$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Grey Things (Part 1)

By: Grey Suzara “Magsigising na kayo!!! Aalis na kami,” sigaw ni mama kasabay ng malakas na pagkalabog sa pintuan ng kwarto namen ni kuya. B...

By: Grey Suzara

“Magsigising na kayo!!! Aalis na kami,” sigaw ni mama kasabay ng malakas na pagkalabog sa pintuan ng kwarto namen ni kuya. Biglang nagising ang diwa ko sa lakas nun, pero hindi ko pa rin maimulat nang maayos ang aking mga mata. Antok na antok pa talaga ako.
“Magsigising na sinabi eh, mahuhuli na kayo sa mga pasok n’yo.” Pag-ulit ni mama, wala naman na kaming nagawa pa kundi bumangon na dahil hindi naman n’ya kami titigilan. Pagka-bangon ko ay agad akong bumaba at sinilip sila mama.
“Ma! Baon ko!” sigaw ko kay mama upang hingin ang pinakamahalagang bagay saken.
“Nandyan sa ibabaw ng ref, nandyan na rin yung baon ng kuya mo. Mag-asikaso na kayo d’yan ah, mauuna na kami.” Paalala pa ni mama sa amin. Nang makalabas na sila ay agad akong nagpunta sa banyo upang maghilamos at magmumog. Pagkatapos ko ay nagtungo ako ng kusina upang maghalungkat ng makakakain. Pandesal, sinangag, tuyo at itlog ang nakita kong makakain sa mesa, kape na lang ang kulang at saktong sakto na para sa almusal.
“Kain na kuya,” alok ko sa kanya nang makita ko itong bumababa ng hagdan, tanging tango lamang ang isinagot nito saken. Kasalukuyan akong kumakain nang biglang tumunog ang cellphone ko, may nagtext.
“Asan ka na? Maaga tayong papasok ‘di ba? Kailangan nating mag-practice ng maaga. Bilisan mo, andami mo pang kakabisaduhing linya. Pakakupad mo talaga.” Sabi ni Maricar sa text.
“Badrtip!” bulong ko sa sarili ko. Nagmadali na ako sa pagkain at agad na nagtungo sa banyo.
“Kuya! Mauuna na ako ah,” sabi ko kay kuya nang matapos akong makapagbihis, tsaka ako lumabas ng bahay.

Malapit lang naman ang eskwelahan namen, isang tricycle lang naman ang kailangan para makarating dito. Hindi rin naman kami mayaman, kaya kung pagmamasdan mo ang school namen ay mahahalata mo kaagad na hindi ito mataas na uri. Napakaliit, apat na building lang ang makikita mo sa loob ng bakuran ng buong school.
Ang bawat building ay may apat na palapag at kung makikita mo kaming mga estudyante mula sa labas ay iisipin mong santambak kaming mga kriminal sa loob. Ang bawat bintana kasi ng mga pasilyo ay nilagyan ng harang na bakal dahil may nahulog nang estudyante dito noong nakaraang taon. Namatay yung estudyante kaya naman natakot na ang school na baka maulit pa ang insidente, pinalagyan ng harang. Ang ending? Eto, mukha kaming mga preso.
“Ano ba ‘yan! Pakakupad mo talaga kahit kelan, bilisan mo nga! Paimportante ka masyado!” Bungad saken ni Maricar. Mula nung maatasan syang maging director ng aming gagawing play ay madalas nang mainitin ang ulo nya. Mayat maya kasi nagtatanong yung adviser ng update tungkol sa ginagawa naming play sa subject naming Filipino. Palibhasa sya na ang pinakamatalino samen kaya sa kanya iniaatas lahat ng mahihirap na gawain. FYI: Last Section po kami.
“Bakit ba masyado mo kasing sineseryoso, tignan mo nagiging magkamukha na kayo ni ma’am Norberte. Mukha ka na ring dragon.” Asar ko kay Maricar, tsaka nagtawanan ang mga kaklase namen na lalo namang ikinaasar ng aming masungit na direktor.
“Nagtatanong na kasi si ma’am kung ano na bang nangyayari sa ginagawa naten. Wala akong maisagot kasi nga wala pa rin tayong natatapos. Tapos ganyan pa kayo, parang balewala lang sa inyo, eh periodical kaya naten ‘tong play na ‘to tapos ayaw nyong seryosohin. Bagsak tayong lahat kapag hindi naten natapos ‘to.” Sermon nya sa amin, bigla naman kaming tumahimik at nagseryoso dahil nga importante nga naman itong ginagawa namen. Ngayon ko lang naunawaan ang kalagayan nya, mahirap nga.

Putol putol ang ginawa naming page-ensayo sa play, dahil may iba pang subject ang dapat naming pagtuunan ng pansin. Tuwing mababakante ay isinisingit lamang namen ito. Kaya ang pinakamahabang oras lang na pwede naming gamitin sa practice ay ‘pag pumasok kami ng maaga at ang oras ng uwian; lahat ng matatapos namen ay binubuo namen sa tuwing araw ng Sabado.
“Oh, uwian na. Asikasuhin nyo kaagad yung mga linya nyo, kabisaduhin nyo na para tuloy tuloy na tayo.” Si Maricar na agad nagsalita pagkalabas ng teacher namen sa A.P.
Inaayos namen ang mga upuan at inilagay ang mga ito sa gilid ng room tsaka nilagyan ng hati. Dalawang section kasi kaming naghahati sa room na ‘to. Ang tanging may sariling room lang ay ang section 2 at section 1. Kaming mga may mababang section ay hinati hati para naman magkasya ang mga estudyante. Unfair, hindi lang ‘yan, sa tuwing araw ng Huwebes at Biyernes ay sa ilalim ng puno sa Barangay hall kami nagkaklase dahil ginagamit ng mga taga-ALS (Alternative Learning System) yung pwesto namen sa room.  Ganun, sawing palad talaga ang section naming mahihina ang utak.
“Oh, patugtugin nyo na yung instrumental. Tapos ikaw Kapitan Tiago, papasok ka kaagad.” Instruction ni Maricar. Sunod lamang kami ng sunod sa lahat ng sabihin nya at ako bilang script writer ay hindi na magkanda ugaga sa paggawa ng script na hindi ko naman dapat paghirapan dahil kokopyahin ko lang naman. Kaso, ansakit na ng mga kamay ko sa kakakopya, naisip ko nga na ipa-xerox na lang ang mga ito eh, yun nga lang, wala akong pera. Bukod pa dyan, ako rin kasi si Kapitan Tiago kaya parang ‘di ko rin malaman kung ano ang dapat kong unahin, yung role ko ba oh etong isa ko pang role bilang tagakopya ng linya. Bakit ba kasi anim na kopya lang ng Noli Me Tangere meron sa school na ‘to? Lalo tuloy nakakabobo.
Nang matapos na ang ensayo namen ay kanya kanya na kami ng paga-ayos ng mga upuan. Ibinalik namen ito sa tamang pwesto tsaka kami nag-ayos ng aming mga sarili.
“Oh, mamaya ah, basahin nyo na yung mga linya nyo. Yung wala pang kopya, kopyahin nyo kay Paulo yung script. Kailangan kabisado nyo na yan bukas ah, sa isang linggo na yung play naten.” Paalala ni Maricar,
“Oo na! Oo na! Kanina ka pa utos ng utos eh, tapos na yung practice kaya itigil mo na yang bunganga mo, nakakarindi ka na eh, kanina ka pa!” Bigla akong nasamid nang marinig ko ang reklamong ito mula kay Jason. Gusto ko sanang matawa dahil ito rin yung eksaktong gusto ko sabihin kay Maricar kanina pa. Jusme, buong araw kong naririnig yung dakdak nya, nakakatulig na kaya. Si Maricar naman ay hindi na nakapagsalita dahil mukhang paiyak na sa pagkapahiya, bigla tuloy akong naawa sa kanya.
“Pau! Tara na uwi na tayo!” Pagtawag saken ni King. Sya ang matagal ko nang crush, bukod kasi sa gwapo na eh, napakatalino pa. Magkalapit lang kami ng bahay kaya araw araw kaming magkasabay sa pag-uwi.
“Oo, sandali lang!” sabi ko sabay pasak ng mga notebook ko sa loob ng bag ko tsaka ako lumapit sa kanya. “Sige, bukas na lang ah.” Pahabol kong sigaw sa mga kaklase ko.
“Hoy! Agahan mo bukas ah para hindi tayo sermonan netong director naten.” Sigaw din ni Jason. Hindi na ako sumagot, sumabay na ako kay King sa paglalakad.

“Oh, kumusta yung play nyo?” tanong ni King habang patuloy kaming naglalakad papunta sa sakayan ng tricycle na ilang kanto pa mula sa school.
“Ayon, sakto lang, hindi ko pa natatapos yung script pero malapit nang matapos yung practice hahaha.” Sagot ko, sa totoo lang may mga pagkakataong nahihiya ako sa sarili ko kapag si King ang kasama ko. Hindi ko rin kasi maiwasang mainggit sa kanya. Madalas kong ikumpara sa kanya ang sarili ko, at sa tuwing gagawin ko iyon, nakikita ko lang ang malaking pagkakaiba naming dalawa. Pormal sya kung magsalita at kumilos, hindi katulad ko na palibhasa mga tarantado ang araw araw na kasama ay parang nahahawa na ako. Isa pa, napakaganda ng mga mata nya, lalo na kapag ngumiti, lalo syang nagmumukhang anghel. Siguro kapag ganito ang mga kasama ko araw araw, malamang magpakamatay na lang ako, nakakababa kasi ng tiwala sa sarili kapag nakikita ko sya. Habang tumatagal ay hindi ko maiwasang malungkot. Lumalala kasi yung mga nararamdaman ko ukol sa kanya at habang nangyayari ito ay lalo ko lang napatutunayan na hindi kami bagay. Lalake sya at ako naman ay hindi masyado. Matalino sya’t gwapo ako naman ay hindi. Nakakawalang pag-asa, ang tangi ko lang nagagawa ay, gawin syang inspirasyon sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Hanggang dun lang. Hanggang dun lang talaga.
“Gusto mo pahiramin kita ng libro ko? Para ‘di ka mahirapan? Tutal tapos na namen yung practice dyan eh, pina-polish na lang namen.” Alok nya saken na ikinatuwa ko naman.
“Oo nga, pahiram nga ako para isulat ko na mamaya lahat. Hindi ko kasi madala yung libro eh, pinag-aaralan kasi ni Maricar. Ibabalik ko na lang pagtapos namen.” Sagot ko naman sa kanya at sandali kaming huminto para makuha nya ang libro nya sa loob ng kaniyang bag. Nakatingin lang ako sa kanya habang naghahalungkat sya ng gamit nya. Nakangiti sya na talaga namang nagpapaalis ng stress ko sa buong araw. Nakatingin lang ako sa kanya, bigla syang nag-angat ng ulo at tumingin din saken. Nakaramdam ako ng matinding kaba nang mahuli nya ako.
“Oh, bakit nakatingin ka saken?” tanong nya habang nakangiti pa rin. Patay malisya lang ako kunwari.
“Ah, hinihintay ko lang yung libro.” Sabi ko, sabay iniabot nya saken ang hinihintay ko.
“Oh, ayan na, ingatan mo ah.”
“Oo naman, syempre.”
“Tara na, ayon na yung mga tricycle oh.” Paga-aya nya saken, tsaka kami nagmadaling sumakay ng tricycle.

Nang makarating kami sa lugar namen ay agad kaming nagkanya kanyang bayad, bago kami naglakad papunta sa mga bahay namen.
“Lalabas ka mamaya?” tanong ko sa kanya,
“Hindi siguro, marami kaming assignment eh, tsaka gagawin ko yung report ko sa science. Ikaw?” balik tanong nya,
“Oo, tatambay lang sa plaza.”
“Baka mamaya kung ano anong kalokohan na ang ginagawa mo ah. Puro adik ang tumatambay dun ah,” paghihinala nya saken,
“Hindi ah, bakit mukha na rin ba akong adik?”
“Hindi naman, nagpapaalala lang, syempre kaibigan kita eh at ayaw kong napapariwara ang mga kaibigan ko.” Sabi nya na ikinangiti ko naman,
“Wag kang mag-alala, mahina lang ang utak ko pero wala naman akong balak na mag-adik.” Sabi ko tsaka kami naghiwalay sa daan. Papasok na kasi sya sa kanto at ako naman ay diretso pa, pero malapit na lang rin.

  Pagkarating ko sa bahay ay agad akong nagbihis. Humiga ako sandali upang ipahinga ang katawan ko. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa mga ginawa namen buong araw. Mag-alas singko na rin kaya naman talagang nakakapanghina na. Ang normal na uwi naman kasi namen ay ala-una, nae-extend lang dahil dito sa practice-practice namen.
Bumaba ako at naghanap ng makakain. Ako pa lang ang nandito sa bahay kaya naman wala pang nagluluto. Medyo nagugutom nako, dahil hindi naman ako masyadong nakakain kanina. Yung baon ko naman kasi ay sakto lang na pamasahe at pambili ng isang spaghetti at ice water. Ok lang, hindi naman ako mareklamo eh, minsan nga pag wala nang natirang pamasahe ay nilalakad ko na lang. Ganun din kasi ang ginagawa ng ilan sa mga kaklase ko.
May natira pang ilang pirasong pandesal sa mesa. Nagtimpla ako ng kape tsaka ako nagmiryendang mag-isa. Pagkatapos ko ay agad akong naghugas ng pinggan tsaka nagsaing para pag dating nila mama ay ulam na lang ang iintindihin. Nang matapos ko lahat ng dapat kong gawin ay muli akong umakyat sa kwarto para ipagpatuloy na ang naudlot kong pagsusulat kanina.
Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nagsusulat, napansin ko na lang na madilim na nang mapalingon ako sa bintana ng kwarto namin ni kuya. Maya-maya pa ay narinig ko na ang boses nila mama kaya naman iniligpit ko na ang ginagawa ko tsaka ako bumaba para salubungin sila.
“Nakapag-saing ka na ba?” pambungad na tanong ni mama,
“Opo, kanina pa.” sagot ko naman sa kanya,
        “Oh, linisan mo yung isda at iprito mo na.” utos nya saken na agad ko naming sinunod. Habang nagluluto ako ay naririnig ko ang bulungan nila mama at papa, hindi ko maintindihan ng malinaw dahil naiistorbo ng tunog ng tubig na dumadaloy sa gripo yung mga boses nila. Pero sa may mga pagkakataon na lumalakas ang boses nila, at sa tantiya ko ay nag-aaway sila. Isa ito sa mga sitwasyong ayaw kong mainvolve. Kesa ipagpatuloy ko ang pakikinig sa kanila ay minabuti ko na lamang na intindihin ang ginagawa ko. Nakakabadtrip lang kapag patuloy akong nakiusyoso sa kanila. Halos araw araw silang ganyan, mabibilang mo lang yung araw na magkasundo sila.
        Nailuto ko na yung isda at iniligpit ang mga gamit nilang inuwi galing sa pagtitinda. Hindi naman sa masipag akong bata, ang akin lang ayoko mabungangaan ng nanay ko dahil marumi ang bahay. Mabilis akong mairita kaya iniiwasan kong mangyari ‘yon.
        “Luto na ma!” sabi ko, inilagay ko ang mga isda sa ibabaw ng mesa tsaka koi to tinakpan. Medyo hindi na maganda ang mood ko kaya naman matapos kong gawin ang iniuutos ni mama ay agad akong lumabas para tumambay na lang muna. Madalas akong maunang kumain sa kanila pero pag ganitong hindi maganda ang tama nilang pareho ay wala akong ganang kumain. Mas mabuti pang magliwaliw na lang ako sa labas kesa pakinggan ang mga boses nilang parang bubuyog na bulong ng bulong habang nag-aaway.

        Kagaya ng plano ko ay tumambay nga ako sa plaza. Ang buong akala ko naman ay mag-isa lang ako, dahil wala naming adik na tumatambay dito ng ganito kaaga. Pero pag dating ko doon ay agad kong nakita si King na may dalang gitara.
        “Oh! Akala ko ba marami kang gagawin? Bakit nandito ka?” tanong ko,
        “Tinatamad ako eh, pero nagawa ko na yung assignment ko. Yung report na lang ang gagawin ko mamaya, madali lang naman yun kaya tatambay rin muna ako. Ikaw? Bakit ngayon ka lang?”
        “Ah, marami kasi akong ginawa sa bahay. Tapos tinapos ko rin yung isang chapter sa Noli kaya ngayon lang ako.” Sagot ko sa kanya, ngumiti lang sya at iniayos ang pagkakahawak nya sa gitara, pagkatapos ay nag-umpisa syang tumugtog. Hindi ko alam kung ano yung tinutugtog nya, pero di na ako nagtanong at pinakinggan ko na lang. Wala rin naman kasi akong alam sa gitara eh.
        ‘Stolen by Dashboard Confessionals (Slow Version)’
        “…Sleep well, sleep well, and sleep well.
        You have stolen my heart. You have stolen my heart.
        …And watch you spin around with your highest heels. You are the best one of the best ones. We all look like how we feel!
        You have stolen my, you have stolen me, you have stolen my heart…”        
       
“Maganda ba?” Tanong ni King saken pagkatapos nyang kumanta.
“Oo naman, ikaw ba naman ang kumanta eh.” Bola ko sa kanya,
“Hehehe, nambola ka pa dyan, naintindihan mo ba?”
“Hindi English eh, pwede bang magrequest ng tagalog?”
“Konti lang ang alam ko eh, walang tagalog. Pero magaaral ako ng tagalog para sayo” sabi nya,
“Sayang, mga ‘kano ang nakikinabang sa maganda mong boses.”
“Hala! Korni mo, hehehe papano naman nila napakinabangan ang boses ko?” tanong nya,
“Eh, syempre lalong sumisikat yung mga kanta nila dahil sayo. Natural magugustuhan ng iba yung boses mo, at dahil pang ‘kano ang kinakanta mo, kaya maghahanap din sila ng mga kantang kinanta mo para maalala ka nila kaya kanta nila ang napasikat mo. Kuha mo?”
“Oo na, nakuha ko na po, sige magaaral ako ng tagalog. Makabayan ako eh,” biro nya sabay nagtawanan kami bago sya tumipa ng kanyang susunod na kanta.
‘What did I do to deserve you by Bryan White’
…Unconventional, describes my love for you.
Unconditional, ‘coz there’s nothing I won’t do.
…that you’ll always touch the heart and soul of me, it’s a mistery.
What did I do to deserve you. Only God’s hands could’ve made you, and brought this dream to life…

“Wow! Ganda talaga ng boses tsaka magaling ka na talaga mag-gitara ah.” Puri ko sa kanya,
“Oh, talaga? Hehehe, pwede na bang pangharana?”
“Oo, pwedeng-pwede ka nang mangharana. Siguradong sasagutin ka kaagad ng liligawan mo nyan.”
“Sana nga, kaso nahihiya akong sabihin sa kanya eh” sabi nya sabay ngiti,
“Eh, sino ba kasi ‘yan?” tanong ko,
“Secret, hehehe, tsaka ko na sasabihin kapag sigurado na ako. Hindi pa rin kasi ako makapag-decide eh, baka mamaya ikasira ng grades ko ‘yang love-love na yan eh.” Paliwanag nya,
“Bakit naman? Eh maganda nga yun kasi may inspirasyon ka na eh.”
“Maganda nga sanang may inspirasyon, eh papano kung matikman ko yung unang heart break ko e ‘di nasira ang ulo ko. Mahirap na, gusto ko pa namang maging scholar pagkagraduate naten.”
“Sabagay, pero sayang rin kasi eh, sa itsura mo, sa talent, at sa talino mong ‘yan imposibleng may manakit sayo. Baka ikaw, pwede kang manakit, pero yung ikaw ang masasaktan? Malabo,”
“Sus! Nasasabi mo lang yan kasi crush mo ‘ko eh. Hehehe,” biro nya saken na seryoso talaga ang dating.
“Hala! Kapal neto! Kumanta ka na nga lang ulit bago kita kulatahin dyan.”
 Nagpatuloy si King sa pagkanta, at habang ginagawa nya yon ay hindi ko maiwasang isipin na para saken lahat ng kinakanta nya. Alam ko namang hindi mangyayari yun eh, pero masarap din kahit paminsan minsan na damhin yung mga bagay na masarap sa pakiramdam kahit na hindi talaga para sayo nakalaan. Kahit sa ganitong paraan man lang, matupad ang pangarap ko. Kahit ilusyon lang.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Grey Things (Part 1)
Grey Things (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiCchRHwF999SpJUYzaiSTm_txMAKG-emSvLjoe6UFIhci3nStAUpl_dyJG_qwkgapZWD4GKEb9h-74hyq0jOnCWrqdTg97Y4HI2pgIHzyBxbOwSHET260zbE_Tx289hA6QNcE1SU-Rbg5P/s400/14693850_1303695586341419_5961629784709529600_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiCchRHwF999SpJUYzaiSTm_txMAKG-emSvLjoe6UFIhci3nStAUpl_dyJG_qwkgapZWD4GKEb9h-74hyq0jOnCWrqdTg97Y4HI2pgIHzyBxbOwSHET260zbE_Tx289hA6QNcE1SU-Rbg5P/s72-c/14693850_1303695586341419_5961629784709529600_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/11/grey-things-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/11/grey-things-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content