sa harapan niya...

"Eric... nag-aalala na ako sa iyo, sabihin mo na kasi sa akin ang problema mo". Seryosong sabi sa akin ni Noah.

"Hindi mo naman kailangang malaman". Mahina kong sagot.

"Diba bestfriend mo ako? Bakit kailangan mong paglihim sa akin?". Naguguluhan niyang tanong sa akin.

"Hindi ako mahal ng pamilya ko...". Sabi ko sa kanya sabay punas ng mga luha sa mga mata ko.

"Hindi totoo yan... mahal ka nila". Sagot ni Noah sa akin.

"Hindi mo sila kilala...". Sagot ko at tumulo na naman ang mga luha ko.

Pinunasan ni Noah ang mga luha ko...
"Kung ganun... ipakilala mo ako sa kanila". Sabi niya.

Ano? Kapag nangyari yun ay katapusan na ng pagkakaibigan naming dalawa...

"Huh? Hin..di.. pwe..de..". Nauutal kong sagot sa kanya.

"Bakit naman? Gusto lang kitang tulungan...". Sagot ni Noah.

"Pero lalo lang magiging malala ang sitwasyon ko sa gagawin mo...". Seryoso kong sagot.

"Anong gagawin ko para mawala ang bigat na nararamdaman mo?". Nag-aalalang tanong ni Noah sa akin.

"Kaya ko ito... basta wag mo lang akong iiwan". Sagot ko sa kanya.

Bigla akong niyakap ng mahigpit ni Noah kaya gumaan ang pakiramdam ko pero sobrang sakit pa din ng mga sugat sa puso ko...

"Hindi kita iiwan Eric... mahalaga ka sa akin". Sabi ni Noah.

"Maraming salamat...". Sagot ko sa kanya at kumalas na ako sa pagkakayakap ko.

"Sige na... may importante pa akong gagawin kaya aalis na ako". Sabi ko ulit sa kanya.

Hinwakan niya ang pisngi ko at...
"Sure ka ba na ok ka lang?...". Nag-aalala niyang tanong sa akin.

Tumango lang ako sa sinabi niya dahil ayokong magsalita dahil hindi naman talaga ok ang nararamdaman ko...

"Sige na... aalis na ako at maraming salamat". Sabi ko sa kanya at tumakbo na ako palayo.

Tumakbo lang ako habang dinadala ang sakit ng mga katagang binitiwan niya habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko...

Nakarating ako sa abandunadong building...

Walang tao doon at pakiramdam ko ay punong-puno ng emosyon ang lugar na iyon at nandun pa din ang dilaw na sticky notes at ang ballpen...

Pero biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pader na pinagdikitan ko ng sticky notes dahil mayroong blue na sticky note ang nakadikit doon sa tabi ng mga dilaw na sticky notes na dinikit ko...

.............

Hindi ka masusunog sa impyerno kung alam mo na mabuti kang tao, bago ka mahalin ng iba ay mahalin mo muna ang sarili mo at kung walang nagpapahalaga sayo ay nandito lang ako...

-Iris
............

Sino siya?

Sino si Iris?

Ang alam ko ay abandunado na ang building na ito kaya ako lang ang pumupunta dito...

Pero makahulugan ang mga sulat na ginawa niya pero alam kong hindi niya ako kilala...

Naisip ko na maglagay din ng sticky note para sa kanya...

.................

Salamat pero di mo naman ako naiintindihan dahil hindi mo naman ako kilala at kasusuklaman mo din ang pagkatao ko...

................

Yun na lang ang sinulat ko sa kanya pero di ko na nilagyan ng pangalan ko dahil hindi naman importante yun at ayokong makilala niya ako...

Marami akong mga problema ngayon at hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba ang lahat ng ito?

Para kanino pa ang buhay kung wala namang nagmamahal sa iyo?

Gusto ko lang naman na maging masaya sa buhay pero paano ko gagawin yun?

Lagi ko na lang isinusuot ang plastic na ngiti sa tuwing kaharap ko ang taong mahal ko...

Gusto ko sanang magsulat pa ng mga sticky notes na dilaw pero minabuti kong wag na lang dahil alam kong may nakakabasa pala ng mga sinusulat ko pero di ko na tinanggal ang mga naunang sticky notes na dinikit ko sa pader...

Pagkatapos nun ay umuwi na lang ako sa bahay dahil wala naman akong gagawin pero sobrang sikip pa din sa dibdib ng mga nangyayari sa akin...

"Anak... kamusta yung grades mo?". Seryosong tanong sa akin ni mama.

"Matataas naman po...". Sagot ko sa kanya at ibinigay ko na ang grades ko.

"Mabuti naman kung ganun!". Sabi naman ni papa.

"Pagod po ako... dun po muna ako sa kwarto ko". Magalang kong sabi sa kanilang dalawa at pumunta na ako doon sa kwarto ko at ni-lock ko ang pintuan.

Nakakaawa pala ang kalagayan ko... bakit ba kasi kailangan na mangyari sa akin ang mga bagay na ito?

Mahal ko ang pamilya ko at gusto ko talagang mawala si Noah sa puso't isipan ko pero hindi ko talaga magawa...

Nandito lang ako sa kwarto... nakahiga, umiiyak, dinadamdam ang sakit na nararamdaman ko...

May mas malala pa bang sitwasyon kesa sa akin?

Paano nila matatanggap ang Eric na may mabuting kalooban pero baluktot sa paningin nila?

Kinahihiya nila ako...

Bumalik na ako sa dorm dahil pasukan na naman namin bukas at nauna pala sa akin si Noah dito sa dorm kaya tinulungan niya akong mag-ayos ng gamit...

"Eric...". Alanganing sabi ni Noah.

"Hhmmpphh... ano yun?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Pwede bang humingi ng pabor?". Nahihiya niyang tanong sa akin.

"Sige... ano ba iyon?". Tanong ko.

"Talaga!...payag ka na?". Nakangiting tanong sa akin ni Noah.

"Oo nga... ano ba yun?". Tanong ko ulit sa kanya.

"Gawan mo ko ng love letter para kay Jenny". Masaya niyang sabi sa akin.

Sa sinabi niyang yun ay naramdaman ko ang bitak sa puso ko...

How could you be so cruel?

Anong gagawin ko ngayon eh pumayag na ako sa gusto niya?

"Hoy! Bakit naman nakatulala ka diyan?". Malakas na sabi ni Noah kaya nagulat talaga ako.

"hhmm... wala ok lang ako". Mahina kong sagot sa kanya.

"Pasyal tayo mamaya... treat kita...". Malambing na sabi niya sa akin.

"Talaga? Sige exited na ako". Masaya kong sagot.

Aalis kaming dalawa o parang bestfriend's date pero ang saya ko pa din dahil sa sinabi niya...

"Tapusin mo muna yung letter...". Nakangiti niyang sabi sa akin.

Tumango na lang ako at ngumiti siya pagkatapos nun ay tumingin siya sa orasan niya...

"Wait lang Eric... dito ka lang may pupuntahan lang ako". Nagmamadali niyang sabi sa akin.

"Saan ka naman pupunta?". Natatataka kong tanong sa kanya.

"Basta... matatagalan ako at dapat pagbalik ko ay nakabihis ka na". Seryoso niyang sabi sa akin.

Tumakbo na siya palabas ng pinto at sobrang nagmamdali na talaga siya...

Naiwan na naman akong nag-iisa...
Wala akong magagawa kundi sundin ang pabor ni Noah...

Nakita ko ang mga ngiti niya at kung gaano siya kasaya ngayon kaya ayokong sirain yun...

Nasasaktan ako pero wala akong ibang gusto kundi mapasaya si Noah kahit na puro sugat ang puso ko...

Kinuha ko ang ballpen at nagsimula ng magsulat ng love letter para kay Jenny at di ko maiwasan ang pagtulo ng luha ko...

Bawat kataga...

Ay ang mga salitang gusto kong sabihin sa harapan ni Noah...

Na mahal na mahal ko siya...

At ang bawat letra...

Ay naglalaman ng mga luha at sugat na nararamdaman ko habang sinusulat ang mga iyon...

Natapos ko ito na puno ng pagmamahal ngunit puno rin ng sakit sa dibdib at mga luha...

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan sa dorm namin at nakita ko si Noah kasama si Jenny...

"Eric... halika na aalis na tayo". Nakangiti niyang sabi sa akin.

Akala ko ba kaming dalawa lang?

Bakit biglang sumikip ang dibdib ko?

"Uy... bakit nakatulala ka?". Tanong ni Jenny sa akin.

"Huh? Hmm wala! Sige na alis na tayo at baka gabihin pa tayo". Sagot ko kay Jenny.

Pumunta kami sa pinaka-malaking mall sa pasay at sobrang out of place na ako sa kanilang dalawa at para bang di nila ako kasama...

Nilagay ko yung card sa bag ni Noah para di mapansin ni Jenny...

"Jenny ano bang favorite mong flowers?". Malambing na tanong ni Noah habang kumakain kami ng ice cream.

"Tulips...". Nakangiting sagot ni Jenny.

"Sige bibilhan kita...". Sagot ni Noah.

"Talaga... thank you". Sabi ni Jenny.

Naglalambingan sila sa harapan ko at sobrang sakit nun para sa akin...

Bakit kailangan pa nila akong isama?

Para ba maging saksi ako sa love story nilang dalawa?

"Noah... punta tayo sa seaside". Pag-aaya ni Jenny.

"Sige... halika na". Sabi ni Noah.

Tumayo na silang dalawa at para bang hindi nila ako nakikita...

Sumunod na lang ako sa seaside habang pinapanood ko ang paglalambingan nilang dalawa...

"Ang ganda ng sunset noh?". Tanong ni Noah kay Jenny.

"Oo nga... kasing ganda mo". Sagot ni Noah at biglang namula si Jenny.

"Mag-cr lang ako ah...". Sabi ni Jenny.

Umalis na si Jenny at kaming dalawa na lang ni Noah ang naiwan dito ngayon at akala ko di na niya ako kakausapin pa...

"Oh? Eric bakit malungkot ka?". Nag-aalalang tanong sa akin ni Noah.

"Wala ok lang ako....". Sagot ko.

"Bakit nga? Alam kong may...". Di ko na siya pinatapos mag-salita at...

"Bakit sinama mo pa ako? Date niyo itong dalawa". Seryoso kong sabi.

"Kasi gusto ko na makita mo akong masaya at sagutin ng oo ni Jenny". Seryoso niyang sagot sa akin.

Pati ba naman yun kailangan ko pang makita...

Kailangan ba na tanggapin ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon sa puso ko?

"Sige... sabi mo eh". Mahina kong sagot habang nakatingin sa dagat.

"Noah! Anong pinag-uusapan niyo?". Tanong ni Jenny sa likod namin.

"Oh? Nandiyan ka na pala...". Sabi ni Noah kay Jenny.

Umupo na si Jenny sa tabi ni Noah at pinagmamasdan nila ang sunset habang magkahawak ng kamay...

"Jenny... may ibibigay ako". Sabi ni Noah at binigay na niya ang card kay Jenny na sinulat ko.

"Oh... thank you, your so sweet". Sabi ni Jenny habang binabasa yung letter na ginawa ko.

Nakangiti silang dalawa habang binabasa ni Jenny ang mga sulat na iyon at sobrang bagay sila para sa isa't-isa...

"Thank you Noah....". Naiiyak na sabi ni Jenny.

"I love you Jenny". Sincere na sabi ni Noah sa kanya.

"Thank you...". Nahihiya niyang sagot.

"Can you be my girlfriend? I will never hurt you". Sabi ni Noah at hinahalikan niya ang kamay ni Jenny.

Natagalan bago sumagot si Jenny at parang nag-iisip pa siya ng mabuti...

"Yes...". Sagot ni Jenny.

Nabasag na ng tuluyan ang puso ko...

Nagyakapan silang dalawa na para bang wala ako sa mundong ito...

Tumingin sa akin si Noah habang magkayakap silang dalawa at kinindatan niya ako...

Habang pauwi na kami ay minabuti ko ng umalis at mapag-isa dahil hindi naman nila ako napapansin at isa lang ang lugar na gusto kong puntahan ngayon...

Ang abandunadong building....

Pumunta uli ako sa abandunadong building para ilabas lahat ng sama ko ng loob...

Gabi na kaya sobrang dilim sa paligid at pinailaw ko ang phone ko...

Andami palang text at missed calls ni Noah pero naka-silent lang ang phone ko at wala akong balak na basahin ang mga yun...

Tinutok ko ang phone ko sa pader at meron na namang nakasulat sa kulay blue na sticky note...

...............

Naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman mo Eric at wag kang susuko, isulat mo lang dito sa pader ang lahat ng bigat na dinadala mo at lumaban ka hanggang sa maging masaya ka at patunayan mo na mabuti kang nilalang sa mundong ito...

-Iris
..............

Kilala niya ako?

Pero wala akong kilalang Iris kaya sino ba ang taong iyon?

Isa lang ang nararamdaman ko ngayon kay Iris...

Naiintindihan niya ako...

Kelan ko siya makikita?

Gusto ko siyang maging kaibigan...

Kumuha ako ng tatlong sticky notes at dinikit ko iyon sa pader, yung dalawa ay ang bigat ng dinadala ko at yung isa ay message ko para kay Iris...

............

Hindi na nga ako mahal ng pamilya ko tapos mawawala na ang taong mahal ko

...........

Paano ko lalabanan ang isang bagay na alam kong ako din ang talo?

..........

Sino ka ba talaga Iris?
Bakit kilala mo ako?
Gusto kitang makita at maka-usap ng personal dahil alam ko na isa kang mabuting kaibigan...

..........

Idinikit ko na ang mga iyon sa pader at sana mabasa ni Iris ang lahat ng iyon dahil kailangan ko ng taong masasandalan sa pagkakataong ito...

Paano kung si Iris pala ang tao na totoong makakaintindi at pahahalagahan ako?

Paano kung siya lang pala ang makakasagot sa mga katanungan ko ngayon?

Merong tao na sumusuporta sa akin pero ni hindi ko man lang siya nakikita...

Bumalik na ako sa dorm at pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng masamang titig ni Noah...

"Saan ka pumunta?". Galit niyang tanong sa akin.

"May mahalaga lang akong pinuntahan". Seryoso kong sagot.

"Bakit di ka nag-paalam sa akin? Bakit di mo sinasagot ang mga text at tawag ko sayo?". Sabi niya at tumataas na ang boses niya.

"Bakit? Kasama niyo ba ako kanina? Di ko kasi maramdaman na meron akong kasama kanina..". Naiinis kong sagot sa kanya.

"Sorry kung na out of place ka sa amin kanina pero mali pa rin na basta ka na lang umalis!". Sermon niya sa akin.

"Sana kasi sinabi mo kung date niyo pala yun, sana iniwan mo na lang ako dito at sana di ko naramdaman na nag-iisa ako. Pwede mo naman sabihin na lang sa akin na kayo na". Seryoso kong sagot.

"Sorry.... mahalaga ka sa akin at parte ka ng buhay ko kaya gusto ko na ikaw ang unang maka-alam". Mahina niyang sabi sa akin.

"Inalala mo ba yung nararamdaman ko ngayon? Marami akong pinag-dadaanan tapos magagalit ka pa sa akin ngayon!". Sabi ko sa kanya at tumataas na ang tono ng boses ko pero naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko.

"Sorry... gusto ko lang naman na...". Di pa siya tapos magsalita pero inunahan ko sa siya.

"Wag mo akong isasama kung may lakad kayong dalawa". Seryoso kong sabi sa kanya at pumunta na ako sa kama ko at nagtakip ng kumot.

Naramdaman ko na may yumakap sa akin sa kama at alam ko na si Noah yun dahil kilala ko ang amoy niya...

"Sorry Eric... wag ka ng magalit...". Malambing niyang sabi sa akin.

"Hindi ako galit... nasasaktan lang ako...". Seryoso kong sagot sa kanya.

"Bakit?... ano pa ba ang nagawa ko?". Nagtataka niyang tanong sa akin habang nakayakap.

"Wala... let's just say that there is so many things that is so hard to endure the pain". Malungkot kong sagot.

"I'm always here for you... alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na nakikita kang nagkakaganyan?". Sabi ni Noah kaya napatitig bigla ako sa mga mata niya.

"Bakit?... kaibigan mo lang ako". Seryoso kong sabi sa kanya.

"Parte ka ng buhay ko... gusto ko lang na maging masaya ka din". Sabi niya.

Pero paano? Hindi ko alam kung paano ako magiging masaya...

Alam ko na kahit kelan ay hindi ako magugustuhan ni Noah at kahit kelan ay hindi na ako matatanggap ng pamilya ko...

"Sorry dahil napag-taasan kita ng boses kanina...". Sabi ko kay Noah.

"Naiintindihan ko naman...". Malungkot niyang sabi sa akin.

"Ayokong nagtatalo tayo...". Seryoso kong sabi kay Noah habang pinipigil ang mga luha ko.

"Gusto kitang pasayahin... paano ko naman gagawin yun?". Tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam....". Sagot ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit at hindi niya ako binitawan hanggang sa makatulog kaming dalawa...

I felt the warm inside his arms...

Sana lang tumagal pa ang pagkakaibigan namin at alam ko na darating din ang araw na malalalaman niya ang totoo at alam ko na kapag dumating ang araw na iyon ay hindi ko na siya mahahawakan dahil kasusuklaman na niya ako...

Lumipas ang bawat araw ay lumalayo na sa akin si Noah dahil kay Jenny, nalulungkot ako dahil hindi ko na siya kasama sa dorm dahil minsan lang siya umuwi at natutulog pa siya sa bahay ni Jenny...

Silang dalawa na ang magkasama palagi sa room at sila din ang magkasama palaging magreview at gumawa ng assignments...

Sobrang sweet nilang dalawa habang ako patuloy na nasasaktan at lumuluha ng patago dahil sa mga problemang dinadala ko...

Parang di na ako nakikita ni Noah dahil bulag na siya sa pagmamahal niya kay Jenny...

"Nandito lang ako para sa iyo..."

"Di kita iiwan..."

Lagi kong naiisip ang mga katagang binitiwan ni Noah na pinang-hahawakan ko noon...

Lagi kong hinahanap ang presensya ng kaibigan ko...

Pero anong nangyari? Sinungaling siya dahil pinabayaan na niya ako at hindi na niya ako inaalala...

Nagbayad na ako ng ibang dorm at lilipat na ako bukas ng umaga dahil di ko na kayang maghintay para sa dati kong kaibigan...

Wala ng umaakbay sa akin sa hallway...

Wala na akong kasamang magsagot ng mga assignments...

Wala na ang mga oras na lagi kong nakikita ang mga ngiti niya kundi kapag kasama niya si Jenny...

Kaya dapat masanay na akong wala si Noah sa buhay ko at dapat ko na siyang kalimutan dahil kinalimutan na niya ako...

Buti na lang nasasandalan ko si Iris pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita...

Gusto ko siyang makita at hinahanap ko palagi ang mga payo niya sa akin kaya nandito ako ngayon sa abandunadong building at hindi ako nagkamali dahil may sulat na naman si Iris na nakalagay sa blue na sticky notes at naiintindihan niya ang sitwasyon ko...

...........

Hindi naman importante na makilala mo ako pero ang mahalaga ay makikinig ka sa mga payo ko sayo at lagi mong tatandaan na dapat maging mabuti kang tao kahit na ano pa ang mangyari...

-Iris
...........

Napaka-buti ng mga nababasa kong sticky notes galing kay Iris at malawak ang pang-unawa niya sa buhay pero ayaw niyang magpakita sa akin at hindi ko alam ang dahilan...

Kahit pangit siya, o di kaya unano o mataba at maraming tigyawat ay wala akong pakialam basta gusto ko talaga siyang makita at yakapin dahil malaki ang dapat kong ipagpasalamat sa lahat ng payo niya sa akin...

Kumuha ako ng mga sticky notes para mag-iwan ng message kay Iris...

............

Maraming salamat sa iyo Iris at gusto kitang makilala pero ayaw mong magpakita sa akin...

...........

Paano ba kita tutulungan at maibabalik sa iyo ang lahat ng mga kabutihan mo sa akin?

...........

Yun na lang ang nasulat ko at gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing nababasa ko ang mga sulat niya kaya gusto ko na siya naman ang tulungan ko...

Alam ko na may bigat din na dinadala si Iris dahil hindi naman magiging malawak ang pag-iisip niya sa buhay kung simpleng tao lang siya...

Narinig kong may kumaluskos sa kung saan kaya kinabahan ako...

May napansin akong lalaki sa second floor ng building kaya umakyat ako doon...

Nakatalikod siya, naka-suot ng puting polo, matangkad, moreno at nakatayo siya sa malapit sa dulo ng building, pinagmamasdan niya ang paligid habang hawak hawak ang isang puting lobo...

"Iris?... ikaw ba yan?". Tanong ko sa kanya at unti-unti na siyang humarap sa akin pero...

Biglang lumubog ang araw kaya nasilaw ang mga mata ko at hindi ko makita ang mukha niya...

"Ako nga... ako si Christopher Iris at masaya akong maging kaibigan ka Eric". Sabi niya at lalong tumingkad ang paglubog ng araw.

Napatakip ako sa mga mata ko dahil sobrang nakakasilaw talaga...

Namalayan ko na lang ang sarili ko na naka-idlip sa abandunadong building sa tabi ng hagdanan...

Paano ako nakatulog?

Panaginip lang ba ang kanina?

Hindi! Alam ko na totoong nangyari yun at kinausap niya ako...

Tumingin ako sa pader at meron na naman akong nakita na kulay blue na sticky note kaya lumapit ako at binasa ko ang sulat doon...

..............

Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin dahil gusto kitang tulungan pero kung mabibigyan ako ng pagkakataong humiling sayo ay sana yakapin mo ang kuya ko para sa akin, sabihin mo na wala akong sama ng loob sa kanya at sabihin mong mahal na mahal ko siya...

-Iris
.............

Napaka-liit lang ng pabor na hinihiling sa akin ni Iris kaya gusto kong gawin ang pakiusap niya...

Kumuha na ako ng dilaw na sticky notes at nagsimula na akong magsulat doon at pagkatapos ay idiniki ko iyon sa pader katabi ng sulat niya...

............

Gagawin ko ang hinihiling mo sa akin pero saan ko naman makikita ang kuya mo at bakit hindi mo siya kayang harapin?

............

Yun na lang ang isinulat ko sa sticky notes at desidido akong ibigay ang munting hiling niya para sa akin...

Alam ko na nakita ko si Iris kanina pero bakit naman iniwan niya akong natutulog dito sa building?

Minabuti ko ng umuwi sa dorm at pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si Noah na nag-aaral mag-isa...

"Oh... Eric nandiyan ka na pala". Nakangiting sabi ni Noah sa akin.

Di ko siya pinansin at kinuha ko na ang mga gamit ko habang nilalagay ang mga iyon sa maleta...

"Eric... anong ginagawa mo? May problema ka ba?". Naguguluhan niyang tanong sa akin.

"Lilipat na ako ng dorm". Seryoso kong sagot sa kanya at nilalagay ko na ang mga gamit sa maleta ko.

"Ha? Ano? Bakit? Hindi pwede!!!!". Sabi ni Noah at nilalabas niya ang mga gamit sa maleta ko.

"Ano ba! Nagbayad na ako sa ibang dorm at ayoko na dito!". Naiinis kong sagot sa kanya.

"Hindi mo man lang tinanong kung ok lang ba yun sakin! Ang selfish mo!". Sabi ni Noah at tumataas na ang tono ng boses niya.

"Bakit? Nandito ka ba nung mga araw na pinag-isipan ko yun?". Galit kong tanong sa kanya.

"Alam mo naman na mahal ko si Jenny kaya binubuhos ko sa kanya lahat ng oras ko!". Seryoso niyang sabi sa akin.

"Edi ibuhos mo lahat ng oras mo sa kanya at wala akong pakelam sa relasyon niyo!". Sagot ko.

"Ano ba kasing dahilan ng mga desisyon mo ngayon?". Galit niyang tanong sa akin.

"Wag mo ng alamin!". Sagot ko at lalabas na sana ako ng pintuan pero hinarangan ako ni Noah.

"Hindi ka makakaalis ng buhay dito!". Seryoso niyang sabi sa akin.

"At sa tingin mo makikinig pa ako sayo?". Galit kong tanong sa kanya.

"Ano ba kasing dahilan mo? Ang selfish mo Eric!". Galit niyang sabi sa akin.

"Ako selfish? Sabi mo nandiyan ka lang pag kailangan kita? Sabi mo di mo ako iiwan! Pero anong ginawa mo? Hinayaan mo akong mag-isa!". Galit kong sabi sa kanya at tumulo na ang mga luha ko.

"Sorry Eric... di ko napansin". Nalulungkot niyang sabi sa akin habang nakayuko siya.

"Sorry din Noah pero aalis na ako at kalimutan mo na ang letseng mga pangako mo!". Sabi ko sa kanya at pinilit kong buksan ang pinto.

Di na niya ako pinigilan at hinayaan na niya akong maka-alis...

Sobrang hirap pero kinaya kong i-give up ang pagkakaibigan at pagmamahal na ako lang ang nakakadama...

Bago ako tuluyang umalis ay nilingon ko muna si Noah at bukas pa ang pintuan ng dorm...

Umiiyak siya?

Nasasaktan din siya?

Bakit kailangan niyang masaktan? Lalo akong nahihirapan dahil hindi ko intensyong iparamdam sa kanya ang mga yun...

Pinilit ko ng umalis sa lugar na iyon at patuloy pa ding nakikita ko sa isipan ko ang mukha ni Noah habang umiiyak siya at nasasaktan...

Inaamin ko na sobrang sakit talaga sa dibdib ang lumayo kay Noah pero siya naman talaga ang unang nang-iwan sa akin eh...

Pero nababawasan na ang pag-iisip ko sa kanya at nakakapag-aral na ako ng mas maayos dahil hindi ko na siya iniintindi...

Si Iris... di na siya ulit nagpakita sa akin at hindi siya sumagot sa huli kong tanong na paano ko makikilala ang kuya niya. Si Iris lang ang nasasandalan ko ngayon at nagpapaliwanag ng isipan ko...

Habang nag-babasa ako ng libro sa room ay narinig ko ang dalawa kong kaklaseng babae na nag-uusap tungkol kina Jenny at Noah...

"Uy friend... balita ko niloloko lang daw ni Jenny si Noah". Sabi nung babae sa kaibigan niya.

"Huh? Talaga? Kawawa naman si Noah baby ko". Di makapaniwalang sagot nung isa.

Totoo ba ang narinig ko?

Niloloko lang daw ni Jenny si Noah?

Baka naman tsismis lang talaga yun kasi mahilig lang talaga silang pumuna ng iba...

Pero paano kung totoo?

Kawawa naman si Noah...

Ay! Bakit nga pala ako naaawa kay Noah eh tapos naman na talaga ang pagkakaibigan naming dalawa and I'm sure na kinalimutan na ako nung taong yun...

Bumalik na lang ako sa pagbabasa ng libro at biglang tumunog ang bell kaya tapos na ang klase namin...

Lumakad ako para ibalik ang isang libro sa library pero may narinig akong nagtatalo sa isang sulok...

Hindi naman ako usyusero pero parang kilala ko ang mga boses na yun kaya lumapit ako at nakinig...

Nakita ko si Noah na galit at Jenny na umiiyak, parang may pinag-aawayan kaya lalo akong nakinig sa kanilang dalawa...

"Kung mahal mo talaga ako... palalayain mo ako!". Naiiyak na sabi ni Jenny kay Noah.

"Mahal kita... kaya wag mo akong iiwan". Galit na sabi ni Noah pero lumuluha siya.

"Ayoko ng makasama ka! Ayoko na sayo Noah!". Sigaw ni Jenny habang umiiyak.

"Alam ko na mahal mo din ako...". Mahinang sagot ni Noah pero puno ng hinanakit.

"Ayoko ng makita ka!". Sabi ni Jenny at tumakbo na siya palayo.

Naiwan si Noah na umiiyak at nasasaktan...

Pinunasan niya ang mga luha niya at lumingon siya sa direksyon ko kaya kinabahan ako...

Nagtago ako bigla sa library at binalik na ang libro na hiniram ko kahapon at naguguluhan pa rin ang isip ko...

Bakit nag-away silang dalawa?

Alam kong seryoso si Noah sa relasyon nilang dalawa...

May nangyari ba na hindi ko pwedeng malaman?

Naiisip ko ang mukha ni Noah na umiiyak kaya lang eh naiisip ko din na pina-iyak niya ako kaya tama lang na masaktan din siya kahit konti...

Ang sama ko naman! Naalala ko pa naman yung sinabi ni Iris na kahit anong mangyari ay dapat manatili ako na mabuting nilalang...

Umuwi na ako sa dorm ko at nagpatuloy ako sa pag-aaral at bigla na lang nag-ring ang phone ko...

Sino kaya ang tumatawag sa akin?

Tiningnan ko ang phone ko na nasa kama at nakita ko ang malaking pangalan ni Noah...

Oh shit!!! Sasagutin ko ba?

Ang hirap naman nito!

I-noff ko ang phone ko at nag-aral na lang ako ulit...

Mga tatlong oras na akong nag-aaral at sumakit na rin ang ulo ko kaya napag-isipan ko ng matulog na lang at mag-aral ulit bukas...

Hinanap ko muna ang phone ko at meron akong 15 messages galing kay Noah at 23 missed calls...

Hala! Nakokonsensya na ako...

Alam ko naman na kailangan niya ako ngayon tapos binalewala ko siya...

Pero hinahanap niya lang ako kung kelan may alitan silang dalawa ni Jenny at kailangan niya ng masasandalan? Grabe! Ayokong maging sandalan lang pag sawi siya tapos iiwan ulit ako pag nakahap na siya ng bago...

Pero kasi... di naman tatawag sa akin si Noah kung hindi importante dahil madalas ay text lang yun...

Dinampot ko ang phone ko at nagbasa ako ng mga messages niya sa akin...

........

Eric please! mag-reply ka sa akin
.......

Eric! Kailangan kita...
.......

Ayokong mag-isa dito!
.......

Yun ang tatlo sa 15 niyang text sa akin kaya nakokonsensya na naman ako at lalo akong nahihirapan sa sitwasyon ko na ito...

Sige na nga! Sasamahan ko na siya dahil mahalaga pa rin naman siya sa akin kahit papaano...

Ti-next ko siya kung saan ko siya pupuntahan o makikita pero lumipas ang twenty minutes pero di siya nag-reply sa akin...

Ilang beses na rin akong tumawag sa kanya pero di ko na siya ma-contact at hindi talaga nagri-ring ang phone niya kaya kinakabahan na ako...

Bakit ba hindi na siya sumasagot?

Baka naman lowbat lang...

Jusko! Paano kapag may nangyari sa kanyang masama dahil sa pag-mamatigas ko? Di yun kakayanin ng konsensya ko!

Tumakbo na ako palabas ng dorm at pinuntahan ko si Noah sa dorm niya, pero walang tao doon...

Nasaan na siya?

Nasaan ka na Noah?

Paano ko siya makikita? Naiiyak na ako dahil ayokong sisihin ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya na hindi maganda...

Nagpunta ako sa kung saan-saan pero di ko talaga makita si Noah kaya dumudoble na ang kabang nararamdaman ko hanggang sa...

Napadaan ako sa isang tulay at may nakita akong lalaki na naka-upo doon...

Tangina! Si Noah yun!

Hala! Mukhang tatalon siya!

Tumakbo ako palapit sa kanya at hingal na hingal na ako.

"Noah! Ano bang ginagawa mo?!!". Galit kong tanong sa kanya.

"Sorry kung napabayaan kita... kalimutan mo na ang pag-kakaibigan nating dalawa...". Sabi niya at mukhang lasing na siya.

"Kailangan mo ako!". Sigaw ko.

"Iwanan mo na rin ako! Iniwanan na nga ako ni papa, iniwanan na nga ako ng girlfriend ko, pati ba naman bestfriend ko iiwan na din ako? Kasalanan ko naman eh". Umiiyak niyang sabi sa akin.

"Bumaba ka na diyan! Di na kita iiwan kahit kelan!". Sigaw ko sa kanya pero parang di siya nakikinig.

"Ayoko na! Palagi na lang akong niloloko!!!". Sigaw niya habang patuloy na umiiyak.

"Mas malaki ang problema ko sayo! Kapag tumalon ka diyan, susundan kita!!!". Pagbabanta ko sa kanya.

Tumingin sa akin si Noah at mukhang nahimasmasan na siya kaya tumabi ako sa kanya at niyakap ko siya...

Amoy na amoy ang matapang na alak sa kanya at halatang depress na din siya sa mga nangyayari...

"Kaya mo yan Noah... lagi lang akong nag-aantay sayo". Sabi ko sa kanya habang nakayakap ng mahigpit.

"Sorry... wala na akong time sayo". Umiiyak niyang sabi.

"Sorry din... iniwan kita". Sagot ko sa kanya at pumatak na din ang mga luha ko.

"Uwi na tayo...". Mahinahon kong sabi sa kanya.

"Akala ko di ka na dadating...". Umiiyak niyang sabi sa akin.

Pinunasan ko ang mga luha niya at...

"Babalik na tayo sa dati ha?". Tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya sa sinabi ko at naglakad na kaming dalawa pauwi...

"Sana naging babae ka na lang...". Pahabol niyang sabi sa akin.

Sana nga! Dahil mahal na mahal talaga kita at hinding-hindi kita sasaktan kahit kelan...

Nang makarating kami sa dorm ay bigla niyang tinanong ang bagay na di ko pwedeng sagutin...

"Eric? Mahal mo ba ako?". Seryoso niyang tanong at walang emosyon ang mukha niya.

"Syempre naman!". Sagot ko.

"Hindi bilang kaibigan...". Seryoso niyang sabi sa akin.

Kinakabahan ako! Paano ko sasagutin ang tanong niya?

"Huh? A..nong i..big mong sa..bihin?". Nauutal kong tanong sa kanya.

"Bakla ka ba? May gusto ka ba sakin?". Nakakatakot na tanong ni Noah sa akin.

Yumuko na lang ako at umamin...
"Oo... mahal kita...". Mahina kong sagot sa kanya at nakita kong nanginginig ang mga kamao niya.

Hinawakan niya ang kwelyo ko at...
"Puta! Kelan pa?". Galit niyang tanong sa akin.

Natatakot na ako kay Noah...

"Matagal na...". Mahina kong sagot at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko.

Tinulak niya ako ng malakas dahilan para matumba ako at tumama ang mukha ko sa lamesa...

"Bakla ka pala! Matagal mo na akong pinagnanasahan!". Sigaw niya.

"Hindi kita pinagnanasahan! Dahil mahal kita at ikaw lang ang lalakeng nagustuhan ko". Sagot ko sa kanya at nakita ko na may dugo na sa lamesa kung saan ako tumama.

"Wag mo ng asahan na babalik pa ang pagkakaibigan natin sa dati dahil trinaydor mo ako kaya lumayas ka na dito!!!". Sigaw niya sa akin na punong-puno ng galit.

Hindi ko mapigilan ang humagulgol habang umiiyak, pinilit kong tumayo kahit na pumutok ang labi ko...

Alam ko na gagawin niya ito pero hindi ko alam na ganito pala yun kasakit sa puso ko. Wala ng pamilya ang nagmamahal sa akin, wala na din ang taong mahal ko dahil kina-susklaman na niya ako...

Sobrang sakit ng mga salitang binitiwan sa akin ni Noah, mas masakit pa yung mga salita na yun kesa sa labi kong dumudugo dahil sa ginawa niya.

Tumakbo ako papunta sa abandundong building at ibinuhos ko lahat ng sama ko ng loob.

Pinagsusuntok ko ang pader habang umiiyak at sumisigaw hanggang sa dumugo ang mga kamao ko at wala na akong maramdaman na hapdi kahit nasasaktan ako.

Puro sakit sa dibdib at pighati lang ang nararamdaman ko ngayon dahil wala ng may pakialam sa akin at wala ng kwenta ang buhay ko!

Napatingin ako sa pader na puno ng sticky notes naming dalawa ni Iris pero wala na siyang sulat sa akin kaya napag-isipan ko na panahon na para magpaalam sa kanya at sa mundong ito na walang pinadama sa akin kundi karahasan ant hinagpis.

Kumuha ako ng ballpen at dilaw na sticky notes at nagsimula na akong magsulat at idinikit ko iyon sa pader.

............

Maraming salamat sa kaunting pag-asa na ibinigay mo sa akin Iris pero hindi ko na talaga kayang mabuhay.

............

Patawad dahil hindi ko na matutupad ang hiling mo sa akin na kausapin ang kuya mo dahil gusto ko ng matapos ang paghihirap ko.

...........

Yun na lang ang mga sulat na ginawa ko upang magpa-alam kay Iris na naging kaibigan at sandalan ko sa panahon ng paghihirap ko.

Bumili ako ng alak sa convenience store at pagkatapos bumalik na ako sa abandunadong building at ininom ko na ang isang bote ng alak na yun.

Pero nang mapatingin ako sa pader ay may nakita na naman akong blue na sticky note at sigurado akong galing yun kay Iris.

Lumapit ako sa pader para tingnan ang sulat na galing kay Iris at...

.............

Ayos lang naman kung hindi mo ibigay ang hiling ko, ano ba ang pwede kong gawin para mapigilan ka?

-Iris
............

Dahil sa sulat ni Iris ay napa-isip tuloy ako...

Ano ba ang pwedeng magpagaan ng nararamdaman ko?

May makakapigil pa ba sa akin?

Wala na! Ayoko na talagang mabuhay sa mundo na walang ginawa kundi ang husgahan ako, saktan at kasuklaman kahit na naging mabuti naman ako.

Sabi nila kapag nag-suicide ka daw ay mapupunta ka sa impyerno pero kasalanan ito ng mga taong nanakit sa akin dahil kahit anong gawin ko ay hinding-hindi nila ako maiintindihan.

Hanggaang sa may sumagi sa isipan ko na gusto kong mangyari bago ako mamatay...

Tama!

Gusto ko siyang makita!

Kahit isang beses lang ay gusto kong makita ang kaibigan ko na si Iris, kahit isang beses lang.

Kumuha ulit ako ng dilaw na sticky notes at nagsulat ako doon...

..........

Kung talagang kaibigan kita at may halaga ako sayo, gusto ko na mag-pakita ka sa akin kahit sandali lang, kahit isang saglit lang sa buhay ko ay gusto kitang masilayan at magpasalamat.

..........

Pagkatapos kong isulat ang mga iyon ay nakaramdam ako ng mainit na ihip ng hangin sa dumaan sa kanang tenga ko at biglang tumaas ang balahibo ko sa leeg hindi dahil sa takot. Masarap sa pakiramdam ang hangin na iyon.

Meron akong boses na narinig sa may dulong bahagi ng building kaya napatingin ako doon pero hindi ko makita kung sino dahil madilim.

"Lagi lang kitang binabantayan... wag ka sanang mawalan ng pag-asa Eric". Sabi ng isang lalaki.

"Ikaw ba yan Iris? Christopher Iris?". Nagdududa kong tanong sa kanya.

"Oo Eric ako ito...". Sabi niya sa akin.

At narinig ko na lang ang mga yabag ng paa na papalapit sa akin...

Naaninag ko na ang mukha ni Iris...

Isa siyang lalaki na matangkad, naka-suot ng kulay puting damit, moreno siya, mahaba ang mga pilik mata at may kulay brown na mga mata.

Napansin ko rin na may dala-dala siya na puting lobo na nakatali sa kamay...

"Bakit kilala mo ako?". Nagtataka kong tanong ko sa kanya.

"Hindi na importante yun... ang mahalaga kilala mo na ako ngayon". Naka-ngiti niyang sagot sa akin.

"Maraming salamat sayo Iris... hindi mo alam kung paano mo ako natulungan at nabigyan ng pag-asa". Sabi ko sa kanya at tumulo na ang mga luha ko.

Pinunasan ni Iris ang mga luha ko at...
"Wag kang susuko... nandito lang ako palagi para sayo". Sabi niya sa akin.

"Bakit hindi ka nagpapakita sa akin?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Dahil hindi lahat ng nakikita ng mga mata ay totoo". Seryoso niyang sagot.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?". Tanong ko ulit sa kanya.

"Ikaw... hindi porket nakikita ka ng mga tao na baluktot ay mali ka na, hindi porket tama ang ginagawa nila sa paningin nila ay ibig sabihin tama talaga yun". Sagot sa akin ni Iris.

"Hindi ko maintindihan...". Naguguluhan kong sabi sa kanya.

Hinawakan niya ang pisngi ko at naramdaman ko ang init mula sa kamay niya...

Niyakap niya ako ng mahigpit kaya gumaan na ang pakiramdam ko...

"Pareho tayo Eric... hinusgahan, inalipusta at sinaktan pero sumuko ako kaya gusto ko na lumaban ka". Naiiyak niyang sabi sa akin.

Ano daw?

Bakla ba siya o bi din kagaya ko?

Lalaking lalake din siyang tingnan kagaya ko...

"Ano? Pero hindi ka mukhang...". Di pa ako tapos magsalita pero...

"Sabi ko nga... hindi lahat ng nakikita ng mga mata ay totoo. Walang mali sa pag-ibig dahil ang mga tao lang ang gumagawa ng pagkakamali sa kung ano ang taliwas sa paniniwala at paningin nila". Seryosong sabi sa akin ni Iris.

Hinawakan ni Iris ang kamay ko at itinali niya sa akin ang puting lobo. Idinikit niya sa dibdib ko ang blue na sticky note at may naka-guhit doon na happy face.

"Ang lobo na iyan ang magiging simbolo ng kalayaan mo at wag mong kalimutan ngumiti". Naka-ngiting sabi sa akin ni Iris.

"Wag mo akong iiwan Iris...". Naiiyak kong sabi sa kanya.

"Lagi lang akong nasa tabi mo...". Nakangiti niyang sabi sa akin.

Namalayan ko na lang ang pagpikit ng mga mata ko at napasandal ako sa balikat ni Iris. Niyakap niya ako at naramdaman kong komportable ako sa tabi niya...
..........
Naramdaman ko ang mainit na sikat ng araw na umaaninag sa aking mukha...

Pag-mulat ng mga mata ko ay nakita ko ang puting lobo at ang happy face na naka-drawing sa sticky note mula kay Iris pero hindi ko alam kung nasaan siya...

"Iris... Christopher Iris!!!". Malakas kong sabi kaya nag-eco sa loob ng abandunadong building.

"Nasaan ka? Iris!!!". Sigaw ko pero walang sumasagot.

Bakit wala na si Iris?

Sabi niya di niya ako iiwan...

Sinungaling siya!

Kung kailan kailangan ko ang comfort ng isang kaibigan tsaka niya naman ako iniwang mag-isa dito...

Siguro nga wala talagang nagmamahal sa akin at naaawa lang talaga sa akin si Iris kaya binigyan niya ako ng comfort pero kahit ganun ay nagpapasalamat pa din ako sa kanya dahil naging kaibigan ko siya...

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko...

Nag-iisa na naman ako...

Lagi na lang akong nasasaktan...

Siguro nga wala talagang lugar sa mundo ang mga kagaya ko kaya nangyayari sa akin ang mga ito...

Gusto ko lang naman na may masandalan at yumakap sa akin...

Gusto ko lang na maging masaya kahit sandali lang...

Napasulyap ako sa bote ng alak na binili ko kagabi at may naisip ako...

Kinuha ko ang bote at hinampas ko iyon sa sahig dahilan upang ito ay mabasag at ang leeg na lang nito ang natira...

Nanginginig ang kamay ko ng itapat ko ang matulis na bahagi nito sa pulso ko at handa na akong wakasan ang buhay na ito...

Handa na akong magpaalam sa mundong kinasuklaman ako...

Nilaslas ko ang pulso ko at tumalsik ang dugo ko sa aking mukha...

Umaagos ang dugo ko sa sahig...

Wala na akong maramdaman na hapdi hanggang sa unti-unting lumalabo ang paningin ko...

Tuluyan na akong nawalan ng malay...

Itutuloy..............

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Life's Sticky Notes (Part 1)
Life's Sticky Notes (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiDePzHF0GIShtJ0dHU_g5Jm14qieKzsmYAHTgssWeYmyR8QgMSpco3WDSqfL-ErD4RXNcia385VEcpNNm6fUnIik1WpWYYGh-xVx9XoSJXDK07uSoHdCq9ztogSYf82KBTNn00V-5og9Gi/s400/tumblr_odrctd7pW31sqyjswo6_1280.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiDePzHF0GIShtJ0dHU_g5Jm14qieKzsmYAHTgssWeYmyR8QgMSpco3WDSqfL-ErD4RXNcia385VEcpNNm6fUnIik1WpWYYGh-xVx9XoSJXDK07uSoHdCq9ztogSYf82KBTNn00V-5og9Gi/s72-c/tumblr_odrctd7pW31sqyjswo6_1280.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/10/life-sticky-notes-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/10/life-sticky-notes-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content