By: Lord Iris Una po sa lahat ay maraming salamat sa lahat ng supports at sa lahat ng nagbasa ng mga sinulat ko and now let me offer this st...
By: Lord Iris
Una po sa lahat ay maraming salamat sa lahat ng supports at sa lahat ng nagbasa ng mga sinulat ko and now let me offer this story...
Habang tinutugtog ko ang paborito kong piece sa piano ay ramdam na ramdam ko ang lahat ng saya at pag-asa sa buhay na may kasamang hapdi at pait...
Bawat pagpitik ng mga daliri ko sa keys ng piano ay sinasama ko ang puso ko...
Bawat chords ay kasama ang mga emosyong bumabalot sa akin....
At bawat piece ay kasama ang kaluluwa ko sa pagtugtog... Yun siguro ang dahilan kung bakit gustong-gusto ng mga tao na marinig ang musika ko na nanggaling sa aking puso...
Minsan ba nangyari na sa inyo ang ma-inlove sa isang tao? Iba ang ibig kong sabihin. Ang gusto kong sabihin ay kung na-inlove na kayo sa iisang tao lang. Yung tipong siya lang ang mahal mo, yung siya lang ang gusto mo at yung di ka nagkakagusto sa iba dahil siya lang ang kailangan mo...
Well I'm experiencing all of that...
I am deeply in loved with my childhood friend... Mahal na mahal ko si Ryle. Siya lang ang gusto ko... Siya lang ang kumukumpleto sa akin...
Pagkatapos ng huling nota sa aking piece ay narinig kong may pumalakpak sa likod ko...
"Ang galing talaga ng bestfriend ko!" Sabi ng lalaking nasa likod ko.
Lumingon ako at nakita ko si Ryle. Siya ang lalaking mahal ko at hindi niya iyon alam. Wala akong balak sabihin na mahal ko siya... Simple lang... Dahil lalake si Ryle at ganun din ako. Ayokong layuan niya ako...
"Lagi mo na akong naririnig tumugtog ng piano hanggang ngayon pinupuri mo pa din ako." Sabi ko sa kanya.
Bigla na lang ngumiti si Ryle at lumapit siya sa akin...
Yun ang pinaka-gusto ko kay Ryle... Gustong-gusto ko ang mga ngiti niya lalo pa at nawawala ang mga mata niya dahil chinito si Ryle...
"Paano namang hindi kita pupurihin eh sobrang ganda ng music mo." Sabi ni Ryle at ngumiti na naman siya.
Parang bigla na lang akong natutulala kapag nginingitian ako ni Ryle... Chinito, maputi at maganda ang hubog ng katawan. Pero hindi ako nagkagusto dahil sa kagwapuhan ni Ryle, mahal ko siya dahil sa kabutihan ng puso niya na sana lang naging akin pero imposible naman yun dahil mas staight pa siya sa strings sa loob ng piano at ako naman ay kasing baluktot ng takip nito...
"Paulit-ulit mo na nga akong pinapakinggan eh hahahah." Sabi ko naman kay Ryle.
"Syempre di naman nakakasawa! Aaminin ko Michael... Nawawala stress ko kapag tumutugtog ka dito sa bahay." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya at pasimple akong ngumiti...
Mahirap lang kasi kami... Nakikitugtog lang ako ng piano sa mansion nila Ryle. Keyboard lang ang meron ako kaya nung una akong tumugtog sa piano nila Ryle ay naninibago ako sa sustain pedal... Magkaibigan ang parents namin kaya simula pagkabata ay lagi na akong nakakapunta dito sa bahay nila Ryle... Di rin naman nagagamit ang piano nila kasi di naman marunong si Ryle kahit ilang beses ko siyang tinuruan...
"Michael matanong ko lang... Bakit hanggang ngayon wala ka pang girlfriend? Sure ako na kahit sinong babae ang makarinig sa music mo ay maiinlove sayo." Nakangiting sabi ni Ryle sa akin.
"Kasi ikaw lang ang mahal ko kahit na maraming babae ang nagkakagusto sakin." Pabulong kong sabi habang pinaglalaruan ang keys ng piano para di niya marinig.
"Huh? Anong sabi mo?" Tanong ulit ni Ryle sa akin.
"Sabi ko... May mahal na akong iba at siya lang ang gusto ko." Nakangiti kong sabi kay Ryle.
"Sino???" Pabigla niyang tanong.
"Secret..." Sabi ko at tumawa na lang ako sa harap niya.
"Nakaka-inis ka! Ako di naglilihim sayo simula pagka-bata pero ikaw daming sikreto sakin!" Sabi ni Ryle na may halong inis.
"Sorry naman! Basta lagi mong tandaan Ryle... Nandito lang ako kapag kailangan mo ako." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Yun nga eh hahahaha kapag nakikipag-break si Ryle ay tinutugtugan ko pa yan para lang makapag-move on siya...
"Oo naman Michael! Bestfriend!!! Ikaw ang bestfriend ko eh!" Nakangiti niyang sabi sa akin at inakbayan ako bigla ni Ryle.
Napangiti na lang din ako... Nagtiyatiyaga na lang ako palagi sa mga akbay niya hahahah. Kapag broken hearted si Ryle, ako ang niyayakap niya...
"Ryle anak nandito si Wena, may lakad daw kayo?" Sabi ng mama ni Ryle na palapit sa amin.
"Yes ma! Monthsary namin today..." Nakangiting sabi ni Ryle.
Nakita namin si Wena na nakasunod sa mama ni Ryle. Maganda si Wena, mabait at musically inclined din...
"Hi Ryle baby!!! Paano alis na tayo?" Sabi ni Wena at nag-kiss sila ni Ryle.
Ansakit hahahah pero sanay na ako. Sa dami ng naging girlfriend ni Ryle ay di ko alam kung bakit di ako immune sa mga selos pero di naman kasing sakit kagaya dati na nagluluksa pa ako hahahahh...
"Bye mama... Bye Michael..." Nakangiting sabi ni Ryle.
"Ingat kayo..." Sabi ko at nginitian ko sila ni Wena.
Umalis na silang dalawa at naiwan na lang ako sa piano kasama ang mama ni Ryle...
"Michael anak... How come that you don't still have a girlfriend?" Tanong ng mama ni Ryle.
"I love someone who can't love me..." Nakangiti kong sabi.
"Siya lang talaga ang mahal mo anak?" Tanong niya.
Ngumiti lang ako at tumango ako sa kanya...
"Grabe ang faithful mo kay Ryle..." Sabi ni mama habang umiiling-iling.
Nabigla ako... How come? Paano niya nalaman?
Napalunok muna ako bago ko siya subukang tanungin...
"Paano niyo po nalaman?" Kabado kong tanong.
"Simula pa nung bata kayo... The way you look at him, the way you smile when you're with him and I can see your pain when Ryle is with someone else." Nakangiting sabi ng mama ni Ryle.
Yumuko na lang ako...
"Don't worry di naman yan malalaman ni Ryle... We both know how dense he is." Nakangiting sabi ng mama ni Ryle.
Di na ako nagsasalita... Ganun kasi ako. Ayokong lumabas sa bibig ko ang mga bagay na dapat sinisikreto ko lang...
"Matanong lang kita anak... Why don't you tell him?" Nagtatakang tanong ni mama.
"I'm just a brother to him..." Nakangiti kong sabi.
"Oh God! You're smiling while in pain? You can fool Ryle but not me..." Sabi ng mama ni Ryle habang umiiling-iling.
"I am not the right person for him... I am nothing. He needs to be with the best woman." Nakangiti kong sabi.
"I can see how much you love him... You always want the best for him even it breaks your heart. So ironic." Sabi ng mama ni Ryle.
"I just want to see his smile... He has the sweetest smile that can remove my pain." Seryoso kong sabi.
"And you are the most heart melting pianist that he knows. Your piece can lure him." Nakangiting sabi ng mama ni Ryle.
"I'm just an insane pianist..." Nakangiti kong sabi.
"I will never forgive myself if he will never smile again." Dagdag ko pa.
"Well ang drama mo anak hahahah... Tugtugan mo nga ako ng endless love diyan sa piano." Sabi ng mama ni Ryle.
Tinugtugan ko ang mama ni Ryle ng Endless love. Theme song nila yun ng yumaong papa ni Ryle na anak din ang turing sa akin...
Pagkatapos tumugtog ay medyo naiiyak na naman ang mama ni Ryle... Siguro miss na miss na niya ang papa ni Ryle. Ako din naman kasi mga magulang na ang turing ko sa kanila...
"Paano ma alis na po ako at may trabaho pa ako..." Nakangiti kong sabi sa mama ni Ryle.
"Sige anak... Ingat ka..." Sabi ng mama ni Ryle.
"Salamat po mama... Alis na po ako." Nakangiti kong sabi.
Nag-kiss muna ako sa cheeks ng mama ni Ryle at umalis na ako sa mansion nila...
Anak na rin ang turing sa akin ng mama ni Ryle dahil sobrang close sila ng mama ko at ganun din kaming dalawa ni Ryle...
Ang mama ni Ryle ang nagpaaral sa akin kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila...
Alam ko na kahit kelan ay di ako magugustuhan ni Ryle at kapatid lang ang turing niya sa akin...
Di naman ako bakla kumilos... Medyo tahimik lang ako at lalake pa din naman ako. Di ako nagkaka-crush sa babae o kahit sa ibang lalake. Si Ryle lang talaga ang gusto ko...
Habang naglalakad ako palabas sa village ng mansion nila ay napadaan ako sa isang simbahan... Nagtirik ako ng kandila...
Isa lang naman ang panalangin ko eh at paulit-ulit lang...
Pumikit ako pagkatirik ng kandila at...
"Lord... Thank you for everything and again... I wish all the best for him." Dasal ko habang nakapikit.
Nabigla na lang ako ng may tumakip sa mga mata ko...
"Holdap toh!!! Akin na virginity mo!" Biglang sabi nung lalakeng tumakip sa mga mata ko.
"Baliw ka talaga..." Natatawa kong sabi.
Tinanggal na niya ang pagkakatakip niya sa mga mata ko...
"Nagdadasal ka na naman Michael and again si Ryle na naman ang pinag-dadasal mo hahahah." Natatawang sabi ni Walter sakin.
"Pakelam mo ba?" Inis kong tanong sa kanya.
"Uy! Sungit mo naman... Ngayon na nga lang tayo nagkita." Sabi ni Walter na may halong tampo.
Bukod sa mama ko at sa mama ni Ryle ay si Walter lang ang nakaka-alam ng pagmamahal ko kay Ryle...
Paano ba naman... Nung college hiniram ni Walter ang notebook ko at naka-ipit doon ang chords ng River flows in you na tinugtog ko nung valentines day sa school at sabi ko nun... "I will dedicate this piece for someone whom I love so much." Nakasulat sa notes ang pangalan ni Ryle kaya nabisto ako ni Walter at ayun lagi akong inaasar pero di niya pinag-kalat iyon...
Ang kaso... Sinasamantala niya ang pang-aasar kasi ang tingin niya bakla ako... Naiinis talaga ako minsan kay Walter...
"Musta ka na Michael?" Tanong ni Walter sa akin.
"Ok naman ako... Ikaw?" Tanong ko din sa kanya.
"Masaya... Masaya akong makita ka." Nakangiting sabi ni Walter.
"Ako din naman masaya akong makita ka ngayon." Nakangiti kong sabi.
"Nga pala Michael... Kamusta na si Ryle mo?" Tanong ni Walter.
"Ok naman... Masaya siya kay Wena, girlfriend niya." Sabi ko.
"Ouchy... Ang sad naman Michael. Ilang beses mo nang nakita si Ryle na sumasama sa kung kani-kaninong babae." Seryosong sabi ni Walter.
"Ok lang yun! Ang mahalaga magkaibigan kami hanggang ngayon." Nakangiti kong sagot.
"Di ka ba nasasaktan?" Tanong ni Walter na may halong pag-aalala.
"Ang gusto ko lang makita na laging nakangiti si Ryle." Sagot ko sa kanya.
"You're insanely fell in love with him." Sabi ni Walter habang umiiling-iling.
Ngumiti na lang ako kay Walter... Totoo naman eh. Di ako umaasa na mamahalin ako ni Ryle kahit kelan pero ang gusto ko lang makita na masaya siya palagi...
"Mmmm... Michael pwede ba tayo lumabas mamayang gabi?" Tanong ni Walter.
"Next time na lang may trabaho pa ako." Sabi ko sa kanya.
"Sus! Pero kapag si Ryle ang nagyaya sayo game na game ka!" Inis na sabi ni Walter.
"Malamang love ko siya eh hahahha." Natatawa kong sabi.
"Ewan ko sayo... Pero sige! Dapat next time available ka na." Sabi niya.
"Oh sha! Alis na ako... Bye na!" Sabi ko kay Walter.
Umalis na ako sa simbahan matapos magpaalam kay Walter. Pumasok na ako sa trabaho...
Lumipas na ang ilang araw at bihira na lang din ako dumalaw sa mansion nila Ryle dahil naging busy na ako sa trabaho ko at isa pa... Masaya naman si Ryle kay Wena kaya di niya naman ako napapansin...
Habang nakahiga ako sa kama ko ay bigla na lang tumunog ang phone ko kaya medyo nabigla ako dahil wala namang masyadong tumatawag sa akin... Napatingin ako sa screen ng phone ko at si Ryle pala kaya napangiti na lang ako at sinagot ko ang tawag niya...
"Hmmmm... Hi! Musta ka na Ryle? Bat napatawag ka?" Pagbati ko sa kanya.
"Huh??? Di mo alam kung anong meron ngayon?" Tanong niya sa kabilang linya.
Napa-isip na lang ako at wala naman talaga akong inaabangan o hinihintay ngayong araw... Next month pa naman birthday ni Ryle...
"Ano ba meron Ryle? I have no idea..." Sabi ko sa phone.
"Jusmiyo!!! Hahahahhaha grabe ka talaga Michael!!!! Seriously???" Natatawang sabi ni Ryle.
"Ano ba kasi meron? Pinagti-tripan mo ba ako ha?" Tanong ko.
"No... Ganito na lang... Punta ka sa bahay namin ngayon." Seryosong sabi sa akin ni Ryle.
"Bakit? Biglaan naman yata?" Duda kong tanong sa kanya.
"Hahahhah wag na maraming tanong basta magbihis ka at pumunta ka." Natatawa niyang sabi sa kabilang linya.
"Sige... Hintayin mo ako mamaya." Sabi ko at napapangiti ako.
"Ok bye na... Love you hahhahah." Natatawa niyang sabi.
Binaba na ni Ryle ang phone niya...
Ganun si Ryle... Lagi niyan akong binibiro ng I love you pero tingin ko naman joke niya lang talaga yun. In fact... He never really mean it...
Naligo na lang ako... Ano kaya meron at pinapa-punta niya ako? Siguro anniversary ng parents niya... Pero di ko talaga alam meron ngayon eh...
Nag-suot ako ng fitted na black shorts at naka-white polo ako na plain...
Inayos ko muna ang sarili ko sa salamin at di ko naman itatangging may hitsura naman ako... Hindi naman sa pagyayabang pero head turner din naman ako...
Pagkatapos ko mag-ayos ay bumiyahe na ako papunta kila Ryle... Ako lang din mag-isa sa bahay ko kasi nasa-probinsya si mama dahil may farm kami doon...
Nang maka-punta ako sa mansion nila Ryle at naka-open lang ang malaki nilang gate kaya pumasok na lang ako sa kanila...
Medyo madilim dahil malapit na mag-gabi... Binuksan ko ang malaki nilang pinto at bigla na lang akong naka-rinig ng malalakas na putok...
Bumukas ang ilaw at nakita ko ang mga kaibigan ko pati si Walter...
Tumingin ako sa may hagdan at nakita ko si Ryle na may dalang cake kasama si Wena na nakangiti...
"Ano toh? Anong meron?" Naguguluhan kong tanong.
Lumapit sa akin si Ryle dala ang isang chocolate cake...
"Wag kang tanga Michael... Happy birthday!!!!!!" Natatawang sigaw ni Ryle.
Tumingin muna ako sa phone ko at nakita ko ang date... Oo nga... Birthday ko pala nakalimutan ko hahahhah...
"Nawala sa isip ko hahhahah..." Natatawa kong sabi at napa-kamot na lang ako sa ulo ko.
"I can't believe this! Nakalimutan mo ang sarili mong birthday pero tuwing birthday ni..." Hindi ko na pinatapos si Walter at tinakpan ko ang bibig niya.
"Wag ka nga maingay... Hihipan ko muna kandila..." Inis kong sabi kay Walter.
"Wish ka na Michael..." Nakangiting sabi sa akin ni Ryle.
Pumikit ako at...
"I wish that Ryle will always smile and happy in his entire life..." Sabi ko sa isip ko at hinipan ko na ang kandila sa cake.
Pumalakpak sila Ryle at ang mga kaibigan ko... Isa-isa nila akong binati ng happy birthday...
"Thank you Ryle..." Naluluha kong sabi.
"Actually it's Wena's idea..." Nakangiting sabi ni Ryle sa akin.
Parang medyo na-disappoint ako...
"Thank you..." Sabi ko kay Wena.
"Welcome..." Nakangiting sabi ni Wena.
Medyo nasaktan ako ng konti... Akala ko si Ryle ang may idea ng lahat pero hindi pala... Ok lang... Buti nga na-surprise pa niya ako...
"Michael... Bakit naiiyak ka?" Nag-aalalang tanong ni Ryle sa akin.
"Masaya lang ako... Thank you ulit." Nakangiti kong sabi.
Pinunasan ni Ryle ang mga mata ko gamit ang mga daliri niya at bigla akong niyakap ni Ryle...
"Thank you for everything Michael... Wala ito kumpara sa lahat ng ginawa mo para sa akin." Sabi ni Ryle na seryoso ang boses.
"Tama na yan nakaka-selos naman..." Pabirong sabi ni Wena.
Kumalas na si Ryle sa pagkaka-yakap sa akin at...
"Wag ka mag-selos baby... Lam mo namang ikaw lang ang love ko." Sabi ni Ryle kay Wena na sweet ang boses.
Medyo masakit hahahhahah... Si Wena lang ang mahal niya...
Umiwas na lang ako ng tingin...
Di ko namalayan at lumapit na pala sa akin si Walter at...
"You don't have to say it... I can see it in your eyes... I know what you wished kanina..." Nakangiting sabi ni Walter.
"Ano ba wish mo Michael?" Tanong sa akin ni Ryle.
"Secret..." Nakangiti kong sabi.
"Hhhmmpphh!!! Nakaka-tampo ka!" Sabi ni Ryle sa akin na parang bata.
"Mmmm... Michael may gift nga pala ako sayo..." Sabi ni Walter at inabot niya sa akin ang magandang box na kulay pula.
"Salamat Walter... Mamaya ko na lang bubuksan." Nakangiti kong sabi.
"You're always welcome Michael." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Michael may gift din ako sayo..." Nakangiting sabi sa akin ni Ryle.
"Hindi pa ba ito ang gift mo sakin? Malaking regalo na itong surprise niyo sa akin." Sabi ko kay Ryle.
"No... I prepared something for you. Upo ka muna at pakinggan mo ako." Nakangiting sabi ni Ryle sa akin.
Umiwas ako ng tingin kay Ryle at pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko...
Umupo ako sa upuan at nakita ko naman si Ryle na kumuha ng mic. Nakarinig ako ng tugtog at...
You and I,
We're like fireworks and symphonies exploding in the sky.
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide.
Ang ganda ng boses ni Ryle... Para siyang nanghi-hypnotize. Parang lumulutang ako habang pinapa-kinggan ko siya...
So stop time right here in the moonlight,
'Cause I don't ever wanna close my eyes.
Lalo akong nahuhulog sa kanya habang naririnig ko ang napaka-ganda niyang boses...
Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.
I'm just a sad song.
"I love you..." Mahina kong bulong habang nakikinig kay Ryle. Sana ako na lang ang mahal niya...
With you I fall.
It's like I'm leaving all my past in silhouettes upon the wall.
With you I'm a beautiful mess.
It's like we're standing hand in hand with all our fears upon the edge.
Kitang-kita ko ang mga ngiti ni Ryle habang kumakanta... He's perfect for me but I can't have him...

Naiiyak ako... Di ko alam kung bakit pero naluluha ang mga mata ko habang nakikinig kay Ryle...
You're the perfect melody,
The only harmony
I wanna hear.
You're my favorite part of me,
With you standing next to me,
I've got nothing to fear.
Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.
Naalala ko dati... Ako ang takbuhan niya kapag umiiyak siya pero kahit minsan hindi ko pinakita sa kanya ang kahinaan ko...
Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.
Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.
I'm just a sad song.
Ito na yata ang pinaka-magandang regalo na natanggap ko sa lahat ng naging birthday ko...
Lumapit sa akin si Ryle at...
"Nagustuhan mo ba ang gift ko Michael?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
Pinunasan ko muna ang mga mata ko na may luha at...
"Syempre naman Ryle... Maraming salamat." Nakangiti kong sabi.
"Ryle baby... Kain na tayo gutom na ako." Biglang sabi ni Wena.
"Ay sige wait lang..." Sabi naman ni Ryle kay Wena.
Umalis na silang dalawa at nasa upuan na lang ako... Lumapit sa akin si Walter at nakangiti siya...
"Ok lang yan Michael... Halika... Kain tayo ng cake mo." Nakangiting sabi ni Walter sa akin.
Tumayo na lang ako at sumama ako kay Walter... Nag-slice kami ng cake...
"Mmmm... Ang sarap pala ng cake ko. Saan kaya to nabili ni Ryle?" Sabi ko habang sumusubo ng cake.
"Actually ako ang nag-bake niyan..." Nakangiting sabi ni Walter.
Halos mabilaukan ako sa sinabi niya sa akin... Di ako maka-paniwalang marunong mag-bake ang mokong na ito...
"Talaga? Marunong ka mag-bake ng ganito kasarap?" Duda kong tanong.
"Naman! Pero may bayad yan... Lalabas tayong dalawa sa day off mo at wala kang karapatan tumanggi!" Seryosong sabi ni Walter.
"Grabe ang daya mo naman hahahah." Sabi ko sa kanya.
"Ano ka ba? Ang mahal kaya ng harina, itlog, chocolate chips, chocolate powder, baking soda..." Di ko na siya pinatapos isa-isahin ang ingredients at nagsalita na ako.
"Oo na... Tama na... Sasama na ako sayo sa day off ko. Thank you din sa cake." Nakangiti kong sabi.
"Yun naman pala eh! Well... Hirap din kasi mag-bake at may kasama pang pagmamahal yun!" Natatawang sabi ni Walter sa akin.
"Ewan ko sayo! Baliw ka talaga hahhahah." Natatawa kong sagot.
"Hmmm... Michael pwede ba tayong mag-usap yung tayo lang?"
Lumingon ako at nakita ko si Ryle...
"Oo naman ok lang... Parang seryoso ka naman yata masyado." Sabi ko kay Ryle.
Lumabas kaming dalawa ni Ryle sa may garden at kaming dalawa lang ang nandun...
"Anong meron Ryle? Anong pag-uusapan nating dalawa?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Una sa lahat happy birthday muna..." Nakangiti niyang sabi sa akin.
Napangiti na lang din ako sa kanya at...
"Thank you..." Nahihiya kong sabi.
"Hmmm... Michael pwede ba akong humingi ng pabor sayo?" Seryosong tanong sa akin ni Ryle.
"Oo naman... Syempre... Ano ba yun?" Nakangiti kong tanong.
"Nakakahiya kasi..." Naiilang na sabi ni Ryle sa akin.
"Huh? Lam mong bestfriend kita mula pagka-bata. Sa lahat ng tao... Alam mong ako lang ang totoong nakakaintindi sayo kaya bat ka mahihiya?" Nagtataka kong tanong.
"Hhmmm... Pwede bang.... Pwede bang ikaw ang tumugtog ng piano sa engagement party namin ni Wena?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig... May plano na pala siyang ikasal kay Wena...
Napahinto na lang ako sa pagkabigla...
"Michael? Uy payag ka ba?" Tanong ulit ni Ryle.
"Ay sorry nabigla lang ako... Oo... Oo naman payag ako..." Mahina kong sabi.
"Thank you so much Michael!!! The best ka talaga!" Masayang sabi ni Ryle sa akin.
"Hmmm... Ryle thank you talaga sa surprise mo pero kailangan ko nang umuwi." Mahina kong sabi.
"Huh? Pero bakit???" Pabigla niyang tanong.
"Medyo sumama kasi pakiramdam ko." Matamlay kong sabi sa kanya.
"Huh? Samahan na kita... Pa-check up ka na Michael at baka kung mapaano ka pa." Sabi niya na may halong pag-aalala.
"Hindi... Ok lang... Pahinga lang kailangan ko." Sabi ko at pinilit kong ngitian siya.
Tinitigan muna ako ni Ryle sa mata... Halatang sinisipat niya kung totoo ang sinasabi ko...
"Michael!!!" Pabigla niyang sabi kaya nagulat ako.
"Huh?" Nagtataka kong tanong.
"Bakit umiiyak ka?" Tanong ni Ryle at hinawakan niya ang pisngi ko.
Naramdaman ko na lang bigla ang pagtulo ng mainit na mga luha sa mga mata ko...
"Michael anong problema?" Tanong ni Ryle na alalang-alala.
"Huh? Wala... Wala masaya lang ako para sayo... Masaya ako na ikakasal na ang bestfriend ko. Masaya lang ako na magiging masaya ka na habang buhay." Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.
Bigla akong niyakap ni Ryle... Alam kong nag-aalala siya sakin pero kailangan kong magsinungaling dahil ayokong guluhin ang isip niya...
Tanggap kong kaibigan niya lang ako pero di ko alam kung bakit naiiyak ako kahit di ko namamalayan...
"Ryle... Uuwi na muna ako... Congrats ikakasal ka na..." Sabi ko sa kanya.
"Sigurado kang ok ka lang? Nag-aalala ako Michael." Seryosong sabi ni Ryle at kita ko nga ang pag-aalala sa mga mata niya.
"Ayos lang... Pahinga lang kailangan ko. Congrats ulit ikakasal ka na." Nakangiti kong sabi.
"Hatid na kita sa bahay mo..." Nag-aalala niyang sabi.
"No... Kaya ko naman eh. Ayos lang ako." Nakangiti kong sabi.
"Sige... Ingat ka ha? Happy birthday ulit." Sabi ni Ryle.
"Thanks... Sige alis na ako." Nakangiti ko ring pagpapa-alam.
Naglakad na ako palayo... Pagkalabas ko ng bahay ay bigla na lang tumulo ang mga luha ko...
Ewan ko kung bakit!!! Di ako dapat umiiyak! Di dapat ako nasasaktan! Bakit di ko mapigilan ang sarili ko?
Dapat masaya ako na nakangiti si Ryle at ikakasal na siya... Pero bakit ganun? Di ko maintindihan... Alam kong hindi kami ang nararapat. Di ko siya mapapasaya... Hindi ako ang kailangan niya. Hindi ko siya mabibigyan ng mga anak. Bakit ganun? Nasasaktan ako kahit ang gusto ko lang naman ay mapasaya siya...
Nang maka-uwi ako sa bahay ay panay ang ring ng phone ko... Si Ryle ang tumatawag kaya sinagot ko...
"Michael musta na pakiramdam mo?" Agad na bungad niya pagka-sagot ko ng phone.
"I'm fine... Pahinga lang ako..." Matamlay kong sabi.
"Gusto mo bang puntahan kita? Nag-aalala ako Michael." Seryosong boses ni Ryle sa kabilang linya.
"No! Maabala lang kita... Ayos lang naman ako... Kaya ko naman eh. Talagang kailangan ko lang ng tulog." Sagot ko agad.
"Sige... But if you need me or if you need something just call me..." Nag-aalalang boses ni Ryle sa kabilang linya.
"Sige... Thank you sa pag-aalala Ryle..." Sabi ko naman.
"You know... I'm not complete without you. I can give up everything but I can't loose you..."
Napatahimik na lang ako... Sure ako na sinasabi niya rin yan kay Wena...
"Well thanks... Sige na bye na Ryle matutulog na ako." Sabi ko at ibinaba ko na ang phone ko.
Humiga ako sa kama... Ang totoo ay hindi ako maka-tulog... Tanging luha lang at hikbi ang lumalabas sakin habang nakahiga...
I think love is not really meant for me...
Kahit anong gawin ko ay hindi talaga ako maka-tulog...
Bumangon na lang ako sa kama at pumunta ako sa keyboard sa may sala...
Nakita ko ang isang sheet ng music...
Yun na lang siguro ang tutugtugin ko sa engagement party nila... Winter Sonata: From the beginning until now...
Inaral ko ang piece... Naiiyak ako habang tinutugtog yun...
Bawat pitik ng kamay sa keys ay nadudurog ang puso ko... Kahit pa ito ay magpapasaya sa taong mahal ko ay nabibiyak pa din ang kalooban ko...
Sana mapasaya ko siya... Ang totoo ay di niya naman ako kailangan...
Natapos kong aralin ang piece na yun sa loob ng tatlong oras... Dala na rin siguro ng marunong ako tumugtog simula pa nung 4 years old pa lang ako kaya madali na lang sakin aralin ang mga piece...
Ano ba ang dapat kong gawin?
Siguro kailangan ko na lang i-focus ang sarili ko sa trabaho...
Sumama lang siguro ang loob ko kasi sinabi lang niya sa akin na may plano na pala silang magpakasal nung gusto niya na ako ang tumugtog sa engagement party...
Alam ko na di naman ako ganun ka-importante kay Ryle...
Kailangan kong i-lugar ang sarili ko kung ano lang ako sa kanya...
Lumipas ang ilang araw at linggo na ngayon... Day off ko ngayong araw kaya nasa bahay lang ako... Hindi kasi ako mahilig mag-gala...
Mas gusto kong matulog sa bahay kasi nakakapagod ang weekdays...
Na-alimpungatan na lang ako nang may bigla na lang may mag-door bell...
"Enebeyen... Matutulog dapat ako eh..." Inis kong sabi.
Bumangon ako sa kama at pumunta ako sa pintuan... Nakita ko si Walter sa may gate...
Lumabas ako at binuksan ko ang gate ng bahay namin...
"Bakit napadpad ka dito?" Tanong ko kay Walter.
"Anong bakit ka diyan? Eh kung sikmuraan kaya kita?" Inis na sabi ni Walter.
"Huh?" Sabi ko.
"Bakit di ka pa naka-bihis?" Inis niyang tanong sa akin.
"Ano? Bakit? Pasok ka nga muna..." Irita kong sabi.
Pumasok kami sa bahay at pina-upo ko muna siya sa sofa...
"Ano bang meron Walter?" Tanong ko.
Umiwas siya ng tingin at mukhang nainis siya sa akin...
"Nangako ka na magdi-date tayo..." Matamlay niyang sabi.
Oo nga... Nangako pala ako... Bigla akong nakonsensiya...
"Sorry... Ganito na lang... Magdamag tayo mag-gagala." Nakangiti kong sabi.
Napalingon siya bigla sa akin at...
"Talaga? Sure ka?" Di makapaniwala niyang tanong.
Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti ako...
"Hintay mo ako ah? Bihis lang ako..." Nakangiti kong sabi.
Tumango si Walter at umakyat na ako sa taas para maligo...
Nakakahiya sa tao... Nangako nga pala ako sa kanya... Binilisan ko na lang pag-ligo at nag-suot ako ng maayos na damit para naman maging gwapo ako kahit papaano hahahah...
Bumaba ako kaagad pagkatapos ko magbihis pero narinig kong may tumutugtog ng keyboard ko habang kumakanta...
If you ever leave me, baby,
Leave some morphine at my door
'Cause it would take a whole lot of medication
To realize what we used to have,
We don't have it anymore.
Hindi ako pwedeng magkamali sa naririnig kong malamig na boses... Si Ryle ang kumakanta, sigurado ako pero alam kong di siya marunong tumugtog kahit keyboard kaya paanong?
There's no religion that could save me
No matter how long my knees are on the floor (Ooh)
So keep in mind all the sacrifices I'm makin'
To keep you by my side
To keep you from walkin' out the door.
Pumunta ako sa sala at nakita ko si Ryle na kumakanta at si Walter pala ang tumutugtog sa keyboard...
Ginagawa din namin ni Ryle yun dati...
'Cause there'll be no sunlight
If I lose you, baby
There'll be no clear skies
If I lose you, baby
Just like the clouds
My eyes will do the same, if you walk away
Everyday it'll rain, rain, ra-a-a-ain
Tumingin sa akin si Ryle at kinindatan niya ako kaya napangiti na lang ako...
I'll never be your mother's favorite
Your daddy can't even look me in the eye
Ooh, if I was in their shoes, I'd be doing the same thing
Sayin' "There goes my little boy
Walkin' with that troublesome guy"
But they're just afraid of something they can't understand
Ooh, but little darlin' watch me change their minds
Yeah for you I'll try, I'll try, I'll try, I'll try
I'll pick up these broken pieces 'til I'm bleeding
If that'll make you mine
Tinitigan ko si Ryle... Nakangiti siya sakin habang kumakanta... Tumingin ako kay Walter... Medyo malungkot siya habang tumutugtog...

Ang sarap talaga pakinggan ng magandang boses ni Ryle... Ang sarap din sa tenga ng tunog ng keyboard na tinutugtog ni Walter... They are perfect...
Oh, don't you say (don't you say) goodbye (goodbye),
Don't you say (don't you say) goodbye (goodbye)

If that'll make it right
'Cause there'll be no sunlight
If I lose you, baby
There'll be no clear skies
If I lose you, baby
And just like the clouds

Natapos ang musika at lumapit si Ryle sa akin...
"Ang ganda talaga ng boses mo Ryle..." Sabi ko sa kanya na parang wala ako sa sarili.
"Salamat..." Nahihiya niyang sabi.
"Perfect combination kayo ni Walter." Nakangiti kong sabi.
"Thanks..." Walang gana na sabi ni Walter.
"No Michael!!! We are the perfect combination." Sabi ni Ryle.
Parang namumula ang mukha ko kaya umiwas na lang ako ng tingin habang napapa-ngiti ako...
"Hmmm... For you talaga yung kanta. There be no sunlight if I loose you and there be no clear skies... Just like the clouds, my eyes will do the same... Everyday it will rain." Nakangiting sabi ni Ryle sa akin.
Medyo kinilig ako dun kaso alam kong hindi dapat...
"Sus! Drama mo! Di naman ako mawawala sayo eh..." Natatawa kong sabi.
"Don't laugh... I'm serious..." Sabi ni Ryle at kita ko nga sa mukha niya na seryoso siya.
"Hmmm... Bakit ka nga pala napadaan dito?" Pag-iiba ko ng usapan.
"I just wanna check if you're alright... Miss na rin kita eh... And lastly, I have to give something..." Sabi ni Ryle at may inaabot siya sa aking sobre.
Binuksan ko ang sobre at nakita ko ang invitation para sa engagement party nila ni Wena next week... Parang nang-hina ako bigla...
Ngumiti na lang ako at...
"Tamang-tama... Tapos na ang piece na tutugtugin ko..." Nakangiti kong sabi kay Ryle.
"Really? Thanks!!! Pakinig naman ako..." Nakangiting sabi ni Ryle.
"No! May lakad kami... We need to hurry." Biglang singit ni Walter.
Napatingin tuloy kami ni Ryle kay Walter na mukhang bad trip...
"Oh really? Sige next time na lang aalis na rin ako..." Sabi ni Ryle at mukhang nalungkot siya.
"Ryle ayos ka lang?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Yeah I'm fine..." Nakangiti niyang sabi.
Umalis na si Ryle... Ngumiti siya pero pakiramdam ko may mali... Feeling ko hindi talaga siya masaya... Kilalang-kilala ko kasi siya...
"So alis na tayo?" Tanong ni Walter.
Tumango lang ako at umalis na kaming dalawa sa bahay...
Pumunta kami ni Walter sa isang mall. Nanuod kami ng sine... Kumain kami sa resto at nag-arcade. Inaamin ko nag-enjoy akong kasama siya...
Masaya akong kasama siya at nakaka-enjoy naman kasama si Walter...
Simula ng araw na iyon ay madalas na bumisita si Walter sa bahay kapag wala akong trabaho...
Hanggang sa dumating na pala ang araw ng engagement party ni Ryle at ni Wena kaya naghanda na ako ng isusuot kong damit...
Nag-suot ako ng black shirt lang sa loob at pinatungan ko ng dark purple na coat...
Sinundo ako ni Walter sa bahay at pumunta na kaming dalawa doon sa venue ng engagement nila Ryle...
Tahimik lang ako nung araw na yun at di ko alam ang sasabihin o iisipin ko...
Nang makarating kami sa venue at talaga namang sosyal ang mga bisita nila dahil parehong mayaman ang pamilya ni Ryle at Wena...
"Michael... Kanina pa kita iniintay..." Sabi ni Ryle na nakangiti.
"Congrats... Malapit ka nang ikasal." Nakangiti kong bati sa kanya.
"Thanks... By the way you look so good." Nakangiti niyang sabi.
"Thanks Ryle... Ikaw din." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Oh paano? Asikasuhin ko muna yung ibang bisita ha?" Sabi ni Ryle at umalis na siya.
Nag-umpisa ang event at napaka-ganda ni Wena... Lalong lumitaw ang porcelana niyang balat dahil sa pulang dress na suot niya...
Bagay na bagay silang dalawa ni Ryle...
Hanggang sa tinawag na ako para tumugtog ng piano...
Umupo na ako sa piano at inumpisahan kong tugtugin ang piece na inaral ko... Tumingin ako kay Ryle at nakangiti lang siya habang nakikinig ganun din ang ibang bisita...
Masaya silang pinakikinggan ang musikang mula sa aking puso...
Mula sa puso kong binabalot ng yelo...
Nang matapos ang huling nota ay pinalakpakan ako ng mga bisita... Lumapit naman sa akin si Ryle at...
"Ang galing talaga ng bestfriend ko!" Nakangiti niyang sabi.
Ngumiti na lang din ako sa kanya...
"Salamat Michael pinasaya mo ako." Sabi pa ni Ryle.
"Wala yun... Alam mo namang hindi kita tatanggihan." Nakangiti kong sabi.
Pati si Wena ay nagpasalamat sa akin at habang pinapanuod ko silang dalawa ay napapangiti na lang ako... Iniisip ko na lang na magiging masaya si Ryle...
Lumipas ang ilang buwan at malapit na rin silang ikasal... Tinuon ko na lang ang isip ko sa trabaho...
Wala na kaming masyadong communication ni Ryle dahil di ako nag-rereply kapag nagte-text siya at kapag tinatanong niya ako kung may problema ay sinasabi ko lang na busy ako sa trabaho...
Isang araw bigla na lang tumawag sa akin si Ryle at naka-12 missed calls na siya kaya sinagot ko na...
"Ryle bat napatawag ka?" Agad kong tanong.
"Hhmmm... Michael galit ka ba sakin?" Tanong niya din.
"Hindi... Busy lang ako sa trabaho." Sabi ko sa phone.
"Hhmmm... Pwede ba tayong magkita? Pwede ba akong pumunta sa bahay mo?" Tanong niya at malamig ang boses niya.
"Huh? Bakit Ryle may problema ka ba?" Pag-aalala ko.
"Kailangan kita Michael..." Sabi ni Ryle at rinig ko sa boses niya na umiiyak siya.
Nabigla na ako at alam kong may problema siya... Di ako mapakali...
"Ryle ok ka lang ba? Pumunta ka nga dito sa bahay!" Nag-aalala kong sabi.
Binaba ni Ryle ang phone at nag-aalala na ako... Di na ako mapakali... Ayokong may mangyaring di maganda sa kanya...
Ilang beses kong tinawagan phone niya pero di na siya sumasagot...
Tinawagan ko rin mama ni Ryle pero di niya rin alam kung nasaan si Ryle...
Lalabas na sana ako ng bahay para hanapin siya pero may humintong sasakyan sa labas at kotse yun ni Ryle...
Lumabas ako para buksan ang gate at lumabas naman si Ryle sa kotse... Kita ko na umiiyak siya...
"Ryle?" Sabi ko.
Lumapit si Ryle sa akin at bigla niya akong niyakap... Naamoy ko ang alak sa damit niya...
Hinimas ko ang likod niya para pakalmahin siya sa pag-iyak...
"Ryle pumasok muna tayo sa loob." Sabi ko at sumunod naman siya.
Umiiyak lang si Ryle... Alalang-alala na ako sa kanya at di ko alam ang gagawin...
"Ryle? Anong nangyari? Nag-aalala na ako sayo..." Sabi ko sa kanya.
"Si Wena... Umatras siya sa kasal... Di na daw niya ako mahal." Umiiyak na sabi ni Ryle.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko na lang siya ng mahigpit...
"Iniwan niya ako Michael..." Umiiyak niyang sabi.
"Wag ka mag-alala nandito lang ako." Sabi ko naman.
"Ang sakit Michael... Umasa ako na mamahalin niya ako habang buhay at magiging masaya kapag kinasal kami. Ansakit! She just walked away..." Humahagulgol na sabi niya.
Hindi ko talaga maintindihan... Tuwing umiiyak si Ryle ay nabibiyak ang puso ko. Nasasaktan din ako...
"She doesn't deserve you... Please Ryle wag ka na umiyak." Nag-aalala kong sabi sa kanya.
"I love her!!! I love her so much!!!" Umiiyak niyang sigaw.
Ansakit din hahahah mahal na mahal niya talaga si Wena...
"Sshhh... Tahan na..." Sabi ko para kumalma siya.
"Mangako ka Michael... Please mangako ka na di mo rin ako iiwan." Umiiyak niyang sabi sakin.
"Ako pa talaga? Ryle naman!!! Simula pagka-bata di kita iniwan! You always know how much I care for you!" Inis kong sabi sa kanya.
"I know! Pero please mangako ka sakin... Please mangako ka na di mo ako iiwan." Humahagulgol niyang sabi sa akin.
"Ok... Nangangako ako... I will always be by your side. Lagi akong nandito para sayo." Sincere kong sabi.
"Maraming salamat Michael..." Sabi ni Ryle at hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.
Nung araw na iyon ay ang hirap niyang pakalmahin... Antagal bago siya tumigil sa pag-iyak... Kitang-kita ko na tinamaan talaga siya kay Wena...
Nararamdaman ko yung sakit na dinadala niya...
Ilang buwan din siyang tahimik at gloomy... Ilang buwan ding hindi ngumiti nun si Ryle kaya malungkot na malungkot ako...
Pero dahil lagi naman akong nasa tabi niya ay medyo natulungan ko siyang mag-move on... Naglalakwatsa kaming dalawa at kung saan saan pumupunta...
Hanggang sa ngumiti na siya at sinabihan ako ng salamat...
Ayoko talagang makita na nasasaktan si Ryle... Nasasaktan din ako kapag umiiyak siya... Kaya nangako ako sa sarili ko na hahayaan ko siya kung saan siya o kanino siya masaya...
Lumipas ang ilang araw at lagi na kaming nagba-bonding ni Ryle kaya masaya ako palagi kapag magkasama kaming dalawa...
Nagtataka lang ako kasi wala nang paramdam sa akin si Walter pero ok lang kasi masaya naman ako na kasama ko si Ryle...
Simula din ng ngumiti si Ryle ay lagi na siyang nasa bahay... Yung feeling na kami lang dalawa palagi. Gusto niya rin daw bumawi sakin kasi medyo nawalan kami ng communication nung sila pang dalawa ni Wena...
Pag umuuwi ako galing trabaho ay nandun lang si Ryle sa bahay at pinag-luluto niya ako tapos gumagala kami pag day off ko...
Masayang-masaya ako sa ganung set up kahit na bestfriend/kapatid lang ang tingin niya sa akin...
Nagising kami ni Ryle na magkatabi at hinandaan ko na lang siya ng kape at ako naman ay gatas lang ang iniinom ko pag umaga...
Para akong asawa niya kapag inaasikaso ko siya pero syempre bawal ako umasa pero masayang-masaya ako dahil kasama ko siya...
Bigla na lang may may pumindot ng doorbell...
"Ako na pupunta Michael... Kumain ka na lang diyan." Nakangiting sabi ni Ryle.
Tumayo siya at pumunta sa gate... Nakita ko na may kausap siyang delivery boy...
Bumalik agad si Ryle...
"Michael... Ikaw pala pipirma." Natatawang sabi ni Ryle.
Pinipigil ko na lang din ang tawa ko...
Pumunta ako sa gate at may sobreng ibinigay sa akin ang delivery boy galing sa pinagta-trabahuan ko... Pagkatapos pumirma ay pumasok na ako sa bahay...
"Michael ano yang sobre?" Nagtatakang tanong ni Ryle.
"Galing sa pinagta-trabahuan ko... Di ko rin alam ang laman." Nakangiti kong sabi.
Binuksan ko na lang ang sobre at tumambad sa akin ang transfer letter ng company...
"Transfer letter pala ito..." Sabi ko.
"Transfer letter??? Bakit??? Saan???" Gulat na tanong ni Ryle.
"Approval at pirma ko na lang ang kailangan... Balak ng company na i-transfer ako sa Korea..." Sabi ko kay Ryle.
"Korea??? Tatanggapin mo?" Tanong ni Ryle at mukhang gulat siya.
"Matagal ko na itong pangarap..." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Pero ayokong mawala ka sakin..." Sabi ni Ryle at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Tintigan ko na lang siya at umiwas siya ng tingin sa akin... Halatang dismayado siya at malungkot...
"Ryle tingnan mo..." Sabi ko sa kanya.
Tumingin sa akin si Ryle at pinilas ko ang transfer paper sa harapan niya...
"Hoy bakit mo pinilas?!!!" Gulat niyang sabi sa akin.
"Eh kasi... Ayokong malungkot ka at nangako ako sayo na di kita iiwan." Nakangiti kong sabi.
"Pero pangarap mo yun eh..." Mahina niyang sabi na parang batang nalulungkot.
Yumuko si Ryle kaya hinawakan ko ang mga pisngi niya at hinarap ko sa akin...
"Ayokong malungkot ka... Sarili ko itong desisyon. May sarili akong dahilan kaya wag kang malungkot..." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Sa...Salamat..." Sabi ni Ryle.
Nginitian ko na lang siya... Ang totoo ay nag-aalala ako kay Ryle... Wala siyang matatakbuhan kapag nawala ako sa kanya. Kaya rin ayokong umalis dahil maayos naman ang sweldo ko...
Nang araw na yun ay naghaharutan lang kaming dalawa ni Ryle...
Natulog ulit kaming magkatabi at mukhang ayaw na niyang umuwi...
Magkatabi kami ngayon ni Ryle sa kama ko at naglalambing siya...
"Mmmm... Michael bakit nga pala wala si tita dito sa bahay?" Tanong ni Ryle sa akin.
"Nasa probinsya si mama... Bakit miss mo na rin siya?" Tanong ko.
"Oo naman... Pangalawang mama ko na siya eh..." Nakangiting sabi ni Ryle.
Ganun kami... Parang mama ko na ang mama niya at ganun din siya sa mama ko kaya parang magkapatid talaga kaming dalawa...
"Ryle... Tanong ko lang... Ilang buwan na kayong wala ni Wena... Kamusta na yung pakiramdam mo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Ok naman..." Sabi ni Ryle at ngumiti siya sa akin ng matamis.
Napangiti na lang din ako sa ginawa niya...
"Salamat Michael at nandiyan ka lagi para damayan at saluhin ako... Salamat at naging masaya ako ulit." Nakangiting sabi ni Ryle sa akin.
"Wala yun... Lam mo naman na importante ka sakin..." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Mmmm... Michael... May itatanong lang ako sayo..." Nahihiyang sabi sa akin ni Ryle.
"Ano yun? Bat parang nahihiya ka?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
Yumakap sa akin si Ryle at ngumiti siya sa akin...
"Tanong ko lang... Kahit anong mangyari di mo ako lalayuan at nangako ka rin sakin na walang magbabago sa turingan natin sa isa't-isa kahit anong mangyari?" Nakangiting tanong ni Ryle sa akin habang nakayakap siya.
"Oo naman... Kahit anong mangyari palagi lang akong nasa tabi mo." Nakangiti ko ring sabi sa kanya.
Biglang humigpit ang yakap niya sa akin at lalo siyang ngumiti...
"Salamat... Maraming thank you Michael..." Sabi ni Ryle at halos di na ako makahinga sa yakap niya.
"Ano ba kasi yun? Di na ako makahinga..." Nahihirapan kong sabi.
Biglang siyang kumalas sa yakap niya at nabigla din siya...
"Ay sorry naman hahahahah..." Sabi niya sa akin habang tumatawa.
"Ano ba kasing sasabihin mo Ryle?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Yyiiieee... Nahihiya ako eh." Sabi ni Ryle na parang bata.
Kinurot ko na lang siya sa singit at...
"Aray naman! Sakit ha!" Sabi niya habang hinihimas ang singit niya.
"Ano ba kasing sasabihin mo?" Inis kong tanong sa kanya.
"Kasi... Eeehhh... Nakakahiya..." Sabi ni Ryle na parang kinikilig na ewan.
"Wait nga... Alam ko kapag ganyan ka..." Putol kong sabi at tinitigan ko siya.
Tiningnan ko siya ng maigi... Namumula siya at parang nahihiya na kinikilig... Tama ang hinala ko... May nagugustuhan siyang bagong babae...
"Sino? Sino yung babaeng gusto mo?" Seryoso kong tanong.
"Wala..." Sabi niya pero alam kong nagsisinungaling siya.
Iniwas niya ang mga mata niya sakin pero hinawakan ko ang ulo niya at hinarap ko ang mukha niya sakin...
"Sabihin mo Ryle... Sino yung bago mong nagugustuhan?" Tanong ko.
Namumula si Ryle... Para siyang bata na hiyang-hiya...
"Mmmm... Kasi... Nakakahiya..." Sabi niya at kinagat niya ang labi niya habang namumula ang mukha niya.
Tumawa na lang ako ng sobrang lakas...
"Ahahahhahaha grabe ka naman..." Natatawa kong sabi.
"Anong nakakatawa dun?" Inis niyang sabi sa akin.
"Sa dami ng naging syota mo ngayon ka pa nahiya sakin..." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Eh kasi... Iba kasi yung ngayon..." Mahina niyang sabi.
Hinawakan ko na lang ang mga pisngi niya at hinarap ko ang mata niya sa mga mata ko...
"Basta masaya ka ayos yun sakin... Wag kang mahiya..." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Talaga? Sinabi mo yan ah?" Paninigurado niya.
Tumango lang ako sa kanya at ngumiti...
Bigla niya ulit akong niyakap at...
"The best ka talaga Michael! Actually di pa alam ni mama... Ikaw pa lang nakaka-alam..." Masayang sabi ni Ryle.
"Pakilala mo siya sakin..." Nakangiti kong sabi.
"Sige... Wag ka mabibigla ha? Bukas papakilala ko siya..." Nakangiting sabi ni Ryle sakin.
Nung gabi na yun ay natulog kaming magkayakap ni Ryle... He is so sweet, so handsome and yet so dense...
I really love him... Sana lang ako yung taong gusto niya kaso imposible...
Kinabukasan pag-gising ko ay wala na si Ryle sa tabi ko...
Bumaba ako sa kusina at nakita kong may naka-handa nang almusal at may letter doon...
"Good Morning Michael!!! Mamayang hapon punta ka sa garden ng house namin... Eat your breakfast muna..."
Napangiti na lang ako at may naka-handang sunny side up na egg, bacon, apple at milk...
Oo... Nag-gagatas pa ako hanggang ngayon... Sinanay kasi ako ng mama ko at hindi ako umiinom ng kape...
Kinain ko na lang ang breakfast na niluto ni Ryle... Ang sweet talaga ni Ryle sa akin...
Pumasok na lang ako sa trabaho at masayang-masaya ako sa office...
Nag-half day na lang ako at dumiretso na ako sa bahay nila Ryle...
Nag-door bell muna ako at lumabas ang mama ni Ryle...
Nag-kiss ako sa cheeks ng mama ni Ryle at ngumiti ako...
"Good afternoon po mama... Nasaan po si Ryle?" Tanong ko kaagad.
"Ay... Miss na kita anak... Kanina ka pa niya hinihintay sa garden." Nakangiting sabi ni mama ni Ryle.
"Ma... Puntahan ko po muna si Ryle..." Nakangiti kong sabi sa kanya.
Umalis na ako at pumunta na ako sa garden nila Ryle... May mga tanim silang roses na sobrang ganda tingnan...
Malawak talaga ang garden nila dahil mayaman ang pamilya ni Ryle...
Naglibot ako sa garden at narinig ko ang boses ni Ryle sa likod ko...
"Michael... Kanina pa kita hinihintay."
Lumingon ako at nakita ko si Ryle. Nakangiti siya at ang gwapo talaga niyang tingnan...
"Mukhang masayang-masaya ka ngayon..." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Oo naman... Ipapakilala ko na sayo yung taong nagpapangiti sa akin..." Masayang sabi ni Ryle.
"Nasaan siya?" Tanong ko naman.
"Basta wag kang mabibigla... Alam ko naman na masaya ka para sakin." Nakangiti niyang sabi.
Mukha namang masayang-masaya siya kaya masaya na rin ako para sa kanya...
"Mmmm... Ryle..."
Lumingon ako at nakita ko si Walter na parang nahihiya...
Lumapit si Ryle kay Walter at kitang-kita ko na hinawakan ni Ryle ang kamay ni Walter...
"Mmmm... Michael siya yung taong nagpapasaya sakin... Sana maintindihan mo ako." Nakangiting sabi ni Ryle sa akin.
Parang napako na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko... Sumisikip ang dibdib ko at parang sa sandaling iyon ay naging blanko ang utak ko...
"Michael alam kong nabigla ka pero... Sana maintindihan mo... Masaya ako kay Walter." Sabi ni Ryle sa akin.
Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa at namumuo ang mga luha sa mga mata ko...
"Ba...bakit? Paano?" Nauutal kong tanong sa kanila.
Yumuko lang si Walter pero si Ryle ay nakangiti lang at magka-hawak ang mga kamay nila...
"Nung mga nakaraang buwan mas naging close kami ni Walter... He showed me that love has no gender. Believe me Michael... Nung una medyo na-confused din ako at di ko talaga maintindihan ang feelings ko para kay Walter. Pero mahal niya rin ako... So I try to give it a chance. Hindi naman ako nagkamali... Iba si Walter... Masaya ako sa kanya kesa sa iba kong nakarelasyon na babae..." Nakangiting sabi ni Ryle sa akin.
Hindi ko kayang paniwalaan ang mga narinig ko... Bigla na lang tumulo ang mga luha ko...
"Michael... What's wrong?" Nag-aalalang tanong ni Ryle sakin.
Hindi ako makapag-salita... Hindi ko alam ang iisipin ko... Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ko sa sobrang sakit...
Lumapit sa akin si Ryle at halatang nag-aalala siya...
"Michael bakit?" Sabi ni Ryle at pinupunasan niya ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya.
"Michael? Michael uy anong problema?" Tanong ni Ryle na punong-puno ng pag-aalala.
Hindi ako makapag-salita... Siguro dahil na rin sa sobrang sakit... Puro luha na lang ang tumutulo sa mga mata ko dahil sa nangyayari...
"Michael? Please sumagot ka naman! Nag-aalala ako sayo... Di ko alam kung paano kita pakakalmahin! Galit ka ba sakin? Nandidiri ka ba sakin???" Kinakabahan niyang tanong sa akin.
Umiling-iling na lang ako at hindi ko pa rin mapigilan ang pag-iyak...
Bigla na lang akong niyakap ni Ryle ng mahigpit...
Kumalas ako sa pagkakayakap sa akin ni Ryle at pinilit kong magsalita... Tumingin muna ako kay Walter at alam ko na alam niya kung bakit ako nagkaka-ganito...
"Walter... Alam mo kung gaano kasakit ito para sa akin." Sabi ko habang humihikbi.
Umiwas lang siya ng tingin sa akin...
"Ano bang nangyayari? Di ko maintindihan." Naguguluhang sabi ni Ryle.
"Ryle... Hahayaan ko kayo... Kung diyan ka talaga masaya, tatanggapin kita ng buong-buo. Pero ipangako mo sakin na hindi ka na ulit iiyak... Ipangako mo sakin na kayo na talaga para sa isa't-isa... Ayokong makita na madurog ulit ang puso mo Ryle..." Umiiyak kong sabi.
"Oo Michael... Hindi kami maghihiwalay..." Nakangiting sabi ni Ryle.
Ngumiti na lang ako ng mapait... Alam ko na... Tanggap ko na. Kahit anong kasarian... Kahit anong anyo... Hinding-hindi magiging kami ni Ryle...
"Tinatanggap ko kayong dalawa... Pero kailangan ko na munang umalis..." Sabi ko sa kanila.
Umalis na ako sa bahay nila Ryle... Iniwan ko na lang silang dalawa ni Walter at hindi na rin ako nag-paalam sa mama ni Ryle...
Kitang-kita ko ang mga ngiti sa mga mukha ni Ryle at Walter... Masayang-masaya silang dalawa... Paano ito nagawa ni Walter?
Bakit ganun? Simula nung college alam niya kung gaano ko kamahal si Ryle tapos biglang sila nang dalawa?
Ang sakit! Ang sakit sakit na yung dalawa mong kaibigan ang nagkatuluyan lalo pa at alam ni Walter kung gaano ako nasasaktan kapag may karelasyon si Ryle...
Bakit ganun? Ang lupit ng mundo sa akin... Bakit kailangang maging masaya si Ryle sa lalake din? Bakit di na lang ako? Kaya kong isakripisyo lahat para sa kanya! Kaya kong mamatay para sa kanya! Bakit hindi na lang ako ang mahalin niya? Ano bang wala sakin? Bakit hindi niya ako kayang mahalin?
"Anak... Anak sandali!"
Lumingon ako at nakita ko ang mama ni Ryle...
"Anak alam ko kung gaano kasakit sayo ang nangyayari..." Malungkot na sabi ng mama ni Ryle sa akin.
Ngumiti na lang ako sa kanya kahit tumutulo ang mga luha ko...
"Ayos lang yun mama... Kung masaya si Ryle kay Walter eh masaya na rin ako para sa kanila." Nakangiti kong sabi pero lumuluha pa din ako.
"Pero anak nag-aalala ako para sayo. Nabigla din ako nung nalaman ko na sila nang dalawa pero kung ako ang tatanungin ay ikaw ang gusto ko para kay Ryle dahil alam ko kung gaano mo siya kamahal." Sabi ng mama ni Ryle na puno ng pag-aalala.
"Alam kong hindi talaga kami karapat-dapat ni Ryle para sa isa't-isa... Hindi ako ang kailangan niya. Hindi ako ang magpapasaya sa kanya. Kapatid lang ang turing niya sa akin... Tatanggapin ko ito kahit masakit basta masaya lang si Ryle..." Umiiyak kong sabi.
Niyakap na lang ako ng mama ni Ryle...
"Napaka-swerte sana ni Ryle kung ikaw ang minahal niya." Sabi ng mama ni Ryle habang nakayakap sa akin.
"Mama... Alis na po ako... Sana po wag niyo na lang sabihin kay Ryle ito..." Sabi ko sa kanya.
Tumango na lang ang mama ni Ryle at alam kong nag-aalala siya sa akin. Wala naman akong karpatan na umiyak, wala akong karapatan masaktan...
Pero mahal ko siya... Sana lang hindi na siya umiyak ulit...
Kapag umiiyak siya ay ako ang sumasalo sa kanya pero kapag ako ang nasasaktan ay mag-isa lang ako...
Kailangan niya lang ako kapag nasasaktan siya... Kapag nakahanap na siya ng taong magpapasaya sa kanya ay iiwan na naman niya ako...
Magdamag akong nagmukmok at umiyak sa bahay... Ano ang pwede kong gawin? Nakakulong ako sa nararamdaman ko para sa kanya...
Sana hindi na lang si Ryle ang taong mahal ko... Sana hindi na lang siya dahil nasasaktan lang ako...
Sobrang sakit ng mga nagdaang araw...
Hindi na naman nagpaparamdam sa akin si Ryle... Ganun siya... Kapag nakahanap na siya ng taong magpapasaya sa kanya ay kakalimutan na lang niya ako bigla...
Ang sakit sakit talaga... Tapos kapag niloko siya, ako na naman ang sasalo sa kanya at ako na naman ang masasaktan para sa kanya...
Ang unfair ng buhay ko...
Simula ng araw na iyon ay nag-focus na lang ako sa trabaho ko...
Mga ilang buwan din ang nakalipas wala man lang tawag o kahit text si Ryle... Nag-focus na lang ako sa trabaho ko at lagi akong nag-overtime para gabing-gabi na ako uuwi...
Ang totoo niyan wala na akong masyadong social life... Yung iba kong kaibigan busy din, ang close ko na si Walter ay boyfriend na ng mahal kong si Ryle. Siguro masayang-masaya na si Ryle kaya tuluyan na niya akong iniwan at kinalimutan...
Naging ok din naman ang buhay ko...
Bata pa naman ako... Marami na din akong naiipon kaya wala na akong problema sa financial... Nag-focus na lang din ako sa pag-aaral ng mga piece sa piano...
Pinag-iipunan ko na lang din ang pambili ko ng grand piano...
Music na lang yata ang nagpapasaya sa buhay ko...
Kaso dumating ang isang napaka-laking problema sa buhay ko... Isang problema na nagpabago sa akin...
Nabalitaan kong naaksidente ang nanay ko...
Patay na siya...
Yun ang pinaka-masakit sa lahat... Ang kaisa-isang taong nag-alaga sa akin ay nawala na... Dumidilim ang paligid ko habang naririnig ko ang balitang iyon...
Si mama lang ang nag-alaga sa akin at wala na akong papa...
Nung mga araw na iyon ay lutang palagi ang pag-iisip ko... Naibigay ko naman lahat ng gusto ni mama. Naibalik ko lahat ng sakripisyo niya para sa akin...
Wala na akong nagawa at pinahanda ko na lang ang burol ni mama...
Down na down na ako... Feeling ko ako na ang pinaka-malas na tao sa buong mundo habang nakatitig sa kabaong ng nanay ko...
Iniwan na ako ng lahat ng taong mahal ko sa buhay...
Hindi ako natulog... Tulala lang ako na nakatitig sa kabaong ni mama...
May mga bisitang pumunta pero di ko na sila inasikaso... Di na ako natutulog...
"Anak... Alam ko kung gaano kasakit sayo ang lahat ng nangyayari..." Rinig kong boses ng mama ni Ryle sa giliran ko.
"Anak kayanin mo lahat... Nandito ako para damayan ka. Wag mong parusahan ang sarili mo... Ayaw ng mama mo ang malungkot ka ng ganyan." Sabi pa niya.
Di ako nagsasalita... Naka-tulala lang ako nun at nakatitig sa kabaong ni mama. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko...
Napansin ko na mama pala ni Ryle ang nag-asikaso sa mga bisita...
"Michael... Kumain ka muna... Magpahinga ka muna... Ilang araw ka nang walang tulog at kain." Nag-aalalang sabi ng mama ni Ryle.
"Salamat po sa lahat lahat... Kayo ang nag-paaral sa akin. Tinulungan niyo kami ng mama ko..." Sabi ko na lang.
"Wala yun Michael... Para na kaming magkapatid ng mama mo." Sabi ng mama ni Ryle.
"Nag-aalala na ako sayo... Kumain at magpahinga ka muna anak." Sabi niya sa akin.
"Ayoko po... Di naman ako makakatulog. Hindi ako makakakain. Si mama ko... Siya lang ang pamilya ko pero nawala na rin siya." Sabi ko at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko.
"Anak nandito kami ni Ryle para sayo..." Nag-aalala niyang sabi.
"Si Ryle? Nasaan po si Ryle?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa Spain siya..." Mahinang sabi ng mama ni Ryle.
"Kasama niya po ba si Walter? Nagbakasyon po ba sila?" Tanong ko ulit sa kanya.
Tumango lang ang mama ni Ryle...
"Kailangan ko siya ngayon..." Sabi ko at umiyak na ako.
Niyakap na lang ako ng mama ni Ryle...
"Bakit ganun mama? Parang nanay niya na din ang mama ko! Bakit wala siya dito? Bakit di niya ako puntahan? Di ba siya nag-aalala sa lagay ko? Bakit ganun? Ang unfair niya!" Sigaw ko habang umiiyak.
"Ssshhh... Tahan na anak. Pupunta si Ryle... Hahabol daw siya sa libing ni mama mo." Sabi niya sa akin.
Wala akong ginawa nun kundi ang maniwala at hintayin si Ryle sa libing ni mama ko...
Dumating ang araw ng libing ni mama pero wala akong nakita kahit anino man lang ni Ryle...
Sobrang sumama ang loob ko sa kanya...
"Wala si Ryle... Wala siyang pakealam..." Sabi ko pagkatapos ilibing ni mama.
"Anak... Pagpasensyahan mo na... Baka busy sila ni Walter kaya di naka-uwi galing Spain." Sabi ng mama ni Ryle.
"Ayos lang... Naging malinaw na sakin. Nangako ako na di ko siya iiwan at nasa tabi lang niya ako kapag kailangan niya ako pero di niya naman pinangako yun sa akin..." Seryoso kong sabi.
Puro luha na lang ang lumalabas sa mga mata ko kaya wala na rin akong masyadong makita...
Di na nagsalita ang mama ni Ryle kaya alam kong totoo ang mga sinasabi ko...
"It's enough for me to cry because of him... Ngayon ko siya pinaka-kailangan pero wala siya..." Umiiyak kong sabi.
"It's over... It's all over now! Wala akong halaga sa kanya! Siguro dapat na akong huminto... I should stop caring for him because he never care for me!" Sigaw ko habang umiiyak.
"Anak hindi totoo yan... Mahalaga ka para kay Ryle..." Nag-aalalang sabi ng mama ni Ryle.
Umiling-iling na lang ako at ngumiti ako ng mapait habang lumuluha...
"He never care for what I feel..." Sabi ko at basag na ang boses ko.
Pagka-uwi ko sa bahay ay bigla na lang may nag-text sa phone ko kaya binasa ko iyon...
..........
From: Ryle
Sorry Michael wala ako diyan. Busy kami ni Walter sa Spain eh... Sana maintindihan mo... Condolence.
...........
Wala na akong pakealam... Napaka-selfish niya! Akala niya siya lang ang nasasaktan noon... Siya lang ang masaya ngayon. Ni minsan wala siya kapag umiiyak ako pero ngayon durog na durog ako... Wala pa rin siya...
Narinig ko na lang ang phone ko na nagri-ring...
Si Ryle ang tumatawag... Kinuha ko iyon at sinagot ko naman...
"Hello Michael! Sabi ni mama masama daw loob mo sakin... Sorry Michael... Sorry talaga... Patawarin mo ako." Sabi ni Ryle at rinig ko ang pag-aalala sa boses niya.
Di ako sumagot... Di ko rin alam ang sasabihin ko... Hanggang ngayon ayoko pa din siyang pagsalitaan ng masakit...
"Michael please... Ayokong may samaan tayo ng loob... Please... Sorry Michael... Gagawin ko lahat para patawarin mo ako..." Sabi ni Ryle at parang humihikbi siya.
Wala akong masabi... I really hate him! Ayoko nang marinig ang boses niya...
Di ko alam kung bakit pero bigla kong ibinato ang phone ko at nagsisi-sigaw na lang ako...
Nabasag ang phone ko at iyak na lang ako ng iyak... Ang sakit sobra...
Lumipas ang ilang araw at nag-desisyon ako ng mabuti... Aalis ako ng Pilipinas...
Wala naman na akong pamilya sa bansang ito kaya aalis na lang ako...
Nag-set ako ng appointment sa company at pinadalhan nila ulit ako ng transfer paper papunta sa Korea...
Tinanggap ko na iyon at minadali ko na ang paglakad ng papers... Hanggang sa umalis na ako ng bansa...
Walang regrets... Wala akong pinag-sisisihan... Buo ang loob ko na aalis ako ng bansa...
Pagtungtong ko sa Korea ay ok naman... Di kagaya sa Pilipinas na mainit dito malamig ang hangin...
Nakaka-tanga minsan at inaral ko pa ang language nila kasi di naman lahat marunong mag-english...
Marami ang gwapo at magaganda na nakakasalubong ko lang...
Masaya ang naging buhay ko dito sa Korea... Na-promote din ako kaya malaki na ang sweldo ko... Maganda ang bahay ko dito...
Tahimik... Peaceful... Naka-bili na din ako ng pinapangarap kong grand piano at nakalagay yun sa living room... Tanaw sa labas dahil salamin ang pinagawa kong harang...
May mini-garden din ako... May mga nakatanim na roses...
Masaya ang buhay ko at marami din akong kaibigan na koreano pero mukhang mailap talaga ang lovelife para sa akin hahahhah...
Nagbago na ako... Kuntento ako sa buhay ko at masaya kahit mag-isa...
May mga bisexual din at mga babae na may motibo sa akin... But I don't know why... I can't let myself fall to them...
Parang nag-lock na yung puso ko ng tuluyan...
Ilang years din akong tumira dito sa Korea at napaka-ganda at organized ang lugar na ito...
Hanggang isang araw ay tumawag sa akin ang company...
May business project daw papuntang Philippines... May visit sa top branch ng Philippines at one week yun...
Kasama ako sa ipapadala...
Nung una nagdalawang-isip ako. Ayoko kasing maalala ang mga masasakit na nangyari doon pero... Matagal na at ilang taon na yun... Siguro nga may asawa na si Ryle o di kaya sila pa din ni Walter at happily ever after sila hahahah...
Simula ng tumungtong ako sa Korea ay wala na akong communication kila Ryle pati sa mama niya...
Ilang taon na rin ang lumipas...
Nung tinanggap ko ang visit ng company sa Philippines ay naghanda na ako kaagad... Di na ako masyadong nagdala ng mga damit at isang linggo lang naman yun...
Paglabas ko sa airport ay ganun pa din ang bansa... Mainit hahahah... Nag-check in muna ako sa isang hotel...
Binenta ko kasi ang bahay ko sa Pilipinas hahahah...
Pagkatapos mag-check in ay naggala muna ako sa malapit na mall... Di sumama ang mga kasama ko dahil matutulog daw muna sila...
Pagpunta ko sa mall ay hindi ko pa rin pala nahubad ang damit ko hahaha naka-swing coat na black pa din ako...
Pumunta ako sa Giligans at favorite ko talaga kumain doon...
Kahit mag-isa lang ay nag-enjoy pa din ako kumain... Nasanay na rin kasi ako sa mga Korean foods at favorite ko ang hotteok at bibimbap sa Korea...
Sarap kumain sa Giligans kahit loner ako hahahah... Nag-order ako ng sisig at bulalo sarap kasi hahahah...
Napansin ko na may kakilala pala ako na naka-upo sa kabilang table...
Si Walter... May kasama siyang babae pero di ko masyadong nakita ang mukha niya at sila lang dalawa... Masaya sila...
Well... wala akong pakealam hahahhah kumain na lang ako ng kumain...
Pagkatapos kong kumain at magbayad ay umalis na ako sa resto...
Naglakad-lakad ako sa mall at bigla na lang may humawak sa kamay ko kaya nabigla ako...
Paglingon ko ay si Walter pala yun...
"Hi..." Nakangiti kong sabi.
Hindi muna nagsalita si Walter at hingal na hingal siya... Halatang hinabol niya ako...
"Where have you been?" Sabi niya habang hinihingal.
"Halos mabaliw kami kakahanap sayo." Dagdag pa niya.
"I'm in Korea this past few years... May visit lang ang company kaya nandito ako ngayon." Nakangiti kong sabi.
"We really need to talk!" Inis niyang sabi sa akin.
"For what?" Tanong ko naman.
"Marami kang dapat malaman..." Seryoso niyang sabi sa akin.
Umupo muna kami sa bench at naka-titig lang sa akin si Walter...
"I really can't believe na makikita kita ulit. Pumuti ka at mas lalo kang pumogi..." Nakangiti niyang sabi.
"Thanks Walter... Ano ba gusto mong sabihin?" Tanong ko naman.
"Si Ryle... Matutuwa siya kapag nalaman niyang nakita kita. Wait... Tatawagan ko siya..." Nakangiti niyang sabi.
Kukunin dapat niya ang phone niya pero pinigil ko ang kamay niya...
"You will not do that..." Seryoso kong sabi at tinitigan ko siya ng masama.
"Di niya kailangang malaman na nandito ako..." Inis kong sabi.
"But he really want to see you..." Malungkot na sabi ni Walter.
Yumuko siya at...
"Kung alam mo lang... Kung alam mo lang Michael ang nangyari... Gugustuhin mong makita siya..." Seryoso niyang sabi.
"I don't even need to know..." Sabi ko naman sa kanya.
Nagulat ako nang bigla na lang may kumurot sa giliran ko kaya napahimas na lang ako dahil ang sakit...
"Letse kang bata ka! Lam mo bang hinanap ka namin!"
Pagtingin ko sa gilid ay mama pala ni Ryle... So sila pala ni Walter ang mag-kasama kanina...
"Mama naman! Ang sakit nun!" Natatawa kong sabi.
"Saan ka ba pumunta ha???!!! Bwisit kang bata ka!!! Miss na miss ka na namin!!!" Sigaw ng mama ni Ryle.
Niyakap niya ako at mukha ngang galit siya hahahah...
"Sa Korea ako tumira... Doon na po ang nagta-trabaho..." Sabi ko naman.
Hinatak ng mama ni Ryle ang kamay ko kaya nagulat ako...
"Mama saan niyo po ako dadalhin?" Tanong ko habang hinahatak niya ako.
"Kay Ryle! Kailangan ka niyang makita!" Inis niyang sabi.
Kumalas ako sa hawak niya kaya napahinto na lang siya ar tumitig sakin...
"I don't want to see him anymore..." Sabi ko at tumalikod na ako para umalis.
"Please Michael... Makinig ka muna." Sabi ni Walter pero hindi ako nakinig.
"He loves you!!!" Sigaw ng mama ni Ryle.
Napahinto ako at lumingon ako sa kanilang dalawa...
"Please anak... Kung ayaw mo siyang makita, makinig ka na lang..." Seryosong sabi ng mama ni Ryle.
Huminga ako ng malalim at naguguluhan ako...
"When you left this country... He suffered from major depression..." Seryosong sabi ng mama ni Ryle.
Nabigla ako... Hindi ko alam kung maniniwala ako...
"He even attempted to find you around the world..." Sabi pa niya.
"But why? He never care for me..." Malungkot kong sabi.
"No Michael... Mahal ka ni Ryle. Mahal na mahal ka niya..." Sabi naman ni Walter.
Tumawa na lang ako...
"How come? Diba ikaw ang mahal niya?" Natatawa kong tanong kay Walter.
"He broke up with me... When you're gone... He finally realized how much he loves you..." Seryosong sabi ni Walter.
Natahimik na lang ako... Hindi ko alam kung maniniwala ba ako...
"Actually he loves you before we bacame together and even we are together... Ikaw palagi ang bukambibig niya..." Malungkot na sabi ni Walter.
"It can't be..." Sabi ko naman.
"Anak... Sobrang na-depress siya... He cried all night. Sinisisi niya ang sarili niya sa pag-alis mo... Gusto niyang hingin ang kapatawaran mo... Hindi na siya lumalabas ng bahay... Hanggang ngayon hinihintay niya ang pagbalik mo so please... Puntahan mo siya..." Naiiyak na sabi ng mama ni Ryle.
Hindi ko kinakaya ang mga impormasyong naririnig ko... Should I see him again?
Baka bumalik lang lahat ng sakit... Pero wala namang mawawala. Babalik pa rin naman ako ng Korea...
"Sige... Wag niyo munang sabihin sa kanya na nandito ako. Ako na lang ang pupunta sa kanya..." Seryoso kong sabi.
"Salamat anak... We will wait for you..." Sabi ni mama at naluluha na siya.
Lumipas ang ilang araw bago ko subukang puntahan si Ryle at malapit na din akong bumalik sa Korea...
Bukas ang gate nila kaya pumasok na lang ako... Sinalubong ako ng mama ni Ryle at sinenyasan niya ako kung nasaan si Ryle...
Ngumiti ako at naririnig ko ang tugtog ng piano...
Tumatayo ang mga balahibo ko... Ang ganda ng tugtog... Feels kumabaga...
Hanggang sa matanaw ko si Ryle na nakatalikod siya pala ang nagpa-piano...
I know you're somewhere out there
Somewhere far away
I want you back
I want you back...
Shit... Ang galing niya tumugtog. He's not just good... He's really good... Akala ko hindi siya matututo mag-piano pero ngayon marunong na siya...
My neighbors think I'm crazy
But they don't understand
You're all I had
You're all I had
Yung boses niya... It is like a siren. At yung combination ng piano... Sobrang galing... Sobrang soulful...
At night when the stars light up my room
I sit by myself talking to the moon.
Trying to get to you
In hopes you're on the other side talking to me too.
Or am I a fool who sits alone talking to the moon?
Ramdam na ramdam kong galing sa puso niya ang kinakanta at tinutugtog niya...
I'm feeling like I'm famous
The talk of the town
They say I've gone mad
Yeah, I've gone mad
But they don't know what I know
Cause when the sun goes down
Someone's talking back
Yeah, they're talking back
Ohhh
I can feel his feelings because of his music... Ni hindi ko inexpect na matututo siya mag-piano tapos ganito na siya kagaling...

Nalulungkot ako sa kanta niya... Para ba sa akin iyon? Tinatamaan ako...
Ahh... Ahh... Ahh...
Do you ever hear me calling?
Oh ohh oh oh ohhh
'Cause every night I'm talking to the moon Still trying to get to you
In hopes you're on the other side talking to me too

He is so amazing... Yung lamig ng boses niya at ramdam ko ang pagdudusa niya... Tinutusok ang puso ko. Mahal ko pa rin yata siya...
I know you're somewhere out there
Somewhere far away...
Ang galing niya... Natapos na ang kanyang tugtog sa piano at medyo natulala ako...
Pumalakpak ako ng malakas...
Unti-unting lumingon si Ryle at...
Nanlaki ang mga singkit niyang mga mata nang makita niya ako... Napatayo siya bigla sa upuan ng piano...
"Oh God! Is this real?" Di maka-paniwala niyang sabi.
Nakatingin lang ako sa kanya at hindi na siya gumagalaw... Nakatitig siya sa akin at naluluha ang mga mata niya...
"M... Michael..." Sabi niya at pumatak ang mga luha niya.
Unti-unti siyang lumapit sa akin at nakatingin lang ako sa kanya... Lumuluha na ang mga mata niya...
"Michael... Bakit nawala ka?" Umiiyak niyang tanong.
"Nagtrabaho ako sa Korea..." Sagot ko naman.
"Napatawad mo na ba ako?" Tanong niya at basag ang boses niya.
Tumango lang ako sa kanya...
Napangiti siya pero umiiyak pa din siya...
"Michael... Pwede ba kitang yakapin?" Umiiyak niyang tanong.
Tumango lang ulit ako sa kanya...
Lalo siyang umiyak ng malakas at niyakap niya ako bigla ng mahigpit...
"Miss na miss na kita Michael! Araw-araw kitang namimiss! Umiiyak ako palagi pag naalala kita! Alam ko malaki kasalanan ko sayo... Hindi ako napagod hintayin ka..." Humahagulgol niyang sabi habang nakayakap sa akin.
Ang totoo ay naiiyak din ako pero pinipigil ko lang ang mga luha ko...
"Marunong ka na pala mag-piano... Ang galing mo na..." Sabi ko naman.
"Nag-aral ako para pagbalik mo tutugtugan kita para patawarin mo na ako..." Humahagulgol niyang sabi.
"Michael sinabi sa akin ni Walter at ni mama ang lahat... alam ko na lahat..." Sabi niya at iyak pa din siya ng iyak.
"Tahan na Ryle... Wag ka nang umiyak." Sabi ko naman.
Kumalas si Ryle sa pagkakayakap niya sa akin at hinawakan niya ang mga pisngi ko...
"Michael hinintay ko talaga ang araw na makita kita ulit... May sasabihin akong importante..."
"Ano yun Ryle?" Tanong ko at naiiyak din ako.
Huminga siya ng malalim at pinunasan ko naman ang mga luha niya gamit ang aking nga daliri...
"Mahal kita Michael..."
Parang tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan... Hindi ako masyadong naniwala sa sinabi ni Walter pero nanggaling pa mismo kay Ryle ang mga katagang iyon...
"Mahal mo rin ba ako?" Umiiyak niyang tanong.
"Kailangan ko ba talagang sagutin yan?" Tanong ko rin sa kanya.
Nagulat ako nang bigla niya akong halikan ng madiin sa labi... Ang lambot ng mga labi niya, masarap at puno ng pagmamahal...
Unang beses na may humalik sa mga labi ko...
Parang nawala lahat ng nasa isipan ko at tumibok ulit ang puso ko... Mahal ko siya... Mahal na mahal ko pa rin talaga si Ryle...
Nang matapos ay kumalas din siya...
"Mahal kita Michael... Mahal na mahal kita. Simula ngayon... Ikaw na ang priority ko... Papasayahin kita palagi..." Umiiyak niyang sabi.
"Talaga? Gagawin mo yun para sa akin?" Tanong ko at tumulo na din ang mga luha ko.
"Oo Michael... Kaya please... Wag ka nang umalis sa tabi ko." Sabi niya.
"Mmm... Actually aalis din ako kaagad. Babalik akong Korea..." Sabi ko naman.
"Please Michael... Wag mo akong iwan ulit..." Umiiyak niyang sabi.
"Doon na ako nakatira..." Sabi ko.
Yumuko siya... Halatang nasaktan siya sa sinabi ko...
Hinawakan ko ang mga pisngi niya at hinarap ko ang mukha niya sa mukha ko...
"Babalikan kita... Kaya mo bang mag-hintay?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko kayang maghintay..." Seryoso niyang sabi sa akin.
Halos gumuho ulit ang mundo ko sa sinabi niya... Ang sama ng loob ko...
Nang matapos ang araw na iyon ay di na kami nagkita pa ulit... Hanggang sa dumating ang araw na babalik na ako sa Korea...
Pumunta ako ulit sa mansion nila para magpaalam pero sabi ni mama wala na daw si Ryle... Umalis din daw siya...
Ang lungkot ko nun...
Bumalik na ako sa Korea at tinanggap ko na lang ang nangyari... Desisyon naman yun ni Ryle...
Pag pasok ko sa bahay ko sa Korea ay nagulat ako dahil may nakahandang agahan...
Tumakbo ako papunta sa kusina at nakita ko si Ryle...
"Ryle..." Sabi ko at lumuha ako bigla.
Ngumiti lang si Ryle sa akin...
"Akala ko ayaw mo na..." Umiiyak kong sabi.
"Ayaw ko nang maghintay kaya nauna na ako dito sa Korea hahahah." Tumatawa niyang sabi.
"Paano mo ginawa yun?" Tanong ko naman sa kanya.
"Pinakuha ko ang files mo sa company tapos pumunta ako dito sa Korea at pinahanap ko ang bahay mo... Nagpagawa ako ng susi para buksan ito... Madali lang naman... Ipapakulong mo ba ako?" Natatawa niyang sabi.
"Baliw ka talaga hahahah." Tumatawa ko ding sabi.
"Oo naman... Baliw ako sayo at ipapakulong din kita..." Sabi niya.
"Huh? At bakit naman?" Tanong ko.
"Ikukulong na kita sa puso ko..." Nakangiti niyang sabi.
Ganun nga ang nangyari... Sa Korea kami tumira ng tatlong buwan at inayos namin ang papeles dahil babalik din kami sa Pilipinas... Minsan magkasama kaming tumutugtog ng piano...
Bumalik kami ni Ryle sa Pilipinas at dito na ako nagtrabaho ulit...
Nagbago na ako... Palagi ko siyang inaaway hahahah sinusuyo niya kasi ako at yun ang pinaka-gusto ko... Yung paglalambing niya... Palagi kaming nagka-cuddle...
Hindi ko inakala na mamahalin niya rin ako... Higit pa sa importante ako sa kanya...
Natatakot si Ryle na masaktan niya ulit ako kaya ganun na lang ang pag-aalala niya kapag nagtatampo ako...
Masaya kami... Minsan ang trip niya kapag gumagala kami ay bigla na lang niya ako hahalikan sa labi hahahah...
Simula ng maging kami ay araw-araw niyang tinutupad ang mga pangako niya sa akin...
Simula ng maging kami ay alam kong hindi na ako mag-isa...
Minsan sa buhay may mga bagay na hindi mo maiintindihan at hindi mo alam... Unfair ang mundo... Totoo yun! Pero kailangan mong maging malakas para sa sarili mo... Wala kang ibang makakapitan... Walang ibang tutulong sayo kundi ikaw lang... Sarili mo mismo...
Siguro naging ma-swerte lang ako at mahal ako ni Ryle...
Sana magsilbing aral ito sa lahat ng nagbabasa...
Tuparin dapat ang mga pangako... Maliit man o malaking pangako ay dapat tinutupad...
Higit sa lahat ay huwag na huwag natin kalilimutan ang mga taong tutulong sa atin... Malalaman mo ang halaga nila kapag wala na sila sa iyo...
Bago mo bitawan ang isang tao tanungin mo muna ang sarili mo kung mahal mo ba talaga siya... Kung mas nasasaktan ka kesa masaya ka ay masama iyon...
Pero lahat ng sakit, lahat ng luha, lahat ng hinagpis at pagdurusa ay hindi matatapatan kumpara sa sayang naramdaman ko...
Everything is worth it for a right person but if he is not the right person, it is never worthy...
Ngayon hindi ko na kailangang umasa dahil mahal na mahal ako ni Ryle and he will do everything for me just like I am to him...
No one can tear us apart...
I never thought any of this that might happen...
I am under his spell again...
And once again... He lured me in...
The end...

COMMENTS