$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

You Light My Fire (Part 15B)

By: Lord Iris Raypaul POV Nagsuot ako ng red na polo shirt at brown na shorts dahil hindi naman ako aalis kaya yun na lang ang napili ...

You Light My Fire

By: Lord Iris

Raypaul POV

Nagsuot ako ng red na polo shirt at brown na shorts dahil hindi naman ako aalis kaya yun na lang ang napili kong suotin.

Binilisan kong magbihis at pumunta na agad ako kila Alexa at Kith.

Pero nung makita ko silang dalawa ay nagulat ako sa nakita ko.

Sinampal ni Alexa si Kith.

“Alexa! Anong ginawa mo?.” Sigaw ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at bakas sa mukha niya ang galit.

Napasulyap naman ako kay Kith at nakita ko na may tumulong luha sa mga mata niya at namumula ang kanang pisngi niya dahil sa sampal ni Alexa sa kanya.

“Kanina! Bakit magkayakap kayo ng PA mo ha?.” Galit na sabi ni Alexa.

“Uy. Aksidente yun.” Sagot ko sa kanya.

“Bakla ka na rin ba Raypaul?.” Galit niyang tanong sa akin.

“No I'm not! Ano ba Alexa! Hindi ako nagkakagusto sa lalake.” Malakas kong sagot sa kanya.

Nakita ko na parang napangiti si Alexa sa sinabi ko at.

“Ray. Uuwi na ako at babalik na lang ako bukas kasi pagabi na.” Seryosong sabi ni Kith at parang naluluha siya.

“Sige. Bye. Ingat ka!.” Alanganin kong sabi kay Kith.

Umalis na si Kith at kaming dalawa na lang ni Alexa ang naiwan ngayon dito sa apartment.

“Alexa. Wala kaming ginagawa ni Kith kaya kumalma ka.” Mahinahon kong sabi sa kanya.

“Naninigurado lang ako! At alam mo namang mahal na mahal kita.” Seryosong sabi ni Alexa.

“Pero mali na sinampal mo si Kith.” Nag-aalala kong sabi.

“I don't care! Bakit ka naman nag-aalala sa lalaking yun?.” Galit niyang bulalas sa akin.

“Ok honey. Calm down hindi na kita pipilitin kung ayaw mo.” Mahinahon kong sabi kay Alexa.

Lumapit siya sa akin at hinalikan na naman niya ako ng mariin sa labi.

Hinubad niya ang damit ko at nagsimula ng may mangyari sa aming dalawa.

Naalimpungatan ako kaya napamulat ang mga mata ko at napatingin na lang ako sa red na wrist watch ko.

6:00 na pala ng umaga at katabi ko sa kama si Alexa. Naka-kumot lang siya dahil may nangyari sa amin kagabi.

Napatitig ako sa kanya.

Why do I always feel this way?

Mahal ko si Alexa pero tuwing pagkatapos naming gawin ang bagay na ito ay parang may guilt akong nararamdaman.

Bakit parang mali?

Mahal ko siya at ilang beses ng may nangyari sa amin pero parang hindi yun tama at parang may kirot sa puso ko. Yung para bang nararamdaman mong hindi dapat yung ginawa niyo.

Hindi ko alam kung bakit pero parang may lagi akong hinahanap.

Parang laging may kulang sa akin at parang hindi ko alam kung paano ko mahahanap ang kakulangan na gusto kong maramdaman.

Hindi tuloy maalis sa isipan ko yung nangyari sa akin 4 years ago.

Flashback 4 years ago

Naramdaman ko ang paghawak ng mainit na kamay sa pisngi ko at minulat ko ang mga mata ko.

Nakita ko si mom na umiiyak at ng tumingin ako sa paligid ay nakita ko na nasa loob ako ng isang ospital. Medyo malabo pa ang paningin ko.

Si dad naman ay nakikipag-usap sa doctor sa may pintuan.

Bakit ako nandito?

“Anak? Kamusta ka na?.” Umiiyak na tanong ni mom sa akin.

“Medyo sumasakit po ang ulo ko.” Mahina kong sabi.

“Niligtas ka niya anak at critical ang lagay niya ngayon.” Sabi ni mom at mas lalong lumakas ang pag-iyak niya sa harapan ko.

Sino ang nagligtas sa akin?

Wala akong maalala sa nangyari sa akin at hindi ko alam kung bakit nasa loob ako ng ospital na ito.

“Sino po ang sinasabi niyo?.” Naguguluhan kong tanong kay mom.

“Anak. Mahal ka talaga niya at kaya niyang isuko ang buhay niya para sa kaligtasan mo kahit niloko mo siya.” Humahagulgol niyang sabi.

“Sino po? Ano po ba ang nangyari sa akin kanina?.” Naguguluhan kong tanong sa kanya.

“Wala ka bang maalala?.” Umiiyak na tanong ni mom sa akin.

Umiling lang ako dahil hindi ko talaga alam kung anong dahilan kung bakit ako nasa loob ng ospital.

“Nasaan po sila James at Alexa?.” Tanong ko kay mom.

Nanlaki bigla ang mga mata ni mom nung sabihin ko iyon at natahimik na lang siya bigla.

“Nasa kabilang room sila James kasi nandun si.” Hindi pa tapos magsalita si mom at.

“Anak! Kakausapin ka daw ng doctor.” Singit ni dad sa usapan namin.

Lumapit sa akin ang doctor at sinuri niya ang vital signs ko pati na rin ang katawan ko.

“Ok na po ang pasyente. Na-damage lang po ang ulo niya pero yung body niya ay stable naman.” Sabi ng doctor.

“Pero doc! Nahihilo po ako.” Sabi ko sa kanya.

“It is normal in that kind of accident.” Mabilis na sagot ng doctor.

“Doc? Bakit po may mga nakakalimutan ng ala-ala ang anak ko?.” Umiiyak na tanong ni mom.

“His brain is still in shock because of the accident kaya magpapatuloy pa ang test namin hanggang sa malaman namin ang findings niya.” Seryosong sabi ng doctor.

Umalis na ang doctor at kaming tatlo na lang nila mom at dad ang nandito ngayon sa loob.

“Mom nasaan po si Alexa?.”

“Bakit?.” Seryosong tanong ni mom.

“Girlfriend ko siya. Dapat lang na malaman niya ang nangyari sa akin.” Naiinis kong sagot.

“Si.ge ta.tawagan ko siya.” Na-uutal na sabi ni mom.

“Wag! Pagkatapos ng ginawa niya sa anak natin ganun na lang!!!.” Galit na sabi naman ni Dad.

“Nakalimot nga si Raypaul! Hindi mo ba kayang intindihin yun?.” Galit na sabi ni mom kay dad.

Natahimik na lang si dad at nagpahinga muna ako saglit at pumasok naman si James sa kwarto ko at naiiyak siya.

“Raypaul! Kamusta ka na?.” Nag-aalala niyang tanong.

“Ok lang. Medyo nahihilo lang.” Sagot ko sa kanya.

“Hindi ka ba nag-aalala sa kanya?.” Tanong ni James.

Lalo akong naguluhan.

Sino yung sinasabi niya?

“Bakit?.” Yun na lang ang natanong ko sa kanya.

Tumulo ang luha ni James kaya naguluhan ako lalo sa mga kilos niya ngayon sa harapan ko.

“Maswerte ka dahil yan lang ang nangyari sayo pero siya.” Di pa tapos magsalita ay sumingit na si mom.

“Nakakalimot si Raypaul. Konti lang ang mga naalala niya.” Malungkot na sabi ni mom.

“Po? Pero ano po ang naalala ni Raypaul ngayon?.” Naguguluhang tanong ni James.

“Diba mag-eenroll tayo para sa senior highschool?.” Tanong ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni James sa sinabi ko at parang nag-iba ang timpla ng mukha niya.

May kumatok sa pinto at pagbukas nito ay nakita ko si Alexa at naiiyak siya ng lumapit sa akin.

“Ray. I'm sorry. Kung hindi dahil sakin hindi sana nangyari ito.” Umiiyak na sabi ni Alexa.

“Huh? Wala ka namang ginawa. Dito ka lang sa tabi ko ah.” Sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya kahit nakahiga ako.

“Malaking problema to.” Sabi ni James at lumabas na siya ng kwarto.

Bumukas uli ang pinto at pumasok na naman ang doctor.

“Ito na po ang result ng pasyente base sa CT scan. Nagkaroon po ng damge sa cerebral anoxia ng pasyente and as a result meron siyang selective amnesia kaya nakakalimot siya.” Sabi ng doctor.

“Po? Ano pong ibig niyong sabihin eh naalala naman po niya kami.” Nagtatakang tanong ni Alexa.

“Iba ang selective amnesia. Mayroong gap sa memory niya kaya may some events siya na di maalala.” Sabi uli ng doctor.

“Pero paano po iyon magagamot?.” Nag-aalalang tanong ni mom.

“Sa ngayon wala pang specific na research tungkol diyan pero madali pong makaranas ng familliarity ang pasyente kapag nangyari na ang isang event lalo ng kung importante.” Sagot ng doctor kay mom.

Umiyak si mom at si Alexa pero nakangiti siya sa akin habang magkahawak kami ng kamay.

“Raypaul? Do you love me?.” Alanganing tanong ni Alexa sa akin.

“Yes I do!.” Mabilis kong sagot.

Umiyak si Alexa pero sabi niya ay natutuwa lang naman daw siya.

Inalagaan niya ako hanggang sa makalabas ako ng ospital at mas lalo siyang naging sweet sa akin.

Sabi nila mom college na daw dapat ako kaya nag-enroll na ako for college pero parang may hinahanap ako.

Parang may nagbago sa loob ko na hindi ko alam kung ano.

End of the flashback

“Raypaul? May iniisip ka na naman ba ngayon.” Tanong ni Alexa.

“Hhmm. Medyo lang naman.” Sagot ko sa kanya.

“Diba sabi ko wag ka ng mag-isip sa nakaraan kasi di na importante yun?.” Naiinis na sabi ni Alexa.

“Oo na. Hindi na nga uulitin.” Natatawa kong sagot sa kanya.

Nagkatitigan kaming dalawa at napakaganda talaga ni Alexa at lagi siyang nandiyan simula pa nung una kaya napangiti na lang ako.

“Alexa. Late na tayo sa school.” Nakangiti kong sabi sa kanya.

“Hhmmpp!!! Wag ka ng pumasok at maglambingan na lang tayo.” Sabi ni Alexa at ngumiti siya ng nakakaloko.

Napatitig na lang ako sa kanya.

Nilapit ni Alex ang mukha niya sa akin at hinalikan niya ako ng mabilis sa labi.

“Gusto mo ba ng round 2?.” Seductive na tanong ni Alexa.

Natawa na lang ako ng malakas kasi napaka-addict sa sex ni Alexa.

“Tama na. Bukas naman.” Natatawa kong sagot sa kanya.

Sabay na kaming naligo at pagkatapos nun ay nagbihis na kaming dalawa.

“Alexa? Paano yung assignments nating dalawa?.” Tanong ko.

“Diba may PA ka? Edi ipasagot mo sa kanya at ipasama mo na din yung akin dahil matalino naman yun.” Nakasibangot niyang sagot.

“Huh? Paano mo nalaman na matalino siya?.” Nagtataka kong tanong sa kanya.

Parang natahimik siya bigla sa tanong ko at matagal bago siya nagsalita ulit.

“Ewan ko sayo! Basta gawin mo na lang yun.” Naiinis niyang sagot.

“Alam mo. Mabait siya sa akin.”

“Wala akong pake!.” Galit niyang sigaw kaya parang nabingi ako.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit kasi ganun ang ginagawa ko kapag nagsusungit siya.

“Alam mo parang matagal ko ng kilala yung si Kith.” Seryoso kong sabi.

Nanlaki yung mga mata ni Alexa at parang kinakabahan siya. Pansin ko din na napalunok na lang siya bigla.

“May mali ba sa sinabi ko?.” Nagtataka kong tanong sa kanya.

“Hhmm. Wala!.” Sagot niya.

“Eh bakit parang kinakabahan ka?.” Tanong ko ulit.

“Wala nga! Tumigil ka na lang sa kakatanong mo sakin.” Galit niyang sabi.

Tumahimik na lang din ako at nag-isip ako ng mabuti.

Parang may tinatago si Alexa sa akin.

Ayoko ng may nililihim siya at aalamin ko kung ano man yun.

Tuwing mapapag-usapan namin yung PA ko ay nagagalit siya.

Siguro nagseselos lang siya pero kasi magaan ang loob ko kay Kith at parang kilalang-kilala niya ako kahit na kakakilala ko lang sa kanya.

Kith POV

Nandito ako sa loob ng condo ko nag-mumukmok, umiiyak at nag-aaral ako sa harap ng salamin kung paano ako ngi-ngiti sa harapan ni Ray.

Napaka-hirap ng sitwasyon ko ngayon at hindi ko alam kung hanggang kelan ko kakayanin ito.

Sobrang sakit na makalimutan ka na ng taong mahal mo pero mas masakit pa rin sa akin na may mahal na siyang iba ngayon at yun pa ang babaeng sumira ng relasyon naming dalawa.

Mamahalin niya pa ba ako?

Ano ng mangyayari sa akin kung sakaling wala na kaming pag-asa?

Ma-aalala pa ba niya kung gaano ko siya kamahal?

Lagi na lang akong umiiyak ng patago at ayokong makita ng mga kaibigan ko na umiiyak na naman ako lalo na si Kagura at Rogue pero sobra na talaga kaso ayokong sumuko dahil ayokong bitawan ang pagmamahal ko.

Siya lang ang pag-asa ko para sumaya ako ulit kaya lalaban ako hangga't kaya ko para wala akong pag-sisihan sa bandang huli.

Apat na taon akong nawalan ng ulirat dahil sa aksidente pero di ko pinag-sisisihan yun dahil kahit di na ako maalala ni Ray ay masaya akong makita na ligtas siya.

Sariwa pa din sa ala-ala ko ang nangyari sa aming dalawa kahit apat na taon na ang nakakalipas.

Flashback

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nagmasid ako sa paligid. Nasa loob ako ng isang ospital at nakahiga ako sa kama.

May mga tubong nakakabit sa bibig ko at alam kong oxygen ang nilalabas nito kaya sinubukan kong tanggalin pero di ko maigalaw ang mga kamay ko at sobrang sakit ng mga ito.

Hindi ako maka-galaw. Napatulo ang mga luha ko sa sobrang sakit ng katawan ko.

Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Rogue.

Nanlaki ang mga mata niya at halos mangiyak-ngiyak siya ng lumapit siya sa akin.

“Kith. Gising ka na.” Umiiyak niyang sabi sa akin.

Hindi ako makapag-salita pero nakikita ko siya ng malinaw at naluluha na din ako.

“Kagura! Gising na si Kith!.” Sigaw ni Rogue na sobrang lakas.

Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Kagura na tumatakbo papunta sa akin.

Napatakip ang mga kamay niya sa bibig niya at nag-simula na siyang umiyak pero hindi ko alam kung ano ang dahilan.

“Kith. Kamusta ka na?.” Umiiyak na tanong sa akin ni Kagura.

Tinanggal ni Kagura ang mga apparatus sa bibig ko para marinig nila ang sasabihin ko.

Pinilit kong magsalita kahit mahirap.

“Na.sa.an si. Ray?.” Nauutal kong tanong kahit nahihirapan ako.

Tumahimik si Kagura at napayuko na lang siya habang umiiyak.

“Ok lang siya. Kaya mag-pagaling ka.” Seryosong sabi ni Rogue sa akin.

Napasulyap na lang ako sa may maliit na lamesa at nakita ko ang vase na puno ng mga puting rosas.

Napangiti ako ng makita ko iyon.

Lumipas ang isang linggo ko sa ospital at lagi lang naka-bantay sa akin si Rogue. Hindi niya ako iniiwan at natutulog siya sa tabi ko. Sa ospital na din siya naliligo.

Si Kagura naman ay umaalis para maligo at magbihis.

Nagtataka ako kung bakit wala si Ray sa tabi ko ngayon at kung bakit di niya ako dinadalaw.

Umaga na pala at tulog pa din si Rogue. Hindi ako makabangon sa higaan pero nagagawa ko ng umupo sa kama ko.

Dumilat ang mga mata ni Rogue at tumitig siya sa akin kahit na di masyadong makita ang singkit niyang mga mata.

“Good Morning Kith.” Nakangiti niyang bati sa akin.

Ngumiti na lang ako dahil nahihirapan pa din ako na magsalita kaya di ko sila maka-usap ng maayos ni Kagura.

“Kukuha lang ako ng breakfast mo.” Sabi ni Rogue habang kinukusot ang mga mata niya.

Tumayo na siya at lumabas muna saglit ng room at pagkatapos ay may dala na siyang tray na may sopas at oranges.

“Susubuan na lang kita.” Malambing na sabi sa akin ni Rogue.

Ngumanga na lang ako ng maliit at sinubuan ako ni Rogue ng sopas.

“Nasaan si Ray?.” Mahina kong tanong sa kanya.

Parang nagbago ang timpla ng mukha ni Rogue at nalungkot siya dahil sa naging tanong ko.

Huminga muna ng malalim si Rogue bago niya sagutin ang tanong ko.

“Maayos naman siya. Ayokong magsalita at dapat mo munang kausapin ang parents ni Raypaul kaya mag-pagaling ka na.” Seryoso niyang sabi sa akin.

Naguguluhan na ako sa sinabi sa akin ni Rogue at nag-aalala na ako dahil gusto kong makita si Ray.

“Ano ba ang nangyari?.” Tanong ko ulit sa kanya.

“Marami ng nagbago. 4 years ago.” Seryosong sabi ni Rogue na dahilan para manlaki ang mga mata ko.

“A.no? 4 years.?.” Di maka-paniwalang tanong ko.

Tumango si Rogue at nagsalita siya.

“Apat na taon ka ng natutulog.”

Tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi sa akin ni Rogue at nahihirapan akong paniwalaan yun.

“Critical ang lagay mo nun. Kaya na-comatose ka ng apat na taon.” Seryosong sabi niya sa akin.

Tuluyan na akong umiyak dahil sa sinabi sa akin ni Rogue at hindi ko matanggap na nawalan ako ng silbi ng apat na taon.

Niyakap ako bigla ni Rogue.

“Wag ka ng umiyak nahihirapan ako.” Sabi niya habang nakayakap sa akin.

Ayokong umiyak pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Marami sana akong nagawa sa loob ng mahabang panahon na iyon.

Naalala ko na ligtas si Ray kaya tumahan na ako dahil mabuti at hindi siya ang nasa lagay ko ngayon.

Lumipas ang ilang buwan sa ospital at nagpa-therapy ako. Para akong bata at inutil na tinuturuang maglakad.

Sobra akong nahihirapan pero kinaya ko dahil ayokong makita ni Ray na mahina ako at gusto kong maayos ang lagay ko kapag nagkita kami.

Pagkatapos kong gumaling ay inayos ko na ang sarili ko at hindi na ako kailangang alalayan ni Rogue.

Nabalitaan ko na namatay pala ang driver ng track na nakasagasa sa aming dalawa ni Ray.

Nung mga oras na yun. Naisip ko na dapat mabuhay si Ray o kung hindi naman ay dapat pareho kaming mawala dahil alam ko na hindi ko kakayanin na makita siyang patay.

Pumunta na ako sa condo ko at malinis naman ito. Siguro ay pinapalinis ito nila Kagura.

“Ok ka na ba talaga Kith?.” Nag-aalalang tanong ni Kagura.

“Oo. Salamat sa inyo.” Nakangiti kong sagot sa kanya.

“Kung kailangan mo ako ay sabihin mo lang sa akin.” Sabi ni Rogue.

Tumango na lang ako at ngumiti.

“Paano? Mauna na kami.” Sabi ni Kagura sa akin.

“Wag niyo munang sabihin kila Peter na gising na ako ha?.” Tanong ko.

“Si.ge bahala ka.” Nagtatakang sagot ni Kagura sa akin.

Niyakap ko silang dalawa at pagkatapos nun ay umalis na sila.

Naglibot ako sa bahay at nakita ko ang piano na sinira ko dati. Maayos na siya ngayon at siguro pina-ayos ito nila Rogue.

Sinubukan kong tugtugin ang piano pero nahihirapan na ako at hindi na ako kasing-galing ng dati kaya mas nalulungkot ako.

Naligo muna ako at nagbihis ng maayos na damit. Pagkatapos nun ay lumabas ako ng condo para maglibot muna sa paligid.

Napadaan ako sa kalye kung saan kami naaksidente ni Ray. Biglaan akong natakot dahil parang nakikita ko ang puting track na bumangga sa aming dalawa.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa dating cafe na kung saan nagtrabaho ako.

Binili ko ang cafe na yun last 4 years kaya ako na ang may-ari.

Papasok sana ako sa loob pero.

Nakita ko si Ray.

Napangiti ako dahil mas nag-matured ang look niya at mas lalo siyang naging gwapo.

Lalapitan ko sana siya kaso.

Nagyakapan silang dalawa ni Alexa at mukhang masaya sila.

Biglang sumikip ang dibdib ko at para akong binuhusan malamig na tubig.

Niloko ulit ako ni Ray?

Tumulo na lang bigla ang mainit na mga luha ko habang pinagmamasdan ko silang dalawa na masaya habang kumakain.

Sobrang sakit ng nakita ko.

Apat na taon. Niloko lang ako ni Ray at kahit isang beses di niya ako nagawang dalawin sa ospital.

Napatakip ang mga kamay ko sa bibig ko habang umiiyak.

Niloko niya na ako dati pero minahal ko pa rin siya at sinakripisyo ko ang buhay ko para sa kanya tapos ganito lang din pala ang mangyayari.

Sana hindi na lang ako nagising!

Sana namatay na lang ako!

Tumalikod na ako at nakayuko ako ng subukan kong humakbang at.

“Kith?. Gising ka na?.” Tanong ng isang babae sa harapan ko.

Inangat ko ang mukha ko habang umiiyak at nakita ko ang parents ni Ray sa harapan ko.

Tumingin sila kay Ray at Alexa sa loob ng cafe at pagkatapos nun ay tinitigan nila ako.

“Kith. Kailangan nating mag-usap.” Seryosong sabi ng dad ni Ray.

Pumunta kami sa condo ko at hindi ko pa din mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko kahit kasama ko sila.

“Anak. Alam kong napaka-sakit ng nakita mo pero sana makinig ka.” Sabi ng mom ni Ray.

Tumahimik lang ako at tumutulo pa din ang mga luha ko.

“Salamat at sinubukan mong iligtas ang buhay ng anak namin.” Sabi naman ng dad niya.

“Hindi ka niloko ni Ray.” Sabi ng mom niya kaya napatingin ako sa kanilang dalawa.

“Nahagip siya ng track at nagkaroon ng damage sa brain niya na dahilan kaya nagka-roon siya ng selective amnesia.” Sabi ng dad niya.

Napalunok ako sa narinig ko. May amnesiya na si Ray? Lalong nadurog ang puso ko.

“Sana ako na lang ang nagka-amnesia.” Umiiyak kong sabi.

“Wag mong sabihin yan! Mas malala ang nangyari sayo at wag mo ng saluhin ang lahat.” Seryosong sabi ng mom ni Ray.

“Marami ng nagbago sa loob ng apat na taong na-comatose ka. Kaya sana wag ka ng magpakita sa anak namin.” Sabi ng dad ni Ray.

“Po? Hindi po pwede! Mahal ko siya!.” Umiiyak kong sagot sa kanya.

“Magugulo lang ang buhay niya!.” Sigaw ng dad ni Ray.

“Ano ka ba? Muntik ng ikamatay ni Kith ang pagsagip sa anak natin tapos ganyan ka magsalita.” Naiinis na sabi ng mom ni Ray sa dad niya.

Tumahimik na lang ang dad niya at ang mom naman niya ang kuma-usap sa akin ngayon.

“Parang anak ka na din namin pero. Maayos na si Raypaul kaya lumayo ka na lang sa kanya.” Seryosong sabi ng mom niya sa akin.

Hindi ko kayang paniwalaan ang narinig ko. Nilalayo na nila sa akin ang taong mahal ko.

Napaka-walang puso. Alam naman nila kung gaano ko kamahal ang anak nila tapos ganito lang ang mangyayari sa akin ngayon.

Lumuhod ako sa harapan nila at.

“Parang-awa niyo na po. Hayaan niyong makilala ako ni Ray.” Umiiyak kong sabi habang nakaluhod.

“Ano ba! Tumayo ka diyan!.” Naiinis na sabi ng dad ni Ray.

“Wag mong gawin yan sa sarili mo! Maghanap ka na lang ng iba.” Sabi naman ng mom niya.

Hindi ako tumayo at nagpatuloy lang ako sa pagsusumamo at pag-mamakaawa sa kanila.

“Siya lang po ang mahal ko. Gagawin ko po ang lahat wag niyo lang siyang ilayo sa akin.” Umiiyak kong sabi.

“Tumayo ka diyan! Hindi mo kailangang gawin ito.” Naiiyak na sabi sa akin ng mom niya.

“Kung ganun. Hahayaan kitang lumapit sa kanya pero wag na wag mong sasabihin o ipapa-alala ang relasyon niyo dati!.” Seryosong sabi ng dad ni Ray.

“Opo. Gagawin ko po ang gusto niyo.” Umiiyak kong sagot.

“Kapag nagkamali ka. Hindi mo na siya makikita kahit kelan.” Sabi ulit ng dad niya.

Tumango lang ako at pagkatapos nun ay iniwan na ako ng parents ni Ray.

Pumayag ako sa kasunduan para lang makalapit ako uli kay Ray.

Alam ko na magiging masakit ito pero susubukan ko pa din.

Hindi lang ako makikipag-laban para sa pagmamahal ko sa kanya kundi lalaban ako para mabawi ko ang pag-asa ko na maging masaya at para mabuhay ako.

Napaka-sakit pero susubukan ko.

---

Nandito ngayon si Rogue sa condo ko at minsan dito na siya natutulog kasi gusto niya akong bantayan.

Mas gwapo si Rogue kesa kay Raypaul, mas matangkad din siya, may disiplina at kilalang-kilala niya ako kaya palagi niya akong pinoprotektahan.

Ang bait talaga ni Rogue. Sana sa kanya na lang ako nagkagusto pero kapag nangyari yun ay sigurado akong masisira ang buhay namin pareho dahil sa papa niya.

“Kith. Gusto mo ba na lumabas tayong dalawa?.” Tanong ni Rogue habang pinaglalaruan ang piano.

“Next time na lang. May iniisip kasi ako ngayon.” Sagot ko.

Tumigil na sa paglalaro ng piano si Rogue at lumapit siya sa akin.

“Iniisip mo kung paano magkaka-gusto sayo si Raypaul?.” Seryoso niyang tanong sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya.

“Alam mo kasi. Kung talagang mahal ka niya kahit makalimutan ka niya, ikaw pa rin ang mamahalin niya.” Seryoso niyang sabi.

“Paano niya ako magugustuhan ulit?.” Malungkot kong tanong.

“Uuhhmm. Ano ba ang ugali ni Raypaul?.” Tanong niya sa akin.

“Mabait. Makulit siya, possessive at napaka-seloso tapos.” Hindi pa ako tapos magsalita at siningitan na ako ni Rogue.

“Exactly! Yun yung gamitin mo.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

“Ang alin?.” Nagtataka kong tanong.

“Diba sabi mo seloso siya?.” Tanong niya din sa akin.

Tumango na lang ako at mukhang alam ko na ang iniisip niya.

“Edi pag-selosin mo siya para malaman niya ang halaga mo.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

“Tama ka. Pero paano kung.” Hindi pa ako tapos magsalita at sumingit na ulit siya.

“Gamitin mo ako! Kailangan natin maging sweet sa harapan niya.” Nakangiting sabi ni Rogue.

“Paano kung hindi umubra? Paano kung lalo lang siyang lumayo sa akin?.” Nalulungkot kong tanong.

Tumawa lang siya at...

“Gagana yun. Maniwala ka.” Tumatawa niyang sabi.

“Paano mo naman nasabi na gagana?.” Tanong ko sa kanya.

“Ikaw kasi! Masyado mong binibigay ang sarili mo sa kanya kaya kampante siya na hindi mo siya iiwan.” Seryoso niyang sabi sa akin.

Dahil sa sinabi ni Rogue. Napa-isip tuloy ako na tama siya at dapat maalala ni Ray ang lahat.

Alam ko na nag-seselos siya dati kay Rogue nung nililigawan niya pa lang ako pati nung kay Peter kaya sana gumana ang plano namin.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: You Light My Fire (Part 15B)
You Light My Fire (Part 15B)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s1600/You+Light+My+Fire.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s72-c/You+Light+My+Fire.png
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/12/you-light-my-fire-part-15bb.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/12/you-light-my-fire-part-15bb.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content