By: Lord Iris Kith POV Date namin ngayon ni Ray at bago ang lahat... gusto ko munang mag-simba... gusto kong magpasalamat sa lahat-lah...
By: Lord Iris
Kith POV
Date namin ngayon ni Ray at bago ang lahat... gusto ko munang mag-simba... gusto kong magpasalamat sa lahat-lahat... kasi ngayon na lang ako naging ganito kasaya...
Pagkatapos namin magsimba... niyaya ko si Ray na magtirik ng mga wishing candles... at pagkatapos merong matandang babae na lumapit sa amin sa labas ng simbahan... at bigla na lang niya akong kinausap...
"Iho!!! Napakaganda ng aura mo... ngayon lang ako nakakita ng kagaya mo... kakaiba ka kaya... gusto mo bang hulaan ko ang kapalaran mo? Libre lang dahil merong iba sayo..". Tanong ng manghuhula sa akin...
"Wala naman sigurong masama no?". Tanong ni Ray sa akin...
"Sige po... kayo ang bahala"... sagot ko
"Sige kung ganun ay iabot mo sa akin ang iyong kanang kamay...". Sabi ng matanda habang ako naman ay pinakita ang aking mga palad...
"Wait lang ako muna!!!..." sigaw ni Ray...
"Sige bahala ka... kung gusto mo mauna"... sabi ng matanda kay Ray kaya naman pinakita na niya ang kanang palad niya...
"Mukha namang hindi mo kailangan na malaman ang tagumpay mo sa buhay... dahil mayaman ka na pero... walang silbi ang yaman mo dahil hindi ka magiging masaya....".. sabi ng matanda...
"Ano pong ibig nyo sabihin sa kapalaran ko?". Tanong ni Ray...
"Darating ang taong magmamahal sayo ng lubos... higit pa sa inaakala mo... bibigyan niya ng liwanag ang natutulog na apoy sa iyong puso... at siya ang swerte mo sa buhay..."..
Tumingin sa akin si Ray at nagsalita "Mukhang nahanap ko na po yata".
"... ang babasagin niyang damdamin... at naiibang pagkatao ang magtutulak sayo sa kaligayahan...NGUNIT!!!!... kailangan mo siyang pahalagahan na parang isang diyamante... dahil sa oras na mawala siya sayo... mawawala sayo ang lahat lahat" hula ng matanda na parang nagbabanta...
"Salamat po sa hula... alam ko na po ang ibig nyong sabihin"... nakangiting sabi ni Ray sa matanda...
"Iho!!! Hindi iyon hula... iyon ang kapalaran mo... na sayo ang huling desisyon sa buhay mo!". Sabi nito
"Ganun po ba?"... tanong ni Ray
Tumingin sa akin ang matanda at
"Ikaw naman... may nakikita akong espesyal sa iyo.. kakaiba ka". Sabi nito sa akin kaya inabot ko na ang aking kanang palad...
"KAHANGA-HANGA.... KAHANGA-HANGA KA!!!!".. Namamanghang sabi ng matanda sa akin...
"Ano po ang ibig nyo sabihin?". pagtatanong ko....
"Nagawa mong lampasan ang napakadilim na nakaraan... kahang-hanga ka talaga!!!"..
"Ayoko na pong balikan ang nakaraan iba na lang po ang tingnan nyo". Magalang kong pagkakasabi...
"Sige kung ganon... kakaiba ang pagkatao mo... masyado kang mabait NGUNIT masyado ka ding masama".
"Alam ko na po iyan"... sagot ko
"Pero dalisay ang iyong puso... at na sayo ang desisyon kung magiging masaya ka o hindi...".. sagot nito...
"Ano po ang ibig nyong sabihin?".. pagtatanong ko...
"Wag kang magpalamon sa galit... kailangan mong maunawaan ang salitang pagpapatawad... at saka mo lang matatagpuan ang pang-habangbuhay na kaligayahan"... sagot ng matanda sa akin...
"Salamat po sa inyo"... sabi namin ni Ray at aalis na kami pero... nagsalita ang matanda la likod namin...
"Magkarugtong ang inyong buhay... walang nababagay sa isat-isa kundi kayo lamang...."...
Paglingon namin ni Ray ay bigla na lang nawala ang matanda sa likuran namin...
"Hala!!! Nasaan siya?". Tanong ni Ray sa akin...
"Baka kanina pa naka-alis"... sagot ko
"Pero amazing siya diba? meant to be daw talaga tayo..." nakangiting sabi ni Ray sa akin....
"Oo nga eh... sayang di ko man lang siya nabigyan ng pera... o tulong man lang diba?".. tanong ko...
"Hayaan mo na... siguro pag nagkita na lang kayo uli.. "... sabi ni Ray...
Sinakay ako ni Ray sa kotse niya at Malayo daw ang pupuntahan namin... special daw yun para sa aming dalawa... siguro mga tatlong oras din ang biyahe papunta doon...
Umakyat kami gamit ang kotse sa isang maliit na burol... at puro bermuda lang ang nandito.... pagdating namin sa tuktok ay may nakatayong puno ng Mangga...
Maganda at presko ang lugar... masarap ang hangin... at ang ganda ng tanawin... kaming dalawa lang ang nandito...
"Ano Kith? Nagustuhan mo ba? Property namin to.. at exclusive lang para satin... kasi dito din ang dating place ni Mom and Dad".. sabi ni Ray
"Napaka-ganda... payapa ang lugar..". Namamangha kong sabi...
"Wait lang... may kukunin ako sa kotse ko...". Sabi ni Ray at umalis siya saglit...
Buti na lang at naglatag muna siya ng tela para maka-pag picnic kami meron ding mga pagkain... fries, spaghetti, bbq, at cake...
Medyo matagal siya... sa sobrang payapa di ko namalayan na nakaidlip pala ako... masyadong payapa ang lugar... di ko alam na makakapunta pala ako sa ganito kagandang lugar...
Nakaramdam ako ng mariin na halik sa noo... kaya naalimpungatan ako.. at paggising ko... nakita ko si Ray na may hawak-hawak na boquet ng white Roses...
"Kith para sayo to"... sabay abot sa akin ng boquet ng white roses...
Naluluha ako dahil para sa akin... ang taong nagbigay sayo ng white roses ay may malinis na intensyon...
"Salamat...paano mo nalaman na gusto ko ng white roses?". Tanong ko
"Secret... nagustuhan mo ba?".
"Syempre naman...gustong-gusto ko". Nakangiti kong sagot...
"Meron pa akong regalo sayo lalabs". Sabay kuha ng box sa bulsa niya...
Isa itong sing-sing pero nagulat ako ng bigla niyang hatiin sa gitna... kaya naging dalawa ito... hugis puso ang dalawang sing-sing...
"Couple ring natin to... may nakasulat sa loob... Ray love Kith". At nang makita ko napangiti na lang ako bigla.
Sinuot niya sa akin at sinuot ko din sa kanya.... umaapaw ang kaligayahan na nadarama ko ngayong araw na ito.
"Ray may regalo din ako"... sabi ko sabay kuha ng box sa bag ko...
Napangiti siya ng buksan niya ang box...relo iyon na may leather na band at red na designs favorite color kasi niya ang red pero di ko na sasabihin ang tatak...
"Kith!!! Mahal to ah!!!"... sigaw niya
"Eh mahal din kita eh"... sagot ko...
"Grabe ka... yayamanin ka talaga". Natatawa niyang sabi....
"Gusto ko kasi na kapag tumitingin ka sa oras....maaalala mo na lagi akong may oras na nakalaan para sayo". Malambing kong sabi...
"Thank you Kith pero.... next time wag ka naman magregalo ng ganito kamahal....".. sabi niya...
"Eh ano naman ang gagawin ko sa pera ko?...".. tanong ko
"Basta!... ikaw lang naman masaya na ako... masaya ako na kasama ka dito... masaya din ako na ngumingiti ka kapag kasama kita I LOVE YOU"... sabi niya sa akin na halatang sincere....
"I LOVE YOU TOO Mahal ko".
Raypaul POV
Kapag nandito ako sa lugar na ito... gumagaan ang pakiramdam ko... kaya dinala ko dito si Kith... nakaupo ako at nakasandal sa puno at si Kith naman ay nakahiga at inuunanan ang hita ko.
"Alam mo Kith... nung una kitang makita... akala ko anghel ka talaga... pero nung tinulungan mo akong makalimot sa problema ko noon... napatunayan ko na ikaw pala talaga ang guardian angel ko... ikaw Kith nagwapuhan ka ba sakin nung una mo akong nakita sa hallway?"...
"Kith????"....
Pagtingin ko sa kanya... nakatulog na pala siya... mukha talaga siyang anghel na natutulog... ang sarap niyang tingnan... di mo aakalain na napaka-dami na ng pinagdaanan niya sa buhay... pero sigurado akong inosente pa din siya... ang ganda ng tanawin at napakasaya ko pa dahil kay Kith.... nakakaakit ang pagiging inosente niya... parang gusto ko siyang sakmalin pero di pwede hehehe....
Makakaidlip na sana ako sandali pero.
"At ano naman ang tinatawa-tawa mo diyan?...". tanong ni Kith habang nakapikit pa din siya....
"Akala ko tulog ka na?". Tanong ko..
"Tulog nga ako pero binabantayan pa din kita...". Sabi ni Kith habang unti-unti niyang minumulat ang kanyang napakagandang brown eyes....
"Kith bangon ka muna panoorin natin ang sunset...." sabi ko habang umupo naman siya at sumandal sa balikat ko habang magka-holding hands kami...
At unti-unti ng lumubog ang araw... habang ang liwanag ay unti-unti ng nawawala... napaka-romantic naman ng scene na ito...kaya di ko maiwasan ang mapangiti sa sobrang saya....
Kinuha ko ang phone ni Kith sa bag niya para mag-picture kami... pagkatapos namin mag-picture hinalungkat ko ang bag niya... nakita ko ang wallet niya. Nakakacurious tuloy kung anong picture ang nakalagay... pero pagtingin ko di lang yun basta picture kasi bata ang nandoon...
"Kith? sino to? Kaninong picture itong nasa wallet mo?".. tanong ko kasi pamilyar sakin yung picture...
"Ah...yan ba? Picture yan ng first crush ko..yan ang dahilan kaya naging bakla ako".. napaka-honest niyang sagot..
"Saan mo to nakuha?". Tanong ko ulit dahil alam ko na kung bakit pamilyar ang picture na to...
"bata pa ako niyan... naglalaro ako sa park tapos may lumipad na picture sa mukha ko kaya kinuha ko".
Napangiti na ako sa sinabi niya at...
"Cute siya diba?".. tanong ko..
"Oo... ano na kayang hitsura niya ngayon? Sigurado mas pogi na siya".
"Alam mo kasi... nung bata ako bago kami pumunta sa park nagpa-photo booth muna ako".. sabi ko
"Ha?... anong ibig mong sabihin?".. tanong ni Kith...
"Lumipad yung picture ko... di ko alam kung saan yun napunta"..
"Kung ganon...ibig mong sabihin".. nagtatakang sabi ni Kith..
"Oo tama ka! Mas pogi na siya ngayon"... sabi ko
"Grabe ka! Matagal ko na yan tinititigan tapos ikaw pala yan!".. malakas niyang sabi...
Natatawa na lang ako sa tuwa "ibig mong sabihin... ako ang first crush mo?".. tanong ko sa kanya..
"Di ko inaasahan na makikita kita".. mahina niyang sabi...
"Kasalanan ko pala kaya nagkakagusto ka sa lalaki... well quits na tayo hahhah".. natatawa kong sabi.
"Ray gabi na... uwi na tayo delikado mag-drive pag gabi".. sabi ni Kith...
"Sige... tabi tayo matulog sa apartment ko para masaya"....
"Ay di pwede... may sleep over si Kagura at Rogue sa condo ko"...
"Huh? Kayong tatlo lang?".
"Bonding na rin namin kasi aalis na si Rogue bukas....At isa pa di naman pwede na lagi tayo magtabi matulog...mahirap na baka may maisip ka pang kalokohan".. sabi ni Kith
"Grabe naman Kith! Pero sabagay medyo may tama ka".. sabi ko
Tumawa na lang ng malakas si Kith at hinatid ko na siya sa condo niya.... napakasaya ng araw na ito.
COMMENTS