$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

You Light My Fire (Part 15A)

By: Lord Iris Nasaktan ba kayo sa last chapter? Patikim lang po yun hahahah. There are 3 more chapters left. Let me offer this one for y...

You Light My Fire

By: Lord Iris

Nasaktan ba kayo sa last chapter? Patikim lang po yun hahahah. There are 3 more chapters left. Let me offer this one for you to feel the road of shattered glass hearts hahahah lalim diba? I just wanted to share this agony. The pain that I'm bearing inside. Thanks for all the supports.

Raypaul POV

Four Years Later.

Kring. Kring. Kring.

Anu bayan! Ang ingay naman ng alarm clock ko!!!

Naalimpungatan ako kaya bumangon ako at pinatay ko na ang maingay kong alarm clock.

7:00 na pala ng umaga at linggo ngayon kaya wala akong pasok.

Fourth year college na ako ng kursong accountancy at nakaka-stress talaga sa school.

Nakatira ako sa isang apartment malapit sa school ko para na rin hindi ako mahirapang umuwi dahil nakakapagod talaga ang college.

Nag-hire ang mom ko ng magiging personal assistant ko para merong tumulong sa akin sa mga sobrang nakaka-stress na mga works sa school at balita ko ngayon siya dadating.

Napatingin ako sa salamin at naramdaman ko na naman na parang may kulang sa buhay ko. Para bang may bagay na lagi kong hinahanap pero hindi ko maramdaman kung ano yung nawawala sa akin.

Sabi ng mom and dad ko ay naaksidente daw ako 4 years ago.

Bigla na lang may kumatok sa pintuan ng apartment ko kaya lumapit ako para buksan ang pinto.

Pagbukas ko ng pinto ay.

“Good Morning po Sir Raypaul.” Nakangiting bati niya sa akin.

Namangha ako sa hitsura niya at parang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka-perpektong mukha. Tan yung skin niya, light brown ang color ng mga eyes niya and his hair falls into his long eyelashes.

He look like an angel.

“Totoo pala ang mga anghel.” Mahina pero namamangha kong sabi.

“Ano po yun?.” Tanong niya sa akin.

“Uuhhmm. Wala! Sino ka ba?.” Nagtataka kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya sa akin kaya parang bumilis ang tibok ng puso ko pero hindi ko maiintindihan kung bakit.

“Ako po ang magiging PA niyo.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

“So. My mom hire you?.”

Tumango lang siya sa tanong ko at inabot niya ang kamay niya sa akin na parang makikipag-shake hands.

“I'm Kith Castillo your new PA.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

Inabot ko ang kamay niya at nakipag-shake hands pero nung nahawakan ko ang malambot niyang kamay ay para bang na-ground ako kaya kumalas ako kaagad at nag-init bigla ang mukha ko.

“Come inside my apartment.” Pag-aaya ko sa kanya kaya pumasok na kaming dalawa sa loob.

Nagmasid-masid lang ang PA ko sa loob ng apartment ko at nagsalita na lang siya bigla.

“Sir Raypaul. Magulo po dito sa loob ng apartment niyo kaya maglilinis po muna ako.” Nakangiti niyang sabi.

“Huh? PA kita at hindi kita maid.” Natatawa kong sagot sa kanya.

“Pero gusto ko naman po ang gagawin ko at kayo po ang nagmamay-ari sa akin ngayon.” Nakangiti niyang sabi.

“Huh? Nakakahiya naman.” Nahihiya kong sagot sa kanya.

Paano ba naman. Makalat kasi ako sa gamit kaya nakakahiya sa kanya at naglilinis lang ako pag may bisita o pag pupunta ang girlfriend ko.

Kinuha ni Kith ang walis at nagsimula na siyang maglinis pero hindi siya umiimik tapos parang seryoso siya sa ginagawa niya kaya nahihiya na ako.

“Uuhhmm. Kith right? Tell me something about yourself.” Seryoso kong sabi sa kanya kasi gusto ko siyang makilala.

Dapat lang naman kasi talaga na kilalanin ko ang PA ko at malay ko ba kung anong klase siyang tao.

“Hindi naman po interesting ang life ko. Wala na po akong family at first year college pa lang po ako.” Sagot niya habang nililigpit ang nakakalat kong bag.

“Paano ka na-hire ng mom ko?.” Tanong ko ulit sa kanya.

Huminto siya sa ginagawa niya at ngumiti na naman siya sa akin kaya parang hindi ako komportable dahil sa nararamdaman ko.

“Long story po eh. Pero masipag po ako at gagawin ko po lahat ng gusto niyo.” Nakangiti niyang sagot.

Pumunta siya sa kwarto at parang natigilan siya bigla. Parang meron siyang naalala pero ewan ko.

“What's wrong Kith?.” Tanong ko.

“Nothing Sir. May naalala lang po ako sa kama niyo.” Sagot niya.

“Huh? Anong naalala mo? Anong meron sa kama ko?.” Naguguluhan kong tanong sa kanya.

“Wala po. Wag niyo na lang pong isipin yung sinabi ko.” Seryoso niyang sagot sa akin at niligpit na niya yung kama ko.

Umupo na lang ako sa sofa at nagbuklat ng libro pero wala talagang pumapasok sa isip ko kaya naiinis ako kasi malapit na ang exam.

Yung PA ko ay naglilinis lang ng apartment ko kaya hindi pa niya ako matulungan sa mga letseng reviewer na ito pero inaamin ko kasi baka mamaya maging PA siya slash maid slash tutor. Teka! Bakit naman ako mahihiya eh pinapa-sweldo naman siya ng mom ko.

“Sir! Tapos na po akong maglinis.” Sabi ni Kith sa likod ko kaya nagulat ako bigla.

“Anu bayan! Wag mo akong gulatin!.” Naiirita kong sabi sa kanya.

“Sorry po Sir. Di ko po sadya.” Sincere niyang sagot sa akin.

Tumabi sa akin si Kith sa sofa at tiningnan niya ang librong hawak ko tapos ngumiti siya. Binuklat niya din ang mga notebook ko.

“Arithmetic straight line pala ang nirereview niyo Sir. Siguro malapit na kayong gumawa ng feasibility.” Sabi niya akin.

“Huh? Ano yun?.” Tanong ko.

“Yun po ang requirements sa college kapag related po sa buisness or managing yung course niyo.” Nakangiti niyang sagot sa akin.

“Paano mo naman nalaman?.” Tanong ko sa kanya.

“Dapat po kasi fourth year college na din ako ngayon.” Nalulungkot niyang sagot sa akin.

“Bakit? Anong nangyari?.” Tanong ko ulit sa kanya.

“Wala po. Mahabang kwento.” Seryoso niyang sagot sa akin.

“Nahihirapan talaga akong mag-aral.” Na-iinis kong sabi sa kanya.

“Edi tutulungan po kita. Pwede po tayong mag-review at tuturuan po kita sa asignments niyo.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

“Talaga? Thank you kung ganun.” Sagot ko sa kanya at napangiti na lang din ako ng wala sa oras.

“Sabi ko naman po sa inyo gagawin ko po lahat ng iuutos niyo eh.” Nakangiti na naman niyang sabi sa akin.

At tinulungan na nga niya akong mag-aral at hindi ko inaasahang matalino pala siya kaya mas naiintindihan ko pa ang tinuturo niya kesa sa prof namin sa school.

Bigla na lang napatitig si Kith sa suot suot ko na kulay pulang relo at ngumiti siya.

“Sir sino po ang nagbigay ng relo niyo?.” Natutuwa niyang tanong.

Napaisip tuloy ako.

Sino nga ba ang nagbigay sa akin ng relong ito?

Teka. Hindi ko maalala kung binigay ba ito sa akin o binili ko pero gusto ko talaga ang wrist watch na ito kaya pag maliligo ko lang siya hinuhubad kahit na waterproof kasi iniingatan ko.

“Hindi ko alam kung binigay ba ito sa akin pero iniingatan ko ito kasi parang importante to sa akin tapos maganda pa at mamahalin.” Sagot ko sa kanya habang tinititigan ko ang wrist watch ko.

“Talaga po? Importante po iyan sa inyo?.” Nakangiti pero parang naiiyak na tanong niya sa akin.

“Oo. Ang alam ko may sentimental value ito sa akin.” Sagot ko sa kanya.

Tumalikod bigla si Kith at parang naluha siya sa sinabi ko pero hindi ko alam kung bakit kaya nagtataka ako sa kanya.

“Why? Are you crying?.” Nag-aalala kong tanong sa kanya.

Humarap siya sa akin at ngumiti siya pero parang pilit yun.

“Ok lang po ako. May naalala lang po ako Sir Raypaul.” Nakangiti niyang sagot sa akin.

Ang weird ng actions niya pero parang matagal na niya akong kilala at mukhang mabait siya.

“Ay! 11:00 na po! Baka nagugutom na po kayo kaya magluluto na po ako.” Sabi niya sa akin.

“Huh? Bahala ka.” Sagot ko sa kanya.

Pumunta siya sa kusina at nagsimula na siyang magluto. Naamoy ko na parang ambango kaya lumapit ako.

“Ano yang niluluto mo?.” Tanong ko sa kanya.

“Yung favorite mong Bicol Express.” Nakangiti niyang sagot sa akin.

“Huh? Hindi ko nga alam yun eh. Kaldereta ang favorite ko yung luto ng girlfriend ko.” Sagot ko sa kanya.

Parang nagbago ang timpla ng mukha niya at tumingin na lang siya doon sa niluluto niya.

“Malapit na po itong maluto, sana po masarapan kayo.” Malamig na sagot niya sa akin at hindi siya ngumiti kaya parang may mali akong nagawa.

Umupo na ako sa table at pinagsisilbihan ako ng PA ko na parang syota ko siya kaya natutuwa ako pero parang antahimik niya kasi di na siya nagsasalita.

Tinikman ko ang luto niya at.

Grabe! Ang sarap! Ang anghang pero gusto ko at nakakagutom talaga.

“Ang sarap naman nito! Magaling ka palang magluto.” Nakangiti kong sabi sa kanya at ngumiti na rin siya.

“Bakit? Hindi po ba familiar sa inyo yung lasa?.” Tanong niya sa akin.

Napaisip ulit ako.

Parang natikman ko na ito dati pero.

Saan?

Kailan?

“Joke lang po Sir Raypaul! Alam ko naman po na ngayon niyo lang natikman yan eh.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

Pero hindi! Para kasing nakakain na ako nito dati at hindi ko lang matandaan kung kelan yun.

Ay naku! Kung ano-ano na naman ang iniisip ko.

“Wag mo na ako tawaging Sir. Let's be friends na lang.” Sabi ko sa kanya.

“Sige po. Pwede po ba kitang tawaging Ray?.”

Napahinto ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit pero parang naramdaman ko na lang na meron na naman akong hinahanap at hindi ko alam kung ano yun.

Ray?

Siya lang ang tatawag sa akin ng ganun.

“Sige. Bahala ka.” Alanganin kong sagot sa kanya.

Bakit parang kilalang-kilala na niya talaga ako? Pero sa pagkaka-alam ko ay ngayon lang kami nagkakilala.

Hindi kaya may kinalaman siya sa nakaraan ko?

Pero konti lang naman ang mga bagay na hindi ko maalala kaya siguro hindi na importante yun. Sabi nga nila pagtuunan mo ng pansin yung present at hindi yung nakaraan.

Raypaul POV

Pagkatapos kumain at mag-review ay dumating din ang hapon at nagkaroon kami ng pag-uusap ng bago kong PA.

“Ray? Di ba may girlfriend ka?.” Tanong sa akin ni Kith.

“Oo. Paano mo naman nalaman?.” Nagtataka kong tanong sa kanya.

“Sinabi sa akin ng mama mo. Paano ka nagkagusto sa kanya?.” Tanong ulit sa akin ni Kith.

“Kasi lagi siyang nandiyan para sa akin at maganda siya.” Nakangiti kong sagot kay Kith.

“Mahal mo ba talaga siya?.” Seryosong tanong niya ulit sa akin.

“Oo naman! Ano bang klaseng tanong yan ha?.” Sabi ko sa kanya.

Napansin ko na yumuko siya at parang nagbago ang timpla ng mukha niya kasi di bagay sa kanya ang seryosong mukha pero kapag ngumiti naman siya eh parang may nararamdaman akong kakaiba.

“Ikaw? May girlfriend ka ba?.” Seryoso kong tanong kay Kith.

Ngumiti na naman siya at tumitig sa akin. Matagal bago siya nagsalita at.

“Wala po. Pero meron na pong nagmamay-ari sa akin.” Nakangiti niyang sagot sa akin.

Di ko maintindihan. Single siya pero devoted na yung puso niya? Ano yun? Parang ang gulo ng sitwasyon niya.

“Paano nangyari yun? Parang ang complicated naman.” Nagtataka kong tanong sa kanya.

“Magulo pero. Meron akong lalaking mahal kaso may nangyaring.” Sabi niya at di niya matapos yung sasabihin niya.

Ano daw? Lalakeng mahal?

But he doesn't look like one.

“Lalake? Are you gay?.” Nagtataka kong tanong kay Kith.

“Siya lang ang taong mahal ko at hindi rin ako nagkakagusto sa ibang lalake.” Seryoso niyang sagot.

“You don't look like a gay or bi.” Naguguluhan kong sabi kay Kith.

Ngumiti siya ulit sa akin at parang naiilang na ako dahil parang may something sa akin tuwing ngumingiti si Kith.

“He is the only one that I love.” Nakangiti niyang sagot sa akin.

“Pero. Mahal ka ba niya?.” Tanong ko ulit sa kanya.

“Dati. Pero ngayon, di ko na alam.” Nalulungkot niyang sagot sa akin.

“Paano ka naman nag-kagusto sa lalake eh lalaking-lalake kang tingnan?.” Nagtataka kong tanong.

“Di ko po alam.” Malungkot niyang sabi sa akin.

Parang komportable ako sa kanya kahit nagkakagusto siya sa lalake and besides, sabi naman niya isang tao lang daw ang mahal niya.

“Saan ka nakatira?.” Tanong ko ulit.

“Secret po. Pero kung kailangan niyo po ako ay dito na lang din po ako titira sa apartment niyo.” Natatawang sagot niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero parang gusto ko rin na dito na lang siya, siguro gusto ko lang ng kasama.

Napangiti na lang ako sa kanya kasi ang cute niyang tingnan kapag natatawa siya.

“Alam mo ba. Ang cute mo kapag ngumingiti ka.”

Di ko alam kung bakit yun ang nasabi ko sa kanya pero totoo naman talaga.

Ngumiti siya sa akin at parang namula siya ng konti pero di naman masyadong halata at di na maalis sa kanya ang ngiti niya kaya nagtataka na naman ako.

“Bakit ngingiti-ngiti ka diyan ha?.” Natatawa kong tanong sa kanya.

“Wala. Masaya lang ako.” Nakangiti niyang sagot sa tanong ko.

At bigla na lang may pumasok sa isip ko na kanina ko pa nakalimutan.

“Ay! Nyemas! Di pa pala ako naliligo!.”

Nahihiya kong sigaw.

“Mabango naman po kayo eh.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

“Wag mo akong bolahin. Arrgghh.” Naiinis kong sabi.

Mabilis akong pumunta sa banyo para mag-shower.

Grabe! Kanina ko pa siya kausap pero di pa pala ako naliligo. Nakakahiya! Teka, bakit ako nahihiya eh sa iba kong kaibigan ok lang naman kung di ako maligo?

Hay naku! Kung ano-ano na ang naiisip ko. Siguro dapat kong i-relax ang utak ko.

Binuksan ko na ang shower at nagsimula na akong maligo.

Kith POV

Hindi na ako kilala ni Ray.

Ang sakit.

Pero masaya ako dahil kahit papaano ay nakakalapit na ako sa kanya.

Matagal din niya akong hindi nakasama.

Pero ayos lang dahil maayos ang lagay ni Ray kaso lahat ng pinag-samahan namin ay nawala na lang sa kanya na parang bula.

Gusto ko na ipa-alala sa kanya ang lahat-lahat pero hindi pwede.

Kasi kapag ginawa ko yun ay hindi ko na siya makikita kahit kelan.

Napansin kong hindi na niya suot yung couple ring namin at may nakasulat doong Ray love Kith sa loob pero wala na yun sa kanya at yung sa akin ay hindi ko hinuhubad.

Mahal na mahal ko talaga si Ray at isusuko ko ang sarili ko para sa kanya.

Araw-araw nagdadasal ako na sana maalala niya ako kahit konti o ma-inlove siya ulit sa akin kahit na nakalimutan niya ang nakaraan naming dalawa.

Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ko ang madugong aksidente na nangyari sa amin nung nakaraang apat na taon.

Hindi masyadong malala yung nangyari kay Ray pero ako.

Dahil sa aksidenteng yun ay nawala ako sa tabi ni Ray. Sa loob ng apat na taon ay impyerno ang naging buhay ko sa loob ng ospital.

Pakiramdam ko ay ninakaw sa akin ang kalaayang mabuhay sa loob ng apat na taon.

Namalayan ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko.

Sobrang sakit ng nakaraan.

Napatingin ako sa mga picture frame dito sa apartment ni Ray.

Wala na ang mga pictures naming dalawa.

May sarili na siyang buhay at may girlfriend siya.

Paano na ako?

Sino ng magpapasaya sa akin ngayon?

Ang hirap ngumiti sa harapan ni Ray at ipakitang masaya ako dahil nasasaktan talaga ako lalo na sa tuwing binabanggit niya ang girlfriend niya.

“Hi! Tapos na akong maligo!.”

Halos tumalon ako sa sobrang gulat.

Lumingon ako at nakita ko si Ray.

Nakatapis lang siya.

Yung six pack abs niya.

Raypaul POV

Napatakip ng mata si Kith ng makita niyang nakatapis ako galing sa banyo

at parang nahihiya siya.

Ang weird.

Pero napangiti ako kasi nakikita kong namumula siya. Ano kayang meron eh pareho naman kaming lalake?

“Oh? Bakit nakatakip yung mga mata mo diyan?.” Natatawa kong tanong kay Kith.

“Doon po muna ako.” Sabi ni Kith at nakatakip pa din ang mga mata niya.

Lumakad si Kith ng nakapikit at dahan-dahan lang siya pero nasagi niya yung lamesa kaya.

Nawalan siya ng balanse at.

Buti na lang nasalo ko siya at nakayakap ako sa kanya.

Unti-unting dumilat ang mga mata niya at nagkatitigan kaming dalawa.

Para bang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig ako sa mala-anghel niyang mukha.

Napakaganda ng brown eyes niya.

Namumula na siya pero hindi ko alam kung bakit at parang namumula na din ang mukha ko habang magkatitig kaming dalawa.

“Hoy! Anong ginagawa niyo?.”

Nagulat kami pareho ni Kith at napatingin kami sa likuran naming dalawa.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko kay Kith at.

“Oh honey! Bakit di ka nagsabing pupunta ka pala dito?.” Tanong ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako ng mariin sa labi kaya nagulat ako sa ginawa niya.

“Alexa! Biglaan naman, may ibang tao dito oh.” Sabi ko at tumingin ako kay Kith.

Nanlaki ang mga mata ni Kith at parang maluha-luha siya kaya parang nagtataka na ako.

“I don't care! He is just your PA. Magbihis ka nga muna!.” Naiinis na sabi ni Alexa sa akin.

“Opo! Wait lang.” Natatawa kong sabi at nagpunta na ako sa kwarto.

Kith POV

Magkaharap na naman kami ngayon ni Alexa at mukhang galit siya.

“Totoo pala. Ikaw na ang PA niya.” Mataray niyang sabi sa akin.

“Oo! Bakit natatakot ka ba?.” Seryoso kong sagot sa kanya.

Biglang tumawa ng malakas si Alexa na parang nang-aasar at.

“Natatakot? What the fuck did you just say? Bakit naman ako matatakot? Ngayon pa na. Hindi ka na niya maalala.” Tumatawa niyang sabi sa akin.

“Akala ko pa naman pinagsisihan mo lahat ng ginawa mo.” Naiinis kong sabi sa kanya.

“Oo totoo yun. Pinagsisihan ko na nga yun pero iba na ngayon, mahal na ulit ako ni Ray at akin lang siya!!!.” Galit niyang sabi sa akin.

“Balang araw may sisingil din sa mga kasalanan mo.” Kalmado kong sabi.

“Bakit? Ipapabugbog mo ako? Ipapapatay mo ba ako? Oh come on! Si Raypaul mismo ang papatay sayo kapag binalak mo yan.” Natatawa niyang sagot sa akin.

“Wala akong balak gumanti sayo. Pero magdasal ka lang na hindi na maalala ni Ray ang lahat.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

Parang nagbago ang timpla ng mukha ni Alexa at natahimik siya.

“Kita mo na. Kahit anong gawin mo kapag naalala ni Ray ang lahat ay hindi mo maitatangging bitch ka!.” Sabi ko habang naka-cross arms.

“Shut up!!!.” Sigaw niya.

“Worthless!.” Sigaw ko.

“Stop! Your such a.” Di ko na siya pinatapos at humirit ako.

“Higad!.” Nakangiti kong sabi.

“Kapag di ka pa tumigil.” Di ko ulit siya pinatapos at.

“Anong gagawin mo? Kapag di mo pa tinigil yan at kapag naalala na ni Ray ang lahat ay makikita na lang sa dyaryo ang katawan mong lumulutang sa ilog.” Seryoso kong sabi sa kanya.

Bakas sa mukha niya ang takot.

At nagulat ako dahil bigla na lang niya akong sinampal.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: You Light My Fire (Part 15A)
You Light My Fire (Part 15A)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s1600/You+Light+My+Fire.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s72-c/You+Light+My+Fire.png
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/12/you-light-my-fire-part-15a.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/12/you-light-my-fire-part-15a.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content