By: Anton Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Anton. Nangyari ang aking kuwento may ilang buwan na rin ang nakakalipas. Nagsimula ang lahat...
By: Anton
Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Anton. Nangyari ang aking kuwento may ilang buwan na rin ang nakakalipas.
Nagsimula ang lahat noong makilala ko si Luis sa isang Dating App na batid kong sikat na sikat sa mga kagaya nating nagtatago sa karamihan at namumukad lamang sa apat na sulok ng ating mga cellphone.
Napukaw ang aking atensyon sa kaniyang mga mata,ito lang din naman kasi ang kita sa profile pic niya. Ngunit kahit ganoon, ay hinangaan ko na siya, alam ko na sa likod ng mga matang iyon ay nagtatago ang isang lalaki na makapagpapaligaya sakin. Nagview ako sa profile niya gaya ng pag view niya sa profile ko. Hindi muna ako nagmessage, ganoon kasi ako, nagvview lang ng profile, nakikiramdam. Lumipas ang araw na hindi siya nagmessage, sayang.
Lumipas ang ilang araw at nakita ko na naman na nagview siya sa profile ko, syempre kailangan ko gumanti, nagview ulit ako sa profile niya. Umabot din ng ilang linggo ang set-up namin na paview-view lang sa profiles ng bawat ng isa. Hindi ko din alam kung bakit ayaw kong bumitaw, siguro ay dahil interesado rin kasi ako talaga sa kaniya, kaso may pagkamahiyain din ako kaya nga hindi ko magawang mauna na magsend ng message.
Hanggang sa dumating ang isang araw, pagcheck ko sa mga new messages ay kumislap ang aking mga mata dahil nakita ko ang pangalan niya. Sheyt! Nagmessage rin sa wakas, ang tagal ko talagang hinintay yun at sa wakas ay nagbunga din ang pagtitiyaga ko. Sabik kong binuksan ang message niya at syempre wala naman akong ibang inaasahan kundi isang “Hi”.
Nagtataka lang ako sa ibang mga nagppr, (o ayan alam nyo na kung saan kami nagkakilala) kung bakit may mga status update sila na “won’t entertain Hi and Hello”. Doon kaya nagsisimula ang lahat. Hehe.
Balik tayo sa kuwento, pagkabasa ko sa message niya ay viniew ko ulit ang kaniyang profile, wala namang nagbago, iyon pa rin ang prof pic at kaisa-isang pic niya. Nagmessage naman ako ng “kumusta?”. Very casual lang ang usapan namin, ngunit kahit ganoon ay masaya na rin ako dahil sa wakas ay nakachat ko na siya.
Talaga naman ang bagal-bagal ng build-up ng story namin, ganito yata talaga when Mr. Shy met Mr. Shy. Lumipas ang ilang linggo pa na puro kumustahan lang ang ginagawa namin. Dahil nga sa interesado talaga ko sa kaniya ay hindi ako bumibitaw. Kailangan ako lagi ang huling magrereply. Ang boring di ba? May two months din yatang ganon ang set-up, “Hi”, “Hello”, “Kumusta”, “okay naman”, “gawa mo?”.
Paulit-ulit lang, kulang na lang yata ay mag save nako ng template sa CP ko para iyon na lang ang isesend ko sa kaniya, pero fighter talaga ko, go for the gold ika nga, kaya hindi talaga ako bumitaw.
Dumating din ang pinakahinihintay kong message, “Kita tayo?” Lakas maka chicks di ba? Haha. Hindi ko kasi talaga ugali ang mag-initiate baka kaya umabot ng ilang buwan bago siya matauhan at makipagkita sa akin. Napag-usapan namin na magkita na lang sa parking sa may supermarket sa bayan namin.
Medyo magulo din pala siyang kausap, nagkaroon pa kami ng minor miscommunication lang naman. Kaya ang ending, halos isang oras niya ako hinintay. (Nakakahiya talaga). Pagdating ko sa meeting place, nagtxt na kami kung ano kulay ng damit… haha (grabe that’s so old school). Pumasok ako sa loob ng supermarket at naupo sa isang bench. Nagttxt kami kung nasaan na ang isa’t-isa. Dahil nga sinukluban na naman ako ng hiya, tinxt ko na lang siya kung nasaan ako, tapos kung nakita na ba niya ako.
Nagulat ako ng bigla siyang tumatawag. Syet! Ang ganda ng boses, kinilig naman ako ng very light. Tinanong niya ko kung nasaan ako, sinabi ko naman kung saan, tanong ko pa, “Nakita mo na ba ako?” Sabi niya Oo.” Sabi ko “Sige alis nako.” Hahaha. Hiya problems.
Hindi ko siya nakita pero okay na yun mahalaga naman nakita niya ako. Lumabas ako ng supermarket pero hindi muna ako umuwi, umupo ako sa bench facing the exit of supermarket (Hoping si water) hahaha. Never say never ang peg. Wag ka, nagtxt si crush (crush na ang tawag oh??!! woot woot hehe). Tinanong niya kung nasaan nako, syempre sabi ko sa parking sa may bench. Wait lang daw (alam na this). Nagtxt ulit siya nakaupo daw siya sa parang gutter sa gilid ng mall. Kita ko na siya pero medyo malayo, nagtxt ako at tinanong if yun ang suot niya (with positive answer naman). Sabi niya punta daw ako dun, ayiii kinilig si water XD. Nahihiya man ako kailangan ko na to ipush kaya kahit nanlalamig ang tyan ko sa kaba (feeling first meet-up ang peg haha) ay naglakad na ko papalapit sa kaniya.
Hindi ko makakalimutan ang suot niya, nakamaroon na jacket siya, maong pants, rubber shoes, at cap. Umupo ako sa tabi niya, pinagmasdan ko siya at ngumiti ako. Noon ko siya napagmasdan ng mas mabuti. Grabe ang cute naman pala talaga ni Luis. Lalo pa akong nabighani sa kaniya noong gumanti na siya ng ngiti. Talaga naman kinilig ako ng sobra. Kayumanggi din siya, medyo chinito, shyet feeling ko kuminikinang ang mata niya, ang ganda-ganda talaga, maganda din ang hubog ng ilong niya, at may maninipis na mga labi.
Aaminin ko na sa mga oras na iyon ay handa akong ibigay ang katawan ko sa kaniya, tila tumigil ang oras ko, yung parang siya at ako lang ang tao sa mundo (kakanuod ng telenovela #insert korning opm love music here#). Mga ilang sandali pa bago ako matauhan at bumalik sa aking sarili. Inisip ko tuloy noong mga panahon na nangangarap ako kung nagpabebe ba ako sa harap niya.
Nag-usap kami, yung mga typical na usupan ng mga unang meet-ups. “Kumusta?”, “Kanina ka pa?”, etc. Grabe mahiyain din pala siya, paano ko naman madadala yung usapan namin sa, ehem… mahiyain din kasi ako at talagang hindi nag-iinitiate. Inabot din kami ng isang oras sa parking. Imagine, isang oras! Kung ano-ano lang naman ang pinag-usapan namin. Minsan tungkol sa work, minsan naman sa personal life, mga five minutes na dead air… tapos tanong ulit ng walang kwenta.
Medyo dumidilim na pero casual pa rin ang usapan namin. Haist, mukhang hindi na talaga ako makaka-score nito. Nagsalita siya, “Paano, medyo gumagabi na I.” Hindi ko alam ang gagawin ko, Tatanungin ko ba siya ng “Tara motmot tayo?” Pero dahil shy nga si water ay sinabi ko na lang na “Sige.” Tumayo na ako at tumayo na rin naman siya. Naglakad kami papalayo sa supermarket.
Ang lakas maka-romantic movie scene ng tagpong yun, yung maghihiwalay na kayo (insert yiruma music here, kiss the rain na lang para epek haha) tapos feeling mo bumagal yung oras, nagslowmo ang lahat, biglang nagdim ung lights, tapos kayo lang ang nakafocus sa camera, may blurry lights na iba-ibang pastel color, unti-unting nalalaglag sa paligid nyo, and yung tinginan nyo na dapat five seconds lang ay inabot ng one minute and twenty three seconds (oo vhaks ganiyan ka precise wag ka na kumontra story ko to hahaha “wink”) dahil nga slowmo sabi ni direk (ehem). Kitang-kita mo yung mga mata niya sobrang seductive, yung tipong right there and then mapapahubad ka (lakas maka easy to get). Huling scene ung tatalikod na kayo at maglalakad papalayo sa isa’t-isa, mga five meters ay sabay kayo mapapalingon, lalakas yung background music at bibilis yung mga lakad niyo (hindi na daw slowmo sabi ni direk) sabay magyayakap kayo ng mahigpit, magtitinginan ng malagkit, (mas malagkit pa sa pawis mo kapag hindi mo masagot yung professor mo puro awra kasi inaatupag mong beki ka imbis na magreview hakhak) tapos sasabihin niya, “tara motmot na tayo.” Ayiii naman talaga, kinilig ka ba vhaks? Ako rin eh. Ang kaso nabubuhay tayo sa katotohonan at hindi sa imagination ko lang.
So ito na ang tunay na nangyari...
Tumayo na ako at tumayo na rin naman siya. Naglakad kami papalayo sa supermarket. Pagdating namin sa harap ng mall ay sinabi ko na lang “sige ah, ingat.” Siya naman ay tumingin sakin, ang cute talaga niya (insert smiley with heart eyes here) tila ba may gustong sabihin, (o nag-aassume na naman ako?) sabi niya “sige”. So confirm nakatagpo nga ako ng kasing mahiyain ko, ngayon alam ko na ang feeling ng mga nakakameet kong extrovert, haha. Naglakad na ako sa terminal ng jeep, siya naman naglakad pa ng kaunti, may motor yata siyang dala, pwede rin na may kameet pa siyang iba, awts.
Pagsakay ko sa jeep ay tinxt ko siya ng “Tnx ingats” nagreply din naman siya pero hindi ko na matandaan, basta alam ko nagreply din siya. Habang bumabiyahe ay hindi ko mapigilan mapaisip kung ano-ano ba dapat ang mga maaring nangyari. May halong panghihinayang, lungkot, pero mas nangingibabaw ang saya. Nakauwi ako samin at tinxt ko pa rin siya, sabi ko “txt ka pg nakauwi kna.” (pabebe haha). Feeling ko nataken ako, taken for granted, nagkacrush, umasa, kumain ng lupa. Si water kasi pavirgin ang peg, ayan tuloy nawalan ng aw. Ngunit kahit ganoon, sabi ko nga, Masaya pa rin ako kasi kahit papaano nagkita naman kami (defense mechanism ang puta haha), at nakita ko ang ideal man ko (physically).
Tuloy pa rin ang buhay, sabi nga ni pareng Seuss “Don’t cry because it’s over, smile because it happened.”
Sana ay nag-enjoy kayo sa aking kwento kahit walang masyadong ganap at hindi nangyari yung hinihintay niyo na mangyari. Aminin mo yan vhaks, nadisappoint ka di ba? Paano pa ko? Hahaha.
COMMENTS