$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Singing my Heart Out (Part 1)

By: bloodangel Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.. Siguro dito na lang. Ang storyang ito ay walang halong maseselang tema, karahasan, ...

By: bloodangel

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.. Siguro dito na lang. Ang storyang ito ay walang halong maseselang tema, karahasan, horror o droga. Eto ay pawang kabaklaan lamang!
Kung hindi po maganda ang pagkakasulat ay pagpasensyahan nyo na po, hindi ako magaling magsulat, mas bet ko magluto kaya dedma ako sa creative writing nung highschool and college.
 Im an avid reader ng site na ito, halos linggo linggo nagaabang ako sa mga magagandang storya. Hindi makukumpleto ang linggo ko pag hindi ako naantig sa mga nababasa kong kwento dito, kadalasan nga nakakarelate ako. Tuwing Linggo ko nababasa nandito kasi ako sa west coast ng amerika. Kaya pag affected ako sa storya buong linggo ko rin dadalhin yung sakit sa dibdib. Feeling ko nga minsan dahil dito kaya inaatake rin ako ng depression ko. Especially nasa ibang bansa ka na wala kang masyadong friends, meron man hindi ko sila ma-gets, maybe because of cultural differences? Basta ewan ko sa kanila, minsan siguro iniisip nila na may topak kaya ako? Kasi naman ang buhay ko dito work - kain - tulog. Sa day-offs ko naman nagkukulong lang ako sa kwarto, kung lumabas man ako kasama ng mga pinsan ko once in a blue moon. Mas gusto ko magpahinga or manood ng mga korean/japanese series. Ang lungkot ng buhay ko no?
Pero dati nung nasa Pilipinas pa ako hindi ako nawawalan ng social life. Grade 6 pa lang ako noon, so 12 years old, tambay na kami ng barkada ko sa mall sa Pasay, nung nag hishschool naman natutong uminom at manigarilyo. Pero kahit kailan hindi ko na try ang bawal na gamot, parang hindi kaya ng sikmura ko gumamit, bakla na nga adik pa. Anyway sa college lahat magsisimula ang madugong pagibig ko. Oo nga pala ako si Dan, 29 years old at nagdalaga sa Bulacan. How to describe me.. hmmm, syempre para sa akin saksakan ako ng ganda! Duh! kahit na sa totoong buhay eh hindi naman masyado, mataba pero di naman yung sobrang taba na hirap na kumilos. Sa barkada namin may mga kamukhang artista, may Judy Anne Santos, Angelika Dela Cruz, Marian Rivera at ako.. ako daw si Eugene Domingo! (Mga hinayupak kayong friends ko!) Sa buhay naman may kaya naman kami sa buhay, pero naranasan ko rin na huminto sa pagaaral dahil dumating din sa punto na walang wala kaya napilitan si mama na mangibang bansa.
Mahilig ako kumanta at dahil may scholarship na kasama pag nag join ka, eh di go ako! May mga highschool friends akong kasali sa choir and classmates na rin from the university kaya hindi ako masyadong nahirapan makipagkaibigan at madali akong nakapag adjust. Halos everyday ang practices for a very big concert nung taon na yun kaya naman from 5-8pm everyday magkakasama kami. Dito ko nakilala sila Karla, Leon at Joe.

Si Karla ang bestfriend ko, si Leon at Joe madalas maginisan at laging talo si Leon. Sa aming tatlong gurls si Leon ang pinakatahimik, si Joe naman ang pinakamaingay, at ako naman balance lang minsan tahimik madalas maingay rin lalo na pag nagsama sama na kaming tatlo. Sa barkada namin dahil si Karla lang ang may matris, oo di ko sure noon kung babae talaga siya or tomboy, siya madalas ang takbuhan at tagapayo namin lalong lalo na sa lovelife. Kahit sa aming tatlong mga beki may mga sikreto kami sa isat isa pero si Karla alam nyang lahat ng sikretong iyon.
Sa choir may kanya kanya kaming natitipuhan, si Leon may nursing student na crush, si Joe may dentistry at ako.. ako ay saksakan ng landi dahil may dalawang nursing student at isang masscom student akong bet na bet! (kaya ako nasasaktan ang landi landi ko e)
Naging maayos naman ang buhay namin sa choir, si Leon naging close kay nurse, yung dentist ni Joe umalis sa choir di natagalan. Kasi naman pakiusap lang naman yun kaya nasali sa choir, mataas kasi posisyon ni Joe as officer ng choir. Hindi ko alam kung bakit ang hirap hirap ng buhay ng isang bakla. Yung gusto mo may gustong iba kaming tatlo yung mga gusto namin is either straight or may gustong ibang lalake din. Eto na talaga dito iikot ang story kay dentist. Itago na lang natin siya sa pangalang Fynn.
Simula nang sumali ako sa choir si Joe gustong gusto na si Fynn. Malapit siya sa barkada namin dahil na rin kay Joe. May mga pagkakataong na-chismis pa na itong si Joe ginagastusan daw si Fynn, pero alam namin sa barkada namin ang katotohanan. Maluho si Fynn kaya niyang gumastos ng sampung libong piso sa isang store lang. At sa pagkakakilala ko kay Joe hindi siya gagastos nang ganoong halaga para sa lalaki. Madalas sila lumalabas treat lagi ni Fynn, pero wala silang relasyon. Ayaw ata ni Fynn pero si Joe pursigido kahit hirap na hirap na siya susugod at susugod pa rin siya basta nag text yung isa. Nung una sinusuway namin siya nila Karla at Leon pero wala bulag na ata sa pagibig kaya bilang kaibigan niya lagi kami nasa likod niya upang paalalahanan siya. Minsan literal na batukan para magising sa katotohanang hindi siya gusto ni Fynn. May ugali si Fynn na bigla nalang hindi namamansin or biglang galit, abnormal ata, kaya si Joe laging umiiyak sa amin. Naglalabas ng sama ng loob pero wala naman kaming magawa mahal niya. Ang hindi namin alam itong si Fynn inaya rin pala si Leon na magdate, hindi ko alam kung alam din ni Joe na may date sila  Fynn at Leon basta ako hindi ko alam. Nakipagdate naman si Leon, typical date nanood ng sine ,nagholding hands, kumain sa labas at hinatid siya sa bahay, muntik pa nga daw siyang halikan kung hindi lang siya umiwas. Na-off siguro siya nung umiwas ang maldita kong friend or hindi niya talaga gusto si Fynn dahil magsahanggang ngayon si nurse parin ang tinitibok ng puso niya. Di ko alam kung close kami na pati itong lalaki na ito pinaghahatian or sadyang malalandi lang kami. Noong una ayaw na ayaw ko kay Fynn dahil nga sa pinag gagawa nya sa mga kaibigan ko. Akala ko lang pala na ayaw ko sa kanya. Dumating ang isang araw na katext ko na siya minsan kausap ng magdamagan. Uuwi ng 8 galing practice mga 9pm tatawag sa akin hanggang 3am nang madaling araw magkausap kami. Halos wala naman kaming pinaguusapan. Kulitan lang. Unti-unti na akong nahulog sa kanya. Minsan nagpasama siya sakin kumuha ng supplies napagisip isip ko “ito yung dating ginagawa niya kay Joe bakit ako ang nandito sa sitwasyon na ito?” Pero wala akong nagawa dahil sa nahulog na ako ng tuluyan sa kanya. Ang buong akala ko bibili lang kami ng supplies sa Mendiola. Nagulat na lang ako nasa isang mall na kami sa Edsa at manunuod daw kami ng sine, bumili siya ng ticket maaga pa naman kaya pwede pa kaming magikot ikot. Kaya bumili na rin siya ng mga damit niya, ako di ako mahilig magshopping. Nang malapit na magsimula yung movie bumalik na kami, bumili siya ng popcorn large daw hati na lang kami, ooooookaaaay, this is getting weird, pero kinikilig na ako nun. Sinakyan ko lang lahat ng trip niya nilagyan niya ng butter and salt. Pagupo sa sinehan napadami yung salt, di namin makain at saksakan ng alat. Ang palabas noon Resident Evil Resurrection. Kung date man ang tawag dun hindi ko na enjoy, unang una ayaw ko ng masyadong action. Kung movie date call me old-fashioned pero mas gusto ko ng rom-com or horror. Anyway ng matapos ang pagpapasama niyang iyon ako pa naghatid sa kanya.. THE NERVE! Kadalaga kong tao ako pinaghatid bwiset! Nung gabing din iyon nakipag kita ako kay Joe, hindi ko alam kung alam niyang magkasama kami ni Fynn, ayokong sabihin dahil ayoko siyang masaktan. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya kaya tinago ko na lang sa sarili ko, pero feeling ko alam naman niya talaga hindi na lang din siya nagsalita. Madalas parin kami inuumaga ni Fynn magkausap sa phone, pero pagnasa campus naman hindi kami masyado nagpapansinan, hindi ko alam kung nahihiya siya or busy lang talaga dahil nga dentistry ang course kaya ako okay lang. Di ko na rin siya tinanong pagmagkausap kami. Marami kasi akong inhibitions kaya natatakot ako marinig yung isasagot niya.
Nang minsan magkasama kami ni Karla papasok ng campus may inabot si Fynn na bag, paki abot daw “sa kanya.” So ako tahimik lang sa gilid, nang pumasok kami sa facilty room ng college nila, inabot ni Karla yung bag sa isang lalaki na maputi. Nakita ko na siya dati barkada siya ng isa sa mga choirmates ko. Nakita ko rin yung laman ng bag.. chocolates, maraming maraming chocolates. Tahimik lang ako sa tabi ni Karla. Paglabas namin tinanong ko siya “Sino yun? Bakit pinaabutan ni Fynn ng isang bag ng chocolates?” sagot ni Karla “Boyfriend ni Fynn yun.” Tumigil ang mundo ko noon. Literal na slowmo, tulalang naglalakad. Ang pagkakaalala ko hindi na ako umattend ng practice namin sa choir. Umuwi na agad ako. Sa kwarto ko naupo sa sahig nnakasandal sa kama ko. Nakaupo lang ako dun tumutulo ang luha hanggang mapansing madilim na siguro mga alas siete na ng gabi nun. Kailangan pa magluto kung hindi walang kakainin si bunso. Magkatext kami ni Fynn nang mga oras na iyon. As usual nangungulit nanaman, wala naman kaming pinaguusapan kaya ang mga reply ko lang sa kanya “k, oo, hinde”. Nagtaka siguro siya kasi madalas ako yung mahaba mag text at punong puno ng buhay. Kaya tinawagan niya ako, pinipigilan ko yung paghikbi ko ng mga panahon na iyon, pero narinig pa rin niya siguro na umiiyak ako.
Tinanong niya ako “Okay ka lang? May problema ba?” Hindi ko na mapigilang humagugol ng iyak at sinabing “Oo may problema. Ikaw ang problema ko dahil gusto kita!”
Sabay sabi niyang “Nagbibiro ka ba?” Sa sobrang inis ko naihagis ko ang cellphone ko at nagiiyak sa kwarto hanggang sa makatulog. Dumaan ang mga araw na lutang ang isip ko. Hindi makapag concentrate sa mga classes ko, sa practices laging nagtatalent lang ako. Talent meaning nag lipsync oh ang pag arte na kumakanta ka pero wala naman talagang boses na lumalabas. Dahil nga sa kakaiyak ko wala akong boses. Iniwasan ko rin ang mga text at tawag niya pero parang wala lang naman sa kanya, masaya siya ng mga panahon na iyon sa boyfriend niya. Sino ba naman ako sa kanya. Isang despensable na kaibigan na pwede niyang iwanan kung kelan niya gusto. Pero hindi ako katulad ni Joe na kayang sikmurain na kahit ipinagtabuyan ka e madali siyang makakabalik. Nasa prinsipyo ko na pag may umalis e di goodbye. Sa campus literal na iniiwasan ko siya. Minsan nagkasalubong kami sa gate palabas siya, papasok naman ako. Kahit na bawal tumakbo sa corridor ay ginawa ko ito para lang makaiwas sa kanya. Kahit pa nasa harap ko yung guard na pwede akong hindi papasukin tinakbo ko pa rin papuntang faculty room ng college namin alang alang sa pagiwas. Lahat na ata ginawa ko delete sa fb, sa phonebook, (kahit memorize naman yung number nya) sa skype, at sa lahat ng social media na connected kami.
Siya nga pala yung pagpapakilala pala sakin ni Karla na bf ni Fynn yung inabutan niya ng chocolates pakana pala niya lahat iyon. Para daw matauhan ako. Well impakta kang babae ka, kung hindi ko lang mahal yung bestfriend ko naku pinakagat na kita sa mga asong maiingay sa likod bahay namin.
Pero ang lahat nang ito ay nagbago. Nilunok ko ang pride ko naghiwalay na kasi sila nang boyfriend niya. Eto naman si akong tanga, nagpakatanga lalo at kinausap nanaman siya.
Ewan ko bakit ba hindi ka pa nadadala
Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan nya
At ewan ko nga sa'yo parang balewala ang puso ko
Ano nga bang meron siya na sa akin ay 'di mo makita

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling luluha pa
'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sa'yo

Heto pa rin ako, umaasang ang puso mo
Baka sakali pang ito'y magbago
Narito lang ako kasama mo buong buhay mo
Ang kulang na lang mahalin mo rin akong lubusan

Kung ako na lang sana ang yong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang yong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sayo
Kung ako na lang sana...

Oooo...
Kung ako na lang sana ang yong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang yong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sayo
Kung ako na lang sana...
Balik nanaman kami sa dating gawi. Text at tawagan magdamagan. Gamit na gamit samin yung unli call ng sun cellular noon. Yun lang kasi yung may unli calls noong time na yun. Lumipas ang mga buwan na ganun ang siste namin. Minsan isang gabi bored ata siya gusto daw niya ng ice cream kaya napagkasunduan namin na magkita sa 7-11 malapit sa kanila. Though hindi naman kalapitan yung samin pero okay lang sakin namiss ko siya eh at malakas siya sakin. Ang hindi ko alam may sasabihin pala siya sakin..

So ayun nga pagkatapos namin lantakan yung ice cream umuwi na rin kami, habang ang saya saya kong naglalakad pauwi dahil maliwanag ang buwan at malamig ang simoy ng hangin tumawag siya sakin at sinabing wag na muna daw akong mag text or tumawag sa kanya.. Tinanong ko kung seryoso siya at oo naman ang sinagot niya. Nainis ako sa kanya. Ano ba tingin niya sa akin.. sa aming magkakaibigan mga damit na kung kelan lang niya feel gamitin dun lang niya isusuot. Kung ayaw na itatapon na lang? Simula noon hanggang kaya ko hindi ko na siya kinausap unless it’s a school matter parahas kasi kaming officer so hindi nagkaroon ng pagkakataon na hindi kami naguusap pero para sakin im just being professional. Mahirap na at ako pa malintikan pag iniwasan ko siya, student body officer siya president lang ako ng choir.
Siguro isa na siya sa mga rason kung bakit ang taas taas ng walls ko pagdating sa usapang puso. Pero NBSB ako, So di ko rin masasabi na fault nya ang lahat ng ito. Sabi ko nga madami akong inhibitions sa katawan. Takot akong masaktan na walang kalaban laban at mas masakit ay ang masaktan ng walang karapatan.
 Pero kahit ganito man ako naniniwala pa rin ako sa forever. Hopeless romantic pa rin.
Salamat kung natapos mong basahin. Kung may natutunan kang lesson from my story then use it well. Kung wala naman pasensya na.

To be continued

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Singing my Heart Out (Part 1)
Singing my Heart Out (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjI-i8n7hUZ-j_8M0ZQXEjTlZNfxB-R-pw0wdgtc1dWiY-4sidq5EsFKEoEvD-MVaPW_QsLJReahwgaKuw832lFdfgqUw0qh-dVNheFFFlXBf5SmbhIHBlaeeNQg9TMKvn5rmD5hTCu69IL/s400/14726301_1320664027968360_2751499484545417216_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjI-i8n7hUZ-j_8M0ZQXEjTlZNfxB-R-pw0wdgtc1dWiY-4sidq5EsFKEoEvD-MVaPW_QsLJReahwgaKuw832lFdfgqUw0qh-dVNheFFFlXBf5SmbhIHBlaeeNQg9TMKvn5rmD5hTCu69IL/s72-c/14726301_1320664027968360_2751499484545417216_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/10/singing-my-heart-out-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/10/singing-my-heart-out-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content