$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

You Light My Fire (Part 12A)

By: Lord Iris Raypaul POV Natapos na ang bakasyon at lahat ng mga nangyari sobrang saya lalo pa at kasama ko palagi si Kith, nakipag-b...

You Light My Fire

By: Lord Iris

Raypaul POV

Natapos na ang bakasyon at lahat ng mga nangyari sobrang saya lalo pa at kasama ko palagi si Kith, nakipag-bonding na nga kaming dalawa kila Mom and Dad at minsan sobrang nakukulitan sa akin si Kith pero natutuwa naman siya sa personality ko at nakikipagharutan din siya sa akin.

Marami na nga akong natanggap na Love Punishment mula sa kanya pero di ako makaganti sa kanya at habang tumatagal ang relasyon namin ay mas nagiging sweet siya sa akin...

Grade 12 na kami ngayon at konting aral na lang college na kami. Ang swerte ko talaga kasi may lovelife na ako, may tutor pa ako. Siya ang nagtuturo sa akin pag may assignment at siya din ang nagrereview sa akin pag may quiz at exam. Sobrang taas na rin ng mga grades ko dahil sa kanya.

Pero hanggang ngayon naiisip ko pa din yung baklang nanamantala sa akin nung bata pa ako dahil nakalaya na siya sa kulungan.

"Raypaul ko... anong iniisip mo?". Tanong ni Kith sa malambing na tono

Huminga muna ako ng malalim bago ako sumagot sa tanong niya

"Yung nang-molestiya sa akin nung bata pa ako... kinakabahan ako eh".

"Wag kang matakot... nandito lang naman ako". Sagot ni Kith

"Yun na nga eh! Baka kasi guluhin ka rin niya... diba pinagbantaan niya ako". nag-aalala kong sagot sa kanya.

Hinawakan niya ako sa pisngi at..

"Diba sabi ko sayo poprotektahan kita kahit na ano ang mangyari... at tsaka di naman siya nagpaparamdam sayo". Malambing na sabi niya sa akin.

"Nakakahiya naman... ako ang dapat na magsabi niyan sayo eh". Sagot ko

"Mas malakas ako kesa sa inaakala mo at subukan niya lang na guluhin ka, makikita niya ang totoong kulay ko". Seryosong sabi sa akin ni Kith

"Demonyo siya Kith!". Sabi ko

"May sungay at pangil din ako, nakatago lang palagi". Nakangiti niyang sabi sa akin.

Napa-isip tuloy ako... di ko pa nakikita si Kith na masagad ang galit, naiinis siya minsan pero di ko pa talaga nakita ang wrath niya...

"Wag ka na masyadong mag-isip ng kung ano-ano ang mahalaga masaya tayong magkasama". Sabi ni Kith

"Oo nga! Tama ka! masyado lang akong napapraning". Nakangiti kong sabi kay Kith.

---

Malapit na ang sports fest namin at pinilit akong isali ni Kith sa

Mr. Campus Star kaya lang makakalaban ko si Peter.

Bihasa na si Peter sa mga ganung bagay kasi alam kong Ramp model siya at magaling talaga siya...

Gusto kong sumali dati pa... pero mahina ang self-confidence ko. Sabi ni Kith mas pogi daw talaga ako kay Peter kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob. Sakin lang talaga napopogian ang lalabs ko hahahahhaah...

Dapat isasali din si Kith sa pageant pero tumanggi siya kasi ayaw niya daw akong makalaban at hindi daw built ang katawan niya. Wala kasi siyang muscles at pambabae ang hubog ng katawan niya...

Nasa apartment kami ngayon dahil tinuturuan niya ako...

"Kith paano kung hindi ako makasagot ng maayos sa Q and A?". Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Madali lang yan! Dapat kung ano ang laman ng puso mo yun din ang isasagot mo". Seryoso niyang sabi... magaling kasi mag-explain si Kith kaya sa kanya ako nagpapaturo

"Eh paano kung mali?". Tanong ko

"Walang maling sagot Ray basta pag tagalog ang tanong tagalog din ang sagot pero pag english ang tanong english din ang sagot". Sagot niya

"Basta titingin na lang ako sayo kapag Q and A at siguradong mahahanap ko ang tamang sagot"Nakangiti kong sabi

"Puro ka talaga kalokohan, mag-practice na lang tayo". Sabi niya

"Sige pero ikaw muna ang tatanungin ko para ma-adapt ko yun at magaya ko yung style mo sa pagsagot". Sabi ko

"Game na! Ready ako palagi". Sabi niya at mukhang exited pa siya

"Do you believe in fate? And why?". Seryoso kong tanong sa kanya pero napangiti lang siya sakin.

"Yes! beacause Fate is you! You chose it, you chose your own fate..... You chose your own path. You think that fate is controlling your path that you chose the wrong path but really your choosing your fate. If we meet bad people we have to serve our experience with them as a lesson but if we meet good people then we need to treasure them... God loves us so HE has chosen to give you free will of your FATE. GOD given us our WILL, our FATE ,our PATH thank you.". Tuloy tuloy niyang sabi kaya napanganga na lang ako. Di ko inaasahan na ganito siya kagaling sumagot...

"Grabe ka! Di ko alam na masyado kang magaling sumagot!". Namamangha kong sabi sa kanya.

"Sige nga! Ikaw naman ang tatanungin ko". Seryoso niyang sabi.

Nanliit muna yung mata niya bago niya ako tanungin...

"Do you agree with same sexual relationship and why?"..

"Medyo mahirap yan ah!". Sabi ko

"Sagutin mo na lang!". Sigaw niya

"Absolutely yes! Why??? God created adam and eve not adam and steve and that is what the people believe. But being in same sexual relationship is not a choice because it is how they felt and I believe that love has no bounderies, no age, no physical appearance and no gender"... tuloy tuloy kong sagot kaya napapalakpak si Kith...

"Sabi ko na nga ba magaling ka din sumagot pero nakalimutan mo mag-thank you".. sabi niya habang niyayakap ako..

"Sige next time di ko na kakalimutan.. magaling din kasi yung nagtuturo sakin eh".. nakangiti kong sabi sa kanya..

"Mas maganda pa yung sagot mo kesa sa iniisip ko". Sabi ni Kith

"Ano ba dapat ang isasagot mo?". Tanong ko kay Kith.

"Simple lang naman... Yes!!! Beacause everyone deserves to live and love. Everyone has the right to find their own happiness and fullfillment so there is nothing wrong about the same sexual relationship thank you!". Sagot ni Kith sa akin...

"Ang ganda pa din ng sagot mo". Sabi ko kay Kith

"Ang mahalaga sincere ka sa pagkakasagot mo". Sabi ni Kith

"Anong gagawin mo sa sport fest?". Tanong ko sa kanya

"I-cheer kita sa campus star". Sagot niya sa akin

"Diba may practice kami palagi, eh anong ginagawa mo pag di ka nanunuod sa akin?". Tanong ko

"Nagpa-practice din". mabilis niyang sagot sa akin.

"Huh? Anong sinalian mo???". Tanong ko kasi wala siyang nababanggit sa akin na may sinalian siya.

"Cheerdance at Volleyball".. sabi niya

"Iba ka talaga Kith! magaling ka sa maraming bagay. Ano ba ang di mo kayang gawin ha?". Tanong ko

"Di ko kayang lokohin ka". Seryoso niyang sabi sa akin.

"Sus! Ako din naman!". Natatawa kong sabi sa kanya

"Alam mo dapat mag-exercise ka na at i-maintain mo yung built ng katawan mo ang hot mo pa naman". Sabi ni Kith.

"Sige na nga! Gusto mo pa naman tong abs ko". Sabi ko sabay taas ng shirt ko kaya namula na naman siya.

"Puro ka kapilyuhan! Sige na! Mag-gym ka at mag-jogging tuwing umaga". Sabi ni Kith

"Sama ka sa akin mag-jogging bukas?" Tanong ko.

"Naku di pwede! Maaga ako gigising kasi mag-stretching ako para sa cheerdance at gagawin ko pa yung mga assignment mo". Sabi ni Kith

"Baka nahihirapan ka na". Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Naku hindi noh! Madali lang yun para sa akin". Sagot niya

Gusto ni Kith na mag-focus ako sa pageant kaya nagpumilit siya na gawin lahat ng assignments at projects ko. Nakakahiya nga pero mapilit talaga itong cute na to.

................

Umaga na at nag-jojoging ako tulad ng sinabi ni Kith di muna siya sumama sa akin... wala pang tao ngayon sa daan kasi madaling araw pa lang.

Kailangan kong mag-focus ng maigi kasi malapit na ang sports fest at gusto kong manalo para kay Kith...

Nakakaramdam ako ng kaba... parang may sumusunod sa akin pero wala namang tao kahit isa..

Nagpatuloy lang ako sa pag-jojoging habang nakikinig ng music at biglang may taong humarang sa akin....

Tumingin siya ng masama sa akin habang nilalaro ang isang balisong at nanlaki ang mga mata ko kasi tandang-tanda ko ang hitsura niya....

Siya yung baklang gumahasa sa akin.. sobra akong natatakot ngayon at natataranta di ko alam kung anong gagawin ko...

Tumakbo ako palayo pero hinabol niya ako at sobrang bilis niya din tumakbo... sumuot ako sa kung saan-saan at malapit na ako sa apartment pero na-corner niya ako sa isang eskinita at wala na akong matatakbuhan dead end na...

Hingal na hingal na kami pareho pero unti-unti na siyang lumapit sa akin habang winawagayway ang balisong niya...

"Tulong! Tulong! Please tulungan nyo ako parang awa nyo na!".. sigaw ko na basag ang boses dahil sa sobrang takot

"Walang makakarinig sayo dito! At tumahimik ka na kung ayaw mong magkalat ang bituka mo dito!". sigaw niya sa akin sabay tutok ng balisong sa leeg ko.

"A...nong.. ga..ga..win mo..". Nauutal kong sabi at nararamdaman ko na nanghihina ang tuhod ko sa takot.

"Ilang taon din akong nakulong! At kailangan mong pagbayaran yun!". Sigaw niya sa akin

"Ma...a...wa ka.. please..". Naiiyak kong sabi dahil alam kong wala ng makakatulong sa akin.

"Kung susunod ka sa gusto ko, di kita papatayin". Sabi niya habang pinapadaan ang matalim na balisong sa mukha at katawan ko.

"Mas masarap ka na ba ngayon?". Tanong niya sa akin kaya mas lalo akong natakot at nanginginig na ako.

Halos mapapikit na ako sa ginagawa niya... nararamdaman ko na ang luha na umaagos sa mga mata ko... ayokong mamatay kaya di ko alam ang gagawin ko...

Nakakatutok ang balisong sa tiyan ko at alam ko na ibabaon niya sa oras na lumaban ako... hinalikan niya ako sa leeg kaya mas lalong dumoble ang takot ko dahil naalala ko ang ginawa niya nung bata pa ako at wala ring pinagbago ngayon... wala akong magawa kundi ang umiyak...

"Demonyo ka!!!!". nagulat kami pareho dahil biglang may sumigaw

May humablot sa buhok niya kaya napalayo siya sa akin at nang imulat ko ang mga mata ko na lumuluha nakita ko si Kith... magkaharap silang dalawa ngayon...

"Umalis ka dito kung ayaw mong mamatay!". Sigaw nung demonyong bakla.

"Ako ang dapat nagsasabi sayo niyan!". sigaw ni Kith at iba na ang boses niya, mas lumalim, nakakatakot at nakikita ko na nanginginig siya sa galit...

"Kung ganun mamatay ka na!!!". Sasaksakin niya dapat si Kith pero nasalo ni Kith yung kamay niya... pinilipit niya ito at narinig ko ang pagtunog ng buto niya sa braso... dahilan para mabali ito at mabitawan niya ang balisong...

Sumigaw siya at namimilipit sa sakit pero hinatak ni Kith ang damit niya at tinadyakan ng malakas dahilan para tumalsik siya sa pader...

"Anong karapatan mong hawakan si Raypaul??? Sumagot ka!!!!!". Sigaw ni Kith at nakakatakot ang boses niya.. nanlilisik ang mata niya at puno ng galit...

"Maawa ka sa akin....".. nagmamakaawang sabi nung bakla

"When you set me on my rage there is no thing to me such as mercy". Sagot ni Kith sa nakakatakot na tono.

Pinagsusuntok ni Kith ang baklang yun sa katawan at alam ko na sobrang lakas nun kasi tumutunog ang mga buto niya na parang nababali...

Hinablot niya ang kwelyo nun at hinarap sa mukha niya

"Mamili ka! mabubulok ka sa bilangguan o papatayin kita!". sigaw ni Kith..

"Para mo nang awa... di ko na uulitin to... hinding-hindi nyo na ako makikita kahit kelan". Nagsusumamong sabi nung bakla

Nakatayo lang ako at di makapaniwala sa nangyayari... si Kith ba talaga ang nasa harapan ko? Ibang-iba siya. Wala siyang awa...

"Dadalhin na kita sa impyerno!!! MAMATAY KA NA!!!!". Sigaw ni Kith habang susuntukin niya ng malakas sa mukha yung taong yun pero...

"Let him live!". Sigaw ko dahil ayokong madungisan ang kamay ni Kith ng dahil sa akin...

Tumingin siya sa akin at nanlilisik ang mga mata niya... puro dugo na din ang damit ni Kith pero binitawan na niya yung demonyong binubugbog niya at kumalma na siya...

Wala ng malay ang binugbog niya at di ko alam kung buhay pa ba pero kinakapos na ito ng hininga...

"Dalhin natin siya sa ospital bago ko siya ipakulong sa prisinto". seryosong sabi ni Kith pero bumalik na sa dati yung boses niya...

................

Dinala nga namin yun sa ospital at kasalukuyan na siyang ginagamot at bigla nang lumapit sa amin ang doctor...

"Kayo po ba ang nagdala sa pasyente?". Tanong ng doctor sa amin

"Opo kami nga po". Mahinahon na sabi ni Kith pero di ako makapagsalita dahil di ako makapaniwala sa nangyari kanina...

"Stable na ang lagay niya... kung di nyo siya dinala agad dito malamang patay na siya... bali ang 3 buto niya sa rib cage, ganun din ang kanang braso niya at basag na basag ang mukha niya... matatagalan ang recovery ng pasyente". Sabi ng doctor

"Pagkatapos niyang magpagaling dalhin nyo siya sa kulungan at ipapa-aresto ko siya sa mga pulis".. sabi ni Kith..

"Nasa inyo po kung sasampahan nyo siya ng kaso".. sabi ng pulis sa likod namin...

"Gagawin ko ang lahat mabulok lang siya sa kulungan". Seryosong sabi ni Kith at umalis na kami sa ospital...

Sa ngayon ay nasa condo niya kami kasi mas malapit yun sa ospital at wala kaming kibuan sa isa't-isa...

Napansin ko na puro sugat ang mga kamao ni Kith kaya nag-alala ako bigla....

"May sugat ka sa kamao mo". Sabi ko kay Kith at kumuha ako ng tela, alcohol, betadine at bulak...

Umupo kami sa kama habang binabasa ko ng alcohol ang bulak at pinahid sa mga sugat niya sa kamao pero di man lang siya umaray o nakaramdam ng hapdi kahit medyo madiin ang pagkakalinis ko...

Pagkatapos kong balutan ng tela ang mga sugat niya eh kinausap niya ako...

"Ray sorry... di ako dapat nagpakita ng karahasan sa harapan mo". Malungkot niyang sabi sa akin...

"Inaamin ko nabigla ako sa ginawa mo at nakakatakot ka magalit pero thank you kasi niligtas mo ako". Naluluha kong sabi sa kanya..

"Walang pwedeng gumalaw sayo! Diba nangako ako sayo na di ka na uli matatakot at poprotektahan kita?". Tanong niya sa akin

Tumango na lang ako sa sinabi niya pero nagulat ako at sumigaw na siya

"Tarantado siya!!! Gusto ka niyang galawin at gusto ka niyang patayin. Putang ina!!! Pag inulit niya yun papatayin ko talaga siya!!! AKIN LANG ANG KATAWAN MO!!!". Sigaw ni Kith at napatitig ako sa kanya.

Sobrang nagulat ako dahil first time ko siya narinig magmura at ang lutong pa! Pero sabi niya sa kanya lang daw ang katawan ko? Wow! Di ko alam ang iisipin ko.

Tumingin siya sa akin at halatang di rin siya makapaniwala sa nasabi niya.

"So...rry. di ko si...na...sadya". Nauutal niyang sabi sa akin.

"Tapos na yun Kith! Wag ka na magalit kasi di na niya tayo guguluhin". Yun na lang ang nasabi ko sa kanya.

Hinawakan niya ako sa mga pisngi ko at "Ayokong may gumagago sayo". Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.

"Kith ibang-iba ka pag nagagalit pwede bang bumalik ka na sa dati". Malambing kong tanong.

"Sorry... ayoko lang kasi na makita ang taong pinapahalagahan ko na kunin mismo sa harapan ko". Malungkot niyang sabi sa akin..

"Tapos na yun... mas gusto ko yung sweet, maalaga at malambing na Kith". Sabi ko sa kanya...

"Paano mo nalaman na may nangyayaring masama sa akin?". Tanong ko sa kanya..

"Diba sabi ko nga... lagi lang kitang binabantayan".. sabi niya na nasa malambing na tono kaya napangiti na ako.

"Eh ang alam ko na gumagawa ka ng assignment". Sagot ko

"Maaga kong natapos at nakaramdam ako ng kaba kanina kaya hinanap na kita". Sagot niya

"Malakas pala ang instinct mo". Natatawa kong sabi...

"Syempre naman!". Sagot niya

"Akala ko kanina masasaksak ka niya kaya natakot talaga ako". Sabi ko

"Diba nga... expert ako sa close combat at aikido". Nakangiti niyang sabi sa akin...

"Nakakahiya at ako pa ang pinagtanggol mo". Malungkot kong sabi...

"Ano ka ba? Dapat protektahan kita kasi mahal kita and I cannot afford to loose you". Sabi ni Kith

Nag-alarm bigla ang orasan kaya napatingin kami pareho at nanlaki ang mga mata namin dahil late na kami pareho...

Kith POV

Napakulong ko na ang baklang nanggulo kay Raypaul ko... akala ko di na siya mabubuhay pero gumaling pa din siya, sana lang di na yun umulit kasi patay talaga siya sakin!

Malapit na ang sports fest kaya naman puspusan na ang paghahanda ng mga students, laging vacant o freetime ang mga klase namin dahil pinaghahandaan talaga ang sports fest dito sa school at isa pa graduating na kami for senior highschool kaya kailangan na namin i-enjoy...

Sumali si Kagura sa fencing, si dennis naman sa chess, si vincent sa badminton, si james sa basketball, si Ray at Peter sa pageant at syempre ako sa cheerdance at volleyball...

Lagi kong pinapanood si Raypaul mag-practice para sa pageant niya yung Mr. Campus Star pero di ko siya hinahayaang makita ang practice ko sa cheerdance at volleyball, syempre gusto ko rin na ma-amaze siya sakin...

Magaling na siya rumampa at sumagot dahil lagi kami nag-papractice ng Q and A at alam ko na malaki ang chance niya manalo lalo pa ngayon at sobrang built na ang muscles niya at yung abs niya ang greatest asset niya hahahahhahah...

Candidate no.9 si Peter at Candidate no.12 naman si Raypaul ko, pero napansin ko na wala yung ka-partner niya na si Ms. Campus Star candidate no.12

"Kith? Di ka ba na-bored manuod dito sa practice ko?". Tanong ni Ray

"Hindi noh! At isa pa tapos na ako mag-traning kaya papanuorin kita". Sagot ko kay Ray

"Di mo naman ako kailangang bantayan pero na-iinspire ako pag nandiyan ka". Nakangiti niyang sagot

"Bakit nga pala wala kang partner?". Tanong ko sa kanya

"Di siya uma-atend ng practice at sabi nila magaling daw rumampa yun". Sabi ni Ray

"Kilala mo ba? Nagkita na kayo?". Tanong ko sa kanya

"Ang totoo hindi pa... kahit isang beses di ko pa siya nakita". Seryoso niyang sagot sa akin

"Sino kaya yun? Pa-mysterious naman". Natatawa kong sabi...

"Sa pageant na daw yun magpapakita". Sabi ni Ray

"Sige na! Practice ka na ulit para matalo mo si Peter". Sabi ko kasi si Peter lang talaga ang pwedeng tumalo kay Raypaul ko...

"Grabe ka Kith! Di mo man lang ako suportahan". natatawang sabi ni Peter sa likod namin ni Ray...

"Syempre gusto ko rin na manalo ka pero mas gusto ko na manalo si Ray". Seryoso kong sabi kay Peter...

"Ang swerte mo talaga kay Kith". Sabi ni Peter sabay tapik sa braso ni Ray

"Syempre naman!". Sagot ni Ray

"Dali na! Mag-practice na kayo uli". sabi ko sa kanilang dalawa...

"Di ka pa namin nakikitang mag-practice". Sabay nilang sabi...

"Tsaka na yun kapag game na talaga". Sagot ko sa kanila.

..............

Sports fest na ngayon at kailangan namin panoorin ang isa't-isa pero bukas pa daw ng gabi ang Campus Star kasi highlight yung event na yun dito sa school namin...

Napanga-nga kami kay Dennis sa chess dahil siya ang nag-champion at halimaw talaga siya kasi 4 or 6 moves lang talo na agad ang kalaban...

Si Kagura naman masyadong beast mode sa fencing kaya natakot yung mga kalaban niya at magaling din si Kagura sa swordsmanship kaya expected na namin na mananalo talaga siya...

Si Vincent naman ang galing sa Badminton at masyado siyang mabilis kaya nanalo din siya...

Si James naman pinagtitilian ng mga babae at mga bading sa basketball... ang galing din niya kasi 3 points shooter siya at tuwing makaka-shoot siya titingin siya sa kung sino-sino o di kaya sa amin at kikindat siya at Nanalo din yung team nila...

Ang inaabangan na lang nila panoorin ay ako, si Peter at Raypaul. Nagpustahan pa nga kami kung sino mananalo at syempre alam niyo na kung sino ang pinili ko...

Nanalo silang lahat kaya gagawin ko ang 1,000,000% best ko ngayong araw because I can't afford to loose. Nagpalit na ako ng costume kasi sasayaw na kami ng cheerdance...

Raypaul POV

Exited na kaming mag-totropa na mapanood si Kith sa cheerdance kasi ni minsan hindi namin siya nakitang mag-practice at di rin siya sumali last year kaya sobrang exited kami at naka-upo na kami ngayon malapit sa bleachers kaya kitang-kita namin ang lahat ng magpe-perform...

"Inaabangan nyo ba ako?". Tanong ni Kith at nasa likod pala namin siya at naka-costume na kaya napa-nga nga kami...

"Wow! Ang hot mo Kith!". Sabi ni James kay Kith...

Nakasando na black si Kith na gawa sa leather at may silver metallic spikes na design at leather din yung pants niya at merong mga butas na parang ripped jeans, sa baba naka-boots siya at puro spikes din, naka-eye liner siya kagaya kay Avril Lavigne, naka-lipstick siya na black at naka-hikaw siya na cross

"Gothic kasi ang nabunot naming theme". Sabi ni Kith

"Akala ko Rockstar". sabi ni Vincent

"Yung ibang team tribal, pirates, jungle at marami pa....". Sabi ni Kith

"Bagay pala sayo ang ganyang look". Nakangiti kong sabi sa kanya

"Yung look mo Kith parang di ka gagawa ng tama pero ang ganda". natatawang sabi ni Kagura

"Dito muna ako at pang last kami mag-peperform". Sabi ni Kith sabay upo sa tabi ko.

Marami na kaming napanood at malapit na mag-perform ang team ni Kith pero kapag tinitingnan ko siya ay kalmado lang pero seryoso...

"May chance kami manalo". Naka-ngiting sabi ni Kith kaya napatingin kami bigla sa kanya.

"Lakas ng self-confidence mo ah". Sabi ni Kagura kay Kith

"Kami na ang susunod, sana walang magkamali sa amin". Tumayo na si Kith at ang laki ng ngiti niya habang papaalis...

"Good luck Kith!". Sigaw ko

Lumingon lang siya at kinindatan ako

Sila na nga ang sasayaw at iba-iba ang posisyon nila pero nasa unahan si Kith kasi di siya matangkad...

Nagsimula na silang sumayaw at grabe ang gagaling nila at pakiramdam ko sila ang mananalo. Di ko alam na magaling din sumayaw si Kith at magaling din siya tumambling. Grabe ang angas niya at may part dun na sabay-sabay silang nag-split pati mga lalaki kaya naghiyawan lahat ng mga tao...

Ang angas ng tugtog nila sa pagkakaalam ko remix yun na cheerdance ng tainted love at may part na tumabi lahat ng sumasayaw at nasa gitna si Kith siya lang mag-isa...

Sumenyas siya na parang kagaya kay undertaker at nagsimula siyang mag-backflip, mga lima yun sa pagkakabilang ko at bigla siyang nag-split nung naglanding siya... lahat kami natulala sa ginawa niya ang angas talaga niya sumayaw.

Natapos na sila at sa inaasahan namin team nga Kith nga ang nanalo kaya pinuntahan kami agad ni Kith pero nakabihis na siya...

Sa sobrang tuwa ko ay muntik ko na siyang mahalikan sa harap ng maraming tao pero buti na lang umiwas siya...

"Sorry Kith proud lang ako". Nakangiti kong sabi sa kanya sabay kamot sa ulo

"Muntik na tayo dun!". Sagot niya

"Grabe ang galing mo kanina". Namamanghang sabi ni James

"Idol na kita sa kanta at sayaw". Nakangiting sabi ni Peter

"Thank you din sa support niyo....". Nakangiting sabi ni Kith

"Syempre naman kaibigan mo kami". Sabi ni Dennis

"Halika na lunch na tayo kanina pa ako nagugutom". Sabi ni Vincent

"Di muna ako sasama". Sabi ni Kith

"Ha? Bakit?". Nag-aalala kong tanong

"May volleyball pa ako, manuod na lang kayo mamayang hapon". Sabi ni Kith sa amin

"Wag ka magpapagutom!". Seryoso kong sabi sa kanya.

"Opo mahal ko". Nakangiting sagot ni Kith sa akin

At nandun na kami sa canteen at tumambay sa table namin para makakain na ng lunch...

"Na miss ko yung luto ni Kith". Malungkot kong sabi...

"Masarap ba siya magluto?". Tanong sa akin ni James

"Oo naman! Lagi nga niya akong pinagsisilbihan at maalaga siya". Nakangiti kong sagot

"Ang swerte mo talaga sa kanya sayang lang at di ko tinuloy ang panliligaw ko". Sabi ni Peter

Muntik ko na tuloy maibuga yung juice na iniinom ko!

"Ano ba yan! don't say bad words". Sabi ko kay Peter pero natatawa lang siya sa akin

"Bad words ba yun?". Natatawang tanong ni Dennis

"Syempre kasi past na yun eh". Seryoso kong sabi sa kanila

"Buti na lang niligawan mo siya... Tingnan mo ngayon sobrang saya nyo at matagal na rin ang relasyon nyo". Seryosong sabi ni Kagura.

"Aabot sila ng decades hanggang sabay silang matigok... Kelan ko kaya mahahanap ang para sa akin?.....". Sabi ni James habang nahawak siya sa mga pisngi niya.

"Playboy ka kasi...". Sagot ko kay James kasi di na siya nagseseryoso sa mga babae simula nung pinaasa siya ni Alexa.

"Minsan na rin akong nasaktan at alam mo kung bakit". Sabi ni James

"Pero thankful ako sa panloloko ni Alexa kasi kung di niya ginawa yun baka di ko niligawan si Kith". Seryoso kong sabi sa kanila

"At kung di ka niya niloko malamang kami na ni Kith ngayon". Sabi ni Peter

"Wait nga! May feelings ka pa ba kay Kith? at wag mo tangkaing magsinungaling!". sabi ni Dennis

"Oo! Meron pa! Angal kayo?". Maangas na sabi ni Peter kaya tumingin ako ng masama sa kanya.

"Wag ka mag-alala di ako gagawa ng ikakasira ng pagkakaibigan natin". Nakangiting sabi sa akin ni Peter

"Siguraduhin mo lang!". Sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya.

"Chillax lang Raypaul! Alam mo naman na mahal na mahal ka ni Kith diba?". Natatawa niyang tanong.

"Wag ka kasing magbiro ng ganyan kasi alam mo kung gaano ka-seloso yang si Raypaul". Natatawang sabi ni Vincent kay Peter.

"Baka di pa siya kumakain. Dadalhan ko nga nga food si Kith". Sabi ko

"Alam mo ba kung nasaan siya?". Tanong ni Vincent

"Edi text ko na lang". Sabi ko

Naka-sampung text na ako pero walang reply kaya nag-aalala ako

"Baka wala yung load". Sabi ni James

"Tawagan mo na lang!". Sabi sa akin ni Kagura

"Ay oo nga! Ang tanga ko!". Sabi ko sabay kamot sa ulo

Tinawagan ko siya pero biglang may nag-ring na phone sa bag ko kaya tiningnan ko.

"Anak ng.... nasa akin pala ang phone niya haaaiiissst!!!". Naiinis kong sabi

"Hanapin mo na lang kung gusto mo siya makita". Sabi ni James

"Wag! Dito ka lang at hintayin mo na lang yung game nila". Sabi ni Kagura

"Oo nga! Masyadong malaki ang school baka lalo kayong magkasalisi niyan". Sabi ni Dennis

"Sige na nga!". Pagsang-ayon ko

Napansin namin na nagsisialisan na ang mga tao at...

"Magsisimula na ang volleyball in 30 minutes". Sabi ni Dennis habang nakatingin sa relo niya.

"Halika manood na tayo!". Sabi ni Vincent kaya tumayo na kami papunta sa place kung saan yun gaganapin...

Nakakaramdam ako ng kaba pero parang napa-praning lang ako... parang merong mangyayari na hindi maganda kaya kinakabahan ako...

Nag-start na ang game ng volleyball pero wala pa rin si Kith kaya mas lalo akong nag-aalala kasi di pa rin siya nagpaparamdam sa amin...

"Nasaan na kaya si Kith?". Tanong ni Peter sa amin.

"Naku! di ko alam". Sagot ni Kagura

"Baka may inaasikaso siya". Mahinahon na sabi ni Dennis

"At ano naman ang gagawin niya?". Tanong ko

"Malay mo may importanteng ginawa". Sabi ni James

"Kilala ko si Kith, kapag may gagawin siya ipapaalam niya agad sa akin". Nag-aalala kong sabi.

"Well sa ngayon maghintay muna tayo". Sabat naman ni Vincent.

"Eh paano kung may nangyari sa kanya?". Tanong ko sa kanila

"Wag ka mag-alala Raypaul, kaya ni Kith ang sarili niya". Mahinahon na sabi ni Kagura.

"Pero kinakabahan ako eh". Sagot ko

"Sige ganito na lang... kapag 30 minutes na at di pa rin siya nagpapakita hanapin na natin siya". Sabi ni Peter

Para kasing may mali kaya di ako mapakali ngayon...

"Sa ngayon i-enjoy muna natin ang panonood ng volleyball". Sabi ni James kaya natuon na ang atensyon namin sa mga nag-lalaro...

"Tsk. Tsk. Tsk. Tambak na yung team ni Kith... mukhang matatalo sila". Sabi ni Dennis na parang dismayado

"Oo nga! Masyadong magaling yung kalaban ng team ni Kith". Sabi ni Vincent habang ngumunguya ng pop corn...

"Wala akong gana manood kasi wala dito si Kith". Malungkot kong sabi.

"Ilang minutes na ba Dennis?". Tanong ni Peter.

"15 pa lang kaya mamaya na kayo mag- panic". Sabi ni Dennis

"Sige let's be honest... mukhang meron ngang nangyari kaya di pumunta si Kith". Seryosong sabi ni Kagura.

"Huh? Ano???". Tanong ko

"Alam niya na manonood tayo". Sabi ni Kagura

"Ano ang ibig mong sabihin?". Tanong naman ni Dennis.

"Diba bago mag-simula yung cheerdance eh nagpakita siya satin tapos ngayon di siya nagpakita o naglaro kaya malamang may nangyari nga sa kanya". Sabi ni Kagura

"Hahanapin ko na siya!". Sabi ko sabay tayo sa upuan.

"Wait! Raypaul tumingin ka sa baba". Sabi ni Vincent kaya tumingin ako

Nakita ko na rin si Kith kaya napangiti na ako pero parang may kaba pa din akong nararamdaman at naka-pang volleyball player ang damit niya pero nakikipag-usap siya sa coach nila...

"Ano kayang meron? Bakit ang tagal nila mag-usap ng coach nila?". Tanong ni James...

"Tingin ko ayaw niya palaruin si Kith" sabi ni Dennis...

"Huh? Bakit naman?". Tanong ko

"Ewan... basta... na-sense ko lang". Sabi ni Dennis hanggang sa nag-salita na ang MC...

"And now Castillo entered the game!". Sabi ng MC kaya nag-hiyawan ang mga tao pati kami para i-cheer siya pero di ko alam na sikat pala si Kith dito sa campus...

Tambak ang score nila Kith kaya pakiramdam ko matatalo sila pero di ko pa nakitang maglaro si Kith... magaling din kaya siya?

Bago mag-umpisa ang set ng game nila ay parang kina-usap muna ni Kith ang mga members ng team nila isa-isa.

Unang bola ay sa kalaban nila at ang lakas ng serve nun kaya medyo mahirap yun saluhin pero kay Kith yata tatama at parang sadya yun.

Pero nagulat kami kasi na set nya yun at bumalik yung bola sa kalaban at score nila Kith kaya nag-hiyawan kaming lahat...

"Hahahaha... akala siguro nila mahina si Kith kaya sa kanya pinatama yung bola". Natatawang sabi ni James

"Oo nga! Well mali sila". Natatawang sabi naman ni Kagura

"Huh? Bakit naman?". Tanong ko

"Sa volleyball kasi kapag nag-serve ka ng bola dapat ipatama mo sa pinaka-mahinang member ng kalaban para maka-score pag di na set". paliwanag sa akin ni Dennis...

"Ganun pala yun...". Sagot ko

Nasa team na ni Kith ang bola at mukhang siya na ang mag-seserve... hinagis niya yung bola at tinalon niya sabay spike...

Masyado yung mabilis at di nagawang habulin ng kalaban kaya naka-score na naman sila kaya naghiyawan na naman ang mga tao pati kami...

"Ang astig nun ah!". Sabi ni Vincent

"Oo nga! Ang angas talaga ni Kith at magaling din sa sport". namamanghang sabi ni James...

"Total package talaga siya". Sabi naman ni Peter

"GO KITH!!!". Sigaw ko at mukhang narinig niya kaya tumingin siya sakin at nginitian niya ako...

Mukhang siya pa rin ang mag-seserve kasi di nahabol ng kalaban at inulit niya uli yung move na yun...

Masyadong mabilis yung bola at tumama yun malapit sa may linya pero di yun outside kaya score pa din nila. Naghiyawan na naman kami at sana manalo sila Kith...

"Parang may mali... di naman madaling mapagod si Kith pero hinihingal na siya kaagad". Seryosong sabi ni Kagura...

Dahil dun napatitig ako ng mabuti kay Kith at mukhang pagod na pagod na siya

"He looks exhausted". Seryosong sabi ni Dennis

"Siguro kasi sumayaw pa siya kanina" sabi naman ni James

"Oo nga pero magkasabay yung practice nun diba?". Tanong naman ni Peter

"Baka kailangan na niyang magpahinga". Sabi ni James

Dahil dun napa-isip ako... may training siya ng volleyball, may practice din siya ng cheerdance tapos napupuyat pa siya kasi ginagawa niya yung mga schoolworks ko.

Di ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari kay Kith ng dahil sa akin. Pakiramdam ko inaabuso ko na siya kasi... kasalanan ko kaya mas lalo siyang napapapagod.

"Wag kang mag-alala malakas si Kith at kaya niyang tapusin yan". Mahinahon na sabi ni Kagura sabay tapik sa balikat ko

Di na ako sumagot at tinitingnan ko lang si Kith... nasa kanya pa din ang bola at mukhang di nasasalo ng kalaban kaya mas mataas ng 1 point sila Kith...

Pero sa pang-anim niya na serve, nag-dive yung isa sa mga kalaban nila kaya nasalo yung bola at bumalik sa team nila Kith. Halatang nagulat yung mga members nila kaya di nila nahabol yung bola...

Tie na ngayon ang points nila at huling set na daw yun... kung sino ang mananalo dun ay yun na ang champion kaya naghihiyawan na lahat ng tao sa sobrang tense...

"Tingnan nyo... mas tumaas ang concentration ng bawat players". Sabi ni Dennis

"Oo nga! Mukhang beast mode na silang lahat". Natatawang sabi ni James

Kinakabahan na ako sino kaya ang mananalo sa game na ito?

Kalaban nila ngayon ang ma-seserve kaya dapat masalo nila yung bola...

Paghataw ng bola nasalo naman ng team mate ni Kith kaya bumalik sa kalaban...

Natira naman ng kalaban yung bola at mukhang mag-spike yun at ikakatalo nila Kith..

Yun nga ang nangyari pero pag spike ng kalaban ay tumalon si Kith sa net at na-block niya kaya bumalik yung bola at sumisigaw ang mga tao ng Rally!!! Rally!!! Rally!!!

Kinakabahan na naman ako...

Nasalo na naman ng kalaban at bumalik kila Kith ang bola at masyado yung malapit sa line pero alam kong inside yun kapag tumama pero...

Nag-dive si Kith at natira niya ang bola dahilan para matumba siya at mukhang masama ang pagkakabagsak niya...

Bumalik ang bola sa kalaban pero di na nila nahabol kaya in short panalo sila Kith kaya naghiyawan ang mga tao pero...

Pero nakahiga pa din si Kith at di siya bumabangon o gumagalaw kaya mas lalo na akong kinabahan...

Nagsilapitan sa kanya ang mga ka-team niya pero nag-aalala na ako kaya tumakbo na ako papunta sa kanya at ganun din sila James...

Nakadapa si Kith at walang malay kaya kinuha ko siya at hinarap sa akin kaya medyo naiiyak na ako sa kaba...

Napansin kong namumutla siya at paghawak ko sa noo niya eh sobrang init at ang taas na pala ng lagnat niya.

"Kith! Kith! Ok ka lang ba?". Nag-aalala kong tanong kaya halos maluha na ako.

Tumingin si Kith sa akin at tumango lang siya...

"Nagpumilit pa rin kasi siya sumali kahit na nilalagnat na siya". Nag-aalalang sabi ng coach nila

Inalalayan kong makatayo si Kith pero biglang...

"Aaaahhhhh!!! ANG SAKIT!!!". Sigaw ni Kith kaya nagulat ako.

"Masama yung bagsak niya kanina". Sabi ni Dennis

"Mukhang na-sprain yung paa niya". Sabi naman ni James kaya mas lalo na akong nag-alala.

Dahil dun binuhat ko si Kith... yung buhat na pang-kasal kasi di siya makalakad at dinala ko siya sa clinic ng school namin...

Yung coach niya at ang iba pa niyang ka-team ang kasama namin ngayon at nag-aalala na din sila...

"Nilalagnat na siya kanina kaya di ko siya pinalaro pero pinilit niya ako". Nag-aalalang sabi ng coach sa amin

"Alam niya kasi na matatalo tayo kapag di siya naglaro". Sabi naman ng isa sa ka-team niya...

"He is so wreckless as always". Sabi ni Kagura habang umiiling-iling.

Lumabas na ang doctor kaya...

"Doc! Anong lagay niya?". Nag-aalala kong tanong.

"Na-sprain yung ankle niya kaya mahihirapan siyang makalakad for days pero gagaling naman siya kaagad and one thing is... mataas ang lagnat niya at bumagsak ang immunity system niya sa sobrang pagod at puyat". Sabi ng doctor kaya nabigla ako...

"PUYAT???". Napasigaw kong tanong

"Oo pero with proper rest and medication gagaling naman siya agad". Sagot sa akin ng doctor

"Pwede ko ba siyang kausapin doc?" Alanganin kong tanong....

"Nagpapahinga pa siya pero pwede naman at pwede na rin siyang umuwi mamaya pero I suggest na mag-stay lang siya sa bahay para di mabigla ang katawan niya". Sagot ng doctor.

Pumasok na ako sa room niya pero ako lang muna mag-isa kasi gusto ko na kaming dalawa lang ang mag-usap

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: You Light My Fire (Part 12A)
You Light My Fire (Part 12A)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s1600/You+Light+My+Fire.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s72-c/You+Light+My+Fire.png
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/11/you-light-my-fire-part-12a.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/11/you-light-my-fire-part-12a.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content