$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

You Light My Fire (Part 13A)

By Lord Iris Kith POV Next week pa aalis si Rogue kasi nag-eenjoy daw siya na kasama kami. Si Alexa naman mukhang nagbago na talaga si...

You Light My Fire

By Lord Iris

Kith POV

Next week pa aalis si Rogue kasi nag-eenjoy daw siya na kasama kami. Si Alexa naman mukhang nagbago na talaga siya kasi matured siya mag-isip at optimist siya kaya nakaka-good vibes pero kailangan kong mag-ingat hindi lang dahil may relasyon sila dati ni Ray kundi dahil hindi ako marunong magtiwala agad kasi lahat ng tao kayang magbago.

Gusto niya na mag-bonding kaming lahat kasi nakalimutan daw niyang ilibre kami dahil siya ang nanalo ng Ms. Campus Star pero di ko pa alam ang dahilan kung bakit siya nagtatago sa school para di namin siya makita.

Linggo ngayon at nandito kami sa malaking mall sa Pasay at sabi ni Alexa mag-enjoy lang daw kami pero dapat di kami sasama ni Ray kasi monthsary namin ngayon pero napilitan kami at pwede rin naman kami mag-celebrate dito kasama sila.

"Alexa matanong lang kita.... bakit di ka nagpapakita sa school eh ilang araw na lang graduate na tayo ng senior highschool?". Tanong ko

"Oo nga... tapos di ka pumupunta pag nag-practice kami". Sabi naman ni Peter kay Alexa

"Kasi di ko alam na partner ko si Raypaul... at nung nalaman ko baka pagtalunan nyo pa yung dalawa at lalong di niyo ako papatawarin". Seryosong sagot ni Alexa sa akin

"Ahhh... ganun pala yun". Sabi naman ni Rogue kasi alam na niya lahat

"May gusto ka pa ba kay Ray?". Seryoso at pranka kong tanong

Di siya nagsalita pero umiling lang siya at tinignan ko si Dennis para malaman kung totoo yun pero sumenyas siya di niya daw sure...

"Punta tayo sa arcade!". Sigaw naman ni James.

"Ayoko... gusto ko mag-ice skating". Sabi naman ni Vincent

"Pwede rin kung gusto niyo". Sabi naman ni Peter

Lagi kong kasama si Ray at magka-holding hands lang kami palagi. Minsan naghaharutan kami at napansin ko na mas lalo niya akong minahal habang tumatagal kaya may tiwala ako kay Raypaul ko pero kay Alexa hhmm mahabang usapan yan...

"Marunong ba kayo mag-ice skating?". Tanong ni Kagura kila James

"Naman! Lagi ako nandito noh!". Sagot ni James

"Nakapunta na kaming lahat dito at marunong naman sila". Nakangiting sabi ni Alexa

"Ikaw Kith marunong ka ba?". Seryosong tanong ni Raypaul sa akin

"Di ko alam... First time ko eh". Nakangiti kong sagot sa kanya

"Wag ka mag-alala aalalayan naman kita eh". Nakangiti niyang sagot

Pagtapak namin sa yelo medyo madulas pala kesa sa iniisip ko pero di naman ako matutumba lalo pa at hawak ako ngayon ni Ray...

Sila Kagura, Rogue, at sila James ang bibilis mag-ice skate kaya naiwan kaming dalawa ni Ray kasama si Alexa...

"Kith gusto mo turuan kita?". Nakangiting tanong sa akin ni Alexa

"Ah wag na... ako ang magtuturo sa kanya". Sagot naman ni Ray

"Sige kung ganun alis na ako...". Sabi ni Alexa habang nag-skate palayo

Kaming dalawa na lang ni Ray ang naiwan dito...

"Hahatakin kita!". Sigaw ni Ray kaya nagulat talaga ako

"Uy wag! Baliw ka!!!". Parang walang naririnig si Raypaul sa sinabi ko at hinatak niya ako ng sobrang bilis

Nag-eenjoy naman ako sa ginawa niya at marunong na ako pero sobrang bilis naming dalawa kaya di ko alam kung paano kami hihinto at binitiwan na niya ako kasi marunong na daw ako...

"Ray paano huminto dito?". Natatawa kung tanong sa kanya

"Hala! Kith tingin ka sa harapan mo!". Sigaw ni Ray sa akin

Nabangga ko si Rogue at natumba kami pareho. Nakapatong ako sa kanya kaya nakakahiya madami pa naman ang nanunuod pero tawa lang ng tawa si Rogue pero ako hiyang-hiya na talaga...

Hinawakan ni Ray ang kamay ko at inalalayan niya ako para makatayo na ako...

"Sorry Kith... binitiwan kita". Nalulungkot na sabi ni Ray

"OK lang naman yun sa akin". Natatawa kong sabi pero nahihiya ako sa mga taong nakakita sa amin

"Wag mo kasing pakawalan si Kith". Natatawang sabi ni Rogue habang tinutulungan siyang tumayo ni Ray.

Tumingin sa akin si Ray at...

"Oo na... di kita papakawalan". Nakangiting sabi ni Ray sa akin

"Guys... dun naman tayo sa Arcade please lang! pumayag na kayo...". Nagpapaawang sabi ni James

"OK lang sakin kasi mapilit ka eh pero magpaalam ka sa kanila". Nakangiting sabi ni Alexa kay James.

Tumingin sa amin si James at nagpapa-cute kaya natatawa kami...

"You're so adorable". Sabi ni Kagura kay James habang pinipisil ang isang pisngi ni James.

"Sa arcade na tayo... naawa na ako kay James eh". Sabi naman ni Peter

"Ano lalabs punta na ba tayo sa arcade?". Tanong sa akin ni Raypaul

Tumango na lang ako at ngumiti

Nandito na kami ngayon sa arcade at kanya-kanya silang bili ng token pati si Ray, naglibot muna ako at meron akong nakitang machine na puro stuff toys at sobrang cute nung elephant na stuff toy...

"Gusto mo ba yan Kith?". Tanong sa akin ni Ray at nasa likod ko siya

"Ang cute niya...". Sabi ko sabay tingin doon sa stuff toy na elephant

"Tinatanong kita kung gusto mo". Seryosong sabi ni Ray sa akin

Tumango lang ako, lumapit siya sa machine at naghulog ng token...

"Uy! Marunong ka ba niyan?". Tanong ko kay Raypaul

"Diba sabi ko... ibibigay ko lahat ng gusto mo". Sabi sa akin ni Ray habang naglalaro machine na yun.

At nagsimula na siyang laruin yung machine...

Andami na niyang nasasayang na token pero di pa din niya yun makuha kaya naisip kong awatin na siya...

"Di mo naman kailangang gawin yan... ang dami mo nang nahulog na token". Sabi ko sa kanya pero bumili uli siya ng isa pang balot ng token at mukhang desidido siyang makuha yung elephant.

"Minsan ka lang humiling sa akin... kaya ibibigay ko ang gusto mo". Sabi ni Ray habang naglalaro...

"Ray... cr lang muna ako ah". Pagpapaalam ko sa kanya...

"Sige! Pagbalik mo nasa akin na yung baby elephant mo". Nakangiti niyang sabi sa akin

Umalis na ako pero di talaga ako pupunta sa cr kasi gusto kong ipabalot yung regalo ko sa kanya sa bookstore kasi Monthsary namin eh.

Pinabalot ko na ang regalo ko sa kanya at special yun kasi ako mismo ang gumawa... ilang araw ko din pinagpuyatan yun. Album namin yun na puro pictures namin ng monthsary at dates yung nakalagay at nilagyan ko ng message isa-isa...

Habang pabalik ako sa arcade eh may nakita akong botique ng pabango kaya pumasok ako...

Gusto ni Ray ang pabango na panlalaki pero di matapang ang amoy kaya bumili ako para dalawa ang gift ko kay Raypaul ko...

Bumalik na ako sa arcade at nakatago sa bag ko ang mga gift ko sa kanya pero di ko siya mahanap. Pumunta ako sa machine ng baby elephant pero wala na siya dun at wala na din yung baby elephant na stuff toy...

Naglibot ako at nakita ko si James na naglalaro ng basketball kaya naisipan ko na tanungin siya...

"James? Nakita mo ba si Ray?". Tanong ko sa kanya

"Huh? Diba magkasama kayo?". Nagtataka niyang tanong sa akin

"Oo pero nag-cr lang ako tapos wala na siya". Sagot ko kay James

"Ako alam ko kung nasaan siya". Sabi ni Alexa sa likuran namin.

"Nasaan?". Seryoso kong tanong

Bigla akong hinatak ni Alexa at tumakbo ng hindi ko alam ang dahilan kaya tinanong ko na siya...

"Saan mo ba ako dadalhin?". Tanong ko kay Alexa...

"Dito lang naman". Sabi niya tapos huminto na kami sa isang videoke na room at binuksan niya ang pinto...

Nakita ko si Raypaul at hawak hawak niya ang baby elephant. Meron din siyang dala-dalang boquet ng white roses...

"Iwan ko na kayo...". Nakangiting sabi ni Alexa at sinara na niya ang pinto.

"Happy 14th monthsary lalabs ko...". Nakangiting sabi ni Ray at binigay na niya sa akin ang boquet ng white roses kasama ang baby elephant.

"Sandali lang... meron pa...". Sabi ni Ray habang kinukuha ang card sa bag niya...

"Maraming salamat mahal ko...". Nakangiti kong sabi sa kanya

"Basahin mo itong card... di ko alam ang ireregalo ko sayo kasi ayaw mo ng mahal pero sinulat ko diyan lahat ng gusto kong isulat kasi mahal na mahal na mahal kita". Seryoso niyang sabi sa akin kaya binuklat ko na yung card...

Dear Lalabs,

14 months na tayo at habang tumatagal eh mas lalo kitang minahal, you give me new hope and you give my life direction. Alam ko na seloso ako, childish at minsan possessive pero di mo ako kinaiinisan. Thank you sa pagmamahal na binibigay mo sa akin at ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ikaw ang lahat sa akin... sana wag ka nang magbago at lahat ng problema ay haharapin natin ng magkasama. Wag mo akong iiwan dahil mamamatay talaga ako. Gagawin ko ang lahat mapasaya lang kita at ayokong makita na umiiyak ka kaya di kita sasaktan. Naalala mo ba yung sinabi ng manghuhula nung first date natin? Ang sabi niya ikaw daw ang gigising sa natutulog na apoy sa puso ko. I LOVE YOU AT MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA... YOU LIGHT MY FIRE....

Nagmamahal,

Raypaul mo

Naiiyak ako sa message ni Raypaul sa akin dahil sa sobrang saya. Kaya dapat ibigay ko na ang regalo ko sa kanya...

"Uy diba sabi ko wag kang iiyak". Nag-aalala niyang sabi sa akin...

"Mahal na mahal na mahal na mahal din kita at di kita iiwan...". Naiiyak kong sabi kay Raypaul ko.

"Wag ka ng umiyak". Nag-aalala niyang sabi sabay punas sa luha ko

"May regalo din ako sayo Happy 14th Monthsary mahal ko". Sabi ko kay Ray habang kinukuha ang mga regalo sa bag ko...

Paglabas ko ng mga regalo ay biglang nanlaki ang mga mata niya at para bang naghugis puso sa sobrang tuwa...

"Wow! Ginawa mo to? Maraming maraming maraming thank you lalabs ko...". Nakangiti niyang sabi habang tinitingnan ang mga pictures.

"Ito pa... Raypaul ko". Sabi ko sabay abot ng pabango sa kanya.

Inamoy niya ito at nag-spray na siya...

"Ang bango naman! thank you talaga sa regalo mo lalabs". Sabi ni Ray na sobrang saya...

"Halika na! Baka hinahanap na nila tayo sa arcade". Sabi ko kay Ray

"Ayoko nga! Lagi mo akong kinakantahan kaya ako naman ang kakanta para sayo!". Sabi ni Ray sabay kuha ng mike at nagsalang siya ng kanta sa machine...

"Marunong ka bang kumanta?". Nakangiti kong tanong sa kanya pero kinindatan niya lang ako...

The best thing about tonight's that we're not fighting

Could it be that we have been this way before

I know you don't think that I am trying

I know you're wearing thin down to the core

 

But hold your breath

Because tonight will be the night that I will fall for you

Over again

Don't make me change my mind

Or I won't live to see another day

I swear it's true

Because a girl like you is impossible to find

You're impossible to find

 

This is not what I intended

I always swore to you I'd never fall apart

You always thought that I was stronger

I may have failed

But I have loved you from the start

Oh

 

But hold your breath

Because tonight will be the night that I will fall for you

Over again

Don't make me change my mind

Or I won't live to see another day

I swear it's true

Because a girl like you is impossible to find

It's impossible

 

So breathe in so deep

Breathe me in

I'm yours to keep

And hold onto your words

'Cause talk is cheap

And remember me tonight

When you're asleep

 

Because tonight will be the night that I will fall for you

Over again

Don't make me change my mind

Or I won't live to see another day

I swear it's true

Because a girl like you is impossible to find

 

Tonight will be the night that I will fall for you

Over again

Don't make me change my mind

Or I won't live to see another day

I swear it's true

Because a girl like you is impossible to find

You're impossible to find....

Ang lamig at ang sweet ng boses ni Ray nakaka-in love talaga. Di ko alam na magaling din pala siya kumanta at nag-sweet dance kami habang kumakanta siya kaya napapaiyak ako sa tuwa...

"Ang galing mong kumanta". Nakangiti kong sabi kay Ray pero naiiyak ako.

Pinunasan niya ang luha ko at...

"Syempre! Mana ako sayo eh!".

"I love you Raypaul ko...". Sabi ko

"I Love you too lalabs". Sabi niya

At pagkatapos nun ay lumabas na kami ng room at bumalik kila Dennis. Nakangiti lang sila at nakatitig sa aming dalawa ni Ray...

Pagkatapos nun ay umuwi na kami at sobrang saya ko talaga ngayong araw dahil yun ang pinaka-romantic na ginawa sa akin ni Raypaul ko...

Wala na nga ba akong dapat ikabahala dahil mahal na mahal ako ni Ray at ganun din ako sa kanya o may darating pa na mas malaking bagyo sa relasyon namin?

Alexa POV

Nandito ako ngayon sa isang cafe at balita ko dito daw nagtatrabaho si Kith dati. Napaka-interesting ng mga kinikilos niya kasi bakit niya kakailanganing magtrabaho eh sobrang yaman nung taong yun...

Siguro nagtataka kayo kung anong klaseng tao ba ako. Oo nagbago na ako totoo yun at nagbago na ako dahil mas matalino at mas mautak na ako...

Meron ako ngayong ka-meeting na isang kaibigan dahil tingin ko matutulungan niya ako sa mga plano ko kaya makikipagkita ako sa kanya ngayon at sana di ako mabigo...

"Hi! Anong dahilan at nakipag-kita ka sa akin ha?". Tanong niya.

"Upo ka muna at sasabihin ko sayo". Nakangiti kong sabi sa kanya.

Umupo na siya sa harapan ko at mukhang nagtataka siya.

"Ano ang mahalaga mong sasabihin?". Nagtataka niyang tanong.

"Rogue... nakipagkita ako sayo dahil meron akong proposal para sayo". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Kung ganon sabihin mo na". Seryosong sabi sa akin ni Rogue

Huminga muna ako ng malalim bago ko simulan ang mga sasabihin ko...

"Mahal mo si Kith... tama ba?". Tanong ko sa kanya.

"Oo naman! Ano ngayon?". Seryoso niyang sagot sa akin...

"Gusto mo ba siyang mapa-sayo?". Naka-ngiti kong tanong sa kanya...

"Syempre! Anong plano mo?". Seryosong tanong ni Rogue

"Gusto ko na tulungan mo akong paghiwalayin sila... akin si Raypaul at sayo naman si Kith". Sagot ko

Ngumiti siya na parang sumasang-ayon sa akin..."Bakit ako ang naisipan mong kausapin at hindi si Peter?".

"Kasi alam kong mas close kayo ni Kith at simula pa pagka-bata". Seryoso kong sabi kay Rogue...

"At mahal mo si Raypaul tama ba?". Tanong ni Rogue sa akin

"Oo! Kaya gagawin ko lahat para mapa-sakin si Raypaul". Seryoso kong sabi kay Rogue...

Tumingin siya sa gilid niya at ngumiti

"At tingin mo tutulungan kita?". nakangiti niyang tanong sa akin

"Diba mahal mo siya? So ibig sabihin tutulungan mo ako para makinabang ka din sa plano ko". Sagot ko

"Makinabang? Kahit anong gawin ko si Raypaul lang ang mahal ni Kith". Malungkot na sagot ni Rogue...

"Tutulungan kita". Sagot ko sa kanya.

"Gusto mo bang mamatay?". Seryoso niyang tanong at tumitig siya sa mga mata ko...

Napalunok ako sa tanong niya dahil hindi ko siya maintindihan.

"A...nong sa...bi mo?". Nauutal na tanong ko sa kanya.

"Tinatanong kita kung gusto mo bang mamatay". Seryosong sabi ni Rogue.

"Tutulungan mo ba ako o hindi?". Galit kong tanong at napalakas yun kaya tumingin ang ibang customers.

Dinabog niya ng malakas ang table at nagulat ako pati ang mga tao sa cafe kaya nagtinginan silang lahat sa amin.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin...

"Nagkamali ka ng nilapitan mo! Oo mahal ko si Kith at ang gusto ko maging masaya siya... ayokong makita na umiiyak siya at nasasaktan kaya hinayaan ko siyang maging masaya kahit pa sa ibang lalaki pero kung sisirain mo siya ako ang makakalaban mo kaya wag mo ituloy yang binabalak mo". Galit niyang sabi at nanggigigil siya...

"Kung ganun di mo ako tutulungan". Sabi ko at dismayado ako...

"Di ko sasabihin sa kanila ang napag-usapan nating dalawa kaya may panahon ka pang baguhin ang mga iniisip mo". Seryoso niyang sabi

"Wala kang kwenta kausap!!!". Sabi ko kay Rogue at paalis na siya sa cafe..

"Itutuloy ko ang lahat!". Sigaw ko sa kanya bago siya makaalis...

Lumingon siya at halatang galit...

"Hindi mo alam ang sinasabi mo! Humanda ka na sa kamatayan mo". Seryoso niyang sabi at umalis na siya

Nakaramdam ako ng takot pero gagawin ko pa din ang lahat ng mga balak ko... alam ko na ilang beses na rin akong nabigo pero di ako susuko hanggang sa mapa-sakin uli si Raypaul dahil akin lang siya!!!

Di ko inaasahan na kakalabanin ako ni Rogue pero di ako magpapadala sa takot dahil gagawin ko ang lahat para mabawi ang lalaking mahal ko!

Oo! niloko ko si Raypaul pero nung mawala siya sa akin naunawaan kong mahal na mahal ko siya dahil siya lang ang nagpahalaga sa akin ng totoo at niloko din ako ng lalaking pinalit ko sa kanya...

Alam ko na kaya niya pa rin akong mahalin dahil nakikita kong masaya lang siya ngayon kay Kith pero mas kaya ko siyang pasayahin at bigyan ng mga anak...

May mga ginawa na akong hakbang para mag-away sila at maghiwalay pero mukhang kulang pa yun...

Ako ang dahilan kaya nagka-tampuhan sila sa resort... Paano?

Simple lang naman... binayaran ko yung isang babae para magsuot ng seksing damit at akitin si Raypaul pero mukha namang walang interes si Raypaul sa kanya pero atleast nagka-tampuhan silang dalawa sa ginawa ko pero nagbati din sila at nanggagalaiti talaga ako sa galit nung nalaman kong nag-kaayos silang dalawa...

Ako din ang dahilan kaya nakalaya ang baklang nang-molestiya kay Raypaul nung bata pa siya...

Naisip ko na... kung ibabalik ko ang takot at trauma ni Raypaul sa mga bakla eh hihiwalayan niya si Kith at masisira na ang relasyon nilang dalawa. Ginamit ko ang pera ng pamilya namin para tulungang makalaya ang baklang yun sa bilangguan.

Pero masyadong mailap ang pagkakataon... niligtas ni Kith si Raypaul at halos patayin niya ang baklang yun pero di natuloy. Naibalik niya yun sa bilangguan pero hindi ko na siya kayang ilabas ulit... una, dahil hindi ko inaasahang mas mayaman at maimpluwensya si Kith kesa sa akin paano ba naman siya lang ang tagapagmana ng Castillo Royalty isang sikat na Casino na may branches din sa ibang bansa... pangalawa, nung kinausap ko yung bakla sa bilangguan ay puno na siya ng takot at mas gusto daw niyang mabulok sa bilangguan kesa mapatay siya ni Kith...

Kinailangan ko munang humingi ng tawad sa mga dati kong kaibigan at sincere ako doon pero wala akong pakialam kung makakagawa uli ako ng panibagong kasalanan at magalit uli silang lahat sa akin...

Lumipat ako sa school nila... nahirapan akong pagtaguan sila. Nagtago ako dahil gusto ko muna silang manmanan at sinabi nga nila make your friends close and your enemies closer...

Sumali ako ng pageant dahil akala ko mag-seselos si Kith kung ako at si Raypaul ang mananalong Mr. And Ms. Campus Star at gusto ko na ipamukha sa kanyang mas bagay kaming dalawa ni Raypaul pero mukhang sa kanilang dalawa eh si Raypaul lang ang seloso...

Alam ko na kayang malaman ni Dennis ang isang tao kapag nagsisinungaling kaya nag-iingat ako sa kanya pero nalaman ko na kaya niya lang malaman na sinungaling ang isang tao kung magsasalita ito kaya kapag di ako magsasabi ng totoo eh tatango na lang ako o di kaya naman ay iiling na lang...

Nandidiri ako kapag nakikita kong magkasama silang dalawa na masaya at nasusuka ako kapag nakikita kong naghaharutan sila pero kailangan kong tiisin ang matinding selos at galit para lang mapalapit sa kanila pero mukhang mahirap kunin ang tiwala ni Kith. Alam ko na mala-anghel ang hitsura niya pero masyado siyang matalino... mahirap siyang linlangin pero tuso rin siya kaya mas lalo akong nag-iingat sa bawat galaw ko dahil alam ko na siya ang unang makakahalata kapag nagsimula ako.

Kailangan ko munang magbait-baitan sa harapan ni Kith at ipakita na nagbago na ako kaya araw-araw ay nag-practice ako ng pinaka-plastik na ngiting isusuot ko kapag kaharap ko silang dalawa lalo na siya.

Ang totoo niyan gusto ko lang na mapa-sakin uli si Raypaul at makabalik ako sa mga tropa ko pero gusto kong masira si Kith sa kanila at umalis siya sa buhay namin. OK lang naman sa akin kung kasama si Rogue at Kagura dahil wala naman silang ginagawa na masama pero alam ko na treat sila sa akin dahil pamilya ang turingan nila kaya mahirap sirain ang tingin nila sa isa't-isa lalo pa ngayon at alam na ni Rogue na may balak ako.

Nag-reseach ako tungkol kay Kith at pina-imbestigahan ko na rin ang pagkatao niya. Ayon sa napag-alaman ko ay di talaga siya mabait dati... nagbago lang siya nung mamatay ang pamilya niya kaya mas lalo niyang pinapahalagahan ang mga taong nakapalibot sa kanya dahil ayaw niyang mag-isa. Ang tatay niya ay isang Yakuza o kilala bilang sikat at mayaman na sindikato sa Japan.

Mahaba ang pasensya ni Kith pero di siya marunong maawa sa kahit na sino kapag nasagad ang galit niya.

Alam ko na mas magaling naman ako kay Kith sa kama at paano nga pala sila mag-sesex ni Raypaul eh pareho silang lalaki. Paano nila papasayahin ang isa't-isa? Ano yung subuan lang? Ano yun espadahan ang ginagawa nilang dalawa? Ang bababoy nila!!! NAKAKADIRI talaga at NAKAKASUKA.

Alam ko na pwede akong pahirapan at patayin ni Kith pero syempre di niya yun gagawin dahil alam kong pipigilan siya ni Raypaul at lalaban ako kahit na ano ang mangyari dahil sa akin lang si Raypaul kahit pa sabihin nyo na makati ako, higad, baliw, whore at bitch... wala akong pakialam sa inyo!!!

Handa na ako sa mga pwedeng mangyari at malapit ko ng maisakatuparan ang mga plano ko kaya naghihintay na lang ako ng tamang tsempo kung kelan ko pwedeng pakawalan ang panibugho sa dibdib ko. Kaya humanda ka Kith dahil sa gagawin ko alam kong ikaw ang iiyak at ikaw ang matatalo!!!

Kith POV

Bukas graduate na kami ng Senior Highschool at pwede na kaming mag-college lahat kaya napagdesisyunan namin na sa isang school pa rin kami papasok ng college pero bago kami grumaduate ay naging busy na ako sa naiwang business ng family ko yung Castillo Royalty isang sikat na Casino.

Masaya pala mag-trabaho sa Casino, inaamin ko na mabilis ang pera pero medyo delikado kasi nag-aaway ang mga negosyanteng naglalaro kapag nasaid ang mga pera nila.

Bago kami grumaduate bukas ay sinama ko muna si Raypaul ko dito sa puntod ng Mama, Papa at ng nag-iisa kong kapatid dahil gusto ko siyang ipakilala sa kanila lalo pa ngayon at death aniversary nila.

"Kith? Nalulungkot ka pa din ba kapag naaalala mo yung nangyari sa kanila?". Nag-aalalang tanong sa akin ni Raypaul.

"Syempre oo, pero masaya na din ako kasi nandiyan ka". Nakangiti kong sagot kay Raypaul.

"Bakit nga pala ganyan ang klase ng roses na binili mo? Diba white rose ang favorite mo?". Nagtatakang tanong sa akin ni Ray.

Dark Crimson Roses o Blood Roses kasi ang binili ko ngayon dahil ito talaga ang dinadala ko sa puntod ng pamilya ko tuwing bumibisita ako.

"Kasi... Blood Roses symbolizes mourning and death pero pwede ring birth and new life". Sabi ko habang inaayos ang roses sa mga puntod.

"May deep meaning pala ang mga blood roses". Sabi ni Ray

"Ikaw kasi ang new life ko...". Nakangiti kong sagot kay Ray at napa-ngiti din siya.

Naglatag kami ng tela para maka-upo kami sa puntod ng parents ko at nagsimula na kaming mag-kwentuhan ni Ray.

"Ehem... Mama, Papa at Baby siya nga po pala si Raypaul Velasco, boyfriend ko po siya". Nakangiti kong sabi sa harap ng puntod nila.

"Hello po! Mabait po ako at love ko po si Kith kaya wag niyo po akong multuhin". Sabi ni Ray na parang bata kasi takot siya sa mga multo.

"Si Raypaul po ang nagpapasaya sa akin ngayon at siya rin po ang nagbibigay sa akin ng bagong pag-asa na magpatuloy sa buhay...". Seryoso kong sabi sa harapan ng mga puntod.

"Promise ko po na... hindi ko po siya sasaktan, papaiyakin at hinding-hindi ko po iiwan ang anak niyo dahil mahal na mahal ko po siya". Seryosong sabi ni Raypaul.

Mukhang nakiki-sakay si Raypaul sa akin at seryoso siya sa mga sinasabi niya sa harapan ng mga puntod ng pamilya ko...

Hapon na at naka-upo lang ako habang inuunanan naman ni Ray ang mga hita ko...

"Ray? Anong pangarap mo sa buhay?". Tanong ko sa kanya.

"Ang makasama ka habangbuhay". Nakangiti niyang sagot sa akin

"Hindi yun... ang ibig kong sabihin yung gusto mo maging trabaho". Seryoso kong sabi sa kanya.

"Wala pa akong naiisip eh". Malungkot na sagot ni Ray

"Lagot ka! Ayaw ni papa sa taong walang pangarap sa buhay". Pagbabanta ko sa kanya

"Uy wag mo naman akong takutin!".

"Di naman kita tinatakot eh... sinasabi ko lang naman". Natatawa kong sabi kay Ray habang pinipisil ang pisngi niya kasi ang cute niya talaga.

"Wait lang... mag-iisip na lang ako". Seryosong sabi ni Ray

"Ano ba kasing gusto mo?". Tanong ko ulit sa kanya.

"Marami pa namang oras kaya pag-iisipan ko ng maigi". Sagot niya

"Alam mo... malaki ang pangarap ko para sayo". Sabi ko habang naka-tingin lang sa malayo.

"Ano naman yun?". Tanong ni Ray

"Basta! Gusto ko maging successful ka sa buhay mo". Sabi ko at tumingin ako sa mga mata niya.

"Mukhang mas malaki pa ang pangarap mo para sa akin kesa sa parents ko". Natatawa niyang sagot.

"Gusto mo bang magtrabaho sa Casino pagkatapos mag-college?". Tanong ko sa kanya.

"Ayoko nga!". Malakas niyang sagot

"Huh? Bakit naman?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kasi business niyo yun at alam ko na gusto ng parents mo na ikaw lang ang magpa-takbo nun". Sagot niya

"Ayaw mo ba akong makasama sa trabaho ko?". Tanong ko uli

"Syempre gusto! kaya lang maraming sexy na babae sa Casino at umiiwas ako sa mga ganun dahil ayoko sa kanila...". Sabi ni Ray

"Hhhmmmppphh... ikaw ang bahala". Sagot ko sa kanya.

"Kith sasama ka ba bukas sa bar pagkatapos ng graduation natin?". Tanong sa akin ni Raypaul.

"Hindi ko lang sure... kasi busy ako sa Castillo Royalty pero pipilitin kong pumunta sa bar para makapag-celebrate tayong lahat". Sagot ko.

"Gusto mo samahan kita sa Casino?". Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Wag na... i-enjoy mo na lang ang celebration sa bar kasi alam ko naman na wala kang gagawin na kalokohan dun eh... Malaki kaya ang tiwala ko sayo". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Naks naman! Love mo talaga ako!". Masaya niyang sabi sa akin.

"Gusto ko sanang sa Casino kayo mag-celebrate at free yun pero baka matuto kayong mag-sugal at kasalanan ko talaga yun". Seryoso kong sabi kay Raypaul ko.

"Napaka-protective mo naman!". Sagot niya sa akin.

"Syempre kasi... marami na akong kilalang mga gamblers at ayokong nalululong sila sa sugal sa Casino ko pero gusto nila yun eh". Sabi ko

"Wag mo silang alalahanin di mo na problema yun". Sagot naman ni Ray.

"Nako-konsensya lang ako kasi sa Casino ko sila naglalaro". Sabi ko

"Legal naman ang Casino... at isa pa lilipat lang sila sa ibang Casino kapag di mo tinuloy yan". Seryoso niyang sabi sa akin.

Napa-isip din ako sa sinabi ni Ray at tama naman talaga siya kaya mag-change topic na lang ako...

"Ray gusto mo ba ngayong bakasyon umalis tayo?". Tanong ko sa kanya.

"Hhmmpphh... saan tayo pupunta?". Nagtataka niyang tanong sakin

"Sa ibang bansa! Sa Japan, Korea, US, Europe, France, Italy, Germany.....". Di pa ako tapos pero nagsalita na siya.

"Ayoko muna! Sigurado akong ikaw ang gagastos nun eh!". Sabi niya.

"Libre ko yun! Gusto mo sama din natin ang Mom and Dad mo? O kaya naman ang mga kaibigan natin". Naka-ngiti kong sabi sa kanya.

"Ayoko ng gumagastos ka ng ganun kalaking halaga! Kung gusto mo mag-donate ka na lang sa charity". Sermon sa akin ni Raypaul

"Hahahah... palagi kaya akong nagdo-donate sa charity". Sabi ko habang tumatawa.

"Ako ang lalaki kaya ako dapat ang gumagastos sa atin". Seryoso niyang sabi sa akin.

"Tsk. Tsk. Tsk. Ma-pride ka talaga... eh hindi naman ako babae noh! Lalaki din kaya ako". Natatawa kong sabi sa kanya.

"Basta gusto ko na sa relasyon natin ako lang ang gagastos". Sabi niya

Pag date kasi namin o di kaya pag gagala, si Ray ang palaging gumagastos at ayaw niyang naglalabas ako ng pera except na lang kung magbibigay ako ng regalo sa kanya.

"Pero kapag mag-asawa na tayo... ang pera ko pera mo na rin at wala kang karapatang umangal". Seryoso kong sabi sa kanya at tumango na lang siya.

"Love kasi talaga kita eh...". Sagot niya

"Ano ba ang gusto mong graduation gift ngayon?... Ay alam ko na! Kotse na lang! mamili ka Ferrari, Hummer o kaya naman Porsche". Sabi ko

"Nakaka-inis naman! diba sabi ko ayoko ng mahal na regalo". Seryoso niyang sabi sa akin.

Natatawa na lang ako sa reaksyon niya kasi para siyang bata.

"Joke ko lang naman yun! Pero kung gusto mo talaga ng kotse, condo o di kaya house ang lot sabihin mo lang sa akin anytime". Bulong ko sa tenga niya.

Tinitigan na niya ako ng masama at alam kong naiinis siya sa sinabi ko kasi ayaw niya na isipin kong namemera lang siya...

"Uy seryoso ako sa sinabi ko at wag ka ng mainis diyan". Sabi ko sa kanya.

"Alam mo naman kasi na...". Di ko na siya pinatapos magsalita pero hinalikan ko siya ng mariin sa labi.

Pagkatapos nun ay pinaliguan ko siya ng halik sa mga pisngi niya at sa noo niya kaya nakita kong ngumiti na siya. Ganun kasi si Ray kapag ki-niss ko nawawala na ang inis niya...

"Ayan! Ngumiti na yung pogi!". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Iniinis mo kasi ako kanina eh pero halik mo lang ok na ako". Sabi niya at kinindatan pa niya ako.

"Dito pa talaga tayo sa harapan ng puntod ng pamilya ko naghaharutan". Natatawa kong sabi sa kanya.

"OK lang yun para malaman nilang love na love talaga kita". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Buti di ka natatakot sa sementeryo". Sabi ko sa kanya.

"Natatakot ako pero kasama naman kita dito eh". Sagot niya sa akin.

"Ano nga pala ang una mong nagustuhan sa akin?". Tanong ko sa kanya.

"Na-love at first sight talaga ako sayo dahil sa mala-anghel mong mukha at yung mala-anghel mong boses na parang may magic aaaarrrggghhh!!!". Sabi ni Raypaul sa akin.

"Hhhmmmpphh binobola mo lang yata ako eh". Sabi ko sa kanya.

"Uy hindi noh! Seryoso ako dun!". Sabi niya sa akin.

"Sige bahala ka sabi mo eh". Sagot ko

"Eh ikaw? Na-love at first sight ka rin ba sa akin?". Nakangiti niyang tanong habang nagpapa-cute.

"Oo naman! Sobra nga akong nagwapuhan sayo eh... dun sa hallway ng school akala ko artista ka". Sagot ko naman sa kanya.

"Oo na! pogi kasi ako...". Nagmamayabang niyang sabi.

"Pagbigyan na nga kita diyan... totoo naman yung sinasabi mo eh". Natatawa kong sagot sa kanya.

"Alam mo Kith yung mala-anghel mong boses ay tumatagos sa puso ko kaya tuwing kumakanta ka, tumitibok ng malakas ang dibdib ko". Seryoso niyang sabi sa akin.

"Eh palagi naman kitang kinakantahan ah". Sabi ko sa kanya

"Oo nga! pero kahit minsan di nagbago ang pakiramdam ko kapag kumakanta ka... bumibilis ang tibok ng puso ko kapag naririnig ko ang maganda mong tinig". Sabi ni Ray

Ngayon alam ko na kung bakit tahimik lang siya at minsan namumula kapag kinakantahan ko siya...

Pagkatapos namin pumunta sa sementeryo ay kumain kami sa isang restaurant at nag-date kami. Handa na kami para grumaduate ng sabay bukas...

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: You Light My Fire (Part 13A)
You Light My Fire (Part 13A)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s1600/You+Light+My+Fire.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s72-c/You+Light+My+Fire.png
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/12/you-light-my-fire-part-13a.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/12/you-light-my-fire-part-13a.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content