$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Fortress (Part 2)

By: James Silver Nagising ako sa maagang pagkatok ni aleng Irma sa pintuan ng apartment ko. Syete a-uno na pala at bayaran nga pala ng bahay...

By: James Silver

Nagising ako sa maagang pagkatok ni aleng Irma sa pintuan ng apartment ko. Syete a-uno na pala at bayaran nga pala ng bahay. Agad ko syang nilabas dahil baka isigaw nya pang magbayad na ako. Baka masungalngal ko pa sya ng sapatos ng di oras.

“Magandang umaga po. Aleng Irma” sabe ko habang pupungas pungas pa.

“Oh, JL ikaw na lang ang hindi nagbabayad. Tsk! Kailangan ba talagang buwan buwan akong kumakatok dito para maningil. Kilala mo naman ako, ayaw kong may nahuhuli sa pagbabayad. Ikaw pa itong pasaway, tagal tagal mo na dito eh, hindi ka pa rin nagbabago.” Sabe ni aleng Irma.

“Baka pupwede mo muna akong paghilamusin bago mo ako dakdakan dyan.”sabe ko sa isip ko.

“Ah, naku po pwede po bang sa susunod na. Medyo kinapos po ako ngayon eh. Ahm dodoblehin ko na lang po sa susunod na buwan.” Pakiusap ko sa kanya, dahil talagang wala akong maibibigay sa kanya. Tsk! Lintek naman kasi yung kapatid ko eh. Naghihirap na nga ako, winaldas pa yung pang-tuition nya. Kinailangan ko tuloy magpadala sa kanila. Hinihintay ko lang sya makatapos ng college. Pag nakatapos na sya ay bahala na sya sa buhay nyang pasaway sya. Konting tiis na lang, gagraduate na rin sya next year eh. Kung gagraduate nga. Siguruhin nya at ipapatugis ko talaga sya sa NPA.

“Naku! Tsk! Ganyan na lang ba tayo palage?! Napaka-iresponsable mo naman. Alam mo namang bayaran ng bahay, dapat yun muna ang iniintindi mo. Hindi kung ano anong walang kwentang gastusin ang inuuna mo. Ipinanlalalake mo pa yata yung perang pambayad saken eh. Bakla ka kasi eh.  Grabe! Isang linggong palugit lang ang ibibigay ko sayo ah. Pag hindi ka nakapagbayad magbalot balot ka na. Sawang sawa na ako Janssen.” sabe nya na halos marinig na ng mga kapit bahay ko.
Hindi ako nakasagot. Dahil siguradong hahaba pa ang usapan namin. Pinili ko na lang na manahimik kahit na nasaktan ako ng husto sa mga sinabi nya. Wala akong natandaan kahit minsan na naging iresponsable ako sa buhay. Kahit hindi kagandahan ang trabaho ko ay nakatulong pa rin ako sa pagtataguyod ng pamilya ko.  Bakit ba parang ipinupunto nyang wala akong kwentang tao. Hindi ko na nga mabigyan ng kaaliwan ang sarili ko eh, ganyan pa sya. Kung nakikita nya lang ang paghihirap ko siguro ay matatauhan sya. Dinamdam ko ang mga sinabi nya na halos mangiyak ngiyak na ako. Gusto ko nga syang murahin ng paulit-ulit eh. Matanda na kasi eh kaya hindi ko magawa. Baka mamaya magkaroon na naman sya ng bagong ideya kung papaano ako maliitin. Pinalaki ako ng maayos ng mga magulang ko. At isa sa mga naituro nila sa akin ang maging magalang sa nakatatanda. Nakatatak lahat yun sa isip ko dahil alam ko na sa oras na magkamali ako ay sisisihin nila ang mga magulang ko. Baka isipin nilang hindi ako napalaki ng tama.

“Grabe naman kayong magsalita. Pinangakuan na nga kayong babayaran sa susunod na buwan eh. Sa wala ngang maibibigay yung tao ngayon eh. Anong magagawa nyo?! Papalayasin nyo agad?! Tao ka ba? Lintek! Magkano ba yung upa sa bahay mo? Babayaran ko ngayon din. Baka maging utang na loob pa ni JL yung palugit na ibinigay nyo.” Nagulat kaming pareho ni aleng Irma sa lalakeng nagsalita sa likod nya. Si Paul nandoon.

“Abat sino ka ba ha? At nangingialam ka rito? Gusto mong ipapulis kita? Hindi ka tagarito bakit ka pumapasok ng walang paalam?” sigaw ni aleng Irma.

“Pulis ho ako! At mas bawal po yang ginagawa nyo sa kaibigan ko. Violation of human rights po yan.” Balik na sigaw ni Paul.

Natahimik si Aleng Irma. Hindi na sya nagsalita pa at inirapan nya na lamang si Paul. Wala na sa isip kong tumutulo na pala ang luha ko dahil sa mga nangyayari. Mababaw talaga ang luha ko. Eto na lang kasi ang paraan ko para maibsan ang sama ng loob ko. Pag may nangyayaring gulo ay mas minamabuti ko na lamang na umiwas kesa makisali pa. Ayaw ko talaga ng gulo, gusto ko lang ay katahimikan at kapayapaan ng isip. Pero sa mga nangyayari ay mukhang imposible ang pinapangarap ko. Magulo na talaga ang mundo at habang tumatagal ay paliit ng paliit ang pagkakataong mabago pa ito. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa.

Nang makaalis na si aleng Irma ay agad akong nilapitan ni Paul.

“Ayos ka lang?” Tanong nya sabay hawak sa balikat ko. Napatango na lamang ako. Habang tumatango ako ay nahagip ng peripheral vision ko si Sadjid na nakatingin sa aming dalawa ni Paul. Putek! Nakita nya pala ang mga nangyari. At sa palagay ko ay narinig nya rin ang mga sinabi ni aleng Irma. Shet! Nakakahiya talaga! Diniretso ko sya ng tingin at nang magtama na ang mga mata namin ay tumango lamang sya sabay pumasok sa loob ng bahay nya. Inaya ko na rin si Paul na pumasok sa loob para naman makapagkape man lang. Magkatabi kaming umupo sa sofa.

“Salamat sa ginawa mo ah. Hehe nakakahiya yung nangyari.” Hiyang hiya kong sabe sa kanya.

“Tsk! Ok lang yun. Sabi ko naman kasi sayo lumipat ka na lang dun sa apartment ko eh. Wala talagang modo yang kasera nyo. Mukha namang may pinag-aralan pero hindi ginagamit, napakataklesa.”May inis nyang banggit.

“Pabayaan mo na yun, sanay na naman ako sa ugali nya eh. Masakit lang talaga sya magsalita minsan pag mainit ang ulo. Oo nga pala bakit ang aga mo naman yatang pumunta dito?” tanong ko.

“Ah, nagfile kasi ako ng leave. Ilang linggo na rin kasi kaming walang pahinga dahil sa sunod sunod na pagpatay sa mga politiko eh. Lagi akong puyat, dito ko gustong magpahinga. Kasama ng pinakamamahal kong nurse. Pwede ba yun, wala ka namang pasok ngayon diba?” sabe nya. Sabay patong ng ulo nya sa balikat ko.

 “Andyan ka na naman sa kalokohan mo eh. Ano namang gagawin mo dito, boring kaya dito.” Sabe ko.

“Basta gusto ko dito. Babalik pa ba yung dragona? Bayaran na natin yung upa mo dito. Naiinis ako pag nakikita kitang ginaganun eh. Bakit kasi hindi ka nagsabi saken?” tanong nya.

“Nahihiya na ako sayo eh. Gusto mo bang mabaon ako sa utang sayo? Hindi ko pa nga nababayaran yung limang libong hiniram ko sayo eh.” Sagot ko kay Paul.
        
“Wag mo na isipin yun. Lambing mo lang saken sapat nang kabayaran yun. Kelan mo ba ako tatanggapin? Antagal ko nang naga-apply sayo ah.” Tanong nya.

“Diba sabi ko naman sayo, pag-iisipan ko pa. Hindi pa kasi ako sigurado eh. Baka mamaya nyan mauwi lang tayo sa wala.” Sagot ko ulit sa tanong nya.

“Baka naman mamaya nyan magkagusto ka na sa iba. Mamamatay talaga ako JL. Mahal na mahal kita eh.” Malungkot nyang sabe at iniangat nya na ang ulo nya mula sa balikat ko.

“Wag ka nga magsalita ng ganyan. Alam mo, hindi man ako mapunta sayo, dapat ok pa rin tayo. Parang ganito, magkaibigan. Marami pang iba, at tsaka hindi pa naman ako nakakapag-decide eh. Pwera na lang kung sumuko ka na.”sabe ko sa kanya.

“Hindi ako susuko. Pero wag ka mag-alala hindi naman kita pinipressure. Maghihintay ako. Kung magkagusto ka na sa iba. Sabihin mo lang saken, pangako pakakawalan kita ng maluwag sa dibdib ko.” Sabay ngiti nya saken.

Isa yan sa mga nagustuhan  ko kay Paul. Napakagaan nya kasama. Maintindihin at tsaka pasensyoso. Kahit kelan ay hindi nya ipinamukha saken ang mga utang na loob ko sa kanya. Tuwing kakailanganin ko sya ay palagi syang nandyan. Karamay ko sya sa lahat ng pinagdadaanan ko. Nandyan sya para pangitiin ako pag nalulungkot ako. At nandyan sya para pagaanin ang nararamdaman ko sa tuwing masama ang loob ko. Isang kaibigan na pupwede kong sandigan sa lahat ng oras. Kung makikita mo nga kaming magkasama ay para na rin kaming may relasyon. Tumatabi sya saken sa kama ko kapag dito sya natutulog. Ang kaibahan lang ay hindi pa kami nagsex kahit kelan. Pareho kasi kaming nag-iingat. Ayaw naming masira ang pagkakaibigang namamagitan samen.

Kagaya nga ng sinabi ni Paul ay dito nga sya tumambay. Hindi na kami halos nakapagpahinga sa panghaharot nya. Ito naman ang ugali nyang ayaw na ayaw ko. Yung tipong napipikon ka na sa kanya tapos sya, lalong nage-enjoy sa ginagawa nyang pang-uurat. Kaen ng kaen, nood ng bala, kulitan lang ang pinaggagawa namen hanggang sumapit ang hapon. Tsk! Nadag dagan na naman nga pala yung utang ko sa kanya. Dahil nung tangahali ay sabay naming pinuntahan si Aleng Irma para magbayad ng upa. Nalaman ni Glenn yung nangyari sa bahay kaya naman pinagsabihan nya yung nanay nya. Si aleng Irma naman na kahit hiyang hiya sa ginawa nya ay lakas loob pa rin itong humingi ng tawad sa mga nasabi nya saken. Pinatawad ko naman sya kaagad dahil naiintindihan ko naman sya. May moodswing sya kasi nga tumatanda na rin at namatayan pa ng asawa kaya ganon. Ibinabaling nya na lang kung saan saan ang lungkot na nararamdaman nya. Naging masaya naman ang buong araw hanggang sa umalis na si Paul dahil itinext sya ng kasamahan nyang pulis na meron daw emergency. Kahit abot langit ang pagkabadtrip nya ay pinilit pa rin nyang pumunta. Totoong pulis sya, hindi katulad ng mga pulis patola na walang ginawa kundi ang magpalaki ng tiyan. At maghasik ng kayabangan sa buong Pilipinas. Alam nyang paghiwalayin ang mga personal na bagay at ang tawag ng tungkulin nya. Alam nya kung ano ang mga dapat unahin at ang mga bagay na maaari nyang ipagpaliban muna. Yun. Yun ang mga bagay na pinaka-hinahangaan ko sa kanya. Hindi sya kahit kelan tumalikod sa sinumpaan nyang tungkulin. Para saken, sya ang aking kaibigan, kakampi, tatay, nanay at higit sa lahat bayani.

Minsan ay naguguluhan ako sa mga nararamdaman ko. Hindi kasi ako yung tipo ng tao na naka-focus sa emosyon. Hanggat maaari ay gusto kong masaya lang ako. Kung may mga bagay na makakasira ng kaligayahan ko ay agad ko itong kinakalimutan. Kung may mga problema mang dumarating ay dinadala ko ito ng magaan sa dibdib. Ayaw kong ubusin ang panahon ko sa pagrereklamo sa mga nangyayari sa buhay ko. Dagdag stress kasi pag dinamdam ko pa. Walang maitutulong ang pag-iisip sa problema. Una nakakatanda yun at ayaw ko namang tumanda na may sakit sa puso dahil sa dami ng dinibdib kong problema o pangyayari. Darating din ang solusyon sa lahat ng problema. Nasa tamang paggawa lang yan at matiyagang paghihintay. Hndi man kahapon, bukas o ngayon basta magiging maayos ang lahat pagdating ng tamang panahon. Parang entablado ang mundo. Ako ang bida ng sarili kong palabas. Ginagampanan kong mabuti ang papel na ibinigay saken ng Maykapal. Huhusayan ko ang pag ganap. Alam kong may isang tahimik na nanonood. Na naghihintay ng magandang resulta sa pinaghirapan kong pagtatanghal.
----------
Dumating ang birthday ni Paul. Katulad ng palagi nyang ginagawa taon taon ay isinelebrate nya ito sa bahay ko. Dahil sa nakasanayan ko na rin ay pinaghahandaan ko na rin ang pagdating ng kaarawan nya. Minsan nga parang ako pa yung may birthday kasi ako yung kinakabahan kung gaano ba karaming bisita ang dadating eh. Pero ayos naman ngayon. Iilang malalapit na kaibigan lang namin ang dumating at isang kasamahan nyang pulis. Si Edward, na nag-iisang nakakaalam tungkol sa pagiging silahista ni Paul.

Umabot syempre ng gabi ang maliit na party. Yung iba ay nagsiuwi na dahil may mga pasok pa sa trabaho kinabukasan. Bale tatlo na lang kaming naiwan. Ako si Paul at Edward. Nag-iinuman kami sa loob ng bahay. Ako ay panay ang ikot para iligpit ang mga naiwang kalat nung mga umalis. Ayaw ko kasi magligpit ng marami kaya inunti-unti ko na. Lumabas ako para pulutin ang mga kalat doon. Medyo nakakaramdam na rin ako ng hilo. Kaya medyo naghahanap na rin ako ng alalay mula sa pader. Dala dala ko ang isang plastic bag na lalagyan ko ng mga basura. Nakatungo ako habang nagpupulot. Hindi ko naman mawalis dahil baka pagalitan ako ni manong Bert na isa sa mga kapit bahay namin. Mapamahiin kasi masyado eh. Tuwing pupulot ako ay naghahanap ako ng matibay na kapitan dahil baka bigla akong mabuwal. Muntikan ako mabuwal nung nagkamali ako ng tantya sa hahawakan ko. Hindi kasi ako nakatingin kaya akala ko ay malapit lang. Masusubsob na sana ako ng biglang may tinamaan ang kamay ko kaya hindi natuloy. “Wooh!” sabi ko sa isip ko. Pero halos maubusan ako ng dugo sa sobrang nerbyos nang makita ko kung saan ako nakakapit. Napatingala ako at lalong nanlaki ang mata ko nang makita kong si Sadjid pala ang nasa harapan ko. At tingnan mo nga naman kung saang parte pa ng katawan nya ako nakahawak. Sa ano! Sa ano nya! Takte! Napabalikwas ako agad at muntikan na naman akong matumba. Buti na lamang ay kinapitan ako agad ni Sadjid.

“Naku! Sorry Sadjid.” First name basis na talaga ako dahil hindi ko naman na sya magawa pang tawaging pre dahil matagal na panahon nya na akong nabuko.

“Ayos lang yun.” Matipid nyang pagsasalita sabay tango ng kaunti.

“Ah, oo nga pala. Pasok ka muna sa bahay. Birthday kasi nung kaibigan ko eh. Kain ka muna at tsaka baka gusto mo ring uminom.” Pag-aaya ko sa kanya.

“Inom na lang tapos na rin akong kumain eh.” Pagpapaunlak nya sa pag-imbita ko.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at iniwan ko muna ang ginagawa kong pagliligpit sa labas para maasikaso ko si Sadjid. Hindi talaga sya nakikihalubilo sa tao. Pero ngayon ay humarap sya kila Paul at Edward. Kung hindi tango, Oo at hindi lang ang maririnig mong lumalabas sa bibig nya tuwing magtatanong ang dalawa sa kanya. Hindi man sya nakikisali sa usapan ay ayos na rin dahil kahit papaano ay nagpaunlak sya sa paanyaya ko. Maya maya pa ay nagpaalam na rin ang dalawa dahil maaga pa raw sila kailangan sa presinto. Hindi ko na sila inihatid dahil walang maiiwang kasama si Sadjid.

Patuloy kaming uminom ni Sadjid hanggang sa maubos na namin ang natitirang alak. Malakas pala uminom itong taong ‘to. Parang hindi man lang sya tinamaan. Sabagay ako man din ay parang nawala na rin yung amats. Dahil siguro sya ang kaharap ko kaya hindi ko magawang patuluyin sa katawan ko ang kalasingan. Sa haba ng naging inuman namin ay halos wala man lang kaming napag-usapan kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon para tanungin sya ng tanungin.

“Diba sabi mo taga-Mindanao ka? Edi nandoon din ang pamilya mo?” tanong ko.

“Wala akong pamilya. Tiyuhin ko na lang ang meron ako.” Sagot nya.

“Huh? Bakit asan ang mga magulang at mga kapatid mo?”

“Wala na silang lahat, patay na.” nagulat ako sa isinagot nya saken. And at the same time nalungkot din ako para sa kanya.

“Sorry. Naitanong ko pa.” paghingi ko ng dispensa para sa matabil kong bibig.

“Wala yon.” Seryoso nyang sagot.

Gusto ko pa sanang magtanong sa kanya kaso baka magkamali na naman ako. Kaya ililihis ko na sana ang usapan namin nang mapansin kong biglang lumungkot ang itsura nya.

“Oh bakit? Naalala mo ba ang pamilya mo?” tanong ko na may paga-alala.

“Oo! Matagal na rin kasi akong nag-iisa. Bata pa ako nang mamatay ang pamilya ko. Kaya ganito minsan nalulungkot talaga ako.” Sagot nya.

“Ganyan nga talaga siguro. Pamilya mo yun eh, kaya mamimiss mo talaga sila. Pero diba may tito ka naman. Sya na yung itinuturing mong magulang hindi ba?” tanong ko ulit.

“Hindi naman anak ang tingin nya saken eh kundi utusan.” Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi nya. Basta parang bigla ko na lang naramdaman ang malaking kulang sa pagkatao nya. Mukha syang matatag na tao pero nakikita ko ang kahinaan nya. Naghahanap sya ng makakapitan. Nangangailangan sya ng kakampi.

“Para akong putok sa buho. Hindi ko alam kung saan ang lugar ko sa mundo.” Napapahid sya sa mga mata nya. Sabay tumayo na sya at nagpaalam na uuwi na. Papalabas na sya nang sabihin kong “Sadjid, kaibigan mo ako. Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako.” Tumango na lamang sya at tuluyang lumabas ng pinto.
----------
Simula nung pag-uusap namin ni Sadjid nung gabing iyon ay lalo ko pang pinursige ang pagiging malapit namin sa isa’t isa. Kailangan nya ng masasandalan. Hindi ko man alam kung gaano kalungkot ang mawalan ng minamahal sa buhay ay handa naman akong damayan sya. Ipaparamdam ko sa kanya na hindi sya nag-iisa. ‘Leche! Hindi ako nagtetake advantage ah!’

Miyerkules ng hapon. Nakita ko si Sadjid na nasa tapat ng pintuan ng tinutuluyan nya at nagyoyosi. Mukhang malalim ang iniisip nya kaya naman niyaya ko syang pumasok sa bahay para naman hindi sya mukhang tanga dun na nag-iisa at nakatunganga sa kawalan.

“Sadjid, tara pasok ka muna sa bahay. May dala akong miryenda.” Alok ko sa kanya. Hindi naman sya tumanggi at sabay na kaming pumasok sa bahay.

Tinanong ko sya kung may pupuntahan ba sya. Sumagot naman sya ng wala, kaya naman doon ko na rin sya pinakain ng hapunan. Bumili ako ng chicken para ulam namin sa hapunan. Muslim sya kaya alam kong hindi sya kakain ng baboy. Goodluck na lang kay Haram. Nang tanungin ko sya tungkol doon ay hindi masyadong malinaw ang pagpapaliwanag nya. Basta ang naintindihan ko lang ay marumi ang baboy para sa kanila. Kahit anong uri. Sinabi ko rin sa kanya ang ilang mga bawal sa relehiyon ko. Kita ko naman ang paggalang nya sa kaibahan ng mga paniniwala namin kaya ganun din ako sa kanya. Iginalang ko rin ang paniniwala nya.

Lechong manok ang naisip kong ulamin. “JL, pakitext ang budget mo kung buhay pa ba.”sabi ng konsensya ko. “Wapakels, basta makasabay ko sa pagkain si Sadjid keri na yan.” Sagot ko sa isip ko.

Habang kumakain kami ay nagpatuloy ang kwentuhan namin. Ngayon ko lang narinig si Sadjid na napapahagikhik sa tawa. Dahil sa mga kalokohang lumalabas sa utak ko. Game naman pala sya sa lahat. Akala ko kasi ay hindi sya marunong tumawa. Habang kausap ko sya ay bigla na lamang nabago ang tingin ko sa mga muslim. Dati rati ay ayaw ko sa kanila dahil sa hindi magagandang balita tungkol sa kanila. Pero ngayon ko lang napagtanto sa sarili kong mali ang konsepto ng pinaniniwalaan ko tungkol sa kanila. Magkaiba lang ng paniniwala pero parepareho ring naghahanap ng kalinga at pangunawa. Hindi porke, hindi ka sanay sa sistema ng pamumuhay ng isang tao ay ituturing mo na syang kaaway. Ang bawat indibidwal ay may kanya kanyang disposisyon o personalidad na indikasyon ng kanyang pagiging katangi tangi o uniqueness. Hindi mo pupwedeng sabihin na dahil nanggaling sya sa lahi ng mga rebelde ay rebelde na rin ang puso’t isip nya. Kung sakali mang sumusunod sya sa kalakaran ng pagiging rebelde ay hindi mo pa rin pupwedeng sabihing masama syang tao. Kung tutuusin ay isa rin syang biktima. Biktima ng walang humpay na pagtatalo-talo. Labanan, kung sino ang tama at kung sino ang mali na nagiging resulta ay magulong isipan ng isang tao. Marami ring kristyano ang gumagawa ng mga karumaldumal na krimen. Kaya walang sinuman ang may karapatang magmalinis. Dapat ay yakapin ang pagkakaiba-iba ng mga paniniwala at gumawa ng mabuti sa bawat isa. Igalang ang bawat isa. Hindi dapat paglabanan ang relehiyon o ano pamang usapin na rumiresulta sa pagkaka-baha-bahagi. Dahil kung patuloy ang hindi pagkakaintindihan ay lalo lamang mahuhulog ang mundo sa tuluyan nitong pagkawasak.

Nang matapos na kami ni Sadjid ay masaya itong nagpasalamat saken. Kung dati ay tango at pilit na ngiti lang ang ibinibigay nya saken tuwing magpapaalam sya. Ngayon ay isang matamis na ngiti na at malambing na salitang “Bye!”  

Dumaan ang mga araw at palagi ko nang hinihintay ang pag-uwi ni Sadjid galing sa trabaho nya. Minsan nga ay inaabot pa ako ng hating gabi at nakakatulugan ko na lang ang t.v. sa pag-aantay. Hinahanap hanap ko kasi yung tawa at ngiti nya. Putek! Anlakas kasi makatunaw ng puso pag nakikita ko iyon. Nakakaramdam na ako ng pananabik sa tuwing makikita ko sya. Ang paghanga at kagustuhan kong mapalapit sa kanya ay lalo nang tumitindi sa bawat pagdaan ng mga araw. Kaba, saya at kasama na rin ang pagkataranta. Yan ang mga bagay na nararanasan ko sa tuwing nasa harap ko sya.

May ilang pagkakaton din kaming gumala ni Sadjid. Inikot ko sya sa mga malls dito sa Quezon City. Pumunta kami sa Manila at nilibot ang ilang pasyalan doon. Napakarami nyang tanong tungkol sa akin at sa pamilya ko. Masaya ko namang sinagot iyon lahat dahil alam kong sabik sya sa isang masayang pamilya. Hindi man nya naranasan iyon ay binigyan ko naman sya ng ideya para alam nya kung papaano ang gagawin nya kung sakaling sya naman ang magkapamilya. Natutuwa talaga ako sa kanya dahil para syang batang tuwang tuwa sa mga nakikita nya. Hindi pa raw kasi nya naranasan ang ganon. Simula daw kasi pagkabata ay halos alipin na sya ng kanyang tiyuhin. Kaya naman ginawa ko ang lahat para lalo pa syang maging masaya. Masulit man lang nya ang minsan naming pamamasyal. Bawing bawe naman ako sa sarili ko dahil kahit medyo napagod ako ay nakasama ko naman sya. Napakasarap nyang kasama. Kahit na nagkakaroon ng matagal na interval ang kwentuhan namin dahil sa biglaang pananahimik nya. Napakasaya ko. Kung dati ay naguguluhan ako sa mga nararamdaman ko. Ngayon ay nabigyang linaw nya na ang lahat.

“Sadjid.”pagtawag ko sa kanya.

“Hmm?”tugon nya.

“Magagalit ka ba kung sasabihin ko sayong gusto kita?” tanong ko.

“Ayan na, nasabi mo na. Hindi naman ako nagalit.”napangiti ako sa tinuran nya. Para kasing wala lang. Hindi bigdeal sa kanya na may lalakeng nagkakagusto sa kanya. “Matagal ko naman nang alam eh.” Sabi pa nya at yun ang ikinagulat ko.

“Huh?! Papano mo naman nalaman?”nabigla kong tanong.

“Eh kasi, napapansin ko sa mga titig mo saken. Wala pang tumititig saken na katulad ng ginagawa mo. At tsaka ikaw lang yung kauna-unahang tao na nag-alala sa kalagayan ko.” Sabe nya habang patuloy ang paglalaro nya ng bubble gun na ilang beses na ring tumama sa mukha ko. Napansin ko namang napapangiti sya sa tuwing tatamaan ako at sinasadya nya pang ulitin.

“Hindi ka ba naiilang? Kasi syempre, maling magkagusto ako sa kapwa ko lalake diba. Hindi mo ba nararamdaman yung ganun?” tanong ko ulit. Sabay titig nya saken sabay baril nya sakin ng bula. At tuwang tuwa si mokong.

“Kahit saang sekta naman ng relihiyon mali yan diba? Ipinagbabawal yan mapa-kristyano man o muslim. Pero ano sa tingin mo ang mas mali? Yung magmahal ka ng ayon sa nararamdaman mo o yung magmahal ka ng labag sa loob mo. Kung pipiliin mong magmahal ng labag sa loob mo, para kang walang bait sa sarili. May mali bang klase ng pagmamahal?”  Tanong nya na naging palaisipan naman sa akin. “Pero para saken, hindi yan ang mahalaga. Mas mahalaga saken ang malaman ko kung saang parte ng mundo ba ako nababagay. Gusto kong malaman kung saan ang lugar ko dito sa lupa. Hindi ko yon alam kasi wala naman akong tahanang matatawag eh. Wala akong pamilyang tatanggap saken ng buong buo kagaya ng sayo.” Sabi nya pa. Napahinto sya sa paglalaro ng bubble gun. Tumingin sya sa malayo na para bang nangangarap.

“Mahahanap mo rin kung saan ka nararapat. Basta hindi ka hihinto sa paghahanap. Wala akong kayang sabihin para makatulong sayo. Pero ang maipapangako ko lang sayo. Hindi ka na maiinip sa paghahanap ng lugar mo dito sa mundo kasi... kasi. . . sasamahan kita.” Sabay ngiti ko sa kanya.

“Salamat Janssen. Napakabuti mong tao.” At ginantihan nya rin ako ng ngiti.
----------    
Malalim na ang gabi nung makarinig ako ng kaluskos mula sa labas. Binuksan ko ng kaunti ang bintana at sumilip ako sa awang. Nakita ko si Sadjid na kakauwi lang. Napangiti ako at agad kong binuksan ang pinto para gulatin sya. Pero nung makita nya ako ay tumitig sya saken na para bang napakalungkot nya.

“Oh! Anong nangyari sayo?” tanong ko.

“Ah, wala naman. Oo nga pala simula ngayon gusto kong layuan mo na ako.” Sabe nya.

“Huh?! Bakit anong problema. May nagawa ba akong mali sayo? Kung anuman yun sorry na.”naga-alala kong sabi sa kanya.

“Wala kang ginawang mali. Basta Janssen layuan mo na ako. Ayaw kong mapahamak ka ng dahil saken.”sabi nito.

“Hindi ayoko, bakit ba? Ayaw mo na ba akong makasama? Ayaw mo na ba akong makita? Sabihin mo.” Nangingiyak na ako. Hindi kasi nya alam kung gaano ako nasasabik na makita sya tapos biglang ganito ang ibubungad nya saken.

“Basta layuan mo na ako at ayaw ko nang lalapit ka pa saken.” Tumuloy na sya sa pagpasok sa bahay nya. Hinabol ko sya at nahablot ko yung bag nya. Bumukas ito at nagkalat sa sahig ang ilang baril, patalim at isang notebook. Napamulagat ako at napatitig sa kanya. Napalinga ako sa paligid dahil baka may taong nandoroon at nakakita ng mga bagay na nasa sahig. Nang makasiguro akong wala ay tsaka ako nagmadaling sipain ang mga iyon papasok sa bahay nya. Pumasok rin ako sa loob at inilock ko ang pinto.  

“Sadjid, ano ‘to? Ipaliwanag mo saken please!” pakiusap ko sa kanya.

“Wala, umalis ka na dito. Magpapahinga na ako.” Sabi nya.

“Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ipinapaliwanag saken ‘to. Magkaibigan tayo Sadjid.”mahina pero madiin kong pagkakasabe.

“Alin ba ang hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko? Umalis ka na dito dahil magpapahinga na ako!” halos pasigaw nya nang pagkakabanggit saken.

 “Hindi ako aalis. Ipaliwanag mo saken ‘to.” Pagmamatigas ko.

“Teka sinong nagbigay sayo ng karapatang panghimasukan ang buhay ko? Magkaibigan lang tayo, hindi kita tatay o asawa para umasta ka ng ganyan. Umalis ka na sinabi dito eh.” Nasaktan ako sa sinabi nya. Pero patuloy akong nagmatigas. Nakikita kong nanggagalaiti na sya sa galit. “ANO BA? SINABING UMALIS KA NA AH!”sigaw nya na saken. Wala na rin akong pakialam kahit marinig kami ng mga kapit bahay basta patuloy lang akong magmamatigas. Nanlilisik ang mga mata nyang lumapit saken. Hinawakan nya ako sa leeg. Pahigpit ng pahigpit ang pagkakasakal nya saken. Ramdam ko na para bang may naiipong dugo sa mukha ko.

“SSssiigee Ppatayiin moko!” ipit na ipit na ang lalamunan ko kaya hindi na ako makapagsalita ng maayos.

Nang marinig nya iyon mula saken ay biglang nagbago ang mukha nya. Mula sa pagiging mabagsik ay bumalik ito sa pagiging kalmado. At unti unti nya akong binitawan. Napahugot ako ng malalim na hininga para makabawi ang baga ko. Hingal na hingal ako. Napaluhod sya sa harapan ko at para akong santong hinihingian nya ng tawad. Nilapitan ko sya at lumuhod din ako para yakapin sya. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan nya at ang pigil nyang paghikbi.

“Tahan na, hindi ako galit sayo.” Mahinahon kong pagkakasabi sa kanya.

“Patawarin mo ako. Ikaw lang ang nagmamahal saken tapos ganito pa ang ginawa ko. Patawarin mo ako.” Halos pahagugol nya nang pagkakasabi saken.

“Sadjid, Kahit ano pang malaman ko sayo. Hindi yun magbabago. Kaya wag kang matakot kakampihan kita kahit anong mangyare.”napaakap na rin sya saken.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Fortress (Part 2)
Fortress (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgPfTNy7xsb95dTZ9WAcnDbgwSIkBdgbZz2ePbYyPNZHb0SEKFAMFfGaoIiqhzNRdVGmJo46EpaRNkAQb-3-lefHJ3vch7hAeZUSOhWg8N6RO52Yi_pLGyjHwMihRfmXzjp7AWNSrHjgYVj/s400/Hideo11-copy.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgPfTNy7xsb95dTZ9WAcnDbgwSIkBdgbZz2ePbYyPNZHb0SEKFAMFfGaoIiqhzNRdVGmJo46EpaRNkAQb-3-lefHJ3vch7hAeZUSOhWg8N6RO52Yi_pLGyjHwMihRfmXzjp7AWNSrHjgYVj/s72-c/Hideo11-copy.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/11/fortress-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/11/fortress-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content