$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Red Paint (Part 2)

By: Rezso Lumalamig na ang hangin. Ang paligid ng bahay ay parang buhay. Parang gumagalaw. Nilalamon na ako ng takot na nararamdaman ko lalo...

By: Rezso

Lumalamig na ang hangin. Ang paligid ng bahay ay parang buhay. Parang gumagalaw. Nilalamon na ako ng takot na nararamdaman ko lalo na nung marinig ko ang mga sigaw sa itaas. Naririnig ko na may dumadaing. May humihingi ng tulong at kung anu ano pang klase ng boses. Nanginginig na ang katawan ko sa labis na takot. Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa palabas ng bahay nang bigla ko na lamang narinig ang yabag ng mga paa na tila ba papalapit saken. Bigla na lamang akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. "Jusko po!" sambit ko sa aking sarili dahil tuluyan na nga akong binalot ng takot. Ramdam ko na may papalapit ng papalapit sa likuran ko. Hindi pa rin ako makagalaw. Palakas ng palakas ang tunog ng mga yabag. Pumipintig ang ilang ugat sa ulo ko at bigla na lamang itong parang binibiyak. Napakapit ako sa ulo ko dahil sa biglaang pagsakit nito. Para akong nabibingi sa mga naririnig ko at ang kaninay malamig na hangin ay bigla na lamang uminit. 'Ang ingay! Ang init! Ayoko na dito!' Hanggang sa ang pakiramdam ko sa ulo ko ay parang mababasag anumang oras. Mariin na ang pagkakakapit ko dito. Hanggang sa maramdaman ko na lamang ang isang kamay na kumapit sa balikat ko. "WAAAAAHHHHH! TULUNGAN NYO AKO!!!" buong lakas kong pagsigaw at hindi ko na kinaya ang takot na nararamdaman ko. Natumba ako at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare.

Sobrang sakit ng ulo ko at naramdaman ko na lang na nakahiga ako sa sahig. Nang imulat ko ang aking mga mata ay naaninag kong nandirito pa rin ako sa abandonadong bahay. Bumangon ako at sumilip sa labas. May araw pa rin pero mukhang papalubog na. Papalabas na ako nang marinig kong may nagsalita.
"Bakit ka pumunta dito? Sabi ko sayo magkita tayo sa aplaya eh. Hindi na tuloy tayo nakapamangka. Nandito ka lang pala. Wag ka na ulit pupunta dito ah. Maraming demonyo dito. Tara na, umuwi na lang tayo. Bukas na lang ulit tayo mamangka. Malapit nang dumilim eh." sabi ni kuya. Pagkatapos ay lumapit sya saken at inakbayan ako. Lumabas na kami ng abandonadong bahay at lumakad na patungo samen.

Nang malapit na kami ni kuya sa bahay ay bigla itong nagpaalam saken.
"Ahy sandali lang, may nakalimutan ako doon sa aplaya. Sige na mauna ka nang pumasok. Maligo ka na ah, ang dungis mo na eh." sabi ni kuya at ako naman ay tumango lang.

Pumasok na ako sa bahay at nakita ako ni tito Ronald.
"Oh! Nak bakit ang dungis mo? Pumasok ka na at maligo. Panay uling ka oh." Sabi ni tito. Tinignan ko lamang sya at tumuloy na ako sa itaas para kumuha ng tuwalya. At nang makababa ako ay dumiretso na agad ako sa banyo para tuluyang maligo.

Bago ako maligo ay tinitigan ko muna ang aking sarili sa salamin. Nang humarap ako sa salamin ay bigla na lamang nanlaki ang mga mata ko. Napaupo ako sa takot at napakapit sa ulo ko nang mahigpit. "Sino yun?" tanong ko sa sarili ko. "Sino ka? Ikaw ba yung demonyo? Tigilan mo ako! Hindi na ulit ako papasok doon."
Nakararamdam pa rin ako ng takot kaya naman minadali ko na ang paliligo. Halos sampung minuto lang ay tapos na akong maligo. Kaagad akong lumabas dahil iniiwasan kong tumingin sa salamin. Hindi na ako titingin sa salamin. Ayoko na baka makita ko ulit yung demonyo.

Nang makalabas ako ng banyo ay pumanhik ako agad sa itaas para makapagbihis. Iwas na iwas ako sa mga bagay na maaaring makitaan ng repleksyon. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba. Nakita ko sila mama, tito at Winston doon sa kusina at sabay sabay na nagsisikain. Agad naman nila akong niyayang kumain. Umupo na ako at sumandok ng kanin at ulam. Tahimik lamang ako at walang binabanggit sa kanila tungkol sa nangyare saken. Nagpatuloy lang ako sa pagkain na tila bang walang nangyaring kahit ano kanina.

Makikita mula sa pwesto ko ang sala. Habang patuloy ako sa pagsubo ng pagkain ay nakita ko si kuya na nakasenyas na huwag akong maingay. Hindi ako nagpahalata na may nakita ako. Ganyan talaga kami ni kuya noon pa man. Pinagtatakpan ko sya sa lahat ng bagay. Lalong lalo na kapag may nagawa syang kalokohan. Dahan dahan syang naglakad papunta sa hagdan. Tagumpay! Wala namang nakapansin sa kanya. Napangiti ako sa ginawa nya tsaka ako nagtuloy tuloy sa pagkain.
- - - - -
Nakaramdam ako ng pagkainip sa loob ng silid namen ni kuya. Nag-iisip ako nang mga maaari kong magawa kaya lang ay walang pumapasok sa utak ko. Medyo inaalala ko pa rin yung mga nangyare saken kagabi pero ok nako. Naisip kong ituloy na lang sana yung pagpipinta ko na ilang beses na ring naudlot. Pero parang hindi pa rin ako nahihimasmasan sa sakit ng ulo na naramdaman ko kahapon kaya naman ayoko munang pwersahin ang sarili ko ukol sa mga ganoong gawain. Kailangan kong maipahinga ang isip ko. Kaya nag-isip ako ng mga bagay na nakakakalma ng utak. Bigla ko tuloy naalala yung kubong nakatayo malapit sa bangin na makikita mula sa bintana ng kwartong ito. Dating tambayan namen ni kuya doon kasama ng mga kaibigan namen. Pero noong tumama ang isang malakas na bagyo ay pinagbawalan na kami ni papa na pumunta doon. Nabuwal kasi yung malaking puno na nasa tabi nung kubo kaya nag-aalala sila na baka may may nabitak na bahagi ang lugar na iyon. Delikado daw na baka gumuho iyon. Noong sabihin iyon ni papa ay natakot na kaming tumambay doon, kaya simula noon ay kinalimutan na namen ang pagpunta sa kubong iyon.

Sa tagal nang panahon na sumalanta ang malakas na bagyong iyon ay naisip ko na baka naging matibay na ulit ang bahaging iyon kaya pinuntahan ko. Nang nasa tapat na ako ng kubo ay bigla na lamang akong napangiti dahil bumalik sa aking ala ala ang mga kalokohan namen ni kuya sa loob ng kubong iyon. Doon ko kasi unang natutunan na magmariang palad. Doon ko rin unang natutunan na magpinta. Si kuya ang dahilan kung bakit ako pumasok sa fine arts. Lahat kasi ng bagay na meron si kuya ay iniidolo ko. Mas idol ko pa ang kuya ko kesa sa isang artista.

Maraming naging impluwensya saken si kuya. Kaya naman halos lahat ng nalalaman nya ay alam ko rin. Dahil dito ay mas lalo lang kaming nagmukhang kambal. Malaki kasi ang pagkakahawig namen at halos magkasing taas lang din kami. Kaya lahat ng makakakita samen ay iniisip na kambal kame. Ang totoo, hindi mo makikilala ang bawat isa samen kung hindi mo muna makikita ang ugali namen. Medyo pilyo si kuya at ako naman ay may pagka mahinhin. Naalala ko pa nga yung picture namen na pareho kami ng suot na damit habang sabay kaming nagpipinta. Nakatalikod kami sa camera kaya mas lalong mahirap kaming makilala.

Medyo napatagal ang pagtunganga ko sa kubo habang inaalala ko ang mga masayang kabataan namen ni kuya. Nang mapansin ko na lamang ang sarili ko na naglalakad papasok sa kubo. Pakiramdam ko ay nagbalik muli ako sa aking kabataan. Tuloy tuloy akong naglakad ngunit napahinto ako nang sigawan ako ni kuya, na nasa malayong likuran ko na pala.
"Bunso! Nakalimutan mo na ba yung bilin ni papa tungkol sa lugar na 'yan? Antigas talaga ng ulo mo eh noh! Halika nga rito!" sigaw ni kuya.
"Gusto ko lang makita sandali yung loob kuya. Tara samahan mo ako, baka may mga laruan pa tayong naiwan dito." Paga-aya ko. Mabilis ko namang napilit si kuya. Sa itsura nya eh, mas mukha pa syang sabik kesa saken. Ngiting ngiti eh.

Nauna akong pumasok sa loob. Talagang napabayaan na rin pala ito. Halos lahat ng kahoy na ginamit dito ay nabulok na. Tapos yung poste naman nito na nasa gitna ay sira na rin dahil sa anay. Kaya naman mahina na ang pundasyon nito dahil tatlong kanto na lang ang may poste. Yung isang poste kasi na nasa likuran na nasa gawing kanan ay sira na, dahil yun yung parteng napuruhan nung mabuwal yung malaking puno sa tabi nito. Pero dahil na rin sa mga ugat ng puno na naglabasan doon ay hindi ito tuluyang bumagsak.
"Grabe pala ang nangyare dito noh. Muntikan na talagang mawasak. Nakakapanghinayang naman 'to." sabi ni kuya.
"Oo nga! Bwiset na bagyo na yun!" tugon ko naman.
"Masarap pala yung ganito noh? Yung aalalahanin mo yung mga masasayang araw na nagdaan. Ansarap balikan lalo na yung parteng mga bata pa tayo. Ngayon kasi andami nang nagbago. Nagbago na ang lahat. Ppp..ppati ako.. Kung may pagkakataon lang akong ibalik ang lahat. Sisiguruhin kong hindi mangyayari kung anuman ang mga nangyare." sabi ni kuya habang nakatitig sya ng diretso sa mga mata ko. Makintab na ang mata nito dahil napupuno na ng luha ang mga mata nya.
"Nandito pa rin naman ako kuya eh. Tsaka para saken ikaw pa rin ang kuya ko. Hindi ka naman nagbago eh. Wala akong makitang pagbabago sayo, ikaw pa rin ang kuya kong nagtatanggol saken sa lahat ng oras." sabi ko. Patuloy pa rin si kuya sa pagtitig saken hanggang sa tuluyan na ngang pumatak ang luhang naipon sa mga mata nya.
"Kung alam mo lang... sana alam mo.." sabi ni kuya.
"Ang alin?.. bakit hindi mo ipaalam saken." tanong ko.
"Ayoko na kasing masaktan ka pa Collin. Hindi na kasi kakayanin ng loob ko. Kaya mas mabuti nang ganito tayo. Ang pangako ko sayo, basta manatili ka lang buhay... asahan mong narito ako't handa kitang ipagtanggol sa sinumang may balak na saktan ka... nandito lang ako... palagi..." sabi ni kuya. Medyo nagtataka ako sa biglaang pagbabago ng mood nya. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil ayoko nang dagdagan pa ang kalungkutan sa pagitan naming dalawa. Niyakap ko na lamang sya at tsaka ko sya inaya sa labas.

Bago kami makalabas nang kubo ay may nakita akong isang keychain. Isa itong maliit na rubics cube na nagsisilbing palawit ng keychain. Kupas na ang kulay nito at medyo nadeform na rin. Hindi ko alam kung kanino ito pero nang makita ko ito ay para bang ayoko syang iwan na lang basta doon. Kaya naman pinulot ko ito at tsaka ko binitbit palabas.
"Kanino kaya ito kuya? May natatandaan ka ba na meron saten nito? Sa mga kaibigan kaya naten?" tanong ko. Tinignan ni kuya ang keychain na hawak ko at bigla na lamang syang ngumiti.
"Itago mo yan. Sigurado akong isa yan sa mga magpapasaya sayo." sabi ni kuya.
Medyo naaning na ako sa pagiging wirdo ni kuya kaya naman sinunod ko na lang sya at hindi na ako nagtanong pa. Ibinulsa ko yung keychain kahit na medyo marumi tsaka kami tuluyang lumabas ng kubo.
- - - - -
Matagal akong nawala sa lugar na ito kaya naman pakiramdam ko ay para akong bagong salta. Marami akong nakikitang bagong mukha at ang iba naman ay hindi ko matandaan kung naging kababata ko ba o ano, dahil pamilyar naman ang mukha. Hindi ako matandain ng pangalan kaya pag may nakita akong pamilyar na mukha ay hindi ko matawag. Lalong lalo na syempre yung mga hindi ko naging ka-close. Pero may isa akong natandaang kaibigan. Si Wilbert.

Noong mga bata pa kami ay hindi naman sya ganito kagwapo. Madalas kasing gusgusin kaya naman hindi mo mahahalata na gwapo sya. Ngayong natuto na syang mag-ayos ay para bang isa syang model, makikita mo na iyon sa tindig pa lang nya. Matangos ang ilong, maganda ang mga mata, kayumanggi ang kulay matipuno ang pangangatawan at lalakeng lalake ang tindig. 

Nagkita kami nang minsang batiin nya ako. Isinama ako nun ni mama sa palengke, para tagabuhat ng bibilhin nya nag-uumpisa na kasi syang maghanda para sa nalalapit na kasal nila ni tito. Tatlong linggo matapos akong makabalik sa lugar na ito. Medyo nahirapan pa nga akong alalahanin ang pangalan nya eh. Buti na lamang at binanggit ni mama yung pangalan nya kaya naman nabati ko rin sya kaagad. Ngumiti sya saken nun at kinumusta ako. Iniwan naman kami ni mama para daw may makakwentuhan naman daw ako sa lugar namen. Babalikan na lang daw nya kami pag tapos na syang mamili. Kumustahan, kwentuhan  ng kung ano ano, lalo na ng mga kalokohan namen nung bata pa kami. Natutuwa nga ako sa kanya eh. Hindi ko alam kung nalilito ba sya samen ni kuya dahil magkamukha kami o talagang sinasadya nya. Madalas nya kasi akong tawagin sa pangalan ni kuya eh.
"Hindi nga ako si Connor, si Collin ako." pagtatama ko sa kanya.
"Ah oo nga pala, Collin. Sorry." Sabi nya sabay maya maya eh ganun na naman kaya naman pinapabayaan ko na lang.

Malaki na nga ang pinagbago ni Wilbert simula nung mawala ako sa lugar na ito. Isa na syang pulis ngayon, baguhan pa lang sya pero marami na syang naipagmayabang na kung ano ano inkwentro tungkol sa mga kriminal. Nakakatuwa kasi, sino ba naman ang mag-aakalang ang gusgusing batang ito ay magiging pulis.

Matapos ang kwentuhan naming iyon ni Wilbert ay naging madalas na ang pagpunta nya sa bahay. Palagi nya akong niyayaya sa mga naging tambayan namen nung mga bata pa kami. Kahit na malaki ang pagbabagong naganap sa kanya ay makikita mo pa rin na hanggang ngayon ay may pagka-isip bata pa rin sya. Matibay ang kapit nya sa masasayang ala ala namen nung kabataan namen. Lalo na nung high school kami. Medyo nanghinayang nga ako nung mapagtanto ko na sya ay may narating na samantalang ako ay hindi pa rin tapos ng college at sa susunod na taon pa ako magpapatuloy. Nahinto kasi ang pag-aaral ko dahil sa isang dahilang hindi naman ganoong kalinaw sa isip ko. Nakaramdam ako ng inggit sa kanya. Marami akong sinayang na pagkakataon sa buhay ko. Ang tangi ko lang maipagmamalaki ay bihasa na ako noon pa sa larangang napili kong pasukan. Alam ko na noon pa na magaling ako magpinta. Pero syempre mas magaling pa rin ang kuya ko kesa saken. Sya naman kasi ang idol ko eh.

Minsan ay naitanong ko kay Wilbert kung meron na ba syang girlfriend na maaari nyang ipakilala saken. Syempre bilang isang malapit na kaibigan eh natural lang na hanapin ko iyon. Tumatanda na kami, kaya dapat ay may naghahanda na kami para sa hinaharap. Kaya naman dapat lang na napag-uusapan ang mga makakasama namen sa buhay.
"May girlfriend ka ba? Ipakilala mo naman saken." sabi ko. Tuitig sya nang diretso sa mga mata ko at sinabing.
"Wala akong girlfriend. Ang totoo nyan, baka hindi na rin ako mag-asawa. May hinihintay kasi ako eh, mukhang hindi na sya darating kaya naisip ko na lang na mag-isa ako."
"Sino naman yang maswerteng yan at naging ganyan ang epekto sayo?" tanong ko. Ngumiti lang sya saken at tinapik ang balikat ko.
Gusto ko sanang malaman kung sino yung sinasabi nya. Pero sa nakikita ko sa kanya ay parang ayaw nya namang pag-usapan kaya hindi na ako namilit pa. 'Sayang, gwapo pa naman tapos walang partner?! Sayang talaga.'sabi ko sa isip ko. Matapos kong magtanong sa kanya ay bigla na lang syang nanahimik. Nag-iisip ako ng mga bagay na maaari naming mapag-usapan ang kaso lang parang naubusan na ako ng kwento kaya naman tinanong ko na lang sya ulit ng ibang bagay.
"Bakit mo naisipang magpulis? Tanda ko pa dati, ang sabi mo architecture ang gusto mong kunin. Bakit biglang nagbago ang isip mo?" tanong ko. Napakunot ang noo nya habang nag-iisip ng isasagot saken.
"Hanggang ngayon naman, gusto ko pa ring mag-Architect eh. Pero kailangan ko munang magpulis. May kaso kasi akong gustong lutasin, kaya nagpulis ako para meron akong kapit sa batas. Tayo na uwi na tayo, gumagabi na eh." Paga-aya nito saken at hindi naman na ako tumanggi pa dahil nakakaramdam na ako ng gutom.

Ilang araw na din ang nagdaan at madalas na ganun ang set-up namen ni Wilbert. Ayos naman saken dahil boring naman kasi dito samen. Hindi ko madalas makausap si Winston dahil busy ito sa paga-aral, matagal din kasi itong nahinto dahil sa kakapusan ng pangtustos. Kaya nung makapag-aral na ulit ay talaga namang tutok na tutok. Bihirang bihira ko syang makitang nanonood ng tv. Madalas ay puro paga-aral talaga. Kaya si Wilbert na lang ang palagi kong nakakausap. Tuwing uuwi ito galing sa presinto o di naman kaya eh kapag wala itong pasok ay dito sya sa bahay tumatabay. Nakakatuwa kasi hindi sya nauubusan ng oras sa pakikipagkwentuhan saken.

Niyaya ako ni Wilbert sa kanila. Birthday nya daw kasi. Ilang malalapit na kaibigan lang naman daw ang ininvite nya at halos lahat daw ay kababata namen kaya naman pumayag ako kaagad. Para naman makita ko na yung iba pa naming kababata at makita ko kung ano nang mga pinagbago nila. Medyo excited ako kasi, nakita ko ang malaking pagbabago ni Wilbert. Paano kaya doon sa iba? Anong klaseng pagbabago kaya ang naganap sa kanila?

Ngayon ang araw ng kaarawan ni Wilbert. Inayos kong mabuti ang itsura ko. Dahil ayaw ko namang magpahuli sa kanila. Niyaya ko si kuya na sumama saken pero tumanggi sya. Hindi naman daw kasi sya mahilig sa mga party party. Mas gusto nya pang matulog kesa sa makipag-inuman sa mga sunog baga. Kaya naman hindi ko na sya pinilit pa. Baka maburyong pa saken. Pagbaba ko ay nakita ko si mama na kausap si Wilbert. Narinig ko ang huling sinabi ni mama na "Baka kung anong mangyare ah."
Hindi na ako nag-usisa pa kung ano bang pinag-uusapan nila. Nung makita ako ni Wilbert ay agad naman ako nitong tinawag at inaya nang umalis.

May dalang motor si Wilbert at doon kami sumakay papunta sa kanila. Kaya mabilis lang kaming nakarating sa kanila. Nakita ko ang ilang pamilyar na mukha. Tama nga ang sinabi nyang konti lang ang ininvite nya. Dahil konti talaga, pero hindi nya naman sinabi saken na apat lang pala kaming magi-inuman.

Agad akong binati ng dalawa pa naming kasama. Pamilyar nga pero katulad ng nangyare kay Wilbert ay hindi ko matandaan ang mga pangalan nila. Kaya naman agad nitong ipinakilala saken ang makakasama namen.

"Ahm, Collin ito nga pala si Jeremy at Marvin. Natatandaan mo pa? Tayo yung magkakasama na naliligo sa aplaya nang nakahubo? Hahahahaha." Sabi nito at kahit papaano naman ay naalala ko yung kalokohan naming iyon.
Si Jeremy ay medyo may katabaan. Maputi ito at singkit, ang cute nya tignan kasi mukha syang oso na super cute. Makikita mo naman kaagad kay Marvin ang makapal nyang kilay bilugan ang mata. Hindi katangusan ang ilong nya pero hindi naman nya iyon ikinapanget. Hindi sya katangkaran pero macho type sya. Mas maputi sya kesa saken.
Sa abot ng natatandaan ko eh lima kami noon. Bakit apat na lang kami ngayon?
"Lima tayo noon diba? Sino na nga yung isa?" tanong ko.
"Huh! Apat lang talaga tayo. Hahaha ulyanin ka na talaga." Sabi ni Wilbert at yung dalawa naman ay napatingin sa kanya. Nginitian nya naman itong pareho tsaka kami nag-umpisa sa inuman.

Marami silang ipinaalala saken noong mga bata pa kami. Hindi ko nga alam kung bakit yung iba ay parang nabura na sa isipan ko. Pero karamihan naman ay natatandaan ko naman. Tawa lang kami ng tawa sa mga ala ala namen nung kabataan namen. Hindi nga namen halos nahalata na ilang bote na rin pala yung nauubos namen. Pero hanggang ngayon ay parang wala pang may tama samen. Hanggang sa bigla na lamang magtanong si Wilbert ng isang seryosong tanong na hindi ko naman alam kung papano ko sasagutin.
"Saan ka ba talaga nanggaling? Bakit antagal mong nawala?" tanong nito saken.
"Nagbakasyon lang." sagot ko naman sa kanya.
"Ano ba talagang nangyare noon? Syempre bilang mga malalapit mong kaibigan eh siguro naman kahit papaano eh, bibigyan mo kami kahit konting impormasyon tungkol sa mga nangyare noon." si Wilbert. Hindi ko makuha kung ano ba yung itinatanong nya saken.
"Ah, eh, wala naman kasi akong masasabi. Katulad nga ng sinabi mo eh ulyanin na ako kaya parang nakalimutan ko na. hahahahaha.." sabi ko sabay tawa. Tumawa din yung dalawa pa naming kasama pero si Wilbert ay nanatiling seryoso. Doon na ako nagkaroon ng kutob na talagang seryoso yung bagay na itinatanong nya saken. Pero wala talaga akong ideya kung ano man yun.

Lumalalim na ang gabi at parang tinatamaan na rin ako ng alak. Yung isa naman sa mga kasama namen na si Marvin ay nagpaalam nang umuwi. Hindi na namen sya inihatid dahil malapit lang naman ang bahay nya. Tatlo na lamang kami at nagpatuloy kami sa kwentuhan. Okey na si Wilbert at nakikisama na ulit sa tawanan. Maya maya pa ay nakita ko ang pagtitig nya saken. Kahit na may tama na ako eh ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkailang sa titig nyang iyon. Nang muli akong sumulyap sa kanya para tignan kung nakatitig pa rin ba sya ay para naman akong namula. Diretso ang nakakaakit na titig nito saken habang nakangiti. Malam lam ang mga mata nya na parang tumutunaw sa lakas ko. Nakakapanghina. Para naman maibaling ko kung saan ang atensyon ko ay bigla ko na lamang dinampot ang isang bote sa harap ko at nilagok ang laman nito hanggang sa maubos.
"Oh, dahan dahan lang baka malasing ka nyan kaagad." sabi ni Jeremy.
Nang muli akong tumingin kay Wilbert ay nakita kong tumutungga rin ito. Buti na lamang at naagapan ko, medyo malakas kasi ang libido ko kapag ganitong tinatamaan ako ng alak. Titig pa lang eh, nalilibugan na ako.

Nagpatuloy lang kami sa inuman at kwentuhan. Ganun din si Wilbert, patuloy lang din sa mga malalagkit na tingin saken. Maya maya pa'y nakaramdam ito ng init at bigla na lamang naghubad ng suot nyang t-shirt. Nanumbalik ang pagkailang ko sa kanya. Uminit ang pakiramdam ko nang makita ko ang matipuno nyang dibdib, ang brown nyang utong, ang tiyan nyang may abs. Nangingintab ang katawan nya sa pawis. Kita ko rin ang maninipis na buhok nito na dumadaloy pababa sa pusod hanggang sa loob ng suot nyang kulay pulang basketball shorts. Halos nakayuko na lang ako para maiwasang makita ang katawan nya. Napasulyap ako kay Jeremy, mukha syang walang pakealam sa nangyayare sa paligid at patuloy lang ang pagpapak nito sa pulutan sabay kalikot sa kanyang cellphone.

Dinampot ko ulit ang boteng nasa harap ko. Ngunit ng lagukin ko ito ay wala na palang laman. Humanap pa ako ng boteng may laman. Maya maya pa ay nakita kong binubuksan ni Wilbert ang isa pang bote. Nang mabuksan nya ito ay agad nya itong iniabot saken. Nang abutin ko iyon ay para bang sinadya nyang haplusin ang kamay ko. Ewan, hindi ko alam baka naman malisyoso lang ako. Pero anlaki ng naging epekto nun sa pang-iinit ko. Mas lalong tumaas ang libido ko sa katawan. Para maiwaksi sa isipan ko ang tawag ng laman ay agad kong nilagok ang bote. Dahil bagong bukas lang ito ay hindi ko ito kinayang ubusin. Kalahati lang ang nainom ko tsaka ko ito inilapag sa lamesita. Pagkatapos ay humawak ako sa tuhod ko na nag-uumpisa nang gawin ang mannerism nito. Ang mag-untugan sa tuwing ako'y makakaramdam ng libog. Tumingin ako kay Jeremy at Wilbert at nginitian ko silang pareho. Tumango lang si Jeremy at nagthumbs up ito. Si Wilbert naman ay lalong lumalala ang pagtitig saken. Kinindatan ako nito sabay ngumiti. Parang hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung wala lang si Jeremy sa harap namen ay baka kanina ko pa ito sinunggaban.

Halos nauubos na namen ang isang kahon ng beer. Wala na halos nag-uusap samen. Si Jeremy ay pumipwesto na ng maganda sa bangko nyang may sandalan at mukhang handa na itong matulog. Hanggang sa tuluyan na nga itong pumikit. Si Wilbert, ganoon pa din. Pakindat kindat at maya maya pa ay bigla na lamang itong tumayo. Pagkatayo nya ay lumiyad sya at naginat, nasulyapan ko ang bukol na nasa kanyang basketball shorts. Mukhang malaki ang nasa loob nun na lalo ko namang ikinalibog. Tumingin ako sa mukha nya at kinindatan ako nito. Hanggang sa makita kong hinawakan nyang mahigpit ang bukol nya sa shorts na para bang sandali nya itong jinakol. Sinundan ko ang pag angat ng kanyang kamay na papunta sa bibig nya. Nakahugis bilog ang kamay nito at itinutok sa kanyang bibig. Naghugis bilog din ang kanyang bibig at umakto ito na may isinusubo. Naghanap ako ng yosi at nang makakita ako ay agad kong sinindihan ito. Pampabawas ng libog. Kanina pa ako nagpipigil at dahil sa ginawa nya ay mukhang hindi ko na kaya pang magpigil. Umalis saglit si Wilbert sinundan ko naman ito ng tingin.

Nag-umpisa nang maghilik si Jeremy. Si Wilbert naman ay ilang minuto nang hindi bumabalik kaya naman sinundan ko na ito. Nakita ko syang pumunta sa likod bahay kaya doon ako tumungo. Pero nang makarating ako doon ay wala akong nakita.
"Bwisit. Tinulugan na rin yata ako. Kakainis." sabi ko sa sarili ko. Maya maya pa ay may naramdaman akong mainit na hangin sa batok ko.
"Hinahanap mo ba ako?" sabi ng mahinang boses sa likod ko. Mula sa batok ko ay parang may kuryenteng dumaloy hanggang sa alaga ko na sya namang ikinabuhay nito. Naramdaman ko ang matigas na bagay na dumidiin sa aking pwetan.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Red Paint (Part 2)
Red Paint (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjFwiaaAvCTITAs6TlncysRedsyv9itBUJgorWsuLhpx6_i4fVbTNG6qIX3oWFraSVeBwSTJmW20s-gXl8sRv1OQjzeXEpChVXnuE7w1Husjcd0we8gDJlo294WuXRlBTeaHvOldx6q25LY/s400/14677407_1808807512712725_7664109032197586944_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjFwiaaAvCTITAs6TlncysRedsyv9itBUJgorWsuLhpx6_i4fVbTNG6qIX3oWFraSVeBwSTJmW20s-gXl8sRv1OQjzeXEpChVXnuE7w1Husjcd0we8gDJlo294WuXRlBTeaHvOldx6q25LY/s72-c/14677407_1808807512712725_7664109032197586944_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/11/red-paint-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/11/red-paint-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content