$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Red Paint (Part 4)

By: Rezso Isang maalinsangang hapon nang kami'y dumating sa bahay. Galing kami ng bayan kasama ko si Wilbert at bumili ng kinakailangan ...

By: Rezso

Isang maalinsangang hapon nang kami'y dumating sa bahay. Galing kami ng bayan kasama ko si Wilbert at bumili ng kinakailangan ko sa hindi ko matapos tapos na pagpipinta. Napakalagkit ng katawan ko dahil sa pawis. Medyo kakaiba pa yung panahon dahil mainit pero makulimlim, nung makita ko ang kalangitan kanina ay para bang nagbabadya ito ng isang malakas na ulan. Kaya naman nagmadali na kami ni Wilbert dahil mahihirapan kaming makauwi kapag inabutan kami ng ulan. Madulas kasi ang daan, isa pa, nakamotor lang kami kaya delikado rin.
"Halika pumasok ka muna dito. Miryenda muna tayo." paga-aya ko kay Wilbert nung nasa tapat na kami ng bahay.
"Sige, medyo nagugutom na nga rin ako." sagot nya naman. Sabay na kaming pumasok sa bahay.
"Kung gusto mo dito ka na rin maghapunan. Kaso lang magluluto pa ng pagkain, wala pang sinaing eh." sabi ko at pinaupo ko sya sa mahabang sofa sa sala.
"Miryenda na lang, okey na yun pantawid gutom." sabi nya.
"Sige, ikaw bahala." sabi ko. Tumungo na ako ng kusina para ihanda ang miryenda namen.

Nagtitimpla ako ng juice sa kusina nang maramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. Agad akong napabalikwas dahil sa gulat at nang lingunin ko kung sino ang yumakap ay napatawa na lamang ako.
"Gago ka, may makakita saten." sabi ko.
"Wala namang tao ah." sabi ni Wilbert.
"Kahit na, eh papano kung bigla silang dumating?" ako.
"Wala yan, mabango mo pa rin kahit pawisan ka na." sabi ni Wilbert habang nakayakap sa likod ko at inaamoy ang leeg ko.
"Hahaha.. Mamaya nyan mainlove ka na saken kakaganyan mo ah. Hindi ako pwede dyan." sabi ko.
"Sus! Edi pipilitin kita kung sakaling ayaw mo." sabi nito.
"Wag ka nga!!! Para 'tong tanga." sabi ko sabay hawi ko ng mukha nyang nakadikit sa kaliwang pisngi ko.
"Arte neto, samantalang sarap na sarap ka nga sa ano ko." biro nya.

"Shhh!!! Tumigil ka nga!!!" natapos ko nang timplahin ang juice at maihanda ang tinapay na kakainin namen. Bumitiw na si Wilbert sa pagkakayakap saken at papunta na kami ulit ng sala. Bitbit ko ang pinggang may lamang tinapay at si wlbert naman ang nagdala ng juice. Napamulagat ako nang papunta na kami sa sala. Nandoon si Winston na nakamasid lang samen at walang anumang reaksyon.
"Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko na medyo naiilang dahil iniisip ko na baka nakita nya ang pinaggagagawa namen ni Wilbert. Lalo akong nailang nung hindi sya nagsalita, pero marahan itong tumango habang pinagmamasdan kaming mabuti ni Wilbert. Si Wilbert naman ay hindi malaman ang gagawin kung ngingiti ba o hihingi ng pasensya.
Pumasok si Winston sa kusina para kumuha ng tubig.
"Tara Winston, miryenda tayo." paga-aya ko.
"Sige lang. Busog pa ako." sabi nya. Hindi ko na sya pinilit pa dahil nahihiya ako sa kanya. Pumunta na kami ni Wilbert sa sala para umpisahan na ang pagkain.
Medyo natahimik kami ni Wilbert habang kumakain. Halata sa kanyang nahiya rin sya sa pinaggagagawa nya. Kaya mas minabuti na lang naming manahimik para hindi na madagdagan pa kung anuman yung iniisip ni Winston tungkol samen. Hanggat maaari sana ay ayaw kong makikitaan nya ako ng mga ganitong bagay. Matino kasi si Winston. Kaya nakakahiya, baka sa nakita nya ay mawalan sya ng respeto saken.
Hindi ko alam kung ano pang ginawa ni Winston sa kusina pero medyo natagalan sya dun. Halos patapos na kami ni Wilbert sa pagkain bago sya lumabas mula doon. At paglabas nya ay agad naman syang umakyat sa itaas. Halata sa ikinikilos nya na naiilang din sya saming dalawa ni Wilbert. Hindi ko na 'yun masyadong pinansin pa dahil sa halos isang buwan naming magkakilala ay napansin ko ang pagiging tahimik nya. Nagsasalita lang talaga sya kapag may sasabihin. Hindi katulad ko na nagsasalita para may masabi. Para may makausap. Sya kasi mukhang pag walang kumausap sa kanya sa loob ng isang araw ay kaya nya. Ako kasi hindi. Ayoko sa lahat eh nabuburyo ako.

"Patingin nga ako ng ginagawa mong painting." sabi ni Wilbert.
"Sige, tara dun sa kwarto, sa ilalim ng hagdan. Dyan ako nagpipinta eh." sabi ko at magkasabay naming tinungo ang silid kung saan ako nagpipinta. Iniiwan ko lang na nakalatag doon yung ginagawa ko dahil wala namang ibang pumapasok doon bukod samen ni kuya.
Nang makapasok na kami sa silid ay agad naman nyang nakita ang ipinipinta ko.
"Ano sa tingin mo?" tanong ko.
"M..Mmmaganda.. magaling ka talaga magpinta." papuri nya saken. Napangiti ako sa sinabi nya, pero hindi ko alam kung bakit malayo sa reaksyon nya ang mga sinabi nya. Hindi ko man lang sya nakitaan ng ngiti. Napansin ko pa ang pagkunot ng noo nya.
"Ahm, may problema ba sa gawa ko? Bakit parang hindi ka natutuwa?"
"Wala naman... Maganda sya... sobrang maganda." sabi nya at tsaka nya ako ginawaran ng pilit na ngiti. Gusto ko mang magtanong pa kung bakit, pero hindi talaga ako makulit kaya naman ayaw kong namimilit.
"Oh, pano. Uwi nako ah, salamat sa miryenda." sabi nya sabay ngiti.
"Ganun ba? Akala ko ba gusto mong makitang nagpipinta ako?" parang nakaramdam naman ako ng tampo.
"Sa susunod na lang siguro. Naalala kong marami pa pala akong gagawin. At tsaka kailangan kong pumasok ng maaga ngayon eh." paliwanag nya.
"Ganun ba? Sige hatid na lang kita sa pinto." tsaka kami sabay na naglaka palabas. Nang makarating na kami sa pinto ay tinignan ko na lamang sya hanggang sa makaalis ang motor. Ngiti na lang ang nagsilbing paalamanan namen.
Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa loob ng silid at ipinagpatuloy ko na ang pagpipinta.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nagpipinta. Sinasamantala ko ang panahon ko habang hindi pa sumasakit ang likod ko. Dahil sigurado akong mahihinto na naman itong ginagawa ko kapag bigla na namang umatake iyon. Hindi naman kumatok si Winston para manood. Siguro hindi pa rin naaalis sa isip nya ang mga nakita nya kanina. Nakakahiya talaga.

Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ko nang bigla akong napahinto. Gagawin ko na kasi ang detalye ng mga mata nya na magbibigay buhay sa larawang ipinipinta ko. Kaya kailangan kong mag-ingat sa paglapat ng brocha. Ayokong magkamali sa bahaging iyon kaya naman inirelax ko muna sandali ang katawan ko. Halos natapos ko na kasi ang buong mukha nya. Siniguro kong kamukhang kamukha nya ang ginagawa ko. Matangos na ilong, makapal na kilay, manipis na labi at ang panghuli ay ang mga mata nyang nagtataglay ng makapangyarihang hipnotismo. Iniisip kong mabuti ang mga mata nya. Pero hindi ako mapalagay dahil para pa rin akong nanghihina habang iniisip iyon.

Habang nag-iisip ako ay napaupo ako sa tabi ng pader. Sumandal ako doon at medyo tumingala. Unti unti akong napapapikit para mas lalo kong makita ang mga matang iyon na walang kaparis. Napangiti ako at muling nagbalik ang mga masasayang ala ala namen.
"Mahal kita." sabi ni Godfrey. Na sya namang umalingaw ngaw sa isipan ko. Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng matinding kalungkutan na hindi ko kayang pigilan. Napapaluha na ako. Gusto ko sanang iwasang makaramdam ng ganoong emosyon pero talagang malakas pa rin ang puso ko kesa sa pag-iisip ko.
Ang matahimik na paligid ko ay mas lalo pang naging tahimik. Wala akong naririnig na kahit ano. Nabibingi ako sa katahimikan. Pagmulat ng mga mata ko ay tumambad saken ang madilim na silid na kinalalagyan ko. Tahimik. Sobrang tahimik. Nakapangingilabot na katahimikan. Lumingon ako sa kaliwa at agad din akong lumingon sa kanan. Madilim. Kumakalat ang dilim. Inikot ko ang aking buong paningin sa paligid ko at unti unti nilalamon ng kadiliman ang buong silid na kinalalagyan ko. Hanggang sa unti unti kong naramdaman ang pagsakit ng likuran ko kasabay ng matindi ring sakit ng ulo. "AAAHhhhhhhhh!" napasigaw ako sa biglaang pag sakit. At ang natitirang bahagi ng silid na nakikita ko ay biglang gumalaw. Nakakahilo. Masakit sa ulo. Tinungo ko ang pintuan para makalabas pero bigla na lamang may nabasag na kung ano sa kung saan. Natatakot nako kaya nagmadali akong pumunta sa pinto.
"Nanannn nasaan ang pinto?! Nasaan ang pinto?! NASAAN ANG PINTO?!!! PALABASIN NYO AKO DITO!!!"
"MAMA!!! PALABASIN NYO KO DITO!!!"
"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!"
Nakarinig ako ng napakalakas na kulog. Dumadagundong, ramdam ko ang pagyanig ng paligid. Lalong bumilis ang paggalaw nito. Nasaan ba ang pinto?!
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Masakit ang ulo ko, masakit ang likod ko. Magulo na ang paligid at ang kaninay tahimik, ngayon ay napakaingay na sa paulit ulit na kulog. Muli na namang may nabasag at nabatid kong sa likuran ko nanggaling ang tunog. Nakita ko na basag na ang salamin ng bitana. Bigla na lamang sumulpot ang isang pares ng mga kamay na binabasag ang salamin. May tao. Pinipilit na makapasok mula sa bintana. Nangangatog na ang mga tuhod ko. Madali kong hinanap muli ang pinto. Gusto kong tumakbo pero unti unting nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Bumagsak akong paluhod sa labis na takot. Nang muli kong pagmasdan ang bintana ay nanlaki ang aking mga mata at lalo akong nilukuban ng matinding takot. Bukas na ang bintana at nakasampa na ang mga braso doon. At yung ulong nag-uumalpas para makapasok ay bigla na lamang tumingala at tumitig ng matalim saken. Halos sumabog na ang dibdib ko sa labis na pagkabog nito. Pinilit kong mag-ipon ng lakas para makatayo at makatakbo. Pero ayaw talagang gumalaw ng mga paa ko.
"Kuya!!! Mama!!!" buong lakas ko nang pagsigaw. Yung taong nasa bintana naman ay mabilis na kumkilos at maya maya pa ay nakaakyat na sya. Sya yun! Syanga yun! Yung demonyo. Sya yung demonyo. "TULUNGAN NYO 'KO!!!" Garalgal na ang boses ko sa kasisigaw pero walang nakaririnig. Papalapit na yung demonyo saken. Papalapit ng papalapit nang bigla na lamang may humablot saken mula sa likuran ko at sumigaw ito ng nakabibinging sigaw.
"LAYUAN MO ANG KAPATID KO!!!!!!" sambit ni kuya. Napahugot ako ng malalim na hininga at maya maya pa ay lumabo na ang paningin ko. Naramdaman ko ang ilan pang mga tao sa likuran ko pero hindi ko na sila nakita pa. Nagdilim na ang paligid ko at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Pagmulat ng mga mata ko ay nasilaw ako sa labis na liwanag. Napakaliwanag kaya hindi ko kaagad maibuka ang mata ko ng mabuti. Nang masanay na ang mga mata ko sa liwanag ay doon ko lamang napansin na nasa sala pala ako at nasa paligid ko sila mama, tito, Winston at sa hindi kalayuan ay si kuya. Kapawa sila nagsilapit saken nung napansin nilang nagising na ako.
"Ma, anong nangyari?" agad kong tanong.
"Anak, binangungot ka na naman." sabi ni mama.
"Wag nyo na syang lokohin! Hindi bangungot ang nagyayari sa kanya. Yung demonyo ang may gawa nyan, kaya sya nagkakaganyan!" sigaw naman ni kuya.
"Anak ano ba kasing ginagawa mo dun sa loob ng dirtyroom mo. Bakit pati yung painting mo nasira na?" tanong ni mama. May ilang sandali pa bago naiproseso ng utak ko yung tungkol sa painting. Kaya kahit masakit ang ulo ko ay agad akong bumangon para puntahan ang ginagawa kong larawan.
Nagmadali ako at sumunod naman sila saken. Nang makapasok na ako sa loob ay agad kong binuksan ang ilaw at pinagmasdan ang bintana. Maayos ang bintana, walang nabasag dito kahit konte. Pero labis ang pagtataka ko kung bakit ang painting ay marumi na. Maraming sugat sang mukha ni Godfrey samantalang maayos ko iyong ipininta. At higit sa lahat, ang ipinagtaka ko ay ang mga mata nyang naipinta na. Iyon ang mga mata ni Godfrey na ayaw kong makita. Ang nanlilisik nyang mga mata. Hindi lang yun, lumuluha ito ng dugo. May sumira nito!!! Napalingon ako kay kuya. Galit na galit ako dahil alam kong sya lang ang maaaring gumawa nun. Magaling sya magpinta kaya naman kayang kaya nyang palabasin ang emosyon ng mga matang iyon. Hindi si Winston, hindi si tito, at lalong lalong hindi si mama. Wala silang alam sa pagpipinta kaya si kuya lang ang gagawa nito. Tinitigan ko sya ng matalim at tsaka ko sya sinigawan.
"ANONG GINAWA MO!!! ALAM MO BA KUNG GAANO KAHIRAP GAWIN 'TO?" sigaw ko sa kanya at sabay hablot ng lalagyanan ng paint brush sa gilid ko at ibinalibag ko iyon sa kanya. Umiling lamang sya at hindi man lang nagpaliwanag. "SINUNGALING KA!!!" dahil alam kong itinatanggi nya lang ang kasalanan nya. Hanggang ngayo naiinggit pa rin sya saken. Naiinggit sya sa lahat ng meron ako. Naiinggit sya saken dahil ako ang nasa 'Mirage Renata' at hindi sya. Naiinggit sya dahil ako ang pinili ni Godfrey at hindi sya. Matapos kong ibalibag sa kanya ang mga brush ay agad akong humablot pa ng mga gamit na maaari kong ibalibag sa kanya. Hanggang sa bigla na lamang akong pinigilan ni tito at Winston. Pinilit na nila akong ilabas mula sa kwarto.
"Anak naman please. Natatakot si mama sayo." sabi ni mama at bigla akong napatitig sa kanya.
"Bakit ka natatakot saken ma? Dahil nagagalit ako? Hindi mo ba nakita yung ginawa ni kuya? Sya ang sumira ng painting ko. Alam nyo ba kung gaano kahirap gumawa nun?" sabi ko.
"Anak naman please. Nakikiusap ako sayo tumigil ka na." muling sambit ni mama. Naiyak na lamang ako dahil si kuya na naman ang kinampihan nya. Ako na naman ang mali. Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ko na lamang na umagos ang luha sa mga mata ko. Sa ganitong paraan, kahit papaano ay maiibsan ang sama ng loob ko. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko mula sa galit. Mahal ko si mama kaya ayokong nakikita syang natatakot saken. May mga pagkakataon ding iniisip ko na sobra na sya dahil hindi nya man lang ako kinampihan kahit minsan. Pero may kung ano sa puso kong nagsasabing mahal na mahal ko sya. Kaya kahit anong galit ko sa kanya ay hinahayaan ko na lamang na lumipas.

Inilipat ko na ang mga gamit ko sa sarili kong kwarto. Sa kauna unahang pagkakataon ay nakita ko ang napakaayos kong kwarto. Ilang gamit lang naman ang nandirito. Built in cabinet, tv, computer. Ayoko ng maraming gamit dahil magulo ako sa kwarto.
Habang inaayos ko ang gamit ko sa loob ay sumulpot na lamang si kuya sa likuran ko at biglang nagsalita.
"Wag ka nang magalit saken. Hindi naman ako ang may gawa nun eh. Baka gawa yun ng demonyo. Please maniwala ka saken." paliwanag nya.
"Kuya, please naman. Umamin ka na lang. Mas mababawasan ang galit ko kung aamin ka na lang." sabi ko dahil sigurado akong sya talaga ang may gawa nun.
"Lumapit sya saken at niyakap ako mula sa likod. Mahal kita Collin. Alam mo yan, kahit kelan hindi kita ginawan ng masama. Pakiramdaman mong mabuti ang tibok ng puso ko. Ngayon sabihin mo saken kung hindi ka pa rin naniniwala saken." sabi nya. Mainit ang yakap ni kuya. Bumalik na naman ang masasayang alaala saken. Unti unting kumalma ang magulo kong damdamin at maya maya pa ay parang bigla na lamang nabura ang mga nangyari kanina.

"Sorry sa ginawa ko kanina. Kasi naman, ilang beses nang sumakit ang likod ko sa pagpipinta nun. Tapos ganun lang yung mangyayare. Ikaw lang ang marunong magpinta sa bahay na to bukod saken. Kaya wala na akong ibang maisip na sisihin kundi ikaw. Palagi ka kasing naiinggit saken dati eh." diretsong sabi ko sa kanya.
"Hindi ako naiinggit sayo dati. Ang totoo nyan, gusto kong maibigay ang lahat sayo. Gusto kong meron ka ng mga bagay na meron ako. Kahit na ang mga bagay na meron ka ay wala ako, ayos lang. Basta alam kong masaya ka. Ayos nako. Hindi mo ba alam 'yun. Batang isip ka pa kasi dati eh kaya kung ano anong isiisip mong masama tungkol saken. Basta tatandaan mo, wala akong gagawin na kahit ano para masaktan ka. Ako ang kuya mo at puprotektahan kita kahit ano pang maging kapalit." sabi nya. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad ng mga sinasabi nya at muli na namang pumatak ang luha ko. Sising sisi ako sa masasamang naisip ko tungkol sa kanya. Ngayon alam ko na kung bakit ganun si mama. Alam nya kasing hindi magagawa saken ni kuya yun.
"Kuya sorry." sabi ko sa kanya.
"Kahit hindi ka humingi ng tawad saken. Buburahin at buburahin ko sa isip ko ang mga pagkakamali mo. Kaya hindi mo kailangang malungkot at mag-alala." sabi nya sabay gulo nya ng buhok ko. "ahm, pano dito ka na talaga? Ayaw mo na bang kasama ako?" tanong nya pa. Nagbago na naman ang isip ko at muli kong ibinalik ang mga gamit ko sa kabilang kwarto. Naalala ko na naman kasi yung demonyo. Natatakot ako na baka balikan ako nun, wala pa naman akong kasama. Kaya mas minabuti kong bumalik sa kwarto ni kuya kung saan alam kong mas ligtas ako.

Habang ibinabalik ko ang mga gamit ko sa kwarto ay hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap ni mama at tito.
"Baka mali ang naging desisyon naten na kunin na sya." Sabi ni mama.
"Hindi, dito sya sa bahay. Bilang pangalawang ama nya. Hindi ko sya hahayaang parang hayop na nandoon. Dito sya nararapat kaya dito lang sya dapat manatili. Kahit hindi ako ang tunay nyang ama ay mamahalin ko sya na parang tunay ko na ring anak. Wag kang mag-alala. Mas mapuprotektahan naten sya dito. Sabay tayong gagabay sa kanya. Silang dalawang anak naten." sabi ni tito. Napakunot ang noo ko sa pinag-uusapan nila. Pero hindi ko na iyon masyado pang pinansin. Tumloy nako sa kwarto at muling isinalansan ang mga damit ko sa damitan namen ni kuya.

Habang tumatagal ay lalong lumalala ang mga bangungot na sumasapit saken sa tuwing ako'y dadalawin ng antok. Hindi ako matatakutin dati pero ngayon ay labis labis na takot ang idinudulot saken ng mga bangungot ko. Naalala ko na naman yung demonyo doon sa abandonadong bahay. Sabi ni kuya na baka daw kagagawan ng demonyo yung mga nangyayari saken. Wala akong maisip na paraan kung papaano ko pahihintuin ang demonyong 'yun mula sa pagpapahirap saken. Wala naman akong ginawa dun sa bahay ah. Yun nga lang, gumuho yung natitirang parte ng hagdan nang dahil saken. Pero hindi ko naman yun sinasadya. Pero wala naman akong maidadahilan dahil pumasok ako doon ng walang pahintulot. Hindi ko naman kasi alam kung kanino ako magpapaalam.

Naisip ko na kahit pa matakot ako ay wala na akong magagawa pa kung ayaw talaga akong tantanan nung demonyo o sinumang impakto yun. Katulad naman kasi ng nakagawian ko na, lahat ng bagay na hindi ko kaya ay pinipilit ko na lamang makasanayan. May mga bagay kasing mahirap tanggapin sa sarili, minsan pa nga ay masakit pero pag nakasanayan mo na ay magiging normal na lamang iyon para sayo. Kung ayaw mawala ng sakit. Tiisin mo na lang hanggang sa maging manhid ka. Ganun tumatakbo ang mundo para saken. Lahat ng bagay ay may katumbas na lakas, kaya naman haharapin ko kahit ano hanggang kaya pa ng lakas na tinataglay ko. Alam kong susuko rin ako isang araw. Pero hindi ako basta na lamang tutunganga at magpapatalo.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Red Paint (Part 4)
Red Paint (Part 4)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjFwiaaAvCTITAs6TlncysRedsyv9itBUJgorWsuLhpx6_i4fVbTNG6qIX3oWFraSVeBwSTJmW20s-gXl8sRv1OQjzeXEpChVXnuE7w1Husjcd0we8gDJlo294WuXRlBTeaHvOldx6q25LY/s400/14677407_1808807512712725_7664109032197586944_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjFwiaaAvCTITAs6TlncysRedsyv9itBUJgorWsuLhpx6_i4fVbTNG6qIX3oWFraSVeBwSTJmW20s-gXl8sRv1OQjzeXEpChVXnuE7w1Husjcd0we8gDJlo294WuXRlBTeaHvOldx6q25LY/s72-c/14677407_1808807512712725_7664109032197586944_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/12/red-paint-part-4.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/12/red-paint-part-4.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content