$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

You Light My Fire (Part 16A)

By: Lord Iris And nakaka 16 parts na pala tayo. There are 2 more parts and tapos na. Sana po mapublish dito ang finale sa January 1 kasi...

You Light My Fire

By: Lord Iris

And nakaka 16 parts na pala tayo. There are 2 more parts and tapos na. Sana po mapublish dito ang finale sa January 1 kasi first anniversary ko iyon as a writer. I started writing this story at exactly 12:00 in the midnight. Thanks for all the supports.

Raypaul POV

Kakatapos lang ng mga klase namin sa school at medyo busy kami kasi malapit na ang graduation kaya napag-isipan naming magkakaibigan na gumawa ng mga memories at mag-bonding kahit busy.

Ewan ko ba kung bakit pero parang may galit ang mga kaibigan ko kay Alexa. Lahat sila parang ayaw kay Alexa kaya tuwing sasama ako sa mga kaibigan ko eh hindi nagpapakita si Alexa sa amin.

Naka-tayo lang kami dito sa hallway ng school at naka-upo naman sa tabi si Vincent at Dennis.

“Sino ba ang hinihintay natin?.” Tanong ko sa kanila.

“Mag-hintay ka lang! Makikita mo din naman mamaya.” Seryosong sabi sa akin ni Rogue.

Parang may galit sa akin si Rogue. Ni minsan di siya ngumiti kapag kausap ko siya at parang ayaw niya sa akin at hindi ko alam kung bakit.

4 years ago. Pinakilala siya sa akin ni James kasama yung pinsan niya na si Kagura kasi bago daw silang tropa pero mukhang ayaw nila sa akin.

“Antagal naman! Aalis na lang ako.” Naiinip na sabi ni Peter.

Tumawa ng malakas si Kagura kaya napa-tingin kaming lahat sa kanya.

“Sige. Kapag umalis ka, pagsisisihan mo ang ginawa mo.” Tumatawang sabi ni Kagura kay Peter.

“Sino ba kasi yung hinihintay natin?.” Tanong naman ni Dennis.

“Secret nga! Maghintay kayo!.” Naiinis na sabi ni Kagura.

“Any clues? Jusko! Kanina pa tayo naghihintay dito.” Sabi naman ni Vincent.

“Well. Freshmen siya. At baka magtatalon pa kayo kapag nakita niyo siya mamaya.” Sabi ni Kagura at ngumiti siya na parang may ibig sabihin.

“Freshmen? Eh wala naman tayong kakilala na 1st year college.” Nagdududang sabi ni James.

Sino kaya yung hinihintay namin?

Kanina pa kami nag-iintay dito sa hallway at lagpas isang oras na pero wala pa din yung taong yun.

“Kagura? Rogue? Matagal pa ba?.” Tanong ni Peter at mukhang naiinip na talaga siya.

“Oh! Nandiyan na pala siya.” Sabi ni Kagura at nakatingin siya sa may hagdanan.

Tumingin kaming lahat sa hagdanan kaya nakita ko na kung sino ang hinhintay namin.

Yung PA ko?

Kakilala ba siya nila Kagura dati?

Parang nagulat sila James at parang maluha-luha ang mga mata ni Peter nung nakita niya si Kith.

“This can't be real.” Di maka-paniwalang sabi ni James.

“Oh God! Panaginip ba ito?.” Naiiyak na sabi ni Peter.

Tumakbo si Peter papunta sa hagdanan at bigla niyang niyakap si Kith ng sobrang higpit tapos umiyak na talaga siya kaya nagtataka ako.

“Kith! Miss na miss na kita! Bakit ngayon ka lang nagpakita kelan ka pa nagisi.” Umiiyak na sabi ni Peter pero tinakpan ni Kith yung bibig niya.

Niyakap ni Kith si Peter at nakangiti lang siya tapos iyak ng iyak si Peter habang magkayakap silang dalawa.

Tumakbo naman sila James papunta kay Kith at niyakap nilang lahat si Kith. Na-iiyak na din sila James at parang matagal na nilang kilala si Kith kaya nagtataka ako.

Matagal silang nagyakapan lahat at parang na miss nila si Kith kaya di ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon.

“Kelan pa? Bakit di ka nagpapakita sa amin?.” Naiiyak na tanong ni Dennis kay Kith.

“Last 2 months na. Syempre nagpalakas muna ako bago ako magpakita sa inyo.” Nakangiting sabi ni Kith sa kanila.

“Miss na miss ka na namin.” Umiiyak na sabi ni Peter.

“Miss ko na din kayo.” Sabi ni Kith at parang maiiyak na din siya.

“Tama na ang drama!.” Natatawang sabi ni Kagura kila James.

“Bakit di ba kayo nagdramahan nung nakita niyo si Kith?.” Tanong ni Peter habang nagpupunas ng luha.

“Syempre nauna na kami.” Natatawang sabi ni Kagura.

“Andaya niyo naman!.” Sabi ni James.

“Na-miss din kita.” Sabi ni Rogue at lumapit siya kay Kith habang nakangiti.

Ngayon ko lang nakita na ngumiti si Rogue at dahil yun sa PA ko.

“Para namang hindi tayo magkasama kahapon.” Natatawang sabi ni Kith kay Rogue.

Niyakap ni Rogue si Kith at parang sobrang close nila tapos tumingin sa akin si Rogue at ngumiti siya na parang may ibig sabihin.

Antagal nilang magkayakap tapos.

“Hoy! Tama na yan!.” Sigaw ni Kagura kay Rogue at Kith.

Kumalas na sa pagkakayakap si Kith kay Rogue at bigla na lang.

Hinalikan ni Rogue si Kith ng mabilis sa pisngi kaya nagulat ako pero parang wala lang sa kanila.

Bakit niya hinalikan si Kith sa pisngi?

Parang naiinis ako bigla sa ginawa ni Rogue kay Kith tapos nakangiti lang si Kith at parang masaya pa siya.

“Uuhhmm Kith. Ipapakilala ba kita sa pinsan ko?.” Tanong ni James.

Ngumiti lang si Kith at tumingin siya sa akin.

“Kilala na niya ako. Kasi ako ang PA niya ngayon.” Nakangiting sabi ni Kith habang nakatitig sa akin.

“Huh? PA? Kelan pa?.” Nagtatakang tanong ni Peter.

“Basta! Mahabang kwento yun.” Natatawang sabi ni Kith.

“Punta na nga tayo sa cafe.” Sabi naman ni Kagura.

Naglakad na kami papunta sa cafe at parang ang saya saya ng mga kaibigan ko dahil nakita nila yung PA ko.

Napatingin na lang ako kay Kith habang naglalakad at puta!

Magka-holding hands sila ni Rogue! Bakit sila magka-holding hands? Si Rogue ba yung sinasabi ni Kith na nagmamay-ari sa puso niya?

Pagpasok namin sa cafe ay parang kilala si Kith ng mga staff doon tapos umupo na kami sa isang table.

Kumuha na kami ng mga order namin. At nag-simula na ang mga usapan namin.

“Kith. Treat na kita.” Malambing na sabi ni Rogue kay Kith at ngayon ko lang narinig si Rogue na ganun.

Bakit ang lambing niya kay Kith?

Aaaaaarrrggghhh!!! Bwisit!

Bakit naiinis ako kapag nakikita ko silang dalawa na masaya at bakit ang lambing nila sa isa't-isa?

Hindi pwede to! Akin lang ang PA ko!

“Uuhhmm. Ako na ang manlilibre kay Kith kasi PA ko siya.” Seryoso kong sabi sa kanila.

Napangiti si Kith ng sabihin ko yun at parang nag-iinit na naman ang mukha ko.

Humahagikhik sila James at parang nagpipigil sila ng tawa dahil sa sinabi ko at ang weird na naman ng ginagawa nila.

“Nauna akong mag-alok kaya ako na ang manlilibre kay Kith.” Seryosong sabi ni Rogue sa akin.

“Edi tanungin natin si Kith.” Naiinis kong sabi kay Rogue.

Tumingin kaming dalawa kay Kith at naka-ngiti lang siya sa amin pero antagal niyang sumagot.

Bigla na lang kumanta si James.

“Sinong pipiliin ko?. Mahal ko o mahal ako?.” Kanta ni James.

Bigla silang nagtawanan sa kanta ni James at naguguluhan na naman ako sa ginagawa nila. Tawa sila ng tawa.

Mahal ko o mahal ako? Bakit yun yung kanta ni James? May something ba na di ko alam? Baka naman joke lang niya yun.

Tumingin ako kay Rogue at seryoso lang siya habang nakatingin kay Kith.

“Sige na Kith. Piliin mo yung mahal mo.” Tumatawang sabi ni James.

“Wag! Piliin mo yung mahal ka.” Sabi naman ni Kagura at natatawa din.

“Ako nalang ang piliin mo!.” Sigaw ni Peter at nagtawanan ulit sila.

Natawa din si Kith sa sinabi ni Peter at hindi ko alam kung bakit.

“Wag na lang.” Sabi ni Kith.

“Anong wag na lang? Pumili ka sa aming dalawa!.” Naiinis na sabi ni Rogue kay Kith.

“May pera naman ako.” Nakangiting sabi ni Kith.

“Hindi pwede! PA kita at sayang yung sweldo mo kaya ako na ang manlilibre sayo.” Naiinis kong sabi.

“Mayaman yan. Di mo kailangang ilibre yan.” Sabi ni Vincent.

Nagtawanan na naman silang lahat.

“Ano bayan. Antagal naman pumili. Sino ba kasi? Yung mahal mo o yung mahal ka?.” Natatawang sabi ni James kay Kith.

Nagtawanan na naman silang lahat dahil sa sinabi ni James.

“Pumili ka na!.” Sigaw ni Rogue na parang galit tapos ngumiti lang si Kith sa kanya.

Naiinis na din ako kasi di pa pumipili si Kith sa aming dalawa.

“Si Rogue na lang.” Sagot ni Kith.

Biglang ngumiti si Rogue at nag-thank you pa siya kay Kith.

“Ok tama yan. Piliin mo yung mahal ka talaga.” Natatawang sabi ni Kagura kay Kith.

Nagtawanan na lang sila ulit.

Parang nainis ako bigla!

Bakit hindi ako ang pinili niya?

Nakaka-inis! Letse! May relasyon ba sila nung Rogue na yun?

Ay ano bayan! Bakit ako naiinis eh hindi naman big deal yun pero kasi. Nakaka-inis talaga!

“Kith. Dun muna ako sa restroom.” Nakangiting sabi ni Rogue kay Kith.

Tumango lang si Kith at pumunta na sa restroom si Rogue kaya magkaharap kami ngayon ni Kith sa table at naiinis ako.

Gusto ko siyang tanungin. Nakangiti si Kith sa akin at parang nahihiya na naman ako bigla.

“Ehem! Kith? Bakit close kayo ni Rogue?.” Tanong ko kay Kith.

Tumahimik din bigla yung mga kaibigan ko at napatitig sila sa amin tapos parang seryoso silang lahat.

“Kasi. Parang baby brother ko na siya at close kami simula pagka-bata.” Nakangiting sabi ni Kith sa akin.

“May relasyon ba kayo? Siya ba yung lalaking sinasabi mo?.” Seryoso kong tanong sa kanya.

Hindi muna siya sumagot at parang seryoso na ang mga kaibigan ko na nakatitig sa aming dalawa.

“Hindi. Close lang talaga kami.” Seryosong sagot ni Kith sa akin.

Parang naka-hinga ako ng maluwag nung sabihin niya na hindi pala si Rogue yung lalaking mahal niya.

Bakit naiinis ako kapag naghaharutan silang dalawa?

“Pwede rin ba na maging close tayo?.” Tanong ko kay Kith at hindi ko alam kung bakit yun yung natanong ko.

Napangiti bigla si Kith at parang maiiyak siya pero hindi naman.

“Syempre! Ikaw ang bahala.” Sabi ni Kith sa akin.

“Ako na ba ang bestfriend mo?.” Tanong ko ulit sa kanya at napangiti na lang ako.

Tumango lang sa akin ai Kith at ngumiti na lang siya.

“Ehem! Ehem!.”

Tumingin kami sa gilid at si Rogue pala yung nandun.

Umupo na ulit si Rogue sa tabi ni Kith at bigla niyang inakbayan si Kith.

Naiinis na naman ako!

Nakangiti lang si Kith at nagtitigan silang dalawa ni Rogue.

Bakit parang may something sa mga kilos nilang dalawa? Sabi ni Kith wala daw silang relasyon pero ang lambing nila sa isa't-isa.

Kumain na lang kami at nag-uusap lang sila tungkol kay Kith pero tahimik lang ako sa tabi habang tinitingnan ko ang kalambingan ni Rogue at Kith sa harapan ko.

Tahimik lang ako at sinasaksak ko ng tinidor ang cake ko at nanggigigil na ako sa ginagawa ko.

“Kith. Date tayo bukas.” Sabi ni Rogue kay Kith sa malambing na tono.

Parang nag-pantig ang tenga ko dahil sa sinabi ni Rogue at nag-init na bigla ang ulo ko.

Bago pa sumagot si Kith inunahan ko na siya.

“Hindi pwede! Aalis kaming dalawa.” Naiinis kong sabi kay Rogue.

“Huh? Saan naman po tayo pupunta?.” Nagtatakang tanong ni Kith sa akin.

“May date tayo bukas kaya di ka pwedeng sumama kay Rogue.” Seryoso kong sabi sa kanya.

“Date? Saan mo naman siya dadalhin aber?.” Naiinis na tanong ni Rogue

“Oo! Bestfriend's date at secret na lang namin yun ni Kith.” Sagot ko.

Ngumiti na naman si Kith at parang sobrang saya niya dahil sa sinabi ko.

Pero hindi ko alam kung bakit nasabi ko na lang bigla na may date kami. Saan ko naman siya dadalhin?

Ay naku! Mag-iisip na lang ako dahil hindi sila pwedeng mag-date ni Rogue kasi akin lang ang PA ko!

Kumain na lang kami at umuwi na pagkatapos namin sa cafe.

Magkasamang umuwi si Rogue at Kith habang magka-holding hands kaya naiinis na naman ako pero atleast masosolo ko si Kith bukas.

Kith POV

Sobrang saya ko talaga ng sabihin sa akin ni Ray na aalis daw kaming dalawa ngayon. Hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin pero masaya pa din ako kasi makakasama ko siya ngayong araw.

Bakit kaya niya ako inayang umalis?

Nag-selos kaya siya kay Rogue?

Ayokong gamitin si Rogue para pag-selosin si Ray pero kung yun lang ang paraan ay gagawin ko para lang magustuhan niya ako ulit.

Paano ba magka-kagusto ulit sa akin si Ray at paano ba niya ako mamahalin ulit?

Hindi ko talaga alam kung paano kasi sabi niya sa akin dati. Hindi rin daw niya alam kung paano siya nag-kagusto sa akin at siya ang nanligaw sa akin kaya di ko alam ang gagawin.

Lagi akong nagdadasal na sana maalala ako ni Ray o di kaya naman mahalin niya ako sa pangalawang pagkakataon.

Hindi na ako mapakali kaya kinuha ko ang phone ko para i-text si Ray.

Tinanong ko sa text kung saan at anong oras kami magkikita.

Naghintay ako ng limang minuto pero wala siyang reply.

Tawagan ko kaya siya?

Hindi. Mamaya na lang kasi baka natutulog pa ngayon si Ray.

Naiinip na ako ng konti kasi 30 minutes na ang lumipas pero wala pa din siyang reply maski isa man lang.

Ok. Tatawagan ko na lang siya.

Kinuha ko na ang phone ko at hinanap ang number niya at tumawag na ako. Nag-ring yung phone niya pero walang sumasagot.

Antagal ng ring at sinagot din niya.

“Good Morning Ray.” Sabi ko.

“Uuhhmm. Good morning.” Sagot niya na parang tinatamad.

Hala! Baka mamaya tulog pa siya tapos na-istorbo ko.

“Sorry kung na-istorbo kita.” Mahina kong sabi sa kanya.

“Hindi. Kaka-gising ko lang talaga at nabasa ko yung text mo.” Sagot niya sa kabilang linya.

Natahimik na lang ako at hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya kasi parang wala naman siyang gana na makipag-usap sa akin.

“Bakit ka nga pala tumawag?.” Tanong niya sa akin.

“Hhmm. Itatanong ko lang sana kung tuloy ba tayo mamaya.” Mahina kong sagot sa kanya.

“Ay! Oo nga!.” Malakas niyang sabi.

Mukhang nakalimutan na niya yung sinabi niya kahapon na aalis kaming dalawa kaya nalungkot ako.

“Ok lang naman kung busy ka.” Sagot ko sa kanya.

“Tuloy tayo. I-text ko na lang kung saan tayo magkikita at kung anong oras mamaya.” Sagot niya at parang natataranta na siya.

“Sige thanks. Hihintayin kita kahit anong oras ka dumating.” Malungkot kong sagot sa kanya at binaba ko na ang usapan namin sa phone.

Mukhang nakalimutan niya talaga at napilitan na lang siya.

Hhhaaayyy. Hindi na talaga ako importante sa kanya kasi kinakalimutan na niya ako ngayon.

Hindi ko maiwasan na bumigat ang pakiramdam pero kailangan kong maging masaya kasi magkikita kaming dalawa mamaya.

Raypaul POV

Jusko! Nakalimutan ko na nangako pala ako kay Kith na aalis kaming dalawa ngayon.

Kaka-gising ko lang at nakakahiya naman doon sa tao. Tinatamad ako pero ayoko naman na silang dalawa ni Rogue ang magkasama.

“Uuhmmm. Raypaul sinong kausap mo kanina?.” Sabi ni Alexa at mukhang kakagising lang niya.

“Yung PA ko.” Sagot ko sa kanya.

“May lakad ba kayo?.” Tanong niya at parang naka-busangot ang mukha.

“Oo. Mamaya pa naman.” Sagot ko ulit sa kanya.

“Hindi pwede! Samahan mo ako sa mall at magsa-shoping ako.” Sabi ni Alexa at parang galit siya.

“Pero nangako ako doon sa.” Hindi pa ako tapos at nagsalita na siya.

“Sige. Wag na lang kasi mas importante naman sayo yung PA mo kesa sa akin.” Sabi niya at parang galit na naman siya.

“Hala hindi! Mas importante ka siyempre. Ikaw na lang ang sasamahan ko ngayon.” Malambing kong sabi sa kanya.

Ngumiti na si Alexa at parang good mood na ulit siya dahil sa sinabi ko sa kanya.

“Basta. Hindi tayo gagabihin ha?.” Tanong ko sa kanya.

Tumango lang sa akin si Alexa tapos ngumiti siya ng nakaka-loko at hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.

Naligo muna si Alexa at kinuha ko ang phone ko para tawagan si Kith.

Nag-ring ang phone at mabilis naman niya itong sinagot.

“Uhhmmm Kith.” Alanganin kong sabi sa kanya.

“Bakit tumawag ka ulit? May problema ba Ray?.” Nag-aalala niyang sabi sa akin.

“Wala naman. Busy kasi ako kaya kung ok lang sayo.” Di pa ako tapos magsalita pero naunahan niya ako.

“Sige. Naiintindihan ko naman kaya ok lang sa akin kung cancelled.” Sabi niya at parang malungkot ang boses niya ngayon.

Hala! Baka mamaya umasa siya tapos hindi ko naman tinupad kaya nalulungkot siya.

Anong gagawin ko ngayon?

Alam ko na kung ano!

“Hindi. Naisip ko na mag-dinner na lang tayong dalawa mamaya.” Alanganin kong sabi sa kanya.

Tama! Mukhang hindi naman aabutin ng gabi ang lakad namin ni Alexa kaya mabuting mag-dinner na lang kami ni Kith.

“Talaga? Sige ayos yun. Anong oras naman tayo magkikita?.” Tanong niya sa akin at parang sumigla siya.

“Mga. 5:00 ng hapon doon sa park.” Sagot ko sa kanya.

“Sige! Hihintayin na lang kita.” Sagot niya sa kabilang linya.

Natapos na din ang usapan namin at nakahinga na ako ng maluwag kasi hindi ko naman nasira ang pangako ko sa kanya.

“Ray! Maligo ka na din at aalis na tayo mamaya.” Sigaw ni Alexa at pumasok na ako sa banyo.

Sabay kaming naligo at siyempre may nangyari na naman sa aming kababalaghan sa loob ng cr.

Ang hot kasi talaga ng girlfriend ko kaya di ko din mapigilan ang sarili ko minsan kaso.

Pagkatapos na may mangyari sa amin ay parang may kakaiba akong nararamdaman na parang hindi namin dapat ginagawa yun.

Pagkatapos naming mag-bihis ay pumunta na kami sa mall at nagsimula ng mag-shopping.

As usual ako ang taga-buhat ng mga pinamili ng girlfriend ko pero ok lang naman kasi masaya naman siya.

Nag-lunch na din kami sa mall at mukhang pagod na si Alexa pero ayaw pa niyang umuwi.

“Raypaul doon naman tayo sa skating rink pumunta.” Masayang sabi sa akin ni Alexa.

Iniwan ko muna sa baggage counter ang mga pinamili ni Alexa at pagkatapos nun ay masaya kaming nag-skate sa yelo.

Tumingin ako sa wrist watch ko at 2:30 pa lang naman ng hapon kaya marami pang oras.

Pagkatapos naming mag-skate ay niyaya naman ako ni Alexa na manood ng sine. Mahirap tumanggi kay Alexa kasi nagagalit siya.

Nanood kami sa sine at nung natapos na ay nagyaya na ako na umuwi kami at mabuti naman pumayag na siya.

Naglakad kami sa mall at napadaan kami sa isang bookstore at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang magazine.

Tumakbo ako papunta sa loob ng bookstore para makita yung magazine.

“Raypaul! Waaaait.” Sigaw ni Alexa at hinabol niya ako.

Pagkapasok ko sa bookstore ay hinablot ko ang magazine at nabigla ako dahil totoo nga. Si Kith ang cover ng magazine na ito at hindi ako pwedeng magkamali.

“Raypaul. Ano bayan?.” Tanong ni Alexa at napatingin din siya sa magazine.

Nanlaki din ang mga mata niya at tumitig ako ng mabuti sa magazine.

Grabe ang picture ni Kith dito. Ang hot ng look niya. Fierce tapos lalong lumitaw ang tanned skin niya dahil sa brown eyes niya.

Parang nakahiga si Kith sa spades at marami pang mga baraha tapos may kagat siyang casino chips kaya sobrang hot ng cover niya.

“Grabe. Paano naging cover ng magazine si Kith?.” Namamangha kong tanong kay Alexa.

“E.wan.” Nauutal niyang sabi.

Binasa ko ang magazine at may mga nakalagay doon.

The comeback of the youngest millionare in Asia.

The richest million dollar baby.

The Lord of Casinos.

“Hmmm. Alexa anong ibig sabihin nitong nakasulat?.” Nagtataka kong tanong sa kanya.

Hindi siya sumagot at nakatitig lang ako sa magazine.

Si Kith Castillo. Could it be? Siya kaya ang may-ari ng Castillo Royalty Casino? Pero bakit siya mag-aaply na PA ko kung mas mayaman pala siya kesa sa family ko?

Naguguluhan ako pero ang hot talaga ng picture niya sa magazine.

“Sana ako na lang yung casino chips na kagat niya.” Sabi ng isang babae na katabi namin ni Alexa at nakatitig din sa magazine.

“Ano? Bilhin mo na para makauwi na tayong dalawa.” Naiinis na sabi sa akin ni Alexa.

Binili ko nga ang magazine pero marami pa ding tanong sa isipan ko at alam ko na si Kith lang ang makakasagot nun.

Naka-balik na kami ngayon sa apartment ko kaya nakahinga na ako ng maluwag kasi 4:30 pa lang.

“Hhmm. Alexa may lakad ako.” Mahina kong sabi sa kanya.

Parang nagbago ang timpla ng mukha ni Alexa nung sabihin ko iyon at baka mamaya magalit na naman siya.

“Kasama mo yung PA mo diba?.” Seryoso niyang sabi sa akin.

Tumango ako sa kanya at alanganin akong tumitig kasi parang nagbabago na naman ang mood niya.

“Mamaya ka na lang umalis.” Malungkot niyang sabi sa akin.

“Pero may usapan kami.” Mahina kong sagot sa kanya.

Lumapit sa akin si Alexa at hinalikan niya ako bigla sa labi kaya natahimik ako at hinubad na niya ang damit ko.

Nagsimula na namang may mangyari sa aming dalawa.

Kith POV

Nagbihis na ako ng maayos na damit at exited na ako sa dinner namin ngayon ni Ray.

Maaga pa naman pero pumunta na ako sa park para hintayin si Ray.

Malabo ang mga ulap at parang uulan ng malakas ngayon.

Umupo ako sa bench at napangiti ako habang pinapanood ang mga batang naglalaro doon.

Lumipas ang sandali at medyo dumidilim na ang langit pero wala pa din si Ray.

Umuwi na din ang mga bata at ako na lang ang tao sa park.

Tinawagan ko na siya pero hindi ko siya ma-contact.

Lowbat na siguro siya.

Baka busy lang talaga siya ngayon.

Naghintay ako ng magdamag at umaambon na pero hindi ako umalis sa bench at hinihintay ko lang na dumating si Ray.

Pinanghahawakan ko ang mga sinabi niya na pupunta siya kaya kahit matagal. Maghihintay ako.

Dinner naman. Kaya anytime ay alam kong dadating siya.

Inaabangan ko lang ang text niya o di kaya tawag sa phone ko pero wala.

Lumalim na ang gabi. Madilim na at nagsimula ng pumatak ang malalaking buhos ng ulan pero hindi ako umalis sa bench at kahit anong mangyari ay maghihintay ako.

Lowbat na ang phone ko. At nakatulala na lang ako habang basang-basa na ng malakas na buhos ng ulan ang katawan ko.

Dati ako ang priority niya sa buhay.

Naalala ko kung gaano kami kasaya dati ni Ray at hanggang ngayon ayokong bumitaw sa pagmamahal na naranasan ko sa kanya.

Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng mainit na luha sa mga mata ko kahit na basang-basa na ako dahil sa malakas na ulan.

Kasabay ng malamig na buhos ng ulan ang mainit na mga luha ko.

Madilim na ang paligid at masama na ang panahon pero wala akong balak umalis kahit na lalong tumitindi ang lungkot na nararamdaman ko.

Habang bumubuhos ang ulan ay lalong bumibigat ang pakiramdam ko at nangu-ngulila na naman ako.

Sobrang sakit.

Kailangan ko ng tanggapin ang katotohanan na hindi na talaga ako mahal ni Ray. Na wala na talaga akong halaga sa buhay niya.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: You Light My Fire (Part 16A)
You Light My Fire (Part 16A)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s1600/You+Light+My+Fire.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhlQDOIprIZ80fds3SLDmYbFsEcz6DeNfZxzshT87S5o8LMTa-DE4xmC0CR18yOpMEk2ZxNB8rn9OTpUGCjfjR4rFoSuU71U4dyM2R2JmOjrWGfcRakRBGQGyGFP41m6vxFi0zNa_UTMAZd/s72-c/You+Light+My+Fire.png
Mencircle
https://www.mencircle.com/2016/12/you-light-my-fire-part-16a.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2016/12/you-light-my-fire-part-16a.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content