By: Lord Iris Kith POV Bumagsak na ang katawan ko at di ko akalain na di ko pala kakayanin ang sabay sabay na pagod kaya nandito ako n...
By: Lord Iris
Kith POV
Bumagsak na ang katawan ko at di ko akalain na di ko pala kakayanin ang sabay sabay na pagod kaya nandito ako ngayon sa clinic at nagpapahinga.
May nagbukas ng pintuan at pagpasok ng tao si Ray pala kaya napangiti ako.
"Kith? Kamusta ka na?". Nag-aalala niyang tanong sa akin.
"OK lang ako kasi nandiyan ka na". Nakangiti kong sagot
"Totoo ba na sobra kang napagod at napuyat?". Seryoso niyang tanong.
Tumango na lang ako...
"At napupuyat ka kasi ginagawa mo yung schoolworks ko?". Seryoso niya uling tanong sa akin
"Oo pero....". Di pa ako tapos sumagot pero nagsalita na siya.
"Sabi ko na nga ba! Kasalanan ko kaya di ka nakaka-pagpahinga ng maayos at sobrang stress ka na dahil sakin". Naiiyak niyang sabi kaya nakaramdam na ako ng lungkot.
"Ray! Di mo kasalanan yun! At masaya ako na ginagawa ko yun". Sagot ko pero nahihirapan akong magsalita.
"Pero napagod ka dahil sakin". Malungkot niyang sagot sa akin.
"Tapos naman na yun at magpapahinga na lang ako ngayon". Mahinahon kong sagot.
Di na siya nagsasalita at alam ko na malungkot siya at sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari na hindi naman talaga dapat...
Inuwi na niya ako sa condo ko kasama ang mga kaibigan namin pero pina-uwi niya sila kaagad kasi siya na daw ang bahala sa akin...
"Ako naman ang mag-aalaga sayo ngayon". Seryoso niyang sabi sa akin
"Ray wag ka nang malungkot... nag-aalala na ako sayo niyan". Sabi ko
"Mag-alala ka din para sa sarili mo!". Sabi niya sa akin at parang galit siya
"Wag ka namang magalit". Mahinahon kong sabi.
"Alam mo naman na masama na ang pakiramdam mo tapos di mo sinabi sa akin at naglaro ka pa!". Sigaw niya
"Kanina lang naman sumama ang pakiramdam ko nung pagkatapos ko sumayaw". Sagot ko
"Eh bakit naglaro ka pa? Di ka na lang nagpahinga alam mo naman na nag-aalala ako sayo!". Sermon niya sa akin
"Sayang lahat ng practice ko kung di naman ako maglalaro". Sagot ko
"Sayang lang din yung laro mo kung may mangyayari namang masama sayo!". Sermon sa akin ni Ray
"Ray sorry na... di ko na uulitin". Sabi ko pero di na niya ako kinikibo.
"Naiinis din ako sa sarili ko kasi pinapasa ko sayo yung mga schoolworks na ako dapat ang gumagawa". Naiiyak niyang sabi
"Tapos na yun... kaya sorry na...". Malambing kong sabi sa kanya...
"Sorry din... nasermonan kita". Mahina niyang pagkakasabi.
..................
Inalagaan at binantayan niya ako magdamag pero kailangan na niyang pumasok sa school dahil mamayang gabi na ang pageant niya...
"Di na lang ako sasali babantayan na lang kita dito". Sabi sa akin ni Ray
"Ano kamo? Hoy magagalit ako pag ginawa mo yang sinasabi mo!". Sagot ko sa kanya.
"Eh paano ka? walang magbabantay sayo dito". Nag-aalala niyang sabi.
"Kaya ko na ang sarili ko at medyo maayos na ang pakiramdam ko kesa kahapon". Sagot ko.
"Pero nag-aalala ako sayo". Malungkot niyang sabi sa akin.
"Wag ka mag-alala manunuod ako mamayang gabi". Sagot ko
"Ha? Paano? Eh di ka nga makalakad diyan ng maayos". Gulat niyang sabi
"Basta kakayanin ko". Sagot ko
"Pag nabinat ka! Anong gagawin ko sayo?". Sabi niya
"Ok na ako mahal ko... kaya ko ng manood at isa pa... pag natapos yun uuwi na tayo kaagad" sabi ko
"Siguraduhin mo lang!". Sigaw niya
"Sige na kailangan mo nang pumasok para sa general rehearsal nyo". Malungkot kong sabi...
"Gusto kong bantayan ka". Sagot sa akin ni Ray.
"Ok lang ako kaya pumasok ka na". Sabi ko sa kanya
Hinalikan muna niya ako sa noo bago siya umalis at sinabi niya na magpagaling ako... ang totoo nalulungkot ako kasi gusto ko nandito lang siya para alagaan ako pero di ako pwedeng maging selfish. At isa pa, masama pa talaga ang pakiramdam ko pero kakayanin ko lahat mapanood ko lang si Ray sa pageant...
Nasa school ngayon si Raypaul ko at nag-papractice na siya para sa general rehearsal nila kasi mamayang gabi na ang pageant for Mr. and Ms. Campus Star at kailangan ko yung mapanood.
Sa ngayon nandito lang ako sa condo at nakahiga sa kama. Masakit ang katawan ko at nahihilo ako, gusto ko talaga na alagaan ako ni Ray pero ayoko naman na di niya ituloy ang pinagpaguran niya para lang sakin kasi kahit sabihin niya na mahal niya ako eh gusto kong ma-achieve niya lahat ng goals niya sa buhay...
Kakayanin ko ang lahat at titiisin ko kahit na masama ang pakiramdam ko at di ako masyadong makalakad dahil na-sprain yung ankle ko. Gusto ko na pumunta sa pageant para mapanood siya at alam ko na malulungkot siya kapag di ako pumunta.
Sa ngayon kailangan ko munang mag-ipon ng lakas para makapunta ako mamayang gabi pero nakakaramdam ako ng lungkot kasi wala si Ray at mag-isa lang ako ngayon dito.
Biglang bumukas ang pinto kaya nabigla ako ngayon at nagulat sa nakita ko....
"Ano musta ka na diyan?". Tanong niya sa akin...
"Bakit ka nandito ngayon?". Tanong ko sa kanya
"Umuwi talaga ako para bantayan ka". Sagot niya sa akin habang lumalapit at umupo sa kama ko...
"Paano mo nalaman na..." di pa ako tapos magsalita pero sumagot agad siya sa akin.
"Tinawagan ako ni Kagura at nag-alala talaga ako sayo". Sagot niya
"Pero di mo kailangang gawin toh". Sabi ko sa kanya
"I know na may pageant yung boyfriend mo at kilala kita... sasabihin mo na OK ka kahit hindi!". Sermon niya sa akin...
"Kaya ko naman ang sarili ko". Sagot ko sa kanya
"Stop pretending! I will not gonna be your lover but I will always be your baby brother". Sagot niya sa akin
"Rogue naman! Naabala na kita". Sagot ko sa kanya.
"But I promise that I will always be by your side everytime you need me and I guess you need me right now...". Seryosong sabi ni Rogue
Natahimik na lang ako kasi naisip ko na kailangan ko ng kasama ngayon pero galing pa talaga siya ng japan para lang alagaan ako...
"Thank you Rogue... lagi kang nandiyan para sa akin". Malungkot kong sabi sa kanya..
"Alam mo naman na napaka-halaga mo talaga para sa akin eh". Sagot sa akin ni Rogue
"Sana di ka magbago". Sabi ko
"Diba nga magkapatid tayo kahit hindi sa dugo kaya aalagaan ka ngayon ng baby brother mo". Nakangiti niyang sabi sa akin
"Rogue... manunuod ako mamaya". Mahina kong sabi sa kanya
"What in the heck are you thinking?". Galit niyang sabi sa akin
"Ang sabi ko manunuod ako whether you like it or not". Seryoso kong sagot
"Sige nga! Kaya mo bang pumunta doon ngayon ha?". Tanong ni Rogue
"Kakayanin ko!". Malakas kong sagot
"Where is the sanity in you? It's insane!!! Natatakot ako sa tuwing nakikita kita na tinitiis ang sakit na nararamdaman mo!". Sermon niya
"Pero di ako nasasaktan ngayon... masaya ako na ginagawa ko ito para sa taong mahal ko". Sabi ko sa kanya
"At sa tingin mo ba masaya siya na ginagawa mo yan para sa kanya?". Tanong ni Rogue kaya napa-isip ako
"Alam kong malulungkot siya kapag di ako pumunta kaya kakayanin ko". Nalulungkot kong sabi sa kanya
"Stop it!!! Kapag di ka tumigil tuturukan na kita ng pampatulog!". Banta niya sa akin at alam ko na pwede niyang gawin yun kaya nainis ako sa kanya
"Subukan mo! Isang gabi lang yun! Isang gabi lang ako magtitiis! At isang gabi ko lang mapapanood si Ray! Gusto mo ba na magalit ako sayo!". Galit kong sabi kay Rogue...
"Sige ganito na lang... kapag lumakas ka mamaya sasamahan kita doon...". Malungkot niyang sabi at alam ko na ayaw niyang magalit ako...
"Thank you Rogue...". Naluluha kong sagot sa kanya
"Umayos ka! Kapag may nangyaring hindi maganda magagalit din ako sayo". Seryoso niyang sabi sa akin
Tumango na lang ako sa kanya...
"Kelan ka babalik sa Japan?". Tanong ko kay Rogue...
"Kapag OK ka na babalik na ako". Seryoso niyang sagot sakin
Alam kong nasasaktan si Rogue sa nangyayari pero anong gagawin ko? Si Raypaul talaga ang mahal ko eh...
"Sorry Rogue kasi....". Di pa ako natapos magsalita sumabat na siya
"Ginagawa ko to bilang kapatid mo kaya wag ka na mag-alala". Seryoso niyang sabi pero kilala ko siya
"Wag mo akong lokohin kilalang-kilala kita Rogue simula pagkabata". Seryoso kong sabi sa kanya
Di siya sumagot sa sinabi ko at natahimik na lang siya...
"Nakokonsensya ako dahil alam ko na nasasaktan ka, but you don't deserve that pain". Malungkot kong sabi habang nakatingin sa mga mata niya
"I can endure it because your worthy" Seryoso niyang sabi sa akin...
"Alam ko na makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo ng totoo kaya maghintay ka lang...". Sagot ko
"Ang tagal naman niya...". Natatawang sabi ni Rogue sa akin...
"Darating din siya sa
TAMANG PANAHON". sabi ko
Nagtawanan na lang kami pareho...
"Ganyan na nga ang lagay mo nag-joke ka pa talaga". Natatawa niyang sabi
"Gusto ko lang na patawanin ang baby brother ko". Nakangiti kong sabi
"Pero masaya ako para sayo... kasi masaya ka na ngayon at hindi ka na nalulungkot kagaya dati". Sabi niya
"Dahil din yun sayo". Sabi ko
"Ang sabihin mo dahil yun kay Raypaul mo!". Sagot niya
Inalagaan ako ni Rogue at siya ang nagluto para sa akin ngayong tanghali...
"Ang sarap mo magluto... pwede ka na mag-asawa". Nakangiti kong sabi
"Ayoko pang mag-asawa". Sagot niya
"Ay sorry! Naka-fixed marriage ka nga pala...". Sagot ko
"Pero kung sayo ako naka-fixed marriage ok na ok sa akin!". Nakangiti niyang sabi
"Ah ganun! Pumuporma ka? Sumbong kita diyan kay Raypaul ko". Natatawa kong sabi kay Rogue...
"Edi gawin mo! Isang sapak ko lang dun tulog na yun!". Natatawa niyang sabi sa akin...
"Subukan mo lang at ikaw naman ang makakatulog pag sinapak ko". Natatawa kong sagot kay Rogue kasi naman kapag nag-tetraning kami ng aikido eh di siya nananalo sakin...
"Oo na! Talo na ko sayo!". Sagot niya
Magdamag na lang kaming nag-kulitan at masaya ako dahil nandiyan siya kasi na-miss ko rin si Rogue...
Gabi na, kaya pupunta na kami sa school para manuod. Dapat nga bubuhatin niya ako pero di ako pumayag kasi alam niyo na, seloso ang Raypaul ko, kaya kahit iika-ika ako maglakad eh di ako nagpatulong sa kanya...
Pag-upo namin sa seat katabi sila Kagura eh sobrang ganda at liwanag ng stage, talagang pinagkakagastusan ng school ang event na ito...
"Hi Rogue! Musta ka na?". Bati ni Peter na nasa likod namin.
"Ok lang naman... you look gorgeous". Nakangiting sabi ni Rogue.
Biglang namula si Peter sa sinabi ni Rogue kaya medyo may na-sense ako hahahahah...
"Peter... bumalik ka na dun! Magsisimula na!". Seryosong sabi ni James.
Bakit parang highblood si James?
Ang ganda ng damit ni Peter. Naka- emerald green siya na coat kaya na-emphasize lalo ang green eyes niya at nagpa-blonde siya ng buhok. Ang pogi talaga niya ngayon pero ano kaya ang look ni Raypaul ko...
"Pit? Nasaan si Ray?". Tanong ko
"Nakita ka niya kanina... gusto niya na ma-surprise ka". Naka-ngiting sabi ni Peter sabay kindat.
Umalis na si Peter kasi malapit na daw mag-start ang pageant kaya nakipag-kwentuhan muna ako kay Rogue...
"Rogue? Gwapo ba si Peter?". Bulong ko sa kanya.
Tumango lang siya sa akin at napansin ko na namula siya...
"Aaayyyyiiiieeee!!!!!". Sigaw ko sabay hampas sa kanya... paano ba naman kasi mukhang may something hahaha
"Uy!!! Anong kulitan yan ah!". Sigaw ni Kagura kaya huminto ako.
"Text ko sayo mamaya!". Sabi ko kay Kagura sabay kindat.
At nag-start na nga ang pageant lumabas na ang mga contestant isa-isa sa casual wear nila tapos mag-papakilala sila...
Natapos na ang ibang mga contestant pati si Peter kasi candidate no. 9 siya at pang 12 naman si Rapaul at siya na ang lalabas kaya exited na talaga ako na parang nawala bigla ang lagnat ko.
Paglabas ni Raypaul sobrang gwapo niya!!! Naka-red na coat siya at bagay na bagay yun sa red hair niya at habang rumarampa naghihiyawan lahat ng tao pati ako...
Tinaas niya yung shirt niya at nakita ng mga tao yung 6 pack abs niya kaya mas lalong tumindi ang hiyawan ng mga tao pero natahimik ako, bago ibaba ni Ray yung shirt eh tumingin siya sa akin at kinindatan ako...
Napa-sampal na lang ako sa mukha ko nung nakita ko yun at nag-init yung mukha ko... pakiramdam ko eh namumula na ako na parang mansanas...
"I'm Raypaul Velasco, 18 from ABM department!".
Pagkatapos nun ay naghiyawan na ang mga tao pero natahimik pa din ako, di ko alam kung nahiya ako sa sarili ko o masyado akong nagwapuhan kay Raypaul...
Pagkatapos nun ay lalabas na si Ms. Candidate no.12 sino kaya siya? Di ko siya nakikita sa practice nila eh...
At paglabas niya biglang nanlaki ang mga mata ko! Di ako makapaniwala!
"I'm Alexa Carter, 18 from STEM department!".
Lahat kaming magkakaibigan ay nagulat sa nakita namin kaya natahimik kaming lahat...
"Paano nangyari yun?". tanong ni James na gulat sa nangyari
"Di ko siya nakikita dito sa school". Sabi naman ni Dennis
"Sinadiya niya na di magpakita". Seryosong sabi ni Vincent
Di ko alam kung ano ang gustong gawin ni Alexa, nag-transfer siya dito sa school namin para lang sa pageant at kahit kelan di ko siya nakita...
Di ko na lang papansinin... sa ngayon dapat kong pagtuunan ng pansin si Raypaul...
Lumabas na sila sa Casual wear at Sports wear na ang kasunod... tinitingnan ko ang mga kalaban ni Raypaul at masasabi ko na si Peter lang ang katapat niya...
Paglabas ni Peter naka-pang gun shooting siya at ang astig ng damit niya, may dala din siyang armalite...
Paglabas naman ni Ray nagulat ako... naka-brief lang siya na pang-swimming at may dalang surfing board. Naghiyawan lahat ng mga tao pero nag-init bigla ang mukha ko at alam ko na namumula na ako na parang kamatis...
"Baliw talaga tong si Raypaul!". Natatawang sabi ni James habang sumisigaw...
"Kaya niya pala magsuot ng ganyan". Sabi ni Kagura na halatang di-makapaniwala...
"Oh Kith? Bat namumula ka?". Natatawang tanong ni Rogue pero di na ako umimik...
"Mas lean yung katawan ko kesa sa kanya". Bulong sa akin ni Rogue kaya nahiya ako lalo.
Ilang beses ko na nakita ang katawan ni Rogue at inaamin ko na mas maganda nga ang katawan niya pero pag kay Raypaul nakakaramdam ako ng lumilipad na paniki sa tiyan ko
Pero ang ganda ng built ng katawan ni Raypaul... malaki na ang muscles niya sa braso pati sa legs, sobrang kinis at puti ng balat niya at yung abs niya...
Aaaaaarrrrgggghhhh!!!!!!
Natapos na silang rumampa ng formal wear at time na para sa question and answer portion kaya exited na ako...
Madali lang yung tanong kaya alam ko na masasagot ng maayos ni Ray.
Hindi ako satisfied at confident sa sagot ng mga ibang contestant pero isa lang ang tanong... naka-head phone sila Ray para di nila marinig yung itatanong
Si Peter muna ang unang sasagot at ito ang tanong sa kanya
"How can you be a good role model to your fellow students?" .
" I can be a good role model to my fellow students by sharing them what I learned as a student and giving them hope and courage So that, they can also achieve what they want and become the best version of themselves ". Confident at tuloy tuloy na sagot ni Peter kaya naghiyawan ang mga tao kinakabahan na ako para kay Ray...
Si Peter ang may pinaka-magandang sagot so far at halatang sanay na sanay na talaga siya...
Pero bago lumabas si Ray eh si Alexa muna ang sasagot kasi this time una ang babae bago ang lalake...
"How can you be a good role model to your fellow students?" .
"I can be a good role model by focusing my 100% best of me to my studies and 0% love because it can distract the studies of many students". Confident na sagot ni Alexa kaya naghiyawan ang mga tao...
Parang medyo plastic ang sagot ni Alexa kasi hindi siya sincere nung sinabi niya yun kahit pa confident siyang sumagot...
At ngayon si Raypaul na.....
"How can you be a good role model to your fellow students?" .
Huminga muna ng malalim si Ray at tumingin sa akin bago sumagot at ngumiti na siya....
"I can be a good role model to my fellow students by being true to myself. By proving them that love can be used as an inspiration to commit higher grades and you can use love to share the heat from one person's heart to another by giving them hope and courage to strive harder and become the best of them thank you!".
Nagpalakpakan kaming lahat sa sagot ni Raypaul at yung iba naman ay naghihiyawan pero medyo naluluha ako dahil sa sobrang proud ko sa kanya ngayong gabi....
Ngayong gabi ay i-aanounce na kung sino ang Mr. and Ms. Campus Star pero kahit hindi manalo si Ray eh proud na proud pa rin ako sa kanya...
Silang dalawa ni Peter ang pinagpipilian sa 1st Runner up at champion...
Si Raypaul ang nanalo kaya halos mapaiyak ako sa saya pero ang Ms. Campus Star ay si Alexa...
Sobrang proud ako sa kanya at nakalimutan ko na masama pala ang pakiramdam ko ngayon...
Puro congratulate ang narinig namin bago kami umuwi at nasa condo na kaming dalawa ngayon...
"Congrats Ray!!! Sobrang Proud ako sayo mahal ko!". Naiiyak kong sabi
"Alam ko naman yun at thank you kasi pinilit mong pumunta kahit na masama ang pakiramdam mo...". Mahinahon niyang sabi
"Syempre! Di ko papalampasin ang gabing to noh!". Masaya kong sabi
"Pero OK ka na ba?". Nag-aalala niyang tanong sa akin
"Inalagaan naman ako ni Rogue kanina". Sagot ko pero mukhang nag-iba ang timpla ng mukha niya...
"Wag ka na mag-selos... kasi ikaw lang ang MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KO!!!". sabi ko kay Ray kaya ngumiti naman siya...
"Magpapasalamat ako sa kanya". Nakangiti niyang sagot...
"Ang galing mo talaga kanina!". Sabi ko sa kanya...
"Pang 30x mo nang sinabi yan!". Natatawa niyang sabi sa akin...
"Eh kasi sobrang proud ako sayo!". Masaya kong sagot kay Ray...
"Dapat may reward ako sayo". Seryoso niyang sabi...
"Sige kahit ano basta kaya ko... kahit naman di ka nanalo may reward ka pa din sa akin eh". Sagot ko
"Gusto ko matulog dito ngayon". Nakangiti niyang sagot
"Oo sige! Ikaw ang bahala". Sabi ko
"Gusto ko rin ng Kiss...". Nahihiya niyang sabi sa akin...
"Sige! OK lang yun sa akin". Nakangiti kong sagot sa kanya...
"Pero gusto ko ng French Kiss". Sabi ni Raypaul sa akin
"Oo! Mamaya!". Sagot ko
Magkatabi na kami ngayon matulog sa kama at wala naman kaming ginagawang masama. Sobrang saya ko para kay Raypaul kasi alam kong pinag-hirapan niya yun at pangarap niya din talaga yun...
"Bakit namumula ka nung naka-swim wear lang ako kanina?". Nakangiting tanong ni Ray
"Ewan! Parang may lumilipad na paniki sa tiyan ko nung nakita kita". Sagot ko
"Ray? Alam mo ba na si Alexa ang partner mo?". Tanong ko
"Naku hindi! Kanina ko lang din yun nalaman eh...". Seryoso niyang sagot
"Anong balak niya?". Tanong ko
"Di ko alam kung anong motibo niya pero malay mo nagbago na siya". Sagot naman ni Ray
"Sabi nga niya 0 percent love daw!". Nakangiti kong sagot.
"Hhhmmmppphhh eh makati yun eh" natatawang sabi ni Ray
"Di siya nagpakita kahit isang beses kaya siguradong may iniisip siya". Sagot ko naman sa kanya...
"Wag na natin siya pag-usapan ang mahalaga eh nanalo ako". Sabi ni Ray
"Oo nga tama ka GOOD NIGHT!". Sabi ko sa kanya
"Wait! Yung French Kiss ko?". Tanong niya na parang seryoso
At yun nga ang nangyari nag French Kiss lang kami pero wala ng sumunod pa doon kasi bata pa kami at napag-desisyunan namin na magpakasal kapag graduate na kami pareho....
Pero parang may masama akong nararamdaman kay Alexa dahil alam kong may mga plano siya pero kailangan ko na mas lalong mag-ingat dahil hinding-hindi ko hahayaang isuko si Raypaul at maagaw sa akin...
Raypaul POV
Masaya ako dahil ako ang nanalo kagabi sa pageant pero ang nakakatuwa pa dun ay mukhang mas masaya pa sa akin si Kith. Ang lambing talaga niya at sobra kong na-appreciate ang pagpunta niya kagabi kahit na medyo masama yung pakiramdam niya...
Sabado ngayon at magaling na si Kith pero iika-ika pa rin siya maglakad. At dahil ako ang Mr. Campus Star ay pinilit ako nila Dennis na mang-libre kaya napagplanuhan namin na gumala na lang sa isang amusement park kasi medyo malaki din ang napanalunan kong premyo...
Nandito kami ngayon sa labas ng amusement park at nagtatalo pa kami kung ano ang sasakyan namin at kasama din namin si Rogue kasi gusto kong magpasalamat sa kanya sa pagbabantay kay Kith habang wala ako sa tabi niya...
"Ano? Tutunganga lang ba tayo?". Tanong ni Kagura
"Ano ba kasing gusto niyong sakyan?". Naiinis na tanong ni Vincent
"OK lang sakin kahit ano game ako!". Masayang sabi ni Kith
"Roller Coaster!". Sigaw ni Rogue
"Hahahahahahah ayoko nga!". Sagot naman ni James
"Bakit naman James? Bakla ka ba?". Natatawang tanong ni Peter
"Mahiya ka nga sa tanong mo!". Naiinis na sagot ni James
"Sige na James mag-eenjoy ka!". Sabi naman ni Dennis
"Oo nga! Masaya dun pero OK lang ba talaga sayo yung ride Kith?". Tanong ko sa kanya kasi baka mabigla siya
"Oo naman! Tara sakay na tayo". Nakangiting sabi ni Kith
"Wait lang... mag-cr lang ako". Sabi ni James sa amin
"Sinungaling!". Sagot naman ni Dennis kasi alam talaga niya pag may nag-sisinungaling
"Baka kasi....". Natatakot na sabi ni James pero di pa siya tapos magsalita eh hinatak na siya ni Kagura papunta sa Roller Coaster
At sumakay na nga kami sa Roller Coaster at katabi ko syempre si Kith, si Kagura at Rogue naman ang magkatabi tapos si Dennis at Vincent tsaka si James at Peter...
Parang kinakabahan ako sa ride na to kasi ang totoo first time ko talaga ganun din si James, Vincent at Peter pero si Dennis Kagura at Kith pati si Rogue sobrang exited...
Umandar na yung Roller Coaster at nasa unahan kaming dalawa kaya medyo kinakabahan ako pero unti-unti nang bumibilis yung ride...
"Aaaaahhhhhh BILISAN NYO!!!". Sigaw ni Kith na parang di nakakaramdam ng kaba
"IBABA NYO NA KO!!!". Sigaw naman ni James kaya natatawa ako na kinakabahan...
"DUWAG!!!! Hahahahahah". Sigaw naman ni Peter kaya nagtawanan kaming lahat
"SHUT UP!!!!".. Sigaw ni James
"MAMA!!! AYOKO NA!!!". Naiiyak na sabi ni Vincent
"Pag nakababa ako babatukan ko kayong dalawa!!!". Sigaw naman ni Kagura kay James at Vincent...
At sobrang bilis na ng Roller Coaster. Babaliktad na din kami pero di ako sumisigaw kahit na nakakatakot kasi nakakahiya kay Kith...
"BILISAN NYO PA!!! BILISAN NYO!!! HAHAHAHAHAHA". Sigaw ni Kith na alam kong rinig hanggang baba
"TAMA NA NABABALIW NA SI KITH!". Natatawang sigaw ni Rogue kaya natawa na rin ako kahit naka-baliktad kami sa ere...
"aaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!". Sigaw naman nila James, Dennis at Peter...
Pag baba namin medyo nahihilo ako pero nakaka-enjoy talaga at natatakot ako kay Kith kasi tawa lang siya ng tawa pag baba namin...
"Kith! Anong nangyari sayo?". Nag-aala kong tanong kasi tawa siya ng tawa...
"Gusto ko pang ulitin". Sagot ni Kith pero tawa pa din siya ng tawa
"Baliw ka na Kith! Ibang rides naman" natatakot na sabi ni James
"Sabi ko naman sayo lalabs uminom ka palagi ng gamot mo". Natatawa kong sabi kay Kith kaya huminto na siya sa pagtawa...
"Raypaul ko... gusto ko sa pumunta sa horror house". Malambing na sabi ni Kith sa akin... pero kinabahan ako bigla kasi naman...
"Naku Kith! takot sa multo si Raypaul" sigaw naman ni James na parang nang-aasar...
"Wala namang multo dun eh". Sabi ni Kith na parang bata pero di ako makapag-salita...
"Bahala kayo! Basta papasok kami!". Sabay na sabi ni Rogue at Kagura.
Grabe talaga tong mga taong toh parang walang kinatatakutan.
"Sasama kami!". Sabi naman ni James, Peter, Vincent at Dennis
Tumitig si Kith sa mga mata ko at...
"Sasamahan na lang kita dito...". Nakangiti niyang sabi sa akin
Alam ko na mag-eenjoy si Kith sa Horror House pero kasi takot ako sa multo... pero gusto kong pagbigyan si Kith kasi ngayon lang siya humiling sa akin at di ko pa maibigay...
"Sasamahan kita sa loob ng horror house". Sabi ko kay Kith
"Wag mong pilitin ang sarili mo". Nag-aalala niyang sabi sa akin
Marami na siyang sinakripisyo para sa akin kaya oras naman para ako ang magpasaya sa kanya..
"Hindi ako takot! Kasi kasama kita". Nakangiti kong sabi kay Kith...
"Talaga? Halika na!". Sabi ni Kith at bigla niya akong hinila at tumakbo sa entrance ng horror house...
Pagpasok naming lahat sa loob eh sobrang dilim at merong mga nakakatakot na manika at mga pictures ng mga patay...
"May asawang!!!!!". Sigaw ni Rogue at Kagura at sabay silang tumakbo habang tumatawa.
Kinabahan na ako sa sinabi nila pero nagtakbuhan din sila James kaya kaming dalawa na lang ni Kith ang naiwan at natataranta na ako...
"Relax lang! Nandito lang ako at di kita iiwan". Nakangiting sabi ni Kith
"Lakad na tayo?". Tanong ko kay Kith at tumango lang siya.
Habang naglalakad ay bigla na lang may nalaglag sa harapan namin na bangkay kaya nagulat ako at napasigaw sa sobrang takot...
"Aaaaaahhhhhh Jusko!!!". Sigaw ko sa sobrang takot
Niyakap ako ni Kith kaya natahimik ako...
"Ano ka ba? Puppet lang yan...". Natatawang sabi ni Kith kaya nahiya ako bigla kasi ang duwag ko...
"Sorry....". Mahina kong sabi
"Gusto mo takbo tayo?". Nakangiting sabi sa akin ni Kith
"Sige pero iika-ika ka pang maglakad eh.". Alanganin kong sagot sa kanya
"Kaya ko na toh!". Nakangiti niyang sabi sa akin...
"1.....2.....3....Go!!!". Bilang ni Kith at bigla niya akong hinatak...
Magkahawak ang kamay namin habang tumatakbo at kung ano anong nakakatakot ang naririnig ko hanggang sa makalabas na kami at hingal na hingal na ako pero mukhang di man lang pinagpawisan si Kith...
"Nag-enjoy ako!". Nakangiti kong sabi kay Kith habang hinihingal
"Oh pawis ka na! Pupunasan ko". Sabi ni Kith habang nilalabas ang panyo niya sa bulsa...
Pinunasan niya ako sa mukha, sa likod at sa kili-kili kahit na nakikiliti ako at wala na rin siyang pakialam kung may nakatingin sa amin...
Sobrang maalaga talaga ni Kith sa akin kaya mas lalo ko siyang nagustuhan...
"Kanina pa namin kayo hinahanap!". Sigaw ni kagura sa likod namin kaya napalingon kami pareho...
"Iniwanan nyo kaya kami!". Natatawang sabi ni Kith
Kumulo na bigla yung tiyan ko...
"Kith... gutom na ako, kain na tayo". Mahina kong sabi kay Kith...
"Oo nga! Gutom na din ako eh". Sabi naman ni Vincent...
"Gusto ko ng pizza...". Sabi ni Rogue
"Halika na... kain na tayo". Pag-anyaya sa amin ni Peter...
At dahil first runner up si Peter nag-presenta siya na ililibre niya kami ng lunch ngayon at nasa loob kami ng isang pizza parlor...
Habang kumakain ay di namin maiwasan ang magharutan...
"Kith... crush kita". Nakangiti kong sabi sa kanya...
"Crush din kita eh...". Nakangiti niyang sagot sa akin
"Ang Corny niyong dalawa!". Mataray na sabi sa amin ni Kagura
"Walang makakapigil samin! Kaya manahimik ka!" Natatawang sigaw ni Kith kay Kagura kaya nagtawanan kami...
Si Kith lang talaga ang may kayang sumagot kay Kagura maliban kay Rogue at siya lang din ang nakaka-asar kay Kagura na di namin magawa.
"Bahala nga kayo sa buhay nyo!". Sabi ni Kagura sabay irap kay Kith pero tinatawanan lang siya ni Kith...
"Alam niyo... sobrang saya ko ngayon". Seryosong sabi sa amin ni Kith
"Alam naman namin yun at dahil yun kay Raypaul". Sagot naman ni Rogue
"Hindi lang dahil doon... masaya ako kasi kumpleto lahat ng mga kaibigan ko kasama ka Rogue...". Sagot ni Kith
"Pwede ko ba kayong maging kaibigan?". Seryosong tanong ni Rogue sa amin...
"Syempre naman!!!". Sabay sabay naming sabi sa kanya at nakita namin na sobrang napangiti siya sa tuwa...
"Bakit? Di pa ba tayo magkaibigan?". Nakangiting tanong ni Peter kay Rogue...
"Gusto ko lang na official...". Nahihiyang sabi ni Rogue
"Sobrang saya nilang kasama diba Kith?". Sabi ni Kagura kay Rogue
"Syempre naman! Sana wala ng mabago sa pagkakaibigan natin". Nakangiting sabi ni Kith...
"Pwede ko rin ba kayong maging kaibigang lahat?". Boses ng isang babae na nasa likod namin kaya lumingon kaming lahat at nanlaki ang mata namin...
"Ikaw si Ms. Campus Star diba?". Tanong ni Rogue sa kanya
Tumango lang siya at lumapit sa amin
"Pwede na ba akong humingi ng apology sa inyo?". Malungkot na sabi ni Alexa... pero walang sumagot sa aming lahat.
"Look... I've already change...". Sabi niya sa amin... pero nagtinginan na lang kaming lahat.
"I can accept your apology if and only if... you will not do such that thing again". Seryosong sabi ni Dennis
"Nagbago na ako". Sincere na pagkakasabi ni Alexa
"Wala ka namang nagawa sa akin kaya ok lang sa akin". Sabi naman ni Peter kaya napa-ngiti si Alexa at tumingin naman siya kay Vincent.
"Sige na! Pinapatawad na kita". Sabi naman ni Vincent...
At tumingin naman si Alexa kay James at huminga ng malalim bago siya nagsalita...
"James... I'm so sorry, please forgive me dahil alam ko na nasaktan kita ng sobra-sobra...". Sincere na sabi niya kay James
"Ok lang sakin basta di ka na uulit". Seryosong sabi ni James kaya tumango lang si Alexa at ngumiti..
At tumingin naman sa akin si Alexa...
"Raypaul... I know I'm so stupid....". Di ko na siya pinatapos pero nagsalita na agad ako.
"Basta... panindigan mo ang pagbabago mo! At di na ako bitter sayo kase may mahal na ako". Sabi ko sabay akbay kay Kith...
"Ok... so pwede ba ulit akong makipag-friends sa inyo?". Tanong ni Alexa na paraang nag-aalangan.
"Mahirap magtiwala ulit kasi kilala ka na namin". Seryosong sabi ni James
"Nagbago na nga ako!". Sabi ni Alexa
"Sige hahayaan ka namin na maging tropa uli pero... siguraduhin mo na di ka na gagawa ng kalokohan!". Seryosong sabi ni Dennis
Tumango lang si Alexa at ngumiti...
"Ipapakilala ka na namin sa mga bago naming friends". Sabi naman ni Peter
"I'm Kagura nice to meet you". Sabi ni Kagura at nag-shake hands silang dalawa ni Alexa.
"I'm Rogue! Allergic ako sa girls sorry...". Seryosong sabi ni Rogue pero ngumiti lang si Alexa.
Tumingin naman si Alexa kay Kith...
"You surely know me already...". Seryosong sabi ni Kith at parang naglalabas siya ng black na aura kaya kinakabahan ako kasi baka inis na siya kay Alexa...
"Yes I do... Nice to meet you Kith Castillo...". Nakangiting sabi ni Alexa
Tumitig lang si Kith sa mga mata ni Alexa bago siya magsalita at mukhang hinahanap niya ang sincerity kay Alexa...
"Nice to meet you too...". Nakangiting sabi ni Kith pero ngayon ko lang nakita yung ngiti niya na yun... nakakatakot kasi parang nagbabanta ng kamatayan ang mga ngiti niya...
Umupo na si Alexa sa amin at naging kaibigan ulit... mukha namang nagbago na siya kasi may sense na siya kausap ngayon at mature kesa nung dati...
Sabi niya may boyfriend na daw siya kaya wala na daw kaming dapat ikabahala kasi nagbago na siya...
Tama ba na pinatawad namin siya?
Tama ba na nakipag-kaibigan uli kami kay Alexa?
COMMENTS